552. Ang Sumunod na Araw sa Ephraim. Ang Parabula Tungkol sa Alaala ng Eternal na Patutunguhan ng Tao.

Enero 12 1947.

«Bangon at lumakad tayo sa tabi ng ilog. Katulad ng mga Hudyo na naninirahan sa ibang bansa at kung saan walang mga sinagoga, ipagdiriwang natin ang Sabbath nang tayu-tayo lamang. Halikayo mga bata...» sabi ni Jesus sa mga apostol na walang-magawa sa loob ng pangkusinang-hardin, at iniuunat Niya ang Kanyang kamay sa tatlong kaawa-awang mga bata na nag-iipun-ipon sa isang sulok.

Lumapit sila sa Kanya na may ekspresyon ng natatakot na tuwa sa kanilang mga mukha napaagang naging palaisip na mga bata na nakakita ng mga bagay na malaking-malaki kaysa sa kanilang mga sarili, at ang dalawang mas nakakatanda ay ipinatong ang kanilang mga kamay sa mga kamay ni Jesus, ngunit ang maliit na bata ay gustong siya’y kargahin ni Jesus, at pinagbigyan siya ni Jesus nagsasabi sa mga nakatatanda: «Nasa tabi Ko pa rin kayo at makakahawak kayo sa Aking tunika katulad ng ginawa ninyo kahapon. Si Isaac ay pagod na pagod at napakabata pa para maglakad nang mag-isa...» Ang bata ay nasisiyahan sa ngiti ni Jesus at siya ay sumasang-ayon, nasisiyahan ng naglalakad katulad ng isang maliit na mamâ sa tabi ni Jesus.

«Ibigay Ninyo sa akin ang bata, Guro. Maaaring pagod Kayo pagkatapos ng kapaguran kahapon, at si Ruben ay hindi masaya sapagkat hindi Ninyo siya inaakay...» sabi ni Bartolomeo at inaabot ng kanyang kamay ang bata na nakakapit sa leeg ni Jesus.

«Siya ay kasing tigas ang ulo katulad ng lahat ng kanyang lahi!» bulalas ng Iskariote.

«Hindi. Siya ay natatakot. Wala kang karanasan ng mga bata. Ang mga bata ay katulad niyan. Kapag sila ay nagigipit o natatakot naghahanap sila ng kalinga sa unang tao na ngumiti at nagpaginhawa sa kanila» tugon ni Bartolomeo, at sa dahilan na hindi niya makukuha na kargahin ang pinakamaliit na bata, inakay niya ang pinakamatanda pagkatapos na haplusin ang kanyang ulo at ngitian siya sa makaamang pamamaraan.

Iniwan nila ang bahay kung saan tanging ang matandang babae lamang ang naiwan at sinusundan nila ang ilog sa kabila ng nayon. Ang mga pampang nito ay magaganda, natatakpan katulad nila ng sariwang mga damo at puno ng layas na mga bulaklak. Ang malinaw ng tubig ay lumalagukgok sa pagitan ng mga bato at, bagama't kakaunti, ang tunog nito ay kasing tapis ng tunog ng isang lira at lumalagaslas nababasag pagsalpok sa mas malalaking bato na nakakalat sa ilalim o isinasalingit ang sarili sa mga nitso ng ilang munting mga isla na natatakpan ng mga tambo. Ang mga ibon ay lumilipad mula sa mga punungkahoy malapit sa mga pampang pakatal-katal ang tinig nang masasaya, o humahapon sila sa mga sanga sa loob ng sikat ng araw inaawit ang unang mga awit ng tagsibol, o sila ay lumilipad nang pababa sa lupa nang may kahinhinan at masaya, naghahanap ng mga insekto at mga uod o umiinom sa mga pampang. Dalawang batu-bato ang naliligo sa kurbada ng ilog nagtutukaan at pahuni-huni, pagkatapos sila ay lumipad na umalis dala sa kanilang mga tuka ang ilang piraso ng lana na naiwan ng ilang tupa sa isang tanim ng hawthorn, na ang mga nasa tuktok na mga sanga ay nagsisimula nang mamulaklak.

«Ginagawa nila iyan upang makagawa ng kanilang pugad» sabi ng pinakamatandang bata. «Sila ay tiyak na may maliliit na anak...» Itinungo niya ang kanyang ulo at, pagkatapos na ngumiti nang bahagya noong binibigkas ang unang mga salita, siya ay lumuluha nang tahimik pinupunasan ang kanyang mga mata ng kanyang kamay.

«Si Bartolomeo ay kinarga siya, dahil nadama niya kung anong kalungkutan ang dinala ng dalawang batu-bato sa pamamagitan ng kanilang pangangalaga para sa kanilang pugad. At si Bartolomeo, na may mabait na puso ng isang mabuting ama ng isang pamilya, ay malalim na nagbubuntung-hininga. Ang bata ay umiiyak sa ibabaw ng kanyang balikat at ang isa pa, ang pangalawa, nakikita siya na umiiyak, ay nagsimula na rin na umiyak,  ginagaya ng pangatlo na tinatawag ang kanyang ama sa manipis na tinig ng isang maliit na bata na kasisimula pa lamang na makapagsalita.

«Ito ang ating magiging dasal para sa Sabbath ngayon! Iniwanan sana Ninyo sila sa bahay! Ang mga babae ay mas angkop sa mga kasong ganyan at...» wika ng Iskariote.

«Ngunit wala siyang ginagawa mismo bagkus ang umiyak! Katulad ng gusto ko na rin gawin mismo... Sapagkat ang ganyang mga sitwasyon... ay nagagawa akong umiyak...» tugon ni Pedro kinukuha upang kargahin ang ikalawang bata.

«Oo, nagagawa nila ang isa na umiyak. Iyan ay totoo. At si Maria ni Jacob, isang kaawa-awang nalulungkot na kaluluwa, ay hindi napakagaling sa pag-aaliw...» pagpapatunay ng Zealot.

«Sa aming palagay ni hindi siya naging matagumpay na labis. Ang tanging nakapagpapaginhawa ay ang Guro. At hindi Niya ito ginawa.»

«Hindi Niya iyon ginawa? At ano pa ang sana ginawa Niya? Nakumbinsi Niya ang mga mandarambong, naglakad Siya nang milya-milya na ang mga bata karga Niya, napasabihan Niya ang kanilang mga kamag-anak...»

«Maliliit na bagay. Sa dahilan na may kapangyarihan Siya sa kamatayan dapat ginawa Niya, hindi lamang, bagkus, dapat bumaba Siya patungo sa kawan ng mga tupa at binuhay Niya ang pastol. Ginawa Niya ito para kay Lazarus, na walang silbi sa kahit kanino! Sa kasong ito ay may isang ama, at isang balo ang pinag-uusapan, at nariyan ang mga bata na maiiwanan na mag-isa... Ang pagkabuhay na muli ay sana ginawa. Hindi ko Kayo maintindihan, Guro...»

«At hindi ka namin maintindihan, dahil napaka wala kang paggalang...»

«Kapayapaan, kapayapaan! Hindi naiintindihan ni Judas. Hindi lamang siya ang hindi naka-iintindi tungkol sa mga rason ng Diyos at tungkol sa mga konsekwensiya ng kasalanan. Ikaw din, Simon ni Jonah, ay hindi mo naiintindihan kung bakit ang mga bata ay kailangan na maghirap. Kung kaya't huwag husgahan si Judas ni Simon, na hindi nakaiintindi kung bakit ang lalaki ay hindi ibinangon mula sa kamatayan. Kung pag-iisipan ni Judas ang tungkol sa bagay na iyan, sa dahilan na lagi niya Akong pinupuna sa pagpunta nang nag-iisa sa malayo, makikita niya na hindi Ako nakalayo nang masyado... Sapagkat ang kawan ng mga tupa ay nasa kapatagan ng Jericho, ngunit nasa kabila ng bayan, malapit sa bantilan. Ano kaya ang sinabi mo kung Ako ay nawala nang tatlong araw man lamang?»

«Naibangon sana ninyo ang lalaki sa pamamagitan ng Inyong espiritu.»

«Ikaw ba ay mas istrikto pa kaysa sa mga Pariseo at mga eskriba, na nangangailangan ng katibayan ng isang naagnas na katawan, upang masabi mo na nakapagpabangon talaga Ako ng isang patay?»

«Ginusto nila iyon dahil kinapopootan nila Kayo. Ginusto ko iyon sapagkat minamahal ko Kayo at gusto kong makita na dinudurog Ninyo ang lahat ng Inyong mga kaaway.»

«Ang iyong dating mga damdamin at ang iyong wala-sa-kaayusan na pagmamahal. Hindi mo nagawang alisin ang lumang mga tanim mula sa iyong puso at palitan sila ng mga bago; at ang mga dati, pinatataba ng Liwanag na iyong kinagagalitan, ay naging mas matatatag pa. Maraming mga tao ang nakagagawa ng iyong pagkakamali sa kasalukuyan at marami ang makagagawa pa nito sa hinaharap. Ito ay ang pagkakamali ng mga tao na, sa kabila ng tulong mula sa Diyos, ay hindi pina-uunlad ang kanilang mga sarili sapagkat hindi nila tinutugunan nang may makabayaning mga kalooban ang tulong ng Diyos

«Ang mga lalaki bang ito, na, katulad ko, ay Inyong mga disipulo, nasira ba nila ang dating mga tanim?»

«Ito ay kanila man lamang pinungusan at nagpasupling nang marami-rami. Ikaw ay hindi. Ni hindi mo sila tiningnan nang mabuti kung sila ay dapat na ihugpong, pungusan o alisin. Ikaw ay isang di-magaling na hardinero, Judas.»

«Ngunit tungkol lamang sa aking kaluluwa. Sapagkat alam ko kung ano ang kailangang gawin sa mga hardin.»

«Alam mo kung ano ang kailangan mong gawin. Ikaw ay isang dalubhasa tungkol sa mga bagay na panlupa. Gusto kitang makita na magaling din sa mga bagay na pan-Langit.»

«Ngunit ang Inyong Liwanag ay kailangan na mismong gumawa ng kababalaghan sa amin! Ito ba ay talagang maganda? Kung pinalalago nito ang kasamaan at pinasisigla ito, hindi ito maaaring maganda, at kagagawan nito kung kami ay hindi nagiging mabubuti.»

«Magsalita ka para sa iyong sarili, aking kaibigan. Hanggang sa nalalaman ko, hindi nagawa ng Guro na maging mas malakas pa ang aking masasamang buyo» sabi ni Tomas.

«Sang-ayon ako.» «Sang-ayon din ako» sabi ni Andres at ni Santiago ni Zebedeo.

«Ang tungkol sa akin, ang Kanyang kapangyarihan ay napalaya ako mula sa kasamaan at nagawa akong isang bagong tao. Bakit mo sinasabi iyan? Hindi mo ba iniisip kung ano ang iyong sinasabi?» tanong ni Mateo.

May sasabihin na sana si Pedro, ngunit minabuti pa niya na umalis na lamang, at nagsisimula siyang maglakad nang mabilis na ang bata nakasaklang sa kanyang mga balikat ginagaya ang paggulong ng isang bangka upang magawa siyang tumawa, at nang siya ay dumaraan malapit kay Tadeo inakay niya ito at sumigaw: «Halika, pumunta tayo sa islang iyon! Iyon ay puno ng mga bulaklak katulad ng isang basket. Halika, Natanael, Felipe, Simon, Juan... Sa isang talon naroroon na tao. Ang ilog, nahahating katulad nito, ay dalawang sapa lamang, isa sa bawat panig ng isla...» At siya ang unang tumalon bumabagsak ang kanyang paa sa mabuhangin na nakausling lupa mga ilang metro ang lapad, natatakpan ng mga damo katulad ng isang parang at punung-puno ng maaagang bulaklak na nagmumukha itong isang alpombra, na sa gitna nito ay may iisang poplar lamang, na ang tuktok nito ay umuundayo sa magaan na hangin. Siya ay unti-unting sinasamahan ng mga taong tinawag niya at pagkatapos ng iba pa na mas kalapit ni Jesus, Na naiwan sa likuran nagsasalita sa Iskariote.

«Ngunit hindi pa ba siya nakatapos?» Si Pedro ay tinatanong ang kanyang kapatid.

«Ang Guro ay tinatrabaho ang kanyang puso» tugon ni Andres.

«Eh! mas madali para sa akin na patubuin ang mga igos sa punungkahoy na ito kaysa gawin kong makapasok ang hustisya sa puso ni Judas.»

«At sa kanyang isip» dagdag ni Mateo.

«Siya ay isang tanga sapagkat gusto niyang maging tanga, at kung kailan niya gusto» sabi ni Tadeo.

«Siya ay balisa sapagkat hindi siya napili na mag-ebanghelyo. Alam ko.» sabi ni Juan.

«Sa ganang akin... kung ibig niyang kunin ang aking lugar... hindi ako kailanman nananabik na maglagalag!» bulalas ni Pedro.

«Wala sa atin ang nananabik. Ngunit siya ay nananabik. At ang aking Kapatid ay ayaw siyang palakarin. Nagsalita ako sa Kanya kaninang umaga sapagkat nalalaman ko ang tiyempo ni Judas at ang dahilan nito. Ngunit sinabi ni Jesus: “Dahil lamang na ang kanyang puso ay hindi magaling pinananatili Ko siyang kasama Ko. Ang mga naghihirap at mahihina ay nangangailangan ng isang doktor at isang susuporta sa kanila”.»

«Siyempre!... Bueno!... Halikayo, mga bata. Kukunin na natin ngayon ang magagandang tambo na ito at gagawa tayo ng maliliit na bangka sa pamamagitan nito. Tingnan kung gaano sila kaganda! At ilalagay natin ang maliliit na bulaklak na ito sa ibabaw nila upang maging mga mangingisda. Tingnan: hindi ba sila nagmumukhang mga ulo na may puti at pulang mga sumbrero?... Gagawin natin ang daungan dito, at dito... ang maliliit na bahay ng mga mangingisda... Ngayon itali natin ang mga bangka sa magagandang malalambot na dahon ng mga damong ito, at ilalagay ninyo sila sa tubig, ganyan... pagkatapos padadaungin ninyo sila kapag tapos na kayo sa pangingisda... Maka-iikot din kayo sa isla... at ingatan ang mga bato, eh!...» Ang tiyaga ni Pedro ay nakakatuwa. Pinuputol niya nang maliliit sa pamamagitan ng isang lanseta ang tambo, mula sa isang buko hanggang sa isa pa, inaalis ang isang tabi upang maging maliliit na bangka, nilalagay niya ang mga buko ng bulaklak na margarita sa ibabaw bilang mga mangingisda, naghukay siya ng isang malaking daungan sa buhangin at gumawa ng ilang maliliit na bahay sa pamamagitan ng basang buhangin, at nang siya ay nagtagumpay na mapasaya ang mga bata siya ay naupo nang nasisiyahan bumubulong: «Kaawa-awang mga bata!...»

Si Jesus ay kararating lang sa isla nang ang dalawang bata ay nagsisimula nang maglaro at hinahaplos Niya sila ibinababa ang maliit na bata na sumasali sa laro ng kanyang mga kapatid.

«Naririto na Ako kasama ninyo. Tayo ay magsalita ng tungkol sa Diyos ngayon. Sapagkat ang magsalita tungkol sa Diyos at sa Diyos ay isang preparasyon para sa misyon ng isa. At pagkatapos na makapagdasal, ibig sabihin, pagkatapos na magsalita sa Diyos, tayo ay magsasalita tungkol sa Diyos, Na laging naririyan sa lahat ng bagay upang turuan ang mga tao ng mabubuting bagay. Tumayo at tayo ay magdasal» at isinasaawit Niya ang ilang mga salmo sa Hebreo at ang mga apostol ay sumasali sa Kanya umaawit nang magkakasabay.

Ang mga bata, na mga tumabi kasama ang kanilang maliliit na bangka, nang mapakinggan ang mga lalaki na umawit, ay tumigil sa paglaro at sa pagtili sa kanilang matitinis na tinig, at nilapitan ang grupo. Nakikinig sila nang maasikaso, ang kanilang mga mata nakapako kay Jesus na siyang lahat sa kanila, pagkatapos, sa pamamagitan ng espiritu ng paggaya ng mga bata, kinuha nila ang pagkakatayo ng nagdarasal na mga apostol inuugong ang himig dahil hindi nila alam ang mga salita ng mga salmo. Si Jesus ay tinitingnan sila nang may ngiti na nagpapasigla sa kanilang inosenteng mga tinig. Ang pakiramdam nila sumasang-ayon si Jesus sa kanila at sila ay nagiging masigla...

Ang pag-awit ng mga salmo ay nagtapos. Si Jesus ay naupo sa damo at nagsimulang magsalita: «Noong ang mga hari ng Israel, ng Edom at ng Judah ay nagkaisa upang labanan ang hari ng Moab at sila ay lumapit sa propetang si Eliseo para sa payo, siya ay tumugon sa mga mensahero ng mga hari: “Kung hindi ko ginagalang si Jehoshaphat, ang hari ng Judah, ni hindi ko kayo titingnan. Ngayon magdala sa akin ng sinuman na makapagtutugtog ng lira”. At habang ang nagtutugtog ng lira ay nagpapatuloy, ang Diyos ay nagsalita sa Kanyang propeta nag-uutos na maghukay ng kanal sa kanal upang ito ay mapunuan sana ng tubig para sa mga tao at sa mga hayop. At susunod na umaga sa oras ng paglulubog sa tubig, bagama't wala noong hangin o ulan, ang kanal ay napuno katulad ng sinabi ng Panginoon. Ayon sa inyo, ano ang itinuturo ng tagpong iyon? Magsalita!»

Ang mga apostol ay nagtatanungan sa isa’t isa. Ang ilan ay nagsasabi: «Ang Diyos ay hindi nagsasalita sa isang balisang puso. Gusto ni Eliseo na mapatahimik ang kanyang galit, dala ng paglitaw ng hari ng Israel, upang sana marinig niya ang Diyos.» Ang iba sa halip ay nagsabi: «Iyon Ay isang leksiyon ng hustisya. Si Eliseo, upon hindi maparusahan ang inosenteng hari ng Judah, ay iniligtas din ang may kasalanan.» Ang iba ay nagsasabi: «Iyon ay isang leksiyon ng pananampalataya at pagsunod. Naghukay sila ng mga kanal sinusunod ang tila katangahang utos, at hinintay nila ang tubig bagama't iyon ay isang maliwanag na walang-hangin na araw.»

«Ang inyong mga tugon ay tama ngunit hindi kumpleto. Ang Diyos ay hindi nagsasalita sa isang balisang puso. Iyan ay totoo. Ngunit ang mga lira ay hindi kinakailangan upang mapakalma ang isang puso. Sapat na ang magkaroon ng karidad, na siyang ang espirituwal na lira na may mga nota ng paraiso. Kapag ang isang kaluluwa ay nabubuhay sa karidad, ang puso nito ay kalmante at naririnig at naiintindihan nito ang tinig ng Diyos.»

«Kung gayon si Eliseo ay walang karidad sapagkat siya ay balisa.»

«Si Eliseo ay nabuhay noong panahon ng Hustisya. Kailangan na matutunan natin na ilipat ang matandang mga tagpo patungo sa panahon ng Karidad at tingnan sila hindi sa liwanag ng kulog at kidlat bagkus sa liwanag ng mga bituin.[1] Kayo ay nasa bagong mga panahon. Kung gayon bakit kayo madalas mas bugnutin at nababalisa kaysa sa mga tao noong lumang mga panahon? Tanggalan ang inyong mga sarili ng nakaraan. Inuulit Ko iyan sa inyo, bagama't ayaw ni Judas na marinig itong inuulit. Maglabnot, magpungos, maghugpong ng supang, magtanim ng bagong mga punungkahoy. Ayusin ang inyong mga sarili, maghukay ng mga kanal ng kababaang-loob, pagsunod at pananampalataya. Ang mga haring iyon ay nagawa ito sa kabila na ang dalawa sa kanila ay hindi nagmula sa Judah, at hindi nila narinig ang Diyos bagkus ang propeta ng Diyos na inulit ang mga utos ng Kataastaasan. Kung sila ay hindi sumunod namatay sana sila sa uhaw sa gitna ng tigang na lupain. Sila ay sumunod at ang tubig ay pinuno ang mga kanal na kanilang hinukay, at sila ay hindi lamang nailigtas sa kamatayan ng pagka-uhaw bagkus natalo pa nila ang kanilang mga kaaway. Ako ang Tubig ng Buhay. Maghukay ng mga kanal sa loob ng inyong mga puso upang matanggap Ako. At ngayon makinig. Hindi Ako gagawa ng mahahabang talumpati. Bibigyan Ko lamang kayo ng ilang simpleng mga isipín na inyong mapagninilayan. Kayo ay laging magiging katulad ng mga batang ito at kahit mas mababa pa sa kanila, sapagkat sila ay mga inosente at kayo ay hindi, at kung gayon ang espirituwal na liwanag ay magiging mas malabo sa inyo, kung hindi kayo masasanay sa pagninilay-nilay. Lagi kayong nakikinig ngunit hindi kayo kailanman nakaka-alaala, sapagkat ang inyong katalinuhan ay tulóg sa halip na gisíng. Kung kaya't makinig. Noong ang anak ng babae ng Shunem ay namatay, ibig niyang pumunta sa propeta bagama't ang kanyang asawa ay sinabihan siya na noon ay hindi ang unang araw ng buwan o iyon ay hindi ang araw ng Sabbath. Ngunit nalalaman niya na kailangan niyang pumunta, sapagkat sa ilang mga kaso walang pagka-antala ang kinakailangan. At sa dahilan na nagagawa niyang maintindihan ang bagay na iyon mula sa isang espirituwal na pananaw, naibalik niya ang buhay ng kanyang anak. Ano ang inyong masasabi tungkol diyan?

«Na iyan ay isang pangaral sa akin dahil sa Sabbath» sabi ng Iskariote.

«Kung gayon, Judas, nakikita mo na naiintindihan mo ang mga bagay kung ito ay gusto mo? Kung kaya't buksan mo ang iyong puso sa hustisya.»

«Oo... ngunit hindi Ninyo nalabag ang Sabbath sa pagpabangon sa lalaki mula sa kamatayan.»

«Mahigit pa diyan ang Aking ginawa. Napigilan Ko ang kanilang kasiraan at kamatayan, ang kanilang totoong kamatayan. At napaalalahanan Ko ang mga magnanakaw na...»

«Sandali lang bago Ninyo aliwin ang Inyong Sarili tungkol sa idea na nakagawa Kayo ng ilang kabutihan! Hindi ako naniniwala na Kayo ay kanilang sinunod...»

«Kung sinabi nang ganito ng Guro...»

«Si Eliseo din, sa kuwento tungkol sa babae ng Shunem, ay nagsabi: “Ang Panginoon ay itinago ito sa akin”. Kung gayon kahit na ang mga propeta ay hindi laging nalalaman nila ang lahat» tugon ng Iskariote.

«Ang aming Kapatid ay mas dakila pa kaysa sa isang propeta» wika ni Tadeo.

«Alam ko. Siya ay ang Anak ng Diyos. Ngunit Siya ay isa ring Tao. At bilang ganyan maaaring hindi Niya nalalaman ang sekundaryong mga bagay katulad ng isang ito tungkol sa isang pag-uusap at ang isang pagbalik... Guro, lagi ba Ninyo, talaga bang lagi Ninyong, nalalaman ang lahat? Madalas akong nagtatanong sa sarili ko...» sabi ng Iskariote nang may matigas na pamimilit.

«At sa pamamagitan ng kung anong kaisipan gusto mong makaalam? Para sa kapayapaan, sa payo, o upang mabalisa?» tanong ni Jesus.

«Bueno... hindi ko alam. Nag-iisip ako at...»

«At tila balisa ka kahit na sa pag-iisip» sabi ni Tomas.

«Ako? Siyempre ang kalituhan ay laging nakababalisa sa isa...»

«Gaano karaming paisu-iso! Hindi ako nag-aalala ng napakaraming mga problema. Naniniwala ako nang hindi na nagtatanong, at hindi ako nalilito o nababalisa ng kahit na ano. Ngunit hayaan natin ang Guro na makapagsalita. Hindi ko gusto ang leksiyon na ito. Kuwentuhan Ninyo kami ng isang magandang parabula, Guro. Magugustuhan din ito ng mga bata» sabi ni Pedro.

«Mayroon pa Akong isang katanungan na itatanong sa inyo. Ayon sa inyo, ano ang ibig sabihin ng harina na nag-alis ng kapaitan mula sa sopas ng mga inaaruga ng propeta?»

Lubos na katahimikan ang tugon sa tanong.

«Ano? Hindi ba kayo makasasagot?»

«Baka dahil nasipsip ng harina ang kapaitan...» sabi ni Mateo nang walang-katiyakan.

«Ang lahat ay sana naging mapait, pati na rin ang harina.»

«Dahil sa isang himala ng propeta na ayaw na mapahiya ang kanyang katulong» mungkahi ni Felipe.

«Oo. Ngunit hindi lamang dahil diyan.»

«Ginusto ng Panginoon na magningning ang kapangyarihan ng propeta sa pangkaraniwang mga bagay din» sabi ng Zealot.

«Oo. Ngunit hindi pa iyan ang tamang ibig-sabihin. Ang mga pamumuhay ng mga propeta ay pagsasabuhay ng kung ano ang mangyayari pagdating ng tamang panahon: ang Akin, sinasalamin nito ang Aking makalupang mga araw sa pamamagitan ng mga simbolo at mga pigura. Kung gayon...»

Nagkaroon ng katahimikan. Sila ay nagtitinginan. Pagkatapos si Juan ay itinungo ang kanyang ulo namumula at siya ay ngumingiti.

«Bakit ayaw mong sabihin ang iyong naiisip, Juan?» tanong ni Jesus. «Walang pagkukulang ng pagmamahal sa pagsasalita, sapagkat wala kang intensiyon na ipahiya ang sinuman.»

«Sa aking palagay ang ibig sabihin niyon ay ito. Na sa panahon ng kagutuman para sa Katotohanan at Karunungan, ibig sabihin, ang panahon na ito kung kailan Kayo dumating, ang bawat punungkahoy ay naging mabangis at namunga ng mapapait na prutas na di-makakain katulad ng lason para sa mga anak ng tao, na kung gayon pinipitas nang walang mangyayari at inihahanda para mapakain ang kanilang mga sarili. Ngunit ang Kagandahang-loob ng Eternal na Ama ay pinadala Kayo, ang harina ng piling butil, at sa pamamagitan ng Inyong perpeksiyon inalis Ninyo ang lason mula sa lahat ng pagkain, ibinabalik muli kapwa ang mga punungkahoy ng mga Iskriptura, napasamâ sa pagdaan ng mga panahon, at ang panlasa ng mga tao, na napasamâ ng pagkiling sa kasamaan. Sa kasong ito ang Ama ang siyang nag-utos na dalhin ito at nagbuhos nito sa mapait na sopas, at Kayo ang harina na isinasakripisyo ang sarili upang maging pagkain para sa mga tao. At pagkatapos na magawa Ninyo ang sakripisyo wala nang pait ang maiiwan sa mundo, sapagkat naitatag na Ninyong muli ang aming pakikipagkaibigan sa Diyos. Maaaring nagkakamali ako.»

«Hindi ka nagkakamali. Iyan ang simbolo.»

«O! at ano ang dahilan na naisip mo iyan?» tanong ni Pedro, na namamangha.

Si Jesus ang tumugon sa kanya: «Sasabihin Ko sa iyo sa pamamagitan ng pinaka-salita na sinabi mo kani-kanina pa lamang. Isang talon at ikaw ay nasa mapayapang mabulaklak na isla na ng espirituwalidad. Ngunit ang isa ay kailangan na magkaroon ng lakas-ng-loob na tumalon iniiwan ang baybayin, ang mundo. Kinakailangan na tumalon nang hindi nag-aalala na baka may mapapatawa sa kaasiwaan ng ating talón o pagtatawanan tayo sa kasimplihan na mas ginusto natin ang isang nangungulilang isla kaysa sa mundo. Ang isa ay kailangan na tumalon na hindi natatakot na masaktan o mabasa o mabigo. Kailangan na iwanan ninyo ang lahat upang manilungan sa Diyos. Kailangan na manatili ang isa sa isla nakahiwalay sa mundo at iwanan lamang ito upang mamigay ng mga bulaklak at purong tubig na kinuha sa isla ng espiritu, kung saan may isang punungkahoy lamang, ang puno ng Karunungan, mamigay sa mga naiwanan sa mga baybayin. Sa pagiging malapit sa puno, malayo sa ingay ng mundo, masasambot ng isa ang lahat na mga salita nito at siya ay magiging isang guro, nalalaman ang pagiging isang disipulo. Iyan din ay isang simbolo. Ngunit kukuwentuhan na natin ngayon ang mga bata ng isang magandang parabula. Halikayo malapit sa Akin.»

Ang tatlong bata ay lumalapit sa Kanya nang napakalapit na sila ay makaupo sa Kanyang mga tuhod. Si Jesus ay niyayakap sila at nagsimulang magsalita.

«Isang araw ang Panginoong Diyos ay nagsabi: “Gagawa Ako ng tao, at ang tao ay maninirahan sa Makalupang Paraiso kung nasaan naroroon ang dakilang ilog na pagkatapos ay mahahati sa pagiging apat na mga daloy ng tubig, na siyang ang Pishon, ang Gihon, ang Euphrates at ang Tigris, na dumadaloy sa Lupa. At ang tao ay magiging masaya dahil mapapasakanya ang lahat na magaganda at mabubuting bagay ng Sangnilikha at ang Aking pagmamahal para sa kaluguran ng kanyang espiritu. At ginawa Niya iyon. Iyon ay tila ang tao ay nasa loob ng isang malaking isla, mas maraming mga bulaklak kaysa nito, na may lahat na klase ng mga punungkahoy at mga hayop, at sa itaas niya ay naroon ang pagmamahal ng Diyos sumisinag katulad ng isang araw sa kanyang kaluluwa, at ang tinig ng Diyos ay naririnig sa mga hangin, mas matamis pang pakinggan kaysa sa mga awit ng mga ibon.

Ngunit bigla na lamang may gumapang na isang ahas patungo sa magandang mabulaklak na hardin, sa gitna ng lahat na mga hayop at mga tanim, at ang ahas na iyon ay iba sa lahat na nilikha ng Diyos at mabubuti, walang nakalalasong mga ngipin at walang kabangisan sa mga dulo ng kanilang paliko-likong mga katawan. At ang ahas na iyon ay dinamitan ang sarili ng isang balat na may mga kulay ng mga batong-hiyas katulad na mayroon ang iba pang mga ahas, hindi lamang, bagkus, mas maganda pa iyon kaysa sa kanila, na ito ay nagmumukhang katulad ng isang malaking alahas ng isang hari kumikisay sa pagitan ng magagandang punungkahoy sa Hardin. Ito ay pumasok at pumulupot sa paligid ng isang puno na tumutubo sa gitna ng hardin, isang magandang nag-iisang puno na mas mataas pa kaysa sa isang ito at natatakpan ito ng kamangha-manghang mga dahon at mga prutas. At ang ahas ay nagmumukhang katulad ng isang magandang alahas sa paligid ng magandang puno, at ito ay lumiliwanag sa sinag ng araw, at ang lahat na mga hayop ay tinitingnan ito sapagkat wala sa kanila ang makaalaala na nakita nila ito na nililikha, o nakita nila ito noon. Ngunit wala sa kanila ang lumalapit dito, hindi lamang, bagkus, lumalayo sila mula sa puno, ngayon na ang ahas ay nakapulupot sa puno.

Tanging ang lalaki at babae lamang ang lumapit dito, at ang babae bago ang lalaki, sapagkat gusto ng babae ang matingkad na bagay na nagniningning sa loob ng sikat ng araw at ginagalaw ang ulo nito katulad ng isang bulaklak na medyo nakasarado pa, at pinakikinggan ng babae kung ano ang sinasabi ng ahas, at sinuway ng babae ang Panginoon at ginawa niyang sumuway sa Adan. Tanging pagkatapos lamang ng kanilang pagsuway nakita nila ang ahas kung ano nga ito at naintindihan nila ang kasalanan, dahil ngayon nawala na sa kanila ang inosensiya ng kanilang mga puso. At kanilang itinago ang kanilang sa Diyos Na naghahanap sa kanila at pagkatapos sila ay nagsinungaling Na nagtatanong sa kanila.

Ang Diyos kung gayon ay naglagay ng ilang mga angel sa mga hangganan ng Hardin at pinalayas ang mga tao. At ang pakiramdam nila sila ay itinapon mula sa ligtas na dalampasigan ng Eden patungo sa mga ilog ng lupa na puno ng tubig, katulad ng kung ang mga ito ay baha sa tagsibol. Ngunit sa loob ng mga puso ng mga tao na pinalayas ang Diyos ay nag-iwan ng alaala ng tungkol sa kanilang eternal na patutunguhan, ibig sabihin, ng tungkol sa pagdaan mula sa magandang Hardin, kung saan napakinggan nila ang tinig ng Diyos at naramdaman ang Kanyang pagmamahal, sa Paraiso kung saan kalulugdan nila nang kumpleto ang Diyos. At sa pamamagitan ng alaalang iyan iniwan Niya ang banal na pangganyak upang tumaas sa lugar na nawala sa kanila, sa pamamagitan ng isang pamumuhay na makatarungan.

Ngunit, Aking mahal na mga anak, naranasan pa lamang ninyo ngayon na hanggang ang bangka ay naglalayag ayon sa daloy ng ilog ang paglalakbay nito ay madali, samantalang kung ito ay naglalayag nang salungat sa agos ng ilog mahihirapan itong makapanatiling nakalutang, na hindi nadadala ng mga alon o nasisira sa pagitan ng mga tanim, sa buhangin o sa mga bato ng ilog. Kung hindi naitali ni Simon ang inyong maliliit na bangka sa pamamagitan ng maninipis na balat ng maliit na sanga ng mga dalampasigan, nawala na sana ang lahat na mga ito sa inyo, katulad ng nangyari kay Isaac na hindi hinawakan ang kanyang tali.

Ganyan din ang nangyayari sa mga tao na itinapon sa mga ilog ng Lupa. Kailangan nilang manatiling nasa mga kamay ng Diyos, ipinagkakatiwala ang kanilang kalooban, na isang katulad ng tali mula manipis na balat ng sanga, ipinagkakatiwala ito sa mga kamay ng mabuting Ama Na nasa Langit at Na siyang ang Ama ng lahat ng mga tao, at lalo na ng inosenteng mga tao, at kailangan nilang maging mapagbantay upang maiwasan ang mga yerba at makakapal na damo, mga bato, mga ipu-ipo at putik na maaaring makapagpigil, makapanira o makahigop sa bangka ng kanilang mga kaluluwa sa pagkaputol ng tali ng kalooban na nagpapanatili sa kanilang nakakabit sa Diyos. Sapagkat ang Ahas, na wala na sa Hardin, ay ngayon nasa Lupa na, at talagang naninira ito ng mga kaluluwa, pinipigilan silang makapunta nang pataas sa Euphrates, sa Tigris, sa Gihon at sa Pishon patungo sa Dakilang Ilog na dumadaloy patungo sa eternal na Paraiso at nagtutustos ng tubig sa mga puno ng Búhay at Kalusugan, na namumunga ng walang-katapusan na mga prutas, na magiging kasiyahan ng lahat na makapapanhik nang salungat sa daloy ng tubig upang makasama ang Diyos at ang Kanyang mga anghel, upang hindi na muli silang maghirap magpakailanpaman.»

«Madalas din sabihin iyan ng aking ina» sabi ng bata na nakatatanda sa lahat.

«Oo, sinasabi niya» pautal na sabi ng pinakabata.

«Hindi mo nalalaman. Nalalaman ko, sapagkat malaki na ako. Ngunit kung magsasalita ka ng isang bagay na hindi totoo tiyak na hindi ka pupunta sa Paraiso.»

«Ngunit ang ating ama ay madalas sabihin na hindi iyan totoo» sabi ng sumunod sa panganay.

«Sapagkat hindi siya naniniwala sa Panginoon ng ating ina.»

«Hindi ba’t ang inyo ama ay isang Samaritano?» tanong ni Santiago ni Alfeo.

«Hindi. Siya ay nagmula sa ibang lugar. Ngunit ang inay ay Samaritano, at kami rin, sapagkat gusto niya na maging katulad niya kami. At nagkuwento siya sa amin tungkol sa Paraiso at tungkol sa Hardin, ngunit hindi kasing ganda ng ginawa Ninyo. Ako ay natatakot tungkol sa ahas at sa kamatayan, sapagkat madalas sabihin ng inay na ang isa ay ang dimonyo at ang aming ama ay nagsasabi na ang lahat ay tinatapos ng kamatayan.  Iyan kung bakit ako takot na takot na maging mag-isa at sinabi ko rin na wala nang kabuluhan ang maging mabuti ngayon, sapagkat habang nabubuhay pa ang aming ama’t ina, nagagawa namin silang masaya sa pagiging mabuti, ngunit ngayon wala nang dapat pasayahin kung kami ay mabuti.  Ngunit ngayon alam ko na... At magiging mabuti ako. Hindi ko kailanman aalisin ang aking tali mula sa mga kamay ng Diyos upang hindi ako matangay nang palayo ng mga tubig ng Lupa.»

«Ang inay ba ay sumalungat nang pataas o sumamáng pababa sa agos?» tanong ng ikalawang anak nalilito.

«Ano ang ibig mong sabihin, anak?» tanong ni Mateo.

«Ang ibig kong sabihin: nasaan siya? Siya ba ay pumunta sa ilog ng eternal na Paraiso?»

«Tayo ay umasa na ganyan, aking anak. Kung siya ay mabuti...»

«Siya ay isang Samaritano...» sabi ng Iskariote nang mapaglapastangan.

«Kung gayon wala bang Paraiso para sa amin, dahil kami ay mga Samaritano? Kung gayon hindi ba kami mapupunta sa Diyos? Tinawag Niya Siyang ang “Ama ng lahat na mga tao”. Bilang isang ulila gusto kong isipin na mayroon pa akong isang Ama... Ngunit kung wala para sa amin...» sinasabi niya tinutungo nang malungkot ang kanyang ulo.

«Ang Diyos ay ang Ama ng lahat, aking anak. Minahal ba kita nang mas kulang dahil ikaw ay isang Samaritano? Hinarap Ko ang mga mandarambong para sa iyo, at haharapin Ko ang dimonyo para sa iyo, sa magkatulad na pamamaraan sa pakikiharap Ko para sa maliit na anak ng Mataas na Pari ng Templo ng Herusalem, kung hindi niya mamasamain na ang Tagapagligtas ay iligtas ang kanyang anak. Hindi lamang iyan, bagkus, haharapin Ko siya nang mas mabuti sapagkat ikaw ay nag-iisa at di-masaya. Walang pagkakaiba para sa Akin sa pagitan ng kaluluwa ng isang Judaean at ng isang Samaritano. At bago magtagal mawawala ang dibisyon sa pagitan ng Samaria at Judaea, sapagkat ang Mesiyas ay magkakaroon ng isang sambayanan lamang na magtataglay ng Kanyang Pangalan at maglalaman ng lahat na mga tao na nagmamahal sa Kanya.»

«Minamahal ko Kayo, Panginoon. Ngunit maaari ba Ninyo akong dalhin sa aking inay?» tanong ng pinakamatanda sa tatlong magkakapatid.

«Hindi mo nalalaman kung nasaan siya. Ang mamang iyon doon ay nagsabi na tayo ay makaaasa lamang...» sabi ng ikalawang anak.

«Hindi ko alam, ngunit alam ng Panginoon. Alam pa nga Niya kung nasaan tayo, samantalang ni hindi natin nalalaman kung nasaan tayo.»

«Kasama ang mga mandarambong... Gusto nila tayong patayin...» Ang takot ay lumabas muli sa maliit na mukha ng ikalawang anak.

«Ang mga mandarambong ay katulad ng mga dimonyo. Ngunit iniligtas Niya tayo sapagkat ang ating mga anghel ay tinawag Siya.»

«Ang mga anghel ay niligtas din ang aking inay. Alam ko sapagkat lagi ko siyang napapanaginipan.»

«Ikaw ay isang sinungaling, Isaac. Hindi mo siya mapapanaginipan sapagkat hindi mo siya naaalaala.»

Ang maliit na anak ay umiiyak nagsasabing: «Hindi. Hindi. Napapanaginipan ko siya...»

«Huwag mong tawagin ang iyong kapatid na isang sinungaling, Ruben. Ang kanyang kaluluwa ay talagang nakikita ang kanyang ina, sapagkat ang mabuting Amang nasa Langit ay maaaring ipagkaloob na ang maliit na ulila ay mapanaginipan sana siya at makilala siya nang kaunti, katulad na ipinagkakaloob Niya sa atin na makilala Siya, upang mula sa limitadong kaalaman na iyan magusto sana tayo na makilala Siya nang perpekto, na nakakamit sa pagiging laging mabuti. “At ngayon lumakad na tayo. Tayo ay nakapagsalita na tungkol sa Diyos, at ang Sabbath ay napabanal na.» Siya ay tumayo at nagsahimig ng mas marami pang mga salmo.

Sa pagkarinig ng koro ang ilang mga tao mula sa Ephraim ay naglakad patungo sa kanila at magalang na naghintay hanggang matapos ang salmo upang mabati si Jesus at sabihin sa Kanya: «Mas ginusto ba Ninyo na pumunta rito sa halip na pumunta sa amin? Hindi ba Ninyo kami minamahal?»

«Wala sa inyo ang nag-anyaya sa Akin. Kung kaya't pumunta Ako rito kasama ang Aking mga apostol at ang mga batang ito.»

«Iyan ay totoo. Ngunit akala namin na ang Inyong disipulo ay naipaabot sa Inyo ang aming mithiin.»

Si Jesus ay tinitingnan sina Juan at Judas. At si Judas ay tumugon: «Nakalimutan kong sabihin sa Inyo kahapon; at ngayon, gawa ng mga batang ito, hindi ko man lamang naalaala ito.»

Si Jesus pansamantala ay iniiwan ang maliit na isla at tinatawid Niya ang maliit na agos ng tubig at pumupunta patungo sa mga mamamayan ng Ephraim. Ang mga apostol ay sinusundan Siya habang ang mga bata ay nag-aantala sa pagkalag sa natitirang dalawang maliit na bangka, at dahil pinagmamadali sila ni Pedro, tumugon sila: «Gusto namin na itago sila upang maalaala ang leksiyon.»

«At papaano ako? Nawala yung akin. Hindi ako makakaalaala. At hindi ako makakapunta sa Paraiso» sabi ng pinakabunso umiiyak.

«Sandali lang! Huwag umiyak. Gagawa ako kaagad ng isang maliit na bangka para sa iyo. Siyempre, kailangan mong maalaala din ang leksiyon. Eh! Kailangan nating lahat na magkaroon ng maliit na bangka na may taling galing sa sanga ng kahoy nakatali sa unahan nito upang makaalaala. At tayong mga matatanda higit pa sa inyo mga bata! Bueno!» at si Pedro ay gumagawa ng isa pang maliit na bangka na may tali na galing sa sanga. Pagkatapos kinarga niya ang mga bata, sa isang kamay, at pagkatapos tinalon ang ilog patungo kay Jesus.

«Ito ba ang mga bata?» tanong ni Malachi ng Ephraim.

«Oo, sila.»

«At sila ba ay mula sa Shechem?»

«Iyan ang sinabi ng batang pastol. Sinabi niya na ang kanilang mga kamag-anak ay naninirahan sa kabukiran.»

«Kaawa-awang mga bata! Ngunit kung ang kanilang mga kamag-anak ay hindi dumating, ano ang Inyong gagawin?»

«Isasama Ko sila. Ngunit sila ay darating.»

«Ang mga mandarambong na iyon... Sila ba ay hindi rin darating?»

«Sila ay hindi darating. Huwag kang matakot sa kanila. Kahit na kung sila ay dumating... Ako ang kanilang magiging mandarambong, at hindi sila magiging iyong mga mandarambong. Naka-agaw na Ako ng apat na biktima mula sa kanila at umaasa Akong makaagaw din ng bahagi ng kanilang mga kaluluwa mula sa kasalanan, sa ilan man lamang sa kanila.»

«Tutulungan namin Kayo sa mga batang ito. Papayagan Ninyo kami na gawin iyan.»

«Oo, papayagan Ko kayo. Ngunit hindi dahil sila ay nanggaling sa inyong rehiyon, bagkus dahil sila ay mga inosente, at ang pagmamahal para sa mga inosenteng tao ay nagdadala nang mabilis sa Diyos.»

«Ngunit Kayo lamang ang nag-iisang hindi gumagawa ng pagkakaiba-iba sa pagitan ng mga inosente at mga inosente. Ni ang isang Judaean o isang Galilean ay hindi pupulutin ang maliliit na mga Samaritanong ito. Ang mga tao ay hindi nagmamahal sa amin. At ayaw nila hindi lamang kami bagkus ang mga tao rin na ni hindi pa nag-aalam kung ano ang isang Samaritano o isang Judaean. At iyan ay kalupitan.»

«Oo, kalupitan. Ngunit hindi na ito magiging ganito kung sinusunod ng mga tao ang Aking Batas. Nakikita mo ba, Malachi? Sila ay nasa mga kamay ni Simon Pedro, ng Aking kapatid at ni Simon Zealot. Wala sa kanila ang mga Samaritano o mga ama. Ngunit sa kabila nito ni ikaw ay hindi mo maidiin ang iyong sariling mga anak sa iyong puso nang katulad ng ginagawa ng Aking mga disipulo sa mga ulila ng Samaria. Ang idea ng pagdating ng Mesiyas ay ito: ang mapagsama muli ang lahat sa pagmamahal. Ito ang katotohanan ng idea ng pagdating ng Mesiyas. Isang sambayanan lamang sa ibabaw ng Lupa sa ilalim ng setro ng Mesiyas. Isang sambayanan lamang sa Langit sa ilalim ng sulyap ng isang Diyos lamang.»

Sila ay lumalayo... nagsasalita, patungo sa bahay ni Maria ni Jacob.

040412

 



¹ Parunggit sa kidlat na sumabay sa mga manipestasyon ng matandang Batas (Exodo 19, 1-20, 21) at sa bituin na nagturo sa pagdating at manipestasyon ni Jesus sa mundo (Mateo 2, 1-12)


Sunod na kabanata