520. Pagdating sa Jericho. Ang Apostolado ni Zacchaeus.

Nobyembre 1, 1946.

Si Jesus ay hinihintay nang may pananabik. Ang isang malaking pulutong ay nasa mga bukid malapit sa bayan naghihintay para sa Kanya, at nang kaagad ang isang nagbabantay na lalaki, na umakyat sa isang mataas na puno ng nugales, ay sumigaw: «Naririto ang Kordero ng Diyos!» ang mga tao ay tumayo at tumakbo patungo kay Jesus, Na lumalapit sa loob ng maagang hamog ng takipsilim.

«Guro! Guro! Matagal na kaming naghihintay para sa Inyo! Ang aming mga maysakit! Ang aming mga bata! Ang Inyong pagpapalà! Ang matatandang tao ay naghihintay para sa Inyo upang mamatay sa kapayapaan! Kung kami ay Inyong pagpapalain, Panginoon, walang kasawiang-palad ang darating sa amin!» lahat sila ay nagsasalita nang sabay-sabay, habang tinataas ni Jesus nang paulit-ulit ang Kanyang kamay upang magpalâ at patuloy na nagsasabi: «Kapayapaan, kapayapaan sa lahat sa inyo!» Ang mga apostol na kasama pa Niya ay naipit sa loob ng pulutong at natatangay nang palayo kay Jesus, Na halos napipigilan na makalakad ng pinaka mga tao na marahang nagrereklamo tungkol sa matagal na paghihintay.

Ang kaawa-awang Zacchaeus ay nagsisikap nang nanginginig na maabutan si Jesus, upang siya ay mapakinggan Niya, o kahit makita man lamang. Ngunit napakapandak na katulad niya, at hindi napakabilis o malakas, siya ay laging naitutulak nang pabalik ng mga dagsa ng mga tao, ang kanyang tinig nawawala sa kaingayan, at sa kalituhan ng galaw ng mga ulo, mga kamay at mga damit, ang kanyang presensya ay nawawala. Walang mangyari sa kanyang mga pakiusap at kung minsan siya ay nangangaral upang makakuha ng habag. Ang mga tao ay laging makasarili tungkol sa nakapagbibigay sa kanila ng kasiyahan, at malupit sa kanilang kapwa na mas mahihina. Ang kaawa-awang Zacchaeus, nararamdaman na siya ay pagod na pagkatapos ng kanyang mga pagsisikap at kumbinsido na ang mga ito ay walang pupuntahan, ay tumigil na sa pakikipag-unahan at lubos na pinanghihinaan ng loob, ipinaubaya na lamang niya ang kanyang sarili sa anuman ang mangyayari. Sa katunayan papaano siya posibleng magtagumpay kung mas marami ang taong dumarating mula sa bawat kalsada, na nagmumukhang mga agos ng tubig lahat patungo sa iisang ilog: ang kalsada kung saan si Jesus naglalakad? At ang bawat bagong dagsa ng mga tao, na mas lalo pang nagpapakapal sa pulutong, hanggang sa punto na matatakot kang maipit dito, ay tinutulak ang kaawa-awang Zacchaeus nang pabalik.

Si Tadeo ay nakita siya at nagsikap na makapasok sa pulutong at kunin siya mula sa sulok kung saan siya naitulak at nakulong. Ngunit si Tadeo ay naitulak din ng mga nagpupumilit sa likuran niya at ang kanyang pagtangkang mailabas si Zacchaeus ay nabigo. Si Tomas, nagtitiwala sa kanyang lakas, ay namilit na makapasok at sumisigaw nang malakas: «Magparaan!» para din makuha si Zacchaeus... Wala rin pag-asa. Ang pulutong ay isang pader na mas solido pa sa bato, at mahuhubog din katulad ng goma. Ito ay nababaluktot ngunit hindi napupunit. Ito ay hindi na isang yapos: ito ay isang walang-pagkaputol na tanikala. Si Tomas ay tumigil na rin.

Nawalan na si Zacchaeus ng lahat na pag-asa, sapagkat si Didymus ay ang huling apostol na natangay ng agos ng mga tao. At sa wakas ito ay nakalampas... Ito ay nakalampas na... Pira-pirasong mga tela, mga puntas, mga palawit, mga pang-ipit sa buhok, mga pambalabal ay nakakalat sa lupa sumasaksi sa karahasan. Mayroon din isang sandalyas ng maliit na bata, ganap na nadurog, at tila malungkot na naghihintay sa maliit na paa na nakawala nito... Si Zacchaeus ay nakapili sa likuran nila lahat nagmumukhang malungkot din, katulad lang ng maliit na sandalyas na napahiwalay sa maliit na nagmamay-ari nito gawa ng pulutong.

Si Jesus ay hindi na makita pa. Ang isang pagliko sa kalsada ay naitago Siya mula sa mga mata ng kaawa-awang Zacchaeus... Nang makarating siya nang huli sa pulutong sa liwasan kung saan minsan nakalagay ang kanyang mesa, nakita niya ang mga pulutong na tumigil sa pagsigaw, nagdarasal, nananawagan. At nakita niya si Jesus Na umakyat sa maliit na baytang ng isang bahay, iniiling ang Kanyang ulo at mga kamay. At nagsalita Siya ng isang bagay na hindi maintindihan dahil sa kaingayan ng pulutong. At sa wakas nakita niya si Jesus Na, nakaalis na nang may-kahirapan sa Kanyang tinutuntungan na baytang bilang Kanyang pedestal, pumunta na ulit sa kalsada at lumiko patungo sa bahaging iyon ng bayan kung saan naroroon ang kanyang bahay. Si Zacchaeus ay lumakas ulit ang loob. Ang pulutong ay isang malaking pulutong, ngunit ang liwasan ay malapad, ang mga tao kung gayon ay hindi siksik at... ang isa ay makakalampas dito, na ito ay tila hindi napakakapal na harang, kung gugustuhin ng isa na malampasan ito at hindi natatakot na masugatan. At si Zacchaeus, na ngayon ay naging isang sinsel, isang katapulta, isang panggibang-troso, nanunuwag, nananagi sa mga tao, idinuduldol ang sarili, nanununtok at nasusuntok sa ilong, naniniko sa tiyan at naninipa sa lulod, ngunit ipinipilit niya ang kanyang daan at umaabante... Siya ngayon ay nasa kabila nang tabi... Ngunit ang liwasan ay dito kumikipot, at nakaharap niyang muli ang di-malalampasan na pader. Siya ay ilang mga hakbang na lamang mula kay Jesus, Na nakatayo na malapit sa kanyang bahay. Ngunit kung mga disyerto at mga ilog ang naghihiwalay sa kanya mula dito, mas mabuti pang asahan niya na matawid niya ang mga ito. Siya ay nagalit, at sumigaw siya nang nag-uutos: «Kailangan kong umuwi! Paraanin ako! Hindi ba ninyo nakikita na gusto Niyang pumasok sa aking bahay?»

Hindi niya dapat sinabi ang gayon! Nabuhay nito ang mga kagustuhan ng mga tao na makuha nila ang Guro sa kanilang mga bahay. Ang ilang mga tao ay tumatawa pinagtatawanan ang kaawa-awang Zacchaeus, ang ilan ay binibigyan siya ng magagaspang na tugon. Wala kahit isang tao ang nalulungkot para sa kanya. Sa kabaligtaran nagsimula silang sumigaw at mabalisa upang siya ay hindi marinig o makita ng Guro. At ang ilan ay sumisigaw: «Nagkaroon ka na nga ng labis mula sa Kanya, ikaw na matandang makasalanan!» Sa palagay ko ang alaala ng dating pangungulekta ng buwis at ng mga pangungulit ay nakagawa ng labis na sama-ng-loob...  Kahit na ang tao na mas nakakiling sa sobrenatural ay halos laging may isang maliit na sulok kung saan ang pagmamahal para sa kanyang itinagong kayamanan ay buháy at lalong mas buháy ang alaala tungkol sa sinuman na naging hadlang sa itinagong kayamanan na iyan...

Ngunit ang panahon ng pagsubok para kay Zacchaeus ay nakaraan na at ginagantimpalaan ni Jesus ang kanyang pagpupursige. Si Jesus ay sumigaw sa tuktok ng Kanyang boses: «Zacchaeus! Halika sa Akin, sapagkat gusto Kong pumunta sa iyong bahay.»

Iyon ay absulutong kailangan na sumunod. Ang mga tao ay sinisiksik ang isa’t isa upang magbukas ng hanay at makaraan si Zacchaeus, namumula sa pagod at sa galak, at sinusubukan niyang maayos ang kanyang gulong buhok, at ang kanyang nawala sa pagkabitones na damit, at ang kanyang sinturon na ang mga palawit nito ay nasa likuran sa halip na nasa harapan. Hinahanap niya ang kanyang manta... Sino ang nakaaalam kung nasaan ito!... Ito ay hindi na bale. Siya ngayon ay nasa harapan na ni Jesus, yumuyukod upang ibigay ang kanyang paggalang sa Kanya. Imposible para sa kanya na gumawa ng higit pa rito dahil halos wala nang lugar upang makayuko pa nang kaunti.

«Kapayapaan sa iyo, Zacchaeus. Halika rito, na sana mabigyan kita ng isang halik ng kapayapaan. Karapat-dapat ka nito» sabi ni Jesus ngumingiti ng totoong masayang binatilyong ngiti na nagagawa Siyang magmukhang naging-malakas muli.

«O! oo, Panginoon. Naging karapat-dapat ako niyan. Gaano kahirap na maabutan Kayo, Panginoon» sabi ni Zacchaeus, itinataas ang kanyang sarili hangga't maaari sa dulo ng daliri ng kanyang mga paa upang makapantay si Jesus Na yumuyuko upang halikan siya. Habang ginagawa niya ito, ang kanyang mukha ay lumalabas na tila dumurugo dahil sa isang kalmot sa kanyang kanan na pisngi, at ang isa sa kanyang mga mata ay may galos, baka dahil sa isang tama ng silo dito.

Si Jesus ay hinahalikan siya at pagkatapos nagsabi:

«Ngunit hindi kita ginagantimpalaan para sa pagsisikap na ito. Bagkus para sa ibang mga bagay na iyong ginawa, hindi alam ng maraming tao, ngunit nalalaman Ko. Oo, ito ay totoo. Mahirap na maabutan Ako, at ang pulutong ay hindi lamang ang sagabal, ni hindi ito ang pinakamahirap na sagabal na matatagpuan ng isa upang matagpuan Ako.

Bagkus, o mga tao na halos dalhin Ako nang kasing taas ng balikat, ang pinakamahirap, ang pinaka binubuong sagabal, at siyang laging binubuo pagkatapos na pagsikapan ng isa na masira o mapangibabawan ito, ay ang kaakuhan ng isa. Ako ay tila hindi nakakakita, ngunit nakita Ko ang lahat. At napag-aralan Ko ang lahat. At ano ang nakita Ko? Nakita Ko ang nakumberting makasalanan, ang isa na dating may matigas na puso, na minamahal ang kaginhawahan ng katawan. dating mapagmalaki, walang-silbi, makamundo at gahaman. At nakita Ko siyang hinubaran ang kanyang sarili ng kanyang lumang kaakuhan at sa maliliit na bagay din, at nakita Ko ang pagbabago sa kanyang asal at mga pakiramdam, upang makapunta sa kanyang Tagapagligtas, katulad ng kanyang ginawa sa pamamagitan ng pakikipagsiksikan upang marating Ako, sa pakikiusap nang may kababaang-loob, sa pagtanggap sa mga panunuya at paninisi nang mapasyensiya, naghihirap sa kanyang katawan na madaganan ng pulutong at sa kanyang puso na maitulak sa pinaka hangganan nito, nang wala kahit isang sulyap mula sa Akin. At nakita Ko ang ibang mga bagay pa sa kanya. Mga bagay na nalalaman din ninyo. ngunit ayaw ninyong tingnan, bagama't nakapagbigay sa inyo ng kagaanan.

Baka sasabihin ninyo: “Papaano Ninyo nalalaman ang mga ito, sa katunayan na hindi naman Kayo naninirahan na kasama namin?”. Tumutugon Ako: dahil nababasa Ko ang mga puso ng mga tao nalalaman Ko ang mga kilos nila at nalalaman Ko kung papaano maging makatarungan at maggantimpala proporsiyonado sa distansiyang nilakbay upang maabutan Ako, sa mga pagsisikap na ginawa upang mabunot ang mabangis na kakahuyan na nagtatakip sa espiritu, upang mapaunlad ito inaalis kung ano ang hindi mahalagang punungkahoy, at ginagawa itong hari ng kaakuhan ng isa, pinaliligiran ito ng mga tanim ng mga birtud upang ito ay sana maparangalan, at nagbabantay na walang di-malinis na hayop dahil ito ay gumagapang, o nananabik na makarumi, o ito ay makamundo o walang-magawa – ang iba't ibang masisimbuyong damdamin – na mamungad sa palumpungan, ngunit ang espiritu ninyong ito ay kailangan na pamungaran lamang ng kung ano ang mabuti at makakapagpuri sa Panginoon, ibig sabihin sobrenatural ng mga damdamin, mga umaawit na mga ibon at mabababang-loob na mga tupa pumapayag na maisakripisyo, nakakiling sa perpektong papuri dala ng pagmamahal para sa Diyos.

At habang napupuna Ko ang kinikilos ni Zacchaeus, ang kanyang mga naiisip at ginagawa, napuna Ko rin na sa bayan na ito ang pagmamahal ng maraming tao na nagpuri sa Akin, ay mas sensitibo kaysa espirituwal. Kung minamahal ninyo Ako ayon sa katarungan, naawa sana kayo sa inyong kababayan at hindi sana ninyo siya pinahiya sa pagpapaalaala sa kanya ng kanyang nakaraan. Ang nakaraan na iyan na kanyang kinansela at hindi na inaalaala ng Diyos, sapagkat hindi binabalikan ng Diyos ang kapatawaran na naipagkaloob na, maliban na ang tao ay nagkasalang muli. At siya ay hinuhusgahan muli para sa bagong kasalanan lamang, at hindi para sa kasalanan na pinatawad na. Ngayon sasabihin Ko sa inyo, at binibigay Ko ito bilang paksa sa pagninilay-nilay sa gabi, na ang totoong pagmamahal para sa Akin ay hindi ang pagbibigay ng mga papuri, bagkus ang paggawa ng kung ano ang Aking ginagawa at itinuturo, ang pagsasabuhay ng naggagantihang pagmamahal, ang pagiging mapagpakumbaba at maawain, tinatandaan sa isip na ang inyong materyal na bahagi ay ginawa mula sa isang alikabok lamang, at na ang alikabok ay laging may atraksiyon para sa putik, at kung gayon, kung ang lakas na siyang magpahanggang ngayon ay nagpanatili sa inyo na nakataas mula sa putik, ang espiritu, ay hindi kailanman nakaranas ng pagkatalo – at ito ay imposible sapagkat ang tao ay isang makasalanan at ang Diyos lamang ang walang kasalanan - sa hinaharap ang inyong espiritu ay baka kailangan na tumanggap ng mga pagkatalo, at sa mas maraming beses at sa katindihan kaysa sa mga pagkatalo ng dating makasalanan na ngayon naipanganak nang muli sa Grasya. Sa katunayan sa pamamagitan ng Grasya siya ay naging bata at bago, katulad-na-katulad ng isang bagong panganak na sanggol, na sa kanyang bentahe nasa kanya ang kababaang-loob na nanggagaling mula sa kanyang pag-alaala na siya ay dating makasalanan at nasa kanya ang katatagan na gumawa, sa loob ng natitirang mga araw ng kanyang buhay, ng mabubuting bagay hangga't kinakailangan upang mapunuan ang isang mahabang buhay na ganap na ikinunsagra sa paggawa ng mabuti, at kung gayon makagawa ng mga pagtutuwid, at nang may ganap at umaapaw na sikat, para sa lahat na mga kamalian na maaring nagawa niya.

Ako ay magsasalita sa inyo bukas. Nakapagsalita na Ako nang sapat para sa gabing ito. Humayo at tandaan ang Aking babala at pagpalain ang Diyos Na nagpadala sa inyo sa Doktor Na nagpuputol sa inyong sensuwalidad na nakatago sa ilalim ng belo ng espirituwal na kalusugan, katulad ng nakatagong mga sakit na umuubos sa buhay sa ilalim ng isang belo ng tila kalusugan... Halika Zacchaeus.»

«Oo, aking Panginoon. Iisa lamang ang aking katulong at ako mismo ang magbubukas ng pinto, at kasabay nito ang aking lubos na naantig na puso, o! gaano ito naantig, dahil sa Inyong walang-hangganan na kabutihan.»

At pagkatapos na mabuksan ang tarangkahan pinapasok niya si Jesus at ang mga apostol. at pinasunod Siya patungo sa bahay, sa pamamagitan ng hardin, ngayon ginawa nang isang pangkusinang-hardin. Ang bahay din ay tinanggalan na ng mga kalabisan na mga dekorasyon. Sinisindihan ni Zacchaeus ang isang lampara at tinatawag ang katulong.

«Naririto na kami. Ang Guro ay naririto. Siya ay matutulog dito kasama ang Kanyang mga apostol at kakain dito. Naihanda mo na ba ang lahat katulad ng sinabi ko sa iyo?»

«Oo, naihanda ko na. Maliban sa mga gulay, na akin nang pakukuluan ngayon, ang lahat ay handa na.»

«Magpalit ka ng damit pagkatapos, at lumakad at sabihan ang mga taong sinabi ko sa iyo, na Siya ay naririto na at sabihan silang pumunta rito.»

«Lalakad na ako, panginoon. Pagpalain nawa Kayo, Guro, dahil ginagawa Ninyo akong magkaroon ng isang masayang kamatayan!» Siya ay umalis.

«Siya ay ang katulong ng aking ama at nanatili siya sa akin. Pinaalis ko ang lahat na iba pa. Ngunit siya ay mahal sa akin. Siya ay ang tinig na hindi kailanman nanahimik kapag ako ay nagkakasala. At dahil diyan madalas ko siyang maltratuhin. Pagkatapos Ninyo, siya ang isang mas minamahal ko kaysa sa sino pa man na iba... Halikayo, aking mga kaibigan. May paapuyan doon at kung ano ang makapagbibigay kaginhawahan sa pagod na giniginaw na mga galamay. Kayo, Guro, sa aking silid...» at dinadala niya Siya sa isang silid sa dulo ng isang koridor.

Siya ay pumasok, isinara ang pinto, nagbuhos ng mainit na tubig sa isang pitsel, inalis ang mga sandalyas ni Jesus at sinisilbihan Siya. Bago ibalik ang mga sandalyas, hinalikan niya ang walang-saplot na paa ni Jesus at inilagay ito sa kanyang leeg nagsasabing: «Ganito! Na sana madurog nito ang natitira sa lumang Zacchaeus!» Siya ay tumayo. Tinitingnan niya si Jesus, nang may ngiti na nanginginig sa kanyang mga labì, isang mababang-loob na ngiti, na nagmumukhang nabasa ito ng mga luha.

Si Jesus ay naupo sa isang kahoy na upuan at si Zacchaeus ay inilagay ang kanyang sarili sa sahig, sa paanan ni Jesus, medyo nakaupong nakaluhod. Nagpatuloy siya sa pagsasalita.

«Hindi ko alam kung nagawa ko ang tamang bagay, at kung maaaprobahan Ninyo ang aking ginagawa. Baka nagsimula ako kung saan tapos na sana ako. Ngunit sila ay naririyan din. At tanging isang matanda nang publikano lamang ang hindi magpapakita ng pagkasuklam sa kanila sa Israel. Hindi, nagkakamali ako. Hindi lamang isang matanda nang publikano, ngunit Kayo rin, hindi lamang, bagkus, Kayo ito Na nagturo sa akin na tunay na magmahal sa kanila. Dati sila ay aking mga kasabwat sa bisyo, ngunit hindi ko sila minahal. Ngayon pinangangaralan ko sila ngunit minamahal ko sila. Kayo at ako. Ang lahat na Banal na Isa, ang kumbertidong makasalanan. Kayo dahil Kayo ay hindi kailanman nagkasala at ibig Ninyong ibigay sa amin ang kaluguran na Inyo, ng Tao na walang kasalanan. At ako dahil labis akong nagkasala at alam ko kung gaano katamis ang kapayapaan na nanggagaling mula sa pagiging pinatawad, tinubos, ginawang bago ulit... Ginusto ko ito para sa kanila. O! ito ay mahirap sa simula! Ginusto ko silang maging mabuti at mapaunlad mismo ang aking sarili... Anong hirap na gawain iyon! Kinailangan kong bantayan ang aking sarili mismo sapagkat naramdaman ko na ako ay kanilang binabantayan. Ang isang walang kabuluhan man laman ay sapat nang maitaboy sila... At pagkatapos... Marami ang nagkakasala dala ng pangangailangan, nauudyukan ng kanilang pang-araw-araw na gawain. Ipinagbili ko ang lahat upang magkaroon ng pera na mapanatili ko sila hanggang makatagpo sila ng ibang mga trabaho, hindi masyadong malaki ang kita, mas matrabaho, ngunit tapat. At ang ilan sa kanila ay dumarating pa rin, at sila ay medyo nag-uusyoso, medyo nagkakagusto na maging mga tao, hindi lamang mga hayop. At kinailangan ko silang bigyan ng pag-aruga hanggang sa sila ay magpapailalim sa bagong pasanin. Marami ang nagpatuli. Ang unang hakbang patungo sa totoong Diyos. Ngunit hindi ko sila pinipilit. Malapad ang aking mga kamay na yakapin ang kanilang mga paghihirap, at hindi ako kailangan na mandiri sa kanila. Gusto ko rin na ibigay sa kanila kung ano ang Inyong gusto na ibigay sa lahat: ang kaluguran ng pagkakaroon ng tahimik na konsiyensya, sa dahilan na kami ay hindi maaaring, maging katulad Ninyo, Na walang kasalanan. Ngayon, sabihin sa akin, aking Panginoon, kung ako ay naging napaka mapagpangahas.»

«Nakagawa ka nang mabuti, Zacchaeus. Binibigay mo sa kanila ang higit pa sa iyong inaasahan at iniisip na gusto Kong ibigay sa mga tao. Hindi lamang ang kaluguran ng pagiging pinatawad, bagkus ang kaluguran na pagdating ng araw sila ay magiging mga mamamayan ng makalangit na Kaharian. Nalalaman Ko ang mga ginagawa mong ito. Sinundan kita habang nagpapatuloy ka sa mahirap ngunit maluwalhating landas ng karidad; sapagkat iyan ay karidad, at karidad na may pinakapurong kalidad. Naintindihan mo ang salita ng Kaharian. Kakaunting mga tao ang nakaintindi nito dahil nabubuhay pa sa kanila ang lumang idea nang may matatag na paniniwala na sila ay mga banal na at may pinag-aralan na. Pagkatapos na maalis sa iyong puso ang nakaraan, ikaw ay nanatiling walang-laman at nagawa mong, hindi, bagkus, ginusto mong ilagay sa iyong puso ang bagong mga salita, ang hinaharap, ang eternal. Magpatuloy nang ganyan, Zacchaeus, at ikaw ay magiging ang kolektor ng iyong Panginoong Jesus» pagtatapos ni Jesus ngumingiti at ipinapatong ang Kanyang kamay sa ulo ni Zacchaeus.

«Sinasang-ayunan Ninyo ang aking ginawa, Panginoon? Ang lahat?»

«Ang lahat, Zacchaeus. Sinabi Ko rin kay Nike, na nagsasalita sa Akin ng tungkol sa iyo. Si Nike ay naintindihan ka. Siya ay bukás sa pansansinukuban na awa.»

«Si Nike ay madalas akong tulungan nang maigi. Ngunit ngayon nakikita ko na lamang siya nang minsan sa isang buwan, sa bagong buwan... Gusto ko sanang sundan siya. Ngunit ang Jericho ay bagay sa aking bagong gawain...»

«Hindi siya mananatiling matagal sa Herusalem... Masasayang ang páglilipát mo. Si Nike ay babalik dito pagkatapos...»

«Pagkatapos ng gaano katagal, Panginoon?»

«Pagkatapos na maiproklama ang Aking Kaharian.»

«Ang Inyong Kaharian... Natatakot ako ng sandaling iyan. Ang mga nagsasabi ba ngayon na sila ay matapat sa Inyo, ay magiging matapat, pagkatapos? Sapagkat tiyak na magkakaroon ng mga pag-angat at mga pakikibaka sa pagitan ng mga nagmamahal sa Inyo at ng mga napopoot sa Inyo... Nalalaman ba Ninyo, Panginoon, na kinukuha nila kahit na mga mandarambong sa daan, ang hamak na mga tao ng sambayanan, upang magkaroon ng mga tagasunod na nakahandang maging isang malaking grupo at sa ganoon maipilit ang kanilang sarili sa iba? Ako ay nasabihan ng isa sa aking kaawa-awang mga kapatid... O! malaki pa ang pagkakaiba sa pagitan niya na nagnanakaw nang legal, sa pagitan niya na nagnanakaw ng karangalan ng ibang tao at siya na nagnanakaw sa isang manlalakbay? Madalas din akong magnakaw nang legal hanggang sa ako ay Inyong iniligtas, ngunit kahit pa noon hindi ko magagawa na kunin ang hitsura ng mga napopoot sa Inyo... Iyon ay isang bata-pang lalaki. Isang magnanakaw. Oo, isang magnanakaw. Isang gabi, nang ako ay napagawi sa bundok ng Adummin hinihintay ang tatlong mga kapareho ko, na manggagaling mula sa Ephraim kasama ang ilang mga baka na nabili nang mura, natagpuan ko siyang naghihintay sa isang bangin. Ako ay nagsalita sa kanya... Ako ay hindi kailanman nagkaroon ng pamilya, gayunpaman sa palagay ko kung ako ay nagkaroon ng mga anak, nakapagsalita sana ako sa kanila nang gayon upang makumbinsi sila na baguhin ang kanilang pamumuhay. Pinaliwanag niya sa akin kung papaano at kung bakit siya naging isang magnanakaw... Eh! gaano kadalas na ang totoong masasamâ ay ang tila mga walang ginagawang mali!... Sinabi ko sa kanya: “Huwag na muling magnakaw. Kung ikaw ay nagugutom, mayroon ding ilang tinapay para sa iyo. Ihahanap kita ng isang matapat na trabaho. Dahil hindi ka pa nagiging isang mamamatay-tao tumigil, iligtas mo ang iyong sarili”. At nakumbinsi ko siya. Sinabi niya sa akin na siya ay nag-iisa, dahil ang lahat ay nabayaran nang malaki ng mga napopoot sa Inyo, at ngayon sila ay nakahanda na na magpasimula ng pag-alsa at magsabi na sila ay Inyong mga tagasunod, upang maiskandalo ang mga tao, at sila ay nagtatago sa mga kuweba ng Kidron, sa mga sepulkro, sa pagawing Phasael, sa loob ng mga kuweba sa hilaga ng bayan, sa pagitan ng mga libingan ng mga Hari at mga Hukom, sa lahat na lugar... Ano ang kanilang gustong gawin, Panginoon?»

«Si Joshua ay nagawa niyang patigilin ang araw, ngunit walang pamamaraan na kahit ano na mapatitigil nila ang kalooban ng Diyos.»

«Sila ay may mga pera, Panginoon! Ang Templo ay mayaman, at ang gintong inaalay sa Templo ay hindi Korban¹ para sa kanila, kung magagamit nila ito upang sila ay magtagumpay.»

«Wala sila ng kahit ano. Ang kapangyarihan ay sa Akin. Ang kanilang gusali ay magigiba na tila ito ay gawa sa mga dahon na natuyo ng mga hangin ng taglagas at kinorteng isang kastilyo ng isang maliit na bata. Huwag matakot, Zacchaeus. Ang iyong Jesus ay magiging si Jesus.»²

«Ipagkaloob ito ng Diyos!... Tinatawag nila tayo. Tayo na.»...

051111

 



¹ Korban – alay sa Diyos ng sinaunang mga Hebreo. RLB

² Ibig sabihin Tagapagligtas. Sa katunayan, sa Hebreo ang ibig sabihin nito «Si Yahweh nagliligtas» (Yehoshua) Tingnan Mt. 1, 20-21; Ac. 4, 12.

 


Sunod na kabanata