55. SI TOMAS NAGING ISANG DISIPULO.

22 Oktubre 1944.

¹Ngayong umaga, habang nanunumbalik ang aking mga pandama pagkaraan ng isang napakabigat na  pamamanhid na tumagal nang napakaraming mga oras, habang nananalangin ako naghihintay ng liwanag ng araw, nakita ko ang pagpapatuloy ng bisyon.

Sinabi ko pagpapatuloy sapagkat kami ay nasa gayon pa rin na lugar: ang mababa, malapad na kusina, na ang madilim, maagiw na pader, malabong naliliwanagan ng maliit na apoy ng isang lampara ng langis sa ibabaw ng pangkabukiran na mesa, ito ay isang mahabang makitid na mesa kung saan walong taon ang nakaupo: si Jesus at ang kanyang anim na disipulo, at ang may-ari, apat sa bawat tabi.

Si Jesus, nakaupo sa isang bangkito – ang tanging mga upuan dito ay ang may tatlong paang bangkito, tunay na pangkabukiran na muwebles – ay nakatalikod pa rin nagsasalita kay Tomas. Ang kamay ni Jesus ay napalipat sa balikat mula sa ulo ni Tomas. Si Jesus ay sinabi sa kanya: «Tumayo ka, Aking kaibigan. Ikaw ba ay nakapaghapunan na?»

«Hindi, Guro. Naglakad akong nang mga ilang yarda kasama ang isang tao na nakasama ko kanina, pagkatapos iniwanan ko siya at bumalik ako nagsasabing gusto kong makausap ang napagaling na ketongin,.. sinabi ko iyan sapagkat naisip ko na pandidirihan niya ang lumapit sa isang di-dalisay na tao. Tama ang hula ko. Ngunit gusto kong makita Kayo, hindi ang ketongin... gusto kong masabi sa Inyo: “Pakiusap na kunin ako”... Naglalagalag akong pauli-uli sa taniman ng mga olibo hanggang ang isang binata ay nagtanong sa akin kung ano ang aking ginagawa roon. Maaaring inisip niya masama ang aking binabalak. Siya ay malapit sa isang poste, sa hangganan ng taniman ng mga olibo.»

Ang may-ari ay ngumingiti. «Iyon ay ang aking anak» nagpapaliwanag siya at dinagdag niya: «Binabantayan niya ang gawaan ng langis; sa loob ng mga kuweba sa ilalim ng gawaan ng langis, nasa amin pa noon ang lahat ng ani ng taon, iyon ay isang masaganang ani at nakagawa kami ng maraming langis. At kapag may malalaking pulutong sa paligid, ang mga magnanakaw ay laging nagsasama-sama upang magnakaw sa mga hindi nababantayang mga lugar, noong walong taong ang nakaraan, sa panahon ng Parasceve lamang, ninakawan nila kami ng halos lahat, mula noon lagi na kaming nagbabantay isang gabi ang bawat isa sa amin. Ang kanyang ina ay umalis upang dalhan siya ng kanyang hapunan.»

«Bueno, tinanong niya ako: “Ano ang kailangan mo?”, at siya ay nagsalita nang sa isang paraan na upang hindi makaranas ng palo ang aking likod, ako ay sumagot kaagad: “Hinahanap ko ang Guro Na naninirahan dito”. Tumugon siya pagkatapos: “Kung ang sinasabi mo ay totoo, pumunta ka sa bahay”. At dinala niya ako rito. Siya ang kumatok sa pinto at hindi siya umalis hanggang nakarinig siya ng aking unang mga salita.»

«Malayo ba ang tinitirahan mo?»

«Nakatira ako sa kabila ng bayan, malapit sa Eastern Gate.»

«Nag-iisa ka ba?»

«Kasama ko ang ilang mga kamag-anak. Ngunit sila ay umalis upang manirahan kasama ang ibang mga kamag-anak sa daan patungo sa Bethlehem. Ako ay nanatili rito upang hanapin Kayo araw at gabi, hanggang nakita ko Kayo.»

Si Jesus ay ngumingiti at nagsabi: «Kung gayon walang sinuman ang naghihintay para sa iyo?»

«Wala, Guro.»

«Iyan ay isang mahabang lakbayin, ngayon ay madilim na gabi, ang mga patrulya ng Romano ay nasa paligid ng bayan. Sasabihin Ko: manatiling kasama namin, kung ibig mo.»

«O! Guro!» si Tomas ay masaya.

«Magbigay ng lugar para sa kanya. At ang bawat isa sa atin ay magbibigay ng kahit ano sa ating kapatid.» si Jesus ay binibigay ang bahagi ng keso na nasa harapan Niya. Nagpapaliwanag Siya kay Tomas: Kami ay mahirap at ang aming hapunan ay halos tapos na. Ngunit may labis na puso sa nagbibigay.» At sinasabi Niya kay Juan na nakaupo sa tabi Niya: «Ibigay mo ang iyong upuan sa ating kaibigan.»

Si Juan ay tumayo kaagad at naupo sa dulo ng mesa malapit sa may-ari.

«Maupo ka, Tomas, at kumain.» ²Pagkatapos sinabi Niya sa kanilang lahat: «Lagi kayong aasal nang ganyan, Aking mga kaibigan, ayon sa batas ng karidad. Ang isang peregrino ay protektado na ng batas ng Diyos. Ngunit ngayon, sa Aking pangalan, mas lalo pa ninyo siyang mamahalin. Kapag may humihingi sa inyo ng kaunting tinapay, isang patak ng tubig o isang masisilungan sa ngalan ng Diyos, kailangan na ibigay ninyo iyan sa pangalan din na iyan. At tatanggapin ninyo ang gantimpala mula sa Diyos. Kailangan na umasal kayo nang ganyan sa lahat. Kahit na sa inyong mga kaaway. At iyan ang bagong Batas. Hanggang ngayon kayo ay sinasabihan: “Mahalin ang mga nagmamahal sa inyo at kapootan ang iyong mga kaaway”. Sinasabi Ko: “Mahalin din ang mga napopoot sa inyo”. O! Kung nalalaman lamang ninyo kung gaano kayo mamahalin ng Diyos, kung kayo ay magmamahal katulad ng sinasabi Ko sa inyo! At kapag may magsabi: “Gusto kong maging kasama ninyo sa paglilingkod sa totoong Diyos at sa pagsunod sa Kanyang Kordero”, kung gayon siya ay kailangan na mas maging mahal sa inyo kaysa sa isang kapatid sa dugo, sapagkat kayo ay pagdudugtungin ng isang eternal na bigkis: ang bigkis ng Kristo.»

«Ngunit kung may dumating na hindi sinsiro? Madaling sabihin: “Gusto kong gawin ito o iyon”. Ngunit ang mga salita ay hindi laging tumutugma sa katotohanan» sabi ni Pedro, nang medyo naiirita. Hindi ko alam kung bakit, ngunit wala siya sa kanyang dating masayahing gana.

«Pedro, makinig. Ang sinasabi mo ay may katuturan at makatarungan. Ngunit, tingnan: mas mabuti nang sumobra sa kagandahang loob kaysa sumobra sa di-pagtitiwala at katigasan. Kung tinulungan mo ang isang di-karapat-dapat na tao, anong masamâ magagawa ang darating sa iyo? Wala. Hindi, bagkus, ang gantimpala ng Diyos ay laging magiging aktibo para sa iyo, kaysa sa tao na nagkasala ng pagkanulo sa iyong pagtitiwala.»

«Walang masamâ? Eh! kadalasan ang isang walang-kuwentang tao ay hindi kontento sa kawalang-utang-na-loob, bagkus sosobra pa, kahit hanggang sa sirain ang reputasyon ng isang tao, ang kayamanan at ang pinakabuhay pa mismo niya.»

«Totoo. Ngunit makakabawas ba iyan sa iyong merito? Hindi, hindi iyan makakabawas. Kahit na kung ang mundo ay paniwalaan nito ang paninira, kahit na kung maging mahirap ka pa kaysa kay Job, kahit na kung ang malupit na tao ay kunin pa ang iyong buhay, ano ang magbabago sa mga mata ng Diyos? Wala. Hindi, bagkus, may magbabago. Ngunit para sa ikalalamang mo. Ang Diyos, sa mga merito ng iyong kagandahang-loob, ay idadagdag ang mga merito ng iyong intelektuwal, pinansiyal, pisikal na pagmamartir.»

«O sige! Baka ganyan iyan.» Si Pedro ay hindi na muli nagsasalita pa. Nagmumukmok na ipinatong niya ang kanyang ulo sa ibabaw ng kanyang kamay.

³Si Jesus ay kinakausap si Tomas: «Aking kaibigan, kanina, sa taniman ng mga punong-olibo sinabi Ko sa iyo: “Pagbalik Ko rito, kung gusto mo pa rin, ikaw ay magiging isa sa Aking mga disipulo”. Ngayon sinasabi Ko sa iyo: “Papayag ka bang gumawa ng isang pabor kay Jesus?»

«Payag na payag.»

«At kung ang pabor na ito ay kailangan na magsasakripisyo ka?»

«Walang sakripisyo sa paglilingkod sa Inyo. Ano itong gusto Ninyo?»

«Gusto Kong sabihin... ngunit baka mayroon kang ilang mga aasikasuhin, ilang mga damdamin...»

«Wala, wala! Kayo ang mayroon ako! Sabihin sa akin.»

«Makinig. Bukas pagsikat ng araw ang ketongin ay aalis sa mga sepulkro upang maghanap ng sinuman na magbibigay-alam sa pari. Ikaw ang magiging una na pupunta sa mga sepulkro. Iyan ay karidad. At sisigaw ka: “Lumabas ka, ikaw, ang isang ginawang malinis kahapon. Ako ay pinadala ni Jesus ng Nazareth, ang Mesiyas ng Israel, Siya na naglinis sa iyo”. Gawing malaman ng “mundo ng mga patay” ang Aking pangalan, gawin silang manginig sa pag-asa, na sana mapagaling Ko sila. Iyan ang unang porma ng kadalisayan na Aking dadalhin, ang unang porma ng resureksiyon, na Ako ang Panginoon. Isang araw magkakaloob Ako ng isang mas dakilang kadalisayan... Isang araw ang selyadong mga libingan ay marahas na palalabasin ang tunay na mga patay, at sila ay lilitaw at tatawa kasama ang kanilang walang-laman na mga butas ng mata, kasama ang hubad na mga panga, dahil sa pagbubunyi ng mga kaluluwang napalaya mula sa Limbo, isang malayong pagbubunyi subalit nararamdaman kahit ng mga kalansay. Lilitaw sila upang tumawa dahil sa liberasyon na ito at manginig nalalaman na ito ay parating na... Lakad! Siya ay pupunta sa iyo. Gagawin mo kung ano ang kanyang hihingin sa iyo na gawin mo. Tutulungan mo siya sa lahat, na tila siya ay iyong kapatid. At sasabihin mo rin sa kanya: “Kapag ikaw ay ganap nang napadalisay, pupunta tayong magkasama sa daan sa tabi ng ilog, sa kabila ng Doco at Ephraim, si Jesus, ang Guro, ay maghihintay para sa atin upang sabihin sa atin kung saan natin siya mapaglilingkuran”.»

«Gagawin ko iyan. At ano tungkol doon sa isa pa?»

«Sino? Ang Iskariote?»

«Oo, Guro.»

«Ang payo na binigay Ko sa kanya ay naririyan pa rin. Gawin siyang magpasya nang sarili niya mismo at gawin siyang matagal. Hindi lamang, bagkus, iwasan na makita siya.»

«Makakasama ko ang ketongin. Tanging mga ketongin lamang ang pagala-gala sa lambak ng mga sepulkro, at ang mga naaawang naaantig nila.»

«Ano ang nangyayari sa iyo , Pedro? Kung hindi ka pabulung-bulong ikaw ay tahimik. Ikaw ay tila hindi nasisiyahan. Bakit?»

«Ako ay hindi nasisiyahan. Kami ang mga una at hindi Kayo gumawa ng isang himala para sa amin. Kami ang mga una at pinagkatiwalaan Ninyo siya, hindi kami, ng isang gawain. Kami ang mga una at... gayunpaman, oo, tila kami ang mga huli. Bakit maghihintay Kayo sa kanila sa daan malapit sa ilog? Tiyak na pagkatiwalaan sila ng ilang misyon. Bakit sila, at hindi kami?»

Si Jesus ay tinitingnan siya. Siya ay hindi galít. Sa kabaligtaran Siya ay ngumingiti katulad na ngumingiti ang isa sa isang bata. Siya ay tumayo, pumuntang dahan-dahan kay Pedro at, ngumingiti, nagsabi sa kanya: «Pedro! Pedro! Ikaw ay isang malaking, matandang sanggol!» At sinabi Niya kay Andres, na nakaupo sa tabi ng kanyang kapatid: «Lakad at kunin ang Aking upuan» at Siya ay naupo sa tabi ni Pedro, niyayapos ang kanyang mga balikat, at nagsasalita sa kanya, hinahawakan siya nang ganyan nakadiin sa Kanya Mismong mga balikat: «Pedro, sa  akala mo  Ako ay nagiging di-makatarungan, ngunit hindi. Sa kabaligtaran ito ay isang katibayan na nalalaman Ko kung ano ang kahalagahan ninyo. Tingnan. Sino ang nangangailangan ng mga katibayan? Sino na hindi pa nakatitiyak. Alam Ko na labis kayong nakatitiyak sa Akin, na hindi Ko nararamdaman na bigyan kayo ng kahit anong katibayan tungkol sa Aking kapangyarihan. Mga katibayan ay kinakailangan dito sa Herusalem, kung saan ang mga bisyo, di-pagka-relihiyoso, mga pulitika at maraming makamundong mga bagay ay nagpapalabo sa mga kaluluwa hanggang sa hindi na nila makita ang Liwanag na dumaraan. Ngunit sa itaas doon, sa ating magandang lawa, napakaliwanag sa ilalim ng isang maliwanag na kalangitan, sa pagitan ng matatapat at mabubuting pumapayag na mga tao, walang katibayan ang kinakailangan. Magkakaroon kayo ng mga himala. Magbubuhos Ako sa inyo ng mga daloy ng mga grasya. Ngunit tingnan kung papaano Ko kayo pinahahalagahan, kinuha Ko kayo nang hindi humihingi ng kahit anong katibayan at ni hindi Ko nakita ang pangangailangan na bigyan Ko kayo ng kahit ano. Kayo ay mahal sa Akin, napakamahal, at tapat-na-tapat.»

Si Pedro ay naging masaya: «Patawarin ako, Jesus.»

«Oo, pinatatawad kita sapagkat ang iyong pagmumukmok ay isang tanda ng pagmamahal. Ngunit huwag nang maging mainggitin pa ulit, Simon ni Jonas. Nalalaman mo ba kung ano ang puso ni Jesus? Nakita mo na ba ang dagat, ang tunay na dagat? Nakita mo na? Bueno, ang Aking puso ay mas malaki pa kaysa sa napakalawak na dagat! At doon ay may lugar para sa lahat. Para sa lahat ng sangkatauhan. At ang pinakamaliit na tao ay may lugar nang eksaktong mayroon ang pinaka dakila. At ang isang makasalanan ay nakatatagpo ng pagmamahal katulad na katulad ng isang inosente. Pinagkakatiwalaan Ko ang mga ito ng isang misyon. Siyempre. Gusto mo ba Akong pigilan? Pinili Ko kayo. Hindi ninyo pinili ang inyong mga sarili. Ako kung gayon ay malaya kung papaano Ko kayo gagamitin. At kung iwanan Ko sila dito nang may isang misyon – na mabuti pang maging isang pagsubok – maaari ba ninyo Akong kagalitan? Papaano ninyo nalalaman na hindi Ako nagtatabi ng isang malaking misyon para sa inyo? At hindi ba pinakamagandang misyon ang masabihan: “Kayo ay sasama sa Akin”?»

«Iyan ay totoo. Ako ay isang tanga! Patawarin ako...»

«Oo. Pinatatawad Ko ang lahat. O! Pedro!... Ngunit nakikiusap Ako sa inyong lahat huwag na kailanman pagusapan ang mga merito at mga pusisyon. Ako ay ipinanganak sanang isang hari. Ako ay ipinanganak na mahirap, sa loob ng isang establero. Naging mayaman sana Ako. Nabubuhay Ako sa pamamagitan ng Aking pagtatrabaho at ngayon nabubuhay Ako sa karidad. Gayunpaman, maniwala sa Akin, Aking mga kaibigan, walang mas dakila pa sa Akin sa mga mata ng Diyos. Mas dakila pa kaysa sa Akin, Na naririto: ang lingkod ng tao.»

«Kayo isang lingkod? Hindi kailanman!»

«Bakit hindi, Pedro?»

«Sapagkat paglilingkuran Kita.»

«Kahit na kung paglingkuran mo Ako katulad ng paglilingkod ng isang ina sa kanyang anak, Ako ay naparito upang paglingkuran ang tao. Ako ang magiging isang Tagapagligtas para sa kanya. Ano ang paglilingkod na naririyan na katulad niyan?»

«O! Guro! Naipaliwanag Ninyo ang lahat. At kung ano ang tila madilim ay kaagad naging maliwanag!»

«Masaya ka na ba ngayon, Pedro?  ⁵Ngayon pabayaan Akong makatapos kay Tomas. Nakatitiyak ka ba na makikilala mo ang ketongin? Siya lamang ang tanging napagaling; ngunit baka siya nakaalis na sa liwanag ng mga bituin lamang, upang makakita ng maagang manlalakbay. At baka ang sinuman, na nananabik na makapasok sa bayan at makita ang kanyang mga kamag-anak, ay baka mapagkamalan na siya. Pakinggan ang kanyang mga palatandaan. Ako ay malapit sa kanya at nakita Ko siya nang mabuti sa liwanag ng dapit-hapon. Siya ay matangkad at payat. May madilim na kutis, katulad ng isang mestiso, napakalalim at napakadilim na mga mata na may kaputiang-niyebe na kilay, ang buhok kasing puti ng linen at kahit papaano kulot, at isang mahabang punggok na ilong katulad ng mga sa Libyano,  dalawang makapal na umuusling mga labì na nagkukulay biyoleta. Mayroon siyang lumang peklat sa kanyang noo at iyan lamang ang magiging tanging mantsa, ngayon na siya ay napagaling na mula sa mga langib at dumi.»

«Maaaring siya ay matanda na, kung siya ay lahat maputi na ang buhok.»

«Hindi, Felipe, nagmumukha siyang matanda, ngunit hindi siya matanda. Ang ketong ay nagawa siyang maputi.»

«Ano siya? Isang mestiso?»

«Baka, Pedro. Nakakahawig niya ang mga Aprikano.»

«Magiging isang Israelita kaya siya, kung gayon?»

«Malalaman natin. Ngunit halimbawa kung siya ay hindi?»

«Eh! Kung hindi siya, siya ay aalis. Masuwerte na nga siya na karapat-dapat siyang pagalingin.»

«Hindi, Pedro. Kahit na kung siya ay isang idolatra, hindi ko siya palalayasin. Si Jesus ay pumunta para sa lahat. At sasabihin Ko sa inyong totoo na ang mga taong nabubuhay sa kadiliman ay matatalo ang mga anak ng sambayanan ng Liwanag...»

 Si Jesus ay nagbubuntung-hininga. Pagkatapos Siya ay tumayo. Pinasasalamatan Niya ang Ama sa pamamagitan ng isang himno at pinagpapala ang bawat isa. 

Ang bisyon ay nagtatapos nang gayon.

⁶Sasabihin ko nga pala na ang aking internal na tagapag-ulat ay sinabi sa akin, mula pa kagabi noong makita ko ang ketongin: «Iyan ay si Simon, ang apostol. Makikita mo siya at si Tadeo pumupunta sa Guro.» Ngayong umaga, pagkatapos na Banal na Komunyon (ngayon ay Biyernes) binuksan ko ang aking missal at nakita ko na ngayon ay ang bispiras ng kapistahan ng mga santong sina Simon at Judas, at ang ebanghelyo bukas ay tungkol sa karidad, halos inuulit ang pinaka salitang aking napakinggan sa bisyon. Datapwat hindi ko nakikita si Judas magpahanggang ngayon.

(295) 190710/040613

Sunod na kabanata.