555. Ang Pagdating ng mga Kamag-anak ng mga Bata Kasama ang Maraming mga Tao ng Shechem.

Enero 18, 1947.

Si Jesus ay nag-iisa sa maliit na isla sa gitna ng agos ng tubig. Ang tatlong mga bata ay naglalaro sa pampang sa kabilang tabi ng agos ng tubig at sila ay nagbubulungan upang hindi maistorbo ang pagninilay-nilay ni Jesus. Paminsan-minsan ang pinakamaliit ay sumisigaw sa tuwa kapag nakakakita siya ng isang maliit na bato na maganda ang kulay o isang sariwang maliit na bulaklak, at ang iba ay sinasabihan siya na manahimik nagsasabing: «Manahimik! Si Jesus ay nananalangin...» at ang kanilang pagbubulungan ay magpapatuloy kapag ang kanilang maliliit na kayumanggihing mga kamay ay nakakabuo ng mga bloke at mga kono na mga buhangin na dapat ay mga bahay at mga bundok.

Ang araw ay sumisikat nang mataas sa kalawakan nagagawa ang mga bunga na mamaga sa mga punungkahoy at ang mga buko na bumuka sa mga parang. Ang berdeng kulay-abo na mga dahon ng mga punong poplar ay nanginginig sa ihip ng hangin, at ang mga ibon sa itaas nito, sa tuktok, ay naglalambingan o naglalabanan na kung minsan ay nagtatapos sa isang awit, kung minsan sa pagtili sa kirot.

Si Jesus ay nagdarasal. Nakaupo sa damo, na may isang bungkos ng damong naghihiwalay sa Kanya mula sa landas sa tabi ng pampang, Siya ay nakalublob sa Kanyang pagninilay-nilay. Kung minsan titingala Siya upang tingnan ang maliliit na bata na naglalaro sa banda roon sa damuhan. Pagkatapos ibaba Niya ulit ang Kanyang mga mata at mapapalubog Siya muli sa Kanyang mga naiisip.

Ang pagkaluskos ng mga paa sa pagitan ng mga tanim sa pampang at ang biglang pagdating ni Juan sa maliit na isla ay napalayas ang mga ibon mula sa tuktok ng poplar tinatapos ang kanilang pag-iingay na may tilian sa takot.

Si Juan ay hindi kaagad nakita si Jesus, dahil naitatago Siya ng bungkos ng damo at si Juan ay kung baga sumisigaw nang nalilito: «Nasaan Kayo, Guro?» Si Jesus ay tumayo habang ang tatlong mga bata ay sumigaw mula sa kabilang pampang: «Siya ay naroon! Sa likod ng mataas na damo.»

Ngunit nakita na ni Juan si Jesus at pumunta sa Kanya nagsasabing: «Guro, ang mga kamag-anak ay dumating na. Ang mga kamag-anak ng mga bata. At maraming tao mula sa Shechem ang kasama nila. Pumunta sila kay Malachi, at si Malachi ay dinala sila sa ating bahay. Nagpunta ako sa paghahanap sa Inyo.»

«At nasaan si Judas?»

«Hindi ko alam. Lumabas siya kaagad pagkatapos na umalis Kayo papunta rito, at hindi pa siya bumabalik. Maaaring nasa bayan siya. Hahanapin ko ba siya?»

«Hindi, hindi na kinakailangan. Samahan mo rito ang mga bata. Gusto Ko munang makausap ang mga kamag-anak.»

«Ayon sa ibig Ninyo, Guro.»

Si Jesus ay umalis, at si Juan ay sinasamahan ang mga bata at nagsimulang tulungan sila sa kanilang ginagawa na pagtayo ng isang tulay sa ibabaw ng kunwaring ilog gawa sa mahabang mga dahon ng tambo na inilagay sa buhangin upang maging ang tubig kung wari...

Si Jesus ay pinapasok ang bahay ni Maria ni Jacob, na nasa pintuan naghihintay para sa Kanya at nagsabi sa Kanya: «Sila ay umakyat sa terasa. Dinala ko sila doon upang makapagpahinga sila. Ngunit naririto na si Judas nanggaling sa nayon. Hihintayin ko siya at pagkatapos maghahanda ako ng ilang pagkain para sa mga peregrino na mga pagod na pagod.»

Si Jesus ay naghihintay din para kay Judas sa loob ng pasilyo, na kung baga madilim kompara sa liwanag sa labas. Si Judas ay hindi nakikita si Jesus kaagad at habang pumapasok sinasabi niya sa babae nang mapagmataas: «Nasaan ang mga nagmula sa Shechem? Nakaalis na ba sila? At ang Guro? Wala bang tumatawag sa Kanya? Si Juan...» Nakita niya si Jesus at binago niya ang pagsasalita nagsasabing: «Guro! Tumakbo ako rito nang ako ay sinabihan, nagkataon lang talaga... Nakauwi na Kayo?»

«Si Juan ay narito at dumating siya hinahanap Ako.»

«Ako... ako ay naririto rin sana. Ngunit doon sa pontanya hiningi nila sa akin na ipaliwanag sa kanila ang ilang mga bagay...»

Si Jesus ay hindi tumutugon. Nagsasalita lamang Siya upang batiin ang mga naghihintay para sa Kanya, nakaupo ang iba sa mababang mga pader ng terasa, ang ilan sa loob ng silid na nagbubukas patungo dito, at lahat sila tumayo upang magbigay ng kanilang paggalang nang makita nila Siya kaagad.

Pagkatapos nang mabati ang grupo nang lahatan, binabati ni Jesus ang ilan sa kanila tinatawag sila sa kanilang mga pangalan, at sila ay masayang-masaya na nasorpresa na sinabi nila: «Naaalaala pa rin ba Ninyo ang aming mga pangalan?» Maaaring sila ay ang mga mamamayan ng Shechem.

Si Jesus ay tumugon: «Ang inyong mga pangalan, ang inyong mga mukha at ang inyong mga kaluluwa. Pumunta ba kayo kasama ang mga kamag-anak ng mga bata? Sila ba iyon?»

«Oo, sila. Pumunta sila upang kunin sila at sinamahan namin sila upang pasalamatan Kayo para sa Inyong awa sa maliliit na bata ng isang babae mula sa Samaria. Kayo lamang ang makagagawa ng ganyang mga bagay!... Kayo lagi ang Banal na Isa Na walang ginagawa bagkus ang banal na mga bagay. Lagi rin namin Kayong naaalaala. At kami ay pumunta, sapagkat napakinggan namin na Kayo ay naririto. Upang makita Kayo at sabihin sa Inyo na kami ay nagpapasalamat sa Inyo para sa pagpili Ninyo sa amin bilang Inyong kanlungan na lugar at para sa pagmahal sa amin sa mga bata ng aming dugo. Ngunit makinig sa mga kamag-anak.»

Si Jesus, sinusundan ni Judas, ay ibinaling ang Kanyang mga hakbang patungo sa kanila binabati sila muli at inaanyayahan silang magsalita.

«Kami, hindi ko alam kung alam Ninyo, ay ang mga kapatid na lalaki ng ina ng mga bata. At kami ay galit na galit sa kanya, sapagkat may-katangahan at laban sa aming payo na ginusto niya ang di-masayang pag-aasawang ito. Ang aming ama ay may-kahinaan sa tanging anak na babae ng kanyang maraming anak, kung kaya't kami ay nagalit din sa kanya, at sa loob ng ilang mga taon hindi namin siya kinakausap o dinadalaw. Pagkaraan, nalalaman na ang kamay ng Diyos ay naging mabigat sa babae at may karalitaan sa kanyang bahay, sapagkat ang di-purong kasal ay hindi ipinagsasanggalang ng dibinong mga pagpapalà, pinatira ulit namin ang aming matandang ama sa aming bahay, upang sana ang kanyang maging tanging kalungkutan lamang ay ang karalitaan na tinitiis ng babae. Pagkatapos ang kapatid naming babae ay namatay at kami ay napasabihan. Kayo ay dumaan kamakailan at ang mga tao ay Kayo ang pinag-uusapan... At nilalabanan ang aming galit, nagmungkahi kami sa kanyang asawa, sa pamamagitan ng dalawang lalaking ito mula sa Shechem, na kukunin namin ang mga bata. Sila ay mga anak ng kalahati ng aming dugo. Sinabi niya na mas pipiliin pa niya na makita silang lahat na mamatay nang masamang kamatayan kaysa sa mabuhay sa aming tinapay. Ayaw niyang ibigay sa amin ang mga bata ni ang labí ng aming kapatid na babae, na sana mailibing ayon sa aming mga ritwal! Kung kaya't nanumpa kami ng poot sa kanya at sa kanyang binhi. At ang kapootan ay hinampas siya katulad ng isang sumpa, kung kaya't mula sa pagiging isang malayang tao nagawa siya nitong isang utusan at mula sa pagiging isang utusan... isang patay na katawan katulad ng isang asong-gubat sa nangangamoy na lungga. Hindi sana namin malalaman kailanman, sapagkat sa loob ng mahabang panahon ang lahat ay natapos na sa pagitan namin. At kami ay nahintakutan nang husto, iyon lamang, nang noong nakaraang linggo nakita namin ang mga mandarambong na iyon na nagpakita sa aming sahig-giikan. Pagkatapos, nang mapakinggan namin kung bakit sila pumunta, ang pagkasuklam, hindi ang kapighatian, ang nagpahirap sa amin katulad ng lason, at pinalakad namin sila nang madalian nag-aalok sa kanila ng isang mabuting gantimpala upang magawa silang mapagkaibigan, at kami ay nasorpresa na mapakinggan sila na nakuha na kumita na sila at ayaw nila ng kahit ano pa mang iba.»

Si Judas ay bigla na lamang pinutol ang lubos na katahimikan ng lahat sa pamamagitan ng mapanuyang tawa at siya ay sumigaw: «Ang kanilang kombersiyon! Kumpleto! Talaga!»

Si Jesus ay tinitingnan siya nang mahigpit, ang iba ay tinitingnan siya nang may pagtataka, at ang lalaki na nagsasalita, ay nagpatuloy: «At ano pa ang iyong maaasahan mula sa kanila? Hindi ba’t malaki na iyon na sila ay dumating pinangungunahan ang bata-pang pastol at hinaharap ang panganib, nang hindi tumatanggap ng kahit na anong gantimpala? Ang isang mamiserableng kaugalian ay nababagay sa isang mamiserableng pamumuhay.  Ang biktimang kinuha mula sa tangang lalaki na namatay katulad ng isang hampaslupa, ay hindi isang mayaman na biktima! Iyong ay talagang hindi mayaman! Hindi sasapat para sa mga titigil sa pagnanakaw nang sampung araw man lamang. At kami ay manghang-mangha sa kanilang katapatan, na tinanong namin sila kung alin na boses ang nagsalita sa kanila naglalagay ng labis na habag sa kanilang mga puso. Kung kaya't nalaman namin na may isang rabbi na nagsalita sa kanila... Isang rabbi! Kayo lamang. Sapagkat walang ibang rabbi sa Israel ang makagagawa ng Inyong ginawa. At pagkatapos nilang umalis tinanong namin ang natakot na pastol na bata nang detalyado at nagkaroon kami ng mas tamang kuwento ng mga nangyari. Sa una ang alam lang namin ay ang asawa ng aming kapatid na babae ay patay na at na ang mga bata ay nasa Ephraim kasama ang isang makatarungan na tao, at pagkatapos na ang makatarungan na tao, na isang rabbi, ay nagsalita sa kanila at kaagad namin naisip na iyon ay Kayo. At nang kami ay dumating sa Shechem pagsikat ng araw, kinausap namin ang mga taong ito, sapagkat hindi pa kami nakapagpasya kung aming tatanggapin ang mga bata. Ngunit ang mga taong ito ay nagsabi sa amin: “Ano? Ang Rabbi ba ng Israel ay minahal ang mga bata nang walang kabuluhan? Iyan ba ang gusto ninyo? Sapagkat iyon ay tiyak na Siya, huwag magduda. Hindi, bagkus, puntahan natin Siya, sapagkat ang kabaitan ng Kanyang puso sa mga bata ng Samaria ay malaki”. At pagkatapos na maayos namin ang aming inaasikaso, pumunta kami rito. Nasaan ang mga bata?»

«Malapit sa daan ng tubig. Judas, lakad at sabihan sila na pumunta rito.»

Si Judas ay umalis.

«Guro, ito ay isang mahirap na pagkikita para sa amin. Nagpapaalaala sila sa amin ng lahat ng aming mga problema, at kami ay hindi pa makapagpasya kung tatanggapin namin sila. Sila ay mga anak ng pinakamasamang kaaway na nagkaroon kami kailanpaman...»

«Sila ay mga anak ng Diyos. Sila ay mga inosente. Ang kamatayan ay kinakansela nito ang nakaraan at ang pagbabayad-sala ay nakakakuha ng kapatawaran, mula rin sa Diyos. Gusto ba ninyong maging mas mahigpit pa kaysa sa Diyos? At mas malulupit ka kaysa sa mga mandarambong? At mas matitigas pa ang ulo kaysa sa kanila? Ang mga mandarambong ay gustong patayin ang bata-pang pastol at kunin ang mga bata: ang una bilang isang mahinahong hakbang ng depensa, ang huli ay dala ng pagkataong habag para sa walang-laban na mga bata. Ang Rabbi ay nagsalita sa kanila, at sila ay hindi pumatay at pumayag sila, hanggang sa dahil nila ang bata-pang pastol sa inyo. Kailangan Ko bang tanggapin ang pagkatalo sa matutuwid na puso, kung natalo Ko ang krimen?...»

«Ang problema ay... Kami ay apat na magkakapatid na lalaki, at mayroon nang tatlumpu’t pitong mga bata sa aming bahay...»

«At kung saan ang tatlumpu’t pitong maliliit na pipit ay nakakakita ng pagkain, dahil ang Ama sa Langit ay ginagawa silang makakita ng mga butil, wala bang makikita na kahit ano ang apatnapu? Ang kapangyarihan ba ng Ama ay hindi makapagbibigay ng pagkain para sa tatlo, hindi lang, bagkus, apat pang mga anak Niya? May limitasyon ba sa Kanyang dibinong Kalinga? Ang walang-hangganang Diyos ba ay matatakot na papagbungahin ang inyong mga binhi, inyong mga tanim at inyong mga tupa nang higit pa sa kasalukuyan, upang ang tinapay at langis at alak at lana at karne ay maging sapat para sa inyong mga anak at para sa apat pang kaawa-awang mga bata na ngayon ay mga nag-iisa na?»

«Tatlo, Guro!»

«Sila ay apat. Ang bata-pang pastol ay isang ulila rin. Kung ang Diyos ay magpapakita sa inyo ngayon dito, mapangangatawanan ba ninyo na ang inyong tinapay ay sukat-na-sukat na hindi ninyo mapapakain ang isang ulila? Ang awa para sa isang ulila ay ipinanunuto ng Pentateuch...»

«Hindi, hindi namin mapangangatawanan, Panginoon. Iyan ay totoo. Hindi kami magiging mas mababa pa kaysa sa mga mandarambong sa lansangan. Magbibigay din kami ng tinapay, damit at matutuluyan sa bata-pang pastol. At dala ng pagmamahal para sa Inyo.»

«Dala ng pagmamahal. Dala ng lahat na pagmamahal. Para sa Diyos, para sa Kanyang Mesiyas, para sa inyong kapatid na babae, para sa inyong kapwa. Iyan ang paggalang at ang pagpapatawad na kailangang ibigay sa inyong dugo! Hindi isang malamig na sepulkro para sa alikabok ng inyong kapatid. Ang kapatawaran ay kapayapaan. Kapayapaan para sa espiritu ng tao, na nagkasala. Ngunit ito ay magiging huwad at ganap na panlabas na kapatawaran lamang, at walang kapayapaan para sa espiritu ng namatay na babae, na inyong kapatid at ina ng mga bata, kung sa makatarungan na pambayad-sala ng Diyos magdadagdag kayo upang pahirapan siya, ng kaalaman na ang kanyang mga anak, bagamat mga inosente, ay pinagbabayaran-sala ang kanyang kasalanan. Ang awa ng Diyos ay walang-hangganan. Ngunit idagdag ang inyong sariling awa upang mabigyan ng kapayapaan ang patay na babae.»

«O! Gagawin namin iyan! Gagawin namin! Ang aming mga puso ay hindi sana makapapayag sa sino pa man, ngunit ito ay bumibigay sa Inyo, o Rabbi, katulad noong dumaan Kayo isang araw sa amin, naghahasik ng binhi na hindi namatay at hindi mamamatay.»

«Amen! Naririto ang mga bata...» at tinuturo ni Jesus sila sa pampang ng ilog, papalapit sa bahay, at tinawag Niya sila.

At iniwan nila ang mga kamay ng mga apostol at tumakbong sumisigaw: «Jesus! Jesus!» Sila ay pumasok, inaakyat nila ang hagdanan, sila ay nasa terasa at tumigil silang takót sa presensya ng napakaraming mga estrangherong nakatingin sa kanila.

«Halika, Ruben, at ikaw Eliseo, at ikaw, Isaac. Ang mga lalaking ito ay mga kapatid ng inyong ina at pumunta sila upang kunin kayo at isama kayo sa kanilang mga anak. Kita ninyo kung gaano kabuti ang Panginoon? Katulad nga lang ng kalapati ni Maria ni Jacob, na nakita natin noong makalawa na pinapakain ang isang maliit-pang kalapati na hindi kanya, bagkus anak ng patay na kapatid niya. Inipon Niya kayo at binibigay kayo sa mga taong ito upang sana kayo ay alagaan nila at kayo kung gayon ay hindi na magiging mga ulila. Halina kayo! Batiin ang inyong mga kamag-anak.»

«Ang Panginoon ay sumainyo, mga ginoo» sabi ng pinakamatanda nahihiya, tinitingnan ang lupa, at ang dalawang mas bata ay inuulit ang kanyang mga salita.

«Ang isang ito ay katulad-na-katulad ng kanyang ina, at ang isa rin na ito, ngunit ang isang ito (ang pinakamatanda) ay ang doble ng kanyang ama» wika ng isa sa mga kamag-anak.

«Aking kaibigan, hindi sa palagay Ko na ikaw ay napaka di-makatarungan na magmahal nang may-kaibahan dahil sa isang alaala ng mga mukha» sabi ni Jesus.

«O! hindi. Talagang hindi. Pinagmamasdan ko siya... at ako ay nag-iisip... Ayaw ko siyang magkaroon ng parehong puso katulad ng kanyang ama.»

«Siya ay isa pa ring murang bata, at ang kanyang simpleng mga salita ay nagbubunyag na ang kanyang pagmamahal para sa kanyang ina ay magpahanggang ngayon mas malalim pa kaysa sa alin pa mang pagmamahal.»

«Napangalagaan niya sila nang higit pa sa aming inaasahan. Ang kanilang mga damit at mga sapatos ay desente. Baka naging masuwerte siya...»

«Ang aking kapatid at ako ay may bagong mga damit sapagkat dinamitan kami ni Jesus. Kami ay wala ni sapatos o manta, kami ay katulad na eksakto ng pastol» sabi ng sumunod sa panganay na hindi takot-na-takot katulad ng panganay.

«Babayaran namin Kayo para sa lahat, Guro» tugon ng isa sa mga kamag-anak at dagdag pa niya: «Si Joachim ng Shechem ay nasa kanya ang mga alay ng bayan, ngunit magdadagdag pa kami ng ilan pang pera...»

«Hindi, ayaw Ko ng kahit anong pera. Gusto Ko isang pangako: na mamahalin ninyo ang mga batang ito na Aking naagaw mula sa mga mandarambong. Ang mga alay... Malachi, kunin mo iyon para sa mahihirap na kilala ninyo at ibigay ang ilan kay Maria ni Jacob, sapagkat ang kanyang bahay ay totoong kaawa-awa.»

«Ayon sa ibig Ninyo. Kung sila ay mababait mamahalin namin sila.»

«Magiging mababait kami, panginoon. Alam namin na kami ay kailangan na maging mababait upang makita namin ang aming ina at umakyat sa ilog, hanggang sa layo ng sinapupunan ni Abraham, at na kailangan namin na huwag alisin ang mga tali ng aming mga bangka mula sa mga kamay ng Diyos upang hindi matangay ng agos ng dimonyo» sabi ni Ruben lahat sa isang bugso lamang.

«Ngunit ano ang sinasabi ng bata?»

«Isang parabula na Aking kinuwento sa kanila. Kinuwento Ko ito upang maginhawahan ang kanilang mga puso at magabayan ang kanilang mga espiritu. At ang mga bata ay naintindihan ito at ginagamit nila ito sa ginagawa ng bawat isa sa kanila. Pagsanayan ito habang nagsasalita Ako sa mga taong ito mula sa Shechem...»

«Guro, isa pang salita. Ang nakapagpapamangha sa amin sa mga mandarambong ay ang tungkol sa kanilang hiling na sabihan ang Rabbi, kung Kanino naroroon ang mga bata, na sila ay patawarin, kung sila ay natagalan sa pagdating, tinitingnan na hindi lahat ng daan ay bukas sa kanila at na ang presensya ng isang bata sa pagitan nila ay napipigilan silang maglakad ng mahahabang distansiya sa gitna ng mababangis na bangin.»

«Napakinggan mo ba iyon, Judas?» sabi ni Jesus kay Judas na hindi tumutugon.

Pagkatapos pumunta si Jesus sa isang tabi kasama ang mga tao mula sa Shechem, na namimilit ng isang pangako mula sa Kanya ng isang dalaw, kahit na maikling dalaw lang, bago dumating ang init ng tag-init. At sa pansamantala sinasabi nila kay Jesus ang mga magaganap sa bayan, at sinasabi nila sa Kanya na ang mga napagaling Niya, sa kanilang mga katawan o mga kaluluwa, ay naaalaala Siya.

Sina Judas at Juan sa pansamantala ay abalá ginagawa ang mga bata na makihalubilo sa kanilang mga kamag-anak...

100412

 

 


Sunod na kabanata