561. Ang Huwad na mga Disipulo dumating sa Shechem. Sa Ephraim Pinapanauli ni Jesus ang dila ng Piping Alipin ni Claudia Procula.

Pebrero 7, 1947.

Ang pinaka liwasan sa Shechem. Ang pagkakakilanlan na katangian ng tagsibol ay naibibigay dito ng bagong mga dahon ng mga punungkahoy na nakapaligid nang dalawang hanay sa tabi ng kudradong-hugis ng mga pader ng mga bahay, napoporma ang isang uri ng galeriya. Ang araw ay nakikipaglaro sa murang mga dahon ng plane-tree gumagawa ng isang burda ng liwanag at mga anino sa lupa. Ang mga tao na grupu-grupo ay pinag-uusapan ang kanilang mga negosyo dito at doon.

Ang ilang mga tao, na mukhang mga estranghero, dahil ang lahat ay nagtatanong kung sino sila, ay dumating sa liwasan, tumitingin-tingin sa paligid at nilalapitan ang unang grupo na kanilang nasalubong. Sila ay nagpalitan ng mga pagbati sa pagkamangha ng lahat. Ngunit nang sinabi nila: «Kami ay mga disipulo ng Guro ng Nazareth» ang lahat na pagwawalang-tiwala ay natapos at ang ilan ay lumakad upang paalamin ang iba pang mga grupo, habang ang mga nananatili ay nagsabi: «Kayo ba ay pinadala Niya?»

«Pinadala Niya, sa isang napaka sekretong misyon. Ang Rabbi ay nasa malaking panganib. Wala nang nagmamahal pa sa Kanya sa Israel at Siya, Na napakabait, ay hinihingi sa inyo man lamang na manatiling tapat sa Kanya.»

«Ngunit iyan ang gusto namin! Ano ang aming gagawin? Ano ang gusto Niya sa amin?»

«O! Wala Siyang gusto bagkus pagmamahal. Sapagkat labis ang Kanyang pagsandal sa proteksiyon ng Diyos. At sa kabila ng kung ano ang sinasabi sa Israel! Ngunit hindi ninyo nalalaman na Siya ay inaakusahan ng satanismo at insureksiyon. Nalalaman ba ninyo kung ano ang ibig sabihin niyan? Ang paghihiganti ng mga Romano laban sa lahat. At kami na labis nang naghihirap ay matatamaan nang mas mabigat pa! At kami ay isusumpa ng mga banal ng aming Templo.  Ito ay tiyak na ang mga Romano... Para din sa inyong kapakanan kailangan na kayo ay kumilos, at kumbinsihin Siya na ipagtanggol Niya ang Kanyang Sarili at ipagsanggalang Siya, at gawin itong halos, hindi lamang, bagkus, gawin itong tiyak na maging imposible para sa Kanya na mahuli at sa gayon Siya’y  maging delikado, nang hindi sinasadyang maging ganyan. Kumbinsihin Siyang pumunta sa Gerizim. Kung nasaan Siya ngayon, Siya ay labis pa rin na nakalantad at hindi Niya napahuhupa ang galit ng Sanhedrin o ang pagsospetsa ng mga Romano. Ang Gerizim ay tiyak na may karapatan sa karapatan ng santuwaryo! Walang kabuluhan ang sabihin namin Siya. Kung sabihan namin Siya sasabihin Niya na kami ay anathema dahil pinapayuhan namin Siya na maging duwag. Ngunit hindi ito ganito. Ito ay pagmamahal. Ito ay kahinahunan sa parte namin. Hindi kami pinahihintulutan na magsalita. Ngunit kayo ay makapagsasalita! Minahal Niya kayo. Mas ginugusto na Niya ang inyong rehiyon kaysa sa iba. Kung kaya't ihanda ninyo ang inyong mga sarili na tanggapin Siya. Sapagkat tiyak na malalaman man lamang ninyo sa wakas kung kayo ay minamahal Niya o hindi. Kung tatanggihan Niya ang inyong tulong, ito ay mangangahulugan na hindi Niya kayo minamahal, at pagkatapos mas mabuti pa kung Siya ay pumunta sa ibang lugar. Sapagkat, maniwala sa amin – sinasabi namin ito sa inyo nang may kapighatian – ang Kanyang presensya ay isang panganib para sa nagbibigay sa Kanya ng pag-aruga. Ngunit kayo, siyempre, ang pinakamaganda sa Kanyang mga tagahanga at hindi kayo nag-aalala tungkol sa mga panganib. gayunpaman, kung magsasapalaran kayo sa mga paghihiganti ng mga Romano, makatarungan na gawin ninyo iyan na may kapalit na pagmamahal. Pinapayuhan namin kayo para sa ikabubuti ng lahat.»

«Tama kayo. At kikilos kami ayon sa sinasabi ninyo. Pupunta kami sa Kanya...»

«O! mag-ingat! Hindi dapat na malaman Niya na ito ay aming mungkahi!»

«Huwag mag-alala! Huwag matakot! Alam namin ang aming gagawin. Siyempre! Gagawin naming makita ng mga tao na ang kinasusuklamang mga Samaritano ay nagkakahalaga ng sandaan, sanlibong mga Judaean at mga Galilean upang maipagsanggalang ang Kristo. Halikayo. Halikayo sa aming mga bahay, kayong mga mensahero ng Panginoon. Ito ay magiging pareho din na tila Siya ang pumunta sa amin! Ang Samaria ay matagal nang naghihintay nang ganito katagal na mahalin ng mga lingkod ng Diyos!»

Sila ay lumakad pinananatili sa gitna ng kanilang grupo ang mga tao na sa palagay ko hindi ako nagkakamali sa pagtawag sa kanila na mga sugo ng Sanhedrin, at sinasabi nila: «Nakikita namin na kami ay minamahal Niya sapagkat ito ang ikalawang grupo ng mga disipulo na pinadala Niya sa amin sa loob ng kaunting mga araw. At tama ang aming ginawa sa pagiging mabait sa unang grupo. Tama na maging napakabait sa Kanya dahil sa maliliit na bata ng patay na babaeng iyon ng aming bayan! Kilala na Niya kami sa ngayon...»

At sila ay lumalayo nagmumukhang masaya.

--------------------

Ang lahat na mga tao ng Ephraim ay bumubuhos sa mga kalsada upang makita ang di-pangkaraniwang pangyayari ng isang prusisyon ng mga bagon ng Romano na dumaraan sa gitna ng bayan. Maraming mga bagon at mga may-takip na mga kamilya, napapagitnaan ng mga alipin at pinangungunahan at sinusundan ng mga lehiyonaryo. Ang mga tao ay gumagawa ng mga senyas ng pagkakaintindihan at pagbulong. Nang ang prusisyon ay nakarating sa sangahan ng mga daan ng papunta sa Bethel at Ramah ito ay naghiwalay sa dalawa. Ang isang bagon at isang kamilya ay tumigil na may abay ng armadong mga lalaki, habang ang iba pa ay nagpapatuloy.

Ang mga kurtina ng kamilya ay hinawi nang sandali at ang maputing kamay na may mga alahas ng isang babae ay kinawayan ang pinuno ng mga alipin para siya ay lumapit dito. Ang lalaki ay sumunod nang hindi nagsasalita. Siya ay nakikinig. Nilapitan niya ang isang grupo ng mausisang mga babae at nagtanong: «Nasaan ang Rabbi ng Nazareth?»

«Siya ay nakatira sa bahay na iyon. Ngunit sa oras na ito ng araw pangkaraniwan Siyang nasa may ilog. May isang maliit na isla doon, malapit sa mga puno ng willow, sa banda roon, kung saan naroroon ang puno ng poplar. Namamalagi Siya roon nagdarasal buong araw.»

Ang mamâ ay bumalik at nag-ulat. Ang kamilya ay umalis muli. Ang bagon ay nananatili kung nasaan ito dati. Ang mga sundalo ay sinusundan ang kamilya hanggang sa layo ng mga pampang ng ilog at hinarangan ang daan. Tanging ang kamilya lamang ang nagpatuloy sa tabi ng ilog hanggang sa layo ng maliit na isla, na dahil sa panahon ay naging ma-kahoy: isang malaking di-mapapasok na bungkos ng kaberdehan napangingibabawan ng katawan at ng malaplatang kadahunan ng puno ng poplar. Sa isang utos ang mga may-bitbit na may nakalilis na mga damit ay pinasok ang tubig at ang kamilya ay tumatawid sa kabila ng maliit na agos ng tubig. Si Claudia Procula ay lumabas mula sa kamilya kasama ang isang laya na babae, at kinawayan ang isang maitim na alipin na abay ng kamilya na sundan siya. Ang iba ay bumalik sa pampang ng ilog.

Si Claudia sinusundan ng dalawang tao, ay nagpatuloy na pasukin ang maliit na isla, patungo sa poplar na nakatayo sa gitna. Ang matataas na damo ay pinatatahimik ang ingay ng mga yapak. Narating niya nang gayon ang lugar kung saan si Jesus ay buhos sa naiiisip, nakaupo sa paanan ng puno. Tinatawag niya Siya lumalapit nang mag-isa habang sa pamamagitan ng ma-awtoridad na senyas ginawa niyang tumigil sa kanilang kinaroroonan ang dalawang tapat na katulong.

Si Jesus ay tumingala at Siya ay tumayo nang makita Niya kaagad ang babae. Binati Niya siya pinananatiling tuwid ang Kanyang Sarili sa tabi ng katawan ng poplar. Hindi Siya lumalabas na nagtataka, o nayayamot, o naiinis sa panghihimasok.

Pagkatapos na mabati si Jesus, si Claudia ay binanggit kaagad ang paksa: «Guro. Ang ilang mga tao ay lumapit sa akin, o kung baga kay Poncio... Hindi ako gumagawa ng mahahabang talumpati. At sa dahilan na hinahangaan ko Kayo, sasabihin ko sa Inyo kung ano ang aking maaaring masabi sana kay Socrates, kung ako ay namuhay sa loob ng mga araw niya, o sa kahit sino pa mang mabirtud na tao na di-makatarungan na inuusig: “Wala akong magagawang labis, ngunit gagawin ko ang magagawa ko”. At sa pansamantala magsusulat ako kung saan ito posible para sa akin na magawa ito, upang Kayo ay maprotektahan... at magawa Kayong makapangyarihan. Napakaraming mga di-karapat-dapat na tao ang namumuhay sa ibabaw ng mga trono o sa matataas na pusisyon...»

«Domina, hindi Ako nanghihingi ng mga pagpaparangal at proteksiyon ninyo. Harinawang gantimpalaan kayo ng totoong Diyos para sa inyong iniisip. Ngunit ibigay ang inyong mga pagpaparangal at proteksiyon sa mga naghahangad nito. Hindi Ko ito kinasasabikan.»

«Ah! Ayan na Kayo! Iyan ang aking gusto! Kung gayon Kayo nga ang Makatarungang Tao na nakini-kinita ko! At ang iba, ang Inyong di-karapat-dapat na mga maninirang-puri! Lumapit sila sa amin at...»

«Hindi na ninyo kailangan na sabihin sa Akin. Alam Ko.»

«Nalalaman rin ba Ninyo na sinasabi nila na dahil sa Inyong mga kasalanan nawala ang lahat na kapangyarihan Ninyo at dahil diyan namumuhay Kayo rito bilang isang itinakwil?»

«Alam Ko rin iyan. At alam Ko na mas madali pa para sa iyo na paniwalaan ang huling sabi-sabi kaysa ang una. Sapagkat ang inyong paganong kaisipan ay naaaninag nito ang pagkataong kapangyarihan o ang pagkataong kaimbihan ng isang tao, ngunit hindi pa niyan maintindihan kung ano ang kapangyarihan ng espiritu. Kayo ay... nabibigo ng inyong mga diyos na sa inyong relihiyon ay lumalabas na walang-tigil ang pag-aaway at may gayong humihinang kapangyarihan, nakapailalim sa madaliang pagkasira dahil sa kanilang gantihan na mga kaibhan. At sa palagay ninyo ang totoong Diyos ay ganyan din. Ngunit hindi ito ganito. Katulad na Ako ay gayon noon na una mo Akong nakita na pinagaling ang isang ketongin, ganyan din Ako ngayon. At ganyan Ako magiging kapag Ako ay lumalabas na ganap na nasira na. Iyon ay ang inyong piping alipin, hindi ba?»

«Oo, Guro.»

«Sabihin sa kanya na lumapit.»

Si Claudia ay sumigaw at ang lalaki ay lumapit at pinagpatirapa ang sarili sa lupa sa pagitan ni Jesus at ng kanyang sinyora. Ang kanyang kaawa-awang puso ng isang taga-bundok ay hindi malaman kung sino sa dalawa ang kanyang pagpipitaganan nang mas mahigit. Natatakot siya na kung pagpitaganan niya ang Kristo nang mas mahigit pa kaysa sa kanyang sinyora baka siya maparusahan. Ngunit kahit pa, pagkatapos na mabigyan niya si Claudia ng nangungusap na sulyap, inulit niya ang kanyang ginawa sa Caesarea: kinuha ng kanyang malalaking maiitim na kamay ang walang-saplot na paa ni Jesus at yumuyuko na ang kanyang mukha nasa lupa ipinatong niya ang paa ni Jesus sa kanyang ulo.

«Domina, makinig. Ayon sa iyo, mas madali ba para sa isang tao ang manakop ng isang kaharian sa pamamagitan ng kanyang sarili o patubuin muli niya ang isang bahagi na nawala na sa isang katawan ng tao?»

«Ang manakop ng isang kaharian, Guro. Ang suwerte ay pinapaboran ang matapang. Ngunit walang sinuman, ibig sabihin, tanging Kayo lamang ang makapagpapabangon ng isang patay at makapagbibigay ng mga mata sa bulag.»

«Bakit?»

«Sapagkat... Sapagkat ang Diyos ay nagagawa ang lahat.»

«Kung gayon ayon sa iyo Ako ay Diyos?»

«Oo... o, ang Diyos ay kasama man lamang Ninyo.»

«Ang Diyos ba ay maaaring sumama sa isang masamang tao? Ang sinasabi Ko ay ang totoong Diyos, hindi ang inyong mga diyus-diyusan na siyang ang kinahihibangan ng mga naghahanap ng kung ano ang kanilang nararamdaman na naririyan nang hindi nila nalalaman kung ano iyon, at gumagawa-gawa sila ng mga wala-naman upang masiyahan ang kanilang mga kaluluwa.»

«Hindi... Hindi ko masasabi ang ganyan. Kahit na ang aming mga pari ay nawawalan ng kanilang kapangyarihan kapag sila kaagad ay bumagsak sa pagkakasala.»

«Alin na kapangyarihan?»

«Bueno... ang kapangyarihan na mabasa ang mga tanda ng kalangitan at ang mga tugon ng mga biktima, ang mga paglipad at pag-aawit ng mga ibon. Alam na Ninyo... mga manghuhula, mga mangkukulam...»

«Alam Ko. Kung gayon? Tingnan. Itaas mo ang iyong ulo at buksan mo ang iyong bunganga, mamâ, na sa pamamagitan ng kalupitan ng kapangyarihan ng tao ay pinagkaitan ng isang regalo ng Diyos

Nailagay na ni Jesus ang Kanyang maputing daliri sa loob ng nakabukang bunganga ng piping lalaki. Ang laya na babae, na napaka mausyoso, ay hindi makapanatili kung nasaan siya, at siya ay lumapit upang makakita. Si Claudia ay tumungo upang manood. Si Jesus ay inaalis ang Kanyang daliri sumisigaw: «Magsalita, at gamitin ang tumubo muling bahagi upang papurihan ang totoong Diyos.»

At, bigla na lamang, katulad ng isang todong tunog ng isang trumpeta, ng isang instrumento na magpahanggang ngayon ay tahimik, ang isang magaralgal ngunit maliwanag na sigaw ay tumugon: «Jesus!» at ang negro ay bumagsak sa lupa umiiyak sa tuwa at dinidilaan, talagang dinidilaan niya ang walang-saplot na mga paa ni Jesus, katulad na katulad ng ginagawa ng isang nagpapasalamat na aso.

«Nawala na ba ang Aking kapangyarihan, Domina? Ibigay ang tugon na iyan sa mga nagkakalat ng gayong mga paninira. At ikaw... tumayo at maging mabuti iniisip kung gaano kita minahal. Nasa loob ka na ng Aking puso mula ng araw na iyon sa Caesarea. At kasama mo ang lahat na katulad mo, na mga tinuturing na mga kalakal, tinitingnan na mas mabababa pa kahit kaysa sa mga hayop, samantalang kayo ay mga tao, kapantay ng Caesar, sa pamamagitan ng paglilihi, at baka mas mabubuti pa dahil sa mabuting kalooban ng inyong mga puso... maaari ka kayong makaalis, domina... Wala nang kailangan pang sabihin.»

«Oo. May isang bagay pa. Naririyan ang katotohanan na ako ay nagduda... na ako, nang may kalungkutan, ay halos maniwala sa sinasabi nila tungkol sa Inyo. At hindi lamang akong mag-isa. Patawarin kaming lahat, maliban kay Valeria, na hindi kailanman nagbago ang isip, hindi, hindi, bagkus, ang kayang isip ay mas naging determinado kaysa kailanpaman. At nariyan ang aking regalo na kailangang tanggapin: ang lalaking ito, hindi na niya ako mapaglilingkuran ngayon na siya ay nakapagsasalita na, at ang aking pera.»

«Hindi, kahit iyan.»

«Kung gayon, hindi ba Ninyo ako pinatatawad?»

«Pinatatawad Ko rin ang kasalanan ng Aking sambayanan, na mas doble pang nagkakasala sa hindi nila pagkakilala sa Akin para sa kung ano Ako. At hindi Ko ba mapapatawad kayong lahat, napagkaitan katulad ninyo ng lahat ng dibinong kaalaman? Narito. Sinabi Ko na hindi Ko tatanggapin ang inyong pera o ang lalaki. Ngayon tatanggapin Ko ang dalawa at sa pamamagitan ng pera palalayain Ko ang lalaki. Binabalik Ko ulit ang pera sa inyo sapagkat binibili Ko ang lalaki. At binibili Ko siya upang palayain siya, upang siya ay maaaring bumalik sa kanyang bansa upang sabihin na sa Lupa ay nariyan ang Tao Na nagmamahal sa lahat na mga tao, at habang mas nakikita Niya ang kanilang pagka di-masaya mas lalo sila Niyang minamahal. Itago ninyo ang inyong lukbutan.»

«Hindi, Guro, iyan ay sa Inyo na. Ang lalaki ay malaya na gayon din. Siya ay akin. Binigay ko na siya sa Inyo. Pinalalaya Ninyo siya. Walang pera ang kinakailangan para diyan.»

«Bueno... Ikaw ba ay may pangalan?» Tinatanong Niya ang mamâ.

«Madalas namin siyang tawagin na Callisto nang may panunuya. Ngunit noong siya ay nahuli...»

«Hindi na bale. Gamitin ang pangalan na iyan, at gawin iyan na totoo sa pagiging napakagandang lalaki sa iyong espiritu[1]. Humayo. Maging masaya sapagkat niligtas ka ng Diyos.»

Humayo! Ang negro ay hindi mapagod sa paghalik at pagsabing: «Jesus! Jesus!» at kanyang ipinapatong muli ang paa ni Jesus sa kanyang ulo nagsasabing: «Kayo. Ang aking tanging Panginoon.»

«Ako. Ang iyong totoong Ama. Domina, kayo na ang bahala na siya ay makabalik sa kanyang bansa. Gamitin ang pera para diyan at ibigay sa kanya ang matira. Paalam, domina. At huwag kailanman makinig sa mga tinig ng kadiliman. Maging makatarungan. Ang magsikap na makilala Ako. Paalam, Callisto. Paalam, babae.»

At si Jesus ay binigyan ng katapusan ang pag-uusap sa pamamagitan ng paglukso sa ilog patungo sa kabila na katapat ng tabi kung nasaan ang kamilya at Siya ay nawala sa paningin sa pagitan ng mga palumpong, ng mga willow at ng mga palumpungan ng tambo.

Si Claudia ay tinawag ang mga taga-bitbit at pumasok muli sa kamilya nang may nag-iisip na hitsura.  Ngunit kung siya ay tahimik, ang laya na babae at ang pinalayang alipin ay nagsasalita nang katulad ng sampung tao at kahit na ang mga lehiyonaryo ay nakalimutan ang istriktong disiplina sa presensya ng kababalaghan ng isang tinubuan-muli ng dila. Si Claudia ay buhos na buhos sa pag-iisip upang makapagbigay ng utos ng katahimikan. Nakapahiga sa loob ng kanyang kamilya, ang isang siko nakapatong sa mga unan, ang kanyang ulo nakapatong sa kanyang kamay, hindi siya makarinig ng kahit ano. Siya ay nakalubog sa kanyang iniisip. Ni hindi niya napupuna na ang laya na babae ay hindi niya kasama bagkus nakikipagdaldalan katulad ng isang madaldal na ibon, sa mga tagabitbit ng kamilya habang si Callisto ay nakikipagusap sa mga sundalo na, kung napananatili nila ang linya, hindi sila makapanatiling tahimik. Balisang balisa sila na makapanahimik!

Bumabalik sa pareho ding daan, narating nila ang sangahan ng mga daan ng Bethel at Ramah; ang kamilya ay iniiwan ang Ephraim upang samahan ang iba pa sa prusisyon.

 210412



¹ Ang Callisto sa katunayan ay isang salitang Griyego na ang ibig sabihin napakaganda, napaka guwapo.




Sunod na kabanata