549. Patungo sa Ephraim.

Enero 2, 1947.

Sa sariwang maliwanag na maagang pagsikat ng araw ang mga bukid sa paligid ng bahay ni Nike ay lahat berde na may bagong mga usbong ng butil mga ilang sentimetro lamang ang taas, kasing maselan sa kulay katulad na ito ay napaka liwanag na mga esmeralda. Ang lootan, na napakalapit sa bahay at wala pang mga dahon, ay nagmumukhang mas madilim pa nga at mas malaki, kompara sa maselan na mga tangkay at sa mala-paraisong katiwasayan ng maaliwalas  na kalangitan. Ang maputing bahay ay nakokoronahan sa maagang sikat ng araw ng mga paglipad ng mga kalapati.

Si Nike ay gising na at masigasig niyang tinitiyak na ang mga aalis ay mayroon ng makapagpapaginhawa sa kanila sa loob ng kanilang paglalakbay. Una sa lahat pinauuwi na niya ang dalawang katulong ni Lazarus na pinigilan niya para sa gabing iyon at na ngayon, pagkatapos na makakain ng ilang pampalamig, ay umalis na nakasakay sa kanilang mga kabayo. Pagkatapos bumalik siya sa kusina kung saan ang mga katulong na babae ay inihahanda ang gatas at pagkain na nasa malalaking apoy. At mula sa malaking banga nagbubuhos siya ng ilang langis patungo sa dalawang mas maliliit na banga, at pagkatapos ilang alak patungo sa dalawang maliliit na katad na sisidlan. Sinasabihan niya ang isang katulong na gumagawa ng mga tinapay na kasing kapal ng mga keyk na dalhin iyon sa batong hurnuhan na nakahanda na. mula sa malalaking tabla, sa ibabaw kung saan keso ay pinatuyo sa init ng kusina, kinukuha niya ang pinakamagaganda. Kumukuha siya ng ilang pulot at binubuhos ito nang dahan-dahan sa ilang maliliit na lalagyan na may matitibay na takip. Siya pagkatapos ay gumagawa ng ilang mga balutan na naglalaman ng mga pagkain at ang isa sa mga ito ay naglalaman ng isang buong batang kambing o tupa na kinuha ng isang katulong mula sa tuhugan kung saan ito inihaw. Ang isa pa ay naglalaman ng mga mansanas na kasing pula ng mga kurales. Sa isa pa ay may mga makakain na mga olibo. Sa ikatlo ay may mga pinatuyong pasas. May isang naglalaman ng walang mga balat na sebada.

Sinasaraduhan niya ang huling balutan nang si Jesus ay pumasok sa kusina at binabati ang lahat na mga taong naroroon.

«Guro, kapayapaan sa Inyo. Bumangon na Kayo kaagad?»

«Bumangon na sana Ako nang mas maaga pa. Ngunit ang Aking mga apostol ay pagod-na-pagod na pinabayaan Ko silang makatulog pa. Ano ang ginagawa mo, Nike?»

«Naghahanda ako... Hindi sila magiging mabigat, tingnan Ninyo? Labindalawang balutan. At inisip ko ang lakas ng mga magdadala.»

«At ano ang para sa Akin?»

«O! Guro! Mayroon na Kayo ng Inyong dálahin...» at ang mga luha ay nagsimulang magningning sa mga mata ni Nike.

«Pumunta tayo sa labas, Nike. Makapagsasalita tayo sa kapayapaan.»

Sila ay lumabas at lumayo sila mula sa bahay.

«Ang aking puso ay kumikirot, Guro...»

«Alam Ko. Ngunit kinakailangan na maging malakas tinitingnan na hindi mo Ako pinamighati...»

«O! Huwag hayaan na mangyari iyan! Ngunit akala ko makapananatili akong malapit sa Inyo at iyan kung bakit pumunta ako sa Herusalem, Kung hindi nanatili na lang sana ako rito, kung saan pag-aari ko ang mga bukid na ito...»

«Sina Lazarus din, si Maria at si Martha ay akala makakasama sila sa Akin. At nakikita mo!...»

«Oo, nakikita ko.  Hindi na ulit ako pupunta sa Herusalem dahil Kayo ay wala roon. Magiging mas malapit ako sa Inyo kung mananatili ako rito at matutulungan ko Kayo.»

«Nakapagbigay ka na nang labis...»

«Wala pa akong naibibigay na kahit na ano. Gusto kong nadadala ko ang aking bahay saan man Kayo pupunta. Ngunit ako ay pupunta, tiyak na pupunta ako upang tingnan kung ano ang kakailanganin Ninyo. Ang sinabi Ninyo na aking gagawin ngayon ay tama. Mananatili ako rito hanggang sila ay makumbinsi na Kayo ay wala rito. Ngunit pagkatapos...»

«Ito ay isang mahaba at mahirap na daan para sa isang babae, at hindi rin ito ligtas.»

«O! Hindi ako natatakot. Napakatanda ko na na maging kaaya-aya at isang babae na makakakuha ng pansin, at hindi ako nagdadala ng mga kayamanan upang pagtangkaan na maging isang biktima. Ang mga mandarambong sa daan ay mas mabuti pa kaysa sa maraming mga tao na ang tingin sa kanilang mga sarili ay banal at sa halip mga magnanakaw at ibig kayong pagnakawan ng iyong kapayapaan at kalayaan...»

«Huwag mo silang kapootan, Nike.»

«Iyan ay mas mahirap para sa akin kaysa ano pa mang iba. Ngunit pagsisikapan kong hindi sila kapootan alang-alang sa Inyo... Umiyak ako nang buong gabi, Panginoon!»

«Napakinggan kita na paparoo’t parito sa loob ng bahay nang walang-kapaguran katulad ng isang pukyutan. At tila katulad mo ang isang ina na nag-aalala tungkol sa kanyang inuusig na anak... Huwag umiyak. Ang nagkasalang mga tao ang kailangan na umiyak. Hindi ikaw. Ang Diyos ay mabuti sa Kanyang Mesiyas. Sa pinaka nakalulungkot na mga oras ginagawa Niya lagi na makatagpo Ako ng isang maka-inang puso malapit sa Akin...»

«At ano ang Inyong gagawin sa Inyong Ina? Sinabi Ninyo sa akin na Siya ay malapit nang dumating...»

«Siya ay pupunta sa Ephraim... Siya ay pasasabihan ni Lazarus. Naririto si Simon ni Jonah kasama ang Aking mga kapatid...»

«Alam ba nila?»

«Hindi pa. Nike. Sasabihin Ko sa kanila kapag malayo na kami...»

«At kapag ako ay dumating, sasabihin ko sa Inyo kung ano ang nangyayari dito at sa Herusalem.

Sinamahan nila ang mga apostol na mga lumalabas ng bahay nang isa-isa naghahanap kay Jesus.

«Halikayo, mga kapatid. Kumain ng kaunti bago umalis. Ang lahat ay nakahanda na.»

«Si Nike ay hindi natulog kagabi upang makapaghanda para sa atin. Pasalamatan ang disipulo» sabi ni Jesus pumapasok sa malaking kusina kung saan sa ibabaw ng isang mesa sa silid-kainan – ito ay isang mahabang mesa – ay may mga kopa puno ng umuusok na mainit na gatas at masarap amuyin na mga keyk na kagagaling pa lamang sa hurno. At si Nike ay walang-pagtitipid na nagkakalat ng mantikilya at pulot sa mga keyk, nagsasabing nakapagpapalakas na mga pagkain ito para sa mga taong maglalakbay ng mahaba kung saan ang panahon ay malamig pa.

Ang pagkain ay kaagad natapos. Si Nike sa pansamantala ay natapos ang huling mga balutan na may malutong na mabangong amoy na tinapay na inilabas mula sa hurno. Ang bawat apostol ay kinuha ang kanyang balutan na tinalian upang ang pagdadala ay hindi masyadong mahirap.

Panahon na upang lumakad. Si Jesus ay bumabati at nagpapalà. Ang mga apostol ay nagpapaalam. Ngunit si Nike ay gustong sumama sa kanila hanggang sa layo ng hangganan ng kanyang mga bukid at pagkatapos siya ay bumalik nang unti-unti umiiyak sa loob ng kanyang belo, habang si Jesus kasama ang Kanyang mga apostol ay lumalayo sa tabi ng isang sekundaryong daan na itinuro sa Kanya ni Nike.

Ang kabukiran ay disyerto pa rin. Ang landas ay dumaraan sa pagitan ng mga bukid ng bagong tanim na mga butil at walang-bungang mga ubasan. Sa gayon dito ay wala ni mga pastol, dahil hindi nila dinadala ang kanilang mga kawan sa mga taniman na mga bukid. Ang ere sa umaga ay napainit nang kaunti ng araw. Ang unang maliliit na bulaklak sa mga gilid ng mga bukid ay nagniningning katulad ng mga batong-hiyas sa ilalim ng belo ng hamog na pinatingkad ng sinag ng araw. Ang mga ibon ay inaawit ang unang mga awit ng pagmamahal. Ang mabuting panahon ay parating. Ang lahat ay maganda at luntian. Ang lahat ay pagmamahal... At si Jesus ay patungo sa Kanyang pagkakapatapon na mauuna sa Kanyang kamatayan dala ng kapootan.

Ang mga apostol ay tahimik. Sila ay nag-iisip. Ang biglaan na pag-alis ay nakapagpalito sa kanila. Nakatitiyak na sila noon na ang lahat ay naayos ngayon! Sila ay naglalakad na ang kanilang mga likod nakabaluktot nang higit pa sa nababaluktot ito ng kanilang mga bag at ng mga pabaon ni Nike. Ito ay nababaluktot ng pagkabigo at ng pag-akala nila tungkol sa kung ano ang mundo at ang mga tao.

Si Jesus sa halip, bagama't Siya ay ngumingiti, ay hindi malungkot o matamlay. Siya ay naglalakad na ang Kanyang ulo tuwid, sa unahan ng lahat, nang walang pagmamataas, ngunit wala ring takot. Siya ay nagpapatuloy katulad ng isa na alam kung saan siya pupunta at kung ano ang kanyang gagawin. Siya ay naglalakad na malakas ang loob, katulad ng isang bayani, na walang makayayanig o makapananakot.

Ang sekundaryong daan ay nakakatagpo ang isang pangunahing daan, na kinukuha ni Jesus patungong hilaga. At ang mga apostol ay sinusundan Siya. Sa dahilan na ang daan ay nanggagaling sa Galilee at sa pamamagitan ng Decapolis at Samaria ito ay patungo sa Judaea, may mga naglalakbay dito, ang karamihan mga karabana ng mga mangangalakal.

Habang tumatagal ang araw ay nagiging kaaya-ayang painit na nang painit, nang iniwan ni Jesus ang daan upang kunin ang isa pang landas na sa kabila ng mga bukid ng mga butil ay patungo sa unang mga burol.

Ang mga apostol ay tumitingin sa isa’t isa. Baka naiintindihan na nila na sila ay hindi patungo sa Galilee naglalakad sa tabi ng daan sa lambak ng Jordan, bagkus sa halip pagawing Samaria. Ngunit sila ay nananatiling tahimik.

Nang sila ay nakarating sa unang mga kakahuyan sa mga burol, sinabi ni Jesus: «Tayo ay tumigil at magpahinga habang kumakain nang kaunti. Ang araw ay nagsasabi na ngayon ay katanghalian.»

Sla ay malapit sa isang daanan ng tubig na may kakaunting tubig dahil matagal-tagal na hindi umulan. Ngunit ang kakaunting tubig nito ay malinaw sa batuhan na ilalim nito at ang mga pampang nito ay may nakakalat na malalaking bato at maaaring gamitin na mga mesa at mga upuan. Sila ay naupo pagkatapos na napagpala ni Jesus at naialay ang pagkain at sila ay kumain sa katahimikan at na tila sila ay nawawala sa kanilang pag-iisip.

Si Jesus ay ginising sila sa pagsasabing: «Hindi ba ninyo Ako tinatanong kung saan tayo pupunta? Ang inyo bang mga alalahanin ay nagawa kayong mga pipi o Ako kaya ay tila hindi sa inyo ang inyong Guro?»

Ang Labindalawa ay itinaas ang kanilang mga ulo: labindalawang nalulungkot o nababagabag man lamang na mga mukha ang tumingin sa mapayapang mukha ni Jesus at isang «O!» lamang ang ibinulalas ng labindalawang bibig. At ang bulalas ay sinundan ng tugon ni Pedro na nagsasalita sa katauhan ng lahat: «Guro, nalalaman Ninyo na lagi namin Kayong tinitingalang aming Guro. Ngunit mula kahapon katulad namin ang mga tao na nakatanggap ng mabigat na mga suntok sa aming mga ulo. At ang lahat ay tila isang panaginip sa amin. At bagama't nakikita at naririnig namin na Kayo ito, Kayo ay tila... malayo na. Kahit papaano ito ang aming pakiramdam mula nang Kayo ay nagsalita sa Inyong Ama bago tawagin si Lazarus, at mula nang mailabas Ninyo siya sa sepulkro, natatalian katulad niya, sa pamamagitan lamang ng Inyong kalooban at ginawa Ninyo siyang mabuhay sa pamamagitan lamang ng Inyong kapangyarihan. Halos natakot Ninyo kami. Ako ay nagsasalita ng tungkol sa akin... ngunit sa palagay ko ito ay ganyan din para sa lahat... At ngayon... Kami... Ang pag-alis na ito... biglang-bigla at napaka misteryoso!»

«May dobleng takot ba kayo? Sa inyo bang pakiramdam ang panganib ay mas namiminto na? Wala ba kayong, sa pakiramdam ba ninyo wala kayong lakas na harapin at pangibabawan ang huling mga pagsubok? Magsalita nang walang pag-aalinlangan. Tayo ay nasa Judaea pa. Tayo ay malapit sa mababang mga daan na magdadala sa isa sa Galilee. Ang lahat ay makakalakad kung iibigin niya, at makakalakad kayo nang nasa oras upang hindi kapootan ng mga Sanhedrin...»

Ang mga apostol ay nagising ng mga salitang ito. ang mga halos nakahiga sa damo na napainit ng araw, ay naupo. Ang mga nakaupo, ay tumayo.

Si Jesus ay nagpapatuloy: «Sapagkat magmula ngayon Ako ay ang legal na Inuusig na Isa. Ilagay iyan sa isip. Ngayun-ngayon lamang ipuproklama na nila sa mahigit limang daan na mga sinagoga sa Herusalem at sa mga sinagoga ng mga bayan na nakatanggap ng pagbabawal na pinalabas kahapon nang ikaanim na oras, na Ako ay ang malaking makasalanan, at na ang sinuman na naka-aalam kung nasaan Ako ay kailangan na isuplong Ako sa Sanhedrin upang Ako ay sana mahuli...»

Ang mga apostol ay sumisigaw na tila nakita na nila Siya na nahúli. Si Juan ay kumakapit sa Kanyang leeg umuungol: «Ah! Lagi ko na iyan nakikita!» at siya ay humihikbi nang malakas. Ang ilan ay minumura ang Sanhedrin, ang ilan ay nananawagan ng dibinong hustisya, ang ilan umiiyak, ang ilang hindi makagalaw.

«Manahimik at makinig. Hindi Ko kailanman kayo niloko. Lagi sinasabi sa inyo ang katotohanan.  Hangga't maaari ipinagsasanggalang at pinoprotektahan Ko kayo. Ang inyong presensya malapit sa Akin ay naging laging kalugud-lugod katulad ng presensya ng mga anak. Ni hindi Ko itinago ang Aking huling oras... ang Aking mga panganib... ang Aking pasyon sa inyo. Ngunit ang mga iyon ay mga problemang magpatungkol sa Akin lamang. Ngayon ang inyong panganib, ang inyong kaligtasan, at ang panganib at kaligtasan ng inyong mga pamilya ay kailangan na tingnan. Hinihingi Ko sa inyo na gawin iyan. Nang my absulutong kalayaan. Huwag silang tingnan sa liwanag ng inyong pagmamahal para sa Akin, o ng inyong pagkapili na ginawa Ko. Sa dahilan na pinakakawalan Ko kayo sa bawat obligasyon ninyo sa Diyos at sa Kanyang Kristo, isipin na lamang na tila tayo ay nagkita rito, ngayon, sa unang pagkakataon at na, pagkatapos na mapakinggan Ako, nagpasya kayo kung makakabuti ito o hindi para sa inyo na sundan ang Di-kilalang tao na ang Kaninong mga salita ay nakaantig sa inyong mga damdamin. Isipin na lang na napakinggan at nakita ninyo Ako sa unang pagkakataon at na sinasabi Ko sa ninyo: “Ilagay sa isip na Ako ay inuusig at kinapopootan at na sinuman ang nagmamahal sa Akin ay inuusig at kinapopootan katulad Ko, sa kanyang katauhan, sa kanyang mga interes, sa kanyang mga damdamin. Alalahanin na ang pang-uusig ay maaaring magtapos sa kamatayan at sa kompiskasyon ng mga ari-arian ng pamilya”. Isipin ito at magpasya. Mamahalin Ko pa rin kayo kung sasabihin ninyo sa Akin: “Guro, hindi na ako ulit makakasama sa Inyo”. Kayo ba ay nalulungkot? Hindi, hindi kayo kailangan na malungkot. Tayo ay mabubuting magkakaibigan na nagpapasya nang may kapayapaan at pagmamahal kung ano ang kailangang gawin, nang nagdadamayan. Hindi Ko magagawang harapin ninyo ang hinaharap nang hindi kayo ginagawang pag-isipan ito. Hindi Ko kayo inaalisan ng halaga. Minamahal Ko kayong lahat. Ako ang Guro. Hindi na kailangan pang sabihin na ang Guro ay kailangan na makilala ang Kanyang mga disipulo. Ako ang Pastol at hindi na kailangan pang sabihin na ang isang pastol ay kailangan na makilala niya ang kanyang mga kordero. Alam Ko na ang Aking mga disipulo, kung kinakailangan nilang harapin ang isang pagsubok nang hindi sapat na nakahanda hindi lamang sa karunungan na nanggagaling sa kanila Guro, at kung gayon mabuti at perpektong karunungan, bagkus sa kanila ring pagtimbang-timbang ng sitwasyon, sila ay baka hindi pumasa, o sila ay hindi magtatagumpay katulad ng mga atleta man lamang sa isang istadyum. Ang sukatin ang sarili at pag-aralan ang mga sirkunstansiya ay laging isang mabuting patakaran. Sa maliliit at sa malalaking mga bagay. Ako, ang Pastol, ay kailangan na magsabi sa Aking mga kordero: “Dito,  ngayon papasukin Ko na ang isang lugar ng mga lobo at mga mangangatay. Mayroon ba kayong sapat na lakas upang makahalo sa kanila?” Masasabi Ko na rin sa inyo ngayon kung sino sa inyo ang hindi magkakaroon ng lakas na matagalan ang pagsubok, bagama't matitiyak Ko sa inyo at matitiyak pang muli na wala sa inyo ang mahuhulog sa mga kamay ng mga pumapatay na siyang magsasakripisyo sa Kordero sa Diyos. Ang pagkahuli sa Akin ay may ganyang bigat na ito ay magiging sapat sa kanila... Kung kaya't sasabihin Ko sa inyo: “Isipin itong mabuti”. Minsan sinabi Ko sa inyo: “Huwag matakot sa mga pumapatay”. Sinabi Ko: “Ang isa, pagkatapos na mapahawak na sa araro, na lumilingon pabalik at iniisip ang nakaraan at kung ano ang maaaring mawala sa kanya o kanyang kikitain, ay hindi angkop para sa Aking misyon”. Ngunit iyon ay mga panuntunan upang maibigay sa inyo ang sukat kung ano ang ibig sabihin na maging mga disipulo, at mga panuntunan para sa hinaharap na darating kung saan hindi na Ako ang Guro, bagkus ang mga naniniwala sa Akin ang magiging siya nang mga guro. Makakatulong ang mga ito na mapalakas ang inyong mga kaluluwa. Ngunit kahit na ang ganyang lakas, na hindi maipagkakaila na nakuha ninyo, kompara sa mga walang-wala na dating kayo – ang Aking tinutukoy ay ang inyong mga espiritu – ay napakaliit pa rin kompara sa kalakihan ng pagsubok. O! huwag isipin sa kalihiman ng inyong mga puso: “Ang Guro ay naiiskandalo sa atin!”. Hindi Ako naiiskandalo. Sa kabaligtaran sasabihin Ko sa inyo na hindi kayo dapat na maiskandalo, maging ngayon o sa hinaharap, tungkol sa inyong sariling kahinaan. Sa lahat na mga panahon sa hinaharap laging magkakaroon ng mga miyembro ng Aking Simbahan, kapwa mga kordero at mga pastol, na magiging mas mahina kaysa sa kadakilaan ng kanilang misyon. Magkakaroon ng mga panahon kung saan ang walang-ginagawang mga pastol at ang walang-ginagawang mga naniniwala ay magiging mas marami pa kaysa sa tunay na mga pastol at sa tunay na mga naniniwala. Mga panahon ng eklipse ng espiritu ng pananampalataya ng mundo. Ngunit ang isang eklipse ay hindi ang kamatayan ng isang bituin. Ito ay isang pansamantalang humigit kumulang parsiyal na paglalaho ng isang bituin. Pagkaraan nang kaunti ang kagandahan nito ay lilitaw muli at magmumukha itong mas makinang. Ganyan din ang mangyayari sa Aking Kawan. Sinasabi Ko sa inyo: “Pag-isipan ito”. Nagsasabi Ako nang ganito bilang inyong Guro, Pastol at Kaibigan. Iniiwan Ko kayong ganap na malaya na pag-usapan ninyo ang bagay na ito. Ako ay pupunta sa banda roon, sa palumpungan na iyon, upang magdasal. Isa-isa ang pupunta upang sabihin sa Akin ang inyong  napagpasyahan. At pagpapalain Ko ang inyong sinsirong katapatan, maging ano pa man ito. At mamahalin Ko kayo para sa inyong naibigay na sa Akin magpahanggang ngayon. Paalam.» Siya ay tumayo at umalis.

Ang mga apostol ay nahintakutan, nalilito, naantig. Sa una ni hindi sila makapagsalita. Pagkatapos si Pedro ang unang nakapagsabi: «Lamunin sana ako ng impiyerno kung gusto kong iwanan Siya! Nakatitiyak ako sa aking sarili. Kahit na kung ang lahat na mga dimonyo sa Gehenna pinangungunahan ng Leviathan ay pumunta laban sa akin, hindi ako lalayo mula sa Kanya dala ng takot!»

«Ni hindi ako. Ako ba ay kailangan na maging talo pa ng aking mga anak na babae?» sabi ni Felipe.

«Natitiyak ko na sasaktan nila Siya. Ang mga miyembro ng Sanhedrin ay nananakot ngunit ginagawa nila ito upang makumbinsi ang kanilang mga sarili na ang Sanhedrin ay naririyan pa rin. Alam na alam nila na sila ay walang kapangyarihan kung hindi sasang-ayon ang Roma. Ang kanilang mga sentensiya! At Roma ang naghuhusga!» sabi ng Iskariote nang may katapangan.

«Ngunit ang Sanhedrin ay may pakialam pa rin tungkol sa mga bagay na panrelihiyon» wika ni Andres.

«Ikaw ba kaya ay natatakot, kapatid? Itanim sa isip na hindi kailanman nagkaroon ng mga duwag sa ating pamilya» sabi ni Pedro nang nananakot, dahil nararamdaman niya na ang kanyang puso ay umaapaw sa espiritu ng pakikidigma.

«Hindi ako natatakot at sana mapatutunayan ko ito. sinasabi ko lamang kay Judas kung ano ang aking naiisip.»

«Tama ka. Ngunit ang pagkakamali ng Sanhedrin ay nasa kanilang kagustuhan na gumamit ng armas pampulitika, dahil ayaw nilang magsabi o sila ay pagsabihan na nagtataas sila ng kanilang mga kamay laban sa Kristo. Nalalaman ko iyan nang tiyak. Gusto nila, ibig sabihin, gusto nila noon na makagawa si Jesus ng kasalanan at kung gayon magawa Siyang kasuklam-suklam sa mga pulutong. Ngunit ang tungkol sa Siya ay patayin! Eh! Hindi. Natatakot sila! Ang kanilang takot ay walang kapantay na takot pantao, sapagkat ang kanilang mga kaluluwa ay nahihintakutan. Nalalaman nila na Siya ay ang Mesiyas! Alam-na-alam nila iyan nang mabuti. Kung kaya't nakikita nila na sila ay tapos na, sapagkat ang bagong panahon ay dumarating na. At gusto nilang Siya ay mapalayas. Ngunit mapapalayas ba nila Siya!? Hindi. Iyan kung bakit naghahanap sila ng politikal na dahilan upang ang Prokonsul, ibig sabihin ang Roma, ay kailangan na mapalayas Siya. Ngunit ang Kristo ay hindi sinasaktan ang Roma, at ang Roma ay hindi mananakit sa Kanya, at ang mga miyembro ng Sanhedrin ay humahagulhol nang walang mangyayari.»

«Kung gayon mananatili ka ba sa Kanya?»

«Siyempre. Nang higit pa kaysa sino pa man!»

«Walang mawawala sa akin o may kikitain kung ako ay manatili o umalis. Mamahalin ko lamang Siya. At gagawin ko iyan» sabi ng Zealot.

«Kinikilala ko Siya bilang ang Mesiyas at dahil diyan susundan ko Siya» sabi ni Natanael.

«Susundan ko rin Siya. Pinaniwalaan ko Siya na siyang ang Mesiyas mula pa nang itinuro Siya sa amin ni Juan Bautista na siya ngang ang Mesiyas» sabi ni Santiago ni Zebedeo.

«Kami ay Kanyang mga kapatid. Sa aming pananampalataya dinadagdag namin ang pagmamahal ng pagkakamag-anak. Tama ba iyon, Santiago?» sabi ni Tadeo.

«Siya ay naging aking araw sa loob ng maraming mga taon at sinusundan ko ang Kanyang daan. Kung Siya ay mahuhulog sa kalaliman na hinukay ng Kanyang mga kaaway, susundan ko Siya» tugon ni Santiago ni Alfeo.

«At ano ang sa akin? Makakalimutan ko ba na ako ay Kanyang tinubos?» tanong ni Mateo.

«Ang aking ama ay isusumpa ako nang pitong beses kung iiwanan ko Siya. Maging ano pa man ang kaso, kahit na kung ito ay alang-alang lamang kay Maria, hindi ko Siya kailanman iiwanan» sabi ni Tomas.

Si Juan ay hindi nagsasalita. Ang kanyang ulo ay nakatungo, nagmumukha siyang nalulungkot. Ang iba ay napagkakamalan ang kanyang katahimikan na isang kahinaan at marami ang nagtatanong sa kanya.

«At ano ang sa iyo? Ikaw lamang ba ang tanging gustong umalis?»

Si Juan ay tumingala, purung-puro din sa kanyang aktitud at mga mata, at itinitingin ang kanyang malilinaw na asul na mga mata sa mga nagtatanong sa kanya siya ay nagsabi: «Ako ay nagdarasal para sa ating lahat. Sapagkat gusto natin na magsalita at gumawa ng mga bagay at tayo ay umaasa sa ating mga sarili, at sa paggawa nang ganito hindi natin nakikita na hinahamon natin ang Kanyang mga salita. Kung sinasabi Niya na tayo ay hindi nakahanda, ang ibig sabihin nito tayo ay hindi nakahanda. Kung tayo ay hindi naging nakahanda sa loob ng tatlong taon, hindi tayo magiging nakahanda sa loob ng kaunting mga buwan...»

«Ano ang iyong sinasabi? Sa loob ng kaunting mga buwan? Ano ang nalalaman mo? Ikaw ba kaya ay isang propeta?» Dinudumog nila siya ng mga tanong, halos kinagagalitan siya.

«Wala akong nalalaman.»

«Kung gayon? Ano ang alam mo? Siya kaya ay nagsalita sa iyo? Lagi mong nalalaman ang Kanyang mga lihim...» sabi ni Judas ng Kerioth nang may inggit.

«Huwag mo akong kapootan, aking kaibigan, kung naiintindihan ko na ang magandang panahon ay tapos na. Magiging kailan ba ito? Hindi ko alam. Alam ko na ito ay mangyayari. Iyan ang sinasabi Niya. Ilang beses ba Niyang sinasabi ang ganito! Ayaw nating paniwalaan ito. Ngunit ang kapootan ng ibang mga tao ay pinatototohanan ang Kanyang mga salita... Kung kaya't ako ay nagdarasal. Sapagkat walang iba ang dapat na gawin. Nananalangin ako sa Diyos na gawin tayong malakas. Hindi mo ba naaalaala, Judas, nang sinabi Niya sa atin na nananalangin Siya sa Ama upang magkaroon ng lakas laban sa mga panunukso? Ang lahat ng lakas ay nanggagaling sa Diyos. Ginagaya ko ang aking Guro, bilang ito ang tamang gawin...»

«Bueno, ikaw ba ay mananatili o hindi?» tanong ni Pedro.

«At saan mo ako gustong pumunta kung hindi ako mamamalagi sa Kanya Na siyang aking buhay at kabutihan? Ngunit sa dahilan na ako ay isang kaawa-awang bata, ang pinaka miserable sa lahat, hinihingi ko ang lahat ng Diyos, ang Ama ni Jesus at atin.»

«Ito ay ayos na. Kung gayon tayong lahat ay mananatili! Puntahan natin Siya. Sa dahilan na Siya ay tiyak na malungkot, ang ating katapatan ay magagawa Siyang masaya» sabi ni Pedro.

Si Jesus ay nakapatirapa sa pagdarasal. Na ang Kanyang mukha nasa lupa, sa damo, Siya ay tiyak na nangungusap sa Kanyang Ama, ngunit sa mga pagkaluskos ng mga paa Siya ay tumayo at tinitingnan ang Kanyang mga apostol. Tinitingnan Niya sila nang may kung baga isang malungkot na kabigatan.

«Maging masaya, Guro. Wala sa amin ang aalis sa Inyo» sabi ni Pedro.

«Nakapagpasya kayo nang napakabilis at...»

«Ang maraming mga oras at maraming mga panahon ay hindi makapagbabago sa aming mga isip» sabi ni Pedro.

«Ni ang mga pananakot makapagbabago sa aming pagmamahal» proklamasyon ng Iskariote.

Si Jesus ay tumigil sa pagtingin sa kanila bilang isang grupo at tinititigan Niya sila nang isa-isa. Isang matagal na titig na pinaninindigan nang walang-takot ng bawat isa. Ang Kanyang mga mata ay nagtagal nang lalo na sa Iskariote, na tumitingin sa Kanyang nang mas may-pasya kaysa ang iba. Ibinukas Niya ang Kanyang mga kamay sa isang pagtanggap nang may pagpapaubaya at sinabi Niya: «Tayo na. Kayo, kayong lahat, ay lumagda sa inyong patutunguhan.» Bumalik Siya sa lugar na dating kinaroroonan Niya, pinulot Niya ang Kanyang bag at nagsabi: «Ating kunin ang daan patungo sa Ephraim, ang isa na kanilang tinuro sa atin.»

«Patungong Samaria?!» Sila ay lubos na nagtataka.

«Patungong Samaria. O, patungo sa mga hangganan man lamang nito. Si Juan ay pumunta rin upang manirahan doon hanggang sa oras na itinalaga para sa kanyang pagtuturo tungkol sa Kristo.»

«Ngunit hindi iyon nakapagligtas sa kanya!» pagtutol ni Santiago ni Zebedeo.

«Hindi Ko sinisikap na mailigtas ang Aking Sarili, bagkus upang makapagligtas.. At makapagliligtas Ako sa itinakdang oras. Ang inuusig na Pastol ay magiging ang pinaka sawing-palad na tupa. Upang, namamanglaw na katulad nila, mapasakanila sana ang kanilang bahagi ng karunungan upang maihanda sila para sa bagong panahon.»

Lumakad siya nang may malalaking hakbang, pagkatapos ng pagtigil na nagsilbing sila ay nakapagpahinga at naipangilin nila ang Sabbath, dahil ibig Niyang makarating bago ang mga landas ay hindi na mararaanan sa gabi.

Nang sila ay makarating sa maliit na daanan ng ilog na dumadaloy mula sa Ephraim patungo sa Jordan, si Jesus ay tinawag sina Pedro at Natanael at binigyan sila ng isang bag nagsasabing: «Mauna kayo at hanapin si Maria ni Jacob. Naalaala Ko na sinabi ni Malachi sa Akin na siya ang pinakamahirap na babae sa nayon, sa kabila na siya ay may malaking bahay, ngayon na siya ay wala ng mga anak na lalaki at mga babae na nakatira doon. Manunuluyan tayong kasama siya. Bigyan siya ng maraming pera upang mabigyan niya tayo ng pag-aruga nang hindi na siya nanghihingi ng tulong sa maraming tao. Alam ninyo kung nasaan ang kanyang bahay. Ito ay ang isang malaking bahay, nalililiman ng apat na puno ng granada, malapit sa tulay sa daan ng ilog.»

«Alam namin, Guro. Gagawin namin ang ayon sa sinabi Ninyo.» Umalis silang mabilis at si Jesus ay sinusundan sila nang dahan-dahan kasama ang iba pa.

Mula sa libis, na sa gitna nito ang ilog ay dumadaloy, makikita ng isa ang mapuputing mga bahay ng nayon sa huling liwanag ng araw at sa maagang sinag ng buwan. Wala ni isang kaluluwa ang naglalakad sa paligid nang sila ay dumating sa bahay na lahat puti sa liwanag ng buwan. Tanging ang pagdaloy lamang ng ilog ang mapakikinggan sa katahimikan ng gabi. Tumatalikod at tumitingin sa orisonte, makikita ng isa ang malaking sakop ng mabituin na kalangitan na nakayuko sa isang maluwang na bahagi ng lupa na bumababang patungo sa kapatagan na disyerto na umaabot hanggang sa layo ng Jordan. Ang isang solemneng kapayapaan ay naghahari sa Lupa.

Kumatok sila sa pinto. Binuksan ito ni Pedro. «Ang lahat ay naayos na, Panginoon. Ang matandang babae ay umiyak nang binigay namin sa kanya ang pera. Wala siyang natira kahit isang sentimos. Sinabi ko sa kanya: “Huwag umiyak, babae. Wala nang kirot kung saan naroroon si Jesus ng Nazareth”. Tumugon siya sa akin: “Alam ko. Naghirap ako nang buong buhay ko at ngayun-ngayon lamang ako ay nasa pinaka limitasyon na ng aking pagtitiis. Ngunit ang Langit ay nagbukas sa gabi ng aking buhay at dinala sa akin ang Tala ni Jacob upang bigyan ako ng kapayapaan”. Ngayon ay kanya nang hinahanda ang mga silid na napaka tagal nang nakasarado. H’m! Walang masyado rito. Ngunit ang babae ay lumalabas na napakabuti! Naririto na siya! Babae! Ang Rabbi ay naririto!»

Isang napakapayat na babae ang lumalapit, ang kanyang mapagpakumbabang mga mata ay puno ng kalungkutan. Siya ay tumigil na nalilito mga ilang hakbang ang layo mula kay Jesus. Ang pakiramdam niya ay hindi siya mapakali.

«Kapayapaan sa iyo, babae. Hindi kita bibigyan ng labis na problema.»

«Sana makapaglalakad Kayo sa ibabaw ng aking puso, upang maging mas kaaya-aya para sa Inyo ang pagpasok sa aking maralitang bahay. Pasok Kayo, Panginoon, at harinawang pumasok ang Diyos kasama Ninyo.» Nakuha niyang muli na makahinga nang maluwag at nagkaroon siya ng lakas-ng-loob sa liwanag ng sulyap ni Jesus.

Lahat sila ay pumasok at sinara ang pinto. Ang bahay ay kasing laki ng isang otel at kasing walang-laman katulad ng isang disyerto. Tanging ang kusina lamang ang nagmumukhang masaya dahil sa isang maliwanag na apoy sa paapuyan sa gitna ng silid.

Si Bartolomeo, na inaasikaso ang apoy, ay tumalikod at nagsabi nang ngumingiti: «Paginhawahan Ninyo Panginoon ang babae. Siya ay nalulungkot sapagkat hindi niya Kayo maparangalan.»

«Ang inyong puso ay sapat na para sa Akin, babae. Huwag mag-alala tungkol sa kahit ano pa man. Kami ang maglalaan bukas. Ako ay mahirap din. Dalhin sa kanya ang ating mga baon. Ang mahihirap na tao ay pinagsasaluhan nila ang kanilang tinapay at asin nang wala ng pagkahiya, bagkus may pangkapatiran na pagmamahal. Pampamilyang pagmamahal sa kaso ninyo, babae. Sapagkat kayo ay maaaring maging Aking ina. At kayo ay Aking pinararangalan nang ganyan...»

Ang babae ay iniiiyak ang tahimik na mga luha ng isang matandang naghihirap na kaluluwa, pinupunas ang kanyang mga luha sa pamamagitan ng kanyang belo at siya ay bumubulong: «Mayroon ako dati ng tatlong mga lalaki at pitong mga babaeng anak. Ang isa sa mga lalaki ay tinangay ng agos ng ilog at ang isa pa ng isang sakit. Ang ikatlo ay iniwan ako. Ang limang mga babae ay kinapitan ng sakit katulad ng nagkaroon ang kanilang ama at namatay, ang ikaanim ay namatay nang siya ay nanganganak at ang ika-pito... Kung ano ang hindi ginawa ng kamatayan, ginawa ng kasalanan. Sa aking katandaan hindi ako naparangalan ng aking mga anak at nagagawa ako nito nang napaka... Sa nayon sila ay napakabuti sa akin... ibig sabihin, sa kaawa-awang babae. Kayo ay mabait sa ina...»

«Ako ay may isang ina rin. At sa bawat babae na isang ina pinararangalan Ko Siya. Ngunit huwag umiyak. Ang Diyos ay mabuti. Magkaroon ng pananampalataya, at ang mga anak na natitira pa ay baka bumalik pang muli sa iyo. Ang iba pa ay nasa kapayapaan na...»

«Sa palagay ko ito ay isang kaparusahan, sapagkat nanggaling ako mula sa lugar na ito...»

«Magkaroon ng pananampalataya. Ang Diyos ay mas makatarungan kaysa sa mga tao.»

Ang mga apostol na pumunta sa kanilang mga silid kasama si Pedro ay bumalik. Nagdala sila ng mga makakain. Pinapainit nila sa apoy ang maliit na tupa na pinaihaw ni Nike. Inilagay nila ito sa ibabaw ng mesa. Si Jesus ay inaalay at pinagpapala ito at gusto Niya na ang matandang babae ay maupo sa mesa kasama sila, sa halip na nakaupo sa kanyang maliit na sulok, kinakain ang kaawa-awang atsikorya ng kanyang hapunan.

Ang pagkakapatapon sa hangganan ng Judaea ay nagsimula na.

020212

 

 


Sunod na kabanata