536. Si Jesus Pumunta sa Gruta ng Natibidad Upang Makapag-isa.

Disyembre 11, 1946.

Si Jesus ay nasa likuran ng Templo, malapit sa Gate of the Sheep, sa labas ng bayan. Sa paligid Niya ay ang mga apostol at ang mga pastol na disipulo, maliban kay Levi, at sila ay nabalisa at galit na galit. Hindi ko nakikita ang sinuman sa iba pang mga disipulo na mga nasa Templo kanina kasama Niya.

Sila ay nag-uusap-usap. Kailangan kong sabihin na sila ay nakikipagtalo sa isa’t isa at kay Jesus, at lalo na kay Judas Iskariote. Kinagagalitan nila ang huli para sa galit ng mga Judaean, at ginagawa nila ito sa pamamagitan ng kung baga masasakit na panunuya. Si Judas ay pinababayaan silang magsalita inuulit: «Nakausap ko ang mga Pariseo, mga eskriba at mga pari, at wala kahit isa sa kanila ang kasama sa pulutong.» Sinisisi nila si Jesus sa hindi Niya pagkalas sa diskusyon pagkatapos na ito ay humupa noong unang beses. At si Jesus ay tumugon: « Kinailangan Kong kumpletuhin ang Aking manipestasyon.»

At sila ay hindi rin magkasundo kung saan sila kailangan pumunta, dahil ang Sabbath ay malapit na at ang darating na mga araw ay mga kapistahan na mga araw. Si Simon Pedro ay nagmumungkahi sa bahay ni Jose ng Arimathea, ang Bethany bilang labas na sa usapan dahil ayaw nilang maistorbo ang mga tao roon, lalo na dahil nasabi na ni Jesus na hindi na sila ulit dapat pupunta sa Bethany.

Si Tomas ay tumugon «Ni si Jose o si Nicodemus ay wala roon. Sila ay umalis, para sa kapistahan. Binati ko sila kahapon noong tayo ay naghihintay para kay Judas at sinabi nila sa akin.»

«Pumunta tayo kay Nike, kung gayon» mungkahi ni Mateo.

«Siya ay nasa Jericho para sa kapistahan» tugon ni Felipe.

«Kay Jose ng Sephoris» sabi ni Santiago ni Alfeo.

«H’m! Si Jose... Hindi natin siya mabibigyan ng isang regalo! Nagkaroon siya ng problema at... Bueno, mas mabuti pang sabihin ko sa inyo! Pinagpipitagan niya ang Guro, ngunit ibig niyang siya ay nasa kapayapaan. Siya ay tila nasa isang bangka na napapunta sa dalawang magkasalungat na mga agos... at upang manatiling nakalutang... iniisip niya ang lahat na pampabigat at pampatatag, kasama na ang maliit na si Martial... labis-labis na siya ay hindi makapaniwala na si Jose ng Arimathea ay kukunin ang bata» sabi ni Pedro.

«Ah! iyan ba kung bakit kasama niya siya kahapon?!» bulalas ni Andres.

«Siyempre! Kung kaya't mas mabuti na hayaan siyang kumalma sa loob ng isang maliit na kanlungan... Eh! hindi tayo napakatapang! Ang lahat ay natatakot ng Sanhedrin!.» sabi ni Pedro.

«Pakiusap na magsalita para sa iyong sarili. Hindi ako natatakot ng sinuman» sabi ng Iskariote.

«Ni ako. Haharapin ko ang lahat na mga lehiyon upang ipagsanggalang ang Guro. Ngunit tayo ay nasa ibang katayuan... Ang mga iba... Eh! Mayroon sila ng kanilang inaasikaso, ang kanilang mga bahay, mga asawa, mga anak na babae... Dinadala nila iyan sa kanilang isip.»

«Bueno, dinadala rin natin sila» wika ni Bartolomeo.

«Ngunit tayo ay mga apostol, at...»

«At katulad ninyo ang iba. Huwag pintasan ang sinuman, sapagkat ang pagsubok ay hindi pa dumarating» sabi ni Jesus.

«Hindi pa ito dumating? At ano pa ang Inyong inaasahan na mahigit pa sa ating dinanas? Gayunpaman nakita Ninyo kung papaano ko Kayo ipinagsanggalang sa araw na ito! Ipinagsanggalang Kayo naming lahat, at ako nang mas mahigit pa kaysa sinuman! Naniko ako upang makaraan sa gitna ng pulutong tumutulak nang gayon kalakas na sapat na iyon na makatulak ng isang bangka!... Isang idea! Pumunta tayo sa Nob. Ang matandang lalaki ay magiging masaya!»

«Oo. Sa Nob» lahat sila nagsasabi nang sumasang-ayon.

«Si Juan ay wala roon. Lalakarin ninyo ang buong daan para sa wala. Makapupunta kayo sa Nob, ngunit hindi sa bahay ni Juan.»

«Makakapunta kami! At Kayo ay hindi?»

«Ayaw Kong pumunta, Simon ni Jonas. Mayroon na Akong pupuntahan sa mga gabing ito ng Kapistahan ng Dedikasyon. Ngunit kapag Ako ay nakaalis na, makapananatili kayong mapayapa kahit saan. Kung kaya't sinasabi Ko sa inyo: pumunta kayo saan man ang gusto ninyo. Pinagpapala Ko kayo. Pinaaalalahanan Ko kayo na maging pisikal at espirituwal na magkakasama, nagpapailalim kay Pedro, bilang inyong ulo, hindi bilang isang guro, bagkus bilang isang nakatatandang kapatid. Kapag nakabalik na kaagad si Levi dala ang Aking bag, tayo ay maghihiwalay.»

«Hindi aking Panginoon! Huwag kailanman masabi na pinabayaan ko Kayong lumakad nang nag-iisa!» bulalas ni Pedro.

«Gawing laging masabi iyan, kung gusto Ko iyan, Simon ni Jonas. Ngunit huwag matakot. Hindi Ako mapupunta sa bayan. Walang sinuman, bagkus isang anghel o isang dimonyo, ang makaaalam sa Aking pupuntahan.»

«At iyan ay mabuti. Sapagkat napakaraming dimonyo ang napopoot sa Inyo. Sinasabi ko sa Inyo na hindi Kayo lalakad nang Kayo lamang Mismo!»

«Nariyan din ang mga anghel, Simon. At Ako ay lalakad.»

«Ngunit saan? Sa alin na bahay, kung inaayawan Ninyo ang pinaka mabubuting bahay sa pamamagitan ng Inyong sariling kalooban o dahil ng mga sirkunstansiya?! Hindi Kayo mananatili sa isang kuweba sa mga bundok sa panahon na ito?»

«At kung gagawin Ko? Ito ay magiging hindi masyadong kasing lamig ng yelo kaysa sa mga puso ng mga tao na hindi nagmamahal sa Akin » sinabi ni Jesus halos sa Kanyang Sarili, tinutungo ang Kanyang ulo upang maitago ang mga luha na nagniningning sa Kanyang mga mata.

«Naririto si Levi. Siya ay parating nang nagmamadali» sabi ni Andres na nakatingin mula sa tabi ng daan.

«Kung gayon tayo ay magpalitan ng mga pagbati ng kapayapaan at pagpapaalam. Kung gusto ninyong pumunta sa Nob makakarating kayo nang sa oras lamang bago sumikat ang araw.»

Si Levi ay dumating nang humahangos: «Naghahanap sila para sa Inyo kahit saan, Guro... Ang mga nagmamahal sa Inyo ay nagsabi sa akin... Sila ay nakapunta na sa maraming bahay, lalo na sa mga bahay ng mahihirap na tao...»

«Nakita ka ba nila?» tanong ni Santiago ni Zebedeo.

«Walang duda. Pinatigil pa nga nila ako. Ngunit dahil  nalalaman ko na, sinabi ko: “Pupunta ako sa Gibeon” at ako ay lumabas dumaan sa Damascus Gate at tumakbo ako sa likuran ng mga pader... Hindi ako nagsinungaling, Panginoon, sapagkat ako at ang mga taong ito ay pupunta sa Gibeon pagkatapos ng Sabbath. Palalampasin namin ang gabi sa kabukiran ng bayan ni David... Ito ay ang mga araw ng mga pagsasariwa para sa amin...» at tinitingnan niya si Jesus nang may anghelikal na ngiti sa kanyang matipunong balbasin na mukha, isang ngiti na bumubuhay muli sa mga katangian ng batang lalaki ng malayo nang gabing iyon.

«O sige. Makakalakad na kayo. At kayo rin. Ako rin ay lalakad na. Ang bawat isa sa kanyang sariling lakad. Mauuna kayo sa Akin sa nayon ni Solomon, kung saan pupunta Ako sa loob ng kaunting mga araw. At bago kayo iwanan, uulitin Ko sa inyo ang mga salita na sinabi Ko bago Ko kayo pinalakad nang dala-dalawa sa paligid ng mga bayan: “Humayo, magturo, ibalita na ang Kaharian ng Langit ay malapit na malapit na. Pagalingin ang mga maysakit, linisin ang mga ketongin, ibangon ang patay sa espiritu at sa katawan, ipinag-uutos ang resureksiyon ng espiritu sa Ngalan Ko, ang paghahanap sa Akin Na siyang ang Buhay, o ang resureksiyon mula sa kamatayan. At huwag ipagmalaki sa sarili ninyo kung ano ang inyong ginagawa. Iwasan ang mga pakikipagtalo sa isa’t isa at sa mga hindi nagmamahal sa inyo. Huwag humingi ng kahit ano para sa kung ano ang ginagawa ninyo. Mas piliin ang pumunta sa pagitan ng naliligaw na mga tupa ng Israel kaysa sa pagitan ng mga Hentil at mga Samaritano, hindi dala sa pagkasuklam, bagkus dahil sa hindi pa kayo nakahanda na makumberti sila. Ibigay kung ano ang mayroon kayo nang hindi nag-aalala ng tungkol sa kinabukasan. Gawin kung ano ang nakita ninyo na ginagawa Ko, at nang may kaparehong espiritu katulad ng Akin. Ngayon binibigay Ko sa inyo ang kapangyarihan na gawin kung ano ang ginagawa Ko at kung ano ang gusto Kong gawin ninyo, upang ang Diyos ay sana mabigyan ng kaluwalhatian”.» Hinihingahan Niya sila, hinahalikan Niya sila nang isa-isa at pinahahayo sila.

Lahat sila ay umalis nang nag-aalinlangan at lumilingon nang maka-ilang beses. Kinakawayan Niya sila, hanggang lahat sila ay nakaalis, at pagkatapos bumaba Siya sa kanal ng ilog ng Kidron, sa pagitan ng mga palumpong, at naupo sa ibabaw ng isang bato malapit sa bumubulubok na tubig. Umiinom Siya sa tubig, na malinaw at tiyak na kasing lamig ng yelo. Hinuhugasan Niya ang Kanyang mukha, mga kamay at mga paa. Sinusuot Niya ang Kanyang mga damit at naupo muli. Siya ay nag-iisip... At hindi Niya napupuna kung ano ang nangyayari sa paligid Niya, na si Juan, ang apostol, na nakarating na nang malayo kasama ang kanyang mga kasamahan, ay bumalik nag-iisa at ginagaya Siya nagtatago sa loob ng isang makapal na palumpong...

Si Jesus ay nananatili roon nang matagal-tagal, pagkatapos Siya ay tumayo, isinabit Niya ang Kanyang bag sa Kanyang likuran, at sinusundan ang Kidron, sa pagitan ng mga palumpong, nakarating Siya sa bubon ng En-Rogel, pagkatapos lumiko Siya nang pagawing timog-kanluran hanggang kinukuha Niya ang daan ng Bethlehem. At si Juan, mga sandaan na hakbang sa likuran Niya, ay sinusundan Siya, ganap na nakabalot sa kanyang manta upang hindi makilala.

At siya ay nagpapatuloy pa nang nagpapatuloy, sa tabi ng mga daan na hinubaran ng taglamig.  Si Jesus, sa pamamagitan ng malalaking hakbang, ay inuubos ang daan. Si Juan ay sinusundan Siya nang may-kahirapan, dahil din kailangan niyang mag-ingat na siya ay hindi makita. Dalawang beses si Jesus ay tumigil upang lumingon. Ang unang pagkakataon ay nang dumaraan Siya malapit sa maliit na burol kung saan si Judas ay pumunta upang kausapin si Caiaphas, ang ikalawang beses ay nang malapit sa isang bubon, kung saan Siya naupo at nginangatngat ang isang piraso ng tinapay at pagkatapos umiinom mula sa amphora ng isang lalaki. Pagkatapos pinagpatuloy Niya ang Kanyang paglalakad habang bumababa ang araw... at ngayon ay dapit-hapon na. Nakarating Siya sa libingan ni Rachel nang ang huling mapulang mga sinag ng araw ay nagiging biyoleta. Ang kalangitan sa kanluran ay nagmumukhang isang balag ng wisteria na nasa pamumulaklak, samantalang sa patungong silangan ito ay isa nang purong cobalt-blue ng isang malamig na silanganing taglamig na kalangitan at ang unang mga bituin ay nagsisimula nang lumabas sa pinakamalayong dulo ng papawirin.

Binilisan ni Jesus ang Kanyang paghakbang upang makarating bago dumilim. Ngunit nang Siya ay nasa pinakamataas na lugar na mula kung saan nakikita Niya ang lahat ng bayan ng Bethlehem, Siya ay tumigil, tumingin at nagbuntung-hininga... Pagkatapos bumaba Siya nang mabilis. Hindi Niya pinapasok ang bayan. Inikutan Niya ang huling mga bahay. Tumuloy Siyang tuwiran sa mga labí ng bahay o tore ni David, kung saan Siya pinanganak. Tinatawid Niya ang agos ng tubig malapit sa gruta, nagpapatuloy Siya sa maliit na bukas na espasyo na puno ng tuyong mga dahon... Tinitingnan Niya ang mga labí. Walang tao roon. Siya ay pumasok... Si Juan ay tumigil nang malayu-layo nang kaunti mula kay Jesus, siya ay nag-iingat na hindi marinig o makita. Naghahanap siya, tumitingin siya. Nakakita siya ng isa pang sira-sirang establero naghahapuhap kung baga kaysa sa pamamagitan ng mata. Siya rin ay pumasok at nagkaskas ng liwanag sa isang sulok. Doon ay may ilang mga dayami, ilang maruming kalat, kaunting tuyong mga sanga at ilang dayami sa sabsaban.

Si Juan ay kontento. Nagsasalita siya sa kanyang sarili: «Maririnig ko man lamang Siya... at... kami ay mamamatay nang magkasama o maililigtas ko Siya.» Pagkatapos siya ay nagbubuntung-hininga at nagsabi: «At Siya ay pinanganak dito! At Siya ay pumupunta rito upang iluha ang mga luha ng pamimighati... At... Ah! Eternal na Diyos! Iligtas ang aming Kristo! Ang aking puso ay nanginginig, o Kataastaasang Diyos, dahil gusto Niya laging nag-iisa bago ang dakilang mga gawain... At anong dakilang gawain ang Kanyang gagawin, bagkus ang ipahiwatig ang Kanyang Sarili bilang ang Haring Mesiyas? O! ang lahat ng Kanyang mga salita ay naririto sa loob ko... Ako ay isang hangal na bata at napakakaunti ang aking naiintindihan. Kaming lahat ay napakakaunti ang naiintindihan, o Eternal na Ama! Ngunit ako ay natatakot. Ako ay talagang natatakot! Sapagkat Siya ay nagsasalita ng tungkol sa kamatayan. Ng tungkol sa isang masakit na kamatayan, ng tungkol sa pagtataksil at tungkol sa nakapangingilabot na mga bagay... Ako ay natatakot, aking Diyos! Palakasin Ninyo ang aking puso, o Eternal na Panginoon. Palakasin ang aking puso ng isang kaawa-awang bata, katulad na tiyak na pinalalakas Ninyo ang puso ng Inyong Anak para sa mga pangyayari sa hinaharap... O! nararamdaman ko ito! Iyan kung bakit Siya pumunta rito. Upang mapalapit sa Inyo nang higit pa kailanman at mapalakas ang Kanyang Sarili sa loob ng Inyong pagmamahal. Gusto kong gayahin Siya, o Kabanalbanalang Ama! Mahalin Ninyo ako at gawin Ninyong mahalin ko Kayo upang magkaroon ng lakas na paghirapan ang lahat nang walang karuwagan, upang mapaginhawahan ang Inyong Anak.»

Si Juan ay nananalangin nang matagal, nakatayo na ang kanyang mga kamay nakataas, sa loob ng nanginginig na liwanag ng isang apoy na kanyang pinadikit sa loob ng pangkabukiran na paapuyan. Siya ay nananalangin hanggang nakita niya na malapit nang mamatay na ang apoy. Pagkatapos inakyat niya ang mas malaking sabsaban at namaluktot sa loob ng mga dayami. Siya ay isang anino sa loob ng anino, nakabalot katulad niya sa loob ng isang madilim na manta at katulad na ang kuweba ay nababalot ng kadiliman, hanggang sa ang unang liwanag ng buwan mula sa silangan ay pinapasok ang isang butas sa bubungan, ibinabalita na ngayon ay ang kalaliman ng gabi. Ngunit si Juan, na pagód, ay nakatulog. Ang kanyang paghinga at ang mahinang bulubok ng agos ng tubig ay ang tanging ingay na maririnig sa loob ng gabing ito ng Disyembre.

Mataas sa itaas, ang mga grupo ng mga anghel ay tila lumilipad sa buong kalawakan, kung saan ang mga ulap na kasing gaan ng mga belo ay naliliwanagan ng sinag ng buwan... Ngunit walang mga pag-awit ng mga anghel. Sa magkasalisihan, ang panggabing mga ibon ay nagtatawagan nang may hapis, at kung minsan nagtatapos ito na may tawa ng aswang na tipikal sa mga kuwago, at mula sa malayo, ang isang lamentasyon na katulad ng isang hagulhol ay maririnig. Baka ang isang aso na nakakulong sa isang bakuran at tinatahulan ang buwan o ang isang lobo ay may naaamoy na mabibiktima sa hangin, ikinakawag ang buntot nito, at umaalulong nang husto nang hindi naglalakas loob na lapitan ang mga kulungan na may mga bantay? Hindi ko alam.

Pagkatapos ang mga tinig at mga hakbang ay maririnig at ang isang mapula-pulang nanginginig na liwanag ay lumitaw sa pagitan ng mga labí. At pagkatapos, isa-isa, ang mga pastol na disipulo ay dumating: sina Matthias, Juan, Levi, Jose, Daniel, Benjamin, Elias, Simeon. Si Matthias ay hawak ang isang may apoy na sanga upang makita ang daan. Ngunit ang isang nauna nang tumakbo ay si Levi at siya ang unang tumingin sa gruta ni Jesus. At siya ay kaagad lumingon at kumaway sa kanyang mga kasamahan na sila ay tumigil at huwag mag-ingay at siya ay tumingin muli... at pagkatapos, sa pamamagitan ng kanyang kanang kamay nakaunat nang patalikod, kinawayan niya ang iba pa na lumapit at siya ay tumabi upang sila ay makaraan, ang kanyang daliri nasa kanyang mga labì upang sabihin sa kanila na huwag maingay, habang sila ay tumingin nang isa-isa at pagkatapos umalis na lubos na naantig katulad ni Levi.

«Ano ang ating gagawin?» tanong ni Elias nang pabulong.

«Tayo ay manatili rito at pagnilayan Siya» sabi ni Jose.

«Hindi, hindi tama na labagin ang espirituwal ng mga lihim ng mga kaluluwa. Tayo ay umalis patungo sa banda roon» sabi ni Matthias.

«Tama ka. Pumunta tayo sa susunod na establero. Tayo ay naririto pa rin at malapit sa Kanya» sabi ni Levi.

«Tayo na» sabi nila. Ngunit bago umalis tumingin muli sila nang mabilisan sa gruta ng Natibidad at pagkatapos umalis, lubos na naaapektuhan, nagsisikap na hindi makagawa ng kahit anong ingay.

Ngunit nang sila ay nasa pamasukan na ng katabing establero, narinig nila si Juan na naghihilik. «May tao rito» sabi ni Matthias tumitigil.

«Ano naman ang problema niyan? Pumasok din tayo. Dahil ang isang pulubi, sapagkat iyan ay tiyak na isang pulubi, ay naninilungan dito, makapaninilungan din tayo» tugon ni Benjamin.

Sila ay pumasok hawak ang sanga na may sulô. Si Juan, nakabaluktot nang husto sa loob ng kanyang gawa-gawa lamang na di-komportableng kama, ang kanyang mukha medyo natatakpan ng kanyang buhok at manta, ay nagpapatuloy sa pagtulog. Nilalapitan nila siya nang dahan-dahan na may intensiyon na maupo sa mga dayami na nakakalat malapit sa sabsaban. Sa paggawa nito si Daniel ay tumingin nang mas mabuti sa lalaking natutulog at nakilala siya. Sinabi niya: «Ito ay ang apostol ng Panginoon, si Juan ni Zebedeo. Sila ay nanilungan dito upang magdasal... at ang antok ay napangibabawan ang apostol... Tayo ay umalis. Baka siya mapahiya na siya ay natuklasan na natutulog sa halip na nagdarasal...»

Sila ay lumabas muli at pinasok nang nag-aalinlangan ang isa pang gruta sa kabila nito. Si Simeon ay nagrereklamo tungkol dito nagsasabing: «Bakit hindi tayo manatili sa pamasukan ng Kanyang gruta, at tingnan Siya paminsan-minsan? Sa loob ng maraming taon tayo ay nabasâ ng mabibigat na hamog sa ilalim ng bukas na kalangitan upang bantayan ang ating mga tupa! At hindi ba natin magagawa ang ganito rin para sa Kordero ng Diyos? May karapatan tayo na gawin iyan, sapagkat sinamba natin Siya sa Kanyang unang tulog!»

«Tama ka bilang isang tao at bilang isang tagasamba ng Tao-Diyos. Ngunit ano ang nakita mo, nang tumingin ka sa loob doon? Isang lalaki, baka? Hindi. Nang hindi nalalaman, tinawid natin ang di-madaraanan na pintuan pagkatapos na alisin ang tripleng kurtina na inilagay upang maprotektahan ang misteryo at nakita natin kung ano ang ni ang Mataas na Pari ay hindi nakikita, kapag pinapasok niya ang Banal ng mga Banal. Nakita natin ang hindi mailarawan na pagmamahal ng Diyos para sa Diyos. Hindi tama na mag-espiya dito muli. Ang kapangyarihan ng Diyos ay baka parusahan ang ating walang-pangingiming mga mata na nakakita sa nagtatalik-sa-kasiyahan ng Anak ng Diyos. O! tayo ay maging masaya sa kung ano ang nagkaroon na tayo! Tayo ay nagpunta rito upang palampasin ang gabi sa pagdarasal bago umalis para sa ating misyon. Nagpunta tayo rito upang magdasal at gunitain ang gabi ng matagal nang araw... Napagnilayan natin sa halip ang pagmamahal ng Diyos! O! Ang Eternal na Ama ay totoong minahal tayo nang labis, sa pagbibigay sa atin ng lugod na mapagnilayan ang Sanggol at maghirap para sa Kanya, at ang lugod na ibalita Siya sa mundo bilang mga disipulo ng Sanggol na Diyos at ng Tao-Diyos!  Pinagkalooban na rin Niya tayo ng misteryong ito... Ating pagpalain ang Kataastaasan at huwag na tayong humiling ng kahit ano pang iba!» sabi ni Matthias, na sa aking palagay ay ang siyang pinaka maawtoridad sa karunungan at katarungan sa pagitan ng mga pastol.

«Tama ka. Ang Diyos ay minahal tayo nang labis. Hindi tayo kailangan na magkunwari pa. Sina Samuel, Jose at Matthias ay nagkaroon ng bagkus ang lugod na masamba ang Sanggol at maghirap para sa Kanya. si Jonah ay namatay na hindi nagawang masundan Siya. Si Isaac ay wala rin dito upang makita kung ano ang atin nakita. At kung mayroon na karapat dapat nito, ito ay si Isaac, na pinupudpod ang kanyang sarili upang ibalita Siya» sabi ni Juan.

«Iyan ay totoo! Totoong totoo! Naging napakasaya sana ni Isaac kung nakita niya ang lahat na ito! Ngunit sasabihin natin sa kanya» sabi ni Daniel.

«Oo. Ating itago ang lahat sa ating mga puso upang masabi  sa kanya» sabi ni Elias.

«At sa iba pang mga disipulo at mga naniniwala!» bulalas ni Benjamin.

«Hindi. Hindi sa iba pa. Hindi dala ng pagmamakasarili, bagkus dala ng kahinahunan at paggalang sa misteryo. Kung gugustuhin ng Diyos, ang oras ay darating kung kailan tayo ay  makapagsasalita. Para sa pansamantala kailangan nating manahimik» sabi ni Matthias muli, at kinakausap si Simeon siya ay nagpapatuloy: «Ikaw at ako ay dating mga disipulo ni Juan. Alalahanin kung papaano niya tayo tinuruan ng kahinahunan tungkol sa mga banal na bagay: “Kung ang Diyos, Na pinagpala na kayo, ay pagkakalooban kayo ng mahigit pa sa pangkaraniwang mga bagay isang araw, huwag kayong magawa niyan na mga madadaldal na lasing. Alalahanin na ang Diyos ay binubunyag ang Kanyang Sarili sa mga espiritu, na nakapaloob sa laman, sapagkat sila ay mga selestiyal na mga hiyas na hindi kailangan na mapalantad sa karumihan ng mundo. Maging banal sa inyong mga katawan at sa inyong mga pandama upang makontrolan ang bawat karnal na instinto, sa inyong mga mata at inyong mga tainga, sa inyong mga dila at sa inyong mga kamay. At maging banal sa inyong mga iniisip pinipigil ang pagmamalaki na malaman ng ibang mga tao kung ano ang mayroon kayo. Sapagkat ang inyong mga pandama, mga sangkap ng inyong katawan at mga katalinuhan ay kailangan na maglingkod at hindi maghari. Kailangan na paglingkuran nila ang espiritu, hindi pagharian ang espiritu. Kailangan nilang magprotekta, hindi balisahin ang espiritu. Kung kaya't ilagay ang selyo ng inyong kahinahunan sa mga misteryo ng Diyos sa inyo, maliban kung binigyan Niya kayo ng malinaw na utos na iba ang gawin ninyo, dahil ang espiritu ay may selyo ng pansamantalang pagkakakulong sa inyong katawan. Ang ating mga katawan at mga katalinuhan ay magiging ganap na walang-silbi, makasásamâ at mapanganib, kung hindi sila nakapagbibigay sa atin ng merito sa pamamagitan ng mga kahirapan na nagagawa natin silang mapilitan na paghirapan bilang katugunan sa masasamang insentibo na sa pamamagitan nito tayo ay kanilang inuudyukan, at kung sila ay hindi nakapaglilingkod bilang templo para sa altar sa itaas nito kung saan ang kaluwalhatian ng Diyos ay palipad-lipad: ang ating mga espiritu”. Naaalaala mo ba, Juan, at ikaw, Simeon? Sana naaalaala ninyo, sapagkat kung hindi ninyo naaalaala ang mga salita ng ating unang guro, siya ay totoong magiging patay hanggang sa ganang inyong pakialam. Ang guro ay nabubuhay hanggang sa ang kanyang doktrina ay nabubuhay sa kanyang mga disipulo. At kahit na kung siya ay pinalitan ng isang mas dakilang guro – at sa kaso ng mga disipulo ni Jesus, ng Guro ng mga guro – hindi kailanman tama na kalimutan ang mga salita ng naunang guro, na naghanda sa atin na maintindihan at mahalin ang Kordero ng Diyos nang may karunungan.»

«Iyan ay totoo. Nagsasalita ka nang may karunungan at susundin ka namin.»

«Ngunit gaano kasakit at nakakapagod na labanan ang tingnan Siyang muli, kung tayo ay napakalapit sa Kanya! Siya ba ay magiging katulad pa rin ng dati?» tanong ni Simon.

«Sino ang nakaaalam?! Gaanong sumisinag ang Kanyang mukha noon!»

«Mahigit pa kaysa sa buwan sa isang maliwanag na gabi!»

«Ang Kanyang mga labì ay mayroon noon ng dibinong ngiti...»

«At ang Kanyang mga mata ay lumuluha ng dibinong mga luha...»

«Hindi Siya kailanman bumigkas ng kahit isang salita noon. Bagkus ang lahat ay panalangin sa Kanya.»

«Ano kaya ang Kanyang nakita?»

«Ang Kanyang Eternal na Ama. Mapagdududahan ba ninyo ito? Tanging ang paningin na iyon ang makapagbibigay lamang ng gayong aspekto. Hindi, bagkus, ano ba ang aking sinasabi? Kaysa kung baga nakikita Siya, Siya ay kasama Niya, nasa loob Niya! Ang Salita kasama ang Isip! At minamahal nila ang isa’t isa!... Ah!...» sabi ni Levi, na tila nasa katalikan din ng pagmamahal.

«Iyan ang eksakto kung bakit sinabi ko na hindi tama para sa atin na manatili rito. Isipin na ni hindi Niya ginusto na makasama kahit na ang Kanyang apostol...»

«Siyempre. Iyan ay totoo! Banal na Guro! Kinakailangan na paapawin Siya sa pagmamahal ng Diyos, mahigit pa kaysa sa pangangailangan ng tuyong lupa ng tubig! May labis na kapootan sa paligid Niya!...»

«Ngunit labis din na pagmamahal. Gusto ko sanang... Oo, gagawin ko ito! Ang Kataastaasan ay naririto. Inaalay ko ang aking sarili at sinasabi ko: “Kataastaasang Diyos, Diyos at Ama ng Inyong sambayanan, Na tumatanggap at nagkokonsagra ng mga puso at mga altar at nagsasakripisyo ng mga biktima na kaaya-aya sa Inyo, gawin na ang Inyong kalooban ay bumaba katulad ng apoy at tupukin ako bilang isang biktima kasama ang Kristo, katulad ng Kristo at para sa Kristo, Inyong Anak at Inyong Mesiyas, aking Diyos at Guro. Nakikiusap ako sa Inyo. Pakinggan ang aking panalangin”. At si Matthias, na nagdasal nang nakatayo na nakataas ang mga kamay, ay naupo muli sa ibabaw ng mga panggatong na kahoy, kung saan sila nakaupo.

Ang buwan ay tumigil sa pagbigay ng liwanag sa kuweba sapagkat ito ay gumalaw nang pakanluran. Sumisinag pa rin ito nang maningning sa kabukiran, ngunit hindi na sa loob dito, at ang mga mukha at mga bagay ay nawala sa loob ng kadiliman. Ang mga salita rin ay naging bihira na at ang mga tinig mas mabababa na, hanggang ang antok ay napangibabawan ang kanilang mabuting kalooban, at ang mga salita ay paputul-putol na, at kung minsan wala nang tugon... Ang lamig, na napakalamig sa pagsikat ng araw, ay isang panggising sa antok, at sila ay tumayo, nagsindi sila ng ilang maliliit na kahoy at pinaiinitan ang kanilang mga galamay na naninigas sa lamig...

«Ano kaya ang Kanyang gagawin, dahil tiyak na hindi Siya mag-iisip ng isang apoy?» sabi ni Levi na ang mga ngipin ay halos nangangatal sa lamig.

«Magkakaroon kaya Siya ng ilang pagkain man lamang?» nagtatanong si Elias at dagdag pa niya: «Ngayon tayo ay mayroon bagkus ang ating pagmamahal at ilang abang pagkain... at ngayon ay isang Sabbath...»

«Alam ba ninyo kung ano? Ilagay natin ang lahat na pagkain natin sa pasukán ng gruta at pagkatapos tayo ay umalis. Lagi na tayong makakatagpo ng ilang tinapay bago gumabi, sa libingan ni Rachel o ni Eliseo. At tayo ang magiging ang tagapangalaga ng kinabukasan ng Tagapangalaga, ng Anak Niya Na nagkakaloob para sa ating lahat» mungkahi ng Jose.

«Oo. Magpadikit tayo ng isang magandang apoy upang tayo ay makakita at mapainitan ang ating mga sarili nang maayos, pagkatapos dadalhin natin ang lahat doon, at tayo ay aalis bago Siya o ang apostol lumabas sa pagsikat ng araw at makita tayo.»

Binuksan nila ang kanilang mga sako malapit sa lumalagablab na apoy at naglabas sila ng tinapay, keso at ilang mga mansanas. Pagkatapos pinunó nila ang kanilang mga sarili ng mga panggatong na kahoy at lumabas nang maingat habang pinakikita ni Matthias ang daan sa pamamagitan ng isang sanga na kinuha mula sa apoy. Inilagay nila ang lahat sa pasukán ng gruta, ang mga panggatong sa lupa, ang tinapay at ang iba pang mga makakain sa ibabaw ng mga ito. Pagkatapos sila ay umalis, tinawid ang sapâ, nang magkakasunuran, at sila ay umalis sa tahimik na unang malabong liwanag ng bukang-liwayway, nagagambala ng biglaang pagtilaok ng isang tandang.

010112

 

 


Sunod na kabanata