553. Si Jesus Pinaliliwanag kay Pedro ang Kautusan para sa Pagpapatawad sa mga Kasalanan at Kung Bakit ang mga Santo at mga Inosente ay Naghihirap.

Enero 15, 1947.

Si Jesus ay nag-iisa sa isang maliit na silid. siya ay nag-iisip o nagdarasal nakaupo sa isang maliit na kama. Ang munting manilaw-nilaw na apoy ng isang maliit na langis na lampara ay pakurap-kurap sa ibabaw ng isang patungan. Maaaring ngayon ay gabi sapagkat walang ingay sa loob ng bahay o sa kalye. Tanging ang paglagaslas lamang ng ilog sa labas ng bahay ang tila tumutunog nang mas malakas sa katahimikan ng gabi. Itinaas ni Jesus ang Kanyang ulo at tinitingnan ang pinto. Siya ay nakikinig. Siya ay tumayo at lumakad upang buksan ito. Nakita Niya si Pedro sa labas. «Ikaw ba ito?? Pasok ka. Ano ang kailangan mo, Simon? Gising ka pa ba at kinailangan mong maglakad nang malayo?» Kinuha Niya siya sa kamay at hinilang papasok, sinasara ang pinto nang walang-ingay. Ginawa Niya siyang maupo sa kama sa tabi Niya Mismo.

«Gusto kong sabihin sa Inyo, Guro... Oo, gusto kong sabihin sa Inyo na kahit na ngayong araw nakita Ninyo kung ano ang kahalagahan ko. Kaya ko lamang na gawin ang kaawa-awang mga bata na kalugdan ang kanilang mga sarili, na paginhawahan ang isang matandang babae, na pagkasunduin ang dalawang pastol na nag-aaway tungkol sa isang inahing tupa na nawalan ng gatas nito. Ako ay isang kaawa-awang lalaki, napakapurol ang utak na ni hindi ko maintindihan kung ano ang pinaliwanag Ninyo sa akin. Ngunit iyan ay isang hiwalay na bagay. ngayon ay ibig kong sabihin sa Inyo na sa dahilan lamang niyan, kailangan na panatilihin Ninyo ako rito. Hindi ako nananabik na umikot kapag hindi Kayo kasama namin. Ako ay walang alam na maganda sa kahit na ano... Pagbigyan Ninyo ako, Panginoon.» Si Pedro ay nagsasalitang nananabik na ang kanyang mga mata nakatitig sa magaspang na basag na mga ladrilyo sa sahig.

«Tingnan mo Ako, Simon» si Jesus ay inuutusan siya. At, habang sumusunod si Pedro, si Jesus ay tinititigan siya nang maigi nagtatanong: «Iyan lang ba? Iyan lang ba ang tanging dahilan sa pananatili mong gising? Ang tanging dahilan kung bakit nanunúyo kang panatilihin kita rito? Maging sinsiro, Simon. Hindi ka magiging pabulung-bulong kung sasabihin mo sa iyong Guro ang isa pang bahagi ng iyong naiisip. Dapat nakikita mo ang kaibahan ng isang walang-magawang salita at ng may-pakinabang na salita. Ang isang salita ay walang-magawa, at ang kasalanan ay sa pangkalahatan lumalabas sa kawalang-magawa, kapag nagsasalita ang isa tungkol sa mga kapintasan ng ibang mga tao sa isang tao na walang magagawa tungkol sa mga ito. Diyan ito simpleng pagkukulang ng karidad, kahit na kung ang sinasabi ng isa ay totoo. Katulad na ito ay pagkukulang ng karidad na punahin ang sinuman nang humigit kumulang masakit nang hindi rin kasabay na nagbibigay ng payo. At ang tinutukoy Ko ay ang makatarungan na mga pamumuna. Ang iba pa ay di-makatarungan at ito ay isang kasalanan laban sa ating kapwa. Ngunit kung nakikita ng isa ang kanyang kapwa na nakagagawa ng kasalanan, at ang isa ay naghihirap sapagkat ang taong iyon ay nakapananakit sa Diyos at nasasaktan niya ang kanyang kaluluwa, at nadarama ng isa na hindi niya matasá ang kabigatan ng kasalanan ng sinumang tao, ni hindi niya maramdaman na sapat na tama ang magsalita ng mga salita na makapagkukumberti, at pagkatapos siya ay lumapit sa isang makatarungan at marunong na tao ipinagtatapat ang kanyang kabalisahan, diyan ang isa hindi nakagagawa ng kasalanan, sapagkat ang sadya niya sa pagbanggit ay ang mabigyan ng katapusan ang isang iskandalo at upang mailigtas ang isang kaluluwa. Ito ay kapareho ng tila ang isa ay nagkaroon ng isang kamag-anak na naghihirap sa nakakahiyang sakit. Ang isa ay tiyak na pagtatakpan ito sa ibang mga tao, ngunit siya ay lihim na pupunta sa isang doktor at magsasabi: “Ang aking kamag-anak ay naghihirap sa ganito at gayong sakit at hindi ko malaman kung papaano ko siya papayuhan at pagagalingin. Pakiusap na pumunta kayo o sabihan ninyo ako kung ano ang dapat kong gawin”. Ang isa ba sa kasong iyan ay nagkukulang ng pagmamahal para sa isang kamag-anak? Hindi. Sa kabaligtaran magkukulang ng pagmamahal ang isa kung siya ay nagkukunwaring hindi niya napupuna ang sakit at pinabayaan itong lumala at maghatid ng kamatayan, sa pamamagitan ng nagkakamaling pakiramdam na kahinahunan at pagmamahal. Isang araw, at ang araw na iyan ay hindi na malayo, ikaw at ang iyong mga kasamahan ay kakailanganin na makinig sa mga lihim ng mga puso. Hindi katulad ng nakikinig kayo ngayon bilang mga tao, bagkus bilang mga pari, ibig sabihin mga doktor, mga guro, at mga pastor ng mga kaluluwa, katulad na Ako ay Doktor, Guro at Pastor. Kakailanganin ninyong makinig, magpasya at magbigay ng payo. Ang inyong pasya ay magkakaroon ng parehong halaga na tila ang Diyos Mismo ang nagpasya nito...»

Si Pedro ay pinalaya ang kanyang sarili kay Jesus Na humahawak sa kanya nang malapit sa Kanya Mismo at tumatayo siya ay nagsabi: «Iyan ay hindi posible Panginoon. Huwag Ninyo kailanman ipataw iyan sa amin. Papaano Ninyo kami maaasahan na magpasya katulad ng Diyos, kung ni hindi kami makapaghusga katulad ng mga tao?»

«Pagdating ng araw magagawa ninyo, sapagkat ang Espiritu ng Diyos ay aaligid sa ibabaw ninyo at lalagusin kayo ng liwanag nito. Matututo kayong maghusga tinitingnan ang pitong mga kondisyon ng mga pangyayari na sinasabi sa inyo upang makuha ang inyong payo o upang mapatawad. Makinig sa Akin nang mabuti at sikapin na tandaan. Sa tamang panahon ang Espiritu ng Diyos ay paaalalahanan kayo tungkol sa Aking mga salita. Ngunit sikapin din na alalahanin sa pamamagitan ng inyong katalinuhan, dahil binigay ito sa inyo ng Diyos upang sana magamit ninyo ito nang walang katamaran at espirituwal na mga pag-aakala na nadadala ang isa na iasa at ipagpalagay ang lahat na sa Diyos. Kapag kayo ay mga Guro na, Doktor at Pastor na sa lugar Ko at sa katauhan Ko, at kapag ang isang naniniwala ay pumunta upang umiyak sa inyong mga paa dahil sa kanyang problema dala ng kanyang sariling mga nagawa o mga gawa ng ibang mga tao, kailangan na lagi ninyong tatandaan ang sumusunod na pitong mga tanong:

Sino: Sino ang nagkasala?

Ano: Ano ang tungkol sa kasalanan?

Saan: Saang lugar?

Papaano: Sa anong sirkunstansiya?

Sa pamamagitan ng ano o nino: Ang instrumento o tao na siyang materyal para sa kasalanan?

Bakit? Aling mga pangganyak ang nagdala sa kalagayan na paborable sa kasalanan?

Alin: Sa anong mga kondisyon at mga reaksiyon, at kung gawa ng aksidente o ng di-mabuting kaugalian?

Sapagkat tingnan mo, Simon, ang parehong kasalanan ay maaaring magkaroon ng napakaraming pagkakaiba at mga klase ayon sa lahat na sirkunstansiya na naghatid nito at sa mga tao na nakagawa nito. Halimbawa... Ating tingnan ang dalawang pinaka pangkaraniwan na mga kasalanan: ang kasabikan sa laman at kasabikan sa kayamanan.

Ang isang lalaki ay nakagawa ng kasalanan ng kahalayan, o akala niya nakagawa siya ng gayong kasalanan. Sapagkat kung minsan napagkakamalan ng tao ang panunukso na isang kasalanan, o kanyang tinitingnan na magkapareho ang antas ng mga pangganyak na nadalang artipisyal ng isang di-magandang hilig, at tinitingnan din na magkatumbas ang mga naiisip na resulta ng isang makirot na sakit o ang dumarating sa isip ng isang tao sapagkat ang laman at ang dugo kung minsan ay may mga biglaang tinig na maririnig sa loob bago ang isip magkaroon ng panahon na mag-alala tungkol sa mga ito at patigilin ang mga ito. Siya ay lalapit sa inyo at magsasabi: “Nakagawa ako ng kasalanan ng kahalayan”. Ang isang di-perpektong pari ay magsasabi: ”Isumpa ka”. Ngunit ikaw, Aking Pedro, ay hindi dapat magsabi ng ganyan. Sapagkat ikaw ay si Pedro ni Jesus, ikaw ang tagapagpatuloy ng Awa. Kung kaya't bago manumpa kailangan na tingnan at hipuin mo nang may kabaitan at kahinahunan ang puso na umiiyak sa harapan mo, upang makita ang lahat na aspekto ng kasalanan o ng inaakalang kasalanan, at ng pagkaligalig.

Sinabi Ko: may kabaitan at kahinahunan. Kailangan na tandaan mo na bukod sa pagiging isang Guro at Pastor, ikaw ay isang Doktor. Ang isang doktor ay hindi nagpapakirot ng mga sugat. Kung diyan ay may ganggrena ito ay kanyang puputulin, ngunit nalalaman din niya kung papaano magbukas at gumamot ng isang sugat sa pamamagitan ng isang magaan na kamay kung ang mga napunit na laman ay kailangan na pagdugtungin, hindi alisin. At kailangan mong tandaan na bilang karagdagan sa pagiging isang Doktor at Pastor, ikaw ay isang Guro. Ang isang guro ay binabagay ang kanyang mga salita sa edad ng kanyang tinuturuan. At magiging iskandaloso ang isang guro na magbabanggit ng mga batas ng hayop sa isang inosenteng bata na walang kaalam-alam tungkol dito at adelantadong magkakaroon ng kapilyuhan na kaalaman. At sa pag-asikaso sa mga kaluluwa ang isa ay kailangan na mahinahon sa pagtatanong. Kailangan na irespeto mo ang iyong sarili at ang ibang mga tao. Magiging madali para sa iyo kung sa bawat kaluluwa makakakita ka ng isang batang anak mo. Ang isang ama ayon sa kalikasan ay ang guro, doktor at gabay ng kanyang mga anak. Kung kaya't mahalin nang may makaamang pagmamahal ang bawat tao na lumalapit sa iyo na nababagabag ng kasalanan, o ng takot ng pagkakasala, at makapaghuhusga ka nang hindi nakapananakit o nakapag-iiskandalo ng sinuman. Nasusundan mo ba Ako?

«Oo, nasusundan ko, Guro. Naintindihan ko Kayo nang mabuti. Kailangan kong maging maingat at matiyaga, kailangan kong makumbinsi ang mga tao na ipakita ang kanilang mga sugat, ngunit kinakailangan na iksaminin ko mismo ang mga ito, nang hindi nakukuha ang atensiyon ng ibang mga tao na tingnan ang mga sugat, at kapag kailangan ko lamang na makita na may totoong sugat doon, diyan ako magsasabi: “Kita mo? Nasaktan mo ang iyong sarili dito sa paggawa nito at iyon”. Ngunit kung nakikita ko na ang isang tao ay natatakot lamang na masaktan, bilang nakakita ng mga guniguni, diyan... kailangan kong maalis ang usok ng guniguni nang hindi nagbibigay, sa pamamagitan ng walang-kabuluhang kasigasigan, ng mga paliwanag na makapagbibigay liwanag sa tunay na mga pinanggagalingan ng kasalanan. Tama ba iyon?»

«Oo, tamang-tama. Kung gayon, kung ang isa ay magsabi sa iyo: “Ako ay nakagawa ng pagkakasala ng kasabikan sa kahalayan”, kailangan mong tingnan ang tao na nasa harapan mo. Totoo na ang kasalanan na iyan ay maaaring magawa sa bawat edad. Ngunit mas madaling makita iyan sa mga adulto kaysa sa mga bata, kung gayon ang mga itatanong o ang mga kasagutan na ibibigay sa isang adulto o isang bata ay magkaiba. Samakatuwid, pagkatapos ng unang katanungan, ay nariyan ang ikalawa tungkol sa kasalanan, pagkatapos ang ikatlo tungkol sa lugar ng kasalanan, pagkatapos ang ikaapat tungkol sa mga sirkunstansiya, pagkatapos ang ikalima tungkol sa kasabwat sa kasalanan, pagkatapos ang ikaanim tungkol sa mga dahilan ng kasalanan, at ang ikapito tungkol sa oras at bilang ng kasalanan.

Sa pangkalahatan makikita mo na sa kaso ng mga adulto na namumuhay sa mundo isang sirkunstansiya ng tunay na kasalanan ay lalabas na tumutugma sa bawat katanungan, samantalang sa mga kaso ng mga bata ayon sa edad o ayon sa espiritu, para sa maraming mga katanungan kakailanganin mong sabihin: “Nariyan lamang ang takot sa pagkakasala, ngunit walang tunay na pagkakasala”. Hindi lamang, bagkus, kung minsan makikita mo na sa halip na dumi may isang liryo na nanginginig sa takot na mawisikan ng putik, at napagkakamalan ang patak ng hamog na tumama sa mga takupis na wisik ng putik. Sila ang mga kaluluwa na sabik na sabik para sa Langit na kinatatakutan din nila, bilang mantsa,  ang anino ng isang ulap na dumaraan sa kanila nang sandali, sumisingit sa pagitan nila at ng araw, at pagkatapos makakalampas na walang iniiwang bakas sa walang-batik na korola.  Sila ang mga kaluluwang inosenteng-inosente at labis na nananabik na makapanatiling ganoon, na si Satanas ay tinatakot sila sa pamamagitan ng maarteng mga panunukso o pinagagalaw ang mga insentibo ng laman o ang laman mismo, sinasamantala ang tunay na mga sakit ng laman. Ang mga kaluluwang iyan ay kailangan na paginhawahan at suportahan, sapagkat sila ay hindi mga makasalanan, bagkus mga martir. Laging itanim iyan sa isip.

At laging tandaan na husgahan sa pamamagitan ng gayon din na pamamaraan ang mga tao na nakagagawa ng kasalanan ng kasakiman para sa mga kayamanan ng ibang mga tao. Sapagkat kung kasumpa-sumpang kasalanan ang maging sakim nang walang pangangailangan at walang pagka-awa, ang pagnakawan ang mahirap, at nagnanakaw laban sa hustisya sa panggigipit sa mga mamamayan, mga katulong, o mga tao, ang kasalanan ng isang tao na nagnakaw ng ilang tinapay upang matugunan ang kagutuman ng kanyang mga anak at ng kanyang sarili, pagkatapos na siya ay tanggihan na bigyan ng kaunti ng kanyang mga kapwa, ay malayong mas magaan. Tandaan na kung para sa isang mahalay na lalaki at isang magnanakaw, ang bilang, ang mga sirkunstansiya at ang bigat ng kasalanan ay titingnan sa paghusga sa kanya, kailangan din tingnan ng isa kung ano ang nalalaman ng nagkasala tungkol sa nagawang kasalanan noong ginagawa niya ang kasalanan. Sapagkat siya na umaakto na may ganap na kaalaman, ay mas nagkasala kaysa sa isang umakto dala ng kamangmangan. At siya na umaakto na may malayang kapahintulutan ng kanyang kalooban ay mas nagkakasala nang malaki kaysa sa kanya na napilitan na magkasala. Sasabihin ko sa inyong totoo na magkakaroon ng mga gawa na tila makasalanan, ngunit totoong pagpapakamartir at bibigyan sila ng gantimpala na ipinagkakaloob sa mga dumanas ng pagmamartir. At higit sa lahat  tandaan na sa bawat kaso, bago humatol, ilagay sa isip na ikaw din ay naging isang tao at na ang Guro, kung Kanino walang sinuman ang nakakita ng pagkakasala, ay walang hinatulan na sinuman na nagsisi sa kanyang pagkakasala.

Patawarin nang makapitumpung-pitong beses, at kahit na makapitumpung-pitumpung beses pa, ang mga kasalanan ng iyong mga kapatid at mga anak. Sapagkat ang isara ang mga pinto ng Kaligtasan sa isang may sakit na tao, dahil lamang bumagsak ulit siya sa pagkakasala, ay ang gustuhin na siya ay mamatay. Naintindihan mo ba?»

«Oo, naintindihan ko. Naintindihan ko iyan nang malinaw na malinaw...»

«Bueno, kung gayon, sabihin mo sa Akin kung ano ang nasa isip mo.»

«Oo! Sasabihin ko sa Inyo, sapagkat nakikita ko na nakikita Ninyo ang lahat, at naiisip ko na ako ay hindi nagbubulung-bulong kung sasabihin ko sa Inyo na ipadala si Judas sa pag-ikot sa paligid sa lugar ko, sapagkat naghihirap siya kung hindi siya makaikot. Hindi ko sinasabi sa Inyo na ang ibig sabihin siya ay naninibugho o dahil ako ay naiiskandalo, bagkus upang makabigay ng kapayapaan sa kanya at... sa Inyo. Sapagkat maaaring totoong problema para sa Inyo na magkaroon ng ganyang masalimuot na hangin malapit sa Inyo sa lahat ng oras...»

«Si Judas ba ay nagreklamo muli?»

«Bueno! Nagreklamo siya! Sinabi niya na bawat salita Ninyo ay masakit sa kanya. Ang sinabi rin Ninyo sa mga bata. Sinabi niya na totoo na tinutukoy Ninyo siya nang sinabi Ninyo na si Eba ay pumunta sa puno sapagkat gusto ni Eba ang bagay na iyon na nagniningning katulad ng isang korona ng hari. Totoo, hindi ako nag-isip ng kahit na anong pagkumpara. Ngunit ako ay mangmang. Si Bartolomeo at ang Zealot, sa halip, ay nagsabi na si Judas ay “tinamaan sa pinakabuod”, sapagkat siya ay nahihibang ng lahat na nagniningning at nang-iingganyo sa kahambugan ng isa. At maaaring sila ay tama sapagkat sila ay marurunong. Maging mabuti sa Inyong kaawa-awang mga apostol, Guro! Gawin si Judas na masaya at ako rin. Kita Ninyo? Magaling lamang ako sa pag-aliw sa mga bata... at sa pagiging isang bata sa loob ng Inyong mga bisig» at sumisiksik siya sa Kanyang Jesus, Na kanyang totoong minamahal nang lahat ng kanyang lakas.

«Hindi. Hindi kita mapagbibigyan. Huwag mamilit. Ikaw, sapagkat ikaw ay kung ano ikaw, ay iikot upang mag-ebanghelyo. Siya, sapagkat siya ay kung ano siya, ay mananatili rito. Ang Aking kapatid ay binanggit din iyan sa Akin, at bagama't minamahal Ko siya nang labis, tumugon Ako ng “hindi” rin sa kanya. Hindi Ako bibigay kahit na kung ang Aking Ina ay makiusap sa Akin. Ito ay hindi isang kaparusahan, bagkus isang gamot. At ito ay kailangan na inumin ni Judas. Kung hindi nito matulungan ang kanyang espiritu, matutulungan nito ang Akin, sapagkat hindi Ko na kinakailangan na kagalitan ang Aking Sarili para sa hindi pagsubok ng kahit na ano na baka makapagpabanal sa kanya.» Si Jesus ay mahigpit at mapilit sa pagsasabi nito.

Pinalaylay ni Pedro ang kanyang mga kamay at itinungo ang kanyang ulo nang may isang pagbuntung-hininga.

«Huwag kang mag-alala tungkol diyan, Simon. Magkakaroon tayo ng isang eternidad upang magkasama at magmahalan. Ngunit mayroon ka pang iba na sasabihin sa Akin...»

«Gabi na, Guro, at kailangan Ninyong matulog.»

«At mas lalo ka na kaysa sa Akin, Simon, sa dahilan na kailangan mong lumakad pagsikat ng araw.»

«O! sa ganang akin! Mas nakapagpapahinga ako rito kasama Kayo kaysa nasa kama ako.»

«Magsalita, kung gayon. Alam mo na natutulog Ako nang napaka kaunti...»

«Bueno! Ako ay isang tanga, alam ko at sinasabi ko ito nang hindi nahihiya. At kung ito ay nakadepende sa akin, wala akong pakialam na maging napaka may-pinag-aralan, sapagkat sa palagay ko ang pinakadakilang karunungan ay nasa pagmamahal, sinusunod at pinaglilingkuran Kayo nang buong-puso. Ngunit ako ay Inyong pinadadala dito at doon. At ang mga tao ay binibigyan ako ng mga katanungan at kailangan kong tumugon sa kanila. Sa palagay ko ang aking tinatanong sa Inyo, ay baka itanong sa akin ng ibang mga tao. Sapagkat ang mga kaisipan ng mga tao ay magkakatulad. Kahapon sinabi Ninyo na ang inosente at banal na mga tao ay laging maghihirap, hindi lamang, bagkus sila ang mga tao na siyang maghihirap sa katauhan ng lahat. Nahihirapan akong maintindihan iyan, kahit na kung sasabihin Ninyo na ito ay kanila mismong hihingin. At sa aking palagay sa dahilan na mahirap ito para sa akin, ito ay baka ganito rin para sa ibang mga tao. Kung ako ay tanungin nila, ano ang sasabihin ko sa kanila? Sa unang paglalakbay na ito ang isang ina ay sinabi sa akin: “Hindi makatarungan na ang aking maliit na anak na babae ay kailangan na mamatay na may labis na kirot, sapagkat siya ay mabuti at inosente”. At sa dahilan na hindi ko alam kung ano ang aking sasabihin, inulit ko ang mga salita ni Job: “Ang Panginoon ay nagbigay. Ang Panginoon ay kumuha. Pagpalain nawa ang pangalan ng Panginoon”. Ngunit ako ay hindi mismo kumbinsido. At hindi ko siya kinumbinsi. Sa susunod gusto kong malaman kung ano ang aking sasabihin...»

«Ito ay makatarungan. Makinig. Ito ay tila isang kawalang-katarungan, ngunit ito ay isang dakilang katarungan na ang pinakamagagaling ay maghirap sa katauhan ng lahat. Ngayon sabihin sa Akin, Simon. Ano ang Lupa? Ang lahat ng Lupa?»

«Ang Lupa? Isang malaki, isang napakalaking espasyo, gawa sa alikabok at tubig, mga bato, may mga punungkahoy, mga hayop at mga taong nilikha.»

«At pagkatapos?»

«Pagkatapos, wala nang iba pa... Maliban na gusto Ninyong sabihin ko na ito ay ang lugar ng kaparusahan at destiyero para sa tao.»

«Ang Lupa ay isang altar, Simon. Isang napakalaking altar. Ito ay dapat na naging ang altar ng walang-katapusang papuri sa Tagapaglikha nito. Ngunit ang Lupa ay puno ng kasalanan. Kung gayon ito ay dapat na maging ang altar ng walang-katapusan na pagbabayad-sala at sakripisyo, kung saan ang mga biktima ay sinusunog. Ang Lupa, katulad ng iba pang mga mundo na ikinalat sa Sangnilikha, ay kailangan na umawit ng mga salmo sa Diyos Na naglikha nito. Tingnan!»

Binuksan ni Jesus ang mga panakip na gawa sa kahoy, at sa pamamagitan ng malawak na nakabukas na bintana ay pumapasok ang lamig ng gabi, ang ingay ng agos ng tubig, ang isang sinag ng buwan, at makikita ng isa ang kalawakan na puno ng mga bituin.

«Tingnan mo ang mga bituin na iyon! Inaawit nila ang mga papuri sa Diyos sa pamamagitan ng kanilang mga tinig na mga liwanag at galaw sa walang-katapusang mga espasyo ng papawirin. Ang kanilang mga awit na tumataas mula sa asul ng mga bukid ng kalawakan patungo sa Langit ng Diyos, ay tumagal na nang libu-libong mga tao. Maiimahina natin ang mga bituin, mga planeta at mga kometa bilang mga papawiring mga nilikha na katulad ng papawiring mga pari, mga levita, mga birhen at mga naniniwala ay kailangan na aawit ng mga papuri sa Tagapaglikha sa loob ng walang-limitasyon na templo. Makinig, Simon. Pakinggan ang ihip ng hangin na lumalagaslas sa pagitan ng mga dahon at ang ingay ng ilog sa gabi. Ang Lupa rin, katulad ng kalangitan, ay umaawit kasabay ang mga hangin, ang tubig, ang mga tinig ng mga ibon at mga hayop. Ngunit kung ang lumiliwanag na papuri ng mga bituin na pumupuno ng kalangitan ay sapat na para sa kisame ng langit, ang awit ng mga hangin, mga tubig at mga hayop ay hindi sapat para sa templo na siyang ang Lupa. Sapagkat sa ibabaw nito ay naririyan hindi lamang ang mga hangin, mga tubig at mga hayop na walang-malay na umaawit ng mga papuri sa Diyos, bagkus naririyan din ang tao, ang perpektong nilikha, superyor sa lahat na mga nabubuhay na mga nilikha namumuhay sa panahon at sa mundo, niregaluhan ng materyal, katulad ng mga hayop, mga mineral at mga tanim, at may espiritu, katulad ng mga anghel ng Langit, at katulad nila nakatalaga, kung maging tapat sa pagsubok, na makilala at taglayin ang Diyos, sa pamamagitan ng grasya sa una, at sa Paraiso pagdating ng araw. Ang tao, ang pagbubuo na naglalaman ng lahat na kalikasan, ay may isang misyon na wala ang iba pang nilikha at na para sa kanya ay isang kaluguran, bukod sa pagiging kanyang katungkulan: ang mahalin ang Diyos. ang bigyan ang Diyos ng isang pagsamba ng pagmamahal nang may katalinuhan at pagkukusa, sinusuklian ang Diyos para sa pagmamahal na Kanyang binigay sa tao sa pagkaloob sa kanya ng buhay at Langit bilang karagdagan sa buhay. Ang magbigay ng matalinong pagsamba.

Isipin ito, Simon. Anong benepisyo ang nakukuha ng Diyos sa Sangnilikha? Anong kita? Wala. Ang Sangnilikha ay hindi nagagawa ang Diyos na mas dakila, hindi Siya napapabanal nito, hindi Siya nagagawang mayaman nito. Siya ay walang hangganan. Siya ay magiging ganyang kahit na kung ang Sangnilikha ay hindi nangyari. Ngunit ang Diyos-Pag-ibig ay ginusto ang magkaroon ng pagmamahal. Ang Diyos ay makakakuha lamang bagkus pagmamahal mula sa Sangnilikha, at ang pagmamahal na iyan, na isang matalino at malaya lamang sa mga anghel at sa mga tao, ay ang kaluwalhatian ng Diyos, at kaluguran ng mga anghel, ang relihiyon para sa mga tao. Sa araw na ang malaking altar ng Lupa ay kalimutan nito ang mga pagpuri at mga pakikisamo sa pagmamahal, ang Lupa ay mawawala. Sapagkat sa sandali na mamatay ang pagmamahal ang pagbabayad-sala din ay titigil, at ang galit ng Diyos ay sisirain ang Lupa na naging makalupang impiyerno na. Kung kaya't ang Lupa ay kailangan na magmahal upang manatiling naririyan. At ang Lupa din ay kailangan na maging ang Templo na nagmamahal at nagdarasal na may katalinuhan ng mga tao. Ngunit anong mga biktima ang laging inaalay sa Templo? Ang puro, walang-batik, walang-pagkakasalang mga biktima. Iyan lamang ang mga biktima na katanggap-tanggap sa Panginoon. Sila ang maaagang mga bunga. Sapagkat ang pinakamagandang mga bagay ay kailangan na maibigay sa Ama ng pamilya, at ang unang mga bunga ng lahat at piling mga bagay ay kailangan na maibigay sa Diyos, ang Ama ng pantaong pamilya.

Ngunit sinabi Ko na ang Lupa ay may isang dobleng katungkulan ng sakripisyo: ang katungkulan ng pagpuri at ng pagbayad-sala. Sapagkat ang Sangkatauhan na lumaganap sa ibabaw ng Lupa ay nagkasala sa katauhan ng Unang mga tao, at patuloy na nagkakasala sa pagdagdag sa kasalanan ng pagkakahiwalay sa Diyos ng iba pang di-mabilang na mga kasalanan ng pagpayag nito sa mga tinig ng mundo, ng laman at ni Satanas. Isang nagkasala, lubos na nagkasalang Sangkatauhan na, bagama't mayroon ito ng pagkakatulad sa Diyos, bilang mayroon ito ng sariling katalinuhan at dibinong tulong, ay nagiging lalu’t lalo pang makasalanan. Ang mga bituin ay sumusunod, ang mga tanim ay sumusunod, ang mga elemento ay sumusunod, ang mga hayop ay sumusunod at pinupuri nila ang Panginoon sa pinakamaganda nang magagawa nila. Ang mga tao ay hindi sumusunod at hindi nagpupuri nang sapat sa Panginoon. Kung kaya't ang pangangailangan ng mga biktimang kaluluwa na sana magmahal at magbayad-sala sa katauhan ng lahat. Sila ang mga bata na, inosente at walang-alam, nagbabayad ng mapait na kaparusahan ng kapighatian para sa mga taong walang magawa bagkus ang magkasala. Sila ang mga santo na kusang-loob na isinasakripisyo ang mga sarili para sa lahat.

Bago magtagal – ang isang taon o isang siglo ay lagi nang isang maikling panahon kompara sa eternidad – wala nang mga sakripisyo ang gagawin sa altar ng dakilang Templo ng Lupa, ibig sabihin, ng mga biktimang tao, sinusunog kasabay ang walang-katapusang sakripisyo: mga biktimang kasama ang perpektong Biktima. Huwag mabalisa, Simon. Hindi Ko sinasabi na magtatatag Ako ng isang kulto katulad ng mga kulto ni Molech, ni Baal at ni Ashtoreth. Ang mga tao mismo ang magsasakripisyo sa atin. Naiintindihan mo ba? Isasakripisyo nila tayo. At haharapin natin ang kamatayan nang masaya upang magbayad-sala at magmahal sa katauhan ng lahat.  At pagkatapos ang mga araw ay darating kung kailan ang mga tao ay hindi na magsasakripisyo ng mga tao. Ngunit laging magkakaroon ng mga purong biktima na sinusunog ng pagmamahal kasama ang Dakilang Biktima sa walang-katapusan na Sakripisyo. Ang ibig Kong sabihin ang pagmamahal ng Diyos at ang pagmamahal para sa Diyos. Talagang totoo sila ang magiging mga biktima ng mga araw sa hinaharap at ng Templo sa hinaharap. Hindi na mga kordero at mga bisirong kambing, mga batang baka at mga kalapati, bagkus ang sakripisyo ng puso ng isang tao ay ang nagpapasaya sa Diyos. Si David ay natanto ito. At sa bagong mga panahon, ang mga panahon ng espiritu at ng pagmamahal, tanging ang sakripisyo na iyan lamang ang magiging kaaya-aya.

Isipin, Simon, na kung ang isang Diyos ay kinailangan na magkatawang-tao upang mapahinahon ang dibinong hustisya para sa malaking Kasalanan, para sa maraming mga kasalanan ng mga tao, sa mga panahon ng katotohanan, tanging ang mga sakripisyo lamang ng mga espiritu ng mga tao ang makapagpapahinahon sa Panginoon.

«Ngunit ang mga bata...»

«Ang ibig mong sabihin ang hindi pa maiaalay ang kanilang mga sarili... At nalalaman mo ba kung kailan nagsasalita ang Diyos sa kanila? Ang wika ng Diyos ay espirituwal. Ang isang kaluluwa ay naiintindihan ito at ang kaluluwa ay walang edad. Hindi lang, bagkus, sasabihin ko sa iyo na ang kaluluwa ng isang bata, dahil ito ay walang malisya, magpatungkol sa kanyang kapasidad na maintindihan ang Diyos, ay mas adulto kaysa sa kaluluwa ng isang matandang makasalanan. Sasabihin ko sa iyo, Simon, na mabubuhay ka nang matagal na makikita mo ang maraming mga bata na tinuturuan ang mga adulto, at kahit na ang iyong sarili, ng karunungan ng makabayaning pagmamahal. Ngunit sa maliliit na mga batang ito na namamatay para sa natural na mga rason, ang Diyos ay kumikilos nang diretso para sa mga motibo ng napakataas na pagmamahal na hindi Ko maipaliliwanag sa iyo, dahil ito ay bahagi ng karunungan na nakasulat sa mga aklat ng Buhay, at iyan ay mababasa lamang sa Langit ng pinagpalang mga kaluluwa. Ang sinabi Ko ay mababasa ngunit sa katunayan sapat nang tingnan ang Diyos upang malaman hindi lamang ang Diyos, bagkus pati na rin ang Kanyang walang hangganang karunungan... Nagawan natin na lumubog ang buwan, Simon... Maya-maya lamang ay pagsikat na ng araw at wala ka pang tulog...»

«Walang anuman ito, Guro. Nawalan ako ng kaunting oras ng tulog at kumita ako ng labis na karunungan. At naging kasama ko Kayo. Ngunit kung ako ay Inyong pahihintulutan, lalakad na ako ngayon. Hindi upang matulog. Bagkus upang isipin muli ang Inyong mga salita.»

Siya ay nasa pintuan na at papalabas na, nang siya ay tumigil nang nag-iisip at pagkatapos nagsabi: «Isa pang tanong, Guro. Tama ba para sa akin na sabihin sa sinuman na naghihirap, na ang kapighatian ay hindi isang kaparusahan bagkus isang... grasya, isang bagay na katulad ng... katulad ng aming bokasyon, maganda kahit na kung mahirap, maganda kahit na kung ito ay tila isang bagay na di-maganda at malungkot sa mga tao na hindi nag-aalam?»

«Oo, masasabi mo iyan, Simon. Iyan ang katotohanan. Ang kapighatian ay hindi isang kaparusahan, kapag alam ng isa kung papaano tanggapin at gamitin ito nang tama. Ang kapighatian ay katulad ng isang pagpapari, Simon. Isang pagpapari na bukas sa lahat. Isang pagpapari na naggagawad ng malaking kapangyarihan sa puso ng Diyos. Ito ay isang malaking merito. Ang kapighatian na pinanganak na kasabay ng kasalanan ay makapagpapahinahon sa Hustisya. Sapagkat magagamit din ng Diyos para sa mabuting pakay kung ano ang nilikha ng Kapootan upang magbigay ng kapighatian. Wala Akong piniling ibang paraan upang makansela ang Kasalanan. Sapagkat walang ibang paraan na mas dakila pa kaysa sa isang ito.»

070412

 


Sunod na kabanata