566. Pagpapaalam sa Ephraim. Pagpunta Pagawing Shiloh.

Pebrero 24, 1947.

«Hayaan kaming sundan Kayo, Guro. Hindi namin Kayo poproblemahin» pakiusap ng maraming tao ng Ephraim, na mga nag-ipun-ipon sa harapan ng bahay ni Maria ni Jacob, na iniiiyak ang lahat ng kanyang mga luha nakasandal sa poste ng maluwang na nakabukas na pinto.

Si Jesus ay nasa gitna ng Kanyang labindalawang apostol; sa mas malayo nang kaunti, sa loob ng isang grupo sa paligid ng Kanyang Ina ay naroon sina Johanna, Nike, Susanna, Eliza, Martha at Maria, si Salome at si Maria ni Alfeo. Ang mga lalaki at mga babae ay nasa kanilang paglalakbay na mga damit, na ang mga tunika ay nakataas at tinalian upang maging libre ang kanilang mga paa, na may bagong mga sandalyas na tinalian hindi lamang sa kanilang mga bukung-bukong bagkus hanggang sa ibaba ng binti sa pamamagitan ng maliliit na magkakasalabid na balat, katulad na ito ang kaugalian kapag ang isa ay daraan sa mahirap-daanan na mga daan. Ang mga lalaki ay idinagdag sa kanilang mga dalahin ang mga bag ng mga babaeng disipulo.

Ang mga tao ay pinakikiusapan si Jesus na sila ay makasunod sa Kanya, habang ang mga maliliit na bata ay sumisigaw, na ang kanilang mga mukha nakatingala at ang kanilang mga kamay nakataas: «Isang halik! Kargahin Ninyo ako! Bumalik Kayo, Jesus! Bumalik Kayo kaagad upang kuwentuhan kami ng maraming magagandang parabula! Hindi ko gagalawin ang mga rosas ng aking hardin para sa Inyo! Hindi ko kakainin ang kahit anong prutas upang hindi ito magalaw para sa Inyo! Bumalik Kayo, Jesus! Ang aking maliit na tupa ay malapit nang manganak at gusto kong ibigay sa Inyo ang maliit na anak, sa pamamagitan ng lana nito magkakaroon Kayo ng isang tunika na pareho ng sa akin... Kung bumalik Kayo kaagad ibibigay ko sa Inyo ang mga keyk ng aking ina na ginawa sa unang mga bunga ng trigo...» Humuhuni silang katulad ng maliliit na ibon sa paligid na kanilang dakilang Kaibigan, hinahatak nila ang Kanyang tunika, bumibitin sa Kanyang sinturon nagsisikap na makaakyat sa Kanyang mga bisig, mapagmahal na despotiko,  kung kaya't hindi magawa ni Jesus na makatugon sa mga adulto, sapagkat laging may bagong mukha na hahalikan.

«Alis! Tama na iyan! Pabayaan ninyo ang Guro! Mga babae! Kunin ninyo ang mga bata!» sigaw ng mga apostol na mga nananabik nang makaalis nang maaga sa umaga. At tinatapik nila nang kaunti ang mga pinaka mapilit na mga bata.

«Huwag. Pabayaan sila. Ang kanilang kabaitan ay mas sariwa pa sa Akin kaysa sa bukang-liwayway na ito. Pabayaan sila at Ako. Hayaan ninyo Akong mapaginhawahan ng kanilang pagmamahal, na puro at malaya sa mga interes at mga problema» sabi Jesus pinagtatanggol ang Kanyang maliliit na kaibigan at dahil inuunat Niya ang Kanyang mga kamay, ang Kanyang malapad na manta ay nagiging isang kurtina at tinatanggap sila sa ilalim ng asul na nagpoprotektang mga pakpak. At ang maliliit na bata ay nagsisiksikan sa loob ng mainit na asul na malabong liwanag at masayang nananahimik, katulad ng mga sisiw sa ilalim ng makainang mga pakpak.

Si Jesus sa wakas ay makapagsasabi sa mga adulto: «Makakasama kayo, kung sa akala ninyo magagawa ninyo iyan.»

«At sino ang magpipigil sa amin, Guro? Kami ay nasa loob ng aming rehiyon!»

«Ang butil, ang mga ubasan at mga lootan ay kailangan ang pagtatrabaho ninyong lahat, at ang mga tupa ay kailangan na magupitan at ngayon ay ang kanilang panahon ng pagbubulugan, at ang mga nabulugan noong nakaraang panahon ay manganganak na, at panahon na upang mag-ipon ng mga dayami...»

«Walang anuman ito, Guro. Ang nakatatandang mga tao ay siyang mamamahala sa paggugupit at pagbubulugan ng mga tupa, at ang mga bata, at ang mga babae ang bahala sa pagpapa-anak sa mga tupa, at sa pag-iipon ng mga dayami. Ang mga lootan at mga bukid ay makapaghihintay. Sapagkat kung ang mga butil ng trigo ay tumitigas na, maaga pa para gapasin ito, at ang mga ubasan, mga taniman ng mga olibo at mga lootan ay kailangan laman na pahinugin ang kanilang masaganang mga bunga sa ilalim ng sinag ng araw. Wala kaming magagawa sa kanila hanggang panahon ng pag-ani, katulad lamang ng isang ina ng isang pamilya na walang magagawa sa paggawa ng tinapay hanggang umalsa ang masa. Ang araw ay ang lebadura ng mga prutas. Siya ang kailangan na kumilos ngayon, katulad ng ginawa ng hangin noon hinahasikan ang mga bulaklak sa mga sanga. Maging ano pa man!... kung mawawalan kami ng ilang buwig ng mga ubas, o ilang prutas, o kung ang mga dawag ay sasakalin ang ilang tainga ng butil, ito ay magiging napakaliit na kawalan kompara sa mawalan ng isa ng Inyong mga salita!» sabi ng isang matandang lalaki na lagi ko nang nakikita na pinararangalan nang labis sa nayon.

«Tama kayo. Kung gayon tayo na. Maria ni Jacob, pinasasalamatan Ko kayo at pinagpapala Ko kayo, sapagkat kayo ay naging isang mabuting ina sa Akin. Huwag umiyak! Ang mga nakagawa ng mabubuting bagay ay hindi dapat umiyak.»

«Ah! Nawawala Kayo sa akin at hindi ko na Kayo muling makikita !»

«Tayo ay tiyak na magkikita muli.»

«Kayo ba ay babalik dito, Panginoon?» tanong ng babae ngumingiti sa loob ng kanyang mga luha. «Kailan?»

«Hindi Ako babalik, katulad ngayon...»

«Kung gayon, saan tayo magkikitang muli, kung ako, isang kaawa-awang matandang babae ay hindi makakasama sa mga daan ng mundo naghahanap para sa Inyo?»

«Sa Langit, Maria. Sa Bahay ng ating Ama. Kung saan may lugar para sa mga Judaean at para sa mga Samaritano, kung saan may isang lugar para sa mga magmamahal sa Akin sa espiritu at katotohanan. Ito ay iyo nang ginagawa, sapagkat kayo ay naniniwala na Ako ay ang Anak ng totoong Diyos...»

«O! pinaniniwalaan ko iyan! Ngunit walang pag-asa para sa amin sapagkat Kayo lamang ang nagmamahal sa amin nang walang kinikilingan.»

«Kapag Ako ay nakaalis na, ang mga ito (at tinuturo Niya ang mga apostol) ay darating sa katauhan Ko. At sa pag-alaala sa Akin hindi sila magtatanong kung sino ang humihinging mákasama sa kawan ng totoo at tanging Pastol.»

«Ako ay matanda na, Panginoon. Hindi na ako mabubuhay nang napakahaba upang makita iyan. Kayo ay bata pa at malakas, at ang Inyong Ina ay makakasama Kayo nang mahabang panahon, at ang mga nagmamahal sa Inyo at kasama sa Inyong sambayanan ay makakasama Kayo... Bakit Kayo umiiyak, o Ina ng Pinagpalang Panginoon?» nagtatanong siya, nagtataka sa nakikitang mga luha na bumabagsak mula sa mga mata ng Pinagpalang Birhen.

«Wala Akong iba bagkus ang Aking kapighatian... Paalam, Maria. Pagpalain nawa kayo ng Diyos para sa inyong ginawa sa Aking Anak. At tandaan na kung ang inyong kapighatian ay malaki, walang kapighatian na mas malaki pa ng sa Akin, at hindi kailanman magkakaroon sa ibabaw ng Lupa. Hindi kailanman! Alalahanin ang namimighating Maria ng Nazareth... Paalam!»  At si Maria ay humiwalay sa matandang babae lumuluha pagkatapos na mahalikan siya sa may hagdanan ng pintuan at Siya ay lumakad sa pagitan ng mga kababaihan, na si Juan nasa tabi Niya.

At si Juan, sa kanyang dating medyo nakayukod na hitsura at ang kanyang mukha nakataas tinitingnan Siya, ay nagsabi: «Huwag lumuha nang ganyan, Maria. Kung marami ang napopoot sa Inyong Jesus, marami ang nagmamahal sa Kanya. Paginhawahan ang Inyong espiritu, Inay, tinitingnan ang mga ito na ngayon at sa darating na mga panahon ay magmamahal sa Inyong Anak nang kanilang buong mga sarili» at nagtatapos siya sa isang mababang tinig, halos ibinubulong ang mga salita kay Maria lamang, Na kanyang ginagabayan at sinusuportahan hinahawakan ang Kanyang siko upang Siya ay hindi sana matapilok sa mga bato sa landas, nabubulagan katulad Niya ng Kanyang mga luha: «Hindi lahat ng ina ang makikita sa kanilang anak na minamahal... May ilan na sisigaw nang nagdurusa: “Bakit ko siya pinanganak?»

Si Jesus ay sinamahan sila, dahil si Maria at si Juan ay nag-iisa, nasa likuran nang kaunti ng mga babaeng disipulo. Si Santiago ni Alfeo ay kasama ni Jesus. Ang iba pa ay nasa likuran sa isang grupo, na mga nag-iisip at nalulungkot katulad ng mga babaeng disipulo, na nasa unahan nilang lahat. Sa hulihan, sa isang grupo, maraming kalalakihan mula sa Ephraim, nag-uusap-usap sa mabababang tinig.

«Ang mga pagpapaalam ay laging malungkot, Inay. Lalo na kung hindi nalalaman ng isa na ang isang katapusan ay ang simula ng isang bagay na mas perpekto. Ito ay ang malungkot na konsekwensiya ng kasalanan. At ito ay mananatili kahit na pagkatapos ng kapatawaran. Ngunit ang mga tao ay babatahin ito nang may mas malaking katapangan dahil makakasama nila ang Diyos bilang kanilang kaibigan.»

«Tama Ka, Jesus. Ngunit may isang kapighatian ng gusto ng Diyos na ating kalugdan bagama't Siya ang pinaka makaamang Kaibigan na maaaring magkaroon. Siya ay ganyan sa Akin. O! ang Diyos ay mabuti! Napakabuti. Ayaw Kong sina Santiago at Juan o sino pa man na maiskandalo ng Aking mga luha. Ang Diyos ay mabuti. Siya ay naging laging mabuti sa kaawa-awang Maria. Lagi Kong inuulit ito sa Aking Sarili araw-araw mula pa nang Ako ay nakapag-iisip na. At ngayon... ngayon sinasabi Ko iyan oras-oras... sa bawat sandali. Habang mas lumalapit ang paghihirap mas lalo Kong sinasabi ang ganyan sa Aking Sarili... Ang Diyos ay mabuti. Ibinigay Ka Niya sa Akin: isang mapagmahal na banal na Anak at ganyan, kahit bilang isang nilalang man lamang, na masuklian ang bawat kapighatian ng isang babae... Ibinigay Ka Niya sa Akin, isang kaawa-awang bata-pang babae itinaas sa pagiging Ina ng Kanyang Nagkatawang-Tao na Salita... At ang lugod na matawag Kang “Anak”, Aking sinasambang Panginoon, ay napakalaki na dapat walang luha ang pumatak mula sa Aking mga mata, ano pa man ang maging pagpapahirap, kung Ako ay kasing perpekto ng Iyong tinuturo sa amin. Ngunit Ako ay isang kaawa-awang babae, Anak! At Ikaw ay ang Aking Anak... At... Alin na ina ang hindi iiyak kapag malaman niya na ang kanyang anak ay kinapopootan, at nalalaman niya?... Anak, tulungan Mo ang Iyong katulong na babae. Tiyak na may pagmamalaki pa sa Akin nang maisip Ko na Ako ay malakas.  Ngunit noong panahon na iyon... ang oras ay malayo pa... Ngayon ito ay naririto na... Nararamdaman Ko ito... Tulungan Mo Ako, Jesus, Aking Diyos! Kung pinahihintulutan Ako ng Diyos na maghirap nang ganyan, ito ay tiyak na para sa isang mabuting pakay para sa Akin. Sapagkat kung gugustuhin Niya, mapaghihirap lamang Niya Ako para sa kung ano ang mangyayari...  Siya ito na siyang pumorma sa Iyo sa Aking sinapupunan nang ganyan!... Papaano... Walang kaparis upang maipaliwanag kung papaano Mo ginawa ang Iyong Sarili... Ngunit gusto Niya Akong maghirap... at pagpalain nawa Siya para diyan... lagi. Ngunit tulungan Mo Ako, Jesus. Tulungan ninyo Akong lahat... Kayong lahat sapagkat ito ay napakapait ang dagat kung saan Ko papatirin ang Aking pagkauhaw.»

«Ating bigkasin ang panalangin. Apat tayo, na nagmamahal sa Inyo nang buong puso, Inay. Dito, Ako Inyong Anak, at si Juan at si Santiago na nagmamahal sa Inyo na tila Kayo ang kanilang ina... Ama namin, Na nasa Langit... at si Jesus, ginagabayan ang munting koro ng tatlong tinig na sumusunod sa Kanya sa mababang tunog, ay binigkas ang lahat ng Panalangin ng Panginoon, dinidiinan ang ilang mga pangungusap katulad ng: «sundin ang loob Mo»... «huwag kaming ipahintulot sa tukso.» Pagkatapos sinabi Niya: «Bueno. Ang Ama ay tutulungan tayo na gawin ang Kanyang kalooban, kahit na kung ang ating kahinaan ng pagiging mga tao ay gayon na lamang na akala natin hindi natin ito magagawa, at hindi Niya tayo dadalhin sa panunukso na isipin na Siya ay hindi napakabuti, sapagkat habang iniinom natin ang napakapait na kalis, ipapadala Niya ang Kanyang anghel upang punasan ang ating napapaít na mga labì ng makalangit na kaginhawahan.» Si Jesus ay hinahawakan sa kamay ang Kanyang Ina na may katapangan na pinipigilan ang Kanyang mga luha na umibabaw mula sa kalaliman ng Kanyang puso. Ang dalawang apostol ay nasa tabi nila: si Juan ay malapit kay Maria at si Santiago ni Alfeo malapit kay Jesus, at tinitingnan nila Sila  lubos na naaantig.

Ang mga babaeng disipulo ay patingin-tingin paminsan-minsan naririnig si Maria na umiiyak at ang panalangin ng apat. Ngunit sila ay nagpigil na samahan sila.

Sa likuran, ang mga apostol ay tinanong ang isa’t isa: «Ngunit bakit si Maria umiiyak nang ganyan?» Ang sabi ko ang mga apostol, ngunit ang ibig kong sabihin ay lahat sila maliban kay Judas ng Kerioth, na naglalakad nang nag-iisa, at nagmumukhang nag-iisip nang nag-iisip, halos namamanglaw, upang ito ay napupuna ni Tomas at nagsabi sa iba: «Ngunit ano ang nangyayari kay Judas na siya ay nagmumukhang katulad niyan? Nagmumukha siyang isang hinatulan ng kamatayan!»

«Sino ang nakakaalam? Baka natatakot siyang bumalik sa Judaea» tugon ni Mateo.

«Ako... Ano ang sinabi sa inyo ng Guro tungkol sa pera?» tanong ng Zealot.

«Wala naman tungkol sa kung ano. Sinabi Niya sa akin: “Babalik na tayo ngayon sa dating sitwasyon. Si Judas ang magiging tesorero at ikaw ang taga-bigay ng limos. Ang mga babaeng disipulo ay ibig tayong tulungan tungkol sa mga gastusin”. Hindi ako makapaniwala na iyon ay totoo! Humawak ako ng labis na pera na kinapopootan ko na ito.»

«At ang mga babaeng disipulo ay nakakatulong nang mabuti. Ang mga sandalyas na ito ay ligtas-na-ligtas... Ang isa ay hindi maramdaman na siya ay naglalakad sa isang bundok. Iniisip ko kung magkano kaya ang bili sa mga ito!» sabi ni Pedro tinitingnan ang kanyang mga paa nababalot ng bagong mga sandalyas na nagpoprotekta sa mga sakong at sa mga daliri at sumusuporta sa mga bukung-bukong sa pamamagitan ng maninipis na taling balat.

«Si Martha ang kumuha niyan. Makikita ng isa ang kanyang mayaman na mapag-ubayang kamay. Noong mga nakaraan madalas namin itali ito nang ganito rin, ngunit ang mga tali ay isang pasakit. Hindi namin nawawala ang mga suwelas, ngunit nawala ang balat ng aming mga paa...» sabi ni Andres.

«At sinasaktan nito ang mga sakong at ang mga daliri... Iyan kung bakit siya na nasa likuran natin ay laging sinusuot ang mga iyon nang ganito!»

Ang daan ay umaakyat patungo sa taluktok ng bundok. Tumitingin sa likuran makikita ng isa ang Ephraim lahat maputi sa araw, at ang nayon ay tila napakalayo na sa ilalim nila...

Pagkatapos ang mga apostol ay humalo sa mga babaeng disipulo upang tulungan silang akyatin ang landas na napakatarik sa lugar na iyon, at si Bartolomeo, na naiwanan na, ay nagsabi sa mga tao mula sa Ephraim: «Pinakita ninyo sa amin ang isang napakahirap na landas, aking mga kaibigan.»

«Oo, ngunit sa kabila ng kakahuyan na iyon ay isang mabuting daan na magdadala sa inyo sa Shiloh nang mabilis. Kung kaya't makapagpapahinga kayo doon nang mas matagal kaysa kung nakarating kayo nang gabi sa pamamagitan ng ibang daan» tugon ng isa.

«Tama ka. Habang mas mahirap ang daan, mas madali kang makakarating sa iyong pupuntahan.»

«Ang inyong Guro ay alam iyan. Iyan kung bakit tinitiis Niya ito Mismo! Ah! hindi kami kailanman makakalimot!... Higit sa lahat dahil tinulungan Niya kami sa mga huling araw na ito, bagama't napakinggan Niya ang ilang mga tao mula sa aming rehiyon na ininsulto Siya nang walang-wala sa katarungan. Siya lamang ang mabuti at kung gayon tinutulungan din Niya ang mga napopoot sa Kanya.»

«Hindi ninyo Siya kinapootan.»

«Hindi, hindi kami. Ngunit mas marami pa ang hindi namin kinapopootan, gayunpaman kami ay kinapopootan nang walang kahit anong rason.

«Gawin kung ano ang ginagawa Niya, nang walang takot, at makikita ninyo na...»

«Kung gayon, bakit hindi ninyo ginagawa ang ganito? Gayon din ito. Kami ay naririto, kayo ay naroroon, at isang gabundok sa pagitan natin: ang bundok na itinayo ng magkakaparehong mga pagkakamali. Sa itaas: ay ang parehong Diyos. Kung gayon, bakit ni kami o kayo hindi inaakyat ang dalisdis upang magkita-kita sa itaas doon, sa paanan ng Diyos, magkakalapit sa isa’t isa?»

Si Bartolomeo ay naiintindihan ang makatarungan na paninita, sapagkat sa kanyang di-maitatangging birtud, mayroon siyang nakapakong idea ng pagiging isang Israelita, at siya’y di-mabaluktot magpatungkol sa kung ano ang hindi Israel. Binago niya ang usapan nang hindi nagbibigay ng isang diretso tugon at nagsabi: «Hindi na kinakailangan na umakyat. Ang Diyos ay bumaba na sa pagitan natin. Sapat na ang sundan Siya.»

«Ang sundan Siya, sang-ayon kami. Magugustuhan namin iyan. Ngunit kung kami  ay pumunta sa Judaea kasama Siya, hindi ba namin Siya masisira? Kayo, rin, ay alam ninyo kung ano ang inaakusa laban sa Kanya at kung ano ang inaakusa sa amin: ang pagiging mga Samaritano, ibig sabihin, mga dimonyo.»

Si Bartolomeo ay nagbubuntung-hininga at humiwalay sa kanila nagsasabing: «Kinakawayan nila ako na lumakad...» at binilisan niya ang kanyang hakbang.

Ang mga taong nagmula sa Ephraim ay tiningnan siyang lumalayo at ang isa ay bumulong: «Ah! Siya ay hindi katulad Niya! Gaano ang nawawala sa atin sa pagkawala sa Kanya!» at napailing siya sa kawalang-pag-asa.

«Alam mo ba, Elias, na kagabi nagdala Siya ng malaking halaga ng pera sa pangulo ng sinagoga, na dapat niyang dalhin kay Maria ni Jacob, upang ang matandang babae ay hindi sana danasin ulit ang kirot ng pagkagutom?»

«Hindi, hindi ko alam. Bakit hindi Niya ito binigay sa babae?»

«Ayaw niyang mapasalamatan Siya ng matandang babae. Hindi pa niya alam. Alam ko sapagkat sinabi ito sa akin ng pangulo ng sinagoga, upang hingin ang aking payo kung kailangan niyang bilhin para sa matandang babae ang ari-arian ni Juan, na ang kapatid ni Juan ay gustong ipagbili, o kung ibibigay niya sa matanda ang pera nang unti-unti. Pinayuhan ko siya na bilhin ang ari-arian ni Juan. Magbibigay ito sa matandang babae ng sapat na butil, langis at alak upang mabuhay nang hindi nagugutom. Samantalang ang pera... Iyan...»

«Kung gayon iyon ay talagang malaking halaga ng pera?!» sabi ng ikatlong lalaki.

«Oo. Ang ating pangulo rin ng sinagoga ay tumanggap ng malaki-laki, para rin sa ibang mahihirap na tao sa bayan at sa kabukiran. Na “sila rin ay maipagdiwang ang Kapistahan ng Tinapay na Walang-Lebadura, upang salubungin ang bagong panahon” sinabi ng Guro.»

«Maaaring ang sinabi Niya ay ang bagong taon.»

«Hindi. Sinabi Niya: “ang bagong panahon”. Sa katunayan ang pangulo ng sinagoga ay hindi gagalawin ang pera bago ang Kapistahan ng Tinapay na Walang-Lebadura.»

«O! at ano ang Kanyang ibig sabihin?» marami ang nagtatanong.

«Ano ang ibig-sabihin niyon? Hindi ko alam. Walang nakaaalam. Ni si Juan, ang Kanyang minamahal na apostol, o si Simon ni Jonah, na siyang ang pinuno ng mga disipulo. Tinanong ko sila at ang una ay namutla, ang huli ay nalubog sa pag-iisip katulad ng isa na nagsisikap na mahulaan ito.»

«At ano ang tungkol kay Judas ng Kerioth? Siya ay importante sa kanila. Baka mas mahigit pa sa unang dalawa. Nalalaman niya ang lahat, iyan ang sinasabi niya. Baka alam din niya ito. Lumakad tayo at tanungin siya. Gusto niya ang nagsasalita ng tungkol sa nalalaman niya.

Sila ay nagmadali upang masamahan si Judas na malungkot katulad ng pagsimula, nag-iisa, sa ngayon, sa landas, sapagkat ang iba ay lumiliko sa kurbada at sila ay tila nilamon ng berdeng palumpungan sa dalisdis.

«Judas, makinig sa amin. Sinabi ng Guro na gusto Niya ang isang malaking selebrasyon para sa Kapistahan ng Tinapay na Walang Lebadura, upang salubungin ang bagong panahon. Ano ang ibig Niyang sabihin?»

«Hindi ko alam. Ako ba kaya ay ang isip ng Guro? Tanungin ninyo Siya dahil minamahal Niya kayo nang labis» at binibilisan niya ang kanyang hakbang iniiwan sila na bigo.

«Siya ay hindi rin ang Guro. Wala ni isa na mayroon ng Kanyang awa...» sinasabi nila iniiling ang kanilang mga ulo.

«Bueno, sinusundan ba natin sila? Sinusundan natin Siya! At ginagawa natin ang tamang bagay. Tayo na. Baka may malaman tayo mula sa Kanyang mga labì, bago Siya pumunta sa Judaea, kung ano ang ibig Niyang sabihin.»

At binilisan nila ang kanilang paghakbang sinasamahan ang iba, na mga nagpapahinga sa loob ng kakahuyan ng matatanda nang mga puno ng terebinto, kaharap ang isa sa pinaka magagandang tanawin sa Palestina.

120512

 

 


Sunod na kabanata