542. Ang Kamatayan ni Lazarus.

Disyembre 21, 1946.

Binuksan nila ang lahat na mga pintuan at mga bintana ng silid ni Lazarus, upang magawang mas madali siyang makahinga. At sa paligid niya, na walang malay, nasa koma – isang malalim na koma katulad ng kamatayan, na ang kaibahan lamang dito ay ang paggalaw niya sa paghinga – ay naroon ang kanyang dalawang kapatid na babae, si Maximinus, si Marcella at si Naomi, buhos-na-buhos ang atensiyon sa pinakamaliit na galaw ng namamatay na tao.

Sa tuwing ang mga paghilab ng kamatayan ay pinaliliit ang kanyang bunganga at ito ay tila kinukuha ang ekspresyon ng isang tao na may balak na magsasalita, o ang kanyang mga mata ay makikita nang kaunti kapag binubuksan niya nang bahagya ang kanyang mga talukap-mata, ang dalawang magkapatid ay yuyukuan siya upang makuha anumang salita ang baka bigkasin, o makita ang anumang sulyap... Ngunit walang mangyari. Ang mga iyon ay walang iba bagkus paggalaw nagkukulang ng koordinasyon, na walang pakialam ang kanyang kalooban at katalinuhan, na ngayon ay kapwa walang ginagawa at nawawala. Ang mga iyon ay mga paggalaw ng naghihirap na laman, katulad-na-katulad ng pawis na nagagawa ang mukha ng namamatay na tao na kuminang, at ng panginginig na umuuga sa kanyang mala-kalansay na mga daliri, ginagawa ito na magmukhang  nanguluntoy na mga pangalmot. Ang dalawang magkapatid ay tinatawag din siya, kasama ang lahat ng kanilang pagmamahal sa kanilang mga tinig. Ngunit ang kanyang pangalan at ang kanilang pagmamahal ay bumabangga sa harang ng pag-iisip na hindi na makaunawa, at ang katahimikan ng kamatayan ay ang tugon sa kanilang pagtatawag.

Si Naomi, umiiyak, ay nagpapatuloy sa paglagay ng maiinit na tisa, na nakabalot sa delanang tela, malapit sa mga paa ni Lazarus, na maaaring napakalamig. Si Marcela ay hawak-hawak ang isang kopa kung saan inilulubog niya ang isang piraso ng manipis na linen, na ginagamit ni Martha upang basain ang mga labi ng kanyang kapatid. Si Maria sa pamamagitan ng isa pang kapiraso ng linen ay pinupunas ang maraming pawis na bumababa mula sa mala-kalansay na mukha at mga basang kamay ng namamatay na tao. Si Maximinus, nakasandal sa isang madilim na kabinet malapit sa kama ni Lazarus, ay nagbabantay nakatayo sa likuran ni Maria, na nakayuko sa kanyang kapatid.

Wala nang ibang tao pa. Naririyan ang lubos na katahimikan, na tila sila ay nasa loob ng isang bahay na walang tao, sa isang disyertong lugar. Ang mga babaeng katulong na siyang nagdadala ng maiinit na tisa ay nakapaa at walang ingay na nagagawa sa paglalakad sa marmol na sahig. Nagmumukha silang mga pangitain.

Sa isang sandali si Maria ay nagsabi: «Ang kanyang mga kamay ay tila nagiging mainit. Tingnan, Martha, ang kanyang mga labi ay hindi masyadong maputla.»

«Oo. At siya ay humihinga nang mas libre, Napuna ko iyan nang matagal-tagal na» wika ni Maximinus.

Si Martha ay niyukuan si Lazarus at tinatawag siya sa isang mababang tinig, sa isang napakainit na tono: «Lazarus! Lazarus! O! Tingnan, Maria! Siya ay tila ngumingiti at kinukurap ang kanyang mga talukap-mata. Siya ay gumagaling, Maria! Siya ay nagiging mas mabuti! Anong oras na ngayon?»

«Ngayon ay isang oras makalampas ng paglubog ng araw.»

«Ah!» at si Martha ay tumayo, dinidiin ang kanyang mga kamay sa kanyang dibdib, itinataas ang kanyang mga mata sa kitang-kita na walang-tunog ngunit lubos na umaasang pananalangin. Ang isang ngiti ay pinaliliwanag ang kanyang mukha.

Ang iba ay tinitingnan siya sa pagtataka at si Maria ay nagsabi sa kanya: «Hindi ko makita kung bakit sa katotohanan na ngayon ay gabi na ikaw ay maging masaya...» at pinag-aaralan niya ang kanyang mukha nang nagsosospetsa at nananabik.

Si Martha ay hindi tumutugon, bagkus pinagpapatuloy niya ang kanyang dating pagkatayo katulad kanina.

Ang isang katulong na babae ay pumasok may dalang ilang tisa, na kanyang inaabot kay Naomi. Si Maria ay nagsabi sa kanya: «Magdala ng dalawang lampara. Dumidilim na at gusto kong makita si Lazarus.» Ang katulong na babae ay lumabas nang walang ingay at kaagad bumalik may dalang dalawang may-sinding lampara ng langis, at ibinaba niya ang isa sa ibabaw ng kabinet malapit kay Maximinus, at ang isa sa ibabaw ng mesa na may mga nakapatong na mga bendahe at maliliit na mga amphora, sa kabilang tabi ng kama.

«O! Maria! Maria! Siya ay totoong hindi masyadong maputla.»

«At hindi masyadong nanghihinang tingnan. Siya ay nakakapanumbalik!» sabi ni Marcella.

«Bigyan siya ng kaunting mga patak pa ng marekadong alak na inihanda ni Sarah. Nakabuti iyon sa kanya» mungkahi ni Maximinus.

Mula sa ibabaw ng kabinet si Maria ay kinuha ang isang munting balingkinitan na amphora, na ang hugis ay katulad ng tuka ng isang ibon, at maingat siyang nagbubuhos ng ilang patak ng alak sa pagitan ng medyo nakabukas na mga labì ni Lazarus.

«Dahan-dahan, Maria. Na huwag sana siyang mabulunan!» nagpapayo si Naomi.

«O! Nilulunok niya ito! Gusto niya ito! Tingnan, Martha! Tingnan! Nilalabas niya ang kanyang dila, hinahanap ito...»

Lahat sila ay yumuyuko upang tingnan, at si Naomi ay tinatawag siya: «Mahal ko! Tingnan mo ang iyong yaya, o pinagpalang kaluluwa!» at siya ay lumalapit upang halikan siya.

«Tingnan mo! Tingnan mo, Naomi, iniinom niya ang iyong mga luha! Ang isa ay bumagsak malapit sa kanyang mga labì, naramdaman niya ito, hinahanap niya ito at sinipsip niya ito.»

«O! aking mahal! Kung mayroon pa ako ng gatas ng mga nakaraan nang araw, pipigain ko ito para sa iyo nang patak-patak, aking munting kordero, kahit na kung kinakailangan kong pigain ang aking puso at pagkatapos mamatay!» nahinuha ko na si Naomi, ang yaya ni Maria, ay naging yaya din ni Lazarus.

«Mga sinyora, si Nicomedes ay bumalik» sabi ng isang katulong sumulpot sa pintuan.

«Papasukin siya! Tutulungan niya kami na makapanumbalik si Lazarus.»

«Tingnan ninyo! Tingnan ninyo! Binubukas niya ang kanyang mga mata at ginagalaw ang kanyang mga labì» sabi ni Maximinus.

«Pinipisil niya ang aking mga daliri ng kanyang mga daliri!» sigaw ni Maria. At yumuko siya nagsasabing: «Lazarus! Naririnig mo ba ako? Sino ako?»

Si Lazarus ay talagang ibinukas ang kanyang mga mata at tumitingin, isang di-nakatitiyak na nalalabuan na tingin, ngunit isa pa ring tingin. Ginagalaw niya ang kanyang mga labì nang may kahirapan at nagsabi: «Inay!»

«Ako ay si Maria. Si Maria! Ang iyong kapatid na babae!»

«Inay!»

«Hindi ka niya nakikilala at tinatawag niya ang kanyang inay. Ang mga namamatay na tao ay laging ginagawa iyan» sabi ni Naomi, na ang kaninong mukha ay basa ng mga luha.

«Ngunit siya ay nagsasalita. Pagkaraan ng gayon katagal na oras siya ay nagsasalita. Iyan ay isa nang malaking bagay... Gaganda ang kanyang pakiramdam maya-maya lang. O! aking Panginoon, gantimpalaan ang Inyong katulong na babae!» sabi ni Martha muli na may pagkilos ng taimtim na umaasang pananalangin.

«Ngunit ano ang nangyari sa iyo? Nakita mo ba ang Guro? Nagpakita ba Siya sa iyo? Sabihin sa akin, Martha. Pagaanan ang aking pagdurusa!» sabi ni Maria.

Ang pagdating ni Nicomedes ay napigilan ang pagtugon. Lahat sila ay kinakausap siya sinasabi sa kanya kung papaano pagkatapos niyang umalis lumala ang kalagayan ni Lazarus, na siya ay nasa punto na na mamatay, at sa katunayan naniwala na sila na siya ay patay na, pagkatapos, sa pamamagitan ng ilang tulong nagawa nila siya na matauhan, ngunit hanggan lamang na siya ay makahinga. At kung papaano, kani-kanina pa lamang, sa pamamagitan ng isang may mga rekadong alak na inihanda ng isa sa mga babae, nagsimula siya  muling matauhan, nilulon niya ang ilan at nagsisikap na makainom, at binukas din niya ang kanyang mga mata at nagsalita... Silang lahat ay nagsasalitang sabay-sabay, nang may nabuhay ulit na pag-asa, na ibang-iba sa medyo walang paniniwalang kakalmahan ng doktor na pinababayaan lamang silang magsalita nang hindi siya mismo nagsasalita ng kahit isang salita.

Sa wakas, nang sila ay nakatapos na, sinabi niya: «O sige. Titingnan ko.» Tinutulak niya sila sa tabi habang lumalapit siya sa kama at hinihingi niya sa kanila na magdala ng ilang ilaw at isara ang bintana, dahil ibig iyang alisan ng takip ang pasyente. Niyuyukuan niya siya, tinatawag niya siya, tinatanong niya siya, ginagalaw niya ang langis na lampara nang paatras at abante sa mukha ni Lazarus, na ngayon ay ibinukas na ang kanyang mga mata at na tila nagtataka sa lahat, pagkatapos inalisan siya niya ng takip, pinag-aaralan ang kanyang paghinga, ang pagtibok ng kanyang puso, at temperatura at ang katigasan ng kanyang mga galamay... Lahat sila ay nananabik na naghihintay sa kanyang salita. Si Nicomedes ay tinakpan muli ang pasyente, tinitingnan siya at nag-iisip. Pagkatapos siya ay tumalikod tinitingnan ang mga taong naroroon at nagsabi: «Hindi mapasisinungalingan na nakapanumbalik ang kanyang lakas. Siya ay bumuti mula nang huli ko siyang matingnan. Ngunit huwag ninyong dayain ang inyong sarili. Ito ay walang iba bagkus ang di-totoong pag-unlad habang nasa pagkamatay. Tiyak na tiyak ko, katulad na nakatitiyak ako na ito na ang katapusan, na, katulad ng nakikita ninyo, ako ay bumalik, pagkatapos na makalibre ako sa aking mga pinuntahan, upang gawin ang kanyang kamatayan na maging hindi masyadong masakit, hanggang sa magagawa ko... o upang tingnan ang himala kung... Gumawa ka ba ng aksiyon?»

«Oo, Nicomedes, gumawa kami» sabi ni Martha pinuputol siya. At upang maiwasan na siya ay magtanong pa ulit, sinabi niya: «Ngunit hindi ba’t sinabi ninyo na... sa loob ng tatlong araw... Ako...» Siya ay umiiyak.

«Sinabi ko. Ako ay isang doktor. Namumuhay ako sa gitna ng mga aguniya at mga luha. Ngunit ang kinasanayan ko nang tanawin ng dalamhati ay hindi pa ako nagagawang isang walang-pusong tao. At ngayong araw... Inihanda kita... sa pamamagitan ng kung baga mahaba... at malabong araw... Ngunit ang aking kaalaman sa medisina ay sinasabihan ako na ang katapusan ay darating malapit na, at ang aking puso ay hindi sinabi ang katotohanan bilang isang naaawang panloloko... Ngayon! Maging matapang... Lumabas kayo... Hindi namin kailanman malaman kung gaano ang naiintindihan ng mga namamatay na tao...» Tinataboy niya sila nang palabas, habang sila ay umiiyak, inuulit: «Maging matapang! Maging matapang!»

Si Maximinus ay nananatiling kasama ang namamatay na tao... Ang doktor din ay umalis upang maghanda ng ilang mga medisina na makapagpapagaan nang kaunti sa paghihirap, dahil sinasabi niya: «Nakini-kinita ko na ito ay magiging napakasakit.»

«Gawin ninyo siyang mabuhay! Gawin ninyo siyang mabuhay hanggang bukas. Halos gabi na, katulad ng nakikita ninyo, Nicomedes. Hindi problema para sa inyong siyensiya na panatilihin ang isang tao na buhay nang wala pang isang araw! Gawin ninyo siyang mabuhay!»

«Madam, ginagawa ko ang magagawa ko. Ngunit kapag naubos na ang mitsa, wala nang makapagpapanatili sa apoy na buháy!» tugon ng doktor, at siya ay umalis.

Ang dalawang magkapatid ay niyakap ang isa’t isa, umiiyak nang hindi mapatigil, at si Maria ay ang isa na mas grabe ang pag-iyak. Ang kanyang kapatid ay may isang umaasang puso...

Naririnig nila ang tinig ni Lazarus na lumalabas mula sa kanyang silid. Isang malakas na tinig na nagpagulat sa kanila, dahil ito ay hindi inaasahan mula sa gayong tao na nanghihina. Tinatawag niya sila: «Martha! Maria! Nasaan kayo? Gusto kong bumangon. Gusto kong magbihis! Gusto kong sabihan ang Guro na ako ay magaling na! Kailangan kong pumunta sa Guro. Isang bagon! Kaagad! At isang mabilis na kabayo. Ito ay tiyak na Siya ang nagpagaling sa akin...»

Siya ay nagsasalita nang mabilis, dinidiinan ang bawat pantig ng mga salita, nakaupo sa kanyang kama, namumula gawa ng mataas na temperatura, nagsisikap na makaalis sa kama, pinipigilan na magawa ito ni Maximinus, na nagsasabi sa mga babae na nagmamadali patungo sa silid: «Siya ay nahihibang!»

«Hindi! Hayaan siyang makaalis. Ang himala! Ang himala! O! Ako ay masayang-masaya na napangyari ko ito! Kaagad nang masabihan si Jesus! Diyos ng aming mga ninuno, pagpalain nawa Kayo at papurihan para sa Inyong kapangyarihan at dahil sa Inyong Mesiyas...» Si Martha, na napaluhod, ay wala sa kanyang sarili sa galak.

Sa pansamantala si Lazarus ay nagpapatuloy sa pagsasalita, pinakikilos nang lalu’t lalo pa ng kanyang temperatura, na hindi naiintindihan ni Martha na siyang dahilan ng lahat, at sinasabi niya: «Madalas Siyang pumunta upang tingnan ako, nang ako ay may sakit. Makatarungan lang na ako ay pumunta sa Kanya at sabihin: “Ako ay magaling na”. Ako ay magaling na! Wala na akong maramdamang mga kirot! Ako ay malakas. Gusto kong bumangon. Gusto kong lumakad. Ang Diyos ay gustong subukan ang aking pagpapaubaya. Ako ang tatawagin ang bagong Job...» Ipinagpapatuloy niya ang saserdotal na aktitud at gumagawa ng malalaking pagkilos sinabi niya: «”Ang Panginoon ay naantig ng pagtitika ni Job... at binigyan siya ng doble ng dating mayroon siya. At ang Panginoon ay pinagpala ang huling mga taon ni Job nang higit pa kaysa sa mga nauna... at siya ay nabuhay hanggang... Hindi, ako ay hindi Job! Ako ay nasa loob ng mga apoy at inilabas Niya ako, ako ay nasa tiyan ng halimaw at nakabalik ako sa liwanag. Kung gayon ako ay si Jonah, at ako ang tatlong mga anak ni Daniel...»

Ang doktor, tinawag ng kung sino, ay pumasok. Tinitingnan niya siya: «Ito ay pagkahibang. Inaasahan ko ito. Ang kurupsiyon ng dugo ay naaapektuhan ang utak.» Nagsisikap siyang ihiga siya at sinasabihan ang iba ng hawakan siyang mabuti, at siya ay lumabas muli upang asikasuhin ang kanyang hinahalong mga likido.

Si Lazarus kung minsan ay kung baga naiinip ng siya ay hinahawakan, kung minsan siya ay umiiyak katulad ng isang bata.

«Totoo ngang nahihibang siya» ungol ni Maria.

«Hindi. Wala sa inyo ang nakaiintindi ng kahit ano. Hindi kayo makapaniwala. Siyempre! Hindi ninyo nalalaman... Sa ngayon nalalaman na ng Guro na si Lazarus ay namamatay na. Oo, pinasabihan ko Siya, Maria! Ginagawa ko ito nang walang sinasabi sa iyo na kahit ano...»

«Ah! kaawa-awang sawing palad! Nasira mo ang himala!» sigaw ni Maria.

«Hindi! Katulad ng nakikita mo nagsimula siyang makaramdam nang mabuti nang narating ni Jonah ang Guro. Siya ay nahihibang... Walang duda... Siya ay mahina, at ang kanyang utak ay nalalabuan pa ng kamatayan na nakahawak na sa kanya. ngunit hindi siya nahihibang katulad ng iniisip ng doktor. Makinig sa kanya! Iyon ba ang mga salita ng isang nahihibang na tao?»

Si Lazarus sa katunayan ay nagsasabing: «Iniyuko ko ang aking ulo sa dekreto ng kamatayan at natikman ko kung gaano kapait ito na mamatay, at ang Diyos ngayon ay nagsasabi na Siya ay kontento sa aking pagpapaubaya at ako ay Kanyang ibinabalik sa búhay at binibigay ulit sa akin ang aking mga kapatid. Mapaglilingkuran ko pa rin ang Panginoon at mapabanal ang aking sarili kasama si Martha at si Maria... Kasama si Maria! Ano si Maria? Si Maria ay regalo ni Jesus sa kaawa-awang Lazarus. Nasabi Niya ito sa akin... Gaano na katagal mula noon! “Ang iyong pagpapatawad ay mas maraming magagawa kaysa ano pa mang iba. Matutulungan Ako niyan”. Siya ay nangako sa akin: “Siya ay magiging iyong lugod”. At noong araw na iyon na ako ay balisa sapagkat dinala niya ang kanyang kahihiyan dito, malapit sa Banal na Isa, anong mga salita ang Kanyang binigkas inaanyayahan siyang bumalik! Ang Karunungan at Karidad ay nagsama upang hipuin ang kanyang puso... At noong isa pang araw, nang nakita Niya akong inaalay ko ang aking sarili para sa kanyang katubusan?... Gusto kong mabuhay upang magbunying kasama ang aking natubos na kapatid! Gusto kong papurihan ang Panginoon kasama siya! Mga agos ng mga luha, mga insulto, kahihiyan, kapaitan... ang lahat ay tumusok sa akin at pumatay sa aking buhay dahil sa kanya... Naririto ang apoy, ang apoy ng pugon! Ito ay bumabalik, kasama ang mga alaala nito... Si Maria ni Theophilus at ni Eucheria, ang aking kapatid na babae, ang puta. Siya ay sana naging isang reyna at siya ay naging ang dumi na kahit na ang baboy ay yumayapak. At ang aking ina na namamatay. At hindi na makahalo sa mga tao nang hindi kinakailangan na tiisin ang kanilang mga panunuya. Dahil sa kanya! Nasaan ka, ikaw na kaawa-awang sawing palad. Nagkukulang ka ba kaya ng tinapay na kailangan mong ipagbili ang iyong sarili? Ano ba ang iyong sinipsip mula sa utong ng iyong yaya? Ano ba ang itinuro ng iyong ina sa iyo? Kahalayan ang una? Kasalanan ang huli? Lumayas ka! Kahihiyan ng aming pamilya!»

Ang kanyang tinig ay isang sigaw. Siya ay tila nababaliw. Sina Marcella at Naomi ay nagmadali upang isara ang mga pintuan at upang iladlad ang mabigat na mga kurtina upang patayin ang tunog, habang ang doktor, na pumunta sa silid, ay nagsisikap nang walang mangyari na pakalmahin ang pagdidiliryo na nagiging mas na mas pang marahas. Si Maria, nakapatirapang nalulungkot sa sahig, ay humihikbi sa ilalim ng di-mapakalmang akusasyon ng namamatay na tao na nagpapatuloy.

«Isa, dalawa, sampung mangingibig. Ang kahihiyan ng Israel mula sa isang yakap ay lumilipat sa isa pa... Ang kanyang ina noon ay namamatay, siya ay nagbubunyi sa kanyang malalaswang pag-iibigan. Hayop! Bampira! Sinipsip mo ang buhay ang iyong ina. Sinira mo ang aming lugod. Si Martha ay isinakripisyo dahil sa iyo. Walang nagpapakasal sa kapatid ng isang puta. Ako... Ah! Ako! Si Lazarus, isang kabalyero, ang anak ni Theophilus... Ang mga batang gusgusin sa Ophel ay madalas duraan ako!! “Naririto ang kasabwat ng isang adultera at ng isang puta” ang mga eskriba at mga Pariseo ay madalas sabihin pinapagpag ang kanilang mga damit ibig sabihin nilalayuan nila ang kasalanan na sa pamamagitan nito ako ay narumihan sa pagkakadikit sa kanya! “Naririto ang makasalanan! Siya na hindi mahampas ang may kagagawan ay nagkakasala din mismo” ang mga rabbi ay madalas isigaw kapag ako ay umaakyat sa Templo, at ako ay naliligo sa pawis sa ilalim ng maapoy na mga mata ng mga pari... Ang apoy. Ikaw! Isinuka mo ang apoy na nasa loob mo. Sapagkat ikaw ay isang dimonyo. Maria. Ikaw ay marumi. Ikaw ay Anathema. Ang iyong apoy ay kumakapit sa lahat, sapagkat ang iyong apoy ay nabubuo ng maraming apoy, at mayroon ilan para sa mahahalay na tao na nagmumukhang katulad ng mga isda na nahuli sa isang lambat sa tuwing ikaw ay dumaraan... Bakit ba hindi kita pinatay? Ako ay masusunog sa Gehenna para sa pagpapahintulot sa iyo na mabuhay sumisira ng maraming mga pamilya, nag-iiskandalo ng libu-libong mga tao... Sino ang nagsabi: “Sa aba para sa tao na nagdudulot ng iskandalo”? Sino ang nagsabi ng ganyan? Ah! ang Guro! Kailangan ko ang Guro! Kailangan ko Siya! Na sana patawarin Niya ako. Gusto kong sabihin sa Kanya na hindi ko siya mapatay sapagkat minamahal ko siya... Si Maria ay ang sikat ng araw sa aming bahay... Kailangan ko ang Guro! Bakit Siya wala rito? Ayaw kong mabuhay! Ngunit gusto kong mapatawad para sa iskandalo na aking nagawa sa pagpapahintulot sa dahilan ng iskandalo na mabuhay. Ako ay nababalot na ng mga apoy. Ito ay ang apoy ni Maria. Sinusunog ako nito. Sinusunog nito ang lahat. Upang magbigay sa kanya ng kahalayan, upang magdala ng kapootan laban sa atin, upang sunugin ang aking laman. Alisin ang mga blanket na ito, alisin ang lahat! Ako ay umaapoy. Sinusunog nito ang aking lamang at aking espiritu. Ako ay naligaw gawa niya. Guro! Guro! Patawarin ako! Siya ay hindi darating. Hindi Siya makapupunta sa bahay ni Lazarus. Ito ay burol ng tae dahil sa kanya. Kung kaya't... gusto kong makalimot. Lahat. Hindi na ako si Lazarus. Bigyan ako ng ilang alak. Sinasabi ni Solomon: «Bigyan ng alak ang mga nasasaktan ang puso, gawin silang makainom at makalimutan ang kanilang mga paghihirap, upang hindi na maalaala ang kanilang kapighatian”. Ayaw ko nang makaalaala pa. Ang lahat ay nagsasabi: “Si Lazarus ay mayaman, ang pinakamayaman na tao sa Judaea”. Iyan ay hindi totoo! Lahat iyan ay dayami. Hindi iyan ginto. At ang mga bahay? Sila ay mga ulap. Ang kanyang mga ubasan, mga oasis. Mga hardin, mga taniman ng mga olibo? Wala iyan. Pandaraya. Ako si Job. Ako ay walang pag-aari. Nagkaroon ako ng isang perlas. Maganda! Walang-hangganan ang halaga. Siya ang aking pinagmamalaki. Ang kanyang pangalan ay Maria. Wala na siya sa akin. Ako ay mahirap. Ang pinakamahirap sa lahat sa kanila. Ang pinaka naloko.... Si Jesus ay niloko din ako. Sapagkat sinabi Niya na ibabalik Niya ulit siya sa akin, sa halip... Nasaan siya? Ayon siya. Ang babae ng Israel, ang anak na babae ng isang banal na ina, nagmumukhang isang hentil kalunya! Halos hubad, lasing, baliw... At sa paligid niya, na ang kanilang mga mata nakatitig sa hubad na katawan ng aking kapatid, ang barkadahan ng kanyang mga mangingibig... At kinalulugdan niya na siya ay hinahangaan at pinagnanasaan nang gayon. Ibig kong makagawa ng pagtutuwid para sa aking krimen. Gusto kong umikot sa Israel nagsasabing: “Huwag lumapit sa bahay ng aking kapatid. Ang kanyang bahay ay ang daan patungo sa impiyerno at bumababa iyan sa kalaliman ng kamatayan” Pagkatapos gusto kong pumunta sa kanya at tapakan siya, sapagkat ito ay nakasulat: ”Ang bawat di-basal na babae ay yayapakan katulad ng tae sa daan”. O! May lakas-ng-loob ka bang ipakita mo ang sarili mo sa akin na namamatay katulad ng isang napahiyang tao, sinira mo? Pagkatapos na maialay ko ang aking buhay upang matubos ang iyong kaluluwa, at sa walang nangyari? Tinatanong mo ba ako kung papaano kita ginusto? Papaano kita ginusto upang hindi mamatay nang gayon? Ganito kung papaano kita ginusto: katulad ng basal na si Susanna. Sinasabi mo na ikaw ay tinukso nila? At wala ka bang isang kapatid na lalaki na magsasanggalang sa iyo? Si Susanna, na nag-iisa noon ay tumugon:  “Mas gusto ko pang bumagsak na inosente sa iyong kapangyarihan, kaysa magkasala sa mga mata ng Panginoon”, at ang Diyos ay ginawa ang kanyang inosensiya na magningning. Nasabi ko sana ang kinakailangan na mga salita sa mga nanunukso sa iyo at naipagtanggol sana kita. Sa halip, ikaw ay umalis. Si Judith ay isang balo at siya ay nanirahan nang nag-iisa, nakadamit ng sako at nag-aayuno at siya ay tinitingalang mataas ng lahat, sapagkat may takot siya sa Panginoon at ang sambayanan ay umaawit tungkol sa kanya: “Ikaw ang kaluwalhatian ng Herusalem, ang lugod ng Israel, ang dangal ng aming lahi, sapagkat kumilos ka sa pamamaraang panlalaki at may katapangan, sapagkat minahal mo ang kabasalan at nang matapos ang iyong kasal hindi ka na ulit nag-asawa. Iyan kung bakit ang kamay ng Panginoon ay ginawa kang malakas at ikaw ay pagpapalain magpakailanman”. Kung si Maria ay naging katulad ni Judith, ang Panginoon ay sana pinagaling ako. Ngunit hindi Niya ako mapagagaling dahil sa kanya. Iyan kung bakit hindi ko hiningi na mapagaling. Walang maaaring himala kung nasaan siya. Ngunit ito ay walang anuman na mamatay, na maghirap. Ipaghihirap ko nang sampung beses pa at ikamatay nang mga ilang beses, maliban na siya ay maligtas. O! Kataastaasang Panginoon! Nakahanda akong ipaghirap ang lahat ng kamatayan at lahat ng mga kapighatian, ngunit gawin si Maria na maligtas! Upang kalugdan ang kanyang pakikisama nang isang oras, nang isang oras laman, kapag siya ay maging banal at kasing puro katulad noong siya ay nasa kanyang kabataan! Isang oras ng lugod na iyon! Upang maipagmalaki siya, ang ginintuang bulaklak ng aking bahay, ang mabait na gasela na may mapagpakumbabang mga mata, ang ruwinsensor sa gabi, ang kalapating mapagmahal... Gusto ko ang Guro upang masabihan Siya na iyan ang gusto ko: Si Maria! Si Maria! Halika! Maria! Gaanong nalulungkot ang iyong kapatid, Maria! Ngunit kung dumating ka, kung tubusin mo ang iyong sarili, ang aking dalamhati ay magiging  kasiyahan. Hanapin si Maria! Ako ay nasa katapusan na! Ako ay namamatay na! Maria! Liwanag! Hangin... Ako... Ako ay hindi makahinga... O! Ano ang nararamdaman ko!...»

Ang doktor ay gumawa ng senyas at nagsabi: «Ito na ang katapusan. Pagkatapos ng deliryo, mabigat na antok, pagkatapos kamatayan.  Ngunit maaaring bumalik ulit ang kanyang pag-iisip. Halikayo malapit sa kanya. Ikaw lalo na. Magagawa siyang masaya nito» at pagkatapos na maihiga si Lazarus nang maingat, pagod na katulad niya pagkatapos ng labis na kasabikan, pumunta siyang tuwiran kay Maria, na kanina pa umiiyak lagi umuungol sa sahig: «Gawin mo siyang manahimik!». Tinulungan niya siyang tumayo at  pinasunod siya patungo sa kama.

Si Lazarus ay naisara na ang kanyang mga mata. Ngunit maaaring naghihirap siya nang husto. Ang kanyang buong katawan ay nanginginig nang pasumpung-sumpong. Ang doktor ay sinusubukan na tulungan siya sa pamamagitan ng mga tinimplang likido... Mga ilang sandali ang dumaan nang gayon.

Si Lazarus ay ibinukas ang mga mata. Tila hindi niya maalaala kung ano ang nangyari kanina, ngunit siya ay may malay. Siya ay ngumingiti sa kanyang mga kapatid at nagsisikap na kunin ang kanilang mga kamay at tumugon sa kanilang mga halik. Siya ay namumutla nang nakakatakot. Siya ay umuungol: «Giniginaw ako...» at ang kanyang mga ngipin ay nangangatal habang sinisikap niyang takpan ang kanyang mukha ng mga sapin ng kama. Siya ay dumadaing: «Nicomedes, hindi ko na matagalan pa ang kirot. Ang mga lobo ay kinakain ang laman ng aking mga paa at nilalapâ ang aking puso. Gaano kasakit ito! At kung ito ay aguniya, ano ang magiging katulad ng kamatayan? Ano ang kailangan kong gawin? O! Kung nasa akin lamang ang Guro dito! Bakit hindi ninyo Siya dinala sa akin? Namatay sana akong masaya sa ibabaw ng Kanyang lapi...» sabi niya umiiyak.

Si Martha ay sumulyap nang matalas kay Maria. Si Maria ay naintindihan ang ibig sabihin ng sulyap na iyon, at nadudurog pa gawa ng kahibangan ng kanyang kapatid na lalaki, siya ay nakukonsiyensiya at lumuluhod sa tabi ng kama, siya ay yumuyuko upang halikan ang kamay ni Lazarus nagsasabi nang may hapis: «Ako ang isang may kasalanan. Gusto ni Martha na gawin iyan dalawang araw na ang nakararaan. Hindi ko siya pinayagan. Sapagkat sinabi Niya na pasabihan lamang natin Siya pagkatapos ng iyong kamatayan. Patawarin mo ako! Ako ang naging dahilan ng lahat ng dalamhati ng iyong buong pamumuhay... Gayunpaman minahal kita at minamahal kita, kapatid. Pagkatapos ng Guro, mas mahal kita kaysa sa sino pa man na iba at alam ng Diyos na ako ay hindi nagsisinungaling. Sabihin sa akin na ako ay iyong pinatatawad ng aking nakaraan, na sana ako ay magkaroon ng kapayapaan...»

«Madam!» sabi ng doktor nang may paninita. «Ang pasyente ay hindi nangangailangan ng mga emosyon.»

«Iyan ay totoo... Sabihin mo sa akin na pinatatawad mo ako sa hindi pagpatawag kay Jesus.»

«Maria! Si Jesus ay pumarito para sa iyo... at Siya ay pumaparito dahil sa iyo sapagkat nalalaman mo kung papaano magmahal... nang higit pa kaysa sa lahat na iba pa... Minahal mo ako nang higit pa kaysa sino pa mang iba... Ang isang pamumuhay... ng mga kasiyahan ay hindi  maaaring naibigay sa akin... hindi maaaring naibigay sa akin... ang lugod na naranasan ko dahil sa iyo... pinagpapala kita... Sasabihin ko sa iyo na nagawa mo ang tamang bagay sa pagsunod kay Jesus... Hindi ko nalalaman alam ko... Sinasabi ko... iyan ay tama. Tulungan mo akong mamatay! Naomi... alam mo minsan... kung papaano... mo ako patulugin... Martha pinagpala aking kapayapaan  Maximus... kasama si Jesus. Para din... sa akin. Ang aking bahagi sa kaawa-awang si Jesus... para sa mahihirap. At patawarin ang lahat. Ah! anong lupit na mga paghilab!... Hangin! Liwanag!... Ang lahat ay nanginginig... May isang klaseng liwanag sa paligid mo at nasisilaw ako nito kung... tinitingnan kita... Magsalita... malakas...» Naipatong niya ang kanyang kaliwang kamay sa ulo ni Maria at pinabayaan niya ang kanyang kanan sa mga kamay ni Martha. Siya ay naghihingalo...

Binubuhat nila siya nagdadagdag ng mga unan, at si Nicomedes ay ginagawa siyang sumipsip ng ilang pang mga patak ng mga likidong kanyang inihanda. Ang kanyang kaawa-awang ulo ay nakabitin at lumalaylay sa nakakatakot na pananamlay. Ang tanging tanda ng buhay ay ang kanyang paghinga. Gayunpaman binubukas niya ang kanyang mga mata at tinitingnan si Maria na humahawak sa kanyang ulo at siya ay ngumingiti sa kanya nagsasabing: «Inay! Siya ay bumalik na Inay! Magsalita! Ang inyong tinig. Alam ninyo... ang lihim... ng Diyos. Nakapaglingkod ba ako... sa Panginoon?»

Si Maria sa isang mababang tinig, na nagawang kasing nipis ng tinig ng isang bata gawa ng pagdadalamhati, ay bumulong: «Ang Panginoon ay nagsasabi sa iyo: “Sumama ka sa Akin, Aking mabuti at matapat na lingkod, dahil nakinig ka sa bawat salita Ko at minahal mo ang Salita na Aking pinadala”.»

«Hindi ako makarinig. Magsalita nang mas malakas!»

Inuulit ni Maria sa mas malakas na tinig...

«Ito ay talagang ang inay!...» sabi ni Lazarus nang nasisiyahan pinahihingalay ang kanyang ulo sa balikat ng kanyang kapatid...

Siya ay hindi na ulit nagsasalita. Tanging mga pagtangis at pabugsu-bugsong panginginig, tanging mga pawis at mabigat na paghinga lamang. Hindi na ngayon magkamalay sa Lupa, sa mga damdamin, siya ay palubog nang palubog sa mas na mas pang absulutong kadiliman ng kamatayan. Ang kanyang mga talukap-mata ay nagsasara sa mala-salamin na mga mata kung saan ang kanyang huling mga luha ay nagniningning.

«Nicomedes! Siya ay bumibigat! Siya ay lumalamig!...» sabi ni Maria.

«Madam, ang kamatayan ay isang kaginhawahan para sa kanya.»

«Panatilihin siyang buhay! Si Jesus ay tiyak na naririto bukas. Siya ay maaaring umalis na kaagad. Baka kinuha Niya ang kabayo ng katulong o isa pang masasakyan» sabi ni Martha. At kinakausap ang kanyang kapatid sinabi niya: «O! Kung pumayag kang pasabihan ko Siya nang mas maaga sana!» Pagkatapos inutusan niya ang doktor nang may panginginig: «Gawin siyang mabuhay!»

Ang doktor ay iniunat ang kanyang mga kamay. Sinusubukan niya ang ilang mga pampasigla. Ngunit si Lazarus ay hindi na lumulunok pa.

Ang kanyang pangangalampag sa kamatayan ay lumalakas... Ito ay makabagbag damdamin...

«O! hindi na natin ito matatagalan pa!» sabi ni Naomi umuungol.

«Oo. Ito ay isang matagal na aguniya...» sabi ng doktor sumasang-ayon.

Ngunit halos hindi pa nga siya nakakatapos magsalita nang ang isang kombulsiyon ng kanyang buong katawan, na bumabaluktot at pagkatapos tumutuwid, si Lazarus ay inihinga ang kanyang huling hininga.

Ang kanyang mga kapatid ay sumigaw... nakikita ang kanyang paghikab, sila ay sumigaw nakikita siyang nagpahingalay. Si Maria ay tinatawag ang kanyang kapatid, hinahalikan siya. Si Martha ay kumakapit sa doktor habang ang doktor ay niyuyukuan ang patay na katawan at nagsabi: «Siya ay patay na. Huli na ngayon upang maghintay para sa himala. Wala nang kailangan para maghintay pa. Huli na!... Aalis na ako, mga domina. Wala nang rason na ako ay manatili pa. Magmadali para sa paglilibing, sapagkat ang katawan ay naagnas na.» Isinara niya ang mga talukap-mata ng patay na tao at tinitingnan siya siya ay nagsabi: «Anong kamalasan! Siya ay isang mabirtud at matalinong tao. Hindi siya dapat na namatay!» Binalingan niya ang magkapatid, siya ay yumukod at binati sila: «Ave Dominae!» at siya ay umalis.

Naninimdiman na mga lamentasyon ang pumupuno sa silid. Si Maria ay nawala na ng pagpipigil sa sarili at itinapon niya ang kanyang sarili sa ibabaw ng katawan ng kanyang kapatid sinisigaw ang pangungutya ng kanyang konsiyensya at pinananawagan ang kanyang pagpapatawad. Si Naomi ay umiiyak sa mga bisig ni Naomi.

Pagkatapos si Maria ay sumigaw: «Hindi ka nagkaroon ng pananampalataya o pagsunod! Pinatay ko siyang una, pinatay mo siya ngayon; Ako, sa pamamagitan ng aking mga kasalanan, ikaw, sa pamamagitan ng iyong pagsuway.» Siya ay tila naging baliw. Si Martha ay itinayo siya, niyayakap siya at humihingi nang mga paumanhin.

Sina Maximinus, Naomi, at Marcella ay nagsisikap na madala ang dalawa sa rason at sa pagpapaubaya. At sila ay nagtagumpay sa pag-aalaala kay Jesus... Ang kanilang pagdadalamhati ay tumatahimik, at habang ang silid ay nagsisiksikan sa mga umiiyak na mga katulong, at pumapasok ang mga namamahala sa paghahanda sa labí, ang dalawang magkapatid ay dinadala sa isa pang silid upang parausin ang kanilang pamimighati.

Si Maximinus na siyang nagdadala sa kanila ay nagsabi: «Siya ay namatay sa katapusan ng ikalawang pagbabantay ng gabi.

At si Naomi ay nagsabi: «Kailangan na siya ay ilibing bukas nang maaga, bago lumubog ang araw, kung kailan ang Sabbath ay magsisimula. Sinabi mo na gusto ng Guro ang masolemneng mga seremonya ng paglilibing...»

«Oo. Ipinauubaya ko iyan sa iyo, Maximinus.. Wala ako sa tamang pag-iisip» sabi ni Martha.

«Aalis na ako at magpapadala ako ng mga katulong sa lahat na kinauukulan na mga tao, kapwa ang malapit at ang nasa malalayo, at ibibigay ko ang lahat na kinakailangan na mga tagubilin> sabi ni Maximinus at siya ay umalis.

Ang dalawang magkapatid ay umiiyak sa mga bisig ng isa’t isa. Hindi na sila nagsisisihan. Sila ay umiiyak at sinisikap na mapaginhawahan ang isa’t isa...

Mga ilang oras ang dumaan. Ang patay na katawan ay naihanda na sa loob ng silid: isang mahabang pigura na nakabalot sa mga bendahe sa ilalim ng sudarium¹.

«Bakit siya nababalot na nang ganyan!» bulalas ni Martha nang nagagalit.

«Sinyora... Isang masamang amoy ang lumabas mula sa kanyang ilong at may lumabas na maruming dugo nang siya ay aming ginalaw» sabi ng isang katulong humihingi ng paumanhin.

Ang magkapatid ay umiyak nang mas malakas. Si Lazarus ay lalo nang mas malayo sa ilalim ng mga bendahe na iyon... Isa pang karagdagang hakbang, patungo sa kalayuan ng kamatayan.

Sila ay naglalamay sa tabi ng kama umiiyak, hanggang pagsikat ng araw, nang ang katulong ay bumalik mula sa ibayo ng Jordan. Ang katulong ay dismayado, ngunit sinasabi niya sa kanila ang tungkol sa kanyang mabilis na paglalakbay upang ihatid sa kanila ang balita na si Jesus ay darating.

«Sinabi ba Niya na Siya ay darating? Hindi ba Niya kami kinagalitan?» tanong ni Martha.

«Hindi, sinyora. Sinabi Niya: “Darating Ako. Sabihin sa kanila na Ako ay darating at magkaroon ng pananampalataya”. At bago iyan sinabi Niya: “Sabihin sa kanila na huwag mag-alala. Hindi iyon isang nakamamatay na sakit. Bagkus iyon ay para sa kaluwalhatian ng Diyos, na sana ang Kanyang kapangyarihan ay mapaluwalhatian sa Kanyang Anak”.»

«Iyan ba ang eksaktong sinabi Niya? Natitiyak mo?» tanong ni Maria.

«Sinyora, paulit-ulit kong sinasabi ang Kanyang mga salita sa buong paglalakbay ko nang pabalik!»

«Lakad, kung gayon. Ikaw ay pagod. Nagawa mo ang lahat nang maayos. Ngunit huli na ang lahat ngayon!...» sabi ni Martha nang may pagbuntung-hininga. At siya ay napahagulhol sa pag-iyak nang siya ay naiwanan sa kanyang kapatid.

«Martha, bakit?...»

«O! karagdagan sa kanyang kamatayan, naririyan ang kabiguan! Maria! Maria! Hindi mo ba naiisip na ang Guro ay nagkakamali ngayon? Tingnan mo si Lazarus. Siya ay talagang patay na! Tayo ay umasa laban sa pag-asa, ngunit walang nangyari. Nang nagpadala ako ng sugo para sa Kanya, ako ay tiyak na nagkamali, dahil siya ay mas patay kaysa buhay. At ang ating pananampalataya ay hindi nagkaroon ng resulta o gantimpala. At ang Guro ay nagpahatid ng salita na iyon ay hindi isang nakamamatay na sakit! Kung gayon ang Guro ba ay hindi na ang Katotohanan? Hindi na Siya... O! Iyan ang katapusan ng lahat!»

Si Maria ay pinipilit ang kanyang mga kamay. Hindi niya alam kung ano ang kanyang sasabihin. Ang mga pangyayari ay mga pangyayari... Ngunit siya ay hindi nagsasalita. Hindi siya nagsasalita ng kahit isang salita laban sa kanyang Jesus. Siya ay umiiyak. Siya ay totoong nanghihina na sa pagod.

Si Martha ay may isang nakapirmi nang idea sa loob ng kanyang puso: na si Maria ay nag-antala nang matagal. «Ito ay kasalanan mo» sabi niya nang naninisi. «Gusto Niyang subukan ang ating pananampalataya nang gayon. Sa pamamagitan ng pagsunod, sumasang-ayon ako, ngunit sa pamamagitan din ng pagsuway dala ng pananampalataya, upang maipakita sa Kanya na tayo ay naniniwala na Siya lamang ang makagagawa at kailangan na gumawa ng himala. Aking kaawa-awang kapatid na Lazarus! At naghihintay siya para sa Kanya nang labis! Iyon man lamang: ang makita Siya! Kaawa-awang Lazarus! Kaawa-awang Lazarus!» At ang kanyang pag-iyak ay naging paghagulhol, na nauulit sa kabilang mga silid ng mga hagulhol ng mga katulong na mga babae at mga lalaki, ayon sa kinaugalian sa silangan...

110112



¹ Sudarium – Isang parang panyo.




Sunod na kabanata