571. Umaalis Para sa Enon.

Marso 3, 1947.

Si Jesus ay nagninilay-nilay, nakaupong nag-iisa sa ilalim ng isang napakalaking puno ng holm-oak, na tumubo sa isang dalisdis ng bundok na naghahari sa Shechem. Ang siyudad, na nagkukulay puting-rosas sa maagang sikat ng araw, ay nasa ibaba, nakakalat sa mas mabababang dalisdis ng bundok. Mula sa itaas ito ay nagmumukhang isang dakot ng malalaking puting mga kubiko na itinapon ng isang malaking bata sa berdeng nakahilig na parang. Ang dalawang agos ng tubig malapit dito kung saan ang bayan ay tumaas ay pumoporma ng isang malaplatang asul na kalahating pabilog sa paligid ng siyudad; pagkatapos ang isa dito ay pumapasok nang lumalagaslas at kumikislap sa pagitan ng puting mga bahay, pagkatapos ito ay lumalabas at dumadaloy sa kaberdehan patungo sa ilog Jordan, lumalabas at mawawala sa ilalim ng mga taniman ng mga olibo at ng mayayabong na mga lootan. Ang isa pang ilog, mas maliit sa laki, ay nananatiling nasa labas ng mga pader, halos nasasagi ito, at pinatutubigan ang matabang mga hardin ng mga gulay; pagkatapos ito ay dadaloy nang palayo pinatutubigan ang mga kawan ng mapuputing tupa na nanginginain sa mga parang, pinapula ng mga ulo ng mga bulaklak ng clover.

Ang tanawin sa harapan ni Jesus ay malawak. Pagkatapos ng pababa-nang-pababa na umaalon na mga burol makikita ng isa ang berdeng lambak ng Jordan na napaikli, at sa kabila nito, ay ang mga bundok ng rehiyon sa kabila ng Jordan, nagtatapos sa hilagang-silangan sa tipikong mga taluktok ng Hauran. Ang araw sa likuran nila ay napaliwanagan ang tatlong kakaibang mga ulap nakakahawig ang tatlong magaang gasa na mga ribbon na inilagay nang pahalang sa turkesang belo ng papawirin, at ang magaang gasa ng tatlong mahabang makipot na mga ulap ay naging ang orange-pink na kulay ng ilang mamahaling mga kurales. Ang kalangitan ay tila hinaharangan ng nakalutang na barandilyang ito at ito ay maganda. Si Jesus ay tinititigan ito, ibig sabihin, nakatingin Siya sa direksiyon na iyon nakalublob sa pag-iisip. Iniisip ko kung ito nga ba ay talagang Kanyang nakikita. Na ang Kanyang siko nakatukod sa Kanyang tuhod, ang Kanyang kamay suportado ang Kanyang babâ na nasa loob ng uka ng Kanyang kamay, Siya ay tumitingin, nag-iisip, nagninilay-nilay. Sa itaas Niya ang mga ibon ay gumagawa ng kaguluhan sumisiyap at palipad-lipad nang masaya sa paligid.

Ibinaba ni Jesus ang Kanyang mga mata tinitingnan ang Shechem na nagigising-nang-nagigising sa umagang sikat ng araw. Ang mga pastol at mga kawan, magpahanggang ngayon ang tanging nagbibigay-buhay sa tanawin, ay ngayon sinamahan ng mga grupo ng mga peregrino, at ang pagkalansing ng mga kampanilya ng kawan ay humahalo sa kalansing ng mga kampanilya sa guwarnasyon ng mga asno at sa ingay ng mga tinig, ng kaluskos ng mga paa at ng ngawa ng mga salita. Ang ingay ng nagigising na siyudad at ng mga tao na tinatapos ang kanilang gabing pagpapahinga ay nadadala nang paalun-alon hanggang sa layo ng kinaroroonan ni Jesus.

Si Jesus ay tumayo. Nang may isang pagbuntung-hininga iniiwan Niya ang Kanyang tahimik na lugar at bumabang mabilis patungo sa bayan, dumaraan sa mas maikling rota. Sumama Siya sa mga karabana ng mga hardinero ng pampalengkeng mga gulayin at sa mga peregrino, habang ang una ay nagmamadaling ibaba ang kanilang mga karga, at ang huli ay binibili ang mga ito bago lumakad ulit.

Naghihintay sa isang sulok ng liwasan ay ang naroroon nang mga apostol at ang mga babaeng disipulo, at sa paligid nila ay ang mga taong galing sa Ephraim, Shiloh, Lebonah at marami na nagmula sa Shechem.

Si Jesus ay pinuntahan sila at binati sila. Pagkatapos sinabi Niya sa mga galing Samaria: «At ngayon tayo ay maghiwalay. Bumalik na kayo sa inyong mga tahanan. Alalahanin ang Aking mga salita. Lumago sa katarungan.» Pagkatapos sinabi Niya kay Judas ng Kerioth: «Nagbigay ka ba ng limos para sa mahihirap ng bawat lugar, katulad ng sinabi Ko sa iyo?»

«Oo, nagbigay ako. Maliban sa mga taga-Ephraim, dahil nagkaroon na sila nito.»

«Lakad, kung gayon. Tiyakin na ang bawat mahirap na tao ay mapaginhawahan sana.»

«Pinagpapala namin Kayo sa katauhan nila.»

«Pagpalain ang mga babaeng disipulo. Binigay nila sa Akin ang pera. Lakad. Ang kapayapaan ay sumainyo.»

Umalis sila nang nagdadalawang-isip, may pamimighati. Ngunit sila ay sumunod.

Si Jesus ay nananatiling kasama ang mga apostol at ang mga babaeng disipulo. Sinabi Niya sa kanila; «Ako ay pupunta sa Enon. Gusto Kong bisitahin ang lugar ni Juan Bautista. Pagkatapos bababa Ako sa daan sa lambak. Mas komportable iyon para sa mga babae.»

«Hindi kaya mas mabuting kunin ang daan na dumaraan sa Samaria?» tanong ng Iskariote.

«Walang rason kung bakit dapat tayong matakot sa mga mandarambong sa daan, kahit na kung ang ating dinaraanan ay malapit sa kanilang mga lungga. Ang gustong sumama sa Akin ay makakasama. Ang tila ayaw na sumama hanggang sa layo ng Enon, ay makapananatili rito hanggang sa araw pagkaraan ng Sabbath. Sa araw na iyan pupunta Ako sa Tirzah at sinuman ang mananatili rito ay masasamahan Ako doon.»

«Sa katunayan... mas gusto ko pang manatili rito. Hindi napakabuti ang aking pakiramdam... Ako ay pagod...» sabi ng Iskariote.

«Iyan ay nakikita ng isa. Nagmumukha kang isa na masama ang pakiramdam. Nagmumukha ka ngang malumbay, ang tungkol din sa iyong gana at kulay. Matagal-tagal na kitang pinagmamasdan...» sabi ni Pedro.

«Ngunit walang nagtatanong sa akin kung masama ang aking nararamdaman, ganoon pa man...»

«Nakapagpasaya kaya iyon sa iyo? Hindi ko kailanman alam kung ano ang gusto mo. Ngunit kung makapagpapasaya sa iyo ito, tatanungin na kita ngayon, at papayag akong samahan kita upang tingnan ka...» si Pedro ay tumutugon sa kanya nang mapasensya.

«Hindi! Hindi! Pagod lamang ako. Makakalakad ka. Mananatili ako rito sa kinaroroonan ko.»

«Mananatili rin ako. Ako ay matanda na. Magpapahinga akong tinutulungan ka bilang isang ina» sabi ni Eliza nang bigla na lamang.

«Mananatili ka ba? Sinabi mo kanina...» pagputol ni Salome.

«Kung lahat ang umalis, sumama na rin sana ako, upang hindi maiwan dito nang nag-iisa. Ngunit sa dahilan na mananatili si Judas...»

«Kung gayon sasama na rin ako. Ayaw kung isakripisyo kita, babae. Tiyak na gusto mong sumama nang kusa upang makita ang kanlungan ni Juan Bautista...»

«Ako ay mula sa Bethzur at hindi ko kailanman naramdaman ang pangangailangan na pumunta sa Bethlehem upang tingnan ang gruta kung ang Guro ipinanganak. Iyan ang isang bagay na aking gagawin kapag wala na sa Akin ang Guro. Kung gayon makikita mo kung umaapoy ako sa mithiin na makita nasaan noon si Juan... Mas gusto kong magsabuhay ng karidad, dahil natitiyak ko na iyan ay mas mahalaga kaysa sa isang perigrinasyon.»

«Kinagagalitan mo ang Guro. Hindi mo ba nakikita iyan?»

«Ako ay nagsasalita para sa aking sarili. Siya ay pupunta roon at ginagawa Niya ang tamang bagay. Siya ay ang Guro, ako ay isang matandang babae mula kung kanino naalis ng kapighatian ang lahat na pag-uusyoso at naalis ng pagmamahal para sa Kristo ang lahat na mithiin maliban ang mithiin na paglingkuran Siya.»

«Kung gayon, ayon sa iyo, isang paglilingkod ang pag-espiya sa akin.»

«May ginagawa ka bang kahiya-hiya? Ang mga gumagawa lamang ng mga bagay na nakakasakit ang binabantayan. Ngunit hindi ako kailanman nag-espiya sa sinuman, lalaki. Hindi ako kasama ng pamilya ng ahas. Ni hindi ako nagtataksil.»

«Ni hindi rin ako.»

«Ipagkaloob iyan ng Diyos para sa iyong sariling kabutihan. Ngunit hindi ko maintindihan kung bakit ayaw na ayaw mo akong manatili rito upang magpahinga...»

Si Jesus, Na magpahanggang ngayon ay nakikinig nang tahimik, sa gitna ng iba pa, nagtataka sa walang-kuwentang pag-aaway, ay itinaas ang Kanyang ulo na medyo nakababa kanina, at nagsabi: «Tama na iyan. Ang isang babae, na mas matanda kaysa sa iyo, ay maaaring magkaroon ng mithiin ng katulad ng sa iyo nang may mas maraming rason. Mananatili ka rito hanggang sa pagsikat ng araw pagkatapos ng Sabbath. Pagkatapos sasamahan mo Ako. Pansamantala, Judas, lumakad at bilhin ang ating kakailanganin sa susunod na mga araw. Lakad at maging mabilis.»

Ai Judas ay umalis laban sa kanyang sariling kalooban upang bumili ng pagkain.

Si Andres ay susundan na sana siya, ngunit si Jesus ay pinigilan siya sa kamay nagsasabing: «Manatili ka rito. Magagawa niya iyon nang mag-isa.» Si Jesus ay mahigpit na mahigpit.

Si Eliza ay tiningnan Siya at pagkatapos nilalapitan Siya nagsasabing: «Patawarin ako, Guro, kung nasaktan ko Kayo.»

«Wala Akong dahilan para patawarin ka, babae. Ikaw, kung baga, ay kailangan na patawarin mo ang lalaking iyon, na tila siya ay iyong anak.»

«Mananatili akong kasama siya nang may ganyang damdamin... kahit na kung ang isipin niya ay ang pinaka kabaligtaran... Naiintindihan Ninyo ako...»

«Oo, at pinagpapala kita. At sasabihin ko sa iyo na tama ka sa pagsabi na ang mga perigrinasyon sa Aking mga lugar ay magiging isang pangangailangan kapag Ako ay wala na sa pagitan ninyo... isang pangangailangan upang paginhawahan ang inyong mga espiritu. Pansamantala nakakatulong lamang sila sa mga mithiin ng iyong Jesus. At naintindihan mo ang isa sa Aking mga mithiin, sapagkat sinasakripisyo mo ang iyong sarili upang maprotektahan ang isang walang-kahinahunan na espiritu...»

Ang mga apostol ay nagkakatinginan... at ang mga babaeng disipulo ay ganito rin ang ginagawa. Si Maria lamang ang ganap na natatakpan ng Kanyang belo at hindi itinataas ang Kanyang ulo upang tingnan ang sinuman. At si Maria ng Magdala, tumatayong tuwid katulad ng isang reyna na naghuhukom, ay hindi kailanman inalisan ng tingin si Judas, na umiikot sa mga nagtitinda, at ang kanyang mga mata ay nagbabaga sa galit habang ang kanyang nakasarang mga labì ay nagsasaad ng panlalaban, Ang kanyang hitsura ay nagsasabi ng mas marami kaysa sa kanyang mga salita...

Si Judas ay bumalik. Binibigay niya sa kanyang mga kasamahan ang kanyang pinamili. Inaayos niya ang kanyang manta na kanyang ginamit upang madala ang kanyang pinamili, at inaabot niya kay Jesus ang lukbutan.

Si Jesus ay tinanggihan ang lukbutan sa pamamagitan ng Kanyang kamay: «Hindi na iyan kinakailangan. Si Maria ay kasama pa namin para sa mga limos.  Ikaw ay kailangan na gawin mo ang kinakailangan upang maging mapagkawanggawa dito. Maraming mga pulubi ang bumababa mula sa lahat ng mga lugar sa mga araw na ito at pumupunta sa Herusalem. Bigyan sila ng limos nang walang masamang mga palagay, may karidad, tinatandaan sa isip, magpatungkol sa Diyos, na tayong lahat ay mga pulubing nanghihingi ng Kanyang awa at ng Kanyang tinapay... Paalam. Paalam, Eliza. Kapayapaan sa inyo.» At tumalikod Siya nang mabilis at nagsimulang maglakad nang mabilis sa daan na malapit sa Kanya nang hindi binibigyan si Judas na panahon na makapagpaalam sa Kanya...

Sinusundan nila Siya sa katahimikan. Lumabas sila sa bayan binabaling ang kanilang mga hakbang pagawing hilagang-silangan patungo sa magandang kabukiran...

170512

 


Sunod na kabanata