522. Sa Bahay ni Zacchaeus Kasama ang mga Kumbertido. Ang Kaluluwa at ang pagkakamali ng tungkol sa reenkarnasyon.

Nobyembre 3, 1946.

Lahat sila ay naipon sa loob ng isang malaking walang-kasangkapan na silid. Ito ay tiyak na maganda dati. Ngayon ito ay wala bagkus isang malaking silid. Mula sa silid-kainan at sa mga silid-tulugan nagdala sila ng mga upuan at maliliit na kama dito at sila ay lahat mga nakaupo pa sa paligid ng Guro, Na kanilang pinaupo sa isang klase ng silya na may patungan ng kamay, gawa sa kahoy na may mga ukit, sinapnan ng isang mahabang alpombra. Ito ang pinaka maluhong bagay na muwebles sa bahay.

Si Zacchaeus ay nagsasalita tungkol sa isang kapiraso ng lupa na kanilang nabili sa pamamagitan ng pera na naipon sa pagitan nila: «Pagkatapos man ng lahat kailangan na kami ay gumawa ng kahit ano. Ang kawalang-magawa ay hindi magandang gamot para makaiwas sa pagkakasala. Ang lupa ay hindi pa magandang tamnan, dahil ito ay napabayaan, katulad na katulad natin, at katulad natin ito ay puno ng dawag, mga bato, kabaugan at mga damo. Si Nike ay pinadala sa amin ang kanyang mga magbubukid upang ipakita sa amin kung papaano linisin ang napabayaan na mga bubon, ang mga bukid, ang pagpungos sa natitirang mga punungkahoy, at ang pagtanim ng mga bagong puno. Alam namin ang tungkol sa napakaraming bagay... ngunit hindi ang tungkol sa banal na trabaho ng tao. Ngunit sa trabahong ito na napakabago sa amin, totoong nakakatagpo kami ng bagong buhay. Wala sa nakapaligid sa amin ang nagpapaalaala tungkol sa aming nakaraan. Tanging ang amin lamang na mga konsiyensya ang nakakaalaala tungkol dito. Ngunit iyan ay isang mabuting bagay... Kami ay mga makasalanan... Pupunta ba Kayo upang tingnan ito?»

«Tayo ay aalis na magkakasama mula rito patungo sa Jordan, at titigil tayo sa inyong lupa. Sinabi mo sa Akin na ito ay nasa daan lamang patungo sa ilog...»

«Oo, Guro. Ngunit iyon ay hindi isang magandang tanawin. Ang bahay ay sira-sira. Walang mga gamit doon. Wala kaming sapat na pera para sa lahat... pagkatapos gumawa ng mga pagtutuwid, hangga't sa magagawa namin, para sa mga kamalian na nagawa namin sa aming kapwa. Maliban kina Demetis, Valens at Levi, na mga napakatanda na para sa ilang mga at dito natutulog, ang iba ay kailangan na maghalinhinan sa ilang mga dayami, Panginoon.»

«Sa kadalasan ni Ako ay hindi magkaroon niyan. Natutulog din Ako sa mga dayami, Zacchaeus. Ang Aking unang mga tulog ay sa mga dayami at iyon ay mapayapa sapagkat iyon ay binabantayan ng pagmamahal. Makakatulog din Ako diyan ngayong gabi at iyan ay hindi magiging isang balisang tulog, sapagkat Ako ay magiging nasa pagitan ng mga tao na ang kaninong mabubuting kalooban ay nabuhay na muli.» At tinitingnan Niya ang mga unang natubos na mga lalaki mula sa kanya-kanyang bansa nang napaka may-kabaitan na tila sila ay Kanyang hinahaplos.

At tinitingnan nila Siya... Sila ay hindi mga lalaki na nakahandang umiyak. Sa kabaligtaran sino ang nakaaalam kung gaano karaming mga luha ang nagawa nilang mailuha ng mga tao. Ang kanilang mga mukha ay katulad ng mga aklat kung saan ang kanilang masasamang nakaraan ay nakasulat, at kung ang kanilang bagong pamumuhay ay naitatago nito ang kabuktutan ng mga salitang ito, mapalilitaw pa rin ang mga ito nang napakalinaw upang masasabi ng isa mula sa kung saan kalaliman sila tumataas patungo sa Liwanag.. Gayunpaman ang kanilang mga mukha ay lumilinaw at nagniningning, ang kanilang mga mata nagmumukhang nabibigyan ng katiyakan, ang isang liwanag ng sobrenatural na pag-asa, ng moral na kasiyahan ay nagliliwanag sa mga ito nang mapakinggan ang Guro Na nagsasabing sila ay mga tao ng mabuting kalooban muli.

Si Zacchaeus pagkatapos ay nagsabi: «Kung gayon sinasang-ayunan Ninyo ang aking ginawa? Tingnan Ninyo, Guro. Noong araw na iyon sinabi ko: “Susundan ko Kayo”, at totoong gusto ko Kayong sundan nang aktuwal. Ngunit noong pinaka gabing iyon si Demetis ay pumunta sa akin para sa isa sa mga... para sa isa sa kanyang di-magandang mga ginagawa... at siya ay nangangailangan ng pera. Siya ay nanggaling sa Herusalem... sinasabi nila na yaong babae ay banal, ngunit siya ay punung-puno ng kahihiyan, at ang unang naghatid sa kanya ng kahihiyan na iyon ay ang pinaka mga tao na noon ay gusto kaming pagbabatuhin na tila kami ay mga ketongin... Ngunit kailangan na sabihin ko ang aking mga kasalanan, hindi ang kanila. Walang naiwan na pera sa akin. Naibigay ko na ang lahat sa Inyo. Ang mga naiwan din sa bahay ay masasabing naibigay ko na rin, sapagkat napaghati-hati ko na iyon upang makabayad sa mga taong aking nakikilan sa pagpapatubo nang labis. Kung kaya't sinabi ko sa kanya: “Ako ay walang pera, ngunit mayroon ako ng mahigit pa sa isang natatagong kayamanan”. At sinabi ko sa kanya ang tungkol sa aking kombersiyon, ang tungkol sa Inyong mga salita at ang tungkol sa kapayapaan na nagkaroon ako... Nagsalita ako nang labis na ang sinag ng liwanag ng bagong araw ay nagawa ang aming mga mukha na magmukhang maputla, at ang mga lampara walang-silbi, habang nagsasalita pa ako. Hindi ko alam kung ano talaga ang aking nasabi. Ang alam ko ay na sa pamamagitan ng kanyang kamao kanyang sinuntok ang mesa kung saan kami nakaupo at siya ay bumulalas: “Si Mercury ay nawalan na ng isang tagasunod at ang kanyang mga maligno sa gubat ng isang kasama. Kunin mo na rin ang perang ito, hindi iyan sapat para sa krimen na nagawa, ngunit makakabili iyan ng ilang tinapay para sa isang pulubi, at isama mo ako. Gusto kong masanay sa pabango pagkatapos ng napakaraming masasamang amoy”. At siya ay nanatiling kasama ko. Pumunta kami sa Herusalem nang magkasama, ako para magbenta ng ilang mga bagay, siya upang makawala sa ilang mga kasunduan. At sa daan sa aming pagbabalik sinabi ko – nagdasal ako sa Templo, pagkaraan ng napakatagal na panahon, nang may purong napatahimik na puso ng isang bata – sinabi ko sa aking sarili: “Hindi kaya't ito ang sumunod sa Guro, at baka upang masundan Siya sa mas mabuting paraan, sa pamamagitan ng pananatili sa Jericho, kung saan ang kaawa-awang sawing-palad na publikanong mga kaibigan na katulad ko, mga sugarol, mga tagapagpahirap sa lahat na miserableng mga tao, walang-sinusunod na batas at walang awang mga sundalo, sanay sa mga inuman upang makalimutan ang mga pangungutya ng konsiyensya sa paglalasing, ay pumupunta sa akin upang ipuhunan ang kanilang isinumpang pera, o upang magmungkahi ng mga sabwatan, o upang anyayahan ako sa mga bangkete o sa iba pang kalait-lait na karumihan? Ang bayan ay kinasusuklaman ako. Ang mga Hebreo ay lagi akong titingnan na isang makasalanan. Ngunit hindi nila titingnan ang kanilang sarili na ganyan. Ngunit sila ay katulad ko. Sila ay marumi, ngunit baka mayroon silang isang bagay sa kanilang sarili na nag-uudyok sa kanila na maging mabuti at hindi sila makakita ng magbibigay sa kanila ng tulong. Tinulungan ko sila sa kasamaan. Baka sila ay nagkasala din dahil sa aking payo, dahil sa kung ano ang hinihingi ko sa kanila kung minsan.  Katungkulan ko na tulungan sila na makapunta sa kabutihan. Sa dahilan na binayaran ko ang mga taong aking nasaktan, katulad na gumawa ako ng mga pagtutuwid hinggil sa aking kapwa mga kababayan, kung kaya't kailangan na subukan ko at maitama ang anumang nagawa kong masama sa kanila”. At ako ay nanatili rito. Ngayon isa, pagkatapos ngayon isa pa ang dumarating mula sa bayan na ito o iyon, at ako ay nagsasalita sa kanila. Hindi lahat nagiging katulad ni Demetis. Ang ilan ay lalayas pagkatapos na pagtawanan ako. Ang ilan ay nag-aalinlangan. Ang iba ay mananatili dito ngunit pagkaraan nang kaunting sila ay bumabalik sa kanilang miserableng buhay. Ang mga ito ay nanatili. At ngayon nararamdaman ko na sa ganito ko Kayo kailangan na sundan, na kailangan namin Kayo na sundan, nakikibaka laban sa aming mga sarili, tinitiis ang panunuya ng mundo na hindi sa amin makapagpatawad. Ang aming mga puso ay dumurugo kapag nakikita namin na ang mundo ay hindi makalimot, kapag ang mga alaala ay bumabalik... at napakarami at napakasakit... Sa ilan sila ay...»

«Ang nakapangingilabot na Buwelta na laging nagbabalik sa mukha namin ng aming mga krimen at nangangako ng paghihiganti sa kabilang-buhay» sabi ng isa.

«Iyon ay ang mga sigaw ng mga tao na aking nasaktan upang magawa silang magtrabaho, bagama't sila ay pagod na.»

«Iyon ay ang mga panunumpa ng aking pinahirapan pagkatapos na makuha ko ang kanilang mga ari-arian sa pamamagitan ng pagpapatubo nang malaki.»

«Iyon ay ang mga pakiusap ng mga balo at mga ulila na hindi makabayad at ang kaninong huling mga pag-aari ay aking kinumpiska sa ngalan ng batas.»

«Iyon ay ang mga kalupitan na ginawa sa nasakop na mga bansa laban sa walang-laban na mga tao na nahintakutan sa kanilang pagkatalo.»

«Iyon ay ang mga luha ng aking ina, ng aking asawa, ng aking anak na babae, na namatay sa kahirapan habang nilulustay ko ang lahat sa mga bangkete.»

«Iyon ay... o! walang pangalan para sa aking krimen! Panginoon, ang aking mga kamay ay walang bahid ng dugo, hindi ako nagnakaw ng pera, hindi ako nagpataw ng labis-labis na buwis, wala akong ginatasan na sinuman, hindi ako nanghampas sa natalong kaaway, ngunit pinagsamantalahan ko ang lahat na paghihirap, at kumita ako ng pera sa kasiraan ng inosenteng mga bata-pang babae ng natalong kaaway, ng ulilang mga bata-pang babae, ng mga babae na pinagbili katulad ng mga kalakal para sa isang piraso ng tinapay. Naglakbay ako sa buong mundo sinasamantala ang gayong mga pagkakataon, sinusundan ang mga sandatahang-lakas, kung saan may pagkagutom, kung saan ang pag-apaw ng ilog ay napagkaitan ang mga tao ng pagkain, kung saan ang peste ay naiwan ang mga bata na walang proteksiyon, at trinato ko sila katulad ng mga kalakal, karumal-dumal gayunpaman inosenteng mga kalakal. Karumal-dumal magpatungkol sa akin, dahil kumikita ako ng pera gawa nito, inosente dahil wala pa silang kaalam-alam tungkol sa labis na katatakutan. Panginoon, nasa aking mga kamay ang pagkabirhen ng bata-pang mga babae na sinulsulan, at ang dangal ng bata-pang mga maybahay na kinuha sa nasakop na mga bayan. Ang sentro ng aking mga pangangalakal... ang aking mga bahay-aliwan ay kilalang-kilala. Panginoon, huwag Ninyo akong isumpa, ngayon na nalalaman na Ninyo!...»

Ang mga apostol ay lumayo nang di-kinukusa mula sa huling lalaki na nagsalita. Si Jesus ay tumayo at nilalapitan ang lalaki. Nagpatong Siya ng isang kamay sa kanyang balikat at nagsabi: «Iyan ay totoo! Ang iyong krimen ang grabe. Marami kang dapat na pagbayaran. Ngunit Ako, ang Awa, ay sinasabi sa iyo na kahit na kung ikaw ay ang dimonyo mismo at ikaw ang may kagagawan ng lahat na krimen sa Lupa, kung gugustuhin mo, mababayaran mo ang lahat at mapatawad ng Diyos, ang totoo, dakila, maka-amang Diyos. Kung gugustuhin mo. Idugtong mo ang iyong kalooban sa Aking kalooban. Gusto Ko rin na ikaw ay mapatawad. Samahan Ako. Ibigay mo sa Akin ang iyong kaawa-awang espiritu, masyadong napasamâ, nasira, puno ng latay at nawalan ng lakas-ng-loob, pagkatapos na tinalikdan ang kasalanan. Ilalagay Ko ito sa Aking puso, kung saan Aking inilalagay ang pinakamalaking mga makasalanan at dadalhin na kasama Ko ito sa panunubos na Sakripisyo. Ang pinakabanal na Dugo, ang dugo ng Aking Puso, ang huling Dugo Niya Na Iaalay alang-alang sa mga tao, ay padadaluyin sa pinakamalaking mga labí at bubuhayin ulit sila. Umasa muna sa pansamantala. Gawin ang iyong pag-asa na maging mas malaki pa kaysa sa pinakamalaki mong krimen, sa awa ng Diyos, sapagkat ito ay walang limitasyon, o tao, para sa mga nakapagtitiwala rito.»

Ang mamâ ay gustong kunin at halikan ang kamay na nakapatong sa kanyang balikat, napakaputlà at manipis sa kaligiran ng kanyang kulay-kapeng damit at ng kanyang malakas na balikat. Ngunit hindi siya naglakas-loob. Si Jesus ay nakaintindi at iniabot ang Kanyang kamay nagsasabing: »Halikan ang palad niyan. Matatagpuan Kong muli ang halik na iyan at pagagalingin nito ang Aking paghihirap. Isang hinalikan na kamay, isang nasugatan na kamay. Hinalikan dala ng pagmamahal. Nasugatan dahil sa pagmamahal. O! sana halikan ng lahat na tao ang dakilang Biktima, at ang dakilang Biktima ay maaari nang mamatay sa loob ng mga damit nito na gawa sa mga sugat, nalalaman na sa bawat sugat ay naririyan ang mga halik, ang pagmamahal, ng lahat na mga tao na natubos!» at Kanyang pinananatili na nakadiin sa malinis-na-naahitan na mga labì ang kamay ng mamâ, na, kung titingnan ang pangkalahatan niyang hitsura, sasabihin ko na siya ay isang Romano. Pinananatili Niya ito roon hanggang sa ang mamâ ay lumayo na tila siya ay nabusog ng kamay pagkatapos na mapatid ang matinding pagkauhaw ng kanyang konsiyensya sa pag-inom ng Awa ng Panginoon mula sa dibinong kamay.

Si Jesus ay bumalik sa Kanyang lugar at nang Siya ay dumaraan ipinatong Niya ang Kanyang kamay sa kulot na buhok ng isang napakabatang lalaki. Sasabihin ko na siya ay halos wala pang dalawampung taong gulang. Isa na hindi kailanman nagsalita, at tiyak na mula sa lahi ng Hebreo. Si Jesus ay tinanong siya: «At ikaw, Aking anak, hindi ka ba magsasalita ng kahit ano sa iyong Tagapagligtas?»

Ang bata-pang lalaki ay tumingala at tinitingnan Siya... Ang isang buong talumpati ay nasa kanyang tingin. Isang kasaysayan ng paghihirap, ng kapootan, ng pagsisisi, ng pagmamahal.

Si Jesus, yumuyuko nang kaunti sa kanya, tinititigan ang kanyang mga mata, ay binabasa ang walang-tunog na kasaysayan at pagkatapos nagsabi: «Iyan kung bakit tinatawag kitang “anak”. Hindi ka na nag-iisa. Patawarin mo ang mga tao ng sarili mong dugo at ang mga estranghero, katulad na pinatatawad ka ng Diyos. At mahalin ang Pagmamahal Na nagligtas sa iyo. Sumama ka sa Akin nang sandali. Gusto Kong magsalita sa iyo nang kaunti nang tayo lamang.»

Ang bata-pang lalaki ay tumayo at sinundan Siya. Nang sila ay nag-iisa na lamang, sinabi ni Jesus: «Ibig Kong sabihin ito sa iyo, anak. Ang Panginoon ay minahal ka nang labis, kahit na kung tila hindi ito ang lumalabas sa mga mata ng isang may-kababawan na hukom. Ikaw ay ganap na sinubukan ng buháy. Ang mga tao ay sinaktan ka nang mabigat. Maaari kang nasira nang ganap ng mga ito. Sa likuran ng mga ito ay naroon si Satanas, naninibugho sa iyong kaluluwa. Ngunit sa itaas mo ay naroon ang mata ng Diyos. At ang banal na matang iyon ay pinatigil ang iyong mga kaaway. Ang Kanyang pagmamahal ay pinadala si Zacchaeus sa iyong landas. At, sa pamamagitan ni Zacchaeus, Ako ay Kanyang pinadala, Ako Na nagsasalita sa iyo ngayon. At ngayon sasabihin Ko sa iyo na sa pagmamahal na ito kailangan na matagpuan mo ang hindi ka pa nagkaroon, kailangan na kalimutan mo ang nagpasamâ ng iyong damdamin, at patawarin, patawarin ang iyong ina, ang iyong masamang panginoon, at ang sarili mo mismo. Huwag mong kapootan ang sarili mo sa isang masamang paraan, anak. Kapootan mo ang oras ng pagkakasala, ngunit hindi ang iyong espiritu na naging matagumpay sa pagtalikod sa kasalanan na iyon. Gawin ang iyong kaisipan na maging isang mabuting kaibigan ng iyong espiritu, upang sana maabot nila nang magkasama ang perpeksiyon.»

«Ako, perpekto!»

«Napakinggan mo ba ang Aking sinabi sa lalaking iyon? Datapwa't sa kabila niyon siya ay nasa pinaka-ilalim ng kalaliman!... At salamat sa iyo, anak!»

«Para sa ano, aking Panginoon? Kailangan na Kayo ang aking pasalamatan...»

«Para sa hindi mo pagpunta sa mga tao na bumibili ng mga tao na magtataksil sa Akin.»

«O! Panginoon! Papaano ko magagawa iyon, kung nalalaman ko na ni kaming mga mandarambong sa lansangan ay hindi Ninyo kinapopootan? Ako ay isa rin sa mga taong nagdala sa Inyo ng tupa sa Cherit. At ang isa sa amin, ang isa na nahuli ng mga Romano – iyan man lamang ang kanilang sinasabi, at siya ay hindi nakita sa pinagtataguan ng mga mandarambong mula pa noong bago ang mga Tabernakulo – ay sinabi sa akin ang mga salitang Inyong sinabi sa isang lambak malapit sa Modin... Sapagkat nang panahon na iyon ako ay hindi pa sumasama sa mga mandarambong. Sumama ako sa kanila noong katapusan ng nakaraan na Adar at iniwan ko sila sa pagsimula ng Ethanim. Ngunit wala akong ginawa na kahit ano na maging karapat-dapat ng Inyong pasasalamat. Kayo ay mabait noon. Ginusto kong maging mabuti, at upang bigyan ng babala ang isang kaibigan Ninyo... masasabi ko ba na ganito ang tungkol kay Zacchaeus?»

«Oo, maaari mong sabihin ang ganyan. Ang lahat na nagmamahal sa Akin ay Aking mga kaibigan. Isa ka na rin.»

«O!... Ibig ko siyang bigyan ng babala upang Kayo ay sana mag-ingat. Ngunit ang isang pagbibigay ng babala ay hindi karapat-dapat ng pasasalamat...»

«Uulitin Ko ito sa iyo muli: Pinasasalamatan kita sa hindi mo pagbenta sa iyong sarili sa mga laban sa Akin. Iyan ay mahalaga.»

«At ang babala ba ay hindi?»

«Anak, walang makapagpipigil sa Kapootan sa pananalakay sa Akin. Nakakita ka na ba ng isang ilog na umaapaw?»

«Oo, nakakita na ako. Malapit ako noon sa Jabesh-Gilead at nakita ko ang kasiraan na nagawa ng ilog na umapaw bago dumaloy ito sa Jordan.»

«At mayroon ba noong makapagpipigil sa tubig?»

«Wala, umapaw ito at sinira ang lahat. Kahit ang ilang mga bahay ay tinangay.»

«Ang poot ay katulad niyan. Ngunit hindi Ako nito matatangay. Ako ay mailulubog ngunit hindi masisira. At sa sandali ng pinakamapait na oras ang pagmamahal ng mga taong hindi mapopoot sa Inosenteng Isa ay ang Aking magiging konsolasyon, Aking liwanag sa dilim sa oras ng Kadiliman, Aking katamisan sa kalis ng alak na hinaluan ng apdo at mira.»

«Kayo!... Kayo ay nagsasalita ng tungkol sa Inyong Sarili na tila... Ang kalis na iyan ay para sa mga mandarambong sa lansangan, para sa mga pinapatay sa krus. Ngunit Kayo ay hindi isang magnanakaw! Wala Kayong nagawang masamâ! Kayo ay...»

«Ang Manunubos. Bigyan mo Ako ng isang halik, anak.»

Hinawakan Niya ang ulo ng binata at hinahalikan ang kanyang noo, pagkatapos Siya ay yumuko upang tanggapin ang kanyang halik. Isang nahihiyang halik na halos hindi lumalapat sa nangayayat na pisngi... Pagkatapos ang binata ay bumagsak sa dibdib ni Jesus umiiyak.

«Huwag umiyak, anak! Ako ay sinasakripisyo ng pagmamahal. At ito ay laging isang matamis na sakripisyo kahit na kung ito ay matindi sa pantaong kalikasan.»

Pinananatili Niya siya sa Kanyang mga bisig hanggan sa siya ay tumigil sa pag-iyak at pagkatapos Siya ay bumalik, hawak siya sa kamay malapit sa Kanyang Sarili, sa lugar na kinatatayuan dati ni Pedro.

Siya ay nagpapatuloy sa pagsasalita: «Nang tayo ay kumakain, ang isa sa inyo, hindi mula sa Israel, ay nagsabi na gusto niyang magtanong upang ipaliwanag Ko sa kanyang ang isang bagay. Gawin na niya ito ngayon, sapagkat malapit na tayong bumalik sa pulutong at pagkatapos maghihiwa-hiwalay.»

«Ako ito na nagsabi niyan. Ngunit marami ang may gustong makaalam. Si Zacchaeus ay hindi ito maipaliwanag nang malinaw, ni sino man sa amin na sumusunod sa Inyong relihiyon. Tinatanong namin ang Inyong mga disipulo kapag sila ay dumaraan dito. Ngunit hindi sila nagbigay ng maliwanag na paliwanag.»

«Kung gayon ano ang gusto ninyong malaman?»

«Ni hindi namin nalalaman na kami ay may kaluluwa. Ibig sabihin... kami, man lang sana ay nalaman ito, dahil ang aming mga ninuno... Ngunit hindi namin nabasa ang lumang mga aklat. Katulad namin noon ang mga hayop... At hindi na namin malaman kung ano ang kaluluwa na ito. Hindi namin ito malaman kahit na ngayon. Ano ang kaluluwa? Hindi kaya't ito ay ang aming rason? Hindi sa aming palagay, dahil kung ganyan maaari kaming buháy na wala ito, at kami ay nasabihan na kung wala ang kaluluwa hindi mabubuhay ang isa. Kung gayon ano ang kaluluwa, na nasabi sa amin na di-materyal at inmortal, kung ito ay hindi ang aming rason? Ang idea ay di-materyal, ngunit hindi ito inmortal sapagkat nagtatapos ito kasabay ang aming buhay. Kahit na ang pinakamarurunong na tao ay hindi na nag-iisip pagkatapos ng kanyang kamatayan.»

«Ang kaluluwa ay hindi isang pag-iisip, mamâ. Ang kaluluwa ay ang espiritu, ang di-materyal na kataastaasan na dahilan ng buhay, ang di-nahihipo ngunit totoong batayan na nagpapagalaw sa buong tao at tumatagal pagkatapos ng tao. Iyan kung bakit sinasabi na ito ay inmortal. Ito ay napakataas na kahit na ang pinaka makapangyarihan na kaisipan ay wala kompara dito. Ang isang naiisip ay nagtatapos. Ang kaluluwa, sa halip, ay may simula, ngunit walang katapusan. Maging ito man ay napaka ligaya o naisumpa ito ay patuloy na nabubuhay. Pinagpala ang mga tao na nag-aalam kung papaano ito panatilihin na puro pagkatapos na magawa itong di-puro, upang maibigay itong muli sa Tagapaglikha katulad na ito ay binigay sa tao upang mabuhayan ang kanyang pagiging tao.»

«Ngunit ito ba ay nasa loob namin, o nasa itaas namin, katulad ng mata ng Diyos?»

«Nasa loob natin.»

«Nakakulong sa loob natin hanggang sa kamatayan, kung gayon? Isang alipin?»

«Hindi. Isang reyna. Sa eternal na kaisipan, ang kaluluwa, ang espiritu ay ang siyang naghahari sa tao, sa hayop na nilikha at pinangalanan na tao. ang kaluluwa ay nilikhang reyna, na may awtoridad at patutunguhan ng isang reyna, dahil ito ay nanggaling sa Hari at Ama ng lahat na mga hari at mga ama, Kanyang hininga at larawan, Kanyang regalo at karapatan, at ang misyon nito ay ang gawin ang nilikha na pinangalanan na tao na maging isang hari ng dakilang eternal na kaharian at maging isang diyos sa kabilang-buhay, isang “nabubuhay na nilalang” sa Tirahan ng pinaka banal na tanging Diyos. Ang mga katulong-na-babae nito ay ang lahat na mga birtud at mga pakultad ng tao, ang ministro nito ay ang mabuting kalooban ng tao, ang kaisipan ng tao ay ang katulong-na-lalaki at disipulo nito. Ito ay mula sa espiritu na ang kaisipan ay nagkakaroon ng kapangyarihan at pagka-makatotohanan, katarungan at karunungan, at makatataas patungo sa makaharing perpeksiyon. Ang isang kaisipan na pinagkaitan ng liwanag ng espiritu ay laging magiging may-kulang at malabo, hindi nito kailanman maiintindihan ang rason para sa mga katotohanan na mas mahirap maintindihan kaysa sa mga misteryo sa mga tao na nakahiwalay sa Diyos, bilang nawalan ng pagka-makahari ng kanilang mga kaluluwa. Ang kaisipan ng tao ay magiging malabo at mapurol, kung nagkukulang ito ng basikong punto, ang pamamaraan na kinakailangan upang makaintindi, upang makataas iniiwan ang Lupa at sumisibad pataas, patungo sa Katalinuhan, sa Kapangyarihan, sa Dibinidad, sa isang salita. Ako ay nagsasalita nang ganito sa iyo Demetis, sapagkat ikaw ay hindi laging naging isang tagapalit ng pera, kung kaya't naiintindihan mo at maipaliliwanag mo ito sa iba.»

«Kayo ay talagang isang manghuhula, Guro. Hindi, hindi lamang ako naging isang tagapalit ng pera... Hindi, bagkus, iyan ang aking huling hakbang pagbaba... Sabihin sa akin, Guro. Kung ang kaluluwa ay isang reyna, bakit kung gayon hindi ito naghahari at pinayuyuko ang masamang kaisipan at ang masamang laman ng tao?»

«Ang pagpapayuko ay hindi magiging kalayaan o merito; ito ay magiging paniniil.»

«Ngunit ang kaisipan at ang laman ay napangingibabawan din ang kaluluwa, ang sinasabi ko ay ang tungkol sa aking sarili, ang tungkol sa amin, at inaalipin nila ito nang madalas.. Iyan kung bakit ako nagtanong kung iyan ay nasa amin sa porma ng isang alipin. Papaano napahihintulutan ng Diyos ang isang napakataas na bagay – tinatawag Ninyo itong “hininga ng Diyos at Kanyang larawan” – na mápasamâ ng mas mabababang nilikha?»

«Ayon sa dibinong Isip ang kaluluwa ay hindi kailangan na makaalam ng pagka-alipin. Ngunit nakakalimutan mo ba ang tungkol sa kaaway ng Diyos at ng tao? Ang makadimonyong mga espiritu ay nalalaman mo rin.»

«Oo, at ang lahat sa kanila na may malulupit na mithiin. At inaalaala ang aking kabataan, masasabi ko na dahil sa makadimonyong mga espiritung iyon na ako ay naging ang tao na ako ngayon at noong nakaraan, hanggang sa dulo ng aking katandaan. Ngayon natagpuan ko na muli ang aking nawawalang kabataan ng mga araw na iyon. Ngunit magagawa ko bang maging isang batang katulad noon katulad na bumalik sa kadalisayan ng aking kabataan? Posible bang lumakad nang pabalik sa oras?»

«Hindi na kinakailangan na lumakad nang pabalik. Hindi mo iyan magagawa. Ang mga nakaraang araw ay hindi na babalik, hindi magagawa ng isa na ang mga ito ay bumalik o siya ay bumalik sa kanila. At hindi na ito kinakailangan. Ang ilan sa inyo ay nanggaling sa mga lugar kung saan ang teoriya ng itinuturo ni Pythagoras ay nalalaman. Isang maling teoriya. Ang mga kaluluwa, kapag natapos na ang kanilang pamamalagi sa Lupa, ay hindi na bumabalik ulit dito sa kahit alin na katawan. Hindi sa katawan ng isang hayop, sa dahilan na hindi ito nababagay sa isang sobrenatural na nilikha na manirahan sa katawan ng isang hayop. Hindi sa katawan ng isang tao, sapagkat papaano magagantimpalaan ang isang katawan kapag ito ay naisama nang muli sa kaluluwa sa Huling Paghuhukom, kung ang kaluluwang iyan ay naramtan ng maraming katawan? Ang mga naniniwala sa teoriya na iyan ay nagsasabi na ang huling naging katawan ang magbubunyi, sapagkat ang kaluluwa sa pamamagitan ng sunud-sunod na puripikasyon, sa loob ng magkakasunod na mga pamumuhay, ay nararating ang perpeksiyon nagiging karapat-dapat ng isang gantimpala sa huling reenkarnasyon lamang. Isang pagkakamali at panghahamak! Pagkakamali at panghahamak laban sa Diyos, dahil tinatanggap nito na ang Diyos ay nakalilikha ng limitadong bilang lamang ng mga kaluluwa. Pagkakamali at panghahamak laban sa tao, sa dahilan na tinitingnan siya na napakarumi na karapat-dapat siya ng isang gantimpala nang may malaking kahirapan lamang. Ang gantimpala ay maaaring hindi kaagad ipagkakaloob, siyamnapu’t siyam na beses sa sandaan ang puripikasyon ay kakailanganin sa buhay na darating. Ngunit ang puripikasyon ay ang preparasyon sa lugod. Kung gayon siya na dumaraan ng puripikasyon ay ligtas na. At kapag siya ay nailigtas na siya ay magbubunyi, pagkatapos ng Katapusan ng mundo, kasama ang kanyang katawan. Magkakaroon lamang siya ng isang katawan para sa kanyang kaluluwa, katulad na nagkaroon siya ng isang buhay dito, at kasama ang katawan na ginawa ng kanyang mga magulang para sa kanya, at kasama ang kaluluwa na nilikha ng Tagapagligtas para sa kanya upang mabigyan ng buhay ang kanyang katawan, magsásaya siya sa gantimpala. Hindi posible ang magreenkarnasyon, katulad na hindi posible na bumalik sa panahon. Ngunit posible na muling-malikha sa pamamagitan ng sariling malayang kalooban, at pinagpapala at tinutulungan ng Diyos ang ganyang kalooban. Ang bawat isa sa inyo ay nagkaroon ng ganyang kalooban. At pagkatapos ang tao, na dati ay makasalanan, mabisyo, marumi, dilingkuwente, nagnanakaw, bulok, nagpápasamâ, pumapatay ng tao, lapastangan, mapangalunya, ay nabuhayan muli sa espiritu sa pamamagitan ng puripikasyon ng pagsisisi, sinisira ang bulok na kalamnan ng lumang tao, winawaksi ang mental na kaakuhan na mas bulok pa na tila ang kalooban na matubos ay isang asido na umaatake at sumisira sa di-mabuting kahon na nagtatago sa isang kayamanan, at pagkatapos na mailantad ang kanyang espiritu, pinadadalisay ito at pinanunumbalik sa kalusugan, dinaramtan niya ito ng bagong mentalidad, ng isang bago, puro, mabuting pangkabataan na damit. O! isang damit na makalalapit sa Diyos, karapat-dapat na makatakip sa nalikhang-muli na kaluluwa, maprotektahan at matulungan ito hanggang sa kataastaasang paglilikha dito, ibig sabihin ang ganap na kabanalan nito, na sa hinaharap – baka isang malayong hinaharap kung susukatin ng isip at pamamaraan ng tao; napakalapit kung iniisip nang may kaisipan ng eternidad – ay magiging maluwalhati sa Kaharian ng Diyos. At ang bawat tao ay maaari, kung gugustuhin niya, na malikhang-muli sa kanyang sarili ang bata ng kanyang kabataan, ang mapagmahal, mababa ang kalooban, sinsiro, mabait na bata, na madalas idiin ng ina sa kanyang dibdib at tinitingnan ng ama na nagluluwalhati, minahal ng anghel ng Diyos at hinangaan ng Diyos nang may pagmamahal. Ang inyong mga ina! Sila ay baka mga babae ng dakilang birtud... Ang Diyos ay hindi iiwanan ang kanilang birtud nang hindi ginagantimpalaan. Magpursige kung gayon na maging mabirtud din katulad nila, upang makaisa nila kapag magkakaroon na lamang ng isang bagay para sa lahat ng mabibirtud na tao: ang Kaharian ng Diyos para sa mabubuting tao. Baka sila ay hindi mabuti at nakatulong sila sa inyong pagkasira. Ngunit kung sila ay hindi kayo minahal, kung hindi ninyo nalaman noon kung ano ang pagmamahal, kung ang kakulangan sa pagmamahal ay nagawa kayong masamâ, ngayon na ang dibinong Pagmamahal ay niyakap kayo, maging banal upang magsayá kayo na may makalangit na lugod sa Pagmamahal na nakahihigit sa lahat na pagmamahal. Mayroon pa ba kayong ibang itatanong?»

«Wala, Panginoon. Marami kaming dapat na matutunan. Ngunit sa pansamantala wala nang iba pa...»

«Iiwanan Ko sa inyo si Juan at si Andres sa loob ng kaunting mga araw. Pagkatapos magpapadala Ako sa inyo ng ilan na mabubuting marunong na mga disipulo. Gusto Ko na ang maiilap na bisiro ay malaman ang mga pamamaraan ng Panginoon at ang Kanyang mga pastulan, katulad ng sambayanan ng Israel, sapagkat Ako ay naparito para sa lahat at mahal Ko ang lahat nang magkakapareho. Tumayo at lumakad na tayo.»

At Siya ang unang lumakad patungo sa binagong hardin, malapit na sinusundan ng Kanyang mga apostol na nagrereklamo nang kaunti nagsasabing: «Guro, Kayo ay nagsalita sa kanila nang bihira Ninyong gawin sa Inyong mga piniling mga tao...»

«At nagrereklamo ba kayo gawa niyan? Hindi ba ninyo nalalaman na ganyan din ang ginagawa nila sa mundo, kapag gusto nilang makuha ang sinuman na kanilang minamahal? Ngunit sa mga tao na alam natin na minamahal tayo nang kanilang buong katauhan, wala nang pangangailangan para sa kahusayan ng pang-aakit. Sapat na ang sila ay magkita-kita upang mapasa isa’t isa sila nang may lugod at kapayapaan» sabi ni Jesus na may dibinong ngiti, talagang dibino, labis-labis na bilang ang lugod na pinaaabot nito.

At ang mga apostol ay hindi na nagrereklamo, sa kabaligtaran tinitingnan nila Siya nang masaya, nawawalang katulad nila sa pagdiriwang ng pagmamahalan sa isa’t isa.

181111

 

 


Sunod na kabanata