529. Si Jesus Nagsasalita kay Valeria Tungkol sa Matrimonyo at Diborsiyo. Ang Himala sa Batang si Levi.

Nobyembre 15, 1946.

Si Jesus ay nasa gitna ng mga maysakit at mga peregrino na mga pumunta sa Kanya mula sa maraming mga lugar sa Palestina. Mayroon pa ngang isang mandaragat na mula sa Tyre na naging paralitiko sa pamamagitan ng isang aksidente sa dagat at sinasabi niya ang kanyang kuwento: ang paglikot ng barko ay nagawa ang mga kargamento na bumagsak at siya ay naipit ng ilang mabibigat na karga at ang kanyang likod ay napinsala. Siya ay hindi namatay, ngunit para na rin siyang patay, sapagkat ganap na paralisado katulad niya, ang kanyang mga kamag-anak ay napipilitan na iwanan ang kanilang mga trabaho upang tingnan siya. Sinasabi niya na siya ay sumama sa kanila patungo sa Capernaum at pagkatapos sa Nazareth at na kanyang napakinggan mula kay Maria na Siya ay nasa Judaea at eksaktong sa Herusalem. «Binigay Niya sa akin ang mga pangalan ng mga kaibigan na maaaring magbigay sa Inyo ng matutuluyan. At ang isang Galilean mula sa Sephoris ay nagsabi sa akin na Kayo ay naririto. At ako ay pumunta. Alam ko na wala Kayong sinuman na kinasusuklaman, kahit na ang mga Samaritano. At umaasa ako na Inyong pakikinggan ang aking panalangin. Ako ay may labis na pananampalataya.» Ang kanyang asawa ay hindi nagsasalita. Ngunit nakalupagi malapit sa maliit na estretser kung saan ang maysakit nakaratay, tinitingnan niya si Jesus nang may mga matang nangungusap nang higit pa kaysa ano pa man na salita.

«Saan ka nabagsakan?»

«Sa ilalim ng aking leeg. Diyan ako nasaktan nang husto at nakarinig ako ng ingay sa loob ng aking ulo, na nagmumukhang isang tunog ng tanso nang iyon ay tumama, at ang tunog ay naging isang patuloy na atungal ng isang mabagyong dagat, at ang mga ilaw, mga ilaw ng iba't ibang kulay, ay nagsimulang sumayaw sa harapan ko... Pagkatapos wala na akong maramdaman kahit ano sa loob ng maraming mga araw. Kami ay naglalayag sa dagat malapit sa Cintium at natagpuan ko ang aking sarili sa isang tahanan nang hindi ko nalalaman kung papaano ako nakarating doon. At ang atungal ng dagat sa loob ng aking ulo at ang mga ilaw ay nagsimula ulit at tumagal nang maraming araw. Pagkatapos ang lahat na iyon ay tumigil... ngunit ang aking mga braso at ang aking mga paa ay walang buhay. Isang sira nang tao sa edad ng apatnapung taon. At ako ay may pitong anak, Panginoon.»

«Babae, itaas ang iyong asawa at alisan ng takip ang lugar kung saan siya tinamaan.»

Ang babae ay sumunod nang walang tanung-tanong. Sa pamamagitan ng may-kahusayan na mga paggalaw ng isang ina, sa pamamagitan ng tulong ng lalaking sumama sa kanya, hindi ko alam kung kanyang kapatid na lalaki o bayaw, ipinasok niya ang kanyang isang kamay sa ilalim ng mga balikat ng kanyang asawa at sa pamamagitan ng isa pang kamay hinahawakan niya ang kanyang ulo, at sa pamamagitan ng kalambutan ng kanyang pagbaligtad ng isang bagong-panganak na sanggol, binubuhat niya ang mabigat na katawan mula sa kamilya. Ang isang peklat, na mapula pa rin, ay nagpapahiwatig ng lugar ng pinaka-malalang sugat.

Si Jesus ay niyuyukuan ang lalaki. Ang mga tao ay pinahahaba ang kanilang mga leeg upang makakita. Inilalagay ni Jesus ang mga dulo ng Kanyang mga daliri sa peklat nagsasabing: «Gusto Ko ito!»

Ang lalaki ay nauga na tila siya ay nakuryente at sumigaw: «Anong apoy ito!»

Si Jesus ay inalis ang Kanyang daliri sa napinsalang gulugod at nagsabi: «Tumayo ka!»

Ang lalaki ay hindi na naghintay na sabihan pa siya ulit. Itinulak niya ang kanyang mga kamay, na hindi na makagalaw nang maraming mga buwan na, sa kamilya, inaalis niya ang mga kamay ng mga taong humahawak sa kanya, inilabas niya ang kanyang mga paa sa mababang estretser at tumayo sa kanyang mga paa nang mas mabilis pa kaysa sa aking pagsusulat tungkol sa iba't ibang yugto ng himala.

Ang kanyang asawa at mga kamag-anak ay sumigaw, ang pinagaling na lalaki ay itinaas ang kanyang mga kamay sa kalangitan, hindi makapagsalita sa tuwa. Isang sandali ng di-makapagsalita sa tuwa na kaligayahan, pagkatapos siya ay tumalikod, kasing tatag ng pinaka-maliksing lalaki at natagpuan ang kanyang sarili na kaharap si Jesus. Natagpuan niyang muli ang kanyang tinig at sumigaw: «Harinawang Kayo at Siya na nagpadala sa Inyo ay pagpalain! Naniniwala ako sa Diyos ng Israel at sa Inyo, Kanyang Mesiyas» at itinapon niya ang kanyang sarili sa lupa upang halikan ang mga paa ni Jesus habang sumisigaw ang mga pulutong.

Pagkatapos ng iba pang mga himala karamihan sa maliliit na bata, mga babae, matatandang tao, si Jesus ay nagsalita.

«Nakita ninyo ang himala ng nabaling mga buto na pinagkabit muli at ng patay na mga galamay na nagiging buháy muli. Ang Panginoon ay pinagkalooban kayo na makita ang mga iyon upang patatagin ang pananampalataya ng mga naniniwala at pakilusin ito sa mga walang pananampalataya. At ang mga himala ay ipinagkaloob sa mga tao mula sa bawat lugar, dahil pumunta sila rito naghahanap ng kalusugan, tinulak ng kanilang pananampalataya sa Aking kapangyarihan ng panggagamot. May mga tao ritong mga Judaean at mga Galilean, mga Lebanese at mga Syro-Phoenician, mga taong mula sa malayong Batanaea at mula sa baybayin. At lahat sila pumunta rito hindi pinapansin ang panahon at ang mahabang paglalakbay at ang kanilang mga kamag-anak ay sumama sa kanila, nang hindi bumubulung-bulong, hindi pinanghihinayangan ang napatigil na gawain o ang napabayaan na negosyo. Sapagkat ang kanilang mga sakripisyo ay wala kompara sa kung ano ang kanilang hinahanap. At sa dahilan na ang pagkamakasarili at mga kinalilituhan ng isip ng tao ay nawala na, ang kanilang politikal at panrelihiyon na mga idea ay nawala na rin, samantalang dati ito ay isang klase ng pader na itinayo upang mapigilan sila na tingnan ang kanilang mga sarili bilang magkakapatid, magkakatulad sa buhay at sa dalamhati, sa paghiling at pag-asa para sa kalusugan at kaginhawahan. At sa mga nagkaisa sa pag-asa, na isa nang pananampalataya, nagkaloob Ako ng kalusugan at kaginhawahan. Sapagkat makatarungan na ito ay dapat ganyan.

Ako ang pangkalahatan na Pastol at kailangan Kong pagsamahin ang lahat na tupa na gustong sumama sa Aking kawan. Hindi Ako gumagawa ng pagkakaiba sa pagitan ng kalusugan at sakit, mahina at malakas na tupa, sa pagitan ng mga tupa na nakakikilala sa Akin, sapagkat kasama na sila sa kawan ng Diyos, at sa mga tupa na sa magpahanggang ngayon ay hindi sa Akin nakakikilala at ni hindi kilala ang totoong Diyos. Sapagkat Ako ang Pastol ng Sangkatauhan, at tinatanggap Ko ang mga tupa kahit saan man sila naroroon at pumupunta sa Akin. Sila ba ay mahirap, marumi, pinanghihinaan ng loob, mangmang na mga tupa, bugbog ng mga pastol na hindi sa kanila nagmamahal at inaayawan sila nagsasabing sila ay marumi?  Walang pagiging marumi na hindi malilinis. At walang pagiging marumi na, gustong malinisan at humihingi ng tulong upang maging malinis, na tatanggihan sa pamamagitan ng katwiran na ito ay marumi. Ang Diyos ang nagpapakilos ng mabuting mga kahilingan. Kung sila ay pinakilos Niya, ang ibig sabihin nito gusto Niya na ang mga kahilingan na ito ay maging totoo. Ang pinaka Espiritu Mismo ng Diyos ang humihingi nang may di-mailarawan na mga panalangin na ang lahat na tao ay makuha ng Pagmamahal, sapagkat ang Espiritu ng Diyos ay gustong makakalat sa paligid at maging mayaman. Ang makakalat sa paligid sa pagmahal sa walang-hangganan na bilang ng mga nilikha, malayong sasapat na makapagbigay ng konsolasyon sa Kanyang Walang-hangganan na Pagmamahal, at maging mayaman sa pamamagitan ng walang-hangganan na bilang ng mga nilikha na nagkagusto sa Kanya sa pamamagitan ng katamisan ng Kanyang mga pabango.

Walang sinuman ang pinahihintulutan na libakin at tanggihan ang mga taong gustong sumama sa Aking banal na kawan. Sinasabi Ko ito sa mga taong nasa pagitan ninyo na sa kung kaninong mga puso ang mga idea ng maraming Israelita ay maaaring inaalagaan, mga idea ng may-pagkakaiba-iba at ng paghuhusgang hindi kaaya-aya sa Diyos, sapagkat ito ay ang kabaligtaran ng Kanyang disenyo upang magawa ang lahat ng mga sambayanan na Isang Sambayanan lamang, tinataglay ang Pangalan ng Mesiyas na Kanyang pinadala.

Ngunit Ako ay magsasalita rin ngayon sa mga nanggaling sa ibang bansa, sa mga tupa na magpahanggang ngayon ay mabangis at na ngayon gustong makapasok sa tanging kawan ng Tanging Pastol. At sasabihin Ko: gawin na walang magpapahina sa kanilang loob, gawin na walang magpapahiya sa kanila. Walang pagka-pagano, walang idolatriya, walang buhay na iba kaysa sa Aking tinuturo, ang hindi matatalikuran at matatanggihan, ginagawa ang espiritu na magkaroon ng bagong sigla at pananampalataya sa buhay nito, malaya sa lahat ng masasamang halaman, upang maging husto na tanggapin ang bagong mga binhi at maramtan ang sarili ng bagong mga uniporme. At iyan ay kailangan na maudyukan nito ang mga tao na pumunta sa Akin, nang higit pa sa kanilang mithiin na magkaroon ng kalusugan para sa kanilang mga katawan.

Katulad na – at gawin itong maging para sa mga Hebreo ng Palestina, sa mga Hebreo at mga proselito ng Diaspora, at sa mga Hentil – katulad na kayo ay pumunta upang maalis ang pabigat ng mga sakit sa inyong may-sakit na mga katawan, kailangan na pumunta rin kayo upang maalis ang pabigat ng kasalanan at ng pagiging-pagano sa inyong mga espiritu. Kailangan ninyong lahat na hingin sa Akin nang una, at gustuhin ito nang buong lakas ninyo, na mapalaya sa kung ano ang gumagawa sa inyong mga espiritu na maging mga alipin ng masasamang puwersa na siyang nangingibabaw dito. Kailangan na gustuhin ninyo ang pagkakalayang iyan bilang una sa lahat, at gustuhin ang Kaharian sa loob ninyo bilang ang unang himala. Sapagkat, kapag nasa inyo na ang Kaharian na ito. ang lahat na iba pa ay ibibigay, at sa pamamaraan na ang kaloob ay hindi sana maging mabigat katulad ng isang kaparusahan sa buhay sa hinaharap. Hindi ninyo pinansin ang masamang panahon, ang pagod, ang pagkawala ng kita, maliban na makuha ninyo ang kalusugan ng inyong mga katawan na, kahit na kung ito ay napagaling ngayon, ay maglalaho sa pamamagitan ng pisikal na kamatayan sa malapit na hinaharap. Sa pamamagitan ng gayon din na lakas-ng-loob kailangan na harapin ninyo ang lahat upang makakuha ng kalusugan para sa inyong mga espiritu, at eternal na Buhay, at ang pag-aari ng Kaharian ng Diyos.

Ano ba ang panlilibak o mga pananakot ng mga kamag-anak o ng mga kababayan, o ng malalakas na tao, kompara sa kung ano ang magkakaroon kayong lahat, saan mang lugar kayo nanggaling, kung kayo ay makakapunta sa Katotohanan at Buhay? Sino ang mas gugustuhin pa ang mamalagi nang isang araw sa isang kapistahan na nagtatapos paglubog ng araw, sa halip na pumunta sa isang lugar kung saan nalalaman niya na ang isang masayang buhay ay naghihintay sa kanya? Subalit sa kabila nito marami ang gumagawa nito. At para mabusog, sa maikling sandali, ng walang-lasang walang-katuturan na mga kaluguran ng mundo, ipinagpapalit nila ang pagpunta sa kung saan sila makakatagpo ng totoong pagkain, totoong kalusugan, totoong kaluguran magpakailanman, at nang wala ng kahit anong takot na ito ay ipagkakait sa kanila ng palaban na kapootan. Sa Kaharian ng Diyos, ay walang kapootan, walang digmaan, walang pag-aabuso ng kapangyarihan. Ang mga nagtatagumpay na makapasok dito, ay hindi na ulit makakaranas ng dalamhati, kabalisahan, abuso, bagkus mag-aari ng malugod na kapayapaan na nagmumula sa Aking Ama.

Ngayon ay pauuwiin Ko na kayo. Lakad. Bumalik na kayo sa inyong mga nayon. Ang Aking mga disipulo ngayon ay marami na at sila ay nakakalat sa lahat ng bawat rehiyon sa Palestina. Makinig sa kanila, kung gusto ninyong malaman ang Aking Doktrina at maging handa para sa araw ng pagpasya, kung saan ang eternal na buhay ng marami ay nakasalalay. Binibigay Ko sa inyo ang Aking kapayapaan na sana ito ay sumama sa inyo.»

At si Jesus pagkatapos na pagpalain ang pulutong, ay bumalik sa bahay...

Ang mga apostol ay nananatili sa labas nang matagal-tagal, pagkatapos sila ay pumasok para sa kanilang tanghalian, sapagkat ang araw, na ngayon ay mataas sa kalangitan, ay sinasabi sa kanila ng ngayon ay katanghalian. Nakaupo sa pangkabukiran na mesa, pagkatapos na pagpalain ang pagkain, na binubuo ng keso at ng pinakuluan na atsikorya na nilagyan ng langis, nagsasalita sila ng tungkol sa mga pangyayari noong umaga, at binabati nila ang kanilang sarili tungkol sa bilang ng nag-eebanghelyong mga disipulo na napagagaanan nila ang Guro sa pagod ng palagi na lamang nagsasalita sa kanyang kasalukuyan na pagód na kalagayan. Si Jesus, sa katunayan, ay nangayayat kamakailan at ang Kanyang kutis, na isang natural na malalim na puting-garing, na may bahid lamang ng rosas sa ilalim ng Kanyang sunog-sa-araw na balat, sa itaas ng Kanyang mga pisngi, ay ngayon ganap nang puti, katulad ng nalantang petalo ng magnolia.

Dahil natira ako nang matagal sa Milan, kabisado ko ang maselan na kulay ng marmol ng Candoglia, na sa pamamagitan nito itinayo ang Duomo, at ang mukha ng Panginoon sa loob ng huling nakapamimighating mga araw na ito ng Kanyang makalupang pamumuhay, ay nagmumukhang katulad lamang ng kulay ng marmol na iyon, na hindi puti, o rosas, o dilaw, ngunit nagpapaalaala sa isa, sa pamamagitan ng pinaka-maselan na mga kulay nito, ng tatlong mga kulay na iyon. Ang Kanyang mga mata ay mas malalalim at kung gayon nagmumukhang mas madilim, baka ganito dahil sa ang bakas din ng pagkapagod ay pinaiitim ang kanyang mga talukap-mata at ang mga uka ng Kanyang mga mata. Sila ay ang mga mata ng isang natutulog nang kaunti at umiiyak at naghihirap nang labis. Ang Kanyang mga kamay ay nagmumukhang mas mahahaba dahil nangayayat at namutla ang mga ito, ang may-kabaitan na mga kamay ng aking Panginoon, at nagpapakita na ang mga ito ng magang mga litid at mga ugat, at mga humpak na dala ng kapayatan, at kung gayon mahahalata ang mga buto; ang banal, martir na mga kamay, naihanda na para sa mga pako na lalagos dito, at ang mga berdugo ay hindi na mahihirapan na tingnan kung saan pararaanin  ang mga pako dahil wala na ni kaunting tabâ ang nakatakip sa asetikong mga kamay ng aking Panginoon. Ang isang kamay ay ngayon nakapahinga, nagmumukhang pagod, sa ibabaw ng maitim na kahoy ng mesa, habang iniiling Niya ang Kanyang ulo ngumingiting bahagya sa Kanyang mga apostol, na nakapuna sa walang-hangganang kapaguran ng Kanyang katawan at tinig, at higit sa lahat ng Kanyang puso, na labis na nalulungkot, pagod na pagod sa pagsisikap na mapanatiling nagkakaisa ang maraming magkakaibang mga puso, at ng pangangailangan na tiisin at itago ang kahihiyan ng di na mababagong disipulo...

Si Pedro ay nagsabi nang mapangaral: «Kayo ay tiyak na kailangan na magpahinga hanggang sa Kapistahan ng Dedikasyon. Kami ang bahala sa mga taong darating... Kayo ay uuwi... Siyempre! Sa bahay ni Tomas. Kayo ay magiging malapit sa amin at Kayo ay magiging nasa kapayapaan.»

Si Tomas ay sinuportahan ang mungkahi ni Pedro. Ngunit si Jesus ay iniling ang Kanyang ulo. Ayaw Niyang umuwi.

«Bueno, kung gayon, hindi Kayo magsasalita sa loob ng susunod na mga araw. Magagawa namin iyan. Ang aming mga salita ay hindi magiging mataas, ngunit pananatilihin namin ang aming mga sarili sa kung ano ang nalalaman namin. At pagagalingin lamang Ninyo ang mga maysakit.»

«Magagawa rin namin iyan» sabi ng Iskariote.

«H’m! Sa ganang akin, ako ay umaatras na» sabi ni Pedro.

«Gayunpaman, nagawa mo na iyan!»

Siyempre. Kung ang Guro ay hindi natin kasama at kinailangan na kumatawan tayo sa Kanya at gawin ang mga tao na mahalin Siya. Ngunit Siya ay naririto na ngayon at gagawin Niya ang mga himala. Siya lamang ang natatanging karapat-dapat. Tayo... mga himala! Ngunit tayo ang nangangailangan na tumanggap ng himala ng ating pagpapanag-uli, sapagkat nakikita kong maigi na sa pamamagitan ng ating mga sarili hindi tayo kailanman makagagawa ng kahit na anong mabuti!... Tayo ay kaawa-awang mga sawing-palad, mga mangmang at mga makasalanan.»

«Pakiusap na magsalita para sa iyong sarili. Hindi ko tinitingnan ang aking sarili na isang kaawa-awang sawing-palad kahit kailan!» wika ni Judas ng Kerioth.

«Ang Guro ay pagód. Ang Kanyang kapaguran ay mas moral kaysa pisikal. Kung totoo na minamahal natin Siya, ating iwasan ang mga pagtatalu-talo. Mas napapagod Siya nito kaysa ng kahit ano pa mang iba» sabi ng Zealot sa mahigpit na tinig.

Si Jesus ay itinaas ang Kanyang ulo upang tingnan ang nakakaedad na apostol, na laging napakadunong, at inaabot Niya siya ng Kanyang kamay, sa ibabaw ng mesa, upang siya ay haplusin. Ang Zealot ay kinuha ang puting kamay sa kanyang kayumangging mga kamay at hinahalikan ito.

«Tama ka. Ngunit tama rin ako, nang sinabi ko na kailangan Niyang tiyak na magpahinga. Nagmumukha Siyang may sakit!...» sabi ni Pedro namimilit.

Lahat sila ay tumatango sa pagsang-ayon, kasama ang matandang lalaking si Juan at si Eliza, na nagsabi: «Lagi ko nang sinasabi iyan nang matagal na. Iyan kung bakit gusto kong...»

Nagkaroon ng pagkatok sa pinto. Si Andres, na siyang pinakamalapit sa pintuan, ang pumunta upang buksan ang pinto at siya ay lumabas sinasara ang pinto sa likuran niya mismo.

Siya ay pumasok muli: «Guro, may isang babae. Namimilit siyang makita Kayo. May kasama siyang isang maliit na batang babae. Siya ay maaaring isang babae na may ranggo, bagama't simple siyang nakadamit. Ngunit masasabi ko na ni siya o ang maliit na batang babae ay may sakit. Ngunit hindi ko malaman kung bakit siya ganap na natatakpan ng belo. Ang bata ay may hawak ng isang pumpon ng mga bulaklak.»

«Paalisin mo siya. Kasasabi pa lamang natin na kailangan Niyang magpahinga at ni hindi mo Siya pinatatapos ng Kanyang pagkain!» angal ni Pedro.

«Sinabi ko sa kanya. Tumugon siya na hindi niya papagurin ang Guro, at na natitiyak niya na masisiyahan Siyang makita siya.»

«Sabihin sa kanya na pumunta rito bukas, kasabay ng pagpunta ng iba pang mga tao. Ang Guro ngayon ay magpapahinga na.»

«Andres, dalhin mo siya sa silid sa itaas. Pupunta Ako kaagad» sabi ni Jesus.

«Ayan ka na? Katulad na katulad ng aking naisip! Ganyan Niya alagaan ang Kanyang sarili! Katulad na katulad ng ating sinasabi na kailangan Niyang gawin!» si Pedro ay nababalisa.

Si Jesus ay tumayo at bago lumabas dumaan Siya malapit kay Pedro, nagpatong Siya ng isang kamay sa kanyang mga balikat, yumuko Siyang kaunti upang halikan ang kanyang ulo nagsasabing: «Maging mabuti, Simon! Ang nagmamahal sa Akin ay pinagiginhawahan Ako sa kapaguran Ko nang higit pa sa isang pahinga sa higaan.»

«Papaano Ninyo nalalaman na minamahal niya Kayo?»

«O! Simon! Ang kabalisahan ay nagagawa kang magsalita ng mga salita na ikinalulungkot mo na sapagkat nakikita mo na ang mga salitang ito ay katangahan! Maging mabuti! Ang isang babae na pumupunta rito na may kasamang isang inosenteng bata, at dinadala niya sa Akin ang kanyang inosenteng maliit na batang babae na ang kaninong mga kamay ay puno ng mga bulaklak, ay maaaring bagkus isang nagmamahal sa Akin at nakikita ang Aking pangangailangan na makakita ng ilang pagmamahal at kadalisayan pagkatapos ng labis na kapootan at kabuktutan.» At Siya ay umalis at inakyat ang hagdanan ng terasa, habang si Andres, bilang tapos na ang kanyang gawain, ay bumalik sa kusina.

Ang babae ay nasa pintuan ng silid sa itaas. Siya ay mataas, balingkinitan, nakasuot ng isang kulay-abong manta, na ang kanyang mukha natatakpan ng isang kulay garing na byssus nakabitin mula sa kanyang panaklob sa ulo nakasarado sa paligid ng kanyang mukha. Ang maliit na batang babae, isang sanggol dahil siya ay maaaring mga tatlong taong gulang pa lang, ay nakasuot ng isang puting delanang damit at isang manta na may panaklob sa ulo, na puti rin ang kulay. Ngunit ang kanyang panaklob sa ulo ay masyadong napaatras sa kanyang maliliit na kulot na buhok na may magaan na kulay ng kastanyas, sapagkat ang bata ay nakatingala tinitingnan ang kanyang ina itinataas ang kanyang ulo na lumalabas mula sa mga bulaklak na hawak niya. Magagandang bulaklak, katulad na matatagpuan lamang ito sa mga bansang ito sa malamig na buwan ng Disyembre: kulay-balat na mga rosas na may halo ng maselan na puting mga bulaklak, na hindi ko alam kung ano ang mga ito; hindi pa ako batikán sa pag-aalaga ng mga bulaklak.

Nang kaagad nakatuntong si Jesus sa terasa, Siya ay binati ng maliit na tinig ng batang babae, na tumakbo upang salubungin Siya, inudyukan ng kanyang ina nagsasabing: «Ave, Domine Jesu!»

Si Jesus ay niyuyukuan ang Kanyang munting deboto at nagpapatong ng isang kamay sa kanyang ulo sinabi niya sa kanya: «Kapayapaan sa iyo», pagkatapos Kanyang itinuwid ang Kanyang Sarili at sinusundan ang bata na may tumitiling pagtawa ay bumabalik sa kanyang ina, na gumawa ng mababang pagyuko, tumatabing kaunti sa may pintuan upang makaraan ang Guro.

Si Jesus ay binabati ang ina nang may isang pagtango at pumasok sa silid, umuupo sa unang upuan na Kanyang nakita, naghihintay sa katahimikan. Labis Siyang makaharing tingnan. Nakaupo sa isang abang kahoy na upuan na walang sandalan, Siya ay tila nakaupo sa isang trono, ganito ang Kanyang asetikong dignidad. Na walang manta, nakasuot ng napakadilim na asul na tunika, walang mga palamuti o dekorasyon, medyo kupas na sa mga balikat kung saan nabago ng ulan, sikat ng araw, alikabok at pawis ang kulay nito, isang malinis ngunit abang tunika, gayunpaman nagmumukha katulad ng isang purpurang kasuutan ganito ang mahestad ng Kanyang gilas. Tuwid na tuwid, halos isang saserdote dahil sa paninigas ng Kanyang ulo sa Kanyang leeg, ng Kanyang mga kamay nakapahinga sa ibabaw ng Kanyang mga tuhod, ang mga palad ng mga kamay bukas, na ang Kanyang walang-saplot na mga paa nasa pinaka-sahig ng lumang mga tisa, na ang pinaka pinaputing pader nasa kaligiran, na walang kurtina o kulandong na nakabitin sa likuran ng Kanyang ulo, bagkus tanging isang panala ng harina at isang lubid lamang mula kung saan ang mga bungkos ng bawang at sibuyas ay nakabitin, Siya ay mas mahestuwoso kaysa kung may mamahaling sahig sa ilalim ng Kanyang mga paa, may ginintuang pader sa likuran Niya, at may purpurang belong adornado ng mga batong-hiyas sa Kanyang ulo.

Siya ay naghihintay. At ang Kanyang mahestad ay napaparalisa ang babae nang may mapagpitaganang pagtataka. Ang maliit na bata rin ay tahimik at walang-galaw malapit sa kanyang ina at baka medyo natatakot. Ngunit si Jesus ngumingiti ay nagsasabi: «Ako ay naririto para sa iyo. Huwag matakot.»

At ang lahat na takot ay nawala. Ang babae ay bumubulong ng isang bagay sa maliit na batang babae, na gumalaw, sinusundan ng kanyang ina, at nagpatungo sa mga tuhod ni Jesus at ibinaba sa Kanyang lapi ang lahat ng kanyang mga bulaklak nagsasabing: «Ang mga rosas ni Faustina para sa kanyang Tagapagligtas». Sinabi niya ito nang dahan-dahan, katulad ng isang hindi masyadong nakakikilala sa pamamagitan ng isang wika na hindi sarili ng isa. Sa pansamantala ang babae ay nakaluhod na sa likuran ng maliit na bata inilalagay ang kanyang belo sa likuran. Siya ay si Valeria, ang ina ng maliit na batang babae at binabati niya si Jesus sa pamamagitan ng pagbati ng mga Romano: «Mabuhay, o Guro.»

«Harinawang pumunta sa iyo ang Diyos, babae. Papaano nangyari na ikaw ay naririto? At malungkot na malungkot?» tanong ni Jesus habang hinahaplos Niya ang maliit na bata na hindi na natatakot at na, hindi nakukontento sa paglalagay ng mga bulaklak sa ibabaw ng lapi ni Jesus, ang munting mga kamay ay naghahanap sa mabangong pumpon at kinuha ang mga bulaklak na ayon sa kanya ay ang pinakamaganda sa lahat, nagsasabing: «Kunin Ninyo sila! Kunin Ninyo! Sila ay sa Inyo, alam Ninyo?» at itinataas na niya ngayon ang isang rosas, na ngayon ay isa sa malalaking maputing payong na may maliliit na mabangong mga bituin, hanggang sa mukha ni Jesus, Na tinatanggap ito at pagkatapos ibinabalik ulit sa mabangong pumpon.

Si Valeria ay nagsimulang magsalita: «Ako ay pumunta ng Tiberias, dahil may sakit ang aking anak at ang aming doktor ay pinayuhan ako na pumunta roon...» si Valeria ay tumigil nang matagal, nagbago ang kanyang kulay at nagmadaling nagsabi: «at napakalungkot ko sa loob ng aking puso at nananabik akong makita Kayo. Sapagkat isang doktor lamang ang makapagpapagaling sa aking nararamdamang kirot: Kayo, Guro, Na mayroon ng mga salita ng katarungan para sa lahat... Kung kaya't pupunta rin ako ano pa man ang mangyari. Sa pamamagitan ng pagiging makasarili na mapaginhawahan at malaman kung ano ang kailangan kong gawin upang... Oo, upang maipakita ang aking pasasalamat sa Inyo at sa Inyong Diyos, Na nagkaloob sa akin na mapasaakin ang batang ito... Ngunit kami ay nasasabihan ng tungkol sa maraming mga bagay, Guro. Ang mga ulat ng tungkol sa pinakamaliliit na pangyayari sa Kolonya ay inilalagay araw-araw sa tanggapang mesa ni Pontio Pilato, na tinitingnan ito ngunit bago gawin ang nararapat na disisyon kinukunsulta muna niya nang maigi si Claudia... Ang maraming mga ulat ay tungkol sa Inyo at sa mga Hebreo na nanggugulo sa kabukiran, ginagawa Kayong simbolo ng pambansang insureksiyon at ang dahilan din ng kapootang pambayan. Tama si Claudia sa pagsasabi sa kanyang asawa na hindi niya dapat katakutan ang iisang tao lamang sa buong Palestina bilang ang posibleng dahilan ng kasiraang-dangal para sa kanya: Kayo. At si Pilato ay nakikinig sa kanya araw-araw... Magpahanggang ngayon si Claudia ang pinakamalakas na isa. Ngunit kung sa hinaharap isa pang kapangyarihan ang humawak kay Pilato... Kung gayon napakinggan ko at naramdaman ko na ang aking inosenteng anak ay magiging kaginhawahan sa Inyo...»

«Ikaw ay may maawain at naliliwanagan na puso, babae. Harinawang ganap kang paliwanagan ng Diyos, at bantayan ang anak mong ito, ngayon at magpakailanman.»

«Salamat sa Inyo, Panginoon. Ako ay nangangailangan ng Diyos...» Mga luha ang bumagsak mula sa mga mata ni Valeria.

«Oo, kailangan mo Siya. Matatagpuan mo ang lahat na kaginhawahan sa Diyos at makakakita ka rin ng gabay upang maging makatarungan sa paghusga, sa pagpatawad, sa pagmahal muli, at higit sa lahat sa pagpalaki sa batang ito upang mapasakanya sana ang masayang buhay ng mga anak ng totoong Diyos.

Tingnan mo. Ang Diyos Na hindi mo kilala, Na baka iyong nililibak, kapwa Siya at ang Kanyang Batas, ibang-iba sa inyong mga diyos at inyong mga batas at mga relihiyon; Na inyong tiyak na nasaktan sa pamamagitan ng isang pamumuhay kung saan ang birtud ay hindi ginagalang sa maraming mga bagay, hindi pa grabe, kung ito ang ibig ninyo, ngunit maghahatid sa mas seryosong mga pananakit laban sa birtud at laban sa Dibinidad, Na naglikha rin sa inyo; ang Diyos na iyan ay nagmahal sa iyo nang labis na sa pamamagitan ng isang kapighatian na ipinaghirap ng iyong pagkatao ng isang ina, ng isang ina na hindi nag-aalam ng tungkol sa buhay sa hinaharap at kung gayon ng tungkol sa pansamantalang pagkakahiwalay mula sa laman ng kanyang laman, dinala ka Niya sa Akin. Minahal ka Niya nang labis na Ako ay Kanyang pinasunod sa Caesarea, noong ikaw ay halos na sa pamimilipit na sa sakit ng kamatayan tungkol sa maliit na katawan ng iyong anak na nanlalamig na sa huling aguniya nito. Minahal ka Niya nang labis na ibinalik Niya siya sa iyo, na sana lagi mong maalaala ang kabutihan at kapangyarihan ng totoong Diyos, at magkaroon ng isang pagpipigil laban sa lahat na paganong kawalang-pagpipigil sa kahalayan, at magkaroon din ng kaginhawahan sa lahat ng kapighatian ng iyong pamumuhay may-asawa. Minahal ka Niya nang labis na sa pamamagitan ng isa pang kapighatian itinuwid Niya ang iyong kalooban upang makapunta sa Daan, sa Katotohanan, sa Buhay at mamalagi doon kasama ang iyong anak, upang siya man lamang sana, sa simula’t simula ng kanyang kabataan, ay magkaroon ng kaginhawahan at kapayapaan, kalusugan at liwanag sa loob ng malulungkot na araw ng Lupa at maprotektahan sana nila siya sa kung ano ang ipinaghihirap mo sa iyong mas mabuting bahagi at sa iyong emosyonal na bahagi. Ang una, likas na mabuti at di-nagpaparaya sa mapanglaw na masamang atmospera kung saan napipilitan itong mamuhay. Ang huli, may walang-kaayusan sa kabutihan nito.

Sapagkat sa iyong mga damdamin ikaw ay pagano, babae. Hindi mo ito kasalanan. Ito ay kagagawan ng mga panahon kung saan ka namumuhay. At ng Pagiging-pagano kung saan ka pinalaki. Tanging siya lamang na nasa totoong Relihiyon ang makapagbibigay sa tamang halaga, ng sukat at manipestasyon sa mga damdamin. Ikaw, isang ina na di nag-aalam ng tungkol sa eternal na buhay, ay minahal mo ang iyong anak sa isang pamamaraan na walang-kaayusan, at nang makita mo na siya ay mamamatay na, nagrebelde ka sa kawalang-pag-asa laban sa pagkawalang iyan, nababaliw ng kanyang namimintong kamatayan. Katulad ng isang kamag-anak na nakikita ang taong pinakamahal sa kanya na inaagaw ng isang baliw at ibinibitin sa bunganga ng isang bangin, na mula sa ibaba nito hindi siya makaka-ahon, kung siya ay inihulog dito, hindi lamang, bagkus, ni hindi siya posibleng buhatin nang palabas bilang isang labí, para sa isang huling halik ng pagmamahal, katulad na katulad ng nakita mo ang iyong Faustina na nakabitin sa ibabaw ng kalaliman ng kawalan... Isang kaawa-awang ina na mawawalan na ng kanyang anak na babae! Ni wala sa kanyang katawan o sa kanyang espiritu. Wala. Ang katapusan, ang di-mapakikiusapan na katapusan na siyang ang kamatayan para sa mga hindi naniniwala sa espirituwal na Buhay.

Ikaw, isang mapagmahal na matapat na paganong asawa, ay minahal mo sa loob ng iyong asawa ang iyong makalupang diyos nang may sensuwal na pagmamahal, ang iyong magandang-lalaking diyos na ginawa kang sambahin mo siya, pinabababa ang iyong dignidad bilang kanyang kapantay hanggang sa paglilingkod ng isang alipin. Gawin ang asawang babae na magpailalim sa kanyang asawa, at maging mapagpakumbaba, matapat at basal. Sang-ayon Ako. Siya, ang lalaki, ay ang ulo ng pamilya. Ngunit ang ulo ay hindi ibig sabihin pinunong malupit. Ang ulo ay hindi ibig sabihin makapritsong panginoon kung kanino ang kahit na anong kapritso ay maaari hindi lamang sa katawan bagkus sa mas mabuting bahagi din ng kanyang asawang babae. Sinasabi ninyo: “Kung nasaan ka Caius, naroon ako Caia”. Kaawa-awang mga babae mula sa kung saang lugar ay naroon ang kawalang-pagpipigil sa kahalayan kahit na sa mga kuwento ng inyong mga diyos, sa pagitan ninyo na hindi mga basal o hindi napipigilan, papaano sila mapupunta kung saan naroroon ang kanilang mga asawang lalaki? Mangyayari’t mangyayari para sa kanya na may-pagpipigil at hindi naparumi na humiwalay sa kanyang asawang lalaki nang may pagkasuklam at makaramdam ng nakakatakot na kirot, katulad ng pinipilas na mga hibla, at makaranas ng pagkabagabag at ng ganap na pagkawala ng kanyang pagsamba sa kanyang asawang lalaki na magpahanggang ngayon ay tinitingnan na isang diyos, kapag malaman niya na ang kanyang asawa, na kanyang sinasamba bilang isang diyos, ay isang miserableng nilikha na pinaghaharian ng brutal na kahayupan, walang-pagpipigil sa kahalayan, mapangalunya, hindi nag-iisip, walang pakialam, pinagtatawanan ang mga pakiramdam at ang dignidad ng kanyang asawang babae.

Huwag umiyak. Nalalaman Ko rin ang lahat, kahit na wala ang mga ulat ng mga senturyon. Huwag umiyak, babae. Matuto sa halip ng mahalin ang iyong asawa sa isang may kaayusan na paraan.»

«Hindi ko na siya mamamahal pa. Hindi na siya karapat-dapat nito. Kinamumuhian ko siya. Hindi ko ibababa ang aking sarili sa paggaya sa kanya, ngunit hindi ko na siya mamamahal pa. Ang lahat ay tapos na sa pagitan namin. Hinayaan ko siyang makaalis... nang hindi siya pinipigilan... Sa katotohanan ako ay nagpapasalamat sa kanya para sa huling pagkakataon, para sa kanyang pag-alis... Hindi ko siya hahanapin. Maging ano pa man, kailan ba siya naging aking kasa-kasama? Mula nang hindi na ako maloko ng aking pagsamba para sa kanya, tinatandaan ko at hinuhusgahan ko ang kanyang asal. Naawa ba siya sa aking puso nang ako ay lumuluha sa pangangailangan na sundan ko siya, iniiwan ang aking may-sakit na ina at ang aking amangbayan, at kakakasal ko pa lamang at malapit na akong manganak noon? Pinagtawanan niya nang may katangahan ang aking mga luha kasama ang kanyang mga kaibigan at nang ako ay magkasakit pinaalalahanan lamang niya ako na huwag kong marurumihan ang kanyang mga damit. Siya ba ay nasa tabi ko noong ako ay nalulungkot sa isang banyagang bansa? Hindi, siya ay lumabas kasama ang kanyang mga kaibigan, nagpipiyesta sa lugar kung saan ako ay hindi pinahihintulutan na makasáma dahil sa aking kalagayan...Siya ba ay nagbantay na kasama ko sa kuna ng aming bagong panganak na sanggol? Siya ay tumawa noong dinala nila sa kanya ang aming anak na babae at nagsabi: “Halos nagawa kong mailuwal siya sa lupa. Hindi ko tinanggap ang pabigat na magkaroon ng mga anak na babae”. Ni wala siya sa puripikasyon nagsasabi na iyon ay isang palabas lamang. At sa dahilan na ang bata ay umiiyak, sinabi niya habang papunta sa labas: “Pangalanan siyang Libitina at harinawang maging sagrado siya sa diyosa”. At noong si Fausta ay namamatay, nasamahan ba niya ako sa aking pagdurusa? Nasaan siya bago ang gabi ng Inyong pagdating? Sa isang bangkete sa bahay ni Valerian. Ngunit minahal ko siya; siya ay, katulad ng tama Ninyong sinabi, siya ay aking diyos. Akala ko ang lahat ay mabuti at makatarungan sa loob kanya... at ako ang pinaka-naalipin na alipin sa kanyang mga kahilingan. Alam ba Ninyo kung ano ang nagpapatikal sa akin sa kanya?»

«Oo, alam Ko. Sapagkat ang iyong kaluluwa ay nagising muli sa iyong katawan at ikaw ay hindi isang basta babae bagkus isang babae.»

«Eksakto. Gusto kong gawin ang aking bahay na kagalang-galang... at nakiusap siyang ilipat sa Antioch, sa paglilingkod sa Konsul, at inutusan akong huwag siyang sundan, at dinala niya ang kanyang paboritong mga alipin na babae. O! Hindi ko siya susundan! Nasa akin ang aking anak na babae. Nasa akin ang lahat.»

«Hindi. Wala sa iyo ang lahat. Nasa iyo ang bahagi, ang isang maliit na bahagi ng Lahat, ang hangga’t maaari na makapaglilingkod sa iyo na ikaw ay maging mabirtud. Ang Lahat ay ang Diyos. Ang iyong anak na babae ay hindi kailangan na maging isang dahilan ng iyong pagiging walang-katarungan bagkus ng pagkakaroon ng katarungan sa Lahat. Katungkulan mo na maging mabirtud para sa iyong anak at mabirtud na kasama siya.»

«Ako ay naparito upang paginhawahan Kayo at ako ay Inyong pinasasaya. Ngunit ako ay naparito rin upang tanungin Kayo kung papaano ko kailangan na palakihin ang aking maliit na anak upang siya ay maging karapat-dapat ng kanyang Tagapagligtas. Iniisip ko ang pagiging isang proselito at ang gawin siyang isang proselito rin...»

«At papaano ang iyong asawa?»

«O! Tapos na ang lahat sa kanya.»

«Hindi. Ang lahat ay nagsisimula na ngayon. Ikaw ay kanya pa ring asawa. Ang katungkulan ng isang asawang babae ay ang gawin ang kanyang asawa na mabuti.»

«Sinasabi niya na gusto niya akong hiwalayan. At tiyak na gagawin niya ito. Kung gayon...»

Gagawin niya iyan. Ngunit hindi pa niya iyan nagagawa. At hanggang magawa na niya iyan, ikaw ay kanya pa ring asawa ayon sa inyong batas. At dahil ganyan ang iyong katungkulan ay ang manatiling kanyang asawa sa inyong lugar. At ang iyong pusisyon ay ikalawa sa iyong asawa sa bahay, hinggil sa inyong anak, sa mga katulong at sa mundo. Iniisip mo: gumawa siya ng masamang halimbawa. Iyan ay totoo. Ngunit hindi ka niyan pinagpapaliban sa paggawa ng mabirtud na mga halimbawa. Siya ay lumayas. Totoo. Kailangan na kunin mo ang kanyang lugar hinggil sa inyong anak at sa mga katulong.

Hindi lahat kapintas-pintas sa inyong mga kaugalian. Noong ang Roma ay hindi masyadong naging marumi, ang mga babae ay basal, masisipag, at pinaglilingkuran nila ang dibinidad sa pamamagitan ng kanilang mga pamumuhay na may birtud at pananampalataya. Kahit na kung ang kanilang kaawa-awang kalagayan ng mga pagano ay nagawa silang pagsilbihan ang huwad na mga diyos, ang idea ay mabuti. Inialay nila ang kanilang birtud sa Idea ng relihiyon, sa pangangailangan ng paggalang para sa relihiyon para sa isang Dibinidad Na ang kaninong totoong pangalan ay hindi nila alam, ngunit kanilang nararamdaman na naririyan at na mas dakila pa kaysa sa walang-pagpipigil sa kahalayan na Olympus  at ng naging mabababang mga diyos na pumupuno dito ayon sa mga alamat na mitolohiya. Ang inyong Olympus ay totoong wala naman, ni ang inyong mga diyos. Ngunit ang inyong lumang mga birtud ay ang bunga ng matatag na paniniwala na ang mga tao ay kailangan na maging mabirtud kung gusto nilang sila ay bantayan nang may pagmamahal ng mga diyos; sila ang bunga ng nararamdaman ninyong mga katungkulan sa mga diyos na inyong sinasamba. Sa mga mata ng mundo, lalo ng aming mundong Hebreo, kayo ay tila mga tanga sa pagpaparangal sa kung ano ang wala naman. Ngunit sa eternal na totoong Katarungan, sa Kataastaasang Kabutihan, ang Nag-iisa at Makapangyarihang Tagapaglikha ng lahat ng mga nilikha at mga bagay, ang mga birtud na iyon, at paggalang na iyon, ang mga katungkulan na iyon ay hindi walang katuturan. Ang Kabutihan ay laging kabutihan, ang pananampalataya ay laging may kahalagahan ng pananampalataya, ang relihiyon ay laging may kahalagahan ng relihiyon kung siya na sumusunod dito, nagsasabuhay at nagtataglay nito ay kumbinsido ng pagiging nasa katotohanan.

Hinihimok kita na gayahin ang inyong lumang basal, masisipag at matatapat na mga babae, nananatili sa inyong lugar, na siyang haligi at liwanag sa loob ng inyong bahay at ng inyong bahay. Huwag isipin na ikaw ay mangungulila sa paggalang ng inyong mga katulong dahil ikaw ay nag-iisa. Magpahanggang ngayon sila ay pinaglilingkuran ka nang may takot at kung minsan nang may isang natatagong pakiramdam ng kapootan at rebelyon. Magmula ngayon paglilingkuran ka nila nang may pagmamahal. Ang di-masaya ay minamahal ang di-masaya. Ang inyong mga alipin ay alam kung ano ang kapighatian. Ang inyong lugod ay dati ang mapait na pamalo sa kanila. Ang iyong kapighatian, sa pamamagitan ng pagkait sa iyo ng malamig na liwanag ng sinyora, ayon sa pinaka nakapopoot na ibig sabihin ng mundo, ay daramtan ka muli ng isang mainit na liwanag ng habag. Ikaw ay mamahalin, Valeria, ng Diyos, ng iyong anak at ng iyong mga katulong. At kahit na kung ikaw ay hindi na ulit isang asawa, bagkus isang hiniwalayan na babae, tandaan (at si Jesus ay tumayo) na ang isang legal na paghihiwalayan ay hindi nito nasisira ang katungkulan ng isang babae na maging matapat sa kanyang sumpa sa kasal.

Ibig mong yakapin ang aming relihiyon. Ang isa sa dibinong mga alituntunin nito ay na ang babae ay laman ng laman ng kanyang asawa at na walang tao o bagay ang makapaghihiwalay sa kung ano ang pinagsama ng Diyos sa iisang lamang. Kami ay mayroon ding diborsiyo. Ito ay dumating bilang bunga ng kahalayan ng tao, ng orihinal na kasalanan, ng pagkakaparumi sa mga tao. Ngunit ito ay hindi nanggaling nang kusa mula sa Diyos. Ang Diyos ay hindi Niya binabago ang Kanyang salita. At sinabi ng Diyos, pinasisigla si Adan, na inosente pa rin at kung gayon nagsasalita nang may katalinuhan na hindi napalabo ng kasalanan, ang mga salitang: na ang mag-asawa, sa sandaling napagsama, ay magiging isang laman lamang. At ang laman ay maihihiwalay sa laman sa pamamagitan lamang ng kalamidad ng kamatayan at sakit. Ang diborsiyo sa panahon ni Moses, ipinagkaloob upang maiwasan ang nakapangingilabot na mga kasalanan, ay binibigyan ang babae lamang ng napaka kaawa-awang kalayaan. Ang isang diborsiyada ay laging mababa sa opinyon ng mga lalaki, maging siya man ay manatiling ganyan o mag-asawa sa ikalawang beses. Sa paghusga ng Diyos siya ay isang di-masayang babae kung siya ay isang hiwaláy sa pamamagitan ng masamang kalooban ng kanyang asawa at nananatiling isang diborsiyada; ngunit siya ay isang makasalanan, isang adultera, kung siya ay hiwaláy sa pamamagitan ng kahiya-hiyang mga pagkakasala ng kanyang sarili at siya ay nag-asawa muli. Ngunit gusto mong yakapin ang aming relihiyon upang makasunod sa Akin. Kung gayon Ako, ang Salita ng Diyos, dahil sa ang panahon ng perpektong relihiyon ay dumating na, ay sinasabi sa iyo kung ano ang Aking sinasabi sa maraming tao. Labag sa batas ang maghiwalay kung ano ang pinagsama ng Diyos, at ang babae o ang lalaki ay laging adulteroso sa pagpapakasal muli habang ang asawa ay buhay pa.

Ang diborsiyo ay legal na prostitusyon, dahil nailalagay nito ang lalaki at babae sa pusisyon upang makagawa ng mahalay na mga kasalanan. Pambihira lamang na ang isang hiwaláy ay nananatiling ang balo ng isang buháy na tao, at isang matapat na balo. Ang isang hiwaláy na tao ay hindi kailanman matapat sa kanyang unang kasal. Kapwa ang lalaki at ang babae, sa pagpasok sa ibang mga pagsasama, ay bumababa mula sa lebel ng mga tao patungo sa lebel ng mga hayop, na ipinagkakaloob upang mabago ang babae sa bawat pagsamo ng kahalayan. Ang legal na pakikipagtalik sa labas ng kasal, na piligroso sa mga pamilya at sa Amangbayan, ay makasalanan sa inosenteng mga bata. Ang mga anak ng isang naghiwalay na mag-asawa ay kailangan na husgahan ang kanilang mga magulang. Ang paghusga ng mga anak ay isang mahigpit na paghusga! Isa man lamang sa mga magulang ay isinusumpa ng mga anak. At ang mga anak, gawa ng pagkamakasarili ng mga magulang, ay naitatalaga sa isang nagkasira-sirang madamdamin na pamumuhay. Pagkatapos, kung sa pamilya ang mga resulta ng diborsiyo, na nagkakait sa inosenteng mga anak ng kanilang ama o ina, ay idinagdag ang bagong pag-aasawa ng naiwanan na magulang sa mga bata, sa kasawian ng isang madamdamin na pamumuhay na nawalan ng isang miyembro, isang pang karagdagan pagkakasira-sira ang idinadagdag: ang humigit-kumulang na pagkawala ng damdamin ng isang miyembro, na nahahati o ganap na nakukuha ng bagong pagmamahal at ng mga anak ng ikalawang asawa.

Ang magsalita ng tungkol sa kasal, ng tungkol sa matrimonyo sa kaso ng isang bagong pagsasama ng isang diborsiyo o ng diborsiyado, ay ang hamakin ang ibig sabihin at ang esensiya ng kasal. Tanging ang kamatayan lamang ng isa sa mag-asawa at ang resultang pagkabalo ng isa ang makapagbibigay katwiran sa ikalawang pagpapakasal. Gayunpaman, sa Aking palagay mas mabuti nang pumayag sa laging makatarungan na pasya Niya Na siyang namamahala sa mga patutunguhan ng mga tao, at manatiling basal kung tinapos ng kamatayan ang pagsasama ng mag-asawa, itinatalaga ang sarili sa pangangalaga sa mga anak at na mahalin ang yumaong asawa sa mga anak. Isang banal, totoong pagmamahal, na wala ng lahat na materyalismo. Kaawa-awang mga bata! Ang danasin, pagkatapos ng kamatayan o ng pagkasira ng isang tahanan, ang katigasan ng isang ikalawang ama o ng isang ikalawang ina at ang paghihirap ng damdamin nakikita ang mga haplos na pinagsasaluhan ng ibang mga bata na hindi nila mga kapatid!

Hindi. Hindi magkakaroon ng diborsiyo sa Aking relihiyon. At siya na humihiwalay sa pamamagitan ng batas sibil upang makapagpakasal muli ay magiging isang adultero at makasalanan. Ang pantaong batas ay hindi mababago nito ang Aking dekreto. Ang matrimonyo sa Aking relihiyon ay hindi na magiging isang sibil na kontrata, isang pangakong moral, ginawa at pinagtibay sa presensya ng mga saksi na itinalaga para sa pakay na iyan. Bagkus ito ay magiging isang di mapapawalang-bisa na pagkakadugtong itinadhana, pinatunayan at pinabanal ng nagpapabanal na kapangyarihan na Aking ibibigay dito, bilang isang Sakramento. Upang maintindihan mo: isang sagradong ritwal. Isang kapangyarihan na makatutulong upang maisabuhay ang lahat na mga katungkulang mag-asawa sa isang banal na paraan, ngunit iyan din ang magiging walang-pagkasirang pasya sa pagsasama.

Magpahanggang ngayon ang kasal ay naging isang mutwong natural at moral na kontrata sa pagitan ng dalawang tao ng magkaibang kasarian. Kapag ang Aking batas ay pinairal na, masasakop nito ang mga kaluluwa ng mag-aasawa. Ito kung gayon ay magiging isang espirituwal na kontrata pinatibayan ng Diyos sa pamamagitan ng Kanyang mga ministro. Ngayon nalalaman mo na walang mas mataas pa sa Diyos. Kung gayon anuman ang Kanyang pinagsama, walang awtoridad, batas o pantaong kapritso ang makapaghihiwalay. Ang inyong ritwal “kung nasaan ka Caius, naroroon ako Caia” ay tatagal sa buhay na darating sa aming ritwal, sa Aking ritwal, sapagkat ang kamatayan ay hindi ang katapusan, bagkus isang pansamantalang pagkakahiwalay ng mag-asawa, at ang obligasyon na magmahal ay tumatagal din pagkatapos ng kamatayan. Iyan kung bakit Ko sinasabi na gusto Ko na ang mga balo ay maging basal. Ngunit ang tao ay hindi alam kung papaano maging basal. At dahil din diyan ang mag-asawa ay may gantihan na katungkulan na paunlarin ang isa’t isa.

Huwag mong iiling ang iyong ulo. Iyan ang katungkulan at iyan ay kailangan na magawa kung ang isa ay totoong gustong sumunod sa Akin.

«Kayo ay mahigpit ngayon, Guro.»

«Hindi. Ako ang Guro. At mayroon Ako sa harapan Ko ngayon ng isang nilikha na maaaring lumaki sa pamumuhay na may Grasya. Kung ikaw ay hindi kung ano ikaw, hihingi Ako nang mas kaunti sa iyo. Ngunit ikaw ay may isang mabuting lagay ng kalooban at ang paghihirap ay nakapagpapadalisay at nagpapatibay nang lalu’t lalo pa ng iyong karakter. Isang araw Ako ay iyong maaalaala at pagpapalain sa pagiging Ako nga.»

«Hindi babawiin ng aking asawa ang kanyang sinabi...»

«At ikaw ay magpapatuloy sa pag-abante. Hawak-hawak ang iyong anak sa kamay, lalakarin mo ang daan ng katarungan: nang walang poot, walang paghihiganti; ngunit wala ring masasayang na mga paghihintay at kalungkutan para sa kung ano ang nawala na.»

«Kung gayon nalalaman Ninyo na nawala siya sa akin!»

«Nalalaman Ko. Ngunit hindi ikaw ang nawalan: ikaw ang nawala sa kanya. Hindi ka nararapat sa kanya. Ngayon makinig... Mahirap ito, alam Ko. Dinalhan mo Ako ng mga rosas at inosenteng mga ngiti upang maginhawahan Ako... Ako... Ako bagkus ay maihahanda lamang kita upang batahin ang girnalda ng mga tinik ng nangungulilang mga asawang babae... Ngunit isipin. Kung tayo ay makakabalik sa oras na iyon ng umaga kung kailan si Fausta ay namamatay at ang iyong puso ay nailagay sa katayuan ng pagpili sa pagitan ng iyong anak at iyong asawa, na may katiyakan na mawawala ang isa sa kanila, alin ang iyong pipiliin?...»

Ang babae ay nagawang mag-isip, maputla ngunit malakas sa kanyang paghihirap pagkaraan ng ilang mga luha na iniluha mula sa pagsimula ng pag-uusap... Siya pagkatapos ay niyuyukuan ang maliit na batang babae na nakaupo sa sahig kinalulugdan ang sarili sa paglalagay ng ilang mapuputing maliliit na bulaklak sa palibot ng mga paa ni Jesus, kinuha niya siya, kinarga, niyakap at sumigaw: «Pipiliin ko siya sapagkat maibibigay ko sa kanya ang aking pinaka puso, at mapalalaki ko siya ayon sa aking natutuhan kung papaano dapat mamuhay ang isa. Aking anak! At makasama siyang muli sa susunod na buhay. Ako... laging kanyang ina;  siya... laging aking anak!» at pinupog niya siya ng mga halik habang ang maliit na bata ay nakakapit sa kanyang leeg nang may nagmamahal na mga ngiti. «Sabihin sa akin, o! sabihin sa akin, Guro, Na nagtuturo sa mga tao na mamuhay nang may kabayanihan, ano ang aking dapat na gawin upang mapalaki ang batang ito upang kapwa kami ay mapunta sa Inyong Kaharian? Alin na mga salita, alin na mga gagawin ang dapat kong ituro sa kanya?...»

«Walang espesyal na mga gagawin o mga salita ang kinakailangan. Maging perpekto upang sana masalamin sa kanya ang iyong perpeksiyon. Mahalin ang Diyos at ang iyong kapwa upang sana matuto siyang magmahal. Mamuhay sa Lupa sa pamamagitan ng iyong mga damdamin sa Diyos. Gagayahin ka ng iyong anak. Iyan pansamantala, Sa darating na araw ang Aking Ama, Na nagmahal sa iyo sa espesyal na paraan, ang bahala sa iyong espirituwal na mga pangangailangan, at ikaw ay magiging marunong sa pananampalataya na tatak ng Aking pangalan. Iyan kung ano ang dapat na gawin. Sa pagmamahal ng Diyos matatagpuan mo ang lahat na kakailanganing pagpipigil laban sa Kasamaan. Sa pagmamahal para sa iyong kapwa magkakaroon ka ng tulong laban sa kalungkutan ng pangungulila. At turuan kapwa ang iyong sarili at ang iyong anak na magpatawad. Naiintindihan mo ba kung ano ang ibig Kong sabihin?»

«Oo, naiintindihan ko... Iyan ay makatarungan... Guro, iniiwan ko Kayo. Pagpalain ang isang kaawa-awang babae... na mas mahirap pa kaysa sa isang pulubi na may matapat na kasa-kasama...»

«Saan ka ngayon nakatira? Sa Herusalem?»

«Hindi, sa Bether. Si Johanna, na napakabuti, ay pinadala ako sa kanyang kastilyo doon... Ako ay naghihirap nang labis sa itaas doon... Mananatili ako roon hanggang sa pagbalik ni Johanna, na malapit na. Siya ay bababang Judaea kasama ang Inyong Ina at ang iba pang babaeng mga disipulo sa unang maiinit na araw sa tagsibol. Maninirahan akong kasama siya nang matagal-tagal. Pagkatapos ang iba pa ay darating at sasama ako sa kanila. Ngunit ang mga araw ay mapagagaling na ako ng aking sugat.»

«Mga araw, at higit sa lahat ang Diyos at ang mga ngiti ng iyong maliit na anak. Paalam, Valeria. Harinawang ang totoong Diyos, Na iyong hinahanap nang may mabuting espiritu, ay paginhawahan at protektahan ka.» Pinatong ni Jesus ang Kanyang kamay sa ulo ng maliit na bata at pinagpapala siya. Pagkatapos nilalapitan Niya ang nakasaradong pinto nagtatanong: «Pumunta ba kayo nang mag-isa?»

«Hindi, kasama ang isang napalayang babaeng alipin. Ang bagon ay naghihintay para sa akin sa kakahuyan sa pamasukan ng nayon. Magkikita pa ba tayong muli, Guro?»

«Mapupunta Ako sa Templo sa Herusalem para sa Dedikasyon.»

«Mapupunta ako roon, Guro. Kailangan ko ang Inyong mga salita para sa aking bagong buhay...»

«Lakad at huwag mag-alala. Ang Diyos ay hindi Niya pinababayaan nang walang tulong ang mga naghahanap nito.»

«Naniniwala ako... O! ang aming paganong mundo ay malungkot nga!»

«May kalungkutan kung saan man walang totoong pamumuhay sa Diyos. Ang mga tao ay lumuluha din sa Israel... Sapagkat hindi na sila namumuhay ayon sa Batas ng Diyos. Paalam. Ang kapayapaan ay sumainyo.»

Ang babae ay gumagawa ng isang mababang pagyuko at nagmumungkahi ng kung ano sa maliit na batang babae. At bata ay itinaas ang kanyang ulo, iniunat ang kanyang  mga kamay at nagsabi sa pamamagitan ng kanyang maliit na tinig na kasing tamis ng isang tinig ng ibon: «Ave, Domine Jesu!»

Si Jesus ay yumuyuko upang tanggapin mula sa munting mga labì ang halik na nagkakaporma na doon, at Kanya siyang pinagpapala Niyang muli... Pagkatapos Siya ay bumalik sa silid at naupong nag-iisip malapit sa mga bulaklak na nakakalat sa sahig.

Matagal-tagal na sandali ang dumaan. Pagkatapos may kumatok sa pinto.

«Pasok.»

Ang pinto ay nagbukas at ang tapat na mukha ni Pedro ay lumitaw sa puwang.

«Ikaw ito? Pasok...»

«Hindi, kailangan na pumunta Kayo sa amin. Malamig dito. Anong gandang mga bulaklak! Mahal na mahal ito!» si Pedro ay tinitingnan ang Guro habang nagsasalita.

«Oo, mahal na mahal iyan. Ngunit ang pagbigay at ang paraan kung papaano iyon ginawa ay mas mahal pa kaysa sa mga bulaklak. Dinala iyan sa Akin ng anak na babae ni Valeria, ang Romanong kaibigan ni Claudia.»

«Eh! Alam ko. Ngunit bakit?»

«Upang paginhawahan Ako. Alam nila na Ako ay nalulungkot, at si Valeria ay mayroon ng klase ng pag-iisip na iyan. Naisip niya na ang mga bulaklak ng isang inosenteng bata ay makapagpapaginhawa sa Akin...»

«Isang binibining Romano!... At kaming mga tao ng Israel ay walang ibang binibigay sa Inyo bagkus kalungkutan... Tama ang sospetsa ni Judas. Sinabi niya na nakita siya ng isang bagon na nakatigil at na ang babae ay tiyak na Romano... at siya ay nabalisa, Guro...» sabi ni Pedro na mausisang-mausisa.

Ngunit si Jesus ay nagtanong lamang: «Nasaan si Judas?.»

«Sa labas. Ang ibig kong sabihin sa daan, malapit sa kakahuyan. Ibig niyang malaman kung sino ang pumunta sa Inyo...»

«Tayo na sa ibaba.»

Si Judas ay nasa kusina na. Siya ay tumalikod nakikitang si Jesus ay pumasok at nagsabi: «Kahit na kung ibig Ninyong tanggihan ito, hindi Ninyo maipagkakaila na ang babaeng iyon ay pumunta upang... magreklamo ng isang bagay! Mayroon pa ba silang masasabi? Wala ba silang magawang iba bagkus ang magtiktik at mag-ulat at...»

«Hindi Ako obligadong tumugon sa iyo. Ngunit sinasabi Ko ito sa lahat. At si Simon ay alam na kung sino siya at sasabihin Ko na sa lahat kung bakit siya pumunta. Ang mga tao rin na tila napakasaya ay maaaring mangailangan ng kaginhawahan at payo... Andres, pumunta ka sa itaas, kunin ang lahat na mga bulaklak na dinala ng maliit na batang babae at dalhin iyon sa batang si Levi.»

«Bakit?»

«Sapagkat siya ay namamatay.»

«Siya ay namamatay? Ngunit nakita ko siya noong ikatlong oras at siya ay walang problema!» sabi ni Bartolomeo nagtataka.

«Siya ay walang problem. Mamamatay siya bago dumilim.»

«Kung siya ay malubha hindi niya kalulugdan ang mga bulaklak...»

«Hindi. Ngunit sa loob ng nabagabag na bahay ang mga bulaklak na pinadala ng Tagapagligtas ay magsasalita ng isang maningning na salita.»

Si Jesus ay naupo habang nagsasalita silang lahat ng tungkol sa panandalian ng buhay at si Eliza ay isinuot ang kanyang manta nagsasabing: «Ako ay sasama kay Andres... Ang kaawa-awang ina na iyon!...» Nakikita ko si Andres at si Eliza na umaalis dala ang mga bulaklak sa kanilang mga kamay.

Si Jesus ay tahimik. Si Judas din ay tahimik. Siya ay nag-aalinlangan. Si Jesus ay tahimik ngunit hindi mahigpit tingnan... Si Judas ay naglalakad sa paligid Niya, nauudyukan ng mithiin na makaalam, ng nagpapahirap na kabalisahan ng isang tao na ang kaninong konsiyensya ay wala sa kapayapaan. Ngunit nagtapos siya sa paghila kay Pedro patungo sa isang tabi at sa pagtanong sa kanya. Nagkaroon siya ulit ng kompiyansa pagkatapos na makausap si Pedro at nagpunta siya upang tuksuhin si Mateo na nagsusulat nang mapayapa sa isang sulok ng mesa.

Si Andres ay bumalik tumatakbo. Nagsabi siya nang humahangos: «Guro... ang bata ay totoong namamatay... Nang bigla na lamang... Sila ay tila naging baliw... Ngunit nang sinabi ni Eliza: “Pinadala iyan ng Panginoon” at ako... akala ko maiintindihan nila: “para sa kanyang  higaan ng pagkamatay”, ang ina at ang ama ay sumigaw... nang sabay: “O! Totoo iyan! Tumakbong pabalik at tawagin Siya. Pagagalingin Niya siya”.»

«Ang salita ng pananampalataya. Tayo na» at si Jesus ay halos tumatakbong palabas. Siyempre sinundan nila Siya, kasama ang matandang si Juan, humihilahod sa paglalakad sa likuran.

Ang bahay ay nasa dulo ng nayon. Ngunit si Jesus ay nakarating doon nang mabilis at ipinilit Niya ang Kanyang daan sa pagitan ng pulutong na humaharang sa bukas na pintuan. Pumunta Siyang tuwiran sa isang silid sa dulo ng koridor, sapagkat ito ay isang malaking bahay na maraming nakatira, baka magkakapatid.

Sa loob ng silid, nakayuko sa pansamantalang ginawang kama, ay naroon ang ama, ang ina at si Eliza... Nakita lamang nila si Jesus nang sinabi Niya: «Kapayapaan sa bahay na ito.» Ang di masayang mga magulang pagkatapos ay iniwan ang kama at nagpatirapa sa paanan ni Jesus. Tanging si Eliza lamang ang nanatili kung saan siya naroroon, abala sa pagpapahid ng mabangong mga esensiya sa mga galamay na nagiging malamig na.

Ang bata ay totoong nasa punto na na mamatay, ang kanyang katawan ay nagpapakita na ng kabigatan at katamlayan ng kamatayan, ang kanyang mukha ay nagmumukha nang plastik na may maiitim na butas ng ilong at biyoletang mga labì. Humihinga siya nang may kahirapan, na may mga paghilab ng kanyang maliit na dibdib, at ang bawat paghinga ay tila ang huli na, napakahaba nito kaysa sa nauna.

Ang kanyang ina ay umiiyak na ang kanyang mukha nasa mga paa ni Jesus. Ang ama, na nakapatirapa din sa sahig, ay nagsabi: «Maawa@ Maawa!» Wala siyang masabing iba.

Sinabi ni Jesus: «Levi, halika sa Akin» at iniunat Niya ang Kanyang mga kamay.

Ang maliit na bata, isang lalaki mga limang taong gulang, ay nagkaroon ng katulad ng isang pagkayanig, na tila may tumawag sa kanya nang malakas habang siya ay natutulog. Naupo siya nang hindi nahihirapan, kinuskos ang mga mata sa pamamagitan ng kanyang maliliit na kamao, tumingintingin siya sa paligid, siyempre nagtataka, at nang makita niya si Jesus na ngumingiti, mabilis siyang umalis sa kama at pumuntang disidido sa Guro sa kanyang maliit na tunika.

Ang kanyang mga magulang nakayukong katulad nila, ay walang nakikitang kahit na ano. Ngunit ang pagbulalas ni Eliza na sumigaw: «Eternal na kabutihan!» at ng mga apostol at ng mga mausyosong mga tao sa koridor, dahil sumisigaw sila ng: «O!» sa pagtataka, ay nasabihan sila kung ano ang nangyayari. Sila ay tumingala at nakita ang kanilang anak na nakatayo, kasing lusog na tila siya ay hindi kailanman napunta sa punto ng kamatayan...

Ang lugod ay nagawa ang mga tao na tumawa, umiyak, sumigaw, maging tahimik, ayon sa reaksiyon ng bawat indibidwal. Dito ito ang dahilan ng walang tunog, halos natatakot na pagtataka. May napakalaking pagkakaiba sa pagitan ng dati at ng kasalukuyan na kalagayan, at ang dalawang kaawa-awang mga magulang, na hindi na makagalaw sa paghihirap, ay nahihirapan na tanggapin ang lugod.

Sila pagkaraan ay nagtagumpay habang kinukuha ni Jesus ang bata at kinarga, at pagkatapos ang katahimikan ang sumunod sa dagsa ng mga salita kahalo ang mga pagsigaw ng kaluguran at mga pagpapalà, at mahirap na sundan ang dagsang ito ng mga salita, lahat binibigkas nang may kalituhan nang sabay-sabay. Napag-alaman ko mula sa kanila na noong mga ikanim na oras ang bata, na naglalaro sa pangkusinang-hardin, ay pumunta sa bahay nagrereklamo ng pagsakit ng tiyan. Nang ang kanyang lolo ay kinarga siya malapit sa paapuyan, siya ay tila gumagaling. Pagkaraan, mga ika-siyam na oras, nagsimula siyang magsuka at siya ay napunta kaagad sa kanyang huling aguniya. Ang tipikong fulminant peritonitis. Ang kanyang ama ay nagmadali patungo sa Herusalem sa unang paglabas ng sintomas ng sakit at bumalik na may kasamang isang doktor, na pagkatapos na makita ang bata, na sa pansamantala ay nagsimula nang sumuka, ay nagsabi: «Hindi siya mabubuhay» at umalis... Sa katunayan ang bata ay lumalala sa bawat sandali at ang kanyang katawan ay lumalamig, at sa hapis ng biglang kamalasan hindi nila naisip ang kaligtasan na nasa malapit. Nang sina Andres at Eliza lamang ay pumasok dala ang mga bulaklak nagsasabing: «Si Jesus ay pinadala ito kay Levi», sila ay naliwanagan ng tila isang internal na liwanag at nagsabi: «Si Jesus ay maililigtas siya.»

«At nailigtas Ninyo siya, pagpalain nawa Kayo magpakailanman! Ang Inyong mga bulaklak! Ang pag-asa! Ang pananampalataya! O! oo! Pananampalataya sa Inyong pagmamahal para sa amin! Ngunit papaano Ninyo nalaman? Pinagpalang Isa! Hingin anuman ang gusto Ninyo sa amin! Ibigay Ninyo sa amin ang Inyong mga utos na tila kami ay Inyong mga alipin! Utang namin sa Inyo ang lahat!...»

Si Jesus ay nakikinig sa kanila karga pa rin Niya ang bata. Pinababayaan Niya silang magsalita hanggang sa sila ay napagod, hanggang sa ang kanilang mga nerbiyo na napailalim sa labis na batak, ay naginhawahan sa pagpalabas ng kanilang mga nararamdaman. Pagkatapos sinabi Niya nang may kabaitan: «Mahal ko ang mga bata at matatapat na puso. Kayong lahat ng Nob ay naging napakabuti sa Akin. Kung Ako ay mabuti sa mga napopoot sa Akin, ano ang Aking ibibigay sa mga nagmamahal sa Akin? Nalaman Ko... at nalalaman Ko rin na ang hapis ay ginagawa kayong makalimutan ninyo ang Pinanggagalingan ng Buhay. Ginusto Kong ipakita sa inyo ang daan...»

«Ngunit bakit hindi Kayo pumunta Mismo, Panginoon? Kayo kaya ay natatakot na baka hindi namin Kayo tanggapin?»

«Hindi. Alam Ko na tatanggapin ninyo Ako nang may pagmamahal. Ngunit sa pagitan ng mga taong ito na nasa paligid natin ay may ilan na kinakailangan na makumbinsi na nalalaman Ko ang lahat ng tungkol sa mga tao at ng tungkol sa kalagayan ng kanilang mga puso. At gusto Ko rin na maintindihan ng ibang mga tao na ang Diyos ay tinutugunan ang mga nananawagan sa Kanya nang may pananampalataya. Ngayon ay maging nasa kapayapaan. At gawin ang inyong pananampalataya sa awa ng Diyos na lumago pa nang lumago. Ang kapayapaan ay mapasainyong lahat. Paalam, Levi. Pumunta ka sa iyong ina ngayon. Paalam, babae. Ikonsagra mo rin sa Panginoon ang batang iyong dinadala ngayon sa iyong sinapupunan, sa paggunita ng kabaitan ng Panginoon sa inyo. Paalam, lalaki. Pamalagiin ang iyong espiritu sa katarungan.»

Siya ay tumalikod upang umalis, dumaraan nang may kahirapan sa gitna ng mga kamag-anak na nagsisiksikan sa koridor: mga lolo’t lola, mga tiyo, mga pinsan ng batang pinagaling nang mahimala, dahil ibig nilang lahat na magsalita kay Jesus, pagpalain Siya, pagpalain Niya, halikan ang Kanyang mga damit, ang Kanyang mga kamay... Pagkatapos pagkaraan ng malaking bilang ng mga kamag-anak, ang mga mamamayan ng nayon ay ibig na gawin din iyon, ngunit bumuhos sila sa kalsada sa likuran ni Jesus, iniiwan ang mga nasa bahay na pinagpala ng himala sa kanilang lugod. At sa kalsada na ngayon ay madilim na, kasama ang pangkaraniwang ingay ng mga oras ng pagbubunyi, ang lahat ng Nob ay dinadala si Jesus pabalik sa maliit na bahay ni Juan, at kinailangan ang lahat ng awtoridad ng mga apostol na kumbinsihin ang mga tao na bumalik na sa kanilang mga bahay, iniiwan ang Guro sa kapayapaan, at sa kanilang awtoridad kailangan nilang magdagdag ng mas malakas na pamamaraan, katulad ng nananakot na, kung hindi nila Siya pahihintulutan na makapagpahinga, sila ay aalis sa susunod na umaga, upang makuha ang kanilang gustong mangyari.

At sa katagalan ang Pagod na Isa ay makapagpapahinga na...

141211

 

 


Sunod na kabanata