568. Sa Lebonah. Ikalawang Parabula Tungkol sa Payo.

Pebrero 28, 1947.

Papasukin na nila ang Lebonah, isang bayan na sa aking palagay ay hindi napaka importante o maganda, ngunit sa kabilang dako ay abalang-abala dahil maraming mga karabana na papunta sa Herusalem para sa Paskuwa mula Galilee, Ituraea, Gaulanitis, Trachonitis, Hauran at Decapolis. Sasabihan ko na ang Lebonah ay isang daanan para sa mga karabana, o kung baga isang panagpuan ng mga gayong daanan nanggagaling sa mga rehiyon na iyon, mula sa Mediterraneo hanggang sa mga bundok sa silanganing tabi ng Palestina, at mula sa hilaga nito, at na sila ay nagsasama-sama rito sa pangunahing daan na magdadala sa mga peregrino sa Herusalem. Ang mga tao ay maaaring mas gusto ang daan na ito sapagkat ang mga Romano ay may mga garison dito at dahil dito pakiramdam nila sila ay mas ligtas mula sa panganib ng di-kanais-nais na mga pagkakasalubong sa mga mandarambong sa daan. Iyan ang aking naiisip. Ngunit baka ito ay mas ginugusto para sa ibang mga rason, dahil sa mga pang-kasaysayan o panrelihiyon na mga alaala, hindi ko alam.

Sa dahilan na ito ang tamang oras – tinitingnan ang araw sasabihin ko na ngayon ay mga alas otso ng umaga – ang mga karabana ay malapit nang umalis sa gitna ng isang malaking kaguluhan ng mga boses, mga sigaw, pag-ingay ng mga hayop, mga kampanilya ng guwarnasyon, mga gulong. Ang mga babae ay tinatawagan ang kanilang mga anak, ang mga lalaki pinakikilos ang kanilang mga hayop, ang mga nagtitinda nag-aalok ng kanilang mga paninda, ang mga Samaritano nakikipagtawaran ng presyo sa mga... hindi masyadong istriktong mga Hudyo, ibig sabihin, ang mga nanggaling sa Decapolis at sa iba pang mga rehiyon, dahil sila ay hindi masyadong walang-pasyensiya, bilang mas nakakahalo ang mga paganong elemento, at kung ang isang kaawa-awang sawing-palad na nagtitinda mula sa Samaria ay malapitan ang isang kampeon ng Hudaismo inaalok ang kanyang mga paninda, siya ay pinaaalis nang may-panunuya at halos inaabuso. Labis silang sumisigaw ng anathema na tila sila ay nilapitan ng dimonyo mismo... nakagagawa ng mainit na reaksiyon mula sa sinaktan na mga Samaritano. At magkakaroon ng dati nang pagbubuno kung ang mga sundalong Romano ay hindi nagbabantay nang mabuti.

Si Jesus ay nagpapatuloy sa paglalakad sa loob ng labis na kalituhan. Ang mga apostol ay nasa paligid Niya, ang mga babaeng disipulo ay sinusundan sila, at sa likuran, ay ang taláy ng mga tao mula sa Ephraim, na ang kaninong bilang ay nadagdagan ng maraming mga tao mula sa Shiloh.

Ang isang bulung-bulungan ay nauuna sa Guro. Ito ay kumakalat mula sa mga nakakakita sa Kanya patungo sa mga nasa mas malayu-layo at hindi pa makakita sa Kanya. Isa pang bulung-bulungan, na mas malakas, ang sumusunod sa Kanya. At marami ang pinatitigil ang kanilang pag-alis upang tingnan kung ano ang nangyayari.

Sila ay nagtatanong sa isa’t isa: «Ano? Siya ba ay palayo nang palayo sa Judaea? Ano? Siya ba ay nagtuturo na sa Samaria ngayon?»

Ang isang tinig ay nagsasabi sa isang tipikong umaawit na tunog ng mga Galilean: «Ang mga banal ay pinalayas Siya, at Siya ay patungo sa mga hindi banal, upang pabanalin sila, upang ipahiya ang mga Judaean.»

Ang isang tugon na mas maasim pa kaysa sa asidong lason ay narinig: «Nakatagpo Siya ng Kanyang pugad at mga nakaiintindi sa Kanyang salita ng isang dimonyo.»

Isa pang tinig ang sumigaw: «Manahimik, kayong mga mamamatay-tao ng Makatarungang Isa! Ang pang-uusig na ito ninyo ay mamarkahan kayo ng pinaka masamang pangalan sa napakatagal na panahon. Kayo ay tatlong beses na mas bulok kaysa sa amin mula sa Decapolis.»

Ang isa pang tinig ng isang matandang lalaki ang bumulalas: «Napaka makatarungan Niya na Siya ay tumatakas mula sa Templo para sa Kapistahan ng mga Kapistahan. Ha! Ha! Ha!»

Ang isang lalaki mula sa Ephraim, namumula sa galit, ay nagsabi: «Iyan ay hindi totoo, ikaw na matandang ahas! Siya ay patungo na ngayon sa Kanyang Paskuwa.»

Ang isang balbasin na eskriba ay nagwika nang mapanghamak: «Daan ng Gerizim.»

«Hindi. Daan ng Moriah. Siya ay parating upang pagpalain kami, sapagkat Siya ay pag-ibig, pagkatapos Siya ay tataas sa inyong kapootan, kayong isinumpang mga tao!»

«Manahimik, Samaritano!»

«Ikaw ang manahimik, dimonyo!»

«Ang mga nang-uudyok ng rebelyon ay ipakukulong. Iyan ang utos ni Poncio Pilato. Itanim iyan sa isip. Maghiwa-hiwalay na ngayon» utos ng isang mababa-ang-ranggong Romanong sundalo ginagawa ang kanyang mga tauhan na paghiwalayin ang mga malapit nang magkaharap sa isa sa mga panrehiyon at panrelihiyon na mga awayan, na laging nakahandang mangyari sa Palestina sa mga araw ng Kristo.

Ang pulutong ay naghiwa-hiwalay. Ngunit wala nang umaalis pa. Ang mga asno ay ibinabalik na sa mga establero o dinadala kung saan si Jesus patungo. Ang mga babae at mga bata ay bumababa sa kanilang sinasakyan at sinusundan ang mga asawa o mga ama, o nananatili sila sa nagdadaldalan na mga grupo, kung ang pagpapatawa ng kanilang mga asawa o mga ama ay ito ang inuutos «na sana hindi nila marinig na nagsasalita ang dimonyo.» Ngunit ang mapagkaibigan o kaaway o simpleng usyosong mga tao ay nagmamadali patungo sa lugar kung saan si Jesus pumunta. At habang tumatakbo sila ay nagkakatinginan nang masama o lumalakas ang kanilang loob dahil sa di-inaasahang katuwaan, o sila ay nagtatanong, ayon sa kung sila ay mga kaibigan kasama ang mga kaaway, o mga kaibigan kasama ang mga kaibigan o kasama ang mausyosong mga tao.

Si Jesus ay tumigil sa loob ng isang liwasan malapit sa di-maiiwasan na pontanya sa loob ng lilim ng mga punungkahoy. Siya ay naroroon, nakasandal sa basang pader ng pontanya na dito ay natatakpan ng isang maliit na balkonahe na bukas ang isang tabi lamang. Baka ito ay mas isang bubon kaysa isang pontanya. Ito ay katulad ng bubon sa En Rogel.

Siya ay nagsasalita sa isang babae na pinakikita sa Kanya ang maliit na bata na karga niya. nakikita ko si Jesus na tumatango sa pagsang-ayon at pinapatong ang Kanyang kamay sa ulo ng bata. At kaagad pagkatapos nakikita ko ang ina na tinataas ang kanyang anak at sumisigaw: «Malachi, Malachi! Nasaan ka? Ang ating anak ay hindi na depormado» at ang babae ay pinapakatal ang kanyang hosana na sinasamahan ng mga sigaw ng pulutong, habang ang isang lalaki ay ginagawa niyang siya ay makapasok upang ipagpatirapa ang kanyang sarili sa harapan ng Panginoon.

Ang mga tao ay gumagawa ng kanilang mga komentaryo. Ang mga babae, karamihan mga ina, ay binabati ang babae na tumanggap ng grasya. Ang mga nasa malayo ay pinahahaba ang kanilang mga leeg at nagtatanong: «Ano ang nangyari?», pagkatapos na sumigaw ng hosana, upang samahan ang mga nakaaalam kung ano ang nangyari.

«Ang isang kubang bata, kubang-kuba na nakakatayo lamang siya sa kanyang mga paa nang may kahirapan. Ganito lamang siya kataas, sinasabi ko sa inyo, ganyan lamang, baluktot na baluktot siya. Nagmumukha siyang isang bata na tatlong taong gulang, ngunit siya ay pitong taong gulang. Tingnan ninyo siya ngayon! Kasing taas niya ang lahat, kasing tuwid ng isang puno ng palmera at masigla. Tingnan ninyo siya sa banda roon kung papaano niya inaakyat ang maliit na pader ng pontanya upang makita siya at makakita. At kung gaano siya kasayang tumatawa!»

Ang isang Galilean ay hinarap ang isang lalaki, na, kung titingnan ang malalaking palawit sa kanyang sinturon sa palagay ko hindi ako magkakamali na sabihin na siya ay isang rabbi, at tinanong siya: «Ehi? Ano ang masasabi mo? Iyon ba ay gawa din ng dimonyo? Talaga, kung ginawa iyon ng dimonyo, inaalis ang mga kasawiang-palad upang magawa ang mga tao na masaya at magpuri sa Diyos, hindi ba natin kailangang sabihin na siya ay pinakamagaling na lingkod ng Diyos!»

«Tagapaglapastangan, manahimik!»

«Hindi ako naglalapastangan, rabbi. Nagkukumento ako tungkol sa aking nakikita. Bakit ang inyong kabanalan ay walang naibibigay sa amin bagkus mga pampabigat, kasawiang-palad, ginagawa kaming magsalita ng pag-aabuso, at pagdudahan ang Kataastaasan, samantalang ang mga gawa ng Rabbi ng Nazareth ay nagbibigay sa amin ng kapayapaan at ng katiyakan na ang Diyos ay mabuti?»

Ang rabbi ay hindi tumutugon, siya ay tumatabi at pumunta upang magsalita sa isang mababang tinig sa ibang mga kaibigan niya. At ang isa sa kanila ay iniwan ang grupo, naniniko upang makaraan papunta sa harapan ni Jesus, Na kanyang tinatanong, nang hindi muna bumabati sa Kanya: «Ano ang sinasadya Ninyong gawin?»

«Balak Kong magsalita sa mga humihingi ng Aking salita» tugon ni Jesus tinititigan ang kanyang mga mata, nang walang pagkasuklam, ngunit nang wala rin takot.

«Hindi Kayo pinahihintulutan. Ang Sanhedrin ay pinagbabawal Kayo.»

«Iyan ang kalooban ng Kataastaasan, kung Kaninong lingkod ang Sanhedrin ay kailangan na maging.»

«Kayo ay naisumpa na, alam Ninyo. Manahimik o...»

«Ang Salita ay Aking pangalan. At ang Salita ay nagsasalita.»

«Sa mga Samaritano. Kung totoo na Kayo ay ang sinasabi Ninyo na Kayo, hindi Ninyo ibibigay ang Inyong salita sa mga Samaritano.»

«Naibigay Ko na ito at ibibigay ito sa mga Galilean, sa mga Judaean, sa mga Samaritano, sapagkat walang pagkakaiba-iba sa mga mata ni Jesus.»

«Subukan na ibigay iyan sa Judaea, kung may lakas Kayo ng loob!...»

«Sinasabi Ko sa iyong totoo na gagawin Ko. Maghintay para sa Akin. Hindi ba’t ikaw ay si Eleazar ben Parta? Hindi ba? Kung gayon tiyak na makikita mo si Gamaliel bago Ko pa siya makita. Sabihin sa kanya, sa ngalan Ko, na ibibigay Ko rin sa kanya, pagkaraan ng dalawampu’t isang taon, ang tugon na kanyang hinihintay. Naintindihan mo ba? Tandaan ito nang mabuti: pagkaraan ng dalawampu’t isang taon ibibigay Ko rin sa kanya ang tugon na kanyang hinihintay. Paalam.»

«Saan? Saan Ninyo gustong magsalita, saan Ninyo gustong tumugon sa dakilang si Gamaliel? Siya ay tiyak na nakaalis na sa Gamala sa Judaea upang pumunta sa Herusalem. Ngunit kahit na kung siya ay nasa Gamala pa hindi Kayo makapagsasalita sa kanya.»

«Saan? At saan ba ang mga eskriba at mga rabbi ng Israel nagkikita-kita?»

«Sa Templo? Kayo, sa Templo? At maglalakas-loob Kayo? Ngunit hindi ba Ninyo nalalaman...»

«Na kinapopootan ninyo Ako? Alam Ko. Sapat na para sa Akin na hindi kapootan ng Aking Ama. Bago magtagal ang Templo ay manginginig dahil sa Aking mga salita.» At nang hindi na pinapansin pa ang Kanyang kausap ibinuka Niya ang Kanyang mga kamay upang tumawag ng katahimikan sa mga tao na mga nababalisa at nahahati sa magkakasalungat na buyo ng mga damdamin at sumisigaw sa mga taga-istorbo.

Nagkaroon pagkaraan ng katahimikan at sa katahimikan si Jesus ay nagsalita:

«Sa Shiloh Ako ay nagsalita tungkol sa masasamang tagapayo at kung gaanong kabutihan o kasamaan ang nagagawa ng isang piraso ng payo. Akin ngayon minumungkahi ang parabulang ito hindi lamang sa inyo, sambayanan ng Lebonah, bagkus sa lahat na mga tao ng Palestina. Tatawagin natin itong: “Ang parabula ng masamang napagpayuhan”.

Makinig. Minsan ay may isang napakalaking pamilya, napakalaki nito na mapoporma ang isang tribu. Napakaraming mga anak ang nag-asawa pinoporma, sa paligid ng unang pamilya, ang mas marami pang mga pamilya na mayaman sa mga anak, na mga nag-asawa rin at naporma ang mas marami pang mga pamilya. Upang ang matandang ama ay nakita ang kanyang sarili, sa isang pananalita, na nasa ulo ng isang maliit na kaharian, na siya ang hari. Katulad ng kung ano ang laging nangyayari sa mga pamilya, sa pagitan ng mga anak at ng mga anak ng mga anak, ay may iba't ibang mga karakter: ang ilan ay mabuti at makatarungan, ang ilan ay mapaghari-harian at di-makatarungan. Ang ilan ay kontento na sa kanilang mga sitwasyon at ang ilan ay mainggitin, dahil sa akala nila ang kanilang parte ay mas imperyor sa parte ng kanilang mga kapatid o mga kamag-anak. At malapit sa pinaka masasama ay may isang pinaka mabuti. At natural na ang pinaka mabuti ay kailangan na siyang ang magiliw na pinakamamahal ng ama sa lahat ng malaking pamilyang iyon. At, katulad na ito lagi ang nangyayari, ang masamang isa at ang mga mas nakakatulad niya, ay kinapopootan ang mabuting isa sapagkat siya ang pinakamamahal, hindi iniisip na sila ay maaari ding mahalin, kung sila lamang ay naging kasing buti niya. At ang mabuting anak, kung kanino ipinagtatapat ng ama ang kanyang mga naiisip upang sana maulit niya ang mga ito sa lahat, ay sinundan ng iba pang mabubuting anak. Upang pagkaraan ng mga taon at mga taon pa, ang malaking pamilya ay nahati sa tatlong bahagi. Ang bahagi ng mabubuting miyembro ng pamilya at ang bahagi ng masasamang miyembro. At sa pagitan ng dalawa ay naroon ang pangatlong bahagi, naporma ng di-nakatitiyak na mga miyembro, na mga naatrak ng mabuting anak at natatakot ng masamang anak at ng kanyang partido. Ang pangatlong bahagi ay nakikisama sa dalawang bahagi at hindi makapagpasya nang disidido sa isip nito pabor sa isa o doon sa isa.

Pagkatapos ang matandang ama, nakikita ang gayong kawalang-katiyakan, ay nagsabi sa kanyang pinakamamahal na anak: “Magpahanggang ngayon ginamit mo ang iyong salita nang sadya para sa mga nagmamahal dito at para sa mga hindi nagmamahal dito, sapagkat ang una ay hiningi sa iyo ito, upang sana mamahal pa nila ako nang lalu’t lalo pa ayon sa katarungan, at ang huli ay mga tanga na nangangailangan na maibalik sa katarungan. Ngunit nakikita mo na ang mga tangang iyon ay hindi lamang na hindi nila tinatanggap ang iyong salita, at sila ay nananatiling kung ano dati sila, bagkus sa kanilang unang di-makatarungan na aktitud sa iyo, ang mensahero ng aking mga kahilingan, dinagdag nila ang kawalang-katarungan ng pagpapahamak, sa pamamagitan ng masamang payo, sa mga hindi pa talaga pumapayag na sundan ang mas mabuting daan. Kung kaya't pumunta sa kanila at ipaliwanag sa kanila kung ano ako, kung ano ikaw, at kung ano ang kailangan nilang gawin upang mapasaiyo at mapasaakin”.

Ang anak, na laging masunurin, ay lumakad ayon sa kagustuhan ng kanyang ama, at nakakuha siya ng ilang mga puso araw-araw. Kung kaya't nakita ng ama nang maliwanag kung sino ang kanyang mga mapagrebeldeng mga anak, at tinitingnan niya sila nang mahigpit ngunit nang hindi sila kinagagalitan, sapagkat siya ay kanilang ama at gusto niyang maatrak niya sila sa kanyang sarili nang may tiyaga, pagmamahal at may halimbawa ng mabubuting mga anak.

Ngunit nang malaman ng masasama na sila ay lubos na nag-iisa sinabi nila: “Ngayon ay kitang-kita na na tayo ang mga rebelde. Dati napagkakamalan nila tayo na siyang hindi mabuti o hindi masama. Tingnan ninyo sila ngayon sa banda roon! Sinusundan nilang lahat ang pinakamamahal na anak. Kailangan na kumilos tayo at sirain natin ang kanyang gawa. Lumakad na tayo, nagkukunwari na ibig nating magbago, sa mga kakukumberti pa lamang at sa pinakasimpleng mga kaluluwa sa pagitan ng mga pinakamagagaling at ikalat natin ang sabi-sabi na ang pinakamamahal na anak ay nagkukunwari na gusto niyang paglingkuran ang ama, ngunit sa katotohanan kumakalap siya ng mga tagasuporta upang magrebelde laban sa kanya; o masasabi rin natin na ang ama ay gustong mawala ang kanyang anak at ang mga sumusunod sa kanya, sapagkat sila ay nagiging napakalakas at natatalo ang kaluwalhatian ng amang-hari, at dahil diyan, upang maipagsanggalang ang pinakamamahal na pinagtaksilan na anak, kinakailangan na mapanatili siyang nasa atin, malayo sa paternal na bahay kung saan ang pagtataksil ay naghihintay sa kanya”.

At sila ay lumakad at sila’y napaka tusong may katalisikan sa pagmumungkahi ng payo at sa pagpapakalat ng mga bulung-bulungan, na marami ang nahulog sa bitag, lalo na ang bago pa lamang na nakumberti, kung kanino ang masasamang tagapayo ay ibinigay nila ang sumusunod na kapirasong payo: “Nalalaman ba ninyo kung gaano niya kayo minamahal? Mas gusto niyang nandito siya na kasama ninyo kaysa kasama niya ang kanyang ama, o kasama man lamang ang kanyang mabubuting kapatid. Naging napakagaling niya na sa paningin ng lahat ng mundo naibangon niya kayo mula sa inyong kasalatan ng mga tao na hindi alam kung ano ang gusto nila at kung gayon pinagtatawanan ng lahat. Dahil sa kanyang pagiging walang-kinikilingan para sa inyo, katungkulan ninyo na ipagsanggalang siya, at panatilihin siya sa inyong mga bukid, kahit na puwersahan, kung ang inyong mga salita ay hindi sapat na makumbinsi siya. O umalsa, pinoproklama siya na inyong lider at hari, at magmartsa laban sa napaka-di-makatarungan na ama at sa kanyang mga anak na mga kasing napaka-di-makatarungan katulad niya”. At kung may nag-aalinlangan at nagsasabing: “Ngunit gusto niya, gusto niyang sumama kami sa kanya upang parangalan ang ating ama at nakakuha siya ng pagpapalà at kapatawaran para sa amin”, tumutugon sila sa kanila: “Huwag paniwalaan iyan! Hindi lahat na sinabi niya sa inyo ay totoo, ni ang ama ay hindi pinakita sa inyo ang lahat na katotohanan. Ganyan ang inasal niya sapagkat nakita niya na ang kanyang ama ay pagtataksilan na siya at gusto niyang masubukan ang inyong mga puso upang malaman kung saan siya makakakita ng proteksiyon at pagtataguan. Ngunit baka... napakabuti niya! baka magsisisi siya sa pagduda sa kanyang ama at baka gusto niyang bumalik sa kanya. Huwag ninyong pabayaan na gawin niya iyan”. At marami ang nangako: “Hindi namin siya pahihintulutan” at sila ay puno ng pananabik pinaplano kung ano ang gagawin upang mapigilan ang pinakamamahal na anak, nang hindi napupuna na habang ang masasamang mga tagapayo ay nagsasabing: “Tutulungan namin kayo upang mailigtas ang pinagpalang tao”, ang kanilang mga mata ay nagniningning sa kasinungalingan at kalupitan, at na sila ay nagkikindatan sa isa’t isa kinukuskos ang kanilang mga kamay at bumubulong: “Sila ay pumapasok sa bitag! Mananalo tayo!” sa tuwing may isang sumasang-ayon sa kanilang tusong mga salita.

Pagkatapos ang masasamang mga tagapayo ay umalis. Umalis sila na ikinakalat ang bulung-bulungan sa iba pang mga lugar na ang pagtataksil ng pinakamamahal na anak ay malapit nang mabulgar, dahil iniwan niya ang lupain ng kanyang ama upang magtatag ng isang kaharian laban sa kanyang ama, sa tulong ng mga napopoot sa ama o na ang kaninong mga pagmamahal ay walang katiyakan man lamang. Pansamantala ang mga naimpluwensiyahan ng masasamang mga tagapayo ay nagtutulungan na maudyukan ang mahal na anak na magrebelde laban sa kanyang ama, isang kasalanan na maka-iiskandalo sa mundo. Tanging ang mga pinaka marurunong lamang sa kanila, ang mga tao kung kanino ang salita ng makatarungan na anak ay nakapasok nang husto at nagkaugat sapagkat bumagsak ito sa lupa na nananabik na makatanggap nito, ang nagsalita pagkatapos ng pagnilay-nilay: “Hindi. Hindi tama na gawin iyan. Iyan ay isang masamang hakbang laban sa ama, laban sa anak at sa atin. Nalalaman natin ang katarungan at karunungan nilang dalawa. Nalalaman natin ito bagama't sa kasawiang-palad lagi natin itong hindi nasusunod. At hindi natin dapat isipin na ang payo ng mga laging lantaran na lumalaban sa ama at sa hustisya, at laban din sa pinakamamahal na anak, ay maaaring mas makatarungan pa kaysa sa payo na binigay sa atin ng pinagpalang anak”. At hindi nila sila sinunod. Sa kabaligtaran, nang may pagmamahal at kapighatian, hinayaan nila ang anak na pumunta kung saan niya kailangan na pumunta, at kanila lamang siyang sinasamahan nang may pagpapakita ng damdamin hanggang sa layo ng mga hangganan ng kanilang mga bukid, at sa kanilang pagpapaalam sa kanya sinabi nila sa kanya bilang isang pangako: “Humayo. Kami ay mananatili rito. Ngunit ang iyong mga salita ay nasa loob ng aming mga puso at mula ngayon gagawin namin kung ano ang gusto ng ama. Humayo at huwag mag-alala. Kami ay iyong ibinangon para sa mabuti mula sa kinalalagyan kung saan mo kami natagpuan. Ngayon na kami ay nasa mabuting landas na kami ay aabante rito hanggang makarating kami sa bahay ng ating ama upang kami ay sana kanyang pagpalain”. Sa kabaligtaran ang iba ay sumang-ayon sa masamang payo at sila ay nagkasala binubuyo ang pinakamamahal na anak na magkasala at sinasabihan siya na siya ay nagiging tanga sapagkat matigas ang kanyang ulo na gawin ang kanyang katungkulan.

Ngayon tinatanong Ko kayo: “Bakit ang gayon din na kapirasong payo ay nagkaroon ng magkakaibang epekto?” Sasabihin Ko sa inyo katulad ng Aking sinabi sa mga taga-Shiloh. Sapagkat ang payo ay nagkakaroon ng halaga o nagiging walang-magawa ayon sa kung papaano ito kinuha o tinanggihan. Ang tao ay tinutuksong walang-mangyari ng masamang payo. Kung ayaw niyang magkasala, hindi siya magkakasala.. At siya ay hindi parurusahan para sa kanyang pangangailangan na makinig sa mga pahiwatig ng masasamang tao. Siya ay hindi parurusahan sapagkat ang Diyos ay makatarungan at hindi Siya nagpaparusa sa sinuman para sa mga kasalanan na hindi nagawa. Parurusahan lamang siya kung, pagkatapos na kinailangan niyang pakinggan ang Kasamaan na nanunukso sa kanya, isinabuhay niya ito, nang hindi ginagamit ang kanyang katalinuhan upang pagnilayan ang kalikasan at pinanggalingan ng payo. Ni hindi niya masasabi bilang dahilan: “Akala ko iyon ay isang mabuting kapirasong payo”. Ang kaaya-aya sa Diyos ay kabutihan. Aaprobahan ba ng Diyos at kasisiyahan ba Niya ang pagsuway o ang nagbubunsod ng pagsuway? Pagpapalain ba ng Diyos kung ano ang malaking kaibhan sa Kanyang Batas, ibig sabihin, sa Kanyang Salita? Sasabihin Ko sa inyong totoo na hindi Niya ito pagpapalain. At Akin ding sinasabi sa inyo nang totoo na kailangang mas gustuhin pa ng isa ang mamatay kaysa ang labagin ang dibinong Batas.

Sa Shechem magsasalita ulit Ako sa inyo upang gawin kayong marunong sa paggusto o hindi na kunin ang payo na binibigay sa inyo. Makakalakad na kayo.»

Ang mga tao ay umaalis gumawa ng kanilang mga komentaryo,

«Napakinggan ba ninyo iyon? Alam Niya kung ano ang sinabi nila sa atin! At Kanyang hinihimok tayo na gustuhin kung ano ang makatarungan» sabi ng isang Samaritano.

«Oo. At napuna ba ninyo kung gaano kabalisa ang mga Judaean at ang mga eskriba na naroroon?»

«Oo. Ni hindi na sila nakapaghintay na makaalis bago matapos .»

«Makamandag na mga ahas! Ngunit...sinabi Niya kung ano ang gusto Niyang gawin. Siya ay nagkakamali. Baka makagawa Siya ng problema para sa Kanyang Sarili. Ang mga taong galing sa Mount Ebal at sa Mount Gerizim ay totoong nasisiyahan!...»

«Ako... hindi ko kailanman binola ang aking sarili. Ang Rabbi ay ang Rabbi. At ang ibig sabihin nito ay lahat. Posible ba sa Rabbi na magkasala sa hindi pagpunta sa Templo ng Herusalem?»

«Siya ay ipapapatay. Makikita ninyo!... At iyan ang magiging katapusan!...»

«Para kanino? Para sa Kanya? Para sa atin? O... para sa mga Judaean?»

«Para sa Kanya. Kung Siya ay mamatay!»

«Tanga ka, lalaki. Ako ay nanggaling sa Ephraim. Kilalang-kilala ko Siya. namuhay akong malapit sa Kanya sa loob ng buong dalawang buwan, mas matagal pa nga. Lagi Siyang nagsasalita sa amin. Ito ay magiging malungkot... Ngunit hindi katapusan. Ni hindi para sa Kanya, o para sa atin. Ang Santo ng mga santo ay hindi maaaring mamatay, hindi maaaring matapos. Ni hindi iyan maaaring ang katapusan para sa atin. Ako... ay mangmang, ngunit nararamdaman ko na ang Kaharian ay darating kapag naisip ng mga Judaean na tapos na ang lahat... At ito ay magiging ganap na tapos na para sa kanila...»

«Sa palagay mo ba ang mga disipulo ay ipaghihiganti ang Guro? Isang rebelyon? Isang masaker? At ang mga Romano?...»

«O! Walang pangangailangan ng mga disipulo, ng paghihiganti ng mga tao, ng mga masaker. Ang Kataastaasan ang tatalo sa kanila. Siya ay pinarusahan tayo, sa loob ng napakatagal na panahon, at para sa mas kulang pang dahilan! Sa palagay ba ninyo hindi Niya sila parurusahan para sa kanilang kasalanan ng pagpapahirap sa Kanyang Kristo?»

«Ang makita silang natalo! Ah!»

«Ang inyong mga puso ay hindi katulad ng gustong makita ng Guro. Nagdarasal Siya para sa Kanyang mga kaaway...»

«Ako... ay susunod sa Kanya bukas. Gusto kong marinig ang Kanyang sasabihin sa Shechem.»

«Ako rin.»

«At ako rin...»

Marami sa mga tao ng Lebonah ang gayon din ang naiisip at nakikipagkaibigan sa mga taga Ephraim at Shiloh lumakad sila upang gumawa ng mga paghahanda para sa kanilang pag-alis sa susunod na umaga.

140412


Sunod na kabanata