53. Si Jesus Pinalayas ang mga Mangangalakal sa Templo.

Oktubre 24, 1944.

¹Nakikita ko si Jesus pinapasok ang bakuran ng Templo kasama sina Pedro, Andres, Juan, Santiago, Felipe at Bartolomeo. May napakalaking pulutong kapwa sa loob at sa labas ng bakuran.  Ang mga peregrino ay dumarating nang kawan-kawan mula sa bawat bahagi ng bayan.

Mula sa tuktok ng burol kung saan ang Templo ay itinayo, makikita ng isa ang pili-pilipit na mga kalsada ng bayan, nagsisiksikan sa mga tao. Maiisip ng isa na ang kusang kumikilos, maraming mga kulay na ribon ay inilatag sa pagitan ng mapuputing bahay. Ang bayan ay nagmumukha ngang isang pambihirang laruan, isang laruan na gawa sa masasayang kulay na mga ribon sa pagitan ng dalawang maputing mga sinulid, lahat nagtatapos sa punto kung saan ang mga domo ng Bahay ng Panginoon ay nagniningning.

Sa loob ito ay... isang tunay na palengke. Ang konsentrasyon ng isang banal na lugar ay nasira na. Ang ilang mga tao ay tumatakbo, ang ilan tumatawag, ang ilan nakikipag-kontrata para sa mga tupa, sumisigaw at nanlalait dahil sa labis-labis na mga presyo, ang iba ay tinataboy ang kanilang humuhuning mga hayop patungo sa mga kulungan (magagaspang na mga partisyon ng mga lubid at mga pasak, na sa pamasukan nito nakatayo ang mga mangangalakal o ang mga may-ari, naghihintay sa mga bibili). Mga dagok ng mga pambambo, mga paghuni, mga panlalait, mga sigaw, mga insulto sa mga bataan na hindi mabilis sa pag-iipon o sa pamimílì sa mga hayop, mga pang-aabuso sa mga namímili na nakikipagtawaran sa mga presyo o na umaalis, mas grabeng mga pang-iinsulto sa mga marurunong na nagdala ng kanilang sariling mga tupa.

Malapit sa mga puwesto ng mga tagapalit ng mga pera, ay mas marami pang sigawan. Mahahalata na baka lagi, o sa panahon ng Paskuwa, ang Templo ay nagiging isang... palitan ng pera o isang “black market”. Walang nakatalagang pirming halaga ng pagpapalit ng pera. Dapat siguro may isang legal na singil, ngunit ang mga tagapalit ng pera ay nagpapataw ng iba, kumikita ng kahit anuman ang magustuhan nila. At matitiyak ko sa inyo na sila ay hindi nagbibiro sa kanilang labis-na-pagpapatubong mga transaksiyon!... Habang mas nagiging mahirap ang tao, habang mas malayo ang kanyang pinanggalingan, mas lalo siyang pagnanakawan: ang matatanda higit pa sa mas mga bata, ang nanggagaling sa kabila ng Palestina higit pa sa mga matatanda.

Ang ilang kaawa-awang matatanda ay paulit-ulit na tinitingnan ang kanilang perang naipon sa loob ng isang taon, sa gaano kahirap na pagtatrabaho kaya, ilalabas ito at ibabalik sa kanilang mga lukbutan dose-dosenang beses, pumupunta sa isang tagapalit ng pera patungo sa isa pa at kung minsan nagtatapos sa pagbalik sa unang pinuntahan, na ipaghihiganti naman ang sarili para sa kanilang unang pag-alis dinadagdagan ang dapat na ibayad para sa palitan. At ang malalaking salapi ay dadaan mula sa mga kamay ng nagbubuntung-hiningang mga may-ari patungo sa mga kamay ng mga labis-magpatubo at pinalitan ng mas maliliit na sentimos. Pagkatapos isa pang karagdagang trahedya dahil sa napili at sa ibabayad sa mga tupa ng mga nagbenta, at ang kaawa-awang matandang mga lalaki, lalo na kung sila ay medyo bulag, ay napagbilhan ng pinakamasamang maliliit na tupa.

²Nakikita ko ang isang matandang mag-asawa, na bumabalik tinutulak ang isang kaawa-awang maliit na kordero na maaaring nakitaan ng diperensiya ng mga tagapagsakripisyo. Sila ay umiyak at pinakiusapan ang nagbenta, na, hindi man lamang naaawa, tumugon ng maaanghang na salita at sa magaspang na pamamaraan.

«Kung titingnan ang gusto ninyong gastusin, mga Galilean, ang korderong aking ibinigay sa inyo ay napakaganda pa nga. Lumayas kayo! O kung gusto ninyo ang isang mas maganda , kailangan na magdagdag kayo ng limang sentimos pa.»

«Sa ngalan ng Diyos! Kami ay mahirap at matanda na! Pinipigilan mo ba kami na ipagdiwang ang Paskuwang ito na baka siyang ang huli na naming Paskuwa? Hindi ka pa ba kontento sa nakuha mo para sa isang kaawa-awang maliit na kordero?»

«Lumayas kayo, kayong maruming mga tao. Si Jose na Nakatatanda ay parating na rito. Kinalulugdan ko ang kanyang pabor. Ang Diyos ay sumainyo, Jose! Halikayo at gawin ang inyong pagpilì!»

Ang lalaki na ang kaninong pangalan ay Jose ang Nakatatanda, ibig-sabihin si Jose ng Arimathea, ay pinapasok ang bakuran at pumili ng isang magandang kordero. Siya ay dumaraan, maringal at mapagmalaki, maringal na nakadamit, nang hindi man lamang nililingon ang kaawa-awang matandang mga tao umiiyak sa geyt, ibig sabihin ang pamasukan ng bakuran. Halos mabangga niya sila noong siya ay lumabas na may matabang, humuhuning kordero.

³Ngunit si Jesus ay nasa malapit na rin. Siya rin ay nakabili na, at si Pedro, na maaaring siyang nakipagtawaran para sa Kanya, ay hinihila ang isang maganda na rin na kordero.

Gusto ni Pedro na pumunta na kaagad kung saan inaalay ang mga sakripisyo. Ngunit si Jesus ay lumiko sa kanan, patungo sa dismayado, umiiyak, hindi-makapagpasyang matandang mag-asawa, na nabubunggu-bunggo ng mga pulutong at iniinsulto ng nagtitinda.

Si Jesus, Na napakataas na ang mga ulo ng kaawa-awang matatandang kaluluwa ay umaabot lamang sa Kanyang puso, ay ipinatong ang isang kamay sa balikat ng babae at tinanong siya: «Bakit kayo umiiyak, babae?»

Ang maliit na babae ay tumalikod at nakita niya ang bata-pang lalaki, matangkad, maringal na tao, nakasuot ng isang bagong magandang maputing tunika at ng isang niyebeng-kaputian na manta. Maaaring iniisip niya na Siya ay isang doktor dahil sa Kanyang mga damit at sa Kanyang tindig at siya ay labis na nasorpresa, sapagkat ang mga doktor at mga pari ay hindi pumapansin sa mahihirap, ni protektahan sila sa kakuriputan ng mga mangangalakal. Pinaliliwanag niya kay Jesus ang dahilan ng kanilang mga luha.

Si Jesus ay kinakausap ang nagtitinda ng mga tupa: «Palitan ang tupa na ito para sa mga naniniwalang ito. Ito ay hindi karapat-dapat sa altar, ni hindi makatarungan na sasamantalahin mo ang dalawang kaawa-awang matandang mga tao, dahil lamang sila ay mahina at walang proteksiyon.»

«At sino Ka?»

«Isang makatarungang tao.»

«Sa pamamagitan ng Iyong pananalita at ng Iyong mga kasamahan, alam ko na Ikaw ay isang Galilean. Maaari bang magkaroon ng isang makatarungan na tao sa Galilee?»

«Gawin ang sinabi Ko sa iyo, at maging isang makatarungan na tao mismo.»

«Makinig! Makinig sa Galilean Na ipinagtatanggol ang Kanyang mga kapareho! At ibig Niya tayong mga taga-Templo na turuan!» ang lalaki ay tumatawa at nanunuya, ginagaya ang punto ng pagsasalita ng mga Galilean, na mas musikal at mas malambot kaysa ng mga sa Judaean, sa akin man lamang na naiisip.

Maraming tao ang lumalapit sa kanila at ang iba pang mga mangangalakal at mga tagapalit ng pera ay kumakampi sa kanilang kasamahan laban kay Jesus.

Kasama sa mga taong naroroon ay dalawa o tatlong mapanuyang mga rabbi. Ang isa sa kanila ay nagtanong: «Kayo ba ay isang doktor?», sa isang pamamaraan na kahit na si Job ay iinit ang ulo.

«Oo, Ako.»

«Ano ang tinuturo Mo?»

«Ito ang Aking tinuturo: ang gawin ang Bahay ng Diyos na isang bahay ng pananalangin at hindi isang pagpapatubuan nang labis o isang palengke. Iyan ang Aking tinuturo.»jesus angry 2

⁴Si Jesus ay nakakatakot. Nagmumukha Siyang ang arkanghel na ipinoste sa pamasukan ng Eden. Wala Siya ng kumikislap na espada sa Kanyang kamay ngunit ang mga sinag mula sa Kanyang mga mata ay katulad ng kidlat na tumatama sa walang-pakundangan na mga mánunuyà. Si Jesus ay wala ng kahit ano sa Kanyang mga kamay. Ang tanging mayroon Siya ay ang Kanyang galit. At punó ng galit, Siya ay naglalakad nang mabilis at solemne sa pagitan ng mga bangkito, ikinakalat Niya ang mga sentimos na napaghiwa-hiwalay na nang napaka-metikuluso ayon sa halaga, pinababaligtad Niya ang mga bangkito at mga mesa, at ang lahat ay bumabagsak sa lupa nang may malakas na ingay, sa kaguluhan ng tumatalbog na mga metal at ng tinatamaang mga kahoy, ng galít na mga sigaw, pagtili sa takot at mga sigaw ng pagsang-ayon. Pagkatapos inagaw Niya mula sa mga kamay ng mga bataan ng establero ang ilang lubid na pumipigil sa baka, sa mga tupa at mga kordero, at gumawa Siya ng isang matigas na panghagupit, kung saan ang mga buhól ay tunay na pahirap: itinataas niya ito, iwinawagayway at ihahampas nang walang-awa. Oo, matitiyak ko sa inyo: walang-awa.

Ang hindi inaasahan na bagyo ay nabibiktima ang mga ulo at mga likod. Ang mga naniniwala ay tumatabi sa isang banda hinahangaan ang eksena; ang may mga kagagawan, hinahabol hanggang sa layo ng panlabas na pader, ay nagtatakbuhan iniiwan ang kanilang pera sa lupa at inaabandona ito sa malaking kalituhan ng mga paa, ng mga sungay at ng mga pakpak, ng kanilang mga hayop, ang ilan nito ay nakawala at nagliparan. Ang mga pagsinghal, paghuni, at ang paglipad-lipad ng mga kalapati, ay nagdadagdag sa pagsabog ng katatawanan at sigawan ng mga naniniwala sa mga tumatakas na mga nagpapatubo nang sobra, natatabunan pa nga ang nangungusap na koro ng mga kordero na kinakatay sa isa pang yarda.

⁵Ang mga pari, mga rabbi at mga Pariseo ay nagmadali patungo sa lugar. Si Jesus ay nasa gitna pa ng yarda, pabalik na mula sa panghahabol. Ang panghagupit ay nasa Kanya pa ring mga kamay.

«Sino Ka? Anong lakas ng loob Mo na gawin iyan, ginugulo ang pinanutong mga seremonya? Saang Eskuwelahan Ka galing? Hindi Ka namin nakikilala, ni hindi namin nalalaman kung tagasaan Ka.»

«Ako ay Siya na Malakas. Magagawa Ko ang kahit ano. Sirain ang Templong ito at itatayo Ko ito upang mapapurihan ang Diyos. Hindi Ko binabalisa ang kabanalan ng Bahay ng Diyos o ang mga seremonya, ngunit binabalisa ninyo ito, pinababayaan ang Kanyang Bahay na maging sentro ng mga nagpapatubo nang sobra at ng mga mangangalakal. Ang Aking eskuwelahan ay ang eskuwelahan ng Diyos. Ang dating eskuwelahan katulad ng nagkaroon ang buong Israel noong ang Eternal na Diyos ay nagsalita kay Moses. Hindi ninyo ako nakikilala? Makikilala ninyo Ako. Hindi ninyo nalalaman kung saan Ako nanggaling? Matututunan ninyo.»

⁸At hinaharap ang mga tao, nang hindi na pinapansin pa ang mga pari, matangkad sa Kanyang puting tunika, na ang Kanyang manta nakabukas at wumawagayway sa likuran Niya, ang Kanyang mga kamay nakaunat katulad ng isang orador sa pinaka importanteng bahagi ng kanyang talumpati, sinasabi Niya: «Makinig, Israel! Sa Deuteronomio ito ay sinasabi: “Kayo ay magtatalaga ng mga hukom at mga eskriba sa lahat ng mga geyt... at kailangan nilang magbigay ng walang-kinikilingang pasya sa mga tao. Kailangan na kayo ay walang kinikilingan; hindi kayo dapat tumanggap ng mga suhol, dahil binubulag ng mga suhol ang mga mata ng mga tao at napapasamâ ang ipinaglalaban ng makatarungan. Istriktong hustisya ang dapat na siyang maging inyong patakaran, upang sana kayo ay mamuhay sa tamang pag-angkin ng lupang ibibigay sa inyo ni Yahweh”.

Makinig, Israel. Sa Deuteronomio ito ay sinasabi: “Ang mga pari at mga eskriba at ang buong tribu ni Levi ay hindi magkakaroon ng bahagi o mana sa Israel, sapagkat kailangan nilang mabuhay sa mga pagkain na inaalay kay Yahweh at sa Kanyang mga karapatan; hindi sila magkakaroon ng mana sa pagitan ng kanilang mga kapatid, sapagkat si Yahweh ang kanilang mana”.

Makinig, Israel. Sa Deuteronomio ito ay sinasabi: “Hindi kayo dapat magpahiram na may interes sa inyong kapatid, maging ang pagkukulang man ay sa pera o sa pagkain o kahit ano pa man. Maaari kayong magpataw ng interes sa pautang sa isang banyaga; magpapahiram kayo nang walang interes sa inyong kapatid ano pa man ang kanyang mga pangangailangan”.

Ang Panginoon ay sinabi iyan.

Ngunit ngayon nakikita ninyo na ang mga paghuhukom ay iginagawad nang walang katarungan para sa mahihirap. Ito ay hindi nakakiling sa katarungan, bagkus ito ay kumikiling sa mayayaman, at ang maging mahirap, ang maging pangkaraniwang mga tao ay ang ibig-sabihin ang siilin. Papaano sasabihin ng mga tao: “Ang aming mga hukom ay makatarungan” kung nakikita nila na tanging ang malalakas lamang ang ginagalang at nasisiyahan, samantalang ang mahihirap ay walang sinuman ang makikinig sa kanila? Papaano irerespeto ng mga tao ang Panginoon, kung nakikita nila na ang Panginoon ay hindi ginagalang ng mga taong dapat na siyang gumalang sa Kanya nang higit pa sa kahit sino pa man? Ang tao bang sumusuway sa mga utos ng Panginoon ay nagrerespeto sa Kanya? Bakit kung gayon ang mga pari sa Israel ay nag-aari ng mga ari-arian at tumatanggap ng mga suhol mula sa mga tagakolekta ng buwis at mga makasalanan, na nagbibigay sa kanila ng mga alay upang makuha ang kanilang mga pabor, habang tumatanggap sila ng mga regalo upang mapuno ang kanilang mga kaban?

Ang Diyos ay ang pamana ng Kanyang mga pari. Siya, ang Ama ng Israel, ay mahigit pa sa isang Ama sa kanila at nagbibigay sa kanila ng pagkain, dahil ito ay makatarungan. Ngunit hindi ng kung ano ang mahigit pa sa makatarungan. Hindi Siya nangako ng pera at mga pag-aari sa Kanyang mga lingkod sa santuwaryo. Sa eternal na buhay, aariin nila ang Langit para sa kanilang katarungan, katulad na aariin Ito nina Moses, Elijah, Jacob at Abraham, ngunit sa mundong ito kailangan na magkaroon lamang sila ng bagkus isang linen na damit at isang diyadema ng walang-pagkabulok na ginto: kadalisayan at karidad, at ang kanilang mga katawan ay kailangan na napaiilaliman ng kanilang mga kaluluwa, na kailangan na nagpapailalim sa totoong Diyos, at ang kanilang mga katawan ay hindi kailangan na maging mga panginoon ng kanilang mga kaluluwa at laban sa Diyos.

Ako ay tinanong sa kung anong awtoridad Ko ginagawa ito. At sa anong awtoridad nila sinusuway ang utos ng Diyos at pahintulutan sa lilim ng sagradong mga pader ang pagpapatubo nang labis sa kanilang mga kapatid na mga Israelita, na naparito upang tuparin ang dibinong utos? Ako ay tinanong kung saang eskuwelahan Ako nanggaling at Ako ay tumutugon: “Mula sa eskuwelahan ng Diyos” Oo, Israel, Ako ay nanggaling at ibabalik Ko kayo sa banal at walang-pagbabagong eskuwelahan na iyan.

Sino ang may gustong makilala ang Liwanag, ang Katotohanan, ang Daan, sino ang may gustong mapakinggan muli ang tinig ng Diyos na nagsasalita sa Kanyang sambayanan, gawin siyang lumapit sa Akin. Sinundan ninyo si Moses sa mga disyerto, Israel. Sundan Ako, sapagkat dadalhin Ko kayo sa isang mas malala pang disyerto, sa totoong pinagpalang Lupain. Sa utos ng Diyos, dadalhin Ko kayo roon, sa kabila ng isang bukás na dagat. Pagagalingin Ko kayo ng lahat ng mga kasamaan itinataas ang Aking Tanda.

Ang panahon ng Grasya ay dumating na. Ang mga Propeta ay hinintay ito at namatay nang naghihintay para dito. Ang mga Propeta ay hinulaan ito at namatay sa pag-asang iyan. Ang makatarungan ay pinangarap ito at namatay pinagiginhawahan ng pangarap na iyon. Iyan ay naririto na ngayon.

Halikayo. “Ang Panginoon ay malapit nang husgahan ang Kanyang sambayanan at kaawaan ang Kanyang mga lingkod”, katulad ng Kanyang ipinangako kay Moses.»

Ang mga taong nagsisiksikan sa paligid ni Jesus ay tumayong nakanganga ang mga bunganga nakikinig sa Kanya. Pagkatapos nagkukumentaryo sila tungkol sa mga salita ng bagong Rabbi at pinupupog nila ang Kanyang mga kasamahan ng mga katanungan.

Siya ay pumunta sa isa pang yarda, nakahiwalay sa isang ito sa pamamagitan ng isang balkonahe. Ang Kanyang mga kaibigan ay sinusundan Siya, at ang bisyon ay nagtatapos.

(285) 271109/012913/040413/040513

Sunod na kabanata.