538. Si Jesus Kasama si Juan at si Manaen. Ang Katapusan ng Ikatlong Taon.

Disyembre 16, 1946.

Sila ay nasa lupain na na apektado na ng pagkakalapit sa Dead Sea, malayo sa mga daanan ng mga karabana at sila ay nagpapatuloy nang tuluy-tuloy pagawing hilagang-silanganin. Sa kabila ng kagaspangan ng lupa, na may nakakalat na matatalas na bato, mga kristal ng asin, mabababang matitinik na damo, sila ay nakapagpapatuloy nang maayos at higit sa lahat nang mapayapa, sapagkat wala ni isang kaluluwa roon na makikita hanggang sa layo na maaabot ng paningin ng mata, ang temperatura ay banayad at ang lupa ay tuyo.

Sila ay nagkukuwentuhan. Sa loob ng mga nakaraang araw maaaring nakatagpo sila ng ilang mga pastol at nakituloy sa kanila, sapagkat sila ay nagsasalita ng tungkol sa kanila. Nagsasalita rin sila ng tungkol sa isang batang lalaki na pinagaling. Sila ay nagpapatuloy nang ganito, mapayapa, nagsasalita nang masaya sa isa’t isa. Kahit na kung sila ay tahimik, sila ay nagsasalita sa isa’t isa sa pamamagitan ng kanilang mga puso dahil nagtitinginan sila nang may klase ng mga sulyap ng mga taong masasaya na makasama ang isang mahal na kaibigan.  Sila ay naupo upang magpahinga at kumain nang kaunti, sila ay umalis ulit, laging may mapayapang hitsura na nagbibigay ng kapayapaan sa aking puso sa tanging pagtingin lamang sa kanila.

«Ang Gilgal ay nasa banda roon» sabi ni Jesus, itinuturo ang isang grupo ng mapuputing bahay sa loob ng sikat ng araw sa ibabaw ng isang maliit na burol sa hilagang-silangan. «Malapit na tayo sa ilog.»

«Pupunta ba tayo sa Gilgal para sa gabi?»

«Hindi, Juan. Sinadya Ko nang iwasan ang mga bayan, at iiwasan Ko na rin ang isang ito. kung tayo ay makasalubong ng isang pastol, tayo ay tutuloy sa kanya. Sandali na lamang ang mararating na natin ang daan at kung makakita tayo ng mga karabana na titigil para sa gabi, makikiusap tayo na tayo tanggapin nila sa ilalim ng kanilang mga kubol. Ang mga nomad ng disyerto ay laging mapag-aruga. At malaki ang posibilidad na makikita natin sila sa pagkakataon na ito. kung walang magbibigay sa atin ng matutuluyan, matutulog tayo sa ilalim ng bukas na kalawakan, natatakpan ng ating mga manta at ang mga anghel ay babantayan tayo.»

«O! Magiging mas mabuti pa iyan kaysa sa mapanglaw na gabing iyon, ang aking huling gabi sa Bethlehem!»

«Ngunit bakit hindi ka kaagad pumunta sa Akin?»

«Sapagkat pakiramdam ko ako ay may pagkakasala. At sinabi ko rin: si Jesus ay napakabait na hindi Niya ako pagagalitan, sa kabaligtaran pagiginhawahan Niya ako, katulad ng talagang ginawa Ninyo. Kung gayon ano ang mangyayari sa pagpapakasakit na ginusto kong gawin?»

«Nagawa sana natin iyon nang magkasama, Juan. Ako rin ay walang pagkain at apoy, sa kabila ng mga makakain at kahoy na nakita Ko pagdating ng umaga.»

«Oo nga, ngunit kapag ang isa ay kasama Ninyo, walang kahit ano ang may halaga pa. Kapag kasama ko Kayo, hindi ako naghihirap para sa kahit na ano. Tinitingnan ko Kayo. Nakikinig ako sa Inyo. At ako ay masaya na.»

«Alam Ko. At nalalaman Ko rin na wala sa kahit sino ang Aking kaisipan nakaukit nang mas malalim pa kaysa sa Aking Juan. At nalalaman Ko rin na nakaiintindi ka at nagiging tahimik kung kinakailangan na dapat na manahimik. Naiintindihan mo Ako, sapagkat minamahal mo Ako. Bago magtagal...»

«Ano, Panginoon?» tanong ni Juan kaagad pinuputol Siya, hinahawakan ang Kanyang braso, pinatitigil Siya upang tingnan Siya sa mukha, nang may natatakot na nagtatanong na mga mata at nagmumukhang maputlang-maputla.

«Bago magtagal nakapag-ebanghelyo na Ako nang tatlong tao. Nasabi Ko na sa mga pulutong kung ano ang dapat na sabihin sa kanila. Sa ngayon, sinuman ang may gustong mahalin at sundan Ako ay mayroon na ng kinakailangan na mga elemento upang magawa ito nang may katiyakan. Ang iba... Ang ilan ay makukumbinsi ng mga pangyayari. Ang karamihan ay hindi makikinig kahit na sa mga pangyayari. At mayroon Akong kaunting mga bagay na sasabihin sa kanila. At sasabihin Ko ito sa kanila. Sapagkat ang hustisya ay kailangan din na maibigay, hindi lamang awa. Magpahanggang ngayon ang awa ay naging tahimik nang maraming beses at walang sinabi na kahit ano tungkol sa maraming mga bagay. Ngunit bago manahimik nang magpakailanpaman ang Guro ay magsasalita rin nang may kahigpitan ng isang hukom. Ngunit ayaw Kong magsalita sa iyo ng tungkol diyan. Gusto Kong sabihin sa iyo na bago magtagal, pagkatapos na masabihan Ko ang kawan ng kailangan Kong sabihin upang magawa itong maging Akin, madalas Akong hihiwalay kinokolekta ang Aking naiisip sa pagdarasal at paghahanda. At kapag hindi Ako nagdarasal, itatalaga Ko ang Aking sarili para sa inyong lahat. Gagawin Ko sa katapusan kung ano ang Aking ginawa sa simula. Ang mga babaeng disipulo ay darating. Ang Aking Ina ay darating. Tayong lahat ay kailangan na maghanda para sa Paskuwa. Juan, mula sa sandaling ito, hinihingi Ko sa iyo na italaga mo ang iyong sarili nang labis para sa mga babaeng disipulo. At lalo na para sa Aking Ina.»

«Aking Panginoon! Ngunit ano ang aking maibibigay sa Inyong Ina na wala pa sa Kanya nang napakarami, at labis na napakarami na Siya ay mayroon ng kung ano ang maaari Niyang  maibigay sa aming lahat?»

«Ang iyong pagmamahal. Ipagpalagay sa isip na maging isang pangalawang anak para sa Kanya. Minamahal ka Niya at minamahal mo Siya. Mayroon kayong isang pagmamahal lamang na nagbubuklod sa inyo: ang inyong pagmamahal para sa Akin, ang Anak ng Kanyang katawan at ng Kanyang puso, ay magiging lalo at lalo pang... mawawala, nagugumon sa Aking.... mga kinaaabalahan. At Siya ay maghihirap sapagkat nalalaman Niya... nalalaman Niya kung ano ang malapit nang mangyari. Kailangan na paginhawahan mo rin Siya sa Akin katauhan, kailangan na ikaw ay maging napaka mapagkaibigan sa Kanya, na Siya ay maka-iiyak sa iyong puso at mapaginhawahan. Kilala mo ang Aking Ina. Nanirahan kang kasama Niya. Ngunit may kaibahan sa pagitan na gawin ito bilang isang disipulo na nagmamahal sa Ina ng kanyang Guro nang may pagpipitagan na pagmamahal, at ginagawa ito bilang isang anak. Gusto Kong gawin mo ito bilang isang anak, na sana Siya ay maghirap nang may bawas nang kaunti kapag Ako ay wala na sa Kanya.»

«Panginoon, Kayo ba ay mamamatay? Kayo ay nagsasalita katulad ng isa na malapit nang mamatay! Pinamimighati Ninyo ako...»

«Nasabi Ko na sa inyong lahat nang makailang beses na Ako ay kailangan na mamatay. Ito ay naging katulad lamang na Ako ay tila nagsalita sa mga batang wala sa kanilang pag-iisip o sa mga taong mahihina ang pangangatwiran. Oo, Ako ay mamamatay. Sasabihin Ko rin sa iba. Ngunit saka na. Sinasabi Ko na sa iyo ngayon. Tandaan iyan, Juan.»

«Nagsisikap akong lagi na matandaan ang Inyong mga salita... Ngunit ang isang ito ay nakapagpapalungkot nang labis...»

«Na ginagawa mo ang lahat upang ito ay makalimutan, iyan ba ang ibig mong sabihin? Kaawa-awang bata! Hindi ikaw ang nakakalimot, hindi ikaw ang nakakaalaala. Ikaw at ang iyong kalooban. Ito ay ang iyong pinaka pagkatao na hindi makakaalaala sa bagay na ito na labis na mas malaki kaysa sa kakayahan nito na makatagal, ang bagay na napakalaki, at ni hindi mo nalalamang eksakto kung gaano ito magiging napakalaki at gaano ito kakila-kilabot, napakalaki na ito ay mahihilo ka katulad ng isang mabigat na bagay na tumatama sa iyong ulo mula sa itaas. Gayunpaman ito ay ganito. Ako ay mamamatay malapit na, at ang Aking Ina ay maiiwan na nag-iisa. Ako ay mamamatay na may isang patak ng katamisan sa Aking karagatan ng kapighatian, kung makikita kita bilang isang “anak” para sa Aking Ina...»

«O! Aking Panginoon! Kung magagawa ko... at kung ito ay hindi mangyayari sa akin katulad sa Bethlehem. Gagawin ko ito. Magbabantay ako na may puso ng isang anak. Ano ang maibibigay ko sa Kanya upang mapaginhawahan Siya kung mawawala Kayo sa Kanya? Ano ang maaari kong maibigay sa Kanya, kung ako rin ay katulad ng isa na nawalan ng lahat at nasiraan ng ulo sa pamimighati? Papaano ko magagawa ito, kung hindi ko magawang manatiling gising at maghirap ngayon nang isang gabi, sa kasalukuyang kakalmahan, at dahil sa kaunting pagkagutom? Papaano ko ito magagawa?»

«Huwag mabalisa. Kailangan mong manalangin nang labis sa loob ng panahong ito. Pangangalagaan kita nang husto at ng Aking Ina. Juan, ikaw ang aming kapayapaan. At magiging kapayapaan ka namin kahit sa panahon na iyan. Huwag matakot, Juan. Ang iyong pagmamahal ay gagawin nito ang lahat.»

«O! Panginoon! Panatilihin Ninyo akong malapit sa Inyo hangga't maaari. Nalalaman Ninyo na ako ay hindi nananabik na lumabas o gumagawa ng mga himala, gusto ko, at makapagmamahal lamang ako...»

Si Jesus ay hinahalikan muli ang kanyang noo, patungo sa kanyang sentido, katulad na ginawa Niya sa gruta...

Natatanaw na nila ang daan na patungo sa ilog. May ilang mga peregrino na pinagmamadali ang kanilang mga kinasasakyang mga hayop o binibilisan ang kanilang mga paghakbang upang makarating sa kanilang pahingahang mga lugar bago gumabi. Ngunit lahat sila ay balot na balot dahil nakalubog na ang araw at ang hangin ay naging napakalamig at walang nakapupuna sa dalawang manlalakbay na nagmamadali patungo sa ilog.

Ang isang nakakabayong lalaki, sa tuluy-tuloy na trote, halos sa isang kabig, ay naunahan sila at tumigil pagkaraan ng kaunting metro kung saan ang ilang maliliit na asno ay nahaharangan ang daan malapit sa isang maliit na tulay sa ibabaw ng isang malaking agos ng tubig, na naghihitsurang isang ilog at dumadaloy na bumubulâ patungo sa Jordan o sa Dead Sea. Habang naghihintay siya na tawirin ito, ang nangangabayong lalaki ay lumingon at napakilos ng pagkasorpresa. Siya ay bumaba at hawak ang renda ng kabayo siya naglakad nang pabalik patungo kina Jesus at Juan, na hindi sa kanya nakapuna.

«Guro! Papaanong nangyari na Kayo ay naririto? At nag-iisa na kasama si Juan?» tanong ng nakakabayong lalaki tinutulak patungo sa likuran ang nakapatong sa kanyang ulo na kanyang ipinantakip sa kanyang mukha katulad ng isang panaklob sa ulo, at sasabihin ko rin na bilang isang maskara upang maprotektahan ang kanyang sarili sa hangin at sa alikabok. Ang kayumanggihin na matipunong mukha ni Manaen ay lumitaw.

«Kapayapaan sa iyo, Manaen. Ako ay patungo sa ilog upang tawirin ito. Ngunit nagdududa Ako na magagawa Ko ito bago gumabi. At saan ka papunta?»

«Sa Machaerus. Sa maruming lungga. Mayroon ba Kayong matutulugan? Sumama Kayo sa akin. Ako ay nagmamadali patungo sa isang otel sa daanan ng mga karabana. O, kung mas gusto Ninyo, itatayo ko ang tolda sa ilalim ng mga punungkahoy sa pampang ng ilog. Nasa akin ang lahat sa aking siyá.»

«Mas gusto Ko ang tolda. Ngunit ikaw ay tiyak na mas gusto ang otel.»

«Mas gusto ko Kayo, aking Panginoon. Tinitingnan ko ang pagkatagpo kong ito sa Inyo na isang grasya. Kabisado ko ang mga pampang ng ilog katulad ng mga koridor ng aking bahay. Sa paanan ng burol ng Gilgal ay may isang kakahuyan na napoprotektahan sa mga hangin, malago ang damo para sa kabayo at maraming kahoy para sa apoy para sa mga tao. Magiging komportable tayo.»

Sila ay umalis nang mabilis talagang lumilikong pasilangan, iniiwan ang daan patungo sila sa bantilan o sa Jericho. Maya-maya lamang narating nila ang gilid ng isang makapal na kakahuyan na mula sa mga dalisdis ng burol ay umuunat sa kapatagan patungo sa binundok.

«Pupunta ako sa bahay na iyon. Kilala nila ako. Hihingi ako ng ilang gatas at dayami para sa ating lahat» sabi ni Manaen, umaalis nakasakay sa kanyang kabayo, at kaagad siyang nakabalik may kasamang dalawang lalaki na may mga dala ng tali ng dayami sa kanilang mga balikat at isang maliit na tansong balde ng gatas.

Pinasok nila ang kakahuyan nang hindi nagsasalita. Si Manaen ay inutusan ang dalawang lalaki na ikalat ang mga dayami sa lupa at pagkatapos pinaalis sila. Kumuha siya ng isang kahon ng pangkaskas mula sa mga bulsa ng siyá at nagpadikit ng apoy ginagamit ang maraming tuyong mga sanga na nakakalat sa lupa. Ang apoy ay pinasisigla sila at pinaiinitan. Ang palayok, nakapatong sa dalawang bato na dinala ni Juan, ay umiinit habang si Manaen, pagkatapos na maalisan ng siyá ang kabayo, ay itinatayo ang tolda gawa sa malambot na mga buhok ng kamelyo, itinatali ito sa dalawang poste na itinusok sa lupa at kinakabit ito sa isang malakas na katawan ng isang matandang punungkahoy. Naglatag siya sa damo ng isang balat ng tupa na galing din sa siyá, inilagay niya ang siyá sa ibabaw nito at nagsabi: «Halikayo, Guro. Ito ay isang silungan ng mga nangangabayo ng disyerto. Ngunit nagpoprotekta ito mula sa hamog at mula sa pagkabasa ng lupa. Ang dayami ay sapat-na-sapat para sa atin. At matitiyak ko sa Inyo, Guro, na ang mamahaling mga alpombra at mga trapal, ang mga upuan ng maharlikang palasyo ay wala, lalong wala sa kagandahan ng trono Ninyong ito, ng toldang ito at ng dayaming ito, at ang marangyang pagkain na ilang beses ko nang natitikman, ay hindi nagkaroon ng lasa ng tinapay at gatas na ating kasisiyahan sa ilalim ng toldang ito. Ako ay masaya, Guro!»

«Ako ay masaya rin, Manaen, at ganyan din tiyak si Juan. Ang Maykapal ay inipon tayo ngayong gabi para sa isa’t isang kaluguran.»

«Ngayong gabi, Guro, at bukas, at sa araw pagkaraan ng bukas, hanggang alam ko na Kayo ay ligtas sa pagitan ng Inyong mga apostol. Sa palagay ko sasamahan Ninyo sila...»

«Oo. Pupunta Ako sa kanila. Sila ay naghihintay para sa Akin sa bahay ni Solomon.»

Si Manaen ay tinitingnan Siya. Pagkatapos sinabi niya: «Ako ay nakarating dumaan ng Herusalem... At napakinggan ko. Mula sa Bethany. At naintindihan ko kung bakit hindi Kayo tumigil doon. Tamang-tama ang ginawa Ninyong pag-alis. Ang Herusalem ay isang katawan na puno ng lason at kabulukan. Mas puno pa kaysa sa kaawa-awang si Lazarus...»

«Nakita mo ba siya?»

«Oo, nakita ko. Siya ay pinahihirapan ng mga pagpapahirap ng kanyang katawan at ng kanyang puso, dahil sa Inyo. Namamatay siya nang napakalungkot na kamatayan... Ngunit mas gugustuhin ko pang mamatay mismo kaysa makita ang kasalanan ng ating kapwa mga kababayan.»

«Ang bayan ba ay nagkakagulo?» tanong ni Juan na nagbabantay sa apoy.

«Labis na nagkakagulo. Nahahati sa dalawang partido. At, ang nakapagtataka, ang mga Romano ay naging maawain sa ilang mga tao na inaresto para sa sedisyon nang nakaraang araw. Ito ay malihim na binubulong na ito ay upang maiwasan ang paglaki ng kaguluhan. Sinasabi rin nila na ang Prokonsul ay malapit nang pumunta sa Herusalem. Bago ang pangkaraniwan na oras. Hindi ko alam kung ito ay isang mabuting bagay o hindi. Alam ko na si Herodes ay tiyak na gagayahin siya. At iyan ay magiging tiyak na mabuting bagay sa ganang akin, sapagkat magagawa kong makalapit sa Inyo. Sa pamamagitan ng isang magaling na kabayo – at ang establero ni Antipas ay may ilang napakabilis na mga kabayong Arabo –madaling makapunta mula sa bayan patungo sa ilog. Kung Kayo ay titigil doon...»

«Oo, titigil Ako roon. Sa pansamantala man lamang...»

Si Juan ay dinala ang mainit na gatas kung saan ang bawat isa ay sinasawsaw ang kanyang tinapay pagkatapos na ito ay maialay at mabendisyunan ni Jesus. Si Manaen ay nag-alay ng ilang datiles na kasing ginintuan ng pulot.

«Saan mo nakuha ang lahat na mga ito?» tanong ni Juan sa pagtataka.

«Ang siyá ng isang mangangabayo ay isang maliit na palengke, Juan. Nandoon ang lahat para sa kanya at sa kanyang kabayo» tugon ni Manaen nang may prangkong ngiti sa kanyang kayumanggihin na mukha. Siya ay nag-iisip nang sandali pagkatapos siya ay nagtanong: «Guro, tama ba na mahalin ang mga hayop na naglilingkod sa atin at sa kadalasan mas matapat pa kaysa sa tao?»

«Bakit ang katanungan na iyan?»

«Sapagkat kamakailan ako ay pinagtawanan at sinisita ng ilang mga tao na nakakita sa akin na tinatakpan ko, ng isang blanket na ngayon ating ginagamit na isang tolda, ang aking kabayo na basa ng pawis pagkatapos ng isang paligsahan sa pagtakbo.»

«At wala ba silang sinabing iba?»

Si Manaen ay tinitingnan si Jesus nang nababalisa... at siya ay tahimik.

«Magsalita nang prangko. Hindi ka naninirang-puri ng sinuman o nananakit sa Akin sa pagtatapat sa Akin kung ano ang sinabi nila upang parumihin pa Ako.»

«Guro, Nalalaman Ninyo ang lahat. Talagang nalalaman Ninyo ang lahat at walang kabuluhan ang itago sa Inyo ang aming naiisip at ang naiisip ng ibang mga tao. Oo, sinabi nila sa akin: “Ang isa ay makikita na ikaw ay isang disipulo ng Samaritanong iyon. Ikaw ay isang pagano katulad Niya Na nilalabag ang mga araw ng Sabbath upang maging di-malinis sa pamamagitan ng paghawak sa di-malinis na mga hayop”.»

«Ah! Iyan ay tiyak na si Ishmael!» bulalas ni Juan.

«Oo. At ng mga taong kasama niya noon. At ako ay tumugon: “Maiintindihan ko kayo kung sinabi ninyo na ako ay di-malinis sapagkat naninirahan ako sa Korte ni Antipas, hindi dahil inaalagaan ko ang isang hayop na nilikha ng Diyos”. Sa dahilan na sa kanilang grupo ay may ilan din na mga Herodian – na naging halatang-halata nang matagal-tagal at ito ay lubos na nakapagtataka, dahil dati sila ay lubos na magkakaaway – sila ay tumugon sa akin: “Hindi namin hinuhusgahan ang mga ginagawa ni Antipas, bagkus ang iyo. Si Juan Bautista ay naroon din sa Machaerus at nakakausap ang hari. Ngunit siya ay nanatiling makatarungan. Ikaw sa halip ay isang idolatra...”. Dahil ang mga tao ay nag-iipun-ipon sa paligid namin, nagpigil ako, dahil ayaw kong mabalisa ang mga tao ng siyudad. Sa katunayan matagal-tagal na silang pina-iinit ng ilang huwad na mga tagasunod Ninyo, na inuudyukan ang mga tao na magrebelde laban sa mga sumasalungat sa Inyo, at ng ibang mga tao rin na umaabuso ng kapangyarihan nagsasabing sila ay Inyong mga  disipulo at pinadala Ninyo...»

«Iyan ay kalabisan na! Guro? Ano ang kalalabasan nila?» si Juan ay nagtatanong nang balisa.

«Hindi sila makalalampas sa limitasyon. Ako lamang ang lalampas sa limitasyon na iyan, ang Liwanag ay sisinag at wala nang sinuman ang magdududa pa na Ako ang Anak ng Diyos.  Halikayo sa malapit sa Akin at makinig. Ngunit magdagdag muna ng kahoy sa apoy.»

Ang dalawa ay masayang masaya na dalhin ang kanilang sarili sa makapal na balat ng tupa sa lupa sa paanan ni Jesus, Na nakaupo sa iskarlata na siyá sa tabi ng tolda na nakakabit sa katawan ng punungkahoy. Si Manaen ay halos nakahiga, ang isang siko nakatukod sa lupa, ang kanyang ulo nakapatong sa kanyang kamay, nakatingin kay Jesus, si Juan ay nakaupo sa kanyang mga sakong, nakasandal ang kanyang ulo sa dibdib ni Jesus, niyayakap Siya ng isang kamay, sa kanyang pangkaraniwan na hitsura.

«Nang nilikha ng Diyos ang mundo, at tao, nilikha sa Kanyang larawan at pagkakatulad, ay ginawa na hari nito. Pinakita Niya ang lahat na nilikha sa tao at ginusto Niya na pangalanan niya ang bawat isa sa kanila, upang makilala ang isa sa iba pa. At mababasa natin sa Genesis “na ang bawat pangalan na binigay ni Adan ay mabuti at siyang ang tunay na pangalan nito”. At sa Genesis din mababasa natin na ang Diyos, pagkatapos na nalikha ang Lalaki at Babae, ay nagsabi: “Ating gawin ang Lalaki sa ating larawan at pagkakatulad, upang siya ay sana maging ang panginoon ng mga isda sa dagat, ng mga ibon sa kalangitan, ng mga baka, ng lahat ng Lupa at ng mga reptilya na gumagapang sa Lupa”. At nang nilikha ng Diyos ang babae, ang katu-katulong ni Adan, katulad niya ginawa sa larawan at pagkakatulad ng Diyos, sa dahilan na hindi akma na ang Panunukso, na naghihintay, ay matukso ang lalaki na nilikha sa larawan ng Diyos at maparumi pa siya nang malaswa nang lalo pa, sinabi ng Diyos sa lalaki at babae: “Maging mabunga, magpakarami, punuin ang Lupa at sakupin ito, at maging mga panginoon ng mga isda sa dagat, ng mga ibon sa kalangitan at ng lahat na nabubuhay na mga hayop sa Lupa”, at sinabi rin Niya: “Tingnan, binibigay Ko sa inyo ang lahat na namumungang halaman na nasa Lupa, at ang lahat na mga punungkahoy na may namumungang bunga, na sana sila ay magsilbing pagkain para sa inyo at para sa lahat na mga hayop ng Lupa, at para sa mga ibon ng kalangitan at para sa lahat na gumagalaw sa ibabaw ng Lupa at mayroon sa loob nito ng isang nabubuhay na kaluluwa, na sana sila ay mabuhay”.

Ang mga hayop at mga halaman, at ang lahat na ginawa ng Tagapaglikha na maging may-pakinabang sa tao, ay isang regalo ng pagmamahal at isang pamana na itinalaga ng Ama para sa pangangalaga ng Kanyang mga anak, upang sana gamitin nila ito nang may kita at may pasasalamat sa Tagapagbigay ng lahat na katalagahan. Kung gayon sila ay kailangan na mahalin at tratuhin nang may angkop na pangangalaga. Ano ang sasabihin ninyo sa isang anak, na binigyan ng ama ng mga damit, muwebles, pera, mga bukid, mga bahay, nagsasabing: “Binibigay ko ang lahat na ito para sa iyong sarili at sa mga susunod sa iyo, na sana magkaroon kayo ng magpapaligaya sa inyo. Gamitin ito nang may pagmamahal, sa pag-alaala ng aking pagmamahal na nagbibigay sa inyo niyan”, kung pababayaan nila ang lahat na masira o lustayin nila ang lahat ng kanilang kayamanan? Sasabihin ninyo na hindi nila pinararangalan ang kanilang ama, na hindi nila siya minamahal o ang kanyang regalo. Gayon din ang tao ay kailangan na pangalagaan kung ano ang inilagay ng Diyos nang may  pagmamahal sa kanilang kaayusan. Ang pag-alaga ay hindi ibig sabihin idolatra o may kalabisan na pagmamahal para sa mga hayop o sa mga halaman o ano pa mang iba. Ang pag-alaga ang ibig sabihin pagkakaramdam ng habag at pasasalamat para sa mas mabababang bagay na nagsisilbi sa atin at may kanilang sariling buhay, na siyang ang kanilang pagiging maramdamin.

Ang buháy na kaluluwa ng mas mabababang nilikha na binabanggit ng Genesis, ay hindi pareho ng kaluluwa ng tao. Ito ay búhay, simpleng búhay, ibig sabihin, bilang sensitibo sa totoong mga bagay, kapwa materyal at emosyonal. Kapag ang hayop ay namatay ito ay nagiging hindi na sensitibo sapagkat ang kamatayan ay ang totoong katapusan nito. Walang hinaharap para dito. Ngunit habang ito ay nabubuhay naghihirap ito sa lamig, sa pagod, ito ay nasusugatan, nasasaktan, nagsasaya, nagmamahal, napopoot, nagkakasakit at namamatay. At ang tao, sa pag-alaala sa Diyos, Na nagbigay sa kanya ng kaparaanan na iyan upang ang kanyang pagkapatapon sa lupa ay hindi maging masyadong mahirap, ay kailangan na maging makatao sa mga hayop, ang kanyang mas nakabababang mga lingkod. Sa Aklat ni Moses hindi ba’t ipinapanuto na dapat magkaroon ng pakiramdam ng isang tao sa mga hayop, maging sila man ay mga ibon o mga may apat na paa?

Sasabihin Ko sa inyong totoo na ang mga gawa ng Tagapaglikha ay kailangan na pagnilayan nang may katarungan. Kapag ang isa ay tinitingnan sila nang may katarungan, makikita ng isa na sila ay “mabuti”. At ang mabubuting mga bagay ay dapat na laging minamahal. Nakikita natin na sila ay binigay para sa isang mabuting pakay at dala ng isang pagtibok ng pagmamahal, at bilang ganyan mamamahal natin at kailangan natin na mahalin sila, nakikita sa may-hangganan na nilikha, ang Walang-hangganan na Naririyan, Na siyang naglikha sa kanila para sa atin. Makikita ng isa na sila ay may pakinabang, at kailangan na mahalin bilang ganyan. Walang kahit ano, ilagay ito sa isip, ang ginawa na walang isang pakay sa Sansinukuban. Ang Diyos ay hindi nagsasayang ng Kanyang perpektong Kapangyarihan sa walang pakinabang na mga bagay. Ang isang dahon ng damong ito ay hindi mas kulang ang pakinabang kaysa sa malaking katawan ng punungkahoy kung saan nakakabit ang ating pansamantalang silungan. Ang isang patak ng hamog, ang maliit na perlas ng nanigas na hamog ay kasing may pakinabang katulad ng napakalaking dagat. Ang isang kulisap ay kasing may pakinabang katulad ng elepante at ang uod na namumuhay sa putik ay hindi mas kulang ang pakinabang kaysa sa isang balyena. Walang kahit ano ang walang pakinabang sa Sangnilikha. Ang Diyos ay ginawa ang lahat nang may mabuting tinatangka at nang may pagmamahal para sa tao. Ang tao ay kailangan na gamitin ang lahat nang may matuwid na pakay at nang may pagmamahal para sa Diyos, Na nagbigay sa kanya ng lahat sa Lupa, na sana ito ay magpailalim sa hari ng Sangnilikha.

Sinabi mo, Manaen, na ang hayop ay kadalasan na naglilingkod nang mas mabuti pa kaysa sa mga tao. Sasabihin Ko na ang mga hayop, mga halaman, mga mineral, mga elemento ay nahihigitan ang tao sa pagsunod, sa pamamagitan ng walang-tutol na pagsunod sa mga batas ng sangnilikha, o sa aktibong pagsunod sa instinto na inilagay ng Tagapaglikha, o sa pagsuko upang maging maamo para sa pakay para sa kung saan sila nilikha. Ang tao, na siyang kailangan na maging ang perlas ng Sangnilikha, ay kadalasan ang nagiging pangit na bagay sa Sangnilikha. Siya ang kailangan na maging ang nota na makakasundo nang lubos ng makalangit na koro sa pagpupuri sa Diyos, samantalang siya ang madalas na nagiging wala sa tono na nanunumpa o naglalapastangan o nagrerebelde o nagtatalaga ng kanyang awit upang papurihan ang mga nilikha sa halip na ang Tagapaglikha. Ito kung gayon ay idolatriya, pananakit, karumihan. At iyan ay isang kasalanan.

Kung gayon maging nasa kapayapaan, Manaen. Ang magkaroon ng habag para sa isang kabayo, na nabasa ng pawis sa paglilingkod sa iyo, ay hindi isang kasalanan. Ang mga luha na nagagawa ng isa sa kanyang kapwa mga nilikha na iluha at ang walang-pagpipigil na pagmamahal na nakapananakit sa Diyos, Na karapat-dapat ng lahat ng pagmamahal ng tao, ay kasalanan.»

«Ngunit nagkakasala ba ako sa pananatili kay Antipas?»

«Bakit ka nananatili roon? Upang magkaroon ng masarap na pagpapalipas ng oras?»

«Hindi, Guro. Upang makapagbantay sa Inyo. Alam Ninyo: iyan kung bakit ako ay patungo roon ngayun-ngayon lamang. Sapagkat alam ko na sila ay nagpadala ng mga mensahero kay Herodes upang udyukan siya laban sa Inyo.»

«Kung gayon wala diyan kasalanan. Ayaw mo bang mas gustuhin ang makasama Ko, bumabahagi sa Aking karukhaan ng pamumuhay?»

«Tinatanong ba Ninyo ako? Sinabi ko ang gayon sa simula. Ang gabing ito sa ilalim ng tolda, ang abang pagkain na ating kinasiyahan ay walang kaparis hanggang sa ganang akin. O! Kung hindi kinakailangan na mapalapit sa kanilang lungga upang mapakinggan ang mga sagitsit ng mga ahas, mananatili ako sa Inyo! Naintindihan ko ang katotohanan ng Inyong misyon. Nagkamali ako isang araw. Nagsilbi iyon upang magawa akong makaintindi at hindi ko na kailanpaman iiwanan ang katarungan.»

«Nakikita mo! Wala na walang pakinabang. Ang pagkakamali rin, para sa mga taong kumikiling patungo sa Kabutihan, ay isang paraan upang maabot ang Kabutihan. Ang isang pagkakamali ay nalalaglag katulad ng bálot ng isang chrysalis, at mula rito lumalabas ang isang paruparo na hindi wala sa porma, hindi nangangamoy, hindi gumagapang, bagkus lumilipad naghahanap ng mga kalis ng mga bulaklak at mga sinag ng araw. Ang mabubuting kaluluwa ay ganyan din. Baka pinababayaan nila na mabalot ang kanilang mga sarili ng mga kakapusan at mga kahirapan nang isang sandali. Pagkatapos pinalalaya nila ang kanilang sarili at lumilipad mula sa isang bulaklak patungo sa isa pa, mula sa isang birtud patungo sa isa pa, patungo sa Perpeksiyon. Ating purihin ang Panginoon para sa Kanyang mga gawa ng patuloy na awa, na aktibo, na hindi rin alam ng tao, sa loob ng puso ng tao at sa paligid niya.»

At si Jesus ay nananalangin, nakaluhod, sapagkat sa loob ang mababang limitadong tolda ay hindi maaari ang ibang klaseng pusisyon. Pagkatapos, matapos na makapagsindi ng apoy sa harapan ng tolda at maitali ang kabayo, nagsimula silang maghanda para sa gabi, at nagkasundo kung sino ang magbabantay na una at ang susunod, sa apoy at sa hayop, kung saan inilalagay ni Manaen ang isang mabigat na balat ng tupa bilang isang manta upang maprotektahan ang hayop sa lamig ng gabi.

Si Jesus at si Manaen ay nahiga sa dayami at tinakpan ang kanilang mga sarili sa pamamagitan ng kanilang mga manta upang matulog. Si Juan, na natatakot na baka makatulog, ay naglalakad nang pauli-uli sa labas ng tolda nagdadagdag ng kahoy sa apoy at tinitingnan ang kabayo, na iginagalang siya sa pamamagitan ng matalinong maiitim na mata nito at pinapadyak ang mga paa nito nang maindayog, iniiling ang ulo, ginagawa ang platang kadena na kumalansing, at dinudurog ang maamoy na mga tangkay ng layas na mga yerba na tumutubo sa paanan ng punungkahoy kung saan ang kabayo ay nakatali. At sa dahilan na binibigyan ito ni Juan ng ilan ng mga yerba na mas magaganda at tumutubo sa malayu-layo, ito ay humahalinghing sa tuwa at nagsisikap na ikuskos ang malambot na nguso nito sa leeg ng apostol. Mula sa malayo, sa kalaliman ng katahimikan ng gabi, ang kalmanteng lumalagaslas na ingay ng ilog ay maririnig.

--------------------

jesus sinasabi

Sinasabi ni Jesus:

«At ang Akin ding ikatlong taon ng pakikihalubilo sa publiko ay nagtapos. Ngayon ay naririto na ang paghahandang panahon para sa Aking Pasyon. Ibig sabihin, ang panahon kung saan ang lahat ay tila nakatalaga sa iilan na mga gagawin at iilan na mga tao. Halos paliitin nito ang Aking pigura at Aking misyon. Sa katunayan Siya, Na tila natalo at tinatalikuran, ay ang bayani na naghahanda para sa Kanyang dakilang idea, at sa paligid Niya ay nakatuon at itinaas sa pinakatuktok nito hindi mga tao, bagkus ang mga pasyon ng mga tao.

Ang lahat na nauna at na sa ilang mga episodyo ay tila walang-pinupuntahan ayon sa di-maasikaso o mabababaw na mga nagbabasa, ay ngayon mapupuna sa pamamagitan ng malungkot o maningning na liwanag nito. Lalo na ang pinakamahalagang mga pigura. Ang mga pigura na hindi tatanggapin ng marami na may pakinabang na malaman, sa dahilan lamang na naglalaman ito ng leksiyon para sa kasalukuyan na mga guro, na higit pa kailanman ay nangangailangan na maturuan na maging totoong mga guro ng espiritu. Katulad ng sinabi Ko kina Juan ang Manaen, wala sa ginagawa ng Diyos ang walang pakinabang, ni ang isang manipis na dahon ng damo. Kung gayon walang kalabisan sa gawang ito. Ni ang magagandang pigura o ang mahihina at malulungkot . Sa kabaligtaran, ang mahihina at malulungkot na pigura ay mas may pakinabang sa mga guro ng espiritu kaysa sa perpekto at makabayaning mga pigura.

Katulad ng mula sa itaas ng isang bundok, malapit sa taluktok nito, posibleng makita ang lahat na estruktura ng bundok at ang mga rason sa pagkakaroon ng mga kakahuyan, mga ilog, mga parang at mga dalisdis, upang marating ang taluktok mula sa kapatagan, at ang isa ay makikita ang lahat na kagandahan ng tanawin, at mas lubos na nakukumbinsi na ang mga gawa ng Diyos ay lahat may pakinabang at maganda, at na ang isang gawa ay nagsisilbi at kinukumpleto ang isa pa, at lahat sila ay naroroon upang mabuo ang kagandahan ng Sangnilikha; kung gayon, laging magpatungkol sa mga tao na ang kaninong mga espiritu ay matuwid, ang lahat na iba't ibang mga pigura, mga episodyo, mga leksiyon ng tatlong taon na ito ng Aking buhay na ginamit sa pag-eebanghelyo, pinagninilayan mula sa itaas ng taluktok ng Aking gawa bilang isang Guro, ay nagsisilbi upang maibigay ang tamang tanawin ng komplikadong kabuuan, na politikal, pang-relihiyon, panlipunan, panlahat, espirituwal, makasarili hanggang sa punto na maging kriminal, o di-makasarili hanggang sa punto ng sakripisyo, kung saan na kabuuan Ako ang Guro at kung saan Ako ay naging ang Tagapagtubos. Ang kadakilaan ng isang drama ay hindi makikita sa isang tagpo, bagkus sa lahat na mga bahagi. Ang pigura ng mga gumaganap ay lumilitaw mula sa iba't ibang mga liwanag na galing sa mas mabababang mga bahagi.

Tayo ngayon ay malapit na sa taluktok, at ang taluktok ay ang Sakripisyo para sa kung saan Ako ay nagkatawang-tao, at katulad na ang lahat na pinakalihim na mga nararamdaman ng mga puso at ang lahat ng mga intriga ng mga sekta ay nailantad, ang magagawa lamang natin ay kung ano ang ginagawa ng manlalakbay kapag narating niya ang taluktok,  ibig sabihin, ang tingnan ang lahat na mga bagay at ang lahat na mga tao; upang makilala ang mundo ng Hudyo; ang makilala kung ano Ako noon: ang Tao na mataas sa mga pandama, sa pagkamakasarili, sa kapootan, ang Tao Na kinailangan na tuksuhin ng lahat na klase ng mga tao upang maghiganti, upang maghangad ng kapangyarihan, upang maghanap ng tapat na mga kasiyahan ng pag-aasawa at buhay pampamilya, ang Tao Na kinailangan na tiisin ang lahat na nabubuhay sa mundo at maghirap gawa nito sapagkat walang-hangganan ang distansiya sa pagitan ng imperpeksiyon at kasalanan ng mundo at ng Aking Perpeksiyon, ang Tao na tumugon ng “Hindi” sa lahat ng mga tinig, sa lahat ng mga panggaganyak, sa lahat na mga reaksiyon ng mundo, ni Satanas at ng Aking pagkataong kaakuhan. At Ako ay nanatiling puro, tapat, maawain, mapagpakumbaba, masunurin kahit hanggang sa kamatayan sa Krus.

Ang lahat bang ito ay maiintindihan ng modernong lipunan, kung kanino pinagkakaloob Ko ang kaalaman na ito ng tungkol sa Aking Sarili upang mapalakas ito laban sa mas na mas na lumalakas pang mga atake ni Satanas at ng mundo? Sa mga araw din na ito, katulad ng nakaraan na dalawampung mga siglo, ang mga tao kung kanino Ko ibinunyag ang Aking Sarili ay sasalungatin ang isa’t isa. Sa muli Ako ay ang tanda na tinatanggihan. Ngunit hindi magpatungkol sa Aking Sarili, bagkus magpatungkol sa kung ano ang napakikilos Ko sa kanila, ang mga may mabubuting kalooban, ay magkakaroon ng mabubuting reaksiyon ng mga pastol at ng mapagpakumbabang mga tao. Ang iba ay tutugon sa isang masamang paraan, katulad ng mga eskriba, mga Pariseo, mga Saduseo at mga pari ng mga araw na iyon. Ang isa ay nagbibigay ng kung ano ang mayroon siya. Ang isang mabuting tao na nagkataon na makahalubilo ang masasamang tao ay pumupukaw na dumagsa ang mas malalala pang kasamaan sa kanila. At ang paghukom ay gagawin sa mga tao katulad na ito ay ginawa noong Biyernes Santo, ayon sa kung papaano sila naghusga, papaano nila tinanggap at sinundan ang Guro, Na sa pamamagitan ng isang bagong pagtangka ng walang-hangganang awa ay ginawa ang Sarili na makilala Siyang muli.

Gaano karaming mga mata ng mga tao ang magbubukas at gaano karami ang kikilala sa Akin nagsasabing: “Siya iyon. Iyan kung bakit ang ating mga puso ay umapoy sa loob natin habang nagsasalita Siya at pinaliliwanag ang mga Iskriptura sa atin”? Ang Aking kapayapaan sa kanila at sa iyo, Aking munti, matapat, nagmamahal na Juan.»

060112

 


Sunod na kabanata