519. Sa Tekoah.

Oktubre 31, 1946.

Ang likuran ng bahay ni Simon ng Tekoah ay sa katunayan isang liwasan na nalagyan ng hangganan sa pamamagitan ng dalawang kahabaan ng korteng U na gusali. Tinatawag ko itong liwasan sapagkat sa araw ng mga palengke, katulad ng isang aking pinagmamasdan, binubuksan nila ang tatlong bahagi ng malakas na tarangkahan na naghihiwalay dito mula sa isang mas malaking liwasan ng publiko, at maraming nagtitinda ang sinakop sa pamamagitan ng kanilang mga kubol ang mga balkonahe na nasa tatlong tabi ng bahay. Naintindihan ko na ngayon ang pinansiyal... na gamit, sapagkat si Simon, bilang isang magaling na Hudyo, ay dumaraan kinokolekta ang mga bayad sa mga lugar na inuukupahan. At hila-hila niya ang matandang lalaki, na ngayon ay nakasuot na ng disenteng damit, at pinakikilala niya siya sa lahat nagsasabing: «Magmula ngayon magbabayad kayo ng halagang napagkasunduan sa kanya.» Pagkatapos na makumpleto ang ikot sa mga balkonahe, sinabi niya kay Elianna: «Iyan ang iyong trabaho. Dito, at sa loob, kasama ang otel at ang mga establero. Ito ay hindi mahirap o mabigat ngunit pinapakita nito sa iyo kung gaano kita pinahahalagahan. Pinaalis ko, isa-isa, ang tatlong mga lalaki na tumutulong sa akin, sapagkat sila ay hindi matapat. Ngunit gusto kita. At pagkatapos, dinala ka Niya sa akin. At ang Guro ay kilala ang mga puso. Tayo ay pumunta sa Kanya at sabihin sa Kanya na kung gusto Niya, ito ang tamang oras upang magsalita.» At siya ay umalis sinusundan ng matandang lalaki...

Ang liwasan ay nagiging mas na mas pang nagsisiksikan at ang ingay ay lumalakas nang lalu’t lalo pa. May mga babaeng namimili, mga mangangalakal ng baka, mga bumibili ng mga baka para sa pag-aararo at iba pang mga hayop, mga magbubukid na namamaluktot sa ilalim ng bigat ng mga basket ng prutas at pinupuri ang kanilang mga paninda, mga nagtitinda ng mga kutsilyo kasama ang lahat ng kanilang matatalas na mga kagamitan mabuting nakalantad sa ibabaw ng mga banig, gumagawa ng malaking kaguluhan ginagamit ang mga palakol sa mga tuod na kahoy upang ipakita ang katigasan ng metal, o pinupukpok ang mga karit na nakalagay sa ibabaw ng maliliit na mesa upang ipakita ang perpektong katigasan ng talim, o binubuhat ang mga talim ng araro sa pamamagitan ng dalawang kamay at ibinabaon ang mga ito sa lupa, na bumubuka na tila ito ay nasugatan, upang magbigay ng katibayan tungkol sa kalusugan ng talim na walang lupa ang makapagpipigil, at mga tagagawa ng mga tansong kagamitan na may mga amphora at mga balde, mga kawali at mga lampara, hinahampas ang matunog na metal hanggang sa punto na mabibingi ang mga tao, upang ipakita sa kanila na ito ay solido, o sumisigaw sa tuktok ng kanilang mga tinig nag-aalok ng mga lampara na may isa o dalawang apoy para sa parating na kapistahan sa Chislev; at higit sa lahat ang kaingayan, na nakababagot at nakabibingi katulad ng hinaing ng panggabing kuwago, ay nariyan ang sigaw ng mga pulubi na nakakalat sa mahahalagang lugar ng palengke.

Si Jesus ay dumating galing sa bahay kasama si Pedro at si Santiago ni Zebedeo. Hindi ko nakikita ang iba. Ngunit sa palagay ko maaaring nag-iikot sila sa bayan ibinabalita ang Guro, sapagkat nakikita ko na ang mga pulutong ay nakikilala Siya kaagad at maraming tao ang dumarating, habang ang sigawan at ang ingay ay namamatay. Nagawa ni Jesus na maipamigay ang mga limos sa ilang mga pulubi at Siya ay tumitigil upang batiin ang dalawang lalaki na, sinusundan ng kanilang mga katulong, ay papaalis na sana sa palengke pagkatapos na makapamilí. Ngunit sila ay tumigil din upang pakinggan ang Guro. At si Jesus ay nagsimulang magsalita, kinukuha ang Kanyang nakikita bilang isang panimulang punto:

«Ang lahat sa tamang panahon, ang lahat sa tamang lugar. Hindi kayo gumagawa ng mga palengke sa araw ng Sabbath, ni hindi rin kayo gumagawa ng pangangalakal sa loob ng sinagoga, o nagtatrabaho kayo sa gabi, bagkus sa araw lamang. Ang mga makasalanan lamang ang nangangalakal sa araw ng Panginoon, o nilalapastangan ang mga lugar na nakatalaga sa pananalangin sa pamamagitan ng komersiyo ng tao, o magtatago sa gabi gumagawa ng mga pagnanakaw at mga krimen. Gayon din: ang mga nangangalakal nang tapat, ay inaabala ang kanilang mga sarili upang maipakita ang mabuting kalidad ng kanilang mga paninda sa kanilang mga suki at ang mga bumibili ay masaya sa kanilang magandang pamimilí. Ngunit kung, halimbawa, ang isang tindero ay nagtagumpay sa panloloko sa isang suki nang may katusuhan na gawa, at ang nabili ay lumabas na hindi maganda, mababa ang kalidad sa presyong ibinayad, ang bumili ba ay hindi gagawa ng mga kaukulang hakbang, mula sa pinakamaliit na hakbang na pagtigil sa pagbili mula sa tinderong iyon hanggang sa pinakamalaking hakbang na pumunta sa isang hukom upang makuha ang kanyang ibinayad na pera? Iyan ang mangyayari at iyan ay makatarungan. Gayunman hindi natin nakikita ang mga tao na nalulungkot sa Israel gawa ng mga nagbebenta ng mga bulok na paninda nagsasabing ito ay maganda at gawa ng paninira sa Kanya Na siyang nagbibigay ng magagandang paninda, bilang ang Makatarungan na Isa ng Panginoon? Oo, nakikita nating lahat iyan.

Kagabi marami sa inyo ang pumunta upang magsalita tungkol sa masasamang pamamaraan ng masasamang tindero at sinabi Ko: ”Hayaan lang sila. Maging matatag sa inyong mga puso at ang Diyos ay maglalaan”. Ang mga nagtitinda ng mga bagay na hindi maganda, sino ang kanilang sinasaktan? Kayo? Ako? Hindi. Ang Diyos Mismo. Siya na niloloko ay hindi mas makasalanan pa kaysa sa nanloloko. Ang kasalanan ay hindi masyado laban sa tao, katulad na ito ay masyado laban sa Diyos, sa pagsisikap na magbenta ng mga bagay na hindi maganda, upang ang mga gustong bumili ay hindi makapunta sa magagandang bagay. Hindi Ko sinasabi: tumutol, ipaghiganti ang inyong mga sarili. Ang ganyang mga salita ay hindi maaaring manggaling sa Akin. Sinasabi Ko lamang: pakinggan ang totoong tunog ng mga salita, tingnan ang mga kilos ng mga nagsasalita sa inyo, tingnan ito nang mabuti, sa loob ng dakilang liwanag, tikman ang unang inumin o subo na inaalok sa inyo, at kung naglalasa itong maasim, at kung ang kinikilos ng ibang mga tao ay masama, kung ang lasang naiwan sa inyong mga puso ay nakakabalisa, tanggihan ang inaalok sa inyo bilang isang bagay na hindi mabuti. Ang karunungan, katarungan, karidad ay hindi kailanman maasim, nakakabalisa o mahilig gumalaw sa dilim.

Alam Ko na nauna sa Akin ang ilan sa Aking mga disipulo at iiwanan Ko sa inyo ang dalawa ng Aking mga apostol; mahigit pa rito, kagabi sa pamamagitan ng mga gawa kaysa ng mga salita, pinatunayan Ko kung saan Ako nanggaling at kung ano ang Aking misyon. Walang mahabang talumpati ang kinakailangan upang makuha kayo sa Aking daan. Magnilay at manabik na manatili diyan. Gayahin ang mga nagtatag ng bayan na ito sa mga hangganan ng tigang na disyerto.  Isipin na sa labas ng Aking doktrina ay nariyan ang katigangan ng disyerto, habang sa loob ng Aking doktrina ay nariyan ang mga pinanggagalingan ng Buhay. At anuman ang maaaring mangyari, huwag mabalisa o maiskandalo. Alalahanin ang mga salita ng Panginoon sa aklat ni Isaiah. Ang Aking kamay ay hindi kailanman magiging napakaikli o napakaliit upang makagawa ng mabuti sa mga sumusunod sa Aking mga daan, ni walang kahit na ano ang makapagpipigil sa kamay ng Kataastaasan na humampas sa mga nananakit o nagpapamighati sa Akin, subalit Ako ay naparito at napakakaunti ang Aking natagpuan  na gustong tumanggap sa Akin, tumawag Ako at kakaunti ang tumugon sa Akin. Sapagkat, katulad na siya na nagpaparangal sa Akin ay nagpaparangal sa Ama Na nagpadala sa Akin, kung kaya't siya na namumuhi sa Akin ay namumuhi sa Kanya Na nagpadala sa Akin. At ayon sa batas ng pagganti, siya na nagkakaila sa Akin ay ikakaila.

Ngunit kayo na tumanggap sa Aking salita, ay hindi kailangan na katakutan ang pag-aabuso ng mga tao o manginig dahil sa matinding karahasan na ginawa muna sa Akin, at pagkatapos sa inyo, dahil minamahal ninyo Ako. Bagama't Ako ay lumalabas na inuusig at lalabas na tila nahahampas, pagiginhawahan at poprotektahan Ko kayo. Huwag matakot, huwag katakutan ang tao, na isang mortal, ganyan siya ngayon at bukas siya ay bagkus isang alaala at alikabok. Bagkus katakutan ang Panginoon, katakutan Siya nang may banal na pagmamahal, nang hindi natatakot, bagkus katakutan ang pagiging walang nalalaman kung papaano Siya mamahalin nang proporsiyonado sa Kanyang walang-hangganang pagmamahal. Hindi Ko sasabihin sa inyo: gawin ito o iyon. Nalalaman ninyo kung ano ang dapat na gawin. Sinasabi Ko sa inyo: magmahal. Mahalin ang Diyos at ang Kanyang Kristo. Mahalin ang inyong kapwa ayon sa itinuro Ko sa inyo. At magagawa ninyo ang lahat, kung alam ninyo kung papaano magmahal.

«Pinagpapala Ko kayo, mga mamamayan ng Tekoah, ang bayan sa hangganan ng disyerto, subalit isang oasis ng kapayapaan para sa inuusig na Anak ng tao, at harinawa na ang Aking pagpapalà ay mapasa inyong mga puso at sa inyong mga tahanan, ngayon at magpakailanman.»

«Manatili, Guro! Manatiling kasama namin. Ang disyerto ay lagi nang mabait sa mga santo ng Israel.

«Hindi Ako makapananatili. May iba pang mga tao na naghihintay sa Akin. Kayo ay nasa Akin, Ako nasa inyo, sapagkat minamahal natin ang isa’t isa.»

Si Jesus ay dumaraan nang nahihirapan sa gitna ng pulutong, na sumusunod sa Kanya kinakalimutan ang kanilang mga pangangalakal at lahat na iba pa. Ang mga may-sakit na pinagaling ay pinagpapala Siyang muli, ang mga puso na pinaginhawahan ay pinasasalamatan Siya, ang mga pulubi ay binabati Siya: «Búhay na Manna ng Diyos»...

Ang matandang lalaki ay nasa tabi Niya at nananatiling kasama Niya hanggang layo ng labas ng kabayanan. At noong pinagpapala lamang ni Jesus sina Mateo at Felipe na mga mananatili sa Tekoah nagpasya ang kanyang isip na iwanan ang kanyang Tagapagligtas at ginagawa niya ito hinahalikan ang mga paa ni Jesus, umiiyak at bumibigkas ng mga salita ng pasasalamat.

«Tamayo ka, Elianna, at halika rito na sana mahalikan kita. Ang halik ng isang anak sa kanyang ama at harinawang gantimpalaan ka niyan para sa lahat. Ginagamit Ko sa iyo ang mga salita ng propeta: “Kayo na umiiyak, ay hindi na muling iiyak, sapagkat ang Maawain na Isa ay nagkaroon ng awa sa inyo”. Ang Panginoon ay bibigyan ka ng kaunting tinapay at kaunting tubig. Hindi na Ako makakagawa ng higit pa. Kung ikaw ay pinalayas ng isa lamang, sa Akin ang lahat na malalakas na tao ang nagpalayas sa Akin, at magiging masuwerte na Ako kung makatagpo Ako ng pagkain at masisilungan para sa Aking mga apostol at sa Aking Sarili. Ngunit ang iyong mga mata ay nakita Siya Na iyong minimithing makita, at ang iyong mga tainga ay napakinggan ang Aking mga salita, katulad lamang na ang iyong puso ay kailangan na maramdaman ang Aking pagmamahal.  Humayo at maging nasa kapayapaan sapagkat ikaw ay isang martir ng katarungan, isa sa mga prekursor ng lahat na mga uusigin dahil sa Akin. Huwag umiyak, ama!» At hinahalikan Niya ang kanyang maputing ulo.

Ang matanda ay hinahalikan ang Kanyang pisngi at bumubulong sa Kanyang tainga: «Huwag pagtiwalaan ang isa pang Judas, aking Panginoon. Ayaw kung dumihan ang aking dila... ngunit huwag siyang pagtiwalaan. Hindi siya pumupunta na may mabuting mga intensiyon sa aking anak...»

«Oo.  Ngunit huwag isipin ang nakaraan. Malapit nang matapos ang lahat at wala nang makapananakit pa sa Akin muli. Paalam, Elianna. Ang Panginoon ay kasama mo.»

Sila ay naghiwalay...

«Guro, ano ang sinabi sa Inyo ng matanda sa gayon kahinang tinig?» tanong ni Pedro na naglalakad sa tabi ni Jesus, at nang may kaunting kahirapan, sapagkat si Jesus ay malalaking ang hakbang sa pamamagitan ng Kanyang mahahabang paa, at si Pedro ay hindi magawa ito, sapagkat siya ay kung baga maikli.

«Kaawa-awang matandang lalaki! Ano sa palagay mo ang masasabi niya sa Akin, na hindi Ko pa nalalaman?» tugon ni Jesus, iniiwasan ang eksaktong sagot.

«Siya ay nagsalita ng tungkol sa kanyang anak, hindi ba? Sinabi ba niya sa Inyo kung sino siya?»

«Hindi, Pedro. Matitiyak Ko sa iyo. Itinatago niya iyon sa loob ng kanyang puso.»

«Ngunit kilala ba Ninyo siya?»

«Kilala Ko. ngunit hindi Ko sasabihin sa iyo.»

Sila ay nananatiling tahimik nang matagal-tagal. Pagkatapos ang nananabik na katanungan ni Pedro at ang kanyang pangungumpisal. «Guro, ngunit bakit, para sa anong pakay ang Iskariote pumupunta sa bahay ng isang napakasamang tao, katulad ng anak ni Elianna? Natatakot ako, Guro! Siya ay walang mabuting mga kaibigan. Siya ay hindi lumalakad nang hayagan. Siya ay walang lakas upang labanan ang kasamaan. Natatakot ako, Guro? Bakit? Bakit pumupunta si Judas sa gayong mga tao, at malihim?» ang mukha ni Pedro ay isang nagpapahayag na maskara ng isang malungkot na katanungan.

Si Jesus ay tinitingnan siya ngunit hindi tumutugon. Sa katotohanan, ano ang Kanyang maitutugong, upang hindi makapagsinungaling at hindi magawa ang matapat na Pedro na dumugin ang di-matapat na Judas? Mas ginusto Niya na pabayaan si Pedro na makapagsalita.

«Hindi ba Kayo tumutugon? Ako ay hindi nagkakaroon ng kapayapaan mula pa kahapon, nang inakala ng matanda na nakikilala niya si Judas sa pagitan namin. Ito ay katulad ng araw kung kailan nagsalita Kayo sa asawa ng Saduseo. Naaalaala ba Ninyo? Naaalaala ba Ninyo ang aking pagsospetsa?»

«Oo, naaalaala Ko. At naaalaala mo ba ang sinabi Ko sa iyo pagkatapos?»

«Oo, Guro, naaalaala ko.»

«Wala nang kailangan pang sabihin, Simon. Ang mga aksiyon ng mga tao ay may mga hitsura na iba sa katunayan. Ngunit natutuwa Ako na nakapaglaan Ako para sa matandang lalaking iyon. Ito ay tila nakabalik si Ananias. Sa katunayan, kung si Simon ng Tekoah ay hindi siya tinatanggap, dadalhin Ko sana siya sa maliit na bahay ni Solomon, upang magkaroon lagi doon ng isang ama na naghihintay para sa atin. Ngunit para kay Eli mas mabuti na ito na ganito. si Simon ay mabait at maraming siyang mga apo. Mahal ni Eli ang mga bata... At ang mga bata ay nagagawa ang isa na makalimutan ang maraming malulungkot na bagay...»

Sa pamamagitan ng Kanyang dating galing sa pagliligaw sa Kanyang kausap, at dinadala siya sa ibang paksa, kapag nakikita Niya na hindi magandang tugunan ang mga delikadong tanong, nailigaw Niya ang mga iniisip ni Pedro.  At nagpatuloy Siyang magsalita sa kanya tungkol sa mga bata, na kanilang natagpuan dito at doon, hanggang naalaala nila si Marjiam, na baka nagbabanton ng mga lambat noon lamang, pagkatapos na mangisda sa magandang lawa ng Gennesaret.

At si Pedro, na ang kaninong mga naiisip ay ngayon malayo na kay Eli at kay Judas, ay ngumingiti at nagtatanong: «Ngunit pagkatapos ng Paskuwa, tayo ay pupunta roon, hindi ba? Ito ay napakaganda. O! mas maganda pa kaysa ito ay dito. Tayong mga Galilean ay mga makasalanan, ayon sa mga makasalanan ng Judaea... Ngunit ang mamuhay dito! O! Eternal na Awa! Kung tayo ay parurusahan, tiyak na walang gantimpala dito.»

Si Jesus ay tinatawag ang iba pa na mga naiwanan sa likuran at Siya ay lumakad kasama sila sa tabi ng daan na napaiinitan ng sinag ng araw ng Disyembre.

011111

 

 


Sunod na kabanata