567. Sa Shiloh. Ang Unang Parabula Tungkol sa Payo. 

Pebrero 27 1947.

Si Jesus ay nagsasalita sa gitna ng isang liwasan na may mga tanim ng punungkahoy. Ang araw, na kasisimula pa lamang na lumubog, ay napaniningning ito nang dilaw-na-berdeng liwanag, kumikislap sa pamamagitan ng bagong mga dahon ng nápakalalakíng plane-tree. Ang isang mamahaling kisame ay tila nakataklob sa malaking liwasan na sumasalâ sa sinag ng araw nang hindi hinaharangan ang araw.

Sinasabi ni Jesus:

«Makinig. Minsan ang isang dakilang hari ay pinadala ang kanyang pinakamamahal na anak sa isang bahagi ng kanyang kaharian, na ang kaninong katarungan ay ibig niyang masubukan at sinabi niya sa kanya: “Pumunta ka kahit saan, gumawa ng mabuti sa mga tao sa ngalan ko, bigyan sila ng kaalaman tungkol sa akin, gawin akong makilala at mahalin. Pinagkakalooban kita ng buong kapangyarihan, at ang lahat na gagawin mo ay mabuting magagawa”. Ang anak ng hari, pagkatapos na mapagpala ng kanyang ama, ay pumunta kung saan siya pinapunta at kasama ang ilang mga eskudero at mga kaibigan nagsimula siyang, nagtatrabaho nang walang-kapaguran, puntahan ang bahagi ng kaharian ng kanyang ama.

Ngayon, gawa ng isang serye ng di-masasayang pangyayari, ang rehiyon na iyon ay moral na nagkahati-hati nang magkakasalungat na bahagi sa isa’t isa. Ang bawat isa ay gumagawa ng malaking ingay tungkol sa sariling kapakanan, at nagpapadala ng apurahan na mga pakiusap sa hari upang sabihin sa kanya na ang bawat isa ay ang pinakamaganda at pinakatapat, at na ang mga katabi ay mandaraya at karapat-dapat na parusahan. Kung kaya't ang anak ng hari ay natatagpuan ang kanyang sarili sa harapan ng mga mamamayan na ang kaninong mga pananalita ay iba't iba ayon sa bayan na kanilang kinabibilangan, ngunit nagkákapareho sa dalawang bagay; una: ang bawat isa ay naniniwala na ang bayan nila ang mas mabuti kaysa sa iba; ikalawa: ang bawat bayan ay gustong sirain ang kapit-bayan na kaaway, ginagawa itong masamang bayan sa opinyon ng hari. Sa dahilan na ang anak ng hari ay makatarungan at marunong, sa pamamagitan ng may labis na awa sinubukan niyang turuan ang bawat bahagi ng rehiyon sa katarungan, upang magawa silang lahat na mapagkaibigan sa kanyang ama at mahalin niya. At sa dahilan na siya ay mabuti, siya ay nagtatagumpay, bagama't dahan-dahan, sapagkat, katulad na ganito ang laging nangyayari, tanging ang may matuwid na mga puso lamang ng bawat probinsiya ng rehiyon ang sumusunod sa kanyang payo. Hindi lamang, bagkus, tamang sabihin na nakakita siya ng mas malaki pang mabuting kalooban na makinig sa kanya at maging marunong sa katotohanan, eksakto kung saan sinasabi nila nang may panunuya na kulang ang mabuting kalooban at karunungan.

Pagkatapos ang mga tao ng katabing mga probinsiya ay nagsabi: “Maliban na tanggapin natin ang kirot, ang grasya ng hari ay mapupuntang lahat sa mga taong ating minamaliit. Tayo na at palayasin natin ang mga taong ating kinapopootan at pumunta tayo nagkukunwaring tayo ay nakumberti at pumapayag na kalimutan ang ating kapootan upang parangalan ang anak ng hari”. At sila ay pumunta. Sa pagbabalatkayo na bilang mga kaibigan kumalat sila sa mga bayan ng karibal na mga probinsiya at sa pamamagitan ng pandarayang kabaitan nagpayo sila kung ano ang dapat na gawin upang parangalan ng mas lalu’t lalo pa ang anak ng hari at dahil dito ang ama, ang hari. Sapagkat ang parangal na binigay sa anak, ang mensahero ng kanyang ama, ay parangal din na binigay sa kanya na nagpadala sa kanya. Ngunit hindi pinarangalan ang anak ng hari, sa kabaligtaran kinapopootan nila siya nang taos-puso, hanggang sa punto na gawin siyang kasuklam-suklam sa kanyang mga nasasakupan at sa hari mismo. Napakatuso nila sa kanilang kagiliwan, nagtagumpay sila nang mabuti sa pagpresenta ng kanilang payo bilang siyang pinakamagandang patakaran, na maraming mga tao ng katabing mga rehiyon ang tinanggap bilang mabuti kung ano ang masamâ, at iniwan nila ang tamang daan na kanilang dating sinusundan, at kinuha ang di-makatarungang daan, at ang anak ng hari ay nakita niya na ang kanyang misyon ay isang kabiguan magpatungkol sa maraming tao.

Ngayon sabihin sa Akin: sino ang pinakamalaking makasalanan sa mga mata ng hari? Ano ang kasalanan ng mga nagpayo, at ng mga kumuha ng kanilang payo? At tinatanong Ko kayo ng isa pang tanong: kanino ang hari magiging mas mahigpit? Hindi ba ninyo alam ang kasagutan? Sasabihin Ko sa inyo.

Ang pinakamalaking makasalanan sa mga mata ng hari ay siya na nang-udyok sa kanyang kapwa na gumawa ng masamâ dala ng kapootan para sa kanya, sa dahilan na gusto niyang mapunta siya sa mas malalim na kadiliman ng kamangmangan, dala ng kapootan para sa anak ng hari, na gusto niyang mabigo sa kanyang misyon sa pagpapalabas sa kanya na siya ay walang kakayahan sa mga mata ng hari at ng kanyang mga nasasakupan, dala ng kapootan para sa hari mismo, sapagkat kung ang pagmamahal na binibigay sa anak ay ang pagmamahal din na binibigay sa ama, gayon din naman ang kapootan para sa anak ay kapootan din para sa ama. Kung kaya't ang kasalanan ng mga nagbigay ng masamang payo, na lubos na nalalaman nila na nagbibigay sila ng masamang payo, ay isang kasalanan ng kapootan bilang karagdagan sa isang kasalanan ng pagsisinungaling, isang kasalanan ng sadyang kapootan, at ang kasalanan ng mga kumuha sa payo iniisip na iyon ay mabuti, ay isang kasalanan lamang ng katangahan.

Ngunit alam-na-alam ninyo na tanging siya lamang na matalino ang may pananagutan para sa kanyang mga aksiyon, samantalang siya na gawa ng sakit o ng iba pang mga rason ay tanga, ay hindi personal na may pananagutan, bagkus ang kanyang mga kamag-anak ang mananagot sa kanyang lugar. Iyan kung bakit habang ang isang bata ay wala pa sa edad, siya ay tinitingnan na iresponsable, at ang kanyang ama ang nananagot para sa mga aksiyon ng kanyang anak. Kung kaya't ang hari, na mabuti, ay mahigpit sa matalinong masasamang tagapayo, ngunit siya ay mabait sa mga naloko nila, at pinagalitan lamang niya sila para sa kanilang paniniwala sa ganito o sa ganoong paksa bago tanungin muna mismo ang anak ng hari, upang matuto mula sa kanya kung ano talaga ang dapat na gawin. Sapagkat tanging ang anak ng ama lamang ang talagang nakakaalam sa kalooban ng kanyang ama.

Iyan ang parabula, o sambayanan ng Shiloh, ng Shiloh kung saan maka-ilang beses sa paglakad ng mga panahon iba't ibang payo ang binigay ng Diyos, ng mga tao o ni Satanas, at ang payong iyon ay namunga ng mabuti kung ito ay kinuha bilang payo para sa mabuting pakay o kung ito ay tinanggihan ng mga tao na ang tingin dito ay magdadala sa kasamaan, at ito ay namunga ng masamâ kung ito ay hindi tinanggap noong ito ay banal o ito ay kinuha noong ito ay masamâ.

Sa dahilan na ang tao ay may kanyang magandang malayang kalooban at malaya siyang makapamimilì sa pagitan ng mabuti at masama, at mayroon pa siyang isang magandang regalo ng isang katalinuhan na magagawa siyang makilala niya ang tama sa mali, kung kaya't ang gantimpala o kaparusahan ay maaaring dumating hindi dahil sa ito ay gawa mismo ng kapirasong payo, katulad na ito ay gawa bagkus ng pamamaraan kung papaano kinuha ang payo. Sapagkat kung walang sinuman ang makapagpipigil sa masasamang tao na tuksuhin ang kanilang kapwa upang sirain sila, walang makapagpipigil sa mabubuting tao na tanggihan ang panunukso at manatili silang tapat sa kabutihan. Ang parehong kapirasong payo ay maaaring makapanira sa sampung tao, at makapagbigay pakinabang sa sampung iba pa. Sapagkat kung siya na sumusunod dito ay sinasaktan ang sarili, siya na hindi sumusunod dito ay gumagawa ng mabuti sa kanyang kaluluwa.

Kung kaya't walang sinuman ang makapagsasabi: “Kami ay sinabihan na gawin iyon”. Bagkus ang lahat ay kailangan na sinsirong magsabi: “Ginusto kong gawin iyon”. Kung gayon tatanggapin man lamang ninyo ang kapatawaran na binibigay sa sinsirong mga tao. At kung kayo ay nagdududa tungkol sa kabutihan ng payong binigay sa inyo, magnilay bago kunin at isabuhay ito. Magnilay pinakikiusapan ang Kataastaasan Na hindi kailanman nagkakait sa mga espiritu ng mabuting kalooban ng Kanyang liwanag. At kung ang inyong konsiyensya, napaliwanagan ng Diyos, ay nakakakita lamang ang isang munting di-maaninag na tuldok, ngunit tuldok na hindi maaaring mapunta sa isang gawa ng katarungan, diyan magsabi: “Hindi ko gagawin iyan sapagkat iyan ay isang di-purong katarungan”.

O! sasabihin Ko sa inyong totoo na siya na ginagamit niya nang mabuti ang kanyang katalinuhan at ang kanyang malayang kalooban at nananawagan sa Panginoon upang makita ang katotohanan sa mga bagay-bagay, ay hindi masisira ng panunukso, sapagkat ang Amang nasa Langit ay tutulungan siyang magawa niya ang mabuti sa kabila ng lahat ng mga patibong ng mundo at ni Satanas.

Alalahanin ninyo si Anna ni Elkanah at ang mga anak ni Eli. Ang maningning na anghel ng una ay pinayuhan si Anna na gumawa ng panata sa Panginoon kung gawin siya Niyang manganak. Si Eli, ang pari, ay pinayuhan ang kanyang mga anak na bumalik sa isang pamumuhay na makatarungan, at huwag na muling magkasala pa laban sa Panginoon. Subalit sa kabila nito, bagama't mas madali para sa tao, dahil sa kanyang pagka-mabigat, na maintindihan ang tinig ng isa pang tao kaysa ang espirituwal – ngunit hindi madadama ng pisikal na mga pandama – na talumpati ng anghel ng Panginoon na nagsasalita sa espiritu, si Anna ni Elkanah ay kinuha ang payo, sapagkat siya ay mabuti at matuwid sa mga mata ng Diyos, at siya ay nanganak ng isang propeta, samantalang ang mga anak ni Eli, sa dahilan na sila ay masamâ at malayo sa Diyos, ay hindi kinuha ang payo ng kanilang ama at pinarusahan ng Diyos ng isang malupit na kamatayan.

Ang payo ay may dalawang kahalagahan: ang kahalagahan ng pinanggalingan mula kung saan ito nagsimula, at ito ay laging malaki sapagkat ito ay baka may di-masusukat na mga kahahantungan, at ang kahalagahan ng puso sa kung saan ito binibigay. Ang kahalagahan na binibigay dito ng puso kung saan ito minumungkahi ay hindi lamang di-masusukat, bagkus di rin mababago. Sapagkat kung ang isang puso ay mabuti at sumusunod sa isang mabuting kapirasong payo, binibigyan nito ang payo na iyon ng halaga ng isang makatarungan na gawain, at kung hindi nito ito sinusunod, pinagkakaitan nito ito ng ikalawang bahagi ng kahalagahan nito, sa dahilan na nananatili ito na isang kapirasong payo lamang, ngunit hindi isang gawain, ibig sabihin, ito ay isang merito lamang para sa nagpapayo. At kung ito ay isang masamang kapirasong payo at tinanggihan ng isang mabuting puso, na tinukso nang walang nangyari sa pamamagitan ng mga papuri o pananakot na isabuhay ito, kinakamit nito ang kahalagahan ng pananagumpay sa Kasamaan at ang pagkamartir para sa katapatan sa Kabutihan, at kung gayon naghahanda ito ng malaking kayamanan sa Kaharian ng Langit.

Kung kaya't kung ang inyong mga puso ay tinutukso ng ibang mga tao, pagnilayan, ginagabayan ng liwanag ng Diyos, kung ito ay isang mabuting salita, at kung sa tulong ng Diyos, Na nagpapahintulot sa mga panunukso ngunit ayaw ang inyong kasiraan, nakita ninyo na iyon ay hindi isang mabuting bagay, magkaroon ng katapangan na sabihin sa inyong mga sarili at sa mga nanunukso sa inyo: “Hindi. Mananatili akong tapat sa aking Panginoon at harinawang ang aking katapatan ay mapatawad ako sa aking nakaraang mga kasalanan at gawin akong makapasok sa mga geyt ng Kaharian at hindi maiwanan sa labas, malapit sa mga ito, sapagkat ang Kataastaasan ay pinadala Niya ang Kanyang Anak para sa akin din, upang madala Ako sa eternal na kaligtasan”.

Humayo. Kung may sinuman na nangangailangan sa Akin, alam ninyo kung saan Ako nagpapahinga sa gabi. Harinawang ang Panginoon ay paliwanagan kayo.»

130512

 


Sunod na kabanata