56. Sina Judas ni Alfeo, Tomas at Simon ay Tinanggap Bilang mga Disipulo sa Jordan.

Oktubre 28, 1944.

¹Ang ganda ninyo, o mga pampang ng Jordan, kasing ganda ninyo noong mga panahon ni Jesus! Hinahangaan ko kayo at ako'y nakikipagtalik sa kasiyahan sa pamamagitan ng inyong solemneng berdeng-asul na kapayapaan, umuugong kasama ang pagdaloy ng mga tubig at ang madadahon na mga sanga, kasing tamis ng isang himig.

Ako ay nasa isang daan na napakalapad at mabuti ring namementena. Maaaring ito ay isang highway, o mas katulad ng isang militar na kalsada, ginawa ng mga Romano upang maiugnay ang iba't ibang mga rehiyon sa kapitolyo.  Ito ay tumatakbo malapit sa ilog, ngunit hindi eksaktong sa tabi nito. Ito sa katunayan ay nakahiwalay dito sa pamamagitan ng isang espasyo ng kakahuyan, na ang silbi nito sa palagay ko ay upang palakasin ang mga pampang at mapigilan ang tubig sa panahon ng pagbaha. Ang kakahuyan ay nagpapatuloy sa kabila ng kalsada, upang ang kalsada ay nagmumukhang isang natural na tunel sa ibabaw nito kung saan ang mga sanga ng mga punungkahoy ay nagkakasala-sala, isang nakabubuting proteksiyon para sa mga manlalakbay sa pinakamainit na panahon sa kabukirang ito.

Sa lugar na kinaroroonan ko, ang ilog, at dahil dito ang kalsada din, ay nakagagawa ng isang malapad na kurbada, upang ang madahon na binundok ay lumalabas sa akin na katulad ng isang dambuhalang berdeng harang na ginawa upang makulong ang isang kanal ng kalmanteng mga tubig. Ito ay halos nagmumukhang isang lawa sa isang maluhong pasyalan. Ngunit ang tubig ay hindi kasing walang-galaw ng isang lawa. Ito ay dumadaloy, bagama't mabagal. Ito ay makikita sa daloy na tumatama sa unang mga palumpong ng mga tambo, na tumubo sa ibaba roon, sa mabatong lugar ng ilalim, at sa pag-alon din ng mahahabang dahon ng mga tubo, na umaabot sa tubig sa ibaba kung saan ito ay inuugoy ng tubig. Ang isang grupo din ng mga willow, na may nababaluktot na mga sanga, ay inaabot ng mga dahon nito ang ilog, na malumanay na sumasagi sa mga ito.

May kapayapaan at katahimikan sa kaagahan ng umaga. Mararamdaman lamang ng isa ang paghuni ng mga ibon, ang ragasa ng tubig at mga dahon, ang pagkislap ng mga patak ng hamog sa matataas na berdeng damo sa pagitan ng mga punungkahoy, mga damong hindi pa tumigas o nadarang ng sikat ng araw sa tag-init, bagkus malambot at sariwa, mula nang ito ay tumubo pagkatapos ng mga pag-ulan sa tagsibol, na dumilig sa lupa, sa pinakailalim nito, sa pamamagitan ng singaw na tubig at mga katas nito.

²Tatlong manlalakbay ang nakatayo sa daan, sa gitna ng kurbada. Sila ay tumitingin sa itaas at sa ibaba, pagawing timog kung saan naroroon ang Herusalem at pagawing hilaga, kung saan naroroon naman ang Samaria. Sila ay nananabik na tinitingnan ang pagitan ng mga punungkahoy upang makita kung may dumarating katulad ng kanilang inaasahan. Sila ay si Tomas, si Judas Tadeo at ang pinagaling na ketongin. Sila ay naguusap-usap.

«May nakikita ka ba kahit ano?»             

«Wala, wala akong makita.»

«Ni wala rin ako.»

«Subalit ito ang lugar.»

«Nakatitiyak ka?»

«Natitiyak ko, Simon. Ang isa sa anim ay nagsabi sa akin, nang ang Guro ay paalis na sa gitna ng mga papuri ng pulutong, pagkatapos ng mahimalang pagpapagaling sa isang pilay na pulubi, na pinagaling sa Fish Gate: “Ngayon kami ay lalabas na ng Herusalem. Hintayin kami limang milya sa pagitan ng Jericho at Doco, sa kurbada ng ilog, sa tabi ng daan sa kakahuyan”. Ito iyon. Sinabi din niya: “Mapupunta kami roon sa loob ng tatlong araw sa pagsikat ng araw”. Ito ang ikatlong araw, at tayo ay naririto na bago pa sumikat ang araw.»

«Siya ba ay darating? Sana sinundan na natin Siya mula sa Jerusalem.»

«Hindi ka pa pinahihintulutan na makihalo sa mga pulutong, Simon.»

«Kung sinabi sa iyo ng aking Pinsan na pumunta rito, Siya ay tiyak na pupunta rito. Lagi Niyang tinutupad ang Kanyang pangako. Ang tanging magagawa natin ay ang maghintay.»

³«Lagi mo ba Siyang nakakasama?»

«Oo, lagi. Mula pa nang Siya ay bumalik sa Nazareth Siya ay ang aking mabuting kasa-kasama. Kami ay laging magkasama. Kami ay halos magkapareho ng edad. At ako ang paborito ng Kanyang ama, na kapatid ng aking ama. At ang Kanya ring Ina ay gustung-gusto ako noon.  Mas lumaki ako sa Kanya kaysa sa aking sariling ina.»

«Gustung-gusto ka Niya noon… Hindi ka ba Niya gusto ngayon?»

«O! Oo, gusto Niya. Ngunit kami ay nagkahiwalay nang kaunti nang Siya ay naging isang propeta. Ang aking mga kamag-anak ay hindi masaya tungkol diyan.»

«Aling mga kamag-anak?»

Ang aking ama at ang dalawang nakatatandang kapatid ko. Ang isa pa ay di makapagpasya… Ang aking ama ay matandang-matanda na at wala akong lakas-loob na saktan siya. Ngunit ngayon… Ngayon, hindi na ito ganito. Ngayon ako ay pupunta kung saan sabihin sa akin ng aking puso at ng aking isip. Ako ay pupunta kay Jesus. Hindi ko nalalabag sa palagay ko ang Batas sa paggawa nang ganito. Maging ano pa man… kung ang ibig kong gawin ay hindi tama, sasabihin ito sa akin ni Jesus. Gagawin ko kung ano ang sasabihin Niya. Tama ba sa isang ama na pigilan ang isang anak sa paggawa ng mabuti? Kung sa pakiramdam ko na ang aking kaligtasan ay nariyan, bakit pigilan ako na maabot iyon? Bakit, kung minsan, ang ating mga ama ay ang ating mga kaaway?»

Si Simon ay nagbubuntung-hininga, na tila siya ay napananaigan ng malulungkot na mga ala-ala, itinutungo ang kanyang ulo, ngunit hindi nagsasalita.

Si Tomas sa halip ang tumugon: «Napanaigan ko na ang hadlang. Ang aking ama ay nakinig sa akin at naintindihan niya ako. Pinagpalà niya ako nagsasabing: “Lakad. Harinawang ang Paskuwa na ito ay ang iyong maging pagkakalaya sa pagkaalipin ng paghihintay. Masuwerte ka sapagkat ikaw ay nakapaniniwala. Ako ay maghihintay. Ngunit kung Siya nga ay ‘Siya’, at malalaman mo iyan habang sumusunod sa Kanya, kung gayon pumunta ka rito at sabihin sa iyong matandang ama: «Halikayo, ang Israel ay nasa kanya na ang Hinihintay na Isa’ “.»

«Mas masuwerte ka kaysa sa akin. At kami ay laging namumuhay na katabi Siya!... At kami, sa pamilya, ay hindi naniniwala!... Sinasabi namin, ibig sabihin, sinasabi nila: “Siya ay naging baliw”!»

⁴«Ayón, ayón ang isang grupo ng mga tao» sigaw ni Simon. «Siya iyon, Siya iyon! Natatandaan ko ang Kanyang magandang ulo! O! Halikayo! Tayo'y tumakbo!»

Nagsimula silang maglakad nang mabilis pagawing timog. Nang marating nila ang gitna ng kurbada, ang mga punungkahoy ay natatakpan ang natitira sa daan, kung kaya't ang dalawang grupo ay nagkaharap nang hindi inaasahan. Si Jesus ay tila nanggagaling mula sa itaas ng ilog, sapagkat Siya ay nasa gitna ng mga punungkahoy sa pampang.

«Guro!»

«Jesus!»

«Aking Panginoon!»

Ang tatlong sigaw ng disipulo, ng pinsan at ng napagaling na ketongin ay puno ng kaligayahan at pagpipitagan.

«Kapayapaan sa inyo!» Ayan ang maganda, di-mapagkakamalan, buo, umaalingawngaw, kalmante, malinaw, may pagkalalaki, matamis, nakahihiwang tinig! «Ikaw din, Judas, Aking pinsan, ay naririto?»

Nagyakapan ang dalawa. Si Judas ay umiiyak.  

«Bakit ka umiiyak?»

«O! Jesus! Ibig kong mamalagi sa Iyo!»

«Matagal na Akong naghihintay sa iyo lagi. Bakit hindi ka pumunta?»

Si Judas ay iniyuko ang ulo at nanahimik.

«Hindi ka nila pinayagan! At ngayon?»

«Jesus, hindi ko… hindi ko sila masusunod. Ikaw lamang ang gusto kong sundin.»     

«Ngunit hindi kita inutusan.»

Hindi. Hindi Ka nag-utos. Ngunit ang Iyong misyon ang gumawa nito! Siya ito, Siya na nagpadala sa iyo, ang nagsasalita rito, sa loob ng aking puso, at sinasabi sa akin: “Pumunta ka sa Kanya”. Siya, Na nagdala sa iyo, ang aking magiliw na tagapagturo, na sa pamamagitan ng Kanyang magiliw na tingin, kasing yumi ng tingin na isang kalapati, ang nagsasabi sa akin nang walang binabanggit na kahit isang salita: “Sumama ka kay Jesus!” Matatanggihan ko ba ang makalangit na tinig na iyan na tumutusok sa aking puso? Mababale-wala ko ba ang mga panalangin ng Banal na Babaeng iyon, Na nakikiusap sa akin para sa aking sariling kabutihan? Dahil lamang ba na ako ay Iyong pinsan sa panig ni Jose, hindi ba dapat kitang kilalanin para sa kung ano Ikaw, samantalang si Juan Bautista ay nakilala Ka, bagama't hindi ka Niya kailanman nakita, dito, sa mga pampang ng ilog na ito at binati ka Niya bilang ang “Kordero ng Diyos”? At ako, ako ba ay walang kakayahan na kahit ano, bagama't ako ay pinalaking kasama Mo, at ako ay mabuti sapagkat sinundan kita, at ako ay naging isang anak ng Batas sa pamamagitan ng Iyong Ina, mula kung Kanino natutuhan ko hindi ang anim na raa’t labing tatlong mga alituntunin ng mga rabbi, bukod sa mga Iskriptura at mga panalangin, bagkus ang esensiya ng lahat na ito?»

«At ang iyong ama?»

«Ang aking ama? Hindi siya nagkukulang ng tinapay at tulong, at pagkatapos… Binigyan Mo ako ng huwaran. Inisip Mo ang ikabubuti ng mga tao, kaysa ang maliit na kalamangan ni Maria. At Siya ay nag-iisa. Sabihin Mo sa akin, Guro, hindi ba tama para sa isang anak na sabihin sa kanyang ama, nang hindi nagkukulang ng paggalang: “Ama, minamahal ko kayo. Ngunit ang Diyos ay mas mataas sa inyo at susundan ko Siya”?»

«Judas, Aking pinsan at Aking kaibigan, sasabihin Ko sa iyo: nakagawa ka ng mabuting pag-unlad sa daan patungo sa Liwanag. Halika. Makatwiran na magsalita nang ganyan sa isang ama, kapag ang Diyos ang itong tumatawag. Walang mas mataas pa sa Diyos. Ang mga batas din tungkol sa mga relasyon ay tumitigil, ibig sabihin itinataas ito sa isang kadakilaan, sapagkat sa pamamagitan ng ating mga luha, binibigyan natin ang ating mga ama at mga ina ng mas malaking tulong at para sa isang bagay na magpasawalanghanggan, hindi para sa isang maikling panahon sa mundong ito. Nadadala natin silang kasama natin patungo sa Langit, at sa pamamagitan ng pagsasakripisyo ng ating mga damdamin, sa Diyos. Kung gayon, Judas, manatili rito. Matagal na kitang hinihintay at masaya Ako na naririto ka, ang kaibigan ng Aking buhay sa Nazareth.»

Si Judas ay naantig ang damdamin.

⁵Si Jesus ay kinakausap si Tomas: «Ikaw ay sumunod nang matapat. Iyan ang unang birtud ng isang disipulo.»

«Ako ay pumunta sapagkat ibig kong maging matapat sa Inyo.»

«At ikaw ay magiging matapat. Sinasabi Ko sa iyo. At ikaw, na nahihiyang nagtatago sa lilim, halika rito. Huwag kang matakot.»          

«Aking Panginoon!» Ang dating ketongin ay nasa paanan ni Jesus…

«Tumayo ka. Ang iyong pangalan?»

«Simon.»

«Ang iyong pamilya?»

«Aking Panginoon… iyon ay makapangyarihan noon… Ako ay makapangyarihan din noon… Ngunit ang mapait na sektaryong kapootan… at mga pagkakamali ng kabataan ay nasira ang kapangyarihang ito. Ang aking ama.. O! Kailangan kong magsalita laban sa kanya, na nagawa akong lumuha ng napakaraming panlupa na mga luha! Nakikita Ninyo, nakita Ninyo ang kaloob na ibinigay niya sa akin.»

«Siya ba ay isang ketongin?»

«Hindi siya ketongin. Ni hindi rin ako. Ngunit naghirap siya mula sa isang ibang sakit na tayo sa Israel ay iniuugnay sa iba't ibang porma ng ketong. Siya… ang kanyang lipì ay noon matagumpay, siya ay nabuhay at namatay na isang makapangyarihang tao, sa bahay. Ako… kung hindi Ninyo ako nailigtas, namatay sana ako sa loob ng lambak ng mga sepulkro.»

«Nag-iisa ka ba?»

«Oo, nag-iisa ako. Mayroon akong isang matapat na katulong na siyang tumitingin sa kung ano ang natira sa aking ari-arian. Nagpasabi ako sa kanya.»

«At ang iyong ina?»

«Siya… ay patay na.» Ang mamâ ay tila napapahiya.

Si Jesus ay tinitingnan siya nang mabuti. «Simon, tinanong mo Ako: “Ano ang aking gagawin para sa Inyo?” Ngayon sinasabi Ko sa iyo: “Sundan Ako”.»

«Gagawin ko kaagad, aking Panginoon… Ngunit… Ngunit ako… pahintulutan akong sabihin sa Inyo ang isang bagay. Ako ay, ako ay dating tinatawag na “Zealot” dahil sa lipì, at “Kananeo”, dahil sa aking ina. Kita Ninyo. Ako ay may maitim na kutis, Sa aking mga ugat ay nariyan ang dugo ng isang alipin na babae. Ang aking ama ay walang anak sa kanyang asawa, at nakuha niya ako mula sa isang alipin. Ang kanyang asawa ay isang mabuting babae at pinalaki niya ako bilang kanyang sariling anak, inalagaan niya ako sa aking walang-katapusang pagkakasakit hanggang sa siya ay namatay…»

«Walang mga alipin o malalaya sa mga mata ng Diyos. May iisang pagkaalipin lamang sa Kanyang mga mata: kasalanan. At Ako ay naparito upang alisin ito. Tinawag Ko ang lahat, sapagkat ang Kaharian ay kaharian ng lahat na mga tao. Ikaw ba ay may pinag-aralang tao?»

«Oo, ako. Mayroon din akong puwesto noon sa pagitan ng importanteng mga tao, habang naitatago ang aking sakit sa ilalim ng aking mga damit. Ngunit nang ito ay kumalat sa aking mukha… Ang aking mga kaaway ay hindi makapaniwala na ako ay sa wakas kanilang mapananatiling kasama ng mga “patay”, bagama't ang isang Romanong doktor sa Caesarea, nang kinonsulta ko siya, ay nagsabi sa akin na ang akin ay hindi tunay na ketong, bagkus namamanang serpigo, na aking maikakalat lamang sa pamamagitan ng pakikipagtalik. Posible ba para sa akin na hindi sumpain ang aking ama?»

«Hindi mo siya dapat sumpain. Nagawan ka niya ng lahat na klase ng problema…»

«Oo, ginawa niya! Siya ay isang gastador, isang mabisyo, malupit, walang-pusong tao na wala kahit anong pagmamahal. Pinagkaitan niya ako ng aking kalusugan, pinagkaitan niya ako ng pagmamahal at kapayapaan, tinatakan niya ako ng nakakahiyang pangalan at ng sakit na isang tanda ng kabuktutan… Ibig niya ang lahat para sa kanyang sarili, kahit na ang hinaharap ng kanyang anak. Pinagkaitan niya ako ng lahat, at ng lugod din ng pagiging isang ama.»

«Iyan kung bakit sinasabi Ko sa iyo: “Sundan Ako”. Bilang Aking tagasunod makakatagpo ka ng ama at mga anak. Tumingin sa taas, Simon. Doon, ang Totoong Ama ay ngumingiti sa iyo. Tingnan ang malawak na mundo, ang mga kontinente, ang mga bansa: may mga anak at mga anak kahit saan; mga anak ng mga kaluluwa para sa mga walang anak. Sila ay naghihintay para sa iyo, at maraming katulad mo ang mga naghihintay din. Walang mga tapon-na-sanggol sa ilalim ng Aking Tanda. Walang pangungulila, walang pagkakaiba sa Aking Tanda. Iyan ay isang tanda ng pagmamahal, at nagbibigay iyan ng pagmamahal. ⁶“Halika, Aking walang-anak na Simon. Halika, Judas, na nawawalan ng ama alang-alang sa Akin. Pinagdudugtong Ko kayo sa iisang patutunguhan.» 

Sila ay kapwa nasa tabi Niya. Ang Kanyang mga kamay nakapatong sa kanilang mga balikat na tila kinukupkop Niya sila at nagpapataw ng iisang pamatok sa kanila. Pagkatapos sinabi Niya: «At pinagsasama Ko kayo. Ngunit ngayon ay paghihiwalayin Ko kayo. Simon, mananatili ka rito kasama si Tomas. Ihahanda mo kasama siya ang daan para sa Aking pagbabalik: Babalik Ako kaagad, at ibig Ko na ang mga tao ay naghihintay para sa Akin. Sabihin sa mga maysakit na Siya na makapanggagamot sa kanilang mga sakit, ay malapit nang dumating dito: masasabi mong tiyak iyan sa kanila. Sabihin sa mga naghihintay, na ang Mesiyas ay nasa pagitan na ng Kanyang sambayanan. Sabihin sa mga nagkakasala na Siya Na nagpapatawad ay dumating na upang bigyan sila ng lakas na makataas…»

«Magagawa ba namin iyan?»

«Oo, magagawa ninyo. Ang tanging sasabihin ninyo ay: «Siya ay dumating na. Tinatawag Niya kayo. Siya ay naghihintay sa inyo. Siya ay dumating upang pagkalooban kayo ng mga grasya. Pumunta kayo upang makita Siya”, at sa mga salitang ito, idagdag ang ulat na nalalaman ninyo. At ikaw, Judas, Aking pinsan, sumama sa Akin at sa mga ito. Ngunit mananatili ka sa Nazareth.»             

«Bakit, Jesus?»

«Sapagkat kailangan mong ihanda ang Aking daan sa Aking amangbayan. Sa palagay mo ba iyan ay isang maliit na misyon? Masasabi Ko sa iyo na wala nang mas mahirap pang iba…» si Jesus ay nagbubuntung-hininga.

«At ako ba ay magtatagumpay?»

«Magtatagumpay ka at hindi ka magtatagumpay. Ngunit sapat na iyan upang mapangatwiranan.

«Mapangatwiranan sa ano? At kanino?»

«Sa Diyos. Sa iyong amangbayan. Sa iyong pamilya. Wala silang masasabi sa atin, sapagkat ang inialok natin ay mabubuting bagay: at kung ang amangbayan at ang pamilya ay hahamakin ang ating inaalok, hindi tayo masisisi sa pagkawala nila.

⁷«At papaano kami?»

«Ikaw, Pedro? Babalik ka sa iyong pangingisdang mga lambat.»

«Bakit?»

«Sapagkat tuturuan kita nang dahan-dahan at isasama kita, kapag makita Ko na handa ka na.»

«Ngunit makikita pa ba namin Kayo?»

«Siyempre. Madalas Akong pupunta upang makita kayo, o pasasabihan Ko kayo kapag Ako ay nasa Capernaum. Ngayon, tayo ay magpaalaman, Aking mga kaibigan at umalis na tayo. Pinagpapalà Ko kayo, kayo na mga mananatili rito. Mapasainyo nawa ang Aking kapayapaan.»

At ang bisyon ay natapos.

(300) 112909/040613


Sunod na kabanata.