572. Sa Enon. Ang Bata-pang Pastol na si Benjamin.

Marso 4, 1947.

Ang Enon, sandakot na mga kabahayan, ay nasa mas malayo patungong hilaga. Ang lugar kung saan si Juan Bautista ay namalagi ay naririto: isang gruta sa pagitan ng mayabong na mga tanim. Hindi malayo ilang mga tubig-bukal ang lumalagukgok pumoporma ng isang agos na mayaman sa mga tubig na dumadaloy patungo sa Jordan. Si Jesus ay nakaupo sa labas ng gruta, kung saan Siya naroon noon nang Siya ay nagpaalam sa Kanyang pinsan. Siya ay nag-iisa. Ang pagsikat ng araw ay kinukulayan ang silangan ng isang rosas na kulay at ang mga kakahuyan ay nagigising na muli kasama ang sumisiyap na mga ibon. Ang mga paghuni ng mga tupa ay maririnig nanggagaling sa mga kulungan sa Enon. Ang paghuni ay sumisira sa tahimik na ere.

Pagkatapos ang mga bagsak ng mga paa ay narinig sa daan at ang isang kawan ng mga kambing ay dumaraan pinamumunuan ng isang binata na tumitigil nang sandali, nang nagdududa, upang tingnan si Jesus. Pagkatapos siya ay umalis. Ngunit pagkaraan lamang ng kaunti siya ay bumalik sapagkat ang isang batang kambing ay tumigil doon, upang tingnan ang Tao Na hindi siya sanay na makita roon at nag-aabot sa kanya sa pamamagitan ng Kanyang mahabang kamay ng isang tangkay ng marjoram at naghahaplos sa kanyang matalinong ulo. Ang binatang pastol ay nananatiling hindi alam ang kanyang gagawin. Siya ay hindi makapagpasya kung kukunin niya ang hayop o pababayaan niya si Jesus na haplusin ang hayop ngumingiti, na tila Siya ay nasisiyahan na ang hayop ay lumapit nang hindi natatakot upang maupo sa Kanyang paanan, pinapatong ang kanyang ulo sa Kanyang mga tuhod. Ang iba pang kambing ay bumalik din nanginginain sa damuhan na may nakakalat na maliliit na bulaklak.

Ang bata-pang pastol ay nagtanong: «Gusto ba ninyo ng ilang gatas? Hindi ko pa napapagasta ang dalawang nag-aalinlangan na mga kambing na nanunuwag sa sinuman na pumisil sa mga utong nila kung sila ay hindi busog-na-busog. Katulad-na-katulad ng nagmamay-ari sa kanila na nanghahagupit sa amin kung siya ay hindi bundat sa kita.»

«Ikaw ba ay isang katulong na pastol?»

«Ako ay isang ulila. Ako ay nag-iisa. At ako ay isang katulong. Siya ay isang kamag-anak ko sapagkat siya ay asawa ng kapatid na babae ng aking lola. At habang nabubuhay pa si Rachel... Ngunit namatay siya maraming buwan na ang nakakaraan... At hindi ako napakasaya... Isama na Ninyo ako! Sanay akong mamuhay sa wala... Paglilingkuran ko Kayo... ang isang maliit na piraso ng tinapay ay sapat nang ibayad sa akin. Kahit dito wala akong nakukuha kahit ano... Kung ako ay bayaran niya, aalis ko. n=Ngunit sinasabi niya: “Ito ba ay pera mo? Ngunit tinatago ko ito sapagkat dinadamitan kita at pinapakain kita”. Dinadamitan niya ako!... Kita Ninyo? Pinapakain niya ako!... Tingnan Ninyo ako... At ito ay mga hampas... Ito ang tinapay na nakuha ko kahapon...» At pinapakita niya ang mga pasâ sa kanyang napakapayat na mga kamay at mga balikat.

«Ano ang nagawa mo?»

«Wala. Ang Inyong mga kasamahan, ang ibig kong sabihin ang mga disipulo, ay nagsasalita ng tungkol sa Kaharian ng Langit, at ako ay nakikinig sa kanila... Iyon ay isang Sabbath. Kahit na kung ako ay hindi nagtatrabaho, hindi ako walang ginagawa kahit na kung noon ay Sabbath... Pinalo niya ako nang husto, na... ayaw ko na muling makasama siya. Kunin Ninyo ako. O ako ay lalayas... Pumunta ako rito nang sadya ngayong umaga. Natatakot akong magsalita. Ngunit Kayo ay mabuti at ako ay nagsasalita.»

«At papaano ang kawan? Tiyak na ikaw ay hindi aalis na kasama iyan...»

«... Ibabalik ko iyan sa kulungan... Bago magtagal ang lalaking iyon ay pupunta sa gubat upang magputol ng kahoy... Ibabalik ko ang kawan at pagkatapos lalayas ako. O! kunin Ninyo ako!»

«Ngunit kilala mo ba kung sino Ako?»

«Kayo ang Kristo! Ang Hari ng Kaharian ng Langit. Ang sumusunod sa Inyo ay pagpapalain sa kabilang buhay. Hindi ako kailanman nagkaroon ng kahit anong kaluguran dito... ngunit, huwag Ninyo akong tanggihan... na magkaroon sana ako nito doon...» sinasabi niya umiiyak sa paanan ni Jesus malapit sa batang kambing.

«Papaano nangyari na kilalang-kilala mo Ako? Ako ba ay napakinggan mo man lamang na nagsalita?»

«Hindi. Mula kahapon alam ko na Kayo ay naririto, kung saan  naroroon si Juan Bautista noon.  Ngunit ang Inyong mga disipulo ay madalas dumaan dito paminsan-minsan nanggagaling sa Enon. Napakinggan ko sila, Ang kanilang mga pangalan ay Matthias, Juan, Simeon, at sila ay madalas naririto noon sapagkat si Juan Bautista ay ang kanilang guro, bago Kayo. At pagkatapos si Isaac... Kay Isaac natagpuan ko ang aking ama at ina. Nagustuhan ni Isaac na kunin ako mula sa aking panginoon at binigyan niya siya ng pera. Ngunit siya!... Kinuha niya ang pera, ngunit hindi ako pinaalis at tinuya niya ang Inyong disipulo.»

«Marami kang nalalaman na mga bagay. Ngunit nalalaman mo ba kung saan Ako papunta?»

«Sa Herusalem. Ngunit hindi nakikita sa aking mukha na ako ay nanggaling sa Enon.»

«Mas malayo pa diyan ang pupuntahan Ko. Malapit na Akong umalis. Hindi kita maisasama.»

«Isama Ninyo ako para sa kaunting panahon na magagawa Ninyo.»

«At pagkatapos?»

«At pagkatapos... ako ay iiyak, ngunit sasama ako sa mga disipulo ni Juan na siyang unang nagsabi sa isang kaawa-awang bata na ang lugod na hindi naibibigay ng mga tao sa Lupa, ay ibinigay ng Diyos sa Langit sa mga may magandang kalooban. Ako, upang magkaroon nito, ay tumanggap ng napakaraming dagok at naghirap nang labis ng pagkagutom hinihingi sa Diyos na bigyan ako ng kapayapaan na iyan. Nakikita Ninyo na nagkaroon ako ng mabuting kalooban... Ngunit kung tatanggihan Ninyo ako ngayon... Hindi na ako makakaasa pa ulit...» siya ay umiiyak nang tahimik pinakikiusapan pa nang lalo si Jesus sa pamamagitan ng mga luha ng kanyang mga mata kaysa sa pamamagitan ng kanyang mga labì.

«Wala Akong pera para pantubos sa iyo. Ni hindi Ko alam kung ang iyong panginoon ay papayag dito.»

«Ngunit ang pantubos sa akin ay bayad na. Ako ay may mga saksi. Sina Eli, Levi at Jonah ay nakita at kinagalitan ang lalaki. At sila ang pinaka importanteng mga tao sa Enon, alam ba Ninyo?

«Kung iyan ang kaso... Tayo na. Tumayo ka at sumama sa Akin.»

«Saan?»

«Sa iyong panginoon.»

«Natatakot ako! Kayo ang pumunta, nang mag-isa. Siya ay nasa itaas doon, sa bundok na iyon kasama ng mga kahoy na kanyang pinuputol. Maghihintay ako rito.»

«Huwag matakot. Tingnan, ang Aking mga disipulo ay pupunta rito. Kami ay magiging napakarami laban sa kanya. Hindi ka niya masasaktan. Tumayo ka. Pupunta tayo sa Enon upang hanapin ang tatlong saksi pagkatapos pupunta tayo sa iyong panginoon. Ibigay mo sa Akin ang iyong kamay. Pagkatapos ihahabilin kita sa mga disipulong kilala mo. Ano ang pangalan mo?»

«Benjamin.»

«Mayroon Akong dalawa pang maliliit na kaibigan na ganyan ang pangalan. Magiging pangatlo ka.»

«Kaibigan? Iyan ay kalabisan! Ako ay isang katulong.»

«Ng Kataastaasang Panginoon. Ni Jesus ng Nazareth, ikaw ay isang kaibigan. Halika. Ipunin ang kawan at tayo na.»

Si Jesus ay tumayo at, habang iniipon at tinataboy ng batang pastol ang kukupad-kupad na mga kambing nang pauwi, si Jesus ay kinawayan ang mga apostol, na mga parating nasa daan nakatingin sa Kanya, na sila ay lumapit kaagad. Binilisan nila ang kanilang paglakad. Ngunit ang kawan ay ngayon lumalakad na, at si Jesus hawak ang batang pastol sa kamay ay pumunta sa kanila...

«Panginoon! Kayo ba ay naging pastol na ng mga batang kambing? Ang Samaria nga ay matatawag na ang kambing... Ngunit Kayo...»

«Ngunit Ako ay ang Mabuting Pastol at ang mga batang kambing ay ginagawa Ko ring mga kordero. Ang mga batang lalaki ay lahat kordero, at ang batang ito ay malaking kaunti lamang kaysa sa isang bata.»

«Hindi ba’t siya kung sakali ay ang batang lalaki na kinuha ng lalaking iyon kahapon nang may-kagaspangan?» tanong ni Mateo tinitingnan siya.

«Sa palagay ko siya iyon. Ikaw ba?»

«Oo, ako.»

«O! kaawa-awang bata! Ang iyong ama ay siguradong hindi ka gusto!» sabi ni Pedro.

«Aking panginoon. Wala akong ibang ama bagkus ang Diyos.»

«Oo. Ang mga disipulo ni Juan ay tinuruan siya ng ilang doktrina at pinaginhawahan ang kanyang puso, at sa tamang sandali ang Ama ng lahat ng mga tao ay ginawa tayong magkita-kita. Tayo ay pupunta sa Enon upang kunin ang tatlong saksi, pagkatapos pupunta tayo sa kanyang panginoon... sabi ni Jesus.

«Upang tubusin ang bata? At nasaan ang pera? Si Maria ay naipamigay na ang huling mayroon siya...» wika ni Pedro.

«Walang pangangailangan ng pera. Siya ay hindi isang alipin at ang pera ay naibigay na upang makuha siya sa kanyang panginoon. Naibigay ito ni Isaac sa dahilan na nalulungkot siya para sa bata.»

«At bakit hindi niya siya nakuha?»

«Sapagkat marami ang nanunuya sa Diyos at sa kanyang kapwa. Ayon ang Aking Ina kasama ang mga babae. Lakad at sabihin sa kanila na huwag nang lumapit pa.»

Sina Santiago ni Zebedeo at si Andres ay tumakbo nang kasing bilis ng mga gasela. Si Jesus ay nagmadali patungo sa Kanyang Ina at sa mga babaeng disipulo, at narating Niya sila nang sila ay nasabihan na at tinitingnan nila ang binata nang naaawa.

Bumalik sila nang mabilis pagawing Enon at pinasok ang nayon. Pinangungunahan ng bata pumunta sila sa bahay ni Eli, na isang matandang lalaki na mga matang napalabo na ng edad ngunit malakas pa rin. Noong siya ay bata pa maaaring siya ay kasing lakas ng isang puno ng terebinto ng lugar na ito.

«Eli, ang Rabbi ng Nazareth ay isasama ako kung...»

«Isasama ka? Wala nang mas maganda pang magagawa Siya. Magtatapos ka sa pagiging masamâ kung mananatili ka rito. Ang isang puso ay nagiging matigas kung ang kawalang-katarungan ay napakatigas. At ito ay napakatigas. Natagpuan mo ba Siya? Kung gayon ang Kataastaasan ay nakita ang iyong mga luha, kahit na kung ang mga ito ay mga luha ng isang Samaritanong bata. Masaya ka kung gayon, katulad na, dahil sa iyong edad, ikaw ay malaya sa lahat ng mga tanikala at masusundan mo ang Katotohanan, nang walang kahit anong makapagpipigil sa iyo na gawin ito, ni hindi ang kalooban ng isang ama o ina. Kung gayon kung ano ang tila isang kaparusahan nang maraming mga taon ay ngayon lumalabas na niloob ng Diyos. Ang Diyos ay mabuti. Ngunit ano ang gusto mo sa akin ngayon na pumunta ka rito? Ang aking pagpapalà? Binibigay ko ito sa iyo bilang ang Nakatatanda ng lugar.»

«Gusto ko ang inyong pagpapalà, sapagkat kayo ay mabuti. Pagkatapos pumunta rin ako rito sapagkat kayo kasama si Levi at si Jonah ay kailangan na sumama, sa Rabbi, sa aking panginoon, upang siya ay hindi na humingi pa ng karagdagang pera.»

«Ngunit nasaan ang Rabbi? Ako ay matanda na at halos hindi na ako makakita, at nakikilala ko lamang ang mga taong kilalang-kilala ko. Ngunit hindi ko kilala ang Rabbi.»

«Siya ay naririto. Sa harapan ninyo.»

«Naririto? Eternal na kapangyarihan!» Ang matandang lalaki ay tumayo at yumuko kay Jesus nagsasabing: «Patawarin ang matandang tao na ang kaninong paningin ay lumabo. Binabati ko Kayo sapagkat tanging Isa lamang ang makatarungan sa Israel. At Kayo ang Isa na iyon. Tayo na. Si Levi ay nasa kanyang pangkusinang-hardin may ginagawa sa isang banyera, at si Jonah ay inaasikaso ang kanyang keso.» Ang matanda ay tumayong muli – siya ay kasing tangkad ni Jesus bagama't baluktot na gawa ng edad – at siya ay lumabas, naglalakad sa tabi ng pader, iniiwasan ang sagabal sa daan sa tulong ng isang patpat.

Si Jesus, Na bumati sa kanya ng Kanyang kapayapaan, ay tinutulungan siya nang pagkatapos ng tatlong hakbang nahihirapan nang magpatuloy ang medyo-bulag na lalaki. Bago umalis sinabihan ni Jesus ang mga babae na maghintay sa Kanya sa lugar na iyon. Si Benjamin pansamantala ay pumupunta sa kulungan ng mga kambing.

Ang matandang lalaki ay nagsabi: «Kayo ay mabuti. Ngunit si Alexander ay isang hayop. Siya ay isang lobo. Hindi ko alam kung... Ngunit ako ay sapat na may kaya upang bigyan ko Kayo ng pera para kay Benjamin, kung si Alexander ay humingi pa ng karagdagan. Ako ay halos sandaan taong gulang na at ang pera ay hindi makakatulong sa kabilang buhay. Ang isang may-kabaitan na aksiyon ng pagkatao, oo, ang may halaga...»

«Bakit hindi ninyo ito ginawa noon?»

«Huwag Ninyo akong kagalitan, Rabbi. Inasikaso kong huwag magutom ang bata at pinaginhawahan ko siya, upang hindi sana siya maging masamang bata. Si Alexander ay gayon na lamang na magagawa niya ang isang maliit na kalapati na maging mabangis. Ngunit hindi ko makuha ang bata sa kanya, at wala kahit sino ang makagawa nito. Kayo... kayo ay pupunta sa malayo. Ngunit kami... mananatili kami rito at natatakot kami sa kanyang paghihiganti. Isang araw may isang lalaki mula sa Enon ang nakialam, sapagkat bilang lasing pinapalo ni Alexander ang bata hanggang sa mamatay, at hindi ko alam kung papaano iyon nagawa ng lalaki, nagtagumpay siya sa paglason sa kawan ni Alexander.»

«Hindi ba’t iyan ay isa lamang masamang sospetsa?»

«Hindi. Naghintay siya nang ilang buwan, hanggang taglamig, nang ang mga tupa ay nasa kulungan, nilason niya ang tubig sa tangke. Sila ay uminom. Sila ay namagâ. Sila ay namatay. Kami ay lahat pastol dito, at naiintindihan namin... Upang makatiyak, ginawa nilang kainin ng isang aso ang kanilang karne at ang aso ay namatay. At may nakakita kay Alexander na nagnakaw sa isang kulungan ng isang kawan... O! siya ay isang gumagawa ng masamâ! Natatakot kami sa kanya, lagi siyang lasing sa gabi. Siya ay walang awa sa kanyang mga kamag-anak, ngayon na lahat sila ay patay na, ang bata ang pinahihirapan niya.»

«Kung gayon huwag sumama, kung...»

«O! hindi. Sasama ako. Ang katotohanan ay kailangan na masabi. Naririto na tayo. Naririnig ko ang pamukpok. Iyan ay si Levi.» At siya ay tumatawag sa isang malakas na tinig malapit sa isang halamang-bakod: «Levi! Levi!»

Isang matandang lalaki ang lumabas, ngunit hindi kasing tanda ni Eli, ang tunika niya nakataas, may isang malyete sa kanyang kamay. Binati niya si Eli at nagtanong: «Ano ang kailangan mo, aking kaibigan?»

«Ang Rabbi ng Galilee ay nasa tabi ko. Pumunta Siya upang kunin si Benjamin. Halika, sapagkat si Alexander ay nasa kakahuyan, upang magsaksi na nasa kanya na ang pera para sa bata galing sa disipulong iyan.»

«Darating ako. Lagi nilang sinasabi na ang Rabbi ay mabuti. Ngayon naniniwala ako rito. Kapayapaan sa Inyo!» Ibinaba niya ang malyete, sinisigawan niya ang kung sino na hindi ko alam na siya ay maghintay para sa kanya, at siya ay umalis kasama si Eli at si Jesus.

Sila maya-maya ay nakarating sa kulungan ng kawan ni Jonah. Tinawag nila siya at nagpaliwanag...

«Ako ay sasama. Ikaw» nagsasalita siya sa isang aprendis «ipagpatuloy mo ang gawain.» Pinatutuyo niya ang kanyang mga kamay sa isang piraso ng tela na kanyang itinapon pagkatapos sa ibabaw ng isang pasak, at sinundan si Jesus pagkatapos na mabati Siya, kasama si Levi at si Eli.

Pansamantala si Jesus ay nagsasalita sa matandang lalaki at nagsabi sa kanya: «Kayo ay isang makatarungan na tao. Ang Diyos ay bibigyan kayo ng kapayapaan.»

«Sana. Makatarungan ang Panginoon! Hindi ko kasalanan kung ako ay pinanganak sa Samaria...»

«Hindi mo iyan kasalanan. Sa kabilang buhay ay walang mga hangganan para sa makatarungan. Ang kasalanan lamang ang naglalagay ng isang harang sa pagitan ng Langit at ng Kalaliman.»

«Iyan ay totoo. Gaano ko Kayong gustong makita. Ang Inyong tinig ay malumanay, at malambot ang Inyong kamay sa pagpapasunod sa isang matandang bulag. Malambot at malakas. Ang pakiramdam nito ay ang kamay ng aking pinakamamahal na anak: si Eli, katulad ko, ang anak ng aking anak na si Jose. Kung ang Inyong aspekto ay katulad ng Inyong kamay, pinagpala ang mga nakakakita sa Inyo.»

«Mas mabuti pang mapakinggan Ako kaysa makita Ako. Nagagawa nito ang espiritu na maging mas banal.»

«Iyan ay totoo. Nakikinig ako sa mga nagsasalita tungkol sa Inyo. Ngunit bihira lamang silang dumaan... Ngunit hindi ba’t iyan ay ang ingay ng isang palakol na tumatama sa mga katawan ng kahoy?»

«Oo, iyan nga.»

«Kung gayon... si Alexander ay malapit na... Tawagin siya.»

«Oo. Manatili kayo rito. Kung magagawa Ko nang Ako lamang Mismo, hindi Ko kayo tatawagin. Huwag ninyong ipakita ang inyong mga sarili, maliban kung tawagin Ko kayo.»

«Sino ang may kailangan sa akin? Sino Ka?» sabi ng isang napakalakas na maedad na lalaki, na may napakatigas na hitsura at ng karibdiban at mga galamay ng isang mambubuno. Ang isang suntok ng mga kamay na iyon ay maaaring katulad ng isang hampas ng isang pamukpok: brutal.

«Ako ito. isang di-kilalang Tao Na nakakakilala sa iyo.  Naparito Ako upang kunin ang pag-aari Ko.»

«Pag-aari Mo? Ha! Ha! Ano ang pag-aari Mo sa loob ng kakahuyan kong ito?»

«Wala sa kakahuyan. Sa loob ng iyong bahay si Benjamin ay Akin.»

«Ikaw ay baliw! Si Benjamin ay aking katulong.»

«At iyong kamag-anak. At ikaw ang kanyang taga-utos sa galera. At ang isa sa Aking mga mensahero ay ibinigay sa iyo ang perang hiningi mo, upang makuha ang bata. At kinuha mo ang pera at itinanggi mong ibigay ang bata. Ang Aking mensahero, isang mapayapang tao, ay hindi sa iyo pumatol. Ngunit Ako ay naparito sa ngalan ng Hustisya.»

«Ang Iyong mensahero ay maaaring ininom ang pera. Wala akong nakuha na kahit ano. At pinananatili ko si Benjamin. Napapamahal ako sa kanya.»

«Hindi. kinapopootan mo siya. Napapamahal ka sa upa na hindi mo sa kanya binibigay. Huwag magsinungaling. Pinarurusahan ng Diyos ang mga sinungaling.»

«Wala akong tinanggap na kahit anong pera. Kung nakausap mo ang aking katulong, mas mabuting malaman Mo na siya ay isang magaling na sinungaling. At bibigyan ko siya na isang maganda-gandang hagupit sa paninira sa akin. Paalam!» at tinalikuran niya si Jesus at aalis na sana.

«Mag-ingat, Alexander, sapagkat ang Diyos ay naririyan. Huwag mong hamunin ang Kanyang kabutihan.»

«Ang Diyos! Kailangan bang ipagsanggalang ng Diyos ang aking mga interes? Ako lamang ang kailangan na magsanggalang sa mga ito at ginagawa ko ito.»

«Tandaan mo!»

 

«Ngunit sino Ka, Ikaw na miserableng Galilean? Anong lakas-ng-loob mo na kagalitan ako? Hindi Kita kilala.»

«Kilala mo Ako. Ako ang Rabbi ng Galilee at...»

«Ah! oo! At sa palagay Mo matatakot Mo ako? Wala akong kinatatakutan ni ang Diyos o si Beelzebub. At inaasahan mo ako na matakot sa Iyo? Matakot sa isang baliw? Layas, lumayas ka! Papagtrabahuhin Mo ako. Lakad, sinasabi ko sa Iyo.  Huwag Mo akong tingnan. Sa palagay Mo ba matatakot Mo ako ng Iyong mga mata? Ano ang gusto Mong makita?»

«Hindi ang iyong mga krimen, sapagkat alam Ko ang mga ito. Lahat nito. Pati ang walang nakakaalam. Bagkus gusto Kong makita kung ni hindi mo naiintindihan na ito ang huling oras ng awa na ipinagkakaloob sa iyo ng Diyos upang magsisi. Gusto Kong makita kung ang pangungutya ng konsiyensya ay hindi tumataas upang biyakin ang iyong batong puso, kung...»

Ang lalaki, na may palakol sa kanyang mga kamay, ay itinapon ito kay Jesus, Na yumukong mabilis. Ang palakol ay lumipad sa itaas ng Kanyang ulo at tinamaan ang isang murang puno ng holm-oak na naputol nang malinis at bumagsak na may isang malakas na lumalagaslas na ingay ng mga sanga at ng haging ng mga natakot na mga ibon.

Ang tatlong mga lalaki, na mga nagtatago hindi malayo, ay lumabas sumisigaw, natatakot na si Jesus ay baka tinamaan, at ang isa na hindi makakita ay sumisigaw: «O! ang makakita! Kung makakakita lamang ako kung Siya ay nasugatan! O Eternal na Diyos, ang aking paningin para lamang diyan!» At na hindi pinakikinggan ang pagtitiyak ng iba pa siya ay lumalapit naghahapuhap, sapagkat nawala niya ang kanyang patpat at gusto niyang mahipo si Jesus upang maramdaman kung may bahagi ng Kanyang katawan ang dumurugo, at siya ay dumadaing: «Isang sinag ng maningning na liwanag, at pagkatapos kadiliman. Ngunit ang makakita, ang makakita nang wala ang takip na ito na halos hindi ko mahulaan kung nasaan ang mga harang...»

«Walang nangyari sa Akin, ama, hipuin ninyo Ako» sabi ni Jesus hinihipo siya at ginagawa Niyang mahipo ang Sarili Niya.

Pansamantala ang dalawa pang ibang lalaki ay nagbibitaw ng mararahas na salita laban sa marahas na lalaki at nagbibintang sila ng mga kasalanan at mga kasinungalingan sa kanyang mukha, habang siya, nawalan ng kanyang palakol, ay bumunot ng isang kutsilyo at sinusugod sila upang undayan sila, minumura ang Diyos, tinutuya ang bulag na matanda, binabantaan ang iba pa, katulad-na-katulad ng isang  sumusugod na mabangis na hayop. Ngunit siya ay sumusuray, siya ay tumigil, binitiwan niya ang kutsilyo, kinukuskos niya ang kanyang mga mata, ibinubukas ito, isinasara ito, pagkatapos nagbitaw siya ng isang nakakatakot na sigaw: «Hindi na ako makakita! Tulong! Ang aking mga mata... Kadiliman... Sino ang magliligtas sa akin?»

Ang iba rin ay sumisigaw, dala ng pagkamangha. At kanila siyang tinutuya nagsasabing: «Ang Diyos ay nakinig sa iyo.» Sa katunayan kasama sa iba pang mga panunumpa sinabi rin niya: «Bulagin sana ako ng Diyos kung ako ay nagsisinungaling at kung ako ay nagkasala. At sana mabulag ko ang aking sarili kaysa sambahin ang isang baliw na Nazarene! At magpatungkol sa inyo ipaghihiganti ko ang aking sarili at hahatiin ko sa dalawa si Benjamin katulad ng punong iyon...» At pinagtatawanan nila siya nagsasabi rin: «Maipaghihiganti mo na ngayon ang iyong sarili...»

«Huwag maging katulad niya. Huwag mapoot» payo ni Jesus at hinahaplos Niya ang napakatandang mamâ na nag-aalala lang tungkol sa kaligtasan ni Jesus, Na upang mapatahimik ang kanyang kalooban ay nagsabi: «Itaas mo ang iyong mukha! Tumingin!»

At ang himala ay napangyari na. Katulad na sa banda roon, para sa brutal na lalaki, kadiliman; kung kaya't dito, para sa makatarungan na tao, liwanag. At ang isang ibang sigaw, isang masayang sigaw ay tumaas mula sa malalakas na punungkahoy: «Nakakakita ako! Ang aking mga mata! Ang liwanag! Pagpalain nawa Kayo!» At ang matandang lalaki ay tinititigan si Jesus sa pamamagitan ng kanyang mga matang nagniningning sa isang bagong buhay at pagkatapos ipinagpapatirapa ang kanyang sarili upang halikan ang Kanyang mga paa.

«Tayong dalawa ay magsasabay. Dadalhin ninyo ang kaawa-awang sawing-palad na lalaki pabalik sa Enon. At maging maawain sapagkat ang Diyos ay pinarusahan na siya. At ang Diyos ay dapat na. Gawin ang tao na maging mabait sa bawat kasawiang-palad.»

«Kunin ang bata, ang mga tupa, ang kakahuyan, ang bahay, ang pera. Ngunit ibigay Ninyo ulit sa akin ang aking paningin. Hindi ako makapananatiling ganito.»

«Hindi Ko magagawa. Iniiwan Ko sa iyo ang lahat na sa pamamagitan nila ikaw ay naging isang makasalanan. Kukunin Ko ang inosenteng bata sapagkat naipaghirap na niya ang kanyang pagkamartir. Sa kadiliman harinawang ang iyong kaluluwa ay magbukas sa Liwanag.»

Si Jesus ay nagpaalam kina Levi at Jonah at bumaba nang mabilis kasama ang matandang lalaki na tila bumalik ang lakas at isinisigaw ang kanyang kaluguran nang siya ay kaagad makarating sa unang mga bahay... Ang buong Enon ay nabulabog.

Si Jesus ay ipinipilit ang Kanyang daan sa gitna ng pulutong. Pinuntahan Niya ang bata-pang pastol na kasama ang mga apostol at nagsabi: «Halika! Tayo na, sapagkat naghihintay sila para sa atin sa Tirzah.»

«Malaya? Malaya? Kasama Kayo? O! Hindi ko ito mapaniwalaan! Magpapaalam ako kay Eli. At ang iba pa?» Ang bata ay nananabik...

Si Eli ay hinahalikan at pinagpapala siya at sinabi sa kanya: «At patawarin ang kaawa-awang sawing-palad.»

«Bakit? Patatawarin ko siya, oo. Ngunit bakit kaawa-awang sawing-palad?»

«Sapagkat sinumpa niya ang Panginoon at ang liwanag ay namatay sa kanyang mga mata. Wala na sa amin ang kailangan na matakot sa kanya. Siya ay bulag at may sakit. Gaanong nakakatakot ang kapangyarihan ng Diyos!...» Ang matanda ay tila isang inspiradong propeta, na ang kanyang mga kamay nakataas, tinitingnan ang kalangitan, pinagninilayan kung ano ang nakita niya.

Si Jesus ay nagpaalam sa kanya at ipinilit Niya ang Kanyang pagdaan sa gitna ng maliit na nagkakagulong pulutong; Siya ay umalis sinusundan ng mga apostol at ng mga babaeng disipulo; at si Benjamin ay umalis binabati ng mga babae na nagbibigay ng mga alaala sa paborito ng Panginoon: isang prutas, isang bag, ilang tinapay, isang damit, kung ano na lamang ang kanilang makita nila doon noon. At masayang katulad niya, binabati niya sila, pinasasalamatan sila at nagsasabi: «Kayo ay laging mabait sa akin! Aalalahanin ko kayo. Magdarasal ako para sa inyo. Dalhin ninyo ang inyong mga anak sa Panginoon. Maganda ang makasama Siya. Siya ang Buhay. Paalam. Paalam!...»

Ang Enon ay naiwanan sa likuran. Sila ay bumaba patungong Jordan, patungo sa kapatagan sa lambak ng Jordan, patungo sa mga bagong pangyayari na hindi pa nalalaman...

Ngunit ang binata ay hindi tumatalikod upang tumingin sa likuran. Hindi siya gumagawa ng komentaryo. Hindi siya nag-iisip. Hindi siya nagbubuntung-hininga. Siya ay ngumingiti. Tinitingnan niya si Jesus, doon, sa unahan nilang lahat, ang totoong Pastol sinusundan ng Kanyang kawan, kung saan siya rin, ang kaawa-awang bata, ay bahagi... at siya ay nagsimulang umawit nang bigla na lamang sa isang malakas na tinig...

Ang mga apostol ay ngumiti nagsasabing: «Ang bata ay masaya.»

Ang mga babae ay ngumiti nagsasabing: «Ang ikinulong na ibon ay muling nakatagpo ng kalayaan at isang pugad.»

Si Jesus ay ngumiti, tumatalikod upang tingnan siya, at ang Kanyang ngiti, katulad ng dati, ay tila pinaliliwanag ang lahat at tinawag Niya ang bata nagsasabing:

«Halika rito, maliit na kordero ng Diyos. Gusto Kong turuan kita ng isang magandang awit.» At sinasahimig Niya, sinusundan ng iba pa, ang salmo: «Ang Panginoon ay ang aking Pastol. Hindi ako nagkukulang ng kahit ano. Nilagay Niya ako kung saan may masasaganang pastulan» at patuloy pa. Ang magandang tinig ni Jesus ay kumakalat sa matabang kabukiran, nahihigitan nito ang lahat na iba pa, kahit na ang pinakamagaganda, napaka makapangyarihan nito sa lugod nito.

«Ang Iyong Anak ay masaya, Maria» sabi ni Maria ni Alfeo.

«Oo, Siya ay masaya. Mayroon pa Siyang isang malugod...»

«Walang paglalakbay ang wala ng bunga nito. Siya ay dumaraan nagkakalat ng mga grasya at laging may isang totoong nakakatagpo sa Tagapagligtas. Naaalaala ba ninyo ang gabing iyon sa Bethlehem ng Galilee?» tanong ni Maria ng Magdala.

«Oo, ngunit ayaw Kong maalaala ang mga ketongin na iyon at ang bulag na lalaking ito.. ay»

«Lagi Kayong nagpapatawad. Kayo ay napakabuti! Ngunit ang hustisya din ay kinakailangan» wika ni Maria Salome.

«Iyan ay kinakailangan. Ngunit masuwerte na lang tayo na ang awa ay mas malaki» sabing muli ni Maria ng Magdala.

«Masasabi mo iyan. Ngunit Maria...» tugon ni Johanna.

«Si Maria ay walang ibang gusto bagkus kapatawaran, kahit na kung Siya ay walang pangangailangan ng kapatawaran. Tama ba iyon, Maria?» tanong ni Susanna.

«Wala Akong ibang gusto bagkus kapatawaran. Oo. Iyan lamang. Ang maging masama ay maaaring isang nakakatakot na paghihirap mismo...» Siya ay nagbubuntung-hininga sa pagsasabi nang ganito.

«Patatawarin ba Ninyo ang lahat, ang lahat talaga? Ngunit makatarungan bang gawin ang ganyan? May mga taong matitigas ang ulo sa kasamaan at sinasayang ang lahat na kapatawaran sa panunuya dito bilang kahinaan» sabi ni Martha.

«Kailangan Kong magpatawad. Sa ganang Akin kailangan Kong magpatawad. Hindi dala ng katangahan. Bagkus dahil nakikita Ko ang bawat kaluluwa na humigi’t kumulang ay isang mabuting sanggol. Bilang isang anak... Ang isang ina ay laging nagpapatawad... kahit na kung sinasabi niya: “Ang hustisya ay humihingi ng isang makatarungan na kaparusahan”. O! kung ang isang ina ay maaaring mamatay upang makagawa ng isang bagong mabuting puso para sa kanyang masamang anak, sa palagay ba ninyo hindi niya ito gagawin? Ngunit ito ay hindi posible. May mga puso na tinatanggihan ang lahat na tulong... At sa palagay Ko ang awa ay kailangan na patawarin din sila. Sapagkat ang bigat sa kanilang mga puso ay isa nang napakabigat na dalahin: ang kanilang mga kasalanan, ang kahigpitan ng Diyos... O! patawarin natin ang mga nagkakasalang mga tao... At patatawarin alang-alang sa Diyos na ang ating absulutong pagpapatawad ay tanggapin sana upang mapaliit ang kanilang pagkakautang...»

«Ngunit bakit lagi Kang umiiyak, Maria? Kahit na ngayon na ang Iyong Anak ay nagkaroon ng isang oras ng, lugod!» sabi ni Maria ni Alfeo dumadaing.

«Ang Kanyang lugod ay hindi kumpleto sapagkat ang may kagagawan ay hindi nagsisi. Si Jesus ay ganap na masaya kung nakapanunubos Siya...»

Nagtataka ako kung bakit si Nike, na hindi kailanman nagsalita, ay bigla na lamang nagsabi: «Makakasama natin muli si Judas ng Kerioth bago magtagal.»

Ang mga babae ay nagkatinginan sa isa’t isa na tila ang simpleng pangungusap ay may pambihirang ibig sabihin, na tila ang mga salita ay may tinatagong bagay na mahalaga na hindi ko alam. Ngunit walang sinuman ang tumugon. Si Jesus ay tumigil sa isang magandang taniman ng mga olibo. Lahat sila ay tumigil. Si Jesus ay pinagpapala ang pagkain, hinahati-hati ito at inaabot.

Si Benjamin ay tumitingin at inaayos ang mga binigay sa kanya: mga damit na napakahaba o napakalapad, mga sandalyas na hindi tumatama sa kanyang mga paa, mga pili na nasa mga bunot pa, ang huling mga walnut, ilang keso, isang kakaibang kulubot na mansanas, isang maliit na kutsilyo. Siya ay masaya na sa kanyang mga kayamanan. Gusto niyang ialok ang mga makakain. Linulupi niya ang mga damit nagsasabing: «Isusuot ko ang pinakamaganda sa Paskuwa.»

Si Maria ni Alfeo ay nangangako: «Sa Bethany aayusin ko ang lahat para sa iyo. Sa pansamantala pabayaan ang isang ito. Sa Tirzah ay may tubig  na maghuhugas diyan at sa mas malayo pa makakakita tayo ng sinulid na magtatahi diyan. Ang magpatungkol sa mga sandalyas... hindi ko alam kung ano ang aking gagawin.»

«Ibibigay natin iyan sa unang kaawa-awang tao na ating masasalubong at ang kaninong mga paa ay tatama sa sukat, at tayo ay bibili ng bagong pares sa Tirzah» sabi ni Maria ng Magdala nang kalmante.

«Anong pero ang gagamitin natin, kapatid?» tanong ni Martha sa kanya.

«Ah! tama iyan! Walang natira sa atin kahit isang sentimos... Ngunit si Judas ay may ilang pera... Si Benjamin ay hindi makalalayo nang ganyan. At pagkatapos, kaawa-awang bata! Ang kanyang kaluluwa ay nagkaroon ng isang malaking kaluguran, ngunit ang kanyang pantaong kalikasan ay kailangan na magkaroon ng ngiti... ang ilang mga bagay ay napapasaya nito ang mga tao.»

Si Susanna, na bata pa at maligaya, ay tumatawa nagsasabing: «Ikaw ay nagsasalita na tila nalalaman mo mula sa karanasan na ang isang bagong pares ng mga sandalyas ay ang lugod ng mga hindi kailanman nagkaroon ng ganyang pares!»

«Iyan ay totoo. Ngunit iyan ay dahil alam ko kung gaano kasarap ang isang tuyong damit kung ikaw ay basà, at ang isang bago kung ikaw ay may iisa lamang. Naaalaala ko...» At iniyuyuko niya ang kanyang ulo sa balikat ng Banal na Birhen nagsasabing: «Naaalaala ba Ninyo, Ina?» at hinahalikan Siya nang magiliw.

Si Jesus ay ibinigay ang utos upang umalis, upang makarating sa Tirzah bago gumabi: «Ang dalawang iyon, na walang nalalaman tungkol sa mga nangyari, ay mag-aalala...»

«Kami ba ay pupunta upang sabihan sila na Kayo ay parating na?» tanong ni Santiago ni Alfeo.

«Oo. Lahat kayo, maliban kina Juan at Santiago at sa Aking kapatid na si Judas. Ang Tirzah ay hindi na malayo ngayon... Kung kaya't makakalakad na kayo. Hanapin si Judas at si Eliza at maghanda ng matutuluyan para sa atin sa pansamantala, sapagkat mas mabuting tumigil para sa gabi dahil tayo ay huling-huli na at kasama natin ang mga babae... Susundan namin kayo. Maghintay para sa amin sa unang mga bahay...»

Ang walong mga apostol ay mabilis na umalis, at si Jesus ay sinusundan sila nang dahan-dahan.

200512

 


Sunod na kabanata