527. Sa Nob sa Loob ng Sumunod na mga araw. Ang Natatagong mga Pananakop ng Masasamang Espiritu.

Nobyembre 12, 1946.

Ang mga araw na ito ng taglamig ay malamig ngunit maliwanag. Sa tuktok ng maliit na bundok kung saan ang Nob ay naitayo, ang hangin ay halos palagi ang ihip, ngunit ang epekto nito ay nababawasan ng araw na mula sa pagsikat hanggang sa paglubog ay hinahaplos nito sa pamamagitan ng mga sinag ang pangkusinang-hardin na berde sa mga tanim na gulayin at ang iba pang mga latag na taníman na may kulay ng alagang-alagang lupa, walang-tanim na mga latag ng lupa na handa nang tamnan ng mga legumbre. Kapag tumitingin sa paligid, makikita ng isa ang kulay-abong berdeng mga kadahunan ng mga punong-olibo, o ang papalu-palupot na tila mga kalansay na hilera ng mga baging, o ang maliliit na inararong mga bukid, na may tanim na ng mga butil, na handa nang umusbong sa unang init ng maagang tagsibol ng Palestina, na biniyayaan ng mainit na sinag ng araw. Halos sasabihin ko na sa maliliwanag na raw, katulad ng isang ito na aking hinahangaan, ay laging nariyan ang init ng tagsibol, isang nagpapatubong init, sa katunayan ang mga buko ng mga puno ng almendras malapit sa mga bahay ay namimintog sa mga sanga, na kamakailan pa lamang ay tuyot. Maiitim na batong-hiyas na halos hindi mapupuna sa maliliit na maiitim na sanga, ngunit nagpapatunay na ang buhay ay lumalabas at ang balisaksak na puno ay magigising na muli.

Sa loob ng maliit na lootan ni Juan, sa likuran ng bahay, ay may isang manipis na latag ng binukid na lupa, samantalang ang latag ng lupa na nasa tabi ng bahay ay nalililiman ng isang puno ng nugales. Sa loob ng manipis na latag ng lupa ay may isang malaking puno ng almendras, baka mas matanda pa kaysa sa panginoon nito, napakalapit sa bahay na sa mahaba-habang bahagi ng puno ito ay nagawang magsanga sa tatlong tabi lamang, sapagkat ang pader ng bahay ay nakapagpigil sa pagsasanga ng puno sa ikaapat na tabi. Ngunit sa mas mataas pa ang mga sanga nito ay gusot sa pagkakasala-salabid, na kapag ito ay mamulaklak ito ay magiging isang magaan na ulap sa itaas ng abang terasa, isang mahalagang tolda na mas maganda pa kaysa sa isang maharlikang kulandong.

Upang hindi naka-istambay, si Jesus at ang mga apostol ay may ginagawa sa ilalim ng magandang mainit na sinag-ng-araw. Na ang kanilang mga damit nakalilis, ang mga sanay tungkol sa mga pagdudugtong at mga panara ay inaayos o gumagawa ng bagong mga kagamitan o, mga lalagyan. Ang ilan ay inaasarol ang lupa, naglalagay ng lupa sa bagong lipat na mga tanim na gulay, pinatitibay ang isang bakod na gawa sa tuyong mga yantok at berdeng hawthorn na kumukulong sa dalawang tabi ng maliit na pangkusinang-hardin, o kanilang pinupungusan ang mga puno ng almendras at nugales, at tinatalian ang mga sanga ng baging na ang mga tali ay nakalas ng hangin ng taglamig. Napuna ko na kung nasaan si Jesus, ang isa ay hindi kailanman walang-ginagawa. Siya ang unang nagtuturo ng kagandahan ng pagtatrabaho, kapag ang ibang gawain na pag-eebanghelyo ay napuputol. Sa araw din na ito ngayon si Jesus, kasama ang Kanyang mga pinsan, ay inaayos ang isang pinto, na ang ibabang bahagi ay nabulok na at ang panara ay nalalaglag na. Sina Felipe at Bartolomeo sa halip ay nagtatrabaho sa pamamagitan ng pampungos at panggapas sa matatandang namumungang mga punungkahoy, habang ang mga mangingisda ay inaabala ang kanilang mga sarili sa mga lubid at lumang mga basket, ang ilan ay inaayos ang mga ito sa pamamagitan ng napaka... panlalaking pamamaraan ng pagtahi, ang ilan ay nagkakabit ng mga singsing-na-bakal at mga muton, baka para makagawa ng isang trapal sa ibabaw ng terasa na mapapakinabangan sa panahon ng tag-init.

Magiging napaka-ginhawa mo rito, Eliza» sabi ni Pedro nang may tono ng pangangako, nabitin sa labas ng mababang pader ng terasa, upang maka-usap ang matandang babaeng disipulo na naghahabi ng lana, nakaupo sa tabi ng naaarawan na pader.

«Oo. Kapag ang baging ay nakakalat na at ang puno ng almendras naiayos na ang mga sanga, talagang magandang lugar ito sa tag-init» sabi ni Felipe sa pagitan ng kanyang mga ngipin dahil kagat ng kanyang bunganga ang ilang tambo na kanyang ginagamit upang matalian ang mga usbong ng baging sa mga suporta.

Si Jesus ay tumingala at tumingin, habang si Eliza ay tumingala upang tingnan si Jesus at sinabi niya: «Iniisip ko kung tayo ay naririto pa sa tag-init...»

«Bakit naman hindi, babae?» tanong ni Andres.

«Bueno... Hindi ko alam... Hindi na ako nakakasiguro sa hinaharap dahil... Mula na ang aking mga hula ay nagtapos sa isang sepulkro.»

«Eh!  ang Guro ay kailangan na mamatay upang mapigilan tayo na hindi makapunta rito! Ang Guro ay pinili na ito ngayon bilang Kanyang lugar ng tirahan. Hindi ba, Guro?» tanong ni Tomas.

«Iyan ay totoo. Ngunit ang sinabi rin ni Eliza ay totoo...» tugon ni Jesus kinakatam ang isang parte ng balangkas ng pinto na Kanyang inaayos.

«Ngunit Kayo ay bata pa. At higit sa lahat malusog!»

«Ang mga tao ay hindi lamang namamatay dahil sa mga sakit» sabi ulit ni Jesus.

«Sino ang nagsasalita tungkol sa kamatayan? Kayo, Guro? Para sa Sarili Ninyo?... Ang masamang pag-iisip ay talagang kumalma nang matagal-tagal. Tingnan ninyo, wala nang nanggagambala sa atin ngayon. Alam nila na tayo ay naririto. Nasalubong din nila kami kahapon nang kami ay pabalik mula sa bayan pagkatapos ng pamimilí, at hindi nila kami pinakialaman» sabi ni Bartolomeo.

«Oo. Ganyan din sa amin, nang pumunta kami sa kalapit na mga nayon upang sabihan ang mga tao na Kayo ay naririto. Walang sinuman ang nanggulo sa amin. Bagama't nasalubong namin si Helkai at si Simon, pagkatapos si Sadoc at si Samuel, at sina Nahum at Doras din. Binati pa nga nila kami. Hindi ba, Santiago?» sabi ni Juan tinatanong ang kanyang kapatid.

«Oo! Kailangan nating tanggapin na si Judas ay nakagawa ng maganda habang sa loob ng ating mga puso siya ay ating pinipintasan. Mula nang tayo ay bumalik rito hindi na tayo nagkaroon ng problema! Ang kanyang mga salita ay napatotohánan ng mga pangyayari. Tayo ay parang nakabalik sa magagandang araw ng Clear Water. Sa pagsimula ng mga araw na iyon... O! Sana ito ay totoo!» sabi ni Santiago ni Zebedeo.

«Kung ito ay talagang totoo!» sabi ni Pedro na may pagbuntung-hininga.

«Hindi laging isang maliwanag na araw kung walang pagdagundong ng kulog» sabi ni Eliza nang malaman pinaiikot ang kanyang bola-ng-sinulid.

«Ano ang ibig mong sabihin?» tanong ni Pedro.

«Ang ibig kong sabihin ang labis na kapayapaan kung minsan, sa isang mabagyong lugar, ay nagbabadya ng pinaka mapanganib na unos. Dapat alam mo iyan, dahil ikaw ay isang mangingisda.»

«Eh! babae, alam ko. Ang lawa ay katulad ng isang malaking bariles na puno ng asul na langis, kung minsan. Ngunit halos sa tuwing ang mga panlayag ay nakalugay at ang tubig ay makinis, ang isang bagyong pinaka-malala ay nakahanda. Ang hangin ng isang kalmanteng-kalmanteng dagat ay ang hangin ng kamatayan para sa mga mandaragat.»

«H’m! Siyempre. Kung kaya't, kung ako ay ikaw, hindi ko pagkakatiwalaan ang labis na kapayapaan. Napaka-payapa niyan!»

«Bueno! Kung panahon ng digmaan ang isa ay naghihirap dahil may digmaan, at kung panahon ng kapayapaan ang isa ay naghihirap dahil baka ang mas nakapangingilabot na digmaan ay dumating, kailangan magbubunyi ang isa?» tanong ni Tomas.

«Sa susunod na buhay. Ang tigib ng kalungkutan ay laging nakahanda rito.»

«Ugh! Gaano ka nakakalungkot, babae! Ang panahon ng aking pagbubunyi ay napakalayo, kung gayon! Ako ang isa sa pinakabata! Magsaya, Bartolomeo, ikaw ang pinakamalapit nang kalugdan ito. Ikaw at ang Zealot» sabi nang nagbibiro ni Zebedeo.

«Nakakalungkot at tuso, babae! Eh! ang maedad na mga babae! Ngunit kung minsan tama ang kanilang hula. Ang akin ding ina kapag sinasabi niya: “Mag-ingat! Makagagawa ka ng isang bagay ng katangahan dahil dito at iyon” ay laging tama ang kanyang hula» sabi ni Tomas na nakayuko sa pag-aasarol sa lupa.

«Ang mga babae ay nakamamatay o mas magagaling kaysa sa mga lobo. Tayo ay walang halaga. Kompara sa kanila, kapag ito ay tungkol sa pag-unawa ng ilang mga bagay na gusto natin na huwag nilang maintindihan» sabi ni Pedro nang malaman.

«Kailangan na manahimik ka. Nagkataon na ang napangasawa mo ay isang maniniwala sa iyo kahit na kung sabihin mo na ang Lebanon ay naging mantikilya. Ang sinasabi mo ay ang batas para sa kanya. Siya ay nakikinig, naniniwala at tahimik» sabi ni Andres sa kanyang kapatid.

«Oo... ngunit ang kanyang in ang pumupuno ng kakulangan para sa kanya at para sa sandaan pang ibang mga babae. Anong ahas!»

Ang lahat ay tumatawa, kasama din si Eliza at ang matandang lalaki na tumutulong sa mga nakababata sa pag-asarol.

Ang Zealot, si Mateo at si Judas ng Kerioth ay bumalik.

«Nagawa na namin ang lahat, Guro. Kami ay napagod! Anong mahabang pag-iikot! Ngunit magpapahinga ako bukas. Kayo na bukas» sabi ng Iskariote sa mga nagbubunggkal ng lupa. At siya ay pumunta sa kanila kinukuha ang asarol upang magbungkal.

«Kung ikaw ay pagód bakit gusto mong magtrabaho?» tanong ni Tomas sa kanya.

«Sapagkat magtatanim ako ng ilang maliliit na halaman. Ang lugar na ito ay kasing kalbo ng ulo ng isang matandang lalaki, at nakakaawa ito» sinasabi niya nang mapangaral ibinabaon ang asarol sa lupa sa pamamagitan ng malalakas na sipa ng kanyang paa.

«Hindi ganito noong matagal nang magagandang araw! Noon... Napakaraming mga bagay ang namatay, at hindi sulit na sa pagod ko na gawin ulit sila. Ako ay matanda na at higit pa sa matanda ako ay nangungulila» tugon ng matandang lalaki.

«Ngunit anong laki ng mga butas ang iyong hinuhukay? Iyan ay malalaki na para sa mga punungkahoy, hindi para sa maliliit na halaman, katulad ng sinabi mo» wika ni Felipe na bumaba pagkatapos na matalian ang usbong ng baging.

«Kapag ang isang punongkahoy ay bata pa ito ay laging isang maliit na halaman. Ganyan ang katulad ng akin. Ito ang tamang panahon. Ako ay tiniyak ng lalaki na nagbigay sa akin ng mga ito.. Kilala ba Ninyo kung sino, Guro? Ang kamag-anak ni Helkai na isang magbubukid. siya ay isang mabuting magbubukid. Anong lootan iyon! At ang kanyang mga punong-olibo! Tinatamnan niyang muli ang bahagi ng taníman-ng-mga-olibo. Sinabi ko sa kanya: “Bigyan mo ako ng ilan ng mga halaman na iyan”. “Para kanino?” nagtanong siya. “Para sa isang matandang lalaki sa Nob na nagbigay sa amin ng matutuluyan. Magsisilbi ang mga halaman na mapatawad niya ako para sa mga eskandalo na nadala ko sa kanya”.»

«Hindi, anak. Hindi sa pamamagitan ng mga halaman, bagkus sa pamamagitan lamang ng iyong mabuting asal mangyayari iyan. At sa pamamagitan ng Diyos. Ako... ako ay nagmamasid, nananalangin at nagpapatawad. Ngunit ang aking kapatawaran... Ngunit ako ay nagpapasalamat sa iyo para sa mga halaman... Bagama't... Sa palagay mo ba mabubuhay ako nang sapat na matagal upang makain ang kanilang bunga?»

«Bakit hindi? Ang isa ay kailangan na umasa. Hindi lamang, bagkus, ang isa ay kailangan na magustong magtagumpay... At ang isa sa gayon ay nagtatagumpay.»

«Walang pananagumpay sa katandaan! At iyan ay ni hindi ko ginugusto.»

«Ni wala ring pananagumpay sa maraming iba pang mga bagay. Kung ang paghiling ay sapat na upang magkaroon ng mga bagay! Nasa akin na sana ang aking mga anak» sabi ni Eliza nagbubuntung-hininga.

«Guro, ang mga salita ni Eliza ay nagpapaalaala sa akin tungkol sa isang tanong na itinanong sa akin ng ilang mga tao ngayon sa daan. Dahil may nangyari sa isang nayon, nagtatanong sila kung totoo na ang isang himala ay laging isang katibayan ng kabanalan. Sinabi ko na ito ay katibayan. Ngunit sinabi nila na hindi ito ganito, sapagkat sa nayon na iyon, sa hangganan ng Samaria, ang isang tao na gumawa ng magagandang bagay ay tiyak na hindi isang makatarungan ng tao. Pinatahimik ko sila sa pagsasabing ang tao ay laging naghuhusga nang mali at na ang tao na kanilang sinasabi na hindi makatarungan, ay baka mas banal pa kaysa sa kanila. Ano sa palagay Ninyo?» tanong ni Mateo.

«Sasabihin Ko na kapwa kayo ay tama. Ang bawat isa para sa kanya sariling bahagi sa katanungan. Ikaw sa pagsasabing ang isang himala ay laging ang katibayan ng kabanalan. Ito ay ganito sa pangkalahatan. At sa pagsasabi rin na ang isa ay hindi kailangan na maghusga upang hindi makagawa ng mga pagkakamali. Ngunit sila ay tama rin sa pagsospetsa ng ibang mga pinanggagalingan para sa magagandang bagay ng taong iyon.»

«Aling mga pinanggagalingan?» tanong ng Iskariote.

«Ang mga pinanggagalingan na kadiliman. May mga tao na na mga tagapagsamba ni Satanas at nagsasagawa ng kulto ng pagmamalaki, at upang maipilit nila ang kanilang mga sarili sa ibang mga tao, pinagbibili nila ang kanilang sarili sa Madilim na Isa upang siya ay kanilang maging kaibigan» tugon ni Jesus sa kanya.

«Papaano ito posibleng mangyari? Hindi ba’t isang alamat ng hentil na mga bansa na ang tao ay nakagagawa ng mga kontrata sa dimonyo o sa maka-impiyernong mga espiritu?» tanong ni Juan na lubos na nagtataka.

«Ito ay posible. Hindi ayon sa sinasabi ng alamat ng mga hentil. Hindi sa pamamagitan ng pera o materyal na mga kontrata. Bagkus sa pamamagitan ng pamamalagi sa Kasamaan, sa pamamagitan ng pagpili na ibigay ang sarili sa Kasamaan, upang ang isa ay sana kalugdan ang isang oras ng pananagumpay, sa kahit anong pamamaraan. Sasabihin Ko sa inyong totoo na ang mga ipinagbibili ang mga sarili sa Isinumpang Isa upang makuha ang kanilang gusto, ay mas marami kaysa sa maaaring isipin ng isa.»

«Sila ba ay nagtatagumpay? Nakukuha ba nila ang kanilang hinihingi?» tanong ni Andres.

«Hindi lagi at hindi lahat. Ngunit may nakukuha sila na kahit ano.»

«Papaano mangyayari iyan? Ang dimonyo ba ay napakalakas katulad na gayahin ang Diyos?»

«Siya ay malakas... ngunit siya ay magiging wala ng kahit na ano kung ang tao ay banal. Ang katunayan ay ang tao ay madalas na isang dimonyo mismo. Nilalabanan natin ang halatang-halata, maingay, nakakagulat na mga pananakop ng masamang espiritu. Ang lahat ay nalalaman ito... Sila ay malayong maging kaaya-aya para sa mga kamag-anak at mga mamamayan, at higit sa lahat nangyayari ang mga ito sa materyal na mga porma. Ang tao ay laging napahahanga ng kung ano ang mabigat at tumatama sa kanyang mga pandama. Hindi niya nararamdaman kung ano ang di-materyal at mararamdaman lamang sa pamamagitan ng kung ano ang di-materyal: ng pangangatwiran at ng espiritu, at kahit na kung nararamdaman niya ito, siya ay nagiging walang pakialam dito, lalo na kung ito ay hindi makasasama sa kanya. Labis na natatagong mga pananakop ang nakalulusot sa ating kapangyarihan ng mga tagapagpalayas ng masasamang espiritu! At ito ang siyang pinaka delikado sapagkat  tinatrabaho nito ang pinaka piling parte, sa pamamagitan ng pinaka piling parte at patungo sa iba pang piling mga parte:  mula sa katwiran patungo sa katwiran, mula sa espiritu patungo sa espiritu. Katulad nila ang nagpaparumi, di-nahihipo, di-napupunang masamang usok na hindi malalaman ng naapektuhan na tao hanggang sa siya ay magkaroon ng lagnat gawa ng sakit na dala ng masamang usok.»

«At siya ay tinutulungan ni Satanas? Talaga? Bakit? At bakit pinahihintulutan siya ng Diyos? At lagi ba Niya siyang pahihintulutan? Kahit na pagkatapos na Kayo ay naghahari?» lahat sila ay nagtatanong.

«Si Satanas ay tumutulong upang makumpleto ang pagkaalipin. Ang Diyos ay pinahihintulutan siyang kumilos nang ganyan, sapagkat ang kahalagahan ng nilikha ay lumalabas mula sa pakikibaka sa pagitan ng Mataas at Mababa, ng Mabuti at Masama. Kapwa ang kanyang kahalagahan at ang kanyang kalooban ay lilitaw. Lagi Niya siyang pababayaan na kumilos.  Pagkatapos din na Ako ay maibangon. Ngunit si Satanas pagdating niyan ay kailangan na makipaglaban sa isang napakalakas na kaaway at ang tao ay magkakaroon ng napakalakas na kaibigan.»

«Sino?»

«Ang grasya.»

«O! bueno! Kung gayon para sa mga tao ng ating mga panahon, na mga walang grasya, magiging mas madali na maalipin, ngunit ang kanilang pagbagsak ay hindi magiging napakabigat» sabi ng Iskariote nag-aasarol lagi.

«Hindi, Judas. Ang hukom ay magiging pareho din.»

«Iyan ay hindi makatarungan sapagkat, kung tayo ay hindi masyadong natutulungan, tayo ay dapat na hindi masyadong isusumpa.»

«Ikaw ay hindi ganap na mali» sabi ni Tomas.

«Siya ay mali, Tomas. Sapagkat tayong mga tao ng Israel ay pinagkalooban ng labis na pananampalataya, pag-asa, karidad, at labis na liwanag ng Karunungan, na tayo ay wala nang idadahilan pa sa pagiging mangmang. At kayo, maging ano pa man ang kaso, na napasainyo na ang Grasya bilang inyong Guro sa loob ng halos tatlong taon, ay huhusgahan katulad ng mga tao ng bagong panahon» sabi ni Jesus dinidiinan ang kanyang mga salita at tinitingnan si Judas na itiningala ang kanyang ulo at nag-iisip nakatingin sa kalawakan.

Pagkatapos si Judas ay iniiling ang kanyang ulo, na tila tinatapos niya ang isang nasa loob niyang pangangatwiran, at ibinabaon ang asarol sa lupa siya ay nagtanong: «At ano ang mangyayari sa kanya, na ibinibigay ang sarili sa dimonyo?»

«Magiging isang dimonyo.»

«Isang dimonyo! Kung gayon kung ako, halimbawa, upang maipagpilitan na ang Inyong kontakto ay nagbibigay sa isa ng isang sobrenatural na kapangyarihan, ay makagawa ng isang bagay... na Inyong ipinagbabawal, ay magiging isang dimonyo?...»

«Oo, ikaw ay magiging isang dimonyo.»

«Gayunman, umaasa ako na hindi ka gagawa ng ganyang mga bagay...» sabi ni Andres na halos natatakot.

«Ako? Ah! Ah! itinatanim ko ang maliliit na puno para sa matanda» at tumakbo siya patungo sa kabilang tabi ng pangkusinang-hardin, at bumalik na may dalang limang bata-pang mga halaman na tiyak na mabigat dahil sa nakakapit na lupa sa mga ugat.

«Nanggaling ka ba sa Beth-Horon dala ang bagahe na iyan sa iyong mga balikat?» tanong ni Pedro.

«Dapat sabihin mo mula sa Gibeon! Nandiyan ang ilan na mga lootan ni Daniel. Magandang lupa. Tingnan!...» at kanyang dinudurog sa pamamagitan ng kanyang mga daliri ang lupa na nakakapit sa mga ugat. Pagkatapos kanyang kinalas ang tali na humahawak sa limang maliliit na tangkay na kasukat na ng isang braso. Tanging dalawa lamang ang may ilang mga dahon sa kanilang tuktok. At ito ay mga dahon ng olibo. «Naririto na tayo. Ang isang ito ay para kay Jesus at ang isang ito para kay Maria. Sila ang kapayapaan ng mundo. Itinatanim ko silang muli una, dahil ako ay isang tao ng kapayapaan. Isa rito... at isa doon» At inilalagay niya sila sa dalawang dulo ng isang latag ng lupa na taníman. «At isang puno ng mansanas dito, na kasing bata pa at kasing buti ng isang nasa Eden, upang paalalahanan ka, Juan, na ikaw din ay nagmula kay Adan at na ikaw ay hindi kailangan na magtaka... kung ako ay baka isang makasalanan. Mag-ingat sa Serpiyente... At dito... Hindi, hindi ito ang tamang lugar. Ang mura pang puno ng igos na ito, sa banda roon, sa harapan, malapit sa pader. Papaano ang isa makapamumuhay nang wala ng isang puno ng igos sa hardin, kung tumutubo sila rito nang katulad ng mga damo. At ating ilalagay ang isang bata pang puno ng almendras sa butas sa gitna. Matututo ito mula sa matanda nang punong iyon ng birtud ng pamumunga. Ayan na tayo! Ang iyong maliit na pangkusinang-hardin ay magiging maganda sa hinaharap... At tinitingnan ito maaalaala mo ako.»

«Maaalaala pa rin kita kahit wala iyan, sapagkat nakasama mo rito ang Guro. Ang lahat ay magsasalita sa akin ng tungkol sa oras na ito. At tinitingnan ang mga bagay sasabihin ko: “Gusto niyang maisaayos muli ang aking bahay, katulad na katulad ng isang anak!” Ngunit... Ngunit kung ako ay maaaring humiling ng isang bagay na maaaring iba sa nakasulat na sa Langit, gusto kong hindi ko na maalaala ang panahong ito na napakaganda para sa akin, na mas maganda pa kaysa noon na ang mga punungkahoy na ito, ngayon matatanda na, ay mga bata pa, at ang aking asawa at ako ay mga bata pa rin, at ang aking maliit na anak na babae ay madalas maglaro dito... at magandang mag-alaga ng puno ng mansanas,  ng puno ng granada at ng mga puno ng igos, at ng mga baging, sapagkat ang maliliit na kamay ng aking anak na babae ay nananabik na makakuha ng bunga, at magandang makita ang aking asawa, nakaupo sa lilim ng berdeng mga punungkahoy, naghahabi at nag-iikid... Pagkatapos... ang aking anak ay umalis... napaka makalilimutín!... Ang aking asawa ay may sakit at namatay. Bakit at para kanino ko pangangalagaan kung ano ang minsan ay maganda? At ang lahat ay patay na, maliban sa dalawang matandang punungkahoy na nakakaalaala ng aking kabataan... Ibig kong mamatay bago ako makaalaala, at habang may isang babae rito na katulad na katulad lamang ni Leah. Pinasasalamatan ko Kayo para sa mga punungkahoy, para sa trabaho, para sa lahat. Pinasasalamatan ko ang lahat. Ngunit pinakikiusapan ko ang aking Panginoon na bunutin ang aking matandang puno mula sa lupang ito bago ang oras na ito ng kapayapaan para sa matandang Juan ay lumubog...»

Si Jesus ay nilalapitan siya at ipinapatong ang isang kamay sa kanyang balikat, sinabi Niya nang may kabaitan at may kahigpitan din: «Nagawa mong makagawa ka ng maraming mga bagay sa loob ng iyong mahabang pamumuhay. Nagkukulang ka pa ng isang bagay: ang tanggapin ang oras ng iyong kamatayan mula sa Diyos nang hindi hinihingi na ito ay iabante o iatras nang isang minuto. Pinauubaya mo ang napakaraming mga bagay. At kung gayon ang Diyos ay minamahal ka. Ipaubaya mo ang iyong sarili sa pinakamahirap na bagay: ang mamuhay kung kailan gugustuhin mo lamang na mamatay. At ngayon pumunta na tayo sa loob. Ang araw ay lumulubog na sa likuran ng mga bundok at naging malamig na kaagad. Ang Sabbath ay nagsisimula na. Tatapusin natin ang ating ginagawa pagkatapos na ito...» at pinupulot Niya ang lagari, katam at martilyo at bumalik sa loob ng bahay, habang ang iba ay tinatapos ang pagtatali sa mga sanga na kanilang pinutol, nagdidilig ng mga halaman na kanilang tinanim muli at binabalik sa mga bisagra ang pinto na kanilang inayos.

081211

 

 


Sunod na kabanata