548. Sa Bethany Pagkatapos ng Resureksiyon ni Lazarus.

Disyembre 30, 1946.

Maganda ang mamahingang kasama ang mga nagmamahal na mga kaibigan at malapit sa Guro sa loob ng maaraw na mga araw na nagpapakita ng maagang mga kagandahan ng tagsibol, pinagninilayan ang mga bukid na lumalagong berde na may murang mga sibol ng butil, hinahangaan ang mga parang na pumuputol sa magkakaparehong kulay ng taglamig sa pamamagitan ng unang maliliit na maraming-kulay na mga bulaklak, pinagmamasdan ang mga halamang bakod na nagpapakita ng mga batong-hiyas na nagsisimula nang magbukas ngumingiti sa mas maaraw na mga lugar, tinitingnan ang mga puno ng almendras na ang mga tuktok nito ay natatakpan ng maagang tila-buláng mga bulaklak. At si Jesus ay nagbubunyi sa tanawin, pati na rin ang mga apostol at ang tatlong kaibigan sa Bethany. At ang lahat ay tila malayo at banyaga: ang masasamang kalooban, ang kapighatian, ang kalungkutan, ang mga sakit, kamatayan, poot, inggit, ang lahat na masakit, nagpapahirap, nagpapa-alalang mga bagay sa ibabaw ng Lupa.

Ang lahat na mga apostol ay labis-labis ang kaluguran at sinasabi nila ito. Pinapahayag nila ang kanilang paniniwala – na siguradung-sigurado, matagumpay na matagumpay – na si Jesus ay natalo Niyang lahat ang Kanyang mga kaaway, na ang Kanyang misyon ay ngayon makapagpapatuloy nang wala kahit anong sagabal, na Siya ay kikilalanin bilang ang Mesiyas din ng mga tao na naging napakatatag sa pagsalungat sa Kanya. At sila ay nagsasalita, nang kung baga nagagalak, napagbago, masayang katulad nila, gumagawa ng mga plano para sa hinaharap, nangangarap... nangangarap nang labis... at labis na taong-tao.

Ang pinaka galak-na-galak, dahil din sa kanyang pag-iisip na nadadala siya sa mga kadulu-duluhan, ay si Judas ng Kerioth, kinakamayan niya ang kanyang sarili sa nagawa niyang paghintay, sa kanyang abilidad sa pagkilos, sa kanyang walang-katapusan na pananampalataya sa pananagumpay ng Guro, sa paglaban sa mga pananakot ng Sanhedrin... Siya ay galak-na-galak na siya ay nagtatapos sa pagsasabi ng kung ano ang kanyang itinatago magpahanggang ngayon, sa gitna ng sukdulang pagtataka ng kanyang mga kasamahan: «Oo, ibig nila akong bayaran, ibig nila akong udyukan sa pamamagitan ng mga pambobola, at nang makita nila na ang mga ito ay walang magagawa, ginawa nila iyon sa pamamagitan ng mga pananakot. Kung nalalaman lamang ninyo! Ngunit binayaran ko sila sa pamamagitan ng kanilang sariling sentimos. Nagkunwari akong minamahal ko sila katulad na sila ay nagkukunwaring minamahal nila ako. Inakit ko sila katulad na ako ay inakit nila, niloko ko sila katulad na ako ay kanilang niloko... Sapagkat iyan talaga ang gusto nilang gawin. Ibig nila akong mapaniwala na sinusubukan lamang nila ang Guro upang maiproklama nila Siya nang masolemne na Siya ang Banal na Tao ng Diyos. Ngunit kilala ko sila, kilalang-kilala ko sila. Ngunit sa lahat ng kanilang mga binabalak na ang tungkol dito ay sinasabi nila sa akin, gumawa ako ng paraan na ang kabanalan ni Jesus ay magningning nang mas matingkad pa kaysa sa araw sa katanghalian ng isang walang-ulap na kalangitan... Iyon ay isang delikadong larô. Kung iyon ay kanilang nahalata! Ngunit ako ay nakahanda para sa kahit anuman ang mangyari, kahit na mamatay, upang mapaglingkuran ang Diyos sa aking Guro. At sa gayon ako ay sinasabihan ng tungkol sa lahat... Eh! kung minsan ako ay maaaring lumalabas na tila baliw, masama, at magagalitin. Kung nalaman lamang ninyo kung ano ang katulad ng sitwasyon! Ako lamang ang nakaaalam kung ano ang aking ipinaghihirap sa gabi, ang mga pag-iingat na kinakailangan kong gawin upang makagawa ng mabuti nang hindi natatawag ang pansin ng sinuman! Kayo ay medyo nagsosospetsa ng tungkol sa akin. Alam ko. Ngunit hindi ako nagtatanim ng sama ng loob sa inyo. Ang aking pag-asal ay nakakapagsospetsa. Ngunit ang aking pakay ay mabuti at iyan lamang ang aking iniisip. Ngunit ako ay mananahimik nang hindi inaasam na ako ay mapuri Niya. At hinihingi ko sa inyo na huwag din magsalita ng kahit ano. Isang araw, isa sa unang mga pagkakataon na makasama ko Siya – at ikaw, Simon Zealot, at ikaw, Juan ni Zebedeo, ay kasama ko – nilapitan Niya ako dahil ipinagyabang ko ang pagkakaroon ng praktikal na sentido komun. Mula noon... hindi ko na pinaghuhusay pa ang  kalidad kong ito sa presensya Niya, ngunit pinagpatuloy ko itong gamitin, para sa Kanyang sariling kabutihan. Ginawa ko kung ano ang ginagawa ng isang ina para sa kanyang di-ekspertong anak. Inaalis ang mga hadlang sa kanyang daan, inilalagay niya ang walang-tinik na sanga sa kanya, itinatabi niya ang isang makapananakit sa kanya, o sa pamamagitan ng may-katusuhan na pagkilos ginagawa niya na gawin ng anak kung ano ang dapat niyang matutunan na gawin at maiwasan kung ano ang masama, nang hindi nalalaman ng anak ang lahat na ito. Sa kabaligtaran, ang anak ay naniniwala na siya ay nagtagumpay sa pamamagitan niya mismo sa paglalakad nang hindi natutumba, sa pagpitas ng isang magandang bulaklak para sa kanyang ina, sa paggawa ng bagay na ito o iyon nang kusa. Ginawa ko rin ang ganyan sa Guro. Sapagkat ang kabanalan ay hindi sasapat para sa isang mundo ng mga tao at mga dimonyo. Kinakailangan na lumaban sa pamamagitan ng parehong mga armas, katulad man lamang ng mga tao... at kung minsan... hindi masama na magdagdag ng isang kurot ng mala-impiyernong katusuhan sa iba pang mga armas. Iyan ang aking idea. Ngunit hindi Siya makikinig sa akin... Napakabuti Niya... Bueno. Naintindihan ko ang lahat na mga bagay at ang lahat na mga tao, at pinagpapasensyahan ko ang lahat para sa masasamang kaisipan na maaaring nagkaroon sila tungkol sa akin. Ngayon alam na ninyo. At ngayon minamahal natin ang isa’t isa bilang mabubuting kasamahan, at ginagawa natin ang lahat para sa Kanyang pagmamahal at sa Kanyang kaluwalhatian» at tinuturo niya si Jesus Na naglalakad nang papalayo pa sa isang maaraw na daanan nagsasalita kay Lazarus, na nakikinig sa Kanya ngumingiti nang lubos na nasisiyahan.

Ang mga apostol ay umalis patungo sa bahay ni Simon. Si Jesus sa halip ay mas lumapit pa kasama ang Kanyang kaibigan. Nakikinig ako sa kanila.

Si Lazarus ay nagsabi: Oo, naintindihan ko noon na may ilang dakilang pakay, tiyak na isang mabuting pakay, na ako ay pabayaang mamatay. Akala iyon ay para hindi ko masaksihan ang kanilang pang-uusig laban sa Inyo. At, nalalaman Ninyo kung ako ay nagsasabi ng katotohanan, ako ay masayang mamatay upang hindi ko makita ito. Ito ay nagpapahirap sa akin. Nagpapabalisa ito sa akin. Kita Ninyo, Guro. Pinatawag ko ang tungkol sa maraming mga bagay sa mga hepe ng ating sambayanan. Kinailangan kong magpatawad hanggang sa aking huling mga araw... si Helkai... Ngunit ang kamatayan at ang resureksiyon ay nakansela ang lahat na dating mga bagay. Bakit sariwain ang kanilang huling mga pagsisikap upang mapamighati ako? Napatawad ko na si Maria ng tungkol sa lahat. Tila pinagdududahan niya ito. At higit pa rito, hindi ko malaman kung bakit, mula nang ako ay nabuhay muli ginagawa niya ang mga aktitud na gayon... Hindi ko alam kung papaano ito pangalanan. Siya ay napaka banayad at mapagpailalim, na napaka kakaiba sa aking Maria... Ni hindi kahit na noong unang mga araw nang siya ay pumunta rito, pagkatapos na matubos Ninyo, na siya ay naging katulad niyan. Baka may nalalaman Kayo at masasabi Ninyo sa akin, sapagkat si Maria ay sinasabi sa Inyo ang lahat... Nalalaman ba Ninyo kung ang mga taong pumunta rito ay pinagalitan siya nang husto? Lagi kong pinagsisikapan na mapahina ang alaala ng tungkol sa kanyang pagkakamali kapag nakikita ko siya na buhos sa pag-iisip tungkol sa kanyang nakaraan, upang mapagaan ang kanyang paghihirap. Hindi niya mapatahimik ang kanyang isip tungkol dito. Siya ay tila lubos na nasa... itaas ng kung ano ang kalumbayan. Ang ilang mga tao ay baka isipan pa na hindi siya nagpapakita ng panghihinayang... Ngunit naiintindihan ko... Alam ko. Ang lahat ay nagagawa ang isa na magbayad-sala. Sa palagay ko gumagawa siya nang labis na pagtitika, ng lahat ng klase. Hindi ako magtataka kung magsusuot siya ng isang magaspang na damit sa ilalim ng kanyang mga damit at kung ang kanyang balat ay nakaranas na ng mga dagok ng pagpapahirap... Ngunit ang aking pangkapatiran na pagmamahal na mayroon ako para sa kanya at na ang tinatangka nito ay ang masuportahan siya sa paglalagay ng isang belo sa pagitan ng nakaraan at ng kasalukuyan, ay hindi nalalaman ng sino pa man... Nalalaman ba Ninyo, kung sakali man, kung siya ay minaltrato ng kung sino na hindi makapagpatawad... at na kinakailangan na mapatawad?»

«Hindi Ko alam, Lazarus. Si Maria ay walang sinabi sa Akin tungkol dito. Sinabi lang niya sa Akin na siya ay naghirap nang labis nang mapakinggan ang mga Pariseo na nagpapahiwatig na hindi Ako ang Mesiyas sapagkat hindi kita pinagagaling o binabangon mula sa kamatayan.»

«At... wala ba siyang sinasabi na kahit ano sa Inyo tungkol sa akin? Alam Ninyo... ako ay naghihirap nang labis... Naaalaala ko na ang aking ina sa kanyang huling mga oras ay nagbunyag ng maraming mga bagay na hindi ko at ni Martha napuna. Iyon ay tila ang kalaliman ng kanyang kaluluwa at ang kanyang nakaraan ay ibabaw muli sa pamamagitan ng huling mga pagkagambala ng kanyang puso. Umaasa ako na... Ang aking puso ay naghirap nang labis dahil kay Maria... at nagsikap ito sa bawat paraan na huwag siyang mabigyan ng pakiramdam ng kung ano ang aking ipinaghirap dahil sa kanya... Ayaw kong siya ay masaktan ko ngayon na siya ay mabuti na, habang dala ng pangkapatiran na pagmamahal una, at pagkatapos alang-alang sa Inyo, hindi ko siya hinampas noong di magagandang araw nang siya ay isang kahihiyan. Ano ang kanyang sinabi sa Inyo tungkol sa akin, Guro?»

«Ang kanyang dalamhati sa pagkakaroon ng napaka ikling panahon na maibigay sa iyo ang kanyang banal na pagmamahal bilang iyong kapatid at kapwa-disipulo. Ang iyong pagkawala ay nagawa siyang masukat niya ang laki ng mga kayamanan ng pagmamahal na kanyang dinurog sa ilalim ng kanyang mga paa minsan... at ngayon masaya na siya na naibibigay na niya ang lahat na pagmamahal na ibig niyang ibigay sa iyo, upang masabi sa iyo na ikaw ay ang kanyang banal na pinakamamahal na kapatid.»

«Ah! Iyan na iyan! Nabatid ko iyan! Natutuwa ako niyan. Ngunit ako ay natatakot na baka nasaktan ko siya... Mula pa kahapon Ako ay isip nang isip... Nagsisikap akong makaalaala... ngunit wala akong maalaala...»

«Ngunit bakit ibig mong makaalaala? Naririyan ang iyon hinaharap sa harapan mo. Ang iyong nakaraan ay naiwanan sa sepulkro. Hindi lamang, bagkus, ni hindi nga iyon naiwanan doon. Iyon ay nasunog kasama ng mga bendahe ng paglilibing. Ngunit kung ito ay makakatulong upang mabigyan ka ng kapayapaan, sasabihin Ko sa iyo ang iyong huling mga salita sa iyong mga kapatid. Kay Maria lalo na. Sinabi mo na iyon ay dahil kay Maria na Ako ay naparito at pumunta Ako rito, sapagkat nalalaman ni Maria kung papaano magmahal nang higit pa sa sino pa man. Iyan ay totoo. Sinabi mo na minahal ka niya nang higit pa kaysa sa lahat na nagmahal sa iyo. Iyan ay totoo rin, sapagkat minahal ka niya binabago ang kanyang sarili para sa Diyos at para sa iyo. Sinabi mo sa kanya, at talagang totoo, na ang isang buong kasiyahan ng isang pamumuhay ay hindi makapagbibigay sa iyo ng lugod na iyong tinanggap mula sa kanya. At pinagpala mo ang iyong mga kapatid katulad na siyang madalas gawin ng isang patriyarka upang pagpalain ang kanyang mga minamahal na nilikha. Magkapareho mong pinagpala si Martha, na iyong tinawag na iyong kapayapaan; at si Maria, na iyong tinawag na iyong lugod. Masaya ka na ba ngayon?»

«Oo, Guro, ang aking isip ay nasa kapayapaan na ngayon.»

«Kung gayon, dahil sa ang kapayapaan ay nagbibigay ng awa, patawarin din ang mga hepe ng sambayanan na nang-uusig sa Akin. Sapagkat iyan ang ibig mong sabihin: na mapapatawad mo ang lahat maliban sa kasamaan na ginagawa nila sa Akin.»

«Iyan ay ganyan, Guro.»

«Hindi, Lazarus, pinatatawad Ko sila. Kailangan na patawarin mo sila kung ibig mong maging katulad Ko.»

«O! Katulad Ninyo! Hindi ko magagawa! Ako ay isang tao lamang!»

«Ang tao ay naiwan sa ibaba roon. Ang tao! Ang iyong espiritu... Nalalaman mo ba kung ano ang nangyayari sa kamatayan ng isang tao...»

«Hindi, Panginoon. Wala akong maalaala tungkol sa nangyari sa akin» pagputol ni Lazarus nang marubdob.

Si Jesus ay ngumingiti at tumugon: «Hindi Ko tinutukoy ang iyong personal na nalalaman, sa iyong personal na karanasan. Nagsasalita Ako ng tungkol sa kung ano ang nalalaman ng bawat naniniwala sa kung ano ang nangyayari sa kanya kung siya ay namamatay.»

«Ah! Ang partikular na Paghuhukom. Alam ko. Naniniwala ako. Ang kaluluwa ay pinipresenta ang sarili sa Diyos, at ang Diyos ay hinuhusgahan ito.»

«Iyan ay ganyan. At ang paghusga ng Diyos ay makatarungan at di-malalabag. At ito ay may walang-hangganang kahalagahan. Kung ang isang kaluluwa ay mortal na hinusgahan na may kasalanan ito ay nagiging isang kaluluwang naisumpa. Kung ito ay hindi masyadong nagkasala ito ay pinadadala sa Purgatoryo. Kung ito ay makatarungan ito ay pupunta sa kapayapaan ng Limbo maghihintay sa Akin na mabuksan Ko ang mga tarangkahan ng Langit. Kung gayon tinawag Ko nang pabalik ang iyong kaluluwa pagkatapos na ito ay mahusgahan ng Diyos. Kung ikaw ay naisumpa hindi kita matatawag nang pabalik sa buhay, sapagkat kung ginawa Ko ito makakansela Ko ang paghusga ng Aking Ama.  Para sa naisumpang mga kaluluwa walang pagbabago ang posibleng magawa. Sila ay nahusgahan na nang magpasawalanghanggan. Kung gayon kabilang ka sa mga hindi naisumpa. Kung gayon kasama ka sa grupo ng pinagpalang mga kaluluwa, o sa grupo ng mga magiging pinagpala pagkatapos na napadalisay. Ngunit isipin ito, Aking mahal na kaibigan. Kung ang sinsirong kalooban ng pagsisisi na maaaring magkaroon ang tao habang siya ay isa pang tao, ibig sabihin, katawan at kaluluwa, ay matatanggap bilang pagpapadalisay; kung ang makahulugan na ritwal ng binyag sa tubig, na gusto ng isang tao dala ng espiritu ng pagsisisi upang malinisan ng karumihan na nakuha sa mundo at dahil sa kanyang laman, ay may kahalagahan ng pagpapadalisay para sa ating mga Hebreo, anong kahalagahan magkakaroon ang pagsisisi, isang mas tunay at perpektong pagsisisi, isang mas perpektong pagsisisi ng isang kaluluwa na napalaya mula sa katawan, nakaaalam kung ano ang Diyos, naliwanagan tungkol sa kabigatan ng mga pagkakamali nito, naliwanagan tungkol sa laki ng lugod nang makalayo nang maraming oras, maraming mga taon, nang maraming mga siglo: ang lugod ng kapayapaan ng Limbo na siyang magiging lugod ng nakamit na pag-aari sa Diyos: ang doble, tripleng pagpapadalisay ng perpektong pagsisisi, ng perpektong pagmamahal, ng paliligo sa init ng mga apoy na sinindihan ng pagmamahal ng Diyos at ng pagmamahal ng mga espiritu, kung saan at sa pamamagitan nito ang mga espiritu ay nahuhubaran ng lahat na dumi at lumalabas na kasing ganda ng serapin, kinoronahan ng ni ang mga serapin ay hindi nakokoronahan: ang kanilang panlupa at sukdulang panlupang pagkamatay bilang martir laban sa mga bisyo at alang-alang sa pagmamahal? Magiging ano ito? Sabihin sa Akin, Aking mahal na kaibigan.»

«Bueno... Hindi ko alam... perpeksiyon. Mas mabuti pa... isang bago paglilikha.»

«Ayan ka na: nasabi mo ang tamang salita. Ang kaluluwa ay nagiging tila nilikhang muli. Ito ay nagiging katulad ng kaluluwa ng isang sanggol. Ito ay bago. Ang nakaraan ay wala na. Ang nakaraan nito ng tao. Kapag ang orihinal na Kasalanan ay bumagsak, ang kaluluwa na walang mantsa at walang anino ng mantsa, ay magiging higit-kaysa-karaniwan na nilikha at karapat-dapat ng Paraiso. Tinawag Kong pabalik ang iyong kaluluwa na nilikhang muli sa pamamagitan ng iyong kusang loob na mapakabit sa Kabutihan, sa pamamagitan ng pagbabayad-sala ng kirot at kamatayan, at sa pamamagitan ng iyong perpektong pagsisisi at ng iyong perpektong pagmamahal, na naabot sa kabila ng kamatayan. Kung gayon ang iyong kaluluwa ay isang inosente katulad ng kaluluwa ng isang sanggol mga ilang oras pa lamang ang edad. At kung ikaw ay isang bagong panganak na sanggol, bakit gusto mong isuot sa iyong espirituwal na pagiging bata ang mabigat na nakakasagabal na mga damit ng isang adulto? Ang masayahing espiritu ng isang bata ay may mga pakpak, hindi mga tanikala. Nagagaya nila Ako nang madali sa dahilan na wala pa silang dinadalang personalidad. Sila ay nagiging katulad Ko, sapagkat ang Aking pigura at Aking doktrina ay maitatatak sa kanilang mga kaluluwa na wala ng lahat na mga bakas nang wala ng kahit na anong kalituhan ng mga linya. Ang kanilang mga kaluluwa ay malaya sa pantaong mga alaala, sa mga hinanakit, sa maling pag-aakala. Walang kahit ano sa kanila, kung gayon Ako ay makapupunta roon, perpekto at absuluto katulad na Ako ay nasa Langit. Ikaw, na naipanganak muli, isang bagong panganak, sapagkat sa iyong dating laman ang nagpapagalaw na kapangyarihan ay bago, malinis, walang nakaraan at walang mga bakas ng kung ano ito dati, ikaw, na bumalik upang paglingkuran Ako, at tanging para sa pakay lamang na iyan, kailangan mo na maging katulad Ko, nang higit pa sa sino pa mang iba. Tingnan mo Ako. Tingnan mo Ako nang mabuti. Tingnan mo ang iyong sarili sa Akin, at aninagin mo Ako sa iyong sarili. Dalawang salamin na nagtitinginan upang masalamin sa isa’t isa ang pigura ng kung ano ang kanilang minamahal. Ikaw ay isang mamâ at isang bata. Isang mamâ sa edad, isang bata sa kadalisayan ng iyong puso. Nakakalamang ka sa mga bata ng pagiging nalalaman mo na ang Mabuti at ang Masama, at sa pagpili ng Kabutihan kahit bago pa man ang iyong Binyag sa apoy ng pagmamahal. Bueno, sinasabi Ko sa iyo, sa mamâ na ang kaninong espiritu ay nalinisan ng puripikasyon na tinanggap: “Maging kasing perpekto katulad na ang ating Ama sa Langit ay perpekto at katulad Ko. Maging perpekto, ibig sabihin, maging katulad Ko Na nagmahal sa iyo nang labis na sinalungat Ko ang lahat na mga batas ng buhay at kamatayan, ng langit at ng lupa, upang magkaroon muli sa Lupa ng isang lingkod ng Diyos at isang totoong kaibigan Ko, at isang pinagpalang kaluluwa, isang dakilang pinagpalang kaluluwa sa Langit”. Sinasabi Ko iyan sa lahat: “Maging perpekto”. At sila, ang nakararami, ay wala ng puso na katulad ng nagkaroon ka, karapat-dapat ng himala, karapat-dapat na gamitin bilang isang instrumento upang mapaluwalhatian ang Diyos sa Kanyang Anak. At wala sila ng pagkakautang ng pagmamahal sa Diyos... masasabi Ko iyan, mahihingi Ko iyan mula sa iyo. At una sa lahat hinihingi Ko iyan sa pagsabi sa iyo na huwag magtanim ng sama-ng-loob sa mga nanakit sa iyo at ngayon nananakit sa Akin. Magpatawad, Lazarus, magpatawad. Ikaw ay nailubog sa lumalagablab na mga apoy ng pagmamahal. Ikaw ay kailangan na maging “pagmamahal”, upang sana wala ka nang iba pang malaman bagkus ang yakap ng Diyos.»

«At sa paggawa nito magagampanan ko ba ang misyon para sa kung saan ako ay Inyong ibinangon mula sa kamatayan?»

«Sa paggawa niyan magagampanan mo ito.»

«Sapat na iyan, Panginoon. Hindi ko na kailangan na magtanong o mas makaalam pa. Ang aking pangarap ay ang mapaglingkuran Kayo. Kung mapaglilingkuran ko Kayo sa pamamagitan ng walang ginagawa, bilang isang maysakit na tao at isang patay na katawan, at kung mapaglilingkuran ko Kayo sa pamamagitan ng paggawa nang labis, katulad ng isang tao na nakapanumbalik ng lakas, ang aking pangarap ay nagkatotoo na at wala na akong hinihingi pang iba. Pagpalain nawa Kayo, aking Jesus, Panginoon at Guro! At harinawang Siya Na nagpadala sa Inyo ay pagpalain kasama Ninyo.»

«Harinawang ang Makapangyarihang Panginoong Diyos ay pagpalain lagi.»

Sila ay naglalakad patungo sa bahay tumitigil paminsan-minsan upang panuurin ang nagigising nang muli na mga punungkahoy at si Jesus, matangkad na katulad Niya, ay itinaas ang isang kamay at pinitas ang isang maliit na kumpol ng mga bulaklak mula sa isang puno ng almendras na nagiging mainit sa sikat ng araw, sa tabi ng dakong timog na pader ng bahay.

Si Maria ay lumabas at nakita sila at nilalapitan niya sila upang mapakinggan kung ano ang sinasabi ni Jesus: «Kita mo, Lazarus? Sa mga bulaklak din na ito ang Panginoon ay nagsabi: “Lumabas kayo”. At sila ay sumunod upang paglingkuran ang Panginoon.»

«Anong misteryo ang pagsibol! Ito ay tila imposible para sa ganyan kaselan na mga petalo at gayon kalambot na mga tangkay na sumulpot mula sa isang matigas na katawan ng kahoy o matigas na mga buto at magbago sa pagiging prutas o mga tanim. Mali ba, Guro, na sabihin na ang limpa o ang mikrobyo ay katulad ng kaluluwa ng tanim o ng buto?»

«Hindi iyan mali dahil iyan ang napakahalagang bahagi, Iyan ay hindi eternal sa kanila, ngunit nilikha para sa bawat uri noong unang araw na ang mga tanim at mga butil ay nilikha. Sa tao iyan ay eternal, katulad ng Tagapaglikha nito, nililikha sa bawat pagkakataon na ang isang bagong tao ay pinaglilihi. Ngunit ang materyal ay buháy sa pamamagitan nito. Iyan kung bakit Ko sinasabi na tanging sa pamamagitan lamang ng kaluluwa ang tao ay nabubuhay. At siya ay hindi lamang nabubuhay dito. Bagkus sa kabila pa. Siya ay nabubuhay dahil sa kanyang kaluluwa. Tayong mga Hebreo ay hindi gumuguhit ng mga disenyo sa mga sepulkro katulad ng ginagawa ng mga Hentil. Ngunit kung tayo ay guguhit nito, hindi tayo dapat gumuhit ng disenyo ng isang patay na sulô, isang walang laman na sand-glass o kahit ano pa man na ibang disenyo na nagsisimbolo ng katapusan, bagkus ang buto na itinatapon sa daan ng araro at tumutubo sa pagiging isang tainga ng butil. Sapagkat ang kamatayan ng katawan ang nagpapalaya sa kaluluwa mula sa balat-kahoy at ginagawa itong mamunga sa mga taniman ng mga bulaklak ng Diyos. Ang buto. Ang napakahalagang kislap na inilagay ng Diyos sa ating alikabok at nagiging isang tainga kung sa pamamagitan ng ating mabuting kalooban at sa pamamagitan din ng kapighatian mapapataba natin ang sandakot na lupa na bumabalot dito. Ang buto. Ang simbolo ng buhay na tumatagal magpasawalanghanggan... Ngunit si Maximinus ay tinatawag kayo...»

«Lalakad ako, Guro. Ang ilan sa mga tagapamahala ay baka dumating. Ang lahat ay napatigil nang huling mga buwan na ito. Sila ngayon ay nagmamadali upang ipakita sa akin ang kanilang mga listahan.

«Na iyong inaaprobahan nang abante dahil ikaw ay isang mabuting panginoon.»

«At dahil sila ay mabubuting katulong.»

«Ang isang mabuting panginoon ay gumagawa ng mabubuting katulong.»

«Kung gayon ako ay tiyak na magiging isang mabuting katulong sapagkat nasa akin Kayo bilang isang perpektong Guro» at siya ay umalis ngumingiti, naglalakad nang mabilis, ibang-iba sa kaawa-awang Lazarus ng maraming mga taon.

Si Maria ay nananatiling kasama si Jesus.

«At ano ikaw, Maria, magiging isang mabuting katulong ka ba ng iyong Panginoon?»

«Kayo lamang ang nakaaalam, Rabboni. Ako... Alam ko lamang na ako ay isang dating malaking makasalanan.»

Si Jesus ay ngumingiti: «Nakita mo na ba si Lazarus? Siya, rin, ay malalang may sakit, gayunpaman hindi ba sa palagay mo na siya ay magaling na magaling?»

«Ganyan nga, Rabboni. Pinagaling Ninyo siya. Anuman ang ginagawa Ninyo ay laging kumpleto. Si Lazarus ay hindi pa kailanman naging napakalakas at masayahin katulad niya ngayon mula nang siya ay lumabas sa sepulkro.»

«Tama ka. Maria. Anuman ang Aking ginagawa ay laging kumpleto. Kung kaya't ang iyo ding katubusan ay kumpleto sapagkat trinabaho Ko iyon.»

«Iyan ay totoo, aking pinakamamahal na Tagapagligtas at Tagapagtubos, aking Hari at Diyos. Iyan ay totoo. At kung gugustuhin Ninyo, ako rin ay magiging isang mabuting katulong ng aking Panginoon. Para sa akin, gusto ko iyan, Panginoon. Hindi ko alam kung gusto Ninyo.»

«Gusto Ko iyan, Maria. Isang mabuting katulong Ko. Ngayon nang higit pa kahapon. Bukas nang higit pa ngayon. Hanggang sa sabihin Ko sa iyo: “Sapat na, Maria. Panahon na para sa iyo na magpahinga”.»

«Sang-ayon, Panginoon. Gusto kong tawagin Ninyo ako, pagkatapos. Katulad ng tinawag Ninyo ang aking kapatid palabas sa sepulkro. O! tawagin Ninyo ako palabas sa buhay na ito!»

«Hindi, hindi palabas sa buhay na ito. Tatawagin kita patungo sa Buhay, patungo sa totoong Buhay. Tatawagin kita palabas ng sepulkro na siyang ang laman at ang Lupa. Tatawagin kita sa kasal ng iyong kaluluwa sa iyong Panginoon.»

«Aking kasal! Mahal Ninyo ang mga birhen, Panginoon...»

«Minamahal Ko ang nagmamahal sa Akin, Maria.»

«Kayo ay dibinong mabuti, Rabboni! Iyan kung bakit hindi mapalagay ang aking isip nang mapakinggan ko ang mga tao na nagsasabi na Kayo ay masama sapagkat hindi Kayo dumarating noon. Ang lahat ay tila gumuguho sa paligid ko. Gaano iyon kahirap na sabihin sa aking sarili: “Hindi. Hindi mo dapat tanggapin ang katibayan na ito. Kung ano ang tila sa iyo ay kitang-kita ay isang panaginip lamang. Ang tunay na katotohanan ay ang kapangyarihan, ang kabutihan, ang dibinidad ng iyong Panginoon”. Ah! Gaano ako naghirap! Labis na kalungkutan para sa kamatayan ni Lazarus at para sa kanyang mga salita... May sinabi ba siya sa Inyo na kahit ano? Hindi ba siya nakaalaala? Sabihin sa akin ang katotohanan...»

«Hindi Ako kailanman nagsisinungaling, Maria. Natatakot siya na siya ay baka nakapagsalita at nasabi kung ano ang nakapamighati sa kanyang buhay. Ngunit tiniyak Ko sa kanya, nang hindi nagsisinungaling, at siya ngayon ay may katahimikan na.»

«Salamat sa Inyo, Panginoon. Ang mga salitang iyon... ay nakabuti sa akin. Oo. Katulad lamang ng panggagamot ng isang doktor na inilalantad ang mga ugat ng isang sakit at sinusunog ito. Natapos nilang masira ang lumang Maria. Mayroon pa ako noon ng napakataas na opinyon tungkol sa aking sarili. Ngayon... nasukat ko ang kailaliman ng aking pagiging mababa at alam ko na mahaba ang aking aakyatin upang makalabas dito. Ngunit gagawin ko ito, kung tutulungan Ninyo ako.»

«Tutulungan kita, Maria. Tutulungan din kita kapag Ako ay nakaalis na.»

«Papaano, aking Panginoon?»

«Sa pagpapalaki ng Aking pagmamahal sa isang di-masusukat na paraan. Walang ibang paraan para sa iyo.»

«Napaka banayad kompara sa kung ano ang dapat kong ipambayad-sala! Ang lahat ay naliligtas sa pamamagitan ng pagmamahal. Ang lahat ay nakakamit ang Langit. Ngunit kung ano ang sapat na para sa puro, sa makatarungan, ay hindi sasapat para sa malaking makasalanan.»

«Walang ibang paraan para sa iyo, Maria. Sapagkat, anumang daan ang kunin mo, ito ay magiging pagmamahal pa rin. Pagmamahal kung tulungan mo ang mga tao sa ngalan Ko. Pagmamahal kung mag-eebanghelyo ka. Pagmamahal kung mamumuhay ka nang nasa pag-iisa. Pagmamahal kung gagawin mong isang martir ang iyong sarili. Pagmamahal kung gagawin mo ang mga tao na patayin ka bilang martir. Makagagawa ng bagkus pagmamahal, Maria. Ito ay nasa iyong kalikasan. Ang mga apoy ay bagkus makasusunog ito man ay gumapang sa lupa, sumusunog ng mga dayami, o tumataas silang katulad ng isang maningning na yakap sa paligid ng isang katawan ng punungkahoy, isang bahay o isang altar upang makataas patungo sa kalangitan. Ang bawat isa ay may kanyang kalikasan. Ang karunungan ng mga guro ng espiritu ay nasa abilidad na samantalahin ang mga kiling ng mga tao dinadala sila sa daan kung saan sila uunlad nang may pakinabang. Ang ganyang batas ay nasa mga tanim at mga hayop din at magiging kahangalan ang magkunwari na ang isang namumungang-punungkahoy ay mamumulaklak lamang, mamumunga ng ibang mga prutas kaysa sa natural na mga prutas nito, o na ang isang hayop ay kailangan na gawin ang mga gawain tipikal ng ibang uri ng hayop. Makapagkukunwari ka ba na ang isang pukyutan, na nakatalaga na gumawa ng pulot, ay dapat maging isang maliit na ibon sa umaawit sa pagitan ng madahon na mga sanga ng isang halamang-bakod? O na ang isang maliit na sangang ito ng isang puno ng almendras na hawak Ko sa Aking mga kamay, kasama ang lahat ng puno mula kung saan Ko ito pinitas, sa halip na mamunga ng mga almendras ay kailangan na magpalabas ng masarap amuyin na mga resina mula sa balat-kahoy nito? Ang isang pukyutan ay nagtatrabaho, ang isang ibon umaawit, ang puno ng almendras namumunga, ang isang tanim na resina ay nagpapalabas ng mga resina. At ang bawat isa ay ginagawa ang kanyang gawain. Ang mga kaluluwa ay ganyan din. Ang iyong gawain ay ang magmahal.»

«Kung gayon paapuyin Ninyo ako, Panginoon. Ipagkaloob iyan sa akin bilang isang grasya.»

«Ang kapangyarihan ba ng pagmamahal na angkin mo na ay hindi pa sapat para sa iyo?»

«Ito ay napakaliit, Panginoon. Makapagmamahal lamang ito ng mga tao. Hindi makapagmamahal sa Inyo Na siyang ang walang-hangganang Panginoon.»

«At sa dahilan lamang na Ako ay ganyan, ang isang walang-hangganang pagmamahal ang kakailanganin...»

«Oo, aking Panginoon. Iyan ang gusto ko: na bigyan Ninyo ako ng isang walang-hangganang pagmamahal.»

«Maria, ang Kataastaasan Na nakaaalam kung ano ang pagmamahal, ay nagsabi sa tao: “Mamahalin mo Ako nang lahat ng iyong lakas”. Hindi Siya humihingi ng mahigit pa riyan. Sapagkat nalalaman Niya na iyan ay isa nang pagpapakamartir ang magmahal nang buong lakas ng isang tao...»

«Hindi na bale, aking Panginoon. Bigyan Ninyo ako ng isang walang-hangganang pagmamahal na sana mamahal ko Kayo ayon sa nararapat na Kayo ay mahalin, na sana mamahal ko Kayo katulad ng hindi pa ako nakapagmahal ng sino pa mang iba»

«Humihingi ka sa Akin ng para sa isang paghihirap na katulad ng isang apoy na nanununog at tumutupok. Maria, ito ay nanununog at tumutupok nang dahan-dahan... Isipin ang tungkol dito.»

«Matagal ko nang iniisip ang tungkol diyan, aking Panginoon. Ngunit hindi ako maglakas-loob na hingin sa Inyo. Ngayon alam ko na kung gaano Ninyo ako minamahal. Ngayun-ngayon lamang nalaman ko kung gaano Ninyo ako minamahal at naglalakas-loob akong hingin ito sa Inyo. Ibigay Ninyo sa akin ang walang-hangganang pagmamahal na iyan, Panginoon.»

Si Jesus ay tinitingnan siya. Siya ay nasa harapan Niya, payat pa rin pagkatapos ng maraming mga oras ng pagbabantay at labis na pamimighati, nakasuot ng isang katamtamang damit at na ang kanyang buhok nakaayos sa isang simpleng paraan, katulad ng isang maliit na batang babae na walang malisya, ang kanyang maputlang mukha puno ng pananabik, ang kanyang nangungusap na mga mata nagniningning na sa pagmamahal, mas nagmumukhang katulad ng isang serapin kaysa sa isang babae. Siya ay ang isa nang tagapagnilay humihingi ng isang pagpapakamartir ng absulutong pagninilay.

Si Jesus ay nagsalita ng isang salita lamang pagkatapos na matingnan siya nang mabuti, na tila tinitimbang-timbang Niya ang kanyang kalooban: «Oo.»

«Ah! aking Panginoon! Anong isang grasya ang mamatay dala ng pagmamahal para sa Inyo!» sinasabi niya bumabagsak sa kanyang mga tuhod at hinahalikan ang mga paa ni Jesus.

«Tumayo ka, Maria. Kunin mo ang mga bulaklak na ito. Iyan ay ang mga bulaklak ng iyong espirituwal na kasal. Maging kasing tamis ng prutas ng puno ng almendras, kasing puro katulad ng bulaklak nito at kasing ningning katulad ng langis na kinukuha mula sa prutas nito, kapag ito ay sinisindihan, at kasing masarap amuyin katulad ng langis na ito na kapag binabaran ng mga esensiya ito ay ikinakalat sa mga bangkete o sa mga ulo ng mga hari, pinabanguhan ng iyong mga birtud. Pagkatapos talagang ikakalat mo sa iyong Panginoon ang balsamo na Kanyang titingalain nang magpakailanman.»

Kinuha ni Maria ang mga bulaklak ngunit hindi siya tumatayo at bilang pauna ng kanyang mga balsamo ng pagmamahal hinahalikan at binabasa ng kanyang mga luha ang mga paa ng kanyang Guro.

Si Lazarus ay sinasamahan sila at nagsabi: «Guro, may isang maliit na batang lalaki na nangangailangan sa Inyo. Siya ay nanggaling na sa bahay ni Simon sa paghahanap sa Inyo at natagpuan lamang si Juan na siyang nagdala sa kanya rito. Ngunit ayaw niyang magsalita sa kahit sino bagkus sa Inyo lamang.»

«O sige. Dalhin siya rito. Pupunta Ako sa ilalim ng balag ng hasmin.»

Si Maria ay bumalik sa bahay kasama si Lazarus. Si Jesus ay pumunta sa ilalim ng balag ng hasmin. Si Lazarus ay bumalik hawak sa kamay ang batang lalaki na aking nakita sa loob ng bahay ni Jose ng Sephoris. Si Jesus ay nakilala siya kaagad at binati siya: «Ikaw, Martial! Kapayapaan sa iyo. Bakit ka naririto?»

«Pinadala nila ako upang may sabihin sa Inyo...» at kanyang tinitingnan si Lazarus na nakaintindi at aalis na sana.

«Manatili ka, Lazarus. Ito ay si Lazarus, isang kaibigan Ko. Makapagsasalita ka sa harapan niya, Aking bata, sapagkat wala Akong ibang kaibigan na mas matapat pa kaysa sa kanya.»

Ang bata ay naginhawahan. Sinabi niya: «Si Jose ang Nakatatanda ay pinadala ako, sapagkat nakatira na ako sa kanya ngayon, upang sabihin sa Inyo na pumunta Kayo kaagad sa Bethphage, sa bahay ni Cleanthes. Kailangan niyang magsalita sa Inyo kaagad. Ngunit ito ay kailangan na kaagad. At sinabi niya na Kayo ay kailangan na pumunta nang Kayo lamang. Sapagkat kailangan na siya ay magsalita sa Inyo sa ganap na kalihiman.»

«Guro! Ano ang nangyayari?» tanong ni Lazarus nang nag-aalala.

«Hindi Ko alam, Lazarus. May isang bagay lamang na kailangang gawin. Ang pumunta roon. Sumama ka sa Akin.»

«Kaagad, Panginoon. Makakapunta tayo kasama ang bata.»

«Hindi, Panginoon. Lalakad akong mag-isa. Si Jose ay ipinipilit iyan. Sinabi niya: “Kung magagawa mo ito nang maayos at sa pamamagitan mo mismo, mamahalin kita na tila ako ay ang iyong ama”, at gusto kong mahalin ako bilang isang anak ni Jose. Aalis na ako kaagad, at tatakbo ako. Pumunta kayo pagkatapos ko. Mabuhay, Panginoon. Mabuhay, ginoo.»

«Kapayapaan sa iyo, Martial.»

Ang bata ay tumakbong umalis kasing bilis ng isang golondrina.

«Tayo na, Lazarus. Dalhin mo ang Aking manta. Magpapatuloy na Ako sapagkat, katulad sa nakikita mo, ang maliit na bata ay hindi mabuksan ang geyt, at tiyak na hindi siya tatawag ng sinuman.»

Si Jesus ay naglalakad nang mabilis patungo sa geyt. Si Lazarus ay nagmamadali patungo sa bahay. Ang una ay pinakawalan ang bakal na panara ng geyt para sa bata, na tumakbong umalis. Ang huli ay dinadala ang manta ni Jesus sa Kanya at naglalakad sa tabi Niya sa daan patungo sa Bethphage.

«Ano kaya ang gusto ni Jose? Kung pinadala niya ang isang bata nang may labis na kalihiman...»

«Ang bata ay natakasan ang puna ng kahit sino na maaaring nanonood» tugon ni Jesus.

«Sa palagay ba Ninyo na... Nagsosospetsa ba Kayo... Sa pakiramdam ba Ninyo Kayo ay nanganganib, Panginoon?»

«Natitiyak Ko, Aking kaibigan.»

«Ano? Kahit ngayon? Ngunit hindi na Kayo makapagbibigay ng mas maganda pang katibayan!...»

«Ang poot ay nagiging mas matindi kapag nauudyukan ng mga pangyayari.»

«O! ito ay dahil sa akin, kung gayon! Nasaktan ko Kayo!... Ang aking kalungkutan ay walang katulad!» bulalas ni Lazarus na lubos na nasasaktan ang loob.

«Hindi dahil sa iyo. Huwag malungkot nang walang rason. Ikaw ay naging ang paraan. Ngunit kailangan mong maintindihan na ang dahilan ay ang pangangailangan na mabigyan ang mundo ng katibayan ng Aking dibinong kalikasan. Kung ito ay hindi naging ikaw, ito ay magiging ibang tao, sapagkat kinailangan Kong patunayan sa mundo na Ako, bilang Diyos, ay magagawa ang lahat na gusto Ko. At ang ibalik sa buhay ang isang katawan na mga ilang araw nang patay at naagnas na, ay maaaring Diyos lamang ang may gawa.»

«Ah! Ibig Ninyo akong mapaginhawahan. Ngunit ang aking lugod, ang lahat ng aking lugod ay nawala na... Ako ay nalulungkot, Panginoon.»

Si Jesus ay gumawa ng isang pagkilos na tila ibig Niyang sabihin: «Sino ang nakaaalam!» at pagkatapos kapwa sila naging tahimik.

Sila ay naglalakad nang mabilis. Ang distansiya sa pagitan ng Bethany at Bethphage ay isang maikli lamang, at sila ay kaagad naroroon na.

Si Jose ay palakad-lakad nang pauli-uli sa kalsada sa simula ng nayon. Siya ay nakatalikod nang si Jesus at si Lazarus ay lumitaw mula sa isang landas na natatakpan ng isang halamang bakod. Si Lazarus ay tinawag siya.

«O! Kapayapaan sa inyo. Halikayo, Guro. Naghintay ako rito para sa Inyo upang makita ko Kayo kaagad, ngunit pumunta tayo sa lootan ng mga olibo. Ayaw kong may makakita sa atin...»

Dinala niya sila sa likuran ng mga bahay patungo sa isang makapal na lootan ng mga olibo na isang komportableng silungan kung saan sila makapagsasalita nang walang nakakapuna, dahil ang kusot na madadahon na mga sanga ng mga punungkahoy ay natatakpan ang mga dalisdis.

«Guro, pinadala ko ang batang lalaki na matalino at masunurin at gustung-gusto ako, sapagkat kailangan kong magsalita sa Inyo ngunit ako ay hindi dapat na makita. Ako ay dumaan sa Kidron upang makarating dito... Guro, kailangan na lumayo Kayo kaagad. Ang Sanhedrin ay iniutos ang pag-aresto sa Inyo at ang patalastas ay babasahin sa loob ng mga sinagoga bukas. Ang sinuman na nakaaalam kung nasaan Kayo, ay kailangan na isumpa Kayo. Hindi ko kailangan na sabihin pa sa iyo, Lazarus, na ang iyong bahay ay ang unang-una na babantayan. Lumabas ako sa Templo noong ika-anim na oras at kumilos ako kaagad, sapagkat habang sila ay nagdidiskusyon naplano ko na kung ano ang aking gagawin. Ako ay umuwi at kinuha ko ang batang lalaki. Lumabas ako dumaraan sa Herod’s Gate nakasakay sa kabayo, na tila lalabas ako ng bayan. Pagkatapos tinawid ko ang Kidron at binaybay ito. Iniwan ko ang aking kabayo sa Gethsemane at pinadala ko ang bata na alam ang daan dahil nakarating na siya noon  sa Bethany kasama mo. Umalis Kayo kaagad, Guro. Pumunta sa isang ligtas na lugar. Alam ba Ninyo kung saan pupunta? Mayroon ba Kayong isang lugar na mapupuntahan?»

«Ngunit hindi pa ba sapat na Siya ay makalayo dito? Malayo sa Judaea man lamang?»

«Hindi ito sapat, Lazarus. Sila ay nagngangalit. Kailangan na pumunta Siya kung saan sila ay hindi pumupunta...»

«Ngunit sila ay pumupunta kahit saan, ginagawa nila! Tiyak na ayaw mong iwanan ng Guro ang Palestina!...» sabi ni Lazarus nang nananabik.

«Bueno! Ano ang masasabi ko sa iyo?! Iyan ang gusto ng Sanhedrin...»

«Dahil sa akin, tama ba iyan? Sabihin sa akin!»

«H’m! Bueno... oo. Dahil sa iyo, ibig sabihin, sapagkat ang lahat ay nakukumberti sa Kanya, at sila... ayaw nila ito.»

«Ngunit iyan ay isang krimen! Iyan ay isang kalapastanganan. Iyan ay...»

Si Jesus, maputla ngunit kalmante, ay itinaas ang Kanyang kamay nagpapataw ng katahimikan at sinabi Niya: «Manahimik, Lazarus. Ang lahat ay ginagawa ang kanyang gawain. Ang lahat ay nakasulat. Pinasasalamatan kita, Jose, at tinitiyak Ko sa iyo na Ako ay aalis. Lakad, makakalakad ka na, Jose. Upang ang iyong ausensiya ay hindi mapuna... Pagpalain ka nawa ng Diyos. Gagawin Ko si Lazarus na malaman mo kung nasaan Ako. Lakad. Pinagpapala kita, Nicodemus¹ at ang lahat na may matuwid na pusong mga tao.» Hinahalikan Niya siya at sila ay naghiwalay. Sa pamamagitan ng lootan ng mga olibo si Jesus ay pumuntang tuwiran patungong Bethany kasama si Lazarus, habang si Jose ay patungong bayan.

«Ano ang Inyong gagawin, Guro?» tanong ni Lazarus na namimighati.

«Hindi Ko alam. Sa loob ng kaunting mga araw ang mga babaeng disipulo ay darating kasama ang Aking Ina. Gusto Ko sanang hintayin sila...»

«Ang hinggil diyan... matatanggap ko sila sa ngalan Ninyo at pagkatapos dadalhin ko sila sa Inyo. Ngunit, pansamantala, saan Kayo pupunta? Hindi sa palagay ko makapupunta Kayo sa bahay ni Solomon... ni hindi sa kahit alin na bahay ng kilalang-kilalang mga disipulo. Bukas!... Kailangan na lumayo Kayo kaagad!»

«Mayroon Akong isang lugar. Ngunit gusto Kong maghintay para sa Aking Ina. Ang Kanyang paghihirap ay magsisimulang napakaaga kung hindi Niya Ako makita...»

«Saan Kayo pupunta, Guro?»

«Sa Ephraim.»

«Sa Samaria?»

«Sa Samaria. Ang mga Samaritano ay hindi masyadong mga Samaritano kaysa maraming mga tao at minamahal nila Ako. Ang Ephraim ay nasa hangganan...»

«O! at upang mainis ang mga Judaean pinararangalan at pinagsasanggalang nila Kayo!.. Ngunit... sandali! Ang Inyong Ina ay kung hindi sa daan ng Samaria o sa tabi ng Jordan Siya darating. Sasama ako sa ilang mga katulong sa isang rota, si Maximinus kasama ang iba pang mga katulong sa isa namang daan, at ang isa sa amin ang makakakita sa Kanya. Babalik lamang kami kapag nakita na namin sila. Nalalaman Ninyo na wala sa sambahayan ni Lazarus ang magtataksil sa Inyo. Pansamantala pupunta Kayo sa Ephraim. Kaagad. Ah! Ito ay ang aking kapalaran na hindi ko dapat kalugdan ang Inyong pakikisama! Ngunit ako ay darating. Tatawirin ang mga kabundukan ng Adummim, ako ay magaling na ngayon. Magagawa ko ang gusto ko. Hindi lamang, bagkus!. Oo. Gagawin ko silang maniwala na ako ay patungo sa Ptolemais daan ng Samaria upang maglayag patungo sa Antioch. Ang lahat ay nakaaalam na may pag-aari ako ng lupa doon... Ang aking mga kapatid ay mananatili sa Bethany... Kayo... Oo. Magkakaroon na ako ngayon ng dalawang kariton na may mga kagamitan para sa Inyo at kayong lahat ay makapupunta sa Jericho gamit ang mga ito. Kung gayon bukas sa pagsikat ng araw magpapatuloy kayo sa inyong paglalakbay nang naglalakad. O! Guro! Pangalagaan Ninyo ang Inyong Sarili!» Pagkaraan ng kasabikan ng unang mga sandali si Lazarus ay naging malungkot at umiiyak.

Si Jesus ay nagbubuntung-hininga, ngunit hindi nagsasalita ng kahit na ano. Ano ang Kanyang masasabi?...

Sila ngayon ay nasa bahay na ni Simon. Sila ay naghiwalay. Si Jesus ay pumasok sa bahay. Ang mga apostol, na nasorpresa na ang Guro ay umalis nang walang sinasabi na kahit ano, ay nagsisiksikan sa paligid Niya habang sinasabi Niya: «Kunin ang inyong mga kasuutan, Ihanda ang inyong mga bag. Kailangan na tayo ay makaalis dito kaagad. Maging mabilis. At samahan Ako sa bahay ni Lazarus.»

«Ang mga damit din na mga basa pa? Hindi ba natin maaaring kunin ito kapag nakabalik na tayo?» tanong ni Tomas.

«Hindi na tayo babalik. Kunin ang lahat.»

Ang mga apostol ay umaalis nang nagtitinginan sa isa’t isa.

Si Jesus ay umalis upang kunin ang Kanyang mga dala-dalahan sa bahay ni Lazarus at nagpapaalam Siya sa nadidismayang magkapatid na babae...

Ang dalawang kariton ay maya-maya lamang nakahanda na. Dalawang mabibigat na kariton na may mga tolda, hila ng malalakas na kabayo. Si Jesus ay nagpapaalam kay Lazarus, kay Maximinus at sa mga katulong na mga nagmadali papunta roon. Sumakay sila sa mga kariton na mga naghihintay sa isa sa mga geyt sa likuran ng bahay. Ang mga drayber ay inuudyukan ang mga kabayo at ang paglalakbay ay nagsimula sa daan mula kung saan si Jesus ay nanggaling sa Kanyang pagdating mga ilang araw pa lamang ang nakararaan upang ibangon si Lazarus.

260112

 

 



¹Nicodemus” ang nakasulat sa orihinal, hindi “Jose” na maaaring siyang inaasahan ng nagbabasa.


Sunod na kabanata