533. Ang mga Kaaway Ni Judas ng Kerioth at ni Jesus.

Disyembre 2, 1946.

Hindi ko nakikita si Jesus, o si Pedro, o si Judas ni Alfeo, o si Tomas. Ngunit nakikita ko ang siyam na iba pa naglalakad patungo sa arabal ng Ophel.

Ang mga tao sa mga kalsada ay hindi katulad ng malalaking pulutong sa mga Kapistahan ng Paskuwa, Pentekostes at ng mga Tabernakulo; ito ay karamihan mga taga-bayan. Ito ay lumalabas na ang Kapistahan ng mga Ilaw ay hindi isang mahalagang kapistahan at ang mga Hebreo ay hindi inuobliga na mapunta sa Herusalem. Tanging ang mga nagkataon na nasa bayan lamang, o ang mga tao ng mga nayon malapit sa Herusalem, ang pumunta sa bayan at umakyat sa Templo. Ang iba pa, kapwa dahil sa panahon at sa kaibahan ng kapistahan, ay nananatili sa bahay sa kanilang mga bayan.

Ngunit maraming mga disipulo sa Herusalem: ang mga tao na, dala ng pagmamahal para sa kanilang Panginoon, ay iniwan ang bahay at mga kamag-anak, negosyo at gawain, at sumama sa mga apostol. Ngunit hindi ko nakikita si Isaac, o si Abel, o si Felipe, o si Nicolaus, na umalis upang dalhin si Sabea sa Aera. Sila ay nag-uusap-usap nang mapagkaibiganin, nagkukuwento at nakikinig sa lahat na mga pangyayari habang sila ay magkakahiwalay. Maiisip ko na nakita na nila ang Guro, baka sa Templo, sapagkat sila ay hindi nasusorpresa tungkol sa Kanyang pagkawala. Sila ay naglalakad nang dahan-dahan, tumitigil paminsan-minsan, na tila may hinihintay silang tao, tumitingin sa unahan at sa likuran, sa mga kalsada na bumababa mula sa Sion patungo sa isang kalsadang ito, na magdadala sa isa sa mga geyt sa bandang timog ng bayan.

Ang Iskariote, na halos nasa likuran at nagsasalita sa isang maliit na grupo ng mga disipulo na puno ng mabuting kalooban ngunit nagkukulang sa kaalaman, ay dalawang beses na tinawag sa pangalan ng ilang mga Judaean, na sumusunod sa grupo nang hindi humahalo dito, hindi ko alam kung anong mga intensiyon o balak ang mayroon sila. At dalawang beses na ikinibit ng Iskariote ang kanyang mga balikat nang hindi man lamang tumatalikod. Ngunit sa ikatlong beses napilitan siyang gawin ito, sapagkat ang isa sa mga Judaean ay humiwalay sa kanyang grupo, ipinipilit na makaraan sa pagitan ng grupo ng mga disipulo, hinawakan si Judas sa manggas. at pinilit siyang tumigil nagsasabing: «Halika rito nang isang sandali, kailangan namin na magsalita sa iyo.»

«Wala akong panahon at hindi ko magagawa» tugon ng Iskariote nang may pasya.

«Makakalakad ka. Maghihintay kami para sa iyo. Maging ano pa man hindi kami makakaalis sa bayan hanggang wala pa si Tomas» sabi ni Andres, na siyang pinakamalapit kay Judas.

«Sige, mauna na kayo, pupunta ako kaagad» sabi ni Judas na lumalabas na hindi talaga gustong gawin kung ano ang kailangan na niyang gawin.

Nang siya ay nag-iisa na, sinabi niya sa nangungulit na lalaki: «Kung gayon? Ano ang kailangan mo? Ano ang kailangan ninyong lahat? Hindi pa ba kayo nakatapos sa paggambala sa akin?»

«O! anong pagmamalaki ang inihaharap mo! Ngunit kapag nagpapatawag kami para sa iyo upang bigyan ka ng pera, hindi mo sinasabi na ginagambala ka namin! Mapagmataas ka, lalaki! Ngunit may isang magpapahiya sa iyo... Itanim iyan sa isip.»

«Ako ay isang malayang tao at...»

«Hindi. Hindi ka malaya. Siya ang malaya na hindi namin maalipin kahit na papaano. At alam mo ang Kanyang pangalan. Ikaw!... Ikaw ay isang alipin sa lahat na bagay at na lahat na tao, at una sa lahat sa iyong pagmamalaki. Sa maikling pananalita. Ilagay sa isip na hindi ka pupunta sa bahay ni Caiaphas bago ang ikaanim na oras, magkakaroon ka ng problema!»  Isang tunay na pagbabanta ng problema.

«O! sige! Pupunta ako. Ngunit mas mabuti pang pabayaan ninyo akong mag-isa kung gusto ninyong...»

«Ano? Ikaw na manunuba... isang mabuti para sa wala...»

Si Judas ay pinakawalan ang sarili tinutulak ang lalaki na pumipigil sa kanya, at siya ay tumakbo nagsasabing: «Sasabihin ko sa inyo kapag naroroon na ako roon.»

Sinamahan niya ang kanyang grupo. Siya ay nag-iisip at medyo mahigpit. Si Andres ay tinanong siya nang may kabaitan: «Masamang balita? Hindi, eh? Baka ang iyong ina...»

Si Judas, na sa una ay tumingin sa kanya nang nagdududa, handang-handa sumagot nang matalas, ay naging mas makatao, at nagsabi: «Oo. Hindi napakaganda... Alam mo na... ang panahon... Ngayon...ngayon ko lamang naalaala ang isang utos ng Guro. Kung ako ay hindi pinatigil ng taong iyon, baka nakalimutan ko ito... Ngunit binanggit niya ang lugar kung saan siya nakatira at ang pangalan na iyon ay nagpaalaala sa akin ng pinagagawa sa akin. Ngayon kung gagawin ko iyon, tatawagan ko rin ang lalaking iyon at magkakaroon ako ng mas maraming detalye...»

Si Andres, napaka simple at matapat katulad niya, ay malayong magsuspetsa na ang kanyang kasamahan ay nagsisinungaling. At sinabi niya nang may kabaitan: «Bueno lakad, lakad kaagad. Lakad at alisin mo ang nagpapaalala sa iyo...»

«Hindi. Kailangan kong maghintay para kay Tomas, dahil sa pera. Isang sandali na lang o saka na...»

Ang iba, na mga tumigil naghihintay sa kanila, ay tinitingnan sila lumalapit.

«Si Judas ay nakatanggap ng malungkot na balita» sabi ni Andres nang maalalahanin.

«Oo... may kalabuan lamang. Ngunit may malalaman pa akong iba kapag lumakad ko upang gawin ang kailangan kong gawin...»

«Ano?» tanong ni Bartolomeo.

«Ayon si Tomas dumarating» sabing sabay ni Juan. At iyon ay sinamantala ni Judas upang hindi tumugon.

«Napaghintay ko ba kayo nang matagal? Ang katotohanan ay gusto kong magawa ang trabaho nang maayos... At nagawa ko. Tingnan kung anong gandang lukbutan. Napakaganda para sa mahihirap. Ang Guro ay masisiyahan.»

«Kailangan natin iyan. Wala na tayo kahit isang sentimos para sa mga pulubi» sabi ni Santiago ni Alfeo.

«Ibigay mo iyan sa akin» sabi ng Iskariote inaabot ng kanyang kamay ang mabigat na lukbutan na iniitsa-itsa at sinasalú-saló ni Tomas sa kanyang mga kamay.

«Sa katunayan... ipinagkatiwala ni Jesus sa akin ang gawain ng pagbenta at kailangan kong ibigay sa Kanya ang napagbilhan.»

«Sasabihin mo sa Kanya kung magkano ang nakuha mo. Ngayon ibigay mo iyan sa akin, dahil nagmamadali akong makaalis.»

«Hindi, hindi ko ito ibibigay sa iyo! Nang tayo ay dumaraan sa palengke ng Sixtus sinabi sa akin ni Jesus: “Pagkatapos ibibigay mo ang pera sa Akin”. At iyan ang aking gagawin.»

«Ano ang ikinatatakot mo? Na baka bawasan ko iyan o na mapagkakaitan kita ng merito ng pagbenta? Nagbenta rin ako sa Jericho at iyon ay maganda. Sa loob ng maraming taon ako ang nananagot para sa pera. Iyan ay aking karapatan.»

«O! makinig! Kung ibig mong makipag-away tungkol diyan, kunin ito. Ginawa ko na ang aking katungkulan at hindi ako interesado sa iba pa. Narito ito, kunin iyan. Napakaraming bagay pa ang mas magaganda kaysa diyan!...» at si Tomas ay iniabot ang lukbutan kay Judas.

«Talaga, ngunit kung sinabi ng Guro...» sabi ni Felipe.

«Huwag tayong magpaliguy-ligoy! Mas mabuti pang lumakad na tayo, ngayon na tayo ay magkakasama na. Ang Guro ay sinabi sa atin na tayo ay dapat nasa Bethany bago ang ikaanim na oras. Mahihirapan na tayong makarating sa oras» sabi ni Santiago ni Zebedeo.

«Iiwanan ko kayo, kung gayon. Lakad, sapagkat ako ay aalis at babalik kaagad.»

«Hindi! Sinabi Niya nang maliwanag: “Manatiling magkakasama”» sabi ni Mateo.

«Kayo ay dapat na manatiling magkakasama. Ngunit kailangan kong umalis na. Lalo na ngayon na napakinggan ko ang tungkol sa aking ina!...»

«Ang Kanyang mga salita ay maaari ding ipakahulugan na ganyan. Kung siya ay tumanggap ng mga tagubilin na wala tayong nalalaman...» sabi ni Juan nang may pakikipagkasundo.

Ang iba pa, maliban kay Andres at Tomas, ay parang ayaw siyang paalisin. Sa huli sinabi nila: «Bueno, lakad. Ngunit maging mabilis at mahinahon...»

At si Judas ay tumakbo sa tabi ng isang makipot na kalsada patungo sa burol ng Zion, habang ang iba pa ay lumakad na muli.

«Gayunpaman, ito ay hindi makatarungan. Hindi natin nagawa ang tamang bagay. Ang Guro ay nagsabi: “Maging laging magkakasama at maging mabuti”. Hindi natin Siya nasunod. Ako ay nababalisa» sabi ni Simon Zealot pagkaraan ng ilang mga sandali.

«Naisip ko rin iyan...» tugon ni Mateo.

Ang mga apostol ay lahat nasa isang grupo dahil kinakailangan nilang pag-usapan ang kanilang gagawin. Napuna ko na ang mga disipulo ay laging tumatabi nang magalang sa tuwing ang mga apostol ay nag-iipun-ipon upang mag-usap-usap.

Si Bartolomeo ay nagsabi: «Ating gawin ito. Ating pauwiin na ngayon ang mga ito na sumusunod sa atin, nang hindi na tayo naghihintay na makarating pa sa daan ng Bethany. Pagkatapos maghahati tayo sa dalawang grupo at maghihintay tayo para kay Judas, ang isang grupo sa mas mababang daan, ang isa pa sa mas mataas. Ang mga naglalakad nang mas mabilis, sa mas mababang daan, ang iba sa mas mataas. Kung ang Guro ay mauuna sa atin, makikita Niya tayo na dumarating na magkakasama, sapagkat ang isang grupo ay maghihintay sa isa pang grupo sa labas ng Bethany.»

Lahat sila ay pumayag. Pinauwi na nila ang mga disipulo. Pagkatapos naglakad silang magkakasama hanggang sa layo ng isang lugar kung saan ang isa ay makaliliko patungo sa Gethsemane kinukuha ang mas mataas na daan sa Mount of Olives, o maglakad sa tabi ng Kidron, kinukuha ang mas mababang daan na patungo rin sa Bethany at Jericho...

--------------------

Si Judas pansamantala ay takbo nang takbo na tila siya ay hinahabol. Siya ay nagpapatuloy nang matagal-tagal upang makaakyat sa kalsada na magdadala sa kanya patungo sa tuktok ng Zion pakanluran, pagkatapos siya ay lumiko patungo sa isang mas makipot pang kalsada, halos isang kalyehon, na sa halip na tumaas ito ay bumababang pagawing timog. Siya ay nagsosospetsa. Siya tumatakbo, at ngayon at sa muli siya ay lumilingon na tila siya ay natatakot. Siya ay maliwanag na nagsosospetsa na siya ay sinusundan. Ang makipot na kalsada, paliku-liko sa mga sulok ng mga bahay na itinayo nang wala ng kahit anong plano ng bayan, ay nagtatapos sa lantad na kabukiran. Sa kabila ng lambak, sa labas ng mga pader, ay may isang burol. Ito ay isang mababang burol na natatakpan ng mga punong olibo, sa kabila ng tigang na mabatong Hinnom valley. Si Judas ay tumatakbo pa rin nang mabilis, dumaraan sa pagitan ng mga halamang bakod na nagpapanabi sa maliliit na pangkusinang-hardin ng huling mga bahay malapit sa mga pader, ang abang mga bahay ng mahihirap na mga tao sa Herusalem at siya ay hindi lumalabas sa pamamagitan ng geyt ng Zion, bagama't malapit na ito sa kanya, upang maiwanan ang bayan, bagkus siya tumatakbo patungo sa isa pang geyt, na kung baga nasa kanlurang tabi. Siya ay nasa labas na ng bayan. Siya ay tumatakbong katulad ng isang bisiro upang maging mabilis. Siya ay dumaraan katulad ng hangin malapit sa isang akwadukto, at pagkatapos malapit sa mapanglaw na mga kuweba ng mga ketongin ng Hinnom, ngunit hindi niya pinakikinggan ang mga hinaing ng mga ketongin. Halatang-halata na hinahanap niya ang mga lugar na iniiwasan ng ibang mga tao.

Tumuloy siyang tuwiran patungo sa burol na natatakpan ng mga punong-olibo, ang nangungulilang burol, sa timog ng bayan. Nagbuntung-hininga siya sa kaginhawahan sa paanan ng burol at binagalan ang kanyang paghakbang, inaayos niya ang kanyang panaklob sa ulo, ang kanyang sinturon at hinihilang pababa ang kanyang tunika, na napataas, at pinipindan ang kanyang mga mata sa sinag ng araw, siya ay tumitingin nang pasilangan, patungo sa mas mababang daan na para sa Bethany at Jericho. Ngunit wala siyang nakikitang kahit ano na makapagpapabalisa sa kanya. Sa kabaligtaran ang isang tabi ng burol ay gumaganap na isang tabing sa pagitan niya at ng daan na iyon. Siya ay ngumingiti. Nagsimula siyang akyatin ang burol nang dahan-dahan, upang makakuha ng hangin pagkatapos ng labis na paghihingalo. At siya ay nag-iisip, at habang mas nag-iisip siya, mas lalo siyang nagiging mabalasik. Siya ay tiyak na nagsasalita sa kanyang sarili, ngunit nang tahimik. Sa isang sandali siya ay tumigil, kinukuha niya ang lukbutan mula sa kanyang dibdib, tinitingnan niya ito nang mabuti, pagkatapos ibinalik niya ito sa kanyang dibdib pagkatapos na pinaghati-hati ang laman, ang isang parte nito ay nilagay niya sa kanyang sariling lukbutan, baka upang matiyak na ang kanyang itinago sa kanyang dibdib ay hindi magmukhang napakalaki.

Sa pagitan ng mga punong-olibo ay may isang bahay. Isang magandang bahay. Ang pinakamagandang bahay sa burol, sapagkat ang iba pang maliliit na bahay na nakakalat sa mga dalisdis, hindi ko alam kung sila ay bahagi ng ari-arian o sila ay pag-aari ng ibang mga tao, ay totoong mga simpleng bahay. Siya ay nakarating doon sa isang klase ng abenida na natatakpan ng buhangin sa pagitan ng mga punong-olibo na itinanim nang may ayos. Siya ay kumakatok sa pinto. Ginawa niyang makilala ang kanyang sarili. Siya ay pumasok. Siya ay tumuloy-tuloy nang disidido sa kabila ng bulwagan hanggang sa isang kudradong yarda na sa mga tabi nito ay maraming mga pintuan. Itinulak niya ang isa sa mga ito. Pinasok niya ang isang malaking silid kung saan ay maraming tao, kasama rito nakikilala ko ang tuso at mapaghinanakit na mukha ni Caiaphas, ang sukdulan na pariseong mukha ni Helkai, ang batong parang mukha ng pusa ni Felix, ang miyembro ng Sanhedrin, kasama ang may mukhang ahas ni Simon. Sa likuran pa ay naroon si Doras, ang anak ni Doras, na ang mga katangian ay mas na mas na katulad ng kanyang ama, at kasama niya ay naroon sina Cornelius at Ptolmai. At naroon ang mga eskribang si Sadoc at si Hananiah, matanda at kulubot na gawa ng edad, ngunit bata sa malisya, at si Callascebona ang Nakatatanda, at si Nathanael ben Phaba at pagkatapos isang Doro, isang Simon, isang Jose, isang Joachim, na hindi ko kilala. Si Caiaphas ay binanggit ang mga pangalan, akin silang sinulat. Nagtatapos siya nagsasabing: «... naipon dito upang husgahan ka.»

Ang mukha ni Judas ay kakaiba: nagpapakita ito ng takot, galit at karahasan din. Ngunit siya ay tahimik. Hindi niya pinakikita ang kanyang pagiging mayabang. Ang iba ay pinalilibutan siya, pinagtatawanan siya, ang bawat isa ayon sa kanyang pamamaraan.

«Bueno? Ano ang iyong ginawa sa aming pera? Ano ang sasabihin mo sa amin, ikaw na marunong na tao, na nagagawa ang lahat nang mabilis at maayos? Nasaan ang bunga ng iyong trabaho? Ikaw ay isang sinungaling, isang taong mapagmarunong, isang mabuti para sa wala. Nasaan ang babae? Ni siya ay hindi mo dala? At kung gayon sa halip na mapagsilbihan mo kami Siya ang napagsisilbihan mo, eh? Ganyan ba kung papaano mo kami tulungan?» Ito ay isang nagngangalit na pagpaparatang ng mga taong sumisigaw at bumubulyaw nang nananakot, ngunit ang marami sa kanilang mga salita ay hindi ko nakuha.

Si Judas ay pinababayaan silang bumulyaw. Nang sila ay pagod na at hindi na makahinga, nagsimula siyang magsalita: «Ginawa ko ang magagawa ko. Kasalanan ko ba kung Siya ay isang tao na walang makapag-uudyok na makagawa ng kasalanan? Sinabi ninyo na ibig ninyong subukan ang Kanyang birtud. Naibigay ko sa inyo ang katibayan na Siya ay hindi nagkakasala. Kung gayon naibigay ko sa inyo ang tungkol sa ginusto ninyo. Kayo ba, lahat kayo, ay nagtagumpay sa paglagay sa Kanya sa isang sitwasyon kung saan Siya ay maaring usigin? Hindi, hindi kayo nagtagumpay. Mula sa bawat pagtatangka ninyo na Siya ay lumabas na isang makasalanan, na Siya ay mahulog sa isang patibong, Siya ay nakalabas na mas dakila pa kaysa sa dati. Kung gayon, kung kayo ay hindi naging matagumpay sa inyong kapootan, ako ba ay kailangan na magtagumpay, kung hindi ko Siya kinapopootan, at nanghihinayang lamang ako sa pagsunod sa isang abang inosenteng tao, na napakabanal na maging isang hari, isang hari na may kakayahan na madurog ang kanyang mga kaaway? Anong pinsala ang nagawa Niya sa akin na kailangan ko Siyang saktan? Sinasabi ko ang ganito sapagkat sa palagay ko kinapopootan ninyo Siya hanggang sa Siya ay gustuhin ninyong patayin. Hindi na ako makapaniniwala na gusto lamang ninyong kumbinsihin ang mga tao na Siya ay baliw, at kumbinsihin kami, ako, para sa sarili naming kabutihan, at Siya rin, dala ng awa para sa Kanya. Hiningi ninyo sa akin kung ano ang aking ginawa sa pamamagitan ng inyong pera. Ginamit ko iyon katulad ng nalalaman ninyo. Kinailangan kong gastahin iyon nang pabulagsak upang makumbinsi ang babae... At hindi ako naging matagumpay sa naunang babae at...»

«Manahimik! Iyan ay hindi totoo. Ang babae ay baliw sa Kanya at siya ay tiyak na sumama kaagad. Maging ano pa man ginarantiyahan mo ito, sapagkat sinabi mo sa amin na inamin iyon ng babae. Ikaw ay isang magnanakaw. Iniisip ko kung sa anong pakay mo ginamit ang pera!»

«Upang sirain ang aking kaluluwa, kayong mga mamamatay ng mga kaluluwa! Upang makagawa ng isang taong tuso sa akin, isang tao na wala nang kapayapaan,  at nararamdaman na siya ay pinagsususpetsahan ng kanyang mga kasamahan. Sapagkat, mas mabuti pang malaman ninyo na ako ay nabisto Niya... O! sana ako ay Kanya nang itinakwil! Ngunit hindi Niya ako tinatakwil. Hindi. Hindi Niya ako pinalalayas. Ipinagtatanggol Niya ako, pinoprotektahan Niya ako, minamahal Niya ako!... Ang inyong pera! Bakit ko tinanggap kailanman ang unang sentimos?»

«Sapagkat ikaw ay isang kaawa-awang sawing-palad. Kinasiyahan mo ang aming pera at ngayon ikaw ay umiiyak dahil ikaw ay nagpakalibang sa pamamagitan nito. Sinungaling! Sa pansamantala wala kaming natapos at ang mga pulutong sa paligid Niya ay lumalaki ang bilang at mas na mas pang nararahuyo. Ang aming pagkasira ay mas lumalapit, sa kagagawan mo!»

«Sa aking kagagawan? Bakit kung gayon hindi kayo naglakas-loob na arestuhin Siya at akusahan Siya ng pagkakagusto na Siya ay gawing hari? Sinabi rin ninyo sa akin na gusto ninyong tuksuhin Siya sa kabila na sinabi ko na sa inyo na walang mangyayari nito, dahil hindi Siya naghahangad ng kapangyarihan. Kung napakagaling ninyo, bakit hindi ninyo Siya inudyukan na makagawa ng isang kasalanan laban sa Kanyang misyon?»

«Sapagkat nakawala Siya sa aming mga kamay. Siya ay isang dimonyo at Siya ay nawawala katulad ng usok kailanman Niya gustuhin. Siya ay katulad ng isang ahas: gagayumahin ka Niya, at wala kang magagawa kapag tiningnan ka Niya.»

«Kapag tinitingnan Niya ang Kanyang mga kaaway: kayo. Sapagkat nakikita ko na kung tinitingnan Niya ang mga hindi napopoot nang lahat ng kanilang lakas, katulad ng ginagawa ninyo, diyan ang Kanyang mga mata nagagawa silang kumilos at maging aktibo. O! ang Kanyang mga mata! Bakit tinitingnan Niya ako nang ganoon at ginagawa akong mabuti, dahil ako ay isang halimaw sa pamamagitan ng sarili ko at ginagawa ninyo akong sampung beses pang halimaw?!»

«Gaano karaming mga salita! Tiniyak mo sa amin na tutulungan mo kami para sa kapakanan ng Israel. Hindi mo ba naiintindihan, ikaw na miserableng kaawa-awang sawing-palad, na ang taong iyon ay ating kasiraan?»

«Atin? Nino?»

«Ng buong populasyon! Ang mga Romano...»

«Hindi. Siya lamang ay inyong kasiraan. Natatakot kayo ng tungkol sa inyong sariling kasiraan. Nalalaman ninyo na ang Roma ay hindi mawawalan ng awa sa atin dahil sa Kanya. Nalalaman ninyo iyan, katulad ng nalalaman ko at nalalaman ito ng mga tao. Ngunit kayo ay nanginginig dahil nalalaman ninyo, natatakot kayo  na baka palayasin Niya kayo sa Templo,  patungo sa labas ng Kaharian ng Israel. At magagawa Niya ang tamang bagay. Magagawa Niya ang mabuting bagay na malinis Niya ang sahig ng Kanyang giikan ng mga taong katulad ninyo, nakapandidiring mga ayena, maruruming ahas!...» Siya ay nanlilisik.

Nahawakan nila siya, inuuga nila siya, dahil sila ngayon ay nagngingitngit na mismo, halos pabagsakin nila siya... si Caiaphas ay sumisigaw sa kanyang mukha: «O sige. Ganyan ito. At kung ganito ito, may karapatan kaming ipagtanggol kung ano ang pag-aari namin. At sa dahilan na ang kaunting pamamaraan ay hindi na sapat upang kumbinsihin Siyang umalis, at hindi na makialam sa amin, aayusin namin ang bagay na ito sa pamamagitan namin mismo, hindi ka na isinasama, ikaw na mahina ang loob na katulong at isang madaldal. At pagkatapos Niya ikaw din ay haharapin namin, huwag iyan pagdudahan at...»

Si Helkai ay pinananatili si Caiaphas na manahimik at sa pamamagitan ng kanyang walang-pakiramdam na kakalmahan ng isang makamandag na ahas sinabi niya: «Hindi. Hindi ganyan. Nag-eeksahera ka, Caiaphas. Si Judas ay ginawa kung ano ang kanyang magagawa. Hindi mo dapat siyang takutin. Matapos man ang lahat hindi ba’t ang kanyang interes at ang atin ay pareho?»

«Huwag kang maging tanga, Helkai. Ang kanyang mga interes? Gusto ko Siyang madurog! Si Judas ay gusto Siyang magtagumpay, upang siya ay magtagumpay kasama Niya. At sinasabi mo... sigaw ni Simon.

«Kapayapaan, kapayapaan! Lagi ninyong sinasabi na ako ay mahigpit. Ngunit sa araw na ito ako lamang ang isang mabuti. Kailangan na unawain natin at kaawaan si Judas. Tinutulungan niya tayo hanggang sa nakakayanan niya. Siya ay ang ating mabuting kaibigan, ngunit, siyempre, siya rin ay ang kaibigan ng Guro. Ang kanyang puso ay nawawasak... Gusto niyang mapaglingkuran ang Guro, ang kanyang sarili at ang Israel... Papaano niya mapagkakasundo ang mga bagay na labis na magkakasalungat. Hayaan siyang magsalita.»

Ang kaguluhan ay kumalma. Si Judas ay makapagsasalita sa wakas at sinabi niya: «Tama si Helkai. Ako... Ano ang gusto ninyo sa akin? Hindi ko pa malaman nang eksakto kung ano ang gusto ninyo. Ginawa ko na ang magagawa ko. Hindi ko magagawa ang higit pa diyan. Siya magpahanggang ngayon ay mas dakila kaysa sa akin. Nababasa Niya ang aking puso... At hindi Niya ako kailanman trinato ayon sa nararapat sa akin. Ako ay isang makasalanan at nalalaman Niya at pinatatawad Niya ako. Kung ako ay hindi naging isang duwag na ganito kailangan kong... kailangan kong patayin ang aking sarili upang maging imposible para sa akin na masaktan ko Siya.» Si Judas ay naupo nadudurog ng sitwasyon. Na ang kanyang mukha nasa loob ng kanyang mga kamay, ang kanyang mga mata nanlalaki na nakatitig sa espasyo, siya ay maliwanag na naghihirap sa pakikipaglaban sa pagitan ng kanyang magkasalungat na mga likas na simbuyo...

«Kalokohan! Ano ang inaakala mong malalaman Niya? Ikaw ay umaasal nang ganyan sapagkat nalulungkot na ipinilit mo ang iyong sarili!» bulalas ng isang nagngangalang Cornelius.

«At kahit na kung ito ay naging ganyan? O! sana ganyan nga ito! Kung ako ay totoong nagsisisi at magagawa kong manatili sa gayang pagsisisi!...»

«Nakita ninyo! Napakinggan ba ninyo siya? Ang ating kaawa-awang pera!» sabi ni Hananiah umuungol.

«Naging kinakailangan na makipagusap tayo sa isang hindi nakaaalam kung ano ang kanyang gusto. Nakapili tayo ng isa na mas malala pa sa isang bobo!» bulalas ni Felix pinalalala ang sitwasyon.

«Isang bobo? Isang papet kamo! Ang Galilean ay hihilahin siya sa pamamagitan ng isang tali at pupunta siya sa Galilean. Hihilahin natin siya at siya ay pupunta sa atin» sigaw ni Sadoc.

«Bueno, kung ikaw ay napakagaling kaysa sa akin, magpatuloy ka nang sarili mo mismo. Magmula ngayon hindi na ako magkaka-interes sa bagay na ito. Huwag nang umasa ng kahit na anong mga pasabi o mga salita mula sa akin. Maging ano pa man hindi ako makapagbibigay ng kahit na ano, dahil nagsususpetsa Siya at pinagmamasdan ako...»

«Hindi ba’t sinabi mo na pinatatawad ka Niya?»

«Oo. Ginagawa Niya. Sapagkat alam Niya ang lahat! O!» si Judas ay dinidiin ang kanyang mga kamay sa kanyang mukha.

«Layas, kung gayon, ikaw na babaeng nakadamit bilang isang lalaki, ikaw na nasirang sawing-palad!  Layas! Magpapatuloy kaming mag-isa. At tiyakin na hindi ka magsasalita sa Kanya ng tungkol dito, o kung hindi pagbabayaran mo iyan.»

«Aalis ako! Sana hindi na ako nagpunta rito! Ngunit tandaan kung ano ang sinabi ko na sa inyo. Nakausap Niya ang iyong ama, Simon, at ang iyong bayaw, Helkai. Hindi sa palagay ko na si Daniel ay nagsalita. Ako ay naroroon at hindi ko kailanman nakita silang nag-uusap na nakatayong magkatabi. Ngunit ang iyong ama! Siya ay hindi nagsalita, ayon sa sinabi sa akin ng aking kapwa mga disipulo. Ni hindi niya binanggit ang iyong pangalan. Sinabi lamang niya na ang kanyang anak ay pinalayas siya dahil minahal niya ang Guro at hindi siya sumang-ayon sa iyong asal. Ngunit sinabi niya na tayo ay nagkita, na ako ay pumunta sa iyong bahay... At maaaring sabihin din niya ang iba pa. Ang Tekoah ay wala sa katapusan ng mundo... Huwag sabihin na pinagtaksilan kita, kung kailan tayo ay napakarami na maaaring makaalam ng tungkol iyong mga binabalak.»

«Ang aking ama ay hindi na ulit magsasalita pa. Siya ay namatay na» sabi ni Simon nang dahan-dahan.

«Siya ay patay na? Pinatay mo ba siya? Gaanong nakapangingilabot! Bakit sinabi ko sa iyo kung nasaan siya noon!...»

«Wala akong pinatay na sinuman. Ako ay hindi kailanman lumabas sa Herusalem. Marami ang paraan ng mamatay. Nasusorpresa ka ba na ang isang matandang lalaki, isang matandang lalaki na umiikot nangungulekta ng pera, ay mamatay? Maging ano pa man ang kaso... iyon ay kasalanan niya. Kung siya ay namuhay nang tahimik, kung siya ay walang mga mata upang makakita, mga tainga upang makarinig at isang dila upang manita, pararangalan pa rin siya at pagsisilbihan sa loob ng bahay ng kanyang anak...» sinasabi ni Simon nang may nakakainis na kabagalan.

«Sa madaling salita... kumuha ka ba ng ibang tao upang patayin siya? Mamamatay ng ama!»

«Ikaw ay baliw. Ang matanda ay pinarusahan, siya ay bumagsak, nasaktan niya ang kanyang ulo at namatay. Isang aksidente. Isang simpleng aksidente. Iyon ay kanyang kamalasan na kinailangan niyang mangolekta mula sa isang salbahe...»

«Kilala kita, Simon. At hindi ako makapaniwala... Ikaw ay isang mamamatay-tao...» si Judas ay nawawalan ng gana.

Si Simon ay tinatawanan siya sa kanyang mukha: «At ikaw ay nagdidiliryo. Nakakakita ka ng isang krimen kung saan iyon ay isang aksidente lamang. Ako ay napasabihan nang makalawang araw lamang at ginawa ko ang kinakailangan, ang maghiganti at magbigay ng parangal. Ngunit naparangalan ko ang labì, hindi ko nahuli ang pumatay. Iyon ay tiyak na isang mandarambong sa daan, na bumaba mula sa mga bundok ng Adummim upang magbenta sa mga palengke ng kanyang ninakaw... Sino ang kailanman makakahuli sa kanya?»

«Hindi ko pinaniniwalaan iyan... Lumayo ka! Hayaan akong makaalis... Kayo ay... mas malala pa kaysa sa mga asong-gubat... Lumayas kayo!» at pinulot niya ang kanyang manta na bumagsak sa sahig at siya ay kumilos upang makaalis.

Ngunit si Hananiah ay nahawakan siya ng kanyang mapandagit na kamay, nagsasabing: «At ang babae? Nasaan ang babae? Ano ang kanyang sinabi? Alam mo ba?»

«Wala akong nalalaman... Hayaan akong makaalis...»

«Ikaw ay nagsisinungaling! Ikaw ay isang sinungaling!» sumisigaw si Hananiah.

«Hindi ko alam. Sinusumpa ko ito. Iyan ay tiyak. Ngunit walang nakakita sa kanya. Hindi ko nakita, sapagkat kinailangan kong umalis kaagad kasama ang Rabbi. Ang aking mga kasamahan ay hindi rin siya nakita. Tinanong ko sila nang maigi... Nakita ko ang pilas-pilas na mga alahas na dinala ni Eliza sa loob ng kusina... at wala na akong alam na iba pa. Sinusumpa ko ito sa Altar at sa Tabernakulo!»

«At sino ang makapaniniwala sa iyo? Ikaw ay isang duwag. Katulad na pinagtataksilan mo ang iyong Guro, mapagtataksilan mo rin kami. Ngunit mag-ingat ka!»

«Hindi ako nagtataksil. Sinusumpa ko ito sa Templo ng Diyos!»

«Ikaw ay isang taong talipandas. Nagmumukha kang ganito. Pinaglilingkuran mo Siya, hindi kami...»

«Hindi. Sinusumpa ko ito sa Ngalan ng Diyos.»

«Sabihin iyan, kung nangangahas kang patunayan ang iyong sumpa!»

«Sinusumpa ko ito kay Jehovah!» at namumutla siya sa pagbigkas nang gayon sa Pangalan ng Diyos. Siya ay nanginginig, nauutal, hindi siya nagtatagumpay na sabihin ito katulad na ito ay pangkaraniwan na binibigkas. Ang tunog nito ay katulad ng tila binibigkas niya ang isang “J”, at “H” at isang “V”, nang pinahahaba at may pasingaw ng hangin sa katapusan. Isang katulad ng: Jeocveh. Sa maikling pananalita, ang kanyang pagbigkas nito ay kakaibang-kaiba.

Ang isang halos nakakatakot na katahimikan ay naghahari sa silid. Sila nga ay napalayo pa kay Judas... Pagkatapos si Doras at ang isa pa ay nagsabi: «Ulitin ang sumpa rin na iyan na kami lamang ang iyong paglilingkuran...»

Judas

«Hindi! Maisumpa sana kayo! Hindi ko gagawin! Sinusumpa ko na hindi ko kayo pinagtaksilan at na hindi ko kayo ipapahamak sa Guro. At iyan ay isa nang kasalanan. Ngunit hindi ko gagawin na ang aking hinaharap ay mapatali sa inyo, sapagkat bukas, sa lakas ng aking sumpa mapipilit ninyo akong gumawa ng kahit ano, kahit na makagawa ng isang krimen. Hindi! Isumpa ako bilang isang lapastangan na anak sa Sanhedrin, isumpa ako bilang isang mamamatay-tao sa mga Romano. Hindi ko ipagtatanggol ang aking sarili. Pababayaan ko silang patayin nila ako... At ito ay magiging isang mabuting bagay para sa akin. Ngunit hindi ako manunumpa ulit...» at sa pamamagitan ng isang marahas na pagpupumiglas pinalaya niya ang kanyang sarili sa mga humahawak sa kanya, at siya ay tumakbong sumisigaw: «Ngunit mas mabuti nang malaman ninyo na ang Roma ay pinagmamasdan kayo, na ang Roma ay minamahal ang Guro...» Ang isang malakas na lagapak ng pinto na maririnig sa loob ng buong bahay ay ang maliwanag na tanda na si Judas ay naiwanan na niya ang lungga ng mga asong-gubat na iyon.

Tiningnan nila ang isa’t isa... Ang galit, at baka ang takot, ay nagagawa silang mamutlang nakapangingilabot... At sa dahilan na wala silang mapagpapakawalan ang kanilang galit at takot na sinuman, sila-sila mismo ang nag-away-away.  Nagsisikap silang ibintang sa isa’t isa ang pananagutan para sa mga hakbang na kanilang kinuha at ang paghihirap na maaari nilang makuha dahil dito. Ang ilan ay naninita para sa isang bagay, ang ilan para sa iba pa, ang ilan ang tungkol sa nakaraan, ang ilan ang tungkol sa hinaharap. Ang ilan ay sumisigaw: «Ikaw ito na gustong tuksuhin si Judas», ang ilan ay nagsasabi: «Iyon ay isang pagkakamali na maltratuhin siya. Napagtaksilan ninyo ang inyong mga sarili!»; ang ilan ay nagmumungkahi: «Habulin natin siya nang may dalang pera, nang may mga paumanhin...»

«O! hindi» sigaw ni Helkai na siyang ang pinaka sinisisi. «Iwanan ang lahat sa akin at kakailanganin ninyong magsabi na ako ay marunong. Si Judas, kapag wala na siyang pera, ay magiging mapagpakumbaba. O! kasing mapagpakumbaba katulad ng isang kordero.» at siya ay tumatawa nang makamandag. «Siya ay hindi bibigay ngayon, bukas, baka sa loob ng isang buwan... Ngunit pagkatapos... Siya ay ubod ng sama upang makapamuhay sa kasalatan na makukuha niya sa Guro... at siya ay pupunta sa atin... Ha! Ha! ipaubaya ito sa akin! Alam ko...»

«Oo. Ngunit sa pansamantala... Napakinggan mo ba ang sinabi niya? Ang mga Romano ay pinagmamasdan tayo! Ang mga Romano ay minamahal Siya! At ito ay totoo. Ngayong umaga rin at kahapon, at noong makalawa ay may ilan na mga naghihintay para sa Kanya sa Court of the Gentiles. Ang mga kababaihan ng Antonia ay laging naroroon... Sila ay nanggagaling sa kasing layo ng Caesarea upang pakinggan Siya...»

«Mga kapritso ng mga babae! Hindi ako mag-aalala tungkol diyan. Ang mamâ ay magandang lalaki. Nababaliw sila sa madadakdak na mga demagogo at mga pilosopo. Hanggang sa kanilang nalalaman ang Galilean ay isa sa mga ito, wala nang iba pa. At ito ay nakakatulong sa kanila na mapalayo ang kanilang mga isip mula sa kanilang mga oras na walang magawa. Nangangailangan ito ng tiyaga upang magtagumpay! Tiyaga at katusuhan. At lakas-ng-loob din. Ngunit kayo ay wala. At gusto ninyong makagawa ng mga bagay, ngunit ayaw ninyong ipakita ang inyong mga sarili. Sinabi ko sa inyo kung ano ang aking gagawin. Ngunit ayaw ninyo nito...»

«Ako ay natatakot sa mga pulutong. Sila ay gustung-gusto Siya. Pagmamahal dito. Pagmamahal doon. Sino ang hihipo sa Kanya? Kung palalayasin natin Siya, tayo ay palalayasin din mismo... Kailangan natin...» sabi ni Caiaphas.

«Kailangan na huwag na tayong magpalampas ng pagkakataon. Ilan na ang nawala sa atin!
Sa unang pagkakataon na makuha natin, kailangan na pilitin natin ang mga nag-aalinlangan sa pagitan natin, pagkatapos kumilos din tayo para sa mga Romano.»

«Madaling sabihin! Ngunit kailan at saan ba tayo nagkaroon ng pagkakataon na makakilos? Hindi Siya nagkakasala, hindi niya tinatangka ang kapangyarihan, hindi Siya...»

«Kung wala kahit isang kasalanan, kailangan na likhain natin ito. At ngayon umalis na tayo. Pansamantala babantayan natin Siya. Ang Templo ay atin. Ang Roma ay naghahari sa labas. Sa labas ay naroon ang mga pulutong na nagsasanggalang sa Kanya. Ngunit sa loob ng Templo»

231211

 


Sunod na kabanata