526. Sa Nob. Ang Pagbalik ni Judas ng Kerioth.

Nobyembre 9, 1946.

«Oo. Guro! Si Judas ng Kerioth ay maraming araw na na naririto. Dumating siya isang gabi ng Sabbath. Nagmumukha siyang pagod at hapô. Sabi niya nawala niya Kayo sa mga kalye sa Herusalem at na siya ay tumakbo sa iba't ibang mga bahay na madalas Ninyong puntahan, sa paghahanap sa Inyo. Pumupunta siya rito tuwing gabi. Darating siya maya-maya lamang. Umaalis siya sa umaga, at sinasabi niya na pumupunta siya sa kalapit na mga nayon upang ituro ang tungkol sa Inyo.»

«Sige, Eliza... At pinaniwalaan mo ba siya?»

«Guro, nalalaman Ninyo na hindi ko nagugustuhan ang lalaking iyon. Kung ang aking mga anak ay kinailangan na maging katulad niya, hihingin ko sa Kataastaasan na kunin na Niya sila sa mundong ito. Hindi, hindi ko pinaniwalaan ang kanyang mga salita. Ngunit alang-alang sa Inyo pinanatili ko na lamang sa sarili ko ang aking opinyon... At ako ay naging maka-ina sa kanya. Nanagumpay man lamang ako na magawa siyang bumalik dito tuwing gabi.»

«Maganda ang nagawa mo.» Si Jesus ay tinitingnan siya nang maigi at pagkatapos nagtanong nang bigla: «Nasaan si Anastasica?»

Si Eliza ay namula at ang kanyang maedad nang mukha ay naging purpurang pula, ngunit nagpaliwanag siya nang prangkahan: «Sa Bethzur.»

«Nagawa mo ulit ang tamang bagay diyan. At pakiusap na kaawaan ang lalaki.»

«Ito ay dahil nalulungkot ako para sa lalaki na ibig kong patayin ang apoy bago ito kumalat gumagawa ng iskandalo, o, kung man lamang, matákot ang babae.»

«Pagpalain ka nawa ng Diyos, o makatarungan na babae...»

«Naghihirap ba Kayo nang malubha, Guro?»

«Oo, malubha. Totoo iyan. Masasabi Ko sa isang ina.»

«Masasabi Ninyo sa isang ina... Kung hindi Kayo si Jesus, ang Panginoon, gusto kong ipahinga Ninyo ang Inyong pagod na ulo sa aking balikat at ididiin ko ang Inyong naghihirap na puso sa akin. Ngunit Kayo ay napakabanal na walang babae, bagkus ang Inyong Ina, ang makahahawak sa Inyo...»

«Eliza, mabuting kaibigan ng Aking Ina at isang mabuting ina, ang iyong Panginoon ay malapit nang hawakan ng mas lalo pang hindi banal na mga kamay kaysa ng sa iyo, at hahalikan... o!... At pagkatapos, ibang mga kamay... Eliza, kung pahihintulutan kang hawakan ang Banal ng mga Banal, sa pamamagitan ng anong espiritu mo ito gagawin? Hindi mo kaya gagawin, kung ang tinig ng Diyos, sa loob ng isang ulap ng insenso, ay hihingi sa iyo ng pagmamahal, upang magkaroon ng isang nagmamahal na haplos sa wakas, pagkatapos na malapitan ng napakaraming mga tao na hindi nagmamahal sa Kanya?»

«Aking Panginoon! Kung hihingin sa akin ng Diyos, luluhod ako upang takpan ang banal na lugar ng mga halik at gagawin ko sa Diyos nang makukontento at masisiyahan Siya ng aking pagmamahal!»

«Kung gayon, Eliza, ang mabuting kaibigan ng Aking Ina, ang mabuting matapat na disipulo ng iyong namimighating Tagapagligtas, pahintulutan Akong ipahinga ang Aking ulo sa iyong puso sapagkat ang Aking puso ay naghihirap hanggang sa punto na ipinaghihirap Ko ang mortal na mga kirot.»

At si Jesus, nakaupo kung saan Siya naroroon, malapit kay Eliza, na nakaupo, ay talagang ipinahinga Niya ang Kanyang noo sa dibdib ng matandang disipulo, at tahimik na mga luha ang dumaloy patungo sa maitim na damit ng babae, na hindi makapagpigil na haplusin ng isang kamay ang ulo na nakasandal sa kanyang puso, at pagkatapos, nararamdaman ang mga luha na bumabagsak sa kanyang walang-saplot na mga paa, yumuko siya upang halikan ang ulo ni Jesus, nang magaan at lumuluha nang tahimik, itinaas niya ang kanyang mga mata sa kalangitan sa tahimik na pagdarasal. Nagmumukha siyang isang maedad na Ina ng mga Kapighatian. Hindi siya nagsasalita o gumagalaw. Ngunit napaka maka-ina niya sa kanyang saloobin na hindi na siya maaaring maging mas mahigit pa.

Si Jesus ay itinaas ang Kanyang ulo at tinitingnan siya. Ngumiti Siya nang banayad at nagsabi: «Pagpalain ka nawa ng Diyos para sa iyong habag. O! ang isang ina ay totoong kinakailangan kapag ang kalungkutan ay napangingibabawan ang lakas ng lalaki!»

Siya ay tumayo. Tiningnan Niyang muli ang Kanyang disipulo at nagsabi: «Ang bawat sandali ng oras na ito ay kailangan na mapanatili sa atin lamang sarili. Ako ay Mismong naunang umalis na para diyan.»

«Oo, Guro. Ngunit hindi Kayo makapananatiling nag-iisa. Papuntahin Ninyo ang Inyong Ina.»

«Makakasama Ko Siya sa loob ng dalawang buwan...» at magsasalita pa sana Siya ng tungkol sa iba pa, nang ang isang malakas na tinig, laging medyo nang-iinsulto at mapanuya, ni Judas ng Kerioth, ay narinig sa kusina: «Abala pa rin sa pag-uukit, matandang lalaki? Malamig! At walang apoy sa loob dito. Ako ay nagugutom. At walang nakahandang pagkain. Si Eliza kaya ay natutulog? Ibig niyang ang lahat ay gawin niya mismo. Ngunit ang matatanda ay mabagal na at ang kanilang alaala ay mahina na. Sinasabi ko! Hindi ka ba magsasalita? Ganap ka bang bingi ngayong gabi?»

«Hindi, bagkus pinababayaan kitang magsalita, sapagkat ikaw ay isang apostol at magiging masama ako na kagalitan ka» tugon ng matandang lalaki.

«Kagalitan ako? Bakit?»

«Iksaminin mo ang iyong sarili at makikita mo kung bakit.»

«Ang aking konsiyensya ay walang tinig...»

«Na ang ibig-sabihin iyan ay nawala sa porma o na iyan ay iyong pinilayan.»

«Ha! Ha! Ha!» at si Judas ay maaaring lumabas na sa kusina sapagkat una ang isang pinto ay bumagsak at pagkatapos mga hakbang ang narinig sa hagdanan.

«Bababa ako upang maghanda, Guro.»

«Lakad, Eliza.»

Si Eliza ay iniiwan ang silid sa itaas at nasalubong niya kaagad si Judas na pupunta na sana sa terasa.

«Ako ay giniginaw at nagugutom.»

«Wala nang iba? Bueno, lalaki, napakaliit pa ang mayroon ka.»

«Ano pa ang dapat mayroon ako?»

«Eh! napakaraming bagay!...» Ang tinig ni Eliza ay naglalaho.

«Lahat sila ay matatandang tanga. Ugh!»

Tinutulak niya ang pinto at natagpuan niya ang kanyang sarili na kaharap si Jesus. Siya ay takang-taka na siya ay napaatras nang isang hakbang. Inayos niya ang kanyang sarili at nagsabi: «Guro!! Kapayapaan sa Inyo!»

«Kapayapaan sa iyo, Judas» Si Jesus ay tinatanggap ang halik ng apostol, ngunit hindi Niya ito ginagantihan.

«Guro. Kayo ay... Hindi ba Ninyo ako hahalikan?»

Si Jesus ay tinitingnan siya at nananatiling tahimik.

«Totoo. Nagkamali ako. At ang tumangging halikan ako ay ang pinakamaliit na Ninyong magagawa. Ngunit huwag Ninyo akong husgahan nang napakahigpit. Noong araw na iyon ako ay naipit sa gitna ng ilang mga tao na... hindi sa Inyo nagmamahal at ako ay nakipagtalo sa kanila hanggang sa ako ay mamaos. Pagkaraan... sinabi ko: “Saan na kaya Siya napunta?!” at bumalik ako rito naghihintay para sa Inyo. Hindi ba’t ang bahay na ito ay sa Inyo na ngayon?»

«Habang pinahihintulutan nila Ako.»

«Hindi Kayo magkikimkim ng sama-ng-loob sa akin para diyan!»

«Hindi. Ibig Ko lamang na tingnan mo ang halimbawa na iyong pinakita para sa iba.»

«Eh! naririnig ko na ang kanilang mga salita. Ngunit mayroon akong mga dahilan na mangangatwiran para sa akin sa kanila. Ni hindi ko ito sinasabi sa Inyo sapagkat nalalaman ko na Ako ay Inyo nang pinatawad.»

«Pinatawad na kita. Totoo iyan.»

Aasahan ng isa na si Judas ay gagawa ng pagpapakita ng kababaang-loob, ng pagmamahal para sa labis na kabaitan. Sa halip gumagawa siya ng siyang pinaka kabaligtaran: isang pagpapakita ng galit, habang bumubulalas siya: «Ngunit wala bang paraan upang makita Kayo na magalit?! Anong klaseng tao Kayo?»

Si Jesus ay tahimik. At si Judas, tumatayo, ay tinitingnan si Jesus, Na nakaupo na ang Kanyang ulo nakatungo at iniiling niya ang kanyang ulo nang may masamang ngiti sa kanyang mga labì. At ang insidente ay tapos, sa ganang kanyang pag-iisip. Nagsimula siyang magsalita ng tungkol sa ibang mga bagay, na tila siya ang pinaka mabait na apostol.

Ang gabi ay bumababa. Ang ingay ng kalsada ay naglalaho. «Tayo na sa ibaba» sabi ni Jesus.

Pumasok sila sa kusina kung saan ang isang maliwanag na apoy ay lumalagablab at ang isang may tatlong-mitsang lampara ay may sindi. Si Jesus, pagod, ay naupo malapit sa paapuyan at tila umiidlip sa loob ng init...

Nagkaroon ng isang katok sa pinto. Ang matandang lalaki ay binuksan ito. Ito ay ang mga apostol. Si Pedro, na siyang unang pumasok, ay nakita si Judas at hinarap siya nagtatanong nang puspusan: «Maaari bang sabihin mo sa amin kung saan ka nanggaling?»

«Dito. Dito lamang. Magiging katangahan na tumakbo dito at doon pagkatapos na mawala ang mga tao. pumunta ako rito dahil nakatitiyak ako na kayo ay babalik dito.»

«Isang mabuting pamamaraan ng pagkilos!»

«Ang Guro ay hindi ako kinagalitan dahil diyan. Maging ano pa man mas mabuting malaman mo na hindi ako nagsayang ng oras. Nag-ebanghelyo ako araw-araw at gumawa rin ako ng mga himala, at iyan ay isang mabuting bagay.»

«At sino ang nagpahintulot sa iyo na gawin iyan?» tanong ni Bartolomeo nang mahigpit.

«Wala. Ni hindi kayo o sino pa man. Sapat na na maging ang... Sa maikling salita: ang mga tao ay nagtataka, at pabulung-bulong at pinagtatawanan tayo, ang mga apostol na walang ginagawa. At dahil nalalaman ko ito, kumilos ako sa katauhan ng lahat. At mahigit pa diyan ang ginawa ko. Pumunta ako upang makita si Helkai at pinatunayan ko sa kanya na ang isa ay hindi umaasal nang mali kung ang isa ay banal. Marami ang naroroon at kinumbinsi ko sila. Makikita ninyo na hindi nila tayo gagambalain. At ngayon ako ay masaya.»

Ang mga apostol ay nagtitinginan sa isa’t isa. Tinitingnan nila si Jesus. Ang Kanyang mukha ay hindi mababása. Ito ay tila may belo ng labis na pagkapagod, na siyang ang tanging bagay na makikita.

«Ngunit sana ginawa mo iyon nang may pahintulot ng Guro» wika ni Santiago ni Alfeo. «Kami ay nag-aalala lagi tungkol sa iyo.»

«O! bueno! Ngayon ay hindi na kayo kailangan na mabalisa pa. Hindi Niya ako kailanman bibigyan ng kapahintulutan. Labis Niya tayong... binibigyan ng proteksiyon. Upang ang mga tao ay pabulung-bulong na Siya ay naninibugho sa atin, na Siya ay natatakot na baka makagawa tayo ng mas malaki kaysa sa ginagawa Niya, at na tayo ay Kanya ring pinarurusahan. Ang mga tao ay may nakapapasong mga dila. Ang katotohanan, sa halip, ay minamahal Niya tayo nang higit pa sa labis Niyang nagugustuhan. Hindi ba’t tama iyon, Guro? Natatakot Siya na baka tayo malantad sa panganib o na tayo ay makapagbigay... ng isang masamang pigura. At tayo rin sa loob ng ating mga isip, ay nag-aakala na tayo ay pinarurusahan at na Siya ay naninibugho...»

«Tiyak na hindi! Hindi ko kailanman naisip ang ganyan!» sabi ni Tomas pinuputol siya. At ang iba ay sinasabi ang kanyang sinabi, maliban kay Tadeo, na nakatutok ang kanyang magagandang sinsirong mga mata sa magaganda ngunit mailap na mga mata ni Judas at nagsabi: «At papaano ka nakagawa ng mga himala? Sa kaninong pangalan?»

«Ano? Sa kaninong pangalan? Ngunit hindi mo ba naaalaala na binigyan Niya tayo ng kapangyarihan na iyan? Tayo ba ay Kanya nang pinagkaitan niyan? Hindi ang alam ko. Kung gayon...»

«Kung gayon hindi ako kailanman mangangahas na gawin ang kahit ano nang wala ang Kanyang kapahintulutan at utos.»

«Bueno, ginusto kong gawin iyon. Ako ay natakot na baka hindi na natin iyon magagawa. Ngunit nagawa ko at masaya ako!» at pinutol niya ang pagdidiskusyon lumalabas patungo sa madilim na pangkusinang-hardin.

Sa muli ang mga apostol ay nagtinginan sa isa’t isa nang nadidismaya. Sila ay nabigla ng labis na kapangahasan. Ngunit wala ni isa sa kanila ang may lakas-loob na magsalita ng kahit ano na baka mas lalo pang makapamighati sa Guro, dahil Siya ay tila naghihirap nang labis.

Itinabi nila ang kanilang mga bag na dinala sa itaas nina Juan, Andres at Tomas. At si Bartolomeo, yumuyuko upang pulutin ang isang tuyong sanga na nahulog mula sa isang bigkis ng panggatong, ay bumulong kay Pedro: «Hindi sana ipahintulot ng Diyos siya ay tinulungan ng isang dimonyo!»

Si Pedro ay napakilos sa pamamagitan ng kanyang mga kamay na tila ang gustong sabihin: «Diyos ko!» ngunit hindi siya nagbibigkas ng kahit isang salita. Siya ay pumunta kay Jesus at nagpapatong ng isang kamay sa Kanyang mga balikat, tinanong niya Siya: «Pagod ba Kayo?»

«Oo, Simon, pagod Ako.»

«Handa na, Guro. Halikayo sa mesa. O... Hindi. Manatili diyan, malapit sa tabi ng paapuyan. Magdadala ako sa Inyo ng ilang gatas at tinapay» sabi ni Eliza. Sa katunayan naglalagay siya ng isang malaking mangkok ng umuusok na gatas at ilang tinapay na pinahiran ng pulot sa isang trey at dinala niya ito kay Jesus, at siya ay naghihintay habang Siya, nakatayo, ay inaalay ang pagkain. Pagkatapos naupo siya sa sahig, katulad ng isang matandang ina, nananabik na mapaginhawahan Siya, at ngumingiti siya sa Kanya pinakikiusapan Siyang kumain. At nang mapagmahal Niya siyang kinagagalitan sa paglagay ng pulot sa tinapay, sinabi niya: «Ibibigay ko sa Inyo ang aking dugo upang mapalakas Kayo, aking Guro! Iyan ay ang abang pulot ng aking pangkusinang-hardin sa Bethzur at iyan ay bagkus makapagpapalakas sa Inyong katawan. Ngunit ang aking puso...»

Ang iba ay kumakain sa palibot ng mesa, nang may gana ng mga tao na naglakad nang malayo. At si Judas, mapayapa, halos arogante, ay kumakain kasama nila at siya lamang ang tanging nagsasalita...

Siya ay nagsasalita pa nang iniutos ni Jesus: «Gawin na ang bawat isa sa inyo ay pumunta sa bahay na nagbibigay sa inyo ng matutuluyan. Lakad. Ang kapayapaan ay sumainyo.»

Sina Judas, Bartolomeo, Pedro at Andres ay nananatiling kasama Niya. At si Jesus ay inutusan silang lumakad at magpahinga kaagad. Siya ay pagod-na-pagod, na hindi na Niya matagalan na magsalita o makinig sa mga tao na magsalita, at sa palagay ko hindi na Niya makayanan ang pagsisikap na pigilin ang Kanyang sarili hinggil kay Judas ng Kerioth.

051211

 

 


Sunod na kabanata