541. Si Martha Nagpasugo ng Isang Katulong Upang Pasabihan ang Guro.

Disyembre 20, 1946.

Ako ay nasa loob pa rin ng bahay ni Lazarus at nakikita ko sina Martha at Maria na lumabas patungo sa hardin na kasama ang isang kung baga maedad na lalaki, na nagmumukhang  marangal na marangal at sasabihin ko na siya ay hindi isang Hebreo sapagkat ang kanyang mukha ay malinis na inahitan, katulad na siyang kinaugalian ng mga Romano. Nang sila ay kaagad malayu-layo na nang kaunti mula sa bahay, si Maria ay tinanong siya: «Bueno, Nicomedes? Ano sa palagay mo ang aming kapatid? Nakikita namin na siya ay malalang-malala... ang kalagayan... Sabihin sa amin.»

Ang lalaki ay ibinukas ang kanyang mga kamay sa pagpapakita ng pakikidalamhati at sa pagkilala sa di-maiiwasan na sitwasyon, at siya ay tumigil at nagsabi: «Malalang-malala ang kanyang kalagayan... Hindi ko kayo kailanman niloko mula nang nagsimula akong tingnan siya. Sinubukan ko na ang lahat, katulad ng nalalaman ninyo. Ngunit walang nangyari. Umasa... din ako, oo, umasa din ako na mabuhay man lamang sana siya na nilalabanan ang pagpapahina ng sakit sa pamamagitan ng mabuting pagkain at ng mga alak na inihanda ko para sa kanya. Sinubukan ko rin ang mga lason na magpapanatili sa dugo na hindi marumihan at masuportahan ang kanyang lakas, ayon sa matatandang eskuwelahan ng dakilang mga guro sa medisina. Ngunit ang sakit ay mas malakas kaysa sa paraan na ginamit natin upang pagalingin ito. Ang ganitong mga sakit ay katulad ng mga pagkaagnas, sinisira nila ang isang tao. At kapag sila ay makita na sa labas, ang loob ng mga buto ay naapektuhan na, at katulad ng limpa na sa isang punungkahoy ay tumataas mula sa mga ugat patungo sa tuktok nito, sa kaso rin na ito, ang sakit ay kumalat na mula sa kanyang mga paa hanggang sa kanyang buong katawan...»

«Ngunit tanging ang kanya lamang mga paa ay may sakit...» sabi ni Martha nang madaing.

«Oo, ngunit ang isang mataas na temperatura ay nakagagawa ng kasiraan sa mga bahagi ng katawan na sa halip ay iniisip mong malulusog. Tingnan ang maliit na sangang ito na nahulog mula sa punungkahoy na iyon. Ito ay tila kinain ng uod dito lamang, mula kung saan ito nabali. Ngunit tingnan... (dinurog niya ito sa pamamagitan ng kanyang mga daliri). Kita ninyo? Sa ilalim ng balat, na makinis pa rin, ito ay bulok na hanggang sa itaas, kung saan tila mayroon pang buhay, sapagkat mayroon pa ring ilang maliliit na dahon. Si Lazarus ay ngayon... namamatay na, kaawa-awang magkapatid! Ang Diyos ng inyong mga ninuno, at ang mga diyos at mga maladiyos ng aming medisina ay hindi nakagawa ng kahit ano... o ayaw nilang gawin ito. Ako ay nagsasalita ng tungkol sa inyong Diyos... Kung kaya't... nakikita ko na ang kanyang kamatayan ay nalalapit na, dahil din ang kanyang temperatura ay tumaas na, isang tanda ng pagkasira ng kanyang dugo dala ng wala-sa-ayos na mga pagtibok ng  kanyang  puso, at gawa ng kakulangan ng mga magpapakilos at mga reaksiyon sa imbalido at sa lahat ng kanyang mga sangkap. Katulad sa nakikita ninyo, hindi na siya nakakakuha ng sustansiya, hindi na niya mahawakan ang kakaunting pagkain na kanyang nakakain at hindi niya napapakinabangan ang kakaunting kanyang nahahawakan. Ito na ang katapusan... At – maniwala sa isang doktor na mapagpasalamat sa inyo sapagkat naaalaala niya si Theophilus – ang bagay na siyang pinaka mimithiin ngayon ay ang kamatayan... Ang ganitong mga sakit ay nakapangingilabot. Sa loob ng libu-libong mga tao nasira nila ang tao at hindi sila masira ng tao. Tanging ang mga diyos lamang ang makakasira sa kanila kung...» Siya ay tumigil, tinitingnan niya sila kinukuskos ang kanyang malinis na pagkaahit na babâ. Siya ay nag-iisip. Pagkatapos sinabi niya: «Bakit hindi ninyo tawagin ang Galilean? Siya ay isang kaibigan ninyo. Mapagagaling Niya siya sapagkat nagagawa Niya ang lahat. Naiksamin ko ang mga tao na nakatalaga nang mamatay at napagaling. Isang kakaibang kapangyarihan ang lumalabas mula sa Kanya. Ito ay isang mahiwagang likido na nagpapanumbalik at iniipon ang nakakalat na mga reaksiyon at ginagawa silang humiling na makapanumbalik... Hindi ko alam. Alam ko na sinundan ko Siya, bilang nakahalo din sa pulutong, at nakakita ako ng magagandang bagay... Magpasugo para sa Kanya. Ako ay isang Hentil. Ngunit nagpipitagan ako sa mahiwagang Thaumaturge¹ ng inyong sambayanan. At magiging masaya ako kung magagawa Niya ang hindi ko magawa.

«Siya ay Diyos, Nicomedes. Iyan kung bakit nagagawa Niya. Ang kapangyarihan na tinatawag mong likido ay ang Kanyang kalooban ng Diyos» sabi ni Maria.

«Hindi ko pinagtatawanan ang inyong pananampalataya. Sa kabaligtaran inuudyukan ko ito na marating ang imposibleng mga limitasyon. Maging ano pa man... nababasa namin na kung minsan ang mga diyos ay bumababa sa Lupa. Hindi ko... kailanman pinaniwalaan ito... Ngunit, sa pamamagitan ng siyensiya at konsiyensya ng isang tao at isang doktor, kailangan kong tanggapin na ganito nga ito, sapagkat ang Galilean ay gumagawa ng gayong mga panggagamot na tanging ang isang diyos lamang ang makagagawa.»

«Hindi isang diyos, Nicomedes. Ang totoong Diyos.» pamimilit ni Maria.

«O sige. Ayon sa ibig mo. At ako ay maniniwala sa Kanya at magiging isang tagasunod Niya kung makita ko si Lazarus... na bumangon mula sa kamatayan. Sapagkat kailangan na natin na magsalita ng tungkol na sa resureksiyon ngayon, kaysa sa paggaling. Kung kaya't ipatawag Siya nang madalian... sapagkat, kung ako ay hindi pa nagiging isang tanga, siya ay mamamatay sa loob ng susunod na tatlong araw, pinakamabilis na iyon. Sinabi ko “pinakamabilis na”. Ngunit ito ay maaaring mas maaga pa, ngayon.»

«O! Sana magagawa natin! Ngunit hindi natin nalalaman kung nasaan Siya...» sabi ni Martha.

«Alam ko kung nasaan Siya. Ako ay sinabihan ng isa ng Kanyang mga disipulo na papunta upang tagpuin Siya magdadala ng ilang may sakit na mga tao, ang dalawa sa kanila ay naging aking mga pasyente. Siya ay nasa kabila ng Jordan, malapit sa bantilan. Ganyan ang sinabi niya. Baka alam ninyo ang lugar nang mas mabuti kaysa sa akin.»

«Ah! Siya ay tiyak na nasa bahay ni Solomon!» sabi ni Maria.

«Ito ba ay napakalayo?»

«Hindi, Nicomedes.»

«Kung gayon magpadala ng isang katulong kaagad na sabihin sa Kanya na pumunta rito kaagad. Babalik ako saka na at mananatili ako rito upang makita ang Kanyang gagawin kay Lazarus. Mabuhay, mga binibini. At... magbigayan ng lakas-loob sa isa’t isa.» Siya ay yumukod sa kanila at umalis patungo sa labasan, kung saan ang isang katulong ay naghihintay para sa kanya upang hawakan ang kanyang kabayo at buksan ang geyt sa kanya.

«Ano ang ating gagawin, Maria?» tanong ni Martha pagkatapos na makita niya na umalis ang doktor.

«Susundin natin ang Guro. Sinabi Niya na magpasugo sa Kanya ng tao pagkatapos ng kamatayan ni Lazarus. At gagawin natin iyan.»

«Ngunit kung siya ay patay na... ano ang pakinabang na mapunta ang Guro dito? Matutulungan lamang niyan ang ating mga puso, sang-ayon ako. Ngunit ang magpatungkol kay Lazarus!... Magpapadala ako ng isang katulong upang tawagin Siya.»

«Hindi. Masisira mo ang himala. Sinabi Niya na dapat magawa natin ang umasa at maniwala laban sa bawat salungat na reyalidad. At kung gagawin natin, mapapasaatin ang himala, natitiyak ko iyan. Kung hindi natin iyan gagawin, ang Diyos ay pababayaan tayo sa ating pag-aakala na makakakilos tayo nang mas mabuti kaysa sa Kanya, at pagkakalooban tayo ng wala.»

«Ngunit hindi mo ba nakikita kung gaano si Lazarus naghihirap? Hindi mo ba napakinggan, nang nakakabalik ang kanyang malay, kung gaano niya gustong makita ang Guro? Matigas ang iyong puso kung gusto mong pagkaitan ang ating kaawa-awang kapatid ng huling lugod na ito!... Ang ating kaawa-awang kapatid! Malapit na tayong mawalan ng kapatid! Walang ama, walang ina, walang kapatid na lalaki! Ang pamilya ay sira na, at tayo ay lubos na nag-iisa katulad ng dalawang palmera sa disyerto.» Siya ay napangingibabawan ng pighati at sasabihin ko na siya naghisterya, sa tipikong estilo ng mga taga-silangan, at iniitsa ang sarili, hinahampas ang kanyang mukha at kinukusot ang kanyang buhok.

Si Maria ay hinawakan siya. Inutusan niya siya na manahimik nagsasabing: «Manahimik! Manahimik!, sinasabi ko sa iyo! Baka mapakinggan ka niya. Minamahal ko siya nang mas mahigit at mas mabuti pa kaysa sa pagmamahal mo sa kanya, at napipigilan ko ang aking sarili. Nagmumukha kang masasakitin na babae. Maging tahimik, sinasabi ko sa iyo! Hindi sa ganyang pagwawalà mababago ng isa ang mga sitwasyon o maka-aantig siya ng mga puso. Kung ginagawa mo iyan upang maaantig ang aking puso, nagkakamali ka. Isipin mo ang tungkol diyan. Ang aking puso ay nadudurog, ngunit ito ay sumusunod: ito ay nagpupumilit sa pagsunod.»

Si Martha, napanaigan ng lakas ng kanyang kapatid at ng kanyang mga salita, ay kumalma nang kaunti ngunit sa kanyang pamimighati, na mas mahinahon, siya ay umuungol pinananawagan ang kanyang ina: «Inay! O! inay, aluin ninyo ako. Hindi na ako nagkaroon ng kapayapaan mula nang kayo ay namatay. Kung kayo lamang ay naririto, inay! Kung ang kapighatian ay hindi kayo pinatay! Kung kayo lamang ay naririto, gagabayan ninyo kami at susundin namin kayo, para sa ikabubuti naming lahat...O!»

Si Maria ay nagbago ang kulay at siya ay umiiyak nang walang ingay, nagmumukha siyang nasisiraan ng loob at pinipilipit niya ang kanyang mga kamay nang hindi nagsasalita.

Si Martha ay tiningnan siya at nagsabi: «Nang ang ating ina ay mamamatay na, ginawa niya akong mangako na aalagaan ko si Lazarus katulad ng isang ina. Kung siya ay naririto...»

«Susundin niya ang Guro, sapagkat siya ay isang makatarungan na babae. Sinusubukan mo akong maantig nang walang mangyari. Masasabi mo sa akin na pinatay ko ang ating ina sa pamamagitan ng mga kirot na binigay ko sa kanya. Sasabihin ko sa iyo. “Tama ka”. Ngunit kung ibig mo akong magsabi na ikaw ay tama sa pagkakagusto na papuntahin dito ang Guro, sasabihin ko sa iyo: “Hindi”. At lagi kong sasabihin: “Hindi”. At natitiyak ko na mula sa sinapupunan ni Abraham sumasang-ayon ang inay sa akin at pinagpapala niya ako. Tayo na sa loob ng bahay.»

«Wala nang natira sa atin! Wala nang natira!»

«Lahat! Kailangan sabihin mo lahat! Hindi ka nakikinig sa Guro at tila ka maasikasong nakikinig habang Siya ay nagsasalita, ngunit pagkatapos hindi mo maalaala kung ano ang sinasabi Niya. Hindi ba’t lagi Niyang sinasabi na ang magmahal at sumunod ay nagagawa tayong mga anak ng Diyos at mga tagapagmana ng Kanyang Kaharian? Kung kaya't papaano mo masasabi na tayo ay maiiwanan ng wala kahit ano, kung nasa atin ang Diyos at taglay natin ang Kaharian sa pamamagitan ng ating katapatan? O! totoo na ang isa ay kailangan na maging matatag na determinado sa kasamaan, katulad na ako ay naging determinado, upang maging, upang malaman kung papaano maging, at magustong maging matatag na determinado sa kabutihan, sa pagsunod, sa pag-asa, sa pananampalataya, sa pagmamahal!...»

«Pinahintulutan mo ang mga Judaean na tawanan at magbitaw ng mga parunggit laban sa Guro. Napakinggan mo sila noong makalawang araw...»

«Iniisip mo pa rin ba ang mga alingasngas ng mga baka na iyon, ang pagsiyap ng mga buwitre na iyon? Hayaan silang ibuga nila kung ano ang mayroon sila sa loob! Ano ba ang pakialam ng mundo sa iyo? Ano ba ang mundo kompara sa Diyos? Tingnan: iyan ay mas maliit pa kaysa sa kulisap na ito, na namamanhid o nalalason ng dumi na nasipsip nito at na aking tinatapakan nang ganito» at sa pamamagitan ng isang malakas na tadyak ng kanyang sakong dinudurog niya ang isang kulisap na gumagapang nang dahan-dahan sa graba ng abenida. Pagkatapos kinuha niya si Martha sa kamay nagsasabing: “Halika sa loob ng bahay at...»

«Pasabihan man lamang natin ang Guro. Magpadala tayo ng isang tao upang sabihin sa Kanya na si Lazarus ay namamatay na, nang hindi na nagsasabi ng kahit ano pa...»

«Na tila nangangailangan Siyang mapasabihan natin! Hindi! Ito ay walang silbi. Sinabi Niya: “Gawing malaman Ko kung siya ay patay na”. At iyan ang ating gagawin. Ngunit hindi bago ang kanyang kamatayan.»

«Walang naaawa sa aking pagdadalamhati! Kahit ikaw man lamang sa lahat na mga tao...»

«Tumigil sa pag-iyak nang ganyan. Hindi ko iyan matagalan...» Sa kanyang sariling pamimighati kinakagat niya ang kanyang labì upang mahimok ang kanyang kapatid at mapigilan ang kanyang mga luha.

Si Marcella ay tumakbong palabas ng bahay sinusundan ni Maximinus: «Martha! Maria! Bilis! Hindi mabuti ang lagay ni Lazarus. Hindi na siya tumutugon ulit...»

Ang dalawang magkapatid ay nagmadaling bumalik sa loob ng bahay... at maya-maya lamang nang kaunti maririnig ang malakas na tinig ni Maria nagbibigay ng mga utos para sa nangyayari, at makikita ang mga katulong na tumatakbo may dalang mga pampasiglang inumin at mga palanggana na umuusok sa kumukulong tubig, bumubulong at gumagawa ng mga pagpapakita ng kapighatian...

Ang kakalmahan ay nangibabaw nang unti-unti pagkatapos ng labis na kabalisahan. Nakikita ko ang mga katulong nag-uusap-usap sa mabababang tinig, hindi masyadong nananabik, ngunit may mga pagkilos ng malalim na kalungkutan upang mabigyang diin ang kanilang mga salita. Ang iba ay iniiling ang mga ulo, ang ilan ay tinataas ang mga ito tinitingnan ang kalangitan at inuunat ang kanilang mga kamay na tila upang sabihin: «Ito ay gayon nga», ang ilan ay umiiyak, ang ilan ay umaasa pa rin para sa isang himala.

Si Martha ay lumitaw muli. Siya ay kasing puti ng kamatayan. Siya ay tumalikod upang tingnan kung may sumusunod sa kanya. Tinitingnan niya ang mga katulong na nagsisiksikan sa paligid niya nang nananabik. Tumalikod siyang muli upang tingnan kung may lumabas sa bahay upang sundan siya. Pagkatapos sinabi niya sa isang katulong: «Sumama ka sa akin.»

Ang katulong ay iniwan ang grupo at sinusundan siya patungo sa balag ng hasmin at pumasok dito. Si Martha ay nagsasalita, hindi pa rin inaalisan ng paningin ang bahay, na masisilip sa kabila ng magkakasabid na mga sanga, at sinabi niya: «Makinig sa akin nang mabuti. Kapag nakabalik na ang lahat na katulong sa bahay, at nabigyan ko na sila ng mga tagubilin upang mapanatili silang abalá sa loob, pupunta ka sa mga establero, kukunin ang pinakamabilis na kabayo at lagyan iyon ng siyá... Kung mayroon man na makakita sa iyo, sabihin mo na tatawagin mo ang doktor... Hindi ka nito nagsisinungaling at hindi kita tinuturuan na magsinungaling, sapagkat talagang pinadadala kita sa banal na Doktor... Magdala ng ilang sakate ng kabayo at ilang pagkain para sa iyong sarili at ang lukbutan na ito para sa kung anuman ang kakailanganin mo. Lumabas ka sa pamamagitan ng maliit na geyt at sa pamamagitan ng inararong mga bukid, kung saan ang mga padyak ng kabayo ay hindi makagagawa ng ingay, kapag lalayo ka na sa bahay. Pagkatapos kunin ang daan ng Jericho at magpakaskas nang hindi kailanman tumitigil, ni kahit na sa gabi. Naintindihan mo ba? Hindi ka kailanman kailangan na tumigil. Ang bagong buwan ay paliliwanagin ang daan para sa iyo kung dumilim na habang nagpapakaskas ka pa rin. Ilagay sa isip na ang buhay ng iyong panginoon ay nasa iyong mga kamay at dumidepende sa iyong bilis. Ako ay umaasa sa iyo.»

«Sinyora, paglilingkuran ko kayo bilang isang matapat na alipin.»

«Pumunta ka sa bantilan ng Bethabara. Tawirin ang ilog at pumunta sa nayon pagkatapos ng Bethany sa kabila ng Jordan. Alam mo iyon... kung saan si Juan ay madalas magbinyag noong simula.»

«Alam ko. Pumunta rin ako roon upang mapadalisay.»

«Ang Guro ay nasa nayon na iyon. Kahit sino ay masasabi sa iyo ang bahay kung saan Siya ay isang panauhin. Ngunit mas mabuti kung susundan mo ang mga pampang ng ilog, sa halip na kunin ang pinakadaan. Hindi ka labis na mapupuna at makikita mo mismo ang bahay. Ito ay ang unang bahay sa tanging daan ng nayon at dinadala nito ang isa mula sa kabukiran patungo sa ilog. Hindi ka maaaring magkamali. Ito ay isang mababang bahay, na walang terasa o silid sa itaas, may isang pangkusinang-hardin, kapag nanggagaling sa ilog, bago sa bahay, at ang pangkusinang-hardin ay nababakuran ng isang maliit na geyt na gawa sa kahoy at ng halamang bakod na hawthorn, sa palagay ko isang halamang bakod, maging ano pa man. Maliwanag ba ito? Ulitin ang mga detalyeng iyon.»

Ang katulong ay inuulit ang mga ito nang matiyaga

«O sige. Makiusap na makausap Siya, Siya nang nag-iisa, at sabihin sa Kanya na ang iyong sinyora ay pinadala ka upang sabihin sa Kanya na si Lazarus ay malalang-malala, na siya ay namamatay na, na hindi na kami makatagal pa, na si Lazarus ay gusto Siya at nakikiusap sa Kanya na Siya ay pumunta kaagad, kaagad, alang-alang sa awa. Naintindihan mo ba?»

«Oo, naintindihan ko, sinyora.»

«Pagkatapos bumalik dito kaagad, upang walang makapuna ng pagkawala mo. Magdala ka ng lampara, kakailanganin mo iyan kapag dumilim na. Lakad. Magmadali, magpakaskas, patakbuhin ang kabayo hanggang mapudpod ang mga paa, ngunit bumalik dito nang mabilis dala ang tugon ng Guro.»

«Gagawin ko ang ganyan, sinyora.»

«Lakad na ngayon! Kita mo? Lahat sila ay pumasok na sa bahay. Lakad na kaagad. Walang makakakita sa iyo na naghahanda. Dadalhan kita mismo ng ilang pagkain, Lakad! Iiwanan ko iyon sa pamasukan ng maliit na geyt. Lakad! At sana samahan ka ng Diyos. Lakad!...»

Tinutulak niya siya nang nananabik at pagkatapos tumakbo siya papasok ng bahay nang nag-iingat, at pagkaraan ng maikling sandali patago siyang lumabas sa likurang pintuan sa timog na tabi ng bahay, na may dalang maliit na bag, naglalakad siya sa tabi ng isang halamang bakod hanggang sa layo ng unang puwang ng bakod, lumiko siya at nawala...

080112



¹Thaumaturge – kung baga salamangkero. RLB.



Sunod na kabanata