560. Ano ang Sinasabi ng mga Tao sa Nazareth.

Pebrero 6, 1947,

«At sasabihin ko na lahat kayo ay tanga kung paniniwalaan ninyo ang mga bagay na ganyan. Mas tanga at mangmang pa kaysa sa mga kinapon na tupa na ni hindi alam ang mga patakaran ng likas na simbuyo, kinapon na katulad nila. Ang ilang mga tao ay umiikot sa mga bayan nagsasabi ng anathema ng Guro, habang ang iba ay nagdadala ng mga kautusan na, sa ngalan ng buháy na Diyos, hindi Niya maibibigay! Hindi ninyo Siya nakikilala. Kilala ko. At hindi ako makapaniniwala na labis na Siyang nagbago! Hayaan silang mag-ikot! Sinasabi ba ninyo na sila ay Kanyang mga disipulo? At sino kailanman ang nakakita na sa kanila na kasama Niya? Sinasabi ba ninyo na may ilang mga rabbi at mga Pariseo na nagbabanggit ng Kanyang mga kasalanan? At sino ang nakakita ng Kanyang mga kasalanan? Napakinggan ba ninyo kailanman na Siya ay nagsalita ng tungkol sa kahit na anong malaswa? Nakita ba ninyo Siya kailanman na gumawa ng kasalanan? Kung gayon? At makapaniniwala ba kayo na Siya ay pahihintulutan ng Diyos na makagawa ng gayon kadakilang mga gawain, kung Siya ay isang makasalanan? Kayo ay mga tanga, sinasabi ko sa inyo, mga tangang mahihinang makaintindi at mangmang katulad ng mga tatanga-tangang taga-bundok na sa pagkakita sa unang pagkakataon ng isang madaldal na taong bulaan sa isang palengke ay pinaniniwalaan ang kanyang sinasabi. Iyan ang katulad ninyo. Isipin kung ang mga marurunong at mga bukas ang isipan ay pahihintulutan nilang sila ay maloko ng mga salita ng huwad na mga disipulo, na siyang totoong mga kaaway ng Inosente, ng ating Jesus, Na hindi kayo karapat dapat na magkaroon bilang isang anak ng ating bayan! Isipin kung si Johanna ni Chuza, ang ibig kong sabihin ang asawa ng tagapamahala ni Herodes, si Johanna, ang prinsesa, ay iniiwanan si Maria! Isipin kung... Ginagawa ko ba ang tamang bagay sa pagsasabi sa inyo? Siyempre! Ginagawa ko ang tamang bagay sapagkat hindi ako nagsasalita na para makapagsalita lamang, bagkus upang makumbinsi ko kayong lahat. Noong nakaraang buwan, nakita ba ninyo ang magandang bagon na pumunta rito sa ating nayon at tumigil sa labas ng bahay ni Maria? Naaalaala ninyo? Ang isa na ang tolda ay kasing ganda ng isang bahay? Bueno, nalalaman ba ninyo kung sino ang nasa loob at lumabas mula roon upang magpatirapa ang sarili sa paanan ni Maria? Si Lazarus ni Theophilus, si Lazarus ng Bethany, naiintindihan ba ninyo iyan? Ang anak ng pinunong mahistrado ng Syria, ng nobleng si Theophilus, ang asawa ni Eucheria ng angkan ni Judah at ng pamilya ni David! Ang dakilang kaibigan ni Jesus! Ang pinakamayaman at pinaka may pinag-aralan na tao sa Israel, kapwa magpatungkol sa ating kasaysayan at sa kasaysayan ng buong mundo. Ang kaibigan ng mga Romano. Ang tagapagpalâ ng mahihirap. At higit sa lahat ang taong ibinangon mula sa kamatayan pagkaraan ng pagiging nasa loob ng sepulkro nang apat na araw. Iniwanan ba niya si Jesus upang paniwalaan ang Sanhedrin? Sinasabi ninyo na hindi niya iniiwanan dahil ibinangon siya ni Jesus mula sa kamatayan? Hindi. Hindi, sapagkat nalalaman niya kung sino ang Kristo, Na siyang si Jesus. At nalalaman ba ninyo kung ano ang kanyang ipinarito upang sabihin kay Maria? Upang sabihin sa Kanya na maging handa sapagkat ibabalik niya Siya ulit sa Judaea. Kita ninyo? Siya, si Lazarus, ay tila utusán ni Maria! Alam ko sapagkat ako ay naroroon nang siya ay pumasok at binati Siya ipinagpapatirapa ang sarili sa sahig, sa abang mga ladrilyo sa maliit na silid, nakadamit siya katulad ni Solomon, isang tao na sanay sa mga alpombra, siya ay naroroon, sa sahig, hinahalikan ang laylayan ng damit ng Ating Ginang nagsasabing: “Aba, Ginoong Maria, Ina ng aking Panginoon. Ako, Inyong lingkod, ang huli sa Inyong mga lingkod, ay naparito upang magsalita sa Inyo tungkol sa Kanya at ilagay ang aking sarili sa paglilingkod sa Inyo”. Kita ninyo? Ako ay antig-na-antig... na nang ako ay kanya ring binati tinatawag akong: “kapatid sa Panginoon”, ako ay hindi makapagsalita ng kahit isang salita. Ngunit si Lazarus ay nakaintindi, sapagkat siya ay matalino. At siya ay natulog sa kama ni Jose at pinauna niya ang kanyang mga katulong sa Sephoris upang hintayin siya. sapagkat siya ay papunta sa kanyang mga ari-ariang lupa sa Antioch. At sinabihan niya ang mga babae na maging handa, sapagkat sa katapusan ng buwan na ito siya ay darating at dadaanan sila upang hindi na sila maglakad nang malayo. At si Johanna ay sasama sa karabana dala ang kanyang bagon upang madala ang mga babaeng disipulo ng Capernaum at Bethsaida. At ang lahat bang iyan ay walang kahulugan sa inyo?»

Sa wakas ang mabuting si Alfeo ni Sarah ay makakahinga na sa gitna ng grupo na nakatayo sa gitna ng liwasan. At si Aser at si Ishmael at ang dalawang pinsan din ni Jesus, sina Simon at Jose – si Simon mas hayagan, si Jose mas may pagtitimpi – ay tinutulungan siya sa pagsasang-ayon sa kanyang sinabi.

Si Jose ay nagsabi: «Si Jesus ay hindi isang anak sa labas. Kung may ipasasabi Siya na kahit ano, Siya ay may mga kamag-anak dito na pumapayag na maging Kanyang mga embahador.  At mayroon Siyang tapat at malalakas na disipulo, katulad ni Lazarus. Walang binanggit si Lazarus ng mga sinasabi ng ibang mga tao.

«At kami ay Kanya ring mga disipulo. Dati kami ay mga drayber ng asno at kasing tanga ng aming mga asno. Ngunit ngayon kami ay Kanyang mga disipulo at kami rin ay nakapagsasabing: “Gawin ito o gawin iyan”» sabi ni Ishmael.

«Ngunit ang pangungusap na nakabitin sa pintuan ng sinagoga ay dinala ng isang mensahero ng Sanhedrin at ito ay may selyo ng Templo» sabi ng ilan tumututol.

«Iyan ay totoo. Kung gayon? Sa dahilan na sa buong Israel tayo ay kilala na nahuhusgahan natin ang Sanhedrin para sa kung ano talaga ito, at dahil dito tayo ay kinasusuklaman bilang mga barumbado, paniniwalaan ba natin na ang Templo ay tama lamang magpatungkol dito? Kung gayon hindi na ba natin alam kung ano ang mga eskriba, mga Pariseo at mga hepe ng mga Pari?» tugon ni Alfeo.

«Iyan ay totoo. Tama si Alfeo. Nagpasya akong bumaba sa Herusalem at makapakinig mula sa mga totoong kaibigan kung ano ang sitwasyon. At ako ay aalis bukas» sabi ni Jose ni Alfeo.

«At mananatili ka ba roon?»

«Hindi, babalik ako. At pupunta ulit ako para sa Paskuwa. Hindi ako maaaring mapalayo nang matagal sa bahay. Mahirap na trabaho ang aking gagawin, ngunit katungkulan kong gawin ito. Ako ang ulo ng pamilya at may pananagutan kay Jesus bilang nasa Judaea. Namilit akong Siya ay kailangan na naroroon... Ang tao ay nagkakamali sa paghusga. Akala ko iyon ay isang mabuting bagay para sa Kanya. Sa halip... Patawarin nawa ako ng Diyos! Ngunit kailangan kong sundan man lamang ang mga konsekwensiya ng aking payo nang malapitan, upang mapaginhawahan ang aking Kapatid» sabi ni Jose ni Alfeo sa kanyang dahan-dahan na may-kayabangan na pagsasalita.

«Hindi iyan ang madalas mong sinasabi. Bagkus ikaw din ay nagayuma ng pakikipagkaibigan ng malalaking tao. Ang iyong mga mata ay nalalabuan ng banidad» sabi ng isang Nazareno.

«Ang pakikipagkaibigan ng malalaking tao ay hindi nakapang-aakit sa akin, Eliakim.  Bagkus ang ginagawa ng aking Kapatid ay nakukumbinsi ako. Kung ako ay nakagawa ng pagkakamali at akin na ngayong itinutuwid ang aking mga pamamaraan, pinatutunayan ko na ako ay isang makatarungan na tao. Sapagkat ang magkamali ay pagiging tao, ngunit ang maging matigas ang ulo ay maging katulad ng hayop.»

«At sa palagay mo ba si Lazarus ay talagang darating? O! gusto namin siyang makita! Isang tao na bumalik mula sa kamatayan, ano ang katulad niya? Maaaring siya ay natutuliro, kahit na papaano... natatakot. Ano ang kanyang sinasabi tungkol sa kanyang pagtigil nang sandali kasama ang mga patay?» marami ang nagtatanong kay Alfeo ni Sarah.

«Siya ay katulad lamang ninyo at ako. Masayahin, masigla, mahinahon. Hindi siya nagsasalita tungkol sa mundo sa kabila, na tila hindi niya ito naaalaala. Ngunit naaalaala niya ang kanyang aguniya.»

«Bakit hindi ninyo sinabi sa amin na siya ay naririto?»

«Siyempre! Upang masalakay ninyo ang bahay! Umalis ako. Ilang panghimagas ay kinakailangan, hindi ba?»

«Ngunit kong siya ay bumalik posible ba para sa amin na makita siya? Paalamin mo kami. Ikaw tiyak ang magiging tagapag-alaga ng bahay ni Maria, katulad ng dati.»

«Sigurado! Isang grasya ang mapalapit sa Kanya. Ngunit wala akong pagsasabihan na sinuman. Kakailanganin na kayo mismo ang gagawa niyan. Ang isang bagon ay madaling makita, at ang Nazareth ay hindi Antioch o Herusalem upang ang gayon kalaking bagon ay makakaraan nang hindi mapupuna. Maglagay ng tanod... at tulungan ang inyong mga sarili. Ngunit iyan ay isang bagay na walang halaga. Tiyakin man lamang ninyo na ang Kanyang bayan ay sana hindi magkaroon ng reputasyon ng pagiging tanga sa paniniwala sa mga salita ng mga kaaway ng ating Jesus. Huwag silang paniwalaan! Huwag paniwalaan ang mga taong nagsasabi ni Siya ay si Satanas o ang mga tao na nambubuyo sa inyo na umalsa sa ngalan Niya. Magsisisi kayo isang araw. Pagkatapos kung ang buong Galilee ay mahulog sa patibong at paniwalaan ang hindi totoo, mas lalong masama para sa kanila. Paalam. Aalis na ako sapagkat dumidilim na...» At siya ay umalis na masaya, bilang naipagtanggol si Jesus.

Ang iba ay nananatili upang mag-usap-usap. Ngunit bagama't sila ay nahahati sa dalawa at nakalulungkot na ang mas nakararami ay ang mga tao na lumulunok ng lahat, ang mungkahi ng kakaunting mga kaibigan ni Jesus ay ang nangibabaw sa katapusan, at nagpasya sila na huwag manabik at tanggapin ang maling mga akusasyon o mga panggaganyak na umalsa hanggang sa gawin muna ito ng ibang mga bayan sa Galilee, dahil «sa kasalukuyan sila ay mas tuso kaysa sa Nazareth at tinatawanan ang mga mukha ng huwad na mga embahador» sabi ni Aser, ang disipulo.

200412

 


Sunod na kabanata