547. Sa Herusalem at sa Loob ng Templo Pagkatapos ng Resureksiyon ni Lazarus.

Disyembre 27, 1946.

Kung ang balita tungkol sa kamatayan ni Lazarus ay naalog at nabagabag ang Herusalem at ang isang malaking bahagi ng Judaea, ang balita tungkol sa kanyang resureksiyon ay natapos sa pag-alog at sa pagkapasok din ng lugar kung saan ang balita ng kamatayan ay hindi nakagawa ng kahit na anong kasabikan.

Baka ang ilan na mga Pariseo at mga eskriba, ibig sabihin ang mga miyembro ng Sanhedrin na naroroon sa resureksiyon, ay hindi binanggit ito sa mga tao. Ngunit ang mga Hudyo ay tiyak na nagsalita tungkol dito. At ang balita ay kumalat sa isang kislap, at ang mga tinig ng mga babae ay inulit ito mula sa isang bahay patungo sa isa pa, mula sa isang terasa patungo sa isa pa, habang ang pangkaraniwang mga tao ay pinalalaganap ito sa mga kalsada nang may malaking kasayahan para sa tagumpay ni Jesus at para kay Lazarus. Ang mga tao ay pinupuno ang mga kalsada tumatakbo dito at doon, iniisip na sila ang unang nagdala ng balita, ngunit sila ay nalungkot dahil ito ay alam na rin sa Ophel pati na rin sa Bezetha, sa Zion katulad sa palengke ng Sixtus. Ito ay alam na sa mga sinagoga, sa mga kamalig, sa Templo at sa palasyo ni Herodes. Alam na ito sa Antonia at mula roon, kumakalat ito patungo sa mga silid ng mga guwardiya sa mga geyt, o mula sa mga geyt patungo sa Antonia. Napupuno nito ang mga mansiyon at mga kubo: «Ang Rabbi ng Nazareth ay ibinangon mula sa kamatayan si Lazarus ng Bethany, na namatay noong araw bago ang Biyernes at inilibing bago ang simula ng Sabbath at bumangon siya ulit ngayong araw noong ikaanim na oras.» Ang mga pagbubunyi ng Hudyo sa Kristo at sa Kataastaasan ay humahalo sa iba't ibang: «Sa ngalan ni Jove! Sa ngalan ni Pollux! Sa ngalan ni Libitina!» atbp. ng mga Romano.

Ang tanging mga tao na hindi ko nakikita na kasama sa mg pulutong sa mga kalsada ay ang mga miyembro ng Sanhedrin. Hindi ko nakikita kahit isa sa kanila, samantalang nakikita ko si Chuza at si Manaen lumalabas mula sa isang maringal na mansiyon at naririnig ko si Chuza na nagsasabi: «Maganda! Maganda! Nagpasabi ako kay Johanna kaagad. Siya ay totoong Diyos!»; at si Manaen ay tumutugon sa kanya: «Si Herodes, na nanggaling mula sa Jericho upang magbigay ng kanyang mga paggalang sa... hepe, kay Poncio Pilato, ay tila naging baliw sa kanyang palasyo, habang si Herodias ay gulung-gulo at pinipilit niya si Herodes na ipaaresto ang Kristo. Nanginginig siyang kinatatakutan ang Kanyang kapangyarihan; si Herodes ay nasisira sa pangungutya ng konsiyensya. Nang may nangangatal na mga ngipin sinasabihan niya ang kanyang mga debotong mga tagasunod na ipagsanggalang siya sa... mga multo. Naglalasing siya upang magkaroon ng lakas-ng-loob at ang espiritu ng alak na umiikot sa kanyang ulo ay nagagawa siyang makakita ng mga pantasma. Sumisigaw siya nagsasabing ang Kristo ay ibinangon din si Juan na isinisigaw na ngayon malapit sa kanya ang mga maldisyon ng Diyos. Tumakbo akong umalis sa Gehenna na iyon. Kontento na ako sa pagsasabi sa kanya: “Si Lazarus ay ibinangon mula sa kamatayan ni Jesus ang Nazareno. Binabalaan kita na huwag mo Siyang gagalawin, sapagkat Siya ay Diyos”. Pinagalaw ko ang kanyang takot upang hindi sana siya magpadala sa pagpatay na mga intensiyon ni Herodias.»

«Sa kabaligtaran, kakailanganin kong pumunta roon... Kailangan ko nang umalis. Ngunit ibig kong pasabihan sina Eliel at Elkanah muna. Namumuhay sila nang nakabukod, ngunit ang kanilang mga opinyon ay laging mataas na tinitingnan sa Israel! At si Johanna ay natutuwa na pinararangalan ko sila. At ako...»

«Isang mabuting proteksiyon para sa iyo. Iyan ay totoo. Ngunit hindi kasing ganda ng pagmamahal ng Guro. Iyan lamang ang tanging proteksiyon na mahalaga...» Si Chuza ay hindi tumutugon. Siya ay nag-iisip... Nawala sila sa aking paningin.

Si Jose ng Arimathea ay dumarating nang nagmamadali mula sa Bezetha. Siya ay pinatigil ng isang grupo ng mga mamamayan na mga nagdududa pa kung paniniwalaan nila ang balita. Tinanong nila siya.

«Iyan ay totoo. Totoong-totoo. Si Lazarus ay nabuhay muli at napagaling din siya. Nakita ko siya nang aking sariling mga mata.»

«Kung gayon... Siya ay talagang ang Mesiyas!»

«Ang Kanyang mga gawa ay ganyan. Ang Kanyang pamumuhay ay perpekto. Ito ang tamang panahon. Si Satanas ay nilalabanan Siya. Hayaan ang bawat tao na maghinuha sa kanyang sariling puso kung sino ang Nazareno» sabi ni Jose nang may karunungan at nang may katarungan din. Binati niya sila at umalis.

Sila ay nagpapatuloy sa pagdidiskusyon at nagtatapos sa pagsasabing: «Siya talaga ang Mesiyas.»

May isang grupo ng mga lehiyonaryo at ang isa sa kanila ay nagsabi: «Pupunta ako sa Bethany bukas kung magagawa ko. Sa ngalan ni Venus at ni Mars, ang mga diyos na mas gusto ko! Baka makapaglakbay ako sa buong mundo, mula sa mainit na mga disyerto hanggang sa mala-yelong mga lupain ng Alemanya, ngunit hindi na muli ako makakakita ng isang tao na nabuhay muli pagkatapos ng pagiging patay nang mga ilang araw. Gusto kong makita kung ano klaseng tao ang isang lalaki na nakabalik mula sa kamatayan. Siya ay magiging maitim sa pamamagitan ng tubig ng mga ilog ng sa dako roon...»

«Kung siya ay isang mabirtud na tao, siya ay magiging medyo asul pagkatapos na mainom ang kalangitang-asul na tubig ng Elysian Fields. Hindi lamang ang Styx ang naroroon...»

«Sasabihin niya sa atin kung ano ang katulad ng mga parang ng asphodels sa Hades... Pupunta rin ako...»

«Kung tayo ay pahihintulutan ni Poncio Pilato...»

«Siyempre pahihintulutan tayo! Nagpadala siya kaagad ng mensahero kay Claudia sinasabi sa kanya na pumarito. Si Claudia ay gusto ang mga bagay na ito. Napakinggan ko siya nang mahigit pa sa minsan na nakikipagkuwentuhan, sa ibang mga babae at sa kanyang napalayang Griyegong mga alipin, tungkol sa mga kaluluwa at inmortalidad.»

«Si Claudia ay naniniwala sa Nazareno. Ayon sa kanya Siya ay mas dakila pa kaysa sa sino pa mang ibang tao.»

«Oo, ngunit ayon kay Valeria Siya ay mas higit pa sa isang tao. Siya ay Diyos. Isang katulad ni Jupiter at ni Apollo hinggil sa kapangyarihan at kagandahan, sinasabi nila, at mas marunong pa kaysa kay Minerva. Nakita na ba ninyo Siya? Pumunta ako rito kasama si Poncio at ito lamang ang una kong pagkapunta rito, kung kaya't hindi ko alam...»

«Sa palagay ko nasa oras ang dating mo upang makita ang maraming mga bagay. Hindi pa nagtatagal nang si Poncio ay sumisigaw nang kasing lakas ng trumpeta nagsasabing: “Ang lahat ay kailangan na mabago rito. Kailangan na maintindihan nila na ang Roma ang naghahari at na sila, lahat sila, ay mga katulong. At habang nagiging mas dakila sila, mas lalo silang kailangan na magpaalipin, sapagkat sila ay mas delikado”. Sa palagay ko iyon ay dahil sa tabletang iyon na dinala sa kanya ng katulong ni Annas...»

«Walang duda. Hindi siya makikinig sa kanila... At lagi niya tayong nililipat-lipat... sapagkat ayaw niya na tayo ay maging mapagkaibigan sa kanila.»

«Mapagkaibigan sa kanila? Ah! Ah! Sa may malalaking ilong na tipong iyon nangangamoy katulad ng mga barakong kambing? Si Poncio ay di natutunaw sapagkat kumakain siya ng labis na baboy. Kung anuman lamang... tayo ay mapagkaibigan sa ilang mga babae na hindi pinandidirihan ang mga halik ng ahít-na-ahit na mga labì...» sabi ng pilyong isa tumatawa.

«Ito ay isang katotohanan na pagkatapos ng kaguluhan noong kapistahan ng mga Tabernakulo ipinilit niya na mapalitan ang lahat na mga tropa na ang naging resulta tayo ay kailangan na umalis...»

«Iyan ay totoo. Ang pagdating ng galera dinadala si Longinus at ang kanyang sandaan na tauhan ay naipasabi sa Caesarea. Bagong mga opisyal at bagong mga tropa... at ang lahat na ito ay dahil sa mga buwayang iyon ng Templo. Gusto ko ang lugar na ito.»

«Mas gusto ko ang Brindisi... Ngunit masasanay ako sa lugar na ito» sabi ng isa na dumating sa Palestina

Sila din ay umalis.

Ilang mga guwardiya ng Templo ang dumaraan na may dalang mga waks na tableta. Ang mga tao ay pinapanood sila at nagsabi: «Ang Sanhedrin ay nagpupulong nang may pagmamadali. Ano kaya ang kanilang gagawin?«

Isang lalaki ang tumugon: «Tayo ay umakyat sa Templo at tingnan...» Sila ay umalis patungo sa kalsada na magdadala sa Moriah.

Ang araw ay nawala sa likuran ng mga bahay sa Zion at sa mga bundok sa kanluran. Ang gabi ay dumating at ang mga kalsada ay pagkaraan nalinis ng mausyosong mga tao. Ang mga umakyat sa Templo ay bumabang nagmumukhang balisa sapagkat sila ay pilit na pinalayas sa mga geyt kung saan sila naka-istambay upang makita ang mga miyembro ng Sanhedrin na dumaan.

Ang loob ng Templo, ngayon wala nang mga tao, nangungulila, nababalot sa liwanag ng buwan, ay tila napakalaki. Ang mga miyembro ng Sanhedrin ay unti-unting nag-iipun-ipon sa loob ng kanilang pagpupulungan na bulwagan. Lahat sila ay naroroon, eksaktong katulad nang sila ay naroroon noon para sa kamatayang hatol kay Jesus, ngunit ang mga naroroon noon na gumaganap na mga kawani ay wala ngayon¹. Tanging ang mga miyembro lamang ng Sanhedrin ang naroroon ngayon, ang ilang nakaupo sa kanilang mga lugar, ang ilan magkaka-grupo malapit sa mga pintuan.

Si Caiaphas ay pumasok na ang kanyang mukha at katawan ay nakakahawig ng mga labis na matataba at masasamang palaka, at siya ay pumunta sa kanyang upuan.

Sinimulan kaagad nilang pagusapan ang mga pangyayari at sila ay kaagad naging mainit tungkol sa paksa na ang pagpupulong ay kaagad naging magulo. Iniiwan nila ang kanilang mga upuan, pumupunta sila sa walang-laman na espasyo pakaway-kaway at nagsasalita nang malalakas ang tinig.

Ang ilan ay nagpapayo ng kakalmahan at kahinahunan bago gumawa ng pasya. Ang iba ay sumasagot: «Ngunit hindi ba ninyo narinig ang mga pumunta rito pagkatapos ng ika-siyam na oras? Kung mawala natin ang pinaka-importanteng mga Judaean, ano ang silbi ng pag-iipon ng mga akusasyon? Habang tumatagal na Siya ay buháy, mas lalo tayong hindi mapaniniwalaan kung aakusahan natin Siya.»

«At ang katotohanan na iyan ay hindi mapasisinungalingan. Hindi natin masasabi sa mga taong naroroon: «Ang inyong nakita ay hindi totoo. Iyon ay gawa-gawa lamang. Kayo ay lasing”. Ang tao ay patay. Bulok. Naagnas. Ang bangkay ay nilagay sa isang saradong sepulkro at ang sepulkro ay maayos na sinaraduhan. Ang bangkay ay binalot ng mga bendahe at natatakpan ng mga balsamo sa loob ng ilang mga araw. At iyon ay tinalian. At sa kanila nito iyon ay lumabas sa lugar nito, naglakad ito nang sarili nito hanggang sa layo ng pamasukan. At nang ito ay napalaya, ang katawan ay hindi na patay. Ito ay huminga., Wala roon pagkabulok. Samantalang dati, nang ito ay nabubuhay pa, ito ay puno ng mga sugat, at nang ito ay namatay ito ay nabubulok na.»

«Napakinggan ba ninyo ang pinaka maimpluwensiyang mga Judaean, na ating pinilit na pumunta roon upang sila ay mapapuntang ganap sa ating panig? Sila ay pumunta at nagsabi sa atin: “Hanggang sa ganang amin Siya ay ang Mesiyas”. Halos lahat sa kanila ay pumunta! Bukod sa mga tao!...»

«At ang sinumpang mga Romanong iyon puno ng kalokohan! Ano ang tungkol sa kanila? Sinasabi nila na Siya ay si Jupiter Maximinus. At kung ipasok nila ang idea na iyan sa kanilang mga ulo! Ginawa nilang malaman natin ang kanilang mga kuwento, at iyon ay isang sumpa. Isumpa ang mga tao na gustong mapunta sa atin ang Hellinismo at dala ng pambobola nilalapastangan tayo sa pamamagitan ng banyagang mga paggamit! Ngunit natutulungan tayo nito na makilala ang mga tao. At nalalaman natin na ang mga Romano ay mabibilis sa pagbuwag at sa pagtaas sa pamamagitan ng mga sabwatan at mga coup d’état. Ngayon kung may mababaliw sa mga taong ito tungkol sa Nazareno at iproklama Siyang Caesar, at kung gayon, dibino, sino ang mangangahas kailanman na humipo sa Kanya?»

«Siguradong hindi! Sino sa palagay mo ang mangangarap na gumawa niyan? Hindi sila nagbibigay ng isang igos para sa Kanya o para sa atin. Maging gaano pa man kalaki ang Kanyang ginagawa, Siya ay laging “isang Hudyo” sa pakialam nila. Kung gayon wala bagkus isang miserableng kaawa-awang sawing-palad. Ang takot ay napaikot ang iyong utak, mahal na anak ni Annas!»

«Ang takot? Napakinggan mo ba kung papaano tumugon si Poncio sa paanyaya ng aking ama? Siya ay balisa, sinasabi ko sa inyo. Siya ay nabalisa ng huling pangyayari, at siya ay natatakot ng tungkol sa Nazareno. Gaano kaawa-awang sawing-palad tayo! Ang taong iyon ay naririto upang sirain tayo!»

«Sana hindi tayo pumunta roon at hindi sana natin halos inutusan ang pinaka malalakas na mga Judaean na pumunta rin doon! Kung si Lazarus sana ay nabuhay muli na walang mga nakakita...»

«Kung gayon? Ano ang maaaring mabago? Tiyak na hindi natin siya magagawa na mawala nang tuluyan upang mapaniwala ang mga tao na siya ay laging patay!»

«Tiyak na hindi. Ngunit nasabi sana natin na iyon ay parang patay. Lagi kang makakakita ng mga saksi na mababayaran upang magsinungaling.»

«Ngunit bakit labis na pananabik? Wala akong nakikitang rason para diyan! Siya kaya ay ginalit ang Sanhedrin at ang Pontipikado?  Hindi, hindi Niya ginalit. Gumawa lamang Siya ng isang himala.»

«Lamang?! Ngunit ikaw ba ay baliw o ikaw ba ay nabayaran Niya, Eleazar? Hindi ba Niya ginalit ang Sanhedrin at ang Pontipikado? Ano pa ang gusto mo? Ang mga tao...»

«Masasabi ng mga tao ang gusto nila, ngunit ang sitwasyon ay eksakto ng sinabi ni Eleazar. Ang Nazareno ay gumawa lamang ng isang himala.»

«Iyan ay isa pang nagsasanggalang sa Kanya! Hindi ka na makatarungan, Nicodemus! Hindi ka na makatarungan! Iyan ay isang pagkilos laban sa amin. Laban sa amin, nakikita mo ba ito? Wala nang makapagkukumbinsi sa mga pulutong. Ah! Gaano tayo ka-miserable! Ngayong araw ilang mga Judaean ang tumatawa sa akin! Ako pinagtatawanan nila!»

«Manahimik, Doras! Ikaw ay isang tao lamang. Ang prinsipyo ang inaatake! Ang ating mga batas! Ang ating mga karapatan!»

«Tama ka, Simon, at kailangan natin na ipagtanggol ito.»

«Paano?»

«Sa pananakit at pagsira sa Kanya!»

«Iyan ay madaling sabihin, Sadoc. Ngunit papaano mo sisirain sila kung sa pamamagitan ng iyong sariling kapangyarihan ni hindi mo magawang mabuhay ulit ang isang kulisap? Ang kinakailangan dito ay isang himala na mas malaki pa kaysa ng sa Kanya. Ngunit wala sa atin ang makagagawa nito sapagkat...» Ang nagsasalita ay hindi maipaliwanag kung bakit.

Si Jose ng Arimathea ay kinumpleto ang pangungusap: «Sapagkat tayo ay mga tao lamang, mga tao lamang.» Nagmadali sila patungo sa kanya nagtatanong: «At ano Siya, kung gayon?»

Si Jose ng Arimathea ay tumugon nang walang pag-aalinlangan: «Siya ay Diyos. Kung nagkaroon pa ako noon ng aking pagdududa...»

«Ngunit wala ka noong pagdududa. Alam namin, Jose. Alam na alam namin. Maaari mo nang sabihin nang maliwanag na minamahal mo Siya!»

«Walang problema kung minamahal Siya ni Jose. Tinatanggap ko rin na Siya ay ang pinakadakilang Rabbi sa Israel.»

«Ikaw ba, Gamaliel, ay sinasabi mo iyan?»

«Oo, pinaninindigan ko iyan. At ito ay isang karangalan sa akin na... matalo Niya, sapagkat magpahanggang ngayon napanatili ko ang tradisyon ng dakilang mga rabbi, na ang huli sa mga ito ay si Hillel, ngunit pagkatapos ko hindi ko malaman kung sino ang makatatanggap sa karunungan ng mga siglu-siglo. Ngayon makaaalis ako nang masaya, sapagkat nalalaman ko na ito ay hindi mawawala, sa kabaligtaran ito ay mas lalago pa, dahil ito ay madaragdagan ng Kanyang sariling karunungan, kung saan ang Espiritu ng Diyos ay tiyak na naroroon.»

«Ngunit ano ang iyong sinasabi, Gamaliel?»

«Sinasabi ko ang katotohanan. Hindi sa pamamagitan ng pagsara ng ating mga mata makakalimutan natin kung ano tayo. Tayo ay hindi na marunong, sapagkat ang takot sa Diyos ay ang simula ng karunungan, at tayo ay mga makasalanan nang wala ang takot sa Diyos. Kung tayo ay mayroon ng ganyang takot hindi natin tatapakan ang makatarungan, ni hindi tayo magiging hangal na mga mapaghangad ng kayamanan ng mundo. Ang Diyos ang nagbibigay at ang Diyos ang bumabawi, ayon sa mga merito at kawalan ng mga merito. At kung tayo ay babawian ng Diyos ng kung ano ang Kanyang binigay sa atin, upang maibigay ito sa ibang mga tao, pagpalain nawa Siya sapagkat banal ang Panginoon at banal ang lahat ng Kanyang mga gawain.»

«Ngunit ang pinag-uusapan natin ay ang tungkol sa mga himala at ang ibig sabihin namin ay na wala sa atin ang makagagawa ng mga himala sapagkat si Satanas ay wala sa atin.»

«Hindi. Sapagkat ang Diyos ay wala sa atin. Si Moses ay napaghiwalay ang mga tubig at kanyang hinampas ang bato, si Joshua ay pinatigil ang araw, si Elijah ay binuhay muli ang bata mula sa kamatayan at ginawang magbigay ang kalangitan ng ulan, ngunit ang Diyos ay kasama nila. Pinaaalalahanan ko kayo na anim na mga bagay ang kinapopootan ng Diyos at ang ika pito ay ang Kanyang kinamumuhian: ang isang mapagmataas na tingin, ang nagsisinungaling na dila, ang mga kamay na nagpapadanak ng inosenteng dugo, ang isang puso na nagbubuo ng masasamang plano, ang mga paa na nagmamadali upang makagawa ng kasamaan, ang isang huwad na saksi na nagsisinungaling at siya na naghahasik ng sama ng loob sa mga magkakapatid. Ginagawa natin itong lahat. Sinasabi ko: tayo. Ngunit kayo lamang ang gumagawa nito. Sapagkat nagpipigil ako sa pagsigaw ng “Hosana” at sa pag-iyak ng “Anathema”. Ako ay naghihintay.»

«Para sa tanda! Siyempre! Naghihintay ka para sa tanda! Ngunit anong tanda ang iyong maaasahan mula sa isang kaawa-awang baliw, kahit na kung gustuhin man natin na patawarin Siya sa lahat na iba pa?»

Si Gamaliel ay iniuunat ang kanyang mga kamay nang paharap, at na may nakasarang mga mata at medyo nakatungong ulo, nagmumukhang mabigat na mabigat, sinabi niya sa dahan-dahan na malayong tinig: «Nanabik akong hingin sa Panginoon na ipakita sa akin ang katotohanan, at niliwanag Niya para sa akin ang mga salita ni Jesus ang anak ni Sirach. Ang mga salitang ito: “Ang Tagapaglikha ng lahat na mga bagay ay nagsalita sa akin at binigay sa akin ang Kanyang mga tagubilin, at Siya Na naglikha sa akin ay namahinga sa loob ng aking Tabernakulo at nagsabi sa akin: ‘Manirahan kay Jacob, gawin ang Israel na maging  iyong mana, mamirmihan sa pagitan ng Aking piniling sambayanan...” At niliwanag din Niya ang sumusunod na mga salita at akin itong pinasasalamatan: “Lumapit sa Akin, ikaw na minimithi Ako, at magpakabusog sa Aking mga bunga sapagkat ang Aking espiritu ay mas matamis pa kaysa sa pulot at ang Aking pamana ay mas matamis pa kaysa sa bahay ng pukyutan. Ang mga alaala tungkol sa Akin ay mananatili magpakailanpaman. Sila na kumakain sa Akin ay hindi na muli magugutom, sila na iniinom Ako ay hindi na muli mauuhaw; ang sinuman na makikinig sa Akin ay hindi kailanman mamumula, ang sinuman na nagtatrabaho para sa Akin ay hindi kailanman magkakasala, ang sinuman na nagpapaliwanag ng tungkol sa Akin ay magkakaroon ng eternal na buhay”. At ang liwanag ng Diyos ay naging mas matingkad sa aking espiritu habang binabasa ng aking mga mata ang mga salitang ito: “At lahat na ito ay napapaloob sa aklat ng Buhay, at ang kalooban ng Kataastaasan, ang doktrina ng Katotohanan... Ang Diyos ay nangako kay David na mula sa kanya ay bababa ang pinaka makapangyarihan na Hari Na siyang uupo sa trono ng kaluwalhatian magpasawalanghanggan. Ang Kanyang karunungan ay umaapaw katulad ng Pishon at ng Tigris sa panahon ng pamumunga, katulad ng Euphrates Siya ay umaapaw sa katalinuhan, tumataas Siya katulad ng Jordan sa panahon ng pag-ani. Ikinakalat Niya ang karunungan katulad ng liwanag... Siya ang unang naging perpektong nakaaalam tungkol dito”. Iyan ang niliwanag ng Diyos para sa akin! Sa aba! Sasabihin ko na ang Karunungan sa pagitan natin ay napakalaki na maintindihan natin, ni hindi natin ang isang kaisipan na mas malawak pa kaysa sa mga dagat o ang isang payo na mas malalim pa kaysa sa dakilang kalaliman. At napapakinggan natin Siyang sumisigaw: “Katulad ng isang napakalaking daan ng tubig Ako ay bumubukal nang palabas sa Paraiso at sinabi Ko: ‘Patutubigan Ko ang Aking hardin’, at pagkatapos ang Aking daan ng tubig ay magiging ilog, at ang ilog magiging isang dagat. Katulad ng pagsikat ng araw pinaaabot Ko ang Aking Doktrina sa lahat, at gagawin Ko itong malaman sa pinakamalayong mga sambayanan. Ako ay bababa sa pinaka mabababang bahagi, tatapunan Ko ng mga sulyap ang mga natutulog, paliliwanagan Ko ang mga umaasa sa Panginoon. Ibubuhos Ko ang pagtuturo katulad ng propesiya at iiwanan Ko ito sa mga naghahanap ng karunungan, hindi Ako titigil sa pagbabalita nito hanggang sa banal na siglo. Hindi Ako naghirap para sa Aking Sarili lamang, bagkus para sa lahat na naghahanap ng katotohanan”. Iyan ang pinabasa ng Kataastaasang Diyos sa akin» at ibinababa niya ang kanyang mga kamay at itinataas ang kanyang ulo.

«Kung gayon, ayon sa iyo Siya ay ang Mesiyas?! Sabihin sa amin!»

«Hindi Siya ang Mesiyas.»

«Hindi Siya? Kung gayon ano Siya ayon sa iyo? Hindi isang dimonyo. Hindi isang anghel. Hindi ang Mesiyas...»

«Siya ay Siya Na siya nga.»

«Ikaw ay nahihibang! Siya ba ay Diyos? Ang baliw ba na iyon ay Diyos ayon sa iyo?»

«Siya ay Siya Na siya nga. Alam ng Diyos kung ano Siya. Nakikita natin ang Kanyang mga gawa. Ang Diyos ay nakikita rin ang Kanyang mga naiisip. Ngunit hindi Siya ang Mesiyas, sapagkat ang Mesiyas sa atin ang ibig sabihin ay Hari. Siya ay hindi at hindi kailanman magiging hari. Ngunit Siya ay banal. At ang Kanyang mga gawa ay mga gawa ng isang banal na tao. At hindi natin mapagbabantaan ang Inosente nang hindi nakagagawa ng kasalanan. Hindi ako makapapayag sa kasalanan.»

«Ngunit sa pamamagitan ng iyong mga salita halos nasabi mo na na Siya ay ang Hinihintay na Isa!»

«Nasabi ko ang ganyan. Habang tumatagal ang liwanag ng Kataastaasan nakita ko Siya na gayon. Pagkatapos... habang ang kamay ng Panginoon ay hindi na ako hinahawakan sa Kanyang liwanag, ako ay naging tao muli, ang tao ng Israel, at ang mga salita ay naging ang mga salita lamang kung saan ang tao ng Israel, ako, kayo, ang mga nasa harapan natin, at, huwag sanang ipahintulot ng Diyos, ang mga tao pagkatapos natin, ay ikinakabit ang ibig-sabihin ng kanila, ng ating mga kaisipan, hindi ang ibig-sabihin na mayroon ito sa eternal na Kaisipan na nagdikta nito sa Kanyang lingkod.»

«Tayo ay nagsasalita, lumalayo, nagsasayang ng oras. At ang mga pulutong pansamantala ay nananabik» sabi ni Hananiah sa isang kumukukâ na tinig.

«Tama ka! Kinakailangan na makagawa ng isang disisyon at kumilos, upang mailigtas ang ating mga sarili at managumpay.»

«Sinasabi mo na si Pilato ay hindi makinig sa atin nang hiningi natin ang kanyang tulong laban sa Nazareno. Ngunit kung siya ay ating bibigyan-alam... Sinabi mo kanina na kung ang mga tropa ay maging sabik baka iproklama nila Siya na Caesar... Eh! Isang maganda idea! Tayo na at ipakita ang peligrong ito sa Prokonsul. Tayo ay mapararangalan bilang matatapat na mga lingkod ng Roma at... at kung siya ay gumawa ng aksiyon mawawala sa atin ang Rabbi. Tayo na! Sa dahilan na ikaw, o Eleazar ni Annas, ay mas mapagkaibigan sa kanya kaysa sa amin, maging aming gabay» sabi ni Helkai tumatawa nang nakasasakit.

Mayroong ilang pag-aalinlangan, pagkatapos ang isang grupo ng mga pinaka-panatiko ay umalis patungo sa Antonia. Si Caiaphas ay nananatili kasama ang iba pa.

«Sa oras na ito! Hindi niya sila tatanggapin» wika ng isa.

«Sa kabaligtaran! Ito ang pinakamagandang oras. Si Poncio ay laging nasa matataas na espiritu pagkatapos makakain at makainom katulad ng ginagawa ng isang pagano...»

Iniiwan ko sila doon nagdidiskusyon, at nakikita ko ang tagpo sa Antonia.

Nalakad nila nang mabilis ang maikling distansiya at nang walang kahirapan, napakaliwanag ng sinag ng buwan na ibang-iba sa mapulang liwanag ng mga lampara sa pamasukan-na-bulwagan ng praetorium na gusali.

Si Eleazar ay matagumpay sa pagpunta sa kanyang pangalan kay Pilato, at sila ay pinasunod sa isang malaking walang-tao na bulwagan. Ito ay ganap na walang laman. Mayroon lamang itong isang upuan na may mababang sandalan na nababalot ng isang purpurang tela na nangingibabaw sa katingkaran sa kaligiran ng ganap na kaputian ng bulwagan. Sila ay nananatili sa isang grupo, na medyo natatakot at giniginaw, nakatayo sa maputing marmol na sahig. Walang sinuman ang pumapasok. Naroon ang ganap na katahimikan, napuputol ng malayong tunog ng musika nang may pagitan.

«Si Pilato ay nasa mesa. Siya ay tiyak na kasama ang mga kaibigan. Ang musika ay tinutugtog sa triclinium². Magkakaroon ng mga sasayaw sa karangalan ng mga panauhin» sabi ni Eleazar ni Annas.

«Sila ay makasalanan. Padadalisayin ko ang aking sarili bukas. Ang kahalayan ay sumisiim mula sa mga pader na ito» sabi ni Helkai nang may pagkasuklam.

«Bakit ka pumunta rito kung gayon? Ito ay iyong idea» tugon ni Eleazar.

«Para sa karangalan ng Diyos at sa kabutihan ng ating amangbayan magagawa ko ang kahit anong sakripisyo. At ang isang ito ay malaking sakripisyo! Pinadalisay ko ang aking sarili pagkatapos na malapitan si Lazarus... at ngayon!... Isang nakapangingilabot na araw, ang isang ito!...»

Walang anumang tanda ni Pilato. Si Eleazar, bilang kabisado ang lugar, ay sinusubukan ang mga pintuan. Lahat ito ay sarado. Ang mga Judaean sa bulwagan ay nahintakutan. Ang mga nakakatakot na mga kuwento ay naalaalang muli. Nagsisisi sila na sila ay pumarito. Ang kanilang pakiramdam ay sila ay nawawala na.

Sa wakas, sa tabi na katapat nila, na mga malapit sa pintuan mula kung saan sila dumaan pagdating at kung gayon pinakamalapit sa nag-iisang upuan na nasa bulwagan, ang pinto ay nagbukas at si Pilato ay pumasok, nakasuot ng isang tunika na kasing puti ng bulwagan. Siya ay pumasok na nakikipagusap sa ilang mga panauhin. Siya ay tumatawa. Siya ay tumalikod upang bigyan ng utos ang isang alipin, na humahawak sa kurtina sa kabila ng pintuan, na magtapon ng mga esensiya sa loob ng isang metal na lalagyan at magdala ng mga pabango at tubig para sa kanilang mga kamay at magpadala ng isang alipin na magdadala ng salamin at mga suklay. Hindi niya binibigyan ng pansin ang mga Hebreo, na tila sila ay wala roon. Sila ay nagagalit ngunit hindi sila makapaglakas-loob na umalma...

Sa banda roon, pansamantala, sila ay nagdala ng mga metal na lalagyan, nagkakalat sila ng mga resina sa apoy at nagbubuhos ng may-pabangong tubig sa mga kamay ng mga Romano. Ang isang alipin, na may magagaling na pagkilos, ay inaayos ang kanilang mga buhok ayon sa uso ng mayayamang Romano ng mga araw na iyon. At ang mga Hebreo ay nagagalit.

Ang mga Romano ay tumatawa at nagpapatawa sa kanilang mga sarili patingin-tingin paminsan-minsan sa naghihintay na grupo sa kabilang dulo, at ang isa sa kanila ay nagsasalita kay Pilato na hindi kailanman tumalikod upang tumingin; ngunit si Pilato ay kinibit ang kanyang mga balikat gumagawa ng pahiwatig ng pagkainip at pinalakpak niya ang kanyang mga kamay upang tawagin ang isang alipin na kanyang inuutusan sa isang malakas na tinig na magdala ng matatamis at papasukin ang mga mananayaw. Ang mga Hebreo ay nanginginig sa galit at naiiskandalo. Isipin na lamang si Helkai na mapipilitan na manood ng mga babaeng sumasayaw! Ang kanyang hitsura ay isang tula ng paghihirap at kapootan.

Ang mga alipin ay dumating may dalang mga matamis nakalagay sa mamahaling mga kopa, at sila ay sinusundan ng mga mananayaw nakasuot ng mga girnalda ng mga bulaklak at halos hindi natatakpan ng mga materyal na napakagaan na ito ay tila mga belo. Ang kanilang napakaputing mga katawan ay makikitang nasisinag sa kanilang magaan na mga materyal na kinulayan ng rosas at asul, nang sila ay dumaraan sa harapan ng mga umaapoy na mga metal na lalagyan at sa maraming mga ilawan na inilagay sa kabilang dulo. Ang mga Romano ay hinahangaan ang kayumihan ng mga katawan at ang mga paggalaw at si Pilato ay hinihingi sa kanila na ulitin ang isang sayaw na ganyang partikular na naibigan. Si Helkai, ginagaya ng kanyang mga kasamahan, ay tumatalikod nang nagagalit humaharap sa pader upang hindi makita ang mga mananayaw na gumagalaw nang napakagaan katulad ng mga paruparo na ang kanilang mga suot wumawagayway nang may kasagwaan.

Nang ang maikling sayaw ay natapos si Pilato ay pinaaalis na sila naglalagay sa bawat kamay ng isang kopa na puno ng matatamis at nagtatapon siya ng isang pulseras sa bawat kopa nang walang-pakialam. At sa wakas nagpakababa siya na lumingon at tingnan ang mga Hebreo nagsasabi sa kanyang mga kaibigan sa isang napapagod na tinig: «At ngayon... kailangan kong dumaan mula sa daigdig ng mga panaginip patungo sa reyalidad... mula sa panulaan... patungo sa pagkukunwari... mula sa kayumihan patungo sa maruruming mga bagay ng buhay. Ang pagdurusa ng pagiging isang Prokonsul!... Mabuhay, mga kaibigan, at kaawaan ako.»

Siya ay iniwan nang nag-iisa at unti-unti niyang nilalapitan ang mga Hebreo. Siya ay naupo, iniiksamin niya ang kanyang alagang-alagang mga kamay at may nakita siyang mali sa ilalim ng isang kuko. Inaasikaso niya ito nang mabuti kumukuha mula sa ilalim ng kanyang tunika ng isang manipis na ginintuan na tinting na sa pamamagitan nito maremedyuhan ang malaking sira ng isang di-perpektong kuko...

Pagkatapos siya ay naging napakabait na lumingon siya nang unti-unti. Umiismid siyang nakikita ang mga Hebreo na mga nakayuko pa rin na parang mga alipin at sinabi niya: «Kayo! Dito! At maging mabilis. Wala akong panahon na mag-aksaya sa maliliit na bagay.»

Ang mga Hebreo ay nilalapitan si Pilato sa isang aktitud na laging pang-alipin hanggang sa siya ay sumigaw: «Tama na iyan. Huwag masyadong lumapit» at ang kanyang mga salita ay tila upang ipako sila sa sahig. «Magsalita! At tumayo nang tuwid sapagkat mga hayop lamang ang yumuyuko sa lupa» at siya ay tumatawa.

Ang mga Hebreo ay itinutuwid ang mga sarili sa nanunuyang mga salita at nananatiling matigas na tuwid.

«Kung gayon? Magsalita! Namilit kayong pumunta rito, ngayon na naririto na kayo.»

«Ibig namin sabihin sa inyo... Kami ay sinabihan... Kami ay matatapat na lingkod ng Roma...»

«Ah! Ah! Matatapat na lingkod ng Roma! Gagawin kong malaman ito ng dibinong Caesar at siya ay magiging masaya! Siya ay tiyak na magiging masaya! Magsalita, kayong mga payaso! At maging mabilis!»

Ang mga miyembro ng Sanhedrin ay nanginginig sa galit, ngunit hindi sila umaalma. Si Helkai ay nagsasalita sa katauhan ng lahat: «Kailangan namin na sabihan kayo, o Poncio, na may isang tao na ibinangon mula sa kamatayan ngayong araw sa Bethany...»

«Alam ko. Iyan ba kung bakit kayo naparito? Ako ay nasabihan mga ilang oras na ang nakararaan. Siya ay isang masuwerteng tao dahil nalalaman na niya kung ano ang mamatay at kung ano ang  katulad ng susunod na mundo! Ano ang aking magagawa kung si Lazarus ni Theophilus ay ibinangon mula sa kamatayan? Baka siya kaya ay nagdala sa akin ng isang mensahe mula sa Hades?» Siya ay mapanuya.

«Hindi. Ngunit ang kanyang resureksiyon ay isang peligro...»

«Para sa kanya? Siyempre! Ang peligro na kailangan na mamatay muli. Hindi napakagandang pangyayari. Kung gayon? Ano ang magagawa ko? Ako kaya ay baka si Jupiter?»

«Isang peligro hindi para kay Lazarus. Bagkus para sa Caesar.»

«Para?... Domine! Baka kaya ako ay lasing? Sinabi ba ninyo: para sa Caesar? At papaano si Lazarus makasasamâ sa Caesar? Natatakot ba kayo na ang baho ng sepulkro ay baka makahawa sa ere na hinihinga ng Emperador? Huwag mag-alala! Siya ay napakalayo!»

«Hindi, hindi iyan. Ang katotohanan ay si Lazarus sa pagbangon mula sa kamatayan ay baka maalis ang Emperador sa trono.»

«Maalis sa trono? Ah! Ah! Iyan ay isang mas malaking kabulaanan kaysa ang buong mundo! Kung gayon kayo ay lasing, hindi ako. Baka ang takot ay nasira ang inyong mga isip. Ang makita ang isang tao na bumangon... sa palagay ko nakakabalisa isang tao. Lakad, matulog. At magpahinga nang mabuti. At isang mainit-init na paligo. Isang napaka mainit-init. Napakabuti niya laban sa mga pagkahibang.»

«Hindi kami nahihibang, Poncio. Sinasabi namin sa inyo na kung hindi kayo gagawa ng disisyon makakaranas kayo ng isang malungkot na panahon. Kayo ay tiyak na maparurusahan, kung hindi mapatay, ng mangangagaw. Ang Nazareno ay malapit nang iproklamang hari, hari ng mundo, naiintindihan ba ninyo? Ang inyong pinaka mga lehiyonaryo ay ipuproklama Siya. Sila ay naudyukan ng Nazareno at ang nangyari ngayong araw ay pinaligaya sila. Anong klaseng lingkod kayo ng Roma, kung hindi ninyo aalagaan ang kanyang kapayapaan? Kung gayon, gusto ba ninyong makita ang Imperyo na nababalisa at nahahati dahil sa inyong kawalang ginagawa? Gusto ba ninyong makita ang Roma na natatalo, ang mga bandila hinahablot pababa, ang Emperador pinapatay, ang lahat sinisira...»

«Manahimik! Magsasalita na ako ngayon. At sinasabi ko sa inyo: kayo ay nasisiraan ng ulo! Mas malala pa nga kayo. Kayo ay mga sinungaling. Kayo ay mga kriminal. Karapat dapat sa inyo ang kamatayan. Lumayas kayo rito, kayong maruruming alipin ng inyong sariling mga interes, ng inyong kapootan, ng inyong karamutan. Kayo ang mga alipin, hindi ako. Ako ay isang mamamayan ng Roma at ang mga mamamayang Romano ay hindi naiilaliman ng kahit sino. Ako ay isang imperyong opisyal at ako ay nagtatrabaho para sa ikabubuti ng aming amangbayan. Kayo... ay aming mga nasasakupan. Kayo... ay nasa ilalim ng aming paghahari. Kayo... ay ang mga alipin sa galera nakatali sa inyong mga upuan at magsisimangot kayo nang walang mangyayari. Ang hagupit ng hepe ay nasa inyo. Ang Nazareno!... Gusto ba ninyong patayin ko ang Nazareno? Gusto ba ninyong ipakulong ko Siya? Sa ngalan ni Jove! Kung para sa kaligtasan ng Roma at ng dibinong Emperador kailangan kong ipakulong ang delikadong mga nasasakupan o patayin sila dito kung saan ako ay ang gobernador, kailangan kong pabayaang malaya at buhay ang Nazareno at ang Kanyang mga tagasunod, at sila lamang. Lumayas kayo. Huwag humarang-harang sa daan at huwag na muling bumalik dito. Kayong magugulong tao, mga manunulsol, mga magnanakaw at mga kasabwat ng mga magnanakaw! Alam na alam ko ang inyong mga manyobra. Mas mabuting malaman ninyo iyan. At itanim sa inyong mga isip na ang mga bagong armas at bagong mga lehiyonaryo ay naglingkod upang matuklasan ang inyong mga patibong at ang inyong mga instrumento. Nagrereklamo kayo tungkol sa buwis ng Roma. Ngunit gaano ang inyong binayad para kay Melkiah ng Gilead, at kay Jonah ng Scythopolis, at kay Philip ng Shochoh, at kay Juan ng Beth-aven at kay Jose ng Ramoth, at para sa lahat na iba pa na malapit nang mahuli? At huwag pumunta pagawi sa mga yungib sa lambak sapagkat mas marami doon ng mga lehiyonaryo kaysa sa mga bato, at ang batas at ang galera ay pare-pareho para sa lahat. Para sa lahat! Naiintindihan ba ninyo? Para sa lahat. At umaasa akong mabubuhay nang sapat na matagal upang makita ang lahat sa inyo na nakakadenahan, mga alipin sa pagitan ng mga alipin sa ilalim ng sakong ng Roma. Lumayas kayo! Layas at mag-ulat – ikaw din, Eleazar ni Annas na ayaw ko nang makita pang muli sa loob ng aking bahay – na ang panahon ng habag ay tapos na, at na ako ang Prokonsul at kayo ang mga nasasakupan. Ang mga nasasakupan. At ako ang nagbibigay ng mga utos. Sa ngalan ng Roma. Layas! Kayong panggabing mga ahas at mga bampira! At ang Nazareno ay ibig kayong matubos? Kung Siya ay Diyos, kailangan na kayo ay Kanyang hampasin ng kidlat! Sa gayon ang pinaka nakapandidiring mantsa ay mawawala sa mundo. Labas! At huwag mangahas na magsabwatan, o makakatikim kayo ng espada at latigo.»

Siya ay tumayo at umalis na binabagsak ang pinto sa harapan ng dismayadong mga miyembro ng Sanhedrin, na walang panahon na makabalik sa kanilang mga sarili sapagkat ang isang armadong pangkat ay pumapasok at pinalalabas sila sa bulwagan at sa gusali na tila sila ay mga aso.

Bumalik sila sa bulwagan sa Sanhedrin. Gumagawa sila ng kanilang ulat. Ang pananabik ay malaki. Ang balita tungkol sa pag-aresto sa maraming mga mandarambong sa daan at ang tungkol sa mga pagsalakay sa mga yungib upang makahuli pa ay nakapagbalisa nang labis sa lahat na mga miyembro na mga nanatili. Marami, sa katotohanan, napagod na sa kahihintay, ay umalis na.

«Ngunit sa kabila nito hindi natin maaaring pabayaan na Siya ay nabubuhay» sigaw ng ilan sa mga pari.

«Hindi natin Siya maaaring pabayaan na lamang. Siya ay aktibo. Wala tayong ginagawa. At nawawalan tayo ng pagkakataon araw-araw. Kung pababayaan natin Siyang malaya, magpapatuloy Siya sa paggawa ng mga himala at ang lahat ay paniniwalaan Siya. At ang mga Romano ay magtatapos sa pagkontra at pagsira sa atin nang sabay-sabay. Si Poncio ay sinasabi ang ganito. Ngunit kung ang mga pulutong ay ipuproklama Siyang hari, o! si Poncio ay kakailanganin na maparusahan tayong lahat. Hindi natin dapat ipahintulot iyan» sigaw ni Sadoc.

«O sige. Ngunit papaano? Ang pagtatangka... sa pamamagitan ng batas ng Romano ay nabigo. Si Poncio ay nakatitiyak tungkol sa Nazareno. Ang pagtatangka... sa pamamagitan ng ating batas ay imposible. Hindi Siya gumagawa ng kasalanan...» sinasabi ng isa sa mga miyembro.

«Kung walang kasalanan ang makita, maaaring imbentuhin ang isa» pahiwatig ni Caiaphas.

«Isang kasalanan ang gawin iyan! Ang manumpa sa kung ano ang mali! Ang maisumpa ang isang inosente! Iyan ay... napaka kalabisan!...» sabi ng karamihan sa kanila sa pagkatakot. «Iyan ay isang krimen, sapagkat iyan ay magiging Kanyang kamatayan.»

«Kung gayon? Iyan ba ay nakakatakot sa iyo? Ikaw ay tanga at wala kang naiintindihan. Pagkatapos ng kung ano ang nangyari si Jesus ay kailangan na mamatay. Hindi mo ba naiisip na mas mabuti para sa atin kung isang tao ang mamatay sa halip na marami? Kung kaya't hayaan Siyang mamatay upang mailigtas ang Kanyang sambayanan upang ang lahat ng ating bayan ay hindi sana mamatay. Maging ano pa man... Sinasabi Niya na Siya ay ang Tagapagligtas. Kung gayon pabayaan Siyang isakripisyo Niya ang Kanyang Sarili upang mailigtas ang lahat» sabi ni Caiaphas nang may kasuklam-suklam na malamig na tusong kapootan.

«Ngunit... Caiaphas! Isipin! Siya ay...»

«Ako ay nakapagsalita na. Ang Espiritu ng Panginoon ay nasa akin, ang Mataas na Pari. Kapahamakan sa mga hindi nagrerespeto sa Pontipise ng Israel Ang mga kidlat ng Panginoon ay nasa kanila! Naghintay na tayo nang sapat na! Nagkaroon na tayo ng sapat na kaguluhan! Inuutos ko at sinasabatas na sinuman ang nakaaalam kung nasaan ang Nazareno ay kailangan na pumarito at sabihin sa atin ang lugar, at anathema sa mga susuway sa aking salita.»

«Ngunit Annas...» sabi ng ilan tumututol.

«Sinabi ni Annas sa akin: “Anuman ang gawin mo ay magiging banal”. Ating isara ang pagpupulong. Tayong lahat ay mapupunta rito sa Biyernes sa pagitan ng ikatlo at ng ika-anim na oras upang pagpasyahan kung ano ang gagawin. Lahat tayo, sinabi ko. Sabihan ang mga wala rito. At tiyakin na ang lahat na mga ulo ng mga pamilya at mga klase, ang lahat na pinaka mahahalaga ng Israel ay matawag. Ang Sanhedrin ay nakapagsalita na. Lakad.»

At siya ang unang pumunta sa lugar mula kung saan siya nanggaling, habang ang iba ay pumunta sa iba't ibang direksiyon at iniiwan nila ang Templo nagsasalita sa mabababang tinig habang umuuwi.

240112/012913

 

 



¹ Ang kasalukuyang kabanata ay isinulat pagkatapos ng isang kabanata na nilalarawan si Jesus na hinahatulan ng kamatayan at bahagi ng Ikalimang aklat.

² Pormal na hapag-kainang silid sa gusali ng mga Romano.


Sunod na kabanata