557. Ang mga Peregrino Dumating sa Ephraim Mula sa Decapolis. Ang Lihim na Misyon ni Manaen.

Enero 22, 1947.

Ang balita na si Jesus ay nasa Ephraim, baka dahil sa ang mga mamamayan mismo ay pinagmamalaki ito, o dahil sa ibang rason na hindi ko alam, ay maaaring kumalat na dahil maraming tao ang dumarating ngayon na mga naghahanap para kay Jesus: karamihan may sakit, ang ilan mga nalulungkot at may ilan din na ibig na makita Siya. Nalaman ko ito dahil napakinggan ang Iskariote na nagsasabi sa isang grupo ng mga peregrino na mga nanggaling sa Decapolis: «Ang Guro ay wala rito. Ngunit si Juan at ako ay naririto at ito ay ganoon din. Kung kaya't sabihin ninyo sa amin kung ano ang gusto ninyo at pasasayahin namin kayo.»

«Ngunit hindi ninyo kailanman maituturo ang Kanyang tinuturo» sabi ng isa nagpoprotesta.

«Kami ang Kanyang mga tagapangatawan at makatarungan kami katulad Niya, mamâ. Laging itanim iyan sa isip. Ngunit kung talagang gusto ninyong mapakinggan ang Guro bumalik kayo bago ang Sabbath at umalis kayo pagkatapos niyan. Ang Guro ngayon ay isang tunay na Guro. Hindi na Siya nagsasalita sa lahat na mga kalsada, sa mga kakahuyan o mabatong mga bundok katulad ng isang naliligaw, at sa lahat ng mga oras katulad ng isang katulong. Nagsasalita Siya sa araw ng Sabbath dito, katulad na siyang bagay sa Kanya. Tama Siya, kung titingnan kung ano ang Kanyang nakukuha sa pagpapakapagod Niya sa pagmamahal!»

«Ngunit hindi namin kasalanan kung ang mga Judaean...»

«Ang lahat! Ang lahat! Kapwa ang mga Judaean at di mga Judaean! Kayong lahat ay magkakapareho at magiging laging ganyan. Naibigay Niya sa inyo ang lahat. Kayo ay walang naibigay sa Kanya. Siya ay nagbibigay. Kayo ay hindi nagbibigay; ni kahit na ang katiting, na binibigay ng isang iyon sa isang pulubi.»

«Ngunit mayroon kaming isang alay para sa Kanya. Nandito ito, kung hindi kayo maniwala sa amin.»

Si Juan na kanina pa nananahimik lagi, ngunit kitang-kitang napapahiya, tinitingnan si Judas ng may mga matang nangungusap at nanunumbat, o kung baga nanghihimok sa kanya, ay hindi na makapanahimik. At nang inuunat na ni Judas ang kanyang kamay upang kunin ang alay, hinawakan niya ang kamay ni Judas at nagsabi sa kanya: «Hindi, Judas. Huwag. Alam mo ang utos ng Guro» at kanyang kinakausap ang peregrino nagsasabing: «Si Judas ay hindi niya naipaliwanag nang maganda ang kanyang sarili at hindi ninyo siya naintindihan. Hindi iyan ang ibig sabihin ng aking kasamahan. Ang alay lamang ng sinsirong pananampalataya, ng tapat na pagmamahal ang siyang amin, akin, ng aking mga kasamahan, ninyo, ng lahat ang kailangang ibigay para sa kung ano ang binibigay ng Guro sa atin. Noong kami ay umiikot sa Palestina, tinanggap namin ang inyong mga alay sapagkat kinakailangan iyon para sa aming mga paglalakbay at dahil nakakasalubong kami ng maraming mga pulubi, o nakakatagpo kami ng mga problema na hindi namin inaasahan. Ngayon, dito, wala kaming pangangailangan – papurihan sana ang Katalagahan para diyan – at wala kaming nasasalubong na mga pulubi. Itago ninyo ang inyong alay at ibigay iyan sa nalulungkot na mga tao sa ngalan ni Jesus. Iyan ang mithiin ng aming Panginoon at Guro, at ang utos na binibigay Niya sa amin na nag-eebanghelyo sa iba't ibang mga bayan. Kung mayroon kayong kasamang mga may-sakit o sinuman na kailangang-kailangang makausap ang Guro, sabihin sa amin. At hahanapin ko Siya kung saan Siya pumupunta upang magdasal, sa dahilan na ang Kanyang espiritu ay nananabik na maipon ang mga naiisip nito sa Panginoon.»

Si Judas ay may ibinubulong sa pagitan ng kanyang mga ngipin ngunit hindi siya nangunguntra nang hayagan. Naupo siya sa tabi ng paapuyan kung saan may apoy nang lumalagablab, na tila nawalan na siya ng interes sa pinag-uusapan na bagay.

«Sa katunayan... wala kaming anumang espesyal na pangangailangan. Ngunit napakinggan namin na Siya ay naririto at tinawid namin ang ilog upang pumunta rito at makita Siya. Ngunit kung mali ang nagawa namin...»

«Hindi, mga kapatid. Hindi mali na mahalin Siya at hanapin din Siya nang dumaraan sa maraming problema at pagod. At ang inyong mabuting kalooban ay gagantimpalaan. Lalakad ako at sasabihan ang Panginoon na kayo ay naririto at Siya ay tiyak na darating. At kung Siya ay hindi darating dadalhin ko sa inyo ang Kanyang pagpapalà.» At si Juan ay lumabas patungo sa pangkusinang-hardin upang lumabas at hanapin ang Guro.

«Hindi na bale! Ako ang pupunta» sabi ni Judas nang mapagmataas at siya ay tumayo at tumakbong lumabas.

Si Juan ay tinitingnan siyang lumalayo at hindi gumagawa ng kahit na anong pagtutol. Bumalik siya ulit sa kusina kung saan ang mga peregrino ay nagkukumpul-kumpulan. Ngunit halos kaagad nagmungkahi siya: «Pupunta ba tayo upang salubungin ang Guro?»

«Ngunit kung ayaw Niya...»

«O! Pakiusap huwag bigyan ng importansiya ang isang hindi pagkakaunawaan. Tiyak na nalalaman ninyo kung bakit kami naririto. Gawa ng ibang mga tao na ang Guro ay napilitan na gawin ang mga pagpipigil na hakbang na ito, ito ay hindi ayon sa Kanyang kalooban o sa Kanyang puso. Siya ay laging nagigiliw sa inyong lahat kailanpaman.»

«Alam namin iyan. Sa unang mga araw pagkatapos na pinahayag sa madla ang pagbabawal sa Kanya ang lahat ay naghahanap para sa Kanya sa kabila ng Jordan at sa kung saan sa akala nila Siya matatagpuan. Sa Bethabara, sa Bethany, sa Pella at sa Ramoth-Gilead at sa mas malalayo pa. At alam namin na ganito rin ang nangyari sa Judaea at sa Galilee. Ang mga bahay ng Kanyang mga kaibigan ay mahigpit na binabantayan sapagkat... kung marami ang Kanyang mga kaibigan at mga disipulo, marami rin ang mga hindi ganyan, at iniisip nila na pinaglilingkuran nila ang Kataastaasan sa pang-uusig sa Guro. Pagkatapos ang paghahanap ay bigla na lamang tumigil at ang sabi-sabi ay kumalat na Siya ay naririto.»

«Ngunit sino ang nagsabi sa inyo?»

«Ang Kanyang mga disipulo.»

«Ang aking mga kasamahan? Saan?»

«Hindi. Wala sa kanila. Sila ay iba, mga bagong disipulo, sapagkat hindi namin sila kailanman nakita kasama ang Guro o ng matatandang disipulo. Sa katunayan kami ay nagtaka na Siya ay magpapadala ng mga tao na hindi namin kilala upang sabihin sa amin kung nasaan Siya, pagkatapos naisip namin na baka ginawa Niya iyon dahil ang bagong mga tauhan ay hindi kilala ng mga Judaean bilang Kanyang mga disipulo.»

«Hindi ko alam kung ano ang sasabihin sa inyo ng Guro. Ngunit sa palagay ko magmula ngayon dapat makinig lamang kayo sa kilala ninyong mga disipulo. Maging mahinahon. Ang lahat sa lugar na ito ay alam kung ano ang nangyari sa Baptista...»

«Sa palagay mo ba na...»

«Kung si Juan, na kinapopootan lamang ng isang babae, ay hinuli at pinatay, ano ang mangyayari kay Jesus, Na kinapopootan kapwa ng Maharlikang Palasyo at ng Templo, pati na rin ng mga Pariseo, mga eskriba. Mga pari at mga Herodian? Kung kaya't maging alerto, upang pagdating ng araw hindi sana kayo magsisi... Ngunit naririto na Siya. Tayo na at salubungin Siya...»

--------------------

Ito ay ang kalaliman ng gabi. Isang walang buwan ngunit mabituin na gabi. Hindi ko masasabi kung anong oras na ngayon dahil hindi ko makita ang pusisyon o ang pagbabago ng buwan. Nakikita ko lamang na ngayon ay isang malinis na gabi. Ang buo ng Ephraim ay nawala sa maitim na talukbong ng gabi. Ang ilog din ay isang ingay lamang, wala nang iba. Ang pagbula at ang pagkislap nito ay ganap na nawala sa ilalim ng berdeng kisame ng mga punungkahoy sa mga pampang nito sa dahilan na nahaharangan nila ang mahinang liwanag ng mga bituin.

May isang gabing-ibon na umiiyak kung saan. Pagkatapos ito ay naging tahimik dahil sa kaluskos na ingay ng putul-putol na mga sanga at mga tambo, isang ingay na papalapit nang papalapit sa bahay sinusundan ang ilog at nanggagaling sa tabi ng bundok. Pagkatapos ang isang matangkad na malakas na pigura ang lumitaw mula sa pampang paakyat sa landas na umaakyat patungo sa bahay. Ito ay tumigil nang sandali na tila inaalam kung nasaan na ito. Sinusundan nito ang pader sa pagkapa ng mga kamay nito. Natagpuan nito ang pintuan. Hinihipo ito nito nang bahagya at nagpatuloy. Nangangapa pa rin lumiko ito sa kanto ng bahay, at nagpatuloy hanggang sa layo ng maliit na tarangkahan ng pangkusinang-hardin. Ito ay nalito sa pintuan ng kusina. Ito pagkatapos ay nagpatuloy hanggang sa layo ng hagdanan na nasa labas, ito ay umaakyat nang nangangapa at naupo sa huling baytang, isang maitim na kulay sa loob ng anino. Ngunit sa banda roon, sa silangan, ang kulay ng kalangitan sa gabi – isang madilim na kulandong na makikilala lamang kung ano ito sa pamamagitan ng mga bituin na nakatanim dito – ay nagsisimula nang magbago ang kulay nito, ibig sabihin, nagkakaroon ng kulay na makikita ng mata bilang gayon: isang pisarang-abuhin na nagmumukhang katulad ng mausok na ulap at walang iba bagkus ang unang liwanag ng pagsikat-ng-araw na parating. At ito ay ang bagong pang-araw-araw na himala ng liwanag na unti-unting bumabalik.

Ang taong nakakuyukot sa baytang, isang kumpol na natatakpan ng isang maitim na manta, ay gumalaw, inuunat ang mga kamay, itinaas ang ulo nito hinahawi ang manta patungo sa likod nito. Ito ay si Manaen. Nakadamit na katulad ng pangkaraniwang tao ng isang mabigat na kulay-kapeng tunika at ng manta na gayon din ang kulay. Isang magaspang na tela, katulad ng sinusuot ng mga manggagawa o mga peregrino, walang mga palamuti, mga hibilya o mga sinturon. Ang isang magkakasalabat na delanang kordon ang naghihigpit sa damit sa kanyang baywang. Siya ay tumayo at inuunat ang kanyang sarili. Tinitingnan niya ang kalangitan, kung saan ang dumarating na liwanag ay nagagawa ang mga kapaligiran na makita.

Ang isang pinto sa ibaba ay nagbubukas lumalangitngit. Si Manaen ay dumungaw nang hindi gumagawa ng kahit anong ingay upang tingnan kung sino ang lumalabas ng bahay. Ito ay si Jesus, Na maingat na isinasara muli ang pinto at kumilos patungo sa hagdanan. Si Manaen ay umatras nang kaunti at nililinis ang kanyang lalamunan upang makuha ang atensiyon ni Jesus, Na tumingala, tumitigil sa kalahatian ng hagdan.

«Ako ito, Guro, si Manaen. Halikayong mabilis sapagkat kailangan kong magsalita sa Inyo. Matagal ko na Kayong hinihintay...» bulong ni Manaen at siya ay yumuyuko upang batiin si Jesus.

Inakyat ni Jesus ang huling mga baytang: «Kapayapaan sa iyo. Kailangan ka dumating? Papaano? Bakit?» nagtatanong Siya.

Sa palagay ko nakatuntong ako rito pagkatapos kaagad ng pagtilaok ng manok. Ngunit ako ay nasa mga palumpungan, sa ibaba roon sa ilalim, nang ikalawang pagbabantay.»

«Sa buong gabi sa bukás na lugar!»

«Hindi ito magagawa sa ibang paraan. Kinailangan ko mismo Kayong makausap. Kinailangan kong malaman kung alin na daan ang aking kukunin, alin ang bahay, nang walang nakakakita. Kung gayon lumakad ako nang araw at nagtago sa kakahuyan sa itaas doon. Nakita ko ang pamumuhay na kumalma sa ibaba sa bayan. Nakita ko sina Judas at Juan na pumasok sa bahay. Hindi, bagkus, si Juan ay dumaan nang napakalapit sa akin dala ang kanyang pasan na mga panggatong na kahoy. Habang may sapat pang liwanag na makakita, nakita ko ang isang matandang babae na pumasok at lumabas sa bahay, at ang liwanag ng apoy sa kusina, at nakita ko Kayong bumaba mula rito sa loob ng lumalalim na takip-silim. Pagkatapos ang bahay ay isinara. Pagkatapos pumunta ako rito sa loob ng liwanag ng bagong buwan at pinag-aralan ko ang daan. Pinasok ko rin ang pangkusinang-hardin. Ang maliit na tarangkahan ay mas walang pakinabang kaysa sa wala na lamang tarangkahan. Napakinggan ko ang inyong mga tinig. Ngunit kinailangan kong magsalita sa Inyo lamang. Ako ay umalis upang bumalik sa ikatlong pagbabantay at makapunta rito sa bahay. Alam ko na Kayo ay pangkaraniwan na bumabangon bago sumikat ang araw upang magdasal. At umaasa ako na gagawin din Ninyo ito ngayon. Pinupuri ko ang Kataastaasan na ganito nga ito.»

«Ngunit bakit kinailangan mo Akong makita nang may labis na kaabalahan?»

«Guro, sina Jose at Nicodemus ay gusto Kayong makausap at iniisip nila na gawin ito sa pamamaraan na maiiwasan ang pagmamanman ng lahat. Gumawa sila ng ibang pagtatangka, ngunit si Beelzebub ay maaaring labis na tinutulungan ang Inyong mga kaaway. Sa bawat pagkakataon kinailangan nilang huwag ituloy ang kanilang pagpunta, sapagkat ang kanilang mga  bahay at ang kay Nike ay patuloy na minamanmanan. Sa katunayan ang babae ay dapat na pumunta rito bago ako. Siya ay isang malakas na babae at siya ay naglakad nang mag-isa patungo sa bundok ng Adummim. Ngunit siya ay sinundan nila at pinatigil sa Bloody slope¹, at upang hindi maibunyag ang Inyong kinaroroonan at mapangatwiranan ang mga pagkain na dala niya sa kanyang sinasakyang hayop, sinabi niya: “Papunta ako sa isa sa aking mga kapatid na nasa isang gruta sa mga bundok, kung ibig ninyong sumama, dahil tinuturo ninyo ang doktrina ng Diyos, makagagawa kayo ng isang banal na gawa, sapagkat siya ay may sakit at nangangailangan ng Diyos”. At sa pamamagitan ng kanyang paglalakas-loob nakumbinsi niya sila na umalis. Ngunit hindi na siya nangahas na pumunta pa rito at totoong lumakad siya upang makita ang tao na sinabi niya na naninirahan sa isang gruta at ipinagkatiwala sa kanya Ninyo.»

«Iyan ay totoo. Ngunit pagkatapos, papaano nagawa ni Nike na mabigyan-alam ang iba?»

«Sa pamamagitan ng pagpunta sa Bethany. Si Lazarus ay wala roon. Ngunit naroon ang kanyang mga kapatid. Si Maria ay naroon. At si Maria ba ay isang babae na matatakot mo ng kahit ano? Binihisan niya ang kanyang sarili nang baka mas magarbo pa kaysa ng ginawa ni Judith upang pumunta sa hari, at pumunta siya sa Templo nang hayagan sa publiko kasama sina Sarah at Naomi at pagkatapos sa kanyang mansiyon sa Zion. At mula roon pinadala niya si Naomi kay Jose dala ang kinakailangan na mga impormasyon. At habang... ang mga Hudyo ay may-kagulangan na pumupunta o nagpapadala ng mga tao sa kanyang bahay upang... parangalan siya, at ang lahat ay nakikita siya, ang katiwala ng bahay, ang matandang Naomi nakasuot ng pangkaraniwan na mga damit ay pumunta sa Bezetha upang bigyang-alam ang Nakatatanda. Napagkasunduan doon pagkatapos na ako ang kailangan na pumunta, dahil ako ang galâ na hindi mapagsususpetsahan kung ako ay makita na nangangabayo nang mabilis mula sa isang tirahan ni Herodes patungo sa isa pa, upang sabihin sa Inyo na sa gabi ng Biyernes, sina Jose at Nicodemus, ang una manggagaling mula sa Arimathea, ang huli mula sa Ramah, ay magkikita bago lumubog ang araw sa Gofena at maghihintay para sa Inyo doon. Alam ko ang lugar at ang daan at ako ay pupunta rito sa gabi upang dalhin Kayo doon. Mapagkakatiwalaan Ninyo ako. Ngunit ako lamang ang pagkatiwalaan Ninyo, Guro. Nakikiusap si Jose sa Inyo na huwag bigyan-alam ang iba na tayo ay magpupulong. Sa interes ng lahat.»

«Sa interes mo rin, Manaen?»

«Panginoon... ako ay ako. Ngunit wala akong kayamanan o pampamilyang mga interes na poprotektahan katulad na mayroon si Jose.»

«At pinatototohanan niyan ang Aking sinasabi na ang materyal na mga kayamanan ay laging isang pampabigat... Ngunit masasabi mo kay Jose na walang makakaalam tungkol sa ating pagpupulong.»

«Makakaalis na ako, Guro. Ang araw ay mataas na at ang Inyong mga disipulo ay baka gumising na.»

«Makakalakad ka na, at samahan ka ng Diyos. Sasama Ako sa iyo upang ipakita sa iyo ang lugar kung saan tayo magkikita sa gabi ng Biyernes...»

Sila ay bumaba nang hindi gumagawa ng kahit anong ingay at lumabas sila sa pangkusinang-hardin at bumaba kaagad sa mga pampang ng ilog.

140412

 



¹ Isang lugar sa Mount Adummim na tinawag na Bloody slope – dahil sa mga krimen na ginawa roon ng mga mandarambong sa daan.


Sunod na kabanata