564. Sa Ephraim, Bago at Pagkatapos ng Pagdating ng Ina ni Jesus at ng mga Babaeng Disipulo Kasama si Lazarus.

Pebrero 12, 1947.

Sa loob ng bahay ni Maria ni Jacob sila ay mga gising na bagama't halos wala pang pagsikat ng araw. Sasabihin ko na ngayon ay maaaring isang Sabbath, sapagkat nakikita ko na ang mga apostol din ay naririto, samantalang sila ay pangkaraniwan wala nag-eebanghelyo. Abala sila nagsisindi ng mga apoy at nagpapakulo ng tubig, at si Maria ay natutulungan sa pagbibistay ng harina at sa pagmamasa nito upang makagawa ng tinapay.

Ang matandang babae ay sabik-na-sabik, kasing sabik ng isang maliit na batang babae, at habang nagtatrabaho nang aktibo nagtatanong siya nito at iyon: «Ito ba ay talagang ngayong araw? At ang iba bang mga lugar ay nakahanda na? Natitiyak ba ninyo na sila ay hindi hihigit sa pito?»

Si Pedro, na nagbabalat ng isang tupa sa paghahanda dito para lutuin, ay tumugon sa katauhan ng lahat: «Sila ay kailangan na naririto na bago ang Sabbath, ngunit ang mga babae ay baka hindi pa handa at sila ay naaabala. Ngunit sila ay tiyak na darating ngayong araw. Ah! Ako ay masaya! Nakalabas na ba ang Guro? Baka Siya ay lumabas upang salubungin sila...»

«Oo. Lumabas Siya kasama si Juan at si Samuel pagawi sa daan ng patungong gitnang Samaria» tugon ni Bartolomeo lumalabas may dalang isang pitsel ng kumukulong tubig.

«Kung gayon makatitiyak tayo na sila ay darating. Lagi Niyang nalalaman ang lahat» wika ni Andres.

«Gusto kong malaman kung bakit tumatawa ka nang ganyan. Ano ang naririyan na pagtatawanan kapag nagsasalita ang aking kapatid?» tanong ni Pedro na nakapuna sa tusong tawa ni Judas, na walang ginagawa sa isang sulok.

«Hindi ako tumatawa dahil sa iyong kapatid. Kayong lahat ay masaya at maaari din akong maging masaya at tumawa nang walang rason.»

Si Pedro ay tinitingnan siya nang may ibig-sabihin, ngunit nagpapatuloy siya sa pagtatrabaho.

«Naririto ito! Nakakuha ako ng isang mabulaklak na sanga. Hindi ito ang sanga ng isang almendras na gusto ko. Ngunit pagkatapos na mamulaklak ang punong almendras, mayroon Siyang iba mga sanga at masisiyahan Siya ng akin» sabi ni Tadeo na pumapasok may mga hamog na tumutulo, na tila siya ay nakapaglakad sa mga kakahuyan, at dala-dalang isang tungkos ng mabubulaklak na mga sanga. Isang himala ng mahamog na kaputian na tila nagliliwanag at nagdedekorasyon sa kusina.

«O! Gaano kaganda! Saan mo iyan nakita?»

«Kay Naomi. Alam ko na ang kanyang lootan ay hulí dahil sa hilagaing pusisyon nito. At umakyat ako roon.»

«Iyan kung bakit nagmumukha kang isang kagubatan na punungkahoy mismo! Ang mga patak ng hamog ay nagniningning sa iyong buhok at nabasa niyan ang iyong damit.»

«Ang landas ay kasing basa na tila umulan. Iyon ay ang káramihan na ng hamog sa pinakamagandang mga buwan.» Si Tadeo ay umalis kasama ang kanyang mga bulaklak, at pagkaraan nang kaunti tinawag niya ang kanyang kapatid upang tulungan siyang isaayos sila.

«Ako ang pupunta. Ako ay isang eksperto. Babae, mayroon ka bang isang amphora na may manipis na leeg, kung posible gawa sa pulang luwad? Sabi ni Tomas.

«Mayroon ako ng gusto mo at iba pang mga plorera din... Ang mga plorerang aking ginagamit sa mga kapistahang araw... para sa mga kasalan ng aking mga anak na lalaki o ilang iba pang mahahalagang okasyon.  Kung mahihintay mo akong mailagay ang mga keyk na ito sa hurno, isang sandali lamang, pupunta ako at bubuksan ko ang baul kung saan ang magagandang bagay ay tinatago... Ah! kakaunti na lamang sila ngayon, pagkatapos ng labis na kasawiang-palad! Ngunit nagtago ako ng ilan upang... maalaala... at upang maghirap, sapagkat kahit na kung sila ay mga alaala ng masasayang araw, nagagawa na nila ngayon ang isa na lumuha sapagkat pinaaalalahanan nila ang isa ng kung ano ang tapos na.»

«Sa gayong kaso mas mabuti pa siguro kung walang humingi niyan sa inyo. Hindi ko nagugustuhan ang nangyari sa atin sa Nob na mangyari ulit dito. Napakaraming mga preparasyon para sa wala...» sabi ng Iskariote.

Sasabihin ko sa iyo na ang isang grupo ng mga disipulo ay sinabi sa amin! Sa palagay mo ba napanaginipan nila ito? Sila ay nakausap si Lazarus. Pinauna sila niya nang sadya. Sila ay dumating upang sabihin sa atin na ang Kanyang Ina ay mapupunta rito bago ang Sabbath sa bagon ni Lazarus, kasama si Lazarus at ang mga babaeng disipulo...»

«Ngunit wala pa sila...»

«Dahil nakita mo ang taong iyon, sabihin sa akin: hindi ka ba niya nabigyan ng isang takot?» tanong ng matandang babae pinatutuyo ang kanyang mga kamay sa kanyang apron pagkatapos na maipagkatiwala ang kanyang mga keyk kina Santiago ni Zebedeo at Andres na dinadala naman ito sa batong hurnuhan.

«Isang takot? Bakit?»

«H’m! Isang tao na bumalik mula sa kamatayan!» Ang babae ay lubos na naaantig.

«Huwag mag-alala, ina. Siya ay eksaktong katulad natin» sabi ni Santiago ni Alfeo pinagiginhawahan siya.

«Kaysa sa matakot mas mabuti pang tiyakin ninyo na hindi kayo magdadaldal sa ibang mga babae tungkol diyan, kundi’y magagawa natin ang buong Ephraim na pumunta rito na hindi tayo titigilan» sabi ng Iskariote nang nagpapauna na.

«Ako ay hindi kailanman nagsalita nang walang kahinahunan mula ng kayo ay napunta rito, ni sa mga tao ng bayan o sa mga peregrino. Mas ginusto ko pang tingnan na tanga kaysa lumabas na marunong, upang hindi magambala ang Guro at masaktan Siya. At ako ay mananahimik din ngayong araw. Halika, Tomas...» at siya lumabas upang ipakita sa kanya ang kanyang nakatagong mga kayamanan.

«Ang babae ay natatakot iniisip na makakakita siya ng isang tao na ibinangon mula sa kamatayan» sabi ng Iskariote nang may-panunuya.

«Hindi siya nag-iisa. Ang mga disipulo ay sinabi sa akin na lahat sila ay nananabik sa Nazareth at sa Cana rin at sa Tiberias. Ang isang bumalik mula sa kamatayan pagkatapos na mapunta nang apat na araw sa loob ng isang sepulkro ay hindi madaling tanggapin katulad ng mga margarita sa panahon ng tagsibol. Kami rin ay maputlang-maputla nang siya ay lumabas mula sa sepulkro! Ngunit sa halip na mga nakatayo diyan gumagawa ng walang-silbing mga komentaryo, maaari ba kayong gumawa ng kahit na ano? Ang lahat ay nagtatrabaho at napakarami pang dapat gawin... Pumunta sa palengke, dahil magagawa ninyo iyan ngayon, at bilhin ang kakailanganin. Ang nabili na natin ay hindi na sasapat, ngayon na sila ay parating, at wala na tayong panahon na bumalik sa bayan at mamili. Tayo ay mapipigilan na, kung nasaan tayo, paglubog ng araw.»

Si Judas ay tinawag si Mateo, na pumapasok sa kusina nakabihis, at sila ay lumabas nang magkasama.

Ang Zealot ay pumasok din sa kusina, siya ay bihis na bihis din, at sinabi niya: «Ang ating Tomas! Siya ay totoo ngang isang artista. Sa pamamagitan ng napakakaunti nadekorasyunan niya ang silid na tila ito ay para sa isang handaan ng isang kasalan. Lakad at tingnan ito.»

Lahat sila ay nagmadali upang silipan ito, maliban kay Pedro, na tinatapos ang kanyang ginagawa. Si Pedro ay nagsabi: «Namamatay na akong makita sila dito. Baka si Marjiam ay kasama nila. Sa loob ng isang buwan ay Paskuwa na. Maaaring nakaalis na siya sa Capernaum o Bethsaida.»

«Masaya ako, para sa Guro, na si Maria ay darating. Mapagiginhawahan Niya Siya nang higit pa kaysa sino pa man. At kinakailangan Niya ito» ang Zealot ay tumugon sa kanya.

«Labis. At napuna mo ba kung gaano kalungkot din si Juan? Tinanong ko siya. Ngunit walang mangyari. Sa kanyang kabaitan siya ay mas matatag pa kaysa sa lahat sa atin, at kung ayaw niyang magsalita, walang makagagawa sa kanya na gawin iyan. Ngunit nakatitiyak ako na may nalalaman siyang isang bagay. At siya ay tila ang anino ng Guro. Sinusundan niya Siya sa lahat ng oras. At Siya ay laging nakatingin sa Kanya. At kapag nalalaman niya na walang tumitingin sa kanya – sapagkat, kung alam niya, titingnan ka niya nang may ngiti na kahit na ang isang tigre ay magiging banayad – kapag alam niya na walang nakatingin sa kanya, sasabihin ko, ang kanyang hitsura ay malungkot na malungkot. Kailangan na subukan mo at tanungin siya. Siya ay gustung-gusto ka. At nalalaman niya na ikaw ay mas mahinahon kaysa sa akin...»

«O! tiyak na hindi. Ikaw ay naging halimbawa ng kahinahunan para sa lahat sa amin. Walang makakakilala sa lumang Simon sa iyo. Ikaw nga ay totoong ang bato na sa pamamagitan ng matigas na magandang pagkasiksik nito nasusuportahan mo kami.»

«Hindi kailanman! Huwag mong sabihin iyan! Ako ay isang mahirap na tao. Sigurado... sa pamamalaging kasama Niya nang maraming mga taon, ang isa ay kaunting nagiging katulad Niya. Kaunti... napakakaunti, ngunit ibang-iba sa kung ano dati ang isa. Naging iba tayong lahat... hindi, hindi tayong lahat, sayang. Si Judas ay laging pareho pa rin. Dito katulad na siya ay dati sa Clear Water.

«At ipagkaloob sana ng Diyos na siya ay sana laging maging pareho pa rin!»

«Ano? Ano ang ibig mong sabihin?»

«Wala at lahat, Simon ni Jonah. Kung ako ay napakinggan ng Guro sasabihin Niya: “Huwag manghusga”. Ngunit hindi ako nanghuhusga. Ako ay natatakot. Natatakot ako na si Judas ay mas malala pa kaysa nang siya ay nasa Clear Water.»

«Siya ay malala, kahit na kung siya ay ngayon katulad ng siya noon. Sapagkat siya ay dapat sana nagbago nang malaki, umunlad sana siya sa katarungan, sa halip siya ay laging pareho pa rin. Kung gayon sa loob ng kanyang puso ay nariyan ang kasalanan ng espirituwal na katamaran, na dati ay wala roon. Sapagkat sa simula... oo, siya ay baliw, ngunit puno siya ng mabuting kalooban... Sabihin sa akin, ang katotohanan na ang Guro ay nagpasyang ipadala si Samuel kasama natin at ipunin ang lahat ng mga disipulo, ang lahat na maiipon sa Jericho para sa bagong buwan ng Nisan, ano ang maiisip mo nito? Dati sinabi Niya na ang lalaki ay kailangan na manatili dito... at ipinagbawal din Niya sa atin na magsalita kung nasaan Siya noon. Nagagawa ako nitong magsospetsa...»

«Hindi. Sa aking opinyon ang sitwasyon ay maliwanag at makatuwiran. Sa ngayon, hindi namin malaman kung sa pamamagitan nino at kung papaano ang balita ay kumalat na ang Guro ay naririto at ito ay alam sa buong Palestina. Alam mo na ang mga peregrino at mga disipulo ay pumaparito mula sa Kedesh patungo sa Engedi, mula sa Joppa patungo sa Bozrah. Kung gayon walang katuturan na panatilihin pa itong lihim. Karagdagan dito, ang Paskuwa ay lumalapit at ang Guro ay tiyak na gusto na ang Kanyang mga disipulo ay makasama Niya para sa Kanyang pagbabalik sa Herusalem. Napakinggan mo na ang Sanhedrin ay nagsasabi na Siya ay natalo at nawala sa Kanya ang lahat Niyang mga disipulo. At Siya ay tutugon dito sa pamamagitan ng pagpasok sa bayan na Siya ay nasa unahan nila...»

«Natatakot ako, Simon. Takot na takot... Napakinggan mo na ang lahat, kasama rin ang mga Herodian, ay nagsama-sama laban sa Kanya...»

«Oo! Totoo iyan. Tulungan sana tayo ng Diyos!...»

«At bakit Niya pinadadala si Samuel kasama natin?»

«Sigurado upang maihanda siya para sa kanyang misyon. Wala akong nakikitang rason kung bakit tayo mag-aalala... Sila ay kumakatok! Tiyak na iyan ay ang mga babaeng disipulo!...»

Si Pedro ay itinapon ang kanyang may mga dugong apron at tumakbong sinusundan ang Zealot, na siyang nagmadali upang buksan ang pinto ng bahay. Ang lahat na mga nasa loob ng bahay ay lumitaw mula sa iba't ibang pintuan at sumisigaw: «Naririto na sila! Naririto na sila!»

Ngunit nang binuksan nila ang pinto sila ay kitang-kitang nalulungkot nakikita sina Eliza at Nike, na ang dalawang babaeng disipulo ay nagtanong: «Mayroon bang problema?»

«Hindi! Hindi! Ang katotohanan ay na... akala namin ito ay ang Ina at ang mga babaeng disipulo mula sa Galilee...» sabi ni Pedro.

«Ah! Minasama ninyo ito. Ngunit masayang-masaya kami na makita kayo at ang mapakinggan na si Maria ay malapit nang dumating» sabi ni Eliza.

«Hindi, hindi namin minasama ito... Kami ay nalungkot! Ngunit halikayo! Pasok! Ang kapayapaan ay mapasaaming mabubuting kapatid na babae» sabi ni Tadeo binabati sila sa katauhan ng lahat.

«At sa inyo. Ang Guro ba ay wala sa loob?»

«Siya ay umalis kasama si Juan upang salubungin si Maria. Alam namin na Siya ay darating sa pamamagitan ng daan ng Shechem sa bagon ni Lazarus» paliwanag ng Zealot.

Sila ay pumasok sa bahay habang inaasikaso ni Andres ang asno ni Eliza. Si Nike ay naparito nang naglalakad. Nagsasalita sila tungkol sa kung ano ang nangyayari sa Herusalem, sila ay nagtanong sa mga kaibigan at mga disipulo... kay Annaleah, kina Maria at Martha, sa matandang Juan ng Nob, kina Jose at Nicodemus at marami pang iba. Ang pagiging wala ni Judas ay nagawa silang makapagsalita nang may kapayapaan at lantaran.

Si Eliza, isang maedad na may-karanasan na babae, na noong panahon na sila ay nasa Nob, ay nakakausap ang Iskariote at sa ngayon kilalang-kilala na siya at dahil din «minamahal lamang niya siya dala ng pagmamahal para sa Diyos» katulad ng kanyang hayagan na sinasabi, ay nagtanong kung siya ay nasa loob ng bahay at ayaw lang sumali sa kanila para sa kung anong kapritso niya, at tanging pagkaraan lamang na malaman niya na siya ay nasa labas, namimili, siya nagsalita kung ano ang kanyang nalalaman: «na ang lahat ay tila kumalma na sa Herusalem, na ni kahit na ang kilalang-kilalang mga disipulo ay hindi na pinagtatatanong pa ulit, na ang sabi-sabi ito ay nangyari ito sapagkat si Pilato ay nagsalita sa isang nananakot na tinig sa mga miyembro ng Sanhedrin, pinaaalalahanan sila na tanging siya lamang ang nangangasiwa ng hustisya sa Palestina at kung gayon kailangan na itigil nila ang kanilang kalokohan.»

«Ngunit sinasabi rin nila» wika ni Nike «-at si Manaen ang nagsasabi nito at ang iba pang mga taong kasama niya, hindi bagkus, ang ibang mga babae, sapagkat si Valeria ay ang isa pang tinig – na si Pilato ay talagang pagod na pagod na tungkol sa lahat na mga lumalabas na patuloy na nagpapabalisa sa bansa at baka ito makagawa sa kanya ng problema, at na siya ay lubos na nag-aalala tungkol sa pamimilit ng mga Hudyo sa pagpapahiwatig na tinatangka ni Jesus ang maiproklama Siyang hari, na kung wala ang paborableng sumasang-ayon ng mga ulat ng mga senturyon at higit sa lahat, kung hindi siya napipilit ng kanyang asawa, magtatapos siya na parurusahan niya ang Kristo, kung para lamang mapalayas Siya, upang hindi na siya mamroblema pa ulit.»

«Iyan ang magiging huling dagok. At may kakayahan siyang gawin iyan! Magagawang magagawa niya! Ito ay ang pinaka magaan na kaparusahang Romano, at ang pinaka gamit na gamit pagkatapos ng pagpapahagupit. Ngunit isip-isipin ninyo iyan! Si Jesus ay nag-iisa, ang kabutihan ang kay alam kung saan, at tayo ay nakakalat dito at doon...» sabi ng Zealot.

«Siyempre! Nakakalat! Iyan ang sinasabi mo. Ngunit hindi nila ako maikakalat. Susundan ko Siya...» sabi ni Pedro.

«O! Simon! Mabobola mo ba ang sarili mo nang ganyan na pababayaan ka nila na magawa mo iyan? Tatalian ka nila katulad ng isang alipin sa galera, at dadalhin ka nila saan man nila gusto, kahit na sa galera o sa isa sa kanilang mga piitan at hindi mo na magagawang sundan ang Guro» sabi ni Bartolomeo. Si Pedro ay kinukusot ang kanyang buhok nagmumukhang lito at pinanghihinaan ng loob.

«Sasabihan natin si Lazarus. Si Lazarus ay pupunta kay Pilato nang prangko. Si Pilato ay tiyak na tatanggapin siya nang tuwang-tuwa pa sapagkat ang mga Hentil ay gustung-gustong makakita ng pambihirang mga katauhan...» sabi ng Zealot.

«Baka nakapunta na siya doon bago siya umalis, at si Pilato ay baka hindi na nananabik na makita pa siya ulit!» sabi ni Pedro nang nalulungkot.

«Pupunta siya kung gayon bilang anak ni Theophilus. O isasama niya si Maria upang bisitahin ang mga binibini na may mga ranggo. Sila ay magkakaibigan noong... bueno, nang si Maria ay isa pang makasalanan...»

«Alam ba ninyo na si Valeria, pagkatapos na siya ay hiwalayan ng kanyang asawa, ay naging isang proselito? Siya ay naging masigasig. Namumuhay siya nang tapat at isang ehemplo sa marami sa atin. Pinalaya niya ang kanyang lahat na mga alipin at tinuturuan niya sila ng tungkol sa totoong Diyos. siya ay umalis upang manirahan sa Zion. Ngunit ngayon na si Claudia ay nandiyan na, bumalik na siya sa kanya...»

«Kung gayon!...»

«Hindi. Sinabi niya sa akin: “Kaagad kapag si Johanna ay dumating maninirahan ako sa kanya. Ngunit ngayon gusto kong makumbinsi si Claudia”... Si Claudia ay tila hindi makaahon sa limitasyon ng kanyang opinyon tungkol sa Kristo. Ayon sa kanya Siya ay isang marunong na tao. Wala nang iba pa... Hindi, bagkus, bago siya dumating sa bayan, siya ay tila naging medyo balisa ng mga sabi-sabi na ikinalat at nakapagsabi nang walang-paniniwala: “Siya ay katulad ng aming mga pilosopo, at hindi ng pinakamagagaling, sapagkat ang Kanyang salita ay hindi tumutugma sa Kanyang pamumuhay”, at nagkaroon siya ng ilang... sa maikling pananalita pinahintulutan niya ang kanyang sarili ng ilang mga bagay na dati iniiwasan na niya» sabi ni Nike.

«Iyan ay inaasahan. Paganong mga kaluluwa! H’m! Maaaring mayroong mabuting isa... Ngunit ang iba!.. Bulok! Bulok!» sabi ni Bartolomeo nang mapangaral.

«At ano ang tungkol kay Jose?» tanong ni Tadeo.

«Sino? Ang lalaki mula sa Sephoris? Siya ay nahintakutan! Ang iyong kapatid na si Jose ay dumating. Siya ay dumating at umalis kaagad, ngunit dumaan siya sa Bethany upang sabihin sa magkapatid na babae na kahit na ano ang mangyari huwag nilang papupuntahin ang Guro sa bayan at huwag panatilihin doon. Naroon ako at napakinggan ko siya. Gayon din naman napakinggan ko na si Jose ng Sephoris ay nagkaroon ng malaking problema at ngayon siya ay takot na takot. Ang iyong kapatid ay sinabihan siya na laging alamin kung ano ang pinaplano sa Templo. Ang lalaki mula sa Sephoris ay malalaman ito sa pamamagitan ng kamag-anak na siyang ang asawa ng kapatid na babae o ng anak na babae ng kapatid na babae ng kanyang asawa, hindi ko alam, at nagtatrabaho sa Templo» sabi ni Eliza.

«Gaano kalabis na takot! Ngayon, kapag pumunta tayo sa Herusalem, gusto kong ipadala ang aking kapatid kay Annas. Makakapunta ako mismo, sapagkat kilala ko rin ang tusong lobo. Ngunit mas magagawa ni Juan. At si Annas ay gustung-gusto siya, nang nakikinig kami sa mga salita ng matandang lobo naniniwala na siya ay isang kordero! Ipadadala ko siya. Mapagtitiisan niya kahit na ang pag-abuso nang hindi siya gumaganti. Ako... kung sabihin niya sa akin na anathema ang Guro, o kahit na kung sabihin lamang niya sa akin na ako anathema dahil sinusundan ko Siya, sasakalin ko siya, hahawakan ko siya at pipigain ko ang kanyang matandang matabang katawan na tila ito ay isang lambat palabas dito kung saan ang tubig ay pipigain. Gagawin ko siyang isuli ang masamang kaluluwang mayroon siya. Kahit na kung ang lahat na mga sundalo at mga pari ng Templo ay nasa paligid ko!»

«O! kung marinig ka ng Guro na nagsasalita nang ganyan!» bulalas ni Andres, na lubos na naiiskandalo.

«Nagsasalita akong eksaktong ganyan dahil Siya ay wala rito!»

«Tama ka! Hindi lamang ikaw ang nag-iisang may ilang mga hiling. Mayroon din ako!» sabi ni Pedro.

«At ako rin, at hindi lamang magpatungkol kay Annas» sabi ni Tadeo.

«O! kung ganyan... mga ilan sa kanila ang makakatikim sa akin. Mahaba ang aking listahan... Ang tatlong mga buwaya ng Capernaum – inaalis ko na si Simon, ang Pariseo, dahil siya ay mabuti  mapagpapasensyahan – ang dalawang asong-gubat na iyon ng Esdraelon, at ang matandang bunton ng mga butong iyon ni Hananiah, at pagkatapos... isang katayan, isang tunay na katayan, sasabihin ko sa inyo, sa Herusalem, na si Helkai unang-una sa kanilang lahat. Hindi ko na matagalan pa ang mga ahas na iyon na naroroon sa paghihintay!» Si Pedro ay mainit.

Si Tadeo kalmado sa pagsasalita, ngunit mas lalo pang kahanga-hanga sa kanyang malamig na kakalmahan kaysa sa pangangalit ni Pedro, ay nagsabi: «At tutulungan kita. Ngunit... palagay ko magsisimula ako sa pag-alis ng mga ahas sa malapit.»

«Sino? Si Samuel?»

«Hindi. Hinding hindi! Hindi lamang si Samuel ang nasa malapit. Marami ang nagpapakita ng isang mukha ngunit ang kanilang mga kaluluwa ay iba sa mukhang pinapakita! Hindi sila kailanman tinatantanan ng tingin. Hindi kailanman. Gusto ko munang makatiyak bago kumilos. Ngunit kapag ako ay nakakatiyak na! Ang dugo ni David ay mainit, at mainit ang dugo ng Galilee. Kapwa sila nasa akin sa pamamagitan ng aking mga magulang at ng materyal na mga linya.»

«O! Sa sandaling mangyayari iyan... sabihin sa akin! Tutulungan kita...» sabi ni Pedro.

«Hindi. Ang paghihiganti ng dugo ay ang katungkulan ng mga kamag-anak. Ito ay para sa akin na gawin ito.»

«Ngunit, aking mahal na mga anak! Huwag magsalita nang ganyan. Hindi iyan ang tinuturo ng Guro! Nagmumukha kayong maliliit na nagngangalit na mga leon sa halip na mga kordero ng Kordero! Pigilan ang labis na espiritu ng paghihiganti. Ang mga araw ni David ay matagal nang nakalipas! Ang batas ng dugo at pagganti ay nakansela na ng Kristo. Pinagtitibay Niya ang sampung di-mababagong mga kautusan, ngunit kinakansela Niya ang ibang matitigas na mga batas ng panahon ni Moses. Ang mga kautusan ni Moses tungkol sa awa, pagiging tao at katarungan ay nananatili at pinaikli at ginawang perpekto sa Kanyang mas dakilang kautusan: “Mahalin ang Diyos nang ating buong mga sarili, mahalin ang ating kapwa katulad ng ating pagmahal sa ating mga sarili, patawarin ang nananakit sa atin, mahalin ang napopoot sa atin”. O! patawarin ako, kung ako, bilang isang babae, ay nangahas na turuan ang aking mga kapatid na lalaki, na mas dakila pa kaysa sa akin! Ngunit ako ay isang matandang ina. At ang isang ina ay laging makapagsasalita. Maniwala sa akin, aking mga anak! Kung kayo mismo ang tumatawag kay Satanas sa pamamagitan ng pagkapoot sa mga kaaway, sa pamamagitan ng paghiling ng paghihiganti, siya ay pupuntahan kayo at parurumihin kayo. Si Satanas ay hindi kalakasan. Maniwala sa akin. Ang Diyos ang kalakasan. Si Satanas ay kahinaan, isang pasanin, siya ay kakuparan. Hindi na ninyo mapagagalaw pa ni isang daliri ninyo, hindi lamang laban sa inyong mga kaaway, bagkus ni upang haplusin ang ating namimighating Jesus, kung ang kapootan at paghihiganti ay makakadenahan kayo. Magsaya, aking mahal na mga anak, lahat kayo! Ang mga kasing tanda ko rin, baka mas matanda pa. Kayong lahat ay mga anak para sa isang babae na nagmamahal sa inyo, para sa isang ina na natagpuan muli ang lugod ng pagiging isang ina sa pagmamahal sa inyo bilang kanyang mga anak. Huwag ninyong gawin na ako ay mamighati muli, bilang nawalan ng aking mahal na mga anak muli at sa magpakailanman; sapagkat kung kayo ay mamatay inaasam ang kapootan o krimen, mamamatay kayo magpakailanman, at hindi na tayo magkakasama-sama sa itaas doon, sa kaluguran, sa paligid ng ating parehong pagmamahal: si Jesus. Mangako kayo sa akin dito, kaagad, dahil nakikiusap ako sa inyo, pangakuan ako, isang abang babae, isang ina, na hindi kayo magkakaroon ng ganyang mga kaisipan muli, O! sinisira pati nila ang hitsura ng inyong mga mukha. Nagmumukha kayong mga estranghero sa akin, kayo ay iba! Gaano kayo ginagawang pangit ng kapootan! Kayo ay dati napaka mapagpakumbaba! Ngunit ano ang nangyayari? Makinig sa akin! Si Maria ay sasabihin din ang ganitong mga salita ko sa inyo, nang mas mapuwersa, sapagkat Siya ay si Maria; ngunit mas mabuti kung hindi Niya nalalaman ang lahat na kalungkutan ... O! kaawa-awang Ina! Ngunit ano ang nangyayari? Kung gayon kailangan ko ba talagang maniwala na ang oras ng kadiliman ay dumating na, ang oras na siyang lalamon sa lahat, ang oras kung saan si Satanas ang magiging hari sa lahat, maliban sa Banal na Isa, at ililigaw niya ang mga santo rin, kayo rin, ginagawa kayong mga duwag, manloloko, kasing lupit niya? O! magpahanggang ngayon ako ay laging umasa! Lagi kong sinasabi: “Ang mga tao ay hindi mananalo laban sa Kristo”. Ngunit ngayon! Ngunit ngayon ako ay natatakot at nanginginig ako sa unang pagkakataon. Nakikita ko ang malaking Kadiliman, na ang kaninong pangalan ay Lucifer, nakaunat at sinasakop ang maliwanag na kalangitang ito ng Adar at pinaiitim kayong lahat, at nagbubuhos ng lason upang mahilo kayo. O! Natatakot ako!» Si Eliza, na kanina pa lumuluha nang tahimik, ay bumagsak na ang kanyang ulo nasa ibabaw ng mesa na kanyang inuupuan at humihikbi nang namimighati.

Ang mga apostol ay nagtitinginan sa isa’t isa. Pagkatapos, bagama't namimighati, nagsimula silang paginhawahan siya. Ngunit ayaw niya ng mga konsolasyon at sinasabi niya ito: «Isa, isa lamang ang mabuti para sa akin: ang inyong pangako. Para sa inyong sariling kabutihan! Upang hindi magkaroon si Jesus ng Kanyang pinakamalaking mga kapighatian: ang makita kayo, Kanyang pinakamamahal na mga disipulo, na mapahamak.»

«Siyempre, Eliza. Kung iyan ang gusto mo! Huwag umiyak, babae! Nangangako kami sa iyo. Makinig. Hindi kami magtataas ng kahit isang daliri laban sa sinuman. Ni hindi kami titingin, upang sana hindi kami makakita. Huwag umiyak! Huwag umiyak! Patatawarin namin ang mga nananakit sa amin. Mamahalin namin ang mga napopoot sa amin! Huwag umiyak.»

Si Eliza ay itinataas ang kanyang mukha na nagniningning sa mga luha at nagsabi: «Tandaan. Ipinangako ninyo ito. Ulitin ninyo ang inyong pangako!»

«Ipinangangako namin ito sa iyo, babae.»

«Gaano kayo kamahal, aking mga anak! Ngayon gusto ko kayo! Nakikita ko na kayo ay mabubuti muli. Ngayon na ang aking pag-aalala ay napatahimik na at na kayo ay naging malaya na muli mula sa mapait na paghilab na iyon, maghanda na tayong tanggapin si Maria. Ano ang naririyan na kailangang gawin?» nagtatanong siya at tinatapos niya ang pagpunas sa kanyang mga luha.

«Sa katunayan... nakapaghanda kami, katulad ng nagagawa ng mga lalaki. Ngunit si Maria ni Jacob ay tinulungan kami. Siya ay isang Samaritano, ngunit napakabuti niya. Makikita mo siya mamaya. Nasa labas siya sa hurno binabantayan ang tinapay. Siya ay nag-iisa: ang kanyang mga anak ay kung hindi patay na, sila ay nakalimutan na siya, ang kanyang mga kayamanan ay nawala, gayunman wala siyang kinikimkim na sama-ng-loob sa sinuman...»

«Ah! kita ninyo! Nakikita ba ninyo na may nakaaalam kung papaano magpatawad din sa pagitan ng mga pagano at mga Samaritano? At maaaring nakapangingilabot, alam ninyo, ang pangangailangan na patawarin ang isang anak!... Mas mabuti pang patay kaysa isang makasalanan! Ah! Nakatitiyak ba kayo na si Judas ay wala rito?»

«Kung hindi siya naging isang ibon, hindi siya maaaring makapunta rito, sapagkat ang mga bintana ay bukas, ngunit ang lahat na pintuan ay sarado, maliban sa isang ito.»

«Pagkatapos... si Maria ni Simon ay nanggaling sa Herusalem kasama ang kanyang kamag-anak. Pumunta siya upang mag-alay ng mga sakripisyo sa Templo. Pagkatapos pumunta siya sa amin. Siya ay tila isang martir. Gaano siya kalungkot! Tinanong niya ako at ang lahat kung mayroon kaming kahit na anong balita tungkol sa kanyang anak. Kung siya ay kasama ng Guro. Kung siya ay laging nakakasama Niya.»

«Ano ang nangyayari sa babaeng iyon?» tanong ni Andres takang-taka.

«Ang kanyang anak. Hindi ba sa palagay ninyo sapat na iyan?» tanong ni Tadeo.

«Pinaginhawahan ko siya. Gusto niyang bumalik sa Templo kasama kami. Pumunta kaming lahat nang magkakasama upang magdasal... Pagkatapos umalis siya, laging may inaalala. Sinabi ko sa kanya: “Kung mananatili kang kasama namin, malapit na kaming pupunta sa Guro. Ang iyong anak ay nandoon”. Alam na niya na si Jesus ay naririto. Ito ay alam na hanggang sa layo ng mga hangganan ng Palestina. Ngunit sinabi niya: “Hindi, hindi! Ang Guro ay sinabi sa akin na huwag pumunta sa Herusalem sa tagsibol. Sinusunod ko Siya. Ngunit gusto kong pumunta sa Templo bago Siya bumalik. Ako ay nasa ganyang pangangailangan ng Diyos”. At nagsabi siya ng isang kakaibang salita... Sinabi niya: “Ako ay di-mapagbibintangan. Ngunit ako ay labis na napahihirapan na ang impiyerno ay nasa akin at ako ay nasa loob nito”... Paulit-ulit namin tinatanong sa kanya kung bakit. Ngunit hindi siya nagsasalita ng kahit ano pa, tungkol sa ipinaghihirap niya o tungkol sa mga rason ng pagbabawal ni Jesus. Hiningi niya sa amin na huwag magsalita ng kahit ano kay Jesus o kay Judas.»

«Kaawa-awang babae! Kung gayon hindi ba siya mapupunta roon sa Paskuwa?» tanong ni Tomas.

«Hindi, hindi siya mapupunta roon.»

«Bueno! Kung sinabi iyan sa kanya ni Jesus, maaaring may rason Siya... Napakinggan ba ninyo ang sinabi niya, eh! Talagang alam kahit saan na si Jesus ay naririto!» sabi ni Pedro.

«Oo. At sinasabi ng ilang mga tao na ang mga nagkakalat ng balita ay ginagawa ito upang makakalap ng mga tao sa ngalan Niya, upang umalsa “laban sa mga tirano”. Ang iba ay nagsasabi na Siya ay naririto sapagkat Siya ay nabisto na...»

«Laging gayon ding mga rason! Maaaring ginagasta nila ang lahat na ginto ng Templo upang maipadala ang... kanilang mga katulong kahit saan!» wika ni Andres.

May ilang mga pagkatok sa pinto. «Sila ay naririto na!» sabi nila at nagmadali sila upang buksan ang pinto.

Ito sa halip ay si Judas dala ang kanyang pinamili. Si Mateo ay sinusundan siya. Si Judas ay nakita sina Eliza at si Nike at binabati niya sila nagtatanong: «Nag-iisa ba kayo

«Nag-iisa. Wala pa si Maria.»

«Si Maria ay hindi manggagaling mula sa gawing timog na mga rehiyon at kung gayon hindi Siya maaaring makasama kayo. Tinatanong ko kung si Anastasica ay naririto.»

«Wala. Nananatili siya sa Bethzur.»

«Bakit? Siya ay isang disipulo rin. Hindi ba ninyo nalalaman na mula rito tayo ay pupunta sa Herusalem para sa Paskuwa? Kailangan na siya ay naririto. Kung ang mga babaeng disipulo at ang mga naniniwala ay hindi perpekto, sino ang magiging perpekto? Sino ang puporma ng prusisyon ng Guro, upang mapasinungalingan ang pinaniniwalaan na ang lahat ay inabandona na Siya?»

«O! magpatungkol diyan, hindi isang kaawa-awang babae ang magpupuno sa mga puwang! Mabuti ang mga rosas sa pagitan ng mga tinik at sa loob ng nakabakod na mga hardin. Tumatayo akong kanyang ina at iniutos ko iyan.»

«Kung gayon hindi siya mapupunta roon sa Paskuwa?»

«Hindi, hindi siya mapupunta roon.»

«At iyan ay magiging pangalawa na!» bulalas ni Pedro.

«Ano ang sinasabi mo? Alin na dalawa?» tanong nang may pagsospetsa ni Judas.

«Wala, wala! Isang kalkulasyon. Maraming mga bagay ang maaaring mabilang, hindi ba? Ang... mga langaw, halimbawa, na dumadapo sa aking nabalatang tupa.»

Si Maria ni Jacob ay dumarating sinusundan ni Samuel at ni Juan na may mga dalang tinapay na kahahango pa lamang sa hurno. Si Eliza ay binabati ang babae, at gayon din si Nike. At si Eliza ay may mabuting salita upang siya ay mapalagay sa presensya ng lahat: «Ikaw ay nasa pagitan ng mga kapatid na babae, sa kapighatian, Maria. Ako ay nag-iisa dahil nawalan ako ng asawa at mga anak, at siya ay isang balo. Kung kaya't magmamahal tayo sa isa’t isa, sapagkat ang mga umiyak lamang ang magkakaintindihan.»

Pansamantala si Pedro ay nagsabi kay Juan: «Papaano nangyari na naririto ka? At ang Guro?»

«Nasa bagon. Kasama ang Kanyang Ina.»

«Wala ka bang sasabihin na kahit ano?»

«Hindi mo pa ako nabigyan ng panahon. Ang lahat ng mga babae ay naroroon. Ngunit makikita mo kung gaano napagod si Maria ng Nazareth! Tila Siya nagka-edad nang maraming-maraming mga taon. Sinabi ni Lazarus na Siya ay balisang-balisa nang sinabi niya sa Kanya na si Jesus ay naninilungan dito.»

«Bakit sinabihan ng tangang iyon si Maria? Bago mamatay siya ay matalino. Baka ang kanyang utak ay naging matubig sa sepulkro at hindi na ito nakapanumbalik. Hindi makahihiga na patay ang isang tao nang walang-kaparusahan!... sabi ni Judas ng Kerioth nang may ironiya at panunuya.

«Walang ganyang klase. Mas mabuti pang maghintay ka at makinig, bago ka magsalita. Si Lazarus ng Bethany ay sinabihan si Maria nang sila ay naroon na sa daan, dahil nagtaka Siya sa kinukuhang daan ni Lazarus» sabi ni Samuel nang may-kahígpitan. 

«Oo. Nang una siyang dumaan sa Nazareth sinabi lamang niya: “Dadalhin ko Kayo sa Inyong Anak sa loob ng isang buwan”. Ni hindi niya sinabi sa Kanya: “Pupunta tayo sa Ephraim” nang sila ay papaalis na, ngunit...» sabi ni Juan.

«Alam ng lahat na si Jesus ay naririto. Siya lamang ba ang tanging hindi nakakaalam?» tanong ng magaspang-nang Judas, pinuputol ang kanyang kasamahan.

«Alam ni Maria. Napakinggan Niya ito na sinasabi. Ngunit sa dahilan na malalabong agos ng ilang mga kasinungalingan ang dumaraan sa Palestina, hindi Niya tinatanggap ang kahit na anong balita na totoo. Nanghihina Siyang may kapighatian sa katahimikan, nagdarasal. Ngunit nang sila ay nasa daan na, kinuha ni Lazarus ang daan sa tabing ilog, upang lituhin ang mga Nazareno, at ang lahat ng mga tao sa Cana, Sephoris, Bethlehem ng Galilee...»

«Ah! Si Naomi ba ay naroon din kasama si Myrtha at si Aurea?» tanong ni Tomas.

«Wala. Inutusan sila ni Jesus na huwag pumunta. Nang si Isaac ay bumalik sa Galilee dinala niya ang Kanyang utos.»

«Kung gayon... ang mga babae ding ito ay hindi natin makakasama katulad noong nakaraang taon.»

«Hindi, hindi natin sila makakasama.»

«At iyan ay pangatlo!»

«Ni ang aming mga asawa at mga anak na babae. Ang Guro ay sinabi sa kanila bago umalis ng Galilee. Hindi lamang iyan, bagkus, inulit Niya ang Kanyang utos. Sapagkat ang aking anak na babae ay sinabi sa akin na si Jesus ay sinabihan sila mula pa noong nakaraang Paskuwa.»

«Ngunit... mabuti! Si Johanna man lamang ba ay naroroon? Si Salome? Si Maria ni Alfeo?»

«Oo. At si Susanna.»

«At si Marjiam sigurado... “Ngunit ano ang ingay na yon?»

«Ang mga bagon! Ang mga bagon! At ang lahat na mga Nazareno na mga hindi sumuko at sumunod kay Lazarus... at ang mga mula sa Cana...» tugon ni Juan tumatakbong paalis kasama ang iba pa.

Nang ang pinto ay nabuksan, isang kagulong tanawin ang makikita. Bukod kay Maria nakaupong malapit sa Kanyang Anak at sa mga babaeng disipulo, bukod kay Lazarus, bukod kay Johanna, sa loob ng kanyang bagon kasama ni Maria at si Matthias, si Esther at iba pang mga katulong na babae at ang tapat na si Jonathan, ay may isang pulutong ng mga tao: kilalang mga mukha at mga di-kilala. Mula sa Nazareth, Cana, Tiberias, Nain, Endor. At mga Samaritano mula sa lahat na mga nayon na kanilang dinaanan sa kanilang paglalakbay at mula sa ibang mga kalapit na mga nayon. At nagmamadali sila patungo sa harapan ng mga bagon, nahaharangan ang dadaanan ng mga gustong lumabas o pumasok.

«Ngunit ano ang gusto ng mga taong ito? Bakit sila pumunta? Papaano nila nalaman?»

«Eh! Ang mga taga-Nazareth ay nagbabantay, at nang si Lazarus ay dumating noong gabi upang makaalis sa susunod na umaga, sa loob ng gabing iyon sila ay tumakbo sa kalapit na mga bayan, at ang mga nagmula sa Cana ay gayon din ang ginawa, sapagkat si Lazarus ay dumaan doon upang kunin si Susanna at tagpuin si Johanna. At sila ay sumunod at nauna sa kanya, upang makita si Jesus at makita si Lazarus. At ang mga taga-Samaria din ay nabalitaan ito at sinamahan nila ang iba pa. At naririto sila ngayon, lahat sila!...» paliwanag ni Juan.

«Makinig! Ikaw na natatakot na ang Guro ay hindi magkakaroon ng prusisyon ng mga tao, sa palagay mo ba ito ay sapat na?» sabi ni Felipe sa Iskariote.

«Sila ay pumunta para kay Lazarus...»

«Nang makita na nila siya, sana sila ay umalis na. Sa halip sila ay nanatili at pumunta rito. Ang ibig sabihin nito may ilan din na pumunta para sa Guro.»

«Bueno. Huwag tayong mag-usap-usap nang walang kabuluhan. Sa halip gumawa tayo ng mararaanan upang makapasok sila. Halina kayo mga bata! Upang masanay tayong muli! Matagal-tagal na tayong hindi naniniko para makagawa ng daan sa loob ng pulutong para sa Guro!» at si Pedro ang unang-una nagsimula upang makagawa ng isang mararaanan sa loob ng pulutong na umaawit ng mga hosana, mausisa, deboto, madadaldal ayon sa iba't ibang pakiramdam. At nang siya ay magtagumpay sa tulong ng iba pang mga tao at ng maraming mga disipulo na, nakakalat sa pagitan ng mga pulutong, nagsisikap na masamahan ang mga apostol, pinamamalagi niyang libre ang espasyo upang ang mga babae ay sana makatuloy sa bahay kasama si Jesus at si Lazarus. Pagkatapos kanyang isinara ang pinto, bilang siyang huling nakapasok, at kanya itong nilagyan ng trangka at pinasakan at pinadala ang iba pa upang isara ang pintuan sa tabi ng pangkusinang-hardin.

«O! Sa wakas! Kapayapaan sa Inyo, pinagpalang Maria! Sa wakas nakita ko Kayo! Ngayon ang lahat ay maganda sapagkat Kayo ay naririto kasama namin!» sabi ni Pedro binabati Siya at siya ay yumuyukod sa harapan ni Maria. Isang Maria na may malungkot na maputlang mukha, ito ay ang mukha na ng Ating Ginang ng mga Kapighatian.

«Oo, ang lahat ay ngayon hindi na masyadong nakapamimighati sapagkat Ako ay naririto sa malapit Niya.»

«Tiniyak ko sa Inyo na ako ay nagsasalita ng wala bagkus ang katotohanan!» sabi ni Lazarus.

«Tama ka... Ngunit ang araw ay naging malabo para sa Akin at wala Akong kapayapaan nang mapakinggan Ko na ang Aking Anak ay naririto... Naintindihan Ko... O!» Mas marami pang mga luha ang bumaba sa Kanyang maputlang mga pisngi.

«Huwag lumuha, Inay! Huwag lumuha! Ako ay naririto sa pagitan ng mabubuting tao na ito, malapit sa isa pang Maria na isang ina...» Si Jesus ay pinasusunod Siya patungo sa isang silid na nagbubukas patungo sa mapayapang pangkusinang-hardin. Lahat sila ay sumusunod sa Kanya.

Si Lazarus ay nagsasalita nang may pagpapaumanhin: «Kinailangan kong sabihin sa Kanya, sapagkat alam Niya ang daan, at hindi Niya maintindihan kung bakit kinukuha ko ang daan na iyon. Akala Niya na si Jesus ay kasama ko sa Bethany... At sa Shechem ang isang lalaki ay sumigaw din: “Kami ay pupunta rin sa Ephraim, sa Guro”. Imposible para sa akin na makakita ng dahilan... Umasa din ako na mauunahan ko ang mga taong iyon sa pamamagitan ng pag-alis sa gabi kinukuha ang kakaibang mga daan. Walang mangyari! Sila ay nagbabantay kahit saan, at habang ang isang grupo ay sinusundan ako, ang isa pang grupo ay umiikot kinakalat ang balita.»

Si Maria ni Jacob ay nagdala ng ilang gatas, mantikilya at bagong tinapay at inialok ito kay Maria muna. Tinitingnan niya pataas at pababa nang patago si Lazarus, medyo mausisa, medyo natatakot, at ang kanyang kamay ay nanginig nang, inaalok si Lazarus ng ilang gatas, nahipo niya nang kaunti ang kanyang kamay at hindi niya mapigilan na bumulalas ng «o!» nang makita niya si Lazarus na kinakain ang kanyang keyk katulad ng iba pa.

Si Lazarus ang unang tumawa at sinabi niya sa isang magiliw na maginoong pamamaraan, nang may kompiyansa ng lahat ng mga tao ng may mataas na kapanganakan: «Oo, babae. Kumakain ako nang katulad mo lamang, at gusto ko iyong ang tinapay at ang iyong gatas. At natitiyak ko na magugustuhan ko ang iyong kama, sapagkat napapagod akong katulad eksakto ng nagugutom ako.» Tumalikod siyang nasasabi: «Marami ang humihipo sa akin na may ilang pagpapaumanhin upang maramdaman kung ako ay laman ang mga buto, kung ako ay mainit at humihinga. Ito ay medyo nakakainis. At kapag ang aking misyon ay tapos na, magreretiro ako sa Bethany. Kung magiging malapit ako sa Inyo, Guro, makakapukaw ako ng napakaraming pang-iistorbo. Ako ay sumikat na, nakapagsaksi na ako sa Inyong kapangyarihan hanggang sa layo ng Syria. Ako ngayon ay mawawala na. Kayo lamang ang tanging kailangan na sumikat sa kalangitan ng mga himala, sa kalangitan ng Diyos at sa mga mata ng mga tao.»

Si Maria sa pansamantala ay nagsabi sa matandang babae: «Kayo ay naging mabuti sa Aking Anak. Sinabi Niya sa Akin kung gaano kayo naging napakabuti. Hayaan ninyong halikan Ko kayo upang masabi Ko sa inyo kung gaano Ako nagpapasalamat sa inyo. Wala Akong maibibigay sa inyo bilang gantimpala, maliban sa Aking pagmamahal. Ako ay mahirap din... at masasabi Ko na rin na Ako ay wala nang isang anak, sapagkat Siya ay pag-aari ng Diyos at ng Kanyang misyon... At harinawang maging ganito ito lagi, sapagkat banal at makatarungan kung ano ang gusto ng Diyos.»

Si Maria ay mabait, ngunit Siya ay nadudurog na ang Kanyang puso... Ang lahat na mga apostol ay tinitingnan Siya nang naaawa hanggang sa nakakalimutan nila ang mga nagkakagulo sa labas, at ang pagtatanong tungkol sa kanilang nasa malayong mga kamag-anak.

Ngunit si Jesus ay nagsabi: «Aakyat Ako sa terasa upang pauwiin at pagpalain ang mga tao», at si Pedro ay ginising ang sarili at nagtanong: «Ngunit nasaan si Marjiam? Nakita ko na ang lahat na mga disipulo ngunit siya ay hindi.»

«Si Marjiam ay wala rito» tugon ni Salome, ang ina nina Santiago at Juan.

«Si Marjiam ay wala rito? Bakit? Siya ba ay may sakit?»

«Wala. Malusog siya. At ang iyong asawa ay malusog. Ngunit si Marjiam ay wala rito. Si Porphirea ay hindi siya pinayagan.»

«Tangang babae! Sa loob lamang ng isang buwan ay Paskuwa na at kinailangan niyang pumunta para sa Paskuwa! Pinayagan na sana niya siyang sumama sa inyo ngayon at magawa ang bata at ako na masaya. Ngunit siya ay mas paurong pa kaysa sa isang tupa sa pag-intindi sa ilang mga bagay...»

«Juan at Simon ni Jonah, at ikaw, Lazarus kasama si Simon Zealot, sumama sa Akin. Kayo, lahat kayo, manatili sa kinaroroonan ninyo rito, hanggang mapauwi Ko ang pulutong, hinihiwalay ang mga disipulo sa kanila» utos ni Jesus, at lumabas Siya kasama ang apat sinasara ang pinto.

Dumaraan sa koridor at sa kusina lumabas Siya sa pangkusinang-hardin sinusundan ni Pedro, na pabulung-bulong, at ng iba pa. Ngunit bago tumuntong sa terasa, tumigil siya sa maliit na hagdanan, tumalikod ipinapatong ang isang kamay sa balikat ni Pedro na itinataas ang kanyang di-masayang  mukha. «Makinig sa Akin nang mabuti, Simon Pedro, at tumigil sa pag-aakusa at paninisi kay Porphirea. Siya ay inosente. Sinunod niya ang isang utos Ko. Bago ang kapistahan ng mga Tabernakulo inutusan Ko siya na huwag papuntahin si Marjiam sa Judaea...»

«Ngunit Paskuwa, Panginoon!»

«Ako ang Panginoon. Sinasabi mo iyan. At bilang ang Panginoon maiuutos Ko ang kahit ano, sapagkat ang bawat utos Ko ay makatarungan. Kung kaya't huwag mabalisa ng mga iskrupulo. Naaalaala mo ba kung ano ang sinabi sa Mga Bilang? “Kung may sinuman sa inyong bansa ang naging di-malinis sa pagkahawak sa isang patay na katawan o nasa sa isang paglalakbay sa ibang bansa, ang tao iyan ay ipangingilin ang Paskuwa para sa Panginoon sa ika labing-apat na araw ng ikalawang buwan, sa gabi”.»

«Ngunit si Marjiam ay hindi di-malinis, umaasa ako na si Porphirea ay ayaw na mamatay ngayon lamang, at siya ay wala sa isang paglalakbay...» sabi ni Pedro tumututol.

«Hindi bale. Iyan ang gusto Ko. May mga bagay na magagawa ang isa na di-malinis nang higit pa kaysa ng magagawa ng isang patay na katawan. Si Marjiam... ayaw Kong siya ay makuntamina.  Hayaang gawin Ko ang gusto Ko, Pedro. Alam Ko. Maging masunurin din katulad ng iyong asawa at ni Marjiam. Ipangingilin natin ang ikalawang Paskuwa kasama siya, sa ika labing-apat na araw ng ikalawang buwan. At tayo ay magiging napakasaya pagdating niyan. Iyan ay isang pangako.»

Si Pedro ay gumagawa ng isang paggalaw na tila upang sabihin: «Ating tanggapin ang lahat ng ito», ngunit hindi siya gumagawa ng pagtutol.

Ang Zealot ay nagwika: «Magiging malaki iyan kung hindi mo ipagpapatuloy ang iyong pagkalkula kung ilan ang hindi mapupunta sa bayan sa Paskuwa!»

«Sa pakiramdam ko ayaw ko nang mágbiláng pa. Ang lahat ng ito ay nagbibigay sa akin ng kakaibang pakiramdam... Isang mala-yelong pakiramdam... Masasabihan ba ang iba?»

«Hindi. Pinili Ko kayong sadya.»

«Kung gayon, mayroon din akong isang bagay na sasabihin para kay Lazarus lamang.»

«Sabihin sa akin. Kung magagawa ko, tutugon ako sa iyo» sabi ni Lazarus.

«O! kahit na kung hindi ka tumugon walang anuman ito. Magiging sapat na para sa akin kung pumunta ka kay Pilato – ang idea ay idea ng iyong kaibigan na si Simon – at pinag-uusapan ang iba't ibang mga bagay – maalis mo sa kanya kung ano ang kanyang iniisip na gawin para kay Jesus, sa mabuti o masama... Alam mo na... may katusuhan... Sapagkat  napakaraming mga sabi-sabi!...»

«Gagawin ko. Kaagad pagdating ko sa Herusalem. Pupunta ako sa Bethany daan ng Bethel at Ramah sa halip na Jericho, at titigil ako sa aking mansiyon sa Zion, at pupunta ako kay Pilato. Huwag mag-alala, Pedro, sapagkat gagalingan ko at magiging sinsiro ako.»

«At magsasayang ka ng iyong oras para sa wala, Aking mahal na kaibigan. Sapagkat si Pilato – nalalaman mo ang tungkol dito bilang isang tao, nalalaman Ko bilang Diyos – ay bagkus isang tambo na humahapay patungo sa kabilang tabi ng bagyo, nagsisikap na iwasan ito. Siya ay hindi kailanman di-sinsiro. Sapagkat siya ay laging kumbinsido na siya ay gumagawa ng aksiyon, at ginagawa niya kung ano ang kanyang sinasabi sa sandaling iyon. Ngunit pagkaraan ng isang sandali pagkatapos, dahil sa pag-ugong ng isang bagyo sa isa pang direksiyon, nakakalimot siya – o! hindi niya binabali ang kanyang pangako o ang kanyang kalooban – nakakalimutan niya, iyan lamang, kung ano ang kanyang gusto dati. Nakakalimot siya sapagkat ang isang sigaw ng isang mas malakas na kalooban ay nagagawa siyang mawalan ng kanyang alaala, naililipad nito ang lahat na mga kaisipan na nailagay doon ng isa pang sigaw, at pinapalitan ito ng mga bago. At pagkatapos, sa ibabaw ng lahat ng mga bagyo na sa pamamagitan ng di-mabibilang na mga tinig, mula sa tinig ng kanyang asawa na nananakot na hihiwalay kung hindi niya gagawin kung ano ang gusto niya – at kapag nakahiwalay na si Pilato sa kanya, iyan ang katapusan ng lahat ng kanyang lakas, ng kanyang perpeksiyon sa “dibinong” Caesar, katulad ng sinasabi nila, bagama't kumbinsido sila na ang Caesar na ito ay mas hamak pa kaysa sa kanila... Ngunit nakikita nila ang Idea sa tao, hindi, bagkus, ang Idea ay pinupuksa ang tao na nangangatawan nito, at hindi masasabi ng isa ng ang Idea ay di-malinis: ang bawat mamamayan ay minamahal, at makatarungan lamang na mahalin niya ang kanyang Amangbayan, at gustuhin ito na magtagumpay... ang Caesar ay ang Amangbayan... kung gayon... ang isang miserableng tao rin ay... dakila dahil sa kung ano ang kanyang pinangangatawanan... Ngunit ayaw Kong magsalita tungkol sa Caesar, bagkus tungkol kay Pilato! – Kung kaya't sinasabi Ko kanina na sa itaas ng lahat ng mga tinig, mula sa tinig ng kanyang asawa hanggang sa mga tinig ng mga pulutong, ay nariyan ang tinig, o! anong isang tinig! ng kanyang kaakuhan. Ng maliit na kaakuhan ng maliit na tao, ng sakim na kaakuhan ng sakim na tao, ng mapagmalaking kaakuhan ng mapagmalaking tao; ang kaliitan na iyan, ang kasakiman na iyan, ang pagmamalaking iyan ay gustong maghari upang maging sikat, gusto nilang maghari upang magkaroon ng labis-labis na pera, gusto nilang maghari upang maghari sa isang multitud ng mga nasasakupan yumuyuko upang magbigay ng pagpipitagan sa kanila. Ang kapootan ay nagbabaga sa ilalim, ngunit ang maliit na Caesar na ang pangalan ay Pilato, ang ating maliit na Caesar ay hindi ito nakikita ito... Nakikita lamang niya ang mga likod na nagkukunwang nagbibigay pitagan at nagkukunwaring takót sa harapan niya o talagang nagpipitagan at natatakot. At dahil sa mabagyong tinig ng kanyang kaakuhan nakahanda siyang gawin ang kahit ano. Sinasabi Ko: kahit ano. Maliban na makapagpatuloy siyang Poncio Pilato, ang Prokonsul, ang lingkod ng Caesar, ang Naghahari sa isa sa maraming mga rehiyon ng imperyo. At dahil sa lahat ng iyan, kahit na kung ngayon ay ang Aking tagapagsanggalang, bukas siya ay Aking magiging hukom,  at di-mapakikiusapan. Ang isip ng tao ay laging di-nakakatiyak. Pinaka di-nakatitiyak kung ang pangalan ng taong iyan ay Poncio Pilato. Ngunit, Lazarus, maaari mong pagbigyan si Pedro... Kung makapagpapaginhawa iyan sa kanya...»

«Hindi upang mapaginhawahan ako bagkus... upang mapakalma ako nang kaunti...»

«Kung gayon pasayahin ang ating mabuting Pedro at pumunta kay Pilato.»

«Pupunta ako, Guro. Ngunit naisalarawan Ninyo ang Prokonsul bilang walang mananalaysay o pilosopo ang makagagawa. Isang perpektong larawan!»

«Magagawa Kong ilarawan ang bawat tao sa kanyang totoong imahen: ang kanyang pagkatao. Ngunit tayo na sa mga taong ito na nagkakagulo.

Inakyat Niya ang huling mga baytang at pinakita ang Kanyang Sarili. Itinaas Niya ang kanyang mga kamay at nagsabi sa isang malakas na tinig: «Mag tao ng Galilee at ng Samaria, mga disipulo at mga tagasunod. Ang inyong pagmamahal, ang inyong mga kagustuhan na maparangalan Ako at ang Aking Ina at ang Aking mga kaibigan sa pagsabay sa kanilang mga bagon, ay sinasabi sa Akin kung ano ang inyong mga naiisip. Ako bagkus ay mapapagpala kayo para sa mga ganyang mga kaisipan. Ngunit bumalik na kayo sa inyong mga tahanan, sa inyong mga negosyo, ngayon. Kayong mula sa Galilee, lakad at sabihan ang mga nananatili roon na si Jesus ng Nazareth ay pinagpapalâ sila. Mga tao ng Galilee, magkikita tayong muli sa Herusalem sa Paskuwa, at papasukin Ko ang bayan sa araw pagkatapos ng Sabbath bago ang Paskuwa. Mga tao ng Samaria, maaari na rin kayong umuwi, at huwag gawin na ang inyong pagmamahal para sa Akin ay naroroon na lamang sa pagsunod at sa paghahanap para sa Akin sa mga rota ng Lupa, bagkus sa mga rota ng espiritu.  Humayo at harinawang ang Liwanag ay suminag sa inyo. Mga disipulo ng Guro, humiwalay sa mga naniniwala at manatili sa Ephraim upang tanggapin ang Aking mga tagubilin. Lakad. Maging masunurin.»

«Tama Siya. Nagagambala natin Siya. ibig Niyang makasama ang Kanyang Ina!» sigaw ng mga disipulo at ng mga Nazareno.

«Kami ay aalis. Ngunit gusto muna namin ang Kanyang pangako: na Siya pupunta sa Shechem bago ang Paskuwa. Sa Shechem! Sa Shechem!»

«Pupunta Ako. Lakad. Pupunta Ako bago pumunta sa Herusalem para sa Paskuwa.»

«Huwag pumunta! Huwag pumunta! Manatili sa amin! Sa amin! Ipagsasanggalang namin Kayo! Gagawin namin Kayong Hari at Pontipise! Kinapopootan nila Kayo! Minamahal namin Kayo! Ibagsak ang mga Hudyo! Mabuhay si Jesus!»

«Katahimikan. Tumigil sa pagkakagulo! Ang Aking Ina ay naghihirap dahil sa pagsisigawan na ito na makakasakit sa Akin nang higit pa kaysa sa isang tinig na nanunumpa sa Akin.  Ang Aking oras ay hindi pa dumarating. Lakad. Pupunta Ako sa Shechem. Ngunit alisin sa inyong mga puso ang kaisipan na Ako, para sa hamak na pagkataong karuwagan at isang mapaglapastangang rebelyon laban sa kalooban ng Aking Ama, ay hindi Ko sana matupad ang Aking katungkulan bilang isang Israelita, sinasamba ang totoong Diyos sa tanging Templo kung saan Siya maaaring sambahin, at bilang Mesiyas, sa pagiging makoronahan kahit saan ngunit hindi sa Herusalem, kung saan Ako ay papahiran ng langis bilang pansansinukuban na Hari ayon sa mga salita at katotohanan na nakita nang una ng dakilang mga propeta.»

«Ibagsak! Walang ibang propeta bagkus si Moses! Kayo ay isang nangangarap nang gising.»

«At kayo din. Kayo ba kaya ay malaya? Hindi, hindi kayo malaya. Ano ang pangalan ng Shechem? Ang bagong pangalan nito? At kung ano ang nangyari sa Shechem, ay nangyari din sa maraming ibang mga bayan sa Samaria, Judaea at Galilee. Sapagkat ang Romanong katapulta ay kapwa tayo pinatag. Ang pangalan ba nito ay Shechem? Hindi. Ang pangalan nito ay Neapolis. Katulad na ang Beth-Shean ay pinangalanang Scythopolis, at marami pang ibang mga bayan na sa pamamagitan ng kalooban ng mga Romano o ng kalooban ng namumuring nasasakupan ay kinuha ang mga pangalan na ipinataw sa pamamagitan ng paghahari o ng pamumuri. At kayo, bilang mga indibidwal, kayo ba ay magiging mas may-halaga pa kaysa sa isang bayan, kaysa sa mga naghahari sa atin, kaysa sa Diyos? Hindi. Walang magbabago sa kung ano ang nakatalaga na para sa kaligtasan ng lahat. Sinusundan Ko ang tuwid na landas. Sundan Ako, kung gusto ninyong makapasok sa eternal na Kaharian kasama Ako.»

Siya ay aalis na sana. Ngunit ang mga taong Samaritano ay maiingay labis-labis na ang mga Galilean ay gustong kumilos at ang mga nasa loob ng bahay ay nagmadaling pumunta nang sabay-sabay sa pangkusinang-hardin, at pagkatapos pataas ng hagdanan at sa terasa. Ang malungkot na maputlang mukha ni Maria ay ang unang lumitaw sa likuran ng mga balikat ni Jesus, at niyayakap at hinahawakan Niya Siya na tila ibig Niyang ipagsanggalang si Jesus mula sa mga insulto na tumataas mula sa ibaba: «Kami ay Inyong pinagtaksilan! Nanilungan Kayo sa pagitan namin ginagawa kaming maniwala na minamahal Ninyo kami samantalang ngayon kinamumuhian Ninyo kami! At mas lalo kaming kamumuhian sa kagagawan Ninyo!» at kung anu-ano pa.

Si Jesus ay nilalapitan din ng mga babaeng disipulo, ng mga apostol, at sa huli ni Maria ni Jacob, na natatakot. Ang mga sigaw mula sa ibaba ay ang kapaliwanagan ng pinagmumulan ng pagkakagulo, isang malayo ngunit tiyak na pinagmumulan: «Kung gayon bakit Ninyo pinadala ang Inyong mga disipulo sa amin upang sabihin sa amin na Kayo ay inuusig?»

«Wala Akong pinadadalang sinuman. Ang mga mula sa Shechem ay nasa banda roon. Gawin silang lumapit. Ano ang Aking sinabi sa kanila isang araw sa bundok?»

«Iyan ay totoo. Sinabi Niya sa amin na Siya ay bagkus magiging isang tagapagsamba lamang sa Templo, hanggang dumating ang bagong panahon para sa lahat. Guro, hindi kami dapat na mapagbintangan, maniwala sa amin. Ngunit sila ay naloko ng huwad na mga mensahero Ninyo.»

«Alam Ko. Ngunit humayo na ngayon. Pupunta pa rin Ako sa Shechem. Wala Akong kinatatakutan na sinuman. Ngunit humayo na ngayon na sana hindi ninyo masaktan ang inyong mga sarili at ang mga kadugo ninyo. Nakikita ba ninyo sa banda roon ang mga metal na kasuutan ng mga sundalo na nagniningning sa araw habang bumababa sila sa daan? Tiyak na sinundan nila kayo nang may distansiya, nakikita ang gayong prusisyon at sila ay nanatili sa paghihintay sa loob ng kakahuyan. Ang inyong mga pagsigaw ay nakukuha ang kanilang pansin. Humayo, para sa inyong kapakanan.»

Sa katunayan, sa malayo sa pinakadaan daan na makikitang tumataas patungo sa mga bundok, ang daan kung saan natagpuan ni Jesus ang nagugutom na lalaki, posibleng makita ang mga liwanag na kumikislap at gumagalaw papalapit. Ang mga tao ay nagsisialisan nang unti-unti. Ang mga mula sa Ephraim, ang mga Galilean at ang mga disipulo ay nananatili.

«Makakauwi na rin kayo sa inyong mga tahanan, kayong mga tao mula sa Ephraim. At kayo rin, mga Galilean, pakiusap na umuwi na. Sundin Siya Na nagmamahal sa inyo.»

Sila ay umalis na rin. Tanging ang mga disipulo na lamang ang nananatili at si Jesus ay inutusan ang mga apostol na papasukin sila sa bahay at sa pangkusinang-hardin. Si Pedro ay bumaba sa hagdan kasama ang iba pa upang buksan ang pinto.

Si Judas ng Kerioth ay hindi bumababa. Siya ay tumatawa! Tumatawa siya nagsasabing: «Makikita na Ninyo ngayon kung gaano Kayo kapopootan ng “mabubuting Samaritano”! Upang maitayo ang Kaharian ikinakalat Ninyo ang mga bato. At ang mga bato na inalis mula sa isang gusali ay nagiging mga armas na pambato. Kinamuhian Ninyo sila! At hindi sila makakalimot.»

«Hayaan silang kapootan Ako. Hindi Ko iiwasan na gawin Ko ang Aking katungkulan dahil sa takot ng kanilang kapootan. Halikayo, Inay. Pumunta tayo at sabihan ang mga disipulo kung ano ang kanilang dapat gawin bago Ko sila pauwiin» at sa pagitan ni Maria at ni Lazarus bumaba Siya patungo sa loob ng bahay kung saan ang mga disipulo na nag-ipun-ipon sa Ephraim ay nagsisiksikan, at inutusan Niya sila na kumalat kahit saan sinasabihan ang lahat ng kanilang mga kasamahan na pumunta sa Jericho para sa bagong buwan ng Nisan at maghintay para sa Kanya hanggang Siya dumating, at gawin ang mga tao sa mga nayon na kanilang madadaanan na makaalam na aalis Siya sa Ephraim at kailangan nilang hanapin Siya sa Herusalem sa Paskuwa.

Pagkatapos  hinati Niya sila sa tatlong grupo ipinagkakatiwala si Samuel kina Isaac, Hermas at Stephen. Si Stephen ay binati si Samuel nagsasabing: «Ang lugod sa nakikita kita ay napagiginhawahan ang kirot na makita na ang lahat ay nagiging isang hadlang para sa Guro.» Si Hermas sa halip ay binabati siya nang ganito: «Iniwanan mo ang isang tao para sa isang Diyos. At ang Diyos ay totoong kasama mo na.» Si Isaac, mapagpakumbaba at mahiyain, ay sinabi lamang: «Kapayapaan sa iyo, kapatid.»

Pagkatapos na maiabot ang tinapay at gatas na naisip ng mga taong mula sa Ephraim na ialay, ang mga disipulo rin ay umalis at sa wakas nagkaroon na ng kapayapaan...

Ngunit habang hinahanda ang tupa, si Jesus ay mayroon pang kailangang gawin. Nilapitan Niya si Lazarus at nagsabi sa kanya: «Sumama ka sa Akin sa tabi ng ilog.» si Lazarus ay sumunod kaagad katulad ng dati.

Lumayo sila mula sa bahay mga dalawampung metro. Si Lazarus ay tahimik hinihintay si Jesus na magsalita. At si Jesus ay nagsabi: «Gusto Kong sabihin sa iyo ito. Ang Aking Ina ay malungkot na malungkot, katulad ng nakikita mo. Ipadala mo ang iyong mga kapatid dito. Ako ay talagang pupunta sa Shechem kasama ang lahat ng mga apostol at mga babaeng disipulo. Ngunit pagkatapos pauunahin Ko sila sa Bethany, habang mamamalagi pa Ako nang matagal-tagal sa Jericho. Makapaglalakas-loob pa Akong panatilihin ang ilang mga babae rito sa Samaria, ngunit hindi sa iba pang lugar...»

«Guro! Talagang kinatatakutan Ninyo... O! kung gayon bakit pa Ninyo ako ibinangon mula sa kamatayan?»

«Upang magkaroon ng isang kaibigan.»

«O!!! Kung ganyan ang kaso, bueno, naririto ako. Ang lahat na mga kapighatian, kung mapagiginhawahan ko Kayo sa pamamagitan ng aking pakikipagkaibigan, ay walang kabuluhan sa akin.»

«Alam Ko. Iyan kung bakit ginagamit kita at gagamitin kita bilang ang pinakaperpektong kaibigan.»

«Kailangan ko ba talagang pumunta kay Pilato?»

«Kung sa palagay mo. Para kay Pedro. Hindi para sa Akin.»

«Guro, paaalamin ko Kayo... Kailan Ninyo iiwanan ang lugar na ito?»

«Sa loob ng walong araw. May sapat na panahon lamang upang makapunta kung saan Ko gustong pumunta at pagkatapos makakasama mo Ako bago ang Paskuwa. Ibig Kong makakuha ng bagong lakas sa Bethany, ang oasis ng kapayapaan, bago tumalon nang una ang ulo sa kaguluhan sa Herusalem.»

«Nalalaman ba Ninyo, Guro, na ang Sanhedrin ay determinado na lumikha ng mga akusasyon, dahil wala silang makita, upang mapilitan Kayong umalis talaga nang totoo? Nalaman ko ito mula kay Juan, ang miyembro ng Sanhedrin, nang siya ay natagpuan ko nang di-sinasadya sa Ptolemais, at siya ay masayang-masaya tungkol sa anak na lalaki na malapit nang ipanganak sa kanya. Sinabi niya sa akin: “Nalulungkot ako na ang Sanhedrin ay determinadung-determinado. Sapagkat gusto ko sanang ang Guro ay mapunta sa sirkunsisyon ng aking anak, dahil inaasahan ko ito na isang lalaki. Siya ay kailangan na maipanganak na sa mga unang araw ng buwan ng Tammuz. Ngunit ang Guro ba ay nasa pagitan pa natin sa panahon na iyan? At gusto ko sana... Sapagkat gusto ko ang maliit na Immanuel, at ang pangalan na iyan ay sasabihin sa iyo kung ano ang iniisip ko, na mapagpala Niya sa kanyang unang paglitaw sa mundo. Sapagkat ang aking anak, masuwerteng bata, ay hindi na kailangan na magpakahirap na maniwala, katulad na nahirapan tayo. Palalakihin siya sa mga panahon ng Mesiyas at magiging madali para sa kanya na tanggapin ang idea”. Si Juan ay nakarating na sa paniniwala na Kayo ay ang Ipinangakong Isa.»

«At ang isang iyan mula sa marami ay sinusuklian Ako para sa hindi magawa ng iba. Lazarus, tayo ay magpalitan ng pagpapaalam dito, sa kapayapaan. At salamat sa iyo para sa lahat, Aking kaibigan. Ikaw ay isang totoong kaibigan. Na may sampung katulad mo naging kaaya-aya sanang mamuhay sa pagitan ng labis na kapootan...»

«Ngayon nasa Inyo na ang Inyong Ina, aking Panginoon. Siya ay katumbas ang sampu... sandaan na Lazarus. Ngunit alalahanin na anuman ang baka kakailanganin Ninyo, kung ito ay magiging posible lahat, kukunin ko ito para sa Inyo. Ibigay Ninyo sa akin ang Inyong mga utos, at ako ay magiging Inyong lingkod, sa lahat. Maaaring hindi ako maging marunong o banal, katulad ng ibang mga tao na nagmamahal sa Inyo, ngunit kung ipagpapaliban Ninyo si Juan, hindi na Kayo makakatagpo ng isa pang mas tapat kaysa sa akin. Hindi sa palagay ko ako nagiging mapagmalaki sa pagsasabi nito. At ngayon na napag-usapan na natin ang tungkol sa Inyo, sasabihin ko sa Inyo ang tungkol kay Syntyche. Nakita ko siya. Siya ay kasing aktibo at kasing dunong katulad na isang Griyegong babae lamang ang maaaring maging ganito, na naging Inyong tagasunod. Naghihirap siya sa pagiging nasa napakalayo. Ngunit sinasabi niya na nalulugod siya sa paghahanda ng Inyong daan. Umaasa siyang makikita niya Kayo bago siya mamatay.»

«Tiyak na makikita niya Ako. Hindi Ko binibigo ang mga pag-asa ng makatarungan.»

«Siya ay may maliit na eskuwelahan na pinapasukan ng maraming mga batang babae ng lahat na mga lugar. Ngunit sa gabi may pinananatili siyang ilang mahihirap na maliliit na mga batang babae ng magkakahalong lahi, at kung gayon mga batang walang relihiyon. At tinuturuan niya sila ng Inyong doktrina. Tinanong ko siya: “Bakit ayaw mong maging isang proselito? Magiging malaking tulong ito para sa iyo”. Tumugon siya: “Sapagkat ayaw kong iukol ang aking sarili sa mga tao ng Israel, bagkus sa walang-laman na mga altar naghihintay ng isang Diyos. Inihahanda ko sila upang tanggapin ang aking Panginoon.  Pagkatapos, kapag ang Kanyang Kaharian ay naitatag na, babalik ako sa aking Amangbayan, at sa ilalim ng kalangitan ni Hellas gugugulin ko ang aking buhay sa paghahanda ng mga puso para sa mga guro.  Iyan ang aking pinapangarap. Ngunit kung ako ay mamamatay bago pa man, gawa ng isang sakit o ng isang pang-uusig, mawawala akong ganyan pa rin kasaya, sapagkat ang ibig sabihin nito nagawa ko ang aking gawain at na tinatawag Niya sa Kanyang Sarili ang lingkod na nagmahal sa Kanya mula pa nang una niya Siyang nakilala”.»

«Iyan ay totoo. Si Syntyche ay totoong minahal Ako mula pa nang una naming pagkikita.»

«Ayaw kong sabihin sa kanya kung gaano Kayo nalulungkot. Ngunit ang Antioch ay umuugong katulad ng isang kabibi ng lahat ng mga tinig ng malawak na Romanong imperyo, at dahil diyan umuugong din ng kung ano ang nangyayari rito. At nalalaman ni Syntyche  ang Inyong pamimighati. At siya ay mas naghihirap ng pagiging nasa malayo. Gusto niya Kayong bigyan ng ilang pera, na aking tinanggihan, at sinabi ko sa kanya na gamitin iyon sa kanyang mga batang babae. Ngunit kinuha ko ang isang panlagay sa ulo na hinabi niya na may dalawang klase ng byssus ng magkaibang kapal. Ito ay nasa Inyong Ina. Sa pamamagitan ng sinulid inilarawan ni Syntyche ang Inyong kasaysayan, ang kanyang sariling kasaysayan at ang kay Juan ng Endor. At alam ba Ninyo kung papaano? Sa paghabi ng isang panggilid sa paligid ng kudrado at pinapakita rito ang isang kordero na nagsasanggalang sa dalawang kalapati laban sa isang kawan ng mga ayena, ang isa sa mga kalapati ang dalawang pakpak nito ay bali, at ang isa pa ay may putol na kadena na nakakabit sa paa. At ang kasaysayan ay nagpapatuloy, nang salitan, hanggang sa paglipad patungo sa kalangitan ng kalapati na may mga putol na pakpak at sa kusang pagpapasakop ng isa pa sa paanan ng kordero. Ito ay nagmumukhang katulad ng isa sa mga kasaysayan na inuukit ng mga Griyegong manlililok sa mga marmol na dekorasyon ng mga templo at sa mga tala ng kanilang mga patay na mga kamag-anak, o ginuguhit ng mga pintor sa mga plorera. Gusto niyang ipadala iyon sa Inyo sa pamamagitan ng aking mga katulong. Dinala ko ito.»

«Isusuot Ko iyan sapagkat nanggaling iyan sa isang mabuting disipulo. Maglakad na tayo patungo sa bahay. Kailan mo iniisip na umalis?»

«Bukas pagsikat ng araw. Upang makapagpahinga ang mga kabayo. Pagkatapos hindi ako titigil hanggang sa makarating ako sa Herusalem at pupunta ako kay Pilato. Kung ako ay magtagumpay sa pakikipagusap sa kanya, ipadadala ko sa Inyo ang kanyang tugon sa pamamagitan ni Maria.»

Naglalakad sila nang dahan-dahan patungo sa bahay, pinag-uusapan ang minor na mga paksa.

020512

 


Sunod na kabanata