558. Ang Lihim na Pakikipagtagpo Kina Jose ng Arimathea at Nicodemus.

Enero 23, 1947.

Ang daan na kinuha ni Manaen upang madala si Jesus sa lugar kung Siya ay inaasahan ay totoong isang mahirap na daan. Isang daang-bundok, makipot, puno ng mga bato, dumadaan sa mga palumpungan at mga kakahuyan. Ang napakaningning na sinag ng buwan, sa unang pase ng kabilugan ng buwan, ay halos hindi malagos ang magkakasala-salabid na mga sanga at kung minsan ito ay nawawala nang ganap, at si Manaen ay kailangan na sindihan ang mga sulô na kanyang inihanda at dinala na nakasukbit katulad ng mga armas sa ilalim ng kanyang manta. Nauuna siyang naglalakad, sinusundan ni Jesus at nagpapatuloy sila sa katahimikan sa kalaliman ng gabi. Dalawa o tatlong beses ang isang mabangis na hayop na tumatakbo sa kakahuyan ay nagagaya ang ingay ng mga yapak, na nagagawa si Manaen na tumigil nang nagsosospetsa. Ngunit maliban diyan wala nang iba ang gumagambala sa kanilang paglalakbay, na nakakapagod mismo.

«Tingnan, Guro. Iyan ang Gofena sa banda roon. Ngayon tayo nang umikot dito. Magbibilang ako ng tatlong daang hakbang at naroroon na tayo sa mga gruta kung saan sila ay matagal nang naghihintay para sa atin mula pa nang paglubog ng araw. Nahabaan ba Kayo ng paglalakbay? Sa kabila niyan mga short cut pa ang ating kinuha na sa palagay ko ay kumomporme sa legal na distansiya.»

Si Jesus ay napakilos na ang ibig sabihin: «Walang ibang paraan na magagawa natin ito.»

Si Manaen ay hindi na ulit nagsasalita pa, okupadong katulad niya sa pagbibilang ng kanyang hakbang. Sila ngayon ay nasa isa nang tigang na mabatong daanan, katulad ng isang tumataas na malaking yungib, sa pagitan ng dalawang mukha ng bundok na halos magkadikit. Sasabihin ng isa na ito ay isang bitak na nagawa ng isang sakuna, kakaibang-kakaiba ang hitsura nito. Isang malaking sugat na gawa ng isang punyal sa bundok na bato, naihihiwalay ang isang ikatlong bahagi nito sa tuktok. Sa itaas, sa kabila pa ng matatarik na mga mukha ng bundok, sa kabila pa ng umuundayong mga sanga ng mga punungkahoy na mga tumubo sa gilid ng malaking hiwa, ang mga bituin ay nagniningning, ngunit ang buwan ay hindi nagbibigay ng liwanag sa ibaba dito, sa kalaliman na ito. Ang mausok na ilaw ng sulô ay nagigising ang mga ibon, na sisiyap na ikinakawag ang mga pakpak sa gilid ng kanilang mga pugad sa pagitan ng mga bitak.

Si Manaen ay nagsabi: «Naririto na tayo!» at gumagawa siya ng isang sigaw na nakakatulad ng iyak ng isang malaking kuwago, patungo sa isang bitak sa mabatong dalisdis.

Gumagalaw mula sa kabilang dulo ang isang mapula-pulang liwanag ay lumalapit sa tabi ng isa pang daanan, ang mas mataas na bahagi nito ay sarado katulad ng isang lobi. Si Jose ay lumitaw: «Ang Guro?» nagtatanong siya hindi nakikita si Jesus Na nasa likuran nang kaunti.

«Ako ay naririto, Jose. Kapayapaan sa iyo.»

«Kapayapaan sa Inyo! Halikayo! Halikayo. Gumawa  kami ng isang sigà upang makita ang mga ahas at mga alakdan at upang mapainitan ang lugar. Ipakikita ko sa Inyo ang daan.»

Siya ay tumalikod at sa paalun-alon ng landas sa loob ng mga bituka ng bundok dinadala niya sila patungo sa isang lugar na napaliliwanagan ng mga sulô. Malapit sa isang sigà ay naroon si Nicodemus na nagtatapon ng mga sanga at mga juniper dito.

«Kapayapaan din sa iyo, Nicodemus. Naririto Ako kasama ninyo. Magsalita.»

«Guro, mayroon bang nakapuna sa Inyong pagpunta rito?»

«Sino sa balat ng lupa ang makapupuna, Nicodemus?»

«Hindi ba Ninyo kasama ang Inyong mga disipulo?»

«Si Juan at si Judas ay kasama Ko. Ang iba ay nag-eebanghelyo mula sa araw pagkatapos ng Sabbath hanggang sa paglubog ng araw sa mga araw ng Biyernes. Ngunit umalis Ako ng bahay bago magtanghali sinasabihan sila na huwag maghintay para sa Akin bago sumikat ang araw sa araw pagkatapos ng Sabbath. Sanay na sanay na Ako ngayon ng pagiging wala nang mga ilang oras upang magsospetsa ang sinuman. Kung kaya't hindi ninyo kailangan na mag-alala. Marami tayong oras na mag-usap nang hindi nag-aalala na mahuli. Ang lugar dito ay... paborable.»

«Oo. Mga pugad ng mga ahas at mga buwitre... at ng mga mandarambong sa magandang panahon, kung kailan ang mga bundok na ito ay puno ng mga kawan. Ngunit sa mga araw ngayon ang mga mandarambong ay mas gusto ang ibang mga lugar mula kung saan sila bumababang bigla sa mga kawan at mga daan ng karabana. Nalulungkot kami na kinailangan namin na Kayo ay kaladkarin nang napakalayo. Ngunit makakaalis tayo mula rito na kinukuha ang ibang mga daan, nang walang nakukuhang atensiyon ng sinuman. Sapagkat, Guro, ang atensiyon ng Sanhedrin ay nakukuha ng kung saan man sa sospetsa nila Kayo ay minamahal.»

«Bueno, hindi Ako sumasang-ayon kay Jose magpatungkol diyan. Sa Aking palagay nakakakita tayo ngayon ng mga multo kung saan wala naman. Sa Akin ding palagay ang sitwasyon ay labis na naging kalmante nang mga huling araw na ito...» sabi ni Nicodemus

«Nagkakamali ka, aking kaibigan. Sasabihin ko sa iyo. Ito ay kumalma sapagkat walang dahilan na hanapin ang Guro, sapagkat ngayon nalalaman nila kung nasaan Siya. Iyan kung bakit Siya ay minamanmanan, at tayo ay hindi. At iyan kung bakit nakikiusap ako sa Kanya na huwag sabihan ang sinuman na tayo ay magkikita. Upang walang sinuman ang maaaring makapaghanda... para sa kahit anuman» sabi ni Jose.

«Hindi sa palagay ko na ang mga mamamayan ng Ephraim...» wika ni Manaen.

«Ni hindi ang sambayanan ng Ephraim o sino pa mang iba mula sa Samaria. Para lamang sa pakay na gawin ang kabaligtaran ng ating ginagawa sa kabila...»

«Hindi, Jose, hindi para diyan. Bagkus wala sa kanilang mga puso ang masamang ahas na mayroon kayo. Hindi sila natatakot na sila ay mawalan ng kahit anong karapatan. Wala silang  pang-sekta o pang-kasta na mga interes na kailangan ipagsanggalang. Wala sila ng kahit na ano bagkus ang isang likas na pangangailangan na maramdaman na sila ay minamahal at pinatatawad Niya Na nasaktan ng kanilang mga ninuno at kanilang patuloy na sinasaktan sa pananatili nilang nasa labas ng perpektong Relihiyon. Nasa labas sapagkat, sa dahilan na sila ay kasing mapagmalaki katulad ninyo, ang magkabilang panig ay hindi maisang-tabi ang kapootan na naghahati sa kanila at iunat ang kanilang mga kamay sa ngalan ng Tanging Ama. Kahit na kung sila ay may labis na mabuting kalooban, sinisira ninyo ito. Sapagkat hindi kayo makapagpatawad. Hindi ninyo masabi, tinatapakan ang lahat na mga katangahan: “Ang nakaraan ay patay na sapagkat ang Prinsipe ng Siglong hinaharap ay dumating na at Kanya tayong lahat na iniipon sa ilalim ng Kanyang Tanda”. Ako sa katunayan ay naparito at nag-iipon. Ngunit kayo! O! para sa inyo, ang Akin ding tinitingnan na karapatdapat na ipunin ay laging anathema!»

«Kayo ay mahigpit sa amin, Guro.»

«Ako ay makatarungan. Masasabi kaya ninyo na hindi ninyo Ako kinagagalitan, sa loob ng inyong mga puso, para sa ilan sa Aking mga ginagawa? Masasabi kaya ninyo na sumasang-ayon kayo sa Aking awa bilang pareho para sa mga Judaean at Galilean katulad ng para sa mga Samaritano at mga Hentil, hindi lamang, bagkus, mas higit pa para sa huli at para sa malaking mga makasalanan, sa dahilan lamang na sila ay nangangailangan nito nang mas malaki? Masasabi ba ninyo na hindi kayo umaasa ng mga pagpapahayag ng matinding kadakilaan mula sa Akin upang maipakita ang Aking sobrenatural na pinanggalingan, at higit sa lahat, sasabihin Ko sa inyo, higit sa lahat, upang maipakita ang Aking misyon ng Mesiyas ayon sa inyong idea ng Mesiyas? Sabihin ang tunay na katotohanan: bukod sa lugod ng inyong mga puso para sa pagkabuhay na maguli ng inyong kaibigan, hindi kaya mas ginusto ninyo sa lugod na iyon na Ako ay dumating doon sa Bethany bilang isang makisig na malupit na mandirigma, katulad ng ginawa ng ating mga ninuno sa mga Amorite at mga Bashanite, at katulad ng ginawa ni Joshua sa mga mamamayan ng Ai at ng Jericho, o mas mabuti pa: pinababagsak ang malalaking bato at ang mga pader sa Aking mga kaaway sa pamamagitan ng Aking tinig, katulad ng ginawa ng mga trumpeta ni Joshua sa mga pader ng Jericho, o nagpapaulan ng malalaking bato sa Aking mga kaaway mula sa Langit katulad na ito ang nangyari sa pagbagsak ng Beth-horon sa mga araw pa rin ni Joshua o, katulad noong mas bagu-bago pang mga panahon, tinatawag ang selestiyal na mga kabalyero humahagibis sa ere, nakadamit ng ginto, mga tropa ng mga tagasibat ganap na armado, mga eskuwadron ng kabalyeriya nakahanay para sa pakikipagdigma, umaatake at lumulusob nang ganito at nang gayon, isang pagpapakita ng mga kalasag at mga sandatahang lakas na may mga helmet nagwawagayway ng mga espada at nagpapakawala ng mga bato upang takutin ang Aking mga kaaway? Oo, iyan sana ang inyong ginusto sapagkat, bagama't minamahal ninyo Ako nang labis, ang inyong pagmamahal ay hindi pa rin puro, at iyan ay napapaapoy, sa pagmithi ng hindi banal, ng inyong mga kaisipang Israelita, ng inyong lumang mga kaisipan. Ano ang nasa kay Gamaliel at sa huling tao sa Israel, ano ang nasa Mataas na Pari, sa Tetrarka, sa magbubukid, sa pastol, sa lagalag na tao, sa tao ng Diaspora. Ang di magbagong idea na ang Mesiyas ay kongkistador. Ang masamang panaginip ng mga natatakot na madurog Niya. Ang pag-asa ng mga nagmamahal sa Amangbayan sa pamamagitan ng karahasan ng pagkataong pagmamahal. Ang pananabik ng mga nasisiil sa ilalim ng banyagang mga kapangyarihan, sa banyagang mga bansa. Hindi ninyo ito kasalanan. Ang purong konsepto, katulad ng ibinigay ng Diyos magpatungkol sa kung ano Ako, ay natabunan, sa loob ng mga siglo, ng mga  latag ng walang-kabuluhang iskoma. At tanging kakaunti lamang ang marunong na ibalik ang idea tungkol sa Mesiyas sa dati nitong kadalisayan, at ginagawa nila ito sa pamamagitan ng kanilang sariling mga paghihirap. At ngayon, sa dahilan na ang oras ay malapit na kung kailan ang tanda, na hinihintay ni Gamaliel, at ng buong Israel kasama niya, ay ibibigay na, at ngayon na ang oras ng Aking perpektong manipestasyon ay lumalapit na, si Satanas ay nagtatrabaho upang pasamain ang inyong pagmamahal at parumihin ang inyong mga kaisipan. Ang kanyang oras ay dumarating ngayon. Sinasabi Ko sa inyo. At, sa oras na iyan ng kadiliman, ang mga tao rin na sa kasalukuyan ay nakakakita o mga nabubulagan lamang nang kaunti, ay magiging ganap na bulag. Tanging kakaunti lamang, napakakaunting mga tao lamang ang makakikilala sa Mesiyas sa nasirang Tao. Tanging kakaunti lamang ang makakikilala sa Kanya bilang ang totoong Mesiyas, ganyang nga sapagkat Siya ay sisirain katulad na ito ang nakita sa Kanya ng mga propeta. Para sa kapakanan ng Aking mga kaibigan, gusto Kong magawa nilang makita Ako at makilala Ako, habang araw pa, upang makilala at makita rin nila Ako kapag Ako ay sinira na at nasa loob na ng kadiliman ng oras ng mundo... Ngunit sabihin sa Akin ngayon kung ano ang ibig ninyong sabihin sa Akin. Ang oras ay mabilis na dumaraan at maya-maya lamang ay pagsikat na ng araw. Sinasabi Ko ito sa kabutihan ninyo, sapagkat Ako ay hindi natatakot ng kahit anong mapanganib na engkuwentro.»

«Bueno. Ibig namin sabihin sa Inyo na may nakapagsabi kung nasaan Kayo at na ito ay tiyak na hindi ako o si Nicodemus, o si Manaen, o si Lazarus, o ang kanyang mga kapatid, o si Nike. Kanino pa Kayo nagsabi kung alin ang pinili Ninyong lugar bilang Inyong paninilungan?»

«Wala na, Jose.»

«Nakatitiyak Kayo?»

«Tiyak na tiyak.»

«At sinabi ba Ninyo sa Inyong mga disipulo na huwag itong banggitin?»

«Bago umalis hindi Ako nagsalita sa kanila ng tungkol sa lugar. Nang kami ay dumating sa Ephraim sinabi Ko sa kanila na lumakad at mag-ebanghelyo at kumilos sa katauhan Ko. At nakatitiyak Ako tungkol sa kanilang pagsunod.»

«At... Kayo ba ay nag-iisa sa Ephraim?»

«Hindi. Kasama Ko sina Juan at Judas ni Simon. Nasabi Ko na iyan sa inyo. Siya, si Judas, dahil nababasa Ko ang kanyang mga naiisip, ay hindi maaaring nakagawa ng kahit anong makasasama sa Akin, sa pamamagitan ng kanyang kapabayaan, sapagkat hindi siya kailanman umalis ng bayan, at sa mga araw na ito ngayon walang mga peregrino mula sa ibang mga lugar ang dumaraan sa bayan.»

«Kung gayon... si Beelzebub nga ang totoong nagsalita. Sapagkat sa Sanhedrin nalalaman nila na Kayo ay naroroon.»

«Kung gayon? Ano ang kanilang mga reaksiyon sa Aking ginagawa?»

«Marami, Guro. At ibang-iba. Sinasabi ng ilan na iyon ay lohikal. Dahil Kayo ay pinagbawalan sa makapasok sa mga banal na lugar, wala Kayong pagpipilian bagkus ang manilungan sa Samaria. Ang iba sa halip ay pinangangatawanan na nagpapatunay ito na Kayo ay kung ano nga Kayo: isang Samaritano sa Inyong kaluluwa, mas mahigit pa nga ng sa lahi, at na iyan ay sapat na upang isumpa Kayo. At lahat sila ay nagbubunyi sa kanilang pananagumpay na mapatahimik Kayo at sa maituro Kayo sa mga pulutong na Kayo ay isang kaibigan ng mga Samaritano. Sinasabi nila: «Napanalunan na natin ang pakikipaglaban. Ang iba pa ay magiging larong bata na lamang”. Ngunit nakikiusap kami sa Inyo, huwag pahintulutan na mangyari iyan.»

«Iyan ay hindi mangyayari. Hayaan silang magsalita. Ang mga nagmamahal sa Akin ay hindi mababalisa ng mga makikitang hitsura. Pabayaan ang hangin na bumagsak nang ganap. Iyan ay isang hanging lupa. Pagkatapos ang hangin ng Langit ay iihip, ang velarium ay magbubukas at ang kaluwalhatian ng Diyos ay lalabas. Mayroon pa ba kayong gustong sabihin sa Akin?»

«Hindi, wala na magpatungkol sa Inyo. Maging mapagbantay, mag-ingat, huwag iwanan ang lugar na Inyong kinaroroonan ngayon. Pasasabihan namin Kayo lagi...»

«Hindi. Hindi na iyan kinakailangan. Manatili kayo kung nasaan kayo. Malapit Ko nang makasama ang mga babaeng disipulo at, oo, sabihan sina Eliza at Nike na sumama sa ibang mga babaeng disipulo, kung gusto nila ito. Sabihan din ang magkapatid na babae. Sa dahilan na ang Aking kinaroroonan ay nalalaman na ngayon, ang mga hindi natatakot ng Sanhedrin ay maaari nang pumarito para sa ating nagtutulungan na kaginhawahan.»

«Ang dalawang magkapatid ay hindi makakapunta rito hanggang hindi nakakabalik si Lazarus. Siya ay umalis na may labis na ingay, at ang lahat sa Herusalem ay alam na siya ay patungo sa kanyang malalayong ari-ariang lupa, ngunit walang nakakaalam kung kailan siya babalik. Ngunit ang kanyang katulong ay nakabalik na mula sa Nazareth at sinabi niya – at kailangan din naming sabihin sa iyo ito – sinabi niya na ang Inyong Ina ay mapupunta rito kasama ang iba pang mga babaeng disipulo bago matapos ang buwan na ito. Siya ay mabuti naman at gayon din si Maria ni Alfeo. Sila ay nakita ng katulong. Ngunit sila ay naaantala nang kaunti sapagkat si Johanna ay gustong sumama sa kanila, ngunit hindi niya magagawa ito hanggang sa katapusan ng buwan na ito. At pagkatapos... bueno, kung kami ay Inyong pahihintulutan, ibig namin Kayong tulungan... bilang matatapat na mga lingkod kahit na kung... di-perpekto katulad ng sinasabi Ninyo.»

«Hindi. Ang mga disipulo na umiikot nag-eebanghelyo tuwing Biyernes ng gabi ay nagdadala kung ano ang kinakailangan para sa kanila at para sa amin na nananatili sa Ephraim. Wala nang iba ang kinakailangan pa. Ang isang manggagawa ay nabubuhay sa kanyang mga upa. Iyan ay makatarungan. Ang iba pa ay kasobrahan na. Ibigay iyan sa ilang kaawa-awang mga sawing-palad. Iyan din ang Aking sinabi sa mga nasa Ephraim at sa Aking mga apostol. Ang Aking mga tagubilin ay na kapag sila ay bumabalik wala silang dapat na matira bagkus isang sentimos at na sa kanilang daan sa pagbabalik kailangan na ipamigay nila ang mga alay, nagtatabi ng para sa amin kung ano lamang ang kinakailangan para sa aming napakatipid na pagkain para sa isang linggo.»

«Bakit, Guro?»

«Upang maturuan sila ng pagkakahiwalay sa mga kayamanan at ng tungkol sa pagka-superyor ng espiritu sa mga alalahanin ng bukas. At para diyan at sa iba pang mabubuting rason bilang isang Guro, hinihingi Ko sa inyo na huwag mamilit.»

«Ayon sa ibig Ninyo. Ngunit kami ay nalulungkot na kami ay hindi makakatulong.»

«Ang araw ay darating kung kailan gagawin ninyo iyan... Hindi ba’t iyon ang unang liwanag ng pagsikat ng araw?» Nagsasalita Siya nakatingin sa silangan, ibig sabihin sa tabi na katapat ng tabi na Kanyang pinasukan, at tinuturo ang isang mahiyain na sinag ng liwanag na makikita sa malayong mga kaligiran.

«Iyan nga. Kailangan na namin na umalis. Babalik ako sa Gofena kung saan ko iniwan ang aking kabayo, at si Nicodemus ay bababa sa isa pang tabi na ito pagawing Beeroth, at mula roon hanggang sa Ramah, kapag tapos na ang Sabbath.»

«At papaano ka, Manaen?»

«O! Nang hindi tinatago ang aking sarili dadaan ako sa pinaka mga daanan patungo sa Jericho, kung saan naroroon ngayon si Herodes. At ang kabayo ay nasa pangangalaga ng ilang kaawa-awang mga tao na para sa katiting na halaga ay walang kinasusuklaman na kahit ano, ni hindi ang isang Samaritano, katulad ng kanilang siyang paniniwala sa akin.

«Bueno, tayo ay magbigayan ng pagpapaalaman. Magkikita tayong muli sa Paskuwa.»

«Hindi! Hindi Ninyo ilalagay ang Inyong Sarili sa pagsubok na iyan!» sabi nina Jose at Nicodemus.

«Kayo ay totoong mga masasamang kaibigan, sapagkat pinapayuhan ninyo Akong magkasala at maging duwag. Magagawa ba kaya ninyo kung gayon na mahalin Ako, tinitingnan kung ano ang nagawa Ko? Sabihin sa Akin. Maging sinsiro. Saan Ako kailangan na pumunta at sambahin ang Panginoon sa Paskuwa ng Tinapay na Walang Lebadura? Baka kaya sa Mount Gerizim? O Ako kaya ay hindi kailangan na magpakita sa harapan ng Panginoon sa Templo sa Herusalem, katulad ng kailangang gawin ng bawat lalaki sa tatlong malalaking taunan na mga kapistahan? Hindi ba ninyo naaalaala na Ako ay kanila nang inaakusahan ng hindi pagrespeto sa Sabbath, bagama't – at ito ay mapatutunayan ni Manaen – kahit ngayon, upang matugunan ang hiling, gabi Akong umalis mula sa isang lugar na tutugon sa inyong mithiin magpatungkol sa batas ng Sabbath?»

«Kami rin ay tumigil sa Gofena para sa rason na iyan... Mag-aalay kami ng isang sakripisyo upang mabayaran-sala ang hindi sinasadyang paglabag dala ng isang motibo na hindi mapipintasan. Ngunit Kayo, Guro!... Makikita nila Kayo kaagad...»

«Kahit na kung Ako ay hindi nila makita, sisikapin Kong makita nila Ako.»

«Ibig Ninyong sirain ang Sarili Ninyo! Ito ay pareho din na tila Kayo ay nagpakamatay...»

«Hindi.  Ang inyong mga isip ay nababalutan ng kadiliman. Hindi pareho na tila gusto Kong patayin ang Aking Sarili, ito ay pagsunod lamang sa tinig ng Aking Ama Na nagsasabi sa Akin: “Lakad. Ito ay ang Iyong oras”. Lagi Kong sinikap na makasundo ng Batas ang mga pangangailangan, sa araw din na iyon kung kailan kinailangan Kong umalis sa Bethany at manilungan sa Ephraim sapagkat hindi iyon ang Aking oras upang mahuli. Ang Kordero ng Pagliligtas ay maisasakripisyo lamang sa araw ng Paskuwa ng Tinapay na Walang Lebadura. At kung ganyan ang Aking ginagawa para sa Batas, gusto ba ninyong iba ang Aking gagawin magpatungkol sa utos ng Aking Ama? Lakad, makakalakad na kayo! Huwag malungkot nang ganyan. At bakit Ako pumunta, kung ito ay hindi upang Ako ay iproklamang ang Hari ng lahat ng mga tao? Sapagkat iyan ang ibig sabihin ng “Mesiyas”, hindi ba? Oo, iyan ang ibig sabihin niyan. At ang “Tagapagtubos” ay iyan din ang ibig sabihin. Ang tanging problema lamang ay na ang ibig sabihin ng dalawang mga salitang iyan ay hindi tumutugma sa kung ano ang inyong kinahihiligan. Ngunit pinagpapala Ko kayo, nakikiusap sa isang selestiyal na sinag na ito ay bumaba sa inyo kasama ang Aking pagpapalà. Sapagkat minamahal Ko kayo at minamahal ninyo Ako. Sapagkat ibig Kong ang inyong katarungan na maging ganap na maningning. Sapagkat hindi kayo masasamâ, ngunit kayo rin ay “Lumang Israel”, at wala kayo ng makabayaning kalooban na pawalan ang inyong mga sarili ng nakaraan at maging bago. Paalam, Jose. Maging makatarungan. Katulad lamang niya na siyang Aking naging tagapag-alaga sa loob ng maraming mga taon at may kakayahan na gawin ang bawat pagbabago upang mapaglingkuran ang Panginoong kanyang Diyos. Kung siya ay naririto, sa pagitan natin, o! gaano niya kayo tuturuan na mapaglingkuran ang Panginoon nang perpekto, upang maging makatarungan, makatarungan, makatarungan. Ngunit tama lamang na siya ay kailangan na nasa sinapupunan na ni Abraham!...  Upang hindi makita ang kawalang-katarungan ng Israel. Banal na lingkod ng Diyos!... Isang bagong Abraham, na may biyak na puso, ngunit may perpektong kalooban, hindi niya Ako papayuhan na maging duwag, bagkus sasabihin niya ang mga salita na madalas niyang sabihin kapag mayroon mang nagpapabigat sa amin: “Itaas natin ang ating espiritu. Tatamuhin natin ang “oo” ng Diyos at makakalimutan natin na mga tao ang siyang nagpapahirap sa atin. At ating gawin kung ano ang siyang mabigat, na tila ang Kataastaasan ang siyang nagbigay nito sa atin. Sa ganitong paraan mapababanal din natin ang pinakamaliliit na bagay, at tayo ay mamahalin ng Diyos”. O! iyan din sana ang kanyang sasabihin upang mapaginhawahan Ako na paghirapan ang pinakamalalim na mga kapighatian... Pinaginhawahan niya sana tayo... O! Aking Ina!...»

Si Jesus ay pinakakawalan si Jose na Kanyang nayakap at itinutungo ang Kanyang ulo nananatiling tahimik, tiyak na napag-iisip-isip Niya ang Kanyang pagiging martir at ang tungkol sa Kanyang Ina... Pagkatapos Kanyang itinaas ang Kanyang ulo at niyakap si Nicodemus nagsasabing: «Noong una mong lumapit sa Akin bilang isang lihim na disipulo, sinabi Ko sa iyo na upang makapasok sa Kaharian ng Diyos at mapasainyo ang Kaharian ng Diyos kinakailangan na ang inyong mga espiritu ay maipanganak muli at para sa inyo na mahalin ang Liwanag nang higit pa sa pagmamahal nito dito. Ngayong araw, at maaaring ito ang ating huling pagkikita nang lihim, inuulit ko ang gayon ding mga salita sa iyo. Maging maipanganak kang muli sa iyong espiritu, Nicodemus, upang mamahal mo ang Liwanag., na Ako nga, at sana manirahan Ako sa iyo bilang Hari at Tagapagligtas. Ngayon lakad na. At sumainyo ang Diyos.»

Ang dalawang miyembro ng Sanhedrin ay umalis patungo sa kasalungat na direksiyon ng kung saan pumasok si Jesus. Nang ang ingay ng kanilang mga yapak ay hindi marinig, si Manaen, na pumunta sa pamasukan ng gruta upang makita silang umaalis, ay bumalik at nagsabi nang may madamdamin na hitsura: «At sa muli sila ang mga lumalabag sa batas ng Sabbath! At sila ay hindi magkakaroon ng kapayapaan hangga't hindi nila napagbabayaran ang kanilang pagkakautang sa Eternal na Ama sa pagsasakripisyo ng isang hayop! Hindi ba’t mas mabuti pa para sa kanila na isakripisyo ang kanilang kapanatagan sa pagdeklara nang hayagan na sila ay “Inyong mga disipulo”? Hindi ba’t mas kaaya-aya pa iyan sa Kataastaasan?»

«Tiyak na magiging iyan nga. Ngunit huwag silang husgahan. Sila ay mga masa na umaalsa nang mabagal. Ngunit sa tamang sandali, kapag ang marami, na ang akala sila ay mas mabuti kaysa sa kanila, ay bumagsak, sila ay babangon laban sa buong mundo.»

«Ako ba ang Inyong tinutukoy, Panginoon? Pakiusap na kunin Ninyo ang aking buhay, ngunit huwag Ninyong ipahintulot na ipagkaila ko Kayo.»

«Hindi mo Ako ipagkakaila. Ngunit may mga bahagi sa loob mo, na iba kaysa sa kanila, at matutulungan ka nito na maging tapat.»

«Oo, ako ay... ang Herodian. Ibig sabihin: ako dati ang Herodian. Sapagkat katulad na tinalikuran ko ang Konseho, gayon ko rin tinalikuran ang partido, nang makita ko na ito ay makahayop at di-makatarungan sa Inyo katulad na katulad sa iba. Ang maging isang Herodian!... Sa ibang mga kasta ang ibig sabihin nito pagiging hindi masyadong isang pagano. Hindi ko ibig sabihin na kami ay mga santo. Iyan ay totoo. Para sa isang di-dalisay na pakay nakagagawa kami ng di-kadalisayan. Ako ay nagsasalita na tila ako pa rin ang Herodian bago naging Inyong disipulo. Ayon sa pagkataong opinyon, kung gayon, kami ay dalawang beses na di-puro, sapagkat kami ay ang mga kaalyado ng mga Romano, at dahil ginawa namin iyon para sa aming sariling kapakinabangan. Ngunit sabihin sa akin, Guro, sa dahilan na lagi Kayong nagsasabi ng katotohanan at hindi kailanman umiiwas dito sa takot na mawalan ng isang kaibigan. Sa pagitan namin na nakipag-alyansa sa Roma upang... magkaroon ng panandaliang personal na mga pananagumpay at ang mga Pariseo, ang Hepeng mga Pari, ang mga eskriba, ang mga Saduseo, na nakikipag-alyansa kay Satanas upang durugin Kayo, alin ang mas di-puro? Gayon ba? Ngayon na nabatid ko na ang partido ng mga Herodian ay kumakampi sa Inyong mga kaaway, iniwan ko ito. Hindi ko ito sinasabi sa Inyo upang mapuri Ninyo, bagkus upang sabihin sa Inyo kung ano ang aking nasa isip. At sila, ang ibig kong sabihin ang mga Pariseo at ang mga pari, ang mga eskriba at mga Saduseo, ay kumbinsido na kikita sila gawa ng biglaang alyansa na ito ng mga Herodian sa kanila! Ang kaawa-awang mga sawing-palad! Hindi nila alam na ginagawa ito ng mga Herodian upang makakuha ng mas maraming merito, at kung gayon mas malaking proteksiyon mula sa mga Romano, at pagkatapos... kapag ang dahilan at ang rason na nagkakabit sa kanila ay naging malinaw na at tapos na, bubuwagin nila ang ngayon kaalyado nila. Nakikipaglaro sila sa isa’t isa nang ganyan. Ang lahat ay nakabatay sa panloloko. At iyan ay nakayayamot sa akin nang labis na ginawa ko ang aking sarili na ganap na independiyente. Kayo... Kayo ay isang malaking nakakatakot na multo. Para sa lahat! At Kayo rin ang ginagamit na dahilan para sa maruming laro ng iba't ibang mga interes ng mga partido. Ang panrelihiyon na motibo? Ang banal na pagkagalit para sa “tagapaglapastangan”, ayon sa kanilang tawag sa Inyo? Ito ay walang iba bagkus mga kasinungalingan! Ang tanging motibo ay hindi ang pagtatanggol sa Relihiyon, o ang sagradong kasigasigan para sa Kataastaasan, bagkus ang kanilang sakim, na di-masiyahan na mga interes. Nagkakasakit ako sa kanila katulad ng maruruming mga bagay. At gusto na... Oo, gusto ko na ang iilan na hindi naging marurumi ay maging mas matatapang. Ah! Ang isang dobleng pamumuhay ay nagiging mahirap na para sa akin ngayon! Gusto kong sundan ko na lamang kayo. Ngunit mapaglilingkuran ko kayo nang ganyan kaysa kung susundan ko Kayo. Ito ay isang pabigat sa akin... Ngunit sinasabi Ninyo na ito ay malapit nang... Ano... Ngunit talaga bang Kayo ay isasakripisyo bilang ang Kordero? Ngunit hindi ba’t ito ay paglalarawang pananalita? Ang buhay ng Israel ay hinabi na may mga simbolo at mga pigura...»

«At gusto mong ito ay maging ganyan para sa Akin... Ngunit ang Akin ay hindi isang pigura.»

«Ito ay hindi? Talaga bang nakatitiyak Kayo? Magagawa ko.... Marami sa amin ang mauulit ang mga lumang ginagawa at mapapahiran Kayo ng langis bilang Mesiyas, at ipagtanggol Kayo. Isang salita lamang ay sasapat na at ang mga tagapagtanggol ng banal na marunong na Pontipise ay babangon nang libu-libo. Hindi ang makalupang hari ang ibig kong sabihin, dahil alam ko na ngayon na ang Inyong Kaharian ay ganap na espirituwal. Ngunit sa dahilan na tayo bilang tao ay hindi na kailanman magiging malaya at malakas, gawin ang Inyong kabanalan man lamang na suportahan at pagalingin ang naging-maruming Israel. Walang sinuman, katulad ng Inyong nalalaman, ang nagmamahal sa kasalukuyang pagiging pari at sa mga sumusuporta dito. Gusto ba Ninyo iyon, Panginoon? Sabihin sa akin, at gagawin ko iyan.»

«Nakarating ka na nang malayo sa iyong isip, Manaen. Ngunit malayo ka pa rin sa iyong tinatangka katulad sa pagiging malayo ng Lupa sa araw. Ako ang magiging Pari, at magpakailanpaman, inmortal na Pontipise sa isang organismo na Aking bibigyang buhay hanggang sa katapusan ng panahon. Ngunit Ako ay hindi papahiran ng langis ng kasiyahan, ni hindi Ako ipuproklama at ipagsasanggalang sa pamamagitan ng mga gawain ng karahasan dala ng isang dakot na mga naniniwala upang madala ang ating Amangbayan sa isang magulong pagkakahati-hati at gawin itong mas naaalipin nang higit pa sa dati. At sa palagay mo ba ang kamay ng isang tao ay makapagpapahid ng langis sa Kristo? Sasabihin Ko sa iyong totoo na hindi. Ang totoong Awtoridad na magpapahid ng langis sa Akin na Pontipise at Mesiyas ay ang kamay Niya Na nagpadala sa Akin. Walang ibang tao, na hindi Diyos, ang makapagpapahid ng langis sa Diyos bilang Hari ng mga hari at Panginoon ng mga panginoon, magpasawalanghanggan.»

«Kung gayon, wala! Wala kaming magagawa!? Gaano ako pinalulungkot!»

«Lahat ang magagawa, sa pamamagitan ng pagmamahal sa Akin. Ito ay lahat. Sa pamamagitan ng pagmahal hindi sa tao na ang pangalan ay Jesus, bagkus sa kung ano si Jesus. Sa pamamagitan ng pagmahal sa Akin sa pamamagitan ng inyong pagkatao at ng inyong espiritu, katulad na minamahal Ko kayo sa pamamagitan ng Espiritu at Pagkatao, upang makasama Ko nang higit pa sa Pagkatao. Tingnan kung gaano kaganda ang pagsikat ng araw. Ang tahimik na liwanag ng mga bituin ay hindi suminag dito. Ngunit ang matagumpay na liwanag ng araw ay sumisinag dito. Ganyan din ang mangyayari sa mga puso ng mga nagtatagumpay sa pagmamahal sa Akin nang may katarungan. Halika sa labas, sa katahimikan ng bundok, na wala ng paos na pagkataong mga tinig ng mga interes. Tumingin sa banda roon sa mga agila iyon, kung gaano sa pamamagitan ng malalawak na paglipad sila ay pumapailanlang sa paghahanap ng mahuhuli. Nakikita ba namin ang mahuhuling iyon? Hindi. Ngunit sila nakikita nila. Sapagkat ang mga mata ng agila ay mas malakas kaysa sa ating mga mata, at mula sa itaas kung saan sila lumilipad, nakakakita sila ang isang malawak na orisonte at makapamimílì. Ganyan din ang ginagawa Ko. Nakikita ko ang hindi ninyo nakikita, at mula sa itaas kung saan ito lumilipad, ang Aking Espiritu ay mapipili ang Aking magagandang huhulihin. Hindi upang pagpunit-punitin sila katulad ng ginagawa ng mga buwitre at mga agila, bagkus ang isama Ko sila. Magiging napakasaya natin doon, sa Kaharian ng Aking Ama, tayong nagmamahalan sa isa't isa!...»

At si Jesus, Na habang nagsasalita ay pumunta sa labas upang maupo sa ilalim ng sikat ng araw sa pamasukan ng gruta, ay niyayakap si Manaen, na nasa tabi Niya, at ngumingiti Siya nang tahimik sa kung anong bisyon na hindi ko alam...

170412

 


Sunod na kabanata