556. Ang Parabula tungkol sa Patak na Humukay sa bato.

Enero 21, 1947.

Si Jesus ay naglalakad sa tabi ng isang nangungulilang daan. Ang mga kamag-anak ng mga bata ay nasa unahan, ang mga tao mula sa Shechem ay nasa tabi Niya. Sila ay nasa isang mabangis na lugar. Walang bayan ang makikita. Ang mga bata ay naisakay sa ilang mga asno at ang kanilang mga kamag-anak ang humahawak sa mga renda at nagbabantay sa kanila. Ang mga asnong walang nakasakay, dahil ang mga tao ng Shechem ay mas ginusto pang maglakad upang mapalapit kay Jesus, ay nasa unahan ng mga tao, sa isang grupo at nag-iingay, paminsan-minsan, para sa tuwa na sila ay bumabalik sa kanilang mga establero, nang walang kahit anong nakasakay, sa isang magandang bahay, sa pagitan ng dalawang pampang na natatakpan ng sariwang damo kung saan inilulubog nila ang kanilang mga nguso paminsan-minsan upang makakain ng kaunti, pagkatapos nagpaliku-liko ng lakad na may malugod na hakbang at sinamahan ang kanilang mga kasamahan na mga nakasakay na tao. Na nagawa ang mga bata na tumawa.

Si Jesus ay nagsasalita sa mga tao ng Shechem o nakikinig sa kung ano ang kanilang sinasabi. Ang mga Samaritano ay kitang-kitang nagmamalaki na makasama nila ang Guro at sila ay nangangarap pa nang higit pa sa kung ano ang maginhawa. Kung kaya't sinasabi nila kay Jesus, tinuturo ang matataas na bundok sa kaliwa ng mga taong naglalakad patungo sa hilaga: «Kita Ninyo? Ang Mount Ebal at ang Mount Gerizim ay may masamang reputasyon. Ngunit, sa ganang Inyo man lamang, sila ay mas maganda pa kaysa sa Zion. At sila ay ganap na magiging ganyan, kung gugustuhin Ninyo iyan, sa pagpili Ninyo sa kanila bilang Inyong lugar-tirahan. Ang Zion ay laging ang lungga ng mga Jebusite. At ang kasalukuyang mga Jebusite ay mas malupit sa Inyo kaysa ang lumang mga Jebusite ay naging malupit kay David. Sa paggamit ni David nang dahas nasakop niya ang citadel; ngunit sa dahilan na hindi Kayo gumagamit ng dahas, hindi Kayo kailanman maghahari doon. Hindi kailanman. Manatili Kayo sa amin, Panginoon, at amin Kayong pararangalan.»

Si Jesus ay tumugon: «Sabihin ninyo sa Akin: mamahalin ba ninyo Ako kung sinubukan Ko kayong masakop sa pamamagitan ng dahas?»

«Hindi... sa katotohanan. Minamahal namin Kayo sapagkat Kayo ay lahat pagmamahal.»

«Kung gayon ito ay sa pamamagitan ng pagmamahal na Ako ay naghahari sa inyong mga puso?»

«Oo, iyan nga, Guro. Ngunit ito ay ganito sapagkat tinanggap namin ang Inyong pagmamahal. Ngunit ang mga nasa Herusalem ay hindi Kayo minamahal.»

«Iyan ay totoo. Hindi nila Ako minamahal. Ngunit sa dahilan na kayong lahat ay batikan sa pangangalakal, sabihin sa Akin: kapag gusto ninyong magbenta, bumili at kumita, nawawalan ba kayo ng lakas-ng-loob sa ilang mga lugar dahil ang mga tao ay hindi kayo minamahal, o nangangalakal pa rin kayo gayunpaman, dahil interesado lamang kayo na makapamili nang maganda at makapagbenta nang maganda, binabale-wala kung ang pera na kinita ninyo ay walang pagmamahal ng mga nagbenta o bumili sa inyo?»

«Interesado lamang kami na makapangalakal. Walang anuman kung wala itong pagmamahal ng mga nakausap namin. Kapag natapos na ang transaksiyon, wala nang koneksiyon pa. Ang kinita lamang ang nananatili, ang iba... ay walang importansiya.»

«Bueno, ganyan din ang ginagawa Ko. Dahil pumunta Ako para tingnan ang mga interes ng Aking Ama, sila lamang ang kailangan Kong asikasuhin. Pagkatapos kung makakita Ako ng pagmamahal o paninira o kagaspangan kung saan Ko hinahanap sila, balewala ito sa Akin. Sa isang bayan kalakalan ang isa ay hindi gumagawa ng kikitain, pamimili o pagbebenta sa lahat. Ngunit kung ikaw ay nakipagkalakalan sa isang tao lamang at kumita ka nang maganda sasabihin mo na ang iyong paglalakbay ay hindi nasayang at babalik ka ulit at ulit pa. Sapagkat kung ano ang nagawa mo kausap ang isang tao lamang sa unang pagkakataon, ay magagawa mo kausap ang tatlong tao sa ikalawang pagkakataon, at pito sa ikaapat, sampu sa susunod at sampu sa susunod ulit. Hindi ba’t ganito ito? Ako ay kumikilos para sa pagsakop sa Langit, katulad ng ginagawa ninyo sa inyong negosyo. Ako ay namimilit, nagpupursige. Nakikita Ko na ang maliit, sa bilang, o ang malaki ay sapat, sapagkat kahit isa lamang na kaluluwa na maligtas ay isang malaking bagay, ang malaking gantimpalang makukuha sa pamamagitan ng Aking gawa. Sa tuwing pupunta Ako kahit saan at natatalo Ko anuman ang maaaring naging reaksiyon ng Tao, upang bilang Hari ng espiritu isang espiritu lamang ang makuha Ko, hindi Ko sinasabi na ang Aking pagpunta roon ay walang kabuluhan o na Ako ay naghirap o nagtrabaho nang walang saysay. Bagkus sasabihin Ko na ang panunuya, mga insulto, mga akusasyon ay banal, nagmamahal at kaibig-ibig. Hindi Ako magiging isang mabuting kongkistador kung Ako ay tumitigil sa harapan ng mga sagabal ng granitong mga kuta.»

«Ngunit aabútin Kayo nang napakatagal na panahon upang matalo sila. Kayo... ay isang tao. Hindi Kayo mabubuhay nang napakatagal. Bakit magsayang Kayo ng panahon sa kung saan hindi Kayo ginugusto?»

«Mabubuhay Ako nang mas maikli pa. Hindi lang, bagkus, malapit na Akong mawala sa pagitan ninyo. Hindi Ko na makikita ang mga pagsikat ng araw katulad ng mga palatandaan ng mga araw na dumarating at ng mga araw na nagtatapos, bagkus Akin na lamang silang pagninilayan bilang ang mga kagandahan ng sangnilikha at para sa kanila papupurihan Ko ang Tagapaglikha Na gumawa sa kanila at Na siyang Aking Ama; hindi na Ako makakakita ng mga punong namumulaklak at butil na nahihinog, ni kakailanganin Ko pa ang mga bunga ng lupa upang manatiling buháy, sapagkat pagbalik Ko sa Aking Kaharian, pagmamahal ang Aking kakainin. Ngunit sa kabila nito gigibain Ko ang maraming kuta na sarado sa loob ng puso ng mga tao. Tingnan ang batong iyon sa itaas doon, sa ibaba ng bukal na iyon, sa dalisdis ng bundok. Ang bukal ay napakaliit, sasabihin Ko na ang tubig ay hindi dumadaloy, bagkus ito ay pumapatak: isang patak na patak nang patak sa loob ng napakatagal nang panahon sa batong iyon na nakausli mula sa tabi ng bundok. At ang bato ay isang napakatigas na bato. Hindi ito ang napupulbos na apog o malambot na alabaster, ito ay napakatigas na basalto. Ngunit sa kabila nito tingnan kung gaano sa gitna ng umbok ng bato, at sa kabila ng hugis nito, ang isang maliit na latag ng tubig ay naporma, hindi lalaki pa sa takupis ng isang water-lily, ngunit sapat nang masalamin ang asul na kalangitan at makapawi ng uhaw ng mga ibon. Ang tao ba kaya ang may gawa ng butas sa umbok na bato upang maglagay ng asul na hiyas sa maitim na bato at isang kopa ng pamatid-uhaw para sa mga ibon? Hindi. Walang kinalaman ang tao dito. Sa loob ng maraming siglo na ang mga tao ay dumaan sa harapan ng batong ito na inuukaan nang matagal na ng isang patak ng tubig sa pamamagitan ng walang-tigil na paulit-ulit na nakakapupudpod na aksiyon, baka tayo ang unang nakapuna sa maitim na basaltong bato na may likidong turkesa sa gitna, hinahangaan natin ang kagandahan nito at pinupuri natin ang Eternal na Ama, Na ginusto ito upang masiyahan ang ating mga mata at mapainom ang mga ibon na may mga pugad sa malapit. Ngunit sabihin sa Akin. Ang unang patak ba kaya na tumulo mula sa ilalim ng nakausling basaltong bato sa itaas at bumagsak mula sa taas na iyan sa batong ito, ang unang patak kayang iyon ang maygawa sa kopa na sumasalamin sa kalawakan, sa araw, sa mga ulap at mga bituin? Hindi. Milyun-milyon na mga patak na nagkasunud-sunod, na tumutulong katulad ng mga luha mula sa itaas doon, kumikislap habang ito ay bumabagsak ang tumama sa bato at tumitigil doon nang may tunog ng isang lira, at humukay sa matigas na materyal ng napakaliit na butas na di-masusukat. At ganyan sa loob ng napakahabang panahon, minamarkahan ang panahon katulad ng isang sandglass, napakaraming patak sa bawat oras, napakarami sa loob ng isang pagbabantay, napakarami sa pagitan ng pagsikat-ng-araw at isa pang pagsikat-ng-araw, at sa pagitan ng gabi at pagbukanliwayway, napakarami sa bawat araw, napakarami mula sa Sabbath at isa pang Sabbath, napakarami mula sa bagong buwan hanggang sa susunod na bagong buwan, napakarami mula sa Nisan hanggang sa isa pang Nisan, at mula sa isang siglo hanggang sa susunod na siglo. Ang bato ay lumaban, ang patak namilit. Ang tao, na mapagmalaki at kung gayon walang pasensya at tamad, ay baka itinapon na ang pamukpok at lukob pagkatapos ng unang mga hampas nagsasabing: “Hind ito mauukaan”. Ang patak ay nahukayan ito. Iyon ay kung ano ang kailangang gawin nito. Kung para sa ano nilikha ito. At ito ay dumaing, sa bawat patak, sa loob ng napakahabang panahon, hanggang naukaan nito ang bato. At pagkatapos hindi ito tumigil, nagsasabing: “Ngayon ang kalangitan ang bahala na tustusan ang kopa, na aking hinukay, sa pamamagitan ng mga hamog at ulan, sa pamamagitan ng nagyelong hamog at niyebe”. Ngunit nagpatuloy ito sa pagpatak at sa pamamagitan nito napupuno nito mismo ang munting kopa sa loob ng mainit na mga buwan ng tag-init, sa loob ng kasagsagan ng taglamig, habang ang ulan na bumabayo o umaambon ay napakukulot ang latag na tubig hindi nito mapakisig o mapalawak o mapalalim ito, dahil ito ay puno na, may-pakinabang na at maganda na. Nalalaman ng bukal na ang mga anak nito, ang mga patak, ay nahuhulog upang mamatay sa maliit na lunas, ngunit hindi niya ito pinipigil. Sa kabaligtaran, pinasisige sila nito patungo sa kanilang sakripisyo, at upang maiwasan na sila ay nag-iisa at maging malungkot, nagpapadala ito ng bagong mga kapatid pagkatapos nila, upang ang namamatay na mga patak ay hindi malungkot at upang makita ang kanilang mga sarili na ipinagpapatuloy ng iba. Katulad din nito, Ako bilang ang una na humampas sa solidong mga kuta ng tumigas na mga puso libu-libong beses at ipinagpapatuloy ng Aking mga tagapagpatuloy, na Aking ipadadala hanggang sa katapusan ng panahon, magbubukas Ako ng isang daan patungo sa kanila at ang Aking Batas ay papasok katulad ng isang araw saan man  may mga taong nilikha. Kung tanggihan nila ang Liwanag ay isara ang mga daan na binuksan sa pamamagitan ng walang-kapaguran na pagtatrabaho, ang Aking mga tagapagpatuloy at Ako ay walang kasalanan sa mga mata ng aming Ama. Kung ang bukal na iyon ay sinundan ang ibang daan, nakikita ang katigasan ng bato, at bumagsak na mga patak sa mas malayo, kung saan ang lupa ay natatakpan ng damo, sabihin sa Akin, magkakaroon ba tayong ng nagniningning na hiyas na iyon, at ang mga ibon ba ay magkakaroon ng malinis na pamatid-uhaw na iyon?»

«Hindi, ni hindi sana iyon nakita, Guro»; «Sa pinakamaganda na... ang ilang damo, na makapal din sa tag-init, ang magbubulgar kung saan tumulo ang bukal» «O... ang mas kakaunting damo rin kaysa sa ibang lugar, dahil ang mga ugat ay nabulok sa pagkabasa ng lupa nang walang-katapusan»; At putik, Wala nang iba. Kung gayon walang-pakinabang na patak.»

«Tama kayo. Walang-pakinabang, o walang halaga man lamang. Nakagawa rin sana Ako ng di-perpektong gawain, kung mas ginusto Ko lamang ang mga lugar kung saan ang mga puso ay pumapayag na tanggapin Ako dala ng katarungan o pagkagiliw. Sapagkat magtatrabaho Ako nang walang pagod, hindi lamang, bagkus, may malaking kasiyahan ng Aking kaakuhan, may pagpayag na pagsamahin ang panunungkulan at pagpapakasarap. Hindi nakakapagod na magtrabaho kung saan ang isa ay pinaliligiran ng pagmamahal at kung saan ang pagmamahal ay nagagawa ang mga kaluluwa na malambot trabahuhin. Ngunit kung saan walang pagod wala diyan merito, ni wala rin labis na kita sapagkat kakaunti ang makukuha kung lilimitahan ng isa ang sarili sa mga taong nasa panig na katarungan. Hindi Ako magiging ang Aking Sarili kung hindi Ko sinubukan na tubusin ang lahat ng tao una patungo sa Katotohanan at pagkatapos sa Grasya.»

«At sa palagay ba Ninyo Kayo ay magtatagumpay? Ano pa ang Inyong magagawa bilang karagdagan sa nagawa na Ninyo na makumbinsi ang Inyong mga kaaway na tanggapin ang Inyong salita? Ano, kung ni ang Inyong pagbangon muli mula sa kamatayan ng lalaki sa Bethany ay hindi nagsilbi na magawa ang mga Hudyo na magsabi na Kayo ang Mesiyas ng Diyos?»

«Mayroon pa Akong isang bagay na mas dakila pa na gagawin, isang bagay na mas dakila pa kaysa diyan.»

«Kailan, Panginoon?»

«Kapag ang buwan ng Nisan ay kabilugan na. Magmasid nang mabuti diyan.»

«Magkakaroon ba ng tanda sa kalangitan? Sinasabi nila na nang Kayo ay pinanganak ipinaalam ito ng kalangitan sa pamamagitan ng mga liwanag, mga awit at pambihirang mga bituin.»

«Iyan ay totoo. Upang sabihin sa mga tao na ang Liwanag ay dumating na sa mundo. Pagkatapos, sa buwan ng Nisan, ay magkakaroon ng mga tanda sa kalangitan at sa lupa, at ito ay maghihitsurang tila katapusan na ng mundo, dahil sa kadiliman at sa pag-alog at sa pag-atungal ng kulog sa papawirin at ng mga lindol sa nabuksan na mga bituka ng Lupa. Ngunit ito ay hindi ang katapusan. Sa kabaligtaran, ito ang simula. Dati, noong Ako ay dumating, pinanganak ng Langit ang Tagapagligtas para sa mga tao, at sa dahilan na iyon ay isang gawa ng Diyos, kapayapaan ang kasama ng pangyayari. Sa Nisan ang Lupa, sa pamamagitan ng sariling malayong kalooban nito, ay ipanganganak ang Tagapagtubos para sa sarili nito, at sa dahilan na ito ay magiging isang gawain ng mga tao, ang kapayapaan ay hindi magiging ang kasama nito. Ngunit magkakaroon ng nakamamatay na kombulsiyon. At sa loob ng takot ng oras ng siglo at ng impiyerno, ang Lupa ay wawasakin nito ang sinapupunan nito sa ilalim ng umaapoy na mga palaso ng dibinong galit, at isisigaw ang kalooban nito, labis na nalasing upang maintindihan ang kahulugan nito, labis na nalulukuban ni Satanas upang patigilin ito. Katulad ng isang baliw na babae na nasa panganganak, iisipin nito na sinisira nito ang bunga na pinaniniwalaan na sumpa, at hindi nito maiintindihan na sa halip itinataas ito nito sa mga lugar kung saan hindi ito maaabot ng kapighatian o ng mga patibong. Ang punungkahoy, ang bagong punungkahoy, ay pagkatapos paabutin nito ang mga sanga nito sa buong Lupa, magpasawalanghanggan at kailanpaman, at Siya Na nagsasalita sa inyo ay kikilalanin, nang may pagmamahal o nang may kapootan, bilang ang totoong Anak ng Diyos at ang Mesiyas ng Panginoon. At kapahamakan sa mga makakikilala sa Kanya nang hindi ito tinatanggap at nang hindi nakukumberti sa Akin.»

«Saan iyan mangyayari, Panginoon?»

«Sa Herusalem. Iyan ang siyudad ng Panginoon.»

«Kung gayon hindi kami mapupunta roon sapagkat sa buwan ng Nisan kailangan na naririto kami para sa Paskuwa. Kami ay tapat sa aming Templo.»

«Mas mabuti pa kung kayo ay tapat sa buháy na Templo na wala sa Moria o sa Gerizim, bagkus bilang dibino, ay pansansinukuban. Ngunit makapaghihintay Ako para sa inyong oras, kung kailan mamahalin ninyo ang Diyos at ang Kanyang Mesiyas sa espiritu at katotohanan.

«Naniniwala kami na Kayo ang Kristo. Iyan kung bakit minamahal namin Kayo.»

«Ang magmahal ay ang iwanan ang nakaraan at pasukin ang Aking kasalukuyang panahon. Hindi pa ninyo Ako minamahal nang perpekto.»

Ang mga Samaritano ay nagkakatinginan nang patago nang hindi nagsasalita. Pagkatapos ang isa sa kanila ay nagsabi: «Alang-alang sa Inyo, ang pumunta sa Inyo ay gagawin namin. Ngunit kahit na kung gustuhin namin, hindi kami makakapasok kung saan may mga Judaean. Nalalaman Ninyo iyan. Hindi nila kami gusto...»

«At ayaw ninyo sa kanila. Ngunit maging nasa kapayapaan. Bago magtagal hindi na magkakaroon ng dalawang rehiyon, dalawang Templo, dalawang magkasalungat na mga opinyon, bagkus isang sambayanan na lamang, isang Templo lamang, isang pananampalataya na lamang para sa lahat na nananabik para sa Katotohanan. Ngunit iiwanan Ko na kayo ngayon. Ang mga bata sa ngayon ay napaginhawahan na at ang kanilang atensiyon ay naibaling na sa iba, at mahaba ang Aking daan pabalik sa Ephraim upang makarating doon bago dumilim. Huwag mabalisa. Ang inyong kilos ay baka makakuha sa atensiyon ng mga bata, at mas mabuti pa kung hindi nila mapapansin ang Aking pag-alis. Lakad na, titigil Ako rito. Harinawang gabayan kayo ng Panginoon sa mga landas ng Lupa at sa mga landas ng Kanyang Daan. Lakad.»

Si Jesus ay lumapit sa bundok at hinayaan silang makaalis. Ang huling bagay na mapupuna, tungkol sa karabana na bumabalik sa Shechem, ay ang masayang halakhak ng isang bata na kumakalat sa tabi ng tahimik na daan ng bundok.

120412

 


Sunod na kabanata