535. Sa Kapistahan ng Dedikasyon ng Templo.

Disyembre 9, 1946.

Imposibleng makatayo nang walang-galaw sa malamig na mahangin na umaga. Ang isang nangangagat na hangin umiihip sa tuktok ng Moriah mula sa hilagang-silangan ay nagagawa ang mga damit na wumagayway at ang mga mata at mga mukha na mamula. Ngunit sa kabila nito may mga taong umakyat sa Templo upang magdasal. Ngunit wala doong mga rabbi kasama ang kani-kanilang mga grupo ng mga disipulo. At ang Korte ay nagmumukhang mas malaki at higit sa lahat mas maringal, nawalan ng nagbubulyawan na magagarbong barkada na pangkaraniwan na naroroon.

At maaaring labis na kakaiba na makita itong walang-walang tao, sapagkat ang lahat ay nagtaka, na tila ito ay isang bagay na bago. At si Pedro ay naging suspetsoso rin. Ngunit si Tomas, na nagmumukhang mas matipuno, nakabalot nang katulad niya sa loob ng isang malapad na mabigat na manta, ay nagsabi: «Maaaring kinulong nila ang kanilang sarili sa ilang silid, kung hindi mawawalan sila ng kanilang mga boses. Hinahanap mo ba sila?» at siya ay tumatawa.

«Hindi ako! Sana hindi ko na sila makita ulit! Ngunit ayaw kong ito ay maging...» at kanyang tinitingnan ang Iskariote na nananahimik, at nang maramdaman niya ang sulyap ni Pedro sa kanya, sinabi niya: «Sa katunayan nangako silang hindi na nila ulit tayo pakikialaman, maliban kung ang Guro... ay iiskandaluhin sila. Sila ay tiyak na pagmamasdan tayo, ngunit sa dahilan na wala rito ang sinuman na nagkakasala o nananakit, hindi nila pinakikita ang kanilang mga sarili.»

«Lalong mas mabuti. At harinawang ang Panginoon ay pagpalain ka, bata, kung nagtagumpay kang magawa silang mangatwiran.»

Maaga pa rin. May kakaunting tao lamang sa Templo. Sinasabi kong «kakaunti», at iyan ang tila lumalabas, dahil sa kalakihan nito, iniisip na nangangailangan ito ng pulu-pulutong ng mga tao upang magmukha itong puno. Ang dalawa o tatlong daan na mga tao ay halos hindi mapupuna sa loob ng kaguluhan ng mga korte, mga balkonahe, mga bulwagan, mga koridor...

Si Jesus, ang tanging Guro sa malaking Court of the Gentiles, ay palakad-lakad nang pataas at pababa nagsasalita sa Kanyang mga disipulo at sa iba pang natagpuan na Niya sa loob ng bakuran ng Templo. Tumutugon Siya sa kanilang mga pagtutol o mga katanungan. Nililinaw Niya ang mga punto na hindi nila malinawan sa kanilang sarili at sa ibang mga tao.

Dalawang Hentil ang lumapit, tinitingnan nila Siya at umalis nang walang sinasabi na kahit ano. Dalawang empleado ng Templo ang dumaan, tiningnan nila si Jesus, ngunit wala rin silang sinabi na kahit ano. Ilang mga naniniwala ang lumapit sa Kanya, binati nila Siya at nakinig sa Kanya. Ngunit sila ay kakaunti pa rin.

«Magtatagal pa ba tayo rito?» tanong ni Bartolomeo.

«Malamig ngayon at walang tao rito. Ngunit magandang mapunta rito nang napakapayapa. Guro, sa araw na ito Kayo ay talagang nasa loob ng Bahay ng Inyong Ama. At bilang ang may-ari» sabi ni Santiago ni Alfeo ngumingiti. At dagdag niya: «Maaaring ganitong tingnan ang Templo sa mga araw ni Nehemiah at ng marurunong na banal na mga hari.»

«Sa palagay kailangan na umalis na tayo. Tayo ay kanilang pinagmamasdan mula sa banda roon...» sabi ni Pedro.

«Sino? Mga Pariseo?»

«Hindi. Ang mga dumaan kanina pa lamang, at iba pa. Tayo’y umalis na, Guro...»

«Naghihintay Ako para sa mga may-sakit na tao. Nakita nila Akong papasok sa bayan, at ang balita ay maaaring kumalat na. Darating sila kapag mainit-init na. Manatili tayo hanggang man lamang ikatlong bahagi ng ika-anim na oras» tugon ni Jesus. At nagpatuloy Siya sa paglalakad nang pauli-uli upang maiwasan ang nakatayo na lamang sa loob ng napakalamig na ere.

Sa katunayan, maya-maya lamang, nang ang araw ay napahihina nito ang epekto ng hanging hilaga, isang babae ang dumating may dalang isang may-sakit na batang babae at pinakiusapan si Jesus na pagalingin siya. Si Jesus ay pinagbigyan siya. Ang babae ay inilagay ang kanyang alay sa paanan ni Jesus nagsasabing: «Ito ay para sa ibang mga bata na naghihirap.» Ang Iskariote ay pinulot ang pera.

Pagkaraan, nagdala sila nasa loob ng isang kamilya ng isang maedad na lalaki, na ang kaninong mga paa ay may sakit. At si Jesus ay pinagaling siya.

Ang pangatlong pumunta ay isang grupo ng mga tao na pinakiusapan si Jesus na pumunta sa labas ng mga pader ng Templo upang palayasin ang isang dimonyo sa isang batang babae, na ang kaninong mga sigaw ay naririnig kahit sa loob. At si Jesus ay lumakad nakasunod sa likuran nila, lumalabas patungo sa kalsada na magdadala sa isa sa bayan. Ang ilang mga tao, na sa pagitan nila ay may mga banyaga, ay nakapaligid sa mga humahawak sa bata-pang babae, na bumubulâ ang bibig, namimilipit at gumugulong ang kanyang mga mata. Binibigkas niya ang lahat na klase ng magagaspang na salita at habang mas nilalapitan siya ni Jesus, mas lalo niyang binibigkas ang mga iyon at mas lalo siyang nakikipaglaban. Ang apat na malalakas na lalaki ay nahihirapan sa paghawak sa kanya. At isinisigaw niya ang pagkilala sa Kristo nang may mga insulto at ang espiritu na nanlulukob sa kanya ay may nananabik na mga pakiusap na huwag siyang palabasin. At nakakasawang inuulit-ulit din niya ang ilang mga katotohanan: «Layô! Huwag ipakita sa akin ang sinumpang isa! Layas! Ang dahilan ng aming kasiraan. Alam ko kung sino Ka. Ikaw ang... Ikaw ang Kristo. Ikaw ang... Walang ibang langis ang ipinahid sa Iyo bagkus ang isang nanggaling sa itaas doon. Ang kapangyarihan ng Langit ay tinatago at pinoprotektahan Ka.  Kinapopootan Kita. Isinumpang isa! Huwag akong palayasin. Bakit pinalalayas Mo kami at ayaw Mo sa amin, habang pinananatili Mo nang malapit sa Iyo ang isang  brigada ng mga dimonyo sa iisang tao lamang? Hindi Mo ba nalalaman na ang buong impiyerno ay nasa isang tao lamang? Siyempre alam Mo... Hayaan akong manatili rito, hanggang sa oras man lamang ng...» Ang kanyang mga salita ay tumitigil kung minsan, na tila ang mga ito ay sinasakal, kung minsan ito ay nagbabago, o ito ay tumitigil muna at pagkatapos pinahahaba ang pagbigkas sa gitna ng malulupit na mga hagulhol, katulad nang isinisigaw niya: «Ako man lang ay pabayaan Mong makapunta sa kanya. Huwag Mo akong ipadala sa ibaba sa Kalaliman! Bakit Mo kami kinapopootan, o Jesus, Anak ng Diyos? Hindi Ka pa ba kontento kung ano Ikaw? Bakit gusto Mong pagharian din kami? Ayaw namin ng mga utos! Bakit Ka nagpunta upang usigin kami, dahil pinagkaila Ka namin? Layas! Huwag ibuhos ang apoy ng Langit sa amin! Ang Iyong mga mata! Kapag mamatay ang mga apoy niyan, tatawa kami... Ha! Hindi! Ni hindi pagdating niyan... Tinatalo Mo kami! Tinatalo Mo kami! Maisumpa Ka sana at ang Iyong Ama Na nagpadala sa Iyo, at Siya na magmumula sa Iyo at siyang Ikaw... Ha!»

Ang huling sigaw ay talagang nakapangingilabot, ang hagulhol ng isang nilikha na kinakatay sa pamamagitan ng isang malupit na patalim na bumabaon nang unti-unti, at ito ay nagawang mangyari sa katunayan nang si Jesus, pagkatapos na maputol nang ilang beses ang mga salita ng nalukuban na bata-pang babae, sa pamamagitan ng utos ng isip, ay napatigil ang mga salita sa paghipo ng Kanyang daliri sa noo ng babae. At ang sigaw ay nagtapos sa isang nakakatakot na kombulsiyon hanggang ang dimonyo ay umalis na may isang malakas na ingay na nakakatulad ng isang halakhak at ng alulong ng isang mabangis na hayop, sumisigaw: «Ngunit ako ay hindi lalayo ng masyado... Ha! Ha! Ha!» sinundan kaagad ng isang matinding tunog katulad ng isang kidlat, bagama't ang kalangitan ay maliwanag na maliwanag.

Maraming tao ang tumakbo sa takot. Marami din ang mas sumisiksik pa nang malapit upang mapanood ang batang babae na naging kalmante na nang bigla, hinihimatay sa mga kamay ng mga sumusuporta sa kanya. Siya ay nananatiling ganyan nang kaunting mga sandali, pagkatapos binukas ang kanyang mga mata, ngumiti, nabatid na siya ay nasa pagitan ng mga tao na wala siyang belo sa kanyang ulo at mukha, itinungo ang kanyang ulo upang maitago ito sa likuran ng kanyang kamay.

Ang mga taong kasama niya ay ginustong mapasalamatan niya ang Guro. Ngunit sinabi Niya: «Huwag balisahin ang kanyang kahinhinan. Ang kanyang kaluluwa ay pinasasalamatan na Ako. Iuwi siya, sa kanyang ina. Iyan ang tamang lugar para sa isang bata-pang babae...» at iniiwan ang mga tao sa likuran Niya Siya ay pumunta ulit sa Templo, sa dating lugar kanina.

«Panginoon, napuna ba Ninyo na maraming mga Judaean ang sumunod sa atin? Nakilala ko ang iba sa kanila... Sila ay nasa banda roon! Sila ang mga nag-iispiya sa atin dati. Tingnan kung gaano sila nag-uusap-usap...» sabi ni Pedro.

«Maaaring ang pinag-uusapan nila ay kung kanino sa kanila pumunta sa dimonyo. Naroon din si Nahum, ang pinagkakatiwalaan ni Annas. Siya ang tamang tipo...» sabi ni Tomas.

«Oo. Ngunit hindi mo nakita dahil nakatalikod ka sa kanya. Ngunit ang apoy ay bumuga sa itaas lamang ng kanyang ulo» sabi ni Andres habang ang kanyang mga ngipin ay halos nangangatal. «Ako ay malapit sa kanya kanina at nahintakutan ako!...»

«Sa katunayan, sila ay magkakakumpol. Ngunit nakita ko ang apoy na bumuga sa ibabaw natin at akala ko ako ay mamamatay na...  At mahigit pa diyan, nanginig ako para sa Guro. Iyon ay tila nakabitin sa itaas ng Kanyang ulo» sabi ni Mateo.

«Hinding hindi. Nakita ko iyon na lumabas mula sa batang babae at bumuga sa pader ng Templo» wika ni Levi, ang pastol na disipulo.

«Huwag magtalu-talo sa isa’t isa. Ang apoy ay walang pinatatamaan na sinuman. Iyon lamang ay ang tanda na ang dimonyo ay lumayas na» sabi ni Jesus.

«Ngunit sinabi niya na siya ay hindi lalayong masyado!...» pagtutol ni Andres.

«Mga salita ng isang dimonyo... Sila ay hindi kailangan na pakinggan. Atin sa halip na papurihan ang Kataastaasan para sa tatlong mga anak na ito ni Abraham na ang kaninong mga katawan at kaluluwa ay napagaling.»

Sa pansamantala maraming mga Judaean, na mga naglabasan mula rito at doon – ngunit wala  ni isang Pariseo, o isang eskriba, o isang pari sa kanilang grupo – ang lumapit kay Jesus at pinalibutan Siya, at ang isa sa kanila ay nagsalita: «Dakilang mga bagay ang ginawa Ninyo sa araw na ito! Ang tunay na gawain ng isang propeta, ng isang dakilang propeta. At ang mga espiritu ng kalaliman ay nagsalita ng dakilang mga bagay tungkol sa Inyo. Ngunit ang kanilang mga salita ay hindi maaaring tanggapin maliban kung ito ay pinatotohanan ng Inyong salita. Kami ay pinanghihinaan ng loob ng mga salitang iyon. Ngunit kami ay totoong natatakot na kami ay baka naloloko dahil si Beelzebub ay kilalang ang espiritu ng kasinungalingan. Ayaw namin na magkamali o maloko. Kung kaya't sabihin sa amin kung sino Kayo, nagsasalita ng katotohanan at katarungan.»

«Hindi ba’t sinabi Ko na sa inyo nang maraming beses kung sino Ako? Lagi Ko nang sinasabi sa inyo sa loob ng halos tatlong taon, at bago Ako, si Juan ay sinabi sa inyo sa Jordan at ng Tinig ng Diyos mula sa Langit.»

«Iyan ay totoo. Ngunit wala kami roon noon. Kami... Dahil Kayo ay makatarungan, kailangan na maunawaan Ninyo ang aming pag-aalala. Gusto naming maniwala na Kayo ay ang Mesiyas. Ngunit kadalasan ang sambayanan ng Diyos ay naloloko ng huwad na mga Kristo. Sa pamamagitan ng walang-nagkakamaling salita paginhawahan ang aming mga puso na mga umaasa at naghihintay, at sasambahin namin Kayo.»

Si Jesus ay tinitingnan sila nang mahigpit. Ang Kanyang mga mata ay tila nilalagos ang kanilang laman at inilalantad ang loob ng kanilang mga puso. Pagkatapos sinabi Niya: «Madalas na madalas ang mga tao ay totoong nakapagsasabi ng kasinungalingan nang mas talo pa si Satanas. Hindi, hindi ninyo Ako sasambahin. Hindi kayo sasamba kailanman, kahit ano pa man ang Aking sabihin sa inyo. At kahit na kung kayo ay sumamba, sino ang inyong sasambahin?»

«Sino? Ang aming Mesiyas!»

«Nagkakahalaga ba kayo nang ganyan? Sino ang Mesiyas ayon sa inyo? Sabihin sa Akin, na sana malaman Ko kung ano ang inyong halaga.»

«Ang Mesiyas? Ang Mesiyas ay siya na sa utos ng Diyos ay iipunin ang nakakalat na sambayanan ni Israel ginagawa itong ang matagumpay na sambayanan na sa ilalim ng kaninong kapangyarihan ang mundo ay magpapailalim. Ano? Hindi ba Ninyo nalalaman kung ano ang Mesiyas?»

«Alam Ko. Ngunit hindi katulad ng nalalaman ninyo. Kung gayon ayon sa inyo Siya ay isang tao Na nahihigitan si David at si Solomon at si Judas Macabeo ay gagawin ang Israel na maging ang Nasyon na maghahari sa mundo?»

«Iyan kung ano Siya. Ang Diyos ay pinangako ito. Ang lahat na paghihiganti, lahat na kaluwalhatian, lahat na bindikasyon ay manggagaling sa pinangakong Mesiyas.»

«Ito ay nakasulat: “Wala kayong sasambahin na sinuman bagkus ang Panginoong inyong Diyos”. Bakit kung gayon sasambahin ninyo Ako kung sa Akin ang nakikita lamang ninyo ay ang Tao-Mesiyas?»

«Ano pa ba ang dapat na makita namin sa Inyo?»

«Ano? At kayo ba ay pumunta upang tanungin Ako nang may ganyang mga nararamdaman? Lahi ng tuso at makamandag na mga ahas! At mapaglapastangan din. Sapagkat kung nakikita lamang ninyo sa Akin ang taong Mesiyas at sasambahin ninyo Ako, kayo ay magiging mga idolatra. Ang Diyos lamang ang dapat na sambahin. At sasabihin Kong totoo sa inyong muli na Siya Na nagsasalita sa inyo ay mas higit pa sa Mesiyas, na inyong ipinagkukunwari na may mga misyon at mga katungkulan at mga kapangyarihan na inyong naiisip, kayo na pinagkaitan ng espiritu at karunungan. Ang Mesiyas ay hindi darating upang bigyan ang Kanyang sambayanan ng isang kaharian katulad ng inyong pinaniniwalaan, Siya ay hindi darating upang maghiganti sa iba pang makapangyarihang sambayanan. Ang Kanyang Kaharian ay hindi kaharian ng mundong ito at ang Kanyang kapangyarihan ay nalalampasan ang lahat na limitadong kapangyarihan ng mundo.»

«Kami ay Inyong pinahihiya, Guro. Kung Kayo ay isang Guro at kami ay mangmang, bakit ayaw Ninyo kaming turuan?»

«Matagal Ko nang ginagawa iyan sa loob ng tatlong taon, at kayo ay lalu’t lalo pang nasa kadiliman sapagkat tinatanggihan ninyo ang Liwanag.»

«Iyan ay totoo. Baka iyan ay totoo. Ngunit kung ano ang nangyari noong nakaraan, ay baka hindi mangyari sa hinaharap. Ano? Kayo Na naaawa sa mga publikano at pinatatawad Ninyo ang mga makasalanan, Kayo ba ay magiging walang-awa sa amin, sa tanging dahilan lamang na kami ay sambayanan ng matitigas-ang-ulo at nahihirapan na makaintindi kung sino Kayo?»

«Ito ay hindi dahil sa kayo ay nahihirapan. Ang problema ay na kayo ay ayaw na makaintindi. Ang maging hangal ay hindi magiging isang diperensiya. Ang Diyos ay may labis na liwanag na magagawa Niyang paliwanagan ang pinaka mapurol na katalinuhan maliban na ito ay puno ng mabuting kalooban. Nagkukulang kayo ng kalooban na iyan. Hindi, bagkus, mayroon kayo ng pinaka kabaligtaran na kalooban. Iyan kung bakit hindi ninyo maintindihan kung sino Ako.»

«Maaaring ganyan iyan ayon sa sinasabi Ninyo. Nakikita Ninyo kung gaano kami mapagpakumbaba. Ngunit nakikiusap kami sa Inyo sa ngalan ng Diyos. Tugunan ang aming mga katanungan. Huwag kaming pamalagiin pa sa pagdududa. Hanggang kailan ba hindi makatitiyak ang aming mga isip? Kung Kayo ang Kristo, sabihin sa amin nang hayagan.»

«Nasabi Ko na sa inyo. Nasabi Ko sa inyong mga tahanan, sa inyong mga liwasan, sa mga kalsada, sa mga nayon, sa mga bundok, sa tabi ng mga ilog, sa harapan ng dagat at sa mga disyerto, sa loob ng Templo, sa loob ng inyong mga sinagoga, sa inyong mga palengke, at hindi kayo naniniwala sa Akin. Walang lugar sa Israel kung saan ang Aking tinig ay hindi napakinggan. Kahit ang mga lugar na may pang-aabuso na tinaglay ang pangalan ng Israel sa loob ng napakatagal na panahon, ngunit nakahiwalay sa Templo, kahit ang mga lugar na nagbigay sa pangalan sa ating Lupain na ito, ngunit dahil sa mga namuno naging mga napaiilaliman, at hindi kailanman ganap na nakawala sa kanilang mga pagkakamali upang makapunta sa Katotohanan, kahit ang Syro-Phoenicia, na iniiwasan ng mga rabbi bilang ang lupain ng kasalanan, ay napakinggan ang Aking tinig at nakilala kung sino Ako. Sinabi Ko sa inyo, at hindi ninyo pinaniniwalaan ang Aking mga salita. Ako ay gumalaw, at hindi ninyo binigyan ng pansin nang may mabuting espiritu ang Aking pagkilos. Kung ito ay ginawa ninyo, nang may tamang intensiyon na makatiyak tungkol sa Akin, nagtapos sana kayo ng pagkakaroon ng pananampalataya sa Akin, sapagkat ang mga gawang Aking ginawa sa ngalan ng Aking Ama ay sumasaksi sa Akin. Ang mga taong may mabubuting kalooban na sumunod sa Akin dahil nakilala nila Ako bilang ang Pastol, ay naniwala sa Akin at sa saksi na tinataglay ng Aking mga ginawa. Ano? Baka kaya iniisip ninyo na ang Aking ginagawa ay walang makabubuting pakay para sa inyo? Walang makabubuting pakay para sa lahat na mga nilikha? Huwag paniwalaan iyan. At huwag isipin na ang pakinabang ay nasa kalusugan ng indibidwal, na nakuhang muli sa pamamagitan ng Aking panalangin, o nasa pagkakalaya mula sa pagkakalukob o mula sa kasalanan ng isang ito ng isang iyon. Iyan ay isang pakinabang na limitado sa mga indibidwal. Napakaliit kompara sa kapangyarihan na lumalabas mula sa sobrenatural na pinanggagalingan, mula sa pinanggagalingan na dibino, kaysa sa sobrenatural, na isipin na siyang tanging pakinabang, Naririyan ang panlahat na pakinabang ng mga gawain na Aking ginagawa. Ang pakinabang na maalis ang lahat na mga pagdududa sa di-nakatitiyak na mga tao, ang pakinabang na makumbinsi ang mga kalaban bukod sa patibayin ang pananampalataya ng mga naniniwala. Ang Aking Ama ay binibigay sa Akin ang kapangyarihan na gawin kung ano ang Aking ginagawa para sa panlahat na pakinabang na iyan, pabor sa lahat na mga tao, sa kasalukuyan o sa hinaharap, sapagkat ang Aking mga ginagawa ay sasaksi sa Akin sa lahat na mga henerasyon sa hinaharap at magkukumbinsi sa kanila tungkol sa Akin. Walang ginagawa sa mga gawain ng Diyos na walang mabuting pakay. Laging itanim iyan sa isip. Pagnilayan ang katotohanan.»

Si Jesus ay tumigil nang isang sandali. Tinititigan Niya ang isang Judaean na nakatayo na ang ulo nakatungo at pagkatapos Siya ay nagsabi:

«Ikaw na labis na nag-iisip sa banda riyan, ikaw na may tunika na ang kulay ay katulad ng hinog na mga olibo, iniisip mo kung pati ba si Satanas ay may mabuting mga pakay. Huwag maging hangal upang masalungat Ako at makakita ng mga pagkakamali sa Aking mga salita. Ang Aking tugon sa iyo ay na si Satanas ay hindi gawa ng Diyos, bagkus gawa ng malayang kalooban ng mapagrebeldeng anghel. Ang Diyos ay ginawa siyang Kanyang maluwalhating ministro at kung gayon ginawa siya para sa mabuting pakay. Ngayon, nagsasalita sa iyong sariling kaakuhan, sinasabi mo: “Kung gayon ang Diyos ay hangal dahil nagbigay Siya ng kaluwalhatian sa isang rebelde sa hinaharap at ipinagkatiwala ang Kanyang Kalooban sa isang suwail na anghel”. Ako ay tumutugon sa iyo:  “Ang Diyos ay hindi hangal bagkus Siya ay perpekto sa Kanyang mga naiisip at ginagawa. Siya ang Pinaka Perpektong Isa. Ang mga nilikha ay di-perpekto, kahit na ang pinaka perpektong mga nilikha. Laging mayroong isang punto ng pagkamababa sa kanila, kompara sa Diyos. Ngunit ang Diyos, Na nagmamahal sa kanila, ay pinagkalooban sila ng malayang kalooban upang sa pamamagitan nito ang nilikha ay sana maging perpekto sa birtud at kung gayon maging mas makatulad ang Diyos Ama”. At sasabihin Ko rin sa iyo, o mapanuya at tusong naghahanap ng kasalanan sa Aking mga salita, na ang Diyos ay kumukuha ng isang mabuting pakay din mula sa Kasamaan na pinangyari nang buluntad: ang pakay na magawa ang mga tao na magtaglay ng isang kaluwalhatian na karapat-dapat sa kanila. Ang pananagumpay sa ibabaw ng Kasamaan ay ang mga korona ng mga napili. Kung ang Kasamaan ay hindi makapagpapalabas ng mabubuting resulta para sa mga tao na puno ng mabuting kalooban, sinira na sana ito ng Diyos. Sapagkat wala sa sangnilikha ang kailangan na maging ganap na walang mga insentibo o mabubuting kalalabasan.

Hindi ka ba tumutugon sa Akin? Mahirap ba para sa iyo na tanggapin na nababasa Ko ang iyong puro at natalo Ko ang di-makatarungan na mga kongklusyon ng iyong pilipit na kaisipan? Hindi kita pipilitin na tumugon. Sa presensya ng napakaraming tao iniiwan kita sa iyong sariling pagmamalaki. Hindi Ko inaangkin na sabihin mong Ako ang nanalo. Ngunit kapag ikaw ay nag-iisa na kasama ang mga taong ito, na mga katulad mo, at ang mga taong nagpadala sa iyo, diyan tanggapin na si Jesus ng Nazareth ay nababasa ang mga naiisip ng iyong isip at nasasakal ang iyong mga pagtutol sa loob ng iyong lalamunan sa pamamagitan ng tanging sandata ng Kanyang salita ng katotohanan. Ngunit ating iwanan ang personal na panliligáw na ito at balikan ang maraming tao na mga nakikinig sa Akin. Kung isang tao lamang sa pagitan ng marami ang makukumberti ang kanyang espiritu patungo sa Liwanag pagkatapos na mapakinggan ang Aking mga salita, ang Aking pagod sa pagsasalita sa mga bato, hindi, bagkus, sa mga sepulkro na puno ng mga ahas, ay magiging sulit.

Sinasabi Ko kanina na ang mga nagmamahal sa Akin ay nakilala Ako bilang ang Pastol dahil sa Aking mga salita at sa Aking mga gawa. Ngunit kayo ay hindi naniniwala, hindi kayo makapaniwala, sapagkat kayo ay hindi Aking mga tupa.

Ano kayo? Tinatanong Ko kayo. Tanungin ang inyong mga sarili sa kailaliman ng inyong mga puso. Huwag maging hangal. Makikilala ninyo ang inyong mga sarili kung ano kayo. Sapat na ang pakinggan ang mga tinig ng inyong mga kaluluwa na mga hindi masaya sa pagpapatuloy na saktan ang Anak Niya Na lumikha sa kanila. Kahit na kung nalalaman ninyo kung ano kayo, hindi ninyo ito tatanggapin. Kayo ay ni hindi mapagpakumbaba, o sinsiro. Ngunit sasabihin Ko kung ano kayo. Kayo ay bahagyang mga lobo at bahagyang mga ligaw na kambing. Ngunit wala sa inyo, sa kabila ng nakasuot kayo ng mga balat ng mga kordero nagkukunwaring mga kordero, wala sa inyo ang totoong mga kordero. Sa ilalim ng maputing malambot na balahibo nasa inyo ang lahat na malulupit na kulay, ang tulis nga mga sungay at ang mga pangil at mga pangalmot ng mga barakong kambing o mababangis na hayop, at gusto ninyong manatiling ganyan, sapagkat nasisiyahan kayo sa pagiging ganyan, at nangangarap kayo ng kabagsikan at rebelyon. Iyan kung bakit hindi ninyo Ako mamahal at hindi ninyo Ako masundan at maintindihan.

Kung kayo ay pumupunta sa loob ng kawan, pumupunta kayo upang manakit, gumawa ng kapighatian at lumikha ng kaguluhan. Ang Aking mga tupa ay natatakot sa inyo. Kung sila ay katulad ninyo, kapopootan nila kayo. Ngunit wala silang kakayahan na mapoot. Sila ang mga kordero ng Prinsipe ng kapayapaan, ng Guro ng pagmamahal, ng maawaing Pastol. At hindi sila maaaring mapoot. Hindi nila kayo kailanman kapopootan katulad na hindi Ko kayo kailanman kapopootan. Iniiwan Ko sa inyo ang kapootan, dahil ito ang masamang bunga ng makatlong-ulit na pagkiling sa kasamaan kasama ang di-pinipigilang kaakuhan ng hayop na tao, na namumuhay kinakalimutan na siya ay isa ring espiritu, bukod sa pagiging laman. Pinananatili Ko sa Aking Sarili kung ano ang Akin: pagmamahal. At Akin itong pinaaabot sa Aking mga kordero at inaalok Ko rin ito sa inyo, upang gawin kayong mabuti. Kung kayo ay maging mabuti, maiintindihan ninyo Ako at magiging kasama kayo sa Aking kawan, katulad ng iba pa na mga nasa kawan na. Magmamahalan kami sa isa’t isa. Ako at ang Aking mga tupa ay nagmamahalan sa isa’t isa. Nakikinig sila sa Akin, nakikilala nila ang Aking tinig.

Hindi ninyo naiintindihan kung ano talaga ang ibig sabihin ng makilala ang Aking tinig. Ang ibig sabihin nito ang isa ay walang mga pagdududa tungkol sa pinanggagalingan nito at makikilala ito ng isa sa pagitan ng sanlibo pang ibang mga tinig ng huwad na mga propeta bilang ang totoong tinig na nanggagaling mula sa Langit. Ngayon at lagi, sa pagitan din ng mga tao na ang tingin sa kanilang mga sarili ay mga tagasunod ng Karunungan, at sila nga ay bahagyang tagasunod, ay magkakaroon ng marami na hindi makapagsasabi kung alin ang Aking tinig sa iba pang mga tinig na nagsasalita ng tungkol sa Diyos, nang mahigit kumulong may hustisya, bagkus magiging mga tinig na mas mabababa kaysa sa Aking tinig...»

«Lagi Ninyong sinasabi na Kayo ay malapit nang umalis, pagkatapos sasabihin Ninyo na lagi Kayong magsasalita? Kung Kayo ay umalis, hindi na Kayo makapagsasalita pa» pagtutol ng isang Judaean sa mapanuyang tono katulad na kung siya ay magsasalita sa isang tao na hindi matino ang isip.

Si Jesus ay tumugon muli sa Kanyang mapasensyang nakapamimighating tono na magiging mahigpit lamang kapag Siya ay magsimulang magsalita sa mga Judaean at pagkatapos, kapag Siya ay tumugon sa panloob na mga pagtutol ng isang Judaean:

«Ako ay laging magsasalita, na sana ang mundo ay hindi maging ganap na magumon sa idolatriya. At magsasalita Ako sa Aking mga disipulo, na mga pinili na siyang mag-uulit ng Aking mga salita sa inyo. Ang Espiritu ng Diyos ay magsasalita, at maiintindihan nila kung ano ang hindi maiintindihan ng kahit na marurunong na tao. Sapagkat ang mga taong edukado ay pag-aaralan ang salita, ang pangungusap, ang pamamaraan, ang lugar, ang kung-papaano, ang instrumento na sa pamamagitan nito ang Salita ay nagsasalita, samantalang ang Aking mga piniling tao ay hindi mawawala sa gayong walang-kabuluhan na mga pag-aaral, bagkus, nawawala sa pagmamahal sila ay makikinig at makaiintindi sapagkat ang Pagmamahal ang magsasalita sa kanila. Malalaman nila ang kaibahan ng maborloloy na mga pahina ng may-pinag-aralan na mga tao o ang huwad na mga pahina ng huwad na mga propeta, ng mga rabbi ng pagkukunwari, na nagtuturo ng naging-maruming mga doktrina o nagtuturo ng kung ano ang hindi nila sinasabuhay, makikita nila ang kaibahan ng mga ito sa simple, totoong malalim na mga salita na nanggagaling sa Akin. Ngunit ang mundo ay kapopootan sila dahil diyan, sapagkat ang mundo ay kinapopootan Ako-Liwanag at kinapopootan nito ang mga anak ng Liwanag, ang mundo na minamahal ang kadiliman na mapagkandili para sa kanilang mga kasalanan. Ang Aking mga tupa ay kilala at makikilala Ako at laging susundan Ako, sa mga daan din ng dugo at kapighatian, sa daan kung saan Ako ang unang dadaan, at dadaan sila diyan pagkatapos Ko. Sa mga daan na magdadala sa mga kaluluwa sa Karunungan. Sa mga daan na paliliwanagan ng dugo at mga luha ng mga taong inusig dahil nagtuturo sila ng katarungan, upang ang mga daan na ito ay makita sa madilim na mga usok ng mundo at ni Satanas, at sila ay sana maging katulad ng mga daan ng mga bituin na maghahatid sa mga naghahanap sa Daan, sa Katotohanan, sa Buhay, ngunit walang makita na tao na magdadala sa kanila doon. Sapagkat iyan kung ano ang pangangailangan ng mga kaluluwa: isang gabay na maaaring magdala sa kanila sa Buhay, sa Katotohanan, sa tamang Daan. Ang Diyos ay maawain sa mga kaluluwa na mga naghahanap at walang makita, hindi sa pamamagitan ng kanilang sariling kasalanan, bagkus dahil sa katamaran ng mga pastol na mga katulad ng mga estatuwa. Ang Diyos ay maawain sa mga kaluluwa na naliligaw kapag sila ay pinabayaan sa kanilang mga sarili at tinatanggap ng mga ministro ni Lucifer, na laging nakahandang tanggapin ang mga nawawala sa kanilang daan, upang gawin silang mga proselito ng kanilang mga doktrina. Ang Diyos ay maawain sa mga nalóko dahil lamang ang mga rabbi ng Diyos, ang tinatawag kono na mga rabbi ng Diyos, ay hindi nagka-interes sa kanila. Ang Diyos ay maawain sa mga lumalaban sa kalungkutan, kadiliman, kamatayan, sa kagagawan ng huwad na mga tagapagturo na may hitsura lamang ng mga tagapagturo at ng pagmamalaki ng pagiging tinatawag na gayon. At para sa mga kaawa-awang  kaluluwang ito, katulad na pinadala Niya ang mga propeta para sa Kanyang sambayanan, katulad na pinadala Niya Ako para sa buong mundo, ganyan din pagkatapos, pagkatapos Ko, ipadadala Niya ang mga lingkod ng Salita, ng Katotohanan at ng Pag-ibig upang ulitin ang Aking mga Salita.  Sapagkat ang Aking mga salita ay binibigay nito ang Buhay. Kung gayon ang Aking mga tupa ng kasalukuyang mga panahon at ng hinaharap ay mapapasakanila ang Buhay na binibigay Ko sa kanila sa pamamagitan ng Aking Salita, at ito ay eternal na Buhay para sa mga tumatanggap nito, at sila ay hindi kailanman maglalaho at walang sinuman ang makakaagaw sa kanila mula sa Aking mga kamay.»

«Hindi namin kailanman tinanggihan ang mga salita ng totoong mga propeta. Lagi naming iginalang si Juan, na siyang ang huling propeta» tugon ng isang Judaean nang galít, at ang kanyang mga kasamahan ay inulit ang kanyang sinabi.

«Namatay siyang nasa oras na hindi din ninyo kapootan at usigin. Kung siya ay buhay pa ngayon, ang kanyang “iyan ay labag sa Batas” na binigkas para sa isang insesto, ay uulitin din sa inyo dahil gumagawa kayo ng espirituwal na pangangalunya sa pakikipagtalik kay Satanas laban sa Diyos. At papatayin ninyo siya katulad ng binabalak ninyong patayin Ako.»

Ang mga Judaean ay naging galít na nagwawala at handa nang humampas, dahil pagod na sila sa pagkukunwang mga mapagpakumbaba.

Ngunit si Jesus ay hindi nag-aalala. Itinaas Niya ang Kanyang tinig upang mangibabaw sa kaguluhan at Siya ay sumigaw: «At tinanong ninyo Ako kung sino Ako, mga mapagkunwari? Sinabi ninyo na gusto ninyong makaalam upang makatiyak? At ngayon sinasabi ninyo na si Juan ay ang huling propeta? At makalwang-ulit ninyong sinusumpa ang inyong mga sarili sa pagsisinungaling. Minsan dahil sinasabi ninyo na hindi ninyo kailanman tinanggihan ang mga salita ng totoong propeta, at pagkatapos dahil, sa pagsasabing si Juan ang huling propeta at na inyong pinaniniwalaan ang totoong mga propeta, tinatanggihan ninyo na Ako rin ay isang propeta, isang propeta man lamang, at isang totoong propeta. Nagsisinungaling na mga labì! Manlolokong mga puso! Oo, sasabihin Ko sa inyong totoo, dito sa loob ng bahay ng Aking Ama, na Ako ay mahigit pa sa isang propeta. Nasa Akin kung ano ang binigay sa Akin ng Aking Ama. Kung ano ang binigay sa Akin ng Aking Ama ay mas mahalaga pa kaysa sa lahat na bagay at sa lahat na tao, sapagkat ito ay isang bagay na hindi mahihipo ng mapangulimbat na mga kamay ng kalooban at kapangyarihan ng mga tao. Nasa Akin kung ano ang binigay sa Akin ng Diyos at bagamat ito ay nasa Akin, ito ay Diyos pa rin, at walang makakaagaw nito mula sa mga kamay ng Aking Ama o sa Akin, sapagkat ito ay iyon ding Dibinong Kalikasan na iyon. Ang Aking Ama at Ako ay Iisa.»

«Ah! Gaanong nakapangingilabot! Paglalapastangan! Anathema!!»  Ang paghagulhol ng mga Judaean ay maririnig sa loob ng Templo, at sa muli ang mga bato na ginagamit ng mga tagapalit ng pera at ng mga nagtitinda ng mga hayop upang mapanatili matibay ang kanilang mga puwesto, ay ang panustos para sa mga naghahanap ng angkop na armas upang mambugbog.

Ngunit si Jesus ay tumataas na ang Kanyang mga kamay nakakursomano sa Kanyang dibdib. Siya ay naka-akyat sa isang batong upuan upang maging mas mataas at mas kitang-kita at kung gayon napangingibabawan ang mga pulutong sa pamamagitan ng Kanyang sapirong mga mata. Siya ay nangingibabaw at sumusulyap nang matatalas sa kanila. Siya ay napaka solemne na napaparalisa Niya ang lahat. Sa halip na magtapon ng mga bato, binibitawan nila ang mga ito o pinananatili ang mga ito sa kanilang mga kamay, hindi na naglalakas-loob na ibato ang mga ito sa Kanya. Ang kanila ring mga sigawan ay nanahimik sa isang kakaibang pagkataranta. Ito ay talagang ang Diyos ang sumisinag sa Kanyang Kristo. At kapag ang Diyos ang sumisinag nang ganyan, kahit na ang pinaka aroganteng tao ay nagiging kaawa-awa at takót. Iniisip ko kung ano kayang misteryo ang nakatago sa katotohanan na ang mga Judaean ay naging napakalupit noong Biyernes Santo. Anong misteryo ang naroroon sa katotohanan na ang Kristo ay nagkulang ng kapangyarihan na iyon ng paghahari sa araw na iyon. Iyon nga ay totoong ang araw ng Kadiliman, ang oras ni Satanas, at sila lamang ang tanging naghahari... Ang Dibinidad, ang Paternidad ng Diyos ay inabandona ang Kristo, Na walang iba bagkus ang Biktima...

Si Jesus ay nananatiling gayon nang kaunting mga sandali. Siya pagkaraan ay ipinagpatuloy ang pagsasalita sa bulok at duwag na kulumpon na iyon na nawalan ng lahat ng pagka-arogante nakikita lamang ang dibinong sinag. «Bueno? Ano ang gusto ninyong gawin? Tinanong ninyo Ako kung sino Ako. Sinabi Ko sa inyo. Kayo ay nagalit. Pinaalaala Ko sa inyo kung ano ang Aking nagawa, pinakita Ko sa inyo at pinaalaala sa inyo ang maraming mabubuting gawang nanggagaling sa Aking Ama at pinangyari sa pamamagitan ng kapangyarihang binigay sa Akin ng Aking Ama. Para sa aling mga gawain Ako ay inyong babatuhin? Dahil nagturo Ako ng hustisya? Dahil dinala Ko ang ebanghelyo sa mga tao? Dahil pumunta Ako upang anyayahan kayo sa Kaharian ng Diyos? Dahil pinagaling Ko ang inyong mga maysakit, ginagawang makakita ang bulag, ang paralitiko makalakad, ang pipi makapagsalita, dahil pinalaya Ko ang mga naaalihan, pinabangon Ko ang patay, tinulungan Ko ang mahihirap, pinatawad Ko ang mga makasalanan, minahal Ko ang lahat, pati ang mga napopoot sa Akin, kayo at ang mga nagpadala sa inyo? Kung gayon, alin sa mga gawaing ito gusto ninyo Akong batuhin?»

«Ito ay hindi dahil sa mabubuting bagay na Inyong ginawa, na gusto namin Kayong batuhin, bagkus dahil sa Inyong paglalapastangan, dahil Kayo, Na isang tao, ay ginagawa Ninyo ang Inyong Sarili na Diyos.»

«Hindi ba’t nakasulat sa inyong Batas: “Sinabi Ko: kayo ay mga diyos, at mga anak ng Kataastaasan”? Ngayon kung ang Diyos ay tinawag na “mga diyos” ang mga taong Kanyang kinakausap, binibigyan ng utos: na mamuhay upang ang pagkakatulad at larawan ng Diyos na nasa tao ay sana makitang malinaw, at ang tao ay sana hindi maging isang dimonyo o isang hayop; kung ang mga tao ay tinawag na “mga diyos” sa mga Banal na Aklat, lahat may pagpapasigla ng Diyos, na sa pamamagitan nito ang mga aklat ay hindi mababago o makakansela ayon sa kalooban at interes ng tao; bakit ninyo sinasabi sa Akin na Ako ay naglalapastangan, Ako Na ikinunsagra ng Ama at pinadala sa mundo, dahil sinabi Ko: “Ako ang Anak ng Diyos”? Kung hindi Ko ginawa ang mga gawain ng Aking Ama, magiging tama kayo sa hindi paniniwala sa Akin. Ngunit ginagawa Ko sila. At ayaw ninyo Akong paniwalaan. Paniwalaan man lamang ang mga ginawang iyon, upang sana malaman at makilala ninyo na ang Ama ay nasa Akin at na Ako ay nasa Ama.»

Ang bagyo ng mga sigaw at karahasan ay nagsimula muli at mas malakas pa kaysa sa nauna. Mula sa isa sa mga terasa ng Templo, kung saan ang mga pari, mga eskriba at mga Pariseo ay tiyak na nagtatago upang makinig, maraming tinig ang sumigaw: «Huwag pakawalan ang naglalapastangan na iyan. Ang kanyang kasalanan ay ngayon alam na ng publiko. Tayong lahat ay napakinggan Siya. Kamatayan sa naglalapastangan na pinoproklama ang Sarili na Diyos! Parusahan Siya katulad ng pinarusahan ninyo ang anak ni Shelomith ni Dibri. Dalhin Siya sa labas ng bayan at batuhin Siya! Ito ay ating karapatan! Ito ay nakasulat: “Siya na naglalapastangan ay kailangan na mamatay”.» Ang panunulsol ng mga lider ay napalalabas ang galit ng mga Judaean, na nagsisikap na hulihin si Jesus, itali Siya at ibigay sa mga mahistrado ng Templo, dahil nagmamadali na sila patungo roon sinusundan ng mga guwardiya ng Templo.

Ngunit sa muli ang mga sundalong Romano ay mas mabilis pa kaysa sa kanila, dahil nanonood mula sa Antonia nakita ng mga sundalo ang kaguluhan at lumabas sila sa mga kuwartel patungo sa lugar kung saan nagkakagulo ang mga tao. At wala silang ginagalang na sinuman. Ang mga tangkay ng sibat ay mabigat na bumabagsak sa mga ulo at mga likod. At pinakikilos nila ang isa’t isa nang may panunuya at pang-iinsulto, upang harapin ang mga Judaean: «Mahiga sa sahig, kayong mga aso! Tabi! Pataan nang malakas ang taong iyan, Licinus. Alis! Ang takot ay nagagawa kayong mangamoy nang lalo pa kailanpaman! Ano ang kinakain ninyo, kayong maruruming mga uwak, na maging napakabahô? Tama ka, Baso. Pinadadalisay nila ang kanilang sarili, ngunit nangangamoy pa rin sila. Tingnan mo ang may malaking ilong na iyon sa banda roon! Itabi sila sa pader at kukunin natin ang kanilang mga pangalan! At kayo, mga kuwago, bumaba kayo riyan. Maging ano pa man kilala namin kayo. Ang senturyon ay kailangan na gumawa ng isang magandang pag-uulat para nga kumander ng garison. Huwag! Huwag galawin ang isang iyan. Siya ay isang apostol ng Rabbi. Hindi na ninyo nakikita na nagmumukha siyang isang tao at hindi isang asong-gubat? Tingnan! Tingnan kung papaano silang tumatakbong tumakas sa banda roon! Hayaan silang makaalis! Upang lahat sila makumbinsi kinakailangan na sila ay matusok ng ating mga sibat! Diyan lamang sila mapapaamô.  Sana mangyari ito bukas! Ah! Nahuli kita at hindi ka makakaalis. Nakita kita, alam mo? Ang unang bato ay galing sa iyo. At kailangan mong panagutan ang pagbato sa isang sundalo ng Roma... At ang isang ito rin. Minura niya tayo iniinsulto ang ating sagisag. Ah! Ginawa ba niya? Talaga? Halika rito, gagawin ka namin na mahalin ang mga ito sa iyong kulungan...» At kung gayon, lumulusob at nanunuya, nahuhuli ang ilan napatatakbo ang ilan, ang mga sundalo ay nalinis ang napakaluwang na korte.

Ngunit tanging nang ang mga Judaean ay nakakita ng dalawa sa kanila na inaaresto, kanilang naipakita kung ano talaga sila: mga duwag na tunay! Sila ay tumatakas gumagawa ng kaguluhan katulad ng mga inaheng manok na nakakita ng uwak na bumubulusok sa kanila, o tinatapon nila ang kanilang sarili sa paanan ng mga sundalo nangungusap ng awa na may nakasusukang pagpapaalipin at pambobola. Ang isang opisyal , sa kung kaninong binti ang isang kulubot na mamâ ay nakakapit, isa sa pinakamabagsik na sumasalungat kay Jesus, tinatawag siyang «noble at makatarungan», ay itinulak siya sa pamamagitan ng isang malakas na igkas na nagawa ang nakakapit na Judaean na gumulong nang tatlong hakbang  nang palikod at sinisigawan: «Lumayas ka, ikaw na matandang lobo.» At kinakausap ang isa sa kanyang kapwa sundalo, pinakikita ang kanyang binti, sinabi niya: «May mga kuko silang katulad ng mga lobo, at laway katulad ng mga ahas. Tingnan dito. Naku Jove Maximus! Pupunta kaagad ako sa mainit na paliguan upang maalis ang mga bakas ng gusgusin na matanda!» at umalis siyang galít na ang kanyang binti puno ng kalmot.

Nawala nang ganap sa paningin ko si Jesus. Hindi ko masabi kung saan Siya napapunta o sa kung alin na geyt Siya lumabas. Nakita ko lamang pagkaraan nang matagal-tagal ang mga mukha ng dalawang anak ni Alfeo at ni Tomas na lumitaw at nawala ulit sa kaguluhan., nagpapakahirap na makaraan, at ang mga mukha ng ilang mga pastol na disipulo na abala rin na makaraan. At sila rin ay nawala at naiwan akong kasama ang huling kaguluhan ng masasamang Judaean okupado sa pagtakbo rito at doon upang maiwasan na mahuli at makilala ng mga sundalong Romano, na sa pagka-intindi ko ay kinalulugdan ang kanilang mga sarili na nakapamumukpok nang malakas sa mga Hudyo, nakagaganti sila para sa kapootan na kanilang natatanggap mula sa kanila.

301211

 

 


Sunod na kabanata