537. Si Jesus at si Juan ni Zebedeo.

Disyembre 14, 1946.

Ito ay isang maliwanag ngunit matinding taglamig na umaga. Ang lupa at ang mga damo ay natatakpan ng maputing mala-harinang mga kristal ng niyebe at nagawa nito ang ilang tuyong maliliit na sanga sa lupa na maging katulad ng mamahaling mga alahas na may wisik ng maliliit na perlas.

Si Juan ay lumalabas mula sa kanyang gruta. Nagmumukha siyang napakaputlà sa kanyang madilim na hazel-brown na damit. Maaari din na siya ay ginaw na ginaw o hindi mabuti ang kanyang pakiramdam. Hindi ko alam. Siya ay totoong maputlang-maputla at naglalakad katulad ng isa na hindi maganda ang pakiramdam. Siya ay nagpapatungo sa sapâ at nag-aalinlangan kung ilulubog niya ang kanyang mga kamay o hindi. Siya ay nagpasya at ipinapansalok ang kanyang mga kamay tinikman niya ang isang patak ng tubig, na malinaw ngunit tiyak na napakalamig. Ipinagpag niya ang kanyang mga kamay at tinapos ang pagpapatuyo nito sa laylayan ng kanyang tunika. Siya pagkatapos ay naging di-nakatitiyak... Tinitingnan niya ang mga labí kung saan naroroon si Jesus at ang kanyang sariling kuweba, at bumalik siya rito ng unti-unti. Ngunit pagdating niya sa daanan patungo sa loob ng kanyang kuweba, siya ay nagkaroon ng pagkahilo at sumuray-suray siya. Siya sana ay bumagsak kung hindi siya nakahawak sa medyo labí nang pader. Ipinatong niya ang kanyang ulo sa kanyang nakaluping braso, humahawak nang mahigpit sa pader nang sandali, pagkatapos itinaas niya ang kanyang ulo at tumingin-tingin sa kapaligiran... Hindi siya pumapasok sa kanyang kuweba. Nakadikit sa pader at sinusuportahan ang sarili sa pagkapit sa nakausling magagaspang na bato na nawalan ng plaster, nilalakad niya ang ilang mga hakbang na distansiya na naghihiwalay sa kanya sa kinaroroonang establero ni Jesus, at nang siya ay malapit na sa pamasukan nito ibinagsak ang kanyang sarili sa kanyang mga tuhod at umungol: «Jesus, aking Panginoon, maawa sa akin!»

Si Jesus ay lumitaw kaagad: «Juan? Ano ang ginagawa mo? Ano ang nangyayari sa iyo?»

«O! aking Panginoon! Nagugutom ako! Hindi ako nagkaroon ng kahit anong makakain sa loob ng halos dalawang araw. Nagugutom ako at giniginaw...» nagmumukha siyang maputlang-maputla at ang kanyang mga ngipin ay nangangatal.

«Halika! Halika sa loob!» sabi ni Jesus tinutulungan siyang makatayo.

At si Juan, suportado ng kamay ni Jesus, ay nagsimulang umiyak, na ang kanyang ulo nakapatong sa balikat ni Jesus, at sinasabi niya nang may buntung-hininga: «Huwag Ninyo akong parusahan, Panginoon, kung hindi ko Kayo nasunod...»

Si Jesus ay tumugon ngumingiti: «Naparusahan ka na. Katulad mo ang isa na inihihinga ang huli... Maupo ka rito, sa batong ito. Sisindihan Ko na ngayon ang apoy at bibigyan kita ng kahit ano na makakain...» at sa pamamagitan ng pangkiskis sinisindihan Niya ang ilang tuyong mga sanga at gumagawa ng isang magandang apoy sa pangkabukiran na paapuyan malapit sa pintuan.

Ang amoy ng nasusunog na mga sanga ay kumakalat sa loob ng kaawa-awang kuweba sa pamamagitan ng masayang maliwanag na mga apoy, sa malapit dito kung saan hinahawakan ni Jesus ang dalawang hiwa ng tinapay pagkatapos na matusok ito ng isang patpat. Nang sa akala Niya mainit na ito naglagay Siya rito ng keso na iniwan ng mga pastol at nang ang keso ay lumambot na at natunaw na sa tinapay, dinadarang Niya ang mga hiwa ng tinapay sa ibabaw ng apoy, katulad na katulad ng isang pinggan.

«Kumain ka na ngayon at huwag umiyak» sinasabi Niya ngumingiti lagi at inaabot ang tinapay kay Juan, na umiiyak nang tahimik katulad ng isang bata na naubusan ng lakas, at ni hindi siya tumitigil sa pag-iyak habang kinakain nang ganado ang nakapagpapaginhawang pagkain.

Si Jesus ay pumunta sa sabsaban at bumalik na may dalang ilang mansanas, inilagay Niya ang mga ito sa mga abo na napainitan na ng nasusunog na kahoy sa pagitan ng dalawang bato na ginagamit bilang patungan.

«Mas maganda na ba ang pakiramdam mo?» Nagtatanong Siya nakaupo malapit sa Kanyang apostol, na umiiyak pa ay tumatango.

Si Jesus ay niyayakap ang kanyang mga balikat sa pamamagitan ng isang kamay at kinakabig siya sa Kanyang sarili, na nagpaparami pa luha ni Juan, dahil siya ay hapung-hapo at balisang-balisa na makagawa ng kahit ano bagkus ang umiyak, gawa ng takot na mapagalitan at ng emosyon na siya ay tinatrato nang gayon.

Si Jesus ay hinahawakan siyang malapit sa Kanya, nang hindi nagsasalita ng kahit na ano habang siya ay kumakain. Pagkatapos sinabi Niya: «Sapat na iyan ngayon. Kakainin mo ang mga mansanas saka na. Gusto kitang bigyan ng kaunting alak, ngunit wala Ako nito. Noong umaga nang makalawa natagpuan Ko ang mga panggatong at pagkain sa labas ng establero. Ngunit wala roong alak. Kung kaya't wala Akong maibibigay na kahit ano. Kung ito ay magiging maya-maya pa makakakuha Ako ng ilang gatas mula sa mga pastol, na Aking nakitang nagpapastol na kanilang kawan sa kabila ng sapâ. Ngunit hindi pa nila ilalabas ang kanilang mga kawan hangga't hindi pa natutunaw ang nanigas na mga hamog...»

«Mas mabuti-buti na ako, Panginoon... Huwag na Kayong mag-alala sa akin.»

«At ano ang inaalala mo, dahil nagmumukha kang katulad lamang ng isang puno na ang kaninong nanigas na mga hamog ay natutunaw sa sikat ng araw?» sabi ni Jesus ngumingiti nang mas lalo pang maningning at hinahalikan ang noo ni Juan.

«Sapagkat ako ay puno ng pangungutya ng konsiyensya, Panginoon... at... Oo! Pakawalan ako!  Kailangan kong magsalita sa Inyo nang nakaluhod at hingin sa Inyo na patawarin ako...»

«Kaawa-awang Juan! Ang pagsisikap, na mas malaki pa kaysa sa iyong kakayahan, ay totoong napahina ka sa iyong pag-iisip din. At sa palagay mo ba kailangan Ko ang inyong mga salita upang maghusga at mag-absuwelto sa iyo?»

«Oo, nalalaman Ninyo ang lahat, alam ko. Ngunit hindi ako magkakaroon ng kapayapaan hanggang maikumpisal ko sa Inyo ang aking kasalanan, hindi, bagkus, ang aking mga kasalanan sa Inyo. Pakawalan ako. Hayaan Ninyong akusahan ko ang aking mga kasalanan.»

«O sige, magsalita, kung magbibigay iyan sa iyo ng kapayapaan.»

Si Juan ay bumagsak sa kanyang mga tuhod at tinataas ang kanyang may-mga-luhang mukha sinabi niya: «Nakagawa ako ng kasalanan ng pagsuway, ng kapangahasan, at ng... hindi ko alam kung tama ako na sabihin: pagiging tao... Ngunit iyan talaga ang aking pinakabago at pinakagrabeng kasalanan, na nagpapamighati sa akin nang lubos at nagagawa akong maintindihan ko kung gaano ako kawalang kuwentang lingkod, at mas malala pa nga diyan: gaano ako ka-makasarili at kahikahos.»

Ang mga luha ay totoong hinuhugasan ang kanyang mukha, habang ang ngiti ni Jesus ay nagagawa ang Kanyang mukha na maging mas na mas pang maningning. Si Jesus ay niyuyukuan nang kaunti ang Kanyang umiiyak na apostol at ang Kanyang dibinong ngiti ay isang haplos para sa kapighatian ni Juan. Ngunit si Juan ay malungkot na malungkot na siya ay hindi naaaliw kahit ng ngiting iyon at siya ay nagpapatuloy: «Nasuway ko Kayo. Sinabi Ninyo sa amin na huwag maghiwalay, samantalang humiwalay kaagad ako sa aking mga kasamahan at naiskandalo ko sila. «Sinagot ko si Judas ng Kerioth, na pinakita sa akin na ako ay nakagagawa ng kasalanan. Sinabi ko: “Ginawa mo iyon kahapon. Ginagawa ko ito ngayon. Ginawa mo iyon upang makaalam ng balita tungkol sa iyong ina, ginagawa ko ito upang makasama ko ang Guro at mabantayan Siya at ipagsanggalang Siya”... Umasa ako nang labis sa aking sarili sapagkat gusto kong gawin iyon... Ako, isang kaawa-awang tanga gusto Kayong ipagsanggalang! Nangahas din ako sapagkat ibig kong gayahin Kayo. Sinabi ko:  “Siya ay tiyak na magdarasal at mag-aayuno. Gagawin ko kung ano ang ginagawa Niya at para sa gayon din na intensiyon katulad ng Kanya”. Sa halip...» Ang kanyang pag-iyak ay naging paghikbi habang ang pangungumpisal ng tungkol sa paghihirap ng tao, ng tungkol sa materyal na nangingibabaw sa kalooban ng espiritu ay binibigkas ng mga labì ni Juan: «Sa halip... nakatulog ako. Nakatulog ako kaagad! At nagising ako noong umagang-umaga na at nakita ko Kayong pumunta sa sapâ, naghilamos, at bumalik dito, at nabatid ko na maaaring Kayo ay nahuli sana nila na ako ay hindi nakahandang ipagsanggalang Kayo. At ginusto kong gumawa ng pagpapakasakit at pag-aayuno, ngunit hindi ko pa ito nagagawa. Unti-unti, dala ng takot na baka maubos ko ito kaagad, kinakain ko ang maliit na piraso ng tinapay na mayroon ako noong unang araw. Nalalaman Ninyo na ako ay walang iba nito. Ako ay hindi pa busog, at naubos ko na ang lahat. At sa sumunod na araw mas lalo pa akong nagugutom, at kagabi...O! noong gabi nang makalawa nakatulog ako nang kakaunti dahil nagugutom at giniginaw ako, at kagabi hindi ako nakatulog kahit kaunti... at ngayong umaga hindi ko na matagalan pa... at ako ay pumunta dahil natatakot akong mamatay sa gutom... at iyan ang mas nakapagpasakít sa loob ko: na hindi ko nagawang manatiling gising upang magdasal at magbantay sa Inyo, samantalang nakapanatili akong gising dahil sa kirot ng kagutuman... Ako ay isang napakasamang hangal na lingkod. Parusahan Ninyo ako, Jesus!»

«Kaawa-awang bata! Sana ang lahat ng mundo ay kailangan na isigaw ang ganyang mga kasalanan! Ngunit makinig, tumayo at makinig sa Akin at ang iyong puso ay magkakaroon ng kapayapaan. Sinuway mo rin ba si Simon ni Jonas?»

«Ginawa ba nilang talaga? Maging sinsiro, Juan.»

«Iyan ay totoo, Guro. Iyon ay si Judas ang nanisi kay Simon at nagmaltrato sa akin. Ang iba ay nagsabi lamang: “Ang Guro ay inutusan tayo na magsama-sama”. At sinasabi nila iyon sa akin, hindi sa aming ulo. Ngunit si Simon ay tumugon: “Nalalaman ng Diyos ang pakay ng aksiyon, at Siya ay magpapatawad. At ang Guro ay patatawarin din iyan, sapagkat ginagawa iyon dala ng pagmamahal” at pinagpala at hinalikan niya ako at pinasunod ako sa Inyo, katulad noong araw nang Kayo ay pumunta sa kabila ng lawa kasama si Chuza.»

«Kung gayon hindi kita kailangan na absulbihan sa kasalanan na iyan...»

«Sapagkat iyon ay napakagrabe?»

«Hindi. Sapagkat wala talaga iyon. Halika rito ulit, Juan, sa tabi ng iyong Guro at makinig sa leksiyon. Ang isa ay kailangan na alam kung papaano sumunod sa mga utos nang may katarungan at pag-uunawa, iniintindi ang espiritu ng utos, hindi lamang ang mga salita na nagsasaad nito. Sinabi Ko: “Huwag maghiwalay”. Ikaw ay humiwalay sa kanila, kung gayon nagkasala ka sana. Ngunit nauna rito sinabi Ko: “Maging magkakasama nang pisikal at espirituwal, nagpapailalim kay Pedro”. Sa pamamagitan ng mga salitang iyon hinirang Ko ang Aking tatayang tagapangatawan sa pagitan ninyo, nang may ganap na pakultad na maghusga at mag-utos sa inyo. Kung gayon anuman ang ginawa ni Pedro o gagawin sa loob ng Aking pagkawala, ay mabuting nagagawa. Sa dahilan na inilagay Ko sa kanya ang kapangyarihan ng paggabay sa inyo, ang Espiritu ng Panginoon, na nasa Akin, ay mapapasakanya rin at papayuhan siya sa pagbibigay ng mga utos na iyon na kakailanganin ng mga sirkunstansiya at imumungkahi ng Karunungan sa hepeng Apostol para sa ikabubuti ng lahat. Kung sinabi ni Pedro sa iyo: “Huwag kang umalis” at umalis ka pa rin, ni kahit na ang mabuting rason para sa iyong pagkilos na gusto mong sundan Ako dala ng pagmamahal upang maipagsanggalang mo Ako at makasama Ako sa sandali ng panganib – ang magiging sapat upang makansela ang iyong kasalanan. Diyan ang Aking pagpapatawad ay talagang kinakailangan. Ngunit si Pedro, ang inyong Ulo, ay nagsabi sa iyo: “Lakad”. Ang iyong pagiging masunurin sa kanya ay pinangangatwiranan ka nang ganap. Kumbinsido ka ba?»

«Oo, Guro.»

«Kailangan ba kitang absulbihan para sa kasalanan ng pangangahas? Sabihin sa Akin, nang hindi tinitingnan na nakikita Ko ang iyong puso. Nangahas ka ba na gayahin Ako dala ng pagmamalaki, upang masabi: “Sa pamamagitan ng aking sariling kalooban napangibabawan ko ang mga pangangailangan ng aking katawan sapagkat nagagawa ko kung ano ang gusto ko”? Isipin itong mabuti...»

Si Juan ay nag-iisip. Pagkatapos sinabi niya: «Hindi, Panginoon. Kung titingnan kong mabuti ang aking sarili, hindi ko iyon ginawa para diyan. Umaasa ako na sana magawa ko iyon, sapagkat naintindihan ko na ang pagpapakasakit ay masakit para sa katawan, ngunit liwanag para sa espiritu. Nabatid ko na iyan ay isang paraan ng pagpapalakas sa aming kahinaan at makakuha ng labis para sa Diyos. Iyan kung bakit ginagawa Ninyo ito. Iyan kung bakit gustong gawin iyon. At ako ay hindi sa palagay ko nagkakamali sa pagsasabi na kung Kayo, Na napaka makapangyarihan at napakabanal, ay ginagawa ito, ako, kaming lahat, ay kailangan na laging gagawin ito, kung ito ay magiging laging posible, upang hindi maging labis na mahina at labis na materyal. Ngunit ako ay hindi nagtagumpay. Ako ay laging gutom at antok na antok...» at ang mga luha ay nagsimulang dumaloy muli sa kanyang mukha, nang unti-unti, mapagpakumbaba, isang tunay na pangungumpisal tungkol sa limitasyon ng pagkataong kakayahan.

«Bueno, sa palagay mo ba ang kaunting paghihirap din na ito ng katawan ay naging walang-kabuluhan? O! gaano mo ito maaalaala sa hinaharap, kapag ikaw ay tinutuksong maging mahigpit at mapaghanap sa iyong mga disipulo at mga naniniwala! Ito ay lilitaw muli sa iyong isip magsasabi sa iyo: “Alalahanin na ikaw din ay bumigay sa pagod at gutom. Huwag asahan ang iba na mas malakas pa kaysa sa iyo. Maging isang ama sa iyong mga naniniwala katulad na ang Guro ay naging isang ama sa iyo noong umagang iyon”. Maaaring nanatili kang gising na gising at maaaring hindi ka nakaramdam ng gutom pagkatapos ng lahat. Ngunit pinahintulutan ng Panginoon na mapailalim ka sa gayong mga pangangailangan ng laman, upang magawa kang mapagpakumbaba, mas na mas pang mapagpakumbaba at maawain sa iyong kapwa mga nilikha. Marami ang hindi makita ang pagkakaiba sa pagitan ng panunukso at nagawa nang kasalanan. Ang una ay isang pagsubok na nagbibigay ng merito at hindi nag-aalis sa sinuman ng grasya, ang huli ay isang pagbagsak na nagkakait sa isa ng merito at grasya. Ang iba ay hindi masabi ang pagkakaiba sa pagitan ng natural na mga pangyayari at mga kasalanan, at mayroon silang mga pag-aalinlangan tungkol sa pagkakagawa ng kasalanan, samantalang, at ganyan ito sa inyong kaso, nasunod lamang nila ang mabuting natural na mga batas. Sa pagsabi Ko ng “mabuti”, binibigyan Ko ng kaibahan ang natural na mga batas sa di-pinipigilan na mga instinto. Kung gayon hindi lahat na tinatawag natin ngayon na ‘batas ng kalikasan’ ay talagang gayon at mabuti. Ang lahat na mga batas na nakakabit sa kalikasan ng tao na binigay ng Diyos sa unang mga magulang ay mabuti: ang pangangailangan para sa pagkain, pahinga, inumin. Pagkatapos ang panghayop na mga instinto, ang kawalang pagpipigil, lahat na klase ng sensuwalidad ay pinalitan nito ang natural na mga batas at hinaluan nito pinarurumi ng kanilang kawalang kahinahunan kung ano ang mabuti. At pinanatili ni Satanas na lumalagablab ang apoy, pinalalaki ang mga bisyo sa pamamagitan ng kanyang mga panunukso. Nakikita mo na ngayon na hindi kasalanan ang bumigay sa pangangailangan para sa pahinga at pagkain, samantalang ang pagpapakasama, pagpapakalasing at pinatatagal na pagkawalang-magawa ay makasalanan. Ni ang pangangailangan na mag-asawa at magkaroon ng anak ay hindi makasalanan, sa kabaligtaran binigay ng Diyos ang utos na gawin ito upang mapuno ng tao ang Lupa. Ngunit  ang gawain na basta na lamang makisiping upang masiyahan ang mga pandama ay hindi na mabuti. Ikaw ba ay kumbinsido rin niyan?»

«Oo, Guro. Ngunit sabihin sa akin ang isang bagay. Ang mga taong ayaw na manganak... sila ba ay nagkakasala laban sa utos ng Diyos? Minsan sinabi Ninyo na ang kalagayan ng pagiging birhen ay mabuti.»

«Iyan ang pinaka perpektong kalagayan. Katulad na pinaka perpekto ang kalagayan ng mga tao na, hindi nakukontento sa paggamit nang mabuti ng kanilang kayamanan, ay hinuhubaran nang ganap ang kanilang mga sarili nito. Ang mga ito ay ang perpeksiyon na maaaring maabot ng isang nilikha. At sila ay gagantimpalaan nang mabuti. Tatlo ang pinakaperpektong mga bagay: buluntad na karukhaan, perpetwong kabasalan, absulutong pagsunod sa kung ano ang hindi makasalanan. Ang tatlong mga bagay na ito ay nagagawa ang tao na maging katulad ng mga anghel. At isa ang magpahanggang ngayon ang pinakaperpekto sa lahat na mga ito: ang ibigay ang sariling buhay dala ng pagmamahal para sa Diyos at para sa kapatid. Nagagawa niyan ang isang nilikha na maging katulad Ko, sapagkat naitataas siya nito sa absulutong pagmamahal. At siya na nagmamahal nang perpekto ay katulad ng Diyos, nasisipsip at nakakaisa ng Diyos. Kung kaya't maging nasa kapayapaan, Aking minamahal na Juan. Walang kasalanan sa iyo. Sinasabi Ko sa iyo. Kung gayon bakit ka mas lalong umiiyak?»

«Sapagkat mayroon diyang pagkakamali: na hindi ako nakapunta sa Inyo nang Kayo ay nangangailangan, at nagawa kong makapanatiling gising dala ng kagutuman ngunit hindi dahil sa pagmamahal. Hindi ko kailanman mapapatawad ang aking sarili. Iyan ay hindi na muli mangyayari sa akin. Hindi na muli ako matutulog kapag Kayo ay naghihirap. Hindi ko Kayo kalilimutan gawa ng pagkakatulog kung Kayo ay lumuluha.»

«Huwag itaya ang hinaharap, Juan. Ang iyong espiritu ay pumapayag, ngunit ito ay mapangingibabawan pa rin ng laman. At ikaw ay magiging lubos at bigong mawawalan ng pag-asa kapag maalaala mo ang pangakong itong iyong ginawa, ngunit hindi mo matupad dahil sa kahinaan ng laman. Tingnan. Sasabihin Ko na sa iyo ngayon kung ano ang kailangan mong sabihin upang maging nasa kapayapaan, anuman ang mangyari pa sa iyo. Sabihin nang kasabay Ko: “Ako, sa tulong ng Diyos, ay minumungkahi, hanggang sa ito ay posible para sa akin, na hindi na muli  magpapatalo sa kabigatan ng laman”. At manatiling matatag sa disisyon na iyan. At kung isang araw, kahit na labag sa iyong kalooban, ang pagod at malungkot na laman ay matalo ang iyong kalooban, diyan mo sasabihin ang sinasabi mo ngayon: “Kinikilala ko na ako ay isang kaawa-awang tao katulad ng lahat kong mga kapatid at sana matulungan ako nito na ipahiya ang aking pagmamalaki”. O! Juan! Hindi ang iyong inosenteng tulog ang makapamimighati sa Akin! Kunin ang mga ito. Makakatulong iyan na makapanumbalik ka nang ganap. Pagsasaluhan natin iyan, pinagpapala siya na nag-alay nito sa Akin» at kinukuha Niya ang mga mansanas na ngayon ay luto na at napakainit, at binibigay Niya ang tatlo kay Juan pinananatili ang tatlo pa para sa Kanya.

«Sino ang nagbigay sa Inyo niyan, Panginoon? Sino ang pumunta sa Inyo? Sino ang nakaaalam na Kayo ay naririto? Hindi ako nakarinig ng mga tinig o mga yapak. Bagama't, pagkatapos ng unang gabi, ako ay laging gising...»

«Lumabas Ako pagsikat ng araw. May mga tali ng panggatong na kahoy malapit sa pasukan at ilang tinapay, keso at mga mansanas sa ibabaw. Wala Akong nakitang sinuman. Ngunit may ilang mga tao lamang ang maaaring nagkagustong maulit ang isang banal na paglalakbay at ang isang pagpapakita ng pagmamahal...» sabi ni Jesus nang dahan-dahan.

«Iyan ay totoo! Ang mga pastol! Sinabi nila: «Pupunta kami sa lupain ni David... Ito ay mga araw ng pag-ala-ala... Ngunit bakit hindi sila tumigil?»

«Bakit! Sila ay sumamba at...»

«Naawa sila. Sinamba nila Kayo at naawa sa akin... Sila ay mas mabubuti pa kaysa sa amin.»

«Oo. Napanatili nila ang kanilang mabuting kalooban, at ang kanilang kalooban ay nagiging mas na mas pang mabuti. Ang regalong binigay sa kanila ng Diyos, ay hindi naging kapahamakan para sa kanila...»

Si Jesus ay hindi na muli ngumingiti. Siya ay nag-iisip at naging malungkot. Pagkatapos ginising Niya ang Kanyang sarili. Tinitingnan Niya si Juan na nakatingin sa Kanya, at sinabi Niya: «Bueno? Aalis na ba tayo? Hindi ka na ba nanghihina?»

«Hindi, Guro. Maaaring hindi pa ako malakas na malakas, sa palagay ko, dahil namamanhid ang aking mga galamay. Ngunit sa palagay ko makakalakad ako.»

«Tayo na kung gayon. Lakad at kunin ang iyong sako, habang nilalagay Ko sa Aking sako anuman ang natira at umalis na tayo. Kukunin natin ang daan na magdadala sa atin sa Jordan upang maiwasan ang Herusalem.»

At nang nakabalik si Juan sila ay umalis, dinadaanan ulit ang daan na kanilang kinuha noong sila ay dumating at lumalayo sa pamamagitan ng kabukiran na pinaiinitan ng banayad na araw ng Disyembre.

040112

 


Sunod na kabanata