524. Sa Bethabara, Inaalaala si Juan Bautista.

Nobyembre 7, 1946.

«Kapayapaan sa Inyo, Guro!» pagbati ng pastol na mga disipulo na mga nauna na noong nakaraang mga araw at mga naghihintay sa kabila ng bantilan kasama ang mga maysakit na kanilang inipon, at ang iba pang mga tao na nananabik na marinig ang Guro.

«Kapayapaan sa inyo. Matagal na ba kayong naghihintay para sa Akin?»

«Tatlong araw.»

«Ako ay napigilan sa daan. Tayo na sa mga maysakit.»

«Nagtayo kami ng ilang mga tolda upang may masilungan sila upang hindi na sila pabalik-balik sa kalapit na mga nayon. Binigyan kami ng ilang gatas ng ating mga kaibigan na mga pastol, na ngayon ay nasa banda roon kasama ang kanilang mga kawan naghihintay para sa Inyo» sabi ng mga disipulo habang pinasusunod si Jesus patungo sa isang palumpungan, na sa ganang ito mismo ay magiging isang proteksiyon para sa sinuman na maninilungan dito.

May mga dalawampung maliliit na tolda na suportado ng mga poste o nakaunat sa pagitan ng dalawang mga sanga ng mga punungkahoy, at sa ilalim nito ay naroon ang malaking malungkot na pulutong ng mga maysakit na naghihintay, at nang kaagad malaman nila kung sino ang dumarating isinigaw nila ang dating sigaw: «Jesus, Anak ni David, maawa sa amin.»

Si Jesus ay ayaw na sila ay maghintay nang matagal at nagpapakita, o kung baga yumuyuko sa isang tolda at sa isa pa, dahil ang Kanyang taas ay hindi Siya magagawang makatayo nang tuwid, tinitingnan Niya ang bawat isa ngumingiti, at ang Kanyang ngiti ay isa nang grasya. Ang araw na sumisinag sa likuran Niya ay gumagawa ng Kanyang anino na bumagsak sa maliliit na kama at sa nangayayat na mga mukha o sa hindi makagalaw na mga galamay. Sinasabi lamang Niya ang kaunting mga salita: «Kapayapaan sa iyo na naniniwala» at pagkatapos lumilipat Siya sa susunod na tolda. At ang sigaw ay sinusundan Siya. Isang sigaw na inuulit sa tuwing ang Kanyang pangungusap ay binibigkas, isang sigaw na maririnig sa tolda na Kanyang iniiwan, na tila ito ay isang alingawngaw ng isang binigkas sa naunang tolda: «Ako ay magaling na. Hosana sa Anak ni David!»

At ang malaking grupo ng mga maysakit, na dati nakahiga sa ilalim ng madilim na mga tolda, ay lumalabas at nag-iipun-ipon sa likuran ng Guro. Lahat sila ay puno ng lugod at tinatapon nila ang kanilang mga tungkod at mga saklay, binabalot nila ang kanilang sarili ng mga blanket ng mga estretser na wala nang silbi ngayon, inaalis nila ang hindi na kailangan na mga bendahe, at higit sa lahat nagbubunyi sila sa lugod ng kanilang paggaling.

Silang lahat ay napagaling ngayon. At si Jesus ay tumalikod at na may lubos na nagmamahal na ngiti sinabi Niya: «Ang Panginoon ay ginantimpalaan ang inyong pananampalataya. Ating pagpalain nang magkakasama ang Kanyang kabutihan» at isinasahimig Niya ang salmo: «Dakilain ang Panginoon, lahat ng Lupa, paglingkuran nang malugod ang Panginoon. Pumunta sa Kanyang presensya na may mga awit ng kaluguran, Alamin, na Siya, ang Panginoon, ay Diyos. Ginawa Niya tayo, atbp.»

Ang mga tao ay sinusundan Siya hangga't maaari. Ang ilan, na maaaring hindi mga Israelita, ay sinusundan ang awit nang may bulong sa kanilang mga labì. Ngunit ang kanilang mga puso ay umaawit, katulad ng masasabi ng isa mula sa kanilang mga mukha. Ang Diyos ay tiyak na tatanggapin ang abang bulong na iyon nang mas mabuti kaysa sa perpekto ngunit tuyong awit ng ilang mga Pariseo.

Si Matthias ay nagsabi kay Jesus: «O Panginoon, kapag Kayo ay magsasalita sa mga naghihintay ng Inyong salita, banggitin ang aming si Juan.»

«Iyan ay Aking iniisip sapagkat ang lugar na ito ay nagdadala muli sa Aking puso ng isang mas buháy na alaala tungkol sa pagkatao ni Juan Bautista» at napalilibutan ng pulutong Kanyang inakyat ang isang pagtaas ng lupa, natatakpan ng manipis na damo, at Siya ay nagsimulang magsalita.

«Ano ang inyong ipinunta upang hanapin sa lugar na ito? Ang kalusugan ng inyong mga katawan, o! may sakit na mga tao, at ito ay binigay sa inyo. Ang salita na nag-eebanghelyo, at ito ay inyong natagpuan. Ngunit ang kalusugan ng inyong mga katawan ay kailangan na maihanda kayo sa paghahanap ng kalusugan ng inyong mga espiritu, katulad na ang salita na nag-eebanghelyo ay kailangan na maihanda ang inyong mga kalooban sa paghahanap ng katarungan. Gaano nakakapangilabot kung ang kalusugan ng katawan ay nakatalaga lamang sa kaluguran ng laman at dugo, nagiging sa halip di-aktibo hinggil sa espiritu! Ginawa Ko kayong papurihan ninyo ang Panginoon Na nagkaloob sa inyo ng regalo ng kalusugan. Ngunit ang inyong pasasalamat sa Panginoon ay hindi kailangan na matapos pagkaraan ng  malaking pagsasaya. At ang pasasalamat ay nakikita mismo sa mabuting kalooban na mahalin Siya. Ang bawat regalo ng Diyos ay wala, gaano man ito kapuno ng aktibong lakas, kung sa loob ng tao ay wala ang kalooban na suklian ito ng regalo ng kanyang sariling espiritu sa Diyos.

Ang lugar na ito ay narinig ang pagtuturo ni Juan. Ang marami sa inyo ay tiyak na narinig ito. Ang maraming tao sa Israel ay narinig ito, ngunit hindi ito nagkaroon ng pare-parehong resulta sa lahat, bagama't si Juan ay nagsalita ng parehong mga salita sa lahat. Bakit ang gaanong pagkakaiba kung gayon? Ang ilan ay totoong naihanda ng mga ito na tanggapin Ako, at dahil dito sila ay nakahanda para sa kanilang sariling kabanalan. Ang iba sa halip ay naihanda laban sa Akin, at dahil dito para sa kanilang kawalang-katarungan. Ang mga salitan iyon ay katulad ng sigaw ng isang bantay, at ang sandatahang-lakas ng mga espiritu ay nahati, bagama't isa lamang ang sigaw. Ang ilang sa kanila ay nakahandang sundan ang kanilang Lider. Ang ilan ay inarmahan ang kanilang mga sarili at pinag-aralan ang mga plano upang labanan Ako at ang Aking mga tagasunod. At dahil diyan ang Israel ay matatalo, sapagkat ang isang kaharian, na hatí sa  sarili, ay hindi maaaring maging malakas, at ang banyagang mga bansa ay sinasamantala ito upang ito ay masakop.

Ganyan din ang nangyayari sa indibidwal na mga espiritu. Sa bawat tao ay may mabuti at masamang mga puwersa. Ang Karunungan ay nagsasalita sa buong tao, ngunit kakaunting mga tao lamang ang may gusto ng isang parte lamang upang maghari: ang mabuting parte. Sa pagpapasya na piliin ang isang parte lamang bilang reyna, ang mga anak ng mundo ay mas magagaling. Alam nila kung papaano maging ganap na masama, kung gugustuhin nila, at itinatapon nila ang mabubuting bahagi, na tila ang mga ito ay walang-silbing mga damit, bagama't makakontra nila ang pag-ayaw sa mga ito. Ang mga tao, sa halip,  na hindi mga tao ng mundong ito at napakikilos patungo sa Liwanag, ay magagaya nang may-kahirapan lamang ang mga anak ng mundo at itapon, katulad ng inaayawan na mga damit, ang masasamang bahagi na nagsisikap na kontrahin sila.

Sinabi Ko na kung nagagawa ng isang mata na kayo ay magkasala, iyon ay kailangan na dukutin at alisin, kung ang isang kamay ay nagagawa kayo na magkasala, iyon ay kailangan na putulin, sapagkat mas mabuti nang makapasok sa eternal na Liwanag na pilay, kaysa sa makapasok sa eternal na Kadiliman na may dalawang mata o kamay. Si Juan Bautista ay isa noon na tao ng ating mga araw. Marami sa inyo ang nakakilala sa kanya. Gayahin ang kanyang makabayaning halimbawa. Dala ng pagmamahal para sa Panginoon at para sa kanyang kaluluwa, nagbigay siya ng higit pa kaysa sa isang mata at isang kamay, binigay niya ang kanyang pinaka buhay, upang maging matapat sa Hustisya. Marami sa inyo ang baka kanyang mga disipulo at nagsasabi pa rin na minamahal ninyo siya. Ngunit ilagay sa isip na napatutunayan ninyo ang inyong pagmamahal para sa Diyos at para sa mga tagapagturo na nagdadala sa inyo sa Diyos  sa paggawa kung ano ang kanilang tinuturo sa inyo, ginagaya ang kanilang mga gawain ng katarungan at minamahal ang Diyos nang kanilang buong mga sarili, hanggang sa punto ng kabayanihan. Pagkatapos, sa ganitong paggawa, ang mga regalo ng kalusugan at ang karunungan na pinagkaloob ng Diyos ay hindi nananatiling walang nagagawa at hindi nagiging panunumpa, sa kabaligtaran sila ay isang hagdan upang makaakyat sa tirahan ng Akin at inyong Ama, Na naghihintay sa lahat sa Kanyang Kaharian.

Para sa inyong kabutihan, tiyakin na ang sakripisyo ni Juan Bautista – isang buong buhay ng pagsasakripisyo na nagtapós sa martiryo – at ang Aking sakripisyo – isang buong buhay ng pagsasakripisyo at magtatapos sa isang martiryo na daan-daan beses na mas mahigit pa kaysa sa kamatayan ng isang martir ng Aking Prekursor – ay hindi sana maging walang-bunga para sa inyo. Maging makatarungan, magkaroon ng pananampalataya, sundin ang salita ng Langit, panibaguhin ang inyong mga sarili sa Bagong Batas. Gawin ang Ebanghelyo na maging totoong mabuting balita para sa inyo, ginagawa kayong mabuti at karapat-dapat na kalugdan ang Kagandahang-loob, ang ibig-sabihin ang Kataastaasang Panginoon sa isang eternal na Araw. Matutong makilala ang totoong mga pastol sa mga huwad, at sundan ang mga magbibigay sa inyo ng mga salita ng Buhay na natutuhan nilang malaman mula sa Akin.

Ang kapistahan ng mga Ilaw, ang pagdiriwang tungkol sa Dedikasyon ng Templo ay malapit na. Alalahanin na ang maraming mga ilaw para sa pagpaparangal sa kapistahan at ang Panginoon ay walang silbi, kung ang inyong mga puso ay walang liwanag. Ang pagmamahal ay liwanag at ang tagahawak ng lampara ay ang kalooban na mahalin ang Panginoon sa pamamagitan ng mabubuting gawa. Alalahanin na ang Dedikasyon ng Templo ay isang mabuting bagay, ngunit mas dakila, mas mabuti at mas kaaya-aya sa Panginoon ang ibigay ang espiritu ng isa sa Diyos at muli itong ikonsagra sa pamamagitan ng pagmamahal. Mga espiritung makatarungan sa loob ng makatarungan na mga katawan, sapagkat ang katawan ay katulad ng mga pader na nakapaligid sa altar, at ang espiritu ay ang altar kung saan bumababa ang kaluwalhatian ng Panginoon. Ang Diyos ay hindi makabababa sa mga altar na nilapastangan ng mga kasalanan ng may-katawan, o sa pamamagitan ng pakikipagkontakto sa laman na nahawaan ng kahalayan at ng masasamang kaisipan.

Maging mabuti. Ang págod sa pagiging mabuti gawa ng patuloy na mga pagsubok sa buhay ay ginagantimpalaan nang sandaang ibayo ng premyo sa hinaharap, at sa kasalukuyan, ng kapayapaan na nagbibigay ng kaginhawahan sa mga puso ng mga makatarungang tao sa katapusan ng bawat araw, kung kailan sila ay hihiga upang magpahinga at matagpuan ang kanilang mga unan na malaya sa paninisi ng konsiyensya, na sa halip ay ang masamang-panaginip ng mga gustong kalugdan ang mga sarili nang labag sa batas at nagtatagumpay lamang sila na magkaroon ng isang walang-kapahingahan na pagkahibang. Huwag kainggitan ang mga mayayaman, huwag kapootan ang kahit sino, huwag hangarin na magkaroon ng kung ano ang mayroon ang ibang tao. Maging kontento sa inyong katayuan iniisip na ang gawin ang Kalooban ng Diyos sa lahat na bagay ay ang susi na magbubukas sa mga tarangkahan ng eternal na Herusalem.

Iniiwan Ko kayo. Marami sa inyo ang hindi na muli makakakita sa Akin, sapagkat lalakad na Ako upang ihanda ang mga lugar para sa Aking mga disipulo... Ang Aking espesyal na pagpapalà sa inyong mga anak, sa inyong mga babae na hindi Ko na muli makikita. At sa inyo, mga lalaki... Oo, gusto Ko kayong pagpalain... Ang Aking pagpapalà ay matutulungan ang mga malalakas na hindi bumagsak, at ang mahihina upang bumangon muli. Tanging para sa mga magtataksil sa Akin dahil kinapopootan nila Ako, ang Aking pagpapalà hindi magkakaroon ng kahit anong halaga.»

Pinagpapala Niya sila nang magkakasama, pagkatapos pinagpapala Niya ang mga babae, hinahalikan Niya ang mga bata at pagkatapos bumalik Siya sa bantilan kasama ang limang apostol na kasama pa rin Niya at ang mga pastol na disipulo.

021211

 

 


Sunod na kabanata