PAGHAHANDA PARA SA PASYON

 

539. Ang mga Judaean sa Loob ng Bahay ni Lazarus.

Disyembre 18, 1946.

Ang isang malaking mapangibabaw na grupo ng mga Judaean ang pumapasok sa Bethany nakasakay sa magagandang mga sasakyang-hayop. Sila ay mga eskriba at mga Pariseo, ilang mga Saduseo at mga Herodian, na aking nakita na dati, kung ako ay hindi nagkakamali, sa bangkete sa loob ng bahay ni Chuza upang udyukan si Jesus na iproklama ang Kanyang Sarili na hari. Sila ay sinusundan ng mga katulong na mga naglalakad.

Ang mga nakasakay na samahán ay gumagalaw nang mabagal dumaraan sa maliit na bayan, at ang mga padyak ng mga sasakyang-hayop na gumagawa ng ingay sa matigas na lupa, ang pagkalansing ng mga gayak ng mga kabayo at ang mga tinig ng mga lalaki ay nagagawa na lumabas sa mga bahay ang mga tao, na tumitingin at napapayukod nang may kababaang-loob at may kitang-kitang pagkamangha, pagkatapos tatayo silang muli at mag-iipun-ipon sa mga grupo magbubulungan.

«Nakita ba ninyo iyan?»

«Ang lahat na mga miyembro ng Sanhedrin mula sa Herusalem.»

«Hindi. Si Jose ang Nakatatanda, si Nicodemus at ang mga iba pa ay wala roon.»

«Ni ang mga kilalang mga Pariseo.»

«Ni ang mga eskriba.»

«At sino ang isang nasa kabayo?»

«Sila ay tiyak na pupunta sa bahay ni Lazarus.»

«Siya ay maaaring nasa punto na na mamatay.»

«Hindi ko maintindihan kung bakit ang Rabbi ay wala rito.»

«Papaano mo Siya maaasahan na mapunta rito, kung ang mga nasa Herusalem ay gusto Siyang patayin?»

«Tama ka. Hindi, bagkus, natitiyak ko na ang mga ahas na iyon na kararaan pa lamang, ay pumunta upang tingnan kung ang Rabbi ay naririto.»

«Papurihan ang Panginoon na Siya ay wala!»

«Alam ba ninyo kung ano ang kanilang sinabi sa aking asawa, sa palengke sa Herusalem? Ang maging handa, sapagkat malapit na Niyang iproklama ang Kanyang Sarili na hari, at tayong lahat ay kailangan na tulungan Siya upang... Ano ang sinabi nila? Bueno! Isang salita na ang ibig sabihin ay parang katulad ng... kung sinabi ko na paaalisin ko ang lahat sa bahay, at gawin ang aking sarili na sinyora.»

«Isang plano?... Isang sabwatan?... Isang rebelyon?...» nagtatanong sila. Gumagawa ng mga mungkahi din.

Ang isang lalaki ay nagsabi: «Oo. Sinabi din nila sa akin. Ngunit hindi ko iyon pinaniniwalaan.»

«Ngunit ang mga nagsasabi niyan, ay mga disipulo ng Rabbi!...»

«H’m! Hindi ako nakahandang maniwala na ang Rabbi ay gagamit ng karahasan at alisin ang mga Tetrarka, aagawin ang isang korona na, tama man o mali, ay pag-aari ng mga Herodian. Kailangan na sabihan mo si Joachim na huwag paniwalaan ang lahat na mga alingasngas...»

«Ngunit nalalaman ba ninyo na ang mga tumutulong sa Kanya ay gagantimpalaan sa Lupa at sa Langit? Ako ay magiging napakasaya kung ang aking asawa ay magiging isa sa kanila. Ang aking pamilya ay malaki at ang buhay ay mahirap. Kung ako ay magkakaroon ng trabaho kasama ang mga katulong ng Hari ng Israel!»

«Makinig, Rachel, sa palagay ko mas mabuti pang tingnan ko ang aking pangkusinang-hardin at ang aking mga datiles. O! kung sasabihin Niya sa akin, diyan ko iiwanan ang lahat upang sundan Siya. Ngunit kung ang ibang mga tao ang magsasabi sa akin!...»

«Ngunit sila ay Kanyang mga disipulo.»

«Hindi ko sila nakita kailanman na kasama Siya at pagkatapos... Hindi. Sila ay nagkukunwaring mga kordero, ngunit ang kanilang kontrabidang mga mukha ay hindi ako nakukumbinsi.»

«Iyan ay totoo.  Kakaibang mga bagay ang nangyayari nang matagal-tagal na at lagi nilang sinasabi na ang mga disipulo ng Rabbi ang may kagagawan nito. Noong araw bago ang Sabbath, ang ilan sa kanila ay minaltrato ang isang babae na nagdadala ng mga itlog sa palengke, at sinabi nila: `Gusto namin ito sa ngalan ng Galilean na Rabbi`.»

«Sa palagay mo ba maaaring Siya kaya ang may pangangailangan ng gayong mga bagay, dahil Siya ay laging nagbibigay at hindi kailanman kumukuha?  At Siya lamang ang nakapamumuhay na kasama ang mayayamang tao at mas ginugusto pa ang makasama ang mahihirap, at ibinigay Niya ang Kanyang manta, katulad ng sinabi sa lahat ng ketongin na babae na pinagaling at nakausap ni Jacob?»

Ang isa pang lalaki na lumapit sa grupo at kanina pa nakikinig ay nagsabi: «Tama ka. At ano ang tungkol sa isa pang bagay na sinasabi nila? Na ang Rabbi ay magdadala ng malaking problema, sapagkat ang mga Romano ay parurusahan tayong lahat dahil sa Kanyang panghihikayat sa mga pulutong? Naniniwala ba kayo dito? Sasabihin ko – at hindi sa palagay ko ako nagkakamali sapagkat ako ay matanda na at marunong – sasabihin ko na ang mga tao na nagsasabi sa ating mahihirap na tao na ang Rabbi ay gustong agawin ang trono at palalayasin ang mga Romano – sana ginawa Niya ito! kung ito ay posibleng gawin! -  at ang mga gumagawa ng mga karahasan sa ngalan Niya, at ang mga nanghihikayat sa atin na magrebelde nangangako ng kikitain sa hinaharap, at ang mga may gusto na kapootan natin ang Rabbi bilang isang mapanganib na tao na magdadala sa atin sa problema, ay lahat mga kaaway ng Rabbi at nananabik silang masira nila Siya upang sila ang sana magtagumpay. Huwag maniwala sa kanila! Huwag paniwalaan ang huwad na mga kaibigan ng mahihirap na tao! Hindi ba ninyo napuna kung gaano sila ka-arogante nang sila ay dumaan? Halos hampasin nila ako ng kahoy, sapagkat nahihirapan akong mapatabi ang mga tupa at napipigilan ko silang makapagpatuloy... At sinasabi ninyo na sila ay ating mga kaibigan? Hindi kailanman. Sila ay ating mga bampira at, hindi sana ipahintulot ito ng Diyos, sila rin ay ang Kanyang mga bampira.»

«Sa dahilan na nakatira ka malapit sa mga bukid ni Lazarus, nalalaman mo ba kung siya ay patay na?»

«Hindi. Siya ay hindi patay. Siya ay nasa pagitan ng buhay at kamatayan... Tinanong ko si Sarah na namimitas ng mga nangangamoy na mga dahon upang ipampaligo sa kanya.»

«Bueno, bakit sila pumunta?»

«Sino ang nakaaalam! Pumunta silang tuluyan sa paikot sa bahay, pagkatapos paikot sa bahay ng ketongin, pagkatapos umalis sila patungong Bethlehem.»

«Sinabi ko na sa inyo! Sila ay pumunta upang tingnan kung ang Rabbi ay naririto! Upang gawan Siya ng mali. Nadarama ba ninyo kung ano ang ibig sabihin nito sa kanila na masaktan nila Siya? At sa bahay lamang mismo ni Lazarus? Sabihin sa akin, Nathan. Ang Herodian na iyon... hindi ba’t siya ang mangingibig ni Maria ni Theophilus nang matagal-tagal na?»

«Siya nga. Baka iyan kung papaano gusto niyang makapaghiganti mismo kay Maria...»

Isang maliit na batang lalaki ang tumakbo patungo sa kanila. Siya ay sumisigaw: «Gaano karami ang mga taong nasa loob ng bahay ni Lazarus! Ako ay parating galing sa ilog kasama sina Levi, Marcus at Isaiah, at nakita namin sila. Ang mga katulong ay binuksan ang geyt at kinuha ang mga sinasakyang hayop. At si Maximinus ay tumakbo upang salubungin ang mga Judaean at ang iba pang mga katulong ay dumating yumuyukod nang mabababa. At sina Martha at Maria ay lumabas ng bahay upang batiin sila kasama ang kanilang mga katulong na babae. Gusto naming magpatuloy sa panonood, ngunit sinara nila ang geyt at lahat sila pumasok sa bahay.» Ang batang lalaki ay sabi na sabik dahil sa balita na dinala niya at kung ano ang nakita niya...

Ang mga adulto ay gumagawa ng mga komentaryo.

070112

 

 


Sunod na kabanata