565. Ang Parabula Tungkol sa Punit na Tela at ang Himala sa Babae na Nasa Panganganak. Si Judas ng Kerioth Nahuling Nagnanakaw.

February 15. 1947.

Si Jesus ay kasama ang mga babaeng disipulo at ang dalawang apostol sa unang mga pag-alon ng lupa sa bundok sa likuran ng Ephraim. Ni ang mga bata o si Esther ay hindi kasama ni Johanna.  Sa palagay ko sila ay pinauwi sa Herusalem kasama ni Jonathan. Kung kaya't, bukod sa Ina ni Jesus, ay naroon lamang sina Maria ni Clopas, Maria Salome, Johanna, Eliza at si Susanna. Ang dalawang kapatid ni Lazarus ay wala pa roon.

Sina Eliza at Nike ay naglulupi ng mga damit, na tiyak na nilabhan sa isang agos ng tubig na nagniningning sa ibaba sa lambak, o dinala doon mula sa agos ng tubig at pagkatapos ibinilad sa maaraw na kapatagan sa itaas. At si Nike, pagkatapos na tingnan ito, ay dinala ito kay Maria ni Clopas nagsasabing: «Ang iyong anak ay natastas din ang laylayan ng isang ito.» Si Maria ni Alfeo ay kinuha ang damit at inilagay ito malapit sa iba pang nakakalat malapit sa kanya sa damuhan.

Ang lahat na mga babaeng disipulo ay abala sa pananahi at pagtatagpi sa mga nasira sa loob ng maraming buwan nang ang mga apostol ay nag-iisa.

Si Eliza, na lumalapit sa kanila dala ang iba pang tuyong damit, ay nagsabi: «Makikita ng isa na sa loob ng tatlong buwan hindi kayo nagkaroon ng isang babaeng kasama na may kaalaman! Wala ni isang damit na maayus-ayos, maliban sa isang iyon ng Guro, Na sa kabilang dako, ay may dalawang damit lamang, ang isang Kanyang suot at ang isang nilabhan ngayon.»

«Naibigay Niya iyong lahat. Siya ay tila tinatamaan ng kahibangan ng hindi pag-aari ng kahit na anong bagay. Maraming araw na Siyang ang suot ay linen na damit lagi» sabi ni Judas.

«Mabuti na lamang ang Iyong Ina ay naisipan na magdadala Siya sa Iyo ng ilang bagong damit. Ang isang tinina ng purpura ay totoong maganda. Kinakailangan Mo iyon, bagama't maganda Kang tingnan nakasuot ng linen. Tunay Kang nagmumukhang isang liryo!» sabi ni Maria ni Alfeo.

«Isang napaka tangkad na liryo, Maria!» sabi ni Judas nang may panunudyo.

«Ngunit Siya ay napakapuro katulad na kayo o si Juan ay tiyak na hindi. Ikaw ay nakasuot din ng isang linen na damit, ngunit maniwala sa akin, hindi ka nagmumukhang isang liryo!» tugon nang prangko ni Maria ni Alfeo.

«Ang aking buhok ay maitim at gayon din ang aking balat. Iyan kung bakit iba ako.»

«Hindi. hindi iyan depende diyan. Ang katotohanan ay ang iyong kalooban ay nasa iyong panlabas na hitsura, Siya sa halip ay nasa loob Niya at ito ay nabubunyag sa pamamagitan ng Kanyang mga mata, sa Kanyang ngiti, sa Kanyang salita. Iyan ang sitwasyon! Ah! Gaano ito kaganda ang mapasama sa aking Jesus.» At ang mabuting si Maria ay inilalagay ang kanyang gastado-sa-pagtatrabahong tapat na kamay ng isang maedad na masipag na babae sa tuhod ni Jesus, Na hinahaplos naman ito.

Si Maria Salome, na tinitingnan ang isang tunika, ay bumulalas: «Ito ay malala pa kaysa sa isang púnit! O! anak! Sino ang nagsara ng butas na ito nang katulad nito para sa iyo?» at naiskandalo katulad niya, pinakikita niya sa kanyang mga kasamahan ang isang klase ng... kulubot-na-kulubot na pusod, napoporma ang isang naka-angat na pabilog sa tela, nahahawakan ng ilang napakagaspang na mga tahi, sapat nang mahintakutan ang isang babae. Ang kakaibang pagpapatse ay ang pinagmumulan ng isang serye ng pangungulubot na lumalawak nang pabilog sa balikat ng tunika.

Lahat sila ay tumatawa. At si Juan ang unang-una – siya ang may-gawa ng pagpatse – at nagpapaliwanag siya: «Hindi ko magawan ng paraan ang butas, kung kaya't... isinara ko ito!»

«Nakikita ko iyan, kaawa-awang ako! Nakikita ko iyan! Ngunit hindi mo ba makuha si Maria ni Jacob na patsehan ito para sa iyo?»

«Siya ay halos bulag na, kaawa-awang babae! At pagkatapos... ang problema ay hindi iyan noon isang púnit! Iyan ay tunay na isang butas. Ang damit ay nasabit sa mga panggatong na aking dala sa aking balikat, at nang ibinagsak ko ang mga panggatong mula sa aking balikat, ang isang piraso din ng tela ay naalis. Kung kaya't pinatsehan ko na lamang iyan nang ganyan!»

«Sinira mo ito nang ganyan, anak. Mangangailangan ako...» Tinitingnan niya ang tunika ngunit iniiling niya ang kanyang ulo. Sinabi niya: «Umaasa akong magagamit ko yung laylayan. Ngunit wala ito doon...»

«Inalis ko iyon sa Nob, sapagkat naputol iyon sa lupi. Ngunit binigay ko sa iyong anak ang kapiraso na aking inalis...» paliwanag ni Eliza.

«Oo. Ngunit ginamit iyon na pantali para sa aking bag...»

«Kaawa-awang mga anak! Gaano ninyo kami talagang kailangan sa malapit sa inyo!» sabi ng Pinagpalang Birhen inaayos ang isang damit na pag-aari ng kung sino na hindi ko alam.

«Datapwa't kaunting tela ang kailangan dito. Tingnan. Ang mga tahi ay nagtapos sa punitin ang damit sa paligid, at ang isang malaking sira ay naging isang wala nang pagka-ayos; maliban... kung may makikita akong maipapalit sa nawawalang kapiraso. Pagkatapos... makikita pa rin ng isa ang tagpi... ngunit magiging mabuti-buti ito.»

«Nabigyan mo Ako ng panimula para sa isang parabula...» sabi ni Jesus, at si Judas din ay kasabay na nagsabi: «Sa palagay ko mayroon akong isang piraso ng tela na pareho ang kulay sa ilalim ng aking bag, ang tira ng isang tunika na kupas na kupas na upang suutin pa; kung kaya't binigay ko iyon sa isang maliit na lalaki na labis na mas maliit kaysa sa akin, na kinailangan namin na bawasan ang haba niyon ng halos dalawang dangkal. Kung maghihintay ka, lalakad ako at kukunin ko iyon para sa iyo. Ngunit ibig ko munang mapakinggan ang parabula.»

«Pagpalain ka nawa ng Diyos. Makinig muna sa parabula. Pansamantala ikakabit ko ang mga kordon sa tunikang ito ni Santiago. Ang mga ito ay lahat gastado na.»

«Magsalita. Guro. Pagkatapos gagawin kong masaya si Maria Salome.»

«Oo. Kinukumpara Ko ang kaluluwa sa isang tela. Kapag it ay inilalagay sa tao, ito ay bago, walang mga luha. Mayroon lamang  ito ng orihinal na mantsa, ngunit wala itong mga kapinsalaan sa estruktura nito, o mga mantsa o sukal. Pagkatapos sa pagdaan ng panahon at sa pagkakuha ng mga bisyo, ito ay napupudpod kung minsan hanggang sa ito ay mapunit, namamantsahan ito sa kawalang kahinahunan, nasisira ito sa kawalan ng kaayusan. Ngayon, kapag ito ay mapunit ang isa ay hindi dapat itong ayusin nang padaskul-daskol, na siyang magiging dahilan ng mas marami pang mga luha, bagkus kinakailangan na ayusin ito nang matiyaga at perpekto at nang matagal upang maalis ang kapinsalaan na nagawa na hangga't maaari. At kung ang damit ay masamang-masama ang pagkapunit, hindi lamang, bagkus, ito ay labis na napunit upang hindi na ito magamit kahit kaunti, ang isa ay hindi dapat na maging napaka mapagmalaki na siya ay magkukunwari na maaayos niya mismo ang pagkasira, bagkus siya ay kailangan na lumapit sa Kanya, Na kilalang makagagawa sa kaluluwa na maging istriktong tapat itong muli,  katulad na Siya ay pinahihintulutan na gawin ang lahat at magagawa Niya ang lahat. Ang tinutukoy Ko ay ang Diyos, ang Aking Ama, at ang Tagapagligtas, Na siyang Ako. Ngunit ang pagmamalaki ng tao ay gayon na lamang na habang mas malaki ang pagkasira ng kanyang kaluluwa, mas lalo siyang nagsisikap na patsehan ito sa pamamagitan ng di angkop na mga pamamaraan na nagagawa ang pagkasira na maging lalu't lalo pang malala. Maaari kayong tumutol na ang isang punit ay laging makikita. Si Salome ay iyan din ang sinabi. Oo, makikita lagi ng isa ang pagkasirang dinanas ng isang kaluluwa. Ngunit ang isang kaluluwa ay nakikipaglaban sa digmaan nito, kung gayon walang hindi na ito ay matatamaan. Napakarami itong kalaban sa paligid nito. Ngunit walang sinuman, nakikita ang isang tao na natatakpan ng mga piklat, mga tanda ng kasing dami ng sugat na tinanggap nito upang manalo, ang makapagsasabi: “Ang taong ito ay di-malinis”. Sa kabaligtaran ang isa ay sasabihin: “Ang taong ito ay isang bayani. Naroon ang kanyang purpurang mga marka ng kanyang kahalagahan”. Ni hindi ang sinuman makakakita kailanman ng isang sundalong umiiwas na mapagaling, dahil ikinahihiya niya ang isang maluwalhating sugat, sa kabaligtaran pupunta siya sa doktor at sasabihin sa kanya na may banal na pagmamalaki: “Naririto ako, lumaban ako at ako ay nanalo. Hindi ko pinaligtas ang aking sarili, ayon sa iyong nakikita. Ngayon pagalingin ang aking mga sugat upang ako sana ay maging handa para sa mas marami pang mga labanán at mga pagtatagumpay”. Siya sa halip na naghihirap mula sa mababahong sakit, na nakuha gawa ng nakakahiyang mga bisyo, ay nahihiya ng kanyang mga sugat sa harapan ng mga kamag-anak at mga kaibigan, at sa harapan din ng mga doktor, at kung minsan siya ay napakatanga na ito ay kanyang itatago hanggang sa ito ay maibunyag ng amoy nito. Pagkatapos huli na ang lahat para maremedyuhan. Ang mapagpakumbaba ay laging sinsiro, at sila ay magigiting din na mga nakikipaglaban na hindi ikinahihiya ang kanilang mga sugat na tinanggap sa pakikipaglaban. Ang mapagmalaki ay laging  huwad at hamak, nagtatapos sila sa pagkamatay sa pamamagitan ng kanilang pagmamalaki, dahil ayaw nilang pumunta sa Kanya na makapagpapagaling, at sabihin sa Kanya: “Ama, ako ay nagkasala. Ngunit, kung gugustuhin Ninyo, mapapagaling Ninyo ako”. Marami ang mga kaluluwa na dahil sa kanilang pagmamalaki ng hindi pagkagusto na ikumpisal ang isang unang kasalanan ay nagtatapos sa pagkamatay. Pagkatapos, para sa kanila rin, ito ay huli na. Hindi nila iniisip na ang dibinong awa ay mas makapangyarihan at mas masaklaw kaysa sa kahit ano pa man  na salot, gaano pa man maaaring maging malakas at masaklaw ang huli, at na mapapagaling nito ang lahat. Ngunit sila, ang mga kaluluwa ng mga mapagmalaki, kapag mabatid nila na minaliit nila ang lahat na paraan ng kaligtasan, ay bumabagsak sa kawalang-pag-asa, sapagkat sila ay wala ng Diyos, at kapag sasabihin nila: “Huli na ang lahat”, isinusumpa nila ang kanilang sarili sa huling kamatayan: sa kapahamakan. At ngayon, Judas, makakalakad ka na at kunin ang tela...»

«Ako ay lalakad. Ngunit hindi ko gusto ang Inyong parabula. Hindi ko iyon naintindihan.»

«Ngunit kung napakalinaw niyon! Naintindihan ko iyon, at ako ay isang kaawa-awang babae!» sabi ni Maria ni Salome.

«At ako hindi. Minsan ang Inyong mga parabula ay mas magaganda... Ngayon... mga pukyutan... tela... mga bayan nagbabago ng mga pangalan... mga kaluluwa na mga bangka... Gayong hamak na mga bagay, at magulung-magulo, na ayaw ko na ulit at hindi ko naiintindihan... Ngunit ngayon lalakad na ako at kukunin ang tela, sapagkat sinasabi ko na iyon ay sa katunayan kinakailangan, ngunit ang damit ay lagi nang isang sira na» at si Judas ay tumayo at umalis.

Si Maria ay iniyuyuko at iniyuyuko pang lalo ang Kanyang ulo sa Kanyang ginagawa, habang si Judas ay nagsasalita. Si Johanna sa halip ay itinataas ang kanya, nakatitig ang kanyang mga mata sa walang-kahinahunan na apostol nang may galít na awtoridad. Si Eliza rin ay itinaas ang kanyang ulo, ngunit pagkatapos ginaya niya si Maria at ito rin ang ginawa ni Nike. Si Susanna ay idinilat ang kanyang malalaking mata, bilang namamangha, at tiningnan si Jesus at hindi ang apostol, nag-iisip kung bakit hindi Siya tumutugon. Ngunit walang sinuman ang nagsalita o kumilos ng kahit ano. Si Maria ni Salome at si Maria ni Alfeo, dalawang babae na may parehong pakikitungo sa tao, ay nagkatinginan iniiling ang kanilang mga ulo, at nang kaagad si Judas ay nakaalis, si Salome ay nagsabi: «Ang ulo ang sira!»

«Oo. Iyan kung bakit wala siyang maintindihan, at sa aking palagay kahit na Ikaw ay hindi Mo siya mababago. Kung ang aking anak ay katulad niyan, babalian ko siya ng leeg. Oo, dahil ginawa ko iyon para sa kanya upang iyon sana ang maging ulo ng isang makatarungang tao, kung kaya't aalisan ko siya nito. Mas mabuti pang magkaroon ng isang pangit na mukha kaysa isang pangit na puso!» sabi ni Maria ni Alfeo.

«Maging matiyaga, Maria. Hindi mo maikukumpara ang iyong mga anak, na mga pinalaki sa loob ng isang tapat na pamilya, sa isang  bayan na katulad ng Nazareth, sa lalaking ito» sabi ni Jesus.

«Ang kanyang ina ay mabuti. Ang kanyang ama ay hindi isang masamang tao, iyan ang pakinig ko» tugon ni Maria ni Alfeo.

«Oo. Ngunit ang kanyang puso ay hindi nagkukulang ng pagmamalaki. Iyan kung bakit inilayo niya ang kanyang anak sa kanyang ina nang napakaaga, at nakatulong din siya sa pagpapalaki sa moral na pamana, na kanyang naibigay sa kanyang anak pinadadala siya sa Herusalem. Masakit sabihin, ngunit ang Templo ay tiyak na hindi ang lugar kung saan ang pamanang pagmamalaki ay mababawasan...» sabi ni Jesus.

«Walang lugar sa Herusalem, kahit na kung ito ay isang lugar ng karangalan, ang naaangkop para sa pagbabawas ng pagmamalaki o kahit ano pa mang kapintasan» sabi ni Johanna nang may isang butong-hininga. At dagdag pa niya: «At ni hindi kahit sa ano pang ibang lugar ng karangalan, maging ito man ay sa Jericho o Caesarea Philippi, sa Tiberias o sa iba pang Caesarea...» at nananahi siya nang mabilis iniyuyuko ang kanyang mukha sa kanyang ginagawa nang higit pa sa kinakailangan.

«Si Maria ni Lazarus ay mapagmataas, ngunit hindi mapagmalaki» wika ni Nike.

«Ngayon. Ngunit dati mapagmalaki siyang mapagmalaki. Kabaligtaran lamang ng kanyang mga kamag-anak, na hindi kailanman naging gayon» tugon ni Johann.

«Kailan sila darating?» tanong ni Salome.

«Malapit na, kung tayo kailangan na makaalis sa loob ng tatlong araw.»

Magtrabaho tayo nang mabilis kung gayon. Tamang-tama lamang na matatapos natin ang lahat nang nasa oras» sabi ni Maria ni Alfeo hinihimok sila.

«Náhuli kami sa pagdating dahil kay Lazarus. Ngunit naging mas mabuti na iyon, sapagkat napaliban si Maria sa labis na gawain» sabi ni Susanna.

«Ngunit sa palagay Mo ba magagawa Mo ang labis na paglalakad? Ikaw ay maputlang-maputla at pagod, Maria!» tanong ni Maria ni Alfeo pinapatong ang kanyang kamay sa lapi ni Maria at tinitingnan Siyang nag-aalala.

«Wala Akong sakit, Maria. At tiyak na makapaglalakad Ako.»

«Hindi, wala Kayong sakit, ngunit naghihirap Kayo nang labis, Inay, ibibigay ko ang sampu at sampung mga taon ng aking buhay, at tatanggapin ko ang lahat na mga kapighatian, makita lamang Kayong katulad noong una ko Kayong makita» sabi ni Juan, na nakatingin sa Kanya nang naaawa.

«Ang iyong pagmamahal ay isa nang gamot, Juan. Nararamdaman Ko ang Aking puso na kumakalma kapag nakikita Ko kung papaano ninyong lahat minamahal ang Aking Anak. Sapagkat walang ibang may kagagawan ng Aking paghihirap. Wala, maliban sa nakikita Siyang hindi minamahal. Ako ay nakakapanag-uli na rito, malapit sa Kanya, at sa pagitan ninyo, na mga napakatapat. Siyempre... ang mga buwan na iyon... nag-iisa sa Nazareth... pagkatapos na makita Siyang umaalis namimighati, labis nang inuusig... at napapakinggan ang lahat na mga bali-balita... o! Gaano! Gaanong kalungkutan! Ngayon, bilang malapit sa Kanya, nakikita Ko, sasabihin Ko: “Ang Kanyang Ina man lamang ay nasa Kanya at nagsasalita ng mga salita na nilulunod ang ibang mga salita”, at nakikita Ko rin na ang pagmamahal ay hindi ganap na patay sa Israel. At Ako ay may kapayapaan. Kaunting kapayapaan. Hindi masyado... sapagkat...» Si Maria ay hindi na nagsasalita ng kahit ano pa man. Ibinaba Niya ang Kanyang mukha na Kanyang itinaas upang magsalita kay Juan, at posible lamang na makita ang tuktok ng Kanyang noo, na namumula gawa ng isang pinipigilan na emosyon... at pagkatapos dalawang luha ang nagningning sa madilim na damit na Kanyang inaayos.

Si Jesus ay nagbuntung-hininga at tumayo. Lumapit Siya at umupo sa paanan ni Maria, sa harapan Niya, at isinandal ang Kanyang ulo sa Kanyang mga tuhod, hinahalikan ang Kanyang kamay na humahawak sa tela at nananatiling gayon katulad ng isang bata na nagpapahinga. Inalis ni Maria ang karayom  mula sa tela, upang hindi masaktan ang Kanyang Anak, at pagkatapos ipinatong Niya ang Kanyang kanang kamay sa ulo ni Jesus na nakasandal sa Kanyang mga tuhod at tumingin Siya nang pataas sa kalangitan, at tiyak na Siya ay nananalangin bagama't hindi Niya ginagalaw ang Kanyang mga labì; mula sa Kanyang buong hitsura maliwanag na Siya ay nananalangin. Siya pagkatapos ay yumuko upang halikan ang buhok ng Kanyang Anak malapit sa lantad na sentido.

Ang ibang mga babae ay hindi nagsasalita hanggang nagsabi sa Salome: «Ngunit gaano katagal iyon kukunin ni Judas? Ang araw ay lulubog na at hindi na ako makakakita!»

«Baka may nakapagpigil sa kanya» tugon ni Juan at tinanong niya ang kanyang ina: «Pupunta ba ako at sabihin sa kanya na magmadali?»

»Mas mabuti pang pumunta ka. Sapagkat kung hindi niya nakita ang tela, iiklian ko na lamang ang iyong mga manggas, dahil maya-maya lamang ay tag-init na, at gagawa ako ng isa pang damit para sa iyo para sa taglagas, sapagkat hindi mo ito maisusuot pa ulit, at sa pamamagitan ng kapiraso na inaalis ko, papatsehan ko ang isang ito dito. Magagamit ito sa pangingisda. Sapagkat pagkatapos ng Paskuwa tiyak na babalik ka sa Galilee...»

«Pupunta ako kung gayon» sabi ni Juan at bilang laging may-kabaitan tinanong niya ang iba pang mga babae: «Mayroon na ba kayong natapos na mga damit na aking madadala sa aming mga tinutuluyan? Kung mayroon na, ibigay ninyo sa akin. Mas kakaunti ang inyong dadalhin sa inyong pagbabalik.»

Ang mga babae ay inipon ang kanilang mga natapos na at ibinigay ito kay Juan, na tumalikod upang makaalis na ngunit tumigil siya kaagad nakikita si Maria ni Jacob na tumatakbo patungo sa kanila.

Ang matandang babae ay humihilahod sa paglalakad nang kasing bilis na magagawa ng kanyang matandang edad, at siya ay sumigaw kay Juan: «Ang Guro ba ay naririyan?»

«Oo, ina. Ano ang kailangan mo?»

Ang babae ay tumutugon habang nagpapatuloy sa pagtakbo: «Si Adah ay may sakit, malala...  At ang kanyang asawa ay ibig na tawagin si Jesus upang paginhawahan si Adah... Ngunit sa dahilan na ang mga Samaritanong iyon... ay naging napakasamâ, hindi siya maglakas-loob... Sinabi ko: “Hindi mo pa Siya kilala. Pupunta ako at... hindi Siya magsasabi ng hindi sa akin”» Ang babae ay hinihingal pagkatapos na nagmadali nang paakyat.

«Huwag nang magmadali pa. Sasamahan kita. Hindi, bagkus, uuna na kami. Sundan mo kami nang dahan-dahan. Kayo ay matanda na, ina, upang magmadali nang ganyan» sabi ni Jesus sa kanya. Pagkatapos sinabi Niya sa Kanyang Ina at sa mga babaeng disipulo: «Ako ay mananatili sa nayon. Kapayapaan sa inyo.»

Kinuha Niya si Juan sa kamay at tumakbong mabilis pababa kasama siya. Ang matandang babae, ay nagpapahinga at gustong sundan Siya pagkatapos na matugunan ang mga babae na mga nagtanong sa kanya: «H’m! Tanging ang Rabbi lamang ang makapagliligtas sa kanya. Kung hindi mamamatay siya katulad ni Rachel. Nanlalamig na siya at nanghihina na at namimilipit siya sa paghilab ng kirot.»

Ngunit ang mga babae ay pinigilan siya nagsasabing: «Ngunit sinubukan mo ba sa pamamagitan ng mainit na mga ladrilyo sa ilalim ng kanyang mga bato?»

«Hindi! Mas mabuti ang balutin siya sa delanang tela na binabad sa alak at mga panrekado, mainit hangga't maaari.»

«Ako ay natulungan, para kay Santiago, ng mga pamahid na may langis at pagkatapos ng mainit na mga ladrilyo.»

«Gawin mo siyang makainom ng marami.»

«Kung siya ay makakatayo nang tuwid at makakagawa ng ilang mga hakbang habang may isang babae na nagkukuskos ng kanyang mga bato.»

Ang mga babaeng ina, ibig sabihin lahat sila, maliban kina Nike at Susanna, at ni Maria, Na hindi dumanas ng mga kirot ng bawat babae sa panganganak nang pinanganak Niya ang Kanyang Anak, ay nagpapayo ng ganito o ng gayon.

«Lahat. Sinubukan na nila ang lahat. Ngunit ang kanyang mga bato ay pagod-na-pagod na. ito ang ikalabing-isang anak! Ngunit aalis na ako. Nakapagpahinga na ako. Magdasal para sa inang iyon! Na ang Kataastaasan ay mapanatili siyang buhay hanggang dumating doon ang Rabbi.» At siya ay umaampang-ampang nang papalayo, ang kaawa-awang mabuting malungkot na matandang babae.

Si Jesus pansamantala ay bumababa nang mabilis patungo sa bayan na nadadarang ng araw. Pinasok Niya ang bayan sa tabi na katapat ng tabi kung saan naroroon ang kanilang tinitigilang bahay, ibig sabihin sa hilagang-kanluran ng Ephraim, samantalang ang bahay ni Maria ni Jacob ay sa timog-silangan nito. Siya ay naglalakad nang mabilis, nang hindi tumitigil sa pagsasalita sa mga gustong pumigil sa Kanya. Binabati Niya sila pagkatapos Siya ay nagpapatuloy.

Ang isang lalaki ay nagwika: «Siya galit sa atin. Ang mga nakatira sa ibang mga nayon ay umasal nang masama. Tama Siya.»

«Hindi. Siya ay patungo kay Janoe. Ang kanyang asawa ay namamatay sa kanyang ika-labing-isang panganganak.»

«Kaawa-awang mga bata! At ang Rabbi ba ay patungo roon? Gaano Siya kabuti. Bagama't sinaktan, Siya ay tumutulong.»

«Si Janoe ay hindi Siya sinaktan. Wala sa atin ang nanakit sa Kanya!»

«Ngunit sila ay mga tao ng Samaria.»

«Ang Rabbi ay makatarungan at masasabi Niya kung ano ang isang tao kompara sa iba. Tayo na at tingnan natin ang himala.»

«Hindi tayo makakapasok. Iyon ay isang babae at siya ay nanganganak.»

«Ngunit mapapakinggan natin ang bagong-panganak na bata na umiiyak at iyan ang magiging tinig ng isang himala.»

Tumakbo sila upang samahan si Jesus. Ang iba pang mga tao ay nagsama-sama upang manood.

Si Jesus ay nakarating sa bahay, na nalulungkot dahil sa namimintong kasawiang-palad. Ang sampung mga bata – ang pinakamatanda sa kanila ay isang batang babae na lumuluha niyayakap ng mas na nakatatandang mga kapatid na lalaki na mga umiiyak – ay nasa isang sulok sa silid malapit sa maluwang na nakabukas na pinto. Ang matatandang ina ay paparoo’t parito, ang mga bulung-bulungan ay maririnig at ang pagkaluskos ng mga walang-saplot na paa na kumikilos sa ladrilyong sahig.

Ang isang babae ay nakita si Jesus at sumigaw: «Janoe! Maaari kang umasa! Siya ay dumating!» at siya ay tumakbo may dalang isang umuusok na pitsel.

Isang lalaki ang nagmadali at pinagpatirapa ang kanyang sarili. Gumagawa lamang siya ng isang pahiwatig at nagsabi: «Naniniwala ako. Maawa! Para sa kanila» at tinuturo niya ang kanyang mga anak.

«Tumayo ka at laksan mo ang iyong loob. Ang Kataastaasan ay tinutulungan ang mga may pananampalataya at may awa Siya sa nalulungkot na mga bata.»

«O! halikayo, Guro! Halikayo! Siya ay maitim na. Hindi makahinga gawa ng mga kombulsiyon. Halos hindi siya makahinga. Halikayo!» Ang lalaki, na nawawalan na ng pag-iisip, at nagtatapos na mawala na ito nang ganap nang marinig ang isang sigaw ng isang matandang babae: «Janoe, takbo! Ai Adah ay namamatay na!», ay tinutulak at hinihila si Jesus upang magawa Siyang magmadali patungo sa silid ng namamatay na babae, hindi mapakinggan ang mga salita ni Jesus: «Lakad, at manampalataya!»

Ang kaawa-awang lalaki ay may pananampalataya, ngunit ang wala siya ay ang pag-unawa sa ibig sabihin ng mga salita, ang lihim na ibig sabihin ng katiyakan ng isang himala. At si Jesus, tinutulak at hinihila, ay inaakyat ang mga baytang upang puntahan ang silid sa itaas, kung saan naroroon ang babae. Ngunit tumigil siya sa landing ng hagdanan, mga tatlong metro mula sa nakabukas na pinto, na sa pamamagitan nito makikita ang nakakatakot na maputlang mukha na nangitim at nanliit na sa paghihirap. Ang matatandang ina ay hindi na gumagawa ng karagdagan pang mga hakbang. Natakpan na nila ang babae hanggang sa kanyang baba at tinitingnan siya. Sila'y naninigas sa paghihintay ng kanyang kamatayan.

Si Jesus ay iniunat ang Kanyang mga kamay at sumigaw: «Gusto Ko ito!» at Siya ay tumalikod upang umalis.

Ang asawa, ang matandang mga babae, ang mausyosong mga tao na nag-ipun-ipon ay bigo ang pakiramdam, sapagkat baka umaasa sila na si Jesus ay gagawa ng isang bagay na mas kataka-taka at makikita nila na ang bata ay ipanganganak kaagad. Ngunit si Jesus, ipinipilit na Siya ay makaraan at tinititigan sila habang dumaraan Siya sa harapan nila, ay nagsabi: «Huwag magduda. Magkaroon ng pananampalataya nang matagal-tagal pa. Nang isang sandali. Ang babae ay kailangan na bayaran ang mapait na parangal ng panganganak. Ngunit siya ay nakalabas na sa peligro.» At Siya ay bumaba iniiwan silang di-mapalagay.

Ngunit nang Siya ay papalabas na patungo sa kalsada, nagsasabi sa sampung natatakot na mga bata noong dumaraan Siya sa harapan nila: «Huwag matakot! Ang inyong inay ay wala nang problema» at sa pagsasabing ito hinihipo Niya ang kanilang takót na mga mukha – ang isang malakas na sigaw ay umugong sa loob ng bahay at umabot hanggang sa layo ng kalsada kung saan si Maria ni Jacob ay parating pa lamang at na sumigaw: «Kabutihang grasya!» iniisip na ang sigaw na iyon ang ibig sabihin ay kamatayan.

«Huwag matakot, Maria! At magmadali! Makikita mo ang bata na pinanganganak. Nakapanumbalik siya sa lakas at siya ay nasa paghihirap muli ng panganganak. Ngunit magkakaroon malapit na ng malaking tuwa.»

Siya ay umalis kasama si Juan. Walang sinuman ang sumusunod sa Kanya sapagkat ang lahat ay gustong makita kung mangyayari ang himala, hindi, bagkus, mas marami pang tao ang nagmadaling pumunta sa bahay, sapagkat ang balita ay kumalat na na ang Guro ay pumunta upang iligtas si Adah. At kung gayon, pumupuslit patungo sa isang sekundaryong maliit na daan, si Jesus ay makalalakad nang walang sagabal patungo sa isang bahay na Kanyang pinapasok nagtatawag: «Judas! Judas!» Walang tumutugon.

«Umakyat siya roon, Guro. Makakauwi na rin tayo. Ilalagay ko rito ang mga damit ni Judas, ni Simon at ang sa kapatid Ninyong si Santiago, at pagkatapos ilalagay ko ang mga damit nina Simon Pedro, Andres, Tomas at ni Felipe sa bahay ni Anna.»

At ginawa nila ito at napuna ko na upang magkaroon ng lugar para sa mga babaeng disipulo, ang mga apostol, kung hindi man lahat sila, ang ilang man lamang sa kanila, ay pumunta sa ibang mga bahay.

Dahil napakawalan na nila ang lahat na mga damit, naglakad sila patungo sa bahay ni Maria ni Jacob, nag-uusap, at pumasok sila sa pamamagitan ng maliit na tarangkahan ng pangkusinang-hardin, na laging iniiwan na bahagyang bukas.

Ang bahay ay tahimik at walang tao. Si Juan ay nakakita ng isang pitsel na puno ng tubig nakalapag sa sahig, at baka iniisip na ang matandang babae ay ibinaba ito doon bago tawagin siyang tumulong sa babaeng nanganganak, pinulot niya ito at pumunta sa isang silid na nakasarado. Si Jesus ay patayu-tayo sa koridor inaalis ang Kanyang manta at nilulupi sa Kanyang kinasanayan na pangangalaga bago ito ilagay sa baul sa silid.

Si Juan ay binuksan ang pinto at nakapagsalita «ah!» halos sa takot. Nabitawan niya ang pitsel at tinakpan ang kanyang mga mata sa pamamagitan ng kanyang mga kamay, yumuyuko upang maging mas maliit, upang mawala, na hindi makakita. Mula sa silid lumabas ang ingay ng mga sinsilyo na bumabagsak sa sahig kumakalansing.

Si Jesus ay nasa pintuan na. Mas nauna pa Siya roon kaysa makatapos ako sa aking pagsasalarawan sa nakikita ko. Malakas Niyang itinulak sa tabi si Juan na umuungol: «Umalis Kayo! Umalis Kayo!» Binuksan Niya ang pinto na hindi nakasarang mabuti at Siya ay pumasok.

Ito ay ang silid kung saan sila kumakain, ngayon na ang mga babae ay naririto. Sa loob nito ay may dalawang lumang mga baul na may mga bakal na yero pampalakas at sa harapan ng isa sa mga ito, sa kabila ng pintuan, ay naroon si Judas, namumutlang kulay-abo, ang kanyang mga mata puno ng galit at pagkadismaya, may isang bag sa kanyang mga kamay... Ang baul ay bukas... may mga sinsilyo sa sahig at mas marami pa ang bumabagsak dito mula sa nakabukas na bag, medyo nakatagilid sa gilid ng baul. Ang lahat ay nagpapatibay, sa isang paraan na hindi mapagdududahan, kung ano ang nangyayari. Pinasok ni Judas ang bahay, binuksan ang baul at nagnakaw. Siya ay nagnanakaw.

Walang nagsasalita. Walang gumagalaw. Ngunit ito ay mas malala kaysa kung ang lahat ay nagsigawan at nag-away. Tatlong estatuwa. Si Judas ang dimonyo, si Jesus ang Hukom, si Juan nahintakutan ng pagkabisto sa kababaang-uri ng kanyang kasamahan.

Ang kamay ni Judas na humahawak sa bag ay nanginginig, at ang mga sinsilyo sa loob nito ay kumakalansing nang pigíl.

Si Juan ay nanginginig mula ulo hanggang paa, at bagama't ang kanyang mga kamay ay nasa kanya pa ring bunganga, ang kanyang mga ngipin ay nagbabanggaan, habang ang kanyang nahintakutan na mga mata ay mas tinitingnan si Jesus kaysa si Judas.

Si Jesus ay hindi nanginginig. Siya ay tuwid at walang kagalaw-galaw, napakatuwid katulad na maging isang glasyer. Sa wakas Siya ay humakbang, Siya ay sumenyas, at bumigkas ng isang salita. Isang hakbang patungo kay Judas; isang senyas: na magawa si Juan na umalis; isang salita: «Lakad!»

Ngunit si Juan ay natatakot at umuungol: «Hindi! Hindi! Huwag Ninyo akong paalisin. Gawin Ninyong manatili ako rito. Hindi ako magsasalita ng kahit ano... ngunit pabayaan Ninyo ako rito, kasama Kayo.»

«Umalis ka! Huwag matakot! Isara ang lahat na mga pinto... at kung may darating na sinuman... maging sino pa man siya... kahit na ang Aking Ina... huwag silang papasukin. Lakad! Sumunod!»

«Panginoon!...» Si Juan ay nakikiusap at nadudurog ang puso na tila siya ang isang nagkasala.

«Lakad, sinasabi Ko sa iyo. Walang anuman ang mangyayari. Lakad» at pinababanayad Niya ang Kanyang utos sa pamamagitan ng paglalapat ng Kanyang kamay sa ulo ng Kanyang Paborito at hinahaplos ito. At ngayon nakikita ko na na ang Kanyang kamay ay nanginginig. At naramdaman ni Juan na ito ay nanginginig at kinuha ito at hinalikan ito nang may isang paghikbi na nagsasabi ng napakaraming bagay. Siya ay lumabas.

Si Jesus ay trinangkahan ang pinto. Tumalikod Siya upang tingnan si Judas na maaaring totoong nadudurog kung siya, na napakalakas ang loob, ay hindi makapaglakas ng loob na magsalita ng kahit isang salita o kumilos nang kaunti man lamang. Si Jesus ay pumuntang tuwiran sa harapan ni Judas, iniikutan ang mesa, na nasa gitna ng silid. Hindi ko masabi kung Siya ay kumikilos nang mabilis o mabagal. Takot na takot ako sa Kanyang mukha na hindi ko masukat ang oras. Nakikita ko ang Kanyang mukha at natatakot ako katulad ni Juan. Si Judas mismo ay natatakot, umatras siya patungo sa pagitan ng baul at ng isang maluwang na nakabukas na bintana, na ang mapulang liwanag nito, dahil ngayon ay paglubog ng araw, ay tumatama kay Jesus.

Anong mga mata ang mayroon si Jesus! Wala Siyang sinasabing kahit isang salita. Ngunit nang makita Niya ang isang uri ng kandado na nakausli mula sa sinturon ng tunika ni Judas, nagkaroon Siya ng pagsabog ng galit. Itinaas Niya ang Kanyang kamay na buo ang kamao na tila ibig Niyang dagukan ang magnanakaw, at ang Kanyang mga labì ay nagsisimula nang bigkasin ang salitang: “Isinumpa!» o «Isumpa!». Ngunit pinipigilan Niya ang Kanyang Sarili. Pinigilan Niya ang Kanyang kamay na hahampas na sana, at pinutol Niya ang salita sa unang tatlong mga titik. At dahil sa isang pagsisikap ng pagpigil sa sarili na nagagawa ang Kanyang buong katawan na manginig, pinakawalan Niya ang mga daliri ng Kanyang nakabuong kamao at ibinaba ang Kanyang kamay sa lebel ng bag na nasa kamay ni Judas at inagaw Niya ito at itinapon ito sa sahig, nagsasabi sa isang malamlam na tinig habang niyayapakan Niya ang bag at ang mga sinsilyo at ikinakalat nang may pigíl ngunit nakakatakot na matinding galit: «Layas! Dumi ni Satanas! Isinumpang ginto! Dura ng impiyerno! Lason ng Ahas! Layas!»

Si Judas, na nagbabanggit ng isang pigíl na iyak noong makita niya si Jesus na nasa punto na na isumpa siya, ay hindi na umalma pa. Ngunit isa pang iyak ang narinig mula sa kabila ng nakasarang pinto noong itinapon ni Jesus ang bag sa sahig. At ang iyak ni Juan ay nainis nito ang magnanakaw. Naibigay nitong muli ang kanyang mala-dimonyong lakas-ng-loob. Nagawa siya nitong magngalit. Halos itapon niya ang kanyang sarili kay Jesus sumisigaw: «Ako ay Inyong pinatiktikan upang ako ay mapahiya. Pinatiktikan sa isang tangang bata na ni hindi makapananahimik. Na siyang magpapahiya sa akin sa lahat! Iyan ang Inyong ginusto. Maging ano pa man... Oo! Iyan ang gusto ko rin. Gusto ko iyan! Upang mapilitan Kayong palayasin ako! Upang mapilitan Kayong isumpa ako! Ang isumpa ako! Sinubukan ko ang lahat upang ako'y Inyong itakwil.» Siya ay namamaos sa galit at kasing pangit ng isang dimonyo. Siya ay naghihingalo na tila may nananakal sa kanya.

Sa isang mababa ngunit nakakatakot na tinig inuulit ni Jesus sa kanya: «Magnanakaw! Magnanakaw! Magnanakaw!» at nagtatapos Siya nagsasabing: «Isang magnanakaw ngayon. Isang mamamatay-tao bukas. Katulad ni Barabbas. Mas malala pa kaysa sa kanya.» Hinihinga Niya ang salitang iyon sa kanyang mukha sa bawat pangungusap, dahil malapit-na-malapit na sila ngayon sa isa’t isa,

Si Judas ay huminga ng isa at tumugon: «Oo. Isang magnanakaw. Sa kagagawan Ninyo. Ang lahat na kasamaan ko ay dahil sa Inyo, at wala Kayong tigil sa pagsira sa akin. Nililigtas Ninyo ang lahat. Binibigyan Ninyo ng pagmamahal at mga parangal ang lahat. Tinatanggap Ninyo ang mga makasalanan, hindi Ninyo kinasusuklaman ang mga puta, tinatrato Ninyo sa mapagkaibigan na paraan ang mga magnanakaw, mga usurero at mga bugaw ni Zacchaeus, tinatanggap Ninyo ang isang espiya ng Templo na tila siya ay isang Mesiyas, Kayong tanga! At itinalaga Ninyo ang isang mangmang na tao bilang aming hepe, ang isang kubrador ng buwis bilang Inyong tesorero, ang isang tanga bilang Inyong katapatang-lihim. Ngunit kung ako, ipinamimigay Ninyo sa mga tao kahit na mga barya, hindi Kayo nag-iiwan sa akin ng kahit isang sinsilyo, pinamamalagi Ninyo akong malapit sa Inyo katulad na ang isang alipin sa galera ay nakatali sa kanyang upuan ng pananagwan, ni hindi Ninyo gusto kami, sinasabi ko kami, subalit ako ito, tanging ako lamang ang dapat na huwag tumanggap ng mga alay ng mga peregrino. Sapagkat ayaw Ninyo ako na makahipo ng pera, inutusan Ninyo ang lahat na huwag kumuha ng pera mula sa lahat. Sapagkat kinapopootan Ninyo ako. Bueno: kinapopootan ko rin Kayo! Hindi Ninyo nagawang hampasin at isumpa ako kani-kanina lamang. Ang Inyong sumpa ay nagawa sana akong isang abo. Bakit hindi Ninyo inilatag ang Inyong sumpa sa akin? Mas nagustuhan ko sana iyon, kaysa makita ko Kayong tangang-tanga, napahinang-napahina, isang gayong tapos nang nasirang tao...»

«Manahimik!»

«Hindi! Natatakot ba Kayo na baka mapakinggan ni Juan? Natatakot Kayo na baka pagkatapos ng pagkatagal-tagal makikita niya kung sino Kayo at baka iwanan niya Kayo? Ah! Kung gayon natatakot Kayo, bagama't nagkukunwari Kayong ang bayani! Oo, Kayo ay natatakot! At Kayo ay natatakot sa akin. Kayo ay nahihintakutan! Iyan kung bakit hindi Ninyo ako maisumpa. Iyan kung bakit nagkukunwari Kayong minamahal Ninyo ako samantalang kinapopootan Ninyo ako! Upang bolahin ako, upang mapatahimik ako. Nalalaman Ninyo na ako ay makapangyarihan. Nalalaman Ninyo na ako ay ang puwersa. Ang puwersang napopoot sa Inyo at matatalo ko Kayo! Pinapangako ko  sa Inyo na susundan ko Kayo hanggang kamatayan inaalok sa Inyo ang lahat at naialok ko na sa Inyo ang lahat, magiging malapit ako sa Inyo hanggang sa Inyong oras at akin. Anong dakilang hari na hindi makapagsumpa at makapagpalayas ng mga tao! Hari ng mga ulap! Walang-magawang hari! Tangang hari! Sinungaling! Taksil sa Inyong Sariling katalagahan. Ako ay lagi Ninyong minamaliit mula pa noong una tayong magkikita. Hindi Kayo nakibagay sa akin. Akala Ninyo Kayo ay marunong. Kayo ay isang tanga. Itinuro ko sa Inyo ang mabuting daan. Ngunit Kayo... O! Kayo ang purong isa. Kayo ang nilikha na tao ngunit Diyos, at minamaliit Ninyo ang payo ng Matalinong Isa! Kayo ay nagkamali mula pa noong unang sandali at Kayo ay nagkakamali. Kayo...Kayo ay....Ah!»

Ang daloy ng mga salita ay tumigil nang bigla at ang isang malungkot na katahimikan ay ang pumalit sa labis na kaingayan at isang malungkot na kawalang-galaw pagkatapos ng napakaraming pakaway-kaway ng mga kamay. Sapagkat, habang nagsusulat ako na hindi masabi kung ano ang nangyayari, si Judas, yumuyukong katulad lamang ng isang mabangis na aso pinupuntirya ang isang bibiktimahin at nilalapitan ito nakahandang sunggaban ito, ay naging malapit-nang-malapit kay Jesus, na may isang mukha na imposibleng tingnan, ang kanyang mga daliri katulad ng mga pangalmot, ang kanyang mga siko nakadiin sa kanyang mga panabi, na tila siya ay nasa punto na na dakmain si Jesus, Na hindi nagpapakita ng kahit anong takot at gumagalaw tumatalikod upang buksan ang pinto na ang Kanyang likod nasa isa, na makasusugod sa Kanya at sakalin Siya. Ngunit hindi niya ito ginagawa at si Jesus ay binuksan ang pinto at tumingin upang malaman kung si Juan ay nakaalis na. Ang koridor ay walang-tao at halos madilim na, dahil naisara ni Juan ang pinto na nagbubukas patungo sa pangkusinang-hardin pagkatapos na siya ay makalabas. Si Jesus pagkatapos ay itrinangka ang pinto at sumandal dito, naghihintay, nang walang galaw o salita, na ang pagngangalit ay humupa.

Hindi ako magaling, ngunit sa palagay ko hindi ako nagkakamali kung sabihin ko na si Satanas mismo ang nagsasalita sa pamamagitan ng mga labì ni Judas at na iyon ay ang isang sandali ng kitang-kitang panlulukob ni Satanas sa naliligaw na apostol, na nasa pintuan na ng Krimen at mapapahamak sa pamamagitan ng kanyang sariling kalooban. Ang pinaka paraan kung papaano ang daloy ng mga salita tumigil, iniiwan ang apostol na matulala, ay nagpapaalaala sa akin ng tungkol sa isa pang panlulukob na nakita ko sa loob ng tatlong taon ng pakikihalubilo ni Jesus sa publiko.

Si Jesus nakasandal sa pinto, lahat puti sa kaligiran ng maitim na kahoy, ay hindi gumagawa ng kahit na anong pinakamaliit na galaw. Tanging ang Kanyang mga mata lamang, makapangyarihan sa kapighatian at sa alab, ang nakatingin sa apostol. Kung masasabi ng isa na ang mga mata ay nagdarasal, sasabihin ko na ang mga mata ni Jesus ay nagdarasal habang tinitingnan Niya ang kaawa-awang sawing-palad. Sapagkat hindi lamang awtoridad ang lumalabas mula sa mga matang iyon, na malungkot-na-malungkot, bagkus ang init ng panalangin. Pagkatapos, sa bandang dulo ng mga salita ni Judas, ibinukas ni Jesus ang Kanyang mga kamay, na magpahanggang ngayon nakadiin sa Kanyang katawan, ngunit hindi Niya ito binukas upang hipuin sa Judas, o upang gumawa ng kahit anong senyas para sa kanya, o upang itaas ito patungo sa kalangitan. Ibinukas Niya ito nang pahalang, kinukuha ang pusisyon ng Ipinako sa Krus, doon, sa tabi ng maitim na kahoy at ng mapula-pulang pader. Ito ay diyan na ang huling mga salita mula sa mga labì ni Judas bumagal at nabigkas niya ang «Ah!» na iyon na pumutol sa kanyang talumpati.

Si Jesus ay nananatiling walang-kibo, na ang Kanyang mga kamay nakaunat, ang Kanyang mga mata laging nakatitig sa apostol, nang may kapighatian ang panalangin. At si Judas, katulad ng isang lumalabas mula sa isang pagdidiliryo, ay kinukuskos ng kanyang kamay ang kanyang noo at ang pawisan na mukha... siya ay nag-iisip, may inaalaala, at naaalaala ang lahat siya ay hinimatay sa sahig, kung siya ay umiiyak o hindi, hindi ko alam. Siya ay tiyak na bumagsak sa sahig, na tila binigo siya ng kanyang lakas.

Si Jesus ay binaba ang Kanyang mga mata at mga kamay, at sa isang mababa ngunit maliwanag na tinig sinabi Niya:

«Bueno? Kinapopootan ba kita? Masisipa kita ng Aking paa. Mayayapakan kita tinatawag kang “uod”, maisusumpa kita, katulad na napalaya kita mula sa kapangyarihan na gumagawa sa iyo na ikaw ay ngumawa nang ngumawa. Akala mo na ang Aking ka-imposiblehan na isumpa ka ay kahinaan. O! ito ay hindi kahinaan! Ito ay dahil Ako ang Tagapagligtas. At ang Tagapagligtas ay hindi makapagsusumpa. Makapagliligtas Siya. Gusto Niyang makapagligtas... Sinabi mo:  “Ako ang lakas. Ang lakas na napopoot sa Inyo at tatalo sa Inyo”. Ako rin ay ang Lakas, hindi, bagkus, Ako lamang ang tanging Lakas. Ngunit ang Aking lakas ay hindi poot. Ito ay pagmamahal. At ang pagmamahal ay hindi napopoot at hindi nanunumpa, hindi kailanman.

Ang Lakas ay maipapanalo rin nito ang isahan na mga labanan, katulad ng isang ito sa pagitan mo at Ako, sa pagitan ni Satanas na nasa sa iyo, at Ako, at alisin ang iyong panginoon mula sa iyo, nang permanente, katulad ng Aking ginawa ngayon sa pagpapabago sa Aking Sariling anyo na maging ang tanda na nagliligtas, ang Tau na kinapopootan ni Lucifer. Maipapanalo rin nito ang isahan na mga labanan na ito katulad na maipapanalo nito ang darating na isa laban sa di-makapaniwalang handang-pumatay na Israel, laban sa mundo at laban kay Satanas na natalo ng Panunubos. Maipapanalo rin nito ang isahan na mga labanan na ito katulad na maipapanalo nito ang huling labanan, na malayo pa para sa mga tao na ang pagbibilang ay sa pamamagitan ng mga siglo, malapit na para sa mga na ang pagsukat ng panahon ay sa pamamagitan ng eternidad. Ngunit ano ang mapapala sa paglabag sa perpektong mga alituntunin ng Aking Ama? Ito ba ay hustisya? Ito ba ay merito? Hindi. Ito ay hindi magiging hustisya o merito. Hindi ito magiging hustisya magpatungkol sa nagkasalang mga tao, na mga hindi napagkaitan ng kalayaan na maging ganyan sila, at na mga sa huling araw ay maaari Akong tanungin tungkol sa rason kung bakit sila napahamak at sisihin Ako para sa Aking pagiging may-kinikilingan para sa iyo lamang. Sampunlibo at sandaanlibong mga tao, pitumpung ulit na sampunlibo at sandaanlibong mga tao ang gagawa ng ganyan ding mga kasalanan katulad ng sa iyo at sila ay magiging mga dimonyo sa pamamagitan ng kanilang sariling kalooban, at sila ang magiging ang mga mánanakit sa Diyos, ang mga tagapagpahirap sa kanilang mga ama at mga ina, mga mamamatay-tao, mga magnanakaw, mga sinungaling, mga mangangalunya, mahahalay at mapaglapastangang mga tao, at sa katapusan mga mamamatay sa Diyos, pinapatay nang materyal ang Kristo sa isang araw na malapit na, pinapatay Siya nang espirituwal sa hinaharap na mga panahon. At ang bawat isa sa kanila ay makapagsasabi sa Akin, kapag Ako ay dumating na upang ihiwalay ang mga kordero mula sa mga lalaking kambing, upang pagpalain ang una at isumpa, diyan, oo, upang isumpa ang huli, upang isumpa sila sapagkat hindi na magkakaroon ng karagdagan pang panunubos sa araw na iyan, bagkus kaluwalhatian o kapahamakan, upang isumpa silang muli pagkatapos na una muna silang maisumpa nang indibidwal sa kanilang kamatayan, at pagkatapos sa paghuhukom nang indibidwal sa kanila. Sapagkat ang tao, at nalalaman mo ito sapagkat narinig mong sinabi Ko ito nang sandaan, sanlibong beses, sapagkat ang tao ay maililigtas niya ang kanyang sarili habang siya ay nabubuhay pa, hanggang sa kanyang huling hininga. Ang isang sandali, ang isang ika-sanlibong bahagi ng isang minuto ay sapat na para sa isang kaluluwa na sabihin ang lahat sa Diyos, ang hingin na mapatawad at makakuha ng kapatawaran... Ang bawat isa sa kanila, sinasabi Ko kanina, ang bawat isa sa mga naisumpang mga kaluluwang ito ay makapagsasabi sa Akin: “Bakit hindi Ninyo kami itinali sa Kabutihan, katulad ng Inyong ginawa kay Judas?”. At maaari silang maging tama.

Sapagkat ang bawat tao ay pinanganak na may parehong natural at sobrenatural ng mga bagay: isang katawan, isang kaluluwa. At habang ang katawan, bilang nalilikha ng mga tao, ay maaaring maging humigit kumulang matipuno at malusog sa kapanganakan, ang kaluluwa, nilikha ng Diyos, ay pare-pareho sa lahat, pinagkalooban ng Diyos ng pare-parehong mga katangian at mga regalo. Sa pagitan ng kaluluwa ni Juan, ang ibig Kong sabihin si Juan Bautista, at ang sa iyo, ay walang pagkakaiba, noong ito ay inilagay sa inyong mga katawan. Gayunman sasabihin Ko sa iyo na, kahit na kung ang Grasya ay hindi siya pinabanal bago pa ipanganak, upang ang Tagapagbalita ng Kristo ay sana walang mantsa, katulad na dapat ganito ito sa lahat na nagpapahayag ng tungkol sa Akin, magpatungkol man lamang sa aktuwal na mga kasalanan, ang kanyang kaluluwa ay sana naging, maaaring naging ibang-iba kaysa ng sa iyo. Hindi, bagkus, ang iyo ay maaaring naging ibang-iba ng sa kanya. Sapagkat maaaring napanatili niya ang kanyang kaluluwa sa kasariwaan ng inosensiya, hindi lamang, bagkus, maaaring naadornohan niya ito nang lalu’t lalo pa ng katarungang tumatalima sa kalooban ng Diyos, Na gusto Niya kayong maging makatarungan, pinauunlad ang libreng mga regalong tinanggap sa pamamagitan ng palaki nang palaking makabayaning perpeksiyon. Ikaw sa halip... sinira mo at nilustay mo ang iyong kaluluwa at ang mga regalong binigay sa iyo ng Diyos. Ano ang iyong ginawa sa iyong malayang kalooban? Ano ang iyong ginawa sa iyong katalinuhan? Pinanatili mo ba para sa iyong espiritu ang kalayaan na pag-aari nito? Ginamit mo ba nang may katalinuhan ang katalinuhan ng iyong isip? Hindi, hindi mo ginawa. Ikaw na ayaw mong sundin Ako, hindi Ko sinasabing Ako-Tao, bagkus ni hindi Ako-Diyos, ay sinunod mo si Satanas. Ginamit mo ang katalinuhan ng iyong isip at ang kalayaan ng iyong espiritu upang maintindihan ang Kadiliman. Nang kusa. Ang Kabutihan at ang Kasamaan ay inilagay sa harapan mo. Pinili mo ang Kasamaan. Hindi, bagkus, ang Kabutihan lamang ang inilagay sa harapan mo: Ako, ang iyong eternal na Tagapaglikha, Na nagbantay sa pagsulong ng iyong kaluluwa, Na may alam ng pagsulong na iyan sapagkat ang Eternal na Kaisipan ay nalalaman ang lahat na nangyayari mula pa nang nagkaroon ng Panahon, ay inilagay ang Kabutihan sa harapan mo, ang Kabutihan lamang, sapagkat nalalaman Niya na ikaw ay mas mahina pa kaysa sa isang alga na tumutubo sa isang kanal.

Sumigaw ka sa Akin na kinapopootan kita. Ngayon, sa dahilan na Ako ay Kaisa ng Ama at ng Pagmamahal, Iisa rito katulad na Iisa sa Langit – sapagkat kung may dalawang Kalikasan sa Akin, at ang Kristo, dahil sa Kanyang pagkataong kalikasan at hanggang sa ang pananagumpay ay palayain Siya mula sa pagkataong mga limitasyon, ay nasa Ephraim at hindi maaaring nasa iba pang lugar sa gayon ding sandali; bilang Diyos, ang Salita ng Diyos, Ako ay nasa Langit katulad na nasa Lupa dahil sa ang Aking Dibinidad ay laging nasa lahat na lugar at laging nalalaman ang lahat – ngayon, sa dahilan na Ako ay Kaisa ng Ama at ng Banal na Espiritu, ang akusasyon na ginawa mo sa Akin, ay ginawa mo laban sa Diyos Iisa at Sang-tatlo. Laban sa Diyos Amang lumikha sa iyo dala ng pagmamahal, laban sa Diyos Anak Na nagkatawang-tao upang iligtas ka dala ng pagmamahal, laban sa Diyos Espiritung iyon Na nagsalita sa iyo nang maraming beses upang magtanim ng mabubuting hangarin sa iyo, dala ng pagmamahal. Laban sa Diyos Na Iisa at Sang-tatlo Na nagmahal sa iyo nang labis, Na nagdala sa iyo sa Aking daan, ginagawa kang bulag sa mundo upang mabigyan ka ng panahon na makita Ako, bingi sa mundo, upang marinig mo ako. At ikaw!... At ikaw!... Pagkatapos na makita at mapakinggan mo Ako, pagkatapos na malaya kang pumunta sa Kabutihan, nakikita ng iyong katalinuhan na ang iyong nakikita ay ang tanging landas ng totoong kaluwalhatian, tinalikuran mo ang Kabutihan at malayang binigay mo ang iyong sarili sa Kasamaan. Ngunit kung sa pamamagitan ng iyong malayang kalooban ginusto mo iyon, kung ikaw ay laging naging mas lalu’t lalo pang may-kagaspangan na tumatanggi sa Aking kamay na inaalok sa iyo upang mahila kang palabas mula sa ipuipo, kung ikaw ay laging lumalayo pa nang lalo mula sa daungan upang bumulusok sa dagat ng masisimbuyong damdamin, sa dagat ng Kasamaan, masasabi mo ba sa Akin, sa Kanya mula kung Kanino Ako nanggaling, sa Kanya na pumorma sa Akin bilang Tao upang masubukan kang mailigtas, masasabi mo ba na Kami ay kinapootan ka?

Kinagagalitan mo Ako na ginusto Ko kung ano ang masama para sa iyo... Ang isang may-sakit din ay kinagagalitan ang doktor at ang kanyang ina para sa mapait na gamot na pinaiinom nila sa kanya at para sa mga bagay na ginugusto niya ngunit itinatangi sa kanya para sa kanyang sariling kabutihan.  Si Satanas ba ay ginawa kang bulag-na-bulag at baliw-na-baliw na hindi mo naiintindihan ang totoong uri ng aksiyon na ginawa Ko alang-alang sa iyo, at tinatawag mong masamang gawain at para sa pagkasira mo ang isang mapaglaan na gamot ng iyong Guro, ng iyong Tagapagligtas, ng iyong Kaibigan upang ikaw ay maging malusog muli? Pinanatili kitang malapit sa Akin... Inalis Ko ang pera sa iyong mga kamay. Pinigilan kita na makahipo ng isinumpang metal na iyon na nagpapabaliw sa iyo... Ngunit nalalaman mo ba, hindi mo ba nararamdaman na iyon ay katulad ng isa sa mga tinimplang inumin ng mahika na gumagawa ng di-mapatid na pagkauhaw, at nagpapainit sa dugo, isang init na magdadala sa isa sa kamatayan? Ikaw – nababasa Ko ang iyong isip ay kinagagalitan Ako nagsasabing: “Bakit, kung gayon, sa loob ng mahaba-habang panahon pinahintulutan Ninyong pangasiwaan ko ang pera?”. Bakit? Sapagkat kung pinigilan kitang makahipo ng pera noong una, baka naipagbili mo ang iyong sarili at nagnakaw ka nang maaga. Pinagbili mo pa rin ang iyong sarili sapagkat wala kang masyadong manakaw. Ngunit kinailangan Kong subukan na pigilan iyan nang hindi gumagawa ng karahasan sa iyong kalayaan. Ang Ginto ay ang iyong kasiraan. Dahil sa ginto ikaw ay naging mahalay at taksil...»

«Ayan na Kayo! Pinaniwalaan Ninyo ang mga salita ni Samuel! Ako ay hindi...»

Si Jesus, Na naging mas na mas pang gumagalaw habang nagsasalita, nang hindi kailanman naging marahas sa pagsasalita o nananakot ng kaparusahan, ay bigla na lamang sumigaw, isang sigaw ng awtoridad, sasabihin ko isang sigaw ng galit. Tinitigan Niya nang nagngangalit si Judas na itinaas ang mukha upang sabihin ang mga salitang iyon at Siya ay nagpilit «Manahimik!» sa isang tinig na ang tunog ay katulad ng atungal ng isang kulog.

Si Judas ay napaatras muli at hindi na nagsalita pa.

Nagkaroon ng katahimikan at si Jesus nang may kitang-kitang pagsisikap ay pinapagpanumbalik ang Kanyang pagkatao sa isang pamamaraan at sa pamamagitan ng gayong kalakas na pagpipigil na nagpapatunay mismo ng tungkol sa dibinidad na nasa Kanya. Nagpapatuloy Siya sa pagsasalita sa Kanyang dating tinig na mainit at may-kabaitan at kung Siya rin ay mahigpit, nakakakumbinsi, nakapananaig... Mga dimonyo lamang ang makalalaban sa tinig na iyon. 

«Hindi Ako nangangailangan ng impormasyon mula kay Samuel o sa kahit sino pa man upang malaman kung ano ang ginagawa mo.  Ngunit, ikaw na kaawa-awang sawing-palad! Nalalaman mo ba kung Sino ang nasa harapan mo? Totoo! Sinasabi mo na hindi mo na naiintindihan ang Aking mga parabula. Hindi mo na naiintindihan ang Aking mga salita. Kaawa-awang sawing-palad! Ni hindi mo na rin naiintindihan ang iyong sarili. Ni hindi mo na rin naiintindihan ang mabuti at ang masama. Si Satanas, kung kanino mo binigay ang iyong sarili sa maraming pamamaraan, si Satanas na iyong sinunod sa lahat ng mga panunukso na pinakita niya sa iyo, ay nagawa kang tanga. Datapwa't minsan Ako ay naintindihan mo. Naniwala ka na Ako ay Siya Na Ako nga. At mayroon ka pang isang maliwanag na alaala tungkol diyan. Makapaniniwala ka ba na ang Anak ng Diyos, na ang Diyos ay mangangailangan ng mga salita ng isang tao upang malaman ang iniisip at ang mga ginagawa ng isa pang tao? Hindi ka pa naililigaw sa punto na hindi mo paniniwalaan na Ako ay Diyos, at diyan ang kinalalagyan ng iyong pinakamalaking diperensiya. Ang katibayan na naniniwala ka na Ako ay Diyos ay ang iyong pagiging takót sa Aking galit. Nakikita mo na ikaw ay hindi nakikipaglaban sa isang tao, bagkus laban sa Diyos Mismo, at ikaw ay nanginginig. Nanginginig ka, Cain, sapagkat nakikita mo at naiisip mo ang Diyos bilang bagkus isang Tagapaghiganti ng Kanyang Sarili at ng mga inosente. Natatakot ka na baka mangyari sa iyo ang nangyari kay Korah, Dathan at Abiram at sa kanilang mga tagasunod. Datapwa't, sa kabila na kilala mo kung sino Ako, nakikipaglaban ka sa akin. Kailangan Kong sabihin sa iyo: “Isinumpa”. Ngunit hindi na Ako magiging ang Tagapagligtas...

Giusto mo na paalisin kita. Ginagawa Ninyo ang lahat, sabi mo, upang mangyari iyan. Ang ganyang mga rason ay hindi nagbibigay katwiran sa iyong mga kilos. Sapagkat hindi kinakailangan na gumawa ng kasalanan upang makahiwalay sa Akin. Magagawa mo iyan, sinasabi Ko sa iyo. Matagal Ko nang sinasabi sa iyo mula pa sa Nob, noong ikaw ay bumalik sa Akin, isang dalisay na umaga, namamaho sa kasinungalingan at kahalayan, na tila lumabas ka mula sa impiyerno upang magpatihulog sa isang kulungan ng baboy, o sa mga kalat ng mahahalay na unggoy, at kinailangan Kong labanan ang Aking Sarili na hindi ka palayasin sa pamamagitan ng dulo ng Aking sandalyas katulad ng isang nakadidiring basahan at upang mapigilan ang pagkahilo na nagpapabalisa hindi lamang sa Aking espiritu bagkus sa Akin ding mga bituka. Lagi Ko nang sinasabi sa iyo. Kahit noon pa bago kita tinanggap. Kahit na bago pa man pumunta rito. Pagkatapos, ginawa Ko ang talumpating iyon para lamang sa iyo, tanging para sa iyo lamang. Ngunit lagi mong gustong manatili. Para sa iyong sariling kasiraan. Ikaw! Aking pinakamalaking kalungkutan! Ngunit ikaw, o eretikong tagapagpundar ng isang malaking pamilya na susunod pagkatapos mo, akala mo at sinasabi mo na Ako ay hindi abot ng kapighatian. Hindi. Ako lamang ay hindi abot ng kasalanan. Ako lamang ay hindi abot ng kamangmangan. Hindi abot ng una, sapagkat Ako ay Diyos. Hindi abot ng huli, sapagkat hindi maaaring magkaroon ng kamangmangan sa kaluluwa na hindi narumihan ng Orihinal na Kasalanan. Ngunit Ako ay nagsasalita sa iyo bilang isang Tao, bilang ang Tao, bilang Adan Tagapagtubos Na pumunta rito upang gumawa ng pagtutuwid para sa Kasalanan ni Adan makasalanan, at upang ipakita kung naging ano sana ang tao kung siya ay nanatiling katulad ng pagkakalikha sa kanya: inosente. Kasama sa mga regalo na binigay ng Diyos sa Adan na iyon wala ba roon ang isang katalinuhan na walang diperensiya at isang napaka dakilang siyensiya, katulad na ang pakikiisa sa Diyos ay naglalagay ng liwanag ng Kataastaasang Ama sa Kanyang pinagpalang anak? Ako, ang bagong Adan, ay hindi abot ng kasalanan sa pamamagitan ng Aking sariling kalooban...

Isang araw, isang matagal nang araw, ikaw ay nasorpresa na Ako ay tinukso, at tinanong mo Ako kung Ako ay kailanman bumigay sa panunukso. Naaalaala mo ba? At Ako ay tumugon sa iyo. Oo, katulad na makatutugon Ako sa iyo... Sapagkat mula noon ikaw ay gayong... isang napahinang tao na walang kabuluhan ang buksan ang pinakamahal na mga perlas ng mga birtud ng Kristo sa ilalim ng iyong mga mata. Hindi mo rin maiintindihan ang halaga nila at... mapagkakamalan mo sila na mga... bato, dahil sila ay may gayong pambihirang laki. Sa disyerto rin Ako ay tumugon sa iyo inuulit ang mga salita, ang ibig sabihin ng mga salitang sinabi Ko sa iyo noong gabing iyon habang patungo sa Gethsemane. Kung si Juan at si Simon Zealot din ay inulit ang tanong na iyan sa Akin, sumagot sana Ako sa ibang pamamaraan, sapagkat si Juan ay puro at hindi siya magtatanong nang may malisya  na mayroon ang tanong mo, dahil ikaw ay puno ng malisya... at dahil si Simon ay matandang marunong na tao, at bagama't siya ay may pinagdaanan tungkol sa pamumuhay, katulad na si Juan ay wala, nakamit niya ang karunungan na mapagninilayan nito ang bawat episodyo nang hindi siya mababalisa sa kanyang kaakuhan. Ngunit hindi nila Ako tinanong kung Ako ay bumigay sa mga panunukso, sa pinaka karaniwan na panunukso, sa panunuksong iyon. Sapagkat sa walang-maipipintas na kadalisayan ng una ay walang mga alaala ng kahalayan, at sa mapagnilay na isip ng huli ay may labis na liwanag na makita ang kadalisayan na sumisinag sa Akin. Nagtanong ka... at Ako ay tumugon sa iyo. Katulad ng magagawa Ko. Sa pamamagitan ng kahinahunan na iyon na hindi dapat mawalay mula sa sinseridad, na kapwa banal sa mga mata ng Diyos. Ang kahinahunan na iyon na katulad ng tripleng belo, na nakaladlad sa pagitan ng Banal at ng mga tao, upang maitago ang lihim ng Hari. Ang kahinahunan na iyon na binabagay ang mga salita sa tao na makikinig sa kanila, sa kapangyarihan ng kanyang katalinuhan ng pag-intindi, sa kanyang espirituwal na kadalisayan at sa kanyang katarungan. Sapagkat ang ilang mga katotohanan binanggit sa naging-maruruming tao ay nagiging para sa kanila isang bagay na katatawanan, hindi pagpipitaganan...

Hindi Ko alam kung naaalaala mo ang lahat ng mga salitang iyon. Naaalaala Ko. At inuulit Ko ang mga ito rito, ngayun-ngayon lamang na kapwa tayo nasa bingit ng Kalaliman. Sapagkat... Ngunit hindi na kinakailangan na sabihin iyan. Sinabi Ko sa disyerto, bilang katugunan sa tanong na hindi nabigyan ng kasiyahan ng Aking unang pagpapaliwanag: “Ang Guro ay hindi Niya kailanman naramdaman na Siya ay superyor sa tao upang maging ang ‘Mesiyas’, sa kabaligtaran nalalaman na Siya ay ang Tao, ginusto Niyang maging ganyan sa lahat na bagay maliban sa kasalanan. Upang maging mga guro kinakailangan na maging mga mag-aaral muna. Alam Ko na ang lahat bilang Diyos. Ang Aking dibinong katalinuhan ay nagawa Akong maintindihan Ko rin ang mga pakikibaka ng tao sa pamamagitan ng lakas ng katalinuhan at nang may katalinuhan. Ngunit isang araw ang ilang abang mga kaibigan Ko ay maaaring sabihin nila: ‘Hindi Ninyo nalalaman kung ano ang maging isang tao at ang magkaroon ng mga pandama at masisimbuyong damdamin’. Ito ay naging isang makatarungan sanang paninita. Ako ay naparito upang maghanda hindi lamang para sa Aking misyon, bagkus para din sa panunukso. Isang makadimonyong panunukso. Sapagkat ang tao ay maaaring magkaroon ng kapangyarihan sa ibabaw Ko. Si Satanas ay dumating noong ang Aking pangungulilang pakikipag-isa sa Diyos ay tumigil at nadama Ko na Ako ay ang Tao na may totoong laman na mapaiilaliman ng mga kahinaan ng laman: gutom, pagod, uhaw, ginaw.  Naramdaman Ko ang materyal kasama ang mga pangangailangan nito, ang moral kasama ang masisimbuyong damdamin nito. At kung sa pamamagitan ng Aking kalooban napangibabawan Ko ang masasamang masimbuyong damdamin sa kapanganakan, pinabayaan Ko ang banal na masisimbuyong damdamin na lumaki”. Naaalaala mo ba ang mga salitang iyon? At sinabi Ko rin, sa unang pagkakataon, sa iyo, sa iyo lamang: “Ang buhay ay isang banal na regalo at kailangan itong mahalin nang may-kabanalan. Ang buhay ay isang  pamamaraan nagsisilbi sa isang pakay, na siyang ang eternidad”. Sinabi Ko: “Kung gayon bigyan natin ang buhay ng kinakailangan nito upang tumagal at mapagsilbihan ang espiritu sa pakikibaka nito: pagpipigil ng laman sa kahalayan nito, pagpipigil sa isip sa mga kagustuhan nito, pagpipigil sa puso sa lahat na masisimbuyong damdamin na pag-aari ng pagiging tao, walang-hangganang init para sa makalangit na masimbuyong mga damdamin, pagmamahal para sa Diyos at sa ating kapwa, mabuting kalooban na makapaglingkod sa Diyos at sa ating kapwa, pagsunod sa tinig ng Diyos, kabayanihan sa kabutihan at sa birtud”.

Pagkatapos sinabi mo sa Akin na nagagawa Ko iyon sapagkat Ako ay banal, ngunit hindi mo nagagawa iyon sapagkat ikaw ay isang bata-pang lalaki, puno ng buhay. Na tila ang maging bata pa at malakas ay isang dahilan upang maging mabisyo, at tanging ang mga matatanda at mga may sakit na tao lamang, bilang baog, dahil sa kanilang edad o kahinaan na gawin ang iyong iniisip, umaapoy katulad mo sa kahalayan, ang malaya sa sensuwal na mga panunukso! Sinagot sana kita sa pamamagitan ng maraming argumento, noon. Ngunit hindi mo maiintindihan ito. Hindi mo maiintindihan kahit na ngayon, ngunit ngayon man lamang hindi ka makakangiti na may di-makapaniwalang ngiti, kung sabihin Ko sa iyo na ang isang malusog na lalaki ay maaaring maging basal, kung hindi niya tatanggapin nang may kalayaan ang mga panggaganyak ng dimonyo at ng mga pandama. Ang pagiging basal ay espirituwal na pagmamahal, ito ay isang pintig na nakaka-impluwensiya sa katawan at lumalaganap sa lahat, itinataas, pinababanguhan at pinananatili ito. Ang tao na puno ng kabasalan ay walang lugar para sa ano pa mang ibang mga insentibo. Ang pagkabulok ay hindi siya naaapektuhan. Walang lugar para dito sa kanya. At pagkatapos! Ang pagkabulok ay hindi sa kanya nakakapasok mula sa labas. Ito ay hindi isang pintig na nakakapasok mula sa labas.. ito ay isang pintig na mula sa loob, mula sa puso, mula sa mga naiisip ay lumalabas at pinapasok at pinupuno ang bumabalot: ang laman. Iyan kung bakit sinabi Ko na ang pagkabulok ay nanggagaling sa puso. Ang bawat pangangalunya, bawat kahalayan, bawat sensuwal na kasalanan ay hindi nagmumula sa labas. Bagkus ito ay nanggagaling sa matinding pagkilos ng isip, na bilang bulok, ay dinadamitan ang lahat na nakikita nito ng nakakaakit na mga hitsura. Ang lahat na mga tao ay may mga mata upang makakita. Bakit kung gayon na ang isang babaeng naiiwanan ang sampung lalaki na mga hindi natitigatig, habang tinitingnan nila siya bilang isang nilikhang katulad nila mismo at tinitingnan din nila siya na isang magandang gawa ng Sangnilikha nang hindi sila nakararamdam ng masasagwang insentibo at mga kuru-kuro, nakakabalisa sa ikalabing-isang lalaki at nadadala siya sa kahiya-hiyang mga pagkiling sa pagkakasala? Sapagkat ang puso at isip ng ikalabing-isang lalaki ay bulok at kung saan ang sampu nakakakita ng isang kapatid na babae, nakakakita siya ng isang dalaga.

Bagama't hindi Ko iyan sinabi sa iyo noon, sinabi Ko sa iyo na Ako ay naparito para sa mga tao, hindi para sa mga anghel. Naparito Ako upang ibigay muli sa mga tao ang kanilang regalya ng mga anak ng Diyos tinuturuan silang mamuhay bilang mga diyos. Ang Diyos ay walang kahalayan, Judas. Ngunit ibig Kong ipakita sa inyong lahat na ang tao rin ay maaaring maging walang kahalayan. Gusto Kong ipakita sa inyo na ang isa ay makapamumuhay ayon sa itinuturo Ko sa inyo. Upang ipakita sa inyo na kinakailangan Kong magkaroon ng isang totoong katawan at sa gayon paghirapan ang mga panunukso ng tao at sabihin sa tao, pagkatapos siyang maturuan: “Gawin ang katulad sa ginagawa Ko”. At tinanong mo Ako kung Ako ay nagkasala noong Ako ay tinukso. Naaalaala mo ba? Sa dahilan na nakita Ko na hindi mo maintindihan na Ako ay tinukso nang hindi nagkakasala, sapagkat akala mo na ang panunukso ay hindi nababagay sa Salita at na imposible para sa Tao na hindi magkasala, tumugon Ako sa iyo na ang lahat ay matutukso, ngunit tanging ang mga gusto lamang na maging makasalanan ang nagiging mga makasalanan. Malaki ang iyong pagtataka at hindi ka makapaniwala, na ikaw ay nagpumilit nagsasabing: “Kayo ba ay kailanman nagkasala?”. Diyan naging posible para sa iyo na maging di-makapaniwala. Nagkakilala pa lamang tayo nang maikling sandali. Ang Palestina ay puno ng mga rabbi na ang kaninong mga pamumuhay ay ang mga kabaligtaran ng kanilang doktrina. Ngunit ngayon nalalaman mo na na Ako ay hindi nagkasala, na hindi Ako nagkakasala. Nalalaman mo na kahit na ang pinakamatinding panunukso na namimilit sa isang mabulas na lalaki, na namumuhay sa pagitan ng mga tao at nilalansi nila at ni Satanas, ay hindi nakaiistorbo sa Akin hanggang sa sukdulan na Ako ay magawang magkasala. Sa kabaligtaran, ang bawat panunukso, bagama't ang kabagsikan nito ay lumalaki kapag ito ay nilalabanan, sapagkat ginagawa ito ng dimonyo na maging mas matindi upang matalo Ako, ay nagiging mas malaking pananagumpay. At hindi lamang magpatungkol sa kahalayan, isang ipuipo na umiikot sa Akin nang hindi nagtatagumpay sa pag-alog o sa paggasgas sa Aking kalooban. Walang kasalanan kung saan walang pagsang-ayon sa panunukso, Judas. Sa halip may pagkakasala, kahit na kung walang pagtatapos na gawa, kung tinanggap ng isa ang panunukso at pinagninilayan ito. Maaaring ito ay isang benyal na kasalanan, ngunit inihahanda nito ang daan patungo sa mortal na kasalanan sa loob ninyo. Sapagkat kung tinatanggap ng isa ang panunukso at pinababayaan ang isip na tumagal sa ibabaw nito, sinusundan sa isip ang mga mangyayari sa isang pagkakasala, ang isa ay nagiging mas mahina. Alam ni Satanas ang tungkol dito, at iyan kung bakit paulit-ulit siyang nagpapadala ng maiinit  na bigwas, laging umaasa na ang isa sa mga ito ay makakapasok at magtatrabaho sa loob... Pagkatapos... magiging madali na na baguhin ang tao na tinutukso na maging makasalanan.

Hindi mo naintindihan iyan noon. Hindi mo iyon maintindihan. Naiintindihan mo na ngayon. Ngayon ikaw ay mas di-karapat-dapat na makaintindi kaysa karapat-dapat ka noon, gayunpaman, inuulit Ko ang mga salitang Aking sinabi sa iyo, para sa iyo, sapagkat nasa loob mo, wala sa loob Ko, na ang nilabanan na panunukso ay hindi nawawala...  Hindi ito kumakalma sapagkat hindi mo ito nilalabanan nang ganap. Hindi mo ginagawa ang sinusulsol sa iyo, ngunit iniisip mo ang tungkol dito. Iyan ang nangyayari ngayon, at bukas... Bukas babagsak ka sa tunay na pagkakasala. Iyan kung bakit itinuro Ko sa iyo noon na hingin ang tulong ng Ama laban sa panunukso, tinuro Ko sa iyo na hingin sa Ama na huwag kang dalhin sa panunukso. Ako, ang Anak ng Diyos, Ako, Na nakatalo na kay Satanas, ay humihingi sa Ama ng tulong, sapagkat Ako ay mababa ang kalooban. Ikaw ay hindi. Hindi ka humingi ng kaligtasan at pangangalaga ng Diyos. Mapagmalaki ka. Iyan kung bakit ka bumagsak...í

Naaalaala mo ba ang lahat na iyan? At naiintindihan mo na ba ngayon kung ano ang ibig sabihin nito sa Akin, totoong Tao, kasama ang lahat na mga reaksiyon ng tao, at totoong Diyos, kasama ang lahat na mga reaksiyon ng Diyos, na makita kang ganyan: mahalay, sinungaling, magnanakaw, taksil, mamamatay-tao? Batid mo ba kung anong pabigat ang pinapataw mo sa Akin, na kailangan Kong tiisin ang iyong pagiging nasa malapit Ko? Alam mo ba kung gaano nakakapagod ito para sa Akin na pigilan ang Aking sarili, katulad ng ginagawa Ko ngayon, upang magampanan Ko ang Aking misyon para sa iyo hanggang sa pinaka katapusan? Ang sino pa mang ibang tao ay sinakal ka na sana, nakikita ka, isang magnanakaw, na sinisira ang kandado ng isang baul at magnanakaw ng pera, at nalalaman na ikaw ay isang traydor, at mas malala pa kaysa sa isang traydor... Ako ay nakapagsalita sa iyo, na may habag pa. Tingnan mo. Hindi pa man lamang tag-init at ang malamig na ihip ng hangin ng gabi ay pumapasok sa pamamagitan ng bintana, ngunit Ako ay pinagpapawisan na tila Ako ay kanina pa abala sa isang mahirap na gawain. Ngunit hindi mo ba nalalaman kung gaano mo Ako pinahihirapan? O kung ano ikaw? Gusto mo bang palayasin kita? Hindi. hindi kailanman. Kung ang isang tao ay nalulunod, siya na pinababayaan siya ay isang mamamatay-tao. Ikaw ay nasa pagitan ng dalawang puwersa na nang-aakit sa iyo, si Satanas at Ako. Ngunit kung iiwanan kita, siya lamang ang nasa sa iyo. At papaano mo ililigtas ang iyong sarili? gayunpaman iiwanan mo Ako...Ako ay iyo nang iniwan sa pamamagitan ng iyong espiritu... Bueno, pananatilihin Ko pa rin na malapit sa Akin ang kukun ni Judas. Ang iyong katawan na pinagkaitan ng kalooban na mahalin Ako, ang iyong katawan na hindi gumagalaw patungo sa Kabutihan. Pananatilihin Ko ito hanggang pilitin mo rin ang walang-halagang ito, ibig sabihin, ang iyong mortal na mga labí, upang maisama sila sa iyong espiritu at magkasalang kasama ang iyong buong sarili...

Judas!... Hindi ka ba makikipagusap sa Akin? Wala ka ba ni isang salita para sa iyong Guro? Ni kahit isang panalangin? Hindi kita inaasahan na magsasabing: “Patawarin ako!”. Napatawad na kita nang napakaraming beses nang walang nangyari. Alam Ko na ang salitang iyan ay isa lamang tunog sa iyong mga labì. Hindi iyan isang pintig ng iyong nagsisising espiritu.  Gusto Ko ang isang pintig ng iyong puso. Ikaw ba ay patay-na-patay na na wala ka nang kahit anumang hiling? Magsalita! Natatakot ka ba sa Akin? O! Kung takot ka! Iyan man lamang! Ngunit hindi ka takot sa Akin. Kung ikaw ay natatakot sa Akin, uulitin Ko ang mga salitang sinabi Ko sa iyo noong matagal nang araw na iyon noong tayo ay nagsasalita tungkol sa panunukso at mga kasalanan: “Sasabihin Ko sa iyo na pagkatapos din ng Krimen ng mga Krimen, kung ang may kagagawan nito ay magmadali sa paanan ng Diyos na may totoong pagsisisi, at makiusap sa Kanya nang may mga luha na Siya’y mapatawad, inaalay nang may kompiyansa ang kanyang sa sarili sa pagbabayad-sala, nang hindi nawawalan ng lakas-ng-loob, ang Diyos ay patatawarin siya, at sa pamamagitan ng pagbabayad-sala, ang may kagagawan ay maililigtas pa rin ang kanyang Kaluluwa”. Judas! Kung ikaw ay hindi natatakot sa Akin, minamahal pa rin kita. Wala ka bang hinihingi sa Aking walang-hangganang pagmamahal sa oras na ito?»

«Wala. O isang bagay lamang kung mayroon man lamang: na sabihan Ninyo si Juan na huwag magsalita. Papaano Ninyo ako maaasahan na makagawa ng pagtutuwid kung ako ay ang kahihiyan sa pagitan ninyo?». Sinasabi niya ang ganito nang may pagmamataas.

At si Jesus ay tumugon sa kanya: «At iyan ang sinasabi mo nang ganyan? Si Juan ay hindi magsasalita. Ngunit ikaw man lamang, at hinihingi Ko ito sa iyo, ay kailangan na umasal sa isang pamamaraan na walang anuman ang makakalabas tungkol sa iyong pagkasira. Pulutin mo ang mga sinsilyong iyon at ilagay muli iyan sa bag ni Johanna... Susubukan Kong isara ang baul... sa pamamagitan ng iyong ginamit upang mabuksan ito...»

At habang pinupulot ni Judas nang may masamang loob ang mga sinsilyo na gumulong kung saan-saan, si Jesus ay sumasandal sa bukas na baul, na tila Siya ay napapagod. Ang liwanag ay nawawala na sa silid, ngunit hindi labis na hindi makita si Jesus na lumuluha nang tahimik, tinitingnan ang Kanyang apostol na nakayuko pinupulot ang nakakalat na mga sinsilyo.

Si Judas ay nakatapos. Siya ay pumunta sa baul. Kinuha niya ang malaking mabigat na bag ni Johanna, inilagay ang mga sinsilyo at isinara ito nagsasabing: «Ayan na iyan!» Siya ay tumabi.

Si Jesus ay inaabot Niya ang magaspang na panungkit sa kandado na ginawa ni Judas, at sa pamamagitan ng nanginginig na kamay nagawa Niyang gumana ang panarang kuwerdas ng baul. Pagkatapos inilagay Niya sa Kanyang tuhod ang panungkit na bakal at binaluktot ito sa hugis ng V, dinidiin ito nang mabuti sa pamamagitan ng Kanyang paa, ginagawa itong hindi na ulit magagamit. Pagkatapos pinulot Niya ito at itinago sa Kanyang dibdib. Sa paggawa nito ilang mga luha ang pumatak sa Kanyang linen na tunika.

Si Judas sa wakas ay nagkaroon ng pagkilos ng pagtanggap na siya ay nagkamali. Tinatakpan niya ang kanyang mukha ng kanyang mga kamay at napaiyak nagsasabing: «Ako ay isinumpa! Ako ay ang kahihiyan ng Lupa!»

«Ikaw ay ang eternal na kaawa-awang sawing-palad! At ang isipin iyan, kung gugustuhin mo, maaari ka pa rin maging masaya!»

«Manumpa sa akin! Manumpa na walang sinuman ang masasabihan... at sinusumpa ko sa Inyo na tutubusin ko ang aking sarili» sigaw ni Judas.

«Huwag sabihin: “at tutubusin ko ang aking sarili”. Hindi mo iyan magagawa. Ako lamang ang makatutubos sa iyo. Siya na nagsasalita sa pamamagitan ng iyong mga labi kani-kanina pa lamang, ay maaaring matalo lamang sa pamamagitan Ko, Sabihin mo sa Akin ang mga salita ng pagpapakumbaba: “Panginoon, iligtas Ninyo ako!”, at palalayain kita mula sa naghahari sa iyo. Hindi mo ba naiintindihan na mas hinihintay Ko pa ang salita mong iyan, kaysa sa isang halik ng Aking Ina?»

Si Judas ay umiiyak, ngunit hindi niya sinasabi ang salitang iyon.

«Lakad. Lakad na palabas dito. Umakyat sa terasa. Lakad saan mo man gusto, ngunit huwag gagawa ng ingay. Lakad. Lakad. Walang sinuman ang makatutuklas sa iyo, dahil magbabantay Ako. Magmula bukas ikaw na ang mamamahala sa pera. Ang lahat ay ganap na wala nang silbi ngayon.»

Si Judas ay lumabas na hindi tumutugon. Si Jesus, ngayon nag-iisa na lang, ay bumagsak sa isang upuan malapit sa mesa at na ang Kanyang ulo nakapatong sa Kanyang mga kamay na nakatiklop sa mesa Siya ay umiiyak nang naghihirap ang damdamin.

Pagkaraan ng ilang mga minuto si Juan ay pumasok nang tahimik at tumigil nang sandali sa pintuan. Siya ay kasing puti ng kamatayan. Pagkatapos tumakbo siya patungo kay Jesus at niyayakap Siya na nangungusap: «Huwag umiyak, Guro! Huwag umiyak! Minamahal ko rin Kayo para sa kaawa-awang sawing-palad na iyon...» Binubuhat niya Siya, hinahalikan Siya, iniinom ang mga luha ng kanyang Diyos at umiiyak din.

Si Jesus ay niyayakap siya at ang dalawang may parehong magandang buhok, magkalapit sa isa’t isa, ay nagpapalitan ng mga luha at mga halik. Ngunit si Jesus ay napigilan kaagad ang Kanyang Sarili at nagsabi: «Juan, alang-alang sa Akin kalimutan anuman ang nangyari. Gusto Ko iyan.»

«Oo, aking Panginoon. Susubukan kong gawin iyan. Ngunit huwag nang maghirap pa... Ah! Gaano kaganda! At ginawa niya akong magkasala, aking Panginoon. Nagsinungaling ako. Kinailangan kong magsinungaling sapagkat ang mga babaeng disipulo ay bumalik. Hindi. Ang mga kamag-anak ng babae ang naunang dumating. Hinahanap nila Kayo upang pagpalain Kayo. Ang isang batang lalaki ay pinanganak na walang komplikasyon. Sinabi ko na Kayo ay bumalik ulit sa bundok... Pagkatapos ang mga babaeng disipulo ay dumating at nagsinungaling akong muli nagsasabing nasa labas Kayo at na Kayo ay baka pumunta sa bahay kung saan pinanganak ang bata... Wala akong makitang iba pang dahilan. Ako ay labis na natutulala! Ang Inyong Ina ay nakita na ako ay umiyak at tinanong Niya ako: “Ano ang nangyayari sa iyo, Juan?” Siya ay balisa... Tila alam Niya. nagsinungaling ako sa ikatlong beses nagsasabing: “Ako ay naantig dahil sa babaeng iyon”...  Ang mapalapit sa isang makasalanan ay nakapagdadala patungo sa sukdulan na iyan! Sa pagsisinungaling... Patawarin ako, aking Jesus.»

«Maging nasa kapayapaan. Kalimutan ang lahat ng tungkol sa oras na ito. Wala. Iyon ay wala... Isang panaginip...»

«Ngunit ito ay Inyong kapighatian! O! gaano Kayo nagbago, Guro! Sabihin sa akin ito, ito lamang: si Judas man lamang ba ay nagsisi?»

«At sino ba ang makauunawa kay Judas, anak?»

«Wala sa amin. Ngunit magagawa Ninyo.»

Si Jesus ay tumugon lamang sa pamamagitan ng bagong tahimik na mga luhang bumababa sa Kanyang pagod na mukha.

«Ah! Siya ay hindi nagsisi!...» si Juan ay nahintakutan.

«Nasaan na siya ngayon? Nakita mo ba siya?»

«Oo. Dumungaw siya mula sa terasa. Dumungaw siya upang tingnan kung may tao, at nang makita niya ako na nag-iisa, dahil nakaupo ako sa ilalim ng puno ng igos, lubos na nalulungkot, tumakbo siyang pababa at dumaan sa maliit na tarangkahan ng pangkusinang-hardin. Pagkatapos pumasok ako...»

«Nagawa mo ang tamang bagay. Maglinis tayo dito sa itaas, binabalik ulit ang mga upuan sa kanilang mga lugar, at pulutin ang amphora, upang walang mga bakas...»

«Siya ba ay nakipagbuno sa Inyo?»

«Hindi, Juan. Hindi siya.»

«Kayo ay balisang-balisa, Guro, na manatili rito. Ang Inyong Ina ay makakaintindi... at Siya ay malulungkot.»

«Totoo iyan. Tayo na... Ibigay mo ang susi sa ating katabing bahay. Mauuna na Ako, sa tabi ng mga pampang ng ilog, patungo sa bundok...»

Si Jesus ay lumabas at si Juan ay nananatili upang linisin ang lugar. Pagkatapos siya ay lumabas din. Binigay niya ang susi sa isang babae na naninirahan sa isang bahay sa malapit at siya ay tumakbong umalis, nagtatago sa mga palumpong sa pampang, upang walang makakita.

Sa mga sandaan na metro mula sa bahay ay naroon si Jesus nakaupo sa isang bato. Nang mapakinggan ang mga yapak ng apostol Siya ay tumalikod. Ang Kanyang mukha ay maputla sa liwanag ng gabi. Si Juan ay naupo sa lupa malapit sa Kanya at ipinahinga ang kanyang ulo sa ibabaw ng Kanyang lapi, tinataas ang kanyang mukha upang tingnan Siya. Nakikita niya na may mga luha pa rin sa mga pisngi ni Jesus.

«O! huwag nang maghirap pang muli! Huwag nang maghirap pang muli, Guro! Hindi ko matagalan ang Inyong paghihirap!»

«At hindi ba Ako kailangan na maghirap dahil doon? Ang Aking pinakamalalim na kalungkutan! Tandaan iyan, Juan: ito ang magiging magpasawalanghanggan na Aking kalungkutan. Hindi mo pa naiintindihan ang lahat... Ang Aking pinakamalalim na kalungkutan...» Si Jesus ay pinanghihinaan. Si Juan ay hinahawakan Siyang malapit sa kanyang sarili, na ang kanyang mga kamay nasa Kanyang baywang, nagdadalamhati na hindi niya Siya mapaginhawahan.

Si Jesus ay itinaas ang Kanyang ulo, ibinukas ang Kanyang mga mata na Kanyang isinara upang mapigilan ang Kanyang mga luha at nagsabi: «Alalahanin na tatlo tayong nakakaalam: ang may kasalanan, ikaw at Ako. At walang sino pa man ang kailangan na makaalam.»

«Walang sinuman ang makakaalam nito mula sa akin. Ngunit papaano niya nagagawa iyon? Habang kinukuha niya ang pera ng komunidad... Ngunit Iyon!... Akala ko nasiraan na ako ng ulo nang makita ko... Nakakatakot!»

«Sinabi Ko sa iyo na kalimutan na iyan...»

«Nagsisikap ako nang husto, Guro. Ngunit iyon ay nakakatakot na nakakatakot...»

«Nakakatakot iyon. Oo, Juan, nakakatakot iyon ! O! Juan!» At si Jesus, niyayakap ang Kanyang Paboritong apostol, ay ipinatong ang Kanyang ulo sa balikat niya at umiyak nang husto.

Ang mga anino, na naging napakaitim kaagad sa loob ng palumpungan, ay itinago sa kanilang kadiliman ang dalawa na magkayakap.

100512

 


Sunod na kabanata