554. Sa Isang Araw ng Sabbath sa Ephraim si Jesus Nagsasalita sa loob ng Sinagoga.

Enero 17, 1947.

Maaaring ito ay isa pang araw ng Sabbath sapagkat ang mga apostol ay nagkakasama-sama na muli sa bahay ni Maria ni Jacob.

Ang mga bata ay kasama pa rin nila, malapit kay Jesus, sa tabi ng paapuyan. At dahil lamang diyan na si Judas Iskariote ay nagsabi: «Kung gayon ang isang linggo ay dumaan at ang kanilang mga kamag-anak ay hindi dumating» at siya ay tumawa iniiling ang kanyang ulo.

Si Jesus ay hindi tumutugon sa kanya. Hinahaplos Niya ang sumunod-sa-panganay na bata.

Si Judas ay tinanong si Pedro at si Santiago ni Alfeo: «At sinasabi ninyo na pumunta kayo sa dalawang daan na magdadala sa isa sa Shechem?»

«Oo, pumunta kami. Ngunit iniisip itong muli, ito ay walang-walang pakinabang. Ang mga mandarambong ay tiyak na hindi kinukuha ang mga abalang mga daan, lalo na ngayon na ang mga iskuwad ng Roma ay lagi itong pinupuntahan» tugon ni Santiago ni Alfeo.

«Bakit ninyo pinuntahan ang mga ito, kung gayon?» pamimilit ng Iskariote.

«Bueno!... Pareho din ito sa amin na pumunta rito o doon. Kung kaya't kinuha namin iyon.»

«At wala bang sinuman ang nakapagsabi sa inyo ng kahit na ano?»

«Hindi kami nagtanong sa inuman.»

«At papaano ninyo malalaman kung sila ay nakaraan na o hindi? Ang mga tao ba ay nagdadala ng mga bandila o nag-iiwan ng mga bakas kapag sila ay dumaraan sa isang daan? Hindi sa palagay ko. Dahil kung ganyan matatagpuan tayo ng ating mga kaibigan man lamang. Sa halip ni isa sa kanila ay hindi nakarating dito mula pa nang dumating tayo» at siya ay tumatawa nang nanunuya.

«Hindi natin alam kung bakit walang sinuman ang pumunta rito. Ang Guro ay alam. Tayo hindi. Kapag ang mga tao ay umaalis sa isang lugar na hindi alam ng lahat, katulad ng ginawa natin, nang hindi nag-iiwan ng kahit anong bakas ng kanilang pagdaan, walang makakapunta sa kanila maliban na ang isa ay nasabihan ng tungkol sa lugar ng kanilang pagtataguan. Ngayon hindi natin alam kung ang aming Kapatid ay sinabihan ang ating mga kaibigan» sabi ni Santiago ni Alfeo nang mapasensya.

«O! Maniniwala ka ba o gusto mong maniwala kami na kahit man lamang si Lazarus at si Nike ay hindi Niya sinabihan?»

Si Jesus ay hindi nagsasalita ng kahit ano. Kinuha Niya sa kamay ang isa sa mga bata at lumabas...

«Ayaw kong maniwala ng kahit na ano. Ngunit kahit na kung ito ay ayon sa iyong sinasabi, ikaw at wala sa atin ang makapaghuhusga tungkol sa mga rason para sa ausensiya ng ating mga kaibigan...»

«Ang mga rason na iyan ay madaling maintindihan! Walang sinuman ang gustong magkaroon ng problema sa Sanhedrin, higit sa lahat ang mayaman at malakas. Iyan lang! Tanging tayo ang magagaling sa paglagay sa ating mga buhay sa alanganin.»

«Maging makatarungan, Judas! Ang Guro ay walang sinuman sa atin ang pinilit na manatiling kasama Niya. Bakit ka nanatili, kung ang Sanhedrin ay natatakot ka?» wika ni Santiago ni Alfeo.

«At makaaalis ka anong oras mo mang gustuhin. Ikaw ay hindi nakatanikala...» sabi ng isa pang Santiago, ang anak ni Zebedeo.

«Hindi! Hindi kailanman! Tayo ay naririto, at tayo ay mananatiling naririto. Lahat tayo. Ang may gusto man na umalis, ay umalis na sana noon pa. Hindi ngayon. Sinasalungat ko iyan, kung ang Guro ay hindi ito sinasalungat» sabi ni Pedro nang dahan-dahan ngunit mas may paninindigan, sinusuntok ang mesa.

«Bakit? Sino ka na ibig mong magbigay ng mga utos sa halip na ang Guro?» si Judas ay tinatanong siya nang marahas.

«Isang tao na nangangatwiran hindi katulad ng Diyos, katulad ng ginagawa Niya, bagkus bilang isang tao.»

«Ako ba ay pinagsususpetsahan mo?  Sa palagay mo ba ako ay isang traydor?» tanong nang mainit ni Judas.

«Nasabi mo iyan. Hindi dahil na sa palagay ko ay gagawin mo iyan nang sadya; ngunit ikaw ay napaka... walang isip, Judas, napaka pabagu-bago ang isip! At napakarami mong mga kaibigan. At gustung-gusto mong nangingibabaw ka, sa lahat ng bagay. O! hindi ka makapanahimik! Ikaw ay magsasalita, kung hindi upang malito ang ilang masasamang kaaway, o upang ipakita na ikaw ay ang Apostol. Kung kaya't ikaw ay naririto at ikaw ay mananatili rito. Sa ganitong paraan hindi ka makagagawa ng masakit at hindi ka makukonsiyensiya.»

«Ang Diyos ay hindi pinipilit ang kalayaan ng tao, ngunit gusto mong gawin ito?»

«Oo, gusto ko. Ngunit matapos ang lahat, sabihin sa akin. Umuulan ba sa iyo? Wala ka bang sapat na tinapay? Ang hangin ba ay nakasasamâ sa iyo? Sinasaktan ka ba ng mga tao? Wala ang lahat na iyan. Ang bahay ay solido, kahit na kung ito ay hindi isang mayaman na bahay, hindi tayo kailanman nagkulang sa pagkain, ang mga tao ay pinararangalan ka. Kung gayon bakit ka labis na hindi ka mapalagay dito, na tila ikaw ay nasa kulungan?»

«”May dalawang nasyon na kinasusuklaman ng aking kaluluwa, at ang ikatlo na kinapopootan ko ay ni hindi nga isang nasyon: ang mga naninirahan sa Mount Seir, ang mga Pilisteo at ang tangang mga tao naninirahan sa Shechem”. Ako ay tumugon sa iyo sa pamamagitan ng mga salita ng Marunong na Tao. At tama ako sa pag-iisip ng ganito. Isipin kung ang mga taong ito ay minamahal tayo!»

«H’m! Upang sabihin sa iyo ang katotohanan hindi sa palagay ko na ang iba pang mga sambayanan na iyon, ang iyo at ang akin, ay mas mabubuti pa. Tayo ay pinagbabato ng bato sa Judaea at sa Galilee, sa Judaea mas lalo pa nga kaysa sa Galilee, at sa Templo sa Judaea mas lalo pa kaysa sa kahit saan pang ibang lugar. Hindi ko masasabi na tayo ay minaltrato sa teritoryo ng mga Pilisteo, o dito, o sa kahit saan pa man na ibang lugar...»

«Sa kahit saan pa man na ibang lugar? Hindi pa tayo napunta sa kahit saan pa man na ibang lugar, mabuti na lang. Ngunit kahit na kung tayo ay kinailangan pang mapunta sa iba pang lugar hindi sana ako sumama sa inyo, ni hindi ako sasama sa hinaharap. Ayaw kong mahawahan pa nang husto.»

«Mahawahan? Hindi iyan ang nagpapaalala sa iyo, Judas ni Simon. Ayaw mong mapahiwalay ang mga tao ng Templo. Iyan ang nagpapaalala sa iyo» sabing kalmante ni Simon Zealot, na kanina pa nananatili sa kusina kasama si Pedro, si Santiago ni Alfeo at si Felipe. Ang iba pa ay lumabas, nang isa-isa kasama ang dalawang bata at sumama na sa Guro. Isang mameritoryong paglayo sa dahilan na iyon ay ginawa upang maiwasan ang pagiging walang pagkawang-gawa.

«Hindi. Hindi dahil diyan. Bagkus dahil ayaw kong magsayang ng aking panahon at magbigay ng karunungan sa mga tanga. Tingnan! Anong kabutihan ang naibigay na isama natin si Ermasteus? Siya ay umalis at hindi na kailanman bumalik. Si Jose ay nagsabi sa atin na siya ay humiwalay mula sa kanya nagsasabing siya ay babalik para sa kapistahan ng mga Tabernakulo. Nakita mo na ba siya? Isang taksil sa kanyang relihiyon...»

«Hindi ko alam kung bakit siya ay hindi pa bumabalik at hindi ko siya mahuhusgahan. Ngunit tinatanong kita: siya lamang ba ang nag-iisa na umalis sa Guro at naging Kanyang kaaway? Wala bang mga taksil sa pagitan nating mga Judaean at sa pagitan ng mga Galilean? Mapatutunayan mo ba iyan?»

«Hindi. Iyan ay totoo. Ngunit ako ay hindi mapalagay dito. Kung nalalaman lamang nila na tayo ay naririto! Kung alam lamang nila na nakikipagkaibigan tayo sa mga Samaritano hanggang sa tayo ay mapunta sa kanilang mga sinagoga sa mga araw ng Sabbath! Gusto Niya iyan... Kapahamakan sa atin kung tayo ay matutuklasan! Ang hatol ay mapangangatwiranan...»

«At ang ibig mong sabihin ang Guro ay maisusumpa. Ngunit Siya ay naisumpa na. Siya ay naisumpa na bago malaman ng mga tao. Hindi, bagkus, Siya ay isinumpa pagkatapos na maibangon sa kamatayan ang isang Judaean sa Judaea, Siya ay kinapopootan at inaakusahan ng pagiging isang Samaritano at kaibigan ng mga publikano at mga puta... Siya ay naging... sa lahat ng oras. At alam mo nang higit pa sa kahit sino pa man kung Siya ay kinapootan.»

«Ano ang ibig mong sabihin Natanael? Ano ang ibig mong sabihin? Ano ang naging pakialam ko diyan? Ano ang nalalaman ko nang higit pa sa nalalaman ninyo?» Siya ay balisang-balisa.

«Kamukha mo ang isang daga na napalilibutan ng mga kaaway, aking bata! Ngunit ikaw ay hindi isang daga, ni kami ay hindi binigyan ng mga pamukpok upang hulihin at patayin ka. Bakit ka takot-na-takot? Kung may kapayapaan ka sa iyong konsiyensya, bakit ka nababalisa ng inosenteng mga salita? Ano ba ang nasabi ni Bartolomeo na nagawa kang balisa? Hindi ba’t totoo na walang higit pa kaysa sa atin, Kanyang mga apostol, na mga natutulog at namumuhay nang malapit sa Kanya, ang maaaring makaalam at makasaksi na hindi Niya minamahal ang Samaritano, ang publikano, ang makasalanan, ang puta, ngunit minamahal Niya ang kanilang mga kaluluwa, at inaalagaan Niya sila nang mag-isa, at tanging dahil lamang sa kanila na nakikisama Siya sa mga Samaritano, mga publikano at mga puta, at tanging ang Kataastaasan lamang ang nakaaalam kung gaanong pagsisikap ang kailangang gawin ng Kanyang Kapurupuruhang Anak upang malapitan kung ano ang tinatawag nating mga tao at ng mga makasalanan na “dumi”? Hindi mo naiintindihan at hindi mo pa nakikilala si Jesus, aking bata! Kulang ang iyong pagkakakilala sa Kanya kaysa sa pinaka mga Samaritano, mga Pilisteo, mga Phoenician at kahit sino pa mang ibang mga tao ang gustuhin mo...» sabi ni Pedro at binigkas niya ang huling mga salita nang may kalungkutan.

Si Judas ay hindi na ulit nagsalita pa at ang iba rin ay naging tahimik.

Ang matandang babae ay bumalik pumasok nagsasabing: «Sa kalsada ay may ilang mga tao mula sa bayan. Sinasabi nila na ngayon ay oras ng panalangin para sa Sabbath at na ang Guro ay nangakong magsasalita...»

«Lalakad ako at sasabihin sa Kanya, babae. Masasabihan mo ang mga taong galing sa Ephraim na kami ay darating» tugon ni Pedro at lumabas siya patungo sa pangkusinang hardin upang sabihan si Jesus.

«Ano ang iyong gagawin? Sasama ka ba? Kung ayaw mong sumama, umalis ka, lumabas bago malungkot Siya sa iyong pagtanggi» sabi ng Zealot kay Judas.

«Ako ay sasama sa inyo. Ang isa ay hindi makapagsasalita rito! Ako ay tila ang pinakamalaking nagkakasala. Ang bawat salita ko ay hindi naiintindihan.»

Dahil si Jesus ay pumapasok sa kusina, sila ay tumigil sa pagsasalita.

Sila ay lumabas patungo sa kalsdada at sinamahan ang mga tao mula sa Ephraim at sila ay nagpatungo sa bayan kasama sila. Tumigil lamang sila nang sila ay nasa harapan na ng sinagoga, sa pintuan nito kung saan ay naroon si Malachi, na bumabati sa kanila at nag-aanyaya sa kanila na pumasoki.

Hindi ko nakikita ang kaibahan ng lugar ng panalangin ng Samaritano at ng ibang rehiyon na nakita ko na. Laging naroroon ang pangkaraniwan ng mga ilaw, ang pangkaraniwan na mga atril o mga patungan ng mga rolyo, ang upuan ng pangulo ng sinagoga o ng tao na nagtuturo sa katauhan niya. Kung mayroon man, ang mga rolyo ay mas kakaunti rito kaysa sa ibang mga sinagoga.

«Nakapagdasal na kami ng aming mga panalangin habang naghihintay para sa Inyo. Kung ibig Ninyong magsalita... Alin na rolyo ang gusto Ninyo, Guro?»

«Hindi Ako nangangailangan ng kahit ano. Maging ano pa man wala kayo ng ibig Kong ipaliwanag»¹ tugon ni Jesus, at Siya pagkatapos ay humarap sa mga tao at nagsimulang magsalita

«Noong ang mga Hebreo ay pinabalik sa kanilang bansa ni Cyrus, ang hari ng mga Persian, upang sana maitayo nilang muli ang Templo ni Solomon na sinira limampung taon na ang nakararaan, ang altar ay itinayong muli sa pundasyon nito, at ang pang-araw-araw na holokausto ay inialay sa ibabaw nito sa umaga at gabi, pati na rin ang ordinaryong holokausto sa tuwing unang araw ng bawat buwan at ang mga holokausto ng mga kapistahan na sagrado sa Panginoon at ang holokausto ng buluntad na mga pag-aalay na ginagawa ng mga indibidwal. Pagkaraan, pagkatapos na nagawa na ang esensiyal at di-maaaring mawala para sa ritwal ng pagsamba, sa ikalawang taon pagkaraan ng kanilang pagbalik, sinimulan nilang asikasuhin kung ano ang maaaring tawagin na balangkas ng ritwal ng pagsamba, ang panlabas na hitsura nito, na hindi makasalanan dahil iyon ay ginagawa upang maparangalan ang Eternal na Ama, subalit iyon ay hindi mahalagang-mahalaga na naroroon. Sapagkat ang ritwal ng pagsamba sa Diyos ay pagmamahal para sa Diyos, at ang pagmamahal ay nararamdaman at kinukunsumo sa loob ng puso ng isang tao, hindi sa pamamagitan ng may-gayak na mga bato, mamahaling mga kahoy, ginto at mga pabango. Ang lahat na iyan ay panlabas na hitsura at mas ginagawa para sa kasiyahan ng indibidwal na pambansa o pambayan na pagmamalaki kaysa para maparangalan ang Panginoon.

Gusto ng Diyos ang Templo ng espiritu. Siya ay hindi nasisiyahan ng isang Templo ng mga pader at mga marmol na walang mga espiritu na punó ng pagmamahal. Sasabihin Ko sa inyong totoo na ang Templo ng isang purong nagmamahal na puso ay ang tanging templo na minamahal ng Diyos at sa loob nito kung saan Siya naninirahan kasama ang Kanyang liwanag, at na katangahan ang mga pagpapaligsahan na naghahati sa mga rehiyon at mga bayan magpatungkol sa kagandahan ng kanilang mga lugar ng panalangin. Bakit magpaligsahan sa mga kayamanan at mga dekorasyon ng mga bahay kung saan ang Diyos ay pinananawagan? Mabibigyan ba ng kasiyahan ang walang-hangganan sa pamamagitan ng may-hangganan, kahit na kung ang may-hangganan ay sampung beses pang mas maganda kaysa sa Templo ni Solomon at ng lahat na maharlikang mga palasyo na pinagsama-sama?  Ang Diyos, ang Walang-hangganan Na hindi maaaring mapigilan at maparangalan ng kahit na anong espasyo o ng kahit na anong materyal na kagandahan, isang lugar lamang ang Kanyang nakikita na karapat-dapat sa pagpaparangal sa Kanya na nababagay para sa Kanya, at maaari Siya, hindi lamang, bagkus, maaari Siyang mapigilan sa loob ng puso ng tao, sapagkat ang espiritu ng isang makatarungan na tao ay isang templo sa ibabaw nito kung saan ang espiritu ng Diyos ay umaaligid, sa pagitan ng mga pabango ng pagmamahal, at ito ay magiging isang templo isang araw kung saan ang Espiritu ay totoong maninirahan, Isa at Sang-tatlo, katulad na Ito ay nasa Langit.

At ito ay naisulat na nang kaagad nailatag ng mga mason ang mga pundasyon ng Templo, ang mga pari ay pumunta dala ang kanilang mga gayak at mga trumpeta at ang mga Levita ang kanilang mga pompiyang, ayon sa mga utos ni David. At inawit nila na “ang Diyos ay kailangan na papurihan sapagkat Siya ay mabuti at ang Kanyang awa ay walang kamatayan”. At ang mga tao ay nagbunyi. Ngunit maraming mga pari, mga ulo ng mga pamilya, mga Levita, mga nakatatandang mga tao ang lumuluha nang labis-labis iniisip ang dating Templo, at kung gayon ang tunog ng pag-iyak ng mga tao ay hindi maihiwalay sa  tunog ng mga sigaw ng kaluguran, dahil sila ay litung-lito. At mababasa rin natin na ang mga tao ng kalapit na mga distrito ay ginagambala ang mga nagtatayo ng Templo upang maipaghiganti ang kanilang mga sarili sa mga nagtatayo na tumanggi sa kanilang alok na tulong, dahil kanila ring hinahanap ang Diyos ng Israel. Ang Tanging Totoong Diyos. At ang mga panggambalang iyon ay napuputol ang trabaho hanggang nasiyahan ang Diyos upang sila ay pinayagan na magpatuloy. Iyan ang ating nababasa sa aklat ni Ezra.

Gaano karami at anong mga leksiyon ang binibigay sa atin ng pasahe na Aking binanggit? Una sa lahat ang isang binanggit na tungkol sa pangangailangan na ang kulto ay nadarama ng isang puso at hindi pinapahayag sa pamamagitan ng mga bato o kahoy o ng mga damit din o ng mga pompiyang at mga awit, na wala ng espiritu. Pagkatapos na ang pagkukulang ng naggagantihan na pagmamahal ay laging ang dahilan ng mga pagka-antala at problema, kahit na kung nariyan ang mabuting pakay. Kung saan walang karidad, ang Diyos ay wala rin. Walang kabuluhan na hanapin ang Diyos maliban na inilalagay natin ang ating mga sarili sa isang angkop na katayuan upang makita Siya. Ang Diyos ay natatagpuan sa karidad. Siya o ang mga nananahan sa karidad ay natatagpuan ang Diyos nang hindi rin kinakailangan na gumawa ng kahit na anong masasakit na paghahanap. At siya na nakakasama ang Diyos ay nagtatagumpay sa lahat ng kanyang mga gawain.

Sa salmo na bumukal mula sa puso ng isang marunong na tao pagkatapos na pagnilayan ang masasakit na mga nangyari na sumabay sa pagtatayong muli ng Templo at ng mga pader nito ito ay sinabi: ``Kung hindi itayo ng Panginoon ang bahay, walang kabuluhan ang paghihirap ng mga mason dito. Kung hindi babantayan ng Panginoon ang siyudad at poprotektahan ito, walang kabuluhan ang pagbabantay ng mga tanod`.

Ngayon papaano itatayo ng Diyos ang bahay, kung nalalaman Niya na ang mga nakatira dito ay wala Siya sa kanilang mga puso, dahil hindi nila minamahal ang kanilang mga kapwa? At papaano Niya poprotektahan ang siyudad at bibigyan ng lakas ang mga nagtatanggol nito, kung hindi Siya maaari pumunta sa kanila sa dahilan na sila ay walang laman Niya sa kagagawan ng kanilang kapootan para sa kanilang mga kapwa? Nakatulong ba sa inyo, mga tao, ang mahati ng mga harang ng kapootan? Nagawa ba kayo nitong mas dakila? Mas mayaman? Mas masaya? Ni ang kapootan o ang sama-ng-loob ay hindi kailanman naging may-pakinabang, siya na nag-iisa ay hindi kailanman malakas, siya na hindi nagmamahal ay hindi kailanman minahal. At walang pakinabang, katulad ng sinasabi ng salmo, na gumising bago ang pagsikat ng araw upang maging dakila, mayaman at masaya. Gawin ang bawat tao na magpahinga upang mapaginhawahan ang kanyang sarili sa mga kapighatian ng buhay, sapagkat ang tulog ay isang regalo ng Diyos katulad na regalo ang liwanag at ang lahat na iba pang mga bagay na kinalulugdan ng tao; gawin ang bawat tao na magpahinga ngunit gawin siyang magkaroon ng karidad bilang kanyang kasa-kasama sa kanyang pagtulog at sa kanyang pagbantay, at ang kanyang trabaho, ang kanyang pamilya at ang kanyang negosyo ay tatagal, at higit sa lahat ang kanyang espiritu ay uunlad at malulupig ang maharlikang korona ng mga anak ng Kataastaasan at mga tagapagmana ng Kanyang Kaharian.

Ito ay nakasulat na habang ang pulutong ay inaawit ang mga hosana, ang ilang mga tao ay lumuluha nang lubos sapagkat iniisip at pinanghihinayangan ang nakaraan. Ngunit hindi posibleng marinig ang iba't ibang mga tinig sa ingay ng mga sigaw.

Mga anak ng Samaria! At kayo, Aking mga apostol, mga anak ng Judaea at ng Galilee! Sa mga araw din ngayon ay may mga tao na umaawit ng mga hosana at mga tao na tumatangis habang ang Templo ng Diyos ay tumataas sa eternal na mga pundasyon. Sa mga araw din ngayon ay may mga tao na humahadlang sa gawain at mga tao na naghahanap sa Diyos kung saan hindi Siya matatagpuan. Sa mga araw din ngayon ang ilang mga tao ay ibig na magtayo ayon sa utos ni Cyrus at hindi ayon sa utos ng Diyos, ibig sabihin ayon sa utos ng mundo at hindi ayon sa mga tinig ng espiritu. At sa mga araw din ngayon may mga taong umiiyak nang may katangahan na pantaong panghihinayang sa mas mababang uri na nakaraan, isang nakaraan na hindi mabuti o maganda, na dahil dito nakakakuha ng galit ng Diyos. Sa mga araw din ngayon nasa atin ang lahat na mga sitwasyong iyon, na tila tayo ay nasa kalabuan pa rin ng malalayong araw na iyon at wala sa mga araw ng Liwanag.

Buksan ang inyong mga puso sa Liwanag, punuin ang inyong mga sarili ng Liwanag, upang sana kayo man lamang, kung kanino Ako-Liwanag nagsasalita, ay makakita. Ito ang bagong panahon kung saan ang lahat ay naitayo nang muli. Ngunit kapahamakan sa mga tumatanggi na pasukin ito at hahadlang sa mga nagtatayo ng Templo ng bagong pananampalataya, na Ako ang panulukang Bato at Aking ibibigay ang Aking buong sarili upang magawa ang mortar para sa mga bato, upang ang gusali ay sana maitayong banal at malakas, kahanga-hangà para sa mahabang panahon, kasing lawak ng Lupa na ganap na matatakpan ng liwanag nito. Ang sabi Ko liwanag, hindi anino, sapagkat ang Aking Templo ay magiging gawa sa mga espiritu, hindi sa malalabong bagay. Ako ang magiging bato nito kasama ang Aking Eternal na Espiritu, at ang lahat na sumusunod sa Aking salita at ang bagong pananampalataya ay magiging ang di-materyal na maningning na banal na mga bato nito. At ang liwanag ay kakalat sa ibabaw ng Lupa, ang liwanag ng bagong Templo, at tatakpan ito ng karunungan at kabanalan. At ang tanging maiiwanan sa labas nito ay ang mga umiiyak ng di-purong mga luha at pinanghihinayangan ang nakaraan, sapagkat sa kanila ito ay ang pinanggagalingan ng ganap na pantaong mga pakinabang at mga karangalan.

Buksan sa bagong panahon at sa bagong Templo, o mga tao ng Samaria! Ang lahat ay bago dito, at ang lumang mga pagkakahiwalayan at mga hangganan, ng isip at espiritu, ay wala na ngayon. Umawit, sapagkat ang pagkakatapon sa labas ng siyudad ng Diyos ay malapit nang matapos. Masaya ba kayo na tingnan na mga napatapon at mga ketongin ng ibang mga tao ng Israel? Nagbubunyi ba kayo na nararamdaman ninyo na kayo ay katulad ng mga tao na tinanggihan ng sinapupunan ng Diyos? Sapagkat ganyan ang inyong nararamdaman, ang nararamdaman ng inyong mga kaluluwa, na sarado sa inyong mga katawan at napapailaliman ng inyong aroganteng isip na tumatangging magsabi sa ibang mga tao: “Nagkamali kami, ngunit katulad ng nawawalang mga tupa bumabalik na kami ngayon sa Kawan”. Ayaw ninyong sabihin iyan sa ibang mga tao: at iyan ay mali. Ngunit magsabi man lamang sa Diyos. Kahit na kung pinipigil ninyo ang mga sigaw ng inyong mga kaluluwa, naririnig ng Diyos ang mga ungol nito, dahil hindi sila masaya na mapatapon mula sa bahay ng pansansinukuban at kabanalbanalang Ama.

Pakinggan ang mga salita ng baitang-baitang na salmo. Kayo nga ay totoong mga peregrino na sa matagal nang panahon ay nagpapatungo sa mataas na siyudad, patungo sa totoong Herusalem, ang selestiyal na Herusalem. Mula rito, mula sa Langit, ang inyong mga kaluluwa ay bumaba upang bigyang-buhay ang isang katawan, at sila ay naghihinagpis upang makabalik doon. Bakit gusto ninyong isakripisyo ang inyong mga kaluluwa at pagkaitan sila ng mana ng Kaharian? Ano ang kasalanan nila kung sila ay bumaba patungo sa mga katawan na pinaglihi sa Samaria? Sila ay nanggaling sa Tanging Isang Ama. Mayroon silang parehong Tagapaglikha katulad ng mga kaluluwa ng Judaea at Galilee, ng Phoenicia at ng Decapolis. Ang Diyos ang tinatangka ng bawat espiritu. Ang bawat kaluluwa ay kumikiling sa Diyos na iyan, kahit na kung ang lahat na klase ng idolatra, o masasamang erehe, pagkakahati-hati, o kakulangan ng pananampalataya, ay napananatili itong nasa loob ng kamangmangan tungkol sa totoong Diyos, isang kamangmangan na magiging absuluto kung ang kaluluwa ay wala ng di-mabuburang embriyonal na alaala ng Katotohanan at hindi ito hinahanap nito. O! gawin ang alaala at paghahanap na iyan na lumaki. Buksan ang mga pintuan patungo sa inyong mga kaluluwa. Hayaan ang Liwanag na makapasok! Hayaan ang Buhay na makapasok! Hayaan ang Daan na mabuksan! Hayaan ang lahat na dumagsang pumasok nang maningning at masigla, katulad ng mga sinag ng araw, at ng mga alon at mga hangin ng mga equinox upang sana ang tanim ay lumaki mula sa embriyon nito at tumubong pataas, papalapit nang papalapit sa Panginoon nito.

Lumabas mula sa inyong pagkapatapon! Umawit kasabay Ko: “Nang iniuwi ng Panginoon ang mga bihag, ang kanilang mga kaluluwa ay tila nananaginip nang may lugod. Ang aming mga bibig ay puno ng mga ngiti at ang aming mga labì puno ng mga awit. Sasabihin na natin ngayon: ‘Ang Panginoon ay gumawa ng mga kababalaghan para sa atin’ “. Oo, ang Panginoon ay gumawa ng dakilang mga bagay para sa inyo at kayo ay aapaw sa kasiyahan.

O! Aking Ama! Nagdarasal Ako sa Inyo para sa kanila katulad na nagdarasal Ako para sa lahat. O Panginoon, hayaan ang ating mga nakakulong na ito na makauwi, sapagkat, para sa Inyo at para sa Akin, sila ay mga nakakulong sa mga tanikala ng may-katigasan na pagkakamali. Dalhin silang pabalik, o Ama, katulad ng isang ilog na dumadaloy patungo sa dakilang ilog, akayin sila patungo sa dakilang dagat ng Inyong awa at kapayapaan. Ang Aking mga katulong at Ako, lumuluha, ay itinatanim ang Inyong katotohanan sa kanila. Ama, ipagkaloob na sa panahon ng dakilang pag-ani, kami, Inyong mga katulong sa pagtuturo ng Inyong Katotohanan, ay sana mapasaamin ang piling butil ng Inyong mga taniman nang may lugod sa mga daang-ararong ito, na ngayon ay tila nakakalatan lamang ng dawag at lason. Ama! Ama! Sa pamamagitan ng aming págod, at mga luha, kapighatian, at pagtatrabaho, at ng mga kasamahan na namatay, na dati at magiging aming mga kasamahan sa paghahasik, ipagkaloob sana na kami ay makarating sa Inyo dala, bilang mga tungkos, ang piling bahagi ng sambayanang ito, ang mga kaluluwa na naipanganak-na-muli sa Hustisya at Katotohanan para sa Inyong kaluwalhatian. Amen.»

Ang katahimikan, na totoong nakamamangha, napaka-absuluto katulad na ito ay nasa gayong kalaking pulutong na pumupuno sa sinagoga at sa liwasan sa harapan nito, ay naputol ng isang pagbulong na lumakas na nang lumakas at nagiging isang alingayngay... isang sigaw... isang hosana. Ang mga pulutong ay pakaway-kaway, nagkukumentaryo at pumapalakpak...

Anong isang pagkakaiba mula sa kongklusyon ng mga talumpati sa Templo! Si Malachi ay nagsabi sa katauhan ng lahat: «Masasabi lamang Ninyo ang katotohanan nang ganyan, nang hindi nasasaktan at napapahiya ang sinuman! Kayo ay totoong ang Banal na Isa ng Diyos! Manalangin para sa aming kapayapaan. Kami ay napatigas ng napakatagal na... mga paniniwala at ng napakatagal na mga insulto. At kailangan na mabiyak namin ang aming makapal na pangibabaw na ito. Makibatá sa amin.»

«Kahit mas mahigit pa diyan: minamahal Ko kayo. Maging may mabuting kalooban, at ang pangibabaw ay mabibiyak mismo. Harinawang ang Liwanag ay dumating sa inyo.»

Ginagawa Niyang makaraan sa gitna ng pulutong at lumabas sinusundan ng mga apostol.

090412

 

 

 



¹ Sa lahat ng mga Aklat ng Bibliya ang inako lamang ng mga Samaritano ay ang limang Aklat ng Pentateuch.


Sunod na kabanata