569. Pagdating sa Shechem.

Marso 1, 1947.

Naririto ang Shechem, maganda at marangya, nagsisiksikan sa mga tao ng Samaria patungo sa Samaritanong templo, at may mga peregrinong mula sa lahat na mga rehiyon patungo sa Templo sa Herusalem. Ang bayan ay punung-puno ng sinag ng araw, nakalatag sa silanganing mga dalisdis ng Mount Gerizim, na nangingibabaw dito mula sa kanluraning tabi nito at lahat berde katulad na ang bayan ay lahat puti. Sa hilagang-silanganin ang Mount Ebal, na ang hitsura nito ay mas mabangis pa nga, ay tila pinoprotektahan nito ito laban sa hilagaing mga hangin. Ang katabaan ng lupa, mayaman sa mga tubig na bumababa mula sa naipong-tubig sa bundok at pinoporma ang dalawang magandang maliliit na ilog, tinutustusan ng maraming  mga sapâ, at dumadaloy patungo sa Jordan, ay maganda at umaapaw sa mga pader ng mga hardin at sa mga halamang-bakod ng mga pangkusinang-hardin. Ang bawat bahay ay may bihis ng kaberdehan, ng mga bulaklak, ng mga sanga kung saan ang munting mga bunga ay nagtatabáan. Tinitingnan ang kapaligiran ng bayan, na malinaw na kitang-kita dahil sa kaayusan ng lupa, ang isa ay walang ibang makikita bagkus ang kaberdehan ng mga punong-olibo, ng mga ubasan, ng mga lootan at ang ginintuang kulay ng mga bukid kung saan araw-araw ang luntian na manilaw-nilaw na kulay ng hilaw-pang mga butil ay nagbabagong-nagbabago pa sa pagiging maselan na kadilawan ng dayami, ng hinog na tainga ng mga butil, na pinahahapay at nililipad ng araw at ng mga hangin, ginagawa silang magmukhang halos katulad ng puting ginto.

Ang butil ay talagang «nagiging madilaw», katulad ng sinasabi ni Jesus, at talagang ginintuan, pagkatapos ng pagiging «puti» nang sumisibol, pagkatapos berde ng isang mamahaling alahas, habang lumalaki ito at pumoporma ng mga tainga. Ang araw ay inihahanda na ito upang mamatay, pagkatapos na maihanda ito na mabuhay. At mahirap sabihin kung kailan ito pagpapalain nang labis pa, kung ngayon na dinadala ito sa sakripisyo, o kung makaamang pinaiinitan nito ang lupa upang ito ay tumubo at kinukulayan nito ang maputlang tangkay, na kasisibol pa lamang, na may magandang berdeng kulay, puno ng sigla at pangako.

Si Jesus, Na nagsalita tungkol dito habang pinapasok ang bayan at tinuturo ang lugar kung saan nila natagpuan ang babaeng Samaritano at sinasariwa ang matagal nang talumpati, ay nagsabi sa Kanyang mga apostol, sa lahat sa kanila maliban kay Juan, na malapit na kay Maria upang paginhawahan Siya, dahil Siya ay nalulungkot: «At ang Akin bang sinabi noon ay hindi natutupad ngayon? Tayo ay di-kilala at nangungulila noong tayo ay pumunta rito. Tayo ay nagtanim. Ngayon, tingnan! Ang binhing iyon ay nagbigay ng mayaman na ani. At dadami pa ito at kayo ang gagapas nito. At ang iba pa ay gagapas nang mas mahigit pa kaysa sa ginapas ninyo...»

«At hindi ba Kayo, Panginoon?» tanong ni Felipe.

«Ako ay gumapas kung saan nagtanim ang Aking Prekursor. Pagkatapos Ako ay nagtanim upang sana kayo ay may gapasin at magtanim sa pamamagitan ng butil na Aking ibinigay sa inyo. Ngunit katulad na si Juan ay hindi nagapas ng kanyang itinanim, hindi Ko rin gagapasin ang ani na ito. Tayo ay...»

«Ano, Panginoon?» tanong ni Judas ni Alfeo nang nag-aalala.

«Ang mga biktima, Aking kapatid. Ang pawis sa noo ng isang tao ang kinakailangan upang mapataba ang mga bukid. Ngunit ang sakripisyo ang kinakailangan upang mapataba ang mga puso. Tayo ay bumabangon, tayo’y nagtatrabaho, tayo'y mamamatay. Isa, pagkatapos natin, ang papalit sa atin, babangon, magtatrabaho, mamamatay... At may isang gagapas ng ating diniligan sa pamamagitan ng ating kamatayan.»

«O! hindi! Huwag Ninyong sabihin iyan, aking Panginoon!» bulalas ni Santiago ni Zebedeo.

«Ikaw ba, ang disipulo ni Juan bago naging Akin, na nagsasabi nang ganyan? Hindi mo ba naaalaala ang mga salita ng iyong unang guro? “Kailangan Niyang mas lumaki pa, kailangan kong mas lumiit pa”. Naintindihan niya ang kagandahan at katarungan ng pagkamatay upang makapagbigay ng katarungan sa ibang mga tao. Hindi Ako magiging imperyor kaysa sa kanya.»

«Ngunit, Guro, Kayo ay Kayo: Diyos! Siya ay isang tao.»

«Ako ang Tagapagligtas. Bilang Diyos kailangan Kong maging mas perpekto pa kaysa sa tao. Kung si Juan, isang tao, ay nagawa niyang maging mas maliit pa upang magawa ang totoong Araw na tumaas, kailangan na huwag Kong padilimin ang Aking araw sa pamamagitan ng mga ulap ng karuwagan. Kailangan na maiwanan Ko kayo ng isang maliwanag na alaala tungkol sa Akin, upang sana kayo ay makapagpatuloy, at ang mundo ay sana lumago sa Kristiyanong Idea. Ang Kristo ay aalis, Siya ay babalik mula kung saan Siya nanggaling, at mamahalin Niya kayo mula roon sinusundan kayo sa inyong gawain, inihahanda ang lugar na siyang magiging inyong gantimpala. Ngunit ang Kristiyanismo ay mananatili. Ang Kristiyanismo ay lalago sa pamamagitan ng Aking pag-alis... at sa pamamagitan ng lahat ng mga, nang hindi napapakabit sa mundo at sa makalupang pamumuhay, ay makakaalis, katulad ng ginawa ni Juan at ni Jesus... at mamamatay upang magawa ang ibang mga tao na mabuhay.»

«Kung gayon sa palagay ba Ninyo tama na Kayo ay ipapatay?...» tanong ng Iskariote halos humihingal.

«Hindi sa palagay Ko tama na ipapatay nila Ako. Sa palagay Ko makatarungan ang mamatay dahil sa kung ano ang maibibigay ng Aking sakripisyo. Ang isang pagpatay ay laging magiging isang pagpatay magpatungkol sa kanya na gumagawa nito, kahit na kung iyon ay may ibang kahalagahan at hitsura para sa kanya na pinatay.»

«Ano ang ibig Ninyong sabihin?»

«Ang ibig Kong sabihin kung siya na isang pumapatay, dahil siya ay inutusan o pinuwersa, katulad ng isang sundalo sa digmaan o isang berdugo na kailangan na sundin ang isang mahistrado, o siya na ipinagtatanggol ang kanyang sarili laban sa isang mandarambong sa daan, ay walang naninisi na konsiyensya, o depende sa kaso may pagkakasala ng pagpatay sa isang kapwa. Siya na walang utos o dahilan pumapatay ng isang inosente o nakikipagsabwatan sa pagpatay sa kanya, ay haharap sa Diyos nang may nakakatakot na mukha ni Cain.»

«Ngunit hindi ba tayo maaaring mag-usap ng ibang bagay? Ang Guro ay naghihirap dahil sa lahat ng ito, ang inyong mga mata ay katulad ng mga mata ng isa na pinahihirapan, ang pakiramdam namin ay katulad ng tila kami ay nasa aguniya. Kung makarinig ang Kanyang Ina, Siya ay iiyak. Siya ay lumuluha na nang marami sa ilalim ng Kanyang belo! Napakarami ang mapag-uusapan!...O! Tingnan! Ang mga kilala ay dumarating. Magagawa kayo niyan na manahimik. Kapayapaan sa inyo! Kapayapaan sa inyo!» Si Pedro, na nasa unahan nang kaunti at tumalikod upang magsalita, ay yumuyuko binabati ang isang malaking grupo ng mapagparangyang mga tao mula sa Shechem, na dumarating patungo kay Jesus.

«Kapayapaan sa Inyo, Guro. Ang mga bahay na nagbigay sa Inyong ng pagtanggap noong nakaraan ay nakahanda nang tanggapin Kayo, at mas marami pa para sa mga babaeng disipulo at sa mga kasama Ninyo. Ang Inyong mga tinulungan noong kamakailan at ang noong unang pagkakataon, ay darating upang tingnan Kayo. Isang babae lamang ang mawawala sapagkat siya ay umalis na rito upang mamuhay ng isang pamumuhay ng pagbabayad-sala. Ganyan ang kanyang sinabi, at pinaniniwalaan ko siya, sapagkat kung ang isang babae ay hinubaran ang kanyang sarili ng lahat ng kanyang minahal at tinalikuran ang pagkakasala at binigay ang lahat ng kanyang ari-arian sa mahihirap, ibig sabihin nito gusto niyang sundan ang isang bagong pamumuhay. Ngunit hindi ko masasabi sa Inyo kung nasaan siya. wala nang nakakita sa kanya mula nang siya ay umalis sa Shechem. Ang isa sa amin ay nag-akalang nakita niya siyang nakadamit bilang isang katulong sa isang nayon malapit sa Phiale. Ang isa pa ay nanumpa na nakilala niya siya, bagama't nakadamit siya nang mahirap, sa Bersabea. Ngunit ang kanilang sinasabi ay walang katiyakan. Nang siya ay tinawag sa kanyang pangalan siya ay hindi tumugon at narinig nila na tinatawag siyang Johanna sa unang lugar, at Agar sa huli.»

«Hindi na kinakailangan na makaalam pa ng mas marami pa maliban sa siya ay natubos na. Ang lahat na iba pang kaalaman ay walang-kabuluhan at ang bawat pagsasaliksik ay panghihimasok na kausyosohan. Pabayaan ang inyong kapwa-kababayan sa kanyang lihim na kapayapaan, at masiyahan na siya ay hindi na ulit gumagawa ng iskandalo. Ang mga anghel ng Panginoon ay alam kung nasaan siya upang ibigay sa kanya ang tanging tulong na kinakailangan niya, ang tanging isa na hindi makapananakit sa kanyang kaluluwa... Maging napaka mapagkawanggawa na dalhin ang mga babae sa mga bahay, dahil sila ay pagod. Ako ay magsasalita sa inyo bukas. Makikinig Ako sa lahat ngayon at tatanggapin Ko ang inyong mga may-sakit na tao.»

«Hindi ba Kayo titigil na kasama namin nang matagal? Hindi ba Ninyo palalampasin ang Sabbath dito?»

«Hindi. Palalampasin Ko ang Sabbath sa ibang lugar, sa pananalangin.»

«Umaasa kami na makasama Kayo nang matagal...»

«May panahon lamang Ako na makabalik sa Judaea para sa mga kapistahan. Iiwanan Ko ang mga apostol at ang mga babae sa inyo, kung gusto nilang manatili, hanggang sa Sabbath na gabi. Huwag kayong magtinginan sa isa’t isa nang ganyan. Nalalaman ninyo na kailangan Kong parangalan ang Panginoong ating Diyos nang higit pa kaysa sino pa man, sapagkat ang maging kung ano Ako ay hindi Ako pinaliliban sa pagiging tapat sa Batas ng Kataastaasan.»

Sila ay pumunta sa mga bahay na sa bawat isa nito dalawang babaeng disipulo at isang apostol ang tutuloy: si Maria ni Alfeo at si Susanna ay kasama si Santiago ni Alfeo, si Martha at si Maria kasama ang Zealot, si Eliza at si Nike kasama si Bartolomeo, si Salome at si Johanna kasama si Santiago ni Zebedeo. Pagkatapos sina Tomas, Felipe, Judas ng Kerioth at si Mateo ay nagsama-sama sa isang grupo sa isang bahay; sina Pedro at Andres sa isa pang bahay; at si Jesus kasama si Judas ni Alfeo at si Juan, at si Maria, ang Kanyang Ina, ay pumunta sa bahay ng isang lalaki na laging nagsasalita sa katauhan ng mga mamamayan. Ang mga tagasunod at ang mga tao mula sa Ephraim, Shiloh at Lebonah at ang iba pang mga peregrino na mga papunta sa Herusalem at pinigil ang kanilang paglalakbay upang sundan si Jesus, ay kumalat sa nayon naghahanap ng mga matutuluyan.

140512

 


Sunod na kabanata