545. Si Jesus Nagpasyang Puntahan si Lazarus.

Disyembre 24, 1946.

Dumidilim na sa maliit na pangkusinang-hardin ng bahay ni Solomon, at ang mga punungkahoy, ang mga balangkas ng mga bahay sa kabila ng daan, at ang pinakadulo ng daan mismo, kung saan nakikita ito sa loob ng kakahuyan malapit sa ilog, ay nagiging mas na mas pang malabo, humahalo sa iisang linya lamang ng mga anino, na humigit kumulang malinaw, humigit kumulang madilim, sa lumalalim na takip-silim. Kaysa mga kulay, ang mga bagay na nakakalat sa Lupa ay ngayon mga tunog. Mga tinig ng mga bata mula sa mga bahay, mga tawag ng mga ina, mga sigaw ng mga lalaki pinakikilos ang mga tupa o mga asno, ang huling paglangitngit ng mga kalo ng mga bubon, ang lumalagaslas na ingay ng mga dahon sa panggabing ihip ng hangin, ang matalas na mga laginit katulad ng pagsasalpukan ng mga sanga o mga patpat ay kumakalat sa loob ng kakahuyan. Sa itaas ay ang unang pagkislap ng mga bituin, na mga mahina pa dahil nariyan pa ang isang repleksiyon ng liwanag ng araw at dahil sa ang maagang panginginang ng liwanag ng buwan ay nagsisimula nang kumalat sa kalangitan.

«Sasabihin mo ang iba pa bukas na. Tama na muna iyan ngayon. Dumidilim. Gawin ang lahat na makauwi. Kapayapaan sa iyo. Kapayapaan sa iyo. Oo... siyempre... Bukas. Eh? Ano ang sinabi mo? May pag-aalinlangan ka? Tulugan mo iyan hanggang bukas at pagkatapos, kung nasa iyo pa iyan, bumalik ka. Iyan ang magiging huling dagok! Mga pag-aalinlangan din upang magawa ang Guro na maging mas malungkot! At mga taong nagmimithi ng kayamanan! At mga biyanan-na-babae na gusto na ang mga bata-pang maybahay ay magkaroon muli ng pangangatwiran, at ang mga bata-pang maybahay na ibig na ang kanilang mga biyanan-na-babae ay hindi maging masyadong matalas, habang kapwa sila ay karapat-dapat na maputulan ng kanilang mga dila. At ano pa ang naririyan? Ehi! Ikaw? Ano ang sinasabi mo? O! ang isang ito, oo, kaawa-awang munting bagay! Juan, dalhin mo ang maliit na batang ito sa Guro. Ang kanyang ina ay may sakit at pinadala niya siya upang sabihin kay Jesus na ipagdasal siya. Kaawa-awang bata! Siya ay naiwanan sa likuran dahil siya ay napakaliit. At nanggaling siya mula sa napakalayo. Papaano siya mag-isang makakauwi? Ehi! Lahat kayo sa banda riyan! Sa halip na tumatayo diyan upang kalugdan ang Kanyang pakikitungo, hindi ba ninyo maaaring isabuhay kung ano ang sinabi sa inyo ng Guro: ang magtulungan ang isa’t isa at na ang mas malalakas ay kailangan na tulungan ang mas mahihina? Sige na! Sino ang magdadala sa batang ito na makauwi? Hindi sana ipahintulot ng Diyos, baka matagpuan niya ang kanyang ina na patay na... Gawin man lamang na makita niya siya... Mayroon kayong ilang mga asno... Gabi na ba? At ano ang mas maganda pa kaysa sa gabi na? Nagtrabaho ako nang maraming mga taon kasama ang liwanag ng mga bituin, at ako ay malusog at malakas. Iuuwi mo ba siya? Pagpalain ka nawa ng Diyos, Ruben. Naririto ang bata. Ikaw ba ay napaginhawahan na ng Guro? Siya na? Lakad na kung gayon, at maging masaya. Ngunit kailangan na bigyan natin siya ng ilang pagkain. Baka wala pa siyang nakakain mula pa kaninang umaga.»

«Ang Guro ay binigyan siya ng ilang mainit na gatas at tinapay, at ilang prutas; nasa kanya ang mga ito sa loob ng kanyang tunika» sabi ni Juan.

«Kung gayon lakad kasama ang lalaking ito. Dadalhin ka niya sa bahay mo nakasakay sa asno.» Ang lahat man lamang na mga tao ay nakaalis na, at si Pedro ay makapagpapahinga na kasama sina Santiago, Judas, ang isa pang Santiago at si Tomas, na tumulong sa kanya na mapauwi ang mas matitigas ang ulo.

«Isara natin ang pinto, kung hindi baka may magbago ang isip at bumalik, katulad ng dalawang iyon sa banda roon. Ugh! Ang araw pagkatapos ng Sabbath ay totoong matrabaho!» sabi ni Pedro pumupunta sa kusina at sinasara ang pinto. At dinadagdag niya: «Mamamayapa na tayo ngayon.»

Tinitingnan niya si Jesus Na nakaupo malapit sa maliit na mesa, nasa malalim na pag-iisip, na ang isang siko nasa mesa at ang Kanyang ulo nakapatong sa Kanyang kamay. Si Pedro ay nilalapitan Siya at pinapatong ang kanyang kamay sa Kanyang balikat sinabi niya: «Kayo ay pagod, eh! Napakaraming mga tao! Sila ay nanggagaling mula sa lahat na bahagi ng kabukiran sa kabila na ang panahon ay ganito.»

«Tila natatakot sila na tayo ay mawala kaagad» wika ni Andres na naglilinis ng ilang isda. Ang iba rin ay abala sa paghahanda sa apoy upang maihaw ang mga isda, o naghahalô ng ilang atsikorya sa kumukulong palayok. Ang kanilang mga anino ay makikita sa madilim na mga pader, na mas lalo pang naliliwanagan ng apoy kaysa ng lampara.

Si Pedro ay naghahanap ng isang kopa upang mabigyan ng ilang gatas si Jesus Na nagmumukhang pagod na pagod. Ngunit hindi niya makita ang gatas at tinatanong niya ang iba tungkol dito. «Ang bata ay ininom ang huling patak na mayroon tayo. Ang iba pa ay binigay sa matandang pulubi at sa babae na ang asawa ay may sakit» paliwanag ni Bartolomeo.

«At ang Guro ay naiwanan na wala! Hindi sana ninyo binigay iyon lahat.»

«Ginusto Niya iyon...»

«O! lagi Niyang gusto ang ganyan. Ngunit hindi natin dapat na magawa Niya iyon. Binibigay Niya ang Kanyang mga suot, binibigay Niya ang Kanyang gatas. Binibigay Niya ang Kanyang Sarili at Siya ay nanghihina...» si Pedro ay hindi kontento.

«Maging mabuti, Pedro! Mas mabuti pa ang magbigay kaysa ang tumanggap» sabi ni Jesus nang tahimik, lumalabas sa Kanyang pag-iisip.

«Siyempre! At Kayo ay nagbibigay at laging nagbibigay at Kayo ay nanghihina. At habang mas pinakikita Ninyo sa mga tao na Kayo ay gustong maging mapagbigay, mas lalo nila Kayong sinasamantala.» At sa pansamantala kanyang kinukuskos ang mesa ng ilang magaspang na mga dahon na nagbibigay ng isang amoy na isang halo ng mapait na almendras at ng krisantemo, nililinis niya ito nang mabuti upang ilatag ang tinapay at ilagay ang tubig, at naglalagay siya ng isang kopa sa harapan ni Jesus.

Si Jesus ay nagbubuhos para sa Kanyang sarili ng ilang tubig na tila Siya ay uhaw na uhaw. Si Pedro ay naglalagay ng isa pang kopa sa katapat na tabi ng mesa malapit sa isang pinggan na naglalaman ng ilang mga olibo at mga tangkay ng layas na fennel. Dinadagdag niya ang atsikorya na nasa trey na naihanda na ni Felipe, at kasama ang kanyang mga kasamahan kinukuha nila ang ilang napaka pangkabukiran na mga bangkito malapit sa mesa idinadagdag ito sa apat na mga upuan na nasa kusina, ngunit kulang pa ito para sa labintatlong mga tao. Si Andres na siyang nag-iihaw sa mga isa, ay inilagay ito sa isa pang pinggan at may dalang mas marami pang tinapay siya ay pumunta sa mesa. Si Juan ay kinukuha ang langis na lampara at inilagay ito sa gitna ng mesa.

Si Jesus ay tumayo habang ang lahat ay lumalapit sa mesa para sa hapunan at Siya ay nagdarasal sa malakas na tinig, inaalay ang tinapay at pinagpapala ang mesa. Siya ay naupo ginagaya ng iba pa at nag-aabot Siya ng tinapay at isda, ibig sabihin, nilalatag Niya ang isda sa ibabaw ng makapal na malaking mga hiwa ng tinapay, ang iba bago ang iba luma na, na inilagay ng bawat isang apostol sa harapan niya. Pagkatapos sila na mismo ang kumukuha ng kanya-kanyang bahagi ng atsikorya ginagamit ang isang malaking tinidor na gawa sa kahoy. At para din sa gulay ang hiwa ng tinapay ay nagsisilbing pinggan. Si Jesus lamang ang mayroon sa Kanyang harapan ng isang malaking metal na pinggan, na kung baga nasa masamang kalagayan na, at ginagamit Niya ito upang hatiin ang isda nagbibigay ng piling bahagi ngayon sa isang ito o sa isang iyon. Nagmumukha Siyang isang ama sa pagitan ng kanyang mga anak, kahit na kung si Nathanael, si Simon Zealot at si Felipe ay sapat nang matanda na maging Kanyang mga ama, at si Mateo at si Pedro ay nagmumukhang Kanyang nakatatandang mga kapatid.

Sila ay kumakain at nagsasalita ng tungkol sa mga nangyari nitong araw at si Juan ay tumatawa nang bigay na bigay sa panghahamak ni Pedro sa pastol ng Gilead sa mga bundok, na inaasahan si Jesus na umakyat doon, kung saan naroroon ang kanyang kawan, upang pagpalain iyon at kung gayon kumita ng mas lalo pang malaking pera para sa dote ng kanyang anak na babae.

«Walang dapat na itawa. Habang sinasabi niya: “Ang aking mga tupa ay naghihirap sa isang sakit at kung sila ay mamatay ako ay sira na” ako ay naaawa sa kanya. Tayong mga mangingisda ay ganyan din ang mararamdaman kung ang ating bangka ay mabulok. Ang isa ay hindi na makapagtatrabaho at kitain ang kanyang pang-araw-araw na tinapay. At tayong lahat ay may karapatan na mabuhay. Ngunit nang sinabi niya: “At gusto kong ang aking mga tupa ay maging malusog sapagkat gusto kong yumaman at mapatunganga ang nayon tungkol sa dote na aking ibibigay kay Esther at tungkol sa bahay na aking ipatatayo para sa aking sarili”, diyan ako nagalit. Sinabi ko sa kanya: “At ikaw ay nanggaling sa malayo para lamang diyan? Wala ka bang iba sa loob ng puso mo bagkus ang dote at ang iyong kayamanan at mga tupa? Wala ka bang kaluluwa?” Siya ay tumugon sa akin: “May panahon pa para diyan. Ang tungkol sa tupa at sa kasal ay mas nakukuha ang aking atensiyon sa ngayon sapagkat iyon ay isang magandang tambalan at si Esther ay tumatanda na”. Pagkatapos, kung hindi ko naalaala na sinabi ni Jesus na tayo ay kailangan na maging maawain sa lahat, patungo sana siya doon! Talagang halos mawalan na ako ng pagpipigil kapag nakikipagusap sa kanya...»

«At akala namin na hindi ka kailanman titigil. Hindi ka na humihinga. Ang mga ugat sa iyong leeg ay namamaga na at umuusli katulad ng mga patpat» sabi ni Santiago ni Zebedeo.

«Ang pastol ay matagal-tagal nang nakaalis at ikaw ay nagpapatuloy pa rin sa pagsermon. Iyon ay isang mabuting gawa na sinasabi mo na hindi ka nakapagsasalita sa mga tao!» dagdag ni Tomas. At niyayakap niya siya nagsasabing: «Kaawa-awang Simon! Siya ay wala sa kanyang sarili sa bangis!»

«Ngunit hindi ba’t tama ako? Ano ba ang guro? Ang tagagawa ng suwerte ng lahat na mga tanga sa Israel? Ang tagagawa ng kasalan ng ibang mga tao?»

«Huwag kang magalit, Simon. Hindi ka matutunawan kung kakainin mo ang isda na may kasamang labis na lason» sabi ng may mabuting-loob na si Mateo nagbibiro.

«Tama ka. Natikman ko ang lahat na lasa ng mga bangkete sa mga bahay ng mga Pariseo, kapag kumakain  ako ng tinapay na may takot at ng karne na may galit.»

Lahat sila ay tumatawa. Si Jesus ay ngumingiti at tahimik.

Sila ay nasa katapusan na ng kanilang pagkain. Sila ay nananatili sa paligid ng mesa, waring may katamaran na nakontento sa pagkain at sa init. Hindi sila pala-salita at ang iba ay naiidlip. Si Tomas ay kinalulugdan ang sarili sa pag-uukit sa kahoy ng mesa ng isang sanga na may mga bulaklak sa pamamagitan ng isang patalim.

Sila ay nagising ng tinig ni Jesus Na, ibinubukas ang Kanyang mga kamay, na dati nakalupi, nakasandal sa gilid ng mesa, at inuunat ang kanyang mga kamay katulad ng ginagawa ng pari kapag sinasabi niya “Sumainyo ang Panginoon”, nagsabi: «Gayunpaman kailangan natin na magpunta!»

«Saan, Guro? Sa pastol?» tanong ni Pedro.

«Hindi, Simon. Kay Lazarus. Babalik tayo sa Judaea.»

«Guro, alalahanin na ang mga Judaean ay napopoot sa Inyo!» bulalas ni Pedro.

«Gusto nila Kayong batuhin noong hindi pa nagtatagal» sabi ni Santiago ni Alfeo.

«Hindi, Guro, hindi iyan maingat!» bulalas ni Mateo.

«Wala ba Kayong pangangalaga para sa amin?» tanong ng Iskariote.

«O! Aking Guro at kapatid, nakikiusap ako sa Inyo sa ngalan ng Inyong Ina, at sa ngalan din ng Dibinidad na nasa Inyo: huwag pahintulutan ang mga satanas na ilapat nila ang kanilang mga kamay sa Inyo, upang pigilin ang Inyong salita. Kayo ay nag-iisa, nag-iisa laban sa mundo na napopoot sa Inyo at makapangyarihan sa ibabaw ng Lupa» sabi ni Tadeo.

«Guro, protektahan Ninyo ang Inyong buhay! Ano ang mangyayari sa akin, sa lahat sa amin, kung Kayo ay wala na sa amin?» sabi ni Juan na balisa at tinitingnan Siya nang may malalaking mata ng isang natatakot na pinamighating bata.

Pagkatapos ng kanyang unang pagbulalas, si Pedro ay tumalikod upang magsalita nang may pananabik sa mas nakatatandang mga apostol at kay Tomas at kay Santiago ni Zebedeo. Lahat sila ay nagkakapareho ng opinyon na si Jesus ay hindi kailangan na pumunta malapit sa Herusalem, hanggang sa Paskuwa man lamang kung kailan ang Kanyang pananatili roon ay mas ligtas sapagkat, sinasabi nila, ang presensya ng napakalaking bilang ng mga tagasunod ng Guro, na manggagaling sa kahit saan lugar sa Palestina para sa kapistahan ng Paskuwa, ay maipagsasanggalang Siya. Wala sa mga napopoot sa Kanya ang maglalakas loob na humawak sa Kanya kapag ang lahat na mga tao ay nagsisiksikan nang may pagmamahal sa paligid Niya... At sinasabihan nila Siya nang nananabik, halos may pagkadominante... Ang pagmamahal ay nagagawa silang magsalita.

«Kapayapaan! Kapayapaan! Hindi ba’t may labindalawang oras sa isang araw? Ang isang tao na maglalakad sa araw ay hindi natatalisod sapagkat nasa kanya ang liwanag ng mundo upang makakita, ngunit kung maglalakad siya sa gabi siya ay natatalisod sapagkat hindi siya makakita. Alam Ko kung ano ang Aking ginagawa sapagkat ang Liwanag ay nasa Akin. Pahintulutan ang inyong mga sarili na magabayan Ko Na nakakakita. At itanim sa isip na hanggang dumating ang oras ng kadiliman, walang masamang mangyayari. Ngunit kapag dumating na ang oras na iyan, walang distansiya o kapangyarihan, ni kahit ang mga sandatahang lakas ng Caesar, ang makapagliligtas sa Akin mula sa mga Judaean. Sapagkat kung ano ang nakasulat ay kailangan na mangyari at ang kapangyarihan ng kasamaan ay nagtatrabaho na nang lihim upang magawa ang kanilang gagawin. Gawin na magawa Ko kung ano ang ibig Ko at makagawa ng mabuti habang Ako ay malaya na gawin ito. Ang oras ay darating kung kailan hindi Ko na magagawang pagalawin ang isang daliri o bigkasin ng isang salita upang gumawa ng himala. Ang mundo ay mawawalan ng lahat ng Aking kapangyarihan. Isang nakakatakot na oras ng kaparusahan para sa tao. Hindi para sa Akin. Para sa tao na tatanggi na mahalin Ako. Isang oras na mag-uulit mismo, sa pamamagitan ng kalooban ng tao na tatanggihan ang Dibinidad hanggang sa sukdulan na gawin ang kanyang sarili na wala siyang diyos, isang tagasunod ni Satanas at ng kanyang isinumpang anak. Isang oras na mangyayari kapag ang katapusan ng mundo ay malapit na. Ang namamayaning kakulangan ng pananampalataya ay gagawin ang Aking kapangyarihan ng himala na walang silbi, hindi dahil mawawala Ko ito, bagkus walang himala ang maipagkakaloob kung saan walang pananampalataya at walang kalooban na makuha ito, kung saan ang isang himala ay gagawing isang tampulan at instrumento ng kasamaan, sa paggamit sa mabuting tinanggap upang gawin itong mas malaking kasamaan. Ngayon makagagawa pa Ako ng mga himala, at gawin ang mga ito upang makapagbigay ng kaluwalhatian sa Diyos. Kung kaya't tayo na sa ating kaibigan na si Lazarus na natutulog. Tayo na at atin siyang gisingin sa kanyang pagkatulog, na sana siya ay maging bago at handa na makapaglingkod sa kanyang Guro.»

«Ngunit kung siya ay natutulog, ito ay mabuting bagay. Siya ay tiyak na gagaling. Ang tulog mismo ay isang gamot. Bakit siya gisingin?» pinakikita nila sa Kanya.

«Si Lazarus ay patay na. Naghintay Ako hanggang sa siya ay mamatay, bago pumunta roon, hindi para sa kanyang mga kapatid na babae at para sa kanya. Bagkus para sa inyo. Na sana kayo ay maniwala. Na sana kayo ay umunlad sa pananampalataya. Tayo na kay Lazarus.»

«O sige! Tayo na! Mamamatay tayong lahat katulad na siya ay namatay at gusto Ninyong mamatay» sabi ni Tomas, isang nagpapasa-Diyos na fatalist.

«Tomas, Tomas, at kayong lahat na mga namimintas at pabulung-bulong sa loob ng inyong mga puso, ay kailangan na malaman ninyo na siya na may gustong sumunod sa Akin ay kailangan na magkaroon ng parehong pangangalaga para sa kanyang buhay na mayroon ang isang ibon para sa isang dumaraan na ulap. Ibig sabihin, ang hayaan itong makaraan at pumunta sa kung saan man ito pinapupunta ng ihip ng hangin. Ang hangin ay ang kalooban ng Diyos Na makapagbibigay sa inyo ng buhay o kunin ito ayon sa Kanyang kagustuhan, ni hindi ninyo dapat itong ikalungkot, katulad na hindi kinalulungkot ng ibon ang pagdaan ng ulap, bagkus ito ay umaawit sa kabila nito sapagkat nakatitiyak ito na ang kalangitan ay lilinaw muli. Sapagkat ang ulap ay ang pangyayari, ang kalangitan ay ang reyalidad. Ang kalangitan ay laging asul kahit na kung ang mga ulap ay tila ginagawa itong maging kulay-abo. Ito ay asul at nananatiling asul sa itaas ng mga ulap. Ganyang din ang tungkol sa totoong Buhay. Ito ay ganito at nananatiling ganito, kahit na kung ang buhay ng tao ay natatapos. Siya na sumusunod sa Akin ay hindi kailangan na balisa tungkol sa kanyang buhay o matakot para dito. Ipakikita Ko sa inyo kung papaano masasakop ng isa ang Langit. Ngunit papaano ninyo Ako magagaya kung kayo ay natatakot na sumama sa Judaea, samantalang walang masamâ ang magagawa sa inyo ngayon? Kayo ba ay nag-aalanganin na ipakita ang inyong mga sarili na kasama Ko? Kayo ay may kalayaan na iwanan Ako. Ngunit kung kayo ay mananatili kailangan na matuto kayong labanan ang mundo, ang pamimintas nito, ang mga patibong nito, ang mga panunuya nito, ang mga pagpapahirap nito, upang masakop ang Aking Kaharian. Kung kaya't tayo na at ibalik muli mula sa kamatayan si Lazarus, na dalawang araw nang natutulog sa loob ng kanyang sepulkro, dahil siya ay namatay noong gabi nang dumating dito ang kanyang katulong mula sa Bethany. Bukas sa ikaanim na oras, pagkatapos na mapauwi ang mga naghihintay para sa kinabukasan upang mapaginhawahan Ko at tanggapin ang gantimpala para sa kanilang pananampalataya, tayo ay aalis dito at tatawirin ang ilog, tumitigil para sa gabi sa bahay ni Nike. Pagkatapos sa pagsikat ng araw tayo ay lalakad patungong Bethany, daan ng En-shemesh. Makakarating tayo sa Bethany bago ang ikaanim na oras. At maraming mga tao ang naroroon at ang kanilang mga puso ay magigising. Ipinangako Ko ito at gagawin Ko ang Aking pinangako...»

«Kanino Ninyo pinangako ito, Panginoon?» tanong ni Santiago ni Alfeo halos natatakot.

«Sa mga napopoot sa Akin at sa mga nagmamahal sa Akin, sa dalawa sa pinaka maliwanag na paraan. Hindi ba ninyo naaalaala ang pakikipagtalo sa mga eskriba sa Kedesh? Posible pa noon para sa kanila na masabi na Ako ay mapagkaila, dahil ibinangon Ko mula sa kamatayan ang isang maliit na batang babae na kamamatay pa lamang at ang isang lalaki na patay na nang isang araw. Sinabi nila: “Hindi pa Kayo nakapagbuo ng naagnas nang katawan”. Sa katotohanan Diyos lamang ang makagagawa ng isang tao mula sa alikabok at buuin muli ang isang malusog na buháy na katawan mula sa pagkabulok. Bueno, gagawin Ko iyan. Sa buwan ng Chislev, sa mga pampang ng Jordan, pinaalalahanan Ko Mismo ang mga eskriba tungkol sa hamon na ito at sinabi Ko: “Sa bagong buwan ito ay mangyayari”. Iyan magpatungkol sa mga napopoot sa Akin. Pinangakuan Ko ang magkapatid na babae, na nagmamahal sa Akin sa perpektong paraan, na gagantimpalaan Ko ang kanilang pananampalataya kung magpapatuloy silang umasa laban sa kredibilidad. Nasubukan Ko sila nang mahigpit at napamighati Ko sila nang lubos at Ako lamang ang nakaaalam kung gaano naghirap ang kanilang mga puso sa nakaraang mga araw at Ako lamang ang nakaaalam kung gaano ka-perpekto ang kanilang pagmamahal. Sasabihin Ko sa inyong totoo na karapat-dapat sila ng isang malaking gantimpala sapagkat mas namighati sila sa posibilidad na Ako ay maaaring pagtawanan kaysa sa katotohanan na hindi nila makikita ang kanilang kapatid na ibinabangon mula sa kamatayan.  Tumingin Ako nang buhos sa pag-iisip, pagod at malungkot. Malapit Ako sa kanila sa pamamagitan ng Aking espiritu at naririnig Ko ang kanilang pananaghoy at nabilang Ko ang kanilang mga luha. Kaawa-awang magkapatid! Ako ay nananabik ngayon na ibalik muli ang isang makatarungan na tao sa Lupa, ang isang kapatid sa yakap ng kanyang mga kapatid na babae, isang disipulo balik sa Aking mga disipulo. Umiiyak ka ba, Simon? Oo, ikaw at Ako ay pinakadakilang mga kaibigan ni Lazarus, at sa iyong mga luha ay nariyan ang iyong dalamhati para sa pamimighati ni Martha at ni Maria at nariyan din ang aguniya ng isang kaibigan, ngunit nariyan din ang lugod ng nalalaman na malapit na siyang ibalik muli sa ating pagmamahal. Tayo ay kumilos na at ihanda ang ating mga bag at mamahinga upang magising pagsikat ng araw at makapaglinis dito kung saan... ang ating pagbabalik ay walang katiyakan. Kakailanganin natin na ipamigay sa mga mahihirap ang lahat na mayroon tayo at sabihan ang mga pinaka aktibong na pigilin ang mga peregrino sa paghahanap para sa Akin hanggang sa Ako ay nasa ligtas na lugar na. Kakailanganin din natin na sabihan sila na sabihan ang mga disipulo na hanapin Ako sa bahay ni Lazarus. Napakaraming mga bagay ang kakailanganin na dapat magawa. Magagawa sila bago dumating ang mga peregrino... Tayo na. Patayin ang apoy at sindihan ang mga lampara at gawin ang bawat isa na gawin kung ano ang kinakailangan na gawin at magpahinga. Kapayapaan sa inyong lahat.» Siya ay tumayo, pinagpapala sila at umalis patungo sa Kanyang maliit na silid...

«Patay na siya nang mga ilang araw!» sabi ng Zealot.

«Iyan ay isang himala!» bulalas ni Tomas.

«Gusto kong makita kung anong dahilan pa ang kanilang hahanapin pagkatapos upang sila ay magduda pa!» sabi ni Andres.

«Ngunit kailan ba dumating ang katulong?» tanong ng Iskariote.

«Noong gabi bago ang araw ng Biyernes» tugon ni Pedro.

«Dumating ba siya? Bakit hindi mo sinabi sa amin?» tanong ulit ng Iskariote.

«Sapagkat sinabi sa akin ng Guro na huwag banggitin ito» tugon ni Pedro.

«Kung gayon... pagdating natin doon... apat na araw na siyang nasa loob ng sepulkro?»

«Walang duda! Biyernes na gabi isang araw, ang Sabbath na gabi dalawang araw, ang gabing ito tatlong araw, bukas apat... Kung gayon apat na araw at kalahati... Eternal na kapangyarihan! Ngunit siya ay naaagnas na!» sabi ni Mateo.

«Maaagnas na siya... Gusto ko rin makita iyan at pagkatapos...»

«Ano, Simon Pedro?» tanong ni Santiago ni Alfeo.

«Pagkatapos kung ang Israel ay hindi makumberti, ni si Yahweh sa pagitan ng kidlat ay hindi siya makukumberti.»

At sila ay umalis nagsasalita nang ganyan.

150112

 


Sunod na kabanata