543. Ang Katulong ng Bethany Pinaalam si Jesus Tungkol sa Mensahe ni Martha.

Disyembre 22, 1946.

Gabi na nang ang katulong, na nagpapatuloy sa makapal na dawagan malapit sa ilog, ay pinabibilis ang kanyang kabayo, na pinagpapawisan, upang maakyat ang pagtaas ng lupa ng daan patungo sa nayon. Ang mga panabi ng kaawa-awang hayop ay tumataas-bumababa dahil sa matagal na pagtakbo nang mabilis. Ang madilim na balat nito ay may mga daan ng pawis at ang dibdib nito ay may nakakalat ng mga mapuputing bulâ ng bokado. Ito ay bumubuga ng hangin pinakukurba ang leeg at iniiling ang ulo.

Sila ay nandoon na ngayon sa makitid na daan at pagkatapos narating nila kaagad ang bahay. Ang katulong ay tumalon sa lupa, itinali ang kabayo sa isang halamang bakod at sumigaw.

Mula sa likuran ng bahay ang ulo ni Pedro ay lumitaw at sa kanyang paos na tinig siya ay nagtanong: «Sino ang tumatawag? Ang Guro ay pagod. Hindi Siya nagkaroon ng kahit na anong kapayapaan sa loob ng maraming oras. Ngayon ay halos madilim na. Bumalik ka bukas.»

«Wala akong kailangan na kahit ano ng Guro. Ako ay malusog at kailangan ko lamang sabihin ang ilang mga salita sa Kanya.»

Si Pedro ay lumapit nagsasabing: «Mula kanino, kung walang anuman sa iyo ang aking pagtanong? Hindi ko mapararaan ang sinuman na walang angkop na pagkakakilanlan, lalo na ang mga nangangamoy ng Herusalem, katulad mo.» Siya ay lumapit nang dahan-dahan dahil ang kanyang pagsuspetsa ay lalong napukaw ng kagandahan ng maitim na kabayo na nabihisan nang mas marangya pa kaysa sa lalaki. Ngunit nang siya ay nasa harapan na niya, siya ay nagulat: «Ikaw? Hindi ba’t ikaw ay isa sa mga katulong ni Lazarus?»

Ang katulong ay hindi malaman kung ano ang kanyang sasabihin. Ang kanyang sinyora ay sinabihan siya na magsalita lamang kay Jesus.  Ngunit ang apostol ay tila determinado na huwag siyang paraanin. Sa dahilan na nalalaman niya na ang pangalan ni Lazarus ay may malaking impluwensiya sa mga apostol, nagpasya siya at nagsabi: «Oo, ako si Jonah, katulong ni Lazarus. Kailangan kong magsalita sa Guro.»

«Si Lazarus ba ay masama ang kalagayan? Siya ba ay pinadala ka?»

«Hindi. Hindi mabuti ang kanyang kalagayan. Ngunit huwag mong gawin na mag-aksaya ako ng panahon, kailangan kong bumalik kaagad hangga't maaari.»

«Ang mga miyembro ba ng Sanhedrin!!! Pasok ka! Pasok!» at kanyang binubuksan ang geyt nagsasabing: « Ipasok mo ang kabayo. Paiinumin namin iyan at bibigyan ng ilang damo, kung gusto mo.»

«May dala akong ilang sakate, ngunit ang ilang damo ay hindi makakasamâ. Bibigyan natin iyon ng ilang tubig saka na, baka makasama ngayon.»

Pumunta sila sa malaking silid kung saan naroroon ang mga kama at itinali nila ang kabayo sa isang silid upang maprotektahan iyon sa mga pagbugso ng hangin, ang katulong ay tinakpan iyon ng isang blanket na nakatali sa siyá, binigyan niya iyon ng ilang sakate at ng damo na dinala ni Pedro mula sa kung saan na hindi ko alam. Lumabas ulit sila at si Pedro ay dinala siya sa kusina at binigyan siya ng isang kopa ng mainit na gatas na kinuha niya mula sa isang palayok malapit sa apoy, sa halip na tubig na siyang hiningi ng katulong. Habang iniinom ito ng katulong at pinaiinitan ang kanyang sarili malapit sa apoy, si Pedro, na naging makabayani sa hindi pagtanong ng mauusisang mga tanong, ay nagsabi: «Ang gatas ay mas mabuti kaysa sa tubig na gusto mo. At dahil mayroon kami nito! Dumating ka ba nang walang tigil?»

«Nang walang tigil. At ganyan din ang gagawin ko sa pagbalik.»

«Maaaring pagod na pagod ka. At matatagalan ba iyon ng kabayo?»

«Sana. Maging ano pa man, sa aking pagbalik, hindi ako magpapatakbo nang mabilis katulad ng aking pagpunta rito.»

«Maya-maya lamang madilim na. Ang buwan ay umaakyat na... Papaano ka pagdating mo sa ilog?»

«Umaasa akong makakarating ako roon bago lumubog ang buwan. Kung hindi titigil ako sa kakahuyan hanggang pagsikat ng araw. Ngunit makakarating ako roon bago pa man.»

«At pagkatapos? Mahaba-habang lakbayin mula sa ilog hanggang sa Bethany. At ang buwan ay lumulubog nang maaga. Siya ay nasa kanyang unang mga araw.»

«Mayroon akong magandang lampara. Gagamitin ko iyon at magdadahan-dahan ako. Kahit papaano man ang pagdahan-dahan ko, mapapalapit din ako sa pupuntahan ko.»

«Gusto mo ba ng ilang tinapay at keso? Mayroon kaming ilan. Mayroon din kaming ilang isda, nahuli ko iyon. Sapagkat nanatili ako rito kasama si Tomas. Ngunit si Tomas ay umalis upang kumuha ng ilang tinapay mula sa isang babae na tumutulong sa amin.»

«Hindi, huwag ninyong pagkaitan ang inyong mga sarili ng kahit ano. Kumain ako ng kaunti sa daan, ngunit ako ay nauhaw at nangailangan ng isang bagay na mainit. Wala na akong problema ngayon. Ngunit maaari bang puntahan mo ang Guro? Siya ba ay nasa loob?»

«Oo, nasa loob Siya. Kung Siya ay wala rito, sinabi ko na sana kaagad sa iyo.  Siya ay nasa silid na iyon, nagpapahinga. Sapagkat napakaraming mga tao ang pumupunta rito... Natatakot pa nga ako na baka ang balita ay kumalat at na ang mga Pariseo ay baka pumunta at manggambala. Uminom ka pa ng ilan pang gatas. Kailangan na mapakain mo ang kabayo... at makapagpahinga. Ang kanyang mga panabi ay tumitibok katulad ng masamang pagka-akmang mga panlayag...»

«Hindi, kailangan ninyo ang gatas. Napakarami ninyo.»

«Oo. Ngunit maliban sa Guro, Na labis na nagsasalita na ang Kanyang dibdib ay sumasakit, at sa mas matatanda, kami, na mga matatatag, ay mas gusto pa ang pagkain na pinananatiling abala ang aming mga ngipin. Kumuha ng ilan. Iyan ay ang gatas ng tupa na iniwan ng matanda. Kapag kami ay naririto, ang babae ang nagdadala sa amin nito. Ngunit, kung gusto pa namin, ang lahat na mga tao ay gustong ibigay ito sa amin. Gusto nila kami rito, at tinutulungan nila kami. At... sabihin sa akin: mayroon ba roon ng maraming mga miyembro ng Sanhedrin?»

«O! halos lahat sila ay naroroon at iba pang mga taong katulad nila: mga Saduseo, mga eskriba, mga Pariseo, mayayaman na mga Judaean, ilang mga Herodian...»

«At bakit ang lahat na mga taong iyon ay pumupunta sa Bethany? Si Jose ba ay kasama nila? At si Nicodemus?»

«Hindi. Sila ay pumunta nang nauna. Si Manaen din ay pumunta. Ang iba ay hindi mga kaibigan ng Panginoon.»

«Eh! Naniniwala ako diyan! Napakakaunti nila ang mga miyembro ng Sanhedrin na nagmamahal sa Kanya! Ngunit ano ba talaga ang gusto nila?»

«Upang batiin si Lazarus, iyan ang sabi nila nang pumapasok...»

«H’m! Gaano kakaiba ang kanilang pagmamahal! Lagi nilang iniiwasan siya para sa napakaraming mga dahilan!... Bueno!... Atin itong paniwalaan... Nagtagal ba sila?»

«Matagal-tagal. At sila ay balisa nang sila ay umalis. Hindi ako nagtatrabaho sa loob ng bahay, kung kaya't hindi ako nagsisilbi sa mga mesa. Ngunit ang ibang mga katulong na nagsisilbi sa loob ng bahay ay nagsabi na sila ay nakipagusap sa mga sinyora at gusto nilang makita si Lazarus. Si Helkai ang pumunta sa loob ng silid ni Lazarus at...»

«Isang pinong tekas!...» bulong ni Pedro sa pagitan ng kanyang mga ngipin.

«Ano ang sinabi mo?»

«O! wala! Magpatuloy. At siya ba ay nakipagusap kay Lazarus?»

«Sa palagay ko. Siya ay pumunta kasama si Maria. Ngunit pagkatapos, hindi ko alam kung bakit... si Maria ay nayamot at ang mga katulong, na nagmadali roon mula sa kalapit na mga silid, ay nagsabi na pinalayas sila ni Maria nang walang awa...»

«Mabuting gawa! Iyon lang ang kinakailangan! At ikaw ba ay pinadala nila upang sabihan kami?»

«Huwag mo na akong gawin na magsayang ng mas marami pang oras, Simon ni Jonah.»

«Tama ka. Halika.»

Dinala niya siya papunta sa isang pintuan at kumakatok nagsasabing: «Guro, may isang katulong ni Lazarus na gusto Kayong makausap.»

«Papasukin siya» sabi ni Jesus.

Si Pedro ay binuksan ang pinto, pinapasok ang katulong, isinara ang pinto at umalis, nang kapuri-puri, patungo sa paapuyan, upang patayin ang kanyang pag-uusyuso.

Si Jesus, nakaupo sa gilid ng Kanyang maliit na kama sa maliit na silid na halos walang lugar para sa kama at sa tao na naninirahan doon, at na dati ito ay tiyak na isang imbakan na silid dahil may mga aklat pa sa mga pader at mga istante, ay tumitingin nang ngumingiti sa katulong na nakaluhod na at binabati Niya siya: «Kapayapaan sa iyo.» At pagkatapos dinagdag Niya: «Anong balita ang dinadala mo sa Akin? Tumayo at magsalita.»

«Ang aking mga sinyora ay pinadala ako upang sabihin sa Inyo na pumunta sa kanila kaagad, sapagkat si Lazarus ay malala ang kalagayan at ang doktor ay nagsabi na siya ay mamamatay na.  Sina Martha at Maria ay pinakikiusapan Kayo at pinadala nila ako upang sabihin sa Inyo: «Halikayo, sapagkat Kayo lamang ang makapagpapagaling sa kanya.»

«Sabihin sa kanila na huwag mag-alala. Hindi iyon isang sakit na papatay sa kanya, bagkus iyon ay para sa kaluwalhatian ng Diyos, na ang Kanyang kapangyarihan ay sana maluwalhati sa Kanyang Anak.»

«Ngunit ang kanyang kalagayan ay malalang-malala. Guro! Ang kanyang katawan ay apektado ng gangrena at hindi na siya makakain. Pinagod ko nang husto ang aking kabayo upang makarating dito sa pinakamaikling posibleng panahon...»

«Walang anuman iyon. Iyon ay katulad ng sinasabi Ko.»

«Ngunit Kayo ba ay pupunta?»

«Pupunta Ako. Sabihin sa kanila na Ako ay pupunta at magkaroon ng pananampalataya. Sabihin sa kanila na magkaroon ng pananampalataya. Absulutong pananampalataya. Naintindihan mo ba? Humayo. Kapayapaan sa iyo at sa mga nagpadala sa iyo. Sinasabi Ko sa iyong muli: “Kailangan nilang magkaroon ng pananampalataya. Absulutong pananampalataya”. Lakad.»

Ang katulong ay binabati Siya at umalis.

Si Pedro ay nagmadali patungo sa kanya nagsasabing: «Naging mabilis ka sa pagsasabi sa Kanya. Akala ko iyon ay isang mahabang talumpati...» Tinitingnan niya siya nang sadya... Ang kanyang mukha ay may laman ng pananabik na makaalam. Ngunit pinutol niya ito mismo...

«Ako ay aalis na. Maaari mo ba akong bigyan ng ilang tubig para sa kabayo? Pagkatapos ako ay aalis.»

«Halika. Ilang tubig!... Mayroon kami ng isang buong ilog na maibibigay sa iyo nang ilan, bilang karagdagan sa aming bubon» at si Pedro, may hawak na isang lampara, ay naglalakad sa likuran ng katulong at binibigay sa kanya ang tubig na hinihingi niya.

Pinaiinom nila ang kabayo. Ang katulong ay inaalis ang blanket, tinitingnan niya ang mga sapatos nito, ang tali sa tiyan, ang mga renda, ang tapakan ng mga paa. Nagpapaliwanag siya: «Ito ay tumakbo nang labis at napakabilis! Ngunit ang lahat ay nasa ayos. Paalam, Simon Pedro, at magdasal para sa amin.»

Dinadala niya ang kabayo sa labas. Hawak ito sa renda siya ay pumunta sa daan, inilagay ang isang paa sa yapakan at sasakay na sana.

Si Pedro ay pinatigil siya naglalagay ng isang kamay sa mga kamay ng katulong nagsasabing: «Mayroon lamang isang bagay na ibig kong malaman: mayroon bang kahit anong peligro para sa Kanya na manatili rito? Gumawa ba sila ng mga pananakot? Ibig ba nilang may malaman mula sa magkapatid na babae kung nasaan kami? Sabihin sa akin, sa ngalan ng Diyos!»

«Hindi, Simon. Hindi. Hindi nila kailanman sinabi iyan. Sila ay pumunta para kay Lazarus... Nagsuspetsa kami na sila ay pumunta upang makita kung ang Guro ay naroroon at kung si Lazarus ay may ketong, sapagkat si Martha ay sumisigaw nang malakas na siya ay hindi ketongin at siya ay umiiyak... Paalam, Simon. Kapayapaan sa iyo.»

«At sa iyo at sa iyong mga sinyora. Harinawang samahan ka ng Diyos pabalik sa bahay...» Tinitingnan niya siyang umaalis... at kaagad nawala sa paningin sa katapusan ng kalsada, sapagkat mas ginusto ng katulong na kunin ang pinakadaan, maliwanag sa loob ng liwanag ng buwan, kaysa ang madilim na landas sa kakahuyan sa tabi ng ilog. Si Pedro ay nananatiling nag-iisip. Pagkatapos sinasara niya ang geyt at bumalik siya sa loob ng bahay.

Pumunta siya kay Jesus, Na nakaupo pa rin sa maliit na kama, nakatuon ang Kanyang mga kamay sa gilid ng kama, buhos sa pag-iisip. Ngunit ginising Niya ang Kanyang sarili nang mapakinggan Niya si Pedro na lumalapit sa Kanya at tinitingnan Siya nang may pagtatanong. Siya ay ngumiti sa apostol.

«Kayo ba ay ngumingiti, Guro?»

«Ako ay ngumingiti sa iyo, Simon ni Jonah. Maupo ka rito, malapit sa Akin. Nakabalik na ba ang iba?»

«Hindi, Guro. Ni kahit si Tomas. Baka nakatagpo siya ng makakausap.»

«Iyan ay walang problema.»

«Walang problema na siya ay magsalita? Walang problema na ang iba ay maantala? Nagsasalita nga siya nang labis pa. Siya ay laging masayahin! At ang iba? Ako ay laging nag-aalala hanggang sila ay makabalik. Ako ay laging natatakot.»

«Sa ano, Aking mahal na Simon? Walang masamang mangyayari sa atin sa pansamantala, maniwala sa Akin. Ipalagay mo ang iyong isip at gayahin si Tomas na laging masayahin. Ikaw, sa kabaligtaran, ay laging napakalungkot nang matagal-tagal na.»

«Nilalabanan ko ang sinuman na nagmamahal sa Inyo na hindi malulungkot! Ako ay matanda ngayon at mas nag-iisip ako palagi kaysa sa mas mga nakababata. Sapagkat minamahal din nila Kayo, ngunit sila ay bata pa at hindi masyadong maalalahanin... Ngunit kung mas gusto Ninyo ako kung ako ay masaya, magiging masaya ako, magsisikap akong maging masaya. Ngunit upang magawa kong maging ganyan, bigyan Ninyo ako ng rason para dito. Sabihin sa akin ang katotohanan, aking Panginoon. Tinatanong ko Kayo na ako ay nasa aking mga tuhod (siya sa katunayan ay lumuhod). Ano ang sinabi sa Inyo ng katulong ni Lazarus? Na sila ay hinahanap Kayo? Na gusto nilang saktan Kayo? Na...»

Si Jesus ay pinapatong ang Kanyang kamay sa ulo ni Pedro nagsasabing: «Hindi, Simon! Wala ng katulad niyan. Siya ay pumunta upang sabihin sa Akin na si Lazarus ay naging malala ang kalagayan, at kami ay nag-usap lamang ng tungkol kay Lazarus.»

«Talaga?»

«Talaga, Simon. At sinabi Ko sa kanila na magkaroon ng pananampalataya.»

«Ngunit nalalaman ba Ninyo na ang mga miyembro ng Sanhedrin ay nanggaling sa Bethany?»

«Na natural lamang! Ang sambahayan ni Lazarus ay isang dakilang sambahayan. At ayon sa ating kinaugalian ang ganyang mga parangal ay kailangan na ibigay sa isang makapangyarihang tao na namamatay. Huwag mong pahirapan ang iyong sarili, Simon.»

«Ngunit talaga bang iniisip Ninyo na hindi nila ginamit iyon bilang isang dahilan upang...»

«Upang makita kung Ako ay naroroon. Bueno, hindi nila Ako nakita. Magsaya, huwag masyadong matakot na tila nahuli ka na nila. Halika rito, sa tabi Ko, kaawa-awang Simon, na hindi kailanman makumbinsi na walang masamang mangyayari sa Akin hanggang sa oras na pinahayag ng Diyos, at diyan pagkatapos... walang makapagsasanggalang sa Akin laban sa Kasamaan...»

Si Pedro ay niyakap si Jesus sa leeg at pinanatili Siyang tahimik sa paghalik sa Kanyang mga labì at nagsasabing: «Manahimik! Manahimik! Huwag sabihin sa akin ang mga ganyang bagay! Ayaw kong mapakinggan ang mga iyan!»

Si Jesus ay nagtagumpay na pakawalan ang Kanyang Sarili upang Siya ay makapagsalita at Siya ay bumulong: «Ayaw mong mapakinggan sila! Iyan ang pagkakamali! Ngunit kinaaawaan kita... Makinig, Simon. Sa dahilan na ikaw lamang ang nagkataon na naririto, tanging ikaw lamang at Ako ang kailangan na makaalam kung ano ang mangyayari. Naiintindihan mo ba Ako!»

«Oo, Guro. Hindi ko iyan babanggitin sa kahit sino sa aking mga kasamahan.»

«Gaano man karaming mga sakripisyo, tama ba iyan, Simon?»

«Mga sakripisyo. Alin? Maganda ang mapunta rito. Nasa atin kung ano ang kinakailangan.»

«Ang sakripisyo ng hindi pagtatanong ng mga katanungan, ng hindi pagsasalita, ng pagpapasyensiya kay Judas... ng pagiging malayo mula sa lawa... Ngunit gagantimpalaan ka ng Diyos para sa lahat.»

«O! kung iyan ang ibig Ninyong sabihin!... Sa lugar ng lawa nariyan sa akin ang ilog at... ginagawa kong maging sapat na iyan. Ang tungkol kay Judas... nasa akin Kayo para makapuno nang ganap para sa kanya... At tungkol sa iba pang mga bagay!... Mga walang kuwentang bagay! At natutulungan ako ng mga iyon upang maging hindi masyadong magaspang at mas maging katulad Ninyo. Gaano ako kasaya na mapunta ritong kasama Kayo!  Sa loob ng Inyong mga bisig! Ang palasyo ng Caesar ay hindi lalabas na tila mas maganda pa kaysa sa bahay na ito, kung ako ay laging mapupunta sa loob nito nang ganito, sa loob ng Inyong mga bisig.»

«Ano ang nalalaman mo tungkol sa palasyo ng Caesar? Nakita mo na ba ito?»

«Hindi, hindi ko kailanman makikita ito. At wala akong pakialam. Ngunit naiisip ko ito na ito ay malaki, maganda, puno ng magagandang bagay... at ng karumihan. Katulad ng kabuuan ng Roma, sa palagay ko. Hindi ako titira roon kahit na kung ako ay takpan nila ng ginto!»

«Saan? Sa loob ng palasyo ng Caesar o sa Roma?»

«Sa kahit alin. Anathema!»

«Ngunit sa dahilan na sila ay katulad niyan, sila ay kailangan na maebanghelyo.»

«At ano ang Inyong inaasahan na magawa sa Roma? Ito ay isang bahay-aliwan! Walang dapat na kailangan na gawin doon, maliban na Kayo ay pumunta. Pagkatapos!...»

«Ako ay pupunta. Ang Roma ay ang kapital ng mundo. Kapag ang Roma ay nasakop na, ang mundo ay nasakop na.»

«Tayo ba ay pupunta sa Roma? Ipuproklama Ninyo ang Inyong Sarili na hari roon? Awa at kapangyarihan ng Diyos! Iyan ay isang himala!»

Si Pedro ay tumayo at na ang mga kamay nakataas sa harapan ni Jesus Na ngumingiti at tumutugon sa kanya: «Pupunta Ako roon sa Aking mga apostol. Sasakupin ninyo iyon para sa Akin. At Ako ay makakasama ninyo. Ngunit may tao sa labas doon, Tayo na, Pedro.»

130112

 

 


Sunod na kabanata