525. Bumabalik sa Nob. Ang Lubos na Karunungan ni Jesus.

Nobyembre 8, 1946.

Sila ay nasa mga dalisdis na ng Mount of Olives at ang tatlong pares ng mga apostol na iniwan sa Jericho, Tekoah at Bethany ay muling nakasama ng Guro. Ngunit si Judas ng Kerioth ay wala pa rin at ang mga apostol ay nag-uusap-usap sa mabababang tinig tungkol sa kanya...

Si Jesus ay walang-hangganan ang kalungkutan... Ang mga apostol ay napuna ito at sila ay nagsasabi sa isa’t isa: «Ito ay tiyak na dahil kay Lazarus. Siya ay isang sira nang tao... At ang kanyang mga kapatid ay nakakaawa nang husto... Ang Guro ay ni hindi na makatigil sa kanilang bahay, inuusig katulad Niya ng labis na kapootan. Naging isang malaki sanang konsolasyon sa may sakit na tao, sa kanyang mga kapatid at sa Guro din.»

«Hindi ko maintindihan kung bakit hindi Niya siya pinagagaling!» bulalas ni Tomas.

«Magiging makatarungan din sana iyon. Isang kaibigan... Labis niya tayong tinutulungan... Isang makatarungan na tao...» bulong ni Bartolomeo.

«Ah! ang tungkol sa katarungan, siya ay totoo ngang makatarungan. Sa palagay ko nakumbinsi mo ang iyong sarili tungkol diyan sa mga huling araw na ito...» sabing ng Zealot kay Bartolomeo.

«Oo, totoo iyan. At ang iyong pinakakahulugan din ay totoo. Hindi ako masyadong kumbinsido tungkol sa kanyang katarungan... Dahil sa kanilang kasanayan sa mga Hentil, dahil sa kanilang tinanggap na edukasyon mula sa kanilang ama na napaka, napaka... sasabihin ko na nakakiling na sumang-ayon sa mga bagong porma ng pamumuhay na iba sa atin...»

«Ang kanilang ina ay isang anghel» sabi ni Simon Zealot nang may-katatagan.

«Baka iyan ang dahilan kung bakit sila makatarungan... Ating kalimutan ang nakaraan ni Maria. Siya ngayon ay natubos na...» sabi ni Felipe.

«Oo, ngunit ang lahat na iyan ay nagawa akong magsuspetsa. Ngayon ako ay talagang kumbinsido na, nagtataka ako na ang Guro ay...»

«Ang aking Kapatid ay alam kung papaano tingnan ang mga merito ng mga tao. Tayo ay naghirap din sa loob ng matagal na panahon gawa ng isang natural na pantaong paninibugho, sapagkat nakita natin na ang mga estranghero ay mas pinagbibigyan kaysa sa mga miyembro ng ating pamilya. Ngunit ngayon naintindihan na natin na ang pagkakamali ay nasa ating paraan ng pag-iisip at na Siya ay tama. Tiningnan natin na ang Kanyang pagkilos ay bilang walang-pakialam, at bilang isang pagpapababa ng kahalagahan at bilang di pagkaintindi tungkol sa ating pagpapahalaga. Ngayon naintindihan na natin. Mas gusto Niyang ilapit sa Kanyang Sarili ang mga nawala sa porma at di-naporma. Siya... sa pamamagitan ng Kanyang walang-hangganang pamamaraan, ay ginaganyak ang mga kaluluwa na siyang pinaka kaawa-awa at malayo at kung gayon mas nakalantad sa panganib. Naaalaala ba ninyo ang parabula tungkol sa nawawalang tupa? Ang katotohanan, ang susi sa Kanyang pamamaraan ng pagkilos ay nasa parabulang iyon. Kapag nakikita Niya ang Kanyang tapat na mga tupa na sumusunod sa Kanya o nananatili kung saan o kung papaano gusto ng Kanyang espiritu, ang Kanyang espiritu ay nasa kapayapaan. At ginagamit Niya ang kapayapaan na iyan upang habulin ang nawawalang tupa. Alam Niya na minamahal natin Siya, na si Lazarus at ang kanyang mga kapatid na babae ay minamahal Siya, na ang mga babaeng disipulo at ang mga pastol ay minamahal Siya, at kung gayon hindi Niya sinasayang ang Kanyang panahon sa pagbibigay sa atin ng espesyal na pagsubok ng pagmamahal. Lagi Niya tayong minamahal. Tayo ay nasa loob ng Kanyang puso lagi. Tayo mismo ay pinapasok ito nang kusa at ayaw natin na lumabas dito. Ngunit ang iba... ang mga makasalanan, ang mga naililigaw!... Kailangan Niyang habulin sila, kailangan Niyang mailapit sila sa sarili Niya sa pamamagitan ng pagmamahal, mga himala at ng Kanyang kapangyarihan. At iyan ang ginagawa Niya. Sina Lazarus, Maria at Martha ay patuloy Siyang mamahalin kahit na walang himala...» sabi ni Santiago ni Alfeo.

«Iyan ay totoo. Ngunit... Ano ang Kanyang ibig-sabihin ng Kanyang huling pagbati? Napakinggan ninyo Siyang nagsabi: “Ang pagmamahal ng Panginoon sa inyo ay ibubunyag sa proporsiyon ng iyong pagmamahal. At tandaan na ang pagmamahal ay may dalawang pakpak upang maging perpekto, at habang mas hindi ito napipigilan, mas lalong nagiging perpekto ang pagmamahal: pananampalataya at pag-asa”» sabi ni Andres.

«Oo nga! Ano ang ibig Niyang sabihin?» marami sa kanila ang nagtatanong.

Nagkaroon ng katahimikan. Pagkatapos si Tomas nang may malalim na buntung-hininga ay tinatapos ang talumpati na nasa loob niya: «...Ngunit ang Kanyang mabuting pagtitiyaga ay hindi laging nakakatubos. Ako rin ay naghihirap kung minsan dahil sa pinakikita Niyang mga pagkiling kay Judas ng Kerioth...»

«Pagkiling? Hindi sa palagay ko. Pinapagalitan Niya siya katulad ng Kanyang ginagawa sa kahit sino sa atin...» sabi ni Andres.

«Ayon sa katarungan, oo. Ngunit tingnan kung gaano pang kahigpitan ang nararapat sa lalaking iyon...»

«Iyan ay totoo.»

«Bueno, naghirap ako nang maraming beses dahil diyan. Ngunit ngayon nabatid ko na tiyak na ginagawa Niya iyan sapagkat... siya ay ang pinaka di-perpektong tao sa pagitan natin.»

«Ang pinaka kaawa-awang sawing-palad, maaari mong sabihin, Tomas! Ang pinaka kaawa-awang sawing-palad. Akala mo na ang Kanyang kalungkutan (at tinuturo niya si Jesus Na naglalakad sa unahan nila, nag-iisa, nakalugmok sa Kanyang pamimighati) ay dala ng sakit ni Lazarus at ng mga luha ng kanyang mga kapatid. Sasabihin ko na ito ay dala ng pagiging wala rito ni Judas. Umaasa Siya na Siya ay tatagpuin niya sa daan noong Siya ay patungo sa Bethabara. Umaasa Siya na makikita man lamang Niya siya sa Jericho, sa Tekoah  o kapag Siya ay pabalik na sa Bethany. Ngayon Siya ay hindi na umaasa. Nakatitiyak na Siya tungkol sa paggawa ng masama ni Judas. Tinitingnan ko Siya lagi... at napuna ko na ang Kanyang mukha ay naging lubos na nalulungkot nang sinabi mo, Bartolomeo, na “Si Judas ay hindi pa nakarating”» sabi ni Tadeo.

«Ngunit nakikita Niya ang mga pangyayari bago pa mangyari ang mga ito, nakatitiyak ako tungkol diyan!» bulalas ni Juan.

«Ng tungkol sa marami, hindi ng tungkol sa lahat sa kanila. Sa palagay ko ang Kanyang Ama ay tinatago sa Kanya ang ilan, dala ng awa» sabi ng Zealot.

«Ang labing-isa ay nahahati sa dalawang partido, ang ilan ay sumasang-ayon sa isang bersyon, ang iba sa isa pa, at ang bawat isa sa kanila ay sinusuportahan ang kanyang sariling bersyon.

Si Juan ay bumulalas: «O! Ayaw kong makinig sa kahit alin na bersyon, ni ang sa akin mismo! Lahat tayo ay kaawa-awang mga tao, at hindi natin makita ang tamang mga bagay. Pupuntahan ko si Jesus at tatanungin ko Siya.»

«Huwag. Baka iba ang Kanyang iniisip at ang tanong na ito ay makapagpapaalaala sa Kanya ng tungkol kay Judas at magawa Siyang mas malungkot pa» sabi ni Andres.

«Hindi. Tiyak na hindi ko sasabihin sa Kanya na ating pinag-uusapan si Judas. Tatanungin ko siya nang... walang tinutukoy na kahit ano.»

«Lakad kung gayon. Baka makatulong iyan na mailayo ang Kanyang isip mula sa malulungkot na mga kaisipan. Hindi mo ba nakikita kung gaano Siya kalungkot?» sabi ni Pedro tinutulak si Juan.

«Pupunta ako, Sino ang sasama sa akin?»

«Pumunta kang mag-isa. Siya ay nagsasalita sa iyo nang walang pagpipigil. At pagkatapos sasabihin mo sa amin...»

Si Juan ay umalis. «Guro!»

«Juan! Ano ang kailangan mo?» at si Jesus nang may isang ngiti na nagpapaliwanag sa Kanyang mukha ay niyakap sa pamamagitan ng isang kamay ang pinakamahal na apostol, hinahawakan siyang malapit sa Kanyang Sarili habang naglalakad.

«Kami ay nag-uusap-usap at hindi kami makatiyak tungkol sa isang bagay. Ito: kung nalalaman Ninyo ang lahat na nasa hinaharap o ang bahagi ay itinatago sa Inyo. Ang ilan sa amin ay sinasabi ang isang bagay, ang ilan ang iba.»

«At ano ang sinabi mo?»

«Sinabi ko na ang pinaka maganda ay ang tanungin Kayo.»

«Kung kaya't ikaw ay pumunta rito. Tama ang ginawa mo. Mabibigyan ka nito at Ako ng pagkakataon na kalugdan ang isang sandali ng pagmamahal... Bihira na ngayon na tayo ay magkakaroon ng pagkakataon ng ilang kapayapaan!...»

«Iyan ay totoo! Gaano kaganda ang unang mga araw!...»

«Oo. Para sa tao, na tayo nga, ang mga araw na iyon ay mas magaganda. Ngunit para sa espiritu na nasa loob na tin, ang mga araw na ito ngayon ay mas mabuti. Sapagkat ang salita ng Diyos ay mas mabuting nakikilala at dahil tayo ay mas naghihirap. Habang mas naghihirap ang isa, mas lalo siyang nakakatubos, Juan... Kung kaya't, bagama't naaalaala natin ang masasayang araw, kailangan na mas gustuhin natin ang mga araw na ito ngayon na nagpapamighati sa atin, at sa pamamagitan ng kapighatian nagbibigay sila sa atin ng mga kaluluwa. Ngunit tutugunan Ko ang iyong katanungan. Makinig. Nakakaalam Ako bilang Diyos, at nakakaalam Ako bilang tao. nalalaman Ko ang mga pangyayari sa hinaharap sapagkat kasama Ko ang Ama bago pa man nagsimula ang panahon at nakakakita Ako nang lampas pa sa panahon. Bilang isang tao na malaya sa mga imperpeksiyon at mga limitasyon na kakabit ng Kasalanan¹ at ng mga kasalanan, nasa Akin ang regalo ng paggunita ng mga puso. Ang ganitong regalo ay hindi lamang limitado sa Kristo. Ngunit sa magkakaibang antas ito ay nasa lahat na, bilang nakamtan ang kabanalan, ay napakalapit sa Diyos na masasabi ng isa na hindi sila kumikilos sa pamamagitan lamang ng kanilang mga sarili, bagkus sa pamamagitan ng Perpeksiyon na nasa sa kanila. Kung kaya't makakatugon Ako sa iyo bilang Diyos na nalalaman Ko ang mga siglo sa hinaharap, at bilang isang makatarungan na tao na nalalaman Ko ang mga kalagayan ng mga puso.»

Si Juan ay nag-iisip at tahimik. Si Jesus ay pinababayaan siya nang isang sandali, pagkatapos sinabi Niya: «Halimbawa ngayon nakikita ang kaisipan na ito loob mo: “Kung gayon nalalaman nang eksakto ng Guro ang kalagayan ni Judas ng Kerioth!»

«O! Guro!»

«Oo. Alam Ko. Nalalaman Ko at magpapatuloy Akong maging kanyang Guro, at gusto Ko na magpatuloy kayong maging kanyang mga kapatid.»

«Banal na Guro!.... Ngunit talaga bang lagi Ninyong nalalaman ang lahat? Tingnan, kung minsan sinasabi namin na ito ay hindi ganito, sapagkat pumupunta Kayo sa mga lugar kung saan nakakatagpo Kayo ng mga kaaway. Bago pumunta, nalalaman ba Ninyo na makikita Ninyo sila, at pumupunta Kayo roon upang labanan sila sa pamamagitan ng Inyong pagmamahal, upang makuha silang magmahal, o... hindi Ninyo nalalaman at nakikita lamang Ninyo ang Inyong mga kaaway kung sila ay nasa harapan Ninyo at nababasa Ninyo ang kanilang mga puso? Minsan sinabi Ninyo sa akin – Kayo ay malungkot na malungkot kahit na noon, at lagi sa gayon din na dahilan – sinabi Ninyo na Kayo ay katulad ng isa na hindi nakakakita...»

«Nararanasan Ko rin ang pagpapahirap ng tao: ang kailangan na magpatuloy nang hindi nakakakita, umaasang lubusan sa Kagandahang-loob. Kailangan Kong maranasan ang lahat na tungkol sa tao, maliban na lang ang pagkakagawa ng kasalanan. Hindi dahil sa nagpoprotektang harang na inilagay ng Aking Ama laban sa laman, sa mundo at sa dimonyo, bagkus dahil sa Aking kalooban ng tao. Ako ay katulad mo. Ngunit mayroon akong mas malakas na kalooban kaysa sa iyo. Kung kaya't Ako ay napapailalim sa panunukso, ngunit hindi Ako nagpapadala sa kanila. At ang Aking merito ay diyan matatagpuan, katulad na ito ay diyan din matatagpuan sa iyo.»

«Kayo tinutukso!... Ito ay tila halos imposible sa akin...»

«Sapagkat ang mga panunukso ay hindi ka labis na naaapektuhan. Ikaw ay puro, at iniisip mo na Ako, bilang mas puro kaysa sa iyo, ay hindi kailangan na makaranas ng panunukso. Sa katunayan ang karnal na panunukso ay napakahina kompara sa Aking kabasalan, na ito ay hindi kailanman nararamdaman ng Aking kaakuhan. Ito ay katulad na tila ang isang petalo ay tumama sa isang solidong piraso ng granito. Kinakayod nito ito... Ang pinaka dimonyo ay pagod nang patamaan Ako ng palasong ito. Ngunit, Juan, hindi mo ba iniisip kung gaano karaming iba pang mga  panunukso ang nakapaligid sa Akin?»

«Sa paligid Ninyo? Hindi Kayo nagnanasa ng kayamanan o mga karangalan... Kung kaya't alin ang mga panunuksong ito?...»

«At hindi mo ba iniisip na Ako ay may isang buhay. Mga damdamin, at mga katungkulan sa Aking Ina, at ang ganyang mga bagay ay tinutukso Ako na iwasan ang panganib? Ang Ahas ay tinatawag ito na “panganib”. Ngunit ang totoong pangalan nito ay “Sakripisyo”. At hindi mo ba iniisip na Ako rin ay may mga pakiramdam? At Aking moral na kaakuhan ay nasa Akin at nasasaktan ng mga pananalakay, paninira, panloloko. O! Aking Juan! Nababatid mo ba kung gaano nakasusuklam ang kasinungalingan at ang mga sinungaling sa Akin? Nalalaman mo ba kung ilang beses ang dimonyo nanunukso sa Akin na gantihan Ko ang mga namimighati sa Akin, sa pamamagitan ng kalimutan Ko ang kababaang-loob at Ako ay maging matigas ang puso at huwag magpasensya? Ang panghuli, hindi mo ba iniisip kung ilang beses niya Akong hinihipan ng kanyang hininga na umaapoy sa pagmamalaki, at nagsasabi: ”Ipagmalaki ito o iyon. Ikaw ay dakila. Ang mundo ay humahanga sa Iyo. Ang mga elemento ay nasa paglilingkod sa Iyo!”. Ang panunukso na kasiyahan ang pagiging banal! Ang pinaka banayad na panunukso! Gaano karaming tao ang nawawalan ng nakuha nang kabanalan, dahil sa ganyang pagmamalaki! Papaano naparumi ni Satanas si Adan? Sa panunukso sa kanyang sensuwalidad, sa kanyang isip, sa kanyang espiritu. Hindi ba’t Ako ang Tao na siyang maglilikhang-muli sa tao? Ang bagong sangkatauhan ay kailangan na manggaling sa Akin. At naririyan si Satanas na nagsusubok sa pamamagitan ng gayon din na pamamaraan upang sirain, at para matuluyan na, ang lahi ng mga anak ng Diyos. Ngayon puntahan ang iyong mga kasamahan at ulitin ang Aking mga salita sa kanila. At huwag isipin kung alam Ko o hindi ang ginawa ni Judas ngayon. Isipin na mahal Ko kayo. Ang kaisipan ba na iyan ay hindi pa sapat na mapuno ang isang puso?» Hinahalikan Niya siya at pinalalakad.

At nang Siya ay nag-iisa nang muli, itinaas Niya ang Kanyang mga mata sa kalangitan na makikita sa mga sanga ng mga punong-olibo at sinabi Niya sa mapanimdiman na tinig: «Ama! Ipagkaloob sa Akin kahit man lamang ito, na maitago Ko sana ang Krimen hanggang sa huling oras, upang maiwasan ang Aking minamahal na mga disipulo na madungisan ng dugo ang kanilang mga kamay. Maawa sa kanila, Ama! Napakahina nila na makapagpigil sa pagganti laban sa pananakit! Gawing huwag magkaroon ng poot sa loob ng kanilang mga puso sa oras ng perpektong Pagmamahal!» at Kanyang pinupunas ang mga luha na tanging ang Diyos lamang ang nakakakita...

041211

¹ Kasalanan – tinutukoy ang orihinal na kasalanan - RLB




Sunod na kabanata