521. Sa Jericho. Dalawang Parabula: Tungkol sa May-Sakit at sa Malusog, at Tungkol sa Pariseo at sa Publikano.

Nobyembre 2, 1946.

Si Jesus ay lumabas mula sa bahay ni Zacchaeus. Tanghali na. Kasama Niya si Zacchaeus, si Pedro at si Santiago ni Alfeo. Ang ibang mga apostol ay baka nakalabas na sa kabukiran nagbabalita na ang Guro ay nasa bayan.

Sa likuran ng grupo nina Jesus, Zacchaeus at ng mga apostol, ay may isa pang grupo ng mga tao na labis na... iba't iba ang mga katangian, ang edad at ang mga damit. Masasabi ng isa nang walang pag-aalinlangan na ang mga lalaki sa grupo ay mula sa iba't ibang lahi, na maaaring magkakalaban pa. Ngunit ang mga pangyayari sa buhay ay nadala sila sa bayan na ito ng Palestina at sila ay napagsama-sama upang mula sa kanilang kalaliman tumaas sana sila patungo sa liwanag. Sila sa karamihan ay mga nagmumukhang pagod na mga tao na namuhay o inabuso ang buhay sa iba't ibang mga pamamaraan, ang marami sa kanila ay may pagod na mga mata; ang mga mata ng iba ay tila naging sakim o matigas gawa ng matagal nang pananalapi na pagnanakaw o sa pagbibigay ng mababagsik na utos, at paminsan-minsan ang kanilang dating mga hitsura ay lumalabas sa ilalim ng isang mapagpakumbabang nag-iisip na hitsura na inilagay ng kanilang bagong pamumuhay. At ito ay ang lumalabas lalo na kapag ang mga tao mula sa Jericho ay tinitingnan sila nang nanunuya o bumubulong ng mga salitang nang-iinsulto sa kanila. Ang kanilang mga mata pagkatapos ay nagiging pagod, mapagpakumbaba at niyuyuko nila ang kanilang mga ulo nang malungkot.

Si Jesus ay lumingon nang dalawang beses upang tingnan sila at nakikita na sila ay naiiwanan sa likod, binabagalan ang kanilang paghakbang habang sila ay papalapit sa lugar na napili para sa Kanyang talumpati, at ito ay nagsisiksikan na sa mga tao, binagalan din Niya ang Kanyang hakbang, upang hintayin sila at pagkatapos sinabi Niya sa kanila: «Mauna na kayo sa Akin at huwag matakot. Nilalabanan ninyo ang mundo noong kayo ay gumagawa ng kasamaan; hindi kayo kailangan na matakot dito ngayon na hinubaran na ninyo ang inyong sarili ng paggawa ng masama. Gamitin din ninyo ngayon kung ano ang inyong ginamit noong nakaraan upang  mapayuko ninyo ang mundo: ang pagiging walang-pakialam sa opinyon ng mundo, ang tanging armas upang magawa ito na tumigil sa paghuhusga, at mapapagod ito sa pakikialam sa inyo, at sisipsipin kayo nito, bagama't may-kabagalan, hangga't hindi na kayo makita kasama ang malaking di-kilalang masa, ibig sabihin ang miserableng mundong ito, kung saan, sa katotohanan, labis na importansiya ang ikinakabit.»

Ang mga lalaki, labinlima lahat, ay sumunod at umabante.

«Guro, ang mga taong may sakit ng kabukiran ay nasa banda roon» sabi ni Santiago ni Zebedeo pumupunta kay Jesus at itinuturo ang isang sulok na napaiinitan ng araw.

«Pupunta Ako. Nasaan ang iba pa?»

«Kasama ang pulutong. Ngunit nakita na nila si Jesus at sila ay dumarating. Sina Solomon din, si Jose ng Emmaus, si Juan ng Ephesus, si Philip ng Arbela ay kasama nila. Sila ay patungo sa bahay ni Philip at sila ay nagmula sa Joppa, Lydda at Modin. Dinala nila ang mga lalaki at mga babae mula sa baybayin. Sa katunayan hinahanap nila Kayo sapagkat hindi sila magkasundo sa paghuhusga sa isang babae. Ngunit sasabihin nila sa Inyo...»

Sa katunayan si Jesus ay kaagad pinalibutan at binati nang mapitagan ng ibang mga disipulo. Sa likuran nila ay ang mga kamakailan lamang naakit ng doktrina ni Jesus. Ngunit si Juan ng Ephesus ay wala roon at si Jesus ay nagtatanong.

«Siya tumigil kasama ang isang babae at ang kanyang mga kamag-anak sa isang bahay malayo sa pulutong. Hindi nila alam kung ang babae ay naalihan o siya ay isang propeta. Nagsasalita siya ng magagandang bagay, ayon sa mga tao mula sa kanyang nayon. Ngunit ang ilang mga eskriba ay nakinig sa kanya at hinusgahan nila siya na isang naalihan. Ang kanyang mga kamag-anak ay tumawag na nang ilang beses ng mga nagpapalayas ng masasamang espiritu, ngunit hindi nila mapalayas ang dimonyong nagpapasalita at nanlulukob sa kanya. Ngunit ang isa sa kanila ay nagsabi sa ama ng babae (siya ay isang birhen na balo na nananatili sa pamilya): “Ang Mesiyas na si Jesus ay kailangan para sa iyong anak. Maiintindihan Niya ang kanyang mga salita at malalaman kung saan sila nanggaling. Sinubukan kong utusan ang espiritu, na nagsasalita sa loob niya, na lumayas sa ngalan ni Jesus na tinatawag na Kristo. Ang mga espiritu ng kadiliman ay laging lumalayas kapag ginagamit ko ang Pangalan na iyan. Ngunit hindi sila lumayas ngayon. Mula diyan masasabi ko: ito ay si Beelzebub mismo ang nagsasalita at nalalabanan din ang Pangalan na binabanggit ko, o ito ay ang Espiritu Mismo ng Diyos, at dahil dito hindi natatakot ng pagiging kaisa ng Kristo. Mas kumbinsido ako ng huling kaso kaysa ng una. Ngunit upang makatiyak, tanging ang Kristo lamang ang makapaghuhusga. Malalaman Niya ang mga salita at ang pinanggagalingan ng mga ito”. Si Juan ay minaltrato ng mga eskriba na naroroon at siyang nagsabi na pati siya ay naaalihan din, katulad ng babae at katulad Ninyo. Patawarin kami kung kinailangan namin na sabihin ito... At ang ilang mga eskriba ay hindi kami iniwan, at binabantayan nila ang babae upang matiyak kung siya ay sasabihan tungkol sa Inyong pagdating. Sapagkat sinasabi ng babae na kilala niya ang Inyong mukha at ang Inyong tinig, at makikilala niya Kayo sa pagitan ng libu-libong mga tao, samantalang napatunayan na siya ay hindi kailanman umalis sa nayon, hindi lamang, bagkus, siya ay hindi kailanman umalis sa bahay mula ng mamatay ang kanyang nobyo labinlimang taon na ang nakararaan, noong bispiras ng kanyang kasal; at napatunayan din na Kayo ay hindi kailanman napunta sa Bethlechi, na siyang kanyang nayon. At ang mga eskriba ay hinihintay ang huling pagsubok na ito upang masabi na siya ay inaalihan. Pupuntahan ba Ninyo siya kaagad?»

«Hindi. Kailangan Kong magsalita sa mga tao. At magiging napakaingay na magkita-kita rito, sa pagitan ng mga pulutong. Lumakad at sabihin kay Juan ng Ephesus, sa mga kamag-anak ng babae at sa mga eskriba rin, na Ako ay maghihintay sa kanila, kapag ang araw ay magsimula nang lumubog, sa loob ng mga kakahuyan sa tabi ng ilog, sa daan patungo sa bantilan. Lakad.»

Pagkatapos na mapaalis si Solomon, na siyang laging nagsasalita sa katauhan ng lahat, si Jesus ay pinuntahan ang mga taong may sakit na nakikiusap na mapagaling at pinagaling Niya sila. Kasama sa kanila ay ang isang babae na nanigas ang katawan gawa ng arthritis, isang paralitiko, isang tangang binata, isang dalagita na sa aking palagay ay may TB, at dalawang tao na may sakit ang mga mata.

Ang mga pulutong ay nakakapangilig na sumisigaw sa tuwa.

Ngunit ang pila ng mga may sakit na tao ay hindi pa natatapos. Ang isang babae na namamaluktot sa paghihirap ay lumapit, inaalalayan ng dalawang kaibigan o mga kamag-anak, at siya ay lumuhod nagsasabing: «Ang aking anak ay namamatay. Hindi siya maaaring dalhin dito... maawa sa akin!»

«Makapaniniwala ka ba nang walang mga limitasyon?»

«Lahat, aking Panginoon!»

«Kung gayon, umuwi ka.»

«Umuwi?... Nang hindi Kayo kasama?...» Ang babae ay tinitingnan Siya nang isang sandali, puno ng pagkabalisa, pagkatapos naintindihan niya. Ang kanyang kaawa-awang mukha ay nagliwanag. Siya ay sumigaw: «Uuwi ako, Panginoon. At pagpalain Kayo at ang Kataastaasan Na nagpadala sa Inyo!» at siya ay tumatakbo nang mas mabilis pa kaysa sa kanyang mga kasamahan...

Si Jesus at tinanong ang isang maringal na mamamayan ng Jericho: «Ang babae bang iyon ay isang Hudyo?»

«Hindi. Hindi siya. Hindi sa kapanganakan man lamang. Siya ay mula sa Miletus. Ngunit napangasawa niya ang isa sa atin at mula noon naniniwala siya sa ating pananampalataya.»

«Naniniwala siya nang mas mabuti pa kaysa sa maraming mga Hebreo» wika ni Jesus.

Pagkatapos, inaakyat ang mataas na baytang ng isang bahay, ginagawa Niya ang dating pagbukas ng Kanyang mga kamay, bago magsalita, upang hinging ang katahimikan. Nang nagkaroon na ng katahimikan, inaayos Niya ang mga lupi ng Kanyang manta, na nabuksan sa may parte ng Kanyang dibdib nang ibinuka Niya ang Kanyang mga kamay, at hinawakan Niya ito ng Kanyang kaliwang kamay habang inuunat Niya ang Kanyang kanang kamay sa isang hitsura ng isang taong nanunumpa, nagsasabing:

«Makinig, o mga mamamayan ng Jericho, sa mga parabula ng Panginoon, at pagkatapos pagnilayan ang mga ito sa inyong mga puso, at kunin ang mga kongklusyon upang mapakain ang inyong mga espiritu. Magagawa ninyo ito, sapagkat hindi lamang kahapon, o nang nakaraang buwan, o nang nakaraang taglamig na nalaman ninyo ang Salita ng Diyos. Bago Ako naging ang Guro, si Juan, ang Aking Prekursor, ay naihanda kayo para sa Aking pagdating, at nang Ako ay naging ang Guro, ang Aking mga disipulo ay inararo ang lupang ito nang pito at pito pang beses upang ihasik ang binhi na Aking binigay sa kanila. Kung gayon naiintindihan ninyo ang salita at ang parabula.

Kanino Ko ikukumpara ang mga nakumberti pagkatapos na maging mga makasalanan? Ikukumpara Ko sila sa mga may-sakit na gumaling. Kanino Ko ikukumpara ang iba na hindi nagkasala nang hayagan sa publiko o ang mga tao, na mas bihira pa kaysa sa mga itim na perlas, na hindi nakagawa ng grabeng mga kasalanan nang kahit na palihim? Ikukumpara Ko sila sa malulusog na tao. Ang mundo ay nabubuo ng dalawang kategoriya na iyan, kapwa sa espiritu at sa laman at dugo. Ngunit kung ang pagkumpara ay pareho, ang paraan ng mundo sa pagtrato sa mga may sakit na tao na gumaling mula sa mga sakit ng katawan ay iba sa paraan ng pagtrato sa nakumberting mga makasalanan, ibig sabihin sa mga tao na ang mga espiritu ay nagkasakit at naging malusog.

Nakikita natin na kapag ang isang ketongin, na siyang ang pinaka delikadong may-sakit na tao at siyang inihihiwalay nang husto dahil sa panganib nito, ay tumanggap ng grasya ng paggaling, siya ay tinatanggap nang muli sa lipunan pagkatapos na siya ay maiksamin ng isang pari at napadalisay, at ang mga mamamayan ng kanyang bayan ay binibigyan siya ng isang masayang pagsalubong dahil siya ay gumaling at nabuhay nang muli sa kanyang pamilya at sa kanyang negosyo. Nagkakaroon ng malaking kapistahan sa pamilya at sa bayan kapag ang isang ketongin ay tinatanggap ang grasyang iyan at nagiging malusog! Ang kanyang mga kamag-anak ay nag-uunahan sa pagdadala ng iba't ibang bagay sa kanya, at kung siya ay nag-iisa, na walang tahanan o mga gamit, nagbibigay sila ng kama at ilang mga gamit sa bahay, at lahat sila ay nagsasabi: “Siya ay tinitingnan na ‘pinaka mahal ng Diyos’. Ang Kanyang kamay ang nagpagaling sa kanya. Siya kung gayon ay ating parangalan at tayo kung gayon ay pinararangalan Siya Na naglikha at naglikhang-muli sa kanya”. Tama lang na gawin iyan. At kung sa kasawiang-palad makita sa isang tao ang unang mga tanda ng ketong, gaanong pagmamahal na puno ng paghihirap ang kanyang mga kamag-anak at mga kaibigan pupuspusin siya ng mga lambing, hanggang sa posibleng gawin ito, na tila gusto nilang ibigay kaagad sa kanya ang pagmamahal na maibibigay nila sa loob ng maraming mga taon, na sana madala niya ito sa sepulkro ng mga buháy.

Ngunit bakit hindi ito ang ginagawa nila sa isa pang may mga sakit na tao? Ang isang tao ay nagsisimulang magkasala, ang kanyang mga kamag-anak at higit sa lahat ang kanyang kapwa mga kababayan ay napupuna ito.  Bakit kung gayon hindi nila siya sinusubukan na maagaw mula sa pagkakasala nang may nagmamahal na pagsisikap? Ang isang ama, ang isang ina, ang isang kapatid na babae ay ginagawa pa ito, ngunit ang mga kapatid na lalaki ay malayong gawin ito, hindi na bale ang mga anak ng kapatid na lalaki ng ama o ng ina. At panghuli, ang mga kapwa kababayan ang mas makatarungan na mga kababayan, ay walang ginagawa bagkus mamintas, mag-aglahi, mang-abuso, maiskandalo, pinalalaki ang mga kasalanan ng nagkasala, itinuturo siya, nilalayuan siya na tila siya ay isang ketongin, samantalang ang mga hindi makatarungan na kababayan ay nagiging kanyang mga kasabwat, upang sila ay masiyahan sa ikasasamâ niya. Ngunit napakadalang na may isang bunganga, at higit sa lahat isang puso, na pumupunta sa kaawa-awang sawing-palad nang may awa at katatagan, nang may tiyaga at sobrenatural na pagmamahal, at nananabik na patigilin ang pagbaba patungo sa kasalanan. Ano? Ang sakit ba ng espiritu ay hindi masyadong seryoso, talagang grabe at mortal? Hindi ba’t napagkakaitan nito ang isa ng Kaharian ng Diyos? Hindi ba’t ang dapat na unang porma ng pagmamahal sa Diyos at sa ating kapwa, ay ang pananabik na mapagaling ang isang makasalanan para sa kabutihan ng kanyang kaluluwa at para sa kaluwalhatian ng Diyos?

At kapag ang isang makasalanan ay nakumberti, bakit ang mga tao nagpapatuloy sa paghuhusga sa kanya, at halos ikinalulungkot na siya ay nakabalik sa espirituwal na kaligtasan? Ito ba ay dahil nakikita ninyo na ang inyong hula na ang katiyakan na kapahamakan ng inyong kababayan ay napasinungalingan? Ngunit dapat na kayo ay maging masaya, sapagkat Siya Na nagpasinungaling sa inyo ay maawaing Diyos, Na nagbibigay sa inyo ng sukat ng Kanyang kabutihan upang paginhawahan kayo sa inyong humigit-kumulang grabeng mga kasalanan. At bakit magpatuloy na tingnan na marumi, hindi kanais-nais, karapat-dapat na mapahiwalay, kung ano ang ginawa ng Diyos at ng mabuting kalooban ng isang puso na maging malinis, admirable, karapat-dapat ng pagpapahalaga, o di kaya’y ng paghanga ng kanyang mga kapatid? Ngunit kayo ay nagbubunyi kung ang inyong baka o asno o kamelyo, o tupa ng inyong kawan o ang inyong alagang kalapati ay gumaling mula sa isang sakit! Nagbubunyi kayo kung ang isang estranghero, na halos hindi ninyo maalaala sa pangalan na napakinggan ninyo na inihiwalay dahil sa ketong, ay gumaling! Bakit kung gayon hindi kayo nagbubunyi sa mga espirituwal na mga paggaling na ito, sa mga pagtatagumpay na ito ng Diyos? Ang Langit ay nagbubunyi kapag ang isang makasalanan ay nakumberti. Ang Langit: ang Diyos, ang purong mga anghel, na hindi nag-aalam kung ano ang makagawa ng kasalanan. At kayo ba, mga tao, ay gustong maging mas mahigpit pa kaysa sa Diyos?

Maging tapat ang inyong mga puso at kilalanin ang presensya ng Panginoon hindi lamang sa mga usok ng insenso at sa mga awit ng Templo, sa lugar kung saan tanging ang kabanalan lamang ng Panginoon, sa Mataas na Pari, ang dapat na makapasok at dapat na maging kasing banal katulad ng sinasabi ng pangalan nito, bagkus sa mga kababalaghan din ng mga espiritung ito na nakabangon muli, at ng naikunsagrang-muli na mga altar na ito kung saan ang Pagmamahal ng Diyos ay bumababa kasama ang apoy na tutupok sa sakripisyo.»

Ang pagsasalita ni Jesus ay naputol ng ina na nakita kanina, dahil gusto niyang sambahin Siya sa pamamagitan ng mga sigaw at mga pagpapalà. Si Jesus ay pinakikinggan siya at pinauwi siya, pinagpapatuloy ang Kanyang naputol na talumpati.

«At kung ang ginagawa ng isang makasalanan ay ang minsan na naging dahilan ng iskandalo sa inyo, samantalang ngayon ito ay isang nagtuturong halimbawa, huwag itong pagtawanan, bagkus gayahin ito. Sapagkat walang sinuman ang kailanman napaka perpekto na imposible para sa isa pang tao na pakitaan siya ng mabuting halimbawa. Ang Kabutihan ay laging isang leksiyon na kailangan na tanggapin, kahit na kung ito ay binibigay ng isa na dati ay isang karapat-dapat na sisihin. Gayahin at tulungan siya, sapagkat sa paggawa nito mapaluluwalhatian ninyo ang Panginoon at mapatutunayan ninyo na naintindihan ninyo ang Salita. Huwag maging katulad ng mga pinipintasan ninyo nang lihim ng inyong mga puso dahil ang kanilang kinikilos ay hindi umaayon sa kanilang mga salita. Bagkus gawin na ang bawat mabuting kilos ninyo ay maging ang magkokoronang bagay sa bawat mabuting salita ninyo. At pagkatapos kayo ay talaga ngang titingnan at pakikinggan nang may magandang kalooban ng Eternal na Ama,

Pakinggan ang isa pang parabulang ito upang maintindihan kung alin na mga bagay ang may halaga sa mga mata ng Diyos. Matuturuan kayo nito na ituwid ang isang masamang kaisipan na madalas natatagpuan sa maraming mga puso. Ang karamihan sa mga tao ay sila ang kanilang sariling mga hukom, at tinitingnan na sa sanlibo isang tao lamang ang mapagpakumbaba, ang nangyayari ay ang bawat tao ang tinging sa sarili ay siya lamang ang perpekto, at dahil dito daan-daan na mga kapintasan ang kanyang nakikita sa kanyang kapwa.

Isang araw ang dalawang lalaki, na nang makarating sa Herusalem dahil sa pangangalakal, ay umakyat sa Templo, katulad ng ginagawa ng bawat mabuting Israelita sa tuwing tutuntong sa Banal na Siyudad. Ang isa ay isang Pariseo, ang isa pa ay isang publikano. Ang una ay pumunta upang kolektahin ang mga bayad sa ilang mga puwesto at upang tingnan ang mga libro ng pera ng mga tagapamahala na mga naninirahan malapit sa bayan. Ang huli ay pumunta upang iintriga ang nakolektang mga buwis at upang humingi ng awa para sa isang balo na hindi makabayad ng buwis para sa isang bangka at mga lambat, sapagkat ang nahuling isda ng kanyang panganay na anak ay hindi sapat upang mapakain ang kanyang maraming anak.

«Bago umakyat sa Templo. Ang Pariseo ay binisita ang mga nangungupahan, at pagkatapos na matingnan ang mga puwesto at nakikita na ang mga ito ay puno ng mga paninda at ng mga namimili, siya ay nasiyahan sa sarili at pagkatapos kanyang tinawag ang isang nangungupahan at sinabi sa kanya: “Nakikita ko na ang iyong negosyo ay umuunlad”.

“Oo, sa pamamagitan ng grasya ng Diyos. Nasisiyahan ako sa aking ginagawa. Napalaki ko ang aking mga paninda at umaasa ako na mapapalaki ko pa ito. Gumawa ako ng karagdagan na mga pampaganda sa lugar at sa susunod na taon hindi na ako kailangan na gumastos para sa mga upuan at mga istante at kung gayon kikita ako ng mas malaki”.

“Maganda! Napakaganda! Natutuwa ako! Magkano ang bayad mo sa puwestong ito?”

“Sandaan na didrachma isang buwan. Mahal ngunit maganda ang puwesto...”

“Tama ka. Ito ay maganda. Dinodoble ko kung gayon ang upa”.

“Ngunit, ginoo” bulalas ng umuupa. “Kung gagawin ninyo iyan mawawalan ako ng kita!”

“Ang sinabi ko ay tama. Kailangan ko bang payamanin ka sa pamamagitan ng aking ari-arian? Magmadali. Ako ay bibigyan mo ng dalawang libo at apat na raan na didrachma kaagad, o kung hindi’y palalayasin kita at kukunin ko ang mga paninda. Ang lugar ay pag-aari ko at magagawa ko kung ano ang gusto ko diyan”.

Ginawa niya ang ganito sa una, sa pangalawa at sa pangatlong umuupa, dinodoble ang upa ng bawat isa sa kanila, hindi pinakikinggan ang kanilang mga pakiusap. At sa dahilan na ang ikatlong umuupa, na may isang malaking pamilya, ay tumututol, nagpatawag siya ng pulis at pinaselyuhan ang pintuan ng puwesto, at ang kaawa-awang umuupa ay pinalayas.

Pagkatapos sa loob ng kanyang mansiyon, tiningnan niya ang libro ng pera ng mga tagapamahala, nakakakita ng mga problema na dahil dito pinarusahan niya sila bilang mga batugan at hiniwalay niya ang mga produkto na kanilang itinabi para sa kanilang mga sarili sa pamamagitan ng kanilang ganap na karapatan sa mga ito. Ang isa sa kanila ay may isang namamatay na anak, at dahil sa mabigat na gastusin naipagbili niya ang ibang bahagi ng langis ng kanyang panginoon upang makabili ng mga gamot. Kung kaya't wala siyang maibibigay sa kanyang matakaw na panginoon.

“Maawa sa akin, ginoo. Ang aking kaawa-awang anak ay nasa punto na mamatay, at pagkatapos matatrabaho ako ng karagdagan upang mabayaran ko kayo ng sa palagay ninyo ay ang makatarungan. Ngunit ngayon, ayon sa maiintindihan ninyo, wala akong kakayahan na mabayaran kayo”.

“Hindi mo ako mababayaran? Ipakikita ko sa iyo kung mababayaran mo ako o hindi”. At pumunta siya sa gawaan ng langis kasama ang kaawa-awang tagapamahala at kinuha niya ang kaunting langis na itinabi ng tagapamahala para sa kanyang pamilya at upang malangisan ang lampara na ginagamit niya sa pagbabantay sa gabi sa tabi ng kanyang anak.

Ang publikano, sa halip, ay pumunta sa kanyang superyor na, nang matanggap ang mga nakolektang buwis at nagsabi sa kanya: “Tatlong daan at pitumpung ases ang nawawala dito. Papaano nangyari?”.

«Bueno, ipaliliwanag ko sa inyo. Sa nayon ay may isang balo na may pitong anak. Tanging ang panganay lamang ang nakapagtatrabaho. Ngunit hindi siya makalalayo nang husto mula sa baybayin sa kanyang bangka, sapagkat ang kanyang mga kamay ay napakahina sa paggamit ng mga sagwan at panlayag, at wala siyang kakayahan na umupa ng katulong. Dahil nangingisda siya malapit sa baybayin napakakaunti ang kanyang nahuhuli at halos hindi sasapat na mapakain ang walong kaawa-awang mga sawing-palad. Wala akong lakas-ng-loob na mangolekta ng buwis”.

“Ah! gayon. Ngunit ang batas ay batas. Magiging masama kung malalaman ng mga tao na ang batas ay maawain. Ang lahat ay magkakaroon ng dahilan upang huwag magbayad. Gawin ang bata-pang lalaki na magbago ng hanap-buhay at ipagbili ang kanyang bangka kung hindi siya makapagbayad”.

“Iyon ay ang kanilang pang-araw-araw na pagkain, at para din sa hinaharap... at iyon ay isang ala-ala ng kanilang ama”.

“Naintindihan ko. Ngunit hindi posible ang areglo”.

“O sige. Ngunit hindi ko matanggap na ang walong sawing-palad na mga tao ay mapagkaitan ng kanilang tanging pinagkukunan ng pamumuhay. Babayaran ko ang tatlong daan at pitumpung ases”.

Pagkatapos ang dalawa ay umakyat sa Templo at sa pagdaan malapit sa bulwagan ng tesoreriya ang Pariseo ay bumunot nang may kahambugan ng isang matambok na lukbutan mula sa kanyang tagiliran at ibinuhos ang laman nito hanggang sa pinakahuling sentimos sa tesoreriya. Ang lukbutan ay naglalaman ng pera na kinuha mula sa mga umuupa ng mga puwesto at ng pinagbilhan sa mga kinuha sa gawaan ng langis ng tagapamahala na naipagbili kaagad ng Pariseo sa isang mangangalakal. Ang publikano sa halip ay naghulog ng sandakot ng maliliit na sentimos pagkatapos na kinuha niya mula rito ang kanyang kakailanganin upang siya ay makauwi. Kung gayon sila ay kapwa nakapagbigay ng kung ano ang mayroon sila. Tila lumalabas na ang Pariseo ay mas maluwag magbigay sapagkat binigay niya ang huling sentimos na mayroon siya. Ngunit kailangan din na tandaan ng isa na siya ay mas marami ang pera sa kanyang mansiyon at mayroon siyang mga pautang sa mayayaman na tagapagpalit ng pera.

Pagkatapos sila ay pumunta sa harapan ng Panginoon. Ang Pariseo sa pinakaharapan, malapit sa limitasyon ng Court of the Hebrews, nakaharap sa Banal; ang publikano nasa likuran, halos sa ilalim ng arko na nagbubukas patungo sa Women’s Court, kung saan siya nananatiling nakayukod, nadudurog ng kanyang naiisip na paghihirap kompara sa dibinong Perpeksiyon. At kapwa sila nagdarasal.

Ang Pariseo, nakatayong tuwid, halos arogante, na tila siya ang may-ari ng lugar at siya ang tila nagpakababa upang parangalan ang isang bisita, ay nagsabi: “Naririto ako, ako ay naparito upang pagpitagan Kayo sa Bahay na Inyong kaluwalhatian. Ako ay naparito, bagama't alam ko na Kayo ay nasa akin, dahil ako ay isang makatarungan ng tao. Alam ko kung papaano kumilos upang maging ganito. Gayunpaman, bagama't nalalaman ko na ito ay sa pamamagitan lamang ng aking sariling merito na ako ay ganito, pinasasalamatan ko Kayo, katulad ng pinanunúto ng batas, para sa kung ano ako. Ako ay hindi matakaw, di-makatarungan, mapangalunya, o isang makasalanan katulad ng publikanong iyon na naghulog ng sandakot ng maliliit na pera sa Tesoreriya kasabay ko. Ang tungkol sa akin, katulad ng nakita Ninyo, binigay ko ang lahat ng mayroon ako. Ang gahaman na lalaking iyon, sa halip, ay hinati ang kanyang pera at binigay sa Inyo ang mas maliit na parte. Tiyak na gagamitin niya ang kalahating parte para sa pagsasaya at sa mga babae. Ngunit ako ay puro. Hindi ako marurumihan. Ako ay puro at makatarungan, dalawang beses akong nag-aayuno sa isang linggo, nagbibigay ako ng ikapu ng kung ano ang pag-aari ko. Oo, ako ay puro, makatarungan at pinagpala, dahil ako ay banal. Tandaan iyan, o Panginoon”.

Ang publikano, mula sa kanyang malayong sulok, nang hindi naglalakas-loob na itaas ang kanyang mga mata patungo sa pinahahalagahan na mga pinto ng Templo, at dinadagukan ang kanyang dibdib, ay nananalangin nagsasabing: “Panginoon, hindi ako karapat-dapat na mapunta rito. Ngunit Kayo ay makatarungan at banal, at pahihintulutan Ninyo ako na makapanatili rito sapagkat nalalaman ninyo na ang tao ay makasalanan at kung siya ay hindi dumulog sa Inyo siya ay nagiging isang dimonyo. O! aking Panginoon! ibig ko Kayong parangalan araw at gabi, ngunit sa loob ng maraming mga oras ako ay alipin ng aking trabaho. Isang di-magandang trabaho na nagpapahina ng loob sa akin sapagkat ito ang dahilan ng kapighatian para sa pinakamahirap kong mga kapwa. Ngunit kailangan kong sundin ang aking mga superyor, sapagkat ito ang aking pang-araw-araw na pagkain. Ipagkaloob, o aking Diyos, na mapagaan ko sana ang aking katungkulan sa aking mga superyor sa pamamagitan ng karidad sa aking mahihirap na kapatid, upang hindi sana ako maisumpa dahil sa aking trabaho. Ang bawat trabaho ay banal kung ginagawa ito nang may karidad. Gawing nasa aking puso lagi ang Inyong karidad upang ako, miserableng katulad ko, ay matiis ko ang mga nasasakupan ko katulad na tinitiis Ninyo ako, isang malaking makasalanan. Mas gusto ko sana na maparangalan ko pa kayo, Panginoon. Nalalaman Ninyo. Ngunit naisip ko na ang kunin ang ilan sa pera na para sa Templo ay mas mabuti pa kaysa ihulog iyon sa Tesoreriya at magawa ang walong kaawa-awang inosenteng mga tao na lumuha nang husto. Ngunit kung ako ay nagkamali, gawin akong maintindihan ko iyan, o Panginoon, at ibabalik ko sa Inyo ang hanggang sa pinakahuling sentimos at babalik ako sa aking nayon, naglalakad nanghihingi ng isang piraso. Gawin na maintindihan ko ang Inyong katarungan. Maawa sa akin, o Panginoon, sapagkat ako ay isang malaking makasalanan”.

Iyan ang parabula. Sasabihin Ko sa inyong totoo na samantalang ang Pariseo ay umalis sa Templo na may bagong kasalanan na naidagdag sa mga kasalanan na kanyang nagawa bago umakyat sa Moriah, ang publikano ay umalis na napangatwiranan at ang pagpapalà ng Diyos ay sinundan siya sa kanyang bahay at nanatili ito roon. Sapagkat siya ay mababa ang kalooban at maawain at ang kanyang mga pagkilos ay mas banal pa nga kaysa sa kanyang mga salita. Ang Pariseo, sa halip, ay magaling lamang sa mga salita at sa panlabas, samantalang sa panloob siya ay isang dimonyo at kumilos katulad ng isang dimonyo dahil sa pagmamalaki at katigasan ng kanyang puso, at ang Diyos kung gayon ay kinamuhian siya.

Siya na itinataas ang kanyang sarili ay hihiyain din pagdating ng araw. Kung hindi man sa buhay na ito, sa buhay sa hinaharap. At siya na pinahihiya ang sarili ay itataas, lalo na sa Langit kung saan ang mga pagkilos ng tao ay nakikita sa totoong katotohanan ng mga ito.

Halika, Zacchaeus. Halikayo, kayong mga kasama niya, at kayo, Aking mga apostol at mga disipulo. Magpapatuloy Ako sa pagsasalita sa inyo nang tayu-tayo lamang.»

At binabalot ang Kanyang Sarili sa Kanyang manta, bumalik Siya sa bahay ni Zacchaeus.

111111

 

 


Sunod na kabanata