530. Si Jesus at ang Puta na Pinadala Upang Tuksuhin Siya.

Nobyembre 21. 1946.

Ang mga tao tinitingnan bilang isang masa, mga taong tinitingnan nang indibidwal ay laging medyong parang bata at mailap, o sinauna man lamang, at kung gayon napaka sensitibo sa anuman na nagkakalasa ng pagiging bago, ng mahigit pa sa karaniwan, at lumilikha ng isang malugod na atmospera. Ang papalapit na mga solemnidad ay laging may kapangyarihan na mapasaya ang mga tao, na tila ang kapistahan ay nakakansela nito kung ano ang nagpapalungkot sa kanila at nagpapapagod. Sa unang paglapit ng isang kapistahan, ang lahat ay naapektuhan ng parang págsasayá, ng isang magaan na pagbubunyi, na tila ang paglapit ay katulad ng tiyempo ng pagpalo sa tambol ng mga taong-bundok sa kanilang ma-idolatrang mga kapistahan o sa kanilang mga ginagawa na parang pakikipagdigma.

Ang mga apostol din, sa napipintong paglapit ng Kapistahan ng mga Ilaw, ay nasa gayong kalagayan ng págsasayá. Madaldal at masayahin katulad nila, nagsisimula silang gumawa ng mga plano, maalaala ang nakaraang mga kapistahan, ang kaunting kalungkutan ay mapupuna sa kanilang pag-uusap, pagkatapos ang kapistahang atmospera ay mapapasaya silang muli inuudyukan silang maging aktibo, upang ang lahat ay sana maging maganda para sa kapistahan. Ang mga ilawan ba sa bahay ni Juan ay kakaunti lamang?  O! ang bahay ni Tomas sa Ramah ay punó nito! At si Tomas ay umalis para sa Ramah upang kunin ito. Ang langis ba ay kakaunti? O! si Eliza ay marami sa Bethzur at inaalay niya ito. At sina Andres at Juan ay pumunta sa Bethzur upang kunin ito. Ang banayad bang apoy ng brushwood ay kinakailangan upang ihurno ang mga keyk? Ang dalawang Santiago ay pumunta sa mga bundok upang mangolekta ng ilan. Wala bang sapat na panustos na harina, sebada at pulot para sa ritwal na mga ulam? At si Nike, na halos nasasaktan ang loob dahil hindi nila siya kailanman tinatanong ng kahit ano, siya ba ay wala sa Herusalem upang maibigay sa kanila ang ilan ng kanyang napaka kulay-gintong pulot, sebada at harina mula sa kanyang ari-ariang lupa? Kung kaya't sina Pedro at Simon ay pumunta kay Nike, habang si Judas ni Alfeo ay tinutulungan si Eliza na maadornohan ang bahay, at kahit na ang matandang si Bartolomeo ay nakikisali sa pagkalahatan na kasayahan at kay Felipe sa pagpapaputi ng mausok na kusina upang magawa itong mas magandang tingnan. Si Judas ng Kerioth ay inireserba para sa sarili ang paggawa ng mga dekorasyon at pauli-uli siya na may dala ng nangangamoy na mga sanga ng mga evergreen na may mga bunga at inaayos niya ito nang mabuti sa mga patungan at sa paligid ng paapuyan. At sa bispiras ng Kapistahan ang maliit na bahay ay tila nakahanda nang tanggapin ang isang nobya, katulad ng pagbabago sa tansong mga kagamitan sa pagluluto na ngayon napakakintab, sa mga lampara na ngayon kasing kinang ng araw, na ang berdeng mga sanga nakadekorasyon sa puting mga pader, habang ang amoy ng tinapay at mga keyk ay kumakalat sa ere na may amoy na ng sariwang mga sanga.

Si Jesus ay pinababayaan silang gawin ang ayon sa gusto nila. Siya ay tila napakalayo sa lahat, Siya ay lubos na nag-iisip, at malungkot. Siya ay tumutugon sa mga nagtatanong sa Kanya nang may sadyang papurihan para sa kanilang nagawa. At ang kanilang mga tanong ay nagawang posible para sa akin na mabuo kong muli ang nagawa ng mga disipulo. Sa katunayan sa pagtanong ng: «Ang akin bang idea na umuwi at kunin ang mga lampara di magandang idea?»; o: «Hindi ba mabuti ang ginawa namin ni Felipe na paputiin ang lahat? Ito ay malinis at kaaya-aya at mas malaking tingnan»; o: «Kita Ninyo, Guro? Si Eliza ay masaya. Siya ay tila sa kanyang bahay at tila nakabalik sa panahon noong nasa kanya ang kanyang mga anak. Siya ay umaawit ngayon nang naglalagay siya ng langis na galing sa kanya sa mga lampara at nang nagmamasa ng harina kasama ang kanyang pulot at hinahaluan ito ng gatas para sa sebada»; o «Masasabi ni Helkai ang gusto niya. Ngunit ang kaunting berde ay magandang tingnan. Pagkatapos man ng lahat!... Kung ang Tagapaglikha ay ginawa ang mga sanga, ang ibig sabihin kailangan na gamitin natin ito, tama ba iyon?» nagagawa nila akong mabuo kong muli ang nagawa ng bawat isa sa kanila. Ngunit kahit na kung tumutugon si Jesus sa gayong mga tanong na nagpapahiwatig ng isang mithiin na mapuri, ang Kanyang isip ay wala doon, katulad ng madaling makita ng isa.

Ang gabi ay dumating. Pagkatapos ng huling mga pagbati ng mga mamamayan na bago umuwi ay pumunta muna sa kusina upang magpaalam sa Guro, ang katahimikan ay naghari sa Nob. Ngayon ay sandali ng hapunan. Oras ng pagtulog ng mga bata at ng matatandang tao, na mga madaling manghina dala ng sakit o ng edad.

Maaaring isang kaugalian ang magbigay ng mga regalo sa Kapistahan ng mga Ilaw, sapagkat nang kaagad ang matandang si Juan ay umalis patungo sa kanyang maliit na silid malapit sa kusina, nakita ko si Eliza at ang mga apostol na inabala ang kanilang mga sarili, ang una tinatapos ang isang damit, ang huli binubuo ang kapaki-pakinabang na mga bagay na inukit sa kahoy, at ang isang tolda sa loob ng kaayusang parang lambat, na ginawa na may maliliit na lubid na kinulayan ng pula, berde, dilaw at indigo, isang espesyal na gawa ng mga mangingisda. Sina Tomas, Mateo, Bartolomeo at ang Zealot ay nanonood sa kanila.

«Naririto na ito. Natapos ko na» sabi ni Eliza nakatayo at pinapagpag ang kalag na mga sinulid sa damit.

«Mapapanatili siyang mainit, kaawa-awang matanda! Eh! kaming mga lalaki ay talagang kaawa-awang mga sawing-palad kung wala ang mga babae. Hindi ko alam kung ano ang kalalabasan namin kung wala kayo, pagkatapos na mapalayo sa bahay nang maraming buwan. Magagawa ko ito, ngunit kung kailangan kong manahi nang naka-akap ang damit!...» sabi ni Pedro hinihipo ang tela.

«Natapos mo ito nang mabilis din. Katulad mo ang aking asawa» sabi ni Bartolomeo.

«Nakatapos din ako. Ito ay magandang kahoy. Malambot na ukitan ngunit matibay din» sabi ni Judas Tadeo inilalapag sa maitim na mesa ang isang maliit na kahoy na kahon na gagamitin para sa asin o mga rekado.

«Ang sa akin sa halip ay hindi pa tapos. May isang matigas na ugat dito na mahirap ukitan Baka hindi ko matapos ito. Nalulungkot ako. Ang ganda nito ay nasa maitim na mga ugat sa maputing kahoy. Tingnan Mo, Jesus. Hindi ba’t nagmumukha silang katulad ng mga taluktok ng bundok na pinintura sa kahoy?» sabi ni Santiago ni Alfeo pinakikita ang katulad ng isang plorera, hindi ko alam kung para sa anong gamit ito pagkatapos, na totoong may magandang hugis, may isang korteng simboryo na takip at magandang naguhitan ng ugat sa pinaka tiyan at takip. Ang kahoy lamang ng takip malapit sa hawakan ang matigas ukitin.

«Mamilit, at makikita mo na magagawa iyan. Gawin mo ang iyong pang-ukit na bumaga. Kakain iyan sa hibla niyan at pagkatapos mauukitan mo. Kapag nasira na ang unang sapin...» tugon ni Jesus Na kanina pa nanonood.

«Ngunit hindi ba iyan masisira ng baga?» tanong ni Mateo.

«Hindi kung gagamitin iyan nang may galíng. Maging ano pa man, iyan o ito ang maitatapon.»

Si Santiago ay ginawang magbaga ang isang matalas na pambutas ng kahoy at idiniin ito sa matigas na parte. Nagkaroon ng amoy ng nasusunog na kahoy...

«Tama na iyan. Ukitan mo na iyan ngayon at magtatagumpay ka» sabi ni Jesus. At tinutulungan Niya ang Kanyang pinsan hinahawakan ang takip katulad ng isang gato.

Ang matalas na pambutas ay dumulas nang dalawang beses at nadaplisan ang mga daliri ni Jesus. «Alisin Mo ang Iyong kamay, Kapatid. Ayaw kong masaktan Kita...» sabi ni Santiago ni Alfeo. Ngunit si Jesus ay nagpatuloy sa paghawak sa plorera. Sa ikatlong beses ang matalas na pambutas ay nagawang dumugo ang hinlalaki ni Jesus.

«Ayan Ka na! Kita Mo? Nasaktan Mo ang Iyong sarili! Tingnan ko nga!»

«Wala ito. Dalawang patak ng dugo...» tugon ni Jesus pinipitik ang Kanyang daliri upang pumatak ang dugo. «Kailangan mo kung bagang patuyuin ang takip. May mantsa na iyan» Dagdag Niya pagkatapos.

«Hindi. Hayaan iyan diyan! Mamahálin iyan na ganyan. Punasan Ninyo ang Inyong daliri dito, Guro. Dito, sa aking belo. Ang Inyong dugo ay pinagpalang dugo» sabi ni Eliza binabalot ang kamay sa kanyang belo.

Ang takip, ang dahilan ng labis na problema, ay nagapi. Ang pag-ukit ay nagawa.

«Ginusto niyan na makagawa muna ng kapinsalaan» wika ng Zealot.

«Oo! Pagkatapos nakumbinsi iyan. Matigas-ang-ulo na kahoy!» sabi ni Tomas.

«Sa pamamagitan ng bakal, apoy at kirot. Ang tunog nito ay nakakatulad ang isa sa mga pangungusap na mahal-na-mahal ng mga Romano» wika ng Zealot.

«Nagpapaalaala iyan sa akin, hindi ko alam kung bakit, ng tungkol sa mga propeta sa ilang parte. Tayo ay matitigas-ang-ulo na kahoy din... at mangangailangan ba iyan ng bakal, apoy at kirot upang magawa tayong mabubuti?» tanong ni Bartolomeo.

«Talagang kakailanganin iyan. At ni iyan ay hindi pa rin sasapat. Ako ay nagtatrabaho ng bakal at ng Aking kalungkutan, ngunit hindi lahat na puso ang makakagaya sa kapirasong kahoy na iyan... Manahimik! May tao sa labas... May mga pagkaluskos ng mga paa...»

Sila ay nakikinig. Walang ingay ang naririnig.

«Iyon ay baka ang hangin, Guro. May mga tuyong dahon sa pangkusinang-hardin...»

«Hindi. Iyon ay mga yapak...»

«Isang gabing hayop. Wala akong marinig na kahit ano.»

«Ni ako, ni ako...»

Si Jesus ay nakikinig. Tila mayroon Siyang napapakinggan. Pagkatapos Siya ay tumingala at tinititigan si Judas ng Kerioth, na nakikinig din nang mabuti. Nang higit pa sa sino pa man. Tinititigan Niya siya nang mahigpit na si Judas ay nagtanong: «Bakit tinitingnan Ninyo ako nang ganyan, Guro?» Ngunit walang tugon sapagkat ang isang kamay ay kumatok sa pinto. Sa labing-apat na mga mukha na naliliwanagan ng lampara, tanging ang kay Jesus lamang ang nanatili na kung ano ito dati. Ang iba ay nagbago ang kulay.

«Buksan, buksan ang pinto, Judas ng Kerioth!»

«Hindi, hindi ako magbubukas! Baka masasamang tao iyan na sinadyang pumunta sa gabi. Huwag gawin na ako ito na baka makasakit sa Inyo!»

«Simon ni Jonas, buksan iyan, pakiusap.»

«Mahigit pa sa hindi kailanman! Sa kabaligtaran, ihaharang ko pa ang mesa sa pinto!» sabi ni Pedro at gagawin na sana niya iyon.

«Buksan, Juan, at huwag matakot.»

«O! Kung talagang gusto Ninyong papasukin ang mga tao, pupunta ako sa loob ng silid ng matanda. Ayaw kong makakita ng kahit ano» sabi ng Iskariote nilakad ng apat na malalaking hakbang ang distansiya sa pagitan niya at ng pinto ng silid ng matanda, patungo kung saan siya ay nawala.

Si Juan, nakatayo malapit sa pinto, na ang kanyang kamay nasa panara na, ay gumawa ng natatakot na sulyap kay Jesus at bumulong: «Panginoon!...»

«Buksan at huwag matakot.»

«Siyempre. Mangyari man ang lahat tayo ay labintatlong malalakas na lalaki. Iyan ay hindi maaaring isang sandatahang-lakas! Sa pamamagitan ng apat na dagok at ilang mga sigaw – Eliza, tiyakin na sisigaw ka kung kinakailangan – gagawin natin silang lumayas. Tayo ay wala sa disyerto!» sabi ni Santiago ni Zebedeo at hinubad niya ang kanyang manta at nililis pataas ang mga manggas ng kanyang tunika o kapa, handa na para kumilos. Si Pedro ay ginaya siya.

Si Juan, nag-aalinlangan pa, ay binuksan ang pinto, dumungaw siya sa labas. Wala siyang makitang kahit ano. Siya ay sumigaw: «Sino ang nanggagambala?»

Isang babae ang tumugon sa isang pigíl, naghihirap na tinig: «Isang babae. Gusto ko ang Guro .»

«Hindi ito ang oras upang pumunta sa mga bahay ng mga tao. kung ikaw ay may sakit, bakit ka nasa paligid sa ganitong oras? Kung ikaw ay isang ketongin, bakit ka nangangahas na pumasok sa isang nayon? Kung ikaw ay naghihirap ang kalooban, bumalik ka bukas. Lumayas ka at pakialaman mo ang iyong sarili» sabi ni Pedro na nakatayo sa likuran ni Juan.

«O! alang-alang sa awa! Ako ay nag-iisa sa kalsada. Ako ay giniginaw at nagugutom. Ako ay isang kaawa-awang sawing-palad. Tawagin ang Guro para sa akin. Siya ay maawain...»

Ang mga apostol ay tinitingnan si Jesus nang naguguluhan. Si Jesus ay mahigpit at tahimik. Isinara nila ang pinto.

«Ano ang ating gagawin, Guro? Bibigyan ba natin siya ng isang maliit na tinapay man lang? Walang lugar para sa kanya. Ang pumunta sa mga bahay ng mga tao na may kasamang di kilalang babae...» tanong ni Felipe.

«Maghintay. Pupunta ako at titingnan ko» sabi ni Bartolomeo at kinukuha niya ang lampara upang makakita.

«Hindi mo kailangan na pumunta. Ang babae ay hindi giniginaw o nagugutom, at alam na alam niya kung saan pupunta. Hindi siya natatakot ng gabi. Ngunit siya ay isang kaawa-awang sawing-palad, bagama't siya ay walang sakit o isang ketongin. Siya ay isang puta at naparito upang akitin Ako. Sinasabi Ko iyan sa inyo, upang sana malaman ninyo na nalalaman Ko, na sana makumbinsi kayo na alam Ko. At sinasabi Ko rin sa inyo na siya ay hindi pumunta rito gawa ng kanyang sariling kapritso; bagkus siya ay pumunta sapagkat siya ay binayaran na pumunta.» Si Jesus ay nagsalita sa malakas na tinig, upang Siya ay maaaring mapakinggan sa kabilang silid, kung saan naroroon si Judas.

«At sino ang gagawa niyan? At bakit?» sabi ng Iskariote nagpapakitang muli sa kusina. «Tiyak na hindi ang mga Pariseo, o ang mga eskriba, o ang mga pari, kung siya ay isang puta. Ni hindi ko maisip na ang mga Herodian ay napaka... matampuhin na mag-abala upang... hindi malaman ng aking sarili kung bakit.»

«Sasabihin Ko sa iyo kung bakit. Para masabi na Ako ay isang makasalanan, isang tao na may mga kaugnayan sa mga taong makasalanan. At nalalaman mo ring mabuti katulad ng nalalaman Ko na ito ay ganito. At sinasabi Ko rin sa iyo na hindi Ko siya sinusumpa o ang mga nagpadala sa kanya. Ako ay Awa pa rin at laging Awa. At pupuntahan Ko siya. Kung ibig mong  sumama sa Akin, halika. Pupuntahan Ko siya sapagkat siya ay totoong isang kaawa-awang sawing-palad. Nang sinabi niya na siya ay ganito, akala niya siya ay nagsisinungaling, sapagkat siya ay bata pa, maganda at binabayaran nang husto, siya ay malusog at nasisiyahan sa kanyang masamang pamumuhay. Ngunit siya ay taong miserable. Iyan lamang ang tanging katotohanan sa lahat ng kanyang mga kasinungalingan. Mauna ka sa Akin at tiyakin na naroroon ka sa aming pag-uusap.»

«Hindi, ayaw kong naroroon ako. Bakit kinakailangan ko?»

«Upang sumaksi sa mga magtatanong sa iyo.»

«At sino sa palagay Ninyo ang magtatanong sa akin? Walang tanong na kailangang itanong sa pagitan namin, at ng iba pa... Hindi ko mapupuntahan ang kahit sino.»

«Maging masunurin. Lakad na.»

«Hindi. Ayaw kong sundin Kayo, at hindi Ninyo ako mapipilit na lapitan ang isang puta.»

«Hoy! Ano ka? Ang Mataas na Pari? Pupunta ako, Guro, at nang hindi natatakot na baka mahawahan» sabi ni Pedro.

«Hindi. Pupunta Akong mag-isa. Buksan ang pinto.»

Si Jesus ay lumabas patungo sa pangkusinang-hardin. Sa dilim ng walang buwan na gabi hindi posibleng may makita ng kahit ano.

Ang pinto ng kusina ay nagbukas muli, at si Pedro ay lumabas na may dalang isang lampara. «Kunin man lang ito, Guro, kung talagang ayaw Ninyo sa akin» sabi niya sa malakas na tinig. At pagkatapos sa isang pigíl na tinig: «Alalahanin na kami ay nasa likuran ng pinto. Kung may pangangailangan, tumawag Kayo...»

«Oo. Lakad. At huwag kayong mag-away-away.»

Kinuha ni Jesus ang lampara at itinaas ito upang makakita. Sa likuran ng malaking puno ng nugales ay may pigura ng isang tao. Humakbang si Jesus nang dalawa patungo rito, nagsasabing: «Sundan Ako.» At siya ay lumakad at naupo sa isang batong upuan na inilagay sa tabi ng bahay, sa silangang tabi.

Ang babae ay lumalapit, siya ay natatakpan ng isang belo at nakayuko. Inilapag ni Jesus ang lampara sa bato, malapit sa Kanya. «Magsalita.» Ang Kanyang utos ay napaka bagsik at mahigpit, at Siya ay dibinong-dibino, na ang babae sa halip na lumapit at magsalita, ay napa-atras at yumuko pa nang lalo, nananatiling tahimik.

«Magsalita, sinasabi Ko sa iyo. Gusto mo Ako. Ako ay naparito. Magsalita» Nagsasalita Siya na may bahid ng kabaitan sa Kanyang tinig.

Katahimikan.

«Kung gayon Ako ay magsasalita. Tinatanong kita: bakit mo Ako kinapopootan nang labis hanggang sa paglingkuran ang mga may gusto ng Aking kasiraan at mithiin ito sa bawat pamamaraan, at mag-isip ng lahat ng posibleng dahilan para diyan? Sabihin sa Akin. Anong pagkakamali ang nagawa Ko sa iyo, o kaawa-awang sawing-palad na babae? Anong kapinsalaan ang tinanggap mo mula sa Tao Na ni hindi sa iyo nanlibak sa Kanyang puso para sa masamang pamumuhay na iyong ginagawa? Ano? Ikaw ba ay naparumi ng Tao Na ni sa loob ng Kanyang puso ay hindi ka Niya minithi, na kinapopootan mo Siya nang higit pa kaysa sa kinapopootan mo ang mga nagpasamâ sa iyo at nangungutya sa iyo sa tuwing pumupunta sila sa iyo? Tumugon ka sa Akin! Ano ang ginawa sa iyo ni Jesus ng Nazareth, si Jesus na anak ng tao, Na halos hindi mo nakikilala sa tingin, bilang nasalubong mo na Siya sa kalsada sa bayan, si Jesus na hindi nakakakilala sa iyong mukha at hindi nakikinig sa iyong mga pabor at hinahanap lamang ang maamoy na nasirang hitsura ng iyong kaluluwa, upang makilala ito at pagalingin ito? Magsalita!

Hindi mo ba nalalaman kung sino Ako? Oo, nakikilala mo Ako nang kaunti. Hindi, bagkus, dalawa lamang ang nalalaman mo. Nalalaman mo na Ako ay bata pa at na gusto mo ang Aking pagkatao. Ang iyong walang-pagpipigil na animalismo ay sinabi sa iyo iyan. At ang iyong dila ng isang lasing na babae ay sinabihan ang mga tumanggap ng pagtatapat ng iyong sensuwalidad at ginawa itong isang sandata upang sugatan Ako.  Nalalaman mo na Ako ay si Jesus ng Nazareth. Ikaw ay sinabihan kung sino Ako ng mga tao na sinasamantala ang iyong sensuwalidad ay binayaran kang pumunta rito upang akitin Ako. Sinabi nila sa iyo: “Sinasabi Niya na Siya ay ang Kristo. Ang mga pulutong ay nagsasabi na Siya ay ang Banal na Isa, ang Mesiyas. Siya ay walang iba bagkus isang impostor. Kailangan namin ang katibayan na Siya ay isang miserableng tao. Ibigay sa amin ang katibayan na iyan, at babalutin ka namin ng ginto”. At dahil ikaw, sa pamamagitan ng isang natirang katarungan, ang huling butil ng kayamanan ng katarungan na inilagay ng Diyos sa iyong katawan kasama ang iyong kaluluwa, at na iyong winasak at ikinalat,  ay ayaw na masaktan Ako, dahil minamahal mo Ako, sa iyong pamamaraan, sinabi nila sa iyo: “Hindi namin Siya sasaktan. Sa kabaligtaran! Isasauli namin ang tao sa iyo, binibigyan ka ng pamamaraan na magawa Siyang mabuhay bilang isang hari sa tabi mo. Sapat na para sa amin na makapagsabi sa aming mga sarili, upang magkaroon ng kapayapaan ang aming sariling mga konsiyensya, na Siya ay simpleng isang tao. Isang katibayan na kami ay tama sa hindi sa Kanya paniniwala na Siya ang Mesiyas”. Iyan ang sinabi nila sa iyo. At ikaw ay pumunta. Ngunit kung Ako ay pumayag sa iyong pang-aakit, ang impiyerno ay mapapasa Akin. Nakahanda silang takpan Ako ng dumi at hulihin Ako. At ikaw ang instrumento upang magawa ito.

Nakikita mo na hindi Ako nagtatanong sa iyo ng mga katanungan. Nagsasalita Ako sapagkat nalalaman Ko, nang hindi na kailangan na magtanong pa. Ngunit kung nalalaman mo ang dalawang bagay na iyon, hindi na nalalaman ang ikatlong bagay. Hindi mo nalalaman kung sino Ako,  bilang karagdagan sa pagiging isang tao at si Jesus. Nakikita mo ang tao. Ang ibang mga tao ay nagsasabi sa iyo: “Siya ay ang Nazareno”. Ngunit sasabihin Ko sa iyo kung sino Ako.  Ako ang Tagapagtubos. Upang makapagtubos ang isa ay kailangan na walang kasalanan. Tingnan kung papaano Ko tapakan ang Aking posibleng sensuwalidad bilang isang lalaki. Katulad ng Aking ginagawa sa nakasusuklam na higad na ito na sa loob ng kadiliman ay palipat-lipat sa mga tumpok ng dumi para sa kahiligan nito sa pagpapakasarap. Ganyan kung papaano Ko ito laging tinatapakan. Ganyan kung papaano Ko ito tapakan kahit na ngayon. At ganyan Ko rin gustong baklasin mula sa iyo ang sakit mo at tapakan ito, pinalalaya ka mula diyan upang magawa kang banal at malusog. Sapagkat Ako ang Tagapagtubos. Iyan lang. Kinuha Ko ang katawan ng tao upang iligtas ka, upang sirain ang kasalanan, hindi upang magkasala. Kinuha Ko iyon upang maalis ang iyong mga kasalanan, hindi upang magkasalang kasama ka. Kinuha Ko iyon upang mahalin ka, ngunit sa pamamagitan ng isang pagmamahal na nagbibigay ng buhay nito, ng dugo nito, ng salita nito, lahat, upang madala ka sa Langit, sa Katarungan, hindi upang mahalin ka bilang isang hayop. At ni hindi bilang isang tao, sapagkat Ako ay mahigit pa sa isang tao.

Nalalaman mo bang eksakto kung sino Ako? Hindi mo alam. Ni hindi mo nalalaman ang kahalagahan ng binabalak mong gawin. At pinatatawad kita para diyan, nang hindi ka na tinatanong tungkol diyan. Hindi mo nalalaman. Ngunit ang iyong pamumuhay bilang babaeng mababa ang lipad? Papaano ka nakapamumuhay nang ganyan? Hindi ka dating ganyan. Ikaw ay dating mabuti. O! kaawa-awang sawing-palad! Hindi mo ba naaalaala ang iyong kabataan. Hindi mo ba naaalaala ang mga halik ng iyong ina? Ang kanyang mga salita? At ang mga oras ng pagdarasal? Ang mga salita ng karunungan na napakinggan mong pinaliliwanag ng iyong ama sa gabi at ng lider ng sinagoga sa mga araw ng Sabbath? Sino ang nagpapurol sa iyo at sino ang nanlasing sa iyo? Hindi mo ba maalaala? Hindi mo ba ito kinalulungkot? Sabihin mo sa Akin! Totoo bang masaya ka? Hindi ka ba tumutugon? Magsasalita Ako sa katauhan mo at sasabihin Ko: hindi, hindi ka masaya. Kapag gumigising ka natatagpuan mo ang iyong kahihiyan sa unan mo binibigay sa iyo ang unang pang-araw-araw na dagok ng pahirap. At ang tinig ng iyong konsiyensya ay sinisigaw ang paninisi nito habang inaadornohan at pinababanguhan mo ang iyong sarili upang magmukhang maganda. At nakaaamoy ka nang di magandang sa pinakamamahaling mga esensiya. At isang nakakasukang lasa sa pambihirang mga pagkain, At ang iyong mga alahas ay kasing bigat ng isang kadena. At sila nga. At habang tumatawa ka at nanrarahuyo, may dumadaing sa loob. At nagpapakalasing ka upang malabanan ang kainipan at ang pagsusuka ng iyong buhay. At kinapopootan mo ang mga taong sinasabi mo na minamahal mo para ka kumita. At sinusumpa mo ang iyong sarili. At ang iyong tulog ay mabigat ng masasamang panaginip. At ang alaala ng iyong ina ay isang punyal sa iyong puso. At ang sumpa ng iyong ama ay hindi ka binibigyan ng kapayapaan. At pagkatapos nariyan ang mga insulto ng mga nasasalubong mo, ang kalupitan ng mga gumagamit sa iyo, laging walang-awa. Ikaw ay isang kalakal. Pinagbili mo ang iyong sarili. Ginagamit ng isa ang biniling mga kalakal ayon sa ibig niya. Ang isa ay pinupunit ang mga ito, inuubos ito, tinatapakan at dinuduraan ito. Iyon ay karapatan ng bumili. Hindi ka makapagrerebelde... At ang sitwasyon bang iyan ay nagagawa kang masaya? Hindi. Ikaw ay nawawalan ng pag-asa. Ikaw ay nakatanikala. Ikaw ay pinahihirapan. Sa lupa ikaw ay isang maruming basahan kung saan ang kahit sino ay makayayapak. Kung, sa ilang mga sandali ng kalungkutan, naghahanap ka ng kaginhawahan itinataas mo ang iyong espiritu sa Diyos, nararamdaman mo ang galit ng Diyos sa iyo, isang puta, at na ang Langit ay mas nakasarado sa iyo kaysa sa ito ay nakasarado noon kay Adan. Kung masama ang iyong pakiramdam, kinatatakutan mo ang kamatayan sapagkat nalalaman mo kung ano ang patutunguhan mo. Ang Kalaliman ay para sa iyo.

O! Miserableng babae! At iyan ba ay hindi pa sapat? Sa tanikala ng iyong kasalanan gusto mo bang idagdag din ang iyong pagiging ang kasiraan ng Anak ng tao? Niya Na nagmamahal sa iyo? Ang Tanging Isang nagmamahal sa iyo?

Sapagkat dinamitan Niya ang Kanyang Sarili ng laman para din sa iyong kaluluwa. Maililigtas kita, kung gugustuhin mo. Ang Kalaliman ng Maawaing Kabanalan ay yumuyuko sa kalaliman ng iyong kaabahan at naghihintay para sa iyong hiling na mailigtas upang mahango ka sa kalaliman ng iyong karumihan. Sa loob ng iyong puso akala mo imposible para sa Diyos na patawarin ka. Binabasi mo ang kaisipan na ito sa pagkumpara sa mundo na hindi sa iyo nagpapatawad sa pagiging isang puta. Ngunit ang Diyos ay hindi ang mundo. Ang Diyos ay Kabutihan. Ang Diyos ay kapatawaran. Ang Diyos ay Pag-ibig.

Pumunta ka sa Akin, bilang binayaran upang saktan Ako. Sasabihin Ko sa iyong totoo na ang Tagapaglikha, upang mailigtas ang isa sa Kanyang mga nilikha, ay gagawin na maging mabuti kung ano ang masama. At kung gugustuhin mo, ang iyong pagpunta sa Akin ay mababago sa pagiging mabuti. Huwag kang mahiya sa iyong Tagapagligtas. Huwag kang mahiya na ipakita mo sa Kanya ang iyong bukas na puso. Kahit na kung gusto mong itago ito, nakikita at iniiyakan Niya ito. Siya ay umiiyak, Siya ay nagmamahal. Huwag ikahiya ang pagsisisi.  Maging kasing tapang sa pagsisisi katulad na ikaw ay naging matapang sa pagkakasala. Hindi ikaw ang unang puta na umiyak sa paanan Ko at mádala Kong muli sa katarungan... Wala Akong tinanggihan na sinumang tao, kahit na kung gaano man siya nagkasala. Lagi Kong sinusubukan na makuha Ko ang mga nagkakasala at iligtas sila. Iyan ang Aking misyon. Hindi Ako natatakot ng kalagayan ng isang puso. Alam Ko si Satanas at ang kanyang mga ginagawa. Alam Ko ang mga tao at ang kanilang mga kahinaan. Alam Ko ang katayuan ng babae na nagbabayad, at nagbabayad nang makatarungan, para sa mga konsekwensiya ng kasalanan ni Eba nang mas mahigpit pa kaysa sa lalaki. Kung kaya't alam Ko kung papaano maghusga at kung papaano maawa. At sasabihin Ko sa iyo na Ako ay mas mahigpit sa mga gumagawa sa mga babae na bumagsak kaysa sa mga babae na bumabagsak. Sa kaso mo, o di-masayang babae, mas mahigpit Ako sa mga nagpadala sa iyo kaysa sa iyo na pumunta rito, na hindi nalalaman nang eksakto kung ano ito na isinusubo mo ang iyong sarili. Mas gugustuhin Ko pa na ikaw ay pumunta rito naudyukan ng kagustuhan na matubos, katulad ng iba mong mga kapatid na babae. Ngunit kung pinakikita mo ang hiling ng Diyos, at ginagawa mo ang isang masamang gawain na maging ang palatandaan ng iyong pagbabagong buhay, sasabihin Ko sa iyo ang salita ng kapayapaan...»

Si Jesus, Na mahigpit sa pagsimula at naging mabait pa nang mabait, nananatili pa rin na napaka... dibino na maipaliliban ang lahat na kahinaan ng mga pandama at ang bawat din na posibleng pagkakamali ng pagsukat ng Kanyang kabutihan, ay ngayon tahimik, nakatingin sa babae, na kanina pa nakatayo lagi, payuko pa nang payuko, mga dalawang metro ang layo mula sa Kanya, at na, sa kalagitnaan ng Kanyang talumpati ay nilagay ang kanyang mga kamay sa kanyang mukha dinidiin ang kanyang belo dito, dalawang magagandang kamay na litaw na litaw sa madilim na manta at puno ng mga singsing. Ang mga pulseras ay nasa mga pupulsuhan na walang takip hanggang sa mga siko.

Hindi ko masabi kung siya ay umiiyak o hindi. Kung siya ay umiiyak, ginagawa niya ito nang napakatahimik sapagkat wala akong marinig na kahit na anong hikbi o makitang kahit na anong galaw. Siya ay walang kagalaw-galaw sa kanyang madilim na mga damit na nagmumukha siyang isang estatuwa. Pagkatapos bigla na lamang siyang bumagsak sa kanyang mga tuhod at namaluktot sa lupa at pagkatapos siya ay totoong umiiyak nang walang pag-aalinlangan na maipakita ito. Pagkaraan, nakaratay sa lupa nalulungkot, nagsimula siyang magsalita:

«Totoo ito! Kayo ay totoo ngang isang propeta... Ang lahat ay totoo... Binayaran nila ako para dito... Ngunit sinabi nila sa akin na ito ay isang pustahan... Matatagpuan sana nila Kayo sa loob ng aking bahay... Ngunit malapit din sa Inyo...»

«Babae, pakikinggan Ko lamang ang kasaysayan ng iyong mga kasalanan...» sabi ni Jesus pinuputol siya.

«Iyan ay totoo. Wala akong karapatan na akusahan ang sinuman sapagkat ako ay isang tambak na dumi. Ang lahat ay totoo. Ako ay hindi masaya... Hindi ako nagiging masaya sa mga kayamanan, sa mga bangkete, sa mga pakikipagsiping... Napapahiya ako kapag naiisip ko ang aking ina... Natatakot ako sa Diyos at sa kamatayan... Kinapopootan ko ang mga lalaki ng nagbabayad sa akin. Ang lahat na sinabi Ninyo ay totoo. Ngunit huwag Ninyo akong palayasin, Panginoon. Walang sinuman, pagkatapos ng aking ina, ang kailanman nagsalita sa akin katulad ng Inyong ginawa. Hindi lamang, bagkus, nagsalita Kayo sa akin ng mas may kabaitan pa kaysa sa aking ina, na sa mga huling araw ay matigas sa akin dahil sa aking asal... Ako ay lumayas patungong Herusalem upang hindi na siya ulit mapakinggan... Ngunit Kayo... Gayunpaman ang Inyong kabaitan ay katulad ng niyebe sa apoy na tumutupok sa akin. Ang aking apoy ay namamatay na, ito ay ibang apoy. Ito ay dati nanununog, ngunit hindi nagbibigay ng liwanag at init. Ako ay kasing lamig ng yelo noon at ako ay nasa kadiliman. O! gaano ako naghirap dahil sa aking sariling kalooban! Gaanong walang-kabuluhan na isinumpang kapighatian ang nagawa ko sa aking sarili! Panginoon, sa pamamagitan ng kalahating-nakabukas na pinto sinabi ko sa Inyo na ako ay isang di masayang babae at magkaroon ng awa sa akin. Iyon ay ang mga kasinungalingan na itinuro nila sa akin na sabihin ko sa Inyo upang madala Kayo sa bitag. Sinabi nila sa akin na, pagkatapos, ang aking kagandahan ang gagawa ng iba pa… Ang aking kagandahan! Ang Aking mga damit…»

Ang babae ay tumayo. Ngayon na siya ay nakatayo nakikita ko na siya ay matangkad. Pinunit niya ang kanyang belo at manta at makikita sa kanyang tunay na kagandahan ng isang may kulay-kapeng buhok na babae na may napakaputing kutis. Ang kanyang mga mata, napalaki ng itim na katas ng uling, ay malalaki at magaganda at mayroon itong tingin ng namamanghang inosensiya, na pambihirang matagpuan sa klase ng babaeng ito. Baka nahugasan na ito ng mga luha. Pinupunit ng babae at tinatapakan ang tela ng kanyang manta sa lupa, inaalis ang kanyang mga singsing at mga pulseras, itinapon niya ang mga palamuti sa kanyang ulo, hinawakan niya ang mga kulot ng kanyang buhok na puno ng makikinang na pang-ipit at pinupunit at kinukusot ito upang sirain ang artipisyal na kagandahan sa bangis ng pagsasakripisyo na mas nakakatakot pa. Ang kanyang kuwintas, nabanat nang marahas, ay nakalas at bumagsak sa lupa at ang kanyang paa na may saplot ng sandalyas na batbat ng dekorasyon ay tinatapakan ang mga batong-hiyas dinudurog ang mga ito; ang kanyang mamahaling sinturon at ang isang pang-ipit na humahawak sa kanyang damit sa kanyang dibdib na may maarteng istilo, ay gayon din ang nangyari. At ang lahat na iyan ay nangyayari habang sa isang mababang tinig inuulit niya: «Alis! Isinumpang mga bagay. Alis! Ikaw at kung sino ang nagbigay niyan sa akin. Alis, aking kagandahan! Alis, aking buhok. Alis, aking kutis na kasing puti ng hasmin!»

Sa pamamagitan ng isang mabilis na kilos hinawakan niya ang isang matalas na bato na nakita niya sa lupa at pinupukpok niya ang kanyang mukha at bunganga hanggang dumugo ito at kinakalmot niya ang kanyang sarili sa pamamagitan ng kanyang kinulayan na  mga kuko. Ang dugo ay bumabagsak nang patak-patak mula sa kanyang mga sugat, ang kanyang hitsura ay namamaga sa mga pukpok... hanggang ang kanyang pagngangalit ay humupa at na humahangos, pagod, sira ang hitsura, magulo ang ayos, na may mga damit na punit at may mantsa ng dugo at lupa, tinapon niya ang kanyang sarili sa lupa sa paanan ni Jesus, umuungol: «At ngayon mapatatawad na Ninyo ako, kung nakikita Ninyo ang aking puso, sapagkat wala na ang aking nakaraan, wala na ng... Nanalo Kayo, Panginoon, laban sa Inyong mga kaaway at laban sa aking laman... Patawarin ang aking mga kasalanan...»

«Napatawad na kita nang Ako ay pumarito upang tagpuin ka. Tumayo at huwag nang magkasala muli.»

«Sabihin kung ano ang dapat kong gawin, upang sana gawin ko ito.»

«Umalis ka sa mga lugar ng iyong mga kasalanan, mula sa mga taong may alam kung sino ka. Ang iyong ina...»

«O! aking Panginoon! Hindi na niya ako tatanggapin pa. Kinapopootan niya ako sapagkat ang aking ama ay namatay dahil sa akin, sinusumpa ako.»

«Kung ang Diyos Na siyang Diyos ay tinatanggap ka, at tinatanggap ka Niya sapagkat Siya ay isang Ama, ang iyo bang ina ay hindi ka tatanggapin, dahil siya ang nagluwal sa iyo at isang babae katulad mo? Pumunta sa kanya nang may lahat na kababaang-loob. Umiyak sa kanyang mga paa katulad na umiiyak ka sa Aking paa. Magtapat nang ganap sa kanya katulad ng iyong ginawa sa Akin. Sabihin sa kanya ang iyong mga paghihirap. Makiusap para sa kanyang awa. Ang iyong ina ay maraming taon na na naghihintay para sa sandaling ito. Hinihintay niya iyan na sana siya ay mamatay sa kapayapaan. Tanggapin ang kanyang mga salita ng nagmamahal na paninisi katulad na tiniis mo ang Akin. Ako ay isang estranghero sa iyo, gayunpaman ikaw ay nakinig sa Akin. Siya ay iyong ina. Mas doble pa kung gayon ang iyong katungkulan na makinig sa kanya nang magalang.»

«Kayo ay ang Mesiyas. Kayo ay mas higit pa sa aking ina.»

«Ngayon sinasabi mo iyan. Ngunit nang pumunta ka upang akitin Ako hindi mo alam na Ako ang Mesiyas. Gayunpaman nakinig ka sa Aking mga salita.»

«Kayo ay ibang-iba sa mga lalaki... kung kaya't... Kayo ay banal, o Jesus ng Nazareth!»

«Ang iyong ina ay banal bilang isang ina at bilang isang nilikha. Sa pamamagitan ng kanyang mga panalangin nakatagpo ka ng awa sa Diyos. Ang isang ina ay laging banal! At gusto ng Diyos na siya ay maparangalan.»

«Napahiya ko siya. Ang buong nayon ay alam iyan.»

«Iyan ang isa pang rason kung bakit kailangan mong pumunta sa kanya at sabihin: “Inay, patawarin ninyo ako”. At iyan ay isa pang rason na ikonsagra mo ang iyong buhay sa kanya upang mabayaran siya para sa mga kirot na pinaghirap niya dahil sa iyo.»

«Gagawin ko iyan... Ngunit... Panginoon, huwag Ninyo akong papuntahin ulit sa Herusalem. Sila ay naghihintay para sa akin... at hindi ko alam kung malalabanan ko ang kanilang mga pananakot... Hayaan akong makapanatili rito hanggang pagsikat ng araw, at pagkatapos...»

«Maghintay nang sandali.»

Si Jesus ay tumayo, pumunta Siya sa pintuan ng kusina, Siya ay kumatok, at nagawa ang pinto na magbukas. Sinabi Niya: «Eliza, lumabas ka.»

Si Eliza ay sumunod. Si Jesus ay inakay siya patungo sa babae na nakakakita ng isa pang babae, na isa ring may-edad, ay lumapit sa kanya, gumagawa ng pagkilos na tila siya nahihiya, at sinisikap niyang takpan ang kanyang mukha at ang maharot na damit kasama kung ano ang natira sa kanyang punit na manta at belo.

«Makinig, Eliza. Iiwanan Ko kaagad ang bahay na ito. Sasabihin mo sa Aking mga disipulo na tagpuin Ako sa Herod’s Gate pagsikat ng araw. Lahat sila, maliban kay Judas na kailangan na sumama sa Akin. Dadalhin mo ang babaeng ito upang matulog kasama mo. Maaari mong gamitin ang aking higaan sapagkat hindi Ako babalik sa Nob nang matagal-tagal. Bukas, paggising ni Juan, ikaw at siya ay dadalhin ang babaeng ito kung saan niya sasabihin sa inyo. Bibigyan mo siya ng isang ordinaryong damit at isa ng iyong mga manta. At tutulungan mo siya sa lahat na bagay.»

«Oo, Panginoon. Gagawin ko ang ibig Ninyo. Nalulungkot ako para kay Juan...»

«Nalulungkot din Ako. Gusto Ko siyang gawin na masaya, ngunit ang kapootan ng mga tao ay napipigilan ang Anak ng tao na makapagkaloob ng isang oras ng lugod sa isang makatarungan na tao...»

«At pagkatapos, Panginoon?»

«Pagkatapos? Makababalik ka na sa Bethzur at maghintay... Paalam, Eliza. Harinawang ang Aking pagpapalà at ang Aking kapayapaan ay mapasaiyo. Paalam, babae. Ipinagkakatiwala kita sa isang ina at sa isang makatarungan na lalaki. Ngunit kung sa palagay mo kailangan mong bumalik upang kunin kung ano ang pag-aari mo...»

«Hindi. Ayaw kong magkaroon ng kahit ano ng nakaraan.»

«Aking mahal na babae, hindi mo maiiwanan ang lahat nang ganyan na lamang. Wala ka bang katulong o mga kamag-anak?» tanong ni Eliza.

«Mayroon lang akong isang katulong na babae... at...»

«Kakailanganin mong pakawalan siya, kakailanganin mong...»

«Nakikiusap ako na gawin mo ito, pagbalik mo. Tulungan akong makapanumbalik nang ganap, babae.» Mayroong tunay na paghihirap sa kanyang tinig.

«Oo, aking anak, gagawin ko. Huwag malungkot. Titingnan natin ang lahat bukas. Ngayon sumama sa akin sa itaas» at si Eliza ay inakay siya at pinasunod siya sa itaas, patungo sa isa sa dalawang maliliit na silid.

Siya pagkatapos ay bumaba nang mabilis, at nagsabi: «Sa aking palagay mas mabuti kung silang lahat ay makikita Kayo na wala siya, Panginoon. Ni hindi nila kailangan na malaman kung nasaan siya. Ang mga alahas na ito...» Yumuko siya upang pulutin ang mga singsing at mga pulseras, mga hibilya at mga pang-ipit sa buhok at sinturon at kasing dami ng mga abaloryo ng sirang kuwintas hangga't magagawa niya. «Ano ang ating gagawin nito?» tanong niya.

«Sumama ka sa Akin. Tama ka. Mas mabuti na kung makikita nila Ako.»

Lumakad sila patungo sa kusina. Lahat sila ay tumingin kay Jesus nang mapagtanong. Ang matandang lalaki rin ay bumangon, baka nagising ng isang pagtatalo.

«Eliza, ibigay mo ang mamahaling mga bagay na iyan kay Tomas. At bukas, Tomas, ipagbibili mo iyan sa ilang platero ng ginto. May paggagamitan niyan para sa mahihirap. Oo, iyan ay mga alahas ng isang babae, ng babaeng iyon. At iyan ang kasagutan sa mga nag-iisip na ang laman ng tao ay makapang-aakit sa Anak ng tao at mailayo Siya mula sa Kanyang misyon. At iyan ay isang payo rin sa mga napopoot sa Akin, na ang bawat patagong pamamaraan upang makakita ng mga kapintasan na maiaakusa sa Akin ay walang silbi. Juan, sasabihin sa iyo ni Eliza kung ano ang dapat mong gawin. Pinagpapala kita...»

«Iniiwan ba Ninyo ako, Panginoon?» Ang matandang lalaki ay nalulungkot.

«Kailangan Kong gawin. Paalam. Ang kapayapaan ay mapasaiyo.» Kinakausap Niya ang mga apostol: «Lumakad ang magpahinga. Lahat maliban kay Judas, na sasama sa Akin.»

«Saan? Gabi na» pagtutol ni Judas.

«Upang magdasal. Hindi iyan makasasama sa iyo. O ikaw ba ay natatakot ng hangin sa gabi, kung masisinghot mo ito na kasama Ako?»

Si Judas ay iniyuko ang kanyang ulo kinukuha ang kanyang manta nang masama ang loob, habang kinukuha ni Jesus ang Kanya.

«Bukas sa pagsikat ng araw sa Herod’s Gate. Tayo ay pupunta sa Templo at...»

«Hindi!» Ang “hindi” ay galing sa lahat. Ang kay Judas ang pinakamalakas.

«Tayo ay pupunta sa Templo. Hindi ba’t sinabi mo na nakumbinsi mo na sila na pabayaan Ako sa kapayapaan?»

«Iyan ay totoo.»

«Kung gayon tayo ay pupunta sa Templo. Halika» at Siya ay umalis upang lumabas.

«At iyan ang katapusan ng kapistahan na ating naihanda...» sabi ni Pedro nang may buntung-hininga.

«Kailangan na sabihin mo na iyon ay natapos bago makapagsimula» tugon ni Santiago.

Si Jesus ay nasa pamasukan na ng bukas na pintuan. Siya ay tumalikod at pinagpapala sila, pagkatapos Siya ay nawala patungo sa kadiliman ng gabi.

Sa kusina silang lahat ay hindi makapagsalita. Sa huli si Mateo ay tinanong si Eliza: «Ngunit ano ang nangyari, pagkatapos ng lahat?»

«Hindi ko alam. Mayroong isang babae na umiiyak. At sinabi Niya sa akin kung ano ang Kanya ring sinabi sa inyo. Kung sino siya, saan nanggaling at kung bakit siya pumunta rito, hindi ko alam...»

«Bueno. Tayo na...» At lahat sila umalis, maliban kay Mateo at kay Bartolomeo na natulog sa bahay.

171211

 

 


Sunod na kabanata