559. Ang Saphorim na si Samuel.

Pebrero 5, 1947.

Si Jesus ay nag-iisa. Siya ay nasa loob a rin ng gruta. Ang isang apoy ay lumalagablab upang magbigay ng liwanag at init, at ang isang malakas na amoy ng mga resina at ng madadahon na mga sanga ay kumakalat sa loob ng kuweba sa gitna ng mga pamimitik-mitik at mga kislap. Si Jesus ay pumunta sa dulo, sa isang dakong-loob kung saan doon itinapon ang tuyong mga sanga at Siya ay nagninilay-nilay. Ang apoy ay paandap-andap paminsan-minsan, humihina ito at lumiliwanag dahil sa buga ng hangin na nanggagaling sa kakahuyan at sumisipol sa pagpasok sa kuweba na umuugong katulad ng isang sungay na trumpeta. Ito ay hindi isang nakapirming hangin. Ito ay nawawala, pagkatapos lalabas katulad ng mahahabang alon ng dagat. Kapag ito ay sumisipol nang mas malakas, ang mga abo at tuyong mga dahon ay nadadala sa makipot na mabatong daanan sa pamamagitan nito kung saan si Jesus nakapunta sa mas malaking bahagi ng gruta, at ang apoy ay yumuyuko dinidilaan ang sahig sa tabi na iyon, pagkatapos, kapag tumigil ang bugso ng hangin, ang apoy ay tatayo muli, kumikislap pa rin, at magpapatuloy itong magliwanag nang tuwid pataas. Si Jesus ay hindi ito binibigyan ng pansin. Siya ay nagninilay. Ang tunog ng hangin ay sinasamahan ng bagsak ng ulan na tumatagiktik, mahina sa una pagkatapos malakas, sa madahon na mga sanga ng mas mabababang punungkahoy. Ang isang tunay na malakas na bagsak ng ulan ay nagawa ang mga landas ng mga dalisdis na maging maliliit na umaatungal na mga agos ng tubig. Ang ingay ng tubig ay ngayon ang siyang nangingibabaw dahil ang hangin ay unti-unting humina. Ang napakahinang liwanag ng binabagyong takipsilim, at ang liwanag ng apoy, na mapula-pula ngunit hindi na lumalagablab, dahil wala nang gatong, ay halos hindi mapaliwanag ang kuweba at ang mga sulok ay nasa kadiliman. Si Jesus, nakadamit ng madidilim na damit katulad Niya, ay hindi na makita; tanging kapag tinataas Niya ang Kanyang ulo na nakayuko sa Kanyang mga tuhod, posibleng makakita ng malabong sinag sa madilim na pader.

Sa labas ng gruta, sa landas ay may mga ingay ng mga yapak at ng nananabik na mga salita, na tila ito ay binibigkas ng isang tao na napapagod at nanlalambot. Pagkatapos sa bakanteng espasyo ng pamasukan, ang isang madilim na anino ay makikita may tumutulong mga tubig sa lahat ng tabi. Ang lalaki, sapagkat ito ay isang lalaki na may makapal na balbas, ay nagsabi ng «o!» ng kaginhawahan at itinapon ang kanyang basang saplot sa ulo sa sahig, pinapagpag niya ang kanyang manta at nagsabi sa sarili: «H’m! Samuel, ipagpag mo iyan nang husto! Tila bumagsak iyan sa batya ng labahan. At ang aking mga sandalyas? Mga bangka! Mga bangkang pinalubog sa ilog! Ako ay basang-basa hanggang balat! Tingnan kung gaano tumutulo ang aking buhok! Nagmumukha akong isang sirang alulod na may tumutulong tubig sa sanlibong mga butas. Ito ay isang magandang simula! Si Beelzebub kaya ay nasa panig Niya pinagsasanggalang Siya? H’m! Ito ay isang magandang posteng pagsusunugan... ngunit...» Siya ay naupo sa isang bato malapit sa apoy, kung saan, dahil patay na ang apoy, ay may mamula-mulang mga baga pinoporma ang kakaibang mga disenyo na siyang ang huling buhay ng sunog na kahoy, at sinusubukan niyang mapaapoy ulit ito hinihipan ito. Inaalis niya ang kanyang mga sandalyas at sinusubukan na matuyo ang kanyang putikan na mga paa sa pamamagitan ng mas tuyong mga bahagi ng gilid ng kanyang manta. Ngunit ito ay pareho din ng tila tinutuyo niya ang kanyang sarili ng tubig. Ang kanyang pagsisikap ay nagsisilbi lamang na maalis ang putik sa kanyang mga paa at ilipat ito sa kanyang manta. Nagpapatuloy siya sa pagsasalita sa kanyang sarili: «Maisumpa sila, Siya at ang lahat! At nawala ko rin ang aking bag. Siyempre! Mabuti na lang napanatili ko ang aking búhay... “Iyan ang pinakaligtas na daan” sabi nila. Sigurado! Ngunit hindi nila iyon dinadaanan! Kung hindi ko nakita ang apoy na ito! Sino ang magpapaapoy nito? Ilang kaawa-awang sawing palad katulad ko. Ngunit maaaring nasaan na kaya siya ngayon? May isang butas sa banda roon... Baka isa pang gruta... Hindi sila maaaring mga mandarambong sa lansangan, sila kaya? Ngunit... anong katangahan ko ito! Anong makukuha nila sa akin kung wala ako ni isang sentimos? Ngunit hindi na bale. Ang apoy na ito ay mas mahalaga kaysa sa isang kayamanan. Sana mayroon pa akong ilang mga sanga upang mapaapoy ito! Huhubarin ko ang aking mga damit at patutuyuin ito. Ho! Sasabihin ko! Ito lamang ang mayroon ako hanggang bumalik ako!...»

«Kung gusto mo ng ilan pang mga sanga, Aking kaibigan, may ilan pa rito» sabi ni Jesus nang hindi umaalis sa Kanyang lugar.

Ang lalaki, na ang kaninong likod ay nakaharap kay Jesus, ay nagulat sa biglaan na tinig at napatayo humaharap. Nagmumukha siyang natatakot. «Sino ka?» nagtanong siya, dinidilat ang kanyang mga mata nagsisikap na makakita.

«Isang manlalakbay katulad mo. Sinindihan Ko ang apoy at natutuwa Ako na nagabayan ka niyan.» Si Jesus ay nilalapitan siya may dalang isang bigkis ng mga tuyong sanga at ibinagsak ito malapit sa apoy nagsasabing: «Paapuyin iyan bago ang lahat ay matakpan ng mga abo. Wala Ako ni batong pangkiskis o tuyong mga tinting sapagkat ang tao na hiniraman Ko nito ay umalis na pagkatapos ng pagsikat ng araw.» Si Jesus ay nagsasalita sa mapagkaibigan na pamamaraan, ngunit hindi Siya lumalapit pa upang maliwanagan Siya ng apoy. Sa kabaligtaran, bumalik Siya sa Kanyang sulok at nananatili doon na nakabalot sa Kanyang manta.

Ang lalaki, pansamantala, ay yumuyuko upang hipan nang husto ang ilang tuyong mga dahon na kanyang naitapon na sa apoy at nananatili siyang gayon, abala, hanggang ang apoy ay lumaki. Tumatawa siya nagtatapon ng pakapal nang pakapal na mga sanga na nagpapalaki muli sa apoy. Si Jesus, nakaupo sa Kanyang lugar, ay pinapanood siya. «Kailangan kong hubarin na ngayon ang aking mga damit at patuyuin sila. Mas gusto ko pang hubad kaysa ako ay basà. Ngunit kahit iyan ay hindi ko magawa. Ang isang dalisdis ay bumagsak at napailalim ang aking sarili sa lupa at tubig. Ah! ayos na ako ngayon! Tingnan! Napunit ko ang aking tunika. Isumpang paglalakbay! Sana nilabag ko ang Sabbath! Hindi ko ginawa ito! Tumigil ako hanggang paglubog ng araw. Pagkaraan... At ano na ang aking gagawin ngayon? Upang mailigtas ang aking sarili hinayaan kong mabitawan ko ang aking bag at ngayon ito ay nasa ibaba na ng lambak o ito ay napasabit sa ilang mga palumpong hindi alam kung saan...»

«Naririto ang Aking tunika. Iyan ay tuyo at mainit. Ang Aking manta ay sapat na para sa Akin. Kunin mo ito. Mabuti ang kalagayan ng Aking kalusugan. Huwag matakot.»

«At Kayo ay mabuti. Isang mabuti kaibigan. Papaano Kita mapasasalamatan?»

«Sa pagmahal sa Akin na tila Ako ay iyong kapatid.»

«Sa pagmahal sa Iyo na tila Ikaw ay aking kapatid! Ngunit hindi Mo nakikilala kung sino ako. At kung ako ay masamâ, gusto Mo bang magkaroon ng aking pagmamahal?»

«Gusto Ko, upang maging mabuti ka.»

Ang lalaki, na bata pa, mga kasing edad ni Jesus, ay tinutungo ang kanyang ulo, nagninilay. Hawak niya ang damit ni Jesus, ngunit hindi niya ito makita. Siya ay nag-iisip. At kanyang isinuot agad ito sapagkat hinubaran niya ang kanyang sarili nang buo, ang kanya ring tsaleko.

Si Jesus, na bumalik sa Kanyang sulok ay tinanong siya: «Kailan ka pa huling kumain?»

«Nang ikaanim na oras. Kakain sana pagdating sa nayon, sa ibaba ng lambak. Ngunit nawala ako, nawala ang bag at ang aking pera.»

«Tira-tira pa Akong pagkain dito. Kakainin Ko sana iyan bukas. Kunin mo ito. Ang pag-aayuno ay hindi kabigatan sa Akin.»

«Ngunit... kung kailangan Mong maglakad, mangangailangan Ka ng kaunting lakas...»

«O! Hindi malayo ang Aking pupuntahan. Sa kasing layo lamang ng Ephraim...»

«Ephraim!? Ikaw ba ay isang Samaritano...»

«Nakakainis ba iyan sa iyo? Hindi Ako isang Samaritano.»

«Sa katunayan... Ang Iyong punto ay Galilean. Sino Ka? Bakit ayaw Mong ipakita ang Iyong mukha? Kailangan Mo bang itago ang Iyong sarili dahil may kasalanan Ka? Hindi Kita isusuplong.»

«Ako ay isang manlalakbay. Nasabi Ko na iyan sa iyo. Ang Aking pangalan ay hindi magkakaroon ng kabuluhan sa iyo, o magiging malaki ang kabuluhan nito. Maging ano pa man, ano ang isang pangalan? Nang binigyan kita ng isang damit para sa iyong giniginaw na katawan, ng ilang pagkain upang mapahupa ang iyong pagkagutom, at higit sa lahat ng Aking awa para sa iyong puso, kailangan mo bang malaman ang Aking Pangalan upang maramdaman mo ang kaginhawahan ng tuyong mga damit, ng pagkain at ng pagmamahal? Ngunit kung ibig mong bigyan Ako ng pangalan, tawagin mo Akong “Awa”. Walang nakakahiya sa pamimilit Kong itago ang Aking Sarili. Ngunit hindi dahil diyan kalilimutan mo ang pagsuplong sa Akin. Sapagkat sa iyong puso ay may masamang kaisipan. At ang masasamang kaisipan ay namumunga ng masasamang gawain.»

Ang lalaki ay nagulat at nilalapitan si Jesus. Ngunit tanging ang mga mata lamang ni Jesus ay makikita at ito ay halos natatakpan ng Kanyang nakababang mga talukap-mata.

«Kunin ang pagkain, Aking kaibigan. Wala nang iba pa ang kailangan na gawin.»

Ang lalaki ay bumalik sa apoy at nagsimulang kumain nang unti-unti, nang hindi nagsasalita. Siya ay nag-iisip. Si Jesus ay ganap na nakakuyukot sa Kanyang maliit na sulok. Ang lalaki ay pinagiginhawahan ang sarili nang unti-unti. Ang init ng apoy, ang tinapay at ang inihaw na karne na binigay sa kanya ni Jesus, ay nagagawa siyang masaya. Siya ay tumayo, nag-uunat, kinukuha ang kanyang kordon, na kanyang ginamit bilang sinturon, mula sa pagkapatong sa isang biyak na bato hanggang sa isang kalawangin na sabitan, ang kabutihan lamang ang nakaaalam kung sino ang naglagay ng kawit na iyon doon at mula pa kailan, at isinabit ang kanyang tunika, manta, ang saplot sa ulo upang mapatuyo doon, pinapagpag ang kanyang mga sandalyas at inilalagay ito malapit sa apoy, na kanyang pinaniningas nang mabuti.

Si Jesus ay tila umiidlip. Ang lalaki rin ay naupo at nag-iisip. Pagkatapos tumalikod siya upang tingnan ang Di-Kilalang Lalaki. Nagtanong siya: «Natutulog Ka ba?»

«Si Jesus ay tumugon: «Hindi. Nag-iisip Ako at nananalangin.»

«Para kanino?»

«Para sa lahat na di-masasayang tao. Ng bawat uri. At napakarami nila!»

«Ikaw ba ay isang penitente?»

«Ako ay isang penitente. Ang Lupa ay nasa malaking pangangailangan ng pagsisisi upang ang mga mahihina na naninirahan dito ay sana mabigyan ng lakas na tanggihan si Satanas.»

«Tama Ka. Nagsasalita Ka katulad ng isang rabbi. Ako ay isang mabuting hukom sapagkat ako ay isang Saphorim. Ako ay isang disipulo ng rabbi na si Jonathan ben Uziel. Ang kanyang pinakamamahal na disipulo. At ngayon, kung tutulungan ako ng Kataastaasan, mas lalo pa niya akong mamahalin. Ang aking pangalan ay ipagdiriwang sa buong Israel.»

Si Jesus ay hindi tumutugon.

Ang lalaki, pagkaraan ng kaunting sandali, ay tumayo at naupo malapit kay Jesus. Sa pamamagitan ng isang kamay hinahaplos niya ang kanyang buhok na halos tuyo na at inaayos ang kanyang balbas nagsasabing: «Makinig. Sinabi Mo na pupunta ka sa Ephraim. Pupunta Ka ba roon nang nagkataon lamang, o Ikaw ay naninirahan doon?»

«Naninirahan Ako sa Ephraim.»

«Ngunit Ikaw ay hindi isang Samaritano, ganyan ang sinabi Mo!»

«Uulitin Ko ito. Ako ay hindi isang Samaritano.»

«At sino ang makapaninirahan doon kung hindi... Makinig: sinasabi nila na ang isinumpang tiniwalag ng batas na Rabbi ng Nazareth ay naninilungan sa Ephraim. Totoo ba ito?»

«Totoo ito. Si Jesus, ang Kristo ng Panginoon, ay naroon.»

«Siya ay hindi ang Kristo ng Panginoon! Siya ay isang sinungaling. Siya ay isang tagapaglapastangan! Siya ay isang dimonyo! Siya ang dahilan ng lahat ng aming mga problema. At walang tagapaghiganti sa lahat ng mga tao ang bumabangon upang palayasin Siya!» bulalas niya na may panatikong kapootan.

«Siya ba kaya ay may nagawang masama sa iyo, dahil nagsasalita ka ng tungkol sa Kanya nang may labis na kapootan sa iyong tinig?»

«Hindi sa akin. Nakita ko Siya nang minsan lamang sa kapistahan ng mga Tabernakulo, at sa gitna ng gayong kagulo, na nahirapan akong makilala Siya.  Sapagkat, habang totoo na ako ay isang disipulo ng dakilang rabbi na si Jonathan ben Uziel, ako ay namalagi sa Templo nang maikling panahon pa lamang. Dati... hindi ko nagawa dahil sa maraming mga rason, at tanging noon lamang na ang rabbi ay nasa bahay na madalas akong maupo sa paanan niya upang uminom sa katarungan at doktrina. Ngunit Ikaw... tinatanong Mo ako kung kinapopootan ko Siya, at may nararamdaman akong panunumbat sa Iyong mga salita. Ikaw kaya ay isang tagasunod ng Nazareno?»

«Hindi. Ngunit ang poot ay minamasama ng kahit sino na makatarungan.»

«Ang poot ay banal kung ito ay laban sa isang kaaway ng Diyos at ng Amangbayan. Ang Nazareno ay ganyan. At kabanalan ang labanan Siya at kapootan Siya.»

«Ang labanan ang tao o ang idea na kinakatawan Niya at ang doktrina na Kanyang pinoproklama?»

«Ang lahat! Ang lahat! Hindi Mo malalaman ang isang bagay kung ipaliliban Mo ang iba pa. Sa tao ay nariyan ang kanyang doktrina at ang kanyang idea. Ito ay kailangan na alisin Mo ang lahat, o walang katuturan iyan. Kapag niyakap mo ang isang idea, niyayakap mo rin ang tao na kumakatawan dito at kasabay ang kanyang doktrina rin. Alam ko sapagkat nararanasan ko iyan sa aking guro. Ang kanyang idea ay akin. Ang kanyang mga hiling ay aking batas.»

«Sa katunayan ang isang mabuting disipulo ay ganyang ang ginagawa. Ngunit kailangan na ang isa ay nakapagsasabi kung ang guro ay mabuting guro, at susundan lamang ang isang mabuting guro. Sapagkat hindi tama na mawalan ang isang tao ng kanyang kaluluwa para sa pagmamahal ng isang tao.»

«Si Jonathan ben Uziel ay mabuti.»

«Hindi. Siya ay hindi mabuti.»

«Ano ang sinasabi Mo? At ako ba ay sinasabihan Mo? Habang tayo rito ay nag-iisa at maaari Kitang patayin upang ipaghiganti ang aking guro? Ako ay malakas, alam Mo ba?»

«Hindi Ako natatakot. Hindi Ako natatakot ng karahasan. At hindi Ako natatakot dahil alam Ko rin na kung Ako ay iyong hahampasin, Ako ay hindi kikibô.»

«Ah! Alam ko na! Ikaw ay isang disipulo ng Rabbi, isang “apostol”. Ganyan kung tawagin Niya ang Kanyang pinakatapat na mga disipulo. At pupunta Ka upang samahan Siya. Baka ang lalaki na kasama Mo kanina ay isa pang katulad Mo. At may hinihintay Kang isang katulad Mo.»

«Oo, may hinihintay Akong isang tao.»

«Ang Rabbi, kaya?»

«Walang pangangailangan para sa Akin na hintayin Siya. Hindi Siya nangangailangan ng Aking salita upang mapagaling sa Kanyang sakit. Ang Kanyang kaluluwa ay walang sakit, ni ang Kanyang katawan. Naghihintay Ako para sa isang kaawa-awang kaluluwa na nalason at naloloko. Upang pagalingin ito.»

«Ikaw ay isang apostol! Alam namin sa katunayan na pinadadala Niya sila upang mag-ebanghelyo dahil natatakot Siya na lumakad Mismo, mula nang Siya ay isinumpa ng Sanhedrin. Iyan kung bakit sinusundan Mo ang Kanyang doktrina! Kanyang doktrina ang huwag kumibô laban sa mga nananakit.»

«Iyan ang Kanyang doktrina sapagkat itinuturo Niya ang pagmamahal, pagpapatawad, katarungan, pagpapakumbaba. Minamahal Niya kapwa ang mga kaaway at mga kaibigan. Sapagkat nakikita Niya ang lahat sa Diyos.»

«O! Kung ako ay Kanyang makita, kung, katulad sa aking inaasahan, matagpuan ko Siya, hindi sa palagay ko na mamahalin Niya ako! Ito ay magiging katangahan Niya! Ngunit hindi kita masasabihan, dahil ikaw ay Kanyang apostol. At kinalulungkot ko anuman ang nasabi ko na sa Iyo. Sasabihan mo Siya.»

«Wala nang pangangailangan pa. Ngunit sasabihin Ko sa iyong totoo na mamahalin ka Niya, hindi lamang, bagkus, minamahal ka Niya, sa kabila na ikaw ay pupunta sa Ephraim upang hulihin Siya ng patibong at ibigay Siya sa Sanhedrin, na nangako ng isang malaking gantimpala sa sinuman na makagagawa niyan.»

«Ikaw ba... ay isang propeta o mayroon Ka ng espiritu ng sawá? Ikaw ba ay nabigyan Niya ng Kanyang kapangyarihan? Kung gayon Ikaw ay isinumpa rin? At tinanggap ko ang Iyong tinapay, ang iyong damit, naging mapagkaibigan Ka sa akin! Ito ay nakasulat: “Hindi ka magtataas ng iyong kamay laban sa iyong kapwa”. Nagawa Mo iyan! Sapagkat, kung nalalaman Mo na ako... Baka upang mapigilan ako sa pag-akto? Ngunit kung ipagpapaliban Kita, sapagkat binigyan Mo ako ng tinapay at asin, apoy at mga damit, at magkakasala ako laban sa hustisya sa pananakit ko sa Iyo, hindi ko maipaliliban ang Iyong Rabbi. Sapagkat hindi ko Siya kilala at wala Siyang nagawang kahit anong kabutihan, bagkus nagawan Niya ako ng masama.»

«O! kaawa-awang sawing-palad! Hindi mo ba nababatid na ikaw ay nahihibang? Papaano ang isa na hindi mo kilala makagagawa ng masama sa iyo? Papaano mo maigagalang ang Sabbath, kung hindi mo naigagalang ang alituntunin na huwag pumatay?...»

«Hindi ako pumapatay.»

«Sa materyal na pananaw, hindi. Ngunit walang pagkakaiba sa pagitan niya na pumapatay at sa kanya na nag-aabot sa biktima sa papatay. Ginagalang mo ang salita ng isang tao na nagsasabi na hindi mo dapat saktan ang iyong may bigay-biyaya, ngunit hindi mo ginagalang ang salita ng Diyos, at sa pamamagitan ng patibong, kapalit ng sandakot na salapi, para sa kaunting karangalan, ang maruming karangalan ng mapagtaksilan ang isang inosenteng tao, naghahanda kang gumawa ng isang krimen!...»

«Hindi ko ginagawa iyan para lamang sa salapi at karangalan. Bagkus ang makagawa ng isang bagay na kaaya-aya kay Jehovah at may benepisyo sa ating Amangbayan. Inuulit ko ang mga ginawa nina Jael at Judith.»

«Si Sisara at si Holofernes ay mga kaaway ng ating Amangbayan.  Sila ay mga mananakop. Sila ay malulupit. Ngunit ano ang Rabbi ng Nazareth? Ano ang Kanyang sinasakop? Ano ang Kanyang kinakamkam? Siya ay mahirap at hindi Siya naghahangad ng mga kayamanan. Siya ay mababa ang kalooban at ayaw ng mga karangalan. Siya ay mabuti. Sa lahat. Libu-libong mga tao ang Kanyang natulungan. Bakit Siya kinapopootan ninyong lahat? Bakit mo Siya kinapopootan? Hindi tama na saktan mo ang iyong kapwa. Pinaglilingkuran mo ang Sanhedrin. Ngunit ang Sanhedrin ba ay huhusgahan ka sa buhay sa hinaharap, o ang Diyos ang maghuhusga sa iyo? At papaano ka Niya huhusgahan? Hindi Ko ibig sabihin: papaano ka Niya huhusgahan bilang mamamatay ng Kristo, bagkus ang ibig Kong sabihin: papaano ka Niya huhusgahan bilang mamamatay ng isang inosente. Hindi ka naniniwala na ang Rabbi ng Nazareth ay ang Kristo, at dahil diyan, dahil sa iyong paniniwala na hindi Siya ang Kristo, hindi ka aakusahan ng krimen na iyan. Ang Diyos ay makatarungan at hindi Niya tinitingnan na kasalanan ang isang aksiyon na ginawa nang walang ganap na kaalaman. Kung kaya't hindi ka huhusgahan para sa pagpatay sa Kristo, sapagkat, sa ganang nalalaman mo, si Jesus ng Nazareth ay hindi ang Kristo. Ngunit aakusahan ka sa pagpatay sa isang inosente. Sapagkat nalalaman mo na Siya ay inosente. Ikaw ay nilason nila at sa pamamagitan ng mga salita ng kapootan nilasing ka nila, ngunit hindi sa layo na hindi mo naiintindihan na Siya ay inosente. Ang Kanyang mga gawa ay nagsasalita pabor sa Kanya. Ang iyong takot, at ang iyong mga guro ay mas natatakot upang ang kanilang mga disipulo, ay kinatatakutan at nakikita ang mga bagay na wala naman. Natatakot ka na baka mapalitan ka Niya. Huwag matakot. Inaabot Niya ang Kanyang mga kamay sa inyo nagsasabing: “Mga kapatid”! Hindi Siya nagpapadala ng mga sundalo laban sa inyo. Hindi Niya kayo sinusumpa. Gusto lamang Niyang mailigtas kayo, kapwa ang mga dakila, at ang kanilang mga disipulo, katulad na gusto Niyang mailigtas ang pinakahuling tao sa Israel. At ibig Niyang mailigtas ka, nang higit pa sa pinakamaliit na tao sa Israel, higit pa sa bata na wala pang nalalaman kung ano ang kapootan at pagmamahal. Sapagkat nasa mas higit kang pangangailangan kaysa sa mga mangmang at mga bata, sapagkat nalalaman mo, at nalalaman mong nagkakasala ka. Ang konsiyensya mo ba ng isang tao, kung nilinis mo ito ng mga idea na inilagay nila diyan, kung nilinis mo ito ng lason na nagpapahibang sa iyo, masasabi ba nito sa iyo na Siya ay nagkasala? Sabihin sa Akin. Maging sinsiro. Nakita mo ba Siya kailanman na nilabag ang Batas, o nagpapayo sa mga tao na labagin ito? Nakita mo ba Siya kailanman na palaaway, sakim, mahalay, matigas ang puso, napakinggan mo ba Siya kailanman na nagsalita ng paninira? Magsalita ka! Nakita mo ba Siya kailanman na naging walang paggalang sa Sanhedrin? Siya ay nabubuhay katulad ng mga tulisan, upang masunod ang hatol ng Sanhedrin. Siya ay makagagawa ng sigaw at ang buong Palestina ay susundan Siya upang magmartsa laban sa kakaunti na napopoot sa Kanya. Siya, sa halip, ay nagpapayo ng kapayapaan at pagpapatawad sa Kanyang mga disipulo. Katulad na Siya ay nagbibigay ulit ng buhay sa patay na mga tao, paningin sa bulag, paggalaw sa paralisado, pandinig sa bingi, kalayaan sa mga naaalihan ng dimonyo, dahil ni hindi ang Langit o ang Impiyerno  ay  walang-pakiramdam sa Kanyang kalooban, mahahampas Niya kayo ng Kanyang dibinong kidlat at kung gayon mawala ang Kanyang mga kaaway. Siya, sa halip, ay nananalangin para sa inyo at pinagagaling ang inyong mga kamag-anak, pinagagaling ang inyong mga puso, nagbibigay Siya sa iyo ng tinapay, mga damit, apoy. Sapagkat Ako si Jesus ng Nazareth, ang Kristo, Na iyong hinahanap upang makuha ang premyo sa sinuman na mag-aabot sa Kanya sa Sanhedrin, at ang karangalan ng pagiging ang tagapagpalaya ng Israel. Ako si Jesus ng Nazareth, ang Kristo. Naririto Ako. Kunin mo Ako. Bilang ang Guro at bilang ang Anak ng Diyos kinakalagan kita sa katungkulan na huwag magtataas ng iyong kamay at pinatatawad kita ng kasalanan ng pagtaas nito laban sa iyong may bigay-biyaya.»

Si Jesus ay nakatayo na inaalis ang Kanyang manta mula sa Kanyang ulo, at Kanyang inaabot ang Kanyang mga kamay na tila ito ay huhulihin at tatalian. Ngunit matangkad na katulad Niya – at Siya ay tila mas lalo pang nagiging balingkinitan dahil naiwanan lamang Siya ng maikling hapit na tsaleko, na ang Kanyang madilim na manta nakalawit mula sa Kanyang mga balikat, pinananatiling tuwid ang Kanyang Sarili, ang Kanyang mga mata, nakatitig sa Kanyang taga-usig, sa loob ng gumagalaw na repleksiyon ng apoy na nagpapaliwanag sa nangingibabaw na mga katangian ng Kanyang umaalon na buhok at nagagawa ang malalaking balintataw ng Kanyang mga mata na suminag sa loob ng sapirong mga pabilog ng mga iris – napaka mahestuwoso, napaka prangko at walang-takot, nakakakuha Siya ng mas malaking paggalang kaysa kung Siya ay napaliligiran ng isang sandatahang-lakas ng mga tagapagsanggalang.

Ang lalaki ay nararahuyo... paralisado sa pagkamangha, tanging pagkalipas lamang ng ilang sandali nagawa niyang bumulong: «Kayo! Kayo! Kayo!» Tila wala siyang masabing iba pa.

Si Jesus ay namimilit: «Kung gayon, kunin Ako! Kunin mo ang walang pakinabang na kordon na iyon na ginagamit mong pantali sa isang maruming punit na tunika, at itali ang Aking mga kamay. Susundan kita katulad na sumusunod ang isang kordero sa isang matadero. At hindi kita kapopootan sa paghuli mo sa akin upang mamatay. Sinabi Ko sa iyo. Ang pakay ang nagbibigay katwiran sa isang aksiyon at nagbabago sa uri nito. Sa ganang sa iyo, Ako ang kasiraan ng Israel, at sa akala mo sa pagpatay sa Akin maililigtas mo ang Israel. Naniniwala ka na Ako ang may kasalanan ng lahat ng mga krimen at kung gayon napaglilingkuran mo ang hustisya sa pagpigil sa isang kriminal.  Kung gayon hindi ka mas nagkakasala kaysa sa isang berdugo na siyang magsasagawa ng utos na kanyang tinanggap. Gusto mo bang isakripisyo mo Ako rito, dito mismo? Sa banda roon, sa may paanan Ko, naroon ang kutsilyo na ginamit Ko upang hiwain ang iyong tinapay. Kunin iyan. Mula sa isang punyal na naglingkod para sa pagmamahal sa Aking kapwa, mababago iyan na maging ang punyal ng tagapagsakripisyo. Ang Aking laman ay hindi mas matigas pa kaysa sa inihaw na tupa na iniwan sa Akin ng Aking kaibigan upang pahupain ang Aking pagkagutom at na Aking binigay sa iyo, upang matugunan ang pagkagutom ng Aking kaaway. Ngunit natatakot ka sa mga patrulya ng mga Romano. Hinuhuli nila ang mga mamamatay ng isang inosente. At hindi nila pinauubaya sa atin ang paggawad ng hustisya. Sapagkat tayo ang nasasakupan at sila ang mga naghahari. Iyan kung bakit hindi ka maglakas loob na patayin Ako at pagkatapos pumunta sa mga nagpadala sa iyo, dala ang pinatay na Kordero sa iyong mga balikat, katulad ng mga kalakal na pinagkakakitaan ng isang tao. Bueno: iwanan mo ang Aking labí rito at lumakad ka at paalamin mo ang iyong mga panginoon. Sapagkat ikaw ay hindi isang disipulo, ikaw ay isang alipin, labis mong tinalikuran ang pinakadakilang kalayaan ng isip at kalooban na iniwan ng Diyos Mismo sa mga tao. At pinaglilingkuran mo ang iyong mga panginoon nang may pagkaalipin, hanggang sa punto na makagawa ng isang krimen. Ngunit wala kang kasalanan. Ikaw ay “nilason”. Ikaw ang nilason na kaluluwa na Aking hinihintay. Sina na, kung gayon! Ang gabi at ang lugar ay maganda para sa krimen.  Mali Ako: sa panunubos sa Israel! O! Kaawa-awang bata! Nagsasalita ka ng mala-propetang mga salita nang hindi mo nalalaman! Ang Aking kamatayan ay tunay na magiging panunubos, at hindi ng Israel lamang, bagkus ng lahat na Sangkatauhan. At Ako ay naparito upang isakripisyo. At gusto Kong maisakripisyo upang sana Ako ay maging ang Tagapagligtas. Ng lahat. Ikaw, ang Saphorim ng may pinag-aralan na si Jonathan ben Uziel, ay tiyak na alam mo ang Isaiah. Naririto ang Tao ng mga Kapighatian sa harapan mo.  At kung Ako ay tila hindi lumalabas na ganyan, kung Ako ay tila hindi lumalabas na siyang ang tao na nakita rin ni David, na ang Aking mga buto walang balat at magkahiwalay, kung hindi Ako katulad ng ketongin na nakita ni Isaiah, ito ay dahil hindi mo nakikita ang Aking puso. Ako ay isang malaking sugat. Ang inyong pagka-walang pakialam, inyong kapootan, inyong katigasan at kawalang-katarungan ay nakasugat at nakasira sa Akin nang ganap. At hindi Ko ba itinago ang Aking mukha, habang kinamumuhian mo Ako para sa kung ano talaga Ako: ang Salta ng Diyos, ang Kristo? Ngunit Ako ang tao na sanay na sa paghihirap! At hindi mo ba Ako tinitingnan bilang isang tao na nahampas ng Diyos? At hindi Ko ba sinasakripisyo ang Aking Sarili dahil gusto Kong gawin ito upang mapagaling kita sa pamamagitan ng Aking sakripisyo? Kung gayon! Hampasin mo Ako! Tingnan: Ako ay hindi natatakot at ikaw ay hindi dapat na matakot. Ako, dahil Ako ang Inosente at hindi Ko kinatatakutan ang pasya ng Diyos, at dahil din na sa pag-alay ng Aking leeg sa iyong kutsilyo, maisasagawa Ko ang kalooban ng Diyos, pinaaga ang Aking oras nang kaunti para sa kapakanan mo. Nang Ako ay pinanganak din pinaaga Ko ang oras sa kapakanan ninyo, upang mabigyan kayo ng kapayapaan bago pa dumating ang oras. Ngunit ginawa mo ang Aking kasabikan ng pagmahal na maging isang armas ng pagtanggi... Huwag matakot! Hindi Ko pinananawagan ang kaparusahan ni Cain na mapunta sa iyo o ang kidlat ng Diyos. Ipinagdarasal kita. Minamahal kita. Wala nang iba. Napakataas Ko ba para sa iyong kamay ng isang tao? Bueno, iyan ay totoo! Ang tao sa katunayan ay hindi mahahampas ang Diyos kung ang Diyos sa Kanyang sariling kalooban ay hindi ilalagay ang Kanyang Sarili sa mga kamay ng tao. Bueno, lumuluhod Ako sa harapan mo. Ang Anak ng tao ay nasa harapan mo, sa iyong paanan. Kung kaya't, hampasin mo Ako!»

Si Jesus sa katotohanan ay lumuhod, at inaalok ang kutsilyo, hawak ito sa talim ng kutsilyo, sa Kanyang taga-usig, na umaatras bumubulong: «Hindi! Hindi!»

«Sige na! Isang sandali ng katapangan... at ikaw ay lalong magiging sikat kaysa kina Jael at Judith! Tingnan! Ako ay nananalangin para sa iyo. Si Isaiah ay ito ang sinasabi: “... at nananalangin Siya para sa mga makasalanan”. Hindi ka pa ba lalapit? Bakit ka lumalayo? Ah! Baka iniisip mo na hindi mo makikita ang isang Diyos na namamatay. Bueno, pupunta Ako diyan, malapit sa apoy. Laging may isang apoy sa mga sakripisyo. Iyan ay bahagi nito. Heto ka na. Ngayon nakikita mo Ako nang mabuti.» Siya ay nakaluhod na malapit sa apoy.

«Huwag Mo akong tingnan! Huwag Mo akong tingnan! O! Saan ako tatakbo upang hindi makita ang Iyong mga matang nakatitig sa akin?» sigaw ng lalaki.

«Kanino? Kaninong mga mata ang ayaw mong makita?»

«Ikaw... at ang aking krimen. Talaga, ang aking krimen ang nasa harapan ko! Saan ako tatakbo, saan?» Ang lalaki ay nahihintakutan...

«Sa Aking puso, anak! Dito, sa loob ng Aking mga kamay ang masasamang panaginip at mga takot ay nawawala. May kapayapaan dito. Halika! Lumapit ka! Gawin mo Akong masaya!» Si Jesus ay nakatayo na at inaabot ang Kanyang mga kamay. Ang apoy ay nasa pagitan nila. Si Jesus ay nagniningning sa repleksiyon ng apoy.

Ang lalaki ay bumagsak sa kanyang mga tuhod, tinatakpan ang kanyang mukha at sumisigaw: «Maawa sa akin, Diyos! Maawa sa akin! Kanselahin ang aking kasalanan! Ginusto kong hampasin ang Inyong Kristo! Maawa! Ah! Walang maaaring awa para sa ganyang krimen! Ako ay naisumpa!» Siya ay umiiyak na ang kanyang mukha nasa lupa, humihikbi, at siya ay dumadaing: «Maawa» at siya ay nanunumpa: «Ang mga isinumpa!»...

Si Jesus ay inikutan ang apoy at lumalapit sa kanya. Siya ay yumuyuko, hinihipo Niya ang kanyang ulo nagsasabing: «Huwag mong isumpa ang mga nagligaw sa iyo. Nakuha nila ang pinaka dakilang regalo para sa iyo: na Ako ay kailangan na magsalita sa iyo. Nang ganito. At na kailangan na yapusin ka ng Aking mga kamay.»

Hinawakan Niya siya sa kanyang mga balikat at itinayo siya, at nakaupo sa lupa kinakabig Niya siya sa Kanyang puso, at ang lalaki ay sumandal sa Kanyang mga tuhod lumuluha nang hindi masyadong balisa, ngunit napaka nakapagpapadalisay! Si Jesus ay hinahaplos ang kanyang madilim na buhok at pakalmahin siya.

Ang lalaki sa wakas ay itinaas ang kanyang ulo at nang may nagbagong hitsura siya ay umuungol: «Ang Inyong pagpapatawad!»

Si Jesus ay yumuko at hinahalikan ang kanyang noo. Ang lalaki ay niyakap ang Kanyang leeg at na ang kanyang ulo nakasandal sa mga balikat ni Jesus siya ay umiiyak at nagsimulang magsalita; ibig niyang sabihin sa Kanya kung papaano siya nila trinabaho upang magawa niya ang krimen. Ngunit pinatigil siya ni Jesus nagsasabing: «Manahimik! Manahimik! Nalalaman Ko ang lahat. Nang ikaw ay pumasok kilala na kita, kung ano ikaw dati at kung ano ang gusto mong gawin. Ginawa Ko sanang lumayo at maiwasan ka. Nanatili Ako upang iligtas ka. At ikaw ay ligtas na. Ang nakaraan ay patay na. Huwag mo na itong pabalikin pa.»

«Ngunit... tiwalang-tiwala ba Kayo? At kung ako ay magkasala muli?»

«Hindi, hindi ka na magkakasala muli. Alam Ko. Ikaw ay magaling na.»

«Oo, magaling na ako. Ngunit napakatalino nila. Huwag Ninyo akong pabalikin sa kanila.»

«At saan ka maaaring pumunta na hindi ka nila makikita?»

«Sa Inyo. Sa Ephraim. Kung nababasa Ninyo ang aking puso, makikita Ninyo na ako ay hindi naglalatag ng patibong para sa Inyo, bagkus nakikiusap lamang ako sa Inyo na protektahan ako.»

«Alam Ko. Halika. Ngunit binabalaan kita na si Judas ng Kerioth, na pinagbili ang kanyang sarili sa Sanhedrin at siyang magkakanulo sa Kristo, ay naroroon.»

«Dibinong Awa! Nalalaman din Ninyo iyan?! Siya ay lubos na namamangha.

«Alam Ko ang lahat. Akala niya hindi Ko nalalaman. Ngunit alam Ko ang lahat. At nalalaman Ko rin na ikaw ay lubos na nakumberti na hindi ka magsasalita kay Judas o sa sino pa man tungkol dito. Ngunit itanim ito sa isipan: kung mapagtataksilan ni Judas ang kanyang Guro, ano ang maaari niyang magawa upang mapinsala ka?»

Ang lalaki ay nag-iisip, nang matagal. Pagkatapos sinabi niya: «Walang anuman iyan! Kung hindi Ninyo ako pinaaalis, mananatili ako sa Inyo. Sa loob nang matagal-tagal man lang. Hanggang Paskuwa. Hanggang sa samahan na Ninyo ang Inyong mga disipulo. Sasama ako sa kanila. O! kung totoo na pinatawad na Ninyo ako, huwag Ninyo akong paalisin!»

«Hindi kita paaalisin. Pupunta na tayo doon ngayon, sa mga dahon na iyon at hintayin ang pagsikat ng araw, at pagsikat ng araw pupunta tayo sa Ephraim. Sasabihin natin na tayo ay nagkakilala nang di-sinasadya at na ikaw ay naparito upang sumama sa amin. Iyan ang katotohanan.»

«Oo, iyan ang katotohanan. Pagsikat ng araw ang aking mga damit ay tuyo na at isasauli ko na sa Inyo ang Inyong damit...»

«Hindi, Iwanan mo ang mga damit na iyon doon. Isang simbolo. Ang tao na hinubaran ang kanyang sarili ng kanyang nakaraan at nagsuot ng bagong uniporme. Ang ina ni Samuel, ang Samuel nang matagal na, ay umawit sa tuwa: “Ang Panginoon ay nagbibigay ng kamatayan at buhay, nagdadala Siya sa Sheol at humahango”. Ikaw ay namatay at naipanganak muli. Ikaw ay nanggagaling sa lugar ng patay patungo sa totoong Buhay. Iwanan ang mga damit na naapektuhan ng pagkakadaiti sa mga sepulkro na puno ng dumi. At mamuhay! Mamuhay para sa iyong totoong kaluwalhatian: ang maglingkod sa Diyos nang may katarungan at taglayin Siya magpasawalanghanggan.»

Sila ay nakaupo sa dakong-loob ng yungib kung saan ang mga dahon ay naipon at maya-maya sila ay naging tahimik, sapagkat ang lalaki, pagod katulad niya, ay nakatulog na ang kanyang ulo nakapatong sa balikat ni Jesus, Na nananalangin pa rin.

... Ito ay isang magandang umaga sa tagsibol, nang sila ay makarating sa bahay ni Maria ni Jacob sinusundan ang landas sa tabi ng ilog, na nagiging malinaw pagkaraan ng malakas na pag-ulan at umaawit ito nang mas malakas kasama ang dumagdag na mga tubig, at nagningning sa sinag ng araw sa pagitan ng mga pampang na nalinisan ng ulan.

Si Pedro, na nasa pamasukan, ay sumigaw at tumakbo upang salubungin sila, nagmamadali upang mayakap si Jesus, Na ganap na nababalot ng Kanyang manta, at sinabi niya: O! aking pinagpalang Guro! Anong malungkot na Sabbath ang ginawa Ninyong danasin ko! Hindi ako makapagpasyang umalis nang hindi Kayo nakikita. Magiging balisa ako buong linggo kung kinailangan kong umalis na may walang-katiyakan sa aking puso at na wala ng Inyong pagpapaalam!»

Si Jesus ay hinahalikan siya nang hindi inaalis ang Kanyang manta. Si Pedro ay puspos sa kanyang pagninilay sa kanyang Guro na hindi niya napupuna ang estranghero na kasama Niya. Pansamantala ang iba pa ay dumarating at si Judas ng Kerioth ay napasigaw: «Ikaw, Samuel!»

«Ako ito. Ang Kaharian ng Diyos ay bukas sa lahat sa Israel. Pinuntahan ko ito» ang lalaki ay tumugon nang walang pag-alinlangan.

Si Judas ay may isang kakaibang tusong tawa, ngunit wala siyang sinasabing kahit ano.

Ang atensiyon ng lahat ay nasa bagong-dating, at si Pedro ay nagtanong: «Sino siya?»

«Isang bagong disipulo. Nagkakilala kami nang di-sinasadya. Ibig sabihin: ang Diyos ay ginawa kaming magkakilala, at sa dahilan na tinanggap Ko siya bilang pinadala sa Akin ng Aking Ama, sinasabi Ko sa inyo kung gayon na gawin din ang ganyan. At sa dahilan na isang malaking kapistahan kapag may dumarating upang sumama sa Kaharian ng Langit, ibaba ninyo ang inyong mga bag at mga manta, kayong mga aalis na sana, at magsama-sama tayo hanggang bukas. At ngayon hayaan Akong makawala, Simon, sapagkat binigay Ko ang Aking tunika sa kanya at ang hangin ng umaga ay kinakagat Ako habang nakatayo Ako rito.»

«Ah! Iyan ang akala ko! Ngunit magkakasakit Kayo, kung ginagawa Ninyo iyan!»

«Ayaw kong mangyari iyon... Ngunit namilit Siya» sabi ng lalaki nang may pagpapaumanhin.

«Oo. Natangay siya ng isang umaapaw na malaking agos at tanging ang kanya lamang na kalooban ang nakapagligtas sa kanya. Kung kaya't upang matiyak na walang magpapaalaala sa kanya tungkol sa masakit na sandaling iyon, at upang makasama siya sa atin nang may malinis na kalagayan, ginawa Kong iwanan niya ang maruming punit na tunika kung saan kami nagkakilala, at ginawa Kong isuot niya ang Akin» sabi ni Jesus at tinitingnan Niya si Judas ng Kerioth na inuulit ang kanyang kakaibang tusong tawa, katulad ng kanyang ginawa sa simula at noong sinabi ni Jesus na isang malaking kapistahan ang ginagawa kapag may isang sumasama sa Kaharian ng Langit. Pagkatapos nagmadali Siyang pumunta sa bahay upang bihisan ang Sarili.

Ang iba ay nilalapitan ang “bagong dating” pinahahatid ang kanilang mga pagbati ng kapayapaan.

190412

 


Sunod na kabanata