544. Sa Paglilibing kay Lazarus.

Disyembre 23, 1946.

Ang balita na si Lazarus ay patay na ay maaaring nagkaroon ng gayon ding epekto katulad ng ang loob ng isang bahay-pukyutan ay binulabog ng isang patpat. Ang lahat na tao sa Herusalem ay ito ang pinag-uusapan. Mga kilalang tao, mga mangangalakal, pangkaraniwang mga mamamayan, mahihirap na tao, ang mga taga-bayan, ang mga tao sa kalapit na mga kabukiran, mga banyaga na dumaraan ngunit kabisado ang lugar, mga estranghero na napunta roon sa unang pagkakataon at nagtatanong kung sino ang tao na ang pagkamatay ay gumagawa ng gayong kaguluhan, mga Romano, mga lehiyonaryo, mga miyembro ng kawanihan, ang mga Levita at mga pari na patuloy ang pag-iipun-ipon at pagkatapos maghihiwa-hiwalay, tumatakbo rito at doon... Maliliit na umpukan ng mga tao pinag-uusapan ang pangyayari sa pamamagitan ng ibang mga salita at ekspresyon. Ang ilang ay bumibigkas ng mga salita ng papuri, ang ilan umiiyak, ang ilan ang pakiramdam sila ay mas mahirap pa sa pulubi ngayon na ang kanilang tagapagpala ay patay na, ang ilan umuungol: «Hindi na ako magkakaroon ng gayong panginoon muli», ang ilan binabanggit ang kanyang mga merito, ang ilan nilalarawan ang kanyang kayamanan at mga kaanak, ang mga serbisyo ng kanyang ama at mga tanggapan at ang kagandahan ng kanyang ina at mga kayamanan at ang kanyang «maharlikang» kapanganakan, ang ilan, sa kabaligtaran, ay sinasariwa ang pampamilyang mga pangyayari na ang tungkol dito ang isa ay kailangan na tingnan ito nang may kabaitan, lalo na kung ang namatay ay sangkot na naghirap gawa ng mga ito...

Ang maliliit na grupo ng mga tao ang siyang nagkaroon ng pinaka malungkot na balita tungkol sa dahilan ng pagkamatay ni Lazarus, tungkol sa lugar ng kanyang paglilibingan, tungkol sa pagkawala ng Kristo sa bahay ng Kanyang dakilang kaibigan at protektor sa sirkunstansiya lamang na iyon. Ang nangingibabaw na mga opinyon ay dalawa: ang isa ay na ang lahat na ito ay nangyari, hindi, bagkus, nagawang mangyari gawa ng masamang asal ng mga Judaean, mga miyembro ng Sanhedrin, mga Pariseo at ang mga katulad nito sa Guro; ang isa pa, na ang Guro, bilang makakaharap ang isang tunay na nakamamatay na sakit, ay pumuslit sapagkat ang Kanyang panloloko ay hindi magtatagumpay sa kasong ito. At kahit ang isa ay hindi matalas ang pag-iisip maiintindihan din ng isa ang pinanggagalingan ng huling opinyon, na nagpapagálit sa marami na sumasagot: «Ikaw ba ay isang Pariseo rin? Kung ikaw nga, pangalagaan mo ang iyong sarili sapagkat ang Banal na Isa ay hindi kailangan na dustain sa aming presensya! Kayong mga kasuklam-suklam na mga ahas pinanganak ng mga ayena na pinarisan ng Leviathan!  Sino ang nagbabayad sa inyo upang tungayawin ang Mesiyas?» Ang mga iringan, mga insulto, ang ilan ding mga pukpukan, maaanghang na magagaspang na mga wika nakatuon sa mararangyang nakadamit na mga Pariseo at mga eskriba, na dumaraan binibigyan ang kanilang mga sarili ng mga ere na sila ay mga diyos, nang hindi nagpapakatao na tingnan ang pangkaraniwang mga tao na sumisigaw sa pabor nila o laban sa kanila, pabor o laban sa Mesiyas, ay maririnig sa nga kalsada. At ilan na mga akusasyon!

«Ang lalaking ito ay nagsasabing si Jesus ay isang huwad na Guro! Siya ay tiyak na isa sa mga naging mabigat sa pamamagitan ng pera na kanyang tinanggap mula sa mga ahas na iyon na nakaalis pa lamang!»

«Sa pamamagitan ng kanilang pera? Ng atin, kamo! Binabalatan nila tayo para sa gayong nobleng mga pakay! Ngunit nasaan siya? Gusto kong makita kung isa siya sa mga nagpunta rito kahapon upang sabihin sa akin...»

«Siya ay nakatakbo na. Ngunit, pagpalain ang Panginoon, tayo ay kailangan na magsama-sama at gumawa ng aksiyon. Napaka arogante nila.»

Isa pang pag-uusap: «Napakinggan kita at kilala kita. Sasabihan ko ang mga taong kinauukulan kung ano ang sinabi mo tungkol sa Korte Suprema!»

«Ako ay kay Kristo, at ang tumutulong laway ng isang dimonyo ay hindi ako nasasaktan. Kung gusto mo, sabihin mo si Annas at si Caiaphas, at makatulong sana iyan sa kanila na sila ay maging mas matatapat.»

At sa mas malayo pa: «Ako? Sinasabi mo na ako ay isang bulaan na saksi at isang nanlalapastangan sapagkat sinusundan ko ang buháy na Diyos? Ikaw ang isang bulaan na saksi at isang nanlalapastangan sa dahilan na sinisiraan at inuusig mo Siya. Kilala ko kung sino ka. Napakinggan na kita at nakita. Ikaw na tiwaling impormador! Halika! Kunin mo ito!...» at sa pansamantala sinisimulan niyang tampalin ang mga tainga ng isang Judaean na ang kaninong mabutong medyo berdeng mukha ay namumula. 

«Cornelius, Simon, tingnan! Pinupuwersa nila ako» sabi ng isa pa na nasa mas malayo, sinasabihan ang isang grupo ng mga miyembro ng Sanhedrin.

«Tiisin mo iyan nang may pananampalataya at huwag mong dumihan ang iyong mga kamay at mga labi sa bispiras ng araw ng Sabbath» tugon ng isa sa mga lalaki, na mga tinawag, nang ni hindi man lamang tinitingnan ang walang-suwerteng tao na siyang binibigyan ng kaukulang masungit na hustisya ng isang grupo ng pangkaraniwang mga tao...

Ang mga babae ay sumisigaw tinatawag ang kanilang mga asawa na kanilang pinakikiusapan na huwag isubo ang kanilang mga sarili sa gulo.

Ang mga lehiyonaryo na mga nagpapatrulya ay umiikot pinaghihiwa-hiwalay ang mga pulutong sa pamamagitan ng kanilang mga sibat at nananakot ng aresto at mga kaparusahan.

Ang kamatayan ni Lazarus, na siyang pinapaksa, ay ang panimulang punto upang makapunta sa pangalawang mga paksa, upang mailabas ang matagal nang tigatig sa mga puso...

Ang mga miyembro ng Sanhedrin, ang mga nakatatanda, mga eskriba, mga Saduseo, ang malalakas na Judaean ay dumaraan nang may katusuhan, nang walang pakialam, na tila ang lahat na paglabas ng kaunting galit, ng personal na paghihiganti, ng pagka-nerbiyos ay hindi nakaugat sa kanila. At habang dumaraan ang oras ang kabalisahan at ang pananabik ay mas lalo pang lumalaki.

«Pakinggan ito, ang mga taong ito rito ay nagsasabi na ang Kristo ay hindi nakapagpapagaling ng mga may sakit na tao. Ako ay dating isang ketongin at ngayon ako ay malusog. Kilala ba ninyo kung sino sila? Ako ay hindi nagmula sa Herusalem, ngunit hindi ko kailanman nakita sila na kasama ng mga disipulo ng Kristo nang nakaraang dalawang taon.»

«Ang mga taong iyon? Tingnan ko nga ang isang nasa gitna! Ah! ikaw na walang-hiya at magnanakaw! Ikaw ang isa na nang nakaraang buwan ay pumunta sa akin upang bigyan ako ng pera sa ngalan ng Kristo, nagsasabing Siya ay nagbabayad ng mga tao upang magapi ang Palestina. At sinasabi mo ngayon... Ngunit bakit ninyo siya pinatakas?»

«Nakita ba ninyo iyon? Kung gaano sila nakapananakit! At halos mahuli nila ako! Tama ang aking biyanang-lalaki! Naroon si Jose ang Nakatatanda kasama si Juan at si Joshua. Pumunta tayo at tanungin sila kung totoo na ang Guro ay gustong magbuo ng isang sandatahang-lakas. Sila ay makatarungan at alam nila.» Lahat sila ay nagmadali patungo sa tatlong mga miyembro ng Sanhedrin at itinanong ang kanilang katanungan.

«Umuwi na kayo, mga lalaki. Ang isa ay nagkakasala at nakagagawa ng mga bagay na makakasakit sa mga kalsada. Huwag magtalu-talo. Huwag magpadala sa takot. Huwag pakialaman ang ginagawa ng iba at pangalagaan ang inyong mga pamilya. Huwag makinig sa mga nanggugulo o mga nananaginip at huwag pahintulutan ang inyong mga sarili na maloko. Ang Guro ay isang guro, hindi isang mandirigma. Kilala ninyo Siya., At sinasabi Niya ang Kanyang kaisipan. Hindi Siya maaaring magpadala ng ibang mga tao upang hingin sa inyo na sundan Siya bilang mga mandirigma, kung gusto Niya kayo na maging ganyan. Huwag gumawa ng kahit na anong makasasakit sa Kanya, sa inyong mga sarili at sa ating Amangbayan. Sa Tahanan, mga lalaki! Huwag pahintulutan kung ano na ang isang kasawiang-palad – ang kamatayan ng isang makatarungan na tao – na maging isang serye ng mga kasawiang-palad. Bumalik na kayo sa inyong mga bahay at magdasal para kay Lazarus, na mapagkawanggawa sa lahat» sabi ni Jose ng Arimathea, na maaaring minamahal at pinakikinggan ng mga tao na nakakikilala sa kanya bilang isang makatarungan na tao.

Si Juan din (ang lalaki na naninibugho) ay nagsabi: «Siya ay isang mapayapa hindi isang palaaway na tao. Huwag makinig sa mga huwad na disipulo. Alalahanin kung gaano naging kaiba ang iba, na nagsabi na sila ay ang Mesiyas. Alalahanin at mag-isip, at ang inyong katarungan ay sasabihin sa inyo na ang mga panunulsol na iyon sa karahasan ay hindi maaaring manggaling sa Kanya! Umuwi na kayo! Bumalik na kayo sa inyong mga babae na umiiyak at sa inyong mga anak na mga natatakot. Ito ay sinabi: “Kapahamakan sa mga mararahas at sa mga nanghihimok ng mga awayan”.»

Ang isang grupo ng umiiyak na mga babae ay nilalapitan ang tatlong miyembro ng Sanhedrin at ang isa sa kanila ay nagsabi: «Ang mga eskriba ay tinakot ang aking asawa. Ako ay natatakot! Jose, pakiusap na magsalita sa kanila.»

«Oo, gagawin ko. Ngunit gawin ang iyong asawa na manahimik. Sa palagay mo ba natutulungan mo ang Guro sa pamamagitan ng mga kaguluhang ito at napararangalan mo ang patay na tao? Nagkakamali ka. Ikaw ay nakasasakit sa kapwa sa kanila» tugon ni Jose at iniiwan niya sila upang pumunta kay Nicodemus, na dumarating mula sa isa sa mga kalsada, sinusundan ng mga katulong, at sinabi niya sa kanya: «Hindi ako umaasa na makikita kita, Nicodemus. Hindi ko mismo alam kung papaano ako nakapunta rito. Ang mga katulong ni Lazarus ay pumunta sa akin sa katapusan ng ikaapat na pagbabantay upang sabihin sa akin ang malungkot na balita.»

«At siya ay pumunta sa akin pagkatapos. Umalis ako kaagad. Alam mo ba kung ang Guro ay nasa Bethany?»

«Hindi, Siya ay wala roon. Ang aking tagapamahala sa Bezetha ay naroroon sa ikatlong oras at sinabi niya sa akin na ang Guro ay wala roon.»

«Hindi ko malaman kung papaano... mga himala para sa lahat ngunit hindi para sa kanya!» bulalas ni Juan.

«Baka dahil nabigyan Niya ang sambahayan ng higit pa sa isang mahimalang pagpapagaling: tinubos Niya si Maria at nagkaloob ng kapayapaan at karangalan...» sabi ni Jose.

«Kapayapaan at karangalan! Ng mabubuting tao sa mabubuting tao. Sapagkat marami... ang hindi nagbigay at hindi nagbibigay ng parangal kahit na ngayon na si Maria... Hindi mo alam... Tatlong araw na ang nakararaan si Helkai at marami pang iba ay naroroon... at sila ay hindi nagbigay ng parangalan. At si Maria ay pinalayas sila. Sila ay galit nang sinabi nila sa akin, at pinabayaan ko na lamang sila na sabihin kung ano ang gusto nila, sa dahilan na ayaw kung ipaalam sa kanila kung ano ang nilalaman ng aking puso...» sabi ni Joshua.

«At sila ay papunta na sa paglilibing ngayon?» tanong ni Nicodemus.

«Sila ay sinabihan at nagkita-kita sila sa Templo upang magpasya. O! ang kanilang mga katulong ay naging abalang-abala patakbu-takbo sa paligid sa pagsikat ng araw ngayong umaga!»

«Bakit gayon na pagmamadali para sa paglilibing? Kaagad pagkatapos ng ikaanim na oras!...»

«Sapagkat si Lazarus ay agnas na nang siya ay namatay. Ang aking tagapamahala ay sinabi sa akin na bagama't ang mga resina ay sinusunog sa mga silid at saganang mga pabango ang ipinahid sa katawan ng patay, ang baho ng labí ay naaamoy kahit na sa balkonahe ng bahay. Maging ano pa man ang Sabbath ay magsisimula na sa paglubog ng araw. Hindi posible na hindi gawin ang ganito.»

«At sinasabi mo na sila ay nagkaroon ng isang pagpupulong sa Templo? Bakit?»

«Bueno... sa katunayan ang pagpupulong ay naipatawag na upang pagusapan ang kaso ni Lazarus. Ibig nilang ideklara na siya ay isang ketongin...» sabi ni Joshua.

«Tiyak na hindi. Siya sana ang naging una na mamuhay nang nakabukod ayon sa Batas» sabi ni Jose ipinagtatanggol siya. At dinagdag niya: «Nakausap ko ang doktor. Hindi niya isinama ang pagiging ketongin nang wala kahit anuman na pagdududa. Si Lazarus ay naapektuhan ng nabubulok na pagkaubos.»

«Kung gayon ano ang kanilang pinag-usapan, dahil si Lazarus ay patay na?» tanong ni Nicodemus.

«Kung sila ay dapat na pumunta sa paglilibing, pagkatapos na sila ay pinalayas ni Maria. Ang ilan ay gustong pumunta, ang ilan ay laban dito. Ang mga gustong pumunta ay ang nakararami at para sa tatlong rason. Upang makita kung ang Guro ay naroroon, ang unang rason na napagkasunduan ng lahat. Upang makita kung Siya ay gagawa ng isang himala, ang ikalawang rason. Ang ikatlong rason: ang pag-alaala tungkol sa mga salitang sinabi kamakailan ng Guro sa ilang mga eskriba sa Jordan malapit sa Jericho» pagpapaliwanag muli ni Joshua.

«Ang himala! Alin, kung siya ay patay na?» tanong ni Juan kinikibit ang kanyang mga balikat, at siya ay nagtatapos: «Ang dating... mga naghahanap ng kung ano ang imposible!»

«Ang Guro ay naibangon ang ibang mga tao mula sa kamatayan» wika ni Jose.

«Iyan ay totoo. Ngunit kung ginusto Niyang siya ay buháy, hindi sana Niya siya pinabayaang mamatay. Ang rason na iyong binanggit kanina ay tama. Sila ay napagkalooban na nang labis.»

«Oo. Ngunit si Uziel at si Sadoc ay naisip ang isang hamon ng maraming mga buwan na ng nakaraan. Ang Kristo ay nagsabi na magbibigay Siya ng isang katibayan na magagawa Niyang buuin muli ang isang naagnas nang katawan. At si Lazarus ay ganyan. At si Sadoc, ang eskriba, ay sinasabi rin na, malapit sa Jordan, sinabi nang kusa ng Rabbi sa kanya na sa bagong buwan makikita niya na matutupad ang kalahati ng hamon na iyon. Ibig sabihin: isang naagnas na tao na nanunumbalik, na wala nang pagkaagnas pa o sakit. At ang kanilang opinyon ay nananatili. Kung iyan ay mangyari, ito ay dahil ang Guro ay naroroon. At kung iyan ay mangyari, wala nang magiging mga pagdududa pa tungkol sa Kanya.»

«Maliban na iyan ay hindi makasasamâ...» bulong ni Jose.

«Makasasamâ? Bakit? Ang mga eskriba at mga Pariseo ay makukumbinsi...»

«O! Juan! Ikaw ba ay isang estranghero na kailangan mong sabihin iyan? Hindi mo ba nakikilala ang kapwa mo mga kababayan? Kailangan ba nangyari na ang katotohanan ay nagawa silang maging banal? Walang bang kabuluhan ito sa iyo na walang paanyaya sa pagpupulong ang pinarating sa aking bahay?»

«Ni sa akin ay hindi iyan pinaaabot. Pinagsususpetsahan nila tayo at madalas nila tayong iniiwan sa labas» sabi ni Nicodemus. Pagkatapos nagtanong siya: «Si Gamaliel ba ay naroroon noon?»

«Ang kanyang anak ay naroroon. At darating din siya sa katauhan ng kanyang ama, na hindi maganda ang pakiramdam sa Gamala sa Judaea.»

«At ano ang sinabi ni Simon?»

«Wala. Wala kahit ano. Siya ay nakikinig. Pagkatapos siya ay umalis. Nang hindi pa matagal siya ay dumaan kasama ang ilan sa mga disipulo ng kanyang ama, patungo sa gawing Bethany.»

Sila ay halos naroon na sa geyt na magdadala sa isa sa daan patungo sa Bethany. At si Juan ay bumulalas: «Tingnan! Ito ay ginawang kuwartel. Bakit? At pinipigil nila ang mga lumalabas.»

«May pagkabalisa sa bayan...»

«O! Ngunit iyon ay hindi napaka tindi...»

Nakarating sila sa geyt at sila ay pinatigil katulad sa sino pa mang iba.

«Ano ang rason para sa ganito, sundalo? Ako ay kilalang-kilala ng lahat sa Antonia, at wala kayong masasabing masama tungkol sa akin. Iginagalang ko kayo at ang inyong mga batas» sabi ni Jose ng Arimathea.

«Ito ay ang utos ng Senturyon. Ang komandante ay malapit nang pumasok sa bayan at gusto naming malaman kung sinu-sino ang lumalabas sa mga geyt, lalo na ang isang ito na nagbubukas patungo sa daan ng Jericho. Kilala ka namin. Ngunit nalalaman din namin ang mga nararamdaman ng mga Judaean sa amin. Ikaw at ang mga kasama mo ay maaaring makalabas. At kung kayo ay may impluwensiya sa mga tao sabihin sa kanila na mas mabuti para sa kanila na maging kalmante. Ayaw ni Pontius na baguhin niya ang kanyang mga kinasanayan dahil sa mga nasasakupan na gumagawa sa kanya ng problema... at siya ay maaaring maging napakahigpit. Isang kapirasong sinsirong payo sa iyo na isang sinsiro.» Sila ay nagpapatuloy.

«Napakinggan ba ninyo iyon? Nakakakita ako ng maproblemang mga araw... Kinakailangan na paalamin ang iba pa, kaysa ang mga tao...» sabi ni Jose.

Ang daan ng Bethany ay nagsisiksikan sa mga tao lahat patungo sa iisang direksiyon: sa Bethany. Lahat sila ay patungo sa paglilibing. Makakakita ang isa ng mga miyembro ng Sanhedrin at mga Pariseo humahalo sa mga Saduseo at mga eskriba, sa mga magbubukid, sa mga tagapamahala ng iba't ibang bahay at mga ari-ariang lupa na pag-aari ni Lazarus sa bayan at sa kabukiran, at habang lumalapit ang isa sa Bethany, mas maraming mga tao ang bumubuhos sa pinakadaan mula sa mga landas at iba pang mga daan.

Naroon ang Bethany. Ang Bethany na nagluluksa para sa pinakadakilang mamamayan nito. Ang lahat na mga mamamayan, nakasuot ng kanilang pinakamagandang mga damit, ay nakaalis na sa kanilang mga bahay, na mga isinara na tila walang mga nakatira doon. Ngunit wala pa sila sa bahay ng patay na tao. Ang pag-uusisa ay pumipigil sa kanila malapit sa geyt at sa tabi ng daan. Pinapanood nila ang mga tao na mga inanyayahan, habang sila ay dumaraan, binabanggit nila ang kanilang mga pangalan at nagpapalitan ng mga kuru-kuro

«Ayón si Nathanael ben Faba. O! ang matandang si Mattathias, ang kamag-anak ni Jacob! Ang anak ni Annas! Siya ay nasa banda roon kasama si Doras, si Callascebona at si Archelaus. O! Papaano ang mga taga-Galilee nakapunta? Silang lahat ay naroroon. Tingnan: si Eli, si Ishmael, si Uriah, si Joachim, si Elias, si Jose... Ang matandang si Hananiah kasama si Sadoc, si Zachariah at si Johanan, ang mga Saduseo. Naroroon din si Simeon ni Gamaliel, Siya ay ganap na nag-iisa. Ang rabbi ay wala roon. Naroon din si Helkai kasama si Nahum, si Felix, si Annas ang eskriba, si Zachariah, si Jonathan ben Uriel! Si Saul kasama si Eleazar, si Triphon at si Joazar. Mga pinong salbahe ang mga huling ito! Isa pang anak ni Annas. Ang pinakabata. Siya ay nakikipagusap kina Simon, Camit, Philip kasama si Juan Antipatrides. Sina Alexander, Isaac at Jonah ni Babaon. Si Sadoc. Si Judas, isang inapu ng mga Asideans, ang huli, sa palagay ko, ng uri na iyon. Naroon ang mga tagapamahala ng iba't ibang mga gusali. Hindi ko nakikita ang sinuman ng matatapat na mga kaibigan. Gaano karaming mga tao!»

Totoo! Gaano karaming mga tao. Silang lahat ay arogante, ang ilan ay may ekspresyon para sa okasyon, ang ilan ay may mga tanda ng totoong kalungkutan sa kanilang mga mukha. Silang lahat ay nilulon ng malapad na nakabukas na geyt, at nakikita ko na dumadaan ang lahat na sa sumusunod na mga yugto ay nagpapakita ng pagkakaibigan o pagiging palaban sa Guro. Lahat, maliban kay Gamaliel at ni Simon, ang miyembro ng Sanhedrin. At nakikita ko rin ang iba pang mga tao, na hindi ko pa kailanman nakita noon, o aking nakita na ngunit hindi ko nalaman ang kanilang mga pangalan, na nakikipagtalo kay Jesus...  Ang mga rabbi ay dumaraan kasama ang kanilang mga disipulo, at ang mga eskriba sa magkakalapit na grupo. Ang mga Judaean ay dumaraan habang napapakinggan ko ang kanilang mga pangalan na inililista... Ang hardin ay puno ng mga tao na, pagkatapos na maipaabot ang kanilang pakikiramay sa magkapatid na babae – na, baka ayon sa lokal na kinaugalian, ay nakaupo sa ilalim ng balkonahe, at kung gayon nasa labas ng bahay – ay bumabalik at kumakalat sa hardin sa patuloy na paghahalo ng mga kulay at ng mga pagyuko sa pagbati.

Si Martha at si Maria ay pagod na. Sila ay magkahawak ng kamay katulad ng dalawang maliliit na batang babae, natatakot tungkol sa malungkot na kawalan sa kanilang pamilya, tungkol sa kawalang-laman ng kanilang mga araw ngayon na hindi na nila kailangan na alagaan si Lazarus. Pinakikinggan nila ang mga salita ng mga bisita, umiiyak sila kasama ang totoong mga kaibigan, kasama ang matatapat na mga tauhan, yumuyukod sila sa malamig na karingalan ng matitigas na miyembro ng Sanhedrin na mga pumarito upang mas makakuha ng atensiyon sa kanilang mga sarili kaysa upang parangalan ang patay na tao, at bagama't sila ay pagod na ng pag-ulit-ulit nang daan-daang beses sa pare-parehong mga bagay, tumutugon sila sa mga nagtatanong sa kanila ng tungkol kay Lazarus noong mga huling sandali.

Sina Jose, Nicodemus, ang pinaka debotong mga kaibigan ay malapit sa kanila nagsasalita ng kaunting mga salita lamang, ngunit ang kanilang pakikipagkaibigan ay nagpapaginhawa sa kanila nang higit pa sa kahit ano pa mang salita.

Si Helkai ay bumabalik kasama ang mas walang-pagpapahinuhod na mga miyembro ng Sanhedrin, kung kanino siya ay kanina pa nakikipagusap nang matagal at siya ay nagtanong: «Maaari ba naming makita ang katawan?»

Si Martha ay nakapagpapalungkot na pinupunasan ng kanyang kamay ang kanyang noo at nagtanong: «Kailan ba kahit kailan ginawa iyan sa Israel? Ito ay naihanda na...» at mga luha ang dumadaloy nang unti-unti mula sa kanyang mga mata.

«Hindi iyan ang kinaugalian, totoo iyan. Ngunit iyan ang aming hinihiling. Ang mas matatapat na kaibigan ay tiyak na may karapatan na makita ang kanilang mga kaibigan para sa huling pagkakataon.»

«Kami rin, bilang kanyang mga kapatid, ay naging karapat-dapat sanang makita siya. Ngunit iyon ay naging kailangan na embalsamuhin siya kaagad. At nang kami ay bumalik ulit sa silid ni Lazarus nakita lang namin ang hugis ng katawan nakabalot sa linen na mga tela...»

«Nagbigay sana kayo ng mas malilinaw na tagubilin. Hindi ba ninyo ginawang alisin ang sudarium sa kanyang mukha? Maaalis ba ninyo ito ngayon?»

«O! ang katawan ay agnas na... At oras na para sa paglibing...»

Si Jose ay sumama sa pag-uusap: «Helkai, sa palagay ko na tayo... dala ng kalabisan ng pagmamahal, ay ang dahilan ng kalungkutan. Hayaan natin ang magkapatid sa kapayapaan...»

Si Simeon, ang anak ni Gamaliel, ay lumapit upang mapigilan sa Helkai sa pagtugon: «Aking ama ay darating kaagad kapag siya ay makakapunta na. Ako ang nangangatawan para sa kanya. Mataas ang kanyang pagtingin kay Lazarus. Gayon din ako.»

Si Martha ay tumutugon yumuyuko: «Harinawang ang parangalan ng rabbi para sa aming kapatid ay magantimpalaan ng Diyos.»

Sa dahilan na ang anak ni Gamaliel ay naroroon, si Helkai ay tumabi nang hindi na namimilit pa, at kanyang sinasabi ang bagay sa iba na nagsasabi sa kanya: «Hindi mo ba naaamoy ang baho? Gusto mo bang pagdudahan ito?  Maging ano pa man makikita natin kung isasara nila ang sepulkro. Hindi mabubuhay ang isang tao nang walang hangin.»

Ang isa pang grupo ng mga Pariseo ay lumalapit sa magkapatid na babae. Sila ay halos lahat mula sa Galilee. Pagkatapos na tanggapin ni Martha ang kanilang pakikiramay hindi niya mapigilan ang masorpresa tungkol sa kanilang presensya.

«Babae, ang Sanhedrin ay nasa pagpupulong upang ayusin ang mga bagay-bagay na may malaking kahalagahan at kami ay nasa bayan para sa pakay na iyan» paliwanag ni Simon ng Capernaum, at kanyang tinitingnan si Maria na ang kaninong pakikipagusap ay tiyak na naaalaala niya. Ngunit basta lamang niyang tinitingnan siya.

Pagkatapos si Johanan ay lumalapit kasama si Doras, ang anak ni Doras, at kasama sina Ishmael, Hananiah, Sadoc at ang iba pa na hindi ko kilala. Ang kanilang mala-ahas na mga mukha ay nagsasaad ng kanilang mga intensiyon bago sabihin ito ng kanilang mga salita. Ngunit upang makahataw hinihintay nila si Jose na makaalis kasama si Nicodemus upang makapagsalita sa tatlong Judaean. Ang matandang si Hananiah na sa pamamagitan ng kanyang kumukurukok na tinig ng isang kakarag-karag na matanda ang humataw ng dagok: «Ano sa palagay mo Maria? Ang iyong Guro lamang ang natatanging nawawala sa pagitan ng maraming mga kaibigan ng iyong kapatid. Kakatwang pakikipagkaibigan! Labis na pagmamahal habang si Lazarus ay malusog! At labis na kawalang-pakialam kung panahon na upang siya ay mahalin! Ang lahat ay tumatanggap ng himala mula sa Kanya. Ngunit walang himala rito. Ano ang masasabi mo, babae, sa sitwasyon na iyan? Naloko ka Niya nang masaklap, ang magandang-lalaking Galilean na Rabbi, hoy! Hindi ba’t sinabi mo na sinabi Niya sa inyo na umasa nang higit pa sa kung ano ang maaaring asahan? Kung gayon hindi ba kayo umasa, o ito ba ay wala mangyayari ang umasa sa Kanya? Umaasa kayo sa Búhay, sinabi mo. Siyempre! Sinasabi Niya na Siya ang “Búhay”, hoy! Ngunit sa loob niyan ay nandiyan ang inyong kapatid. At sa banda roon ang pasukan ng sepulkro ay bukas na. Ngunit ang Rabbi ay wala rito. Hoy! Hoy!»

«Nakapagbibigay Siya ng kamatayan, hindi buhay» sabi ni Doras nang may panunuya.

Si Martha ay itinungo ang kanyang ulo tinatakpan ang kanyang mukha sa pamamagitan ng kanyang mga kamay at umiiyak. Iyan ang tunay na sitwasyon. Ang kanyang pag-usa ay masaklap na nabigo. Ang Rabbi ay wala rito. Ni hindi Siya pumunta upang paginhawahan sila. At sa ngayon Siya ay sana nakarating na rito. Si Martha ay umiiyak. Siya ay bagkus maka-iiyak.

Si Maria ay umiiyak din. Siya ay kailangan na harapin din ang mga katotohanan. Siya ay naniwala, umasa siya nang higit pa sa kung ano ang mapaniniwalaan... ngunit walang nangyari at ang mga katulong ay naalis na ang malaking bato mula sa pasukan sa sepulkro sapagkat ang araw ay nagsisimula nang lumubog at ito ay lumulubog nang maaga sa taglamig, at ngayon ay Biyernes at ang lahat ay kailangan na magawa na nang sa oras upang ang mga bisita ay hindi sana nila malabag ang batas tungkol sa Sabbath na malapit nang magsimula. Naubos niya ang kanyang lakas sa pag-asang iyon. At siya ay bigo.

Si Hananiah ay namimilit: «Hindi ka ba tumutugon sa akin? Hindi ka ba nakukumbinsi na Siya ay isang impostor na nagsamantala sa inyo at pinagtatawanan kayo? Kaawa-awang mga babae!» at iniiling niya ang kanyang ulo sa pagitan ng kanyang mga kaibigan na ginagaya siya nagsasabi rin: «Kaawa-awang mga babae!»

Si Maximinus ay nilalapitan sila nagsasabing: «Oras na. Ibigay ang utos. Ito ay para sa iyo na ibigay ito.»

Si Martha ay hinimatay sa sahig, siya ay tinulungan at dinalang palayo sa gitna ng mga sigaw ng mga katulong, na nakabatid na ang oras upang ihiga ang kanilang panginoon sa sepulkro ay dumating na at sinasahimig nila ang kanilang mga lamentasyon.

Si Maria ay pinipilipit nang nanginginig ang kanyang mga kamay. Siya ay nakikiusap: «Kaunting panahon pa! Kaunting panahon pa! At magpadala ng mga katulong sa daan ng patungong En-shemesh at sa patungo sa pontanya, sa bawat daan. Ang mga katulong nakasakay sa mga kabayo. Upang tingnan kung Siya ay dumarating...»

«Ikaw ba ay umaasa pa rin, kaawa-awang sawing-palad? Papaano ka makukumbinsi ng isa na Siya ay nagtaksil at binigo kayo? Kinapootan Niya kayo at pinagtawanan kayo...»

Ito ay kalabisan! Na ang kanyang mukha basa ng mga luha, napahirapan ngunit matapat pa rin, sa loob ng kalahating pabilog na hanay na naporma ng mga bisita na mga nag-ipun-ipon upang makita ang bangkay na ilabas, si Maria ay nagproklama: «Kung ito ay ginawa ni Jesus ng Nazareth, ito ay maayos na nagawa, at dakila ang Kanyang pagmamahal para sa aming lahat sa Bethany. Ang lahat para sa kaluwalhatian ng Diyos at Kanyang sarili! Sinabi Niya na ito ay magdadala ng kaluwalhatian sa Panginoon sapagkat ang kapangyarihan ng Kanyang Salita ay magniningning nang ganap. Isagawa ang utos, Maximinus. Ang sepulkro ay hindi sagabal sa kapangyarihan ng Diyos...»

Siya ay lumayo, inaalalayan ni Naomi na lumapit na sa kanya, at gumagawa siya ng senyas... Ang bangkay, nakabalot sa linen na mga tela, ay umaalis sa bahay, tinatawid ang hardin sa pagitan ng mga pulutong na pumoporma ng dobleng harang at sinisigaw ang kanilang kalungkutan. Gusto sanang sundan ni Maria ang bangkay, ngunit siya ay sumusuray. Sinusundan niya ang mga pulutong nang sila ay lahat malapit na sa sepulkro. At nakarating siya nang sa oras upang makita ang mahabang walang-galaw na katawan na nawawala sa paningin sa kadiliman ng sepulkro, kung saan ang mapula-pulang liwanag ng mga sulô na hawak nang mataas ng mga katulong ay napaliliwanagan ang mga baytang para sa mga bumababa dala ang labí. Ang sepulkro ni Lazarus ay sa katotohanan kung baga malalim sa lupa, baka upang masamantala ang pagkakasusun-suson ng mga bato sa ilalim.

Si Maria ay napasigaw... Ito ay isang pasakit... Siya ay sumisigaw... At kasama ang pangalan ng kanyang kapatid na lalaki binibigkas din niya ang pangalan ni Jesus. Siya ay tumitingin na tila dinudurog nila ang kanyang puso. At binabanggit lamang niya ang dalawang pangalan na iyon, at kanyang inuulit ito hanggang sa ang mabigat na tunog ng bato na inilagay sa bunganga ng sepulkro ay sinabi sa kanya na si Lazarus ay wala na sa Lupa, ni kahit sa pamamagitan ng kanyang katawan. Siya pagkatapos ay napangibabawan at nawalan ng malay. Siya ay hinimatay sa mga bisig ng mga umaalalay sa kanya at habang lumulubog patungo sa isang malalim na pagkawala ng malay siya bumubulong muli: «Jesus! Jesus!» Dinala nila siya nang paalis.

Si Maximinus ay nananatili upang pauwiin ang mga bisita at pasalamatan sila sa katauhan ng lahat ng mga kamag-anak. Siya ay nananatili upang pakinggan silang lahat na magsabi na sila ay babalik upang makipagluksa araw-araw...

Sila ay naghiwa-hiwalay nang unti-unti. Ang huling umalis ay sina Jose, Nicodemus, Eleazar, Juan, Joachim, Joshua. At sa geyt natagpuan nila si Sadoc kasama si Uriel, na tumatawa nang may malisya nagsasabing: «Ang Kanyang hamon! At kami ay natatakot nito!»

«O! Siya ay totoong patay na. Gaano siyang nangangamoy sa kabila ng aromatikong mga esensiya!

Si Jose ay tinitingnan sila. Ang kanyang sulyap ay mahigpit na mahigpit na naputol nito nang maaga ang mga salita at tawanan. Lahat sila ay nagmamadaling makabalik sa bayan bago matapos ang paglubog ng araw.

140112

 


Sunod na kabanata