570. Sa Shechem. Ikatlong Parabula Tungkol sa Payo.

Marso 2, 1947.

Ang pinaka-liwasan sa Shechem ay di-kapani-paniwala na nagsisiksikan. Sa aking palagay ang buong bayan ay naroroon at ang mga tao rin mula sa kabukiran at kalapít na mga nayon. Ang mga nakatira sa Shechem, sa hapon ng unang araw, ay maaaring kumalat kung saan-saan binibigyan-alam ang mga tao at ang lahat ay dumating: ang malulusog at mga may-sakit na tao, ang mga makasalanan at mga inosente. Sa dahilan na ang liwasan at ang mga terasang-bubong ay puno na, maraming tao ang pumuwesto sa mga punungkahoy na nagbibigay-lilim sa liwasan.

Sa unang hanay, malapit sa lugar na inireserba para kay Jesus, kaharap ang isang bahay na itinayo sa ikaapat na baytang ng lupa, ay ang tatlong bata na iniligtas ni Jesus mula sa mga mandarambong, at ang kanilang mga kamag-anak. Gaanong nananabik ang maliliit na bata na makita ang kanilang Tagapagligtas! Ang bawat sigaw ay nagagawa silang lumingon hinahanap Siya. At nang ang pinto ay binuksan at si Jesus ay lumitaw doon, ang tatlong bata ay nagmadaling lumapit sumisigaw: «Jesus! Jesus! Jesus!» at inaakyat nila ang mga baytang nang hindi hinihintay Siyang makababa upang yakapin sila. At si Jesus ay yumuko at inaakap sila at pagkatapos kinarga sila – isang buháy na kumpol ng inosenteng mga bulaklak –at hinahalikan Niya ang kanilang maliliit na mukha at hinahalikan Siya nila.

Ang isang may-habag na bulong ay umikot sa pulutong at ilang mga tinig ay nagsabi: «Siya lamang ang tanging isa na alam kung papaano halikan ang ating inosenteng mga bata.»  At ang ibang mga tao ay nagsasabi: «Kita ninyo kung papaano Niya sila minamahal? Iniligtas Niya sila mula sa mga mandarambong, binigyan Niya sila ng isang tahanan pagkatapos na mapakain at maramtan sila, at Siya ngayon ay hinahalikan sila na tila sila ay Kanya mismong mga anak.»

Si Jesus, Na naibaba na ang mga bata, sa ibabaw ng pinakamataas na baytang, malapit sa Kanyang Sarili, ay tumugon sa lahat sa pagsagot sa huling di-kilalang mga salita:

«Talagang sila ay mas mahigit pa kaysa sa sarili Kong mga anak sa Akin. Sapagkat Ako ang kanilang ama magpatungkol sa kanilang mga kaluluwa, na Akin, hindi para sa panahon na dumaraan, bagkus para sa eternidad na nananatili.. Sana masasabi Ko iyan tungkol sa bawat tao na mula sa Akin, ang Buhay, ay nakakuha ng buhay upang lumabas sa kamatayan!

Inanyayahan Ko kayo na gawin iyan noong una Akong pumunta rito, at inakala ninyo na marami kayong panahon na magpasya ang inyong mga isip na gawin iyan. Tanging isang babae lamang ang kaagad tumugon sa Aking tawag at pumunta sa landas ng Buhay: ang pinakamalaking makasalanan sa lahat sa inyo Baka dahil lamang na sa pakiramdam niya siya ay patay na at, nakita niya ang kanyang sarili na patay na, nabubulok sa kanyang kasalanan, siya ay nagmamadali na makalabas sa kamatayan. Hindi ninyo nararamdaman at nakikita ang inyong mga sarili na patay na, at kayo ay hindi nagmamadali. Ngunit alin na may-sakit na tao ang naghihintay na mamatay bago inumin ang mga gamot ng buhay? Ang isang patay na katawan ay nangangailangan lamang ng isang pambalot na damit, mga pampabango at isang sepulkro na mahihigaan upang maging alikabok pagkatapos na maging kabulukan. Kung ang kabulukan ni Lazarus, na inyong tinitingnan nang may nakadilat na mga mata sa takot at sa pagtataka, ay pinanumbalik sa buhay ng Eternal na Ama para sa Kanyang mabuting mga pakay, hindi dapat iyan makatukso sa sinuman na makarating sa kamatayan ng espiritu nagsasabing: “Ang Kataastaasan ay panunumbalikin ako sa pamumuhay ng kaluluwa”. Huwag ilagay ang inyong Panginoong Diyos sa pagsubok. Kayo ay kailangan na pumunta sa Buhay. Wala nang panahon na maghintay.

Ang mga ubas ng Baging ay malapit nang ipunin at pigain. Ihanda ang inyong mga espiritu para sa Alak ng Grasya na malapit nang ibigay sa inyo. Hindi ba ninyo ginagawa iyan kung kayo ay malapit nang bumahagi sa isang malaking bangkete? Hindi ba ninyo inihahanda ang inyong mga tiyan na tanggapin ang piling pagkain at mga alak sa pamamagitan ng mabuting kapasyahan na huwag kumain bago ang bangkete, dahil pinagaganda niyan ang inyong panlasa at pinasisigla ang inyong mga tiyan ginagawa kayong masiyahan at masarapan sa pagkain at mga inumin? At hindi ba’t ganito rin ang ginagawa ng isang tagapag-alaga ng ubasan upang malasahan ang alak na nagkagulang na? Hindi niya sinisira ang kanyang panlasa, sa araw na gusto niyang matikman ang bagong alak, Hindi niya ginagawa iyan, sapagkat gusto niyang malasahan nang eksakto ang mabubuting kalidad at ang mga diperensiya, upang patapangin ang una at itama ang huli, at maipagbili ang kanyang produkto sa magandang presyo. Ngunit kung ang isang tao na naanyayahan sa isang bangkete ay magagawa iyan upang kasiyahan nang husto ang pagkain at ang mga alak, at kung ang isang tagapag-alaga ng ubasan ay ginagawa iyan upang maipagbili ang kanyang alak sa isang magandang presyo, o upang maibenta ang dahil sa may diperensiya ay tinatanggihan ng mga mamimili, ang tao ba ay hindi magagawa ang ganyan para sa kanyang espiritu, upang kalugdan ang Langit, upang kamtin ang kayamanan upang mapasok ang Langit?

Kunin ang Aking payo. Oo, kunin ninyo. Iyan ay isang mabuting kapirasong payo. Iyan ang makatarungang payo ng Makatarungang Isa Na masamang-pinapayuhan nang walang-mangyari, at gusto kayong mailigtas mula sa mga konsekwensiya ng masamang payong binibigay sa inyo. Maging makatarungan katulad Ko. At ibigay ang makatarungan na halaga sa payong binibigay sa inyo. Kung kayo ay maging makatarungan, ibibigay ninyo dito ang makatarungang halaga nito.

Makinig sa isang parabula. Isinasara nito ang isang ikot ng mga parabulang sinabi Ko sa Shiloh at Lebonah, at tinatalakay nitong muli ang payong binibigay at kinukuha.

Ang isang hari ay pinadala ang kanyang pinakamamahal na anak upang bisitahin ang kanyang kaharian. Ang kaharian ng haring iyon ay nagkahati-hati sa maraming mga probinsiya, dahil ito ay isang napakalaking kaharian. Ang mga probinsiyang iyon ay iba't iba ang pagkakakilala sa kanilang hari. Ang ilan ay kilalang-kilala siya na ang tingin nila sa kanilang mga sarili ay sila ang mga paborito at dapat na ipagmalaki ito. Ayon sa kanila, sila lamang ang mga perpekto at sila lamang ang nakakikilala sa hari at kung ano ang gusto niya. Ang ilan ay kilala siya ngunit, na hindi tinitingnan ang kanilang mga sarili na marurunong dahil diyan, ginagawa nila ang pinakamagandang magagawa nila upang mas makilala nila siya. Ang ilan ay kilala ang hari ngunit minamahal nila siya sa kanilang sariling pamamaraan, dahil sila ay nagkaroon ng isang espesyal na alituntunin ng mga batas, na hindi ang siyang totoong alituntunin ng kaharian. Sa totoong alituntunin kinuha nila kung ano ang gusto nila at hanggang sa nagugustuhan nila ito, pagkatapos kanilang hinaluan din ang kaunting kinuha nila ng ibang mga batas na ginaya mula sa ibang mga kaharian, o ng mga batas na ginawa nila mismo, at mga batas na hindi mabuti. Hindi. Hindi ito mabubuti. Ang ilan pang mga probinsiya ay mas kulang pa ang nalalaman tungkol sa kanilang hari, at ang ilan pa ang tanging alam lamang ay mayroong isang hari. At akala nila iyon ay isang gawa-gawang kuwento lamang.

Ang anak ng hari ay dumating upang bisitahin ang kaharian ng kanyang ama upang bigyan ang lahat na iba't ibang rehiyon ng eksaktong kaalaman tungkol sa monarkiya, itinatama ang arogansiya rito, pinalalakas ang loob ng mga nalulungkot na tao doon, itinutuwid ang maling mga idea sa iba pang mga lugar, kinukumbinsi ang mga tao na alisin ang di-purong mga elemento mula sa purong batas sa isa pang rehiyon, tinuturuan ang iba pang mga nasasakupan kung papaano punuan ang mga patlang, tinuturuan ang mga tao ng iba pang mga rehiyon upang mabigyan sila ng pinakamaliit na kaalaman at pananampalataya sa tunay na hari, dahil ang bawat tao ay kanyang nasasakupan. Ngunit sa opinyon ng anak ng hari ang unang leksiyon para sa lahat ay ang halimbawa ng katarungan, sa pag-sang-ayon sa alituntunin ng mga batas, kapwa tungkol sa maseselan na bagay at sa minor na mga bagay. At siya ay perpekto. Iyon ay gayon na ang mga tao na may mabubuting kalooban ay napauunlad ang kanilang mga sarili sa pamamagitan ng paggawa kapwa ng mga gawa at mga salita ng anak ng hari, dahil ang kanyang mga aksiyon ay umaayon sa kanyang mga salita na walang kahit anuman na kaunting diperensiya.

Ngunit ang mga tao ng mga probinsiya na ang tingin sa kanilang mga sarili ay perpekto dahil lamang sa nalalaman nila ang alituntunin letra-por-letra, ngunit hindi ang espiritu nito, nakita nila na sa pagsunod sa kung ano ang ginawa ng anak ng hari at sa kung ano ang kanyang hinihinging dapat gawin, lumabas nang napakalinaw na alam nila ang letra ng alituntunin ngunit hindi ang espiritu ng batas ng hari, at kung gayon ang kanilang pagkukunwari ay nabulgar. Sila pagkatapos ay nagpasyang alisin ang dahilan kung papaano sila na nabisto. At upang magawa ito dalawang pamamaraan ang kanilang pinili: ang isa ay laban sa anak ng hari, ang isa pa laban sa kanyang mga tagasunod. Para sa una: masamang payo at mga pang-uusig. Para sa huli: masamang payo at pananakot. Maraming bagay ang masamang payo. Isang kapirasong masamang payo ang sabihin: “Huwag gawin iyan, sapagkat baka ka masira niyan”. Nagkukunwaring interesado siyang pumapabor. At isang masamang kapirasong payo ang mang-usig upang makumbinsi siya, na gusto ng isa na maligaw, na mabigo sa pagtupad sa kanyang misyon. Isang masamang kapirasong payo ang sabihin sa mga tagasunod: “Ipagtanggol anuman ang mangyari at sa pamamagitan ng kahit anong pamamaraan ang makatarungan na tao na inuusig”, o sabihin sa mga tagasunod: “Kung ipagsasanggalang ninyo siya magagalit ninyo kami”. Ngunit hindi Ko tinutukoy ngayon ang payo na binibigay sa mga tagasunod. Ang tinutukoy Ko ngayon ay ang payo na binibigay ng mga tao o ginawang maibigay ito sa anak ng hari, nang may huwad na kasimplehan ng mga puso, nang may nangingitim-sa-galit na kapootan, o sa pamamagitan ng mga salita ng inosenteng mga tao na ginagamit bilang mga instrumento upang makagawa ng kasiraan, habang iniisip ng mga tao na sila ay ginagamit para makagawa ng mabuti.

Ang anak ng hari ay nakinig sa payong iyong. Siya ay may mga tainga, mga mata, talino at isang puso. Kung gayon siya bagkus ay mapapakinggan sila, makikita sila, maiintindihan sila at timbang-timbangin ang mga ito. Ngunit higit sa lahat nasa kanya ang matuwid na espiritu ng isang totoong makatarungan na tao, kung kaya't sa bawat kapirasong payo, na binigay sa kanya nang sadya o di-sinasadya upang siya ay magkasala, gumagawa ng masamang halimbawa sa mga nasasakupan ng kanyang ama at gumagawa ng walang-katumbas na kapighatian sa kanyang ama mismo, siya ay tumugon: “Hindi. Gagawin Ko kung ano ang gusto ng aking ama. Susundan Ko ang kanyang alituntunin ng mga batas. Ang katotohanan na ako ay kanyang anak ay hindi ako pinagpapaliban na maging ang pinakatapat sa kanyang mga nasasakupan sa pagsunod sa Batas. Kayo, na napopoot sa akin at gustong manakot sa akin, ay kailangan na itanim sa isip na walang kahit ano ang magtutulak sa akin na labagin ang Batas. Kayo, na nagmamahal sa akin at gustong mailigtas ako, ay kailangan na malaman ninyo na pinagpapala ko kayo para sa inyong mga kaisipan, ngunit tandaan sa isip na ang inyong pagmamahal sa akin at ang aking pagmamahal sa inyo, sa dahilan na kayo ay mas tapat sa akin kaysa ang mga nagsasabing sila ay “marurunong”, ay hindi ako dapat na maging di-makatarungan sa aking tungkulin sa pinakadakilang pagmamahal, na siyang ang pagmamahal na kailangang maibigay sa aking ama”.

Iyan ang parabula, Aking mga anak. At ito ay napakalinaw na ang bawat isa sa inyo ay maiintindihan ito. At ang matutuwid na espiritu ay bagkus makabubulalas lamang: “Siya ay totoong makatarungan sapagkat walang pantaong payo ang makapagliligaw sa Kanya”. Oo, mga anak ng Shechem. Walang makapagliligaw sa Akin sa pagkakamali. Kapahamakan sa Akin kung Ako ay mahulog sa pagkakamali! Kapahamakan sa Akin at sa inyo. Sa halip na maging inyong Tagapagligtas, Ako ang naging inyong traydor, at tama kayo kung kapopootan ninyo Ako. Ngunit hindi Ko iyan gagawin.

Hindi Ko kayo kinakagalitan sa pagtanggap ng mga mungkahi o sa pag-iisip ng mga pamamaraan laban sa hustisya. Hindi kayo masisisi dahil ginawa ninyo iyon dala ng isang espiritu ng pagmamahal. Ngunit sinasabi Ko sa inyo kung ano ang sinabi Ko sa simula at sa katapusan: mas mahal Ko pa kayo kaysa kung kayo ay Aking sariling mga anak, sapagkat kayo ay ang mga anak ng Aking espiritu. Nadala Ko ang inyong mga espiritu sa Buhay at gagawin Ko iyan nang mas lalo pa. Tandaan sa isip, sa pag-alaala sa Akin, itanim sa isip na pinagpapala Ko kayo para sa mga kaisipan na nasa inyong mga puso. Ngunit umunlad sa katarungan, sa paggusto lamang ng kung ano ang makapagbibigay karangalan sa totoong Diyos para kung Kanino kayo ay kailangan na mayroong absulutong pagmamahal, katulad ng hindi  ibinibigay sa kung sino pang nilikha. Pumunta sa perpektong katarungan na ito na Aking itinatatag bilang isang halimbawa sa inyo, ang katarungan na yumuyurak sa pagmamakasarili ng isa para sa sariling kapakanan, sa takot sa mga kaaway at sa kamatayan, sa lahat,  upang gawin ang kalooban ng Diyos. Ihanda ang inyong mga espiritu. Ang bukang-liwayway ng Grasya ay tumataas. Ang bangkete ng Grasya ay inihahanda na. Ang inyong mga kaluluwa, ang mga kaluluwa ng mga gustong pumunta sa Katotohanan, ay nasa bispiras na ng kanilang kasal, ng kanilang liberasyon, ng kanilang katubusan. Ihanda ang inyong mga sarili sa katarungan para sa kapistahan ng Hustisya.» 

Si Jesus ay kinakawayan ang mga kamag-anak ng mga bata, na malapit sa kanila, na pumunta sa bahay kasama Siya, at Siya ay umalis pagkatapos na kinarga ang tatlong bata katulad ng Kanyang ginawa sa simula.

Ang mga komentaryo ay palit-palitan sa liwasan. At sila ay nagkakaiba nang malaki.

Ang pinaka magagaling na tao ay nagsasabi: «Tama Siya. Tayo ay pinagtaksilan ng mga huwad na mga mensaherong iyon.»

Ang mga hindi masyadong mabubuti ay nagsasabi: «Kung gayon hindi sana Niya tayo binola. Ginawa Niya tayo na maging mas mapootin. Pinagtawanan Niya tayo. Siya ay isang tunay na Judaean.»

«Hindi mo masasabi yan. Ang ating mahihirap na kababayan ay nalalaman ang Kanyang tulong, at ating mga may-sakit ay alam ang Kanyang kapangyarihan. Ang ating mga ulila ay naranasan ang Kanyang kabutihan. Hindi natin Siya inaasahan na magkasala upang mabigyan tayo ng kasiyahan.»

«Siya ay nagkasala na, sapagkat kinapopootan Niya tayo sa pagawa sa atin na kapootan...»

«Nino?»

«Ng lahat. At pinagtawanan Niya tayo. Oo, pinagtawanan Niya tayo.» Ang liwasan ay puno ng iba't ibang opinyon, na, bagama't, ay hindi nakakabalisa sa bahay kung saan si Jesus ay naroroon kasama ang mga kilalang tao, ang mga bata at ang kanilang mga kamag-anak. Sa muli ang mala-propetang salita ay napatotohanan: «Siya ay magiging isang bato ng kontradiksyon.»

160512

 


Sunod na kabanata