546. Ang Resureksiyon ni Lazarus.

Disyembre 26, 1946.

Si Jesus ay dumarating patungong Bethany mula sa En-shemesh. Maaaring naglakad sila nang totoong páhirapan paakyat sa mahihirap na landas sa mga bundok ng Adummim. Ang mga apostol, na kinakapos sa paghinga, ay nahihirapan na masundan si Jesus Na naglalakad nang napakabilis, na tila ang pagmamahal ay dinadala Siya sa ibabaw ng mainit na mga pakpak nito. Ang isang ngiti ay nagpapaningning sa mukha ni Jesus habang Siya ay nagpapatuloy nauuna sa kanilang lahat, na ang Kanyang ulo nakatingala, sa banayad na sikat ng araw ng katanghalian.

Bago sila makarating sa unang mga bahay ng Bethany, ang isang nakapaa lang na batang lalaki, na patungo sa pontanya malapit sa nayon may dalang walang laman na tansong pitsel, ay nakita si Jesus at sumigaw. Ibinaba niya ang pitsel sa lupa at tumakbo, sa pamamagitan ng lahat ng bilis ng kanyang maliliit na paa, patungo sa sentro ng nayon.

«Tiyak na patungo siya upang paalamin sila na Kayo ay dumarating» wika ni Judas Tadeo pagkatapos na ngumiti, katulad ng lahat, tungkol sa mabilis na... pasya ng maliit na bata, na iniwan din ang kanyang pitsel para sa awa ng unang magdaraan.

Ang maliit na bayan, katulad na ito ay nakikita mula sa pontanya, na mas mataas nang kaunti, ay tila tahimik na tila ito ay iniwanan ng mga tao. Tanging ang kulay-abong usok lamang na tumataas mula sa mga tsiminea ang nagpapahiwatig na sa loob ng mga bahay ang mga babae ay abala sa paghahanda ng tanghalian, at ang malalaking tinig ng mga lalaki sa loob ng malaking tahimik na taniman ng mga olibo at ng mga taniman ng mga punungkahoy ay pinaaalam ang isa na ang mga lalaki ay nagtatrabaho. Kahit na ganito mas ginusto ni Jesus na kunin ang isang landas na umiikot sa likuran ng nayon, upang Siya ay sana makarating sa bahay ni Lazarus nang hindi nakakakuha ng atensiyon ng mga mamamayan.

Nalakad na nila ang halos kalahatian ng daan nang mapakinggan nila ang bata na binanggit kanina na pumunta sa kanila; tumatakbo nang lampas sa kanila at pagkatapos tumigil nang nag-iisip sa gitna ng landas nakatingin kay Jesus...»

«Kapayapaan sa iyo, maliit na Mark. Natatakot ka ba sa Akin na ikaw ay tumakbo?» tanong ni Jesus hinahaplos siya.

«Hindi, Panginoon, hindi ako natatakot. Bagkus dahil sa loob ng maraming mga araw sina Martha at Maria ay nagpapadala lagi ng mga katulong sa mga daan na patungo rito upang tingnan kung Kayo ay parating, nang makita ko Kayo tumakbo ako upang sabihan sila na Kayo ay dumarating...»

«Ginawa mo ang tamang bagay. Ang magkapatid ay inihahanda ang kanilang mga puso upang makita Ako.»

«Hindi, Panginoon. Ang magkapatid ay hindi naghahanda ng kahit ano, sapagkat hindi nila nalalaman.  Ayaw nilang sabihin ko sa kanila. Nahawakan nila ako nang pumasok ako sa hardin nagsasabing: «Ang Rabbi ay naririto” at pinalayas nila ako nagsasabing: “Ikaw ay isang sinungaling o isang hangal. Hindi na Siya pupunta sapagkat nalalaman na Niya sa ngayon na hindi na Niya magagawa pa ang hinala”. At sa dahilan na sinabi ko na iyon ay totoong Kayo, binigyan nila ako ng dalawang malalakas na sampal na hindi ko pa kailanman natanggap noon... Tingnan kung gaano ka-pula ang aking mga pisngi. Ito ay humahapdi! At itinulak nila akong palayo nagsasabing: “Iyan ang magpapadalisay sa iyo para sa pagtingin mo sa isang dimonyo”. At Kayo ay aking tinitingnan upang makita kung Kayo ay naging isang dimonyo. Ngunit wala akong makitang kahit anong... Kayo ay laging ang aking Jesus, kasing ganda ng isang anghel, katulad ng sinasabi sa akin ng aking ina.»

Si Jesus ay yumuyuko upang halikan ang kanyang mga pisngi, na mga sinampal, nagsasabing: «Hindi na iyan hahapdi. Nalulungkot Ako na ikaw ay kinailangan na maghirap dahil sa Akin...»

«Hindi ako nalulungkot, Panginoon, sapagkat ang dalawang sampal na iyon ay nagawa Kayong bigyan Ninyo ako ng dalawang halik» at kumakapit siya sa Kanyang mga binti umaasang makatanggap ng mas marami pang halik.

«Sabihin sa akin, Mark. Sino na ito na nagpalayas sa iyo? Ang mga nakatira sa bahay ni Lazarus?» tanong ni Tadeo.

«Hindi. Ang mga Judaean. Pumupunta sila araw-araw upang makipagluksa. Napakarami nila! Sa loob ng bahay sila namamalagi at sa hardin. Dumarating sila nang maaga at umaalis nang gabi na. Ang asal nila ay tila sila ang mga panginoon. Minamaltrato nila ang lahat. Hindi ba ninyo nakikita na walang mga tao sa mga kalsada? Sa unang mga araw ang ma tao ay nananatili upang manood... pagkatapos... Ngayon tanging mga bata na lamang ang pagala-gala upang... O! ang aking pitsel! Ang aking ina ay naghihintay para sa tubig... Bibigyan din niya ako ng palo!...»

Lahat sila ay tumatawa sa problemang makatatanggap pa siya ng karagdagang mga sampal, at si Jesus ay nagsasabi: «Bilisan kung gayon...»

«Ang katunayan ay... na gusto kong pumasok kasama Kayo at makita Kayong ginagawa ang himala...» at nagtapos siya: «...at makita ang kanilang mga mukha... upang maipaghiganti ang aking sarili para sa mga sampal...»

«Hindi, iyan ay mali. Hindi ka dapat maghangad ng paghihiganti. Kailangan na maging mabuti ka at nagpapatawad... Ngunit ang iyong ina ay naghihintay para sa tubig...»

«Ako ang lalakad, Guro. Alam ko kung saan nakatira si Mark. Sasabihin ko sa babae at pagkatapos sasamahan ko Kayo...» sabi ni Santiago ni  Zebedeo tumatakbong umaalis.

Nagpatuloy silang muli nang dahan-dahan at si Jesus ay hinahawakan ang nasisiyahan na bata sa kamay...

Sila ngayon ay nasa barandilya na ng hardin. Naglalakad sila sa tabi nito. Maraming sinasakyang hayop ang nakatali dito, binabantayan ng mga katulong ng mga may-ari. Ang kanilang mga bulung-bulungan ay nakukuha ang atensiyon ng ilan na mga Judaean na mga lumilingon patungo sa nakabukas na geyt nang si Jesus ay katatapak pa lamang sa hangganan ng hardin.

«Ang Guro!» bulalas ng unang nakakita sa Kanya, at ang salita ay palipat-lipat mula sa isang grupo patungo sa isa pa katulad ng paglagaslas ng hangin; ito ay kumakalat, katulad ng isang alon na nanggagaling sa malayo at nababasag sa baybayin hanggang sa layo ng mga pader ng bahay at pinapasok ito, tiyak na dinadala ng maraming mga Judaean na naroroon, o ng ilang mga Pariseo, mga rabbi o mga eskriba o mga Saduseo, nakakalat dito at doon.

Si Jesus ay umaabante nang dahan-dahan habang ang mga tao, bagama't nagmamadali mula sa lahat ng direksiyon, ay lumalayo mula sa daanan kung saan Siya ay naglalakad. Sa dahilan na walang sinuman ang bumabati sa Kanya, wala Siyang binabating sinuman, na tila wala Siyang nakikilala na kahit sino sa maraming mga tao na naipon doon na mga nakatingin sa Kanya nang may mga matang puno ng galit at poot, maliban sa kakaunti na, bilang mga lihim na disipulo o matutuwid na mga puso man lamang, kahit na kung hindi nila minamahal Siya bilang Mesiyas, ay ginagalang Siya bilang isang makatarungan na tao. At ang mga ito ay si Jose, si Nicodemus, si Juan, si Eleazar, ang isa pang Juan ang eskriba, na aking nakita sa pagpaparami ng mga tinapay, at isa pang Juan, ang isang nagpakain sa mga tao na mga bumaba mula sa bundok ng mga beatitude, si Gamaliel kasama ang kanyang anak, si Joshua, si Joachim, si Manaen, ang eskribang si Joel ni Abijah, nakita sa Jordan sa episodyo ni Sabea, si Jose Barnabas ang disipulo ni Gamaliel, si Chuza na tinitingnan si Jesus mula sa malayo, medyo nahihiya nakikita Siyang muli pagkatapos ng pagkakamali na nagawa niya, o baka ang takot sa kung ano ang maaaring isipin ng mga tao ang pumipigil sa kanya na lapitan Siya bilang isang kaibigan. Ito ay isang katotohanan na walang bumabati sa Kanya, mga kaibigan man o  mga nakatingin sa Kanya nang walang kapootan o mga kaaway man. At si Jesus ay walang binabati na sinuman din. Yumukod lamang Siya nang kaunti nang yumapak Siya sa daanan. Siya pagkatapos ay tuwiran na nagpapatuloy na tila Siya ay isang estranghero sa malaking pulutong sa paligid Niya. Ang maliit na bata ay naglalakad sa tabi Niya lagi, sa kanyang mga damit ng isang mahirap na maliit na magbubukid at nakayapak, ngunit na may maningning na hitsura ng isang totoong kinalulugdan ang kanyang sarili, ang kanyang buháy na madidilim na mata bukas-na-bukas upang makita ang lahat... at upang labanan ang lahat...

Si Martha ay lumalabas ng bahay kasama ang isang grupo ng mga bisitang Judaean na kasama rito ay sina Helkai at Sadoc. Sa pamamagitan ng kanyang kamay pinipindan niya sa sinag ng araw ang kanyang mga mata na mga pagod sa pag-iyak, dahil nasasaktan ang mga ito ng liwanag, upang sana makita niya kung nasaan si Jesus. Nakita niya Siya. Iniwan niya ang mga sumasabay sa kanya at tumakbo siya patungo kay Jesus Na mga ilang hakbang ang layo mula sa pontanya na nagniningning sa sinag ng araw. Itinapon niya ang kanyang sarili sa paanan ni Jesus pagkatapos na makayuko sa Kanya at hinahalikan ang mga ito, at habang bumubugso sa iyak sinabi niya: «Kapayapaan sa Inyo, Guro!»

Si Jesus din, nang siya ay malapit na sa Kanya, ay sinabi sa kanya: «Kapayapaan sa iyo!» at Kanyang itinataas ang Kanyang kamay upang pagpalain siya, pinakakawalan ang kamay ng bata, na kinuha naman ni Bartolomeo at na umatras nang kaunti.

Si Martha ay nagpapatuloy: «Ngunit wala nang kapayapaan pa para sa Inyong lingkod.» Nakaluhod pa rin tinitingnan si Jesus at nang may isang sigaw ng pagdadalamhati na maliwanag na napapakinggan sa nangingibabaw na katahimikan bumulalas siya: «Si Lazarus ay patay na! Kung Kayo lang sana ay naririto, hindi sana siya namatay. Bakit hindi Kayo nagpunta nang mas maaga, Guro?» Mayroong hindi sinasadyang tono ng paninisi sa kayang tanong. Siya pagkatapos ay bumalik sa nalulungkot na tono ng isa na wala nang lakas na manita at na ang kaninong tanging kaginhawahan na lamang ay ang sariwain ang mga huling aksiyon at mga kahilingan ng isang kamag-anak kung kanino ang isa ay nagsisikap na makapagbigay ng kung anuman ang kanyang hinihingi, at diyan kung gayon ay wala ang pangungutya ng konsiyensya, at sinabi niya: «Si Lazarus, ang aming kapatid, ay tinawag Kayo nang labis!... Ngayon, tingnan! Ako ay namimighati at si Maria ay umiiyak at hindi niya mapatahimik ang kanyang isip. At si Lazarus ay wala na rito! Nalalaman Ninyo kung gaano namin siya minamahal! Inasa namin ang lahat sa Inyo!...»

Ang isang bulung-bulungan ng awa para sa babae at ng paninisi para kay Jesus ay narinig, sinasang-ayunan ang naiintindihan na kaisipan: «... at pinagbigyan sana Ninyo ang aming kahilingan sapagkat karapat-dapat kami nito para sa pagmamahal na mayroon kami para sa Inyo, ngunit kami ay Inyong binigo» at ang bulung-bulungan ay lumilipat mula sa isang grupo patungo sa kasunod habang iniiling ng mga tao ang kanilang mga ulo o nagtatapon ng mapanuyang mga sulyap. Tanging ang iilan na lihim na mga disipulo lamang na nakahalo sa pulutong ang tumitingin nang naaawa kay Jesus, Na, maputla at malungkot, ay nakikinig sa namimighating babae na nagsasalita sa Kanya. Si Gamaliel, nakakursomano sa kanyang malapad na marangyang kapa gawa sa napaka pinong lana na adornado ng asul na mga palawit, malayo nang kaunti kagrupo ang mga bata-pang mga kalalakihan kasama rito ang kanyang anak at si Jose Barnabas, ay nakatitig kay Jesus, nang walang kapootan at walang pagmamahal.

Si Martha, pagkatapos na mapunasan ang kanyang mukha, ay nagpapatuloy: «Ngunit kahit na ngayon ako ay umaasa sapagkat alam ko na kahit na ano ang Inyong hingin sa Diyos,  ay pinagkakaloob Niya sa Inyo.» Isang nakapamimighating may kabayanihan na pagtatapat ng pananampalataya binigkas sa isang nanginginig na umiiyak na tinig, na ang kanyang mga mata puno ng pananabik at ang kanyang puso pumipintig sa huling pag-asa.

«Ang iyong kapatid ay babangon muli. Tumayo ka, Martha.»

Si Martha ay tumayo, yumuyukod dala ng paggalang sa harapan ni Jesus kung Kanino siya ay tumutugon: «Alam ko, Guro. Siya ay babangon muli sa resureksiyon sa huling araw.»

«Ako ang Resureksiyon at ang Búhay. Sinuman ang naniniwala sa Akin, kahit na kung siya ay mamatay, ay mabubuhay. At sinuman ang naniniwala at nabubuhay sa Akin ay hindi kailanman mamamatay. Pinaniniwalaan mo ba ang lahat na iyan?» Si Jesus, Na nagsalita kanina sa kung baga isang mababang tinig, kinakausap si Martha lamang, ay itinataas ang Kanyang tinig nang sinasabi ang mga pangungusap na ito kung saan Kanyang pinapahayag ang Kanyang kapangyarihan ng Diyos, at ang perpektong tunog nito ay umaalingawngaw katulad ng isang ginintuang tunog ng trumpeta sa napakalaking hardin. Ang mga tao ay nanginginig nang may damdamin na nakakatulad ang takot. Pagkatapos ang ilan ay nanunuya iniiling ang kanilang mga ulo.

Si Martha, kung kanino si Jesus ay tila gustong maglagay ng isang mas malakas at mas malakas pang pag-asa sa paghawak sa balikat niya, ay itinaas ang kanyang nakatungong ulo. Itinitingala niya ito kay Jesus tumititig sa pamamagitan ng kanyang malulungkot na mata sa maniningning na mga mata ni Jesus at idinidiin ang kanyang mga kamay sa kanyang dibdib nang may ibang pananabik siya ay tumugon: «Oo, naniniwala ako, aking Panginoon. Pinaniniwalaan ko ang lahat na iyan. Naniniwala ako na Kayo ang Kristo, ang Anak ng Buháy ng Diyos, na Kayo ay naparito sa mundo at na magagawa Ninyo ang lahat na gusto Ninyo. Naniniwala ako. Sasabihan ko na ngayon si Maria» at siya ay nawalang mabilis nagpapatungo sa loob ng bahay.

Si Jesus ay nananatili kung saan Siya naroroon. Ibig sabihin, humakbang Siya nang ilan nang paabante at nilalapitan ang latag ng mga tanim na bulaklak na nakapaligid sa lunas ng pontanya. Ang latag ng mga tanim na bulaklak ay sa isang tabi may mga diyamanteng wisik ng pinung-pinong mga patak ng tubig ng tilandoy ng pontanya, nadala sa tabing iyon ng isang magaan na ihip ng hangin, katulad ng platang mga balahibo, at si Jesus ay tila nawawala sa pagninilay-nilay sa mga isdang kumikisay-kisay sa malinaw na tubig at naglalaro napoporma ang platang mga koma at ang ginintuang mga repleksiyon sa mala-kristal na tubig na nagniningning sa sinag ng araw.

Ang mga Judaean ay pinanonood Siya. Sila ay nagkahati-hati nang di-kinukusa sa maliwanag na di-magkakatulad na mga grupo. Sa isang tabi, sa harapan ni Jesus, ang lahat na palaban sa Kanya, kadalasan napapawalay sa isa’t isa sa pamamagitan ng saktaryong espiritu, ngunit ngayon nagkakasama sa pagsalungat kay Jesus. Sa tabi Niya, sa likuran ng mga apostol na sinamahan na ni Santiago ni Zebedeo, ay naroon si Jose, si Nicodemus at ang iba pa na mabait sa Kanya. Sa mas malayo pa ay si Gamaliel, na nasa dati pa rin na puwesto at sáloobin, at nag-iisa, sapagkat ang kanyang anak at mga disipulo ay humiwalay na sa kanya at sinamahan ang dalawang pinaka grupo upang mapalapit kay Jesus.

Na may pangkaraniwan niyang sigaw na: «Rabboni!» si Maria ay tumatakbong palabas ng bahay na ang kanyang mga kamay nakaunat patungo kay Jesus at itinapon ang kanyang sarili sa paanan Niya, na kanyang hinahalikan nang lubos nang humihikbi. Ang ilang mga Judaean na nasa loob ng bahay kanina kasama niya at na mga sumunod sa kanya, ay umiiyak kasama niya nang may kaduda-dudang sinseridad. Si Maximinus din, si Marcella, si Sarah, si Naomi ay sumunod kay Maria, pati na rin ang lahat na mga katulong at ang kanilang mga panaghoy ay malalakas at matitilì. Sa palagay ko wala nang naiwan pa sa loob ng bahay. Nang makita ni Martha si Maria na umiiyak nang gayon, siya ay umiyak din nang husto.

«Kapayapaan sa iyo, Maria. Tumayo ka! Tingnan mo Ako! Bakit umiyak nang ganyan, katulad ng isa na wala nang pag-asa?» Si Jesus ay yumuyuko upang sabihin ang mga salitang ito sa isang mababang tinig, ang Kanyang mga mata nakatitig sa mga mata ni Maria, na nakaluhod, nagpapahingalay sa kanyang mga buol, inuunat nang nangungusap ang kanyang mga kamay patungo sa Kanya at hindi magawang makapagsalita, napakalalim ang kanyang paghikbi: «Hindi Ko ba sinabi sa iyo na umasa nang mahigit pa sa kung ano ang kapani-paniwala upang makita ang kaluwalhatian ng Diyos? Ang iyo kayang Guro ay nagbago, na ikaw ay malungkot na malungkot?»

Ngunit si Maria ay hindi nakikinig sa mga salita na ang tangka ay ang maihanda siya para sa isang napakalaking lugod pagkatapos ng labis na pagdadalamhati, at bilang makapagsasalita sa wakas, siya ay sumigaw: «O! Panginoon! Bakit hindi Kayo dumating nang mas maaga? Bakit Kayo umalis sa amin? Nalalaman Ninyo na siya ay may sakit! Kung Kayo lamang ay naririto ang aking kapatid ay hindi sana namatay. Bakit hindi Kayo dumating? Kailangan ko pang patunayan sa kanya na minamahal ko siya. Nabuhay sana siya. Kinailangan kong ipakita sa kanya na nagpursige ako sa katapatan. Nasugatan ko nang labis ang aking kapatid! At ngayon! At ngayon na magagawa ko sana siyang masaya, siya ay kinuha na mula sa akin! Iniwan sana Ninyo siya sa akin. Nabigyan sana Ninyo ang kaawa-awang Maria ng lugod na mapaginhawahan siya pagkatapos na napamighati siya nang labis. O! Jesus! Jesus! Aking Guro! Aking Tagapagligtas! Aking pag-asa!» at siya ay hinimatay uli, ang kanyang noo nasa mga paa ni Jesus, na nahugasan na muli ng kanyang mga luha, at siya ay umuungol: «Bakit Ninyo ginawa iyon, Panginoon?! At gawa din ng mga napopoot sa Inyo at na ngayon ay nagbubunyi sa kung ano ang nangyari... Bakit Ninyo ginawa iyon, Jesus?!» Ngunit walang paninisi sa tono ni Maria katulad na mayroon doon sa kay Martha, naroon lamang ang dalamhati ng isang babae, na nalulungkot hindi lamang bilang isang kapatid bagkus bilang isang disipulo din na ang pakiramdam ang opinyon ng kanyang Guro ay lumiit sa mga puso ng maraming mga tao.

Si Jesus, Na yumuko nang napakababa upang pakinggan ang mga salitang iyon na binubulong na ang kanyang mukha malapit sa lupa, ay tumayo at nagsalita sa isang malakas na tinig: «Maria, huwag umiyak! Ang iyong Guro din ay naghihirap para sa kamatayan ng Kanyang matapat na kaibigan... para sa pangangailangan na pabayaan siyang mamatay...»

O!  Gaanong mapanuya at nagniningning sa kapoot-poot na lugod ang mga mukha ng mga kaaway ng Kristo! Ang pakiramdam nila Siya ay natalo na at sila ay nagbubunyi, habang ang Kanyang mga kaibigan ay nalulungkot nang nalulungkot.

Si Jesus ay nagsalita sa mas lalo pang malakas na tinig: «Ngunit sinasabi Ko sa iyo: huwag umiyak. Tamayo ka! Tingnan mo Ako! Sa palagay mo ba na Ako, Na nagmamahal sa iyo nang labis, ay ginawa ito nang walang rason? Makapaniniwala ka ba na pinamighati kita nang gayon nang walang katuturan? Halika. Pumunta tayo kay Lazarus. Saan ninyo siya nilagay?»

Ang tanong ni Jesus, sa halip na kay Maria at Martha, na hindi makapagsalita dahil sila ay umiiyak nang mas malakas pa, ay nakatuon sa lahat ng iba pa at lalo na sa mga lumabas ng bahay kasama ni Maria at nagmumukhang mas balisa. Baka sila ay mas nakatatandang mga kamag-anak, hindi ko alam.

At sila ay tumugon kay Jesus, Na maliwanag na namimighati: «Halikayo at tingnan.» at sila ay lumakad patungo sa lugar ng sepulkro, na nasa katapusan ng taniman na mga punungkahoy, kung saan ang lupa ay paalun-alon at ang mga ugat ng batong kalkaryo ay lumalabas sa ibabaw.

Si Martha, sa tabi ni Jesus Na  nagpilit kay Maria na tumayo at ngayon gumagabay sa kanya, dahil siya ay nabubulagan ng kanyang labis na mga luha, ay itinuturo kay Jesus kung nasaan si Lazarus, at nang sila ay malapit na sa lugar sinabi rin niya: «Diyan, Guro, inilibing ang Inyong kaibigan» at tinuturo niya ang bato na inilagay sa pamasukan ng sepulkro.

Si Jesus, sinusundan ng lahat, ay kinailangan na dumaan sa harapan ni Gamaliel, upang makapunta roon. Ngunit ni Siya o si Gamaliel ay hindi bumabati sa isa’t isa. Si Gamaliel pagkatapos ay sumama sa iba pa tumitigil kasama ang lahat na mas mahihigpit na mga Pariseo mga ilang metro ang layo mula sa sepulkro, habang si Jesus ay nagpapatuloy, napakalapit dito, kasama ang dalawang magkapatid na babae, si Maximinus at ang mga na baka mga kamag-anak. Si Jesus ay tinitingnan ang mabigat na bato na inilagay bilang pinto sa bunganga ng sepulkro, isang mabigat na harang sa pagitan Niya at ng Kanyang mahal na kaibigan, at Siya ay umiiyak. Ang pananaghoy ng magkapatid na babae ay lumalakas, pati na rin ang pananaghoy ng malalapit na mga kaibigan at mga kamag-anak.

«Alisin ang bato» sigaw ni Jesus nang bigla na lamang, pagkatapos na pinunas ang Kanyang mga luha.

Ang lahat ay nagtaka at ang isang bulung-bulungan ay lumaganap sa pulutong na naging mas malaki dahil ang ilang mga mamamayan ng Bethany ay nakapasok sa hardin at sumunod sa mga bisita. Nakikita ko ang ilang mga Pariseo na hinihipo ang kanilang mga noo at iniiling ang kanilang mga ulo na ang ibig sabihin: «Siya ay baliw!» Walang nagsasagawa ng utos. Kahit na ang pinakamatatapat ay nag-aalinlangan at nakararamdam ng pagkamuhi na gawin ito.

Si Jesus ay inulit ang Kanyang utos sa isang mas malakas na tinig pinagtataka nang mas lalo pa ang mga tao, na nauudyukan ng magkasalungat na mga damdamin ay napakilos sa una na tila ibig nilang tumakbo, ngunit kaagad pagkaraan ginusto nilang makalapit pa, upang makakita, nilalabanan ang baho ng sepulkro na gusto ni Jesus na mabuksan.

«Guro, hindi ito posible» sabi ni Martha nagsisikap na mapigilan ang kanyang mga luha upang makapagsalita. «Siya ay apat na araw nang naririyan. At nalalaman Ninyo kung anong sakit ang kanyang ikinamatay! Tanging ang amin lamang na pagmamahal ang nagawa itong posible na siya’y aming alagaan... Sa ngayon siya ay tiyak na nangangamoy na sa kabila ng mga pamahid na may pabango... Ano ang gusto Ninyong makita? Ang Kanyang kabulukan?... Hindi ito posible... dahil din sa di-kalinisan ng pagkabulok at...»

«Hindi ba’t sinabi Ko sa iyo na kung maniniwala ka makikita mo ang kaluwalhatian ng Diyos? Alisin ang batong iyan. Gusto Ko iyan!» Iyon ay isang sigaw ng dibinong kalooban...

Isang pigíl na «o!» ang binigkas ng bawat bunganga. Ang mga mukha ay namutla. Ang ilan na mga tao ay napanginíg na tila ang isang mala-yelong hangin ng kamatayan ay bumuga sa lahat.

Si Martha ay tumatango kay Maximinus na nag-utos naman sa mga katulong na kumuha ng kinakailangan na mga kagamitan upang alisin ang mabigat na bato.

Ang mga katulong ay tumakbong papalayo at bumalik na may dalang mga piko at matitibay na panikwat. At nagtatrabaho sila isinisingit ang mga dulo ng kumikinang na mga piko sa pagitan ng matigas na lupa at ng bato ng sepulkro, at pagkatapos pinapalitan ang mga piko ng matitibay na panikwat at sa wakas binubuhat nang maingat ang bato, ginagawa itong dumulas patungo sa isang tabi at hinihila itong maingat sa tabi ng mabatong pader. Ang isang may hawang amoy ay lumabas mula sa madilim na butas ginagawa ang bawat isa na umalis.

lazarus 2

Si Martha ay nagtatanong sa isang mababang tinig: «Guro, gusto ba Ninyong bumababa sa ibaba roon? Kung gusto Ninyo, ang mga sulô ay kakailanganin...» Ngunit siya ay namumutla sa kaisipan ng pangangailangan na bumaba roon.

Si Jesus ay hindi tumugon sa kanya. Itinataas Niya ang Kanyang mga mata sa kalangitan, iniuunat Niya ang Kanyang mga kamay nang pa-krus at nananalangin sa isang napakalakas na tinig dinidiinan ang bawat pantig ng mga salita: «Ama! Nagpapasalamat Ako sa Inyong pakikinig sa Akin. Nalalaman Ko na lagi Ninyo Akong pinakikinggan. Ngunit sinabi Ko iyon para sa mga tao na naririto, para sa sambayanan na nakapaligid sa Akin, na sana sila ay maniwala sa Inyo, sa Akin, at na Ako ay Inyong pinadala!»

Siya ay nananatiling ganoon sa loob ng isang sandali at Siya ay naging labis na nagbago ang anyo na Siya ay tila nasa katalikan ng pakikipag-ugnayan sa Ama, habang na walang ginagawa na kahit anong tunog Siya ay nagsasalita ng mas lihim na mga salita ng panalangin o adorasyon. Hindi ko alam. Ang alam ko Siya ay labis na naging mas higit pa sa tao na hindi posible na tingnan Siya nang hindi mararamdaman ang puso ng isa na manginig. Ang Kanyang katawan ay tila nagiging liwanag, naging espirituwal, tila Siya ay tumatangkad at tumataas din mula sa lupa. Bagama't ang kulay ng Kanyang buhok, mga mata, kutis, mga damit ay hindi nagbabago – sa kabaligtaran sa kung ano ang nangyari sa loob ng transpigurasyon sa bundok ng Tabor kung kailan ang lahat ay naging liwanag at nakasisilaw na kaningningan – Siya ay tila nagkakalat ng liwanag at na ang Kanyang buong katawan ay nagiging liwanag. Ang liwanag ay tila gumagawa ng isang sinag na bilóg sa paligid Niya, lalo na sa paligid ng Kanyang mukha na nakatingala sa kalangitan, tiyak na nasa katalikan ng pagninilay-nilay sa Kanyang Ama.

Siya ay nananatili nang gayon nang matagal-tagal, pagkatapos Siya ay naging ang Kanyang Sarili, ang Tao, ngunit makapangyarihan na mahestuwoso. Siya ay lumalapit hanggang sa layo ng pamasukan ng sepulkro. Inilagay Niya ang Kanyang mga kamay nang paharap – dati ito ay nakapa-krus, ang mga palad nasa ibabaw -  ngayon ang mga palad padapâ, upang ang Kanyang mga kamay ay nasa loob na ng butas ng sepulkro at ang kaputian ng mga kamay ay kitang-kita sa kadiliman ng butas. Ang Kanyang asul na mga mata ay nagbabaga at ang kislap nito nagbabadya ng isang himala ay ngayon hindi na matatagalan, sa tahimik na kadiliman, at sa isang makapangyarihan na tinig at may sigaw na mas malakas pa sa isang Kanyang ginawa sa lawa nang Kanyang inutusan ang hangin na humupa, sa isang tinig na hindi ko pa kailanman narinig sa kahit isa sa ibang himala, Siya ay sumigaw: «Lazarus! Lumabas ka!» Ang Kanyang tinig ay umalingawngaw sa yungib ng sepulkro at lumalabas dito, ito ay kumakalat sa buong hardin, ito ay inuulit ng mga pag-alun-alon ng lupa ng Bethany. Sa palagay ko ito ay umaabot hanggang sa layo ng unang mga burol sa kabila ng mga bukid at pagkatapos bumabalik, inuulit at pigíl, katulad ng isang utos na hindi maaaring pumaltos. Ito ay tiyak na mula sa di-mabilang na mga direksiyon maririnig muli ng isa: «labas! Labas! Labas!»

Ang lahat ay nakikilig sa emosyon at kung ang pag-usyoso ay napapako ang bawat isa sa kanyang lugar, ang mga mukha ay namumutla at ang mga mata napapadilat habang ang mga bunganga sumasarang di-kinukusa na ang sigaw ng pagtataka ay nasa kanila nang mga labì.

Si Martha, nasa likuran nang kaunti at nasa isang tabi, ay nila nagagayuma nakatingin kay Jesus. Si Maria, na hindi kailanman lumayo sa Guro, ay napaluhod sa pamasukan ng sepulkro, ang isang kamay nasa kanyang dibdib upang pakiramdaman ang kanyang tumitibok na puso, ang isa pang kamay nakahawak sa gilid ng manta ni Jesus nang hindi niya nalalaman at nang may panginginig, at makikita ng isa na siya ay nanginginig sapagkat ang manta ay nauuga nang kaunti ng kamay na nakahawak dito.

Ang isang bagay na maputi ay tila lumalabas mula sa malalim na dulo ng sepulkro. Sa una ito ay isa lamang maikling baluktot na guhit, pagkatapos ito ay naging hugis obalo pagkatapos mas malapad at mas mahabang mga guhit ang lumilitaw. At ang patay na katawan, nakabalot sa mga bendahe nito, ay lumalapit nang dahan-dahan, nagiging mas kitang-kita, mas mahiwaga at mas kakila-kilabot. lazarus 1

Si Jesus ay umaatras, nang halos hindi mahalata, ngunit patuloy, habang ang iba pang mga tao na nasa harapan Niya ay umaabante sa Kanya.  Sa gayon ang distansiya sa pagitan ng dalawa ay laging pareho.

Si Maria ay napilitan na bitiwan ang gilid ng manta, ngunit hindi siya umaalis sa kanyang kinatatayuan. Ang lugod, ang emosyon, ang lahat, ay pinapako siya sa lugar kung nasaan siya ngayon.

Ang isang «o!» ay mas lalu’t lalo pang malinaw na binibigkas ng mga labì na dati ay naisara ng pananabik ng pagkabitin: mula sa isang bulong na halos hindi maiintindihan ito ay naging isang tinig, mula sa isang tinig ito ay naging isang malakas na sigaw.

Si Lazarus ay ngayon nasa pamasukan na ng sepulkro at siya ay nananatili roon nang tuwid at tahimik, katulad ng isang plaster na estatuwa magaspang lamang ang pagkatapyas, kung gayon walang-hugis, isang mahabang bagay, manipis sa ulo at mga paa, mas makapal sa pinaka katawan, kasing nakapanghihilakbot katulad ng kamatayan mismo, parang multo sa maputing mga bendahe sa madilim na kaligiran ng sepulkro. Habang ang araw ay sumisinag sa kanya, ang bulok na materyal ay makikitang pumapatak dito at doon mula sa mga bendahe.

Si Jesus ay sumigaw sa malakas na tinig: «Alisan siya ng mga bendahe at pakawalan siya. Bigyan siya ng mga damit at pagkain.»

«Guro!...» sabi ni Martha, at baka gusto pa niyang magsalita pa, ngunit tinitigan siya ni Jesus pinipigilan siya ng Kanyang maningning na mga mata at sinabi Niya: «Dito! Kaagad! Magdala ng isang damit. Bihisan siya sa harapan ng lahat na mga tao at bigyan siya ng makakain.» Siya ay nag-uutos at hindi kailanman lumilingon upang tingnan ang mga nasa likuran at nasa paligid Niya. Tinitingnan lamang Niya si Lazarus, si Maria na malapit sa kanyang binuhay na muli na kapatid, hindi pinapansin ang pagkasuklam na nagagawa sa lahat ng bulok na mga bendahe, at si Martha na naghihingalo na tila nararamdaman niya ang kanyang puso na nadudurog at hindi malaman kung siya ay sisigaw sa tuwa o iiyak...

Ang mga katulong ay nagmamadali upang isagawa ang mga tagubilin. Si Naomi ang una na tumakbo at bumalik na may dalang mga damit na nakalupi sa kanyang braso. Ang ilan ay inaalis ang mga bendahe pagkatapos na malilis nila ang mga manggas ng kanilang mga damit upang hindi mapadikit ang mga ito sa tumutulong bulok na materyal. Si Marcella at si Sarah ay bumalik na may mga amphora ng pabango sinusundan ng mga katulong na may mga dalang palanggana at mga banga ng tubig umuusok sa init o mga trey na may mga kopa ng gatas, alak, prutas, mga keyk gawa sa pulot.

Ang napakahabang makitid na mga bendahe, na sa palagay ko ay linen, na may tahi sa tigkabilang gilid, halatang hinabi para sa paggamit na iyon, ay naaalis katulad ng mga rolyo ng tape mula sa isang karete at bumabagsak sa lupa, mabigat gawa ng mga sangkap at nana. Ang mga katulong ay itinatabi ito sa isang tabi sa pamamagitan ng mga maninipis na kahoy. Nagsimula sila sa ulo, ngunit kahit doon ay may materyal na tiyak na tumulo mula sa ilong, sa mga tainga at bunganga. Ang sudarium na inilagay sa mukha ay tigmak sa bulok na materyal at ang mukha ni Lazarus, na napakaputlà at nangayayat, na ang kanyang mga mata sarado gawa ng pomada na inilagay sa mga uka ng mata, na ang kanyang buhok at manipis na maikling balbas magkakadikit, ay narumihan nito. Ang tela na pinaikot sa kanyang katawan ay bumabagsak nang unti-unti habang ang mga bendahe ay naaalis, napalalaya ang pinaka katawan na kanilang binalot nang ilang mga araw, naibabalik ang hitsura ng isang pigura ng tao mula sa dating hitsura nito na katulad ng isang malaking higad. Ang mabutong mga balikat, ang nangayayat na mga braso, ang mga tadyang na halos natatakpan lamang ng balat, ang lumubog na tiyan ay nagsisimula nang lumitaw nang unti-unti. At habang bumabagsak ang mga bendahe, ang magkapatid, si Maximinus, ang mga katulong ay inaabala ang mga sarili sa pag-alis sa unang sapin ng dumi at balsamo at pinipilit nilang walang-tigil na palitan ang tubig na ginagawang sabon sa pamamagitan ng mga pampabango, hanggang ang balat ay lumabas na malinis.

Nang inalisan nila ng takip ang mukha ni Lazarus at siya ay maaari nang tumingin, itinuon niya ang kanyang titig kay Jesus bago niya tingnan ang kanyang mga kapatid, at tila siya wala sa sarili at hindi binibigyan ng pansin kung ano ang nangyayari habang tinitingnan niya si Jesus nang may nagmamahal na ngiti sa kanyang mga labì at may mga luhang nagniningning sa kayang malalalim na mata. Si Jesus din ay ngumingiti sa kanya, ang Kanyang mga mata nagniningning sa mga luha, at nang hindi nagsasalita ginagawa Niya na titigan ni Lazarus ang kalangitan; si Lazarus ay nakaintindi at iginalaw niya ang kanyang mga labì sa tahimik na pagdarasal.

Si Martha ay akala na si Lazarus ay may ibig sabihin ngunit wala pang tinig at siya ay nagtanong: «Ano ang iyong sinasabi sa akin, aking Lazarus?»

«Wala, Martha. Pinasasalamatan ko ang Kataastaasan.» Ang kanyang pagbigkas ay matatag, ang kanyang tinig malakas.

Ang mga pulutong ay napabigkas ng isang «o!» sa pagkamangha muli.

Siya ngayon ay napalaya na at nalinisan na sa kanyang mga panabi. At mailalagay na nila ang kanyang maikling tunika, isang klase ng maikling kamiseta na umaabot sa mas mababa lang sa kanyang mga singit sa kanyang mga hita.

Ginawa nila na siya’y maupo upang alisin ang mga bendahe sa kanyang mga paa at mahugasan ang mga ito. Nang kaagad lumitaw ang mga paa si Martha at si Maria ay napasigaw nang malakas tinuturo ang mga paa at ang mga bendahe. At habang ang mga bendahe na galing sa mga paa at ang pinambalot na tela sa katawan sa ilalim ng mga bendahe ay puno ng bulok na materyal na ito ay halos umaagos pababa, ang mga paa ay ganap na magaling na. Tanging ang mapulang parang pasà na mga peklat na lamang ang nagpapakita sa mga bahaging naapektuhan dati ng gangrena.

Ang lahat na mga tao ay isinigaw nang mas malakas ang kanilang pagkamangha; si Jesus ay ngumingiti at si Lazarus ay ngumingiti rin, tinitingnan nang isang sandali ang kanyang magaling nang mga paa, pagkatapos siya ay naging buhos ulit sa pagtingin kay Jesus. Tila hindi niya mabigyan ng sapat na kasiyahan ang kanyang mithiin na tingnan Siya. Ang mga Judaean, mga Pariseo, mga Saduseo, mga eskriba, mga rabbi ay lumalapit nang maingat upang hindi mahawahan ang kanilang mga damit. Iniiksamin nila nang maigi si Lazarus. Iniiksamin nila si Jesus nang maigi. Ngunit ni si Lazarus o si Jesus ay hindi sila iniintindi. Nagtitinginan silang dalawa at ang lahat na iba pa ay walang kahit anong ibig sabihin sa kanila.

Naglalagay na sila ngayon ng mga sandalyas sa mga paa ni Lazarus at siya ay tumayo, maliksi at matatag. Kinukuha niya ang tunika na binibigay sa kanya ni Martha, isinuot niya ito nang mag-isa, hinibilya niya ang kanyang sinturon at itinatama ang lupi ng kanyang damit. At ayón siya, payat at maputla, ngunit katulad ng sino pa man. Hinuhugasan pa niyang muli ang kanyang mga kamay at braso hanggang sa layo ng kanyang mga siko, pagkatapos na malilis ang kanyang  mga manggas. At sa pamamagitan ng malinis na tubig hinuhugasan niya ulit ang kanyang mukha at ulo, hanggang na sa kanyang pakiramdam siya ay ganap nang malinis. Pinatutuyo niya ang kanyang mga buhok at mukha, binabalik niya ang tuwalya sa katulong at nagpatungong tuwiran kay Jesus. Pinagpatirapa ang kanyang sarili. Hinahalikan niya ang Kanyang mga paa

Si Jesus ay yumuko, itinataas siya, dinidiin siya sa Kanyang puso nagsasabing: «Maligayang pagbabalik, Aking mahal na kaibigan. Harinawang ang kapayapaan at lugod ay mapasaiyo. Mabuhay upang gawin ang iyong masayang kapalaran. Itaas mo ang iyong mukha na sana mabati kita sa pamamagitan ng isang halik.» At hinahalikan Niya ang mga pisngi ni Lazarus at hinahalikan Siya niya.

Tanging pagkatapos lamang na masamba at mahalikan ang Guro, nagsalita si Lazarus sa kanyang mga kapatid at hinalikan sila; pagkatapos hinalikan niya si Maximinus at si Naomi, na umiiyak sa tuwa, at ang ilan sa mga na sa akala ko ay mga kamag-anak ng pamilya o mga malapít-na-malapít na mga kaibigan, Pagkatapos kanyang hinalikan si Jose, Nicodemus, Simon Zealot at ilan pang iba.

Si Jesus ay personal na pinuntahan ang isang katulong na may dalang isang trey kung saan may ilang pagkain at kumuha Siya ng isang pulót na keyk, isang mansanas, isang kopita ng alak, at binigay Niya ito kay Lazarus, pagkatapos na maialay at mapagpala ang mga ito,  upang sana mapalakas niya ang kanyang sarili. At si Lazarus ay kumakain na may malusog na gana ng isang tao na walang-sakit. Isang karagdagan pang «O!» ng pagkamangha ang nabigkas ng pulutong.

Si Jesus ay tila walang ibang nakikita bagkus si Lazarus, ngunit sa katunayan inoobserbahan Niya ang lahat na bagay at ang lahat na mga tao at nang makita Niya na sa kung anong pagkagalit na mga pagkilos ang pinakikita nina Sadoc, Helkai, Hananiah, Felix, Doras at Cornelius at ng iba pa na mga aalis na sana, sinabi Niya sa isang malakas na tinig: «Sandali lamang, Sadoc. Gusto Kong magsalita ng isang bagay sa iyo, sa iyo at sa iyong mga kaibigan.»

Sila ay tumigil na may masasamang tingin ng mga kriminal.

Si Jose ng Arimathea ay kumikilos na tila siya ay natatakot at kinawayan ang Zealot na pigilan si Jesus. Ngunit Siya ay patungo na sa mahinanakitin na grupo at nagsasalita na nang malakas: «Sadoc, ang nakita mo ba ay sapat na sa iyo? Isang araw sinabi mo sa Akin na upang makapaniwala, ikaw at ang mga kapareho mo ay kailangan na makakita ng isang naagnas na patay na katawan na mabuo muli at nasa malusog na kalagayan. Ikaw ba ay kontento sa kabulukan na nakita mo? Matatanggap mo ba na si Lazarus ay patay at na ngayon siya ay buháy at malusog, katulad na hindi pa siya naging malusog sa loob ng maraming mga taon? Alam Ko. Pumunta ka rito upang sulsulan ang mga taong ito, palakihin ang kanilang pagdadalamhati at ang kanilang pagdududa, Pumunta ka rito naghahanap para sa Akin, umaasa na makita mo Akong nagtatago sa loob ng silid ng namamatay na tao. Hindi ka pumunta rito na may mga damdamin ng pagmamahal at ng mithiin na parangalan ang namatay, bagkus upang tiyakin na si Lazarus ay talagang patay na, at ikaw ay nagpapatuloy na pumarito nagbubunyi nang mas lalo pa habang dumaraan ang araw. Kung ang sitwasyon ay lumabas ayon sa iyong inaasahan, katulad na iyong pinaniniwalaan na ito ay lalabas nang gayon, naging tama ka sana sa pagbubunyi. Ang Kaibigan Na pinagagaling ang lahat, ngunit hindi pinagagaling ang Kanyang kaibigan. Ang Guro na ginagantimpalaan ang pananampalataya ng lahat, ngunit hindi ang pananampalataya ng Kanyang mga kaibigan sa Bethany. Ang Mesiyas na walang kapangyarihan laban sa reyalidad ng kamatayan. Iyan ang nagpapasaya sa iyo. Pagkatapos ang Diyos ay binigyan ka ng Kanyang tugon. Wala pang propeta ang kailanman nakapagbuo ng kung ano ang naagnas na, bilang karagdagan sa pagiging patay. Ang Diyos ay ginawa ito. Iyan ang buháy na saksi tungkol sa kung ano Ako. Isang araw ang Diyos ang kumuha ng ilang alikabok at ginawa ito na isang porma at hiningahan Niya ito ng napakahalagang espiritu at ang tao ay nalikha. Ako ay naroroon upang sabihin: “Maging malikha ang tao sa ating sariling larawan at pagkakatulad”,  Sapagkat Ako ang Salita ng Ama. Ngayong araw, Ako, ang Salita, ay nagsabi sa isa kung ano ang mas mababa pa kaysa sa alikabok, sinabi Ko sa kabulukan: “Mabuhay”, at ang pagkabulok ay nabuo sa pagiging laman, sa pagiging malusog, buháy, humihingang laman. Ayón ito nakatingin sa iyo. At sa laman isinama Ko ang espiritu na matagal nang mga araw na nakahimlay sa sinapupunan ni Abraham. Tinawag Ko siya sa pamamagitan ng Aking kalooban. Sapagkat nagagawa Ko ang lahat, dahil Ako ay ang Buháy na Naririto, ang Hari ng mga hari kung Kanino ang lahat na mga nilikha at mga bagay ay nagpapailalim. Ano na ang iyon itutugon sa Akin ngayon?»

Siya ay nasa harapan nilang lahat, matangkad, lumalagablab sa mahestad, tunay na Hukom at Diyos. Hindi sila tumutugon.

Siya ay namimilit: «Hindi pa ba sapat sa iyo ang maniwala, ang tanggapin kung ano ang di-maiiwasan?»

«Nagawa Ninyo ang bagkus isang bahagi ng Inyong pangako. Hindi iyan ang tanda ni Jonah...» sabi ni Sadoc.

«Makikita mo rin ang isang iyon. Pinapangako Ko ito at gagawin Ko ang Aking pangako» sabi ng Panginoon. «At ang isa pang tao, na naririto, at naghihintay para sa isa pang tanda, ay makikita rin ito. At sa dahilan na siya ay isang makatarungan na tao, tatanggapin niya ito. Ikaw ay hindi. Mananatili kang kung ano ikaw.»

Siya ay tumalikod at nakita si Simon, ang miyembro ng Sanhedrin, ang anak ni Elianna. Tinititigan Niya siya. Iniiwan Niya ang dating grupo at nang Siya ay kaharap na siya, sinabi Niya sa isang mababa ngunit nakakahiwang tinig: «Masuwerte ka na si Lazarus ay hindi naaalaala ang kanyang pananatiling kasama ang mga patay! Ano ang ginawa mo sa iyong ama, o Cain?»

Si Simon ay lumayas na sumisigaw sa takot na kanyang binabago na maging isang hagulhol ng maldisyon: «Maisumpa ka sana, Nazareno!» kung saan si Jesus ay tumugon: «Ang iyong sumpa ay tumataas sa Langit at mula sa Langit ang Kataastaasan ay itinatapon itong pabalik sa iyo. Ikaw ay markado ng tanda, kaawa-awang sawing-palad!»

Bumalik Siya sa mga grupong namamangha, halos natatakot. Nakasalubong Niya si Gamaliel na patungo sa daan. Tinitingnan Niya si Gamaliel, na tumitingin sa Kanya. Sinabi ni Jesus sa kanya nang hindi tumitigil: «Maging handa, rabbi. Ang tanda ay malapit nang lumabas. Hindi Ako kailanman nagsisinungaling.»

Ang hardin ay unti-unting nawawalan ng mga tao. Ang mga Hudyo ay natutulala, ngunit ang karamihan sa kanila ay umaapaw sa galit. Kung ang mga sulyap ay magagawang abo ang isang tao, si Jesus ay sana matagal nang naging pulbos. Sila ay nagsasalita at nagdidiskusyon habang umaalis, at sila ay balisang-balisa ng kanilang pagkatalo na hindi na nila maitago ang pakay ng kanilang presensya roon sa ilalim ng pagpapakunwaring hitsura ng pakikipagkaibigan. Sila ay lumayas nang hindi nagpapaalam kay Lazarus o sa magkapatid na babae.

Ang ilan ay nananatili dahil napanagumpayan sila sa Panginoon sa pamamagitan ng himala. Kabilang rito ay si Jose Barnabas, na itinapon ang sarili upang lumuhod sa harapan ni Jesus sinasamba Siya. Ang isa pa ay si Joel ni Abijah, ang eskriba, na ginawa rin ang gayon bago umalis. At mayroon pa ring mga iba, na hindi ko nakikilala, ngunit sila ay maaaring maimpluwensiyang mga tao.

Sa pansamantala si Lazarus, pinalilibutan ng mas malalapít na mga tao sa kanya, ay umalis patungo sa bahay. Sina Jose, Nicodemus at iba pang mabubuting tao ay binati si Jesus at pagkatapos umalis. Ang mga Judaean na mga dating nananatiling kasama sina Martha at Maria ay umaalis nagbibigay ng mga pagyuko. Ang mga katulong ay isinasara ang geyt. Ang bahay ay naging mapayapa muli.

Si Jesus ay tumitingin sa paligid Niya. Nakakakita Siya ng usok at mga apoy sa dulo ng hardin, pagawi sa sepulkro. Nag-iisa, nakatayo sa gitna ng isang landas sinabi ni Jesus: «Kabulukan na sinisira ng apoy... Ang kabulukan ng kamatayan... Ngunit walang apoy kailanman ang makakasira sa kurupsiyon ng mga puso... ng mga pusong iyon... Ni hindi ang apoy ng Impiyerno. Ito ay tatagal magpakailanpaman... Gaanong nakakapangilabot!... Mas malala pa kaysa kamatayan... Mas malala pa kaysa pagkabulok... At... Ngunit sino ang magliligtas sa iyo, o Sangkatauhan, kung minamahal mong labis ang maging marumi? Gusto mong maging marumi. At Ako... Naagaw Ko ang isang tao mula sa kanyang sepulkro sa pamamagitan ng isang salita... At sa pamamagitan ng multitud na mga salita... at isang multitud ng mga kapighatian hindi Ko maaagaw mula sa kasalanan ang tao, ang mga tao, milyun-milyon na mga tao.» Siya ay naupo at sa pamamagitan ng Kanyang mga kamay tinatakpan Niya ang Kanyang mukha nang nalulungkot...

Ang isang katulong, na dumaraan, ay nakita si Jesus. Siya ay pumasok sa bahay. Pagkaraan nang kaunti si Maria ay lumabas. Siya ay pumupunta kay Jesus naglalakad nang napakagaan na tila hindi siya yumayapak sa lupa. Nilalapitan niya Siya at nagsabi sa isang mababang tinig: «Rabboni, Kayo ay pagod... Halikayo, aking Panginoon. Ang Inyong pagod na mga apostol ay pumunta na sa ibang mga bahay. Maliban kay Simon Zealot... Kayo ba ay umiiyak, Guro? Bakit?...»

Siya ay lumuhod sa harapan ni Jesus... pinagmamasdan niya Siya...

Si Jesus ay tiningnan siya. Siya ay hindi tumutugon. Siya ay tumayo at ang Kanyang paglalakad ay patungo sa bahay sinusundan ni Maria.

Pumasok sila sa isa sa mga bulwagan. Si Lazarus ay wala roon, ni ang Zealot. Ngunit si Martha ay naroroon, siya ay masaya, napagbago ang anyo gawa ng lugod. Siya ay tumingin kay Jesus nagpapaliwanag: «Si Lazarus ay pumunta sa banyo. Upang padalisayin pa niya ang kanyang sarili. O! Guro! Guro! Ano ang aking sasabihin sa Inyo?» Sinasamba niya Siya sa pamamagitan ng kanyang buong sarili. Napuna niya ang kalungkutan ni Jesus at nagsabi: «Nalulungkot ba Kayo, Panginoon? Hindi ba Kayo masaya na si Lazarus...» Siya ay nagsospetsa: «O! Kayo ay mahigpit sa akin. Ako ay nagkasala. Totoo iyan.»

«Nagkasala tayo, kapatid» sabi ni Maria.

«Hindi. Hindi ka nagkasala. O! Guro, si Maria ay hindi nagkasala. Si Maria ay sumunod. Ako lamang ang sumuway. Ako ay nagpadala ng tao para sa Inyo... sapagkat hindi ko na matagalan ang kanilang mga pakahulugan na Kayo ay hindi ang Mesiyas, ang Panginoon... at hindi ko na matiis ang lahat na paghihirap na iyon... Si Lazarus ay labis na nananabik na makita Kayo. Tinatawag niya Kayo nang labis... Patawarin Ninyo ako, Jesus.»

«Wala ka bang sinasabi na kahit ano, Maria?» tanong ni Jesus.

«Guro... Ako... Naghirap lamang ako noon bilang isang babae. Naghirap ako dahil... Martha, manumpa, manumpa rito, sa harapan ng Guro na hindi mo kailanman sasabihin kay Lazarus ang tungkol sa kanyang pagkahibang... aking Guro... nakilala ko na Kayo nang ganap, o Dibinong Awa, sa loob ng mga huling oras ni Lazarus. O! aking Diyos! Gaano Ninyo ako minahal, katulad ng ako ay Inyong pinatawad. Kayo, Diyos, Kayo, Puro, Kayo... kung ang aking kapatid, na minamahal ako, ngunit isang tao, isang tao lamang, ay hindi ako pinatawad sa lahat mula sa kaibuturan ng kanyang puso?! Hindi. Mali ako. Hindi niya pinatawad ang aking nakaraan at nang ang kanyang kahinaan sa sandali ng kamatayan ay pinapurol ang kanyang kabutihan, na sa aking palagay ay nakalimot ng tungkol sa nakaraan, isinigaw niya ang kanyang hinagpis at ang kanyang galit laban sa akin... O!...» si Maria ay umiiyak...

«Huwag umiyak, Maria. Pinatawad ka ng Diyos at nakalimot na Siya. Ang kaluluwa ni Lazarus ay nagpatawad na rin at nakalimot na rin. Ang tao ay hindi nagawang makalimutan ang lahat. At kapag ang laman ay mapangibabawan nito ang napahinang kalooban sa pamamagitan na mga huling hapdi, ang tao ang nagsasalita.»

«Hindi ako nagagalit tungkol diyan, Panginoon. Natutulungan ako nito na mas mahalin Kayo at mas mahalin si Lazarus. Bagkus iyon ay mula sa sandaling iyon na hiniling ko rin na Kayo ay naririto... sapagkat iyon ay labis na nakalulungkot na si Lazarus ay kailangan na mamatay nang walang kapayapaan dahil sa kagagawan ko... at pagkaraan, nang napakinggan ko na ang mga Judaean ay pinagtatawanan Kayo... nang makita ko na Kayo ay hindi dumarating kahit pagkatapos ng kanyang kamatayan, ni hindi pagkatapos na nasunod ko Kayo umaasa nang higit pa sa kung ano ang mapaniniwalaan, umaasa hanggang sa sandali nang ang sepulkro ay nabuksan upang tanggapin siya, diyan ang aking espiritu naghirap. Panginoon, kung mayroon man akong dapat na pagbayarang-sala, at tiyak na nagkaroon ako nito, ako ay nagdusa...»

«Kaawa-awang Maria! Kilala Ko ang iyong puso. Naging karapat-dapat ka ng himala at hayaan na patotohanan ka niyan sa pag-asa at sa paniniwala.»

«Aking Guro. Lagi na ako ngayong aasa at maniniwala. Hindi na muli ako magdududa pa ulit, Panginoon. mamumuhay ako sa pananampalataya. Nagawa Ninyo akong paniwalaan ko kung ano ang hindi mapaniniwalaan.»

«At ano ang tungkol sa iyo, Martha? May natutuhan ka ba? Wala. Wala pa? Ikaw ay Aking Martha. Ngunit hindi ka pa ang Aking perpektong tagasamba. Bakit ka kumikilos at hindi ka nagninilay? Mas banal iyan. Kita mo? Ang iyong lakas, sa dahilan na ito ay nakakiling sa makalupang mga bagay, ay bumigay as pagtiyak ng tungkol sa makalupang mga bagay na kung minsan ay walang remedyo. Sa katunayan ang makalupang mga bagay ay walang remedyo, maliban kung makikialam ang Diyos. Iyan kung bakit ang mga nilikhang tao ay kailangan na makapaniwala at makapagnilay, at makapagmahal hanggang sa kadulu-duluhan ng kapangyarihan ng kanilang buong katauhan, sa pamamagitan ng isip, kaluluwa, laman, dugo; inuulit Ko: sa pamamagitan ng lahat na lakas ng tao. Gusto Ko na ikaw ay maging malakas, Martha.  Gusto Ko na ikaw ay maging perpekto. Hindi ka sumunod sapagkat hindi ka naniwala at umasa nang ganap, at hindi ka naniwala at umasa sapagkat hindi ka nagmahal nang absuluto. Ngunit pinatatawad kita. Pinatatawad kita, Martha. Ibinangon Ko si Lazarus ngayong araw. Bibigyan na kita ngayon ng isang mas malakas na puso. binigyan Ko siya ng buhay. Ilalagay Ko sa iyo ang lakas upang makapagmahal, makapaniwala at umasa nang perpekto. Maging masaya ngayon at maging nasa kapayapaan. Patawarin ang mga nanakit sa iyo noong mga nakaraang araw...»

«Panginoon, nagkasala ako laban diyan. Nang hindi pa nagtatagal sinabi ko sa matandang Hananiah, na nangutya sa Inyo sa mga nakaraang araw: “Sino ang nagtagumpay? Ikaw o ang Diyos? Ang iyong pangungutya o ang aking pananampalataya? Ang Kristo ay ang Buhay na Naririto at ang Katotohanan. Alam ko na ang Kanyang kaluwalhatian ay magniningning nang mas maliwanag. At ikaw, matanda, magkaroon ka ng bagong kaluluwa, kung ayaw mong malaman kung ano ang kamatayan.»

«Nagsalita ka ng katotohanan, ngunit huwag makipagtalo sa masasama, Maria. At magpatawad. Magpatawad kung ibig mong gayahin Ako... Naririto si Lazarus. Naririnig Ko ang kanyang tinig.»

Si Lazarus sa katotohanan ay pumapasok, nakasuot ng bagong mga damit at nag-ahít, ang kanyang buhok nabihisan at pinabanguhan. Sina Maximus at ang Zealot ay kasama niya.

«Guro!» si Lazarus ay lumuhod muli sumasamba.

Si Jesus ay nagpatong ng isang kamay sa kanyang ulo at ngumingiting nagsasabing: «Ang pagsubok ay tapos na, Aking kaibigan. Para sa iyo at sa iyong mga kapatid. Maging masaya at malakas na ngayon sa paglilingkod sa Panginoon. Ano ang naaalaala mo, Aking kaibigan, tungkol sa nakaraan? Ang ibig Kong sabihin ang tungkol sa iyong mga huling oras?»

«Ang isang maling mithiin na makita Kayo at isang dakilang kapayapaan sa pagmamahal ng aking mga kapatid na babae.»

«Ano ang pinaka ikinalulungkot mo nang labis na maiiwanan?»

«Kayo, Panginoon, at ang aking mga kapatid na babae. Kayo, sapagkat hindi ko magagawang mapaglingkuran ko Kayo, sila... sapagkat naibigay nila ang aking pang-araw-araw na lugod...»

«O! ako, kapatid!» sabi ni Maria na may buntung-hininga.

«Ikaw mas lalo pa kaysa kay Martha. Naibigay mo sa akin sa Jesus at ang sukat ng tungkol sa kung ano si Jesus. At si Jesus ay ibinigay ka sa akin. Ikaw ay ang regalo ng Diyos, Maria.»

«Iyan din ang sinabi mo noong ikaw ay namamatay...» sabi ni Maria at pinag-aaralan niya ang mukha ng kanyang kapatid.

«Sapagkat iyon ang palagi kong naiisip.»

«Ngunit nasaktan kita nang labis...»

«Ang akin ding sakit ay masakit. Ngunit sa pamamagitan niyon sana nakapagbayad-sala ang lumang Lazarus para sa kanyang mga pagkakamali at na ako ay nakabangon na napadalisay upang maging karapat dapat ng Diyos. Ikaw at ako, and dalawang nakabangon muli upang makapaglingkod sa Panginoon, at si Martha sa pagitan natin, katulad na siya ay ang laging kapayapaan ng bahay.»

«Narinig mo na iyon, Maria? Si Lazarus ay nagsasalita ng mga salita ng karunungan at katotohanan. Aalis na Ako ngayon at iiwanan Ko kayo sa inyong lugod...»

«Hindi, Panginoon. manatiling kasama namin. Manatili sa Bethany at sa loob ng aking bahay. Magiging maganda ito...»

«Mananatili Ako. Gusto Kong mapunuan ang para iyong ipinaghirap. Martha, huwag kang malungkot. Iniisip ni Martha na siya ay napamighati Ako. Ngunit ang Aking kalungkutan ay hindi nadala mo, bagkus ng mga tao na ayaw na matubos.

«Tayo ay magpatawad, Panginoon» sabi ni Lazarus sa pamamagitan ng kanyang banayad na ngiti... at ang lahat ay nagtatapos sa salitang iyon.

--------------------

jesus sinasabi

Sinasabi ni Jesus: «Ang diktasyon na may petsang Marso 23, 1944 tungkol sa Resureksiyon ni Lazarus ay mailalagay dito.»

--------------------

Marso 23, 1944.

jesus sinasabi

Sinasabi ni Jesus:

«Nakialam sana Ako nang nasa oras upang naiwasan ang kamatayan ni Lazarus. Ngunit hindi Ko ginustong gawin iyan. Alam Ko na ang kanyang resureksiyon ay magiging isang may dobleng-talim na armas, sapagkat makukumberti nito ang may matutuwid na isip na mga Judaean at magagawa ang walang-matutuwid na pag-isip na mga Hudyo na maging mas matampuhin. Ang huli, dahil sa panghuling bigwas ng Aking kapangyarihan, ay mahahatulan Ako ng kamatayan. Ngunit Ako ay naparito para diyan at noon ay panahon na upang iyon ay mangyari. Maaaring nakapunta Ako kaagad, ngunit kinakailangan Kong makumbinsi ang pinaka matitigas-ang-ulo na mga di-makapaniwalang mga tao sa pamamagitan ng isang resureksiyon ng nagmula sa abanteng pagkabulok ng laman. At ang Akin ding mga apostol, na mga nakatalagang magkakalat ng Aking Pananampalataya sa mundo, ay nangangailangan ng isang pananampalataya na suportado ng mga himala ng unang kalakhan.

May labis na pagiging-tao sa mga apostol. Nasabi Ko ang ganito. Iyon ay hindi isang di-mapangingibabawan na hadlang, sa kabaligtaran iyon ang isang may-katwiran na konsekwensiya ng kanilang kalagayan ng mga tao na tinawag na maging Aking mga apostol noong sila ay malalaki na. Ang mentalidad, ang pagtingin ng isang tao ay hindi mababago sa loob lamang ng isang araw. At, sa Aking karunungan, ayaw Kong piliin at turuan ang mga bata dinadala sila ayon sa Aking pag-iisip upang magawa silang Aking mga apostol, maaari Ko sanang ginawa iyon, ngunit ayaw Ko, kung hindi ang mga kaluluwa ay sisisihin Ako sa paghamak sa mga taong hindi inosente at pangangatwiranan ang kanilang mga sarili sa pamamagitan ng dahilan na ginawa Ko ring maliwanag na ang mga tao na ang kaninong mga karakter ay naporma ay hindi na magbabago. Hindi, ang lahat ay maaaring mabago kung pumapayag ang isang. Sa katotohanan, nabago Ko ang mga duwag, mga palaaway, mga labis na magpatubo ng pera, mga mahalay, mga ayaw-maniwalang mga tao na maging mga martir, mga santo at mga tagapag-ebanghelyo ng mundo. Tanging ang mga ayaw lamang, ang hindi nagbago.

Minahal Ko at minamahal Ko pa rin ang maliliit at mahihinang tao – ikaw ang isang halimbawa – maliban na pumapayag silang magmahal at sumunod sa Akin, at nabago Ko ang gayon na “mga wala naman” na maging Aking mga paborito, Aking mga kaibigan, Aking mga ministro. Sila ay Akin pa rin ginagamit, at sila ay isang patuloy na hinala na Aking ginagawa upang mapasunod ang iba na maniwala sa Akin, at hindi upang patayin ang posibilidad ng mga himala. Gaano nanghihina ang posibilidad na iyan sa kasalukuyan! Katulad ng isang lampara na nagkukulang sa langis ito ay nasa mga paghihirap ng kamatayan at ito ay namamatay, pinatay ng kakaunti o kakulangan sa pananampalataya sa Diyos ng mga himala.

May dalawang porma ng pamimilit sa paghiling ng isang himala. Ang Diyos ay bumibigay sa isa na may pagmamahal. Tumatalikod Siya nang may-panghahamak sa isa pa. Ang una ay nanghihingi, ayon sa itinuro Ko ng paghingi, nang walang kakulangan sa kompiyansa at walang kapaguran, at hindi tinatanggap na ang Diyos ay maaaring hindi ipagkaloob ang hinihingi, sapagkat ang Diyos ay mabuti at kung sino ang mabuti ay nagkakaloob, sapagkat ang Diyos ay makapangyarihan at magagawa ang lahat. Iyan ay pagmamahal at pinakikinggan ng Diyos ang nagmamahal. Ang huli ay ang mapandomina ng mga rebelde na gusto ang Diyos na maging kanilang katulong at maibaba ang Kanyang Sarili sa kanilang kasamaan at upang ibigay sa kanila kung ano ang hindi nila binibigay sa Kanya: pagmamahal at pagsunod. Ang pormang ito ay isang pananakit na pinarurusahan ng Diyos sa pamamagitan ng pagkait sa kanila ng Kanyang mga grasya.

Nagrereklamo kayo na hindi na Ako gumagawa ng pangkalahatan na mga himala. Papaano Ko gagawin ang mga ito? Nasaan ang mga komunidad na naniniwala sa Akin? Nasaan ang mga totoong naniniwala? Ilan na mga totoong naniniwala ang naririyan sa isang komunidad? Katulad ng mga nakaligtas na bulaklak sa isang kakahuyan na sinunog, nakakakita Ako paminsan-minsan ng isang naniniwalang espiritu. Si Satanas ay sinunog ang iba pa sa pamamagitan ng kanyang mga doktrina. At susunugin niya sila nang lalu’t lalo pa.

Nakikiusap Ako sa inyo na alalahanin ang Aking tugon kay Tomas, bilang isang sobrenatural na panuntunan para sa inyong mga sarili. Hindi posibleng maging Aking totoong disipulo kung hindi mabibigyan ng isa ang buhay ng tao ng importansiya na karapat-dapat dito: isang paraan na makuha ang totoong Buhay, hindi isang tinatangka. Siya na gustong mailigtas ang kanyang buhay sa mundong ito ay mawawalan ng eternal na buhay. Nasabi Ko na ito sa inyo at Akin itong inuulit. Ano ba ang mga pagsubok? Dumaraan na mga ulap. Ang Langit ay nananatili at naghihintay ito para sa inyo pagkatapos ng pagsubok.

Nakuha Ko ang Langit para sa inyo sa pamamagitan ng Aking kabayanihan. Kailangan na gayahin ninyo Ako. Ang kabayanihan ay hindi naririyan lamang para sa mga maghihirap nang pagiging martir. Ang Kristiyanong pamumuhay ay isang perpetwong kabayanihan sapagkat ito ay isang perpetwong pakikibaka laban sa mundo, sa dimonyo at sa laman. Hindi Ko kayo pinipilit na sundan Ako. Pinababayaan Ko kayong malaya. Ngunit ayaw Ko kayong maging mga hipokrita. Ito ay maging kasama Ko at magustuhan Ako, o laban sa Akin. Hindi ninyo Ako maloloko. Hindi, hindi Ako maaaring maloko, at hindi Ako nakikipag-alyansa sa mga kaaway. Kung mas gusto ninyo siya kaysa sa Akin, hindi ninyo maaaring isipin na Ako ay magiging inyong Kaibigan din nang kasabay. Ito ay maging siya o Ako. mamíli kayo.

Ang pamimighati ni Martha ay iba kaysa ng kay Maria dahil sa mag-ibang pag-iisip ng magkapatid at dahil sa kanilang magkaibigan asal. Masaya ang mga tao na umaasal sa pamamaraan na hindi sila magkakaroon ng paninisi ng konsiyensya para sa pagbigay ng kapighatian sa isang tao na patay na ngayon at hindi na mapagiginhawahan pa para sa kapighatian na nagawa sa kanya. Ngunit gaanong mas masaya pa siya na walang paninisi ng konsiyensya para sa pagbibigay ng kapighatian sa Diyos, sa Akin, kay Jesus, at hindi kinatatakutan ang araw kung kailan makikita niya Ako, sa kabaligtaran inaasam-asam niya ito, katulad ng isang lugod na kinasasabikan na mapasakanya sa buong pamumuhay at sa wakas nakamtan.

Ako ay inyong Ama, Kapatid at Kaibigan. Kung gayon bakit ninyo Ako madalas na sinasaktan? Nalalaman ba ninyo kung gaano katagal pa kayo kailangan na mabuhay» Ang mabuhay upang makagawa ng mga pagtutuwid? Hindi, hindi ninyo nalalaman. Kung gayon kumilos nang matuwid oras-oras, araw-araw. Laging matuwid. Palagi ninyo Akong magagawang masaya. At kahit na kung ang pamimighati ay dumating sa inyo, sapagkat ang pamimighati ay pagpapakabanal, ito ay ang mira na magpapanatili sa inyo upang hindi kayo mabulok sa kahalayan, lagi kayong makatitiyak na minamahal Ko kayo – at na minamahal Ko rin kayo sa pamimighating iyon – at lagi kayong magkakaroon ng Kapayapaan na nanggagaling sa Aking pagmamahal. Ikaw, munting Juan, ay alam mo kung napapaginhawahan Ko rin ang isa na namimighati.

Sa Aking panalangin sa Ama ay mayroon doon ng pag-ulit ng kung ano ang Aking sinabi sa simula: kinakailangan noon na gisingin ang kalabuan ng mga Judaean at ng mundo sa pangkalahatan sa pamamagitan ng isang pangunahing himala. At ang resureksiyon ng isang tao na nakalibing na nang apat na araw at nailibing pagkatapos ng isang matagal, paulit-ulit, nakasusuklam na kilalang sakit ay hindi isang pangyayari na mapapanatili ang mga tao na walang-pakialam o magduda. Kung siya ay pinagaling Ko habang siya ay buháy pa, o kung inilagay Ko ang espiritu sa kanya nang kaagad siya ay nalagutan ng hininga, ang kaanghangan ng mga kaaway ay baga nagtaas ng mga pagdududa sa pagkakaroon ng himala. Ngunit ang baho ng labí, ang pagkabulok ng mga bendahe, ang matagal na panahon sa loob ng sepulkro ay hindi nag-iwan ng mga pagdududa. At, bilang isang himala sa loob ng isang himala, ginusto Kong si Lazarus ay mapalaya at malinisan sa presensya ng lahat upang makita sana nila na hindi lamang ang buhay bagkus ang kalusugan ng mga galamay ang naibalik kung saan ang nasugatan na laman ay ikinalat nito ang mikrobyo ng kamatayan sa dugo. Kapag nagkakaloob Ako ng grasya lagi Akong nagbibigay ng mas mahigit pa sa kung ano ang inyong hinihingi.

Ako ay umiyak sa harapan ng libingan ni Lazarus. At maraming mga pangalan ang ibinigay sa Aking mga luha. Sa pansamantala kailangan na alalahanin ninyo na ang grasya ay nakakamtan sa pamamagitan ng dalamhati kahalo ng walang pag-aalinlangan na pananampalataya sa Eternal na Ama.  Ako ay umiyak hindi dahil sa pagkawala ng Aking kaibigan at dahil sa pagdadalamhati ng magkapatid na babae, katulad na ito ay bagkus dahil sa ang tatlong kaisipan na laging tumutusok sa Aking puso katulad ng tatlong matatalas na pako ay pumaibabaw noon, nang mas buháy kailanpaman, katulad ng mga kalaliman na hinalukay:

Ang malaman nang may katiyakan ang tungkol sa kasiraan na dinala ni Satanas sa tao sa pamamagitan ng panunukso sa kanya patungo sa Kasamaan. Isang kasiraan na ang pantao na kaparusahan dito ay kapighatian at kamatayan. Ang pisikal na kamatayan, ang simbolo at buháy na paghahambing sa espirituwal na kamatayan na nagagawa ng kasalanan sa kaluluwa, itinatapon ito sa pang-impiyernong kadiliman, samantalang ito ay nakatalaga, katulad ng isang reyna, na mamuhay sa kaharian ng Liwanag.

Ang pangungumbinsi na ni ang himalang ito, ginawa halos bilang isang makalangit na kaugnay-na-bunga ng tatlong taon ng pag-eebanghelyo, ay hindi makapangumbinsi sa mundo ng mga Judaean ng tungkol sa Katotohanan na Ako ang Tagapagtaglay. At na walang himala sa hinaharap ang makapagkukumberti sa mundo patungo sa Kristo. O! Gaano nakalulungkot iyon na maging napakalapit sa kamatayan para sa iilan na mga tao lamang!

Ang mental na bisyon ng tungkol sa Aking nalalapit na kamatayan. Ako ay Diyos noon. Ngunit Ako noon ay Tao rin. At upang maging ang Tagapagtubos kailangan na maramdaman Ko ang bigat ng pagbabayad-sala. Kung gayon ang pangingilabot sa kamatayan at sa isang gayong kamatayan. Ako noon ay isang malusog na nabubuhay na tao na nagsasabi sa kanyang sarili: “Maya-maya lamang ako ay patay na, ako ay mapupunta sa loob ng isang sepulkro katulad ni Lazarus. Maya-maya lamang ang pinaka nakatatakot na aguniya ay aking makakasama. Ako ay kailangan na mamatay”. Ang kabaitan ng Diyos ay pinalilibre kayo na hindi ninyo malaman ang tungkol sa hinaharap. Ngunit Ako ay hindi pinalibre nito.

O! maniwala sa Akin, kayo na nagrereklamo ng inyong kapalaran. Walang mas malungkot pa kaysa ng Akin, sapagkat lagi Kong maliwanag na nakikita bago-pa-man kung ano ang mangyayari sa Akin, karugtong sa karukhaan, sa mga kahirapan, sa kapaitan na sumabay sa Akin mula sa Aking kapanganakan hanggang sa Aking kamatayan. Kung kaya't huwag magreklamo. At umasa sa Akin. Binibigay Ko sa Inyo ang Aking kapayapaan.»

--------------------

(walang petsa)

Pampalugit na mga salita tungkol sa resureksiyon ni Lazarus at may kaugnayan sa isang pangungusap ni San Juan.

jesus sinasabi

Sinasabi ni Jesus:

«Sa Ebanghelyo ni Juan,  katulad na ito ay laging binabasa sa napakatagal nang panahon, ay nakasulat doon: “Si Jesus ay hindi pa pumupunta sa nayon ng Bethany” (Juan 9, 30). Upang maiwasan ang posibleng mga pagtutol ibig Kong ipakita na, ang tungkol sa pangungusap na ito at ang isa ng Gawa¹ na nagsasabi na natagpuan Ko si Martha mga ilang hakbang ang layo mula sa pontanya sa hardin ni Lazarus, ay walang kontradiksyon ng mga pangyayari, bagkus isang pagkakaiba lamang ng pagsasalin at pagsasalarawan. Ang tatlong kaapat ng nayon ng Bethany ay pag-aari ni Lazarus. Gayon din naman ang isang malaking bahagi ng Herusalem ay pag-aari niya. Ngunit pag-usapan natin ang Bethany. Dahil sa tatlong kaapat nito ay pag-aari ni Lazarus, masasabi ng isa: Bethany ni Lazarus. Kung gayon ang mga naisulat ay hindi maaaring magkamali kahit na kung natagpuan Ko si Martha sa nayon o sa pontanya, katulad na ito ang gustong sabihin ng ibang mga tao. Sa katotohanan Ako ay hindi pumunta sa nayon, upang mapigilan ang mga tao ng Bethany, na lahat ay mga palaban sa mga miyembro ng Sanhedrin, na mag-unahan patungo sa Akin. Ako ay umikot patungo sa likuran ng Bethany upang marating ang bahay ni Lazarus, na siyang ang katapat na dulo kung tungkol sa isang tao na pumapasok sa Bethany nagmumula sa En-Shemesh. Kung kaya't tamang sinabi ni Juan na hindi pa Ako nakakapasok sa nayon. At tama rin ang munting si Juan na nagsasabi na Ako ay tumigil malapit sa lunas (pontanya para sa mga Hudyo) na nasa hardin na ni Lazarus, ngunit napakalayo pa mula sa bahay. Kailangan din na isipin ng isa na sa loob ng panahon ng pagluluksa at di-kalinisan (hindi pa iyon ang ikapitong araw pagkaraan ng kamatayan ni Lazarus) ang kanyang mga kapatid na babae ay hindi umalis ng bahay. Kung gayon ang pagkikita ay nangyari sa loob ng bakuran ng kanilang ari-arian. Tingnan na ang munting si Juan ay sinabi na ang mga tao ng Bethany ay pumasok lamang sa hardin nang Aking iniutos na alisin ang bato. Dati hindi nalalaman ng mga tao ng Bethany na Ako ay nasa Bethany, at noong naikalat na ang balita saka lamang sila nagmadali patungo sa bahay ni Lazarus.»

200112

 



¹ Ibig sabihin ang Poem of the Man-God ni Maria Valtorta. – RLB.




Sunod na kabanata