562. Ang Lalaki ng Jabneel.

Pebrero 7, 1947.

Maaaring mga ilang araw ang nakaraan. Iyan ang sinasabi ko sapagkat nakikita ko ang trigo, na sa nakaraang mga bisyon ay wala pang isang dangkal ang taas, ay ngayon pagkaraan ng huling malakas na ulan at ng magandang sikat ng araw na sumunod dito ay mataas na at malapit nang magbigay ng mga tainga ng butil. Ang mga seryal, malalambot pa sa kanilang mga kalamo, ay napayuyuko ng magaan na ihip ng hangin, na nakikipaglaro sa bagong mga dahon ng maagang namumungang mga punungkahoy, na pagkatapos na mamulaklak o habang ang mga petalo ay pakaway-kaway at bumabagsak, binubuka ang kanilang malalambot na medyo esmeraldang maningning na mga dahon, na kasing ganda ng lahat na puro at bago. Ang mga baging, na wala pang mga dahon at mabukul-bukol, ay mamumulaklak saka na, ngunit sa pilipit na mga usbong, na nagkakasabiran sa isa’t isa, ang mga buko ay pumutok na ang maitim na  pangibabaw na bumabalot sa kanila, at, bagama't nasasarhan pa nito, pinakikita na ang platang-abuhin na balahibo na siyang magiging pugad ng bagong mga dahon at ng mga galamay-baging sa hinaharap, at ang medyo kahoy na pilipit na parang mga bitin na mga sanga ay tila napalalambot ng isang sariwang kayumihan. Ang sikat ng araw, na mainit na, ay sinimulan na ang gawain nito ng pagkukulay sa lahat at pagpapalabas sa mga katas ng tanim, at habang kinukulayan nito ng mas maniningning na kulay ang dating nagmumukhang mas maputla mga ilang araw pa lamang ang nakararaan, nagpapainit ito at kung gayon nagpapalabas ng iba't ibang uri ng amoy mula sa lupa, mula sa mabubulaklak na parang, mula sa mga bukid ng seryal, mula sa mga hardin ng mga gulay at mga lootan, mula sa mga kahoy, mula sa mga pader, mula sa mga pinaka damit na nakasampay, pinaghahalu-halo sila nang maganda sa pagiging isang amoy na tatagal sa buong tag-init hanggang mabago ito sa pagiging malakas na alingasaw ng pinigang katas ng mga ubas  sa mga tangke kung saan ang katas ay nagiging alak. May malakas na koro ng mga ibon na umaawit sa pagitan ng mga punungkahoy, at isang sabik na paghuni ng mga lalaking tupa sa pagitan ng mga kawan. At ang pag-awit ng mga kalalakihan sa tabi ng mga dalisdis. At ang masasayang tinig ng mga bata. At ang mga ngiti ng mga kababaihan. Ngayon ay panahon ng tagsibol. Ang kalikasan ay umiibig. At ang tao ay nakakakuha ng kasiyahan mula sa pagmamahal ng kalikasan, na gagawin siyang mas mayaman malapit na, at kumukuha siya ng kasiyahan sa kanyang sariling pagmamahal, na nagiging mas buháy sa gayong mapanatag na pagpapanag-uli, at ang kanyang asawa ay tila mas mapagmahal sa kanya, habang siya ay mas lumalabas na mas dakilang protektor sa kanyang asawa, at ang kanilang mga anak na mahal sa kanila, katulad na sa kasalukuyan sila ang kanilang kasiyahan at kanilang inaalagaan, at sa hinaharap, kapag sila ay matanda na, sila ang magiging lugod at proteksiyon ng kanilang humihinang edad.

Si Jesus ay dumaraan sa tabi ng mga bukid na tumataas o humihilig nang pababa sinusundan ang ingklinasyon ng bundok. Siya ay nag-iisa. Siya ay nakasuot ng linen na damit, dahil naibigay Niya ang Kanyang huling delanang damit kay Samuel, at isang kung baga matingkad na asul na manta na nakatakip sa Kanyang isang balikat, bumabalot nang  magaan sa Kanyang katawan at nahahawakan ng Kanyang kamay sa Kanyang dibdib. Ang bahaging nagtatakip sa Kanyang braso ay pumapagaspas nang malumanay sa magaang ihip ng hangin at sa dahilan na wala Siyang takip sa ulo, ang Kanyang buhok ay nagniningning sa sikat ng araw. Siya ay dumaraan at kung saan may mga bata Siya ay yumuyuko upang  haplusin ang kanilang maliliit na inosenteng mga ulo at pakinggan ang kanilang maliliit na lihim, hinahangaan kung ano ang kanilang pinagmamadalian na ipakita sa Kanya na tila ito ay mga tagong kayamanan

Ang isang maliit na batang babae, na napakaliit na siya ay natutumba pa rin kapag tumatakbo ay nagkabuhul-buhol sa kanyang maliit na damit na napakahaba para sa kanya dahil baka minana lamang niya ito mula sa isang kapatid na lalaki na mas matanda sa kanya,  ay dumaraan malapit kay Jesus na may ngiti na nagagawa ang kanyang mga mata na magningning at naipakikita ang kanyang unang maliliit na ngipin sa pagitan ng kanyang rosas na mga labì. May dala-dala siya ng isang kumpol ng mga margarita, isang malaking kumpol  hawak ng kanyang dalawang kamay, kasing dami na mahahawakan ng kanyang maliliit na kamay, at itinataas niya ang kanyang tropeo nagsasabing: «Kunin ito! Ito ay sa Inyo. Kay inay pagkatapos. Isang halik dito!» at sa pamamagitan ng kanyang maliliit na kamay, ngayon malaya na, dahil nakuha na ni Jesus ang maliit na kumpol pinasasalamatan siya nang may mga salita ng paghanga, hinihipo niya ang kanyang mga labì at tumatayo siya, na ang kanyang ulo nakakiling sa likod, halos mawalan siya ng balanse, sa pagsisikap na mapahaba ang kanyang maliit na sarili hanggang sa mukha ni Jesus, Na tumatawa kinakarga siya at dinadala siya, at siya ay nakaluklok doon katulad ng isang maliit na ibon sa isang mataas na punungkahoy, patungo sa isang grupo ng mga kababaihan na nagbababad ng bagong mga piraso ng tela sa malinaw na tubig ng isang agos ng tubig, upang maibilad ito sa araw pagkatapos, upang makulayan ito.

Ang mga babae, nakabaluktot sa tubig, ay tumayo bumabati at ang isa sa kanila ay nagsabing ngumingiti: «Si Tamar ay bigay nang bigay ng problema sa Inyo...Ngunit kanina pang pagsikat ng araw siya namimitas ng mga bulaklak sa lihim na pag-asa na makikita Kayong daraan. Ayaw niyang magbigay ng kahit isa dahil gusto niyang ibigay muna ang lahat sa Inyo.»

«Sila ay mas mahal sa Akin kaysa sa mga kayamanan ng mga hari. Sapagkat sila ay kasing inosente ng mga bata at binigay sa Akin ng isa na kasing inosente ng isang bulaklak.» Hinahalikan Niya ang maliit na batang babae ibinababa siya, at binabati Niya siya nagsasabing: «Harinawang ang grasya ng Diyos ay pumunta sa iyo.» Binabati Niya ang mga babae at nagpapatuloy Siya sa Kanyang paglalakad binabati ang mga magbubukid o mga pastol na kumakaway sa Kanya mula sa mga bukid at mga parang.

Siya ay tila patungo sa mas mababang bahagi ng kabukiran, pagawing Jericho. Ngunit Siya ay bumalik at kinuha ang isa pang landas na umaakyat muli sa mga kabundukan pagawing hilaga ng Ephraim. Ang mga tanim dito ay mas magaganda pa nga, dahil ang lupa ay nasa mas paborableng pusisyon at napoprotektahan sa mga hanging hilaga. Ang landas ay tumatakbo sa pagitan ng dalawang bukid at sa isa sa mga ito ay may mga namumungang punungkahoy na itinanim sa magkakaparehong pagitan, at ang mga buko ng maaagang bunga ay nakakatulad na ng mga perlas sa mga sanga.

Ang isang daan na bumababa mula sa hilaga patungo sa timog ay nakakatagpo ang landas. Ito ay maaaring kung baga mahalagang daan dahil sa panagpuan ay naroon ang isa sa mga milyahe na ginagamit ng mga Romano, may nakaukit na: «Neapolis» sa hilagaing tabi nito, sa malalaking letrang lapidaryo ng Latin, at sa ilalim nito, sa mas maliliit na letra nakakaskas lamang sa bato: «Shechem»; sa kanluraning tabi: «Shiloh-Herusalem»; at sa dakong timog na tabi: «Jericho». Walang pangalan sa silanganing tabi.

Ngunit masasabi ng isa na kung wala doong pangalan ng kahit anong bayan, naroon ang pangalan ng isang kamalasan ng pagkatao. Sapagkat sa lupa, sa pagitan ng milyahe at ng kanal sa tabi ng daan, na ginawa upang maparaan ang tubig, katulad sa lahat na mga daan na inaalagaan ng mga Romano, ay may isang tao, namanhid, isang balutan ng mga basahan, baka patay.

Si Jesus ay niyuyukuan ito nang makita Niya ito sa pagitan ng mga tambo na pinayabong sa kanal ng malakas na pag-ulan ng tagsibol at hinihipo Niya ito nagtatanong: «Mamâ? Ano ang nangyayari sa iyo?»

Isang daing ang tugon, Ngunit ang balutan ay gumalaw, nagbukas at ang isang nangayayat na mukha, na kasing puti ng patay, ay lumitaw at ang dalawang pagod na mga mata, naghihirap na mga mapupungay na mata ay tumingin na puno ng pagtataka sa Kanya Na nakayuko sa kanyang paghihirap. Nagsisikap siyang maupo itinutulak ang kanyang nangayayat na mga kamay sa lupa, ngunit napakahina niya na siya ay hindi magtatagumpay nang walang tulong ni Jesus.

Si Jesus ay tinutulungan siya at itinuwid siya na ang kanyang likod nakasandal sa milyahe. At tinanong Niya siya: «Ano ang nangyayari sa iyo? May sakit ka ba?»

«Oo.» Isang napakahinang «oo».

«Ngunit bakit naglakbay ka nang nag-iisa, sa ganitong kalagayan? Wala ka bang sinumang makakasama?»

Ang mamâ ay tumatango ng pagsang-ayon, ngunit napakahina niya upang tumugon.

Si Jesus ay tumitingin-tingin sa paligid. Walang sinumang tao sa mga bukid. Ang lugar ay totoong walang mga tao, Sa pagawing hilaga, halos sa tuktok ng isang burol, ay may maliit na grupo ng mga bahay; sa pagawing kanluran, sa gitna ng berdeng mga tanim ng dalisdis na umaakyat na may mas marami pang mga munting burol kung saan ang mga bukid ay napalitan ng mga parang at mga kakahuyan, ay may ilang mga pastol sa gitna ng isang kawan ng balisang mga kambing. Si Jesus ay tiningnan muli ang mamâ at tinanong siya: «Kung aalalayan kita, sa palagay mo ba makakarating ka sa nayon na iyon?»

Ang mamâ ay iniiling ang kanyang ulo at dalawang luha ang dumaloy sa kanyang mga pisngi na tuyong-tuyo na tila ito ay napakulubot ng edad, samantalang ang kanyang maitim na balbas ay nagpapatunay na siya ay bata pa. Inipon niya ang kanyang lakas upang magsabi: «Pinalayas nila ako... sa takot sa ketong... hindi ako ketongin... At ako ay namamatay na... sa gutom.» Naghihingalo siya dala nang kahinaan. Isinuot niya ang kanyang isang daliri sa kanyang bunganga at inilabas ang isang medyo berde pang kalamnan nagsasabing «Tingnan... nguya na ako nang nguya ng trigo... ngunit berde pang damo ito.»

«Pupuntahan Ko ang pastol na iyon. Magdadala Ako sa iyo ng ilang mainit na gatas. Hindi Ako magtatagal.» At Siya ay halos tumatakbo sa kinaroroonan ng kawan, mga dalawang-daang metro sa itaas ng daan.

Narating Niya ang pastol, nagsasalita Siya sa kanya at pinapakita Niya kung nasaan ang mamâ. Ang pastol ay tumalikod upang tingnan, siya ay tila hindi makapagpasya kung susundin niya ang pakiusap ni Jesus. Pagkatapos nagpasya ang kanyang isip. Inaalis niya mula sa kanyang sinturon ang gawa-sa-kahoy na mangkok na kanyang dinadala katulad ng lahat ng mga pastol, ginagatasan niya ang isang kambing at binigay ang punóng mangkok kay Jesus, Na bumaba sa dalisdis nang maingat, sinusundan ng isang bata na kasama ng pastol.

Malapit na Siya muli sa nagugutom na mamâ.  Lumuhod Siya sa tabi niya, inakbayan ng Kanyang isang kamay ang mamâ upang masuportahan siya at inilapit ang mangkok, kung saan ang gatas ay natatakpan pa ng mga bulâ, sa kanyang mga labì. Ginagawa Niya siya na humigop nang unti-unti. Pagkatapos ibinaba Niya ang mangkok sa lupa nagsasabing: «Tama na iyan ngayon. Kung inumin mo lahat iyan kaagad, makakasama sa iyo. Gawin mong makakuha muli ng kaunting lakas ang iyong tiyan sa pamamagitan ng gatas na binigay Ko sa iyo.»

Ang mamâ ay hindi tumututol. Sinasara niya ang kanyang mga mata at nananahimik, habang ang bata ay tinitingnan siya nang may labis na pagtataka.

Pagkaraan ng kaunting sandali ibinibigay muli ni Jesus ang mangkok para sa mas matagal na paghigop at nagpapatuloy Siya nang gayon, sa paikli nang paikli na pagitan, hanggang sa maubos ang gatas. Isinauli Niya ang mangkok sa bata at pinaalis na Niya siya.

Ang lalaki ay nakapanaguli nang unti-unti. Sa pamamagitan ng mga pagkilos na nanlalambot pa inaayos niya ang kanyang sarili nang kahit papaano. Siya ay ngumingiti nang may pasasalamat tinitingnan si Jesus Na naupo na sa damo sa tabi niya. humihingi Siya ng paumanhin nagsasabing: «Nagawa ko Kayo na masayang ang Inyong oras.»

«Huwag mag-alala! Ang panahon na ginagamit sa pagmamahal sa ating mga kapatid ay hindi kailanman nasasayang. Kapag mabuti-buti na ang iyong pakiramdam tayo ay mag-uusap.»

«Maganda=ganda na ang aking pakiramdam. Ang aking katawan ay umiinit na at ang aking mga mata... Akala ko mamamatay na ako... Ang kaawa-awa kong mga anak! Nawala ko na ang lahat na pag-asa... At hanggang sa sandaling iyon labis akong umaasa!... Kung Kayo ay hindi dumating, namatay siguro ako... nang ganyan na lamang... nag-iisa sa daan...»

«Naging napakalungkot Ko sana. Iyan ay totoo. Ngunit ang Kataastaasan ay tiningnan ang Kanyang anak at tinulungan siya. Magpahinga na nang kaunti ngayon.»

Ang lalaki ay sumunod nang mga ilang sandali. Pagkatapos idinilat niyang muli ang kanyang mga mata at sinabi niya: «Bagong tao ang pakiramdam ko. O! Sana makapunta ako sa Ephraim!»

«Bakit? Mayroon bang naghihintay sa iyo doon? Ikaw ba ay taga-Ephraim?»

«Hindi. Ako ay nanggaling mula sa bayan ng Jabneel, malapit sa Great Sea. Ngunit naglakad ako patungo sa Galilee, sa tabi ng mga baybayin, hanggang sa layo ng Caesarea. Pagkatapos pumunta ako sa Nazareth. Sapagkat may sakit ako rito (tinuturo niya ang kanyang tiyan). Isang sakit na walang makapagpapagaling at hindi ko matrabaho ang lupa gawa nito. At ako ay isang balo. May limang anak... Ang isang lalaki mula sa aming lugar, dahil ako ay pinanganak sa Gaza, na may ama na isang Pilisteo at ina na isang Syro-Phoenician, ang isang lalaki mula sa aming lugar ay isang tagasunod ng Galilean na Rabbi at pumunta siya sa amin may kasamang isa pang lalaki, at nagsalita sa amin tungkol sa Rabbi. Napakinggan ko rin siya. At nang ako ay nagkasakit sinabi ko: “Ako ay isang Syrian at isang Pilisteo, pinandidirihan sa Israel. Ngunit si Ermasteus ay nagsabi na ang Rabbi ng Galilee ay kasing buti katulad na Siya ay makapangyarihan. At pinaniwalaan ko ito. At ako ay papunta sa Kanya”. At nang ang panahon ay bumuti kaagad iniwan ko ang mga bata sa ina ng aking asawa, dinala ko ang kaunti kong naiipon, sapagkat malaki ang nagastos para sa aking sakit, at umalis ako sa paghahanap sa Rabbi. Ngunit ang pera ay hindi tumatagal nang matagal kapag ang isa ay naglalakbay. Lalo na kung hindi makain ng isa ang lahat na klase ng pagkain... at ang isa ay kailangan na tumigil sa mga bahay-panuluyan kapag napipigilan ang isa na makapaglakbay gawa ng kirot. Sa Sephoris pinagbili ko ang aking asno sapagkat wala na akong perang natira para sa aking sarili at para sa nararapat na maibigay sa Rabbi. Inisip ko na sa sandaling ako ay mapagaling, magagawa kong makain ang lahat sa daan at kung gayon makakauwi ako nang mabilis. At nagtatrabaho doon sa aking mga bukid at sa mga bukid ng ibang mga tao umasa ako na mababawi ko ang aking nagastos... Ngunit ang Rabbi ay wala sa Nazareth o sa Capernaum. Ang Kanyang Ina ay sinabi sa akin: “Siya ay nasa Judaea. Hanapin mo Siya sa bahay  ni Jose ng Sephoris sa Bezetha o sa Gethsemane. Masasabi nila sa iyo kung nasaan Siya”. Bumalik ako nang naglalakad. Palala nang palala ako... at ang aking pera ay lumiliit. Sa Herusalem, kung saan ako sinabihan na pumunta, nakita ko ang mga tao ngunit hindi ang Rabbi. Sinabi nila sa akin: “O! Pinalayas nila Siya matagal na. Siya ay isinumpa ng Sanhedrin. Siya ay lumayas ngunit hindi namin alam kung saan”. Ang aking pakiramdam... ako ay mamamatay na... katulad lamang ngayon. Hindi, bagkus, mas mahigit pa kaysa sa ngayong araw. Nagtanong ako sa daan-daan na mga tao sa bayan at sa kabukiran. Walang nakaaalam. Ang ilan ay umiyak kasabay ko. marami ang nanakit sa akin. Pagkatapos isang araw, nang ako ay nagsimulang manghingi ng limos sa labas ng bakuran ng Templo, napakinggan ko ang dalawang Pariseo na nagsabi: “Ngayon na alam na natin na si Jesus ng Nazareth ay nasa Ephraim...” hindi na ako nag-aksaya ng panahon, at nanghihinang katulad ko noon, pumunta ako rito, nanghihingi ng kaunting tinapay, at palalo nang palalo ang pagmumukha kong maging parang basahan at may-sakit. At sa dahilan na hindi ko kabisado ang daan, nakuha ko ang maling daan... Sa araw na ito ako ay nanggaling doon, sa nayon na iyon. Sa loob ng dalawang araw wala akong sinisipsip bagkus ang layas na mga fennel, at ngumuya ako ng atsikorya at berdeng butil. Akala nila ako ay ketongin, dahil sa aking pamumutla at pinalayas nila ako binabato ako ng mga bato. Nakikiusap lamang ako para sa isang piraso ng tinapay at upang ipakita sa akin ang daan patungo sa Ephraim... Bumagsak ako rito... Ngunit gusto kong pumunta sa Ephraim. Malapit na malapit na ako sa aking tinatangka! Posible ba na hindi ko ito marating? Naniniwala ako sa Rabbi. Ako ay hindi isang Israelita. Ngunit ni hindi rin si Ermasteus, at Siya ay minamahal siya nang gayon din. Posible ba na ang Diyos ng Israel ay tratuhin ako nang may mabigat na kamay upang ipaghiganti ang Kanyang Sarili para sa mga kasalanan ng mga magulang ko?»

«Ang totoong Diyos ay ang Ama ng mga tao. Siya ay makatarungan, ngunit mabuti. Ginagantimpalaan Niya ang mga may pananampalataya at hindi niya ginagawang pagbayaran ng mga inosente ang mga kasalanan na hindi naman nila ginawa. Ngunit bakit mo sinabi na noong marinig mo na walang nakaaalam tungkol sa tinutuluyan ng Rabbi, naramdaman mo na tila ikaw ay mamamatay na nang higit pa kaysa sa naramdaman mo ngayong araw?»

«Eh! dahil sinabi ko: “Nawala na Siya sa akin bago ko pa man Siya matagpuan”.»

«Ah! dahil sa iyong kalusugan!»

«Hindi. Hindi lamang para diyan. Bagkus si Ermasteus ay nagsabi ng ilang mga bagay tungkol sa Kanya na sa isip ko na kung makilala ko Siya, hindi na ako magiging imbi.»

«Kung gayon, naniniwala ka ba na Siya ay ang Mesiyas?»

«Naniniwala ako. Hindi ko eksaktong alam kung ano ang Mesiyas, ngunit naniniwala ako na ang Rabbi ng Nazareth ay ang Anak ng Diyos.»

Ang ngiti ni Jesus ay maningning nang nagtanong Siya: «Sigurado ka ba na kung Siya ay ganyan nga, pakikinggan ka Niya, bagama't hindi ka tinuli?»

«Natitiyak ko sapagkat iyan ang sinabi ni Ermasteus. Sinabi niya: “Siya ay ang Tagapagligtas ng lahat na mga tao. Hanggang sa ganang Kanya walang mga Hebreo o mga idolatra. Bagkus mga nilalang lamang na kailangang mailigtas sapagkat ang Panginoong Diyos ay pinadala Siya para diyan”. Marami ang tumawa. Ako ay naniwala. Kung masasabi ko sa Kanya: “Jesus, maawa sa akin”, pakikinggan Niya ako. O! kung Kayo ay nanggaling sa Ephraim, dalhin Ninyo ako sa Kanya. Baka Kayo ay isa sa Kanyang mga disipulo...»

Si Jesus ay mas lalu’t lalo pang ngumingiti at nagmungkahi Siya: «Subukan at hingin sa Akin na pagalingin ka...»

«Kayo ay mabuti, mamâ.  May labis na kapayapaan malapit sa Inyo. Oo, Kayo ay kasing buti ng... Rabbi Mismo, at tiyak na pinagkalooban Niya Kayo ng kapangyarihan na gumawa ng mga himala, sapagkat ang maging kasing buti katulad Ninyo, Kayo ay maaaring walang iba bagkus isa sa Kanyang mga disipulo. Natagpuan ko ang lahat na mga iyon, na nagsabi sa akin na sila ay gayon, na mabubuti. Ngunit pakiusap na huwag masaktan kung sabihin ko sa Inyo na baka mapagagaling Ninyo ang mga katawan, ngunit hindi ang mga kaluluwa. At gusto ko rin na ang aking kaluluwa ay mapagaling, katulad na ito ang nangyari kay Ermasteus. Ang maging isang makatarungan na tao... At tanging ang Rabbi lamang ang makagagawa niyan. Ako ay isang makasalanan bukod sa pagiging may-sakit. Ayaw kong mapagaling sa aking katawan at pagkatapos mamatay isang araw kasama ang aking kaluluwa. Gusto kong mabuhay. Sinabi ni Ermasteus na ang Rabbi ay ang Buhay ng kaluluwa at na ang kaluluwa na naniniwala sa Kanya ay mabubuhay lagi sa Kaharian ng Diyos. Dalhin Ninyo ako sa Rabbi. Maging mabuti! Bakit Kayo ngumingiti? Baka dahil sa akala Ninyo ako ay nagiging pangahas sa pagkagusto na mapagaling nang hindi makapagbibigay ng isang alay? Ngunit kapag ako ay napagaling mabubukid ko na muli ang aking lupa. Mayroon akong magagandang prutas. Gawin ang Rabbi na pumunta kapag hinog na ang mga prutas at babayaran ko Siya ng ospitalidad hanggang sa gusto Niya.»

«Sino ang nagsabi sa iyo na ang Rabbi ay gusto ng pera? Si Ermasteus?»

«Hindi. Sa kabaligtaran madalas niyang sabihin na ang Rabbi ay naaawa sa mahihirap at tinutulungan Niya sila muna. Ngunit iyan ang kaugalian sa lahat na mga doktor at...at sa lahat, sa maikling pananalita.»

«Ngunit hindi sa Kanya. Matitiyak Ko sa iyo. At sasabihin Ko sa iyo na kung mapipilit mo ang iyong pananampalataya na hingin ang himala rito, at maniwala na ito ay posible, makukuha mo iyan.»

«Ang sinasabi ba Ninyo ay totoo?... Natitiyak Ninyo? Siyempre, kung Kayo ay isa sa Kanyang mga disipulo hindi Kayo makapagsisinungaling o magkakamali. At bagama't ako ay nalulungkot na hindi makita ang Rabbi... gusto ko Kayong sundin... Baka, inuusig katulad Niya... ayaw Niyang Siya ay nakikita... Wala na Siyang pinagkakatiwalaan pang sinuman. Tama Kayo. Ngunit hindi tayo ang magiging sisira sa Kanya. Ito ay magiging ang totoong mga Hebreo... Ngunit, bueno, sinasabi ko rito (siya ay lumuluhod nang may kahirapan): “Jesus, Anak ng Diyos, maawa sa akin”»

«At mangyari iyan sa iyo katulad na ang iyong pananampalataya ay karapat-dapat niyan » sabi ni Jesus ginagawa Niya ang Kanyang senyas ng awtoridad sa mga sakit.

Ang lalaki ay tila nalilito na tila siya ay tinamaan ng isang biglang liwanag. Ang lalaki ay natatauhan – hindi ko alam kung sa pamamagitan ng isang kislap ng kanyang katalinuhan o sa pamamagitan ng isang pisikal na pakiramdam o sa pamamagitan ng dalawang ito nang magkasabay – kung sino ang Lalaki Na nasa harapan niya, at siya ay napasigaw ng gayong matinis na sigaw na ang pastol, na bumababa patungo sa daan baka upang mag-usisa, ay binilisan ang kanyang paghakbang.

Ang lalaki ay nasa lupa ang kanyang mukha nasa damuhan. At ang pastol tinuturo siya sa pamamagitan ng kanyang tungkod ay nagtatanong: «Siya ba ay patay na? Mahigit pa sa gatas ang kinakailangan kapag ang isang tao ay tapos na!» at iniiling niya ang kanyang ulo.

Ang lalaki ay napakinggan ito at tumayo, malakas at malusog. Siya ay sumisigaw: «Patay? Ako ay magaling na! Ako ay isang bagong tao. Ginawa Niya ito sa akin. Hindi na ako nanghihina sa gutom o naghihirap sa kahit anong sakit. Ang pakiramdam ko ay katulad noong araw na ako ay nagpakasal! O! Pinagpalang Jesus! Bakit hindi ko Kayo nakilala kanina?! Ang Inyong habag ay sana nasabi sa akin ang Inyong pangalan! Ang kapayapaan na aking naranasan malapit sa Inyo! Ito ay katangahan ko. Patawarin ang Inyong abang lingkod!» At itinapon niya ulit ang kanyang sarili sa lupa, sumasamba

Ang pastol ay iniwan ang kanyang mga kambing at humayong patungo sa maliit na nayon tumatakbo at lumulukso.

Si Jesus ay naupo sa tabi ng napagaling na lalaki at nagsabi: «Nagsasalita ka sa Akin kanina tungkol kay Ermasteus, na tila siya ay patay na. Kung gayon alam mo kung papaano siya namatay. Isa lamang ang gusto Ko tungkol sa iyo. Na ikaw ay sumama sa Akin sa Ephraim at banggitin kung papaano siya namatay sa isang tao na nakakasama Ko. Pagkatapos ipadadala kita sa Jericho, sa isang babaeng disipulo Ko, upang sana ikaw ay matulungan niya sa iyong paglalakbay pabalik.»

«Kung iyan ang ibig Ninyo, pupunta ako. Ngunit, ngayon na ako ay malusog na, hindi na ako natatakot na mamatay sa daan. Kahit damo ay makapagsusustento sa akin at hindi nakakahiyang magpalimos sapagkat hindi ko ginasta ang lahat sa mga lasingan, bagkus para sa tapat na pakay.»

«Iyan ang gusto Ko. Sasabihin mo sa babaeng disipulo na nakita mo Ako at na Ako ay naghihintay para sa kanya rito. Makakapunta na siya ngayon. Walang manggugulo sa kanya. Magagawa mo bang sabihin sa kanya iyan?»

«Oo, gagawin ko.. Ah! Bakit nila Kayo kinapopootan, kung napakabuti Ninyo?»

«Sapagkat maraming tao ang nahahawakan ng dimonyo. Tayo na.»

Si Jesus ay umalis patungong Ephraim at ang lalaki ay sinusundan Siya nang walang pag-aatubili. Tanging ang kanya lamang kapuna-punang kapayatan ang tanda ng kanyang nakaraang sakit at kasalatan.

Pansamantala maraming mga tao ang bumababa mula sa maliit sa nayon sumisigaw at pakaway-kaway. Tinatawag nila si Jesus. Sinasabihan nila Siya na tumigil. Si Jesus ay hindi sila pinakikinggan, sa kabaligtaran binibilisan Niya ang Kanyang hakbang. At sinusundan nila Siya...

Naroroon na Siyang muli malapit sa Ephraim. Ang mga magbubukid na mga naghahanda nang umuwi, dahil ang araw ay nagsisimula nang lumubog, ay binati Siya at tiningnan ang lalaki na kasama Niya.

Si Judas ng Kerioth ay bigla na lamang lumitaw mula sa isang daanan. Siya ay nagulat nakikita ang Guro.

Ngunit si Jesus ay hindi nagpapakita ng kahit na anong pagkasorpresa. Kinakausap lamang Niya ang lalaki nagsasabing: «Ito ay isa sa Aking mga disipulo. Sabihin mo sa kanya ang tungkol kay Ermasteus.»

«Eh! ito ay nasabi kaagad. Siya ay walang-kapaguran sa pagpapahayag tungkol sa Kristo, nang siya rin ay nagpasyang humiwalay sa kanyang kasama upang manatiling kasama namin. Sinabi niya na kami ay nasa mas mahigpit na pangangailangan kaysa sino pa mang iba na makilala Kayo, Rabbi, at na ibig niya Kayong makilala sa kanyang amangbayan, at na siya ay babalik sa Inyo pagkatapos na maibalita ang Inyong pangalan nang hayagan sa publiko sa lahat na maliliit na mga nayon. Namuhay siya katulad ng isang penitente. Kung may ilang mga tao na nagbibigay sa kanya ng ilang tinapay pinagpapala niya sila sa ngalan Ninyo. Kung siya ay binabato nila, siya ay umaalis pinagpapala sila nang gayunpaman, at namumuhay siya sa pagkain ng layas na mga prutas o ng mga mulusko na pinupulot niya sa mga bahanginang-babaw o hinuhukay niya sa buhangin. Marami ang nagsasabi na siya ay nasisiraan ng ulo. Ngunit wala talagang napopoot sa kanya. Sa pinaka masamang pangyayari siya ay kanilang pinalalayas na tila siya ay isang tao na may dala ng masamang suwerte. Isang araw nakita nila siya na patay sa tabi ng daan, hindi malayo sa aking lugar, sa daan na magdadala sa isa sa Judaea, halos na sa hangganan na. Hindi kailanman natuklasan kung ano ang kanyang ikinamatay. Ngunit ang sabi-sabi siya ay pinatay ng kung sinong tao na ayaw na ang Mesiyas ay maituro sa mga tao. Mayroon siyang malaking sugat sa kanyang ulo. Sinasabi nila na siya ay sinagasaan ng isang kabayo. Ngunit hindi ko iyan pinaniniwalaan. Siya ay ngumingiti pa nakaunat sa alikabok ng daan. Oo. Siya ay talagang tila ngumingiti sa huling mga bituin ng pinakamalinaw na gabi ng buwan ng Elul at sa tumataas na araw ng umaga. Ang ilang mga hardinero ng mga gulay ay nakita siya pagsikat ng araw, habang patungo sila sa bayan dala ang kanilang mga gulay, at sinabihan nila ako nang sila ay dumating upang kolektahin ang aking mga pipino. Nagmadali ako roon upang tingnan siya. Siya ay nagpapahinga sa dakilang kapayapaan.»

«Napakinggan mo ba, Judas?» Si Jesus ay tinatanong si Judas.

«Oo, napakinggan ko. Ngunit hindi ba’t sinabi Ninyo sa kanya na paglilingkuran niya Kayo at  magkakaroon siya ng isang mahabang buhay?»

«Hindi Ko sinabing eksaktong ganyan. Ang panahon na nakaraan ay napalabo ang iyong isip. Hindi ba niya Ako napaglingkuran nagpapahayag ng ebanghelyo sa mga lugar ng misyon, at hindi ba siya nagkaroon ng isang mahabang buhay? Anong buhay ang mas mahaba pa kaysa sa buhay na nakuha ng mga namatay sa paglilingkod sa Diyos? Mahaba at maluwalhati.»

Si Judas ay may tusong tawa na iyon na nakaiinis sa akin nang labis, ngunit hindi siya tumutugon.

Pansamantala ang mga tao mula sa maliit na nayon ay sumama na sa mga tao mula sa Ephraim at sila ay nagsasalita sa kanila tinuturo si Jesus.

Si Jesus ay nagsabi kay Judas: «Dalhin ang lalaki sa bahay at tapusin ang pagpapanumbalik sa kanya. Aalis siya pagkatapos ng Sabbath na kasisimula pa lamang.»

Si Judas ay sumunod at si Jesus ay nananatiling nag-iisa at naglalakad Siya nang dahan-dahan yumuyuko upang pagmasdan ang mga tangkay ng trigo, kung saan ang medyo indikasyon ng mga tainga ng butil ay nagsisimula nang lumitaw.

Ang ilang mga tao mula sa Ephraim ay nagtanong sa Kanya: «Ang butil na ito ay maganda, hindi ba?»

«Maganda. Ngunit katulad din ng butil ng ibang mga rehiyon.»

«Siyempre, Guro. Iyan ay lahat butil! Kailangang pare-pareho iyan.»

«Sa palagay mo ba? Kung gayon ang butil ay mas mabuti pa kaysa sa mga tao. Sapagkat kung ito ay naihahasik nang may-kagalingan nagkakaroon ito ng gayon ding bunga katulad sa Judaea o sa Galilee o, masasabi natin, sa mga kapatagan sa tabi ng Great Sea. Ang tao, sa halip, ay hindi nagkakaroon ng gayon ding bunga. At ang lupa ay mas mabuti pa kaysa sa mga tao. sapagkat kapag ang binhi ay ipinagkatiwala rito, ito ay mabait sa binhi nang hindi gumagawa ng pagkakaiba kung ang binhi ay mula sa Samaria o sa Judaea.»

«Iyan ay ganyan. Ngunit bakit Ninyo sinasabi na ang butil at lupa ay mas mabuti pa kaysa sa mga tao?»

«Bakit?... Hindi pa nagtatagal ang isang tao ay nakikiusap para sa isang piraso ng tinapay, sa ngalan ng awa, sa geyt ng isang nayon. At siya ay pinalayas sapagkat ang mga tao ng lugar na iyon akala siya ay isang Judaean. At siya ay pinalalayas habang ang mga tao ay nagtatapon ng mga bato sa kanya at sinisigawan siyang isang “ketongin”, na inakala niya na baka dahil sa kanyang kapayatan, ngunit pinatutungkulan ang kanyang pinanggalingan. At ang taong iyon ay halos namatay sa kagutuman sa tabi ng daan. Kung gayon ang mga tao ng nayon na iyon, ang mga tao na nagpadala sa inyo upang tanungin Ako at gustong pumunta sa bahay kung saan Ako nakatira, upang makita ang lalaki na napagaling nang mahimala, ay mas malala pa kaysa sa butil at mga dakot ng lupa. Sapagkat hindi nila nagawa, bagama't sila ay naturuan Ko nang mabuti nang matagal, na  magkaroon ng gayon ding bunga na ibinunga ng taong iyon, na hindi isang Judaean o isang Samaritano at hindi pa kailanman Ako noon nakita o napakinggan, ngunit tinanggap ang mga salita ng isa sa Aking mga disipulo at naniwala sa Akin nang hindi Ako nakikilala. At dahil sila ay mas malalala pa kaysa sa mga dakot ng lupa, sapagkat tinanggihan nila ang mamâ gawa ng siya ay galing sa ibang binhi. Ngayon gusto nilang pumunta upang masiyahan ang kanilang kagutuman sa pag-uusyoso, habang hindi nila nabigyan ng kasiyahan ang kagutuman ng isang nanghihinang tao. Sabihin sa kanila na ang Guro ay hindi mabibigyan ng kasiyahan ang ganyang walang kabuluhang pag-uusyoso. At kayong lahat ay mas mabuti pang matutunan ninyo ang dakilang batas ng pagmamahal, na kung wala nito hindi kayo kailanman magiging Aking mga tagasunod. Hindi ang inyong pagmamahal para sa Akin na sa pamamagitan nito lamang maliligtas sa inyong mga kaluluwa. Bagkus ito ay ang pagmamahal para sa Aking doktrina. At ang Aking doktrina ay itinuturo ang pangkapatiran na pagmamahal nang walang tinitingnan na pagkakaiba sa lahi at senso. Kung kaya't gawin ang may matitigas-ang-puso na mga taong iyon na nagpalungkot sa Aking puso na lumayas, at gawin silang magsisi kung gusto nilang sila ay mahalin Ko. Sapagkat, itanim ito sa iyong mga isipan, kung Ako ay mabait, Ako rin ay makatarungan; kung wala Akong tinitingnan na mga pagkakaiba-iba at minamahal Ko kayo katulad na minamahal Ko ang mga mamamayan ng Galilee at ng Judaea, iyan ay hindi dapat kayong magawang napaka may-katangahang mapagmalaki iniisip na kayo ay ang paboritong sambayanan o binigyan kayo ng kapangyarihan na gumawa ng mali nang hindi natatakot na mapuna Ko. Pinupuri at pinupuna Ko, ayon sa katarungan, ang Aking mga kamag-anak at mga apostol at gayon din ang kahit sino pang ibang tao, at may pagmamahal sa Aking paninita. At ginagawa Ko iyan sapagkat gustong Kong may katarungan sa mga puso ng mga tao upang isang magantimpalaan Ko sana ang mga nagsasabuhay nito. Maaari na kayong makaalis at sabihan ang iba pa upang ang leksiyon ay sana mamunga sa lahat.»

Binalot ni Jesus ang Kanyang sarili sa Kanyang manta at naglakad pagawing Ephraim, iniiwan ang Kanyang mga kausap na mga umaalis nang kung baga nalulungkot upang ulitin ang mga salita ng Guro sa mga tao ng di-maawaing nayon.

230412

 


Sunod na kabanata