531. Si Jesus at si Judas ng Kerioth Patungong Herusalem.

Nobyembre 25 1946.

Ang orisonte ay luminis pagsikat ng araw. Ang taniman ng mga punong-olibo na nagtatakip sa bundok ay lumiwanag nang dahan-dahan lumilitaw mula sa anino, at ang mga katawan ng mga puno, nasa loob ng lilim pa rin, ay tila wala habang ang malaplatang kadahunan ay nakikita. Ang ulap ay tila nakakalat sa bundok, ngunit ito ay ang pagiging abong kulay ng madadahon na mga sanga sa alanganing liwanag ng umaga.

Si Jesus ay nag-iisa sa ilalim ng mga punong-olibo. Ngunit ito ay hindi Gethsemane. Sapagkat ang Gethsemane ay paayon, sabihin na natin, sa Moriah, samantalang ang Moriah dito ay nasa harapan ng lootan ng mga olibo. Kung gayon kami ay hilaga ng Herusalem, sa ibayo ng mga libingan ng mga hari. Si Jesus ay nagdarasal pa rin at hindi Siya tumitigil kahit na kung ang unang mga pagsiyap ng mga ibon ay sinasabi sa Kanya na umaga na. Tanging nang ang unang mga sinag ng tumaas na araw ay naliwanagan ang isang ginintuang lugar ng magpahanggang ngayon madilim na ginto ng mga simboryo ng Templo, Siya tumayo, inalis at pinapagpag ang bakas ng lupa sa Kanyang manta at ang ilang tuyong mga dahon na nakakapit sa mabigat na tela, hinahaplos ng Kanyang isang kamay ang Kanyang balbas at buhok, nililinis Niya ang Kanyang tunika at sinturon, tinitingnan ang mga istrap ng Kanyang mga sandalyas, isinusuot ang Kanyang manta at lumakad Siya pababa ng bundok sa tabi ng isang maliit na landas na halos hindi makita sa pagitan ng mga katawan ng mga punungkahoy. Baka ang Kanyang mga hakbang ay pinapupunta Niya sa maliit na bahay na iyon, sa kalahatian ng daan pababa sa dalisdis, na mula sa tsiminea nito ay may tumataas na usok. Hindi. Gumagawa Siya ng pag-iwas patungo sa isa pang mas malapad na landas na bumababa patungo sa pinakadaan na magdadala sa isa sa bayan.

Si Judas ng Kerioth ay nagmamadali pababa sa bundok sa likuran Niya. Sinasabi ko na siya ay nagmamadali sapagkat tumatakbo siyang katulad ng isang baliw upang makasama ang Guro. At nang siya ay maaari nang marinig, tinawag niya Siya. Si Jesus ay tumigil. Si Judas ay inabutan Siya humahangos: «Guro... mabuti na lang naisip ko na hanapin ko Kayo! Kayo ba ay umaalis nang ganyan, nang wala ako? Kagabi sinabi Ninyo sa akin na maghintay ako sa Inyo sa bahay, dahil Kayo ay tiyak na darating. Sa halip...»

«Hindi ba’t sinabi Ko sa lahat na maghihintay Ako para sa inyo sa Herod’s Gate pagsikat ng araw? Ngayon ay pagsikat ng araw. At Ako ay patungo sa Herod’s Gate.»

«Oo, ngunit... iyan ay para sa iba. Kayo at ako ay magkasama.»

«Magkasama?» si Jesus ay seryosong-seryoso.

«Siyempre, Guro. Tayo ay umalis nang magkasama. Ginusto Ninyo iyon. Pagkatapos mas ginusto Ninyong lumakad at magdasal nang Kayo lamang. Ngunit pumapayag akong sumama sa Inyo.»

«Sa Nob nilinaw mo na hindi naaayon sa iyo na palampasin ang gabi nang nagdarasal kasama ang iyong Guro. At pinagpaliban Ko sa iyo ang isang sapilitan na pagkilos ng birtud. Iyon ay magiging wala sanang kabuluhan. Ang mabubuting gawain ay kailangan na gawin nang kusa upang sila ay sana maging mabango at maaaring magbunga. Kung hindi sila ay isang palabas lamang... at kung minsan mas malala pa kaysa sa isang palabas.» lamang.

«Ngunit ako... Bakit Kayo naging napakahigpit kamakailan sa akin? Hindi na ba Ninyo ako minamahal?»

«Mas lalo pa nga kung kaya't matatanong kita: Hindi mo ba Ako minamahal? Ngunit hindi kita tatanungin. Sapagkat kahit na ang tanong na iyan ay magiging walang silbing tanong at hindi Ako kailanman gumagawa ng mga walang-silbing bagay.»

«Siyempre! Dahil alam na alam Ninyo na minamahal ko Kayo!»

«Sana alam Ko, Judas ng Kerioth. At sana masasabi Ko sa iyo: alam Ko na minamahal mo Ako. Ngunit dahil sa hindi Ako kailanman gumagawa ng mga walang-silbing bagay, kung kaya't hindi Ako kailanman nagsasalita ng mga kabulaanan. Kung kaya't hindi Ko sasabihin sa iyo na nalalaman Ko na minamahal mo Ako.»

«Ngunit bakit, Guro! Hindi ko ba Kayo minamahal? Hindi ba’t ako ay nagtatrabaho para sa Inyo? Mapagdududahan ba Ninyo ito?  Iyan ay nagpapalungkot sa akin. Sapagkat kaagad na mapuna ko na may nagpapalungkot sa Inyo, iniiwasan kong gawin iyon at tinitiyak ko na iyon ay hindi nagagawa! Tingnan: naintindihan ko na ayaw Ninyo... ang aking paglabas sa gabi. At hindi ako ulit lumalabas. Napuna ko na ang pakikipagtalo ng Inyong mga kaaway ay napapagod Kayo nang labis. Kung kaya't ako ay lumakad – at ako ay hindi napaliban sa mga insulto – at sinabihan sila na itigil iyon, at nalalaman Ninyo na Kayo ay hindi na ulit pinoproblema. At umaasa ako na Kayo ay ni hindi rin bibigyan ng problema sa Templo. Hindi Kayo makatarungan, Guro, sa Inyong abang si Judas!»

«Ikaw ang una sa lahat ng Aking mga disipulo na punahin sa Akin ang tungkol sa pagiging di-makatarungan...»

«O! patawarin Ninyo ako! Ngunit ang Inyong mga salita, ang Inyong kahigpitan ay nagpapalungkot sa akin nang labis na hindi na ako makapag-isip ng mga bagay. Ginagawa akong baliw ng mga ito, maniwala sa akin. Bueno, ang aking kapayapaan, ating gawin ito sa pagitan natin. Ibig kong makasama Ninyo na tila ako ay kaisa Ninyo. Laging magkasama...»

«Minsan tayo ay ganyan. Ngunit ngayon sabihin sa Akin, Judas: kailan tayo ganyan ngayon?»

«Dahil sa gabing iyon pa rin? O dahil hindi ako sumama sa Inyo sa Bethabara? Ngunit nalalaman Ninyo kung bakit hindi ako sumama. Para sa Inyong kabutihan... At ang tungkol sa gabing iyon... Ako ay isang bata pa, Panginoon! Ngunit maliban sa mga sandaling iyon, tinatanggap ko ito, baka nakagawa ako ng pagkakamali, hindi bagkus tiyak na nakagawa ako ng mali, ako ay laging malapit sa Inyo.»

«Hindi Ako nagsasalita ng tungkol sa pisikal na pagkakalapit, bagkus ang espirituwal na pagkakalapit, ang pagkakalapit ng mga isip at mga puso. Ikaw ay malayo, Judas, sa iyong Tagapagligtas, at papalayo ka pa nang papalayo.»

«Ayan na Kayo! Ang lahat na paninita ay para sa akin! Gayunpaman nakikita Ninyo kung gaano mapagpakumbaba kong tinatanggap ang mga ito. Sinabi ko sa Inyo: “Palayasin Ninyo ako”. Ngunit pinanatili Ninyo ako... kung gayon ano ang gusto Ninyo sa akin?»

«Ano ang Aking gusto!! Ayaw Kong ang Aking pagiging Nagkatawang-tao ay maging walang magagawa para sa iyo.  Iyan ang Aking gugustuhin! Ngunit sa ngayon pag-aari ka ng isang ibang ama, ng isang ibang bayan, nagsasalita ka ng ibang wika... O! Ano ang Aking dapat gawin, Ama, upang malinis ang nalapastangang templo ng anak na ito Ninyo at Aking kapatid?» Si Jesus, Na maputlang-maputla, ay umiiyak nagsasalita sa Kanyang Ama.

Si Judas ay namutla rin, at tumabi siya nang kaunti, sa katahimikan. Si Jesus ay inunahan siya sa pamamagitan ng kaunting mga hakbang, bumababa sa burol, ang Kanyang ulo nakatungo, sarado sa Kanyang kalungkutan. Si Judas pagkatapos ay kumilos nang nanunuya, ng pananakot, sasabihin ko na katulad ng isang malupit na sumpa sa likuran ng Inosenteng Isa. Ang kanyang mukha, magpahanggang ngayon natatakpan ng isang pagkukunwaring sinag ng kabaitan at kababaang-loob, ay naging buto’t balat, matigas, pangit, malupit: talagang maladimonyo. Ang lahat na kapootan, ngunit hindi isang pantaong kapootan, ay nasa apoy ng kanyang maiitim na mata, at ang umaapoy na kapootan na iyon ay nakatalaga sa mataas na katauhan ni Jesus. Pagkatapos kinikibit ang kanyang mga balikat at isinisipa nang galit ang kanyang paa, tinapos ni Judas ang kanyang nasa-loob na pangangatwiran.

Ang mga pader ng bayan ay ngayon malapit na. Ang mga tao ay nagsisiksikan sa mga geyt: mga estranghero, mga hardinero ng mga gulay, mga tao mula sa kalapit na mga nayon. Sa pagitan nila, malapit sa mga pader, ay ang labing-isang mga apostol na kumilos upang salubungin ang Guro nang Siya ay kaagad na nakita nila.

«Guro, habang kami ay naghihintay rito, may isang lalaki na dumating naghahanap para sa inyo. Sinabi niya na si Valeria ay nakikiusap sa Inyo na pumunta Kayo sa sinagoga ng napalayang mga alipin ng Roma; na tiyakin na pupunta Kayo sapagkat siya ay pupunta roon.»

«Sige. Tayo ay pupunta. Pumunta muna tayo kay Jose ng Sephoris, sapagkat ang Aking manta ay hindi malinis.»

«Saan Kayo natulog, Panginoon?» tanong ni Pedro.

«Wala, Pedro. Nagdasal Ako sa bundok. Ang lupa ay basa at maputik, katulad ng nakikita mo.»

«Bakit magdasal sa labas sa bukas na lugar, Panginoon? Baka mápasamâ ang Inyong kalusugan...»

«Ang mga elemento ay hindi namiminsala sa Anak ng tao. Ang mga bagay ng Diyos ay mabubuti... Ang mga tao ang napopoot sa Tao.»

Si Pedro ay nagbuntung-hininga... Sila ay umalis patungo sa bahay ng Galilean, sinusundan ng iba pa...

181211

 

 


Sunod na kabanata