523. Si Sabea ng Bethlechi.

Nobyembre 5, 1946.

Ang kapirasong lupa na tumutustos ng pagkain sa grupo ng nagkakaiba-ibang mga tao na mga kaibigan ni Zacchaeus ay totoong hindi nga maganda, lalo na ngayon na ang panahon ng taglamig ay tiyak na hindi nagpapasigla sa mga puso. Gayunpaman gusto nila ito at nagmamalaki silang pinakikita ito kay Jesus. Tatlong mga bukid ng trigo, inararo at sinuyod, isang lootan na may kaunting namumungang mga punungkahoy at iba pang mga puno na napakabata pa upang mamunga, ilang hilera ng bansot na mga baging, isang hardin na pinagkukunan ng mga gulay... isang maliit na establero na may isang baka at isang asno para sa pagpapaikot ng gulong sa pagpapatubig, isang maliit na kulungan na may ilang inaheng manok at limang pares ng mga kalapati, anim na tupa, isang kubo na may isang kusina at tatlong silid, isang silungan na ginawang tambakan ng mga kahoy at mga dayami, isang bubon na may sirang bakod at isang tangke na may maputik na tubig. Wala nang iba pa...

«Kung magandang ang panahon...»

«Kung manganganak ang mga hayop...»

«Kung ang mga puno ay magkaka-ugat...»

Ang lahat ay depende... Hindi napakaganda ang hinaharap...

Ang isa sa kanila ay naalaala ang kanyang narinig nang nakaraang mga taon – tungkol sa magagandang ani ni Doras dahil sa isang pagpapalà ng Guro, upang si Doras ay sana maging makatao sa kanyang mga magbubukid – at siya ay nagsabi: «At kung Inyong pagpapalain ang lugar na ito... Si Doras din ay isang makasalanan...»

«Tama ka. Ang Aking ginawa doon, bagama't nalalaman Ko na hindi niyon mapagbabago ang kanyang puso, ay gagawin Ko rin para sa inyo, na ang kaninong mga puso ay nagbago.» At Kanyang inuunat ang Kanyang mga kamay upang magpala nagsasabing: «Gagawin Ko iyan kaagad upang makumbinsi kayo na minamahal Ko kayo.»

Pagkatapos nagpatuloy sila sa paglalakad sa daan patungo sa isang ilog, sa tabi ng inararong mga bukid na may maitim na lupa, at sa mga lootan na ang mga puno ay nalagasan ng mga dahon gawa ng panahon.

Sa isang pagliko ang ilang mga eskriba ay lumapit. «Kapayapaan sa Inyo, Guro. Kanina pa kami naghihintay para sa Inyo upang pagpitaganan Kayo...»

«Hindi. Upang matiyak na wala Akong gagawin ng pandaraya. Nagawa ninyo ang tamang bagay. Kailangan ninyong makumbinsi na hindi Ako nagkaroon ng pagkakataon na makita ang babae o kahit sino sa mga tao na kasama niya. Kayo ay nagbabantay sa bahay ni Zacchaeus at nakita ninyo na wala sa amin ang lumabas. Inunahan ninyo Ako sa daan at nakita ninyo na wala sa amin ang umuna sa inyo. Nag-iisip kayo na maglalagay kayo sa Akin  ng mga kondisyon tungkol sa pakikipagkita sa babaeng iyon, at sasabihin Ko sa inyo na tinatanggap Ko ang mga kondisyon bago pa man ninyo ito banggitin sa Akin.»

«Ngunit... kung hindi Ninyo ito nalalaman...»

«Hindi ba’t totoo na gusto ninyong ibigay ang mga kondisyon?»

«Iyan ay totoo.»

«Katulad na nalalaman Ko ang inyong intensiyon, na kayo lamang ang nakaaalam, nalalaman Ko rin kung ano ang inyong sasabihin sa Akin. At sinasabi Ko sa inyo na tinatanggap Ko kung ano ang inyong imumungkahi sa Akin, sapagkat magsisilbi iyan na mabigyan ng kaluwalhatian ang Katotohanan. Magsalita.»

«Nalalaman ba Ninyo kung ano ang sitwasyon?»

«Alam Ko na tinitingnan ninyo siya na inalihan, at walang sinuman ang makapagpalayas sa dimonyo. At nalalaman Ko na siya ay hindi nagsasalita ng mga salitang kadalasan sinasabi ng isang dimonyo.  Ibig sabihin ang sinasabi niya ayon sa sinasabi ng mga nakarinig sa kanya .»

«Mapanunumpaan ba Ninyo na hindi Ninyo siya kailanman nakita?»

«Ang isang makatarungan na tao ay hindi kailanman nanunumpa, sapagkat karapat-dapat na tanggapin ang kanyang salita. Sinasabi Ko sa inyo na hindi Ko siya kailanman nakita at Ako ay hindi kailanman napunta sa kanyang nayon, at ang buong nayon ay mapatutunayan iyan.»

«Gayunpaman pinangangatawanan niya na kilala niya ang Inyong mukha at ang Inyong tinig.»

«Sa katunayan ang kanyang kaluluwa ang nakakikilala sa Akin sa pamamagitan ng kalooban ng Diyos.»

«Sinasabi Ninyo na sa pamamagitan ng kalooban ng Diyos. Ngunit papaano Ninyo masasabi ang ganyan?»

«Ako ay napasabihan na siya ay nagsasalita ng mga inspiradong salita.»

«Ang dimonyo ay nagsasalita rin ng tungkol sa Diyos.»

«Ngunit sadyang hinahaluan ng mga pagkakamali, upang mailigaw ang mga tao sa maling mga kaisipan.»

«Bueno... gusto namin na pahintulutan Ninyo kami na ilagay sa isang pagsubok ang babae.»

«Sa anong pamamaraan?»

«Talaga bang hindi Ninyo siya nakikilala?»

«Nasabi Ko na sa inyo na hindi Ko kilala.»

«Bueno kung gayon. Magpapauna kami ng isang tao sumisigaw: “Naririto ang Panginoon” at malalaman natin kung babatiin niya siya na tila siya ay Kayo.»

«Isang mahinang pagsubok. Ngunit sumasang-ayon Ako. Piliin ang mga taong pauunahin, mula sa Aking mga tagasunod. Susundan Ko kayo kasama ang iba pa. Ngunit kung ang babae ay magsalita, kailangan na pabayaan ninyo siyang magsalita, upang mahusgahan Ko ang kanyang mga salita.»

«Iyan ay makatarungan. Iyan na ang kasunduan at igagalang natin iyan.»

«Gawin na mangyari iyan at harinawang mahipo ang inyong mga puso.»

«Guro, kami ay hindi lahat mga kaaway. Ang ilan sa amin ay nasa katayuan ng paghihintay... sinsirong nananabik na makita ang katotohanan at sumunod sa Inyo» sabi ng isang eskriba.

«Iyan ang katotohanan. At sila ay mamahalin pa rin ng Diyos.»

Ang mga eskriba ay pinag-aaralan ang mga apostol at nagtataka tungkol sa pagkawala ng marami, ng Iskariote lalo na. Pinili nila pagkatapos si Judas Tadeo at si Juan. Kinuha rin nila ang bata-pang nakumberting magnanakaw na maputla at payat at may buhok na ang kulay ay mapula-pula. Sa maikling salita, kinuha nila ang mga tao na, dahil sa kanilang edad at hitsura, ay nakakatulad ng Guro.

«Magpapatuloy kami kasama sila. Kayo ay mananatili rito kasama ang aming mga kasamahan at ang Inyo, at susundan Ninyo kami pagkaraan ng kaunting sandali.»

Ganito ang ginawa nila.

Ang mga kakahuyan sa tabi ng ilog ay makikita na. Ang sinag ng araw ng taglamig sa paglubog-ng-araw ay pinagaganda ang mga tuktok ng mga punungkahoy at nagkakalat ng dilaw na liwanag sa mga tao na nag-iipun-ipon malapit sa mga puno.

«Naririto Siya! Naririto ang Guro! Bumangon! Halikayo at salubungin Siya!» sigaw ng mga eskriba na mga nauna na, lumiliko patungo sa isang landas na nagtatapos sa isang malaking puno ng terebinto, na may malalaking ugat na nakausli, nagiging mga upuan ng mga naninilungan malapit doon.

Ang mga tao na naipon doon, ay lumingon, tumayo, nagbukas ng hanay at umalis upang pumunta at salubungin ang mga dumarating. Tanging tatlong mga eskriba lamang ang nanatili malapit sa puno, kasama si Juan ng Ephesus, at isang maedad na lalaki at isang babae, at isa pang babae na nakaupo sa isang nakausling ugat, na ang kanyang likod nakasandal sa puno, ang kanyang ulo nakayuko sa kanyang mga tuhod na yapos ng kanyang mga kamay na magkahawak, ganap na nakatalukbong ng isang malalim-na-biyoletang belo, na ito ay tila itim. Siya ay tila walang-pakialam sa lahat. Siya ay hindi gumagalaw sa kabila ng mga pagsigaw.

Ang isang eskriba ay hinipo siya sa balikat: «Ang Guro ay naririto, Sabea. Tumayo ka at batiin Siya.»

Ang babae ay hindi tumutugon at hindi gumagalaw.

At tatlong eskriba ay nagkakatinginan at ngumingiting mapanuya, tumatangong may ibig-sabihin sa iba pang dumarating. At sa dahilan na ang mga naghihintay ay naging tahimik, sapagkat hindi nila nakikita si Jesus, nagsimula silang sumigaw nang mas malakas pa kahit kailanman kasama ang kanilang mga kasabuwat, upang ang babae ay hindi malaman ang panloloko.

«Babae» sabi ng isang eskriba sa matandang ina na kasama ang kanyang anak na babae «kayo man lamang ay kailangan na batiin ang Guro, at sabihin sa iyong anak na batiin Siya.»

Ang babae ay ipinagpatirapa ang sarili kasama ang kanyang asawa sa harapan ni Tadeo at ni Juan at ng nagsisising magnanakaw, pagkatapos tumatayo, sinabi niya sa kanyang anak na babae: «Sabea, ang iyong Panginoon ay naririto. Sambahin mo Siya.»

Ang anak-na-babae ay hindi gumagalaw.

Ang mga eskriba ay mas ngumingiti nang mapanuya, at ang isa sa kanila, ang isang payat na malaki ang ilong, ay nagsabi sa isang dumaraan-sa-ilong na mahinay na tinig: «Hindi mo inaasahan ang pagsubok na ito, hindi ba? At ang iyong puso ay nanginginig. Nadarama mo na ang iyong kasikatan ng isang propeta ay nanganganib at hindi ka nakahanda na baguhin an kalalabasan... Sa aking palagay sapat na iyan para sabihin na ikaw ay isang sinungaling...»

Ang babae ay itinaas ang kanyang ulo nang bigla na lamang. Tinapon niyang papunta sa likuran ang harapan ng kanyang belo at nakatingin nang nakadilat ang mga mata siya ay nagsabi: «Hindi ako nagsisinungaling, eskriba. At hindi ako natatakot dahil ako ay nasa katotohanan. Nasaan ang Panginoon?»

«Ano? Sinasabi mo na kilala mo Siya at Siya ay hindi mo nakikita? Siya ay nasa harapan mo.»

«Wala sa mga ito ang Panginoon. Iyan kung bakit hindi ako gumalaw. Wala sa sinuman sa kanila.»

«Wala sa sinuman sa kanila? Hindi ba’t ang may magandang buhok na iyan na Galilean ay ang Panginoon? Hindi ko Siya kilala, ngunit nalalaman ko na maganda ang Kanyang buhok at ang Kanyang mga mata ay asul ng kalawakan ang kulay.»

«Siya ay hindi ang Panginoon.»

«Bueno, Siya ay ang isang iyon, na matangkad at mahigpit ang tingin. Tingnan ang Kanyang makaharing mga katangian. Siya ay tiyak na Siya.»

«Siya ay hindi ang Panginoon. Ang Panginoon ay wala sa kanila» at ibinaba niya ang kanyang ulo sa ibabaw ng kanyang mga tuhod katulad kanina.

Ilang mga sandali ang dumaan. Pagkatapos ay naroon si Jesus lumalapit. Ang mga eskriba ay nasabihan ang ilang mga tao na manahimik. Upang ang Kanyang pagdating ay hindi maibunyag ng mga hosana. Si Jesus ay papalapit sa pagitan ni Pedro at ng Kanyang pinsan na si Santiago. Siya ay naglalakad nang dahan-dahan... Nananahimik... Ang makapal na damo ay napatatahimik nito ang pagkaluskos ng mga paa. Habang ang matandang babae ay pinupunas ang kanyang mga luha sa pamamagitan ng kanyang belo at ang eskriba ay sinasaktan siya nagsasabing: «Ang iyong anak ay baliw at isang sinungaling», at ang kanyang ama nagbubuntung-hininga at pinagagalitan ang kanyang anak, si Jesus ay nakarating sa katapusan ng landas at tumigil.

Ang bata-pang babae, na hindi makarinig o makakita ng kahit na ano, ay napatayo, inalis ang kanyang belo, nailalantad ang kanyang ulo, ibinubuka ang kanyang mga kamay nang may isang malakas na sigaw: «Naririto ang aking Panginoon papalapit sa akin! Ito ang Mesiyas, o mga tao, na gusto lokohin at hiyain ako. Nakikita ko sa Kanya ang liwanag ng Diyos Na nagbubunyag sa Kanya sa akin at pinararangalan ko Siya!» at itinapon niya ang kanyang sarili sa lupa, nananatili kung nasaan siya kanina, mga dalawang metro mula kay Jesus. Na ang kanyang mukha nasa lupa, sa damo, siya ay sumigaw: «Binabati ko Kayo, o Hari ng mga sambayanan, o Kababalaghan, o Prinsipe ng Kapayapaan, Ama ng siglo na walang katapusan, Pinuno ng bagong sambayanan ng Diyos!» at siya ay nananatiling nakapatirapa sa ilalim ng kanyang malapad na madilim na manta, ng isang biyoleta halos itim na kulay katulad ng kanyang belo.

Ngunit sa sandali na siya ay tumayo sa tabi ng maitim na puno ng punungkahoy – at pagkatapos na maitapon ang kanyang belo, nananatili siya na ang kanyang mga kamay nakabukang paharap katulad ng isang estatuwa – napuna ko na sa ilalim ng kanyang manta nakasuot siya ng isang mabigat na delanang damit ng kaputiang-garing ang kulay, nakakapit sa kanyang leeg at baywang sa pamamagitan ng isang tali. At higit sa lahat nagawa kong masilayan ang kanyang kagandahan ng isang babae na nasa katamtaman na edad. Siya ay maaaring mga tatlumpung taong gulang. At sa pangkalahatang pananalita, ang tatlumpung taong edad sa Palestina ay katumbas ang apatnapu man lamang ng ating mga taon; kung ang Ating Ginang ay liban sa panuntunan na ito, ang ibang mga babae ay nararating ang kagulangan nang maaga, lalo na ang mga may madidilim na kutis at buhok at mga biluga’t malusog katulad ng isang ito. Siya ang isang klasikong tipo ng isang Judiong babae. Sa palagay ko sina Rachel, Ruth at Judith, na kilalang-kilala sa kanilang kagandahan, ay maaaring naging katulad niya. Matangkad, madibdib ngunit balingkinitan, may makinis na balat ng isang maputlang kulay-kapeng kutis, may isang maliit na bunganga at mga lábing magang kaunti at mapulang-mapula, may tuwid na mahabang manipis na ilong, madidilim na malambot na mga mata sa ilalim ng arko ng makakapal na kilay, mataas na makinis na makaharing noo, isang kung baga mahabang obalong mukha at ebanong buhok na kasing ganda ng isang oniseng girnalda. Hindi isang hiyas, ngunit isang katawan na katulad ng estatuwa at ang mahestad ng isang reyna.

Siya ay tumatayo na ngayon itinutulak ang kanyang mga kamay, na mahahaba, kayumanggi, maganda, nakadugtong sa kanyang mga braso sa pamamagitan ng maninipis na pupulsuhan. Siya ngayon ay nakatayo na, nakatayo sa tabi ng madilim na katawan ng punungkahoy. Ngayon ay tinitingnan niya sa katahimikan  ang Guro, at iniiling ang kanyang ulo sapagkat ang mga eskriba ay nagsasabi sa kanya: «Nagkakamali ka, Sabea. Siya ay hindi ang Mesiyas, bagkus ang isang nakita mo kanina na hindi mo nakilala.» Iniiling niya ang kanyang ulo nang may-paninindigan at may-kahigpitan, nang hindi niya inaalis ang kanyang mga mata sa Panginoon. Pagkatapos ang kanyang mukha ay nagkaroon ng pagbabago-ng-anyo na hindi ko masabi kung ito ay dahil sa matinding kagalakan o pagkahilo sa labis na kasiyahan. Nagmumukha itong gawa ng dalawa, sapagkat siya ay namumutla katulad ng isang hihimatayin, habang ang lahat ng kanyang buhay ay tila nasa kanyang mga mata na nagiging maningning sa pamamagitan ng isang liwanag ng kaluguran, ng pananagumpay, ng pagmamahal... Hindi ko alam. Ang mga mata bang iyon ay ngumingiti? Hindi, hindi iyon ngumingiti, katulad na ang kanyang mahihigpit na mga labì ay hindi ngumingiti. Gayunpaman ang isang liwanag ng lugod ay sumisinag sa mga ito at nagkakaroon ang mga ito ng palakas pa nang palakas na kapangyarihan sa katindihan, na ito ay nakakagulat.

Si Jesus ay tinitingnan siya ng Kanyang mapagpakumbaba na medyo malungkot na mga mata. «Hindi ba Ninyo nakikita na siya ay baliw?» bulong ng isang eskriba sa Kanya. Si Jesus ay hindi tumutugon sa kanya. Na ang Kanyang kanang kamay hawak ang Kanyang manta sa Kanyang dibdib, Siya ay nakatingin, tahimik.

Ang babae ay ibinuka ang kanyang bunganga at iniunat ang kanyang mga kamay katulad ng kanyang ginawa kanina, nagmumukha siyang isang malaking paruparo na may biyoletang mga pakpak at isang katawan ng lumang garing. At isang bagong sigaw ang binigkas ng kanyang mga labì: «O Adonai, Kayo ay dakila! Kayo lamang ang dakila, o Adonai! Kayo ay dakila sa Langit at sa Lupa, sa panahon at sa mga siglu-siglo, at sa kabila ng Panahon, mula sa malayung-malayo nang panahon at magpasawalanghanggan, o Panginoon, Anak ng Panginoon. Ang Inyong mga kaaway ay nasa ilalim ng Inyong mga paa at ang Inyong trono ay suportado ng pagmamahal ng mga nagmamahal sa Inyo.»

Ang kanyang tinig ay patatag nang patatag at palakas nang palakas habang ang kanyang mga mata ay umaalis sa mukha ni Jesus at tinitingnan nito ang isang punto sa distansiya, mataas nang kaunti sa mga ulo ng mga nanonood na nasa paligid niya at na kanyang napaghaharian nang walang kahirapan, nakatayong tuwid sa tabi ng katawan ng terebinto, na nasa isang pagtaas sa lupa katulad ng isang mababang pampang.

Pagkaraan ng isang pagtigil nang sandali nagpatuloy siya sa pagsasalita: «Ang trono ng aking Panginoon ay adornado ng labindalawang mga bato ng labindalawang mga lipi ng makatarungan. Sa dakilang perlas na siyang ang trono, ang maputing mahalagang maningning na trono ng Kabanalbanalang Kordero, ay may tampok ng mga topasyo at  mga amatista, mga esmeralda kasama ng mga sapiro, mga rubi kasama ang mga sardonise, at mga agata at mga krisolita at mga berilo, mga onise, mga haspe, mga opalo. Ang mga naniniwala, ang mga umaasa, ang mga nagmamahal, ang mga nagsisisi, ang mga namumuhay at namamatay sa katarungan, ang mga naghihirap, ang mga tumatalikod sa pagkakamali upang pumunta sa Katotohanan, ang mga matitigas ang puso at naging mabababa ang loob sa Kanyang Pangalan, ang inosente, ang mga gustong magsisi, ang mga hinuhubaran ang mga sarili ng lahat na bagay upang maging maliksi sa pagsunod sa Panginoon, ang mga birhen na ang kaninong mga espiritu ay nagniningning na may liwanag katulad ng pagsikat ng Langit ng Diyos... Kaluwalhatian sa Panginoon! Kaluwalhatian kay Adonai! Kaluwalhatian sa Hari nakaupo sa Kanyang trono!»

Ang kanyang tinig ay isang matalas na tunog. Ang mga tao ay nanginginig sa emosyon. Ang babae ay tila talagang nakikita kung ano ang kanyang sinasabi, na tila ang ginintuan na ulap na naglalayag sa maliwanag na kalangitan at na tila kanyang sinusundan sa pamamagitan ng kanyang labis-na-naliligayahan na mga mata, ay isang lente na sa pamamagitan nito kanyang nakikita ang mga makalangit na mga kaluwalhatian.

Siya ay tumigil na tila siya ay napagod ngunit hindi binabago ang kanyang aktitud. Tanging ang kanya lamang na mukha ang mas naging nagbago ang anyo dahil ito ay naging mas maputla at ang kanyang mga mata ay sumisinag nang mas maningning. Nagpapatuloy siya sa kanyang pagsasalita ibinababa ang kanyang mga mata kay Jesus Na nakikinig nang maasikaso sa kanya sa pagitan ng isang grupo ng mga eskriba na iniiling ang kanilang mga ulo nang di-makapaniwala at may-panunuya, at sa pagitan ng Kanyang mga apostol at mga tagasunod na namumutla gawa ng banal na emosyon. Nagpapatuloy siya sa pagsasalita sa malinaw ngunit mas mahinang tinig: «Nakikita ko! Nakikita ko sa Tao kung ano ang nakatago sa Tao. Banal ang Tao, ngunit ang aking mga tuhod ay lumuluhod sa harapan ng Banal ng mga Banal na nakapaloob sa Tao.»

Ang kanyang tinig ay naging malakas muli at dominante katulad ng isang utos: «Tingnan ang inyong Hari, o sambayanan ng Diyos! Kilalanin ang Kanyang Mukha! Ang Kagandahan ng Diyos ay nasa harapan ninyo! Ang Karunungan ng Diyos ay kumuha ng isang bunganga upang turuan kayo. Ito ay hindi na ang mga propeta, o sambayanan ng Israel, na nagsasalita sa inyo tungkol sa Di-mapangalanan na Isa. Ito ay Siya Mismo. Siya, Na alam ang misteryo na siyang ang Diyos, ang nagsasalita sa inyo tungkol sa Diyos. Siya na nakaaalam ng tungkol sa isip ng Diyos Na nagdidiin sa inyo sa Kanyang sinapupunan, o sambayanan na isa pa ring sanggol pagkaraan ng napakaraming mga siglo, at nagsusustento sa inyo ng gatas ng Karunungan ng Diyos upang magawa kayong mga adulto sa Diyos. Upang magawa ito siya ay nagkatawang-tao sa loob ng isang sinapupunan. Sa loob ng sinapupunan ng isang Israelitang babae, mas dakila sa mga mata ng Diyos at ng mga tao kaysa iba pang babae. Nakuha Niya ang puso ng Diyos sa pamamagitan ng isa lamang ng Kanyang mga pagtibok ng isang kalapati. Ang kagandahan ng Kanyang espiritu ay naakit ang Kataastaasan at ayon sa kagandahan na ito ginawa Niya ang Kanyang trono. Si Miriam ni Aaron ay nagkasala sapagkat ang kasalanan ay nasa kanya. Si Deborah ay nagpasya kung ano ang dapat na gawin, ngunit hindi siya kumilos sa pamamagitan ng kanyang sariling mga kamay. Si Jael ay malakas, ngunit dinumihan niya ng dugo ang kanyang mga kamay. Si Judith ay makatarungan at kinatakutan niya ang Panginoon, at ang Diyos ay nasa kanyang mga salita at pinahintulutan siya ng gawain na ang Israel ay sana maligtas, ngunit para sa pagmamahal niya sa kanyang bayan gumamit siya ng katusuhan para sa pagpatay ng tao. Ngunit ang Babae na nanganak sa Lalaki ay nalalampasan ang mga babaeng iyon sapagkat Siya ay ang perpektong Katulong na Babae ng Diyos at naglilingkod sa Kanya nang hindi nagkakasala. Ganap na puro, inosente at maganda, Siya ay ang magandang Tala ng Diyos, mula sa pagtaas nito hanggang sa paglubog. Ganap na maganda, nagniningning at puro upang maging ang Tala at Buwan, Liwanag sa mga tao upang matagpuan ang Diyos. Hindi Siya nangunguna at hindi Niya sinusundan ang banal na Kaban katulad ng ginawa ni Miriam ni Aaron, sapagkat Siya ay ang Kaban Mismo. Sa maputik na tubig ng Lupa na natatakpan ng baha ng mga kasalanan, Siya ay ang Arko na naglalayag at nagliligtas, sapagkat ang mga pumapasok sa Kanya ay natatagpuan ang Panginoon. Walang batik na kalapati Siya ay lumalabas at dinadala Niya ang sanga ng olibo ng kapayapaan sa mga tao, sapagkat Siya ang magandang punong Olibo. Siya ay tahimik at sa Kanyang katahimikan Siya ay nagsasalita at kumikilos nang higit pa kina Deborah, Jael at Judith at hindi Siya nagpapayo na lumaban, hindi Siya nanghihimok na mangatay, hindi Siya nagpapadanak ng dugo bagkus ang Kanyang sariling pinakapiling dugo, na sa pamamagitan nito ginawa Niya ang Kanyang Anak. Di-masayang Ina! Kataastaasang Ina!... Si Judith ay kinatakutan ang Panginoon, ngunit ang kanyang bulaklak ay naging pag-aari ng isang lalaki. Ang Babaeng ito ay binigay ang Kanyang di-nalalapastangang bulaklak sa Kataastaasan, at ang Apoy ng Diyos ay bumaba sa takupis ng magiliw na liryo at ang sinapupunan ng babae ay kinupkop at dinala ang Kapangyarihan, ang Karunungan at ang Pagmamahal ng Diyos. Kaluwalhatian sa Babae! Awitin, o mga babae ng Israel, ang Kanyang mga papuri!»

Ang babae ay naging tahimik na tila naubos ang kanyang tinig. Sa katunayan hindi ko malaman kung paano niya napananatili ang gayon kalakas na tunog.

Ang mga eskriba ay nagsabi: «Siya ay baliw! Siya ay baliw! Gawin siyang manahimik. Siya ay kung hindi baliw siya ay naaalihan. Utusan ang espiritu na nananakop sa kanya na umalis.»

«Hindi Ko magagawa. Diyan ay walang espiritu sa loob niya bagkus ang espiritu ng Diyos, at ang Diyos ay hindi pinalalayas ang Sarili nito.»

«Hindi Ninyo iyan ginagawa sapagkat pinupuri niya Kayo at ang Inyong Ina at nakikiliti nito ang Inyong pagmamalaki.»

«Eskriba, pagnilayan ang nalalaman mo tungkol sa Akin at makikita mo na wala Akong nalalaman na pagmamalaki.»

«Gayunpaman ang isang dimonyo lamang ang makapagsasalita sa loob niya upang awitin nang gayon ang mga papuri ng isang babae!... Isang babae! At ano ang babae sa Israel at para sa Israel? Ano, bagkus kasalanan sa mga mata ng Diyos? Ang narahuyo at nanrarahuyo! Kung ito ay hindi bahagi ng ating pananampalataya, halos mahihirapan ang isa na maniwala na ang babae ay may kaluluwa. Siya ay pinagbabawalan na makalapit sa Banal dahil sa kanyang karumihan. At ang babaeng ito ay sinasabi na ang Diyos ay bumaba sa Kanya¹!...» sabi ng isa pang naiskandalong eskriba ay ang kanyang mga kasabwat ay tinutulungan at sinusulsulan siya.

Si Jesus ay nagsasabi, nang walang tinitingnan na sinuman sa mukha, tila Siya nagsasalita sa Kanyang Sarili: «Ang Babae ay dudurugin ang ulo ng Serpiyente... Ang Birhen ay maglilihi at manganganak ng isang Lalaki Na tatawagin na Immanuel. Isang usbong ang lilitaw mula sa lahi ni Jesse, isang bulaklak ang tutubo mula sa kanyang ugat at ang Espiritu ng Panginoon ay mananatili sa Anak.” Ang Babaeng iyon. Ang Aking Ina. Eskriba, dala ng paggalang para sa iyong nalalaman, tandaan at intindihin ang mga salita ng Aklat.»

Ang mga eskriba ay hindi malaman kung ano ang kanilang itutugon. Nabasa nila ang mga salitang iyon nang kung ilang libong ulit at sinasabi nila na iyon ay totoo. Mapasisinungalingan ba nila ito ngayon? Sila ay nagpapakatahimik.

May isang nag-utos na magpadikit ng apoy dahil lumalamig malapit sa mga pampang ng ilog kung saan umiihip ang hanging gabi. Ang utos ay sinunod at ang mga siga ng mga kahoy ay lumagablab sa palibot ng mga tao na nagkasama-sama.

Ang sumasayaw na liwanag ng apoy ay tila pinasisigla ang babae na naging tahimik na ang kanyang mga mata nakasara lubos na nakalubog sa kanyang sarili. Binuksan niya ang kanyang mga mata at gumalaw. Tinitingnan niyang muli si Jesus at muling sumigaw: «Adonai! Adonai! Kayo ay dakila! Tayo ay umawit ng bagong himno sa Dibinong Isa! Shalom! Shalom! Malchich!!... (Isinulat ko ito nang ganito, ngunit ang “h” ay pinatutunog na halos katulad isang “c” katulad na binibigkas ng mga tao sa Tuscany). Kapayapaan! Kapayapaan! O Hari Na walang makapagpipigil!...»

Siya ay nanahimik nang bigla. Siya ay tumingin-tingin sa paligid, sa unang pagkakataon mula nang siya ay nagsimulang magsalita, sa mga nakapaligid kay Jesus, at kanyang tinititigan ang mga eskriba na tila ito ang unang pagkakataon na makita niya sila, at sa walang anuman na dahilan mga luha ang bumukal sa kanyang malalaking mata at ang kanyang mukha ay naging malungkot at malabo. Siya ay nagsasalita nang dahan-dahan ngayon at sa isang malalim na tinig katulad ng isa na nagsasalita ng tungkol sa malulungkot na bagay: «Hindi. May humaharap sa inyo! O sambayanan, makinig! Pagkatapos ng aking kapighatian, o sambayanan ng Bethlechi, napakinggan ninyo ako na nagsalita. Pagkatapos ng mga taon ng katahimikan at kapighatian napakinggan ko at aking sinabi kung ano ang aking narinig. Ngayon ako ay wala na sa berdeng mga kakahuyan ng Bethlechi, isang birhen na balo na nakatatagpo ng kanyang tanging kapayapaan sa Panginoon lamang.  Ang nakapaligid sa akin ay hindi lamang aking kapwa mga kababayan upang masabihan sila: “Ating katakutan ang Panginoon sapagkat dumating na ang oras kung kailan tayo ay dapat na maging handa para sa Kanyang tawag. Ating ramtan ang ating mga puso ng magagandang damit upang maging karapat-dapat ng Kanyang presensya. Ating sangkapan ang ating mga sarili ng lakas sapagkat ang oras ng Kristo ay isang oras ng pagsubok. Ating padalisayin ang ating mga sarili katulad ng mga biktima para sa altar, upang tayo ay sana tanggapin Niya Na nagpadala sa Kristo. Gawin na ang mabubuti ay maging mas mabubuti pa. Gawin na ang mga mapagmalaki ay maging mga mapagpakumbaba. Gawin na ang naghihirap gawa ng kasakiman ay hubaran ang kanilang sarili ng kanilang laman upang makasunod sa Kordero. Gawin ang kuripot na maging tagapagkaloob ng biyaya sapagkat ang Diyos ay tinutulungan tayo sa pamamagitan ng Kanyang Mesiyas, at gawin ang lahat na isabuhay ang katarungan upang mapasali sa sambayanan ng Pinagpalang Isa Na darating”. Ngayon ako ay nagsasalita sa harapan Niya at sa harapan ng mga naniniwala sa Kanya, at sa harapin ng mga hindi naniniwala at nanunuya sa Banal na Isa at sa mga nagsasalita at naniniwala sa Kanyang Pangalan at sa Kanya. Ngunit hindi ako natatakot. Sinasabi ninyo na ako ay baliw, sinasabi ninyo na ang isang dimonyo ay nagsasalita sa loob ko, nalalaman ko na ako ay maipag-uutos ninyo na pagbabatuhin bilang isang lapastangan. Nalalaman ko na ang akin nang sasabihin sa inyo ay magmumukhang isang insulto at paglalapastangan, at na ako ay inyong kapopootan. Ngunit hindi ako natatakot. Baka bilang ang huli sa mga tinig na nagsasalita ng tungkol sa Kanya bago ang Kanyang Manipestasyon, maaaring mapasaakin ang kinahantungan ng marami pang mga tinig, at hindi ako natatakot. Ang pagkakapatapon sa malamig at sa pangungulila ng Lupa ay napakatagal para sa mga nag-iisip ng tungkol sa sinapupunan ni Abraham, ng tungkol sa Kaharian ng Diyos na binubuksan sa atin ng Kristo at mas banal pa kaysa sa banal na sinapupunan ni Abraham. Si Sabea ng Carmel ng lahi ni Aaron ay hindi natatakot ng kamatayan. Ngunit kinatatakutan niya ang Panginoon. at siya ay nagsasalita kapag siya ay ginagawa Niya na magsalita upang hindi niya malabag ang Kanyang kalooban. At nagsasabi siya ng katotohanan sapagkat nagsasalita siya ng tungkol sa Diyos sa pamamagitan ng mga salitang binibigay sa kanya ng Diyos. Hindi ko kinatatakutan ang kamatayan, kahit na kung tawagin ninyo ako na isang dimonyo at iutos ninyo na ako ay pagbabatuhin bilang isang nanlalapastangan, kahit na kung ang aking ama, ina at mga kapatid ay mamatay gawa ng ganyang panghihiya, ako ay hindi manginginig na may takot at kirot. Alam ko na ang dimonyo ay wala sa loob ko, sapagkat ang lahat na masasamang panggaganyak ay hindi makagalaw sa loob ko, at alam ito ng buong Bethlechi. Nalalaman ko na ang pagpapatigil na magagawa ng mga bato sa aking awit ay magiging mas maikli pa kaysa sa isang buntung-hininga, at pagkatapos mas marami pang hininga ang maibibigay sa aking awit sa kalayaan sa kabila ng Lupa. Nalalaman ko na ang kapighatian ng aking mga kamag-anak ay mapagiginhawahan ng Diyos at ito ay magiging sandali lamang, samantalang ang kanilang lugod ng martir mga kamag-anak ng isang martir ay magiging eternal. Hindi ako natatakot ng inyong kamatayan, bagkus ang kamatayan na darating sa akin mula sa Diyos, kung ako ay hindi sumunod. At ako ay nagsasalita. At sinasabi ko kung ano ang sinabi sa akin. O sambayanan, makinig, at kayo rin, o mga eskriba ng Israel, makinig.»

Itinaas niyang muli ang kanyang nakalulungkot na tinig at nagsabi: «Isang tinig, ang isang tinig ay dumarating mula sa itaas at sumisigaw sa aking puso. Sinasabi nito: “Ang lumang Sambayanan ng Diyos ay hindi maawit ang bagong himno, sapagkat hindi nito minamahal ang Tagapagligtas nito. Ang bagong himno ay aawitin ng mga nailigtas sa bawat bansa, ang mga tao ng bagong Sambayanan ng Kristong Panginoon, hindi ng mga napopoot sa Aking Panginoon”...  Lagim! (totoong sumigaw siya na magagawa ang isa na pangilabutan). Ang tinig ay nagbibigay ng liwanag, ang liwanag ay nagbibigay ng tanawin! Lagim! Nakikita ko!» Ang kanyang sigaw ay halos isang hagulhol. Siya ay namimilipit na tila siya ay hinahawakan nang maigi sa harapan ng nakapangingilabot na tanawin pinahihirapan ang kanyang puso, at nagsisikap siyang bigyan ng katapusan ito sa pamamagitan ng paglayas. Ang kanyang manta ay nalaglag mula sa kanyang mga balikat, at siya ay naiwanan sa kanyang puting damit sa kaligiran ng malaking maitim na katawan ng punungkahoy at sa loob ng mapula-pulang sumasayaw na sinag ng mga apoy, ang kanyang mukha ay naging labis na nakakagulat. May mga aninong lumalabas sa ilalim ng kanyang mga mata, sa paligid ng mga butas ng kanyang ilong, sa ilalim ng kanyang labì. Ito ay tila isang mukha na nawala sa porma gawa ng kapighatian. Pinipilipit niya ang kanyang mga kamay inuulit sa isang mababang tinig: «Nakikita ko! Nakikita ko!» at iniinom niya ang kanyang mga luha habang nagpapatuloy: «Nakikita ko ang mga krimen ng sambayanan kong ito. At wala akong kapangyarihan na pigilan sila. Nakikita ko ang mga puso ng aking mga kapwa-kababayan at hindi ko magawa na baguhin sila. Lagim! Lagim! Si Satanas ay iniwan ang kanyang lugar at naparito upang manirahan sa mga pusong ito.»

«Gawin siyang manahimik» ang mga eskriba ay inuutusan si Jesus.

«Nangako kayong pababayaan ninyo siyang magsalita...» tugon ni Jesus.

Ang babae ay nagpapatuloy: «Ang iyong mukha sa lupa, sa putik, o Israel, na marunong pang magmahal sa Panginoon. Takpan ang iyong sarili ng abo, balutin ang iyong sarili sa damit-na-sako. Para sa iyong sarili! Para sa kanila! Herusalem! Herusalem! Iligtas mo ang iyong sarili! Nakikita ko ang isang bayan na nag-aaway-away at humihiling ng isang krimen. Napapakinggan ko, napapakinggan ko ang mga sigaw na gawa ng kapootan ay nananawagan ng dugo sa kanilang mga sarili. Nakikita ko ang Biktima na itinataas sa Paskuwa ng Dugo at nakikita ko ang Dugo na iyon na dumadaloy, at naririnig ko ang Dugo na iyon na sumisigaw nang mas malakas kaysa sa dugo ni Abel, habang ang langit ay nagbubukas at ang lupa nauuga at ang araw nagiging madilim. At ang Dugo na iyon ay hindi sumisigaw para sa paghihiganti, bagkus nakikiusap ito ng awa sa mga mamamatay-tao na Sambayanan at sa atin! Herusalem!!! Makumberti! Ang Dugo na iyon! Ang Dugo na iyon! Isang ilog! Isang ilog na naghuhugas sa mundo ginagamot ang lahat na kasamaan, kinakansela ang lahat na mga kasalanan... Ngunit para sa atin, para sa atin na mga tao ng Israel, ang Dugo na iyon ay apoy, para sa atin ito ay isang sinsel na inuukit ang pangalan ng mga mamamatay-sa-diyos at ang sumpa ng Diyos sa mga anak ni Jacob. Herusalem! Maawa sa iyong sarili at sa amin!...»

«Sabihin sa kanya na manahimik, iyan ay isang utos!» sigaw ng mga eskriba habang ang babae ay humihikbi tinatakpan ang kanyang mukha.

«Hindi Ko mauutusan ang Katotohanan na manahimik.»

«Katotohanan! Katotohanan! Siya ay baliw at siya ay nagdidiliryo! Anong klase Kayong Guro, kung tinatanggap Ninyong katotohanan ang mga salita ng isang babae na nagdidiliryo?»

«At anong klaseng Mesiyas Kayo kung hindi Ninyo magawang mapatahimik ang isang babae!»

«At anong klaseng Propeta Kayo kung hindi Kayo makapagpalayas ng isang dimonyo? Gayunman nagawa Ninyo ito sa ibang mga okasyon!»

«Oo, nagawa Niya. Ngunit hindi ito nababagay sa Kanya ngayon. Iyon ay walang iba bagkus isang mabuting pinaghandaan na palabas upang takutin ang pulutong!»

«At pipiliin Ko ba ang sandaling ito, ang lugar na ito at ang kaunting mga taong ito, kung magagawa Ko ito sa Jericho noong mayroon Akong limang libong mga tao na sumusunod sa Akin at pumapaligid sa Akin lagi, nang ang bakuran ng Templo ay napakaliit na pagkasiyahin ang lahat na gustong makinig sa Akin? At ang dimonyo ba ay nakapagsasalita ng mga salita ng karunungan. Sino sa inyo ang makapagsasabi na may isang pagkakamali na nakalabas sa kanyang mga labì? Ang nakapangingilabot bang mga salita ng propeta ay hindi ninyo naririnig sa kanyang mga labì, sa kanyang mayuming tinig? Hindi ba ninyo naririnig ang hagulhol ni Jeremiah at ang pagtangis ni Isaiah at ng iba pang mga propeta? Hindi ba ninyo naririnig ang tinig ng Diyos na binibigkas sa pamamagitan ng isang nilikha, ang tinig na nagsisikap na matanggap ninyo para sa inyong sariling kabutihan? Kayo ay hindi nakikinig sa Akin. Baka iniisip ninyo na Ako ay nagsasalita sa Aking sariling interes. Ngunit ano ang inaasahan na mapapakinabangan ng babaeng ito, na hindi Ko nakikilala, mula sa mga salitang ito? Ano ang kayang kikitain, maliban sa inyong panunuya, sa inyong mga pananakot at baka sa inyong paghihiganti? Hindi, hindi Ko siya uutusan na manahimik! Sa kabaligtaran, upang ang kaunting mga taong ito ay sana mapakinggan siya, at mapakinggan din ninyo siya at mabago ang inyong mga pamamaraan sasabihin Ko sa kanya: “Magsalita! Magsalita, sinasabi Ko sa iyo, sa ngalan ng Panginoon”»

Si Jesus ngayon ay mahestuwoso, Siya ay ang makapangyarihan na Kristo ng mga sandali ng mga himala,  na ang Kanyang mahestuwusong mga mata sumisinag katulad ng asul na mga bituin, pinaniningning pang lalo ng mga apoy ng isang sigà na lumalagablab sa pagitan Niya at ng babae. Ang babae sa halip, napangingibabawan ng kapighatian, ay hindi masyadong makaharing tingnan, na ang kanyang ulo nakatungo, ang kanyang mukha natatakpan ng kanyang mga kamay, at ang kanyang maitim na buhok, na naging lugaygay, bumabagsak sa kanyang mga balikat at sa kanyang harapan, katulad ng isang belo ng pagluluksa sa ibabaw ng kanyang puting damit.

«Magsalita, sinasabi Ko sa iyo. Ang iyong nakalulungkot na mga salita ay hindi na walang pakinabang. Sabea, ng lahi ni Aaron, magsalita!»

Ang babae ay sumunod. Ngunit siya ay nagsasalita sa mababang tinig, sa katunayan silang lahat ay lumalapit upang mapakinggan siya nang mas mabuti. Siya ay tila nagsasalita sa kanyang sarili, nakatingin sa ilog na dumadaloy na lumalagaslas sa kanyang kanang tabi, sa huling mga pagkinang ng tubig sa naglalahong liwanag ng araw. At tila pinatutungkulan niya ang ilog: «O Jordan, sagradong ilog ng aming mga ama, ang iyong tubig ay kulay asul ng kalangitan at umaalun-alon katulad ng mamahaling byssus, at nasasalamin mo diyan ang purong mga bituin at ang maputlang buwan, at hinahaplos mo ang mga tambo sa iyong mga pampang, at ikaw ang ilog ng kapayapaan gayunpaman labis kang dumanas ng kapighatian; o Jordan, sa mabagyong mga panahon sa pamamagitan ng iyong malalaking galit na mga alon dinadala mo ang mga buhangin ng sanlibong mga ilog at kung minsan tinatangay mo ang isang murang palumpong kung saan ay may pugad at tinatapon mo itong pataas patungo sa mapaminsalang kalaliman ng Salt Sea, at wala kang awa sa magkapares na mga ibon, na tumitiling nasasaktan ay lumilipad sinusundan ang kanilang pugad, na nasira ng iyong pandarambong; ganyan, o sagradong Jordan, nakikita mo ang mga tao, na tumalikod sa Mesiyas, mapupunta sa kanilang kasiraan, nahampas ng dibinong galit, nailayo sa kanilang mga tahanan at sa altar, at naglaho sa pinakamatinding kamatayan. Aking sambayanan, iligtas ninyo ang inyong mga sarili! Maniwala sa inyong Panginoon! Sundan ang inyong Mesiyas! Kilalanin Siya para sa kung ano Siya. Hindi ang hari ng mga sambayanan at mga sandatahang-lakas. Siya ay ang Hari ng mga kaluluwa, ng inyong mga kaluluwa, ng lahat na mga kaluluwa. Siya ay bumababa upang ipunin ang makatarungan na mga kaluluwa, Siya ay tataas muli upang pasundin sila sa eternal na Kaharian. O kayo, na mga nakapagmamahal pa rin, magsiksikan sa paligid ang Banal na Isa! O kayo na nasa inyong mga puso ang patutunguhan ng ating Amangbayan, samahan ang Tagapagligtas! Gawin na huwag mamatay ang lahat na mga anak ni Abraham! Layuan ang mga huwad na propeta na sa pamamagitan ng nagsisinungaling na mga bunganga at ng mapangamkam na mga puso ay ibig kayong mailayo mula sa Kaligtasan. Lumabas sa kadiliman na tumataas sa paligid ninyo. Makinig sa tinig ng Diyos! Sa dekreto ng Diyos, ang malalakas na inyong kinatatakutan ngayon, ay mga alikabok na. Isa lamang ang Nabubuhay na Naririyan. Ang mga lugar kung saan sila naghahari at mula kung saan sinisiil nila ang mga tao, ay nasa pagkasira na. Isa lamang ang tumatagal. Herusalem! Nasaan ang mapagmataas na mga anak ng Zion na iyong ipinagyayabang? Nasaan ang mga rabbi at mga pari na iniaadorno mo sa iyong sarili at tinitingala mong may-paggalang? Tingnan sila! Nasisiil, nakakadenahan, patungo sila sa kanilang mga lugar ng pagkakapatapon, kasama ang mga labí ng iyong mga gusali, kasama ang mga patay na katawan ng mga kinatay o namatay sa pagkagutom. Ang pagngangalit ng Diyos ay nasa iyo, Herusalem, na tumatalikod sa iyong Mesiyas at pumapalo sa Kanyang mukha at puso. Ang lahat ng iyong kagandahan ay nasira na. Ang bawat pag-asa mo ay patay na. Ang Templo at ang altar ay nalapastangan...»

«Gawin siyang manahimik! Siya ay nanlalapastangan! Gawin siyang manahimik, sinasabi namin.»

«... ang ephod ay sira na. Wala na itong pakinabang pa...»

«Kayo ang may kagagawan kung hindi Ninyo siya uutusan na manahimik!»

«... sapagkat siya ay hindi na naghahari. Mayroon nang isa, isang eternal na Pontipise, at Siya ay banal, at pinadala ng Diyos: Hari at Pari magpakailanman, pinadala Niya Na tinitingnan bilang sa Kanya Mismo binigay ang mga pananakit na binigay sa Kristo at ipinaghihiganti ang mga ito. Isa pang Pontipise. Ang Totoong Banal na Pontipise, Pinahiran-ng-Langis ng Diyos at ng Kanyang Sakripisyo, sa lugar ng mga tao na sa kanilang mga ulo ang tiara ay isang kahihiyan dahil ang matatakpan nito ay mga kaisipan na nakapangingilabot!...»

«Manahimik, ikaw na isinumpang isa! Manahimik o hahampasin ka namin!» at ang mga eskriba ay minamaltrato siya nang may-kagaspangan. Ngunit siya ay tila hindi nakaririnig sa kanila.

Ang mga tao ay nagprotesta sumisigaw: «Gawin siyang magsalita, dahil labis kayong nagsasalita. Nagsasalita siya ng katotohanan. Ito ay ganyan. Wala nang kabanalan sa inyo. Isa lamang ang banal at nililigalig ninyo Siya.»

Ang mga eskriba ay minarapat na mas mabuti pang manahimik, at ang babae ay nagpapatuloy sa kanyang pagod na nakalulungkot na tinig: «Siya ay nagpunta upang bigyan kayo ng liwanag. At kayo ay gumawa ng pakikipaglaban sa Kanya... sa Kalusugan. At nanunuya kayo sa Kanya... sa Pagmamahal. At kinapopootan ninyo Siya... mga Himala. At sinasabi ninyo na Siya ay isang dimonyo... Ang Kanyang mga kamay ay pinagagaling ang inyong mga maysakit. At inyong tinusok ang mga ito. Dinalhan kayo Niya ng Liwanag. At dinuraan ninyo ang Kanyang mukha at pinunó ninyo ito ng dumi. Dinalhan Niya kayo ng Buhay. At pinatay ninyo Siya. Israel, kalungkutan ang iyong kakulangan at huwag isumpa ang Panginoon, habang patungo ka sa pagkakapatapon, na hindi magkakaroon ng katapusan katulad ng mga pagkakapatapon noong nakaraan. Maglalagalag ka sa buong Lupa, Israel, bilang isang talunan na sinumpang sambayanan, hinahabol ng tinig ng Diyos sa pamamagitan ng parehong mga salita na sinabi kay Cain. At hindi ka makakabalik dito at magtayo ng isang solidong tahanan, maliban kung kikilalanin mo kasama ang ibang mga sambayanan na ito ay si Jesus, ang Kristo, ang Panginoong Anak ng Panginoon...» Ang tinig ng babae ay matining na may kirot at pagod, kasing pagód ng tinig ng isa na namamatay.

Ngunit hindi siya nagpipigil sa pagsasalita, sa kabaligtaran, lumakas muli ang kanyang loob para sa isang listahan na utos: «Higà, mga taong hindi pa marunong magmahal. Gumulong sa mga abo, balutin ang inyong sarili sa sakong-damit. Ang pagngangalit ng Diyos ay nasa itaas natin katulad ng isang ulap na punó ng mga ulang-yelo at kidlat sa ibabaw ng isang isinumpang bukid.»

Ang babae ay bumagsak sa kanyang mga tuhod, ang kanyang mga kamay nakaunat patungo kay Jesus, at siya ay sumigaw: «Kapayapaan, kapayapaan, o Hari ng katarungan at ng kapayapaan! Kapayapaan, o dakila at makapangyarihang Adonai, Na kahit na ang Ama ay hindi tumatanggi! Makiusap ng kapayapaan para sa amin, sa Pangalan Ninyo, o Jesus, Tagapagligtas at Mesiyas, Tagapagtubos at Hari, at Diyos, tatlong ulit na banal!» at nauuga ng mga hikbi, siya ay bumagsak sa lupa na ang kanyang mukha nasa damo.

Ang mga eskriba ay pinaligiran si Jesus dinadala Siya sa isang tabi at pinaaalis ang iba pang mga tao nang may nananakot na mga tingin at mga salita, at ang isa sa kanila ay nagsabi: «Ang pinakamaliit na Ninyong magagawa ay ang pagalingin siya. Sapagkat kung magpupumilit Kayong sabihin na siya ay walang dimonyo, kailangan na tanggapin Ninyo na siya ay may sakit. Ang mga babae!... At mga babaeng isinakripisyo ng tadhana... Ang kanilang kasiglahan ay kailangan na makakita ng mapagpaparausan kahit na papaano... at sila ay naliligaw... at nakakakita sila ng mga bagay na hindi totoo... at higit sa lahat nakikita nila Kayo, Na isang bata-pa at magandang lalaki... at»

»Manahimik, ikaw na bunganga ng isang ahas! Hindi mo mismo pinaniniwalaan ang iyong sinasabi» bulalas ni Jesus nang may awtoridad na Kanyang pinutol kaagad ang mga salita sa mga labì ng may patpatin-na-ilong na eskriba, na sa simula ng insidente ay nanunuya sa babae bilang isang huwad na propeta.

«Huwag natin saktan ang Guro. Itinalaga natin Siya bilang hukom ng isang kaso na hindi nating mapagpasyahan...» sabi ng isa pang eskriba, ang isa na sumama sa iba pa upang tagpuin si Jesus sa daan at siyang nagsabi sa Kanya na hindi lahat na mga eskriba ay laban sa Kanya, habang ang iba ay pinagmamasdan Siya upang gumawa ng kanilang opinyon at susundan Siya nang may sinsirong kalooban, kung makikita nila na Siya ay Diyos.

«Manahimik, Joel na pinangalanang Alamoth, anak ni Abijah! Tanging isang taong pinalaki nang masamâ na katulad mo ang makapagsasalita ng ganyang mga salita» sabi ng iba nang galít.

Ang eskriba ay namula dahil sa insulto. Ngunit pinigilan niya ang kanyang sarili at tumugon siya sa isang marangal na pamamaraan: «Kung ang kalikasan ay naging mabangis sa akin pagkatao, hindi niyan naapektuhan ang aking isip. Hindi lang, bagkus, sa pagpigil sa maraming kasiyahan sa akin, nagawa ako nitong maging isang tao na may karunungan. At kung kayo ay mga banal na tao hindi ninyo hihiyain ang isang tao, bagkus igagalang ninyo ang kanyang karanasan.»

«Bueno! Ating pag-usapan kung ano ang mahalaga sa atin. Kailangan na pagalingin Ninyo siya, Guro, sapagkat sa kanyang pagwawalà natatakot niya ang mga tao at napapasamâ ang pagiging pari, ang mga Pariseo at kami.»

«Kung kayo ay kanyang pinuri, hihingin ba ninyo sa Akin na pagalingin siya?» tanong ni Jesus nang may-kabaitan.

«Hindi. Sapagkat magsisilbi ito na gawin ang mga tao na maging mapagrespeto sa amin, ang kapritsosong mga taong ito na kinapopootan kami sa kanilang mga puso at nanunuya sa amin kapag nakakakita sila ng pagkakataon» tugon ng isa sa mga eskriba na hindi nakikita na nahuhulog siya sa bitag. 

«Ngunit hindi ba’t mananatili pa rin siyang may-sakit na tao? Hindi Ko ba siya kailangan na pagalingin?» nagtatanong muli si Jesus nang may-kabaitan. Para Siyang isang mag-aaral na bata na tinatanong ang kanyang tagapagturo kung ano ang kanyang kailangan na gawin. At ang mga eskriba, nabubulagan ng pagmamalaki, ay hindi nakikita na napagtataksilan nila ang kanilang mga sarili...

«Sa kasong ganyan, hindi. Sa kabaligtaran! Kailangan na pabayaan siya sa kanyang pagwawalà!  At kailangan na gawin namin ang lahat sa aming makakayanan na magawa ang mga tao na maniwala na siya ay isang propeta. Parangalan siya! Ituro siya sa mga tao...»

«Ngunit kung iyon ay hindi totoo?!...»

«O! Guro! Kapag maalis namin ang kanyang sinasabi laban sa amin, ang lahat na iba pa ay magiging isang malaking tulong upang maitaas muli ang pagmamalaki ng Israel laban sa mga Romano, at upang mapahiya ang pagmamalaki ng mga taong laban sa amin!»

«Ngunit hindi natin masasabi sa kanya: “Magsalita nang ganito, ngunit huwag sabihin iyon”» sabi ni Jesus nang may- katatagan.

«Bakit?»

«Sapagkat ang mga nagdidiliryo ay hindi nalalaman kung ano ang kanilang sinasabi.»

«O! sa pamamagitan ng pera at ilang mga pananakot... maabot namin ang lahat. Kahit na ang mga propeta ay nakokontrolan...»

«Sa katotohanan, wala Akong nalalaman tungkol diyan...»

«Eh! sapagkat hindi Kayo marunong bumasa ng nakatago sa pagitan ng mga pangungusap at dahil hindi lahat ay nakasulat.»

«Ngunit ang espiritu ng propeta ay hindi naiilaliman ng mga utos, o eskriba. Ito ay nanggagaling sa Diyos, at ang Diyos ay hindi maaaring mabilí o takutin» sabi ni Jesus binabago ang tono ng pananalita. Ito ang simula ng Kanyang ganti na pag-atake.

«Ngunit ang babae ay hindi isang propeta. Hindi na ito ang panahon para sa mga propeta.»

«Hindi na ito ang panahon para sa mga propeta? Bakit hindi?»

«Sapagkat hindi tayo karapat-dapat ng kanilang presensya. Tayo ay naparumi nang husto.»

«Talaga? At iyan ang sinasabi ninyo? Kani-kanina pa lamang hinusgahan ninyo siya na karapat-dapat ng kaparusahan sapagkat ang sinasabi niya ay ang sinasabi rin ninyo?»

Ang eskriba ay di mapakali. Ang isa pang eskriba ay sumaklolo sa kanya nagsasabing: «Ang panahon ng mga propeta ay natapos kay Juan. Sila ay wala nang ano pang silbi.»

«Bakit?»

«Sapagkat Kayo ay naririto upang sabihin sa amin ang Batas at upang magsalita sa amin ng tungkol sa Diyos.»

«Sa mga araw din ng mga propeta ay naroon ang Batas at ang Karunungan ay nagsalita tungkol sa Diyos. Gayunman sila ay naroroon din.»

«Ngunit ano ang kanilang inihula? Ang Inyong pagdating. Sa dahilan na pumunta na Kayo, wala na silang gagawin pa.»

«Daan-daang beses Ko kayong napakinggan, ang mga pari at ang mga Pariseo ay tinanong Ako kung Ako ay ang Kristo o hindi, at dahil pinatotohanan Ko ito, Ako ay sinabing isang nanlalapastangan at isang baliw, at pumulot kayo ng mga bato upang ibato sa Akin. Hindi ba’t ikaw si Sadoc, ang sinasabing ginintuang eskriba?» sabi ni Jesus tinuturo ang may malaking ilong na eskriba na nagmaltrato sa babae pagkatapos na subukan siyang lokohin.

«Ako nga. Kung gayon?»

«Bueno, ikaw, eksaktong ikaw, ang laging nauuna, sa Giscala at sa Templo, na gumawa ng gulo laban sa Akin. Ngunit pinatatawad kita. Pinaaalalahanan lamang kita na ginawa mo iyon nagsasabi na hindi Ako maaaring ang Kristo, samantalang ngayon ito ay iyong pinangangatawanan. At pinaaalalahanan din kita tungkol sa Aking hamon na ginawa Ko sa iyo sa Kedesh. Malapit mo nang makita ang kapiraso nito na magkatotoo. Kapag ang buwan ay nakabalik na sa puwestong kinaroroonan nito ngayon sumisinag sa kalangitan, ibibigay Ko sa iyo ang katibayan. Ang unang katibayan. Makikita mo ang ikalawa kapag ang butil, na ngayon ay natutulog sa lupa, ay uugain ang berde pang mga tainga nito sa ihip ng hangin ng Nissan. Ngunit sa mga nagsasabi na ang mga propeta ay wala nang silbi, tumutugon Ako: “At sino ang maglalagay ng mga limitasyon sa Kataastaasan?”. Sasabihin Ko sa inyong totoo na laging magkakaroon ng mga propeta habang naririyan ang mga tao. sila ay mga sulô sa kadiliman ng mundo. Sila ang mga paapuyan sa pagitan ng kalamigan ng mundo. Sila ang mga tunog ng mga trumpeta na gigising na mga tutulug-tulog na mga tao. Sila ang mga tinig na nagpapaalaala sa mga tao ng tungkol sa Diyos at ng tungkol sa Kanyang katotohanan, na nakalimutan at pinababayaan sa pagdaan ng panahon, at dinadala nila ang tinig ng Diyos nang diretso sa mga tao, pumupukaw ng panginginig ng emosyon sa makalilimutín na walang-siglang mga anak ng tao. Sila ay magkakaroon ng bagong mga pangalan, ngunit parehong misyon at parehong patutunguhan ng pantaong kapighatian at mahigit-pa-sa-tao na kaluguran! Kapahamakan sa mga tao kung wala nang mga espiritung ganyan na kapopootan ng mundo at mamahaling lubos ng Diyos! Kapahamakan sa mga tao kung sila ay wala na upang maghirap at magpatawad, upang magmahal at magtrabaho sinusunod ang Panginoon! Ang mundo ay maglalaho sa kadiliman, nagiging yelo sa nakapangingilabot na kaantukang, sa kahangalan, sa mabangis na brutal na kamangmangan. Ang Diyos kung gayon ay gagawin na sila ay lumitaw, at laging magkakaroon ng ilan sa kanila. At sino ang makapag-uutos sa Diyos na huwag itong gawin? Ikaw, Sadoc? O ikaw? o ikaw? Sasabihin Ko sa inyong totoo na kahit na ang mga espiritu nina Abraham, ni Jacob at ni Moses, ni Elijah at ni Elisha ay hindi makagagawa ng ganyan limitasyon sa Diyos, at ang Diyos lamang ang nakaaalam kung gaano sila kabanal noon at kung anong eternal na mga liwanag sila ngayon.»

«Kung gayon hindi Ninyo pagagalingin ang babae o isusumpa?»

«Hindi. Hindi Ko iyan gagawin.»

«At hinuhusgahan ba Ninyo siya na siya ay isang propeta?»

«Oo, isang inspiradong propeta.»

«Kayo ay isang dimonyong katulad niya. Tayo na. hindi tama na mag-aksaya pa ng oras sa mga dimonyo» sabi ni Sadoc, tinutulak nang may-kagaspangan si Jesus upang mapunta Siya sa tabi.

Marami ang sumunod sa kanya. Ang iba ay nanatili. Kasama sa huli, ay ang isang tinatawag nilang Joel ng Alamoth.

«At ikaw ba ay hindi susunod sa kanila?» tanong ni Jesus tinuturo ang mga taong umaalis.

«Hindi, Guro. Kami ay aalis dahil dumating na ang gabi. Ngunit gusto namin sabihin sa Inyo na kami ay naniniwala sa Inyong pasya. Ang Diyos ay magagawa ang lahat, iyan ay totoo.  At dahil bumabagsak kami sa maraming pagkakasala, magagawa Niyang lumitaw ang mga espiritu na tatawag sa min nang pabalik sa katarungan» sabi ng isa na maedad-maedad na.

«Tama ka. At ang iyong kababaang-loob ay mas dakila pa kaysa sa iyong kaalaman sa mga mata ng Diyos.»

«Kung gayon, alalahanin Ninyo ako kapag Kayo ay nasa Inyo nang Kaharian.»

«Oo, Jacob. Aalalahanin kita.»

«Papaano Ninyo nalaman ang aking pangalan?»

Si Jesus ay ngumingiti nang hindi tumutugon.

«Guro, alalahanin din Ninyo kami» sabi ng tatlong iba pa. At si Joel Alamoth, ang huling magsasalita, ay nagsabi: «At ating pagpalain ang Panginoon Na nagbigay sa atin ng oras na ito.»

«Ating pagpalain ang Panginoon!» tugon ni Jesus.

Nagpalitan sila ng mga pagbati at naghiwalay.

Si Jesus ay sinamahan ang Kanyang mga apostol at pumunta sila sa babae, na ipinagpapatuloy ang kanyang pagkakaupo na nakapamaluktot sa nakausling ugat.

Ang kanyang ina at ama ay tinanong nang nananabik ang Guro: «Kung gayon ang amin bang anak ay isang dimonyo? Sinabi nila ito bago sila umalis.»

«Hindi siya dimonyo. Ipahinga ninyo ang inyong mga isip. At mahalin siya sapagkat ang kanyang patutunguhan ay isang napaka malungkot na patutunguhan. Eksaktong katulad ng mga patutunguhan ng mga katulad niya.»

«Ngunit sinabi nila na iyon ay ang Inyong paghusga...»

«Nagsinungaling sila. Hindi Ako nagsisinungaling. Maging nasa kapayapaan.»

Si Juan ng Ephesus ay pumunta sa harapan kasama si Solomon at ang iba pang mga disipulo at nagsabi: «Guro, si Sadoc ay binantaan sila. Sinasabi ko sa Inyo.»

«Sila o siya?»

«Sila at siya. Hindi ba’t tama iyon?»

«Oo. Sinabi nila sa amin, sa aking asawa at sa akin, na kung hindi namin makukumbinsi ang aming anak na manahimik, magkakaroon kami ng problema. At sinabi nila kay Sabea: “Kung ikaw ay magsasalita isusumpa ka namin sa Sanhedrin”. Nakakakita kami ng malulungkot na araw!... Ngunit ang aming mga puso ay nasa kapayapaan dahil sa Inyong sinabi sa amin... at mapagtitiisan namin ang iba pa. Ngunit ang tungkol sa kanya... Ano ang aming gagawin? Sabihin sa amin, Panginoon.» Si Jesus ay nag-iisip, pagkatapos Siya ay tumugon: «Wala ba kayong mga kamag-anak na malayo sa Bethlechi?»

«Wala, Guro.»

Si Jesus ay nag-iisip at pagkatapos itinaas Niya ang Kanyang ulo at tinitingnan si Jose, si Juan ng Ephesus at si Felipe ng Arbela. Sinabi Niya sa kanila: «Kayo ay lalakad kasama ang mga taong ito at pagkatapos mula sa Bethlechi kayo ay pupunta kasama si Sabea at ang kanyang trusu sa Aera. Sasabihin ninyo sa ina ni Timoneus na kupkupin siya sa Ngalan Ko. Alam niya kung ano ang ibig sabihin ng magkaroon ng inuusig na anak.»

«Gagawin namin iyan, Panginoon. Iyan ay tamang disisyon. Ang Aera ay malayo at lihis sa daan» sabi ng tatlo kalalakihan.

Ang ama’t ina ni Sabea ay hinahalikan ang mga kamay ng Guro at pinasasalamatan nila Siya at pinagpapala Siya.

Si Jesus ay niyuyukuan ang babae, hinipo Niya ang kanyang belo at tinawag siya nang malumanay: «Sabea, makinig sa Akin!»

Ang babae ay itinaas ang kanyang ulo, tinitingnan niya Siya at bumagsak sa kanyang mga tuhod,

Pinananatili ang Kanyang kamay sa kanyang ulo si Jesus ay nagsabi: «Makinig, Sabea. Pupunta ka kung saan kita ipadadala: sa isang ina. Gusto Ko sanang ipadala ka sa Aking Ina. Ngunit ito ay hindi posible. At ipagpatuloy ang paglilingkod sa Panginoon nang may katarungan at pagsunod. Pinagpapala kita, babae. Humayo sa kapayapaan.»

«Oo, aking Panginoon at aking Diyos. Ngunit ako ba ay makapagsasalita kapag kailangan kong magsalita?...»

«Ang Espiritu Na nagmamahal sa iyo ay gagabayan ka ayon sa pagkakataon. Matiyak tungkol sa Kanyang pagmamahal. Maging mababa ang kalooban, maging basal, simple at sinsiro, at hindi ka Niya pababayaan. Humayo sa kapayapaan!»

Sinamahan Niya ulit ang mga apostol at si Zacchaeus kasama ang kanyang mga kaibigan, na mga tumigil sa malayu-layo pinipigilan ang iba pang mausyosong mga tao.

«Tayo na. Ang gabi ay dumating na. Hindi Ko alam kung papaano kayo na mga pupunta sa Jericho makakarating doon.»

«Lalo na para sa babae at sa kanyang mga kamag-anak, sasabihin ko. Ngunit kung sa palagay Ninyo ito ay mabuting idea, mananatili kami sa labas at Kayo at sila ay makatutulog sa bahay hanggang umaga» mungkahi ng isa sa mga kaibigan ni Zacchaeus.

«Isang mabuting idea. Lakad at sabihan si Sabea na pumunta rito kasama ang kanyang mga kamag-anak at ang mga disipulo. Matutulog sila sa bahay. Mananatili Akong kasama ninyo. Ngayon ay hindi isang mahangin na gabi. Magsisindi tayo ng ilang mga apoy at hihintayin ang pagsikat-ng-araw nang ganyan, habang tinuturuan Ko kayo at kayo ay nakikinig sa Akin.»

At unti-unti Siyang lumakad sa maagang sinag ng buwan...

291111/012913

 

 



¹ Tinutukoy ang Mahal na Ina - RLB


Sunod na kabanata